You are on page 1of 19

KAHUSAYANG PANGWIKA NG MGA MAG-AARAL NG

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM

Isang Thesis Outline na Ipinasa sa Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham,

Pamantasan ng Katimugang Mindanao, Kampus sa Lungsod ng

Kidapawan, Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Kursong

BATSILYER NG SEKUNDARYA NG EDUKASYON

(Filipino)

MAYO 2021

INTRODUKSYON

Ang NFE (Non-formal Education) noon na tinatawag na ngayong ALS (Alternative Learning

System) ay programa ng pamahalaan para sa mga kabataan at matatanda na hindi nakapagtapos

ng pag-aaral sa elementarya at sekondarya dahil sa kahirapan at kawalan ng suportang


pampinansyal.

Ang programa ng ALS ay malaking tulong para sa mga Out- of School Youth o kabataan at

Out- of School Adult o matatanda. Ang sinumang makapasok at makapasa sa pagsusulit na

ibinibigay ng ALS na tinatawag na A&E o Accreditation and Equivalency Test ay binibigyan ng

katibayan ng pagtatapos na nilalagdaan ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon dahil kapag

nakapasa sila sa pagsusilit, ang mga nag- aaral sa elementarya ay pwede nang magpatuloy sa

sekondarya at ang mga nasa sekondarya naman ay pwede nang magpatuloy sa kolehiyo o di

kaya ay pumasok sa magandang trabaho. . Ito na marahil ang simula ng isang kaliwanagan ng

isang pag-asa at pag-asenso sa buhay ng kanilang buhay.

Ang programang ito ay nagbigay ng oportunidad upang ipagpatuloy nila ang kanilang mga

pangarap sa buhay. Kung may trabaho ka at abala ka sa pag-aasikaso ng iyong pamilya, pwede

ka pa ring mag-aral ngunit limitado lamang ang oras sa pag-aaral sa ALS kaya bigyan ito nang

panahon at pagpapahalaga.

Ito ay hamon sa maraming mag-aaral dahil nangangailangan ito ng malinaw na kamalayan

kung paano makagawa ng ideya sa magandang paraan na makapaghatid ng mensahe sa

malayong mambabasa. Sa pang mababang baitang, ang pagsulat ay mahalagang kasangkapan

pareho para sa pagkatuto at para maipakita ang sariling kaalaman. Ang datos na mula sa

National Assessment of Educational Progress ipinakita na 25% lamang sa mga mag-aaral ang

naituring na competent writing

(Kozulin 2003).
Ang kahusayang pangwika ay karaniwang makukuha sa pamamagitan ng pagsasanay o

karanasan napabilang dito ang gramatika, talasalitaan at mekaniks. Ang wika ay nagsilbing

lundayan sa akademya upang maisakatuparan ang bisyon, misyon, tunguhin at layunin ng isang

partikular na pamantasan. Ang bawat indibidwal ay may taglay na kakayahan at kasanayan

napabilang dito ang kakayahan sa isang wika o komunikasyon na kung saan ay nasusukat at

napaunlad sa tulong ng pagplanong pangwika (Alvarado at Bacalla, 2018).

Kahit sa anong paraan ay pwedeng matuto dahil walang pinipiling lugar at oras ang

magturo at matuto, mahalaga ang edukasyon kaya karapatan ng lahat na makapag-aral

para sa ikauunlad ng bawat isa. Tunay nga namang ang ALS ang tulay upang matupad

muli ang mga pangarap ng mga kabataan at matatanda na minsan ng nawalan ng pag-

asang makapagtapos ng pag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay:

1. Matukoy ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral ng ALS batay sa;

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Matukoy ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral ng ALS sa Filipino patungkol sa;
2.1 Ponolohiya

2.2 Morpolohiya

2.3 Sintaks

2.4 Semantika

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglayong sumuri ng kahusayang pangwika ng mga mag-aaral ng

ALS. Para makapagbigay linaw, sinikap na sagutin ang mga sumunod:

Sa mga Mag-aaral, upang maghatid ng kaalaman at maunawaan ang kahalagahan ng

pagkaroon ng kasanayan sa pagsulat na nangailangang dumaan sa tamang proseso para maging

mahasa, mabisa at kawili-wili ang pagsulat.

