You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya
ACTIVITY, ASSIGNMENT AND QUIZ
GE MSRIZAL-2NDSEM-2020-2021

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES


Bayombong Campus

LEARNING ACTIVITY 1

Name: Bayson, Marvin Alera Score: ___________/100


Class Schedule: 3:00-4:00 Mon, Wed, and Fri Date: May 30, 2021

Repleksyon: Ibahagi ang sariling opinyon o saloobin kung epektibo ang Batas-Rizal sa panahon
ngayon. Isulat ang sagot sa ibaba at magtanong sa 3 ka-klase o magbasa sa internet kung anong
saloobin ng iba ukol sa Batas-Rizal. Isulat ang kanilang sagot sa kaliwang pigura pagkatapos ibuod
ang lahat (pinagsamang repleksyon ng iba at repleksyong pansarili) ng sagot sa baba. (30 pts.)

PANSARILING REPLEKSYON:
Para sa aking opinion, ang Batas Rizal o ang pag aaral sa buhay ng ating pambansang bayani ay
epektibo at nararapat lang na gawing asignatura sa mga paaralan dahil sa mga sumusunod na
kadahilanan:
 Siya ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat Pilipino.
 Ito ay nakakatulong sa pagpapalaganap ng paggamit ng ating sariling wika.
 Nagpapatunay na ang hindi lahat ng laban sa buhay ay kelangang gamitan ng dahas o kasamaan.
 Naipapakita ang pagmamahal sa bayan.
 Siya ang nagsisilbing modelo sa mga batang Pilipino at sa mga susunod henerasyon.

Bilang isang Pilipino, nararapat lang nating ipaglaban at mahalin ang ating pagkakilanlan dahil ito ay
paraan upang tayo ay makilala at tumatak sa buong mundo.

REPREKSYON NG IBA:
Oo dahil SA kasalukuyan nagtutulong-tulong tulong ang mga mamamayan ganoon na dn ang ibang
lahi para SA Ikakaganda Ng daloy ng buhay at lipunan at SA kasalukuyan maraming mga kabataan
ang nagpapakita Ng talento at husay na ayon SA bayani na ang pag-asa Ng bayan.

Marahil mayroong ilan ang nakalimot SA magandang mga asal at kilalanin ang bawat bayani
Nangingibabaw parin ang bilang ng mga taong may dangal, paniniwala, pagtitiwala at pagbibigay puri
at pagkilala SA bawat bayani at pagbibigay tulong SA mga nangangailangan, mayaman man o
mahirap.
ANGELO S. BOLANTE
2nd Year Student |Nueva Vizcaya State University

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 1


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
ACTIVITY, ASSIGNMENT AND QUIZ
GE MSRIZAL-2NDSEM-2020-2021

Para sa akin oo dahil siya ang national hero ng Pilipinas. Syempre mas mainam na meron tayong alam
ng impormasyon sa nakaraan nakung saan hindi pa tayo buhay. Syempre iba parin yung makukuha
nating impormasyon at lesson dun sa mismong taong nabubuhay nung panahong iyon.
Sabi nga nila you can’t fully move forward to the future without understanding your history.

JEFFZEL BRYLE INFANTE RAÑA


3rd Year Student |Nueva Vizcaya State University

Para sakin. Epektibo parin ang batas ni Rizal sa maka bagong panahon. Sa panahon nababalot na
tayo ng teknolohiya at nakakalimutan ng ng nakararami ang maging bayani kahit sa maliit na paraan.
Epektibo ang batas (batas ni Rizal) na eto, dahil eto ang magpapaalala sa atin kung saan at pano tayo
nag simula, dahil ang buhay ni Rizal ay salamin ng buhay ng mga Pilipino. Eto ang magiging
pondasyon nating mga Pilipino para harapin ang kasalukuyan na may tapang at talino. Sabi nga ni
Rizal " ang hindi marunong lumingon sa kanyang pinang galingan ay hindi makakarating sa kanyang
paroroonan" at mas magiging epektibo ang batas na eto kung ating isasapuso ang bawat kwento at
salita na nakasaad dito.

JAYPEE DELA CRUZ


BS in Biology| Notre Dame of Dadiangas University

BUOD:

Base sa aking pansariling opinyon at sa aking mga nasagap na opinyon ng iba, lumalabas na
epektibo parin ang Batas Rizal o ang pag-aaral sa buhay ni ng ating pambansang bayani sa
makabagong panahon. Ang makabuluhang buhay ni Jose P. Rizal at ng mga naisulat niyang mga akda
ay siyang nagsisilbing gabay hindi lamang ng bawat mag-aaral kundi ng bawat mamamayang Pilipino
tungo sa makabagong Pilipinas.

