You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY


San Isidro Campus, San Isidro, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED
College of Management and Business Technology

Isang Pantawa na Pagdulog sa Pelikulang "Woke up like this" ni John Elbert Ferrer

Ang Pananaliksik ay ipiniprisinta kay


Mr. Romel Tuliao

Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan


Ng Asignaturang
GEFIL2
(Filipino sa Iba’t ibang Disiplina)

Ipiniprisinta nila:

Javate,Aira Shayne, S.
Magno, Rhea M.
Miranda, John Joshua G.
Simbulan, John Kenneth Y.

Transforming Communities through Science and Technology


Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
San Isidro Campus, San Isidro, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED
College of Management and Business Technology
KABANATA 1
PANIMULA
Bilang daluyan ng pantawang pananaw masasabing nagsimula pa noong bago pa man dumating ang
mga Kastila (ika-16 siglo pababa) ang mga kwentong bayan na ito. Kung tutuusin ang pagsusuri sa
kontexto nito ay bilang isang social praxis.
Ang pelikulang Woke Up Like This ay ang unang pelikulangidinirek ng baguhang direktor na si
Joel Ferrer. Pangunahingpinagbibidahan ito nina Vhong Navarro bilang Nando Cruz at Lovi
Poebilang Sabrina Rodriguez. Ito ay isinapubliko noong Agosto 2017 attinatayang nakahakot ng
36-milyong piso.
Sadyang malakas ang hatak ng pelikulang ito sa mga kabataansapagkat napaka-millenialng dating
ng pelikula mula sa pamagathanggang sa mga hangarin ng dalawang bida (Supermodel of the
Whole Wide Philippinesang kay Sabrina at maging isang propesyunal namanlalaro naman kay
Nando). Bilang unang pelikulang hinawakan ng baguhang direktor na si Joel Ferrer, tunay na
naging maganda ang pagtanggap ng mga tao dito athumakot agad ng P36M sa loob ng ilang araw.
Sa kwentong ito, sina Nando (Vhong Navarro) at Sabrina (Lovi Poe) ang magkakapalit ng katauhan
matapos tratuhin ng masama ang isang matandang pulubi (Lou Veloso). Para magkapalit muli at
makabalik sa kani-kanilang katawan, kinakailangan nilang isantabi ang kanilang pagkakaiba at
magtulungan na mapagtagumpayan ang kani-kaniyang mga pangarap. Simula pa lang aasahan mo
nang may mga patawang tulak ng pagka ila ng estado sa buhay. Si Sabrina ay isang maarteng
model at ‘Reyna ng Rampa, laging kasama ang mga kaibigang makeup artist at stylist, sanay sa
yaman, shopping, at walang ibang iniisip kundi maging maganda at alagaan ang katawan niya.
Samantala, si Nando naman ay isang ‘Hari ng Hardcore’ na basketball player na umaasang
makaabot sa professional league, may kayabangan pero maalagain sa pamilya.
Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Christina Pierpaoli Parker, postdoctoral fellow ng clinical psychology at behavioral sleep
medicine sa ang Unibersidad ng Alabama sa Birmingham, "ang magandang pagtulog ay
sumasailalim sa bawat aspeto ng mental at pisikal na kalusugan"..

Ayon kay Dr. Anis Rehman at Danielle Pacheco ng Sleep Foundation, ang mga problema sa
pagtulog ay mga kondisyon na nakakaapekto sa kalidad ng pagtulog ng isang indibidwal, ang oras o
tagal ng pagtulog, at ang kapasidad ng indibidwal na gumana kapag sila ay gising

Transforming Communities through Science and Technology


Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
San Isidro Campus, San Isidro, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED
College of Management and Business Technology
KABANATA 2
METODOLOHIYA
Sa kaniyang saysay at salaysay napinamagatang Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw Mula
sa Pusong Hanggang Impersonasyon (Nuncio 2002). Ang salitang pantawa ay mula sa panlaping
pang- na naging pan- + ang salitangugat na tawa. Ang pantawa ay reaksyong pandama na
nakaangkla hindi lamang sa damdamin oemosyon ngunit maging sa kamalayang Filipino. Ang
pananaw naman ay nangangahulugang pagbasa o interpretasyon ng mgatao sa mga nangyayari sa
kanilang sarili at maging ang kanilang kapaligiran. Ayon kay Nuncio (2002), ang pantawang
pananaw ay nangangahulugang tawabilan kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan.

Mga Instrumentong Pananaliksik

Ang sarbey kwestyoneyr ay ginamit upang maipakita ang mga datos na kinakailangan sa pag-
aaral. Ang mga katanungan ay pinasagot sa mga mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo BS
Entrepreneurship.

Uri ng pangangalap

Ang pangangalap ng pag-aaral na ito ay ang paggamit ng Google Form

Respondante

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral mula sa unang taon ng
kolehiyo sa BS Entrepreneurship. Sa pamamagitan ng google form, ang mgarespondente ay
pipiliin ayon sa kanilang mga feedback. Ang mga respondente na kasalisa pananaliksik ay
mahahanap sa loob ng unang taon ng kolehiyo sa BS Entrepreneurship upang mas mabisa ang
pangangalap ng mga datos.

Transforming Communities through Science and Technology


Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
San Isidro Campus, San Isidro, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED
College of Management and Business Technology
KABANATA III
RESULTA AT PAGTALAKAY
Buod ng Akda
Isang sikat na modelo si Sabrina (Lovi Poe), mayaman, sosyalera at may pagka-suplada.
Basketbolista naman si Nando (Vhong Navarro) makasarili at buwaya sa paglalaro ng bola. Sa
parehong pagkakataon ay makakasalamuha nila si Apo Jr. (Lou Veloso) isang pulubi na
makakaranas ng pagmamalupit mula sa dalawa. Ang hindi nila alam ay hindi isang ordinaryong
pulubi si Apo Jr.

Sa bisperas ng kanilang kaarawan, isang kaparusahan ang mararanasan nila Sabrina at Nando.
Magigising sila sa isang hindi pangkaraniwang umaga dahil magkakapalit sila ng katawan. Si
Sabrina ay magiging si Nando at si Nando naman ay magiging si Sabrina. Ang tanging lunas sa
naturang sumpa ay ang maunawan ang kanilang mga pagkakamali.

50-50 ang naging opinyon ko sa palabas. May mga pagkakataong nasosobrahan ito sa kakornihan at
may mga oras namang pasok ang mga punchlines nito. Sakto lang naman ang ipinakitang pag-arte
nila Poe at Navarro, sumabay ito sa pagiging comedy ng palabas pero kung ang lebel ng galing ang
pag-uusapan ay hindi sila gaanong kagalingan lalo na't ang kanilang binibigyang buhay ang
karakter ng isa't-isa. Para lang silang umaarteng bakla at tomboy na hindi naman gaanong isyu para
sa akin dahil light lang naman ang palabas.

Hindi na bago ang storyline nito at wala ding ipinakitang kakaiba upang magkaroon ng sariling
pagkakakilanlan. Medyo weak ang sitorya at hindi kongkreto ang daloy nito. Hindi kapani-
paniwala ang biglaan at agad na pagtanggap ng bawat pamilya sa kanilang estado. Pero dahil light
nga lang ang istorya ay maaari nang palampasin. Madami ring fillers na kahit lampasan ay okay
lang dahil madali lang naman sundan ang kuwento.

Overused na ang konsepto, predictable ang kuwento, at mediocre lang ang acting. Pero ang
nagustuhan ko dito ay ang humor nito na kahit may mga parteng nasobrahan sa pagiging OA ay
nakaka-enjoy parin namang panoorin. Gusto ko rin na hindi ginawang love story ang palabas at
purong komedya lamang ang ipinakita.