Sa mga Guro, ang pag-aaral na ito ay makatulong upang malaman ang epektibong

dulog na gagamitin sa pagtuturo ng mga mag-aaral ng ALS sa pagsulat ng sanaysay. Mas

mapadali nito ang kanilang pagtataya sa kalinangan ng kakayahan sa pagsulat ng mag-aaral.

Sa Mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang malaman ang mga

pananaw ng mga guro tungkol sa kahusayang pangwika ng mga mag-aaral ALS at upang

malaman ang mga maganda at hindi magandang dulot nito.


Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naghahangad matukoy ang kahusayang pangwika ng mga mag-aaral

ng ALS. Isasagawa ito sa Mua- an Lungsod ng Kidapawan kung saan matatagpuan ang mga mag-

aaral ng ALS.

Gamit ang Complete Enumeration, may limang (5) mag-aaral na nakapagtapos na ng pag-

aaral sa ALS at may dalawampu't limang (25) mag-aaral na patuloy pa sa pag-aaral sa ALS ang

sasagot sa mga ihahandang katanungan.

Bukod dito, layunin ng pag-aaral na matukoy ang demograpikong profayl batay sa kasarian

at edad at ang kahusayang pangwika sa pamamagitan ng mga salita at pangungusap.

Mga Terminolohiyang Ginamit

Upang matulungan ang mga mambabasa na maunawaan ang mga terminolohiyang ginamit

sa pag-aaral na ito, minabuti ng mananaliksik na bigyan ang mga ito ng mga katumbas o

kahulugang ayon sa pagkagamit tulad ng:

ALS- Alternative Learning System

Demograpikong Profayl- ang kasarian at edad ng mga responsente

Kahusayang Pangwika- tumutukoy sa husay at galing ng mga mag-aaral sa salita at

pangungusap

Mag-aaral- ang mga respondenteng sasagot sa mga inihandang katanungan.


Morpolohiya- mga salitang ginamit sa pag-aaral.

Ponolohiya- mga espesipikong tinig at mga kombinasyon na bumubuo sa mga salita ng isang

pangungusap.

Semantika- ang kahulugan ng mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap.

Sintaks- tumutukoy sa mga pangungusap na ginamit sa pag-aaral.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Inilahad sa kabanatang ito ang mga ideyang nagmula sa iba’t ibang pinaghanguan at ang

mga kaugnay na literatura na natuklasan sa panaliksik na nagsilbing gabay at batayan sa

kasalukuyang pag-aaral.

Ang edukasyon ay hindi lamang sa pamamagitan ng pormal na paraan kung saan may isang

tagapagturo at isang pangkat ng tinuturuan. Hindi lamang ito sa pamamagitan ng

pangangabisado ng mga araling itinuro ng isang guro at gagamitin sa panahon ng pagsusulit


maaari ring matuto sa mararanasan niyang gawain (Dewey, 2016).

Mabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magtrabaho at matututo kasama ang iba na

pinaniniwalaang maghatid ng positibong interaksyon na magdudulot ng mataas na kalidad ng

pagsulat. Kasama ang mga kagrupo at mga guro may panahon silang maging aktibo sa pagplano

sa kung anong isulat gamit ang tamang estratehiya (Karsak, Fer at Orhan, 2014)

Ayon kay Dr. Amalia Cullarin Rosales, (2010) napakaraming balakid ang susuungin ng

mga nagmamalasakit sa wikang Filipino upang maisakatuparan ang adhikaing ito. Bagama’t

nakatagpo ng kasangga sa katauhan ng Pangulong Estrada sa adhikaing pagpapalaganap sa

wikang Filipino ang dapat na gamitin sa mga paaralan, mga tanggapan ng pamahalaan,

Kongreso at pakikipag-ugnayang panlabas, ay damang-dama naman ang pagtutol ng ilang mga

kilalang tao na ang wikang Filipino ay gawing wika ng pagtuturo at pakikipagtalastasan ng ating

pamahalaan.

May limang makrong kasanayang pangwika na binubuo ng pakikinig, pagbasa, pagsulat,

pasalita at panonood. Sa mga kasanayang pangwika, pagsulat ang naituring na napakahalaga

(Mirzaee at Marzban, 2016).

