You are on page 1of 41

MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA

UNIBERSIDAD NG OUR LADY OF FATIMA HINGGIL SA PAGTAAS NG


PRESYO NG MGA BILIHIN KAUGNAY NG PAGBABA NG PISO

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kagawaran


ng Senior High School
Our Lady of Fatima University
Cabanatuan, Capus

Bilang Bahagi sa Pangangailangan sa


Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:
De Torres, Emerald Leanne G.
De Jesus, Alessandra Nicole C.
Delacruz, Gennie Mae C.
Demery, Lewis S.
Romero, Jaedine T.
Romero, Pauline P.
Santos, John Aeron C.

Pangkat Blg. 2
Accountancy, Business and Management 11-2

Ipinasa kay:
Bb. Giselle G. Ruiz
Tagapayo

Marso 2020
MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

Talaan ng Nilalaman

Kabanata I: Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral


I. Panimula 3
II. Paglalahad ng Suliranin 4
III. Layunin ng Pag-aaral 5
IV. Kahalagahan ng Pag-aaral 5
V. Batayan Konseptwal 6
VI. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral 7
VII. Depenisyon ng mga Terminolohiya 8

Kabanata II: Mga Kaugnay na Literatura


I. Lokal na Literatura 9
II. Dayuhang Literatura 11

Kabanata III: Pamamaraan at Metodolohiya


I. Pagkuha ng kasangkot 16
II. Pamamaraang ginamit sa pag-aaral 16
III. Pangongolekta ng datos 16
IV. Pagtitipa 17

Kabanata IV: Presentasyon, Interpretasyon, at Analisis ng mga Datos


I. Propayl ng mga Respondente Batay sa Kasarian 19
II. Propayl ng mga Respondente sa Strand 20
III. Mga epekto ng pagbaba ng piso at pagtaas ng mga bilihin 20
IV. Mga Alternatibong Paraan sa Suliranin 22

Kabanata V: Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

I. Lagom 24
II. Konklusyon 25
III. Rekomendasyon 26

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

Dahong Dagdag

I. Talaan ng Sanggunian 28
II. Dokumentasyon 30
III.Liham sa Respondente 31
IV. Sarbey-kwestyuneyr 32
V. Propayl ng Mananaliksik 34

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

I. PANIMULA
Natutugunan ng mga tao ang kani-kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng

mga bilihing matatagpuan sa iba’t ibang pamilihan katulad ng mga pagkain, damit, at

kagamitan na siyang pangunahing pangangailangan sa pang-araw-araw na buhay.

Gayunpaman, sa kadahilanang tumataas ang demand ng mga produkto at bumababa ang

supply, nagreresulta ito ng pagtaas ng mga bilihin na siyang isa sa mga salik na

nagpapahirap sa ating pangkasalukuyang pamumuhay.

Sa kabila nito, natuto ang ibang mamamayan na humanap ng alternatibong mga

produkto upang sila ay makaiwas sa mataas na presyo, gayon na rin ang pagiging wais

ukol sa pagbili ng mga produkto kung saan inuuna nila ang kanilang kinakailangan bago

ang kagustuhan.

Bumababa ang halaga ng piso dahil sa pagtaas ng halaga ng dolyar. Para sa isang

bansang gaya ng Pilipinas na nakadepende sa imported oil at capital goods sa

pagpapalago ng ekonomiya, kailangan ding magtiis sa mababang halaga ng piso at sa

pabago-bagong galaw ng financial markets sa buong mundo na nakapagpapalala ng

sitwasyon. Ang malakas na dolyar ay nakakaapekto hindi lamang sa piso kundi sa pera

ng iba pang bansa sa Asya.

Ang pagbaba ng halaga ng piso ay malaki ang epekto sa mamimili dahil tumataas

ang presyo ng bilihin at nakaa-apekto ito sa mga kapos sa buhay o mahihirap sapagkat

hindi naman lahat ng mamimili ay may kakayanang bumili lalo na at matataas ang presyo

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

ng mga ito kung saan ang mga nagtitinda ay nalulugi sa pagtaas ng presyo ng bilihin at

ang iba ay naghahanap ng iba’t ibang diskarte upang matipid ang maliit na hanapbuhay.

Isa sa mga apektado sa pagbaba ng piso at pagtaas ng mga bilihin ay ang mga

estudyanteng nagbu-budget sa mga baon at perang ibinibigay sa kanila. Ang mga

mamamayan ay humahanap at gumagamit ng iba’t ibang paraan upang masolusyunan ang

ganitong uri ng suliranin kung saan lubos na apektado ang perang kanilang kinikita.

Isama na rito ang problema ng mga naghahanapbuhay sa pamamagitan ng pagtitinda at

ang ilang transaksyon gamit ang piso.

II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang maipakita ang pananaw at opinion ng

mga piling mag-aaral sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima hinggil sa pagtaas ng

mga bilihin na siyang kaugnay ng pagbaba ng piso. Sila ay tinanong ng mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga respondante?

1.1 Pangalan (opsiyonal)

1.2 Kasarian

1.3 Edad

1. Bilang estudyante, sapat pa rin ba ang perang ibinibigay sa kanila upang

matustusan ang kaniya-kaniyang pangangailangan sa kabila ng pagtaas ng

bilihin at pagbaba ng piso?

2. Nakakaimpluwensya ba ang pagbaba ng piso sa pagtaas ng mga bilihin?

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

3. Bilang mamamayan at estudyante, may maimumungkahi ka bang mga paraan

na maaaring maging tulong at solusyon tungkol sa mabilis na pagtaas ng mga

bilihin at ang pagbaba ng ating piso sa pamumuhay ng mga piling

mamamayan sa Cabanatuan?

III. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang mga salik na nagiging

dahilan sa pagbaba ng piso at pagtaas ng bilihin. Nais ding malaman ng pananaliksik

na ito kung ano at papaano nakaa-apekto ang mga nasabing suliranin, positibo o

negatibo, sa pamumuhay ng mga estudyante pati na rin sa kanilang mga pamilya.

Gayon na rin ang pag-alam kung maaari nga bang magkaroon ng solusyon ang isyung

ito o magkakaroon lamang ng alternatibong paraan upang makaiwas sa negatibong

epekto nito.

