You are on page 1of 24

Epekto ng paggamit ng Google Classroom ng mga Estudyante sa

Unang Taon ng Kursong Bachelor of Science in Computer


Engineering sa Kolehiyo ng Sumulong College of Arts and Sciences

Isang Pamanahong-papel na inihaeap sa Kaguruan ng Departamento ng mga Wika,


Bachelor of Computer Engineering, Kolehiyo Sumulong College of Arts and Sciences

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng


Sabjek na Filipino 2, Pagbasa at pagsulat
Tungo sa Pananaliksik

Nina:

Inns Jermie Arcilla


Jerwin A. Reyes

December, 2021
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng sabjek na Filipino 2,


Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik; ang pamanahong-papel na ito na
pinamagatang Epekto ng paggamit ng Google Classroom ng mga Estudyante na
Nasa Unang Taon ng Kursong Bachelor of Science in Computer Engineering sa
Kolehiyo ng Sumulong College of Arts and Sciences ay inihanda at iniharap ng
pangkat ng mga mananaliksik mula sa BSCOE-2nd year na binubuo nina:

Inns Jermie Arcilla Jerwin A. Reyes

Tinatanggap sa ngalan ng kagawaran ng mga Wika, Kolehiyo ng Computer


Engineering, Kolehiyo ng Sumulong College of Arts and Sciences, bilang isa sa mga
pangangailangan ng Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

G. Joemar Cornelio

Instruktor at Tagapayo
PASASALAMAT

Taos-pusong pinapasalamatan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na


indibidwal sa kanilang mahalagang tulong, kontribusyon at supporta na ibinigay kaya
matagumpay na naisagawa ang pamanahong papel na ito:

- Kay G. Jomar Cornelio, ang aming masigasig at matiyaga na instructor sa


Filipino 2, sa hindi matatawarang tiyaga sa paggabay at pagtuturo sa paggawa
ng pamanahong papel na ito,

- sa mga awtor, mga editor at mga riserter ng mga akdang pinagbasehan at


pinaghanguan ng mahahalagang impormasyon na ginamit ng mga mananaliksik.

- sa mga respondent na gumanap ng mahalagang papel upang sagutan ang


nakalaang katanungan na nakatulong ng malaki sa pagnanaliksik na ito,

- sa mga kamag-aral at mga kaibigan na nagbibigay inspirasyon at nagpapalakas


ng aming loob,

- sa aming mga pamilya na sumuporta, gumabay at tumulong sa amin kaya


matagumpay na naisagawa ang pamanahong papel na ito,

- higit sa lahat, sa Poong Maykapal, sa pagdinig n gaming mga dasal, nagbunga


ang lahat n gaming paghihirap mula sa pagsulat, pagpupuyat at pangangalap ng
mga datos. Salamat sa paggabay at pagingat sa amin lagi.

Muli, sa kaibuturan ng aming puso, maraming salamat po.

- Mga Mananaliksik

I
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Dahon ng Pagpapatibay I
Pasasalamat II
Talaan ng mga Nilalaman III
Listahan ng mga Graf IV

Kabanata I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1

1. Introduksyon 1
2. Layunin ng Pag-aaral 2
3. Kahalagahan ng Pag-aaral 3
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 4
5. Depinayon ng mga Terminolohiya 5

Kabanata II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA 6

Kabanata III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK 8

1. Disenyo ng Pananaliksik 8
2. Mga Respondente 8
3. Instrumentog Pampananaliksik 8
4. Tritment ng mga Datos 8

Kabanata IV PRESENTAYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS 9

Kabanata V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDAYON 12

1. Lagom 12
2. Konglusyon 12
3. Rekomendasyon 13

Listahan ng mga Sanggunian 14


Apendiks 16
A. Liham sa Paghingi ng Pahintulot sa Sarvey 17
B. Sarvey-Kwestyoneyr 18

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN

I
Talahanayan 1 Ang Kasarian ng mga Mag- aaral sa Unang Taon ng 9
Kursong Bachelor of Science in Computer Engineering