Ang pagsulat ang naging batayan sa husay ng pakikipag-usap at tanging bagay na may

halaga sa sistema ng pagkatuto. Ang pagtamong kasanayang ito ay naglatag ng daan para sa

magandang pakikipag talastasan na buhat noon ay kinakailangan na ng sumulat ng tao upang

maihayag ang nilalaman ng kanilang isipan, saloobin at damdamin. Ang paghubog nito ay nag

dulot ng malaking kapakinabangan sa bawat kabataan (Ortiz, 2017).


Ang kakayahan sa gramatika ay tumutukoy sa kaalaman tungkol sa wika na sinusukat ang

kakayahan na makabuo ng pangungusap na may kaugnayan sa bahagi ng pananalita, aspekto,

kataga, sugnay, ayos at kung paano makabuo ng pangungusap. . Sa kasaysayan ng tao ang wika

ay laging ginagamit bilang kasangkapan upang hubugin ang kaalaman ng tao tungo sa

pakikipagtalastasan sa kapwa (Khansir, 2015).

Ang gramatika ay ang bahagi ng kaalaman na pinag-aralan ng mga linggwistik at mga guro

na nagtuturo ng wika. “To write powerfully and well, you have to think hard about the nouns,

adjectives and verbs you use, and it helps, if you want your reader to understand you, if your

words are spelt correctly. This is an essential and long over due innovation”. Nais niyang

ipahayag na para makasulat ng mahusay at epektibo sa mga mambabasa, dapat magaling sa

gramatika at mekaniks na sadyang mahalaga at nangangailangan ng mahabang panahon para sa

pagbabago (Woodhead, 2013).

Ang pagsasanay sa gramatika ay pwede sanayin sa kabuuang estruktura ng komposisyon sa

makabuluhang pamamaraan at mas kapaki-pakinabang pa. Hindi nangailangang maging

mahusay sa gramatika para maging mahusay sa wika bagkus ang laging pagsanay sa wika ay

naging daan sa kahusayan nito (Samuel, 2000).

Ang pagtuturo sa gramatika ay nakatutulong sa pag-unlad sa kasanayan sa pagsulat. Ito ay

pinaka kritikal na kakayahan na pinakakailangan ng tao sa pinakamataas naantas ng edukasyon

ay may kaugnayan sa kasanayan sa pagsulat. Tumutukoy ito sa galing o husay ng mga mag-aaral

sa paggawa o pagbuo ng komposisyon. Partikular sa istruktura, nilalaman, oraganisasyon,

gramatika, talasalitaan at mekaniks (Myhill at Bailey, 2012).


Sa pagtulong sa mga mag-aaral mapaunlad ang kakayahan sa pagsulat dapat maintindihan

nila bakit sila sumulat (goal) para kanino sila sumulat (audience) at paano sila susulat ng teksto

(organization) (Yuan at Shao, 2011).

Ang kahusayang pangwika ay karaniwang makukuha sa pamamagitan ng pagsasanay o

karanasan napabilang dito ang gramatika, talasalitaan at mekaniks. Ang wika ay nagsilbing

lundayan sa akademya upang maisakatuparan ang bisyon, misyon, tunguhin at layunin ng isang

partikular na pamantasan. Ang bawat indibidwal ay may taglay na kakayahan at kasanayan

napabilang dito ang kakayahan sa isang wika o komunikasyon na kung saan ay nasusukat at

napaunlad sa tulong ng pagplanong pangwika (Alvarado at Bacalla, 2018).

Ayon kay Bernales (2006), ang pagsulat ay pagsasalin sa papel anumang kasang kapang

maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao

o mga tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan. Ito ay kapwa isang pisikal at

mental na aktibiti naginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat

ginagamit dito ang kamay at mental.

Ayon kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) ang wika ang pangunahin at pinaka elaboreyt na

anyo ng simbolikong gawai ng pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na

nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang

komplikado at simetrikal na istraktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang

arbitraryo at kontrolado ng lipunan.

Ayon kay Gleason (sa Tumangan, et al., 2000) ang wika ay masistemang balangkas ng

sinasalitang tunog napinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura. Ang makasining na paraan ng wastong pagpili at paggamit ng salita sa

loob ng pangungusap ay kawili-wili at kasiyang-siyang pagpapahayag ng diwa.

Ayon kay Kashkuli (2014), may mataas na pangangailangan para masukat ang kahusayan sa

wika na magamit upang matuto at magsiyasat.

