You are on page 1of 29

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS

EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN


Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

KASANAYAN SA MAKRONG KASANAYANG PAGSULAT NG MGA


MAG-AARAL SA SEKUNDARYA

Nina:

ROCHELLE B. ALOJADO
PRECY MAE G. BANTAYAO
JHONA MAE CABASAN
EMMALOU P. DAUTIL
JONI ROSE P. GARCIA

Marso 2017
Kabanata 1
Panimula ng pag-aaral
1

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Limang bahagi ang nakapaloob sa Kabanata 1: 1) Kaligiran ng pagaaral; 2) Paglalahad ng Suliranin; 3) Kahalagahan ng Pag-aaral; 4) Katuturan
ng mga Katawagan; at 5) Saklaw at Hangganan ng pag-aaral.
Ang Unang Bahagi, Kaligiran ng Pag-aaral, ay nagpapaliwanag at
nagtatalakay ng dahilan ng pagpili ng mga mananaliksik ng kanilang pagaaral.
Ang Ikalawang Bahagi, Suliranin ng Pag-aaral, ay naglalahad ng mga
suliranin ng pag-aaral.
Ang Ikatlong Bahagi, Kahalagahan ng Pag-aaral, ay tumutukoy sa
benepisyong matatamo mula sa kinalabasan ng pag-aaral.
Ikaapat na Bahagi, Katuturan ng mga Katawagan, ay nagbibigay
kahulugan sa mga salitang ginamit sa pag-aaral.
Ikalimang Bahagi, Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral, ay
naglalarawan sa hangganan at sakop ngpag-aaral.
Kaligiran ng Pag-aaral
Marami nang mga pagbabagong nagaganap sa paligid. Ang dating
simpleng pamumuhay ay naging komplikado na bunga narin ng pagdagsa ng
ibat ibang penomena gaya ng globalisasyon, na nagdala ng mga kaalamang
ni sa hinagap ay hindi naisip ng tao na siyang mangyayari. Ngunit nandito na
tayo sa panahong kailangang pakibagayan ang lahat ng usapin, pangyayari
at kaalaman upang hindi tayo ganap na mapag-iwanan. Kailangan natin ng
instrumentong mabisang midyum na siyang magtuturo sa atin upang
mabuksan ang nakatagong kaalaman na dapat nating matuklasan. Itoy
magagawa lamang natin kung aktibo tayo sa pagbasa at pagsulat. Ito ang
susi upang mabuksan ang mga nakatagong kaalaman na kailangan nating
mabatid nang sa gayon ay maiangkop natin ang ating sarili at ang ating
buhay sa mga bagay na lagi nating nasasalunga sa araw-araw na buhay.
2

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Sa tawag ng nasyunalismo, sininop ang ABAKADA at iba pang


gamit pang-ortograpiya at pambalarila para makalikha ng wikang
pambansa. Sa tulong ng Hapon, napabisa ang paggamit nito. Napilitang
bumasa at sumulat sa Pilipino ang maka-Ingles makahigop lamang ng
masarap na sabaw.
Namalasak na muli ang mga babasahin, mga dyaryo at magasin, mga
nobela sa komiks pagkatapos ng giyera. Datapwat nasansala ang pagbasa
nang pumaimbulog ang siyensya at teknolohiya naging matindi ang impak ng
mga kagamitang pang-elektroniko.Narahuyo nang husto ang Pilipino. Mula
rito, naging sitwasyon ang pang-akademya ang pagbaba ng bilang ng mga
estudyanteng marunong bumasa partikular na ang kahinaan ng mga bata sa
pagsulat. (Senatin at Centenera,2003)
Sa pagpapakahulugan naman ni Sauco, ang pagsulat ay pagsasalin sa
papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan
ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan.
Gayunpaman, sa kabila ng pagsisikap ng mga guro sa Filipino na
maturuan nang mabuti ang mga mag-aaral sa makrong kasanayang pagbasa
at pagsulat, mayroon pa ring mga mag-aaral na hindi natamo ang lebel ng
katatasan sa mga kasanayang ito.
Kaya, ang pag-aaral na ito ay may layuning alamin ang demograpikong
datos at kasanayan ng mga mag-aaral sa makrong kasanayang pagsulat.
Ninais din ng mga mananaliksik na tuklasin ang kahinaan at kalakasan ng
mga tagatugon upang lalo pang matulungan o maisalba sa kahinaang taglay
ng mga kabataan sa pagsulat. Bilang mga guro sa hinaharap, gustong

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

tuklasin sa pag-aaral na ito kung may epekto ba ang teknolohiya sa


kasanayang pagsulat ng mga mag-aaral sa kasalukuyan.
Ang pag-aaral na ito ay sadyang ginawa ng mga mananaliksik para
matugunan ang suliranin ng mga mag-aaral sa pagsulat. Ditoy magkakaroon
ng pagsubaybay sa pag-unlad ng kasanayan ng mga tagatugon kung kayat
bibigyang pansin ang mga nasa Baitang 9 upang ang lebel ng kasanayan
nilay malinang, madebelop at lalo pang mapaunlad.

