You are on page 1of 17

Rogationist College

(St. Anthony’s Boys Village), Inc.

Km. 52 Aguinaldo Highway, Lalaan 2, Silang Cavite

Palawigin ang Kaalaman sa Pagpili ng ABM Strand sa Senior High School

Konseptong Papel

Para sa Bahagi ng Kabuaan ng Katuparan sa Pangangailangan sa

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Belardo, Andrea G.

Luna, Joyce Anne D.

27 Pebrero 2019
I. Rasyunal

Edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na nais matamo ng isang tao.

Edukasyon ang kailangan upang magkaroon ka ng isang propesyon at disenteng

trabaho. Ito rin ang sinasabing kasangkapan upang maabot ng isang tao ang

kanyang pangarap.

Isinaad ng Bnei Baruch (2009) na ang edukasyon ay ang pangunahing problema

ng sangkatauhan. Kung mabigyan natin ng wastong anyo ng edukasyon at

pagtuturo ang kahit isang henerasyon, matitiyak natin na ang lahat na mga darating

na henerasyon ay mapalaking maayos at mamuhay sa sukdulan. Ito ay dahil sa ang

bawat henerasyon na makatanggap ng wastong paraan ng edukasyon ay maaari at

magkaroon ng sapat na kakayahang palakihin ang susunod na henerasyon.

Taong 2011, upang isaayos ang napag-iiwanang sistema ng edukasyon ng

Pilipinas, ipinatupad ng Department of Education ang bagong kurikulum sa

pangunahing edukasyon, ang programang K-12. Isang programa na naglalayong

tulungan ang ating mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi

lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo.

Ayon sa Institute of Nationalist Education and Republican Democracy o

INERD (Mayo, 2012), ang K-12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa

pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa

dating 10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa

elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang

makapagkolehiyo ang mga estudyante, sa ilalim ng Kto12, bago makapagkolehiyo,

kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon.


Sa bagong sistema, tinatawag na Senior High School o Junior College ang

karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng hayskul sa lumang sistema ay tinatawag

naman na Junior High School. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa 12

taon ng pangunahing edukasyon sa ilalim ng K-12.

Sa Senior High School, nahahati sa limang track ang maaaring pagpilian ng

isang mag-aaral, ang Academic track, Technical-Vocational-Livelihood, Art and

Design at Sports track at ang bagong dagdag na Maritime.

Sa ilalim ng Academic Track, binubuo naman ito ng iba’t ibang strand. Ang mga

strand na ito ay tumutukoy sa mga sangkap na naka-ugnay sa kursong kukuhanin

sa kolehiyo. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: ang Science, Technology,

Engineering, Mathematics (STEM), Accountancy, Business and Management

(ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS) at General Academic Strand

(GAS).

Sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa Senior High School, inaasahan sila na

maging mas mahusay at epektibong mag-aaral kung saan handa na silang

magtrabaho kung hindi man magpapatuloy ng kolehiyo. Kaya naman, bilang tulong

at dagdag kaalaman sa mga mag-aaral, nais ng mga mananaliksik ng konseptong

papel na ito na palawigin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa Senior High School

kung bakit nila dapat na piliin ang ABM strand. Hangad nila na maibahagi ang mga

iba’t ibang impormasyon na naka-ugnay sa ABM strand nang sa gayon ay

matulungan sila sa pagdedesisyon sa pagkakataong makatapos sila sa Senior High

School at makapili ng wastong kurso o wastong trabaho na nararapat para sa kanila.


II. Layunin

Ang konseptong papel na ito na pinamagatang “Palawigin ang Kaalaman sa

Pagpili ng ABM Strand sa Senior High School” ay naglalayon na:

Pangkalahatan na Layunin:

 Pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa mga dahilan sa pagpili ng ABM

strand sa Senior High School

Tiyak na Layunin:

 Makapagbahagi ng mga kaalaman tungkol sa mga kapakinabangan na

makukuha sa pagpili ng ABM strand sa Senior High School.

