You are on page 1of 3

PAG-AARAL SA MGA DAHILAN NG MGA MAG-AARAL SA PAG-IWAS SA ISTRAND NA 8

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AT MATHEMATICS (STEM)

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa bahaging ito, nakapaloob ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ng akademiko at


propesyonal na p a n a n a l i k s i k n a m a yr o o n g k a u g n a ya n s a g i n a g a w a n g p a g -
a a r a l . L a yu n i n n i t o n g m a k a p a g b i g a y n g k a r a g d a g a n g k a a l a m a n s a m g a
mambabasa tungkol sa mga dahilan ng mga mag -aaral sa pag-iwas ng
istrand na STEM.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang edukasyon ay ang paghubog ng mga espesyal at pangunahing abilidad


ng isipan na nagsisilbing proseso ng pagbibigay o pagkuha ng pangkalahatang
kaisipan, paghuhubog ng kakayahang lohikal at paghahanda ng sarili sa intelekwal na aspeto
para sa pagtahak sa buhay.

Ayon kay Halpern et al. (2007), ang agwat ng tagumpay sa pagitan ng mga kalalakihan
at kababaihan sa agham, teknolohiya, inhenyeriya, at matematika (STEM) sa disiplina ng pag-
aaral sa kolehiyo at nakapagtapos ay lumiliit. Bukod pa rito, ang representasyon ng mga
kababaihan sa mga karera na may kaugnayan sa STEM, lalo na sa inhenyeriya, ay masasabing
mababa.

Batay sa artikulo ni Reyes, L.W. (2014), na pinamagatang "Motivating the Low-


Achieving Teen", sinabi na ang mga kabataan ay kinakailangang malinaw na makita ang kanilang
layunin at sila ay nangangailangan ng suporta mula sa magulang at guro sa pagpili ng istrand o
kurso sa hinaharap.

Samantala ayon kina Thomm at Bromme (2012) ang interpretasyon ng mga mag-aaral
sa pang-agham at teknolohikal na mga paksa na nauugnay sa STEM ay komplikado at hindi
lamang nangangailangan ng isang plataporma ng pang-agham na kaalaman ngunit positibong
paniniwala tungkol sa katotohanan at epekto nito sa hinaharap.

ST. JOHN THE BAPTIST CATHOLIC SCHOOL INCORPORATED


PAG-AARAL SA MGA DAHILAN NG MGA MAG-AARAL SA PAG-IWAS SA ISTRAND NA
9
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AT MATHEMATICS (STEM)

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Young et al. (2011) mas mababa ang marka ng mga mag-aaral sa
istrand na STEM sa paksang siyensiya at sipnayan kumpara sa mga resulta ng nakukuhang grado
ng mga mag-aaral noong ika-9 at ika-10 baitang.

Naibahagi din nina Lent, Brown at Hackett (2000) na ang paniniwala na maaari mong
gawin ang mga bagay na kailangan upang magtagumpay sa istrand na STEM ay dapat ang
pagpili ditto ay nababatay sa sariling kakayahan upang maging positibo ang mga inaasahang
kalalabasan.

Isa sa mga pag-aaral ni Fiske (2000), inilahad niya na karamihan sa mga mag-aaral sa
papaunlad na mga bansa ay may mababang antas ng pagganap o performance sa pandaigdigan o
nasyonal man na batayan. Ito ay batay na rin sa mga ebidensiyang nailahad mula sa isang
pananaliksik. Nabibilang ang kwalipikasyon ng mga guro sa mga pampaaralang salik na
nakaaapekto sa antas ng paggawa o achievement ng mga mag-aaral. Ang lahat ng
katangian ng mga g u r o s a k w a l i p i k a s y o n , k a r a n a s a n , a t k a k a y a h a n a y
m a y k r i t i k a l n a p a g g a n a p s a paghubog ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto
sapagkat ang interaksyon sa pagitan ng m a g - a a r a l a t g u r o a y a n g p a n g u n a h i n g
p a r a a n n a n g p a g p a s a o p a g h a t i d n g k a a l a m a n a t kasanayan.

Ang konklusyon ng panananaliksik na ito ay ang pagpili ng kurso na naaayon sa iyong


interes at hindi nakabase sa mga kuro-kuro na iyong naririnig o sa mga taong nakapalibot sayo.
Sapagkat, ikaw mismo ang haharap sa mga suliraning ito, na makaaapekto sa mga resulta ng
iyong mga marka sa hinaharap. Ang pagpili ng kurso na hindi mo nais ay hindi maisasagawa ng
matagumpay, kung hindi ay pagkalito, pagsisisi, at kamalian.

ST. JOHN THE BAPTIST CATHOLIC SCHOOL INCORPORATED


PAG-AARAL SA MGA DAHILAN NG MGA MAG-AARAL SA PAG-IWAS SA ISTRAND NA 10
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AT MATHEMATICS (STEM)

Mga Sanggunian ng Kabanata II

Duque, S. (2018) KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Retrieved from
https://www.academia.edu/31575690/KABANATA_II_MGA_KAUGNAY_NA_LITERATUR
A_AT_PAG-AARAL

Beier, M., Rittmayer, A., at M.A. Rice University (2008) Retrieved from
https://www.engr.psu.edu/awe/misc/ARPs/ARP_SelfConcept_Overview_122208.pdf

Alico, J. (2017) Retrieved from


https://www.researchgate.net/publication/320830434_Reading_Performance_of_Science_Techn
ology_Engineering_and_Mathematics_STEM_Students_Comparing_STEM_Related_and_STE
M-Unrelated_Texts

Hebrew, M.C. (2017) Retrieved from https://www.scribd.com/document/358580650/Thesis

ST. JOHN THE BAPTIST CATHOLIC SCHOOL INCORPORATED

You might also like