Talahanyan 2 Interpretasyon Kabuuang Datos na nakalap 10

Talahanayan 3 Ang Tatlong Parte na Ginamit sa Tinuos na Mean at 11


Pagbibigay ng Berbal na Interpretasyon sa Pag- aaral

I
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. Intoduksiyon

Sa panahon natin ngayon na kasagsagan ng pandemya, hindi maaaring mag


tipon tipon ang maraming tao sa isang lugar lamang. Isa na sa mga apektado dito ay
ang pagkaklase sa eskwenlahan mapa-elementarya, secondarya at sa kolehiyo. Kaya
naman ginagamit ang isang online website o application na Google Classroom ng mga
estudyante at mga guro upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ayon sa Wikipedia, Ang Google Classroom ay isang libreng pinaghalo na


platform ng pag-aaral na binuo ng Google para sa mga paaralan na naglalayong
gawing simple ang paglikha, pamamahagi, at pagmamarka ng mga takdang-aralin. Ang
pangunahing layunin ng google classroom ay upang streamline ang proseso ng
pagbabahagi ng mga file sa pagitan ng mga guro at mag-aaral. Gamit ang google
classroom maaaring subaybayan ng mga guro ang pag-usad ng bawat mag-aaral sa
pamamagitan ng pagsusuri sa kasaysayan ng rebisyon ng isang dokumento, at
pagkatapos ma-markahan, maaaring ibalik ng mga guro ang gawain kasama ang mga
komento at marka.

Ayon naman kina Amy Flynn and Brandon Lutz, Ang google classroom ay isang
sistema ng pamamahala ng pag-aaral (LMS) na naglalayon na gawing simple ang
paglikha, pamamahagi, at pagmamarka ng mga takdang-aralin at pag-akit ng mga mag-
aaral sa pag-aaral sa online o malayuan. Ang google classroom ay isang libreng
application na idinisenyo upang matulungan ang mga mag-aaral at guro na makipag-
usap, makipagtulungan, mag-ayos at pamahalaan ang mga takdang-aralin, dokumento
kahit walang papel, at marami pa.

1
Sa kabilang banda, upang makagamit ang isang estudyante o guro ng google
classroom, kinakailangang sila rin ay may mga kagamitang pangteknolohiya, tulad ng
cellphone, laptop, computer at internet o load. Ang lahat ng ito ay napakahalagang
kagamitan na dapat meron ang isang estudyante at guro upang makapasok, makagawa
at makapag pasa sila ng mga gawain sa google classroom. Kaya naman nagiging
mahirap din para sa ibang mga estudyante at guro na makasabay sa pag-aaral
sapagkat kulang sila sa mga kagamitan at karanasan sa pag gamit ng mga ito.

Ngayon panahon ng pandemya, ang google classroom lamang ang


pinakamainam na website o application upang mapunan ang kakulangan sa
akademikong tungkulin ng mga mag-aaral. Sapamamagitan din ng paggamit nito, maari
tayong makaiwas na mahawaan o mabiktima ng sakit na patuloy na lumalaganap
ngayon sa buong mundo. Sa tulong din ng google classroom, patuloy parin ang
pagdaloy ng kaisipan at edukasyon kahit na marami ang humahadlang dito.

Habang tumatagal at patuloy parin sa paglaganap ang nakamamatay na sakit,


ang pag gamit sa mga makabagong teknolohiya at kagamitan at nagiging kasanayan na
sa ating lahat. Ang google classroom at marami pang ibang online application o
websites, tulad ng messenger at Facebook ay kapansing pansin na nagigingmalaki ang
gampanin sa pag aaral ng mga estudyante sa panahon ngayon. Sa makatuwid
nararapat lamang na ang lahat ng mga mag aaral ay mag karoon ng kaalaman ukol sa
mga maaaring maging epekto ng pag gamit ng google classroom sa kanilang pag-aaral.

