You are on page 1of 15

1

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Mga Karanasan ng mga Mag-aaral ng Trece Martires City Senior High School sa

Ika-labing Dalawang Baitang ng Science Technology Engineering and

Mathematics (STEM) Strand sa Pagti-timbang ng Kanilang

Oras sa Work Immersion at Akademiko, taong 2020

Isang saliksik papel na ihaharap kay G. Ernie Ansing

Departamento ng Kaguruan sa Filipino

Trece Martires City Senior High School

Trece Martires City, Cavite

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan

sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Adventurado, Micko Daryl E.

Gutierrez, MIko B.

Mararac, Jerald B.

Bolante, Glydel A

Corpuz, Belinda Maxine B.

Peralta, Lovely S.

Raga, Grace Kristine S.


2

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

PAGHAHANDOG AT PASASALAMAT

Ang pananaliksik na ito ay inihahandog ng aming pangkat sa aming

mga magulang, na walang sawang sumuporta sa pinansyal na

pangangailangan upang matapos ng maayos ang pananaliksik na ito. BIlang

insperasyon, ito ay inihahandog rin namin sa mga estudyante na maaaring

matulungan ng aming pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay taos pusong nag papasalamat at kumikilala

sa mga taong tumulong at naging parte ng aming pananaliksik namin. G.

Ernie Ansing - sapagkat ang aming guro ang syang naging gabay namin sa

pagsasagawa ng pagsasaliksik maliban sa aming mga magulang at sa

walang sawang pagwa-wasto ng aming mga gawa. Siya rin ang nagbigay

samin ng ibang kaalaman sa aming pananaliksik

Sa aming respondante - nagpapaslamat kami sa kanila dahil naging

malaking tulong at bahagi ng ming pag-aaral ang nakuha naming datos

mula sa kanila.

Sa mga Awtor at Mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan namin

ng mahahalagang impormsyong aming isinulat sa pananaliksik na ito.


3

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asigturang

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksk na ito ay

pinamagatang “Mga Karanasan ng mga Mag-aaral ng Trece Martires City Senior

High School (TMCSHS), sa Ika-labing Dalawang Baitang ng Science

Technology Engineering and Mathematics (STEM) Strand sa Pagti-timbang

ng Kanilang Oras sa Work Immersion at Akademiko”. Inihanda at iniharap

ang pananalisik na ito sa mg guro sa asignaturang Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik na si G. Ernie Ansing ng mananaliksik na nagmula sa

seksyon IX-STEM Nickel sa Trece Martires City Senior HIgh School.

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik ay sinaliksik, idinaos

at inihanda ng mgaa mananaliksik sa ika-11 na baitang sa mataas na antaas

ng paaralan.

Tinanggap bilang pananaliksik sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik bilang isa sa mga pangangilangan sa nabanggit na asignatura

ni G. Ernie Ansing.
4

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL


ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay nagbi-bigay impormasyon ukol sa pagtitimbang

ng oras ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand sa

ikalabing dalawang baitang ng Trece Martires City Senior High School (TMCSHS)

sa kanilang work immersion at akademiko

Nilalayon ng pag aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na

katanungan. (1) Ano ang naging karanasan ng mga mga-aaral sa pagtitimbang ng

oras sa paglulubog ng trabaho at akademiko, (2) Ano ang mga paghi-hirap ng

kanilang naranasan sa pagtitimbang ng oras sa paglu-lubog ng trabaho at

akademiko, (3) Ano ang kanilang estratehiya o paraan nila sa pagtitimbang ng

oras sa kanilang paglu-lubog ng trabaho o work immersion at akademiko.

Ang pag aaral na ito ay ginamitan ng kwestyuner at pakikipagpanayam

sa mga kalahok sa pananaliksik , para malaman ang……..


5

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL


TALAAN NG NILALAMAN

Paghahandog at pasasalamat……………………………………2
Dahon ng pagpapatibay…………………………………………..3
Abstrak…………………………………………………………….….4
TALAAN NG NILALAMAN…………………………………….……5
Introduksyon…………………………………………………………6
A. Rasyonale
B. Paglalahad ng suliranin
C. Layunin ng pag-aaral
D. Kahalagahan ng pag-aaral
E. Saklaw at limitasyon
F. Konseptwal na balangkas
G. Depinisyon ng mga terminolohiya
Metodolohiya……………………………………………….………..13
A. Dulog ng pananaliksik
B. Disenyo ng pananaliksik
C. Paraan ng pagpili ng kalahok
D. Kalahok
E. Intrumento ng pananaliksik
F. Proseso ng pangangalap ng datos
Resulta at diskusyon …………………………………….………..11
Apendices…………………………………………………………….11
A. Talaan ng sanggunian
B. Mga liham pahintulot
C. Mga ginamit na talatanungan
D. Curriculum vitae
6