IV. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pera o ang ating piso ay lubos na kinakailangan upang matugunan ang ating

panangailangan subalit sa paglipas ng panahon, ang halaga nito ay patuloy na

kumukupas at nababawasan dulot ng iba’t ibang salik. Isa na rito ang pagtaas ng mga

bilihin dahil sa tinatawag nating inflation rate. Mahalagang maunawaan natin kung

bakit nagkakaroon ng ganitong uri ng suliranin nang sa gayon ay makatuklas tayo ng

maaaring maging paraan o solusyon kaugnay nito. Kaya ang pag-aaral na ito ay

magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

1. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman

ukol sa isyu ng patuloy na pagbaba ng halaga ng piso at ang pagtaas ng mga

bilihin lalo na at sila, bilang konsyumer, ang pinaka-apektado sa problemang

ito. Dito rin ay magkakaroon sila ng ideya kung paano nga ba maiiwasan ang

mga hamong dala ng suliraning ito. Upang maunawaan nila ang mga

prolemang dala ng pagbabagong ito, at upang maging wais ang mga mamimili

tungkol sa mga produktong kinakailangan lamang bilhin.

2. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa kanila upang

maunawaan ang mga dahilan sa kabila ng nasabing isyu at bilang isang

estudyante mas magagawa nilang patuloy na mapag-aralan ang koneksyon ng

mga salik na nabnggit.

3. Sa mga nagtitinda. Upang maunawaan nila ang dahilan sa likod ng pagtaas

ng mga bilihin, gayon na rin ang ibang paraan upang patuloy na kumita sa

kabila ng kawalan o pagbaba ng bilang ng konsyumer.

V. BATAYANG KONSEPTWAL

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng input-process-output kung saan ay

inilahad sa input frame ang mga suliraning tinutukoy ng araling ito gayon na rin ang

mga impormasyon ukol sa respondent. Sunod ay ang process frame kung saan

ipapakita ang gagawing aksyon at proseso upang makapangalap ng datos na

kakailanganin sa pagbuo ng resulta. Panghuli, ang output frame na siyang

nagpapakita ng naging resulta ng mga isinagawang proseso sa piling mag-aaral sa

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

Unibersidad ng Our Lady of Fatima, dito ibabase kung nagkaroon ba ng kasagutan

ang mga katanungang nais mabigyang-linaw ng pananaliksik.

Input Process Output

Pagbaba ng piso kaugnay Gagamit ang mga Inaasahan sa pananaliksik

ng pagtaas ng mga bilihin mananaliksik ng mga na ito na tuluyang

kwestyuneyrs at interbyu maiintindihan ng mga

upang makalipon ng mga estudyante ang mga salik

datos na kinakailangan sa likod ng suliraning ito at

upang mailahad ang resulta ang pag-iwas sa pagbili ng

ng pananaliksik. mga produktong may

mataas na presyo kung

mayroon namang

alternatibo.

Pigura.1

VI. SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro at tumutukoy lamang sa kung ano ang epekto

ng magkaugnay na pagbaba ng halaga ng piso at pagtaas ng mga bilihin sa

pamumuhay ng mga estudyante mula sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima.

Kabilang dito ang paghahanap ng alternatibo upang maiwasan ng mga mamamayan

ang ang iba pang suliraning dala ng mga isyu ng pagbaba ng piso at pagtaas ng

bilihin. Ang limistasyon na dapat isaalang-alang sa pananaliksik na ito ay hindi

masosolusyunan at mareresolba ng mga mananaliksik ang isyu ng pagbaba ng piso at

pagtaas ng bilihin bagkus magkakaroon sila ng ideya at mga datos na maaaring

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

makatulong sa paghahanap ng alternatibong mga paraan upang mabawasan ang hirap

na dala ng mga nabanggit. Isinagawa ang pananaliksik na ito sa mga piling mag-aaral

sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima sa ilalim ng akademikong hibla na Science

Technology, Engineering, and Mathematics kung kaya ay maaaring mabago ang

resulta depende sa baryabol tulad ng lugar at uri ng respondente.

VII. DEPENISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Supply – ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili

ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

Demand – ay tumutukoy sa dami at bilang ng mga konsyumer na gustong bumili ng

produkto.

Financial Markets – isang pamilihan kung saan nagaganap ang palitan o bilihan ng

mga ari-arian (assets) sa mababang halaga.

Inflation rate – ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal at

mga serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng isang periodo o takdang panahon.

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Lokal na Literatura
Ayon kay Dagala (2015), ilan sa nakikitang dahilan ng paghina ng piso ay ang

planong pagtataas ng interest rates ng US federal reserve at tumatamlay na ekonomiya ng

China. Kapalit ng pagkakaroon ng mababang halaga ng piso ay ang pagtaas ng presyo ng

mga imported na bilihin tulad ng petrolyo ganyundin ang mga bagay na dapat bayaran

gamit ang dolyar kaysa piso.

Ang globalisasyon ay ang konsepto ng mas malawak na pagkakaugnay-ugnay ng

iba’t ibang bansa sa mundo kung saan isa ito sa nagiging salik ng implasyon sa Pilipinas

na nagpapabago ng takbo ng ekonomiya ng bansa. Sa kabilang banda, kasabay ng pagtaas

ng bilihin o ang implasyon ay ang pagtaas ng bilang ng mga taong walang trabaho. Ito ay

hindi makadaragdag sa pagtaas ng demand na siyang isa sa dahilan ng pagtaas ng

implasyon. Sinasabi rin na kung ang implasyon ay sobra sa inaasahang bilang, malaking

sakripisyo at proseso ang kinakailangan upang maibalik ito sa dati nitong lebel kung saan

ang bangko sentro ay tutupad sa kaniyang responsibilidad ukol sa katatagan ng presyo o

ang price stability. (Guinigundo, 2017)

Nagsimula ang palitan ng piso sa P2 kada dolyar sa panahong kinilala na ng

Amerika ang kalayaan ng Pilipinas noong 1946. Noong panahon naman ng

administrasyong Macapagal ay P4, P6 sa unang bahagi ng administrasyong Marcos,

noong 1986 sa kasagsagan ng EDSA Revolution ay P20, P27 nang magkaroon ng mga

pagtatangkang kudeta laban sa gobyerno ni Cory Aquino noong 1989, P41 noong

kainitan ng Asian Financial Crisis taong 1997 hanggang sa patuloy nang bumababa ang

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

halaga ng piso kontra dolyar na umabot na sa P51 sa kasalukuyan. Tunay na halos hindi

pa pansin ang epekto ng pagbaba at pagbabago ng palitan ng piso sa dolyar sa buhay ng

karaniwang Pilipino subalit dapat na maunawaan ang epekto nito sa buhay ng ibang tao

sa maraming paraan. (Balita Online, 2017)

Ayon pa rin sa Balita Online (2017), sa pagbaba ng halaga ng piso,

ipinapahiwatig lamang nito na kailangang dagdagan ng mga importer ang ibinabayad nila

sa piso upang mabili ang kaparehong kalakal upang tumbasan nito ang halaga sa dolyar.