Paglalahad ng Suliranin
Layon ng pag-aaral na ito na alamin ang kasanayan ng mga mag-aaral
sa kanilang makrong kasanayang pagsulat sa taong panuruang 2016-2017.
Sasagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang demograpikong datos ng mga tagatugon kung pagbabatayan
ang kanilang edad, kasarian, at edukasyong natapos ng mga
magulang?
2. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga tagatugon?
3. Mayroon bang makabuluhang kasanayan sa makrong kasanayang
pagsulat ng mga tagatugon kung ipapangkat sila ayon sa kanilang
edad, kasarian, at edukasyong natapos ng mga magulang?

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Paradima ng Pag-aaral
Malayang Salik

Di-Malayang

Salik
Kasarian
Edad

Makrong Kasanayang
Pagsulat

Edukasyong natapos ng
mga magulang

Ipotesis
Batay sa inilahad na suliranin, ang ipotesis ng pag-aaral na ito ay:
Walang kaugnayan ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa
sekundarya sa makrong kasanayang pagsulat batay sa kanilang kasarian,
edad at edukasyong natapos ng mga magulang.
Katuturan ng mga Terminolohiya
Ilang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay bibigyang katuturan
upang madaling maunawaan ang nais ipahiwatig ng pananaliksik na ito.
Kasanayan. Ito ay kagalingan sa pagganap o paggawa sa isang
partikular na gawain.
Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa masteri ng mga mag-aaral sa
makrong kasanayang pagsulat.
Makrong kasanayan. Ang epektibong pagpapahayag ng kaisipan,
saloobin, naisin at damdamin na isang mahalagang proseso sa
pakikipagtalastasan. Binubuo ng pakikinig, pagsasalita, pagsusulat at
pagbabasa. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa makrong kasanayang
pagsulat.
5

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa pangunahing kasanayang pangwika


na pagsulat.
Pagsulat. Isang makrong kasanayang pangwika
nananganagahulugangpagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang
maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyonng isang tao. (Sauco et. al)
Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa gawaing kailangan magawa at
makamtan ng mga mag-aaral sa sekundarya.
Mag-aaral. Ito ay tao, karaniwang bata na pumapasok sa paaralan o
kumukuha ng leksyon at kurso bilang paghahanda sa isang gawain (UP
Diksyunaryong Filipino).
Sa pag-aaral, ito ay sinumang tumatanggap ng kaalaman mula sa tao,
aklat o alinmang babasahing pang-impormasyon at uri ng institusyon.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa pagbibigay impormasyon
sa mga nabanggit na tao:
Ang mga mag-aaral. Sa pag-aaral na ito ay inaasahang
makakapagtamo ng mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
Ang mga guro. Sa tulong ng pananaliksik na ito ay magkakaroon ng
gabay sa paggamit ng epektibong estratehiya sa pagtuturo ng mga gawaing
makalilinang sa makrong kasanayan (pagsulat) upang mapaunlad ang
nasabing kakayahan ng mga mag-aaral.
Sa Punong guro. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga
punong guro ng isang paaralan sapagkat magkakaroon sila mga gabay sa

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

kung saan dapat pagtuunan ng pansin ng kanilang mga guro ang mga magaaral. Magiging bahagi din ito ng oryentasyon ng mga guro na kakailanganin
nila upang tuluyang mahubog ang mga mag-aaral sa kanilang kasanayan sa
pagsulat.
Sa Tagagawa ng Kurikulum. Sa pananaliksik na ito ay magkakaroon ng
ideya ang mga tagagawa ng kurikulum kung saan dapat bigyang pukos o
kung ano ang mga dapat idagdag o erebisa sa mga aralin o aktibiti na
makakatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagsulat.
Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Inaasahang maipagpapatuloy ang
pag-aaral na ito upang mas lalong mabigyang tuon at pokus ang mga
makrong kasanayang nang sa gayun ay patuloy na malinang at mahasa ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa sekundarya.
Saklaw at Limitasyon
Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang demograpikong datos at
kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Ika-siyam na Baitang ng
Binalbagan National High School sa taong panuruan 2016-2017. Ang mga
mag-aaral na nasa seksyong Hope ang siyang magsisilbing tagatugon.
Ito ay isang deskriptibong pananaliksik. Ginamit ang deskriptibong
paglalarawan upang mataya ang lawak ng kaalaman ng mga tagatugon sa
pagsulat. Bibigyang pansin ang kasanayan lamang ng mga mag-aaral sa
pagsulat kung ito ay may katumpakan o nakaayon sa kriteryang binuo ng
mananaliksik.
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang sanaysay na binase sa mga
paksang inilahad ng mga mananaliksik. Ang mga tagatugon ay maaring
7

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

pumili o kumuha ng isang paksa at gumawa ng isang sanaysay na


kapapalooban ng tatlong talata na binubuo ng limang pangungusap bawat
isa.
Ang piniling tagatugon ay ang Grade 9-Hope sapagkat inaasahang sa
ganitong edad at baitang ay may masteri at ganap na kasanayan na ang mga
mag-aaral sa kadahilanang nasimulan nila itong pag-aralan noong sila ay
nasa Ikawalong baitang pa lamang kaya marapat lamang na sila ay may
lubos ng katatasan sa pagsulat ng ibat ibang akda gaya ng sanaysay at kung
paano ito binuo, binubuo at nabuo.

