You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE

Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408


Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

Mala-Masusing Banghay Aralin


Panitikan: Anim na Sabado ng Beyblade--Maikling
Kuwento

I. Layunin
Sa pagtatapos ng 60 minutong talakayan, 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang ibig sabihin ng maikling kwento at mga elemento nito;

b. Naisasabuhay ang mga gintong aral na nakapaloob sa Anim na Sabado


ng Beyblade at;
c. Nakasusulat ng isang sanaysay patungkol sa natutuhan sa paksang
tinalakay.

.
II. NILALAMAN

PAKSA: Anim na Sabado ng Beyblade--Maikling Kuwento


SANGGUNIAN: https://youtu.be/7rn_lX8pWok?si=db-Nh1WCl08EOCJr
KAGAMITANG PAMPAGTUTURO: Kagamitang Biswal, Whiteboard Marker, Eraser at
mga larawan.
PAGPAPAHALAGA: Napapahalagahan ang mensaheng nais ipabatid ng may akda.
ISTRATEHIYA: 4A’s Approach (Activity, Analysis, Abstraction, Application).

III. PAMAMARAAN a. Panimulang Gawain


Pagbati
Panalangin
Pamamahala sa Silid-Aralan
Pagtatala ng Liban
Pagbabalik-Aral

AKTIBITI.

ANO KAYA AKO? : Ang klase ay hahatiin sa tatlong grupo. Bibigyan ng mga
pirapirasong papel ang bawat grupo. Ang mga papel ay may mabubuong larawan.
Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE

Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408


Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

Paunahan sa pagbuo ang tatlong grupo. Ang mauuna at may pinakamabilis na grupo
na matapos, ay magtatamo ng pinakamataas na marka.

ANALISIS
1. Pamilyar ba sa larawan na inyong nabuo?
2. Ano kaya ang mayroon sa bagay na ito?
3. Ano ang kaugnayan ng gawain sa pagksang ating tatalakayin?
Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE

Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408


Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

ABSTRAKSIYON

MAIKLING KUWENTO
Ang maikling kwento ay isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng
pang-araw araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at may
isang kakintalan.
(Pagpapapanood ng Video ng Anim na sabado ng Beyblade)

ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

Tauhan
Gumaganap at nagbibigay buhay sa maikling kwento.
Halimbawa: Si Rebo
Isang apat na taong gulang ang pangunahing tauhan sa kwento na nagngagalang
Rebo. Malambing na bata at bunsong anak si Rebo na mahilig maglaro ng ibat ibang
uri at kulay ng beyblade. Larawan sya ng isang masayahing bata na nakapagbibigay
ng kasiyahan sa mga tao sa kanyang paligid. Sa murang edad ay nakipaglaban na
sya sa leukemia.
Tagpuan
Ang panahon o lugar kung saan nagaganap ang isang pangyayari.
Halimbawa:
Ang tindahan ng beyblade ang isa sa mga naging tagpuan ng kwento. Ito ang lugar
kung saan pumipili ng bagong beyblade si Rebo na syang bibilhin ng kanyang ama.
Banghay
Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento, sa banghay
makikita ang panimula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan at wakas.
Halimbawa:
Simula
Ang paglalaro ng beyblade ang libangan ni Rebo. Tuwing sabado. ang araw ng
pagkikita nila ng kanyang taytay, ay hindi n'ya malilimutan na magpabili ng
paboritong laruan.
Saglit na Kasiglahan
Hilig ni Rebo na makipaglaro gamit ang beyblade, at sa tuwing matatalo mas pag
bubutihan pa nya sa susunod. Ngunit kasabay ng bawat saya ay ang s'yang
Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE

Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408


Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

pagdating ng pinakamalaking dagok sa buhay ni Rebo at ng kanyang pamilya. Unti-


unti na palang nakapasok ang leukemia sa kanyang katawan.
Kasukdulan
Acute Lymphocytic Leukemia na mas kilala sa tawag na ALL ang sakit na pilit
nilalabanan ni Rebo. Kasama nya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang taytay na
higit na nahihirapan sa tuwing nasasaktan ang kanyang bunsong anak.
Napakaraming eksaminasyon at laboratory ang pinagdaanan ni Rebo. Hindi mabilang
na pag-iyak at sigaw ang lumipas bago nila marating ang huling bahagi ng kanyang
gamutan. Pinayagan ng umuwi si Rebo. Nagagawa na nyang buhay sa dati nyang
pamumuhay. Sa parte ng buhay nya na hindi pa s'ya inaalipin ng karamdaman. Pero
sadyang mapaglaro ang tadhana, ang sakit na akala nila'y wala na, nandyan pa pala.
Lahat ng gamutang nang yari ay para bang nabalewala dahil kailangan na naman
nilang mag-umpisa.
Kakalasan
Sobrang nasaktan ang pamilya ni Rebo dahil sa balitang ito. Gustuhin mang
ipagpatuloy ng kanyang taytay ang gamutan sa pag- asang gagaling pa ang bata,
hindi na kaya ni Rebo. Ang magagawa na lamang ng kanyang pamilya ay gawing
makabuluhan ang mga susunod pang araw na magdadaan. Hindi matatapos ang
isang Sabado ng hindi masaya si Rebo. Hindi man magawang ngumiti ng kanyang
labi ay nakikita naman sa kanyang mata ang labis na kasiyahan.
Wakas
Sa ika-limang Sabado nasabi ng kanyang taytay na "Sige na 'Bo. Salamat sa apat na
taan. Mahal ka namin. Paalam." Tuluyan ng namaalam ang batang mahilig sa
beyblade pagsapit ng ika-anim na Sabado.
Tungalian
Paglalaban sa pagitan ng dalawang pwersa, ito ay maaaring tao laban sa tao, tao
laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kalikasan, tao laban sa kalamidad,
at tao laban sa kapwa.
Halimbawa: Umikot ang kwento sa pakikipaglaban ni Rebo sa sakit na leukemia. Ito
ay mauuri sa tunggaliang tao laban sa sarili.
Kaisipan
mensahe na nais ipabatid ng may akda sa mga mambabasa.
Halimbawa: "Sige na 'Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam."
Napakita sapamamagitan ng pahayag na ito kung gaano kaikli ang buhay. Na walang
pinipiling edad o estado sa buhay ang kamatayan. May mga bagay o pangyayari na
dumadating ng hindi inaaasahan.
Suliranin
problemang kinahaharap ng tauhan sa kwento.
Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE

Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408


Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

Tema
Pangunahing kaisipan na pinag-uusapan sa isang kwento.
Halimbawa: Ang tema ng "Anim na Sabado ng Beyblade" ay ang kahalagahan ng
pagmamahal at pagpapahalaga sa mga simpleng kaligayahan sa buhay, tulad ng laro
ng beyblade, sa kabila ng mga hamon at kahirapan na dala ng sakit. Ito rin ay
tumatalakay sa konsepto ng kamatayan at kung paano ito tinatanggap at hinarap ng
isang bata.

PAGLALAGOM/GENERALIZATION

Para sainyo, paano mo maipapakita ang pagmamahal sa isang napakahalagang tao,


habang s'ya ay nabubuhay pa?

APLIKASYON
Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay patungkol sa inyong
naunawaan sa paksang ating tinalakay.

IV. PAGTATAYA
PANUTO: Tukuyin ang tamang sagot na sinasabi sa bawat pahag.
1. isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang-araw araw na
buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at may isang
kakintalan.
2. Sya ang pangunahing tauhan sa maikling kuwentong "Anim na sabado ng
Beyblade".
3. Ang panahon o lugar kung saan nagaganap ang isang pangyayari.
4. Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
5. Anong uri ng tunggalian ang mayroon sa nasabing maikling kuwento?
6. Ano ang sakit ni Rebo?
7. Ilang taon na si Rebo?
Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE


Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408

Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

8-10. Sa papaanong paraan mo maipapakita ang pagpapahalaga sa bawat


oras na nakakasama mo ang mahal mo sa buhay.
V. TAKDANG ARALIN
1. Magsaliksik patungkol sa Tayutay

2. Magbigay ng ilang uri ng tayutay.

Inihanda ni:

SHESEL M. NARON

BSED FIL 3A

You might also like