You are on page 1of 10

“Salik na nakakaapekto

sa Akadamikong
Performans ng mga
mag-aaral ng 11
STEM”

Pangalan ng mga miyembro:

REINARE D. GUEVARRA MARK JOSEP BACSA

VERONICA ANDULAN
KABANATA I

I. INTRODUKSYON
Ang "akademikong performans" ay tumutukoy sa kabuuang pagganap ng isang mag-aaral sa
larangan ng akademiko, partikular sa mga asignatura na bahagi ng kurikulum ng 11 STEM. Ito
ay nagsasama ng iba't ibang mga aspeto tulad ng mga marka sa mga pagsusulit, gawaing
pangklase, mga proyekto, at iba pang mga aktibidad na nagsasalamin sa kakayahan, kaalaman, at
kasanayan ng isang mag-aaral sa mga kritikal na konsepto at mga kakayahan sa larangan ng
STEM.

Ayon kay Juan Carlos Reyes isang mananaliksik, ang akademikong performans ay isang
batayan ng tagumpay sa pag-aaral. Ito ay nagpapakita ng antas ng pag-unawa at pag-aangkop ng
isang mag-aaral sa mga konsepto, prinsipyo, at aplikasyon na kailangan sa larangan ng STEM.
Ang mataas na antas ng akademikong performans ay nagpapahiwatig ng malalim na
pagkaunawa, kahusayan sa pagsasaalang-alang ng mga komplikadong kahihinatnan, at
kakayahan sa pagsasaayos at paggamit ng mga kasanayan sa iba't ibang konteksto ng pag-aaral.

Ang akademikong performans ay nagdudulot ng maraming positibong epekto sa mga mag-


aaral. Ayon sa pag-aaral ni Haugan (2017), ang mataas na antas ng akademikong tagumpay ay
nagpapakita ng mas mataas na antas ng self-esteem at self-confidence sa mga mag-aaral. Ang
pagkamit ng mga magandang marka at pagkilala sa kanilang kahusayan ay nagbibigay sa kanila
ng kumpiyansa at pagpapahalaga sa kanilang sarili. Bukod pa rito, ang akademikong tagumpay
ay nagbubukas ng maraming oportunidad para sa mga mag-aaral.

Ang paghina ng akademikong performances ng mga mag-aaral sa 11 STEM ay maaaring


maipaliwanag ng iba't ibang salik. Una, maaaring maging epekto ito ng mababang antas ng
motivation sa pag-aaral. Kapag ang mga mag-aaral ay nawalan ng interes o hindi nakakakita ng
kahalagahan ng kanilang pag-aaral, maaaring hindi nila ibigay ang kanilang best effort sa
kanilang mga gawain. Pangalawa, maaaring maging dahilan ang sobrang pagkabahala o stress ng
mga mag-aaral. Ang labis na presyon na nararanasan sa mga klase at pagsusumikap na mag-
excel sa mga math at science na asignatura ay maaaring magdulot ng mental at emosyonal na
pagod na maaaring humantong sa pagbaba ng akademikong performances. Panghuli, maaaring
may mga kakulangan sa mga pamamaraan ng pagtuturo at mga estratehiyang ginagamit sa
pagtuturo ng mga guro na hindi nakakapagbigay ng sapat na suporta at gabay sa mga mag-aaral.
Upang malunasan ang problemang ito, mahalagang bigyan ng pansin ang pagpapalakas ng
motivation sa pag-aaral, magkaroon ng tamang suporta at pagtutok sa kalusugan at kapakanan ng
mga mag-aaral, at magkaroon ng maayos na ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga guro,
mag-aaral, at mga magulang upang mapabuti ang akademikong performances ng mga mag-aaral
sa 11 STEM.

II. PAGLALAHAD NG LAYUNIN


Layunin ng pananaliksik na ito ang sumusunod:

-layunin na malaman ang "Salik na nakakaapekto sa Akademikong Performans ng mga mag


aaral ng 11 STEM"
-layunin na matutunan ang mga "Salik na nakakaapekto sa Akademikong Performans ng mga
mag aaral ng 11 STEM"

-layunin na malaman ang ibat ibang klase na nakakaapekto sa akademikong Performans ng mga
mag-aaral sa 11 STEM

III. PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Ang sinasabing pag-aaral na may titulong "Salik na nakakaapekto sa Akademikong Performans
ng mga mag aaral ng 11 STEM" ay naglalayong suriin ang kongkretong nakakaapekto sa
Akademikong Performans ng mga mag-aaral.