Ito ang nagmumulat at nagpapatibay ng pagmamahal natin sa ating sariling pagkakakilanlan at


sariling bansa. Ang kanyang mga naging sakripisyo at angking talino ang nagsisilbing inspirasyong sa
bawat batang Pilipino upang matutong lumaban sa buhay. Ang sarili niyang buhay ay katumbas ng
bawat laban, pag-asa at pagmamahal sa sariling bayan at sa bawat Pilipino.

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 2


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
ACTIVITY, ASSIGNMENT AND QUIZ
GE MSRIZAL-2NDSEM-2020-2021

ASSIGNMENT 1

SURIIN AT IPALIWANAG:

1. Sa papaanong paraan maisasabuhay ang itinadhana ng Batas Rizal na dapat maituro o matutuhan ng
pagkakaroon ng mga mag-aaral o kabataan ng moral, character, personal discipline, civic conscience,
at matutunan ang duties of citizenship? (15 pts.)

Answer:
Ang itinadhana sa Batas Rizal ay maisasabuhay sa paraan na ang guro ay ituro hindi lang ang
life and works of Rizal kundi kung paano ang kultura, politika, komunidad na mayroon noon. Ito ay
maisasabuhay ng bawat mgaaral nakagaya ko kung dadalhin ako ng aking guro sa kwento ng likod ng
buhay ni Rizal. Kagaya nlang kung papaano nya pinakita ang kanyang kakayahan bilang tumayong
lider sa mga Espanyol at ipinaglaban ang karapatan ng mga Filipino.

Sa pamamagitan nito malalaman ng mga kabataan sa kasalukuyan kung anung klase ng leader
na ipinamalas ni Rizal. Hindi lang dito madami rin kaugalian at values na pinakita ni Jose Rizal,
nandyan yung respeto sa matatanda or magulang na nung siya ay bata pa makikita ang pag gamit nya
ng po at opo na sa una palang isang kaugalian na ng nga Piilipino ito. Habang sa patuloy na
pakikipaglaban ni Rizal, nakikita dito ang kanyang pagmamahal sa sariling bayan na kahit nasa ibang
lugar sya. Sa mga kwento ni Rizal ito ay maisasabuhay sa muling pag gunita nito sa pamamagitan ng
pagaaral sa buhay ni Rizal. At ito rin ay mapapaigting sa pamamagitan ng pag aalala at paggunita nito
sa ibat- ibang paraan gamit ngayon ang makabagong teknolohiya at pagbabalik tanaw sa film at
documentary sa buhay ni Rizal, sa pamamagitan nito lalo naisasabuhay sa bawat mag-aaral sa
makabagong panahon.

Bilang isang mag-aaral sa buhay ni Rizal, napagtanto ko na ang buhay ni Rizal ay isang
inspirasyon kase sa mga makabagon kabataan sa ngayon masasabi ko na ang kalayaan na
tinatamasa ko ngayon ay utang na loob ko sa kanya na nagturo ng tamang kaugalian gaya ng pagiging
makabayan na nagging sandata para makamit ang ating hustisya na pilit sinisira ng mga espanyol.

2. Sa mga kaganapan at kalagayan ng kasalukuyang lipunan, masasabi ban a epektibo ang batas-Rizal?
Patunayan ang sagot. (15 pts.)

Answer:
Para sa akin, ang mga kaganapan at kalagayan ng kasalukuyang lipunan, ay masasabi ko na
nakalimutan na ang importansya ng pakikipaglaban ng ating mga bayani nuon kagaya ni Rizal. Ang
batas-Rizal ay nagpapaliwanag saatin kung papaano nakipaglaban si Rizal sa mga kwento nito El
Filibusterismo. Ngunit sa kasalukuyang ito po ay nakakalimutan na kase pati ang mga paaralan ay
nakakaligtaan na ipamukha kung anu ang tunay na kwento , kagaya ng pamumuhay ng mga Filipino
sa espania. Ang klase ng politika meron nuon na pwede maikumpara sa politika sa kasalukuyan. Ang
kalagayan ng lipunan sa ngayon ay makikita ang personal na kapangyarihan ng lahat ng nakaupo dito.
Masasabi ko na personal interest kase ang puso at isip nila ay hindi para mapabuti ang Pilipinas kung
hindi paano ba nila pagyamanin ang kanilang mga bulsa. May mga maliit na problema sa lipunanan na
lagi nalang ito ang nakikita at walang solusyon na pangmatagalan kagaya ng child labor, inequality sa
mahihirap at mayayaman, kahirapan at iba pa.

