You are on page 1of 16

MALAY 24.

2 (2012): 23-38

Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran ng


Mas Matatag na Wikang Pambansa / Systematic
Multilingualism: Foundation for a more Effective
National Language
Feorillo Petronillo A. Demeterio III
Pamantasang De La Salle, Filipinas
feorillodemeterio@gmail.com

Ang papel na ito ay isang pagsusuri sa mga kontradiksyong nakapaloob sa nasyonalista at pedagohikal na
diskurso na ngunguna sa paghugis sa ating pambansang patakarang pangwika. Matapos mailahad ang mga
nakatagong kontradiksyong ito ipinakita ng papel na ito kung paano magiging isang mabisang tugon ang mga
probisyon at detalye ng sistematikong multilingguwalismo, na ipinatupad noong taong 2009, sa mga nasabi
nang kontradiksyon. Ipinaliwanag ng papel na ito kung paano maging mas matatag ang ating pambansang
patakarang pangwika sa tulong ng isinusulong nating multilingguwalismo.
Mga Susing Salita: Pambansang Patakarang Pangwika, Pambansang Pagpaplano sa Wika, Bilingguwalismo,
Multilinggualismo
This paper is an analysis on the contradictions that undergrid the nationalist and pedagogical discourses
that primarily shaped our national language policy. After foregrounding these hidden contradictions, this
paper demonstrated how the multilingualism, that was implemented in 2009, can address such contradictions.
This paper explained how our national language policy can be strengthened by the contributions of the
current multilingualism.
Keywords: National Language Policy, National Language Planning, Bilingualism, Multilingualism

PANIMULA: SEMIOTIKONG PAGSUSURI


SA POLITICAL CARTOON NA SCHOOL
BEGINS
Layunin ng sanaysay na ito na ilahad ang
malalalim na kontradiksyon na nakapaloob
sa nasyonalista at pedagohikal na diskurso na
nangunguna sa paghugis sa ating pambansang
patakarang pangwika, at kung paano magiging
isang mabisang tugon ang sistematikong
multilingguwalismo na inilunsad noong 2009

para sa mga kontradiksyong ito. Hangarin


ng sanaysay na ito na makapag-ambag ng
isang panibagong perspektibo para sa isang
mas lubusang pagpapaunlad ng ating wikang
pambansa. Pinili ng sanaysay na ito na tawaging
sistematikong multilingguwalismo ang
multingguwal na programang kasalukuyang
ipinatupad ng Departamento ng Edukasyon para
mabigyang-diin ang pagkakaiba nito sa mga
multilingguwal din na programang inilunsad
noong 1973 at noong panahon ni Pangulong

Copyright 2012 Pamantasang De La Salle, Filipinas

24

MALAY TOMO XXIV BLG. 2

Corazon Aquino. Isasakonteksto ng sanaysay na


ito ang usapin tungkol sa pagbubuo ng patakarang
pangwika sa pamamagitan ng isang maikling
semiotikong pagsusuri sa isang kilala nang
political cartoon, ang School Begins, na iginuhit
ni Louis Dalrymple (1865-1905) at inilathala sa
Puck Magazine noong Enero 1899.

Hugis 1: Black and White na Bersyon


ng School Begins ni Louis Dalrymple

Mayaman sa kahulugan ang imaheng nasa


Hugis 1 dahil maaari itong basahin sa hindi
bababa sa apat na semiotikong antas: (1)
ang antas hayagang diskurso, (2) ang antas
ng talinghagang politikal, (3) ang antas ng
makalumang talinghagang pedagohikal, at (4) ang
antas ng makabagong talinghagang pedagohikal.
Ang kasunod na diagram (Hugis 2) ay biswal na
nagpapakita sa pagkakahanay ng mga semiotikong
antas na ito na bawat isa naman nating tatalakayin
sa kasunod na mga talata:
(2) Antas ng Talinghagang
Politikal

Political Cartoon na
School Begins

(1) Antas ng Hayagang


Diskurso

(3) Antas ng Makalumang


Talinghagang
Pedagohikal

(4) Antas ng Makabagong


Talinghagang
Pedagohikal

Hugis 2: Apat na Semiotikong Antas ng


School Begins

Antas ng Hayagang Diskurso: Ang pinakauna


at pundamental na semiotikong pagbabasa sa
imahen ni Dalrymple ay dapat lamang na tumuon
sa hayagan, o literal, na diskurso nito. Sa antas
na ito, ang School Begins ay nagsasalaysay ng
isang sitwasyon sa loob ng silid aralan kung saan
may isang pangkat ng makulit at bagong saltang
kabataan na binibigyan ng guro ng espesyal na
aralin, habang ang mga regular na mag-aaral ay
disiplinadong gumaganap sa ang kanilang takdang
gawain, at habang may iilang kabataang nasa
background na tila hindi kasama sa edukasyonal
na eksena. Ang imaheng ito ay may kasamang
caption sa ibaba na: Now, children, you've got
to learn these lessons whether you want to or
not! But just take a look at the class ahead of
you, and remember that, in a little while, you
will feel as glad to be here as they are!" (Tingnan
sa Dalrymple). Sa antas ng hayagang diskurso,
nagkukuwento ang imahen ni Dalrymple kung
paano pinipilit at ineengganyo ng matandang guro
ang kanyang mga problematikong mag-aaral na
sumunod nang maayos sa edukasyonal na sistema
para maging kapareho sila sa kanyang masisipag
at mababait na mag-aaral.
Antas ng Talinghagang Politikal: Kagaya ng
ibang political cartoon, ang hayagang diskurso
ng School Begins ay behikulo lamang para
sa mas mahalagang talinghagang politikal na sa
imaheng ito ay ipinababatid ni Dalrymple gamit
ang ilang biswal at tekstuwal na mga sinyales.
Ang mga sumusunod ay ang kanyang mga biswal
na sinyales (Tingnan ang Hugis 1):
Ang kulay at desenyo ng pantalon ng
guro na nagsasabing siya si Uncle Sam,
ang personipikasyon ng pamahalaan ng
Estados Unidos;
Ang pananamit ng mga masisipag at
disiplinadong bata na nagpapahiwatig na
sila ay kabilang sa dominanteng uri ng
Estados Unidos, kahit pa man ang iba sa
kanila ay may kulay ang balat;
Ang gusgusing hitsura ng apat na makulit
at may kulay na bata na nagpapahayag sa
kanilang hindi sibilisadong pinagmumulan;
at

SISTEMATIKONG MULTILINGGUWALISMO

Ang mga esteryotipikong hitsura ng AfroAmerikano, katutubong Amerikano at


Tsino na nagpapakita na sila ay kasapi sa
mga marhinalisadong pangkat etniko ng
Estados Unidos.
Ang mga sumusunod naman ay ang mga
tekstuwal na sinyales na ginamit ni Dalrymple
(Tingnan sa Hugis 1):
Ang pangalang Philippines, Hawaii,
Porto (Puerto) Rico, at Cuba na
nakaimprenta sa mga sinturon ng apat na
makulit at may kulay na bata na tumutukoy
sa apat na bagong teritoryo na naangkin
ng Estados Unidos mula sa Espanya sa
pamamagitan ng Treaty of Paris noong
Disyembre 1898 (ang Pilipinas, Puerto
Rico at Cuba), at sa isa pang bagong
teritoryo na napasakanila sa pamamagitan
ng isang aneksasyon noong Hunyo 1898
(ang Hawaii);
Ang pangalang Alaska, Texas,
Arizona, California, at New Mexico
na nakaimprenta sa mga libro ng masipag
at disiplinadong bata na tumutukoy sa
dalawang bagong kaanib na estado (ang
Texas, noong 1845; at ang California,
noong 1850), at sa tatlo pang teritoryong
noon ay hindi pa nagiging kaanib na estado
(ang Arizona, New Mexico at Alaska), na
sa palagay ni Dalrymple ay matagumpay
nang dumaan sa proseso ng kultural,
lingguwistikal at politikal na integrasyon
sa Estados Unidos;
Ang nakasulat sa blackboard na: The
consent of the governed is a good thing in
theory, but very rare in fact. England
has governed her colonies whether they
consented or not. By not waiting for
their consent she has greatly advanced
the world's civilization. The U.S.
must govern its new territories with or
without their consent until they can govern
themselves (Dalrymple, 9);
Ang nakasulat sa dingding sa itaas
ng katutubong Amerikano na: The
Confederated States refused their consent