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

KABANATA II
Mga Kaugnay na Babasahin at mga Pag-aaral
Ang kabanatang ito ay inilalahad ang mga sandigan ng pag-aaral.
Tinatalakay ang mga babasahing pangwika at mga teoryang may kaugnayan
sa nasabing pananaliksik para masukat ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
sekundarya sa pagsulat.
Mga Kaugnay na Babasahin
Pinatunayan ng maraming pag-aaral na malaki ang naitutulong ng
pagsulat sa paghubog ng isang tao. Sa pamamagitan ng pagsulat,
naipapahayag ang paniniwala, mithiin, pangarap, nararamdaman, bungangisip at nakikilala ng tao ang kanyang kahinaan at kalakasan. Ang pagsulat ay
nakatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na
pag-iisip at paglutas ng mga suliranin. Napapaunlad ang ibang kasanayang
pangwika tulad ng pagbabasa,pagtatala, pakikipagtalakayan at iba pa.
Isinagawa ang pag-aaral na ito upang matukoy ang kasanayan sa pagsulat ng
sanaysay ng mga mag-aaral sa unang taon ng kursong Edukasyon sa Saint
Louis University at matukoy ang antas ng kalinawan ng mga pangungusap na
may kamalian ayon sa pagtataya ng mga guro ng Filipino at masuri ang
kaugnayan ng unang wika, kasarian at eksposyur sa midya ng mga mag-aaral

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

sa kanilang kamalian sa pagsulat. Ginamit ang modelo ni Hendrickson sa


pagsusuri ng kamalian ng mag-aaral.
Sa pamamagitan ng pagpapasulat ng sanaysay sa mga mag-aaral,
lumabas sa pag-aaral na may mga pagkakaiba ang kamalian ng mga magaaral sa aspektong morpolohikal, sintaktikal at leksikal. Ang unang wika at
eksposyur sa midya ay may kaugnayan sa kanilang kamaliang nagawa sa
morpolohikal, sintaktikal at leksikal, samantalang ang kasarian ay walang
kaugnayan o di makabuluhan.
Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa pagsulat.
Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa,
pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin. Ang
pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat
muli hanggang sa mabuo ang sulatin.
Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong
papel patungo sa isang kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng
suliranin kung paano at saan kukuha ng mga kailangang impormasyon na
siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing mahirap ang magsulat lalo na
kung hindi natin alam ang ating isusulat.
Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa
isang upuan lamang. Ang isang magandang sulatin ay dumadaan sa ilang
yugto ng pag-unlad mula sa burador hanggang sa pinal na papel.
Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga
estudyante na nahihirapan sa gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan,
nakakatamaran, o hindi nila nakakahiligan ang pagsulat. Ang mga katuwirang
ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa natin ang
pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang proseso at
hindi isang gawain na dala lamang ng pangangailangan.
10

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Edukasyon
Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pagaaral ng isang kasanayan at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama
ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at
karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag
ang kultura sa mga susunod na salinlahi. Ang edukasyon ay isang puhunan
ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang maging
produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya.
Ang edukasyon ay ang anumang pagkilos o karanasan na may isang
mapaghugis epekto sa karakter ng isip, o pisikal na kakayahan ng isang
indibidwal. Sa kanyang mga teknikal na kahulugan, ang edukasyon ay ang
proseso kung saan ang lipunan kusa nagpapadala ng kanyang naipon na
kaalaman,kasanayan at ang mga halaga mula sa isang henerasyon sa iba.
Ayon sa mensahe ni Bro. Armin Luistro, Kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon, ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ang magiging kaagapay
sa pag-unlad ng buhay ng mag-aaral at ng bansa.
Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa, dahil dito nakasalalay ang
kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kahihinatnan nito dito sa mundo,
at ito ang ating sandata upang magkaroon ng maganda at payak na
pamumuhay.
Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap.
Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang
makasiguro tayo sa ating pamumuhay. May mga hadlang din na maaaring
pumigil sa ating pagtatagumpay. Kaya nararapat lamang na maging maagap
ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malampasan ang mga ito at ang
11

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

pagkamit ng tagumpay ay kailangan ng buong determinasyon,tiwala sa


sarili,malasakit sa kapwa at pananalig sa Diyos at marami pang mga
katangiaan na dapat taglayin upang malampasan ang mga pagsubok na
darating at matagumpay na makamit ang magandang bukas.
Sosyo-demograpikong Datos
Ang sosyo-demograpiko ay tumutukoy sa tiyak na pagbabago gaya ng
populasyon, edad, lahi o uri ng ng pamumuhay kung saan sila naninirahan sa
lungsod man o sa lalawigan. Nakabatay ito kung saan sila nakatira. Ang
stadistikang detalye ay may kinalaman sa nakabitin na gawain. Ang sosyodemograpiko ay tumutukoy sa ibat ibang uri ng sosyolohikal at
demograpikong katangian. Itoy ginagamit sa pag-aanalisa. Ang
demograpikong katangian ay maaaring tumutukoy sa edad, kasarian, lugar
na kinalakihan, relihiyon at uri ng edukasyon.
Ang sosyolohikal na katangian ay mas nilalayon ang mga kaugalian
katulad ng pagiging kasapi sa organisasyon, estado ng pamumuhay, interes,
kahalagahan at pakikipagkapwa. May ilang kaso na hindi talagang maiiwasan
na malaman kung sino ang nilalaman ng sarbey. May ilang pagkakataon,
kung ang gustong maabot ng iyong sarbey ay isang tiyak na tagatugon, itoy
nagpapahintulot na malaman kung naabot mo ang iyong gustong malaman
sa iyong tagatugon at kahit gusto mo o hindi ikaw ay umiipon ng
impormasyon na talagang iyong hinahanap, higit sa lahat kung ang iyong
pakay ay kumakatawan para maging halimbawa ng isang populasyon,
kaalaman sa pagbibigay ng demograpikong katangian sa iyong
mgatagatugon na makakatulong sa iyo sa pagtukoy kung malapit ang ginaya

