You are on page 1of 2

DEVELOPED BY SCHOOLS DIVISION OF SOUTH COTABATO

Pangalan:______________________________ Baitang at Pangkat: Iskor:


Paaralan: Guro: Asignatura: ESP 7
Manunulat: Michael Vincent D. Cabanban Tagsuri: Lorelie C. Salinas Romar L. Mending
Paksa: Mga bunga ng panlabas na salik pagpili ng track o kurso (Q4-Week 6- LAS # 2)
Learning target: Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa tamang
pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap.
EsP7PB-IVd-14.3
a.) Nailalarawan ang maaaring bunga ng mga panlabas na salik sa pagpili ng track na Akademiko,
Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo at, Isports
Sanggunian: Miranda, A. et, al. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 7- Mga Modyul para sa Mag-aaral. Makati City,
Philippines: FEP Printing Corporation, pp. 323-335

Nilalaman:
Akademiko, Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports
Track na Akademiko. Ito ay isang Track ng edukasyon na maaaring pagpipilian ng mag-aaral kapag sila ay nasa Senior
High School. Inihahanda nito ang mag-aaral sa posibleng kursong kukunin sa kolehiyo, katulad ng Business management,
Engineering, Siyensa at iba pa.
Mga strand na pagpipilian: General Academic Strand (GAS), Science, Technology, Engeneering,
Mathematics (STEM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), Accountancy, Business and
Management (ABM).
Halimbawa: guro, inhinyero, abogado, doctor at iba pa.
Track na Teknikal-Bokasyonal. Ito ay isa sa mga track na inaalok sa Senior HIgh School na naka disenyo para bigyan
ng kasanayan ang mag-aaral na maaaring magamit nila sa hinaharap.
Mga strand na pagpipilian: Home Economics (HE), Information Communictaion Technology
(ICT), Industrial Arts, at Agri-Fisheries.
Halimbawa: karpintero, welder, mason, barista, at iba pa.
Track na Sining at Disensyo. Isa sa mga track kung saan mahahasa ang isipan at makakatulong sa pagtuklas ng
pagkahumaling sa kagandahan ng mundo ng sining at disenyo.
Halimbawa: pintor, sculpture, musikero, aktor/aktres sa tiyatro at iba pa na may kinalaman sa
sining at disenyong track.
Track na Isports. Track na nagbibigay kaalaman tungkol sa mga batayan ng prinsipyo at pamamaraan na may kaugnayan
sa edukasyong pisikal.
Halimbawa: PE o Fitness Instructor, Body Kinestetic expert, coach, referee at iba pa na may
kaugnayan sa isports track.
Gawain 1: Basahin at unawaing mabuti ang nasa bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang.
_____1. Isang track kung saan mahahasa ang ang isipan at makakatulong sa pagtuklas ng pagkahilig sa Sining.
a. track na isport b track na teknikal-bokasyonal c. track na sining at disenyo d. track na akademiko
_____2. Track na nagbibigay kaalaman tungkol sa pamamaraan na may kaugnayan sa edukasyong pisikal.
a. track na sining at disenyo b. track na akademiko c. track na isport d. track na teknikal-bokasyonal
_____3. Inihahanda nito ang mag-aaral sa posibleng kursong kukunin sa kolehiyo.
a. track na sining at disenyo b. track na akademiko c. track na isport d. track na teknikal-bokasyonal
_____4. Si Jade ay nagnanais maging Doctor, anong angkop na track ang maaari niyang piliin?
a. track na Sining at Disenyo b. track na akademiko c. track na isport d. track na teknikal-bokasyonal
_____5. Mahusay si Jessa sa larong Basketball. Sa katunayan palagi siyang Most Valuable Player sa kanilang paaralan.
Ano ang maari niyang piliing track pagtungtong ng Senior High?
a. track na isport b track na teknikal-bokasyonal c. track na sining at disenyo d. track na akademiko
Gawain 2: Alamin kung saan nabibilang na track ang mga propesyon sa bawat bilang. Lagyan ng A kung ito ay kabilang
sa track na Akademiko, TB kung track na Tecknikal-Bokasyonal, SD kung track na Sining at Disenyo at I kung track na
Isports. Isulat ang sagot sa patlang.

_____1. Ekonomista _____2. Panadero _____3. Call Center Agent _____4. Referee _____5. Artista

You might also like