You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE


San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 Local (101

CBSUA-PIL-F-CDE-
007

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 1

MGA LINGGUHANG LAYUNIN


Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at
mga kaklase

I. LAYUNIN
1. Nakikilala ang mga pang-uring ginamit sa pangungusap.
2. Nailalarawan ang mga kaklase sa pamamagitan ng wastong paggamit ng
pang-uri.
3. Nakikilahok sa mga gawain na may kasiglahan.

II. PAKSANG ARALIN: Paglalarawan Gamit ang Pang-uri


KAGAMITAN: puting papel, salamin, at pisara
SANGGUNIAN: Teacher’s Guide sa Filipino

II. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalinis ng silid-aralan
2. Panalangin at Pagbati
3. Pagtatala ng lumiban

B. Pagganyak
“Salamin, salamin, sabihin sa akin”
Ipalabas sa mga mag-aaral ang dalang salamin. Ngayon, tingnan
ang inyong mga sarili sa harap ng salamin ng ilang minuto. Pagkatapos,
tatawag ang guro ng ilang bata para ilarawan ang kanilang sarili.Isusulat
ng guro ang mga nasabing paglalarawan ng ilang bata.

C. Pagtatalakayan
“ Malayang Talakayan”
Ngayong araw, ilalarawan natin ang inyong mga kaklase.
1. Humarap sa inyong katabi, at pagmasdan maigi ang itsura nito.
Pagkatapos, ilarawan sila gamit ang pang-uri. (Isulat ng guro ang
nasabing pangungusap)
2. Matapos ng paglalarawan, talakayin nat kilalanin ang mga pang-uring
ginamit.
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 Local (101

CBSUA-PIL-F-CDE-
007

Gawain:
Anyayahan ang klase na maglaro ng “Sino ang kaklaseng
tinutukoy?” Ilarawan ang ilang bata sa pamamagitan ng paggamit ng
wastong pang-uri at ipatukoy ang kaklaseng inilalarawan.
Halimbawa:
Nasaan ang kaibigan ko?
Kaibigan ko? kaibigan ko?
Nasaan ang kaibigan ko?
Siya ay may mahabang buhok!
Pagpangkatin ang klase at bigyan ng oras ang bawat pangkat na
pumili mula sa mga kaklase ng kanilang ilalarawan gamit ang wastong
pang-uri.

D. Pagtataya
Tanungin: Masaya ba kayo sa ginawa nating laro?
Ngayon sagutan natin ang mga sumusunod:

Panuto: Guhitan ang pang-uring ginamit sa paglalarawan.


1. Ang buhok ko ay mahaba.
2. Ang kanyang balat ay maputi.
3. Ang kanyang mukha ay marumi.
4. Ang mata ko ay singkit.
5. Ang mga daliri ko ay maliliit.

IV. Takdang Aralin


Pagganyak: Mahal ninyo ang inyong mga magulang ?Kilala mo ba ang
inyong mga magulang? Paano mo sila ipapakilala sa inyong kaklase?
1. Ilarawan ang inyong mga magulang gamit ang pang-uri.

Inihanda ni:
Bb. Al Grace Doblon
Guro
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
San Jose, Pili, Camarines Sur 4418
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 Local (101

CBSUA-PIL-F-CDE-
007

You might also like