You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

CEBU NORMAL UNIVERSITY


Cebu City, Philippines
College of Teacher Education

PANUTO
Pumili ng isang Pilipinong patalastas at suriin ang
tatlong sangkap ng mabisang pagpapahayag (logos,
pathos, ethos) at ang pinakamahalagang elemento ng
retorika (Kairos, Audience, Prepon). Ipaliwanag kung
paano ginamit ang bawat sangkap at elemento. Huwag
kalimutang ilagay ang pamagat at ang produkto.
Maglakip ng larawan ng patalastas at ibigay rin ang
kabuong detalye nito.

Jamaica M. Ola-a
BSEd Social Studies 3B

RHETORICAL ANALYSIS
Masining na Pagpapahayag
Republic of the Philippines
CEBU NORMAL UNIVERSITY
RHETORICAL ANALYSIS
Cebu City, Philippines
College ofni:
Pagsusuri Teacher Education
Jamaica M. Ola-a

VICKS VapoRub- Learning to Love #TouchofCare

https://www.youtube.com/watch?v=3vqqT9bjCgU

Detalye:
“Lahat ay may karapatang makaranas ng kahit dampi lamang ng alaga.” Hango sa totoong
istorya, ang patalastas ay ukol sa pagbabago ng isang “barumbado”. Namuhay sa mundo na
kulay itim, kung saan ang panalo kada away ay iwinagawayway at ang tamang landas ay
patuloy na lumalabo, hindi akalain ni Hernando na ang hagulgol sa malalim na gabi ang siyang
sinag na siyang gagabay sa kaniya upang mamuhay ng mayroong kahulugan.

Noong naistorbo ang kaniyang gabi sa maingay na hagulgol ng isang bata, nalaman niya na
ito ay inabandona. Sa kisap-mata ay naging mas makulay ang mga pahina ng kaniyang buhay.
Tinalikuran ang bisyo, siya ay kumayod para sa ikakabuti ng sanggol na itinuring niyang anak.
Ang magaspang na mga kamay na noo’y suntok lang ang alam na gawin ay unti-unting naging
malumanay sa mga gabing hinahaplos ang anak gamit ang Vicks VapoRub.

Sa direksiyon ni Sheron Dayoc, ang naturang patalastas ay kabilang sa #TouchofCare


campaign series ng Vicks na kung saan kanilang isinusulong na ang bawat isa ay nararapat
makaranas ng haplos ng aruga.
Republic of the Philippines
CEBU NORMAL UNIVERSITY
Pagsusuri ng Tatlong (3) SangkapCebu
ng Retorika
City, Philippines
College of Teacher Education
Logos:
Bilang kilalang tatak sa sangay ng “Family Care”, ang ipinabatid na mensahe ng Vicks ay totoo
sa karanasan ng masang Pilipino. May katotohonan ang kanilang ipinabatid na ang pamilya ay
hindi lamang nabubuo sa dugo kundi pati rin sa “pag-aalaga”. Ito ay malinaw na inilarawan sa
kwento ni Hernando at ang kaniyang inampon na anak na kung saan binigyan nila ng kabuluhan
ang buhay ng isa’t isa. Katulad ni Hernando, ang pagbigay ng alaga sa iba’t ibang paraang alam
natin ang siyang nagpapatibay ng ating koneksyon bilang pamilya. Isa na dito ang pag-masahe
sa kanilang mga dinaramdam sa katawan man o sa buhay katuwang ang Vicks VapoRub.

Pathos:
Matapos mo mapanood ang patalastas, masasabi mo talaga na “Nalagyan ko lang ng Vicks ang
mata ko” sa luha. Ang daloy ng kwento, sinematograpiya, musika, diyalogo at iba pang
elementong pang-istorya ay epektibong inihalo na nagresulta sa isang malinamnam na resipe.
Sa sobrang linamnam ay maaantig ang iyong puso. Hindi man bago ang kuwento ukol sa mga
inampon na mga sanggol , maging ang kuwento ng mga taong nagdesisyong magbago, ang
pamaraan ng pagsalaysay sa kuwento ng bida ay matagumpay na kumurot sa puso ng mga
manonood.

Ethos:
Maayos na ginampanan ng bawat karakter sa patalastas ang kanilang papel. Ang bida, hindi
man malaking personalidad sa industriya ng “entertainment” ay magaling na ginampanan ang
mga karanasan ni Hernando. Dahil sa galing niyang umarte, hindi niya lamang siya maaaring
magpaluha ng manonood kundi mayroon din siyang abilidad na gawin ang mga manonood na
magbalik-tanaw sa kanilang mga ala-ala kasama ang pamilya. Ang mga “side characters”
naman ay hindi nagpadaig. Dahil sa kanila, mas lalong napagtibay at kapani-paniwala ang
presentasyon ng kuwento.
Republic of the Philippines
CEBU NORMAL UNIVERSITY
Pagsusuri ng Tatlong (3) ElementoCebu
ng Retorika
City, Philippines
College of Teacher Education
Kairos:
Ang mensahe ng patalastas na katuwang natin ang Vicks VapoRub ay mas lalong pinagtibay
sa pamamagitan ng paghango nila sa totoong kwento ng isang ama. Maliban sa pagdiin sa
kaniyang mga karanasan na kung saan siya ay taong naligaw sa landas at nagbago noong
dumating sa kaniyang buhay ang isang sanggol, ang diyalogo sa huling bahagi ng patalastas ay
ipinako ang argumento ng Vicks na ang haplos ng pag-aalaga ay makapangyarihan. Wika nga
ng amang bida, “ Sabi nila binuhay ko siya, pero ang totoo, binuhay niya ako.”

Audience:
Masasabi talaga na isinasalang-alang ng mga nagmani-obra ng patalastas ang audience lalo na
ang mga nag-aaruga. Isa, hinango nila ito sa totong buhay upang tayong mga manonood ay
maka-ugnay. Pangalawa, ang pag-arte ng “cast” ay napakamahusay. Pangatlo, ang “build-up”
ng storya ay akma upang masundan ng audience ang pangyayari. Huli, ang kanilang mensahe
na kung saan ang Vicks VapoRub ay saksi sa karanasan ng bawat pamilyang Pilipino ay
sinasalamin sa kuwento ni Hernando.

Prepon:
Ang kasuotan ng mga karakter sa patalastas ay akma at kapanipaniwala. May barayti ng
kasuotan ang bida. Mula sa sando, panyo at iba pang kadalasan nating makikita na suot ng mga
“tambay o barumbado”, kalaunan ay makikita na nating siyang nag-aayos ng disente at malinis
para sa trabaho. Ang kasuotan ay lalong pinagyaman sa presensya ng “props” at “setting”. Ang
kasuotan, props at ang lugar na kung saan ginanap ang istorya ay mabisang pinadala ang
mensahe ng patalastas.

You might also like