Ayon kay Toze (2012), nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa kabatiran at

karunungan ang pagbasa. Maraming kaalaman ang makukuha ng tao sa pagbabasa at maaaring

makatuklas ng mga bagay na makatutulong sa kanyang pang araw-araw na pamumuhay.

Batay sa teorya ni Kuhn (2004), gustong alamin ng mananaliksik ang kaugnayan ng

kaalamang panggramatika sa kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng

pagsulat ng komposisyon at talatunugan.

Ang Teksto ay may apat na estruktura. Una, ang paglalarawan na may kinalaman samga

katangian ng mga aytem gaya ng objek, tao, hayop at pangyayari, pangalawa, ang pagkasunod-

sunod dito inayos ang mga aytem at inilahad ayon sa serye na maykaugnayan sa partikular na

paksa o proseso, pangatlo ay pag-iisa-isa rito sa paglahad ng mga serye ng punto na kaugnay sa

specific na paksa at ang pang-apat ay ang pagkakatulad at pagkakaiba. Binibigyan diin dito ang

pagkakaiba at pagkakatulad ng mga bagay ( Gustillo at Magno, 2012).

Second Language Composition Profile ang ginamit sa pagsuri ng sanayasay at

talatanungan ang ginamit sa kahusayang pangwika. Ang dalawang instrumentong ito ang mga

paraan para sukatin ang kaugnayan ng kahusayang pangwika at kasanayan sa pagsulat (Hughey,

2000).
Ang pagsulat ay nangangailangan ng pagkasunod-sunod at labis na organisasyon sa tamang

proseso. Organisasyon ang tawag sa maayos na pagpapahayag, malinaw na nailahad ang paksa

at lohikal na pagkakaayos o pagkakasunod-sunod na may kaisahan (Flower at Hayes, 2016).

Sanaysay ang gagamitin bilang pagkukunan ng datos alinsunod sa pagsusuri. Ito ay susi

para masukat ang kahusayang pangwika at kasanayan sa pagsulat (Gustillo at Magno, 2012).

Para masukat ang kaalaman sa nilalaman ng mga mag-aaral malaki ang papel na

ginagampanan ng pagsulat ng komposisyon habang sila ay umunlad sa pag-aaral. “Binibigyang

diin ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng kaalaman sa nilalaman para sa epektibong

kasanayan.” Ibig sabihin para sa mas epektibong komposisyon tulad ng sanaysay,

nangangailangan ang mga mag-aaral ng kaalaman tungkol sa nilalaman nito (Hamman at

Stevens, 2003).

Teoritikal na Balangkas

Sa pag-aaral na ito batay sa teorya ni Kuhn (2004), ang kaugnayan ng kaalamang

panggramatika sa kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsulat ng

komposisyon at talatunugan.Sa pagtulong sa mga mag-aaral mapaunlad ang kakayahan sa

pagsulat dapat maintindihan nila bakit sila sumulat (goal) para kanino sila sumulat (audience) at

paano sila susulat ng teksto (organization) ( Yuan at Shao, 2011). Ang kahusayang pangwika ay

karaniwang makukuha sa pamamagitan ng pagsasanay o karanasan napabilang dito ang

gramatika, talasalitaan at mekaniks (Alvarado at Bacalla, 2018).


METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito inilalahad ng mananaliksik ang mga pamamaraang ginamit

gaya ng disenyo ng pag-aaral, lugar ng mga datos, mga isinaalang-alang na etika, at

pagsusuring estatistikal na gagamitin ng pag-aaral upang higit na maunawaan ng mga

mambabasa., partisipante, sampling teknik, instrumentong ginamit, mga pamamaraan

sa pagtitipon ng mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng palarawang pananaliksik na kwantitatibo

na disenyo. Ang paglalarawan o descriptive method ay para ilarawan ang antas ng

kahusayang pangwika ng mga mag-aaral ng ALS.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa Mua-an, Kidapawan City na kung saan

matatagpuan ang mga mag-aaral ng ALS.

Ang mga Respondent

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay may kabuuang tatlumpong (30)

may labing anim (16) na babae at labing apat (14) na lalaki.


Instrumentong Ginamit

Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mananaliksik ay

naghanda ng mga talatanungan na ipinasagot sa mga respondente. Ang talatanungan

ay mag pagpipilian o aytem analisis upang makita ang kabisaan ng instrumento.