1.Ano ang profayl ng mga respondanteng mag-aaral batay sa:

1.1 Kasarian
1.2 Edad
1.3performans sa pag-aaral sa STEM
1.4Nakakaapekto sa Performans ng mag-aaral

2.Ano ang antas na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataan batay sa:

1.1 Performans
1.2 Aktibidad
1.3 Pag-aaral

3. May kaugnayan ang Performans ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral?

4. May mahalaga bang maiitulong ang page talakay ng mga "Salik na nakakaapekto sa
Akademikong Performans ng mga mag aaral ng 11 STEM"?

5.Ano ang Dahilan ng pananaliksik sa "Salik na nakakaapekto sa Akademikong Performans ng


mga mag aaral ng 11 STEM"?

IV. KAHALAGAHAN NG PAGAARAL


Ang pag-aaral na ito ay may paksang "Salik na nakakaapekto sa Akademikong Performans
ng mga mag aaral ng 11 STEM" ay lubhang makakatulong sa mga sumusunod:

Mag-Aaral
-makakaluong ito sa mag-aaral upang malaman at mabigyan ng lutas ang mga problemang
nagatibo na nakakaapekto sa akademikong Performans ng mga kabataan, upang mas gumanda
ang marka at matuto ng ayos

Mga Guro
-makakaluong sa mga guro marahil ay sa pamamagitan nito mas mapagtutuunan ang mga
kailangan at dapat maibigay sa mga estudyante o mga mag-aaral

Paaralan
-makakatulong ito sa paaralan marahil ay sa pamamagitan ng pag-aalam ng mga nakakaapekto sa
Performans ng mga kabataan o estudyante ay mas mabibigyang pansin ang kanilang mga
kakayahan at limitasyon sa pagaaral sa paaralan na maaring makatulong dito

Sa mga mananaliksik sa hinaharap


-makakatuong ito sa mga mananaliksik sa hinaharap marahil ay makakakuha agad sila ng guide
na makakatulong para mas madaliaan ang kanilang pananaliksik ng topic tungkol ditto

V. SAKLAW NA LIMITASYON
Sakop ng pag aaral na ito ang isang seksyon na mahigit 52 mag aaral sa paaralang Canubing
National High School. Ang kanilang akademikong performans sa ikatlong markahan sa
asignaturang Filipino taong 2022-2023 ang ginamit sa pag aaral na ito.

Nilimitahan ang pag aaral na ito sa mga mag aaral lamang sa 11 STEM na antas ng paaralang
Canubing National High School.

Ang pag sagot sa mga sarbey-kwestyoneyr ay nakasalalay lamang sa katapatan ng mga mag
aaral.

VI. BALANGKAS TEORETIKAL


May ibat ibang tyorya ng Salik na nakakaapekto sa Akademikong Performans ng mga mag
aaral ng 11 STEM at kaugnay nito ang ibat ibang Salik na mga saligan na naging Performans ng
mga mananaliksik, Narito ang Ilan:

Ayon pa kay Womble (2003), kakayahang pang-akademiko, pagiging epektibo sa sarili,


pagganyak, saloobin at pag-uugali ng mag-aaral, pamamahalasa oras at pakikipag- ugnay sa mga
aktibidad sa klase ay ilan sa mganakakaapekto sa pagganap ng isang indibidwal. Sinasabi ni
Kleijin et al., (1994) nag kakayahang pang-akademiko ay ang sugnay sa kakayahan ng mga mag-
aaral na pamahalaan ang kanilang pag-aral na may mas mahusay na pagganap sa akademiko.

Upang mabigyang linaw ang nagdudulot ng suliranin sa pag-unawa at ang ugnayan nito sa
akademikong perpormans ng bawat mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay
pagtutuunan ng pansin ang mga salik na nakaaapekto hinggil sa kanilang pag- unawang
pampanitikan ng mga mag-aaral at ang ugnayan nito sa kanilang akademikongperpormans sa
asignaturang Filipino upang magsilbing batayan sa pagbuo ng isang panibagong interbensyon
ukol dito. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng mga mungkahi na
makatutulong upang malutas ang nabanggit na suliranin na itinuturing na balakid sa ganap na
pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ayon sa pahayag nina Diaz &; Cartnal, (1999), ang istilo ng pag-aaral ay isang“unique”na
natatanging kagustuhan sa pag-aaral at ito ay nakakatulong samga guro upang mas
makapagplano ng panuto nang mas maayos. Madaming maaring nauugnay sa istilo ng pag-aaral
at isang halimba nito ay ang apekto sa akademikong pagganap at gender.