F. P. A. DEMETERIO III

25

to be governed, but the Union was preserved


without their consent (Dalrymple, 9); at
Ang pamagat ng librong nakalatag sa mesa
ng guro na: US: First Lessons in Self
Government.
Sa antas ng talinghagang politikal nagkukuwento
ang School Begins na sa ayayw o sa gusto ng
mga bagong teritoryo, sasakupin sila ng Estados
Unidos at lilinangin sa ilalim ng modelo ng isang
modernong sibilisasyon, kapitalistang kaayusan
at demokratikong sistema ng pamamahala, para
magiging handa silang pamunuan ang kanikanilang estado pagdating ng araw ng kasarinlan.
At para hindi aalma ang mga bagong teritoryong
ito ipinapakita ng Estados Unidos sa kanila ang
epekto ng kaparehong proyekto na isinagawa
sa Alaska, Texas, Arizona, California at New
Mexico kung saan ang mga mamamayan doon
ay matiwasay nang sumasailalim sa pagsasanay
at sa puntong iyon ay maginhawa at mapayapa
nang namumuhay.
Antas ng Makalumang Talinghagang
Pedagohikal: Bukod sa pangunahin nitong
talinghagang politikal na siyang tunay na
intensyon ni Dalrymple, taglay rin ng School
Begins ang isa pang antas ng talinghaga
tungkol sa pedagohiya. Ito ay hindi lamang
dahil sa paggamit ni Dalrymple sa larawan
ng silid aralan bilang lunsaran ng kanyang
talinghagang politikal, kung hindi dahil na rin
sa katotohanang ang kanyang talinghagang
politikal mismo ay may malawak na aspektong
pedagohikal. Kung tutuusin, ang binabalak ng
Estados Unidos na linangin ang kanyang mga
bagong teritoryo sa ilalim ng modelo ng isang
modernong sibilisasyon, kapitalistang kaayusan at
demokratikong sistema ng pamamahala ay isang
dambuhalang pedagohikal na proyekto.
Noong mga huling taon ng ika-19 na siglo at
mga unang dekada ng ika-20 na siglo maaaring
may iisang pedagohikal na mensahe lamang
ang mababasa natin mula School Begins, at
ito ay tiyak na hindi lalayo sa kanyang politikal
na mensahe na: sa gusto o sa ayaw ng bagong
saltang kabataan, sasailalim sila sa sistema
ng modernong edukasyon gamit ang wika at

26

MALAY TOMO XXIV BLG. 2

kultura ng dominanteng uri ng Estados Unidos,


para pagdating ng panahon makakamtan din
nila ang antas ng karunungan at disiplinang
naabot na ng kabataang matagumpay nang
dumaan sa parehong edukasyon. Sa diskurso
ng makalumang talinghagang pedagohikal ang
kakulitan ng bagong saltang kabataan ay dulot
lamang sa kanilang kakulangan sa lingguwistikal
at kultural na kapital. Kaya dapat lamang na
ang kabataang ito ang makikibagay sa sistema,
dahil hindi maaaring makikipagkompromiso at
bababa sa kanilang antas ang buong edukasyonal
na sistema ng Estados Unidos. Ang makalumang
talinghagang pedagohikal ay nakabatay sa mas
malalim na diskurso ng etnosentrismo ng mga
Amerikano at ng kanilang asimilisasyonistang
estratehiya para sa kanilang mga minoryang
pangkat na dramatikong inihahayag sa kanilang
kilala nang metaporang melting pot.
May dalawang taon matapos mailathala ang
School Begins, inumpisahang ipatupad dito
sa Pilipinas ng mga Thomasites ang parehong
pedagohiyang tila ipinangako ng naturang
imahen. Ngunit iba ang Pilipinas sa Alaska,
Texas, Arizona, California at New Mexico,
dahil ang mga teritoryong ito ay kaanib na
estado na o ginagawa nang kaanib na estado
ng Estados Unidos, habang ang Pilipinas ay
isang eksperimentasyon lamang sa panlipunang
pagpaplano. Para sa Alaska, Texas, Arizona,
California at New Mexico, maaari nilang isantabi
ang lahat nilang lingguwistikal at kultural na
bagahe alang-alang sa higanteng bansang kanilang
binubuo. Ngunit kahit ang Estados Unidos noon
ay walang malinaw na kaalaman kung hanggang
kailan nila kukupkupin ang Pilipinas, at lalong
wala silang malinaw na kaalaman kung hanggang
saan nila hahatakin ang mga Pilipino patungo sa
proseso ng Amerikanisasyon, at kung hanggang
saan nila buburahin ang wika at kulturang Pilipino.
Kaya ang inakala ni Dalrymple at ng
makalumang pedagohiya na isang pansamantalang
problema lamang sa pagitan ng kabataang Pilipino
at ng Amerikanong sistema ng edukasyon ay
naging isang pangmatagalan at tila permanente
nang problema sa ating sariling edukasyonal

na sistema. Kapag titingnan natin ngayon ang


karaniwang Pilipinong mag-aaral habang kaharap
ang isang guro na nagbibigay ng panayam sa
wikang Ingles, tiyak na ang makikita natin ay
isang eksenang hindi nalalayo sa eksenang
kinaroroonan ng Pilipinong iginuhit ni Dalrymple,
na isang eksena ring malayong-malayo pa sa
antas na naaabot na ng babaeng taga-California
(Tingnan ang Hugis 3). Nosebleed ang
mapapala ng karaniwang Pilipinong mag-aaral
sa harap ng Ingleserong propesor, at nosebleed
din ang mapapala niya sa harap ng makapal na
librong nakalimbag sa wikang Ingles at nakabatay
sa kulturang Amerikano.

Hugis 3: Mga Detalye mula sa School Begins


ni Louis Dalrymple

Antas ng Makabagong Talinghagang


Pedagohikal: Pagtawid natin sa kalagitnaang
bahagi ng ika-20 na siglo, dumadami na ang mga
pedagohikal na pananaliksik na bumabatikos
sa edukasyong nakabatay sa banyagang wika,
at pagtawid natin sa mga huling dekada ng
parehong siglo, unti-unting nang kumakalat
ang multikulturalismong kamalayan mula sa
Canada at Estados Unidos. Kaya unti-unti ding
naglaho ang makalumang pedagohiya, kasama
na ang asimilisasyonistang estratehiya ng mga
Amerikano, ang kanilang talinghagang melting
pot, pati na ang kanilang tiwala sa saysay at
bisa ng kanilang isinagawang panlipunang
eksperimentasyon dito sa Pilipinas.

SISTEMATIKONG MULTILINGGUWALISMO

K ung sa balangkas ng makalumang


talinghagang pedagohikal nadidiin bilang mga
problematikong bagay ang katutubong wika at
kultura ng bagong saltang kabataan, sa balangkas
ng makabagong talinghagang pedagohikal ang
mga ito ay naaabsuwelto na dahil ang dinidiin
ngayon bilang mga problematikong bagay ay
ang banyagang monolingguwal at monokultural
na sistema ng edukasyon na pilit ipinataw sa
pobreng minorya at marhinalisadong kabataan.
Kaya ang dating makukulit na kontrabidang
Pilipino, Hawayano, Puerto Ricano at Cubano
ay itinuturing na ngayong mga inosenteng
biktima ng maling pedagohiya (Tingnan sa
Hugis 4). Kung sa makalumang talinghagang
pedagohikal, at maski sa talinghagang politikal,
itinatanghal bilang katawa-tawa ang Pilipino,
Hawayano, Puerto Ricano at Cubano, pati na
ang tagalinis ng bentana na Afro-Amerikano,
ang nagbabasa ng baligtad na librong katutubong
Amerikano, at ang pasilip-silip na Tsino,
sa makabagong talinghagang pedagohikal,
tinutuligsa na ngayon ang mga Amerikano
dahil sa kanilang etnosentrikong pagkabulag at
kawalan ng damdamin para sa mga minorya at
marhinalisadong pangkat.