Pamamaraan sa Pagpili ng Sampol

Ginamit ng mananaliksik ang Complete Enumeration sa pagpili ng mga

respondente na sumagot sa inihandang talatanungan. Upang matukoy ang kahusayang

pangwika ng mga mag-aaral ng ALS partikular na sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks

at semantika .

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Naghatid ng liham pahintulot sa punong- barangay ng Mua-an Lungsod ng Kidapawan na

magkaroon ng pananaliksik sa isang barangay na kanyang nasasakupan. Matapos makuha ang permiso,

agad kinausap ang mga mag-aaral ng ALS upang sila ay makahanda sa pagsagot sa talatanungan.

Upang maiwasan ang pagtitipon, isa-isang pinuntahan at binigyan ng talatanungan ang mga mag-

aaral ng ALS. Ang talatanungan ay personal na ipinamahagi ng mananaliksik upang

aktuwal na maipaliwanag ang kadahilanan ng pagsarbey, ang paraan ng pagsagot at

upang masubaybayan ang pagsagot ng mga respondente.

Matapos sagutin ang talatanungan ay iniwasto ito ng mananaliksik upang malaman ng

mga respondente ang kanilang iskor.


Pag-aanalisa ng Datos

Ang lahat ng mga datos na nalikom ay maingat na itinala, inihanay at isa-isahing sinuri

at binigyang interpretasyon. Ginamit ang estadistikang weighted mean na angkop para

sa datos na nakuha upang maipalabas ang tumpak na resulta.

Estadistikang Ginamit

Upang maipakita ang kahusayang pangwika ng mga mag-aaral ng ALS, ang

estadistikang ginamit sa pag-analisa ng mga datos ay weighted mean.


PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay inilahad ang kinalalabasan, pagsusuri at pagpapakahulugan ng

nakalap na mga datos mula sa pag-aaral na may pamagat na Kahusayang Pangwika

ng mga Mag-aaral ng Alternative Learning System.

Makikita sa Talahanayan 1.1 ang Demograpikong Profayl ng Mag-aaral batay sa edad.

Sa mga respondente na may edad na 16 hanggang 20 ay may kabuuang sampu

(33.33%). Sa mga respondente naman na may edad na 21 hanggang 25 ay may

kabuuang labing tatlo(43.33%). Sa mga respondente na may edad na 26 hanggang 30

ay mayroong lima (16.67%). At sa mga respondente na may edad mahigit 30 ay

mayroong dalawa (6.67%). Ito ang Demograpikong Profayl ng Mag-aaral batay sa edad

na may kabuuang 30 (100%).

Table 1.1 Demograpikong profayl ng mga Mag-aaral ng ALS batay sa edad


EDAD f %
16-20 10 33.33
21-25 13 43.33
26-30 5 16.67
Mahigit 30 2 6.67
KABUUAN 30 100

Makikita naman sa Talahanayan 1.2 ang Demograpikong Profayl ng Mag-aaral batay sa

kasarian na kung saan ang kabuuang bilang ng babae sa aking respondente ay 16

(53.33%). At sa lalaki naman ay may 14 (46.67%) sa kabuuang 30 (100%).

Table 1.2 Demograpikong profayl ng mga Mag-aaral ng ALS batay sa kasarian


KASARIAN f %
Babae 16 53.33
Lalaki 14 46.67
KABUUAN 30 100

Sa Talahanayan 2 makikita rito ang Antas ng Kuhasayang Pangwika ng mga Mag-

aaral ng ALS patungkol sa Ponolohiya na may mean na 11.05 na may deskripsyon na

Average, sa Morpolohiya na may mean na 9.90 na may deskripsyon na Average, sa

Sintaks na may mean na 11.15 na may deskripsyon na Average at sa Semantika na may

mean na 12.60 na may deskripsyon na Above Average. Sa pahayag nina Alvarado at Bacalla

(2018), ang kahusayang pangwika ay karaniwang makukuha sa pamamagitan ng pagsasanay o

karanasan napabilang dito ang gramatika, talasalitaan at mekaniks. Ang wika ay nagsilbing

lundayan sa akademya upang maisakatuparan ang bisyon, misyon, tunguhin at layunin ng isang

partikular na pamantasan. Ang bawat indibidwal ay may taglay na kakayahan at kasanayan

napabilang dito ang kakayahan sa isang wika o komunikasyon na kung saan ay nasusukat at

napaunlad sa tulong ng pagplanong pangwika.