Ayon kay Demirbas, (2007), ang mga design students na may parehong istilo ng pag-aaral ay
mas nagugrupo ng magkakasama ngunit wala naman halos diperensya ang resulta kapag tinignan
sa gender na pananaw. Gayunpaman dapat bigyan pansin ang istilo ng pag-aaral dahil maari ito
ang makapagbigay daan sa mas magandang kalidad ng edukasyon.

VII. BALANGKAS KONSEPTWAL


Input

Profayl ng mga respondenteng mag-aaral batay sa:


1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Oras na inilaan para sa pag-aaral sa bahay
1.4 Bilang ng extracurricular activities na isinasagawa ng mga mag-aaral
1.5 Access sa mga learning materials at teknolohiya (e.g., laptop, internet connection)

■Ano ang mga eksternal na salik na maaaring makaapekto sa akademikong performans ng


mga mag-aaral sa 11 STEM, tulad ng kalidad ng pagtuturo, mga pasilidad, at iba pang suportang
ibinibigay ng paaralan?

■Ano ang mga potensyal na implikasyon ng mga salik na ito sa akademikong performans ng
mga mag-aaral sa 11 STEM?

Proseso.

●Humingi ng pahintulot sa punong guro para sa gagawing pagsagot ng talatanungan


●Paggawa at pagsasagot ng sarbey
●Pag-aaral sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakuhang datos at impormasyon
●Paggawa ng talahanayan at grapikong presentasyon sa mga resulta ng mga talatanungan

Output

Pagkakaroon ng kaalaman sa mga salik na nakakaapekto sa Akademikong Performans ng


mga mag aaral sa 11 STEM

VIII. DEPINISYON NG MGA TEMINOLOHIYA


Konseptwal: salik ay isang pangunahing elemento o kadahilanan na may malaking papel o
impluwensiya sa isang partikular na sitwasyon, sistema, o konteksto.
Operasyonal: kagamitan sa pag-aaral, kakayahan sa pagsasagawa ng mga eksperimento, at
pagkakaroon ng malasakit sa pagaaral, na direktang nakaaapekto sa mga marka at tagumpay ng
mga mag-aaral sa nasabing kurso.

Perpormans

Konseptwal: pagtatangkang sukatin at maunawaan ang kakayahan, kahusayan, at pagganap ng


isang indibidwal o grupo sa pagtupad ng mga gawain o responsibilidad na nauugnay sa kanilang
tungkulin o layunin.
Operasyonal: kabuuan ng mga marka at tagumpay ng isang mag-aaral sa kanilang mga
pagsusulit, proyekto, at iba pang akademikong gawain na ibinabatay sa nakahandang kriterya at
pamantayan ng pagtatasa sa larangan ng agham, teknolohiya, inhinyeriya, at matematika para sa
mga mag-aaral ng Grade 11 na pumipili sa STEM track.

Akademiko

Konseptwal: tumutukoy sa mga gawain, kaalaman, at pagsasaliksik na nauugnay sa larangan ng


edukasyon at pag-aaral sa isang institusyon ng pagtuturo.
Operasyonal: tumutukoy sa mga aspeto at kondisyon na direktang nakakaapekto sa mga mag-
aaral ng 11 STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics) at nagdudulot ng
epekto sa kanilang akademikong pagganap.

Epekto

Konseptwal: resulta o bunga ng isang pangyayari, aksyon, o kondisyon na nagdudulot ng


pagbabago, impluwensiya, o pagkakaroon ng iba't ibang kahihinatnan. Ito ay ang epekto o resulta
na nangyayari bilang tugon sa isang sanhi.
Operasyonal: pagtukoy at paglalarawan ng mga salik na nagdudulot ng mga positibo o
negatibong impluwensya sa pagtamo ng mataas o mababang antas ng pagganap ng mga mag-
aaral ng 11 STEM sa kanilang akademikong larangan.
KABANATA II
Kaugnay na literatura at pag aaral

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura at pag aaral ng pananaliksik
tungkol sa paksang binigyang pansin upang higit na maging malinaw at mabisa ang tutunguhin
ng kasalukuyang pag-aaral.

