Si Manuel Abrera o mas kilala bilang Manix Abrera ay nagtapos
ng Fine Arts sa UP Diliman. Siya ang manunulat at artist ng
Kikomachine comic strips na matatagpuan araw-araw sa
Philippine Daily Inquirer at ang lingguhang webcomic News
Hardcore sa GMA News Online.
Kasalukuyan siyang may-akda ng dalawampung libro at nanalo
ng National Book Awards para sa kanyang walang salitang
graphic novel na "14", compilation ng komiks na "News
Hardcore", at comics compilation Kikomachine Komix 14: Alaala
ng Kinabukasan ".
Ilan sa kanyang mga obra ay Mga Tagpong Mukhang Ewab at
Kung Anu-Ano pang Kababalaghan! (2005), Mga tagpong Tila
Napakaweird, Kunyari Pa-Deep, Sarap Sapakin (2006), O
Kaligayahang Walang Hanggan Yeh! (2008), Ilayo Mo Kami Sa
Apoy Ng Impyerno! (2013), Golden Ratio (2012), Sanduguan ng
Sangkalawakan! (2014) at Sorrowful, Sorrowful Mysteries! (2011).
Si Jerry Gracio ng Barangay Pasolo ay isang premyadong makata at
manunulat sa telebisyon at pelikula. Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila
at nanirahan noong kanyang kabataan sa Samar. Nag-aral siya ng
Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Naging aktibong kasapi rin siya ng
mga samahang pansining at kultura gaya ng Museo Valenzuela
Foundation, Inc. Harayang Polo-The Valenzuela Arts Collective, Oragon
Poets Circle, Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), at Unyon ng
mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).
Ilan sa kanyang mga tinamong gantimpala at parangal ay ang mga
sumusunod: Gawad Pio Valenzuela Awardee for Literature (2006),
Makata ng Taon, Komisyon sa Wikang Filipino (2005), Citation for Best
Screenplay, Young Critics’ Circle, (2002), Palanca Memorial Awards for
Literature (2002), Gantimpalang Collantes, Komisyon sa Wikang Filipino
(2002) at Gawad LIRA sa Tula (2002).
Nakasulat na rin siya ng maraming akda na iginawad sa pelikula at
telebisyon. Ilan rito ay ang Mater Dolorosa (2012), Aparisyon (2012), Bola:
Screenplay (2012), 2012 My Cactus Heart (screenplay), Intoy Shokoy ng
Kalye Marino (2012), Corazon, Ang Unang Aswang (2012) at Astig (2009).
Si Roberto Ong o mas kilala bilang Bob Ong, ay ang sagisag panulat ng isang
kontemporaryong Pilipinong manunulat na kilala sa paggamit ng impormal na
Filipino sa paggawa ng nakakatawa at sumasalaming paglalarawan sa buhay
bilang isang Pilipino. Si Ong ay itinuturing na isang henyo na nagdala ng
panitikang Pilipino sa isang bagong antas. Napakalaki ang impluwensya ni Bob
Ong na kahit ang kilalang manunulat-kritiko na si Isagani Cruz ay tinatanggap
ang ideya ng pagbibigay ng National Artist Award sa minamahal na manunulat
ng mga katawa-tawang phantom ng bansa.
Nakapagsulat na iya ng mga nakakaaliw na akda gaya ng ABANKKBSNPLAko?!
(2001), Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2001), Ang
Paboritong Libro ni Hudas (2003), Alamat ng Gubat (2003), Stainless
Longganiza (2005), MacArthur (2007), Kapitan Sino (2009), Ang mga Kaibigan
ni Mama Susan (2010), Lumayo Ka nga sa Akin (2011), at Si (2014).
Ang dalawa sa kanyang mga gawa ay inangkop sa pelikula. ABNKKBSNPLAko ?!
The Movie ay inilabas noong 2014 sa direksyon ni Mark Meily. Pagkatapos
noong 2016, ang Lumayo Ka Nga Sa Akin ay ipinakita sa mga sinehan, na
dinidirek din ni Meily, kasama sina Chris Martinez at Andoy Ranay. Ang
parehong pelikula ay ginawa ng VIVA Films.
Si Rolando B. Tolentino ang Dekano ng College of Mass Communication (CMC) sa
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Siya rin ay nagtuturo at kabilang sa mga guro
ng UP Film Institute. Kamakailan lamang, isa sa mga nanomina para tumakbong
Chanselor ng UP Diliman. Siya ay nakapagtapos sa kursong Economics at
nakapagtapos din ng masteral sa De La Salle University. Nag-aral siya ng Film
Studies sa University of Southern California.
Siya ay isang tanyag manunulat at kabilang siya sa Katha at Manunuri ng
Pelikulang Pilipino. Kabilang sa mga nasulat niya ay ang: Sakit ng Kalingkingan:
100 Dagli sa Edad ng Krisis (2005), Kuwentong Syudad (2002), Sapinsaping Pag-
ibig at Pagtangis: Tatlong Novella ng Pagsinta’t Paghinagpis (1999); Fastfood,
Megamall at iba pang kwento sa pagsasara ng ikalawang milenyum (1999);
Relasyon: Mga Kwuwento ng Paglusong at Pag-ahon (co-editor, 1999);
Ali*bang+Bang atpb. Kwento (1994); Habilin: Antolohiya ng Katha Para sa
Pambansang Kasarinlan (1991); Engkwentro: Kalipunan ng mga Akda ng
Kabataang Manunulat (1990).
Siya ay nanalo din sa iba’t ibang klase ng patimpalak ditto sa Pilipinas pati na din
sa ibang bansa. Ang ilan ditto ay ang Best Arts Book, Gintong Aklat, (2002),
Writer’s Prize, National Commission for Culture and the Arts (2001), Manila Critics
Circle Award for Best Film Criticism Book (2001); Gawad Chancellor for Best
Literary Work (2002).