Table 2. Antas ng kahusayang pangwika ng mga mag-aaral ng ALS


Konsepto Mean Diskripsyon
Ponolohiya 11.05 Average
Morpolohiya 9.90 Average
Sintaks 11.15 Average
Semantika 12.60 Above Average
Leyenda:
16.01-20.00 very good

Above
12.01-16.00
average

8.01-12.00 average

below
4.01-8.00
average

needs
0.00-4.00
approvement

BUOD, KONKLUSYON, REKOMENDASYON


Buod
Ang pananaliksik na ito ay naglayong matukoy ang demograpikong profayl ng

mga mag-aaral ng ALS batay sa edad at kasarian at matukoy ang antas ng kahusayang

pangwika ng mga mag-aaral ng ALS patungkol sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks at

semantika. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng deskriptibong sarbey.

Ang pangunahing instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos ay isang

"multiple choice" na kung saan ang bawat tanong ay may pagpipilian. Ang Ponolohiya

ay may dalawampung (20) katanungan at may apat na pagpipilian. Ang Morpolohiya ay

may dalawampung (20) katanungan at may apat na papipilian. Ang Sintaks ay may

dalawampung (20) katanungan na may apat na pagpipilian. At ang Semantikan ay may

dalawampung katanungan at apat na pagpipilian. Sa kabuuan, may walumpung (80)

mga katanungan na dapat masagot ang mga respondente.

Ang respondente sa pananaliksik na ito ay tatlumpo (30), labing anim (16) na

mga babae at labing apat (14) na mga lalaki na nagmula sa barangay ng Mua-an,

Lungsod ng Kidapawan. Sila ay pinili sa pamamagitan ng “complete enumeration”.

Ang datos ay nagpahayag na ang kabuuang mean sa Antas ng Kahusayang

Pangwika. Ang Ponolohiya ay may mean na 11.05 nangangahulugang sila ay Average.

Ang Morpolohiya ay may mean na 9.90 nangangahulugang sila ay Average. Ang Sintaks

ay may mean na 11.15 nangangahulugang sila ay Average at ang Semantika ay may

kabuuang mean na 12.60 nangangahulugang sila ay Above Average.


Ang mga datos at impormasyong nakalap ay binilang, itinala, inihanay, sinuri at

binigyan ng katumbas na interpretasyon. Lumabas sa pag-aaral na ang mga mag-aaral

ng ALS ay maraming kaalam sa Antas ng Wika.

Konklusyon

Pagkatapos ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng mga nakalap na datos

ay nabuo ng mananaliksik ang mga konklusyon na ang mga mag-aaral ay maraming

natutunan Antas ng Wika lalong lalo na sa Semantika na kung saan marami sa kanila

ang nakakuha ng tamang sagot. Ipinakita nila ang kanilang husay at determinasyon sa

pagsagot sa mga katanungan. Pinatutunayan ng mga mag-aaral ng ALS na hindi

hadlang sa kanila ang kanilang edad upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Nakikita naman sa resulta ng datos na kung saan marami silang natutunan sa kanilang

pag-aaral.

Halos ng mga mag-aaral ay may kanya-kanya ng pamilya, at hirap makahanap ng magandang

trabaho kaya naman mas minabuti nilang mag enrol at mag aral sa ALS upang maipagpatuloy

nila ang kanilang mga naudlot na pangarap, kahit na abala sila sa kanilang mga buhay ay

binigyan pa rin nila ng panahon ang edukasyon. Tunay nga namang mahalaga ang edukasyon

kaya naman bigyan ng ito ng panahon at pagpahahalaga.

Rekomendasyon
Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik ang mga

sumusunod:

1. Mas palawakin at paunlarin pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

2. Pag-aralang mabuti ang asignaturang Filipino upang mas marami pa ang kanilang matutunan.

3. Palaging isama ang asignaturang Filipino sa talakayan upang mas matukoy nila ang mga

pagkakaiba ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantika.

4. Sa talakayan, bigyan nang simpleng pagpapakahulugan at halimbawa ang ponolohiya,

morpolohiya, sintaks at semantika upang mas madali nila itong maunawaan at matukoy.

You might also like