Mas tataas ang presyo ng mga imported products o ang produkto mula sa ibang bansa

tulad ng mga sasakyan, bilihin, mga palamuti, at ang pinakamahalaga ay ang petrolyo.

Ang patuloy na pagmahal ng gasolina at diesel ay nagreresulta ng mas magastos na

pagbiyahe ng mga produktong pagkain kung kaya’t dahil dito ay tumataas ang presyo ng

mga bilihin. Magdudulot ito ng mas mataas na pamasahe sapagkat ayon sa mga byahero

na kinakailangang dagdagan ang pamasahe nang sa gayon ay hindi maubos ang kanilang

mga kita nang dahil lamang sa petrolyo.

Sa tuwing bumababa ang halaga ng piso ay tumataas naman ang dolyar kung saan

nangangahulugan ito ng pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas na siyang kabaliktaran sa

gobyerno ng Estados Unidos. Ayon sa talaan ng PDEX kaugnay ng paglakas ng piso at

pagbaba ng dolyar, nagiging hudyat ito ng paghina ng ekonomiya ng Amerika at Europa

na siyang nakatutulong sa pagtaas ng ating ekonomiya at sa magandang perpormans ng

piso sa pagdaloy niyo sa merkado. Ayon sa National Economic Development Authority

(NEDA), malaking bahagi ng kalakalan sa Pilipinas ang mga nasabing bansa kung kaya

nangangahulugan na sa oras na humina ang kanilang ekonomiya, malaki ang magiging

epekto nito sa mga karatig na bansa tulad ng Pilipinas lalo na sa halaga ng piso. Ngunit sa

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

halip na bumaba, ito ay tumaas dahilan sa establisadong kalakalan nito sa ibang bansa

tulad na lang ng Tsina. (Solman, 2014)

Kasabay ng pagtaas ng demand sa mga kalakal at ang pagiging matatag ng mga presyo na

siyang nagdudulot ng implasyon o inflation, tumataas din ng ilang puntos ang halaga ng

stock market ng mga taga-Estados Unidos na sinabayan naman ng pagtaas ng halaga ng

dolyar laban sa piso. Ayon sa libro ng Ekonomiko, labis na ikanatutuwa ng pamahalaan

ng administrasyon ng ibang bansa tuwing tumataas ang dolyar habang bumababa ang

halaga ng piso sapagkat bumababa ang presyo ng bilihin sa kanilang bansa habang

tumataas naman ang presyo ng mga produkto sa Pilipinas kung saan mas gumaganda ang

takbo ng kanilang ekonomiya, lalo na at napakalaki ng kanilang bansa. Dahil din dito mas

nagkakaroon ng magandang oportunidad ang kanilang mga exporters dahil sa maraming

bansa ang tumatangkilik sa kanilang mga produkto. Dahil nga sa mataas na tumbas ng

dolyar ma smalaking pera ang naipapalit nila dito na nagsisilbing daan sa lalo pang

pagtaas ng kanilang ekonomiya na pagbaba ng sa Pilipinas.

Dayuhang Literatura

The days of the 2:1 ratio of the Philippine Peso to the US dollar are long gone as

conversion rates today sit at over ₱52 to $1, with the Philippine currency performing the

worst it has in over a decade. While this slump renders the Peso weak and rather

unstable, the silver lining lies in the millions of Overseas Filipino Workers (OFWs) who

regularly send remittances to family back home. As OFW remittances rise in value, they

continue to aid the country’s economy, sustaining and growing its domestic consumption.

(Escalona, 2018)

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

According to Fajardo (2016), the peso exchange rate is determined by the supply

of and demand for dollars in peso terms or the supply of and demand for pesos in dollars

terms in the foreign exchange market. The peso gets weaker if more dollars go out of the

country than what go in and vice versa. This result is true in the current system of

floating exchange rate where the Central Bank allows the peso to seek its own value in

the market in relation to the US dollar or any currency foreign currency for that matter

such as the Yen or the Euro. A weak peso means a strong dollar and this makes all our

imports in dollars more expensive in peso terms. This tends to reduce imports or

restrains its growth.

A weak peso makes our export products cheaper to foreign buyers. This

encourage them to import more from us. With declining imports and increasing exports,

our net exports expands. The rise in prices or inflation, especially for products with high

import contents, usually comes with a falling peso. This is not good for it hurts the

consumers. Among others, another consequence of the falling value of the peso is the

increase in the cost of servicing our foreign debts. When our foreign debts are

denominated in dollars, a weak peso means that we now have to allocate more from our

budget to pay for annual interests and amortization. This is not good because less of our

budget will now be left for government programs and projects. (Fajardo, 2016)

Prices have an immense affect on the decision making of producers and can be

explained by the law of supply. The law of supply  states that the quantity of a good

increases when the price decreases. The law of supply is a primary example of how

pricing can affect decision making with producers. Price also affects producers because

it relates to the cost of materials needed to produce a good. That is why price is one of

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

the factor why people prevent themselves from buying other things and necessities.

(Haire, 2012)

A continuous substantial rise in the general price level is injurious for

community's socio-economic interest, both in terms of current welfare and future

economic development. Consumers' real disposable personal income and consequently

their spending capacity are significantly affected by the change in prices. During the

regime of the last caretaker government (CG), the prices of essentials have escalated day

by day.

The life of the low income and middle income group has affected very much

because of the rising trend of the prices of the essentials. The consumers have either

bound to cut their expenditure or lend money to manage their excessive expenditure due

to price increase. (Sarkarl et. al, 2011)

Nawala na ang mga panahon kung saan ang palitan ng dolyar at piso ay mayroong

proporsyon na 2:1, hindi tulad ngayon na nagkakahala ng ₱52 sa bawat $1, ito ang

pinakamalalang palitan sa loob ng dekada. Sa kabila ng suliranin na ito ay ang isang

tulong o magandang epekto para sa milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) na

siyang nagpapadala ng pera mula sa ibang bansa patungo rito. Nagagawa nilang bigyang

lunas ang umaalmang ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng pagpapanatili at

pagpapalawak ng domestic consumption.