12

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

mong halimbawa sa populasyon. Ang pangkaalamang tanong ay kadalasay


inilalagay sa hulihan ng sarbey.
Kasarian
Ito ay isa sa naging batayan ng pag-aaral na ito. Dito
nangangahulugang pagkakakilanlan ng pagkatao kung ito ay babae o lalaki.
Sa bagong konteksto, nangangahulugan ng pagiging babae o lalaki ng isang
tao (tumutukoy sa sex chromosomes), (Dacey, Travres at Fiore, 2009).
Ayon naman kay Santrack (2001),ito ay sosyo-kulturang dimensyon
bilang isang lalaki o babae. Ito ay pagkilala ng pagkalalaki at pagkababae na
nakaimpluwensya sa kultura.
Ayon kay Woolfook (2005), ito ay biyolohikang pagkakaiba ng bahagi
ng palasuplingan ng tao. Maraming pag-aaral ang isinagawa patungkol sa
epekto ng kasarian sa akademikong pagganap ng mag-aaral sa kanilang
antas ng kasanayan sa pag-unawa.
Ayon kay Coleman at Campbell (2002) ang kanilang pag-aaral ay
nagpapakita na ang pagkakaroon ng kaibahan sa kasarian ng mag-aaral ay
korelasyunal sa antas ng pang-unawa sa pagbasa. Ayon kay Grisson (2004),
sinabi niya na ang negatibong korelasyon sa kasarian at antas ng pangunawa ay nanatili. Ang paaralan ay nagbibigay ng pantay-pantay na
karanasan sa pagkatuto ayon sa anumang kasarian ng mag-aaral sa gawaing
pang-akademiko (White, 2000). Ang babae ay may kakayahang gumanap sa
gawaing pampaaralan kaysa sa mga lalaki at nakakakuha ng matataas na
marka at nakakapagtapos ng pag-aaral). Ang lalaki ay may kakayahan na
gumanap at makapagsagawa sa (basic math at computational skills) Jacobs
(2002). Ang babae ay may kakayahang umunawa at magpalawak ng pag-iisip
13

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

at higit na kakikitaan ng kanyang interes sa pag-aaral. Ang standardized test


ay nagpapakita na ang mga babaeng mag-aaral ay magaling sa pagbaybay
at nakapagsagawa ng maayos at nakakaunawa sa pagsusulit sa literasi,
pagbasa, pagsulat at sa kabuuang kaalaman kaysa sa mga lalaki (National
Center Education Statistics, 2003).
Pagsulat, bilang Makrong Kasanayan,
Kasanayang Pagsulat ng mga Mag-aaral
Mga Batayang Teorya sa Pag-aaral
Criticism of Cognitive Process Theory of Writing
Karaniwang nakapukos sa imbensyon at pagtutuklas. Masyadong
positibo sa kung ano ang kadalasang pinoproseso ng utak.
Ang pagsulat ayon kay Tumangan, Ang pagsulat ay isang paraan ng
pagpapaghayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng
mga simbolo ng mga tunog ng salita.
Ayon kay Xing Jin (salin), Ang pagsulat ay isang komprehensibong
kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng
kaisipan at retorika.
Ayon kay Bernales (2001) may tatlong layunin ang pagsulat ito ay ang
impormatibong pagsulat, malikhaing pagsulat at mapanghikayat na pagsulat.

14

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

KABANATA III
Metodolohiya at Disenyo ng Pananaliksik
Ang kabanatang ito ay may walong bahagi: 1) Disenyo ng Pag-aaral; 2)
Metodolohiya; 3) Mga Tagatugon; 4) Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral; 5)
Kabisaan o Balido ng Instrumento; 6);Mapanaligang Instrumento 7) Paraan ng
Pangangalap mga Datos; 8)Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga Datos
Ang Unang Bahagi, Disenyo ng Pag-aaral, tinatalakay kung anong uri
ng pag-aaral ang ginawa.
Ikalawang Bahagi, Metodolohiya, nagpapahayag ng metodong ginamit
o pamaraang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral.
Ikatlong Bahagi, Tagatugon, ay naglalarawan ng mga tagatugon sa
pag-aaral.
Ikaapat na Bahagi, Instrumentong ginamit sa Pag-aaral, ay ang ginamit
na instrumento sa pagsasagawa ng pag-aaral.
Ikalimang Bahagi, Katumpakan ng Talatanungan, ay ang pagbalido sa
instrumentong inihanda ng mga mananaliksik.
Ikaanim na Bahagi, Pagkamapananaligan ng Talatanungan,
naglalarawan ng ginamit na metodo para sa kabisaan ng instrument.
Ikapitong Bahagi, Paraan ng Pagtipon ng mga Datos, ay ang mga
hakbang na ginawa ng mga mananaliksik sa pagkalap ng mga datos.
Ikawalong Bahagi, Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga Datos, ay ang
istadistikang pagtalakay sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik.