2. Layunin Ng pag aaral.


Ang layunin ng pamanahong papel na ito ay malaman kung ano-ano ang
maaaring maging epekto ng pag-gamit ng Google classroom ngayong panahon ng
pandemic, upang magampanan ang akademikong tungkulin ng mga estudyanteng
kumuha ng kursong, Bachelor of Science in Computer Engineering (BSCOE) sa
kolehiyo ng SCAS, ika-unang semestre ng taong akademiko 2021 - 2022.

2
Sinasagot nito ang mga sumusunod na katanungan:
● Ano ang pananaw ng mga estudyante sa pag gamit ng google classroom para
maipag patuloy ang kanilang pag-aaral?

● Paano nakakatulong ang pag gamit ng google classroom sa pag papatuloy ng


kanilang pag-aaral sa panahon ng pandemya?

● Gaano kabisa ang pag gamit ng google classroom para maipag patuloy ang
kanilang pag-aaral?

3. Kahalagahan Ng pag-aaral.

Ang pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa mga epekto ng pag-gamit ng


google classroom ngayong Panahon ng Pandemic Upang Magampanan Ang
Akademikong tungkulin Ng mga Estudyanteng kumuha ng kursong Bachelor of Science
in Computer Engineering (BSCOE) sa kolehiyo ng SCAS.

Layunin nitong makatulong sa mga sumusunod:

● Sa mga estudyante kumuha ng kursong Bachelor of Science in Computer


Engineering (BSCOE). Maaari itong mag bigay sa kanila ng ideya kung ano ba
ang puwedeng maging epekto ng paggamit ng google classroom sa
pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

● Sa mga guro, upang malaman nila ang mga maaaring magiging epekto ng pag-
gamit ng mga estudyante ng google classroom sa pag papatuloy ng kanilang
pag-aaral.
● Sa mga mananaliksik na pawang gumagamit din ng google classroom para sa
kanilang pag-aaral, upang malaman din nila ang maaaring maging epekto ng pag
gamit nito.

3
● Sa mga nangangarap din na mananaliksik, makakatulong ito upang magbigay
ng mga pangunahing impormasyon ukol sa pananaliksik at naway magamit pa
ito sa mas malawak pang usaping may kinalaman sa mga epekto ng pag-gamit
ng google classroom sa pag-aaral.

4. Saklaw at limitasyon Ng pag-aaral.

Saklaw ng panamahong papel na ito ang epekto ng pag-gamit ng mga


estudyante ng google classroom upang magampanan ang kanilang akademikong
tungkulin na nasa unang taon na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in
Computer Engineering (BSCOE) sa kolehiyo Ng SCAS.

Kumakatawan dito ang 20 na estudyante na mula sa lahat ng seksyon ng


BSCOE na nasa unang taon. Ukol lamang dito ang mga epekto at suliraning nauugnay
sa kolehiyo ng SCAS sa unang semestre ng taong akademiko 2021 - 2022.

5. Depinisyon Ng mga terminolohiya.

Upang mas maging ganap at madali ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,


karapatdapat lamang na bigyan ng mga mananaliksik ng depinisyon ang mga
sumusunod na terminolohiya ukol sa kung paano ginamit sa pamanahong papel na ito
ang bawat isa.

Akademikong tungkulin. Tumutukoy sa mga dapat gawain ng mga estudyante sa


kanilang pag-aaral, tulad ng pag gawa ng aktibidad, gawain at pag susulit.

Cellphone. Ito ay isang uri ng mekanismong sumusuporta sa iba't - ibang serbisyo,


tulad ng pagmemensahe, pag kunekta sa internet atbp.

Computer. Ito rin ay isang uri ng mekanismong ang ginagawa ay magkalap,


mangasiwa at magtago ng mga datos o impormasyon.

4
Internet. Ito ay pang daigdigang network na nag bibigay ng iba't-ibang mga
impormasyon at mga pasilidad sa komunikasyon na binubuo ng mag kakaugnay na
network.

Laptop. Isa rin uri ng mekanismong tulad ng computer, maaari din itong kumalap
mangasiwa at magtago ng mga datos at impormasyon.

Load. upang mapanatili ang serbisyong ibinibigay ng cellphone, kinakailangan nito ng


load upang maipag patuloy ang pag gamit ng serbisyo ng online.