Transforming Communities through Science and Technology


Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
San Isidro Campus, San Isidro, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED
College of Management and Business Technology
Tauhan:

Tagpuan:
Ipinakita sa pelikula ang buhay ni Sabrina sa magarang nayon, kung saan nakatayo ang kaniyang
magarang pamamahay.
Ipinakita sa pelikula ang buhay ni Nando sa payak na nayon, kung saan ipinakita din dito kung saan
siya naglalaro ng basketbol.
Ipinakita din sa pelikula ang pagsita kay Apo(pulubi) mula kay Nando at Sabrina, kung saan ito ay
pumigil sa daan ni Sabrina at kung saang himnasyo naglalaro ng basketbol si Nando
Ipinakita din sa pelikula ang muling pagkikita nina Nando, Sabrina at Apo, kung saan sina Nando at
Sabrina ay muling bumalik sa kani-kanilang pagkatao
Balangkas ng Tema:
Pagbibigay-tawad sa nagkasala
Pagpapakita ng mga gawain na hindi likas pantao
Pagsasama ng mga isyu sa pakikipagkapwa-tao, kasarian, at relasyon sa pagitan ng mga karakter
Pagpapakita ng pagsisisi sa nagawang kasalanan
Bisa:
Ang pelikula ay nagbibigay kamalayan tungkol sa pakikisalamuha sa pangaraw-araw
Ipinapakita ng pelikula ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na pagtrato sa kapwa-tao
Ang pelikula ay nagpapakita ng kabutihan at kamalian ng pakikitungo
Nagbibigay ng hikayat sa mga manonood na magkaroon na mabuti at busilak ng puso sa mga bawat
taong nakakasalimuha
Pagtatalakay sa akda gamit ang Pantawang Pananaw
Ang pelikulang “Woke Up Like This” ay maaaring talakayin gamit ang pantawang pananaw dahil
isa itong pelikula na tumatalakay sa mga aral na maaaring maangkop at mayroon itong halong
katawa-tawang mga eksena. Ang pelikulang ito ay naglalarawan ng iba’t ibang pag-uugali ng bawat
taong nakakasalamuha sa araw-araw. Sa pelikulang ito makikita na sina Nando (Vhong Navarro) at
Sabrina (Lovi Poe) ay may pag-uugali na hindi maganda. Makikita na ang isang Apo o pulubi (Lou
Veloso) ay kanilang sinita, subalit hindi pala ito basta isang Apo o pulubi kundi isang misteryosong
tao na may kakaibang taglay. Dahil dito, sina Nando at Sabrina ay naparusahan at nagkapalit ng

Transforming Communities through Science and Technology


Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
San Isidro Campus, San Isidro, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED
College of Management and Business Technology
pagkatao. Makikita sa pelikulang ito na sina Nando at Sabrina ay nagsisisi sa ginawang kasalanan.
Gayunpaman, sina Nando at Sabrina ay unti-unti nang nagbabago ang pag-uugali at patuloy na
gumagawa ng mabubuting bagay at asal. Hanggang sa huli napansin ng Apo o pulubi na sadyang
nagbago na sina Nando at Sabrina. Ang dalawa ay matagumpay na bumalik sa kani-kanilang
pagkatao. Binibigyang diin ng pelikula ang pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan, mahirap
man o mayaman. Ang pelikulang “Woke Up Like This” ay nagpapakita ng kahalagahan ng
kalayaan sa pagpapasiya ng bawat tao sa buhay, pati na rin ang pagkakapantay-pantay ng mga tao
sa lipunan. Ito ay mga mahalagang usapin sa pantawang pananaw na patuloy na dapat
pinapangunahan at pinapahalagahan.
Pagpapatibay ng kaangkupan ng Pantawang Pananaw sa Akda
Ang teoryang pantawa ay tunay na angkop sa pelikulang "woke up like this" dahil ito ay
nagpapakita Ng mga nakakatawang senaryo, Sa teoryang Pantawa gumagamit ng tawa biglang
agrikritika at sa mga bagay na may kinalaman sa inyong lipunan na pinapakita sa teoryang pantawa
na tungkol sa dalawang tao na nagkapalit Ng katauhan dahil sa parusang ibinigay Ng matanda
bagaman ito ay isang pelikulang nakakaaliw may mga aral ding mapupulot.

Transforming Communities through Science and Technology

You might also like