Ayon kay Fajardo (2016), ang bahagdan ng palitan ng piso ay natutukoy sa

pamamagitan ng mga supply at demand para sa dolyar gamit ang piso o ang supply at

demand sa piso gamit ang dolyar sa pangdayuhang pamilihan o ang foreign exchange

market. Humihina ang piso kapag mas maraming dolyar ang lumalabas mula sa bansa

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

kaysa sa pumapasok, gayon na rin sa kabaliktaran nito. Hinahayaan ng Central Bank na

tumaas ang halaga ng piso sa pamamagitan ng pagpasok sa mga foreign matkets kaugnay

ng dolyar o iba pang mga pera ng ibang bansa tulad ng Yen o Euro. Pinahihiwatig ng

mahinang piso ang paglakas ng dolyar na siyang nagpapamahal ng mga produktong

angkat mula sa ibang bansa, dahil ditto ay nababawasan ang mga produktong inaangkat

sa labas ng bansa at napipigilan ang paglawak nito.

Nagiging mura ang mga produktong inilalabas mulas sa ating bansa dahil sa

pagbaba ng piso. Kung kaya at mas ninanais nila na kumuha ng produkto mula sa atin.

Dulot ng pagbaba ng imports at pagtaas ng bilang ng exports, an gating net exports o ang

nakukuhang kita mula sa mga produktong inilalabas ay patuloy na lumalago. Ang pagtaas

ng presyo o ang implasyon, lalo na ang mga produktong galing sa ibang bansa ay

kadalasang kasabay ng pagbaba ng halaga ng piso. Hindi ito maganda sapagkat

nahihirapan ang mga consumer. Isa pang resulta ng suliraning ito ay ang pagtaas ng ating

bayad sa pagkakautang sa ibang bansa. Kung ang ating utang sa ibang bansa ay

nakabilang sa dolyar, nangangahulugan ito na kinakailangan nating tumbasan ang halaga

nito gamit ang ating humihinang piso kung saan maaaring dumoble ang bilang ng

halagang kinakailangan mabayaran. Dahil dito, maaaring magkaroon tayo ng shortage o

pagkukulang sa mga programa’t proyektong pang-gobyerno. (Fajardo, 2016)

Ayon kay Haire (2012), isa sa mga salik na nakaaapekto sa desisyon ng mga

gumagawa ng produkto ay ang konsepto ng batas ng suplay o ang law of supply. Sinasabi

sa batas na ito na ang bilang ng isang produkto ay tataas kapag bumaba ang presyo.

Naaapektuhan din ng presyo ang mga prodyusers dahil nakabase ito sa halaga ng

materyales na kinakailangan para magawa ang isang produkto kung saan din ang presyo

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

ang nagdidikta o pumipigil sa mga tao mula sa pagbili ng mga gamit at iba pang

pangangailangan.

Ayon kay Sarkarl et al. (2011), ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga

produkto ay nakaaapekto sa socio-economic (tumutukoy sa kung ano ang mga epekto ng

gawain pang-ekonomiya sa lipunan ng mga tao), sa parehas na aspeto ng kasalukuyang

kalagayan at panghinaharap na pag-unlad ng ekonomiya. Ang kita ng mga konsyumer at

ang kanilang mga perang ginagastos pambili ay naaapektuhan ng pagbabago ng presyo.

Sa panahon ng pamumuno ng caretaker government (CG), ang presyo ng mga

mahahalagang produkto ay tumataas kada-araw. Ang buhay ng mga may mabababa at

sapat na kita lamang ay lubos na apektado ng pagtaas ng presyo. Tinitipid na lamang nila

ang kanilang sarili upang mapagkasya ang perang kanilang kinikita sa pagbili ng mga

pangangailangan o hindi kaya ay humihiram ng pera sa iba upang makasabay sa pagtaas

ng presyo ng mga bilihin.

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

KABANATA III
PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA

I. PAGKUHA NG KASANGKOT
Ang pamamaraang ginamit sa pagkuha ng kinakailangang kasangkot o

respondente sa pag-aaral na ito ay stratified sampling kung saan nakadepende lamang

ito sa isang grupo base sa pagkakatulad. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng

serbey sa mga mag-aaral ng ika-labing isang baitang mula sa Unibersidad ng Our

Lady of Fatima upang makakalap ng mga datos na kinakailangan sa pag-aaral na ito.

II. PAMAMARAANG GINAMIT SA PAG-AARAL


Ang naisagawang pananaliksik ay gumagamit ng palarawang pamamaraan o

Descriptive Method. Sa metodo na ito ay inilalarawan ang mga katangian ng isang

populasyon o penomeno na pinag-aaralan. Naniniwala ang mga mananaliksik na

angkop ang disenyong ito para sa pag-aaral na pinamagatang “Mga opinyon at

pananaw ng mga piling mag-aaral sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima hinggil sa

pagtaas ng presyo kaugnay ng pagbaba ng piso” sapagkat mas mapapadali ang

pagkalap ng mga kinakailangang datos mula sa mga respondente. Limitado lamang

ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay

hindi lamang nakadepende sa dami ng respondenteng sumagot sa mga kwestyuneyr.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mga mananaliksik na

magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang makakalap ng impormasyon sa suliranin ng

pananaliksik.

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

III. PANGONGOLEKTA NG DATOS


Sa pangongolekta ng mga datos, gumamit ang mga mananaliksik ng serbey-

talatanungan upang makakalap ng mga impormasyon at kasagutan sa suliranin

patungkol sa pagbaba ng piso at pagtaas ng presyo. Ang kwestyuneyr ay naglalaman

ng mga katanungang may kinalaman sa paksa. Ang talatanungan ang pinakamabilis at

mabisang instrumento sa pagkalap ng impormasyon, matapos itong masagutan ng mga

respondente ay agad na isasagawa ang pagkuha ng bahagdan mula sa mga kasagutan.

Susunod na rito ang paggawa ng grap mula sa nalipon na datos mula sa serbey na

siyang magpapakita ng resulta sa isinagawang pananaliksik.

IV. PAGTITIPA
Ginamit ng mga mananaliksik ang percentage technique bilang istatistikong

pamamaraan at pagsukat ng mga datos sa pananaliksik na ito. Ginamit din ito upang

makuha ang pangkalahatang bahagdan ng bilang ng mga magkakamukhang sagot sa

isang particular na tanong.