Online application. Tumutukoy ito sa mga aplikasyon na kinakailangan ng internet


upang makapag bigay ng serbisyo o upang magamit.

Online website. Tumutukoy ito sa mga kolesyon ng mga web, na karaninawan sa


isang partikular na pangalan ng domain o subdomain sa world wide web sa internet.

Pandemic. Ito ay tumutukoy sa malawakang o pandaigdigang paglaganap sa isang


sakit.

Teknolohiya. Ito ay ang anumang mga diskarte, kasanayan, pamamaraan, at proseso


na ginamit sa paggawa ng mga serbisyo o sa pagtupad ng mga tungkuling dapat
makamit.

5
Kabanata II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA.

Ang Google classroom ay isa sa mga pinaka kilalang website ngayon na


ginagamit upang maipagpatuloy ang pag-aaral o edukasyon ng ibat ibang lebel o antas
ng mga estudyante. Maraming mabuting epekto at dulot ang pag gamit ng mga
estudyante ng google classroom sa kapanahunan natin ngayon.

Bagamat ang pag gamit nito ay meron mga mabubuting epekto sa mga
estudyante. Mayroon din naman itong kahinaan, gaya ng hindi ka makakakunekta dito
kung wala kang mga kagamitang pang teknolohiya. Ngunit kahit na ganon, gumagawa
parin ng mga paraan ang mga estudyante at mga guro upang mapunan ang mga
kaninang ito ng pag gamit ng google classroom para sa pag papatuloy ng kanilang
edukasyon sa panahon ngayon.

Ayon naman sa Journal of Education and Social Sciences 3 (1), 12 - 18, 2016.
Ang google classroom ay isang virtual na silid-aralan o online na silid-aralan na
nagbibigay-daan sa mga estudyante at guro na makipag-usap sa isa't isa, tingnan ang
mga presentasyon o video, makipag-ugnay sa iba pang mga kalahok, at sa
pamamagitan nito maaaring maipag patuloy ang edukasyon gamit ang teknolohiya.

Ayon naman sa Australian Journal of Teacher Education 43 (3), 140 - 153, 2018.
Maraming tertiary na institusyon ang tumanggap ng digital na pag-aaral sa
pamamagitan ng paggamit ng mga online platform sa pag-aaral at mga social network.
At isa na dito ang google classroom na nadagdagan ang pakikilahok at pag-aaral ng
mag-aaral at pinahusay na dynamics ng silid aralan.

6
Ayon sa Prizren Social Science Journal 2 (2), 52-66, 2018. Ang teknolohiya ay
nagkamit kahalagahan sa lahat ng mga yugto ng edukasyon ngunit ang mga
tagapagturo ay hindi mawari kung alin sa maraming magagamit na mga kagamitang
panteknolohiya na pinakaangkop sa kanilang mga kasanayan sa silid-aralan. Ang
google classroom ay isang kagamitang walang bayad at nagkamit ng katanyagan sa
loob ng maikling panahon. Kaya naman ito din ang pinaka mabisang kagamitan upang
ang mga guro ay makapag turo.

Ayon naman sa Journal of Physics: Conference Series 1175 (1), 012165 , 201,
ang Google Classroom ay bahagi ng online na Google Apps for Education (GAFE) na
hanay ng mga application ng pagiging produktibo para sa mga guro at mag-aaral sa
online na pag-aaral. Ang application na ito ay nagbibigay ng isang sentral na site para
sa pakikipag-usap sa mga mag-aaral, pagpapadala ng feedback at pagbibigay ng
takdang-aralin.

7
Kabanata III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa paraang deskriptiv-analitik. Ito ay


naglalayong magbigay ng linaw sa mga kasalukuyang kaganapan o pangyayari na
maaaring naganap na sa nakaraan at maaaring maganap pa sa hinaharap. Ang layunin
ng deskripriv-analitik ay surin at ilarawan ang kapaligiran ng kasalukuyang pangyayari,
upang makuha ang sanhi ng nasabing kaganapan. Inuugnay rin ang disenyong ito sa
pag-unawa o kahalagahan ng tinalakay.