Hugis 4: Isa pang Detalye mula saSchool Begins


ni Louis Dalrymple

Ang antas ng makabagong talinghagang


pedagohikal ngayon ay nagbabanta na walang

F. P. A. DEMETERIO III

27

matinong kahihinatnan ang isang edukasyonal na


sistemang ipapataw sa minorya at marhinalisadong
kabataan kapag ito ay nakabatay sa banyagang wika
at kultura. Unang-una, dahil sa lingguwistikal at
kultural na mga balakid hindi magiging epektibo
ang ganitong uri ng edukasyon. Pangalawa,
kapag ipipilit naman na magsanay nang lubusan
ang minorya at marhinalisadong kabataan sa
banyagang wika at kultura, mababawasan naman
ang kanilang oras at lakas para sa mga mas
mahalagang substansyal na aralin, at mapuputol
ang mahalagang koneksyon sa kanilang kaalaman
at mundong ginagagalawan. Pangatlo, ang
ganitong uri ng edukasyonal na sistema ay
magdudulot lamang ng stress, inferiority complex,
at under-performance sa panig ng kabataan.
Pang-apat, dahil sa magka-akibat na suliraning
nabanggit na, mag-reresulta ang ganitong uri
ng edukasyon sa mababang functional literacy.
Panglima, kahit pa man gustong-gusto ng mga
kapwa nating Pilipino na ipagyayabang ang ating
mataas na simple literacy, ang ating mababang
functional literacy ay nagreresulta sa ating mabagal
na ekonomikal, demokratiko, at panlipunang
kaunlaran. Medyo kadudaduda ang sabi-sabi ng
mga tao sa kanto at barberohan na likas daw na
matatalino ang mga Pilipino, dahil alam nating
lahat na katulad sa ibang nasyonalidad, halo halo
ang ating mental na kakayahan. Ngunit kahit
tanggapin na nating likas nga na matatalino ang
mga Pilipino, nakakapanghinayang isipin na hindi
natin lubusang nalinang ang talentong ito, dahil
sa ating kakulangan ng kasanayan sa pagbabasa
at sa tekstuwal na pag-iisip na parehong dulot ng
ating mababang functional literacy.
May mahigit animnapung taon na tayong
naging malaya sa panlipunang eksperimentasyon
ng Estados Unidos, ngunit hanggang ngayon ay
pasan pa rin natin ang kanilang makalumang
pedagohiya. Bago natin makita ang malalalim
na kontradiksyon na nakapaloob sa nasyonalista
at pedagohikal na diskurso na nangunguna
sa paghugis sa ating pambansang patakarang
pangwika, balikan muna natin ang mahigit
pitumpung taong kasaysayan ng pagtugon ng
ating pamahalaan sa hegemonya ng wikang

28

MALAY TOMO XXIV BLG. 2

MAIKLING KASAYSAYAN NG ATING


PAMBANSANG PAGPAPLANO SA WIKA

at naintindihan ang problemang ito at pangalawa


hindi tayo kaagad nagkaroon ng sapat na
kasarinlan para makagawa ng anumang nararapat
na aksyon. Ang masalimuot na kasaysayan ng
ating pambansang pagpaplano sa wika ay maaari
nating bigyan ng biswal na representasyon sa
pamamagitan ng kasunod na timeline:

Hindi naging simple at madali ang pagaksyon ng ating pamahalaan sa pedagohikal


na problemang inihayag ng ating semiotikong
pagbabasa sa imahen ni Dalrymple, dahil unanguna, hindi natin kaagad lubusang naramdaman
1900

1910

1920

1930

1940

1950

1960

1970

1980

1990

2000

2010

Ingles
Multilingguwalismo-a
Bilingguwalismo-b

Multilingguwalismo-b
Bilingguwalismo-c

Multilingguwalismo-c

Bilingguwalismo-a

Monolingguwalismo

Tagalog-1

Tagalog-2

Pilipino-1
Pilipino-2

Filipino-2

Filipino-1

1900

1910

1920

Hugis 5: Ang Hegemonya ng Wikang Ingles at ang Tugon ng Pamahalaang Pilipino

Ang timeline na ito ay nagpapakita ng pitong


wika at yugto ng wika (makakapal na arrow) at
pitong mga programang pangkwika (maninipis
na arrow). Ang mga wika at yugto ng wika na
inihayag nito ay ang:
Wikang Ingles: ang wikang dinala
ng mga mananakop na Amerikano at
ipinalaganap sa pampubliko, at kalaunan
sa pampribadong, edukasyon simula noong
1901;
Unang Yugto ng Wikang Tagalog
(Tagalog-1 sa Hugis 5): ang yugto ng
wikang Tagalog kung kailan una itong
pinangalanang batayan ng bubuuing
wikang pambansa noong 1935;
Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog
(Tagalog-2 sa Hugis 5): ang yugto
ng wikang Tagalog kung kailan una

itong ginawang isang pang-akademikong


asignatura noong 1940 (Tingnan sa
Sibayan, 4);
Unang Yugto ng Wikang Pilipino
(Pilipino-1 sa Hugis 5): ang yugto ng
ating wikang pambansa kung kailan ang
pangalang Tagalog ay pinalitan ng
pangalang Pilipino noong 1959;
Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino
(Pilipino-2 sa Hugis 5): ang yugto ng
wikang Pilipino kung kailan pinanatili
itong wikang opisyal at wikang pangakademiko ngunit tinanggalan ng katayuan
bilang wikang pambansa noong 1973;
Ang Unang Wikang Filipino (Filipino1sa Hugis 5): ang artipisyal na wika na
balak buuin ng 1973 na konstitusyon at
papalit sa wikang Pilipino bilang wikang
pambansa; at

SISTEMATIKONG MULTILINGGUWALISMO

Ang Ikalawang Wikang Filipino


(Filipino-2 sa Hugis 5): ang yugto ng
ating wikang pambansa kung kailan ang
wikang Pilipino ay kinilala muli bilang
wikang opisyal, pang-akademiko at
pambansa, at pinangalanang Filipino ng
1987 na konstitusyon.
Makikita natin sa timeline na ito na maliban sa
maikling kumplikasyon mula 1973 hanggang
1987, kung kailan umusbong ang proyekto ng
pagbubuo ng artipisyal na wikang Filipino,
mayroon tayong isang wikang pambansa/
opisyal na mahigit pitumpung taon na. Ang mga
programang pangwika naman na inilahad ng
parehong timeline ay ang:
M o n o l i n g g u w a l i s m o n g I n g l e s
(Monolingguwalismo sa Hugis 5): Dahil
ayaw ng mga Amerikanong ipagpatuloy
ang paggamit sa wikang Espanyol, dahil
wala silang makitang iisang katutubong
wika na maaari nilang gamitin sa
kanilang ipinalaganap na pampublikong
edukasyon, at dahil ninais nilang hubugin
ang kaisipan ng mga Pilipino sa wika at
kultura ng Estados Unidos, ang sistema
ng monolingguwalismong Ingles ang
kanilang ipinataw sa kabataang Pilipino
mula noong 1901;
U n a n g B i l i n g g u w a l i s m o
(Bilingguwalismo-a sa Hugis 5): noong
1939 iniutos ni Jorge Bocobo, Kalihim ng
Pampublikong Instruksyon, na maaaring
gamitin ang mga unang wika bilang
auxiliary na wikang panturo, lalo na para
sa mga mag-aaral sa unang baitang, kaya
ang kauna-unahan nating programang
bilingguwalismo ay binubuo ng wikang
Ingles at isa sa ating mga unang wika
(Tingnan sa Sibayan, 4);
I k a l a w a n g B i l i n g g u w a l i s m o
(Bilingguwalismo-b sa Hugis 5): ang
ikalawang bilingguwalismong umusbong
sa ating kasaysayan ay nakapaloob sa isang
hindi nagtagal na pamantayang inilabas
noong 1970 na nag-uutos na tanging
wikang Pilipino na lamang ang gagamiting