Ang pananaliksik na ito ay gumamit din ng Slovin’s formula upang malaman

ang bilang ng populasyon na sakop ng pag-aaral na ito. Ang mga pormulang ginamit

ay ang mga sumusunod:

Percentage Technique Formula

f x 100
P ( % )=
n

Kung saan:

P – bahagdan

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

f – bilang ng sagot

n – kabuuang bilang ng mga respondent

Weighted Mean Formula

1 ( x ) +2 ( x ) +3 ( x ) +4 (x)
Weighted Mean=
N

Kung saan:

x – bilang ng mga sagot ng mga respondent

N – kabuuang bilang ng mga respondente

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

KABANATA IV
PRESENTASYON, INTERPRETASYON, AT ANALISIS NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay sumasaklaw sa presentasyon, interpretasyon, at analisis ng

mga datos at impormasyon na nakalap ng mga mananaliksik tungkol sa pag-aaral na ito

na may kinalaman sa mga opinyon at pananaw ng mga mag-aaral mula sa Universidad ng

Our Lady of Fatima University hinggil sa pagtaas ng bilihin na siyang kaugnay ng

pagbaba ng piso. Gayundin ang mga datos at impormasyong nalikom sa sarbey-

kwestyuneyr ay inilahad nang maayos upang makita ang kinalabasan. Anu-ano ang mga

propayl baryabol ng mga respondent batay sa:

Kasarian

Talahanayan 1

Propayl ng mga Respondente Batay sa Kasarian

Kasarian Bilang Porseynto Ranggo

Babae 29 63% 1

Lalake 17 37% 2

Kabuuan 46 100%

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

Sa Talahanayan 1 makikita ang propayl ng mga respondente batay sa kanilang

kasarian. May kabuuang bilang na dalawampu’t siyam (29) na may katumbas na

animnapu’t tatlong porsyento (63%) ang mga respondenteng babae. May kabuuang

bilang na labing-pito (17) na may katumbas na tatlumpu’t pitong porseynto (37%) ang

mga respondenteng lalaki. Samakatuwid, makikita sa Talahanayan 1 na karamihan sa

mga respondente ay babae ang kasarian.

Batay Strand

Talahanayan 2

Propayl ng mga Respondente sa Strand

Strand Bilang Porsyento


STEM 46 10%

Sa talahanayang ito, ipinakikita na ang respondenteng ginamit sa pananaliksik ay

nagmula sa mga mag-aaral sa ilalim ng strand na STEM na siyang bumuo ng

kinakailangang sampung porsyento na bilang (10%).

Talahanayan 3

Weighted
Epekto Ranggo
Mean
Pagtaas ng mga bilihin
1. Hindi na sumasapat ang aking baon dahil
2.78 Sumasangayon
masyadong mahal ang mga bilihin.
2. Naapektuhan ang aking pag-aaral ng pagtaas ng
bilihin sapagkat kaugnay nito ang pagtaas din ng 3 Sumasangayon
mga gamit pampaaralan.

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

3. Nahihirapan ako sa pagbili ng aking mga


kinakailangan dahil sa pagtaas ng mga presyo 2.59 Sumasangayon
nito.
4. Naapektuhan ang paraan ng paggastos o pagba-
budget namin dahil sa pagtaas ng bilihin at 3.30 Sumasangayon
pagbaba ng halaga ng piso.
5. Umuunti ang mga mamimiling tulad ko dahil sa
3.07 Sumasangayon
pagtaas ng mga bilihin.
Kabuuan 2.95 Sumasangayon
Pagbaba ng piso
6. Nababaliwala ko ang piso dahil sa mababang Hindi
2.15
halaga nito. sumasangayon
7. Nakaaapekto sa amin ang pagbaba ng piso, lalo na
2.99 Sumasangayon
sa mga kamag-anak kong OFW.
Hindi
8. Mas pinipili ko ang dolyar kaysa sa piso. 2.04
sumasangayon
9. Mas mataas ang halaga ng dolyar kaysa sa piso
3.41 Sumasangayon
pagdating sa palitan ng pera.
10. Naaapektuhan ng pagbaba ng halaga ng piso ang
3.24 Sumasangayon
ekonomiya ng ating bansa.
Kabuuan 2.77 Sumasangayon
Mga epekto ng pagbaba ng piso at pagtaas ng mga bilihin

Sa Talahanayan 3 makikita ang bilang ng mga epektong naidudulot ng pagbaba

ng piso at pagtaas ng bilihin. Ang mga katanungan tungkol sa pagtaas ng bilihin sa aytem

bilang isa (1) hanggang lima (5) ay may weighted mean na dalawa at limampu’t siyam

(2.59) hanggang tatlo at tatlumpu (3.30) na pasok sa ranggo ng sumasangayon habang

ang mga kasagutan ukol sa pagbaba ng piso mula sa aytem bilang pito (7), siyam (9), at

sampu (10) na may weighted mean na dalawa at siyamnapu’t siyam (2.99) hanggang tatlo

at apatnapu’t isa (3.41) ay may ranggong sumasangayon samantala ang bilang anim (6) at

walo (8) ay may ranggo na hindi sumasangayon kaugnay ng kanilang weighted mean na

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

dalawa at labing-isa (2.15) at dalawa at apat (2.04). Ang epekto kaugnay ng pagtaas ng

bilihin ay may kabuuang weighted mean na dalawa at siyamnapu’t lima (2.95) na may

ranggo na sumasangayon. Ang epekto kaugnay naman ng pagbaba ng piso ay may

kabuuang weighted mean na dalawa at pitumpu’t pito (2.77) na may ranggong

sumasangayon.

Samakatuwid, lumalabas mula sa ginawang talahanayan na ang mga mag-aaral ay

sumasangayon sa mga epektong nakasaad ukol sa pagtaas ng bilihin at pagbaba ng piso

dahil ito ay may kabuuang weighted mean na dalawa at siyamnapu’t lima (2.95) at

dalawa at pitumpu’t pito (2.77) na parehas na may ranggong sumasangayon.

Talahanayan 4

Mga Alternatibong Paraan sa Suliranin

Weighted
Aytem Ranggo
Mean
Pagtaas ng mga bilihin
11. Nagtitipid ang aking magulang sa gastusin sa
bahay dahil sa pagtaas ng presyo at pagbaba ng 3 Sumasangayon
piso.
12. Humahanap ako ng alternatibong produkto ng
aking kinakailangan nang sa gayon ay makatipid 3.20 Sumasangayon
ako.
13. Itinatabi ko ang mga materyales na maaari pang
muling gamitin upang makaiwas sa pagbili ng 3.09 Sumasangayon
bago.
14. Aking iniipon ang mga natitirang baon upang sa
kabila ng pagbaba ng piso at pagtaas ng bilihin ay 3.15 Sumasangayon
may magamit pa rin ako kung kinakailangan.
15. Pinag-iisipan kong mabuti ang mga bagay na aking
2.87 Sumasangayon
pagkakagastusan.
Kabuuan 3.06 Sumasangayon

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

Sa talahanayan 4 makikita ang bilang ng mga alternatibong paraan upang

mabigyang lunas ang suliraning mga kinakaharap. Ang mga aytem mula labing-isa (11)

hanggang labing-lima (15) ay pare-parehas na nagtataglay ng ranggong sumasangayon na

mayroong weighted mean na umaabot mula dalawa at walumpu’t pito (2.87) hanggang

tatlo at dalawampu (3.20). Ito ay nagtataglay ng kabuuang ranggo na sumasangayon na

mayroong weighted mean na tatlo at anim (3.06).

