You are on page 1of 9

PAGTUKLAS NG MAGIGING LANDAS AT KARERA NG PAGSUSURI AT

PAG SULONG NG OPORTUNIDAD PARA SA MGA HUMSS STUDENTS NA

MAKAPAG TATAPOS

Ito ay Isinumite para sa bahagyang pagtupad sa mga kinakailangan ng KomPan

(Pananaliksik sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)

Ipinasa nina:

Escote, Gather E.

Herrero, Albert R.

Hibek, Angella Mae S.

Mercado, Samantha

Mago, Kiezer

Soriano, Marc Jayson


KABANATA I

PANIMULA:

Ang mga kurso sa senior high school sa HUMSS ay inilaan upang sapat na ihanda

ang mga mag-aaral para sa liberal na edukasyon na nakatuon sa mga degree sa kolehiyo.

Ang mga kursong HUMSS ay tumutugon sa malawak na hanay ng mga paksa at

nagpapakita ng magkakaibang pananaw sa mundo at sa mga naninirahan dito. Ang

layunin ng mga pagsasanay sa pag-aaral ay upang pagyamanin ang kritikal na pag-isip.

Ang HUMSS strand curriculum ay nilikha upang bigyan ang mga senior high

school na mag-aaral ng kaalaman at katiyakan sa sarili na kakailanganin nila kung

pipiliin nilang ituloy ang mas maraming artistikong at sosyolohikal na trabaho sa

hinaharap.

Nakatuon din ang HUMSS sa pagbuo ng iyong oral na komunikasyon, media at

impormasyon, at hahasain ang iyong mga kasanayan sa pagbabasa at pagsulat sa isang

propesyonal na antas. Dahil ang HUMSS strand ay inilaan para sa mga gustong tuklasin

ang mga karera sa agham panlipunan, ang strand na ito ay magsasangkot ng maraming

pananaliksik at presentasyon, na ginagawa itong isang mahusay na paghahanda para sa

kanilang mga karera sa hinaharap bilang mga mamamahayag, abogado, guro, pulitiko,

manunulat, at psychologist..
Ang benepisyo ng pag-enroll sa HUMSS strand.Tutulungan ka ng strand na ito sa

pagpapabuti ng iyong kumpiyansa at mga kasanayan sa komunikasyon. Maraming

aktibidad sa HUMSS strand na maghihikayat sa iyo na makipag-ugnayan sa mga tao at

maging mas aktibo. Ang layunin ng HUMSS strand ay tulungan ang mga karera sa

gawaing panlipunan, edukasyon, pagsusulat, batas, o pamamahayag pagkatapos mong

makumpleto ang kursong HUMSS. Alam mo ba? Ang mga mag- aaral na pumipili ng

mga kurso sa ilalim ng stream ng HUMSS ay may opsyon din na pumili ng propesyon sa

sikolohiya.

At ayon rin sa ibang mga kumuha ng strand na HUMSS at kumuha ng course na

BSEd (BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION) o kilala bilang major in

mathematics maraming oportunidad ang naka antabay sa mga kagaya nila dahil sila ay

magaling sa subject na ito mas malawak ang pag iisip nila dahil marami silang alam

tungkol sa kung paano tatakbo ang daloy ng matematikasa ating pang araw araw na

buhay nagiging maalam sila kung paano humawak ng pera atbp. At marami rin namang

hindi kagaya nalang ng mga ibang may sapat na kaalaman sa matematika ngunit walang

sapat na kakayahan sa pag aaral kapos sa pera at walang kakayahan makapag aral kaya

hindi nagiging aktibo ang kanilang mga kaalaman pag dating sa pera mga hindi nakapag

tapos at walang perang pampa aral sila yung mga nawawalan ng oportunidad na makapag

aral

PAGLALAHAD NG SULIRANIN:
Ang pananaliksik na ito ay may paksang Pagsusuri ng landas at karera para sa

mga mag-aaral ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) ay naglalayong sagutin ang

mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang mga magiging landas at oportunidad sa karera para sa mga nagtapos ng

HUMSS?

2. Ano ang mga hamon o posibleng pagsubok ang maaaring harapin ng mag-aaral ng

HUMSS sa paghahanap ng kanilang propesyon o landas matapos ang kanilang

pagtatapos bilang isang HUMSS?