A. Kaugnay na literatura (Banyaga)


Ayon kina Johnson, et al. (2018), natuklasan ng mga mananaliksik ang mga salik na
nagtatakda sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa STEM. Nakuha nilang suriin ang
impluwensya ng mga salik tulad ng pag-aaral ng oras, kapasidad sa matematika at agham,
suporta ng mga magulang, at kahandaan sa paaralan.

Ayon naman kila Lee, et al. (2019). Ang kanilang pag aaral ay sumuri sa Iba't ibang pag aaral
tungkol sa epekto ng motibasyon sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa STEM.
Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mataas na antas ng motibasyon ay may kaugnayan sa
mas mataas na akademikong tagumpay.

Bilang karagdagan, ang suporta ng mga magulang ayon sa pag aaral din nila Johnson et al.
(2018) ay isa pang mahalagang salik, kung saan ang mga mag-aaral na tinutulungan at
hinahamon ng kanilang mga magulang na maabot ang kanilang potensyal sa STEM ay mas
malamang na magkaroon ng mas mataas na akademikong tagumpay. Bukod dito, ang kahandaan
sa paaralan, na kinabibilangan ng pagkakaroon ng sapat na mga pasilidad at pagkakataon para sa
pag-aaral ng STEM, ay naglalaro rin ng mahalagang papel sa pagpapabuti ng akademikong
pagganap.

B.Kaugnayang literature (lokal)


Ayon kay Ellan Langer et.al (n.d.), kabilang sa mga salik na nakakaapektosa kakayahang
umunlad ng isang indibidwal sa klase ay ang emosyonal nanararamdam. Mas nakakapag-isip ng
maayos ang isang indibidwal kung walang bumabagabag sa kanya. Ang pag-aaral na ito ay
sinuportahan nina Tetlock,Skitika at Boettger (n.d.), mas napapadali at gumagana ang utak sa
mga gawaingginagamitan ng pag-iisip kung ang taong nakapaligid sa isang indibidwal ay
nakapagbibigay ng mabuting impluwensya at may positibong pananaw na maarinitong
mapaghugutan ng inspirasyon. Sinasabi sa mga pag-aaral na ito na isa sa mga salik nakakaapekto
sa mababang lebel ng performans ay ang emosyonal naaspeto ng isang mag-aaral. Nakakaapekto
sa pag-aaral ang impluwensya ng mga taong nakapaligid saisang indibidwal sapagkat may iba`t
ibang aspeto o gawaing nakakakuha ngatensyon nito. Nalilipat ang atensyon ng isang indibidwal
sa gawain o bagay naito na nagiging sanhi ng pagkawala ng interes nito sa pag-iisip na
nagreresulta ngmababang lebel ng akademikong performans ng mga mag-aaral.Ayon naman sa
artikulo ni Berbano (2014), isa sa maraming problema nakinakaharap ng mga estudyante sa
paaralan ay ang suliranin sa pagpili ng kursong kanyang kukunin. Minsan ay napipiltan lamang
kunin ng mga estudyante angkursong ito dahil sa kagustuhan ng magulang o kaya naman
aynaiimpluwensyahan ng mga kaibigan. Ito ay nagdudulot naman sa ikalawang problema- ang
kawalan ng estudyante ng interes sa kanyang kurso. Ang pagpiling kurso ay napakaimportante sa
buhay ng isang taong papasok ng paaralan dahilito nag magsasaad ng landas na tatahakin
hanggang sa pagtanda (www.prezi.com).Ang interes ng isang estudyante sa pag-aaral ay dapat
na binibigyang pansin dahildito nakasalalay ang pagtagal at kadalasan ng kaniyang
performans.Ayon sa libro ni Stephans (2015), ang pangunahing dahilan ng istress samga
estudyante ay ang sobrang trabaho sa pag-aaral, presyur, mga isyu salipunan, attime management
. Ang resulta ng istress ay hind lamang sa akademikong isang estudyante kung hindi pati na rin
sa kalusugan ng estudyante.Gamit ang tamang istatistikal na pamamaraan, maari ng malaman
ang mgaresulta. Ang lumabas na resulta ay ang komunikasyon, ang kagamitan sa pag-aaral,
tamang patnubay, at stress sa pamilya ang mga salik nakakaapekto sa performans ng mga
estudyante (Mushtaq, I., 2012).
KABANATA lll

Introduksyon
Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng malawak na pangkalahatang talaan ng mga paraan at
disenyo na ginamit sa pag-aaral na ito. Ito ay sumasaklaw sa disenyo ng pananaliksik, ang
instrumento na ginamit, at ang matagumpay na pagkolekta at pagsusuri ng mga datos.