Samakatuwid, makikita sa Talahanayan 4 na ang aytem bilang labing-dalawa ang

may pinakamataas na weighted mean na tatlo at dalawampu (3.20) na may ranggong

sumasangayon, isa sa pinakamabisang paraan kontra sa suliraning ito ay ang paghanap ng

alternatibong produkto kung saan sila ay mas makatitipid. Ang aytem bilang labing-lima

na may weighted mean na dalawa at walumpu’t pito (2.87) at may ranggo na

sumasangayon pa rin ay tungkol naman sa kanilang pagdedesisyon kaugnay ng mga

importanteng bagay na dapat nilang unahing bilhin.

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Lagom
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang mga pananaw at

opinyon ng piling mag-aaral mula sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima hinggil sa

epekto ng pagtaas ng bilihin na siyang kaugnay ng pagbaba ng piso. Gayundin ang mga

respondente ay tutukuyin ang maaaring epekto ng mga nasabing suliranin sa

pamamagitan ng sarbey-kwestyuneyr upang makakalap ng mga datos na hahanguan ng

interpretasyon upang makamit ang layunin ng pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay

magsasagawa ng pagsasarbey sa ika-labing-isang baitang na magmumula sa strand na

STEM.

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Palarawang pamamaraan o Discriptive

Method. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang

pinamagatang “Mga pananaw at opinyon ng mga piling mag-aaral mula sa Unibersidad

ng Our Lady of Fatima hinggil sa epekto ng pagtaas ng bilihin na siyang kaugnay ng

pagbaba ng piso” sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa aming

respondent. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng stratified random sampling sa pagpili

ng respondent at batay rito ay apatnapu’t anim (46) na sampol mula sa apatnapu’t anim

na raang (460) estudyanteng STEM ang sasailalim sa sarbey.

Ang propayl ng mga respondente batay sa kanilang kasarian ay babae ang

lumabas na may pinakamaraming populasyon.

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

Konklusyon

Bilang konklusyon sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, napatunayan ng mga

mananaliksik ang iba’t ibang epektong naidudulot ng pagbaba ng piso at pagtaas ng mga

bilihin sa mga mag-aaral at kanilang pamilya. Ayon sa sarbey-kwestyuneyr na

pinasagutan sa mga respondente, hindi na sumasapat ang kanilang mga baon at

nahihirapan na sila sa pagbu-budget ng kanilang pera dahil sa pagtaas ng bilihin gayundin

ang pag-unti ng mga mamimili dahil sa parehong kadahilanan. Ayon pa rin sa

isinagawang sarbey, lubos na apektado ang kanilang mga kamag-anak na OFW sa

pagbaba ng piso dahil sa palitan nito ng dolyar na siyang kanilang kinikilita sapagkat mas

mataas ang halaga nito kaysa sa piso, at dahil dito ay bumababa o humihina an gating

ekonomiya subalit sa kabila ng pagbabang ito, hindi pa rin nila mas pinipili ang dolyar at

binabaliwala ang piso.

Kasabay ng pagharap sa suliranin ng pagbaba ng piso at pagtaas ng bilihin ay ang

pagkatuklas o pagsasagawa ng iba’t ibang alternatibong paraan upang ito ay maiwasan.

Ayon sa sarbey-kwestyuneyr, nagtitipid na ang kanilang mga magulang upang hindi

masayang ang mga bagay na bibilhin, gayon na rin ang paghanap nila ng alternatibong

produkto kung saan sila ay mas makatitipid, ang pagtatabi ng mga materyales na maaari

pang muling gamitin, ang pag-iipon at pagtitipid ng baon nang sa gayon ay sila ay

makaipon ng pera na maaaring ipambili, at huli ay ang pagdedesisyon nang mabuti

tungkol sa kanilang mga pagbiling gagawin.

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

Kinokunkluda ng mga mananalik na ang pagbaba ng piso at pagtaas ng bilihin ay

may negatibong epekto sa mga mag-aaral at ibang bahagi ng kanilang pamilya kung saan

hindi lamang hanapbuhay nila ang nahihirapan kundi pati ang kanilang pang-araw-araw

na buhay lalo na ang paggastos ng mga mag-aaral subalit sa kabila nito ay patuloy pa rin

nilang pinipili ang piso na siyang sariling atin at ang paghahanap ng alternatibong mga

paraan upang magkaroon ng resolusyon ang problemang kinakaharap.

Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang mga datos nabuo ng mga

mananaliksik ang mga rekomendasyong ito:

1. Sa mga nagtitinda. Bilang mga tindera, malaki ang inyong maitutulong sa isyung

ito. Kung sana ay hindi papatungan ng mataas na halaga ang mga produktong

ibinebenta, hindi mas lalong uusbong ang pagtaas ng mga bilihin. Nararapat

lamang na maging patas tayo sa pisong dinadagdag sa mga puhunan nang sa

gayon ay parehas na maging matiwasay at maluwag ang buhay nagtitinda at

buhay mamimili.

2. Sa mga mamimili. Isa sa pinakamalaking factor kaugnay ng mga suliraning ito

ay ang mga konsyumer sapagkat sila ang kadalasang pinagkukuhanan ng mga kita

ng ating mga tindera. Kung kaya’t bilang mamimili, inaasahan na tayo ay

magiging wais sa ating pamimili nang sa gayon ay hindi tayo mahirapan sa pag-

usbong ng presyo ng mga bilihin kasabay ng pagbaba ng piso.

3. Sa mga mag-aaral. Isa rin tayo sa mga konsyumer na nakatutulong at apekto sa

pagbaba ng piso at pagtaas ng mga bilihin kung kaya’t bilang mag-aaral inaasahan

at inirerekomenda na maging matipid sa ating paggasta nang sa gayon ay hindi

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

masayang ang ating mga pera at ang pagsunod sa mga alternatibong paraan upang

makatulong tayo sa ating mga magulang.

4. Sa mga susunod na mananaliksik. Magsagawa ng malalim na pag-aaral upang

lubusan na mabatid ang pananaw ng mga mag-aaral. Gayundin ang paggamit ng

mas malaking populasyon nang sa gayon ay mas maging eksakto ang resulta ng

magiging sarbey. Ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa

pagtuklas ng mas marami at higit pang mga mahahalagang datos o impormasyon

na maaaring makatulong sa iba upang mas lubos nilang maunawaan ang

pinapaksa ng pananaliksik na ito.