2. Respondente

Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay dalawangpung (20)


mag-aaral na kumuhuha ng kursong BSCOE sa Sumulong Collage of Arts and Science
sa unang semester ng taong panuruang 2021-2022. Sila ang mga napiling respondent
ng mga mananaliksik para sa pag-aaral, sapagkat angkop sa kanila ang tapikong ito.

3. Instrumento ng Pampananalisik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbibigay at pakuha ng


sarvey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga sarvey-kwestyoner na naglalayong
kumalap ng mga impormasyon at datos upang suriin ang pananaw, damdamin at
opinion ukol sa paggamit ng google classroom ng mga respondent.

Nangulekta din ng mga iba’t ibang datos at impormasyon ang mga mananaliksik
sa internet at maging sa ilang mga babasahin.

4. Triment ng mga Datos

Sapagkat ang dahilan ng pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral


lamang at walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na
ito sa pamamagitan ng matatas at kompleks na istatikal na pamamaraan. Pag-tatally at
pagkuha lamang ng porsyento ang ginawa ng mga mananaliksik.

8
Kabanata IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON
NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod:

Ang unang talahanayan ay nagpapakita mean na tinuos mula sa mga


respondente. Makikita sa datos na mas malaki ang bilang ng mga lalaki na maaaring
makaapekto sa pag-aaral. Lumalabas na mas malaki ang impluwensya ng mga lalaki sa
pagsuri ng pananaw, sa paanong paraan nakatutulong, at gaano kabisa ang paggamit
ng Google Classrom para ipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral.

TALAHANAYAN 1
Ang Kasarian ng mga Mag- aaral sa Unang Taon ng Kursong
Bachelor of Science in Computer Engineering
Kasarian Bilang Mean Bahagdan

LALAKI 18 0.90 90%

BABAE 2 0.10 10%

TOTAL 20 100 100%

Ang pangalawang talahanayan ay resulta at bunga nang isinagawang pag-aaral


ng mananaliksik. Makikita ditto ang tinuos na mean, rango, at interpretasyon. Ito ay ang
kabuuang datos ayon sa tatlong parte: Ang Pananaw; Paano Nakatutulong; at Gaano
Kabisa ang paggamit ng Google Classroom.

9
Makikita sa mga sumusunod na Talahanayan sa ibaba ang paliwanag at
malawakang elaborasyon sa bawat parte. Ang interpretasyon at kabuluhan ng mga
simbolong ginamit ng mga mananaliksik.

Sa Kabuuang Talahanayan makikita natin na ang may pinakamataas na


porsyento na nakuha ay ang unang parte, sumunod ang pangatlong parte at samantala
ang nakakuha ng pinakamababang porsyento ay mula sa pangalawang parte.

Ang bawat datos ay inilapat sa bawat talahanayan at masusing pinagaralan ng


mga mananaliksik upang mabigyang saysay at katuparan ang pag-aaral na ito.

TALAHANAYAN 2
Interpretasyon Kabuuang Datos na nakalap

Bilang 4 3 2 1 Kabuuhan Mea Ranggo Interpretasyon

PANANAW

1 13 7 0 0 20 3.65 2 Lubos na
Sumasang- ayon
2 11 7 2 0 20 3.45 4 Lubos na
Sumasang- ayon
3 14 6 0 0 20 3.7 1 Lubos na
Sumasang- ayon
4 15 2 2 1 20 3.55 3 Lubos na
Sumasang- ayon
5 10 7 3 0 20 3.35 5 Lubos na
Sumasang- ayon
Kabuuan 3.54

