Professional Documents
Culture Documents
TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418 Tel. No.
(075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph ISO 9001:2015
CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)
"Thy Womb"
Na Iniharap kay
G. RAYMUND M. FERNANDEZ
Pangangailangan ng Asignaturang
ni:
Edmund D. Ignacio
BS CRIMINOLOGY 3 BLOCK 4
(Pangalan at Kurso) 4
Unang Semestre
I. PANIMULA
Maituturing na isang hiyas ang Thy Womb.Sa gitna ng mga pelikulang melodrama, horror at
komedyang walang humpay sa pag-iingay, narito ang isang pelikulang matahimik na ipinararating sa
manonood ang mga pasakit ng isang nagdurusang asawa na handang magpaka-martir alang-alang sa
minamahal.
Ang pelikulang Thy Womb ni Ginoong Brillante Mendoza ay tungkol sa kwento ng mag-
asawang sina Shaleha (Nora Aunor) at Bangas-an (Bembol Roco) na lubos ang kagustuhan na
magkaroon ng anak. Si Shaleha ang nagsilbing kumadrona sa kanilang komunidad. Tumutulong sila sa
mga inang magluluwal ng sanggol ngunit sila mismo ay hindi mabiyayaan ng isa man.
II. PAMAGAT
Ang pelikulang aming ipinalabas ay THY WOMB ni Ginoong Brillante Mendoza. Ang pamagat ay THYWOMB
A. Pangunahing Tauhan
Shaleha (Nora Aunor)– mabait at mapagmahal na babae. Sinasalamin niya ang isang asawang handang isakripisyo
ang lahat ng mayroon siya upang mapaligaya ang kanyang esposo. Tinulungan niyang makatagpo ng panibagong
asawa ang kanyang asawa upang magkaroon ito ng supling. Ito ay dahil alam niyang may pagkukulang din siya sa
kanyang asawa, hindi man niya sinasadya. Ang pagkabigo niyang magsilang nga anak ay hindi pagtupad sa
kanyang tungkulin bilang isang maybahay.
Bangas-An (Bembol Roco)- asawa ni Shaleha, isang ordinaryong lalaking Muslim. Sa lahat ng pinagdaanan nilang
mag-asawa ay hindi pa rin natitinag ang kanyang mithiing magkaroon ng anak. Balewala sa kanya ang damdamin
ni Shaleha. Para sa kanya, ang pagsasama ng isang mag-asawa ay hindi matatawag na isang pamilya o mag-anak
kapag hindi sila magkaanak. Taliwas man ito sa paniniwala ng karamihan, hindi natin siya masisisi dahil siya ay
napapabilang sa mga Muslim.
Mersila (Lovi Poe)- pangalawang asawa ni Bangas-An. Si Mersila ay isang dalagang hindi pa ganoon kahinog ang
pag-iisip. Halos apatnapung taon ang agwat ng mga edad nila ni Bangas-An. Hindi natin masasabing ninais din
niyang tumugot sa pagpapakasal nila ni Bangas-An dahil sa mga Muslim, ang mga magulang ang nagdedesisyon
kung papayag sila na ipagkatiwala sa ibang lalaki ang kanilang mga anak
B. Katuwang Tauhan
Aisha ( Mercedes Cabral)- kakilala nina Shaleha at Bangas-An. Inimbita niya sila na dumalo sa kanyang kasal. Hindi
siya pangunahing tauhan sa pelikula.Ang papel na ginampanan niya ay upang ipakita kung paano isinasagawa ng
mga Muslim ang seremonya ng kasal. Napakasal siya kay Nurjay.
Fatima-ina ni Mersila
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph ISO 9001:2015
CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU), Philippine
Association of Maritime Institutions (PAMI)
Dayang, Aisha Ladjabasan, Lira Osman, Farrah Ansarrudin- mga kababaihang pinagpilian ni Shaleha sa
paghahanap ng babaeng maaaring maging pangalawang asawa ni Bangas-An.