3. Paano maipakita ang mga mag-aaral na nagtapos ng HUMSS ang kanilang

kasanayan at kakayahan upang makuha ang kanilang oportunidad na ito?

4. Paano magbigay suporta ang ang paaralan at iba pang institusyon sa paghahanap

ng landas at karera ng mga mag-aaral ng HUMSS?

HAYPOTESIS:

Ang haypotesis ng pananaliksik na ito ay mula sa problema na nabanggit sa itaas,

ang mga sumusunod ay inanyuan:

H01 : Kung ang mga mag-aaral ng HUMSS ay magsusumikap na panatilihin ang

mataas na antas akademiko at makipag-ugnay sa mga sektor ng industriya, mas malaki

ang kanilang tsansang mahanap ang tamang landas at makamtan ang isang magandang

trabaho sa karera.

H02 : Kung ang mga mag-aaral ng HUMSS ay magtataglay ng malalim na kaisipan

sa kanilang sariling kasanayan at interes, at sila’y magsasaayos o maglalan ng oras sa

pagpaplano ng kanilang propesyon na landas, mas malaki ang tsansa o posibilidad na


kanilang malamangan ang mga hamon at pagsubok sa kanilang paglalakbay patungo sa

inaasam na karera.

H03 : Kung ang mga mag-aaral ng HUMSS ay gumagamit ng kanilang sariling

portpolyo, resume at iba pang dokumento upang ipakita ang mga kakayahan at

kasanayan, mas magiging matagumpay at epektibo sila sa pagpapakita ng potensyal sa

employer o institusyon na tulad ng propesyonal.

H04 : Kung ang mga paaralan at iba pang institusyon ay nagbibigay masusi na

buong suporta sa mga mag-aaral ng HUMSS sa pamamagitan ng career guidance,

internships at mga opportunities tulad ng networking, mas mapapadali ang kanilang

paghahanap ng tamang landas at karera pagkatapos ng kanilang pag-aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON:

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga landas at oportunidad sa

karera para sa mga nagtapos ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa senior high

school. Ang mga mungkahi at impormasyon na maaaring makuha sa pananaliksik ay

makikinabang at makakatulong sa mga mag-aaral ng HUMSS, Mga magulang, guro at

administrasyon sa paghahanap ng tamang landas at karera o propesyonal na oportunidad

para sa mga nagtapos ng HUMSS.

Ang pagsusuri na ito ay nakapokus sa konteksto ng senior high school sa

Tanauan Integrated High School sa mga paaralan na natatanggap ng HUMSS strand,

maaaring hindi maiapply sa lahat ng sitwasyon at lugar dahil sa limitadong saklaw ng

pananaliksik. Ang pagsasaliksik ay nakatuon sa kasalukuyang mga oportunidad at

direksyon para sa mga nagtapos ng HUMSS. Hindi kabilang dito ang mga posibleng
pagbabago sa mga ito sa hinaharap. Nakatutok lamang sa landas at oportunidad sa karera

at hindi sa saklaw sa iba pang mga edukasyon na strand o personal na aspeto ng buhay ng

mga mag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay nagsisilbing gabay at makatulong sa

mga sumusunod:

Mga Magulang - Magulang ang pangunahing guro ng kanilang anak. Maaring magpayo

ang mga magulang na makakatulong para mapa-usbong ang kakayahan ng kanilang anak

sa pagtahak na strand na HUMSS at sa magiging karera ng kanilang anak sa mga

nakapagtapos ng HUMSS.