F. P. A. DEMETERIO III

29

midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pangakademiko (Tingnan sa Cruz, Part I). Dahil
nakasanayan nang gamitin ang mga unang
wika bilang auxiliary na wika sa pagtuturo
sa mabababang baitang, ituturing natin ang
monolingguwalismong pamantayang ito
bilang isang bilingguwalismo sa aktuwal
na pangyayari na binubuo ng wikang
Pilipino at isa sa ating mga unang wika.
Sa programang ito naganap ang kaunaunahang pagkakataon kung kailan ginamit
ang wikang Pilipino bilang wikang panturo
sa buong kapuluan;
U n a n g M u l t i l i n g g u w a l i s m o
(Multilingguwalismo-a sa Hugis 5):
umiral lamang ng tatlong taon ang
ikalawang bilingguwalismo bago ito
nasapawan ng panibagong programa, ang
unang multilingguwalismo, na ipinatupad
noong 1973 at nag-utos na gamitin ang
mga unang wika bilang midyum ng
pagtuturo hanggang sa ikalawang baitang
na susundan naman sa paggamit sa mga
wikang Pilipino at Ingles (Tingnan sa
Cruz, Part II; Tingnan sa Deped Order 9,
Series of 1973, 1, a);
I k a t l o n g B i l i n g g u w a l i s m o
(Bilingguwalismo-c sa Hugis 5):
umiral lamang ng isang taon ang unang
mutlilingguwalismo bago ito nasapawan
ng panibagong programa, ang ikatlong
bilingguwalismo na ipinatupad noong 1974
at nag-utos na gamitin ang mga wikang
Ingles at Pilipino at nagsantabi naman sa
mga unang wika. Ito ang pinakakilalang
programang bilingguwalismo sa ating
bansa dahil hindi katulad sa unang
bilingguwalismo sumaklaw ito sa lahat ng
antas pang-akademiko, at hindi katulad sa
ikalawang bilingguwalismo umiral ito nang
mahigit isang dekada at naging batayan
pa sa mga kasunod nitong programang
pangwika;
I k a l a w a n g M u l t i l i n g g u w a l i s m o
(Multilingguwalismo-b sa Hugis 5):
ang ikalawang multilingguwalismo, na

30

MALAY TOMO XXIV BLG. 2

ipinatupad noong panunungkulan ni


Pangulong Corazon Aquino, ay mistulang
pinagsamang unang multilingguwalismo
at ikatlong bilingguwalismo, kung kailan
ipinagtibay ang paggamit ng wikang
Filipino at wikang Ingles at kinilala muli
ang halaga ng mga unang wika bilang
auxiliary na wika sa pagtuturo; at
I k a t l o n g M u l t i l i n g g u w a l i s m o
(Multilingguwalismo-c sa Hugis 5):
ang kasalukuyan nating pambansang
patakarang pangwika na ipinatupad
noong 2009 at nakabatay sa
sistematikong pananaliksik tungkol sa
multilingguwalismo. Hindi katulad sa
naunang dalawang multilingguwalismo,
oral at tekstuwal na paggamit sa mga
unang wika sa loob ng mas mahabang
panahon ang iniutos ng kasalukuyan
nating programang multilingguwal.
Ang ikatlong multilingguwalismo ay
ang tinatawag nating sistematikong
multilingguwalismo sa sanaysay na ito
(Tingnan sa Departamento ng Edukasyon,
Order Number 74, Series 2009).
1900

1910

1920

1930

1940

1950

Makikita natin sa timeline ng Hugis 5 na mas


mahaba ang kasaysayan ng ating pambansang
wika kaysa kasaysayan sa ating pagtugon sa
pang-akademikong hegemonya ng wikang Ingles
at lalong mas mahaba ang kasaysayan ng ating
pambansang wika kaysa kasaysayan sa ating
pedagohikal na paggamit nito. Makikita rin natin
sa parehong timeline kung gaano ka kumplikado
ang pag-usbong ng samut saring programang
pangwika sa pagitan ng 1970 hanggang sa
kasalukuyan.
ANG MGA PUWERSANG HUMUGIS
SA ATING PAMBANSANG PAGPAPLANO
SA WIKA
Para maiintindihan natin nang lubusan kung
bakit ganito kasalimuot ang naging tugon ng ating
pamahalaan sa hegemonya ng wikang Ingles,
mahalagang magalugad natin ang mga puwersang
humugis sa ating pambansang pagpaplano sa
wika. Makatutulong sa atin ang pagtingin sa mga
transitional point (TP) ng nauna nang timeline
na biswal namang ipinapakita sa kasunod na
timeline:
1960

1970

1980

1990

2000

2010

Ingles

TP-1

Multilingguwalismo-b TP-12

Multilingguwalismo-a
Bilingguwalismo-b

Monolingguwalismo

TP-3
Tagalog-1

Bilingguwalismo-a TP-6 TP-8


Tagalog-2

TP-2 TP-4

TP-9

Bilingguwalismo-c

Multilingguwalismo-c

TP-11

Pilipino-1

TP-5

TP-7

Pilipino-2 TP-10

Filipino-2

Filipino-1

1900

1910

1920

1930

1940

1950

1960

1970

1980

1990

Hugis 6: Mga Mahalagang Transitional Point


sa Kasaysayan ng Ating Wika at Pagpaplano ng Wika

2000

2010

SISTEMATIKONG MULTILINGGUWALISMO

May labingdalawang transitional point ang


timeline na ito. Uungkatin natin kung ano-ano ang
mga espisipikong puwersa na naging pangunahing
sanhi para maganap ang mga transitional point
na ito.
Unang Transitional Point (TP-1 sa
Hugis 6): ito ang transisyon mula sa
wikang Espanyol patungong wikang
Ingles. Hinugis ito sa kolonyal na agenda
ng mga Amerikano at nagtulak sa kanila
sa pagbuhos ng malaking halaga para
maipalaganap ang wikang Ingles. Nangyari
ito dahil sa kanilang kawalan ng tiwala sa
wikang Espanyol at sa ating kawalan noon
ng iisang katutubong lingua franca;
Ikalawang Transitional Point (TP-2
sa Hugis 6): ito ang transisyon mula sa
kawalan natin ng pambasang wika patungo
sa pagtatatag ng iisang pambansang wika
(unang yugto ng wikang Tagalog sa Hugis
5). Hinugis ito ng diskurso ng nasyonalismo
(Tingnan sa Sibayan, 8);
Ikatlong Transitional Point (TP-3 sa
Hugis 6): ito ang transisyon mula sa
monolingguwalismong Ingles patungo sa
bilingguwalismong Ingles at unang wika
(unang bilingguwalismo sa Hugis 5).
Hinugis ito sa praktikal at pragmatikong
pagpasya na imposibleng ituro ang isang
banyagang wika kapag tanging ang
parehong banyagang wika lamang ang
gagamitin (Tingnan sa Sibayan, 8);
Ika-apat na Transitional Point (TP-4 sa
Hugis 6): ito ang transisyon mula sa una
patungo sa ikalawang yugto ng wikang
Tagalog kung kailan una itong ginawang
isang pang-akademikong asignatura.
Hinugis ito sa lohikal na pagpasya na ang
isang pambansang wika na hindi naman
talaga unang wika sa nakararaming Pilipino
ay lalaganap lamang sa pamamagitan ng
pormal na edukasyon;
Ikalimang Transitional Point (TP-5
sa Hugis 6): ito ang transisyon mula
sa ikalawang yugto ng wikang Tagalog
patungo sa unang yugto ng wikang Pilipino.