PAANO NAKAKATULONG

1 11 9 0 0 20 3.55 2 Lubos na
Sumasang- ayon
2 7 8 4 1 20 3.05 4 Sumasang-ayon

3 12 5 2 1 20 3.4 3 Lubos na

10
Sumasang-ayon

4 6 8 6 0 20 3 5 Sumasang-ayon

5 16 4 0 0 20 3.8 1 Lubos na
Sumasang-ayon

Kabuuan 3.36

GAANO KABISA

1 13 4 2 1 20 3.45 4 Lubos na
Sumasang-ayon
2 13 7 0 0 20 3.65 1 Lubos na
Sumasang-ayon
3 13 6 1 0 20 3.6 2 Lubos na
Sumasang-ayon
4 15 2 2 0 20 3.5 3 Lubos na
Sumasang-ayon
5 5 7 6 2 20 2.75 5 Sumasang-ayon

Kabuuan 3.39

Ginamit ang iskala upang mabigyang pakahulugan ang datos na nakalap. (1.0-1.75) Hindi Sumasang-
ayon; (1.76-2.49) Bahagyang Sumasang-ayon; (2.50-3.24) Sumasang-ayon; (3.25-4.0) Lubos na
Sumasang-ayon.

Sa huling talahanayang ito ay ipinapakita ang kabuuang tinuos na mean mula sat
along parte ng talahanayan 2

Lumalabas na ang 3 parte ay nakakuha ng berbal na interpretasyon na Lubos na


sumasang-ayon, ngunit ang may pinakamataas na mean ay mula sa parte ng pananaw.

TALAHANAYAN 3
Ang Tatlong Parte na Ginamit sa Tinuos na Mean at Pagbibigay ng Berbal na
Interpretasyon sa Pag- aaral

11
Parte Mean Ranggo Berbal na
Interpretasyon

1. PANANAW 3.54 1 Lubos na Sumasang-


ayon

2. PAANO 3.36 3 Lubos na Sumasang-


NAKTUTULONG ayon

3. GAANO KABISA 3.39 2 Lubos na Sumasang-


ayon

Ginamit ang iskala upang mabigyang pakahulugan ang datos na nakalap. (1.0-1.75) Hindi Sumasang-
ayon; (1.76-2.49) Bahagyang Sumasang-ayon; (2.50-3.24) Sumasang-ayon; (3.25-4.0) Lubos na
Sumasang-ayon.

Kabanata V

LAGOM, KONGSLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Ang Pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang epekto ng


paggamit ng Google Classroom sa Akademikong tungkuling ng mga
estudyanteng kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Computer
Engineering (BSCOE) sa Kolehiyo ng Sumullong Collage of Arts and Sciences

Gamit ang deskiptiv-analitik, ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang


sarvey-kwestyoner na pinasagutan sa dalawampung (20) respondente na mula
sa unang taon taon ng kursong BSCOE sa Sumulong Collage of Arts and
Sciences.

2. Konglusyon
Batay sa inilahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa
mga sumusunod na kongkulsyon:

12
a. Maganda ang papanaw ng mga estudyante sa paggamit ng Google
Classroom. Lubos silang sumasang-ayon na ito ay magandang
alernatibong solusyon sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa panahon
ngayon na mayroon pandemya.

b. Karamihan sa mga respondente ay naniniwalang nakakatulong ang


paggamit ng Google Classroom sa pagbibigay ng edukasyon sa mga
estudyante. Lubos din silang sumasang-ayon na sa paggamit ng Google
Classroom ay makakaiwas silang mahawaan ng nakamamatay na sakit.

c. Karamihan sa mga respondente ay lubos na sumasangayon na mabisa


ang paggamit ng Google Classroom. Ayon sa mga respondete mas
nagiging madali para sa kanila na tumupad sa akademikong tungkulin
gamit ang Google Classroom.

d. Ang mga respondente din ay lubos na sumasangayon na ang paggamit


ng Google Classroom ay nakapagbibigay ng magandang edukasyon sa
gitna ng kasagsagan ng pandemya.

