You are on page 1of 2

Gervacio-Gallato, Cristina A.

Ipinanganak sa Nangalisan, Bagabag, Nueve Vizcaya, nagtapos


siya ng kanyang digring Bachelor of Science in Commerce Major
in Accounting sa St. Mary's College bilang cum laude noong
1976.
Siya ay isa sa mga pinakamagagaling na manunulat na Ilokana
sa kanyang panahon. Nagsimula sa pagsusulat ng seryoso noong
siya ay nasa kolehiyo, ang kanyang kuwento, Duoy Ni Tatang, ay
nagwagi ng unang karangalan sa pagsulat ng maikling kuwento
ng grupong Marinero-1189 noong 1976. Noong 1986, ang
kanyang kuwento, Fr. Mike: Komptroler, ay nagwagi ng unang
karangalan sa taunang patimpalak sa pagsulat ng maikling
kuwento ng Economy Tours and Travel, Inc. (ETTI). Ang kuwento
ding iyon ay isinama sa Daton, antolohiya ng mga nagwaging
akda sa ETTI na ipinalathala noong 1991.
Noong 1991, sa suporta ng GUMIL Filipinas, siya ay nakilahok sa
UP Summer Writers' Workshop ng UP Creative Writing Center,
Diliman, Quezon City.
Siya ay ikinasal kay Engineer Ireneo S. Gallato ng Sinamar Sur,
San Mateo, Isabela. Mayroon silang tatlong anak.

Doles, Pacifico Dibad


Ipinanganak sa Aggub, Solano, Nueva Vizcaya. Pinakabata sa
labing-isang anak nina Eusebio Cruz Doles at Juana Acosta
Dibad, parehong nagmula sa Tangaoan, Santa Maria, Ilocos Sur.
Pinakasalan niya si Charito Galam Corpuz at nagkaroon sila ng
dalawang anak: Gina Lyn Ma. Cristina at John Foster Francsis
Rutherford IV. 
Ang ilan sa mga maiikling kuwento at sanaysay niya na nailathala
sa Bannawag ay Isu Pay Met A Balo (1963), Bay-am A Yebkas
Dagiti Sabong (1965), at Uliteg Burcio: Balikbayan (1989).
Siya ay isang opisyal ng GUMIL Nueva Vizcaya at miyembro ng
GUMIL Filipinas.

Corpuz, Samuel
Ipinanganak sa Solano, Nueva Vizcaya, ang kanyang ama na si Felominiano J. Corpuz ng San Nicolas, Pangasinan
ay isang magsasaka habang ang kanyang ina na si Agripina C. Fontanilla ng San Quintin, Pangasinan ay isang
mangangalakal.
Mula sa Solano, sila ay lumipat sa Bintawan, Villaverde, Nueva Vizcaya kung saan siya lumaki. Nagtapos bilang
unang karangalang banggit sa Bintawan Elementary School, at naging presidente ng Supreme Student Council sa
Dalton High School sa Solano kung saan niya tinapos ang kanyang high school.
Nag-aral siya sa Minadanao Institute of Technology, Kabacan,
Cotabato para sa isang digri sa agrikultura, at lumipat sa Maynila
kung saan siya pumasok sa Philippine College of Criminology.
Bumalik siya sa Nueva Vizcaya at nag-aral sa Saint Mary’s
academy sa Bayombong para sa kursong AB English Literature.
Unang lumabas ang kanyang mga akda sa The Link, ang
pamathalaan nila sa kolehiyo.
Si Samuel ay nagsusulat sa Ingles at Iluko. Ang kanyang
kuwento, Noon Episode, ay nailathala ng Graphic sa taong 1967.
Ang kanyang mga sanaysay at kuwento sa Iluko ay nailathala sa
Bannawag.
Siya ay nagwagi ng ikalawa at ikatlong karangalan sa taunang
patimpalak sa pagsulat ng maikling kuwento ng Bannawag noong
1967; ikalawang karangalan sa pagsulat ng maikling kuwento ng
Governor Roque Ablan Awards for Iloco Literature (GRAAFIL);
unang karangalan sa pagsulat ng maikling kuwento ng GUMIL
Aparri-Buguey-Sta. Teresita sa taong 1991 gayundin sa pagsulat
ng nobela ng Economy Tours and Travel, Inc. sa parehong taon.
Pinakasalan niya si Estrella Castillo Gonzales ng Sta. Cruz, Ilocos
Sur. Mayroon silang pitong anak: Honesto, Arlyn, Jonahlyn,
Samuel Jr., Fares, Orlando, at Estrella Victoria.
Mga pangunahing akda: Sawmill (kuwento), Hospital (kuwento),
Kris Ken Talunasan (kuwento), Maysa Nga Agtutubo Ken Nalam-
ek Nga Agsapa (kuwento), Siasino ni Liwayway (kuwento),
Quezada (nobela), Ti Bassit A Balay ni Brader Orly (nobela), at
Dagiti Naidagus Iti 1010-B Instruccion St., Sampaloc, Manila.

You might also like