15

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Ang kabuuan ng kabanatang ito ay nagtatalakay sa kaparaanan ng


pangangalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral, mga gabay sa
pagsukat at kabuuang ayos at disenyo ng pananaliksikna isinagawa.
Disenyo ng Pag-aaral
Palarawang disenyo ang ginamit ng mga mananaliksik upang malaman
ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat.
Ayon kay Antonio (2008), ang pag-aaral na palarawan ay naglalayong
maglahad ng mga impormasyon tungkol sa kalikasan at katayuan ng mga
bagay na maaaring isang pangkat ng tao, bagay, set ng mga kondisyon, mga
pangyayari, sistema ng kaisipan o ano mang uri ng penomena na ninanais
pag-aralan.
Ayon kay Silverio (2010), ang pamaraang paglalarawan, bilang
kabuuang pangangalap ng datos o tala ay naglalayong masubok ang haka o
palagay o kayay kasagutan sa tanong hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng
paksang pinag-aralan.
Metodolohiya
Ang palarawan o deskriptibong paraan ang siyang ginamit sa
pananaliksik na ito. Ang paraang ito ay ginamit sa pangangalap ng datos at
pagtukoy sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat.
Ito ay kapaki-pakinabang na metodo sa pagbibigay impormasyon o
kaalaman na maaaring pagbatayan ng mga makaagham na paghatol
(Sibayan, 2000).
Tagatugon
Ang mga napiling tagatugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa
Binalbagan National High School na nasa Ika-siyam na baitang sa taong
16

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

panuruan 2016-2017. Sila ay pinili sa pasumalang paraan na may bilang na


42 mag-aaral.
Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral
Ang talatanungan na ginamit sa pananaliksik na ito ay ang sariling
gawa ng mananaliksik at ang mga seleksyon ay hango sa mga akdang
pampanitikan. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa pamamagitan nito ay
masusukat ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Ang mga
mag-aaral ay bibigyan ng mga paksang pagpipilian upang makabuo ng
sariling sanaysay.
Ang talatanungan ay ang pangunahing ginamit na instrumento sa
paglikom ng mga datos. Sa pag-aaral na ito ginamit ang talatanungan bilang
midyum ng pangangalap ng mga mahahalagang impormasyong magagamit
sa nasabing pag-aaral tulad ng instrumentong pang-sarbey na binubuo ng
dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ang demograpikong datos ng mga
mag-aaral ayon sa edad, kasarian at edukasyong natapos ng magulang. Ang
ikalawang bahagi ay ang mga tekstong ginamit sa pagsukat sa kakayahan ng
mga mag-aaral sa makrong kasanayang pagbasa at pagsulat.
Kabisaan ng Instrumento
Ang ginawang talatanungan ng mananaliksik ay pinasa sa tagapayo
upang maiwasto at mabigyan ng suhestyon bago pinakita sa Komite ng Tesis
para sa pagbabalido ng nilalaman (content Validation).
Matapos mawasto at mabigyan ng suhestyon at komento ng mga
nagbalido, lahat ng aytem sa talatanungan ay sinali sa pinal na hulwaran o
(final draft).
Mapanaligang Instrumento
17

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Sa pagpili ng mga tagatugon, ang mga mag-aaral ay dumaan sa


stratified random sampling ni Slovin, (Vizcaya, 2003).
Upang malaman ang reliability coefficient ng talatanungan, ang
Annova at Multiple Regressions ang ginamit ng mga mananaliksik para sa
katumpakan nito.
Paraan ng Pagkalap ng Datos
Sa pagsisimula ng pananaliksik, ang mga mananaliksik ay nagpadala
ng isang liham para sa Punong-guro gayundin sa tagapayo para sa
pagsasarbey sa Binalbagan High School upang ipagbigay alam na ang
kanilang mag-aaral ang napili na tagatugon sa pag-aaral na ito. Kalakip na
rito ang paghingi ng kanilang patnugot upang maisakatuparan ang
pagbibigay ng mga katanungan sa mga mag-aaral na siyang gagamiting
instrumento sa pananaliksik na ito.Matapos masagutan at matipon ang mga
talatanungan, ito ay tinaya, ginawan ng datos, itinala at itinuos.
Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga Datos
Ang mga datos na natipon sa pag-aaral na ito itinuos sa pamamagitan
ng istadistikang talakay na katampatang-tuos.
Katampatang-tuos.Ginamit upang matukoy at matiyak ang antas ng
kaangkupan ng ginawang salin batay sa hatol ng mga tagataya.
Annova at Multiple Regressions. Ito ay ginamit upang matukoy ang
kaugnayan ng kasarian, edad at natapos ng mga magulang ng mga magaaral sa kanilang kasanayan sa pagsulat.
Ang tugon ng tatlong tagatayasa mga sulatin ng mga tagatugon ay
binigyang kahulugan sa pamamagitan ng katampatang-tuos upang matukoy
at matiyak ang katumpakan ng ginawang sulatin.