Genre Ang dyandra ng pelikulang “ Thy Womb ” ay purong drama. Maituturing na isang hiya sang pelikula. Sa
gitna ng mga pelikulang melodrama, horror at komedyang walang humpay sa pag- iingay, narito ang isang
pelikulang matahimik na ipinararating sa manonood ang mga pasakit ng isang nagdurusang mag-asawa na
handing magpaka martyr alang-alang sa taong minamahal.
Ang tema o paksa ng pelikulang Thy Womb ay itong pelikula ay tungkol sa magasawa na komadrona at
mangingisda na nais magkaanak pero hindi sila nabiyayaang magkaroon ng anak.
VI. SINEMATOGRAPIYA
Kapansin-pansin rin ang paggamit ng simbolismo sa pelikula. Sa isang scenario kung saan nagdadasal at
nagpapasalamat si Shaleha dahil sa pag-asang makumbinsi ang pamilya ni Mersila, binanggit niya ang mga
katagang “Glory to Allah”, ngunit pagkazoom out ng camera, ipinakita ang isang halamang tinik na tila
sumisimbolo sa internal na sakit na nararamdaman ni Shaleha sa sakripisyong kanyang gagawin.
Paglalapat ng Tunog at Musika Malinaw at maayos bang nailapat ang mga tunog sa mga
bahagi ng pelikula na nagbigay daan upang bigyang linaw ang mga pangyayari at maramdaman ng
manunood ang sitwasyon, tagpuan at kalagayan ng pangyayari sa pelikula..
VIII. EDITING
SAGOT: Mahusay ang pagkakaedit sa pelikula ito y ginamitan gn matalinong pag iisip ay
planadong planado ay Pulido ang pagkakagawa.
IX. DIREKSYON
Mahusay bang nagampanan ng director ang kanyang tungkulin upang maiparating ang tunay
na mensahe ng pelikula batay batay sa pagkakasulat ng iskrip?Matagumpay bang naisakatuparan ng
director ang paglalapat ng lahat ng elemento ng pelikula upang maipakita ang kagandahan at
kahusayan ng kalidad ng isang tunay na pelikula? Patunayan kung bakit mahusay o hindi ang director
sa pelikulang pinanood.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph ISO 9001:2015
CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU), Philippine
Association of Maritime Institutions (PAMI)
SAGOT: Mahusay nagampanan ng direktor ang kanyang tungkulin upang maiparating ang tunay na
mensahe ng pelikula batay sa pagkakasulat ng iskrip sa paraan ng pagkaayos ng pag-direk sa kabuan
ng pelikula upang maiparating ang mensahe ng pelikula, Mahusay ang nagampanan ng direktor ang
kanyang tungkulin upang maiparating ang tunay na mensahe ng pelikula batay sa pagkakasulat ng
iskrip dahil ramdam na ramdam ng mga manonood ang mga nangyayari. Maraming mga aral ang
makukuha rito.
X. BUOD o SINOPSIS
Ibigay ang buod ng pelikula. Ilahad ang daloy ng mga pangyayari mula sa simula,
mga mahahalagang pangyayari, kasukdulan hanggang wakas.
Ilang babae rin ang kanilang tinungo hanggang sa natagpuan nila si Mersila na agad namang
pumayag sa kanilang alok sa tulong ng isang tagapamagitan. Inubos nila ang lahat ng
kanilang ari-arian upang matugunan ang dowry ni Mersila. Maluha-luha man, inialay rin ni
Shaleha ang mga gintong alahas niya para sa pangalawang asawa ng kanyang asawa. Maging
ang motor ng kanilang naghihingalong bangka ay ibinenta nila para makalikom ng
napakalaking halaga— isang daan at limampung libong piso.
Muli, hiniling niya kung maaaring mapasakanya na lang ang pusod ng sanggol.
Pinahintulutan naman siya ni Mersila. Sa tuwing pangangasiwaan niya ang panganganak ng
mga buntis, lagi niyang hinihingi ang mga pusod ng mga sanggol. Dahil malinaw kay Shaleha
na hindi niya kayang magsilang ng anak, ang mga pusod ng mga sanggol, kahit paano, ay
nakapagbibigay sa kanya ng pakiramdam na siya ay isang nanay rin. Isang pakiramdam na
pinaaalalahanan siyang, sa dami ng sanggol na dumaan sa kanyang mapaglingkod na mga
kamay, isa na rin siyang ina kahit sila man ay hindi nagmula sa kanyang sariling sinapupunan.