I. DISENYO NG PAG-AARAL
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng tekstong ekspositori marahil ay ito ay nagpapaliwanag
o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang pasaklaw ng kaalaman ng tao. Ito rin
ay nililinaw ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga
mambabasa na malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu.

Ayon kay Javier (2005), na binanggit ni Danao ang deskriptibong pananaliksik ay


kinapapalooban ng pagpapaliwanag pagtatala, pag-aanalisa, interpretasyon at kadalasang
sumasaklaw sa pagkukumpara at pagtutulad, pagdiskubre sa mga sanhi at bunga ng mga
kalagayang nagaganap sa mga bagay at pangyayari sa kasalukuyan.

Layunin ng pag-aaral na ito na makapangalap ng mga tamang datos o impormasyou upang


mapatunayan ang nasabing pag-aaral.

II. LUGAR NG PANANALIKSIK


Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa CNHS na matatagpuan sa Canubing I, Lungsod ng
Calapan. Mayroong 17 teaching personnel sa Senior High School, 41 teaching personnel sa
Junior High School, at 9 nonteaching personnel sa CNHS (S.Y. 2022-2023).

III. RESPONDENTE
Ang mga respondenteng ginamit para sa pag-aaral na ito ay mga piling mag-aaral sa
Baitang 12 sa ilalim ng STEM Senior High School sa Canubing National High School. Ang mga
respondente na pinili sa pag-aaral na ito ay binubuo ng 52 na mag-aaral sa STEM Senior High
School. Ang mga respondenteng ito ay maaring maging sa Baitang 12 STEM at ang mga
mananaliksik ay pumili ng mga respondente na hindi kinokonsidera ang mgasumusunod; Edad,
Strand at Kasarian. Ang mga respondente ay napili sapagka't para sa mga mananaliksik ang mga
mag-aaral na kabilang sa STEM Senior High School ang mas may kakayahan na magkapag-
bigay ng mga makatuturang sagot na makakatulong sa paggawa ng isang malinaw
nakongklusyon para su pananaliksik na ito.

IV. SAMPLING TEKNIK


Ang ginamit na paraan ng pagpili ng kalahok sa pananaliksik na ito ay Simple Random
Sampling, kung saan ang mga respondente sa napiling populasyon ay may balanseng tyansa
namapili bilang sampol. Ang mga mananaliksik ay pumili ng 30 na respondente sa Baitang 11.
Ang baitang na ito ay kabilang sa Senior High School, Kaya't minabuti ng mga mananaliksik na
balansehin ang kanilang pagkuha ng mga repondente,sa pamamagitan ng paggamit ng Random
sampling teknik sa Baitang.
V. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang talatanungan ang pangunahing instrumento na ginamit upang makakuha ng
kinakailangang mga datos. Ito ay isang sariling ginawang talatanungan na binuo ng mga
mananaliksik. Ang mga tanong na isinulat ay batay sa aming paglalahad ng mga problema
kaugnay ng mga salik na nakakaapekto sa Akademikong Performans ng mga mag aaral sa 11
STEM . Ang mga abstrakto ng mga artikulo at mga survey ng iba't ibang pag-aaral na
tumatalakay sa problemang Salik na nakakaapekto sa Akademikong Performans ng mga mag
aaral sa 11 STEM ang ginamit na batayan.

VI. PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS


Matapos ang pagsusuri ng kwestyunaryo, hahanapin ng mga mananaliksik ang pahintulot
mula sa punong-guro ng paaralan upang isagawa ang panayam. Ang panayam ang gagamiting
paraan upang kolektahin ang impormasyon. Limang respondente mula sa Grade 11 STEM ang
sasagot sa parehong hanay ng mga tanong na open-ended tungkol sa kanilang mga karanasan sa
mga salik na nakakaapekto sa kanilang akademikong pag aaral. Titiyakin ng mga mananaliksik
na lahat ng mga respondente ay nakakaintindi sa mga tanong gamit ang simpleng at malinaw na
salita.

VII. ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG DATOS


Kapag nakuha na ang mga kabuuang mga datos, gagamitin ang iba't ibang pamamaraan ng
pagsusuri ng datos, tulad ng Deskriptibong Estadistika, gamit ang mga pormula at konsepto ng
deskriptibong estadistika upang ilarawan at ibahagi ang katangian ng mga datos.

You might also like