Guro - Ang mga guro ay higit nakaka alam pagdating sa kakayahan ng mga estudyante

sa eskwelahan. Maaring ibahin ng mga guro ang kurikulum ng HUMSS, dahil kaunti

lamang ang nakukuhang karanasan at kakayahan sa pagkamit na magiging landas ng

karera sa mga magtatapos sa strand na HUMSS

Mga Studyante HUMSS - Sila naman ang may mas mabigat na responsibilidad at yun

ay ang mag aral ng mabuti at makapag tapos pa upang makuha nila ang kanilang ninanais

na kurso para sa kanilang darating na kolehiyo sapagkat nasa kanila ang kanilang

kapalaran kung matatapos ba sila o hindi dahil hindi na ito kapanagutan ng mga

magulang kung sakaling sila ay di makapag tapos dahil kung mas pipiliin nila ang mag

pabaya kesa mag tiyaga upang makapag tapos at makahanap ng disenteng trabaho na

naayon sa kanilang kagustuhan dahil kailangan nilang malaman ang kahalagahan ng pag
aaral para sa kanilang magiging magandang kinabuksan at para hindi rin magkaron ng

job mismatch kung sakali man dahil napaka halaga ng edukasyon.

Administrasyon - Kailangan nila ng mga taong may sapat na kakayahan o mga taong

kaalaman pagdating sa mga trabaho sapagkat sila ang makikinabang sa mga ito

mahalagang may sapat na kaalaman at sapat na kakayahan ang kanilang magiging mga

aplikante dahil kung hindi ay hindi sila makakapag apply sa kanilang trabaho dahil

kailangan ng mga aplikante sa pag trabaho ay sila ay nakapag aral at nakapag tapos sila

ng pag aaral dahil kung wala silang sapat na ebidensya na sila ay nakapag aral o nakapag

tapos ay hindi sila makaka kuha ng trabaho at baka sila ay tuluyang mawalan ng tyansa

magkaron ng trabaho na angkop para sa kanila at para sa kanilang natapos .

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA:

Humanities and Social Sciences (HUMSS): Ito ay akademikong strand sa senior high

school na nagbibigay-diin sa mga asignaturang pagtuon sa wika, panlipunan, sining at iba

pang mga larangan ng humanidades.

Karera: Landas o propesyon na tinatahak ng isang tao pagkatapos ng kanyang

edukasyon.

Kolehiyo: Ang antas ng edukasyon matapos o ito ang susunod na yapak ng mga mag-

aaral na nakapag tapos ng senior high school na kung saan ay maarming pumili ang

estudyante ng kayang mas espesyalisadong kurso.

Propesyon: Ito ay isang larangan ng trabaho na may kinalaman sa espesyalisasyon o

larangan ng pag-aaral ng isang tao.


KABANATA II

Sa bahaging ito naman ng pananaliksik, nais na talakayin ng mga mananaliksik

ang maaring maging epekto ng mga nakapag tatapos ng kolehiyo na kumuha ng HUMSS

strand kung ito ba ay nararapat para sa kursong kanilang napili o hindi upang malaman

saan ba mas maganda ang kahihinatnan ng mga graduate students kapag sila ay nakapag

tapos ng pag aaral.

KAUGNAYAN NA LITERATURA

KAUGNAYAN NA PAG-AARAL

SINTESIS

TEORITIKAL NA BALANGKAS
KOSEPTWAL NA BALANGKAS

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga landas at

oportunidad at karera para sa mga nagtapos ng Humanities and Social

Sciences(HUMSS). ito ay may layuning sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa

hinaharap ng mga mag aaral ng HUMSS pagkatapos nilang makumpleto ang kanilang

edukasyon.

INPUT PROSESO AWTPUT

Rekomendasyon para sa
Pagsusuri ng mga landas mga mag-aaral kung ang
Mga mag-aaral ng at oportunidad para sa HUMSS strand ay
HUMSS sa senior high mga nagtapos ng nararapat
school. HUMSS. para sa kanilang napiling
kurso.
Pagsusuri ng landas at Pagtatasa ng kakayahan
oportunidad sa karera at kasanayan ng mga Mga hakbang o plano
para sa mga nagtapos ng mag-aaral sa HUMSS. para sa mga mag-aaral
HUMSS. kung paano maaaring
Pagsusuri ng mga mapabuti ang kanilang
Epekto ng pagkuha ng hakbang o strategies ng tsansa sa paghahanap ng
HUMSS strand sa mga mag-aaral upang tamang landas at karera.
kahihinatnan ng mga mahanap ang tamang
graduate students. landas at trabaho Impormasyon tungkol sa
pagkatapos ng pag-aaral mga epekto ng pagkuha
ng HUMSS strand sa
kahihinatnan ng mga
graduate students.

You might also like