F. P. A. DEMETERIO III

31

Hinugis ito sa intensiyon ng pamahalaan


na maibsan ang pagtutol ng ibang pangkat
etniko sa pagpalaganap sa wikang Tagalog;
Ika-anim na Transitional Point (TP-6
sa Hugis 6): ito ang transisyon mula sa
bilingguwalismong Ingles at unang wika
(unang bilingguwalismo sa Hugis 5)
patungo sa bilingguwalismong Pilipino at
unang wika (ikalawang bilingguwalismo sa
Hugis 5). Hinugis ito marahil sa nagliliyab
na diskursong nasyonalismo na nagtulak
sa pamahalaan na agarang isantabi na ang
wikang Ingles;
Ikapitong Transitional Point (TP-7
sa Hugis 6): ito ang transisyon mula
sa Pilipino bilang wikang opisyal at
wikang pambansa (unang yugto ng wikang
Pilipino) patungo sa wikang Pilipino bilang
pansamantalang wikang opisyal (ikalawang
yugto ng wikang Pilipino sa Hugis 5) at
Filipino bilang wikang pambansa (unang
wikang Filipino sa Hugis 5). Hinugis ito
sa intensiyon ng pamahalaan na tuldokan
na ang pagtutol ng ibang pangkat etniko
sa pagpapalaganap sa wikang Pilipino
na malinaw namang nakabatay pa rin sa
wikang Tagalog;
Ikawalong Transitional Point (TP-8
sa Hugis 6): ito ang transisyon mula sa
bilingguwalismong Pilipino at unang wika
(ikalawang bilingguwalismo sa Hugis
5) patungo sa multilingguwalismong
unang wika, Pilipino at Ingles (unang
multilingguwalismo sa Hugis 5). Hinugis
ito marahil sa realisasyon ng pamahalaan
na hindi ganoon kadali ang pagsantabi sa
wikang Ingles dahil sa paglipas ng pitong
dekada nakapaglikha na ang banyagang
wikang ito ng isang malalim na path
dependence sa kamalayan ng mga Pilipino
at sa mga istraktura ng lipunang Pilipino;
Ikasiyam na Transitional Point (TP-9
sa Hugis 6): ito ang transisyon mula sa
multilingguwalismong unang wika, Pilipino
at Ingles (unang multilingguwalismo sa
Hugis 5) patungo sa bilingguwalismong

32

MALAY TOMO XXIV BLG. 2

Pilipino at Ingles (ikatlong bilingguwalismo


sa Hugis 5). Hinugis ito marahil ng isang
kompromiso sa pagitan ng diskursong
nasyonalismo at hegemonya ng wikang
Ingles;
Ikasampung Transitional Point (TP-10
sa Hugis 6): ito ang transisyon mula sa
Pilipino bilang opisyal na wika (ikalawang
yugto ng wikang Pilipino sa Hugis 5) at
Filipino bilang pambansang wika (unang
wikang Filipino sa Hugis 5) patungo sa
Filipino bilang opisyal at pambansang
wika (Ikalawang wikang Filipino sa
Hugis 5). Hinugis ito sa realisasyon ng
pamahalaan kung gaano kalaki at kahirap
ang proyektong binalak ng 1973 na
konstitusyon tungkol sa paggawa ng isang
artipisyal na wika (ang unang wikang
Filipino sa Hugis 5) na siyang ihirang
bilang wikang pambansa;
Ikalabing-isang Transitional Point
(TP-11 sa Hugis 6): ito ang transisyon
mula sa bilingguwalismong Pilipino at
Ingles (ikatlong bilingguwalismo sa Hugis
5) patungo sa multilingguwalismong
unang wika, Pilipino at Ingles (ikalawang
multilingguwalismo sa Hugis 5). Hinugis
ito marahil sa praktikal at pragmatikong
pagpasya na imposibleng ituro ang wikang
Ingles at Filipino (ikalawang wikang
Filipino sa Hugis 5) sa mga Pilipinong
hindi napabibilang sa pangkat etniko ng
mga Tagalog kapag Ingles at Filipino
lamang ang gagamitin; at
Ikalabing-dalawang Transitional
Point (TP-12 sa Hugis 6): ito ang
transisyon mula sa hindi sistematikong
multilingguwalismo (ikalawang
multilingguwalismo sa Hugis 5) patungo
sa sistematikong multilingguwalismo
(ikatlong multilingguwalismo sa Hugis 5).
Hinugis ito batay sa sistematikong pag-aaral
sa bisa ng isang wastong multilingguwal
na programa.

Sa pagsilip natin sa mga puwersang humugis


sa labingdalawang transitional point sa ating
kasaysayang pangwika natunghayan natin ang
ilang mga puwersang sumusuporta sa hegemonya
ng wikang Ingles at humahadlang sa ating
pagpapalaganap at pagpapaunlad sa ating wikang
pambansa. Nangunguna dito ang kolonyal
na agenda ng Estados Unidos na lumikha ng
malawakang epekto na nararamdaman pa rin
natin hanggang sa kasalukuyan. Pumapangalawa
dito ang pagtutol ng ilang pangkat etniko sa
pagpapalaganap ng wikang pambansa na malinaw
naman talagang kumikiling sa pangkat etnikong
Tagalog. Ang pagtutol na ito ay maaaring isang
hayagan at berbal na pagbatikos sa pambansang
wika, o isang tahimik na hindi pagsuporta sa
paggamit ng parehong wika. Pumapangatlo dito
ang path dependence na nilikha ng wikang Ingles
sa kamalayan ng mga Pilipino at sa mga istraktura
ng lipunang Pilipino na malay o hindi malay na
pumipigil sa atin sa paggawa na anumang hakbang
na magsasantabi o magbababa sa kasalukuyang
estado ng, wikang Ingles. Ang path dependence ay
isang kategoryang nangangailangan ng maikling
paliwanag sa puntong ito. Ang kategoryang ito
ay hinugot natin mula sa path dependence theory
na unang inilatag ng ekonomistang si Paul David
noong 1985, at nagpapaliwanag kung bakit ang
ilang produkto o proseso ay patuloy na ginagamit
o ginagawa kahit lubusan nang naipakita ang
kanilang imperpeksyon at alam na ng marami
ang ibang mas mabisang alternatibo. Ayon kay
David ang penomenon ng pag-lock-in ng isang
produkto o proseso ay nakabatay sa mga pisikal,
sosyolohikal at mental na mga estraktura na
binuo ng ilang produkto o proseso. Binanggit
niya bilang halimbawa ang sistemang QWERTY
na ginagamit ngayon sa halos lahat ng makinilya
at computer keyboard, kahit na ilang ulit nang
napatunayan na may ibang sistema na na mas
user-friendly at mas ergonomiko. Malabong
mapalitan ang malawak na paggamit ng sistemang
QWERTY dahil nasanay na ang mundo sa
sistemang ito at hindi magiging praktikal para sa

SISTEMATIKONG MULTILINGGUWALISMO

sinumang typist na magsanay muli sa ilalim ng


anumang panibagong sistema. Ang mga makaIngles na diskurso tungkol sa bentahe ng wikang
Ingles gamit ang mga paksa ng ekonomiya,
globalisasyon, internasyonalisasyon, nalimbag
na karunungan at kasanayan ng mga guro ay
manipestasyon lamang ng ating path dependence
sa wikang Ingles.
Sa parehong pagsilip natin sa mga puwersang
humugis sa labingdalawang transitional point
natunghayan din natin ang ilang mga puwersang
sumusuporta sa pagpapalaganap at pagpapaunlad
ng wikang pambansa. Nangunguna dito ang
diskurso ng nasyonalismo na sa mahabang
panahon nagsisilbing pangunahing puwersa na
nagtatag at nagtataguyod sa pambansang wika.
Pumapangalawa dito ang pedagohikal na diskurso
na bumabatikos sa paggamit ng banyagang wika
bilang pangunahing wikang panturo. Ayon sa
batikang lingguwistang si Bonifacio Sibayan ang
diskurso tungkol sa pedagohikal na paggamit sa
wikang pambansa ay umusbong lamang noong
huling mga taon ng dekada sisenta at mga unang
taon ng dekada sitenta (Tingnan sa Sibayan,
9). Pumapangatlo dito ay ang praktikal at
pragmatikong pagpapasya ng ating pamahalaan
na imposibleng ituro ang isang banyagang wika
kapag tanging ang parehong banyagang wika
lamang ang gagamitin.
ANG KONTRADIKSYONG
NAKAPALOOB SA KASAYSAYAN NG
ATING PAMBANSANG PAGPAPLANO SA
WIKA
Sa puntong ito handa na tayong tumingin sa
mga malalalim na kontradiksyong nakapaloob
sa nasyonalista at pedagohikal na diskurso na
nangunguna sa paghugis sa ating pambansang
patakarang pangwika. Suposisyon ng papel na
ito na ang mga diskursibong kontradiksyong ito
ay ilan sa mga pangunahing sanhi kung bakit
matapos ang ilang dekadang pagkakaroon natin ng
isang wikang pambansa hindi pa rin ito lubusang
umugat sa buong kapuluan at lumaban nang husto
sa hegemonya ng wikang Ingles.