18

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Sinuri ang katumpakan ng mga ginawang sulatin na kalagay sa rubriks


na ginawa ng mga mananaliksik batay sa tugon ng mga tagatayang
sumusunod na deskripsyon at iskalang:
Iskala
Deskripsyon
4.20 5.00
Pinakatumpak (PT)
3.40 4.19
Tumpak (T)
2.60 3.39
Bahagyang Katumpakan (BT)
1.80 2.59
Medyo Tumpak (MT)
1.00 1.79
Hindi Tumpak (HT)
KABANATA IV
Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan sa Datos
Ang kabanatang ito ay tumatalakay ng mga resulta at interpretasyon
ng pag-aaral kalakip ng mga nalikom na mga datos na siyang nakalap ng
mga mananaliksik. Dito rin makikita ang iba't ibang manghad na siyang
magpapakita ng resulta ng pagsusuri.

Manghad 1
Ang demograpikong profayl ng mga tagatugon nang sila ay pinangkat ayon
sa kanilang kasarian

Ang manghad na ito ay nagpapakita na ang mga tagatugon na babae


ay nakakuha ng pinakamataas na porsiyento na katumbas ay 62 bahagdan

19

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

na may samantalang ang mga lalaki ay may mababang porsiyento na


katumbas sa 38 bahagdan.
Nagpapakita lamang ito na marami ang bilang ng mga babaeng nagaaral kaysa sa mga lalaki ay dahil maaaring isang salik ang kabuhayan para
pasanin at isakripisyo ng mga batang lalaki ang pag-aaral.

Manghad 2
Ang demograpikong profayl ng mga tagatugon nang sila ay pinangkat ayon
sa kanilang edad

Ang manghad 2 ay nagpapakita na ang mga tagatugon na may edad


na labintatlo at labing-apat ay may pinakamataas na porsyento na katumbas
ay 52%. Ang edad na labinlima hanggang labimpito naman ay nakakuha ng
mababang porsiyento na katumbas ay 48%.
Ang edad ng mga tagatugon ay umayon na rin sa antas na kanilang
pinag-aaralan. Mangilan-ngilan na rin sa mga batang lagpas na ang edad sa
antas na kanilang pina-aaralan na maaring para sa kanila, hindi masusukat
ang pinag-aralan sa edad kundi sa interes na makakuha ng kaalaman
(Santos, 2011).

20

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Manghad 3
Ang demograpikong profayl ng mga tagatugon nang sila ay pinangkat ayon
sa edukasyon natapos ng mga magulang (ama at ina)

Ang manghad 3 ay nagpapakita na ang mga tagatugon na ang ina ay


nakapagtapos ng hayskul ang siyang may pinakamataas na bahagdan na ang
katumbas ay 36%. Ang mga ina na nakatuntong o nakapagtapos ng kolehiyo
ay may magkatulad na bahagdan na katumbas ay 26%. Ang nakakuha ng
pinakamababang bahagdan ay ang mga ina na nakapagtapos ng
elementarya.
Dito makikita na ang marami ang mga ina ng tagatugon na hanggang
hayskul lamang ang natapos at kokonti lamang ang mga nagsipagtapos ng
elementarya. Maaaring isang target lamang noon ang makapagtapos ng
21

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

hayskul dahil na rin siguro sa kakulangan ng panggastos na makaabot pa ng


kolehiyo. Mangilan-ngilan na rin ang nakatuntong ng kolehiyo at halos
magkapareho ang bahagdan ng mga nagsipagtapos mismo sa kolehiyo.
Makikita rin sa manghad 3 na ang mga tagatugon na ang ama ay
nakapagtapos ng hayskul ang siyang may pinakamataas na bahagdan na ang
katumbas ay 43%. Ang mga amang nakapagtapos ng kolehiyo ay may
katumbas na 21%. Ang mga amang nakatuntong lamang ng kolehiyo ay mga
katumbas na 14%. Kokonti rin ang bilang ng mga amang nakapagtapos ng
elementarya na may katumbas na 17%. Ang nakakuha ng pinakamababang
bahagdan ay ang mga amang nakakuha ng bokasyunal na maaaring ilang
buwan lamang na pag-aaral o pagsasanay.
Katulad ng resulta mula sa mga ina ng tagatugon, makikita na ang
pinakamataas ding poryento ang nakuha ng mga ama ng tagatugon na
nagpapatunay na hayskul lamang ang naging kakayahan nilang maabot para
lang masabing may pinag-aralan.
Sinabi nga ni Charmaine Rose Jean Bayan sa isang blog buwan ng
Pebrero taong kasalukuyan, na may mga magulang na hindi na pinapag-aaral
ng kolehiyo o kahit bokasyunal man lang ang kanilang mga anak noon ay
dahil sa kakulangan ng panustos sa pang-araw-araw. 'Ika niya, "sa halip na
ipasok sa isip, isubo nalang sa bibig" na nangangahulugang mas mahalagang
malagyan ng pagkain ng tiyan kaysa pagtuunan ng pansin ang pagdaragdag
ng kaalaman. Ito marahil ang dahilan na ang naging resulta ng tugon ng mga
mag-aaral ay umayon.