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL


INTRODUKSYON

A. PANIMULA

Isang napakahalagang bagay ang pagkakaroon ng karanasan sa trabaho

ng isang mag-aaral sa senior high school. Sa pagpasok ng programa ng k to 12

basic education curriculum, isa sa mga asignatura na kabilang dito ay work

immersion. Magiging batayan ito sa pagkakaroon ng kasanayan sa napiling

trabaho. Bukod sa pag-aaral, mahalaga ang pagkakaroon ng matalas na

kakayanan sa pag-tatrabaho, kaya isa ang Work Immersion Program (WIP) sa

mga binigyan pokus sa mga paaralan.

Ang work immersion ay naglalayon na mailapit ang isang mag-aaral sa

kanyang sa kanyang maaaring maging potensyal na trabaho na nakabase sa

kanyang kinabibilangang strand. Ang immersion ay kung saan nakakaranas ang

mga mag-aaral ng isang kurso bawat oras sa pamamagitan ng pagsali sa mga

aktibidad sa pag-aaral, (Petrowsky, 1996). Kasama sa pag-aaral ang maranasan

ang work immersion, kung saan sa pagtungtong sa ika-labindalawang baitang ay

kinakailangan maranasan ang isang aktwal na trabaho na may kaugnayan sa

kanilang napiling larangan (Deparment of Education). Ayon kina Van Scyoc at

Gleason (1993), ang programang work immersion ay ngangailangan ng 80 oras

pag-gugol sa kanilang aktwal na trabaho at maaaring paggaya lamang sa aktwal

na trabaho or ‘simulated’. Bilang isang mag-aaral na nagsasagawa ng work


7

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL


immersion at nag papanatili ng pasadong marka sa akademiko, ang pag titimbang

ng oras sa parehong bagay ay suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral.

Ang pangunahing problema ng mag-aaral ay ang paghahati ng oras sa

kanilang gawain,( Gonzaga at Yogonia, 2013).

B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay nagbi-bigay impormasyon ukol sa pagtitimbang ng

oras ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand sa

ikalabing dalawang baitang ng Trece Martires City Senior High school sa kanilang

work immersion at akademiko na nagla-layong matugunan ang mga sumusunod

na Katanungan:

1. Ano ang naging karanasan ng mga mga-aaral sa pagtitimbang ng oras sa

paglulubog ng trabaho at akademiko?

2. Ano ang mga paghi-hirap ng kanilang naranasan sa pagtitimbang ng oras

sa paglu-lubog ng trabaho at akademiko?

3. Ano ang kanilang estratehiya o paraan nila sa pagtitimbang ng oras sa

kanilang paglu-lubog ng trabaho o work immersion at akademiko?

C. LAYUNIN NG PAG-AARAL
8

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Layunin ng pananaliksik na ito na magbigay kaalaman sa patitimbang ng

oras sa pagitan ng work immersion at akademiks.(1)layunin din nito na matukoy

ang mga karanasan sa pagtitimbang ng oras sa paglulubog trabahao o work

immersion at akademiks ng mga mag- aaral ng Science Technology Engineering

and Mathematics (STEM) strand ikalabing dalawang baitang sa Trece Martires

City Senior High School. Bukod pa dito (2)matutukoy ng mga mag aaral na

makakaranas mag work immersion ang mga paghihirap na kinaharap ng mga mag

aaral sa nasabing strand at; (3) malaman ang kalakip na paraan o estratehiya

upang malagpasan ang nasabing paghihirap.

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik ito ay magsi-silbing gabay at makakatulong sa mga

sumusunod:

Estudyante - Makakakuh ng kaalaman o ideya ukol sa pagtitimbang ng oras sa

work immersion at sa akademiko. Mabubuksan ang kanilang isipan na mas

mainam na maging maayos sa pag gamit ng oras dahil hindi pwedeng mahayaan

ang performance sa akademiko at sa imersyon. Inaasahan na ang pag-aaral na ito

ay makakatulong sa mga estudyante na maging mas organisado at matuto ng

tamang pagti-timbang ng oras.


9

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Guro - Ang pag aaral na ito ay magbibigay kaalaman sa mga guro tungkol sa

kinakaharap na kanilang mga estudyante sa pag sasabay ng work immersion at

akademiko. Ito ay tulong upang magabayan ng mga guro ang kanilang estudyante

sa tama at wastong pagha-hati ng oras. Magiging isang karangalan sa isang guro

na maging isa sila sa mga tagapaggabay ng kanilang mga estudyante tungo sa

tagumpay.