3. Rekomendasyon

Batay sa inilahad na mga kongklusyon, buong kapakumbabaang inilalatag


ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon.

a. Para sa mga estudyante, mariing inirerekomenda ng mga mananaliksik


na maging maayos, responsible at tapat sa paggamit ng Google
Classroom. Palaging sumunod sa mga patakaran at alitutunin ng mga
Instruktor at/o propisor.

b. Para sa mga kaibigan, labis na inirerekomenda ng mga mananaliksik na


huwag abusuhin ang kalayaang ibinibigay ng paggamit ng Google
Classroom sa pagtupad sa akademikong tungkulin.

c. Para sa mga instructor at/o propisor, labis na inirerekomenda ng mga


mananaliksik na palagiang paalalahanan ang kani-kanilang mga

13
estudyante na gamitin sa maayos at malinis na pamamaraan ang
kalayaang ibinigay sa kanila ng paggamit ng Google Classroom.

d. Sa mga nangangarap na maging mananaliksik, masagawa ng mas


malawak pang pag-aaral upang ma-verify ang mga impormasyon na
natuksalan sa pag-aaral na ito.

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

AJ Fuad. 2021. Domain pemanfatan teknologi pembelajaran di masa pandemik covid-


19 pada pendidikan agama islam. Prosiding muktamar pemikiran dosen pmii, 1(1), 763–
776.

Amy, Brandon Lutz. 2018. LMS Solution: Evidence of google classroom Usage in
Higher education. Platform & workflow by OJS/PKP
“Cellphone” (n.d) Hinango noong ika-10 ng desyembre, 2021 mula sa
https://en.wikipedia.org/wiki/Mobile_phone
“Computer” (n.d) Hinango noong ika-10 ng desyembre, 2021 mula sa
https://en.wikipedia.org/wiki/Computer
“Internet” (n.d) Hinango noong ika-10 ng desyembre, 2021 mula sa
https://en.wikipedia.org/wiki/Internet

Journal of Education and Social Sciences. 2016.


https://jesoc.com/wp-content/uploads/2016/03/KC3_35.pdf

14
J Saculles, ET AL. 2011. Epekto ng Pagkakaroon ng Social Network Account sa
Akademikong Kasanayan ng mga Estudyanteng Kumukuha ng Kusrong Bachelor of
Science in Information Technology (BSIT) sa Kolehiyo ng San Luis.
KA AZhar, N Lqbal. 2018. Prizren Social Science Journal 2 (2), 52-66. Central and
Eastern European Online Library.
K Heggart, J Yoo. 2018. Australian Journal of Teacher Education 43 (3), 140 - 153.
University of Tecnology Sydney.
“Laptop” (n.d) Hinango noong ika-10 ng desyembre, 2021 mula sa
https://en.wikipedia.org/wiki/Laptop
“Load” (n.d) Hinango noong ika-10 ng desyembre, 2021 mula sa
https://en.wikipedia.org/wiki/Load

“Online application” (n.d) Hinango noong ika-10 ng desyembre, 2021 mula sa


https://en.wikipedia.org/wiki/Web_application

“Oneline website” (n.d) Hinango noong ika-10 ng desyembre, 2021 mula sa


https://en.wikipedia.org/w/index.php?search=online+website&title=Special
%3ASearch&go=Go&ns0=1

“Pandemic” (n.d) Hinango noong ika-10 ng desyembre, 2021 mula sa


https://en.wikipedia.org/wiki/Pandemic.

15
Apendiks

Apendiks A

Ika-17 ng Decembre, 2021

16
Prof. Melvin Laurente
Dekana, Departamento ng
Kolehiyo ng Sumulong College of Arts and Sciences

Ginoo:

Pagbati!

Kami po ay isa sa pangkat ng mga mag-aaral sa BSCOE-2nd year na


kasalukuyang nakatala sa Filipino 2, Pagbasa at Pasulat Tungo sa Pananaliksik, sa
Klase ni G. Joemar Cornelio. Isa sa mga pangangailangan ng sabjek ay pagsulat ng
isang papel-pampananaliksik.

Sa Kasalukuyan, kami po ay nagsusulat ng isang pamanahong-papel tungkol sa


Epekto ng paggamit ng Google Classroom ng mga Estudyante na Nasa Unang
Taon ng Kursong Bachelor of Science in Computer Engineering sa Kolehiyo ng
Sumulong College of Arts and Sciences,

Sanhi nito, nais po sa naming hingin ang pahintulot ng iyong tanggapan upang
kami’y makapamahagi ng sarvey-kwestuneyr sa limampung mag-aaral na kumukuha ng
kursong BSCOE na nasa unang taon.