 Makapagbahagi ng mga kaalaman tungkol sa mga trabahong maaring

piliin kung hindi magpapatuloy ng kolehiyo

 Makapagbahagi ng mga kaalaman tungkol sa mga kursong maaring

kuhanin kung magpapatuloy sa kolehiyo


III. Metodolohiya

Isinalaysay sa bahaging ito ang mga pamamaraang ginamit ng mga

mananaliksik sa pag-aaral at paglalarawan ng kabuuang paksa ng papel. Ang

naging pangunahing sanggunian ng pag-aaral na ito ay ang mga mahahalagang

pananaliksik ng iba’t ibang babasahin, balita at iba pang artikulo sa internet na

nagsasaad ng mga kaalaman ukol sa pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa pagpili

ng ABM strand.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pananaliksik na ang

pangunahing layunin ay makakuha ng mga impormasyon ukol sa isang tukoy na

paksa. Ginagamit ito upang makakuha ng pag-unawa sa mga pinagbabatayan ng

mga kadahilanan, opinyon, at mga pagganyak. Nagbibigay din ito ng mga pananaw

sa problema o nakatutulong upang bumuo ng mga ideya o mga pagpapalagay para

sa potensyal na dami ng pananaliksik. (DeFranzo, 2011)

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik na tinutukoy

bilang isang paraan ng pananaliksik na naglalarawan sa mga katangian ng

populasyon na ginagamit din maging sa ibat ibang larangan ng pag-aaral. Ang

pamamaraan na ito ay higit na nakatutok sa "kung ano" ang paksa ng pananaliksik

kaysa sa "bakit" ng paksa ng pananaliksik. Ito ay karaniwang nakahanay sa

kwalitatibong pananaliksik sa kadahilanang hindi ito madalas ginagamitan ng mga

statistical na kasanayan. (Bhat, 2019)

Ang mga mananaliksik ay nag-obserba sa paligid sa kung ano ang maaaring

maging paksa na maaaring makatulong sa mga estudyante na nasa Accountancy,

Business and Management Strand. Nang maging tiyak sa paksang nais pagtuunan,
sumangguni ang mga mananaliksik sa kanilang guro sa Filipino sa Iba’t Ibang

Disiplina upang ipatiyak kung angkop ba na pagtuunan ang napiling paksa ng mga

mananaliksik. Matapos matiyak na angkop ang napiling paksa ay pumunta na ang

mananaliksik sa sunod na hakbang na tumutukoy sa pangangalap ng impormasyon

ukol sa napiling paksa. Sa pananaliksik ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa

paksa na pag-aaralan, sumangguni ang mga mananaliksik sa maraming

mapagkakatiwalaang reperensiya na karamihan ay ginamitan ng pananaliksik gamit

ang Computer at iba pang elektronikal na kagamitan.

Ang konseptong papel na ito ay inihanda para magpalawig ng kaalaman tungkol

sa pagpili ng ABM strand. Dahil sa ganitong silbi nito, ang metodolohiyang ginamit

ng mga mananaliksik ay binubuo ng pagkalap ng mga kaalaman tungkol sa iba’t

ibang aspeto ng kahalagahan ng ABM strand at ang kapakinabangang maidudulot

nito sa mga mag-aaral. Ilan sa mga partikular na datos na kinalap ay ang:

 Mga kapakinabangan na makukuha sa pagpili ng ABM strand sa Senior

High School.

 Mga trabahong maaring piliin kung hindi magpapatuloy ng kolehiyo.

 Mga kursong maaring kuhanin kung magpapatuloy sa kolehiyo.


IV. Resulta

Mga Dahilan sa Pagpili ng ABM Strand sa Senior High School

Ayon kay J. Cordial (2019), Ang ABM o Accountancy, Business, Management ay

isa sa mga strand na inaalok sa Academic Track ng Senior High School. Layunin

nitong mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat mag-aaral na kukuha ng

Accountancy, Management, at iba pang kaugnay sa negosyo na mga kurso sa

kolehiyo. Bukod sa pagkakaroon nito ng mga espesyal na mga asignatura gaya ng

Fundamentals of Accounting, Organization and Management, Business Math at iba

pa, nakatutulong din ito sa mga mag-aaral upang malaman ang iba't ibang

kakailanganin kung ipagpapatuloy pa ito bilang kurso pagdating ng kolehiyo.

Bukod pa sa mga nabanggit na dahilan, sa pagpili ng ABM strand, makatutulong

ito upang hasain pa ang mga kakayahang may kaugnayan sa Accountancy,

Management at pagnenegosyo sapagkat nakapaloob dito ang mga iba’t ibang

aktibidad na maaaring makatulong sa mag-aaral na hubugin ang mga nasabing

kasanayan.