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

TALAAN NG SANGGUNIAN

Guerrero Solman (2014). Mga Kaugnay na Literatura - Mga Kaugnay na Literatura at

Pag-aaral. Education 101, mula sa https://www.coursehero.com/file/10360376/Mga-

Kaugnay-na-Literatura/

Jaymark Dagala (2015). Paghina ng piso kontra dolyar may positibong epekto ayon sa

ilang eksperto. http://www.dwiz882am.com/index.php/paghina-ng-piso-kontra-dolyar-

may-positibong-epekto-ayon-sa-ilang-eksperto/

Diwa Guinigundo (2017). The globalisation experience and its challenges for the

Philippine economy. https://www.bis.org/publ/bppdf/bispap100_q.pdf

Balita Online (2017). Nakaaapekto sa atin sa iba-ibang paraan ang halaga ng palitan

ng piso. http://balita.net.ph/2017/02/27/nakaaapekto-sa-atin-sa-iba-ibang-paraan-ang-

halaga-ng-palitan-ng-piso/

Katrina Escalona (2018). PHP: Explaining Pesos, The Currency of The Philippines.

https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/php-explaining-pesos-the-currency-of-

the-philippines/

Leron Haire (2012). Effects of Prices on Producers and Consumers

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

https://study.com/academy/lesson/effects-of-prices-on-producers-and-consumers.html

M S K Sarkarl et. al, (2011). (PDF) Impact of Price Hike on the Consumers Livelihood.

https://www.researchgate.net/publication/275823713_IMPACT_OF_PRICE_HIKE_ON_

THE_CONSUMERS_LIVELIHOOD

Fernando Fajardo (2016). The depreciation of the peso and impact on the economy.

https://cebudailynews.inquirer.net/107657/the-depreciation-of-the-peso-and-impact-on-

the-economy#ixzz6G1RZzcZx

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

DOKUMENTASYON

Ang mga mananaliksik sa araling ito ay nagtulong-tulong upang matiwasay at

maayos na matapos ang nasabing pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay naglaan ng kani-

kanilang mga oras, pagod, panahon, at sakripisyo sa pagkalap ng mga datos at sa alang-

alang ng pagbuo o paglikha ng isang araling makakatulong sa iba. Kanilang tinitiyak na

ang pananaliksik na ito ay kapupulutan ng mga impormasyon at paraan upang maiwasan

ang suliraning tinutukoy rito, gayon na rin ang mga benepisyo para sa lahat.

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

DAHONG-DAGDAG
Liham sa Respondente

Liham,
Mahal naming respondante,
Isang mapagpalang araw po! Kami po ay ang mga mag-aaral sa ikalabin-isang
baitang sa ilalim ng akademiyang hibla na Accountancy, Business and Management na
nagmula sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima. Kami po ay kasuluyang nagsasawa ng
pananaliksik tungkol sa paksang “Mga pananaw at opinion ng mga piling mag-aaral
sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima hinggil sa pagtaas ng bilihin na kaugnay ng
pagbaba ng piso”. Malugod naming ibinabahagi na napili namin kayong maging bahagi
ng pag-aaral na ito bilang respondante ng pananaliksik.
Lubos naming tinitiyak na ang iyong mga impormasyon ay mananatiling tago at
kompidensyal gayon na rin ang datos at sagot na iyong ibabahagi.
Ang mga mananaliksik sa araling ito ay umaasa sa isang positibo at
kooperatibong tugon mula sa inyo para sa isang kapaki-pakinabang na gawaing pang-
akademiko.

Lubos na sumasainyo,
Emerald Leanne G. De Torres
Alessandra Nicole C. De Jesus
Gennie Mae C. Dela Cruz
Lewis S. Demery
Jaedine T. Romero
Pauline P. Romero
John Aeron C. Santos

Binigyang pansin ni:


BB. GISELLE G. RUIZ
Tagapayo ng Pananaliksik

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

Sarbey-Kwestyuner
Mahal naming respondante,
Isang mapagpalang araw! Kami ang mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Our Lady of
Fatima na siyang kasulukuyang nagtitipon at nangangalap ng datos para sa pananaliksik na “Mga
pananaw at opinyon ng mga piling mag-aaral sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima hinggil
sa pagtaas ng mga bilihin kaugnay ng pagbaba ng piso”. Malugod po naming hinihingi ang
inyong tulong at kooperasyon upang maging isa sa aming mga respondente. Lubos naming
tinitiyak na ang iyong mga impormasyon ay mananatiling tago at kompidensyal gayon na rin ang
datos at sagot na iyong ibabahagi.

Nauunawaan ko na ang aking pakikilahok ay boluntaryo at ako ay malayang umurong ano mang
oras nang walang dahilan at kapalit. Sumakatuwid, ako ay sumasangayon na makiisa sa paglilikom
ng datos na ito.
Part 1. Demogratik Propayl
Edad:__________
Pangalan (opsyunal): _____________________________________________ Kasarian: [ ]
Part 2. Ang mga sumusunod na pahayag ay tunutukoy sa kung ano ang mga epekto gayon na rin
ang pananaw at karanasan ng mga piling mag-aaral hinggil sa isyu ng pagtaas ng bilihin at pagbaba
ng piso.
4 – LUBOS NA SUMASANGAYON 2 – HINDI SUMASANGAYON
3 – SUMASANGAYON 1 – LUBOS NA HINDI
Sitwasyon 1 2 3 4
Pagtaas ng mga bilihin
1. Hindi na sumasapat ang aking baon dahil masyadong mahal
ang mga bilihin.
2. Naapektuhan ang aking pag-aaral ng pagtaas ng bilihin
sapagkat kaugnay nito ang pagtaas din ng mga gamit
pampaaralan.
3. Nahihirapan ako sa pagbili ng aking mga kinakailangan dahil
sa pagtaas ng mga presyo nito.
4. Naapektuhan ang paraan ng paggastos o pagba-budget namin
dahil sa pagtaas ng bilihin at pagbaba ng halaga ng piso.
5. Umuunti ang mga mamimiling tulad ko dahil sa pagtaas ng
mga bilihin.
Pagbaba ng piso
6. Nababaliwala ko ang piso dahil sa mababang halaga nito.
7. Nakaaapekto sa amin ang pagbaba ng piso, lalo na sa mga
kamag-anak kong OFW.
8. Mas pinipili ko ang dolyar kaysa sa piso.

