You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

University of Cabuyao
(Pamantasan ng Cabuyao)
Senior High School Department
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna 4025

Ang Aking Realisasyon

Simula sa aking pagkabata natuto na kong mag ipon ng aking baon para makabili ng aking

gustong bilhin sa buhay. Ang 'Bawat Barya’ na dokumentaryo ni Atom Araullo, ay tungkol sa

mga batang lansangan na naghahanap buhay para makakain sa araw-araw . Dito ipinakita nya

ang buhay nina cholo at bitoy na tumigil sa pag aaral para lang mag hanap buhay. Maaga silang

tumanda dahil sa hirap ng buhay. Habang pinapanood ko ang dokumentaryo may mga naging

reyalisasyon ako sa aking buhay.

Isa sa mga iyon ay nag papasalamat ako na maaga akong natutong mag ipon ng pera at

natutunan ang kahalagahan neto. Isa sa layon ng dokumentaryo ay mapakita ang kahalagahan

ng bawat barya na kung saten ang piso at sentavo ay walang gaano kahalaga pero sa mahihirap

ay malaki narin ito. Na ang piso ay nakakabili na ng isang sulpot ng tubig at kapag naman ito

ay inipon ay lalaki rin ang halaga. pinakita sa bidyo na si nitoy ay di nakakaipon dahil ito ay

nauubos kabibili ng kanilang pag kain. Kaya nag papasalamat ako na kahit onti ay

nakakapag-ipon din ako ng pera mula sa aking baon. Na di lang para sakin ang pag iipon na

yun kundi para sa aking kinabukasan at para maibigay ko sa aking magulang para makatulong

sa mga bayarin sa bahay.

Pinakita sa bidyo na sa navotas may patakaran sila na irescue ang mga batang lansangan

para sa kanilang kaligtasan. Dinadala sila sa Bahay Pag-asa, isang shelter ng mga menor de

edad sa lungsod ng navotas, pinakain, pinaliguan at sinuri ang katawan ng bata pag dinadala

doon. Binanggit nini Jennifer Serrano na head ng navotas CSWDO na kaya nila ito ginagawa ay
Republic of the Philippines
University of Cabuyao
(Pamantasan ng Cabuyao)
Senior High School Department
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna 4025

isa rin ito form ng abuse, neglegted daw sila. Naisip ko na sana may ganon rin sa ibang lugar sa

pilipinas at kung meron man sana lalo sila maging aktibo, dahil ayon sa datos ng gobyerno

noong 2021 ay tumaas ang mga batang nag tratrabaho na noong 2020 na 2.8% ay ngayon

naging 4.3 o 1.37 milyon na bata na ang nag tratrabaho. Na maari ang dahilan dito ay nakikita

nila sa mahulang at komunidad nila. Naawa rin kasi ako sa mga bata sa dokumentaryo na sa

halip na ienjoy ang kanilang katabaan ay sila ay nag tratrabaho. Na kahit gusto nila mag aral ay

di nila magawa dahil sa kawalan ng pera. Kaya nag papasalamat ako sa aking magulang na

nakakapag aral ako ng walang iniisip at na eenjoy ko ang aking kabataan.

Sa panonood dokumentaryo ito ay nagbigay sakin ng inspirasyon sa pamamagitan ng

pagpapakita ng mga aktwal na kwento ng mga umaasa sa bawat sentimo para mabuhay at

nagpapakita na ang mga simpleng bagay ay may malaking impluwensya sa buhay ng bawat isa.

Sa kapanood ng dokumentaryo naunawaan ko na tama pala ang aking gawi na laging mag ipon

at mag tipid. Na enjoyin pa natin ang pag aaral sa eskwelahan dahil kahit gusto ng iba na

mag-aral rin ay di magawa dahil sa kahirapan. At sana rin na mag karoon rin ng programang

nag rerescue sa mga batang lansangan ang ibang lungsod sa pilipinas.

You might also like