Dagdag pa rito, sinabi rin ni J. Cordial (2019), na ang ABM ay nakapokus sa

pagnenegosyo at sa accounting. Ang pagnenegosyo ay isa sa mga pinaka-

maraming trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nakatutulong ito sa

pagpapalago ng isang bansa, lalong-lalo na sa pang-ekonomikong kalagayan ng

bansa. Dito, ipinapikita na hindi lamang pansariling kaunlaran ang hatid ng pagpili sa

ABM kundi pati na rin sa pag-unlad ng bansa.


Isinaad din ni J. Cordial (2019) na isa pang magandang dahilan kung bakit

mahalaga ang pagpili ng ABM dahil ito ay nakahanay sa mga in demand na trabaho

sa ating bansa. Katulad nga ng nabanggit, napakaraming negosyante sa ating

bansa at isa ito sa pinakamalaking trabahong kinukuha ng mga tao.

Mga Kapakinabangan na Makukuha sa Pagpili ng ABM Strand sa Senior High

School

Ang ABM o Accountancy, Business and Management ay may hatid na

kapakinabangan sa mga mag-aaral. Binanggit ni Jeremiah Cordial (2019) ang ilan

sa mga benepisyong maaaring makuha ng isang mag-aaral kung pipiliin niya ang

ABM. Una na rito ay ang pagkakaroon ng time management o pamamahala ng

tamang oras sa bawat bagay. Ang ideyang ito ay hindi direktang naituturo sa strand

na ito. Ibig sabihin, likas ang pagkakaroon nito dahil kinakailangan ang time

management lalong-lalo na kung mayroon ng isang negosyo. Hindi lamang ito

makatutulong sa mga pangnegosyong gawain, ngunit pati na rin sa sarili.

Inilahad din ni J. Cordial (2019), na naituturo din sa mga mag-aaral ng ABM

strand ang pagiging responsable. Ito ay isa ring katangian na dapat meron ang isang

negosyante.

Ayon naman kina Alabastro at Sta. Ana (2014), ang mga mag-aaral mula sa

ABM ay maaaring matutunan at malaman kung paano magpatakbo ng isang

negosyo. Ito naman ay masasabing mahalaga sapagkat hindi lamang sa mga bagay

na may koneksyon sa negosyo magagamit ang pagpapahalaga sa oras, ngunit sa

maraming bagay din.


Isinalaysay naman ni Y. Antonio (2018) na ang pag-aaral ng ABM o

Accountancy, Business and Management ay nagdudulot ng iba’t ibang benepisyo sa

mga mag-aaral. Isa sa mga benepisyong dulot nito ay ang pagkakaroon ng

oportunidad na magsagawa ng mga makatotohanang pagtatrabaho at

pampropesyunal na proyekto na sadyang nakatutulong sa pagpapalawig ng

karanasan ng mga mag-aaral.

Isinaad din ni Y. Antonio (2018) na sa pagiging isang mag-aaral ng ABM strand,

natututunan ang pamamahala ng oras, pagkakaroon ng mahabang pasensya, at

pagtuunan ng mas maraming pansin ang pag-aaral kung saan ang mga ito ilan sa

mga mahahalagang punto sa dapat tandaan at matutunan ng mga mag-aaral.

Mga Trabahong Maaaring Piliin Kung Hindi Magpapatuloy ng Kolehiyo

Ipinatupad ng gobyerno ang pagsusulong ng K-12 dahil naniniwala sila na

maaari nang magtrabaho ang mga Senior High graduates kung sakaling hindi na

sila magpapatuloy ng kolehiyo. Ayon kay Jesus Lorenzo Mateo, Undersecretary for

Planning and Field Operation ng Department of Education (DepEd), ang mga

binuong track ay para masanay ang mga mag-aaral sa mga kakayahang

pinakahinahanap sa mga trabaho sa panahon ngayon.