F. P. A. DEMETERIO III

33

Uunahin natin sa pagtalakay ang nasyonalistang


diskurso na siya naman talagang kronolohikal na
mas naunang naganap kaysa pedagohikal na
diskurso sa kasaysayan ng ating pambansang
pagpaplano sa wika. Sa katunayan, naitatag
ang wikang Tagalog bilang batayan sa bubuuing
pambansang wika noong 1935 dahil sa pag-alab
ng nasyonalistang diskurso, habang ginamit ito
sa akademya bilang wikang panturo noong 1970
lamang dahil sa magkahalong nasyonalista at
pedagohikal na diskurso.
Ang nasyonalistang diskurso ay naglalayon
na ipalaganap ang wikang pambansa bilang
isang sangkap sa paglilinang sa nasyonalistang
kamalayan sa isip at puso ng mga Pilipino para
mabubuo ang matatag na bansang Pilipino.
Ngunit may taglay na kontradiksyon ang ganitong
estratehiya dahil hindi natin mabubuo ang isang
matatag na bansa kapag ang sangkap nating wika
ay siya ring nagiging mitsa sa isang pang-etnikong
bangayan. Ang pagtutol ng ilang mga pangkat
etniko sa pagpalaganap ng wikang Filipino/
Pilipino/Tagalog, kapag susuriing mabuti gamit
ang kasalukuyang kamalayang multikulturalismo
ay hindi isang simpleng pag-aalboroto lamang
ng iilang bahagi ng ating estado. Isa itong
lehitimong reaksiyon mula sa mga pangkat etniko
na nasasagasaan sa ating pagpapairal ng isang
bansang nakabatay sa isang monokultural na
modelo. Sa nakalipas na mga dekada, mahirap
lubusang panindigan ang pagpapalaganap ng
wikang Filipino/Pilipino/Tagalog sa antas ng
pagpapanday ng polisiya dahil sa implikasyon
nitong unti-unting pagbubura sa marami nating
katutubong wika at kultura. Sa mas madaling
salita, may nakatagong simbolikong karahasan
ang nakagisnan nating sistema sa pagpapalaganap
ng wikang pambansa.
Dagdag pa dito, ang nasyonalistang diskurso,
ayon sa isa pang batikang lingguwistang si
Andrew Gonzalez ay may likas na walang
aspekto ng pagmamadali (Tingnan sa Gonzalez,
4). Ito ay dahil na din siguro sa katotohanang
tanggap nating lahat na ang paghuhubog ng
kamalayan at pagbubuo ng isang matatag na
bansa ay mga pangmatagalan o long-ranged

34

MALAY TOMO XXIV BLG. 2

na proyekto (Tingnan sa Gonzalez, 4). Kaya


kahit sabihin pa nating walang tinatagong
kontradiksyon ang nasyonalistang diskurso, hindi
pa rin ito sapat na agarang lumaban nang husto sa
hegemonya ng wikang Ingles. Madalas kasing
pumapayag na lamang ang mga tagapagtaguyod
ng nasyonalistang diskurso sa pagkakaroon ng
isang simbolikong wikang pambansa na maaaring
gunitain at gawing sagradong bagay na gagamitin
tuwing buwan ng Agosto.
Para mabigyan ng aspekto ng pagmamadali
ang ating pakikipaglaban sa hegemonya ng
wikang Ingles iminungkahi ni Gonzalez na
dalumatin natin ang ating problemang pangwika
na gamit bilang balangkas ang pedagohikal na
diskurso: the society (should) really . . . consider
the national language for purposes beyond the
symbolic (Gonzalez, 4). Dahil ang diskursong
ito ay hindi pumapayag sa pamalat bunga lamang
na pagkakaroon ng isang simbolikong wika. Sa
halip ang pedagohikal na diskurso ang mumulat
sa atin para makita natin nang malinaw ang ating
walang katuturang pagpapahirap at pagpapabigat
sa ating edukasyonal na proseso. Pagpapahirap
at pagpapabigat dahil sa pagpupumilit nating
gamitin ang isang wikang naiwan sa atin ng mga
mananakop na Amerikano. Kapag nabasa na
natin at naintindihan ang mga pedagohikal na
pananaliksik na walang patid na bumatikos sa
edukasyong nakabatay sa banyagang wika, hindi
maaaring hindi tayo agarang umaksyon para
maiwasto ang problematikong sistema. Ito ang
aspekto ng pagmamadali na binanggit ni Gonzalez
na magpapalakas at magpapabilis sana sa ating
pakikipaglaban sa hegemonya ng wikang Ingles.
Ngunit kahit ang pedagohikal na diskurso
sa konteksto ng ating pagpaplano sa wika ay
may taglay ding kontradiksiyon. Ang mga
nangungunang pedagohikal na pananaliksik
tungkol sa kasamaang idinudulot ng isang
edukasyong nakabatay sa wikang banyaga,
sa katotohanan, ay hindi rin sumusuporta sa
paggamit ng isang pambansang wika kapag ito
ay isa pa ring wikang banyaga para sa ibang
mga mag-aaral sa loob ng isang multilingguwal
na estado. Kahit gamitin pa nating kalasag ang

lingguwistikong kaalaman na lahat ng katutubong


wika sa Pilipinas ay magkakaugnay sa ilalim ng
pamilya Austronesyano, hindi natin maaaring
takasan ang katotohanang ang wikang Filipino/
Pilipino/Tagalog ay isang banyagang wika para
sa nakararaming Pilipino na hindi kasapi sa
pangkat etnikong Tagalog. Sa nakalipas na mga
dekada, mahirap din lubusang panindigan ang
pagpapalaganap ng wikang Filipino/Pilipino/
Tagalog sa antas ng pagpapanday ng polisiya
dahil walang pedagohikal na pananaliksik ang
magpapatunay na talagang mas epektibo itong
gamitin kaysa unang wika kapag lalabas na tayo
sa rehiyon ng mga Tagalog.
Kagaya ng nabanggit na suposisyon ng papel
na ito na ang mga nakatagong kontradiksyon
sa nasyonalista at pedagohikal na diskurso ay
maaaring ilan sa mga pangunahing sanhi kung
bakit matapos ang ilang dekadang pagkakaroon
natin ng isang wikang pambansa hindi pa rin
ito lubusang umugat sa buong kapuluan at
lumaban nang husto sa hegemonya ng wikang
Ingles. Mahirap itong mapanindigan sa antas ng
pagpapanday sa mismong pambansang programa
sa wika.
SISTEMATIKONG
MULTILINGGUWALISMO
BILANG TUGON SA KONTRADIKSYONG
NAKAPALOOB SA ATING PAMBANSANG
PAGPAPLANO SA WIKA
Matapos nating makita ang malalalim na
kontradiksyong nakapaloob sa nasyonalista at
pedagohikal na diskursong sumusuporta sana sa
pagpapalaganap at pagpapaunlad sa ating wikang
pambansa, handa na tayong dumako sa huling
layunin ng papel na ito, ang pagtingin kung paano
matutugunan ang mga kontradiksyong ito ng
sistematikong multilingguwalismo na inilunsad
noong 2009.
Sa aking sanaysay Ang Kautusan ng
Departamento ng Edukasyon Bilang 74,
Serye 2009: Isang Pagsusuri sa Katatagan ng
Programang Edukasyon sa Unang Wika (MLE) ng
Pilipinas, binigyan ko ng buod ang sistematikong