Pero kung makikita lang nila ang Batas Rizal, ay isang batas na nagpapa alala sa atin kung
papaano ipinaglaban ni rizal ang kapwa Filipino at makikita dito na ang politika ay isang paraan para
masolusyonan ang problema at dito inuuna muna ang iba bago ang pansarili.
Kung ang lahat lamang na nakaupo ngayon sa lipunan ay ganito ang gawen baka ang bansang
Pilipinas at inaaasam asam ang matamis na tagumpay at kalayaan na pwedeng ipagmamalaki.
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 3
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
ACTIVITY, ASSIGNMENT AND QUIZ
GE MSRIZAL-2NDSEM-2020-2021

3. Magbigay ng sariling opinyon, paano ka magiging bahagi ng pagsulong ng ating bayan? (15 pts.)

Answer:
Bilang isang mag-aaral ng makabagong henerasyon, ako ay makakatulong sa pagsulong ng
ating bayan sa pamamagitan ng pag-aaral ko ng mabuti, kase alam ko sa ngayon wala pa ako
pwedeng maibigay sa ating bayan pero, sa pamamagitan ng pagtatapos ko ng aking pag-aaral at
isasabuhay ang naging sakripisyo at paglaban ng kalayaan ni Rizal, ito po ay base line ko upang
maging isang mabuting mamamayan ng bansa.

Sa aking paghangad ng trabaho, dito ko maipapamalas ang aking kakayahan upang


makatulong sa pagunlad ng bayan. Ako ay magiging isang magaling na guro balang araw, kaya bilang
isang guro, aking ipapamahagi ang aking alam at natututnanan sa buhay ni Rizal na pwede ko ilipat sa
aking mga mag-aaaral upang ma mapahalagahan nila ang buhay ni rizal at mga ugali na pininamalas
nya nuon. Sa paraan na ito, makakatulong na ako sa pagsulong ng bayan.

4. Ang batas-Rizal nga ba ay nakatuon lamang sa pag-aaral ng buhay at kabayanihan ni Dr. Jose P.
Rizal? (10 pts.)

Answer:
Base sa aking pag-aaral sa batas Rizal, ito ay nakatuon lamang sa pag-aaral sa buhay ni Rizal
at mga kabayanihan na makikita mismo sa mga novel ni Rizal Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Dito isinasabuhay nila ang kwento ng kabayanihan ni Rizal at kung papaano nya nakamit ang kalayaan
mula sa mga Spaniards. Di lang din kabayanihan ni Rizal ang pinakita, kung hindi ang kanyang
pagmamahal sa mga naging asawa, pamilya at ang pagiging Maka Dios, Makakalikasan at
Makabayan. Mga katangian at kaugalian na Ipinamalas ni Rizal na dapat isabuhay at ginagawa.

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 4


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
ACTIVITY, ASSIGNMENT AND QUIZ
GE MSRIZAL-2NDSEM-2020-2021

EVALUATION 1

Pagpipili ng sagot: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. (15 pts.)

A 1. Siya ang nagsabing si Rizal ay hindi lamang ang pinakabantog na tao sa kanyang mga kababayan
kundi ang pinakadakilang tao na nilikha ng lahing malayo.

a. Esteban Ocampo c. Ferdinand Blumentritt


b. Rafael Palma d. Austin Craig

C 2. Naging mahigpit na katunggali ni Rizal sa pinagpiliang bayani ng lahi.

a. Graciano Lopez-Jaena c. Emilio Jacinto


b. Antonio Luna d. Marcelo del Pilar

A 3. Siya ang pangunahing may-akda ng panukalang batas na nauukol sap ag-aaral sa buhay at sinulat ni
Rizal lalo na sa Noli at Fili.

a. Claro M. Recto c. Decoroso Resales


b. Jose Laurel, Sr. d. Mariano Cuenca

B 4. Patnugot ng La Indipendencia ng naglabas ng dagdag na sipi bilang paggunita sa kamatayan ni Rizal.

a. Antonio Luna c. Emilio Aguinaldo


b. Juan Luna d. Rafael Palma

B 5. Ito ang katangian na nagpalutang kay Rizal bilang pangunahing bayani.

a. Isang Pilipino
b. Namayapa
c. May matayog na pagmamahal sa bayan
d. May mahinahong damdamin

C 6. Hindi ito naging kabilang sa naging pamantayan sa pagpili ng pangunahing bayani noong panahon ng
mga Amerikano.

a. May mahinahong damdamin


b. Namayapa na
c. Kinikilala ng mga Pilipino noon pa man
d. May matayog na pagmamahal sa bayan

A 7. Siya ang unang pangulo ng Pilipinas.

a. Emilio Aguinaldo c. Ramon Magsaysay


b. Manuel Quezon d. Manuel Roxas

B 8. Pinapunta siya ni Bonifacio sa Dapitan upang ipaