You are on page 1of 2

BIONOTE

Si Jerry Gracio ay isang makata, kuwentista, at manunulat ng dulang pampelikula. Isinilang si Jerry
B[ayoca]. Gracio sa Tondo, Maynila noong Hulyo 6, 1969. Ginugol niya ang kabataan sa maliit na nayon
ng Nenita, sa Bayan ng Mondragon, Hilagang Samar, na lalawigan ng kanyang ina. Dito siya natutong
magsalita ng Waray. Ang kanyang ama ay mula sa Aroroy, Masbate.

Edukasyon

Produkto si Gracio ng pampublikong paaralan. Nag-aral siya sa Rosauro Almario Elementary School sa
Tondo, ngunit lumipat sa Catmon Elementary School nang manirahan ang kanyang pamilya sa Malabon
noong kalagitnaan ng dekada 80. Nagtapos siya ng hayskul sa Malabon National High School, at nag-aral
ng Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.

Bilang manunulat

Ang mga tula ni Jerry Gracio ay nailathala sa mga pambansang magazine tulad ng Sunday Inquirer
Magazine at Philippine Panorama. lamang. Iilan na sina Rio Alma (Virgilio S. Almario), Lamberto Antonio,
at Cirilo F. Bautista sa mga itinuturing niyang mga pangunahing impluwensiya sa kanyang pagtula.

Noong 1986, nalathala ang iilan niyang tula sa isang chapbook na pinamagatang Byahe, Mga Impresyon
at Tala (Oraciones Printworks). Sinundan ito pagkalipas ng sampung taon ng Apokripos (UP Press), ang
una niyang sariling koleksiyon ng tula, na nagwagi ng 2006 National Book Award. Noong 2008, nasungkit
niya ang University of the Philippine Centennial Literary Prize para sa kanyang ikalawang koleksiyon, ang
Aves.

Nagsimulang magsulat ng mga dulang pampelikula si Gracio matapos dumalo sa Scriptwriting Program
ng Film Development Foundation of the Philippines (ngayon ay Film Development Council of the
Philippines [FDCP]) noong 1997, sa ilalim ng patnubay ni Nestor U. Torre. Una siyang nagsulat para sa
Seiko Films, para sa mga pelikulang “bold” na tulad ng Talong, Sisid, aat Itlog (na umani ng nominasyon
mula sa Young Critics Circle [YCC] bilang pinakamahusay na dulang pampelikula para sa taong 2002).
Tatlong ulit siyang nagwagi ng FDCP Screenwriters Prize, kabilang ang grand prize noong 1999 para sa
Santa Santita. Bahagi ng kanyang filmography (bilang writer o co-writer) ang mga pelikulang Astig
(special citation, Pusan IFF), Colorum, Engkwentro (na nagwagi ng Orizzonti Prize sa Venice IFF), at ang
movie musical na Emir. Ang kanyang mga screenplay ay nakatanggap na ng pagkilala mula sa Film
Academy of the Philippines, YCC, at PMPC Star Awards.

Kabilang din sa kanyang mga parangal ang Gantimpalang Palanca para sa tula, maikling kuwento, at
dulang pampelikula; Makata ng Taon 2005 ng Komisyon sa Wikang Filipino; at citation mula sa University
of the East bilang pinaka-natatanging mamayan sa larangan sa literatura sa Caloocan-Malabon-Navotas-
Valenzuela [CAMANAVA] District. Noon ding 2005, ipinagkaloob kay Gracio ang Gawad Dr. Pio
Valenzuela, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Lungsod ng Valenzuela sa mga natatanging
mamayan nito.

You might also like