SISTEMATIKONG MULTILINGGUWALISMO

multilingguwalismo sa pamamagitan ng mga


kasunod na pahayag (Demeterio, 2010, 32):
Ang MLE ay hindi lamang tungkol sa
oral na paggamit ng unang wika, ito rin
ay tungkol sa tekstuwal na paggamit ng
nasabing wika na sinasabayan ng pag-aaral
sa istraktura at gramatika nito (Tingnan sa
UNESCO, 2003, p. 11);
Kapag ang pagkakatuto ng nilalaman ng
ibat ibang asignatura ang pinag-uusapan,
ang MLE ay mas mabisa kung ihahambing
sa edukasyon sa ikalawa o sa ikatlong wika
(Tingnan sa UNESCO, 1953, p. 6);
Dapat malinang muna nang husto ang
kognitibong kakayahan ng bata sa kanyang
unang wika, bago pa man siya ililipat sa
edukasyon sa ikalawa o sa ikatlong wika;
Kinakailangan ng bata ng hindi bababa sa
labingdalawang taon para lubusan niyang
matutuhan ang kanyang unang wika,
kaya hindi sapat ang paggamit sa unang
wika hanggang sa una, ikalawa o ikatlong
baitang sa elementarya lamang (Tingnan
sa Dutcher at Tucker, p. vii);
Sakaling kailangan talaga ng isang estado
ang edukasyon sa ikalawa o sa ikatlong
wika, mas maigi para sa bata na ipagpaliban
muna ang paglilipat sa kanya mula sa MLE
hanggang sa pinakahuling panahon na
kakayahin ng estadong ito (Tingnan sa
UNESCO, 2003, p. 31);
Ang minamadaling paglipat (premature)
mula MLE patungo sa edukasyon sa
ikalawa o sa ikatlong, wika ay nakakasama
sa pag-unlad ng literacy, at sa kasanayan sa
matematika at siyensya ng bata (Tingnan
sa Nolasco, Twenty-One Reasons Why
Filipino Children Learn Better while Using
their Mother Tongue, p. 10);
Ang batang natuto nang husto gamit ang
kanyang unang wika ay mas madaling
matuto ng ikalawa o ikatlong wika kung
ihahambing sa ibang batang ibinabad
kaagad sa ikalawa o sa ikatlong, wika
(Tingnan sa Dutcher at Tucker, p. vii); at
Kinakailangan ng bata ng hindi bababa sa

F. P. A. DEMETERIO III

35

anim na taong masinsinang pag-aaral sa


ikalawa o sa ikatlong wika bago pa man
gamitin ang mga ito bilang midyum sa
pagtuturo (Tingnan sa Nolasco, TwentyOne Reasons Why Filipino Children Learn
Better while Using their Mother Tongue,
p. 10).
Batay sa mga pahayag na ito makikita
natin kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng
sistematikong multilingguwalismo (ikatlong
multilingguwalismo sa Hugis 5) sa una at ikalawa
nating multilingguwalismo na iniutos noong
1973 at noong panahon ni Pangulong Corazon
Aquino. Kapag babalikan natin ang walong
pahayag na nagbibigay buod sa sistematikong
multilingguwalismo, lahat nang ito ay nilabag
ng una at pangalawa nating multilingguwalismo:
A n g u n a a t p a n g a l a w a n a t i n g
multilingguwalismo ay tungkol sa oral na
paggamit lamang sa unang wika at walang
pakialam sa pag-aaral sa istraktura at
gramatika nito;
Dahil hindi tayo nagkakaroon ng
pagkakataon na gamitin nang tama at
husto ang estratehiyang multilingguwal
sa ilalim ng una at pangalawa nating
multilingguwalismo, hindi natin
napatunayan kung mas mabisa ba ang
mga ito kaysa sa edukasyon sa ikalawa o
sa ikatlong wika;
Hindi nilinang nang husto ng una at
pangalawa nating multilingguwalismo ang
kognitibong kakayahan ng bata sa kanyang
unang wika, bago pa man nito ililipat sa
edukasyon sa ikalawa o sa ikatlong wika;
Hindi binigyan ng una at ikalawa nating
multilingguwalismo ng labingdalawang
taon ang bata para lubusan niyang
matutuhan ang kanyang unang wika at
hindi nito isinaisip na hindi sapat ang
paggamit sa unang wika hanggang sa una,
ikalawa o ikatlong baitang sa elementarya
lamang;
Minamadali masyado ng una at ikalawa
nating multilingguwalismo ang paglipat
ng bata mula sa isang edukasyon sa unang

36

MALAY TOMO XXIV BLG. 2

wika patungo sa edukasyon sa ikalawa o


ikatlong wika;
Hindi isinaisip ng una at ikalawa nating
multilingguwalismo na ang minamadaling
paglipat (premature) mula edukasyon
sa unang wika patungo sa edukasyon sa
ikalawa o sa ikatlong wika ay nakasasama
sa pag-unlad ng literacy, at sa kasanayan sa
matematika at siyensya ng bata;
Hindi binigyan ng pagkakataon ng una at
ikalawa nating multilingguwalismo ang
bata para matuto nang husto gamit ang
kanyang unang wika para mas madali
siyang matutong gumamit ng ikalawa o
ikatlong wika; at
Hindi isinaisip ng una at ikalawa nating
multilingguwalismo na kinakailangan ng
bata ng hindi bababa sa anim na taong
masinsinang pag-aaral sa ikalawa o sa
ikatlong wika bago pa man gamitin ang
mga ito bilang midyum sa pagtuturo.
Mahalaga ang sistematikong
multilingguwalismo kahit hindi man ito
masyadong napapansin noong inilunsad ito
noong 2009. Hindi lamang ito dahil sa mas
tama ito kaysa una nating dalawang bersyon ng
multilingguwalismo at hindi rin lamang dahil mas
mabisa ito kaysa monolingguwal nating Ingles o
sa bilingguwal nating Ingles at Filipino/Pilipino/
Tagalog, kung hindi dahil tutugunan din nito ang
mga malalalim na kontradiksyong nakapaloob sa
nasyonalista at pedagohikal nating diskurso na
silang nagsisilbing mga puwersang nangunguna
sa pagtataguyod sa ating paggamit sa wikang
pambansa at sa ating pagbabatikos sa hegemonya
ng wikang Ingles.
Sa konteksto ng kontradiksyong nakapaloob
sa ating nasyonalistang diskurso, binibigyan
ng sistematikong multilingguwalismo ng sapat
na apirmasyon ang mga katutubong wika, ang
pagkakataong matekstuwalisa ang mga ito,
malinang, at makatutulong sa pagpapaunlad sa
ating functional na literacy. Ang sistematikong
multilingguwalismo ay isang diskursong
nakabatay sa mas malawak na diskurso ng