Sa ABM track, tinuturuan ang mga mag-aaral tungkol sa pagnenegosyo at

pagpasok sa larangan ng corporate world. Alinsunod dito, kung ang mag-aaral ay

magpapsaya na hindi na magpatuloy ng kolehiyo, maari siyang magtayo ng isang


maliit na negosyo at gamitin ang kanyang mga natutunan sa pamamahala ng isang

negosyo upang mapalago ito at kumita.

Ayon kay G. Dizon (2014), mahalaga ang pagiging isang entreprenyur o

negosyante sa isang bansa sapagkat ang mga entreprenyur ay nakalilikha ng

maraming hanap- buhay. At ang milyon-milyong trabahong nalilikha ng

pagnenegosyo ay nagpapakita ng paglago ng ekonomiya.

Kung kaya naman, ang isang mag-aaral na nasa ABM strand na hindi na

magpapatuloy ng kolehiyo ay malaki pa rin ang posibilidad na maging matagumpay

sapagkat siya ay hinasa na sa Senior High pa lamang upang maging handa sa

industriya ng korporasyon. Maaari siyang magtayo ng sariling negosyo kaakibat ang

mga kakayahang natutunan sa Senior High tungkol sa pagnenegosyo.

Isa din sa trabahong maaari nilang pasukan ay ang pagiging bookkeeper,

magiging posible ito kung ang isang mag-aaral ay makakapasa sa isang pagsusulit

na tinatatawag na Assessment and Certification (NC). Ang Assessment and

Certification o NC ay isang pagsusulit upang masukat kung ang kakayahan ba ng

isang nagtapos ay angkop na para makapagtrabaho at magampanan ang kanyang

tungkulin sa trabahong papasukan.

Isinaad nina Ayson, et. Al, (2015) na ang tungkulin ng isang tenedor de libro o

bookkeeper ay ang i-set up ang mga financial statement nang sa gayon ay madali

masasagawa ng accountant ang mga legal and tax management sa napapanahong

paraan. Ang isang may kasanayang tenedor de libro ay dapat na magawa ng bumuo

ng impormasyon pampinansiyal ng negosyo. Ang mga talang ito ay kritikal sa


tagumpay ng anumang negosyo. Alinsunod dito,, masasabi na maraming

patutunguhan ang isang mag-aaral na nasa ABM strand na hindi na magpapatuloy

ng kolehiyo basta’t taglay niya ang mga angkop na kakayahan ng isang mag-aaral

na nagtapos ng Accountancy, Business and Management.

Mga Kursong Maaaring Kuhanin Kung Magpapatuloy sa Kolehiyo

Sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo, maraming oportunidad ang

naghihintay sa isang mag-aaral, isa na rito ang pagkakaroon ng magandang

trabaho. Ngunit bago pa iyon, maraming kurso ang maaring kuhanin ng mga mag-

aaral na kumuha ng ABM strand noong Senior High, at ito ang mga sumusunod

 Bachelor of Science in Accountancy

 Bachelor of Science in Accounting Technology

 Bachelor of Science in Business Administration

 Bachelor of Science in Agribusiness Management

 Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Economics

 Bachelor of Science in Office Administration

 Bachelor of Science in Accounting Information

 Bachelor of Science in Office Management

 Bachelor of Science in Business Management

 Bachelor of Science in Custom Administration

 Bachelor of Science in Business Economics

 Bachelor of Science in Finance


 Bachelor of Science in Financial Management

 Bachelor of Science in Entrepreneurship

 Bachelor of Science in Internal Auditing

 Bachelor of Science in Commerce

 Bachelor of Science in Tourism Management

 Bachelor of Science in Travel Management

 Bachelor of Science in Culinary Management

 Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management


V. Buod

 Ang mga dahilan sa pagpili ng Accountancy, Business and Management ay dahil

sa makatutulong ito upang hasain pa ang mga kakayahang may kaugnayan sa

Accountancy, Management at pagnenegosyo; ang ABM ay nakapokus sa

pagnenegosyo at sa accounting; layunin nitong mabigyan ng sapat na kaalaman

ang bawat mag-aaral na kukuha ng Accountancy, Management, at iba pang

kaugnay sa negosyo na mga kurso sa kolehiyo; ito ay nakahanay sa mga in

demand na trabaho sa ating bansa.