22

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Manghad 4
Kabuuang Resulta ng Pag-aaral

Pagsulat

Mean

Interpretasyon

193.79

Namumukod-tangi

42

Iskala

Interpretasyon

192.00 - 240.00

Namumukod-tangi

144.00 - 191.99

Napakahusay

96.00 143.99

Mahusay

48.00 95.99

Katamtaman

0 - 47.99

Mababa

SD

18.17

Makikita sa resulta ng istadistikang pagtalakay na ang kasanayan sa


pagsulat ng mga mag-aaral sa Ika-9 ng Baitang ay 193.79 na
nangangahulugang namumukod-tangi. Ang kanilang kahusayan sa pagsulat
ay walang makabuluhang kaugnayan sa kanilang kasarian, edad at natapos
ng kanilang mga magulang.
Ang mga tagatugon ay may natatanging kasanayan sa pagsulat at
hindi naging batayan ang mga salik na ginawang sakop ng pag-aaral.

23

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Manghad 5
Kaugnayan ng Kasarian sa Makrong Kasanayang Pagsulat ng mga Mag-aaral
sa Sekundarya
Kasarian

Prekwens

Lalaki

ya
16

Bahagdan

Sig. (2-

Interpretasyon

tailed)
38
0.162

Walang
Kabuluhan

Babae
26
62
*Masasabing makabuluhan ang mga salik na ginamit kapag ang resulta ay
hindi hihigit sa 0.05 (Resulta<0.05)
Makikita na ang resulta ng pagtatalakay sa mga datos ay 0.162 kaya
walang kaugnayan ang kasarian ng mga mag-aaral sa kanilang kasanayan sa
pagsulat. Ito ay nangangahulugang walang makabuluhang kaugnayan ang
kasarian at kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral.
Manghad 6
Kaugnayan ng Edad sa Makrong Kasanayang Pagsulat ng mga Mag-aaral sa
Sekundarya
Edad

Frequenc

Bahagdan

15-17

y
20

48

Sig. (2-tailed)

Interpretasyon

0.087
Walang Kabuluhan
13-14
22
52
*Masasabing makabuluhan ang mga salik na ginamit kapag ang resulta ay
hindi hihigit sa 0.05 (Resulta<0.05)
Makikita sa resulta ng pagtatalakay sa mga datos ay 0.087 kaya
walang kaugnayan ang edad ng mga mag-aaral sa kanilang kasanayan sa
pagsulat. Nangangahulugan itong walang kabuluhan ang nasabing salik sa
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat.
Manghad 7

24

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Kaugnayan ng Natapos ng Ina sa Makrong Kasanayang Pagsulat ng mga Magaaral sa Sekundarya


Some of

df

Square

Mean

Sig.

Square

Interpretasy
on
Walang

13541.07
Ina

41

332.110

.773

.385

makabuluha

1
n
Ang datos ay nagpapakita na walang makabuluhang relasyon sa
pagitan ng antas ng natapos ng ina at sa makrong kasanayang pagsulat ng
mga mag-aaral.
Manghad 7
Kaugnayan ng Natapos ng Ama sa Makrong Kasanayang Pagsulat ng mga
Mag-aaral sa Sekundarya
Some of

df

Square

Mean

Sig.

Square

Interpretasy
on
Walang

13541.07
Ama

41

334.974

.424

.519

Makabuluha

1
n
Ang datos ay nagpapakita na walang makabuluhang relasyon o
kaugnayan sa pagitan ng antas ng natapos ng ama at sa makrong
kasanayang pagsulat ng mga mag-aaral.
Kabanata V
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng lagom, konklusyon at
rekomendasyon ayon sa panananaliksik na ito.
Unang Bahagi, Paglalagom, ay maikling pagtalakay sa suliranin at
resulta ng pag-aaral.

25

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Ikalawang Bahagi, Konklusyon, ay nagpapahayag sa kinalabasan ng


pag-aaral.
Ikatlong Bahagi, Rekomendasyon, ay pagbibigay ng angkop na
mungkahi o suhestiyon kaugnay sa ginawang pananaliksik.
Paglalagom
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang kakayahan sa
Makrong Kasanayang Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Sekundarya sa ika-siyam
na baitang taong panuruan 2016-2017.
Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:
1.

Ano ang demograpikong datos ng mga tagatugon kung pagbabatayan


ang kanilang:
A. Edad
B. Kasarian
C. Edukasyong natapos ng mga magulang?

2. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga tagatugon?


