You are on page 1of 4

MGA PLANO SA PAGPILI NG TRACK SA SENIOR HIGH SCHOOL

Maraming mga mag-aaral at mga magulang ang nagsasabing nahihirapan sila

kung ano ba ang gagawin kapag nakatuntung na ng Senior High School dahil may

pipiliin kayong mga tracks at strand na nagsilbing gabay ng iyong napiling kurso sa

kolehiyo. Ano nga ba ang mas naaayong track na pipiliin?

Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay nagpapatupad at namamahala

ngedukasyong K-12 Curriculum kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang

mgaestudyante na mahasa sa mga iba’t-ibang larangan ng espesiyalisasyon. Ito rin

ay naglalayong magbigay ng sapat na panahon para mas matutunan at

mapaghusayan ng mga mag-aaral ang mga konsepto at skills na kinakailangan

para sa tertiary education o kolehiyo at unibersidad. Makatutulong din ito sa mga

mag-aaral upang matungo sakanilang mga larangan ng propesiyon.

Ang mga mag-aaral ng Senior High School ay maaaring pumili mula sa apat na

mga track at dalawa sa mga ito ay karagdagang nahahati sa mga strand. Ang

Senior High School tracks ay ang mga larangan ng pag-aaral na maihahalintulad sa

mga kurso sa kolehiyo na nasa ilalim ng apat na disiplina: Academic, Technical-

Vocational- Livelihood (TVL), Sports, at Arts & Design.


Mayroong apat na strands ang nakapaloob sa Academic Track, ito ay ang

Accountancy, Business, and Management (ABM); Science, Technology,

Engineering, and Mathematics (STEM);Humanities and Social Sciences (HUMSS);

at ang General Academic Strand (GAS).

(1) HUMSS or HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES - Kung gusto mong maging

teacher, lawyer, psychologist, pulis at iba pang propesyon at trabaho na may

kinalaman sa social sciences iyan ang strand na bagay para sa iyo. (2) ABM or

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT- kung nagnanais kang maging

accountant, economist, or kung gusto mong magtayo or mamahala sa isang

business, ito ang para sa iyo. (3) STEM or SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING

AND MATHEMATICS – kung may balak kang maging scientist like chemist,

biologist or physicist, inventor or technology expert, engineer, ito ang kurso na

nababagay sa'yo. (4) GAS or GENERAL ACADEMIC STRAND - Kung "undecided" ka

sa Senior High School at hindi ka pa nakakapamili ng kukuning course mo sa

college, dito ka muna. Galing sa salitang "general", may mga subjects na pinag-

aaralan din nila na kamukha ng kung ano ang pinag-aaralan sa ibang academic

strands.
TECHNICAL-VOCATIONAL-LIVELIHOOD TRACK ang kukunin mong track kung

gusto mong maging chef, baker, dressmaker, mag-Tourism, flight attendant,

barista, bartender, hotel services crew, computer programmer, cellphone

repairer, animator, call center agent, carpenter, mason, welder at iba pang blue-

collar job o mga trabahong ginagamitan ng skills o katawan kaysa utak, at kung

gusto mo ring magtayo ng business, dito ka kabilang.

(2) ICT or INFORMATION COMMUNICATIONS TECHNOLOGY – Iyan ang track na

dapat mong kunin kung gusto mong maging computer programmer, animator,

illustrator, digital graphic artist, call center agent at iba pa.

Hindi basehan sa college kung ano ang kinuha mong kurso o track sa Senior

High School. Ang Senior High School ay nagbibigay lamang sa'yo ng 'edge' o

pahapyaw na kaalaman sa nais mong kunin o mga kurso sa college. So pwede ba

akong kumuha ng course sa college na walang kinalaman sa kinuha ko sa Senior

High School? Definitely, YES. Halimbawa, kung ang tinake mo sa SHS ay TVL at nais

mong maging Engineering Student sa college, pwedeng pwede. Kaya ano pang

hinihintay mo? Magplano na!

-AIRAJANE P. MANGUBAT (10-MALASUGI)

You might also like