XI. KUWENTO
Paano pinaunlad ng manunulat ang kasaysayan ng pelikula. Akma ba ang mga tagpuan? Ano-
ano ang mga tagpuan? Ano-ano ang mga suliraning umusbong sa pelikula? Paano ito nilutas? Ano ang
nais iparating ng pelikula sa kabuoan? Anong aral ang makikita sa pelikula? Ano ang estilo ng
manunulat upang ipakita at inilapat sa pelikula? Paano ito nakatulong sa kabuoan ng pelikula? Paano
ipinamalas ang kasukdulan ng pelikula? Paano nagwakas ang pelikula? Nakamit ba ng gumawa ng
pelikula ang kanilang layunin nang gawin ito?
SAGOT: Ang tagapagsalaysay ay ang taong nagkukuwento sa istorya. Ito ay akma ang tagpuan at
maaliwas panuoodin. Shaleha laban sa sarili- Habang hinihintay nila ang imam, sumilong sila sa isang
kapilya. Nasulyapan ni Shaleha ang maliit na mesang may Bibliya at krus. Agad siyang lumabas dahil siya
ay isang Muslim. Ang pelikula ay naihatid ng aayos kung ano ang nis iparating mismo sa mga manunuod.
Anong kaisipan o aral na matatagpuansa pelikula? Ipaliwanag ang kaisipang iyong ibinigay
SAGOT: Layon ng pelikula na mag-iwan mensahe sa mga manonood. Ang pabiling ipinapahiwatig ng Sa Iyong
Sinapupunan ay ang sari-saring paraan ng pagkamit ng kasiyahan nating mga tao. Gaya ni Bangas-An, ilan sa atin
ay hindi marunong umintindi sa pakiramdam ng iba. Makakaya nilang pabayaan na lamang ang sinumang
nasasaktan basta mataglay lang nila ang kanilang adhikain. Ang iba naman ay maihahalintulad kay Shaleha.
Kinikilala na rin nilang kasiyahan ang lahat ng makakapagguhit ng ngiti sa mga labi ng mga taong kanilang iniibig.
Ang iba naman ay maihahambing kay Mersila. Sa pagmamay-ari ng pagsinta ng isang tao, wala na silang iniisip pa
kundi ang pansariling galak. Sila ay makasarili. Sa oras na mapasakamay nila ang isang bagay ay hindi na nila ito
ipinapasa sa ibang nangangailangan nito basta ang mahalaga, nakikinabang sila.
Sa bahaging ito, maaaring ilagay ang iyong pagbubuod o paglalagom sa mga key points na
tinukoy sa iyong ginawang pagsusuri. Balikan ang mga elemento ng pelikula na binigyang suri at
mula rito ay maaaring magbigay ng sariling rekomendasyon kung paano pa mapagbubuti ang isang
pelikula mula sa iyong sariling paghuhusga.
SAGOT: Isang napakalusog na binhi ang ipinunla ng pelikulang ito sa aking isipan. Ito ay ang lahat ng
bagay na kayang hamakin ng isang asawa alang-alang sa pagmamahal. Pagmamahal— isang
napakamakapangyarihang elemento na kapag nanalanta sa payak na damdamin ninuman ay siyang
makakapagpakumplikado rito. Napag-isip-isip kong kayang baguhin ng pagmamahal ang disposisyon
ng isang tao. Maaari siyang magbago tungo sa kabutihan o sa kasamaan. Kung babalikan natin ang
pelikula, kinalimutan na ni Shaleha ang pansariling kaligayahan. Itininuturing na rin niyang
kaligayahan ang anumang makakapaghatid ng kasiyahan sa kanyang kataling- dibdib. Para sa akin,
maganda ang matutong magmahal. Pero sa oras na may naaagrabyado na dahil dito, marapat
lamang na pairalin natin ang ating utak kaysa sa bugso ng ating damdamin.