You are on page 1of 3

AGHAM PISIKA, DAAN SA PAGIGING AERONOTIKA INHINYERO

Ian Lorenzo P. Tabalan STEM-1 FILIPINO

STEM, ito ay nagbibigay kahulugan para sa Science, Technology, Engineering at Math. Ito ay

isang strand sa pang-akademikong track na naglalayong ihanda ang lahat ng mga estudyante na

nakapaloob sa Senior High School at nagnanais na kumuha ng mga kurso sa kolehiyo na nakatuon sa

bachelor ng agham. Layunin din nito na linangin ang kaalaman ng bawat mag-aaral tungkol sa agham at

pisika na lalong makatutulong para sa mga mag-aaral na gustong kumuha ng mga kurso tulad ng

arkitektura, life science o biology, medisina, engineering, at iba pa. Sa kabilang banda, ang Aeronautical

Engineering o aeronotika inhinyero naman ay isang uri ng inhinyerong kurso na nakatuon sa pagdidisenyo,

pagbuo at pagsubok ng mga eroplano, drone at helicopter na nakikita nating lumilipad sa himpapawid.

Ayon nga kay David Guo (2022), ang aeronautical engineering ay "ang sangay ng engineering na

tumatalakay sa disenyo, pagbuo, pagsubok at paggawa ng sasakyang panghimpapawid at mga kaugnay na

sistema." Ang koneksyon ng dalawang ito, STEM, at Aeronautical Engineering ay parehas silang

naglalayon na paigtingin at paunlarin ang mga salik ng teknolohiya at agham.

Nakapaloob sa STEM ang mahahalagang salik at katangian na kinakailangang matamo ng isang

indibidwal upang maging isang ganap na aeronotika inhinyero, hindi lang sa larangan ng matematika

kundi sa iba pang aspeto ng akademiya. Ang mga halimbawa ng mga katangiang ito ay ang pag-unawa o

komprehensibong mga kasanayan, mga kasanayan sa pagsusuri, mga kasanayan sa visual, at iba pa. Ito ay

kasama sa STEM strand dahil sa curriculum nito, hindi lang mga subject tungkol sa matematika ang

pinag-aaralan, kundi pati na rin ang mga subject ng mga kasanayan na nabanggit. Lahat ng kasanayang

ito ay magagamit ng isang indibidwal upang makausad sa larangang inhinyero.

Hindi maipagkakailang ang daan tungo sa pagiging inhinyero ay mahirap, kung ikaw ay nagnanais

maging isang inhinyero, dapat ka munang makakuha ng isang bachelor's degree sa engineering. Ang
aeronautical engineering ay limang taong degree na programa na idinisenyo upang ituro ang mga

pangunahing prinsipyo ng agham at mga tool sa matematika na ginagamit sa engineering at sa pagdisenyo

ng mga makina at teknolohiyang panghimpapawid (Bukas.ph, 2022). Ang mga tool sa matematika na

nabanggit ay ating makikita sa strand na STEM lamang dahil dito lang nakapaloob ang mga matematikang

paksa gaya ng Pre-Calculus, Basic Calculus, at Physics, na pangunahing kinakailangan sa larangan ng

inhinyero. May iba’t ibang klase ng engineering na kabilang sa board exam, kasama rito ang aeronautical

engineering. Kailangan munang harapin ng mga tumatahak sa kursong ito ang licensure exam upang

maging isang ganap na aeronotika inhinyero kaya naman sadyang napakahirap nga tahakin ang landas na

ito hindi lang sa salik ng akademiya, ngunit pati na rin sa badyet ng pamilya. Ang mga flying schools sa

Pilipinas na may programang aeronautical engineering kagaya ng PHILSCA o Philippine State College

of Aeronautics, PATTS, at Holy Angel University ang mga nangungunang institusyon at may

pinakamaraming naging estudyanteng nakapasa sa board exams, na may passing rate na hindi bababa sa

50% (Find University.ph, 2017). Sa mga institusyong ito, nahahasa nang maigi ang mga indibidwal na

tumatahak sa nasabing kurso, at mga estudyanteng galing sa STEM strand na mayroong matibay na

pundasyon pagdating sa kasanayan sa matematika na lubos na kinakailangan upang maipasa ang kursong

aeronautical engineering.

Ang mga naisaad na impormasyon ay naglalayong magbigay katalusan at upang maunawaan ng

nakararami kung ano nga ba talaga ang koneksyon ng STEM sa partikular na uri ng inhinyero, ang

aeronautical engineering. Naisaad din sa teksto na mabisang pundasyon ang pagiging estudyante sa strand

na STEM upang maging isang ganap na inhinyero dahil sa strand na ito ay napagtutuonan ng pansin ang

matematika na isa sa mga kritikal na kasanayan na dapat taglayin at mapalago ng mga tatahak sa kursong

inhinyero.

.
SANGGUINIAN:

Spencer, H. (2022). What is Aeronautical Engineering? Southern New Hampshire University.

-https://www.snhu.edu/about-us/newsroom/stem/what-is-aeronautical-engineering

Nucum, K. (2022). A Complete Guide on How to Become an Aeronautical Engineer in the

Philippines. Bukas.Ph

-https://bukas.ph/blog/a-complete-guide-on-how-to-become-an-engineer-in-the-

philippines/#:~:text=Engineering%20is%20a%20five%2Dyear,mathematical%20tools%20used

%20in%20engineering

Find University. (2017). Aeronautical Engineering – Top Schools by board exam passing rates.

- https://www.finduniversity.ph/top-schools-by-exams-results/aeronautical-engineer-board-exam-

19/

You might also like