You are on page 1of 22

Ang Skin Whitener Sa

Bayan Ng
Kayumangging Balat
Mga Halimbawa Ng Skin
Whitener
Isa sa mga
gumagamit
ng skin
whitener
Belo Medical Group
Ang kolonyal na rekognisyon sa
kasalukuyang komersyal na produkto
at praktis na malaganapang
ginagamit ng mga indibidwal.
 Ang pilosopong, “syempre,
bebenta ba naman ang skin whiteners
sa mga mapuputi na!”
Parehong tumutuon sa pagiging kaiba’t
kulang ng mga gumagamit nito. Bahagi ang
skin whitener sa multi-bilyong dolyar na
industriya ng kagandahan at aliw
(entertainment). Noong 1997, ang
tantyang market para sa mga skin care na
produkto sa Southeast Asia pa lamang ay
US$1.03 bilyon: inaasahan na sa 1998 ay
lalaki ang market ng 12.7 porsyento.
Ang skin whitener ay kolonyal at
patriarkal na usapin: narito ang seduksyon
dulot ng pagtangkilik sa produkto—
Nagpapaputi batay sa konsepto ng
kagandahan,pagkababae at pagkadayuhan.
Maaaring isipin ang ganitong kalakaran
ng paglaganap ng skin whitener ay may
paralel na pagkilos sa usapin ng pagsasalin.
Tulad ng skin whitener, ang ingles ay
pagkilala’t pagtanggap sa angking
kahinaan ng sarili’t nasyonal sa kaisipan
at kalakarang imperyal at global. Sa antas
ng pagsasalin bilang nabubuong diwa’t
tunguhin ng kasalukuyang sistema,
patuloy lamang ang paghamak sa lokal na
katangian at kondisyon ng sarili at
pambansang wika.
“Ey Is For Epol”
Ang Pagbebenta Ng
Sabong Panlaba
At
Ang Kaputian Sa
Pagsasalin
May pangangailangang isaalang-alang ng
output bilang isang proseso,hindi simpleng
resulta o paramihan ng output ng mga nasaling
mga akda. Bilang proseso, may iba’t ibang port
na pinagmumulan at tinutungo ang pagsasalin
— iba’t ibang wika sa loob ng bansa, pambansa
at rehiyunal na wika. Gayundin, ang pagsasalin
ay hindi lamang proseso ng translasyon ng
wika, ito ay pangunahing translasyon ng atleast,
dalawang kasaysayan, lipunan at pagkatao.
Ang pagsasalin ay isang proseso ng
pagkakaroon ng pagkatao o coming into
being. Parati itong hinuhulma,
pinalalamanan, pinalalawig, pinapasok at
inilalabas. Hindi ito tapatan ng isang
akdang isinalin sa akdang nasalin.
Mimetiko ang modelong ito na nalansag
na rin dahil sa realisasyon na hindi na
kayang kopyahin ng isa ang ibang realidad.
Ang edukasyon ang pangunahing aparato
ng sosyalisasyon sa isang nilalang tungo sa
hegemonikal na konstruksyon ng
pagkamamamayan.
Ang pamantayan ng pagkamamamayan ay
nalilikha at itinatakda sa modelo ng assembly
line sa sistemang edukasyon.
Tila isang produkto ang indibidwal na ang
bawat pagsulong sa iba’t ibang yugto ng
sistema ay pagdaragdag ng mga bahaging
bubuo sa kanyang pagkamamamayan.
Kaugnay sa pagsasalin, ang sistemang
edukasyon ang pangunahing grid ng estado
para matiyak ang parametro ng kultura ng
mamamayan.
Kalakhan ng saling isinasagawa ngayon ay
para sa “pagsasa- Filipino” ng sistemang
edukasyon.
Gayunpaman, laging sablay ang anumang
pagsasalin dahil sa kakulangan at korapsyon
ng resources para maitaguyod ang isang
napakaobhetibo’t liberal na bansa.
Hanggang hindi napapagpag ang diwa
ng kolonyal at imperial na pamantayan,
hindi aakalain na umuusad tayo sa
larangan ng edukasyon at pagsasalin.
Dumating na tayo sa yugto ng
pamumulaklak na tinatawa na
“postcolonial literature” sa kanluran,
tinutukoy nito ang pagbalikwas sa gamit,
halaga at batas ng ingles at iba pang
kolonyal na wika sa dating kolonyal na
mga lugar.
Samakatuwid , ang pagbigkas ng “epol” ay
tinitingnan na bilang tagumpay ng kolonya
sa pagtransforma at pagkatutubo ng salita,
wika at panitikan ng dating imperial na
bansa.
Nabanggit ang sistemang edukasyon
bilang pangunahing aparato ng
pagpapalaganap ng kolonyal at imperial na
kaisipan. Bagama’t paulit- ulit nang
nabanggit, hindi parin nalilinaw ang ibig
sabihin ng kolonyal at imperial na kaisipan.
Ang imperial na kaayusan naman ay
tumutukoy sa sistema sa post-
independensya na yugto ng bansa na
napapanatili ng posisyon nito sa global at
sexual na dibisyon ng paggawa.
Halimbawa
Komersyal ng sabong panlaba
Ang Pagsasalin ng
Balat sa Kulturang
Makabanyaga at
Makabansa
Ang balat ay proteksyon. Tulad ng mga prutas
at itlog, ang balat ay mahalaga sa pagtiyak ng
pag-unlad ng sinasaloob ng bagay. Gayundin
ang pagsasalin, may tinutunghayang
transformasyon ang akda at kaisipan sa proseso
ng pagbabago nito.
Kaya ang balat ay mahalagang makolonisa
dahil ito ang unang proteksyon ng indibidwal
laban sa kapaligirang pisikal.
Kung sino ang kumokontrol sa diskurso ng
balat ay siya ring kumokontrol sa unang linya ng
depensa ng indibidwal at ng kanyang kaisipan.
Mahalaga ang balat, lalo pa’t napasok
na ang bansa sa postmodernong diin sa
visual culture.
Ang balat ang pangunahing marka ng
pagkatao sa kulturang ito.
May pamantayan ng kaputian at
kawalan ng bahid ng pasakit.
Maputi at pinong balat ang ideal ng
bawat tao.
Ang balat ang naghuhudyat ng
pagpasok ng bansa sa global na diin sa
service sector.
Ang rebelasyon ng balat ay hayagang
nagpapakita ng sexualidad ng isang tao.
Ang balat ay isang metaphor na
pagiisip- mula sa literal nasa yugto na
tayo na ang balat ay naging figuratibong
imahen na ating pag-iisip.
Tapos…

You might also like