You are on page 1of 1

Abstract

INTRODUCTION

Napakaganda ng programa ng K-12 sapagkat ang mga mag-aaral sa SENIOR High School ay may mga
opsyon kapag nakatapos ng Senior High School. May apat na kurikulum exits: Kolehiyo, Trabaho, Negosyo
at Middle Level Skills. Dahil sa panibagong kurikulum sa Senior High School marami sa mga mag-aaral
ang nahihirapang pumili ng track/strand sa Senior High School. Karamihan sa mga mag-aaral ay
sinisigurado kung anong track/strand ang kanilang kukunin kapag tumungtong na sila sa Senior High
School ngunit mayroong mga maaring maging hadlang na makaka apekto sa pag dedesisyon. Subalit may
mga programa ang paaralan sa pamamagitan ng Career Guidance upang igiya ang mga mag-aaral sa kung
anong track/strand ang kanilang kukunin sa Senior High School. Dahil sa mga dulog ito, ang mga
mananaliksik ay nag laan ng oras ng oras sa paggawa ng saliksik tungkol sa kung ano ang mga salik na
nakakaapekto sa pagpili ng track/ strand sa Senior High School at kung paano ang magiging resulta o
datos makakatulong upang matulungan rin ang mga mag aaral upang maging bukas ang kaalaman sa
ibaibangtrack/strand.

METHODS

Ginamitan ang pag-aaral na ito ng deskriptibong sarbey. Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay binubuo ng
219 na mag-aaral na nasa ika-sampung baitang. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwestyuner na
sasagutan ng mga respondante. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng mga modernong debays para
malaman ang kabuuang mean at porsyento ng mga sinagutang sarbey-kwestyuner.

RESULTS

Ayon sa nangyaring sarbey, karamihan sa mga estudyante ay pinili ang Academic Track kung saan mas
binigyang pansin nila ang strand na ABM. May mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng track. Sa personal
na salik, nakakaapekto sa pagpili ng track ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga asignaturang
posibleng i-offer. Sa kabilang banda, ang pamilyang salik na nakakaapekto sa pagpili ng track ay ang
aspetong pampinansyal. Sa kabilang dako naman, ang sosyal na salik na nakakaapekto sa pagpili ng track
ay ang pagiging demand ng track.

DISCUSSIONS

Iminungkahi ng mga mananaliksik na paigtingin pa ng paaralan ang Career Guidance Program sa mga
mag-aaral. Dagdag pa rito, iminungkahi rin na mag-imbita ng ibang paaralan na mag-aalok ng scholarship
o libreng pag-aaral. Marapat na magrekomenda ang paaralan ng dagdag strand/track sa mga mag-aaral
na nais kumuha ng track na STEM, ABM, at HUMSS. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging gabay sa
mga susunod na mgamananaliksik.

You might also like