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

9. Mas mataas ang halaga ng dolyar kaysa sa piso pagdating sa


palitan ng pera.
10. Naaapektuhan ng pagbaba ng halaga ng piso ang ekonomiya
ng ating bansa.
Mga alternatibong paraan
11. Nagtitipid ang aking magulang sa gastusin sa bahay dahil sa
pagtaas ng presyo at pagbaba ng piso.
12. Humahanap ako ng alternatibong produkto ng aking
kinakailangan nang sa gayon ay makatipid ako.
13. Itinatabi ko ang mga materyales na maaari pang muling
gamitin upang makaiwas sa pagbili ng bago.
14. Aking iniipon ang mga natitirang baon upang sa kabila ng
pagbaba ng piso at pagtaas ng bilihin ay may magamit pa rin
ako kung kinakailangan.
15. Pinag-iisipan kong mabuti ang mga bagay na aking
pagkakagastusan.

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

PROPAYL NG MGA MANANALIKSIK

EMERALD LEANNE G. DE TORRES

Padolina, General Tinio, Nueva Ecija

PERSONAL NA IMPORMASYON

KAARAWAN: Setyembre 18, 2003

LUGAR KUNG
SAAN IPINANGANAK: General Tinio, Nueva Ecija

EDAD: 16

NASYONALISMO: Filipino

RELIHIYON: Roman Catholic

CIVIL STATUS: Single

PANGALAN NG TATAY: Emerson C. De Torres

PANGALAN NG NANAY: Analyn G. De Torres

EDUCATIONAL BACKGROUND:

ELEMENTARYA: Padolina Elementary School

2009-2015

SEKONDARYA: General Tinio National High School

2015-2019

SERNIOR HIGH: Our Lady of Fatima University

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

PROPAYL NG MGA MANANALIKSIK

ALESSANDRA NICOLE C. DE JESUS

Mambangan, San Leonardo, Nueva Ecija

PERSONAL NA IMPORMASYON

KAARAWAN: Enero 10, 2003

LUGAR KUNG
SAAN IPINANGANAK: Manila, Philippines

EDAD: 17

NASYONALISMO: Filipino

RELIHIYON: MCGI

CIVIL STATUS: Single

PANGALAN NG TATAY: Rogelio F. De Jesus

PANGALAN NG NANAY: Jocelyn C. De Jesus

EDUCATIONAL BACKGROUND:

ELEMENTARYA: C.I. Villaroman Elementary School

2009-2015

SEKONDARYA: Cleverlane Montessori School

2015-2019

SERNIOR HIGH: Our Lady of Fatima University

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

PROPAYL NG MGA MANANALIKSIK

GENNIE MAE C. DELA CRUZ

Pulong Matong, General Tinio, Nueva Ecija

PERSONAL NA IMPORMASYON

KAARAWAN: Marso 11, 2003

LUGAR KUNG
SAAN IPINANGANAK: General Tinio, Nueva Ecija

EDAD: 17

NASYONALISMO: Filipino

RELIHIYON: Roman Catholic

CIVIL STATUS: Single

PANGALAN NG TATAY: Ronnie Dela Cruz

PANGALAN NG NANAY: Gemma Dela Cruz

EDUCATIONAL BACKGROUND:

ELEMENTARYA: General Tinio Central School

2009-2015

SEKONDARYA: General Tinio National High School

2015-2019

SERNIOR HIGH: Our Lady of Fatima University

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

PROPAYL NG MGA MANANALIKSIK

LEWIS S. DEMERY

Barrio Militar, Palayan City, Nueva Ecija

PERSONAL NA IMPORMASYON

KAARAWAN: Mayo 05, 2002

LUGAR KUNG
SAAN IPINANGANAK: Bacoor City, Cavite

EDAD: 17

NASYONALISMO: Filipino

RELIHIYON: Roman Catholic

CIVIL STATUS: Single

PANGALAN NG TATAY: Pablito D. Demery

PANGALAN NG NANAY: Teresita S. Demery

EDUCATIONAL BACKGROUND:

ELEMENTARYA: College of the Immaculate Conception

2009-2015

SEKONDARYA: College of the Immaculate Conception

2015-2019

SERNIOR HIGH: Our Lady of Fatima University

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

PROPAYL NG MGA MANANALIKSIK

JAEDINE T. ROMERO

Sumacab Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija

PERSONAL NA IMPORMASYON

KAARAWAN: Hunyo 12, 2003

LUGAR KUNG
SAAN IPINANGANAK: Canabatuan City, Nueva Ecija

EDAD: 16

NASYONALISMO: Filipino

RELIHIYON: Iglesia ni Cristo

CIVIL STATUS: Single

PANGALAN NG TATAY: Gerardo C. Romero

PANGALAN NG NANAY: Victoria T. Romero

EDUCATIONAL BACKGROUND:

ELEMENTARYA: Sumacab Elementary School

2009-2015

SEKONDARYA: San Josef National High School

2015-2019

SERNIOR HIGH: Our Lady of Fatima University

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

PROPAYL NG MGA MANANALIKSIK

PAULINE P. ROMERO

San JoseF Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija

PERSONAL NA IMPORMASYON

KAARAWAN: Oktubre 17, 2002

LUGAR KUNG
SAAN IPINANGANAK: Cabanatuan City, Nueva Ecija

EDAD: 17

NASYONALISMO: Filipino

RELIHIYON: Baptist

CIVIL STATUS: Single

PANGALAN NG TATAY: Crisanto C. Romero

PANGALAN NG NANAY: Perlita P. Romero

EDUCATIONAL BACKGROUND:

ELEMENTARYA: San Josef Elementary School

2009-2015

SEKONDARYA: San Josef National High School

2015-2019

SERNIOR HIGH: Our Lady of Fatima University

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


MGA PANANAW AT OPINYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA…

PROPAYL NG MGA MANANALIKSIK

JOHN AERON C. SANTOS

Padolina, General Tinio, Nueva Ecija

PERSONAL NA IMPORMASYON

KAARAWAN: Marso 16, 2002

LUGAR KUNG
SAAN IPINANGANAK: Cabanatuan City, Nueva Ecija

EDAD: 17

NASYONALISMO: Filipino

RELIHIYON: Roman Catholic

CIVIL STATUS: Single

PANGALAN NG TATAY: Rogelio C. Santos

PANGALAN NG NANAY: Leonila C. Santos

EDUCATIONAL BACKGROUND:

ELEMENTARYA: Lazaro Francisco Elementary School

2009-2015

SEKONDARYA: San Josef National High School

2015-2019

SERNIOR HIGH: Our Lady of Fatima University

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

You might also like