Lipunan - Makakatulong ito sa lipunan dahil malaman at maaari nilang ipabatid o

ipabalita sa kanilang mga kakilala na epektibo ito at mabigyan sila ng sapat na

kaalaman kung ano ba talaga ang meron sa imersyon at kung ano nga ba talaga

ang mga hakbang na dapat gawin upang maging wasto ang paghati ng oras sa

akademiko at immersion.

Para sa mga susunod na mananaliksik - Makakatulong ito upang magkaroon pa

ng sapat na kaalaman ang mga sususnod na mga mananaliksik ng aming pag-

aaral tungkol sa pagtitimbang oras sa work immmersion at akademik. Maaari din

nila itong gawin reperensiya upang sundan at lalo pang maging epektibo ang

kanilang pananaliksik ukol sa paghahati ng oras ng mga mag-aaral ng STEM

istrand na nasa ika-12 baitang.

E. SAKLAW AT LIMITASYON
10

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang mga karanasan ng mga mag-aaral

sa

Ika-labing dalawang baitang na nag-work immersion o paglu-lubog ng trabaho

kasabay ng kanilang pag-aaral. Saklaw din ng pag-aaral na malaman kung ano

ang iba’t-ibang paraan ng pagti-timbang na ginawa ng mga estudyante patungo sa

matagumpay nilang pagtatapos.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon makakuha ng mga kalahok mula sa

mga mag-aaral ng Trece Martires City Senior High school na mayroong iba’t ibang

strand. Ang mga mananaliksik ay magkakaroon ng pakikipag-panayam sa mga

kalahok at nais makabuo ng mga mananaliksik ng 5 na kalahok sa gagawing

pakikipanayam. Ang pananaliksik na ito ay hindi sasakop sa iba pang karanasan

at iba pang kasabay na gawain sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang mga kalahok

lamang ay ang mga mag-aaral ng STEM istrand sa ika-labing dalawang baitang

sa Trece Martires City Senior High School na nararanasan o naranasan ang

nasabing work immersion. Ang pakikipanayam sa mga kalahok ay magaganap sa

taong 2020 Pebrero at inaasahang matapos ng Marso ng nasabing taon.

F. KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Ang pananaliksik na ito na may paksa tungkol sa Karanasan ng mga

magaaral sa Trece Martires City Senior High School na nasa Baiting ika-12
11

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Baitang Ukol sa Pagtitimbang ng Oras sa Akademiko at Work Immersion ay

ginamitan ng input-proceso-output model.

Inilalahad ng input frame ay propayl ng mga tagatugon tulad na lamang ng

kanilang edad, at bilang ng oras na ginagamit sa pagtitimbang ng kanilang work

immersion at akademiko. Ang process frame ay tumutukoy sa mga hakbang na

gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng isang sarbey o

pagiinterbyu,pagbabasa ng mga kaugnay na literature upang lumawak ang

kalalaman sa mga gagawing ng listahan ng ma katanungan o

kwestyuneyr,dokumentasyon ng mga nakalap na datos at pagsusuri habang ang

output frame naman ay sumasaklay sa implikasyom ng mga nakalap na datos

G. DEPINISYON NG MGA TERMINOLHIYA


12

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

Science Technology Engineering and Mathematics (STEM) - ang strand

na ito ay dinisenyo para sa mag-aaral na may layuning kumuha ng natural

na siyensya, inhenyero, arkitektura, matematika o medisina sa kolehiyo.

Work Immersion – ay bahagi ng SHS Curriculum na ipinatutupad ng Kagawaran

ng Edukasyon na may layunin na mahubog sa mga mag-aaral ang

pagpapahalaga, tamang ugali , kalinangan at kasanayan na makakatulong sa

desisyon na linangin ang propesyon o ang kahandaan sa paghahanapbuhay

pagkatapos ng pag-aaral.

Panayam - ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon tungkol sa isang paksa.

This is a method of obtaining information or details on a subject.

Reperensiya - pagtuturo sa ibang bukal ng impormasyon o karagdagang

impormasyon; marka na nagpapahiwatig nito gaya ng asterisko.

Estratihiya - isang pangmatagalang plano o balak sa kung ano ang dapat gawin

upang makamit ang isang tiyak na layunin.

Kalahok - kasama o kasali sa isang timpalak, laro, o gawaing pangkatan.


13

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

References

https://www.facebook.com/notes/philjobnetgovph/ano-nga-ba-ang-work-

immersion-progam-ng-mga-senior-high-school-students/1862598993967748/

(depinasyon ng work immersion)


14

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL


15

TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL

You might also like