 Ang mga kapakinabangan na makukuha sa pagpili ng ABM strand sa Senior

High School ay ang pagkakaroon ng time management o pamamahala ng

tamang oras sa bawat bagay; naituturo din sa mga mag-aaral ng ABM strand

ang pagiging responsible; maaaring matutunan at malaman kung paano

magpatakbo ng isang negosyo; ang pagkakaroon ng oportunidad na magsagawa

ng mga makatotohanang pagtatrabaho at pampropesyunal na proyekto.

 Ang mga trabahong maaaring piliin ng mga mag-aaral na nasa ABM strand kung

hindi na magpapatuloy ng kolehiyo ay ang pagtatayo ng sariling negosyo at ang

pagiging bookkeeper.

 Ang mga kursong maaaring kuhanin ng mga mag-aaral na nagtapos ng

Accountancy, Business and Management at magpapatuloy ng kolehiyo ay ang

mga sumusunod:

 Bachelor of Science in Accountancy

 Bachelor of Science in Accounting Technology

 Bachelor of Science in Business Administration


 Bachelor of Science in Agribusiness Management

 Bachelor of Science in Business Administration Major in Business

Economics

 Bachelor of Science in Office Administration

 Bachelor of Science in Accounting Information

 Bachelor of Science in Office Management

 Bachelor of Science in Business Management

 Bachelor of Science in Custom Administration

 Bachelor of Science in Business Economics

 Bachelor of Science in Finance

 Bachelor of Science in Financial Management

 Bachelor of Science in Entrepreneurship

 Bachelor of Science in Internal Auditing

 Bachelor of Science in Commerce

 Bachelor of Science in Tourism Management

 Bachelor of Science in Travel Management

 Bachelor of Science in Culinary Management

 Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management


VI. KONKLUSYON

Ayon sa mga nakalap na datos at impormasyon ukol sa pagpapalawig ng kaalaman

tungkol sa pagpili ng ABM strand, napagtanto ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod:

 Sa pagpili ng Accountancy, Business and Management, mayroong iba’t ibang

salik at dahilan na nakaaapekto at dapat isaalang-alang.

 Ang pagpili ng Accountancy, Business and Management ay may dulot na iba’t

ibang benepisyo at kapakinabangan na makatutulong sa mga mag-aaral

upang mas maging handa kung magpapatuloy sa kolehiyo o hindi kaya’y

papasok sa industriya ng korporasyon.

 Maaaring magtrabaho ang isang Senior High graduate na nasa ABM strand o

hindi kaya ay magtayo ng sariling negosyo kung hindi na siya magpapatuloy

ng kolehiyo.

 Mayroong iba’t ibang kurso ang maaaring kuhanin ang mag-aaral na

nagtapos ng Senior High sa ABM strand.


VII. Rekomendasyon

Ayon sa mga konklusyon na nakalap ng mga mananaliksik, inirerekomenda nila

na:

 Ang mga mag-aaral na nagtapos ng Senior High School na may

Accountancy, Business and Management strand ay nararapat na

magpatuloy ng kolehiyo.
VIII. Mga Sanggunian

ABM Strand. (n.d.). Retrieved February 15, 2019, from

https://www.enderuncolleges.com/abm-strand/

Antonio, Y. (2018, November 24). ADVANTAGE OF TAKING AN ABM STRAND IN

SHS. Retrieved from https://jumbohakdogs.home.blog/2018/11/24/advantage-of-

taking-an-abm-strand-in-shs/

Bnei Baruch (2009). Ang Kaalaman ng Kabala. Retrieved from

http://www.kabbalah.info/tagalog/education.htm

Descriptive Research: Definition, Characteristics, Methods, Examples and

Advantages. (2018, August 29). Retrieved from

https://www.questionpro.com/blog/descriptive-research/

It’s More Fun in ABM! (n.d.). Retrieved from

http://itsmorefuninabm1.blogspot.com/

Difference between qualitative and quantitative research. (2018, July 18).

Retrieved from https://www.snapsurveys.com/blog/qualitative-vs-quantitative-

research/

Dizon, G. (2014, March 20). Ang kahalagahan ng entrepreneurship sa ekonomiya

at lipunan. Retrieved from https://www.slideshare.net/geraldgdizon/ang-

kahalagahan-ng-entrepreneurship-sa-ekonomiya-at-lipunan

Payb. (n.d.) Retrieved from https://a-123unanggrupofilbas.weebly.com/

You might also like