multikulturalismo na nagtuturo sa ating lahat na


sa pagbubuo ng isang bansa hindi kailangang
burahin ang mga rehiyonal at katutubong wika at
kultura; sa halip, dapat palakasin ang mga ito para
maging mas malakas at matatag din ang anumang
mabubuo nating pambansang pagkakakilanlan.
Dahil dito mawawalan ng mainit na dahilan
ang mga Pilipinong kasapi sa mga rehiyonal
na pangkat etniko para hindi sumuporta sa
ating pagpapalaganap at pagpapaunlad sa
wikang pambansa at sa ating pakikipaglaban sa
hegemonya ng wikang Ingles.
Sa konteksto ng kontradiksyong nakapaloob
sa ating pedagohikal na diskurso, binibigyan
tayo ng sistematikong multilingguwalismo ng
isang malawak na literatura ng pedagohikal na
pananaliksik. Nagpapatunay ito sa pedagohikal
na superyoridad ng wastong multilingguwalismo
kapag ihahambing sa monolingguwalismong
nakabatay sa wikang banyaga o sa
bilingguwalismong nakabatay sa wika ng dating
mananakop at pambansang wika na banyaga pa
rin para sa ibang rehiyon ng isang multilingguwal
na estado. Ang pagiging banyaga ng wikang
Filipino/Pilipino/Tagalog para sa mga Pilipinong
naroroon sa ibang rehiyon ay hindi na magiging
pedagohikal na suliranin dahil binibigyan na ito
ng lunas sa pamamagitan ng isang mas maagang
kasanayan sa unang wika. Dahil dito maaari
na nating gamitin nang lubusan at walang
pag-aalinlangan ang pedagohikal na diskurso
para mabigyan na ng aspekto na pagmamadali
ang ating pagpapalaganap at pagpapaunlad ng
wikang pambansa at ang ating pakikipaglaban sa
hegemonya ng wikang Ingles.
Kapag titingnan natin sa isang anggulo,
hindi deretsahang lumalaban ang sistematikong
multilingguwalismo sa hegemonya ng wikang
Ingles dahil lalo itong magpapalakas sa wikang
Ingles. Ang deretsahang nilalabanan ng
sistematikong multilingguwalismo ay ang
monolingguwal na edukasyon sa wikang Ingles
at bilingguwal na edukasyon sa wikang Ingles
at Filipino/Pilipino/Tagalog. Ngunit kapag
tanggap na ng lahat ng Pilipino ang wikang
pambansa at bihasa na tayong magbabasa,

SISTEMATIKONG MULTILINGGUWALISMO

makikipagtatalastasan at sumulat sa wikang


ito, mas madali nang palawakin pa ang
aspekto ng Filipino/Pilipino/Tagalog sa ating
kasalukuyang bilingguwalismo na pumapabor
pa rin sa wikang Ingles, hanggang sa magiging
mas dominante na ang papel at kahalagahan ng
ating wikang pambansa sa loob ng parehong
bilingguwal na programa. Ang sistematikong
multilingguwalismo din ang magdadala sa
atin sa isang kinabukasan kung kailan kaya na
nating sabihing na hindi pala kailangan sa ating
edukasyonal na sistema ang wikang Ingles at
maari na tayong humakbang sa isang mas epektibo
at mas simpleng bilingguwalismong nakabatay sa
unang wika at wikang pambansa.
KONKLUSYON
Sa papel na ito namalas natin ang isang maikling
kasaysayan ng ating pambansang pagpaplano sa
wika. Nagalugad din natin ang mga pangunahing
puwersa na humuhugis sa ating pambansang
patakarang pangwika. Gayundin nailahad
natin ang mga kontradiksyong nakapaloob sa
dalawang nangungunang puwersang ito, at liban
pa sa naipakita natin kung paano matutugunan
ng sistematikong multilingguwalismo ang
mga kontradiksyong nabanggit sa pag-asang
mapalakas at mapabilis ang pagtataguyod natin sa
ating pambansang wika at pakikipaglaban natin sa
hegemonya ng wikang Ingles. Kung kayat dapat
lamang suportahan natin bilang mga Pilipino ang
multilingguwalismong iniutos ng Departamento
ng Edukasyon noong 2009.
Gayunpaman, dapat din nating suriin nang mas
masinsinan ang multilingguwal na programang ito
para masigurado nating naaayon ito sa kasalukuyang
antas ng kaalaman kung ano dapat ang isang
matatag at sistematikong multilingguwalismo
(Tingnan sa Demeterio, 2009b). Dapat din nating
suriin nang mas masinsinan ang katatagan ng
ating bilingguwalismo na siya pa ring sasalo sa
ating multilingguwalismo pagdating sa matataas
na antas ng elementarya, sekondarya at kolehiyo.

F. P. A. DEMETERIO III

37

SANGGUNIAN
Constantino, Pamela; Gonzales, Lydia; &
Ramos, Jesus. Ang Sitwasyong Pangwika
sa Pilipinas. Wika, Linggwistika at
Bilinggwalismo sa Pilipinas. Eds. Pamela
Constantino, Lydia Gonzales, & Jesus Ramos.
Manila: Rex Bookstore, 1985. Print.
Cruz, Isagani R. Mother Tongue Education: Mini
Critique, Part I. Philstar.com. 23 Hulyo 2009.
Web. 30 Abril 2010. http://www.philstar.com/
article.aspx?articleid=489283
Cruz, Isagani R. Mother Tongue Education: Mini
Critique, Part II. Philstar.com. 30 Hulyo 2009.
Web. 30 Abril 2010. http://www.philstar.com/
Article.aspx?articleId=491414&publicationSu
bCategoryId=442
Dalrymple, Louis. School Begins. Library of
Congress. Enero 1899. Web. 06 Marso 2011.
Demeterio, F. P. A. Ang Balangkas ng
Multikulturalismo at ang Pagbubuo ng Bansang
Pilipino. Lumina: An Interdisciplinary
Research Journal of Holy Name University.
Tomo 20, Bilang 2 (Oktubre 2009): 31-48.
Print.
-------------. Ang Kautusan ng Departamento
ng Edukasyon Bilang 74, Serye 2009: Isang
Pagsusuri sa Katatagan ng Programang
Edukasyon sa Unang Wika (MLE) ng Filipinas.
Malay. Tomo 23, Bilang 1 (Setyembre 2010):
31-52. Print.
Departamento ng Edukasyon. Order Number 74,
Series 2009. Departamento ng Edukasyon. 14
Hulyo 2009. Web. 30 Abril 2010.
http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/
issuanceImg/DO%20No.%2074,%20s.%20
2009.pdf
Department of Education. Order 9, Series
of 1973: The Language Policy in Philipine
Education. Departamento ng Edukasyon.
1973. Web. 08 December 2010.
http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/
issuanceImg/DO%20No.%209,%20s.%20
1973.pdf

38

MALAY TOMO XXIV BLG. 2

Dutcher, Nadine & Tucker, Richard. The Use of


First and Second Languages in Education: a
Review of International Experience. Pacific
Islands Discussion Papers Series 1. Enero
1982. Web. 30 Abril 2010.
http://www-wds.worldbank.org/servlet/
WDSContentServer/WDSP/IB/2000/02/24/0
00094946_99031910564840/Rendered/PDF/
multi_page.pdf
Espiritu, Clemencia. Language Policies in the
Philippines. National Commission for Culture
and the Arts. 2008. Web. 08 Disyembre 2010
http://www.ncca.gov.ph/about-cultureand-arts/articles-on-c-n-a/article.
php?i=217&igm=3
Gonzalez, Andrew. Language Planning in
Multilingual Countries: the Case of the
Philippines. SIL International. 2003. Web. 1
Mayo 2010.
http://www.sil.org/asia/ldc/plenary_papers/
andrew_gonzales.pdf
Nolasco, Ricardo. 21 Reasons Why Filipino
Children Learn Better while Using their Mother
Tongue: a Primer on Mother Tongue-Based
Multilingual Education (MLE) & Other Issues
on Language and Learning in the Philippines.
Mother Tongue Based Multilingual Education
(MLE) Philippines. w.p. Web. 30 Abril 2010.
http://eduphil.org/forum/21-reasons-whychildren-learn-better-while-using-t-639.
html

Sibayan, Bonifacio. Difficult Tasks in Teaching


Filipino Children in Two or Three Languages:
Some Suggested Solutions. The Filipino
Bilingual: a Multidisciplinary Perspective.
Eds. Bautista, Ma. Lourdes & Tan, Grace.
Manila: Linguistic Society of the Philippines,
1999. 10. Print.
UNESCO. Education in a Multilingual World.
Unesco.org. 2003. Web. 2 Mayo 2010.
http://unesdoc.unesco.org/
images/0012/001297/129728e.pdf
UNESCO. The Use of Vernacular Languages
in Education. Unesco.org. Setyembre 1953.
Web. 2 Mayo 2010. http://unesdoc.unesco.org/
images/0000/000028/002897eb.pdf

You might also like