You are on page 1of 4

MUNGKAHING PARAAN NG PAGSUSURI SA EPIKO

Sistemang
Pampulitika

sistema ng pamunuan ng pangkat etniko


katawagan sa mga may posisyon sa pangkat
katangian; inaasahan sa pamilya ng datu
kuwalipikasyon ng isang lider
paraan para mapalawak ang power base

Sistemang Pangekonomiya

paraan ng pamumuhay, kabuhayan


paraan ng pagkamit ng ari-arian

Sistemang
Panlipunan

ritwal ng panliligaw at pagpapakasal


etika sa digmaan (war ethics); pagdiriwang
ugnayan ng mga miyembro ng pangkat

Kosmolohiya

paniniwala sa pisikal at ispiritwal na mundo


pananaw sa sarili at kalikasan; pamahiin
ugnayan sa ibang elemento ng mundo ng
pangkat

Sining at
Materyal na
Kultura

arkitektura ng tahanan
kagamitan sa loob ng bahay
mga sandata ng mandirigma
pananamit/kasuotan; mga palamuti sa
katawan; musikal na instrumento

Elemento,
kumbensyon,
pamamaraang
pampanitikan

literary devices na ginamit


bugtong, sawikain, alamat
mga kasabihan, gamit ng wika

Ilang halaw mula sa epikong Sandayo ng mga Suban-on


SISTEMANG PAMPULITIKA
Kailangan niyang magsalita/Si Datu Salaria/Tungkol sa dalita/Na
dinaramdam niya./ Mahal na Bae Salaong/tayoy walang palad/pagkat wala
tayong anak/kahit marami /ang ating ari-arian. (linya 1-9)
Sinuklay niya ang kaniyang buhok/nang walong ulit/walong ulit niyang
sinuklay/at siyam pa pagkatapos/sa ikasiyam na ulit/may nalaglag na
sanggol/sanggol na napakarilag. (93-99)
O Amang Salaria/ ang datung di maglagalag/ ay di tunay na datu. (337339)
Huwag na akong pigilan, ang datuy dapat makipagsapalaran/O Ina/hindi
nararapat na ang isang datu/ay di maglalakbay. (249-253)
(Ang Paglalakbay ni Sandayo; Si Sandayo sa Ilog ng Gwalo Leyo;
Paglaakbay sa Ilog Lumanay; Balatakan, Gadyong, Manelangan)
Wika ni Sandayo/Ina kong Salaong/akoy magbibihis/alisin sa akin/itong
mga lampin/akoy si Datu Sandayo/kapag di nagbihis/di magiging datu na
dapat igalang. (146-153)
Nagliwanag si Sandayo/tulad ng araw na bagong sumisikat/sa bukangliwayway/makisig na datu/totoong maliwanag/waring hindi siya tagalupa/sintuwid ng puno/tila anak ng diwata. (169-177)
Hindi ko batid/kung saan ako nagbuhat/O Laggi Daugbolawan/para akong
nakatulog/at dito na nagising (530-534)
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
O Inang Bae Salagga/ang bigay-kayay maliit lamang./Si Bae
Salagga/mayroong isang gantang/pinuno ito ng dawa/at sa nego
isinalin./Wika niya/para sa aking mga anak/hiling kong bigay-kayay di
malaki/pagkat di ko sila ipinagbibili/marahil isang banga lamang bawat isa.
(2568-2580) Bride price

SISTEMANG PANLIPUNAN
O datung iginagalang/ikaw ba ay may kabiyak?/Tumugon ang datu/wala
Baeng mahal/wala pa akong nililigawan/at ikaw binibini/ikay dalaga/ngunit
bakit walang kasintahan?/Sagot ni Bolak Sonday/wala pang katipan si Bolak
Sonday/walang nanuyo sa akin kailanman/akoy naparito/upang
paghanapin/ang isang ginoong aangkin sa akin./gumawa ng ginapog/si
Bolak Sonday/sa Datuy inihandog. (1224-1253) pagliligawan
Binuhat ang banga/bahagyang tinagilid ang banga/dumaloy ang alak/Laggi,
kasamahang datu/busugin ang mga tiyan/Patuloy ang inuman/habang ang
alak dumadaloy/walong banga ng alak/inubos ni Sandayo.
(Buklog)
Natanaw ni Bolak Sonday/si Sandayong/katalik ang
Lumanay/magkayakap sila/si Sandayo at ang Bae. (polygamy)

Bae

ng

Laggi, kapwa ko datu, ako bay hinahamon mo/di dapat dito/pagkat itoy
isang buklog/tayoy pumanaog/at doon maghamok. (1386-1391)
(Ang Paghahamok; war ethics)
KOSMOLOHIYA
Magpalit ng damit/isaplot ang kasuotang ito/tiniklop ng walong ulit/damit
niyang bago/sinuot ni Sandayo/walong panyo (monsala) ang dala. (191-193)
Sinuklay ang buhok ni Sandayo/kumuha ng langis sa walong bote/walong
ulit itong sinuklay/walong ulit itong inayos/walong ulit na inilibid/saka
lamang ipinusod. (294-298)
Silay nagsabit ng kulambo/walong patong na kulambo (3380-3381)
Sa tubig ay lumundag/nadala siya ng agos/pitong ulit na sumisid/sa ilalim
tumungo/pitong ulit ding umahon. (46-49)
Ang sandata niya/pitong ulit niya itong inihagis/at pitong ulit ding sinalo.
(213-215)
Lumakad si Sandayo/patungo sa pitong Tinayobo/at pitong Sampilakan/ulo
nilay pinugutan. (1825-1828)
Ay kahabag-habag/naman tayo, Salaong/ang ating anak ay walang
halaga/kay pangit na bata! (107-111)

O Bae Benobong/kaitaasay libutin mo/ako namay magtutungo/sa ilalim


ng mundo. (3392-3395)
Dapat mong bugawin ang langaw/na nagkukumpol/kay Sandayong
silid/upang di siya mangarap ng masama. (3163-3166)
Tayoy uminom ng gasi/O Sandayo/sinasabi nilang lasa nitoy maasim/baka
makasira sa ating tiyan, Laggi/kaya tayo nang uminom. (1624-1626)
SINING AT KULTURA
Banig na ginto/kumikinang na banig. (500-501) gamit sa bahay
Ang mga kaaway/di sapat sa aking sandata/di makahahasa sa aking
balaraw/o sa aking nagbabagang kalis/o itong nilubirang sibat. (207-211)
Hinugot niya ang sinduko/at pinugutan ng ulo/ang pitong Sampilakan at
pitong Tinayobo. (1823-1825) sandata
Kumuha ka ng gasi/at tayoy magdiriwang. (1839-1840)
Pinaikot ni Bolak Sonday/ang gampik niyang suot. (1362-1363)
ELEMENTO, KUMBENSYON, PAMAMARAANG PAMPANITIKAN
Sandayo huwag kang umalis/hindi pa panahon/may gatas pa ang labi
mo/bibig mo sa susoy di pa naaawat. (3329-3332) kasabihan
Ina kong Salaong/babalik si Sandayo!/Umuuwi ang kadugo/mapapalad ay
bumabalik. (371-374) sawikain
Humuni ang ibong limmon/ang wika ni Daugbolawan/Laggi, kapwa ko
datu/huwag tayong umalis/mahirap nang tumuloy. (675-679) foreshadowing
Walang tigil ang kaniyang pagtangis/palakad-lakad si Bae Salaong/Bolas
bata guwayan!/Labis-labis ang pangamba (1738-1741)
(pagpapahayag ng pangamba)

You might also like