3. Mayroon bang makabuluhang kasanayan sa makrong kasanayang
pagsulat ng mga tagatugon kung ipapangkat sila ayon sa:
A. Edad
B. Kasarian
C. Edukasyong natapos ng mga magulang
Batay sa suliraning inlahad ang ipotesis ng pag-aaral na ito:
Walang makabuluhan relasyon ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral
ng Binalbagan National High School sa kanilang edad, kasarian at natapos ng
kanilang mga magulang.
Upang mapalawak ang pag-aaral na ito, gumawa ng sariling pagpipilian na
mga topiko ang mga mananaliksik na siyang gagamitin ng mga mag-aaral sa

26

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

paggawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay may tatlong talata na binubuo ng hindi


bababa sa limang pangungusap ang bawat isa. Ang instrumentong ito ay
binalido ng tatlong guro sa Filipino. Ang ginamit sa pagwawasto ay ang mga
rubriks na ginawa ng mga mananaliksik bilang instrumento sa pagtukoy ng
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Ang pinakamataas na iskor na
maaring makuha ng mga tagatugon ay 30 sa bawat tagawasto na binubuo ng
tatlong guro na nagpapakadalubhasa sa Filipino at ng mismong mga
mananaliksik ng pag-aaral na ito. Sa kabuuan ay mayroong walong tagawasto
kaya kung pagsasamasamahin ang kabuuang puntos ng bawat mag-aaral ay
240.
Itinuos ang mga nakalap na datos sa pamamagitan ng Annova at Multiple
Regressions upang matukoy ang kaugnayan ng kasarian, edad at natapos ng
mga magulang ng mga mag-aaral sa kanilang kasanayan sa pagsulat.
Sa kabuuan ay walang makabuluhang kaugnayan ang kasarian, edad at
natapos ng mga magulang sa kasanayan sa makrong kasanayang pagsulat ng
mga mag-aaral sa sekundarya.
Konklusyon
Ayon sa resulta ng nalikom na mga datos ng mga mananaliksik:
Kung iaayon sa kasarian, edad at antas na natapos ng mga magulang
ng mga mag-aaral ay walang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng mg
a malayang salik at sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Kung
gayon, ay walang kaugnayan at hindi nakakaapekto ang mga nasabing salik
sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Maaaring ito ay dahil sa
angking kakayahan at kaalaman na taglay ng bawat isa.

Maaaring

nagkakaiba sa edad, kasarian at antas ng natapos ng magulang ngunit hindi


dito nasusukat ang katatasan ng mga mag-aaral sa pagsulat.
Rekomendasyon
27

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Batay sa isinagawang pananaliksik ang mga rekomendasyon ay ang


mga sumusunod:
Sa mga magulang, kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay maaring
suportahan ang mga anak sa gawaing pampaaralan at hikayating makilahok
sa mga aktibidadis na makakatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa
pagsulat ng mga mag-aaral.
Sa mga mag-aaral, maaring gawing libangan ang pagsulat ng mga
makabuluhang akda nang sa gayon ay mapayabong ang bokabularyo na
magagamit sa pagpapalawak sa kanilang kaalaman sa pagsulat ng sariling
mga katha. Sa pamamagitan din ng patuloy na pagsusulat ay mahahasa ang
kanilang imahinasyon sa pagbuo ng ibat ibang konsepto.
Sa mga guro, maaaring ipagpatuloy ang paghasa sa kakayahan sa
pagsulat ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
makabuluhang gawain na maaaring makahikayat sa mga-aaral na pag-igihan
ang pagsusulat.
Sa mga mananaliksik sa hinaharap, maaaring ipagpatuloy ang
nasabing pag-aaral upang matukoy kung mayroon bang pagbabagong
naganap sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Maaari ring pag-aralan
ang iba pang mga makrong kasanayan sa hinaharap.

28

PAMANTASANG ESTADO SA KANLURANG BISAYAS


EKSTENSYON SA LUNGSOD NG HIMAMAYLAN
Lungsod ng Himamaylan, Negros Island Region

Talasanggunian
Antonio ,Lilla F. (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino: C and E
Publishing, Inc.
839 EDSA, South Triangle, Quezon City.
Catacata, P.D. (2012). Metamorfosis ng wikang filipino. Grandbooks
Publishing, Inc.

50M.R. flores St., Sto. Rosario Kanluran, Pateros, Metro

Manila.
Chet (2013). Makabagong gamit ng filipino. Quezon City. Rex Bookstore Inc.
De Castro, I. (2003). Filipino sa ibat ibang disiplina. Mutya Publishing House.
Fortunato, T. F. (1998). Mabisang pakikipagtalastasan sa filipino. REX
Bookstore, Manila.
Jocson, M. O. (2012). Filipino sa ibat ibang disiplina. Grandbooks Publishing,
Inc., 50 M. R. Flores St., Sto, Rosario Kanluran, Pateros, Metro Manila.
Loyola (2012). Filipino at pagpaplanong pangwika. Quezon City: Tomas Pinpin
Hall, IMC
National Book Store Inc.
Maggay, Melba Padilla. (2002). Pahiwatig. Quezon City: Ateneo de Manila
University
press.
Sarmoy., A(2014). Filipino bilang tanging gamit sa pagtuturo. Quezon City;
National
Publishing Company. Inc
Silverio, J. (2010). Bagong diksyunaryo pilipino-pilipino. National Bookstore.
Sibayan (2000). Filipino pangkolehiyo. Quezon City: National Book Store
Villafuerte, P. (2000). Panunuring pampanitikan (Teorya at Pagsasanay).
Valenzuela

City, Mega-Jesta Prints Inc.

29

You might also like