Ang mga makakalap naming mga datos sa sarvey ay makakatulong po sa aming


pag-aaral.

Inaasahan po naming ang inyong positbong pagtugon hinggil sa aming


kahilingan.

Lubos na gumagalang,

JERWIN A. REYES
Lider ng Grupo

Binigyang pansin:

JOEMAR CORNELIO
Instruktor

Apendiks B
Mahal naming respondent,

Pagbati!

17
Kami ay mag-aaral ng Filipino 2 na kasakulukuyang gumagawa ng isang pag-
aaral higgil sa Epekto ng paggamit ng Google Classroom ng mga Estudyante na
Nasa Unang Taon ng Kursong Bachelor of Science in Computer Engineering sa
Kolehiyo ng Sumulong College of Arts and Sciences.

Kaugnay nito, naghanda kami ng kwestyoner upang makapangalap ng mga


datos na kinakailangan sa aming pananaliksik.

Mangyari pakisagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem.


Tinitiyak naming magiging pribado at konfidensyal na impormasyon ang anumang
tugong makukuha naming sa inyo.

Maraming salamat!
- Mga Mananaliksik

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga sumusunod na patlang.


Kung may pagpipilian, lagyan lamang ng tsek ang kahon na tumutugon sa inyong
sagot.

I. PROFAYL NG ESTUDYANTE

Pangalan (Opsyonal): _________________________________________

Kasarian: ⬜ Lalaki ⬜ Babae

Edad: ⬜ 17-18 ⬜ 19-20 ⬜ 21-pataas

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (✓) ang
hanay batay sa iyong pagtataya sa iyong sarili. Maging tapat sa iyong mga kasagutan.

Gabay: Iskala Berbal na Interpretasyon


4 Lubhang Sumasang-ayon
3 Sumasang-ayon
2 Bahagyang Sumasang-ayon
1 Hindi Sumasang-ayon

Pananaw sa Paggamit ng Google Classroom 4 3 2 1


1. Ang paggamit ng Google Classroom ay napakagandang
alternatibong solusyon upang maipagpatuloy ang pag-
aaral ng mga estudyante.
2. Ang Google Classroom ay isa sa mga flatform sa
internet na nakapagbibigay ng magandang edukasyon.

18
3. Ang paggamit ng Goolge Classroom ay may malaking
parte sa pagtugon sa edukasyon sa panahong natin
ngayon.
4. Ang paggamit rin nito ay nagsusulong ng makabago at
magandang edukasyon sa panahon ngayon.
5. Ang paggamit ng Google Classroom ay magiging
kasanayan na o makabagong sistema na ng edukasyon
simula sa ngayon.
Paano Nakakatulong ang Google Classroom 4 3 2 1
1. Ang Google Classroom ay nakatutulong upang
maipagpatuloy ang edukasyon kahit na may pandemya.
2. Ang Google Classroom ay tumutulong upang higit na
maunawaan ng mga estudyante ang mga aralin.
3. Ang Google Classroom rin ay nagbibigay ng malaking
tulong upang mas mapadali ang edukasyon.
4. Ito rin ay mas nakakapagpaganda ng sistema ng
edukasyon.
5. Ang Google Classroom rin ay napakainam na solusyon
upang maging ligtas ang mga estudyante at guro sa
Covid-19.
Gaano kabisa ang Google Classroom 4 3 2 1
1. Sa paggamit ng Google Classroom mas natututo ang
mga estudyante sa mga aralin.
2. Nagiging mas mataas ang nakukuhang Marka ng mga
estudyante sa mga gawain at pagsusulit.
3. Nagiging mas madali para sa estudyante ang pagsagot
sa mga gawain at pagsusulit.
4. Nagiging mas produktibo ang mga estudyante.
5. Maikukumpara sa orihinal na silid-aralan ang pagiging
aktibo sa klase ng mga estudyante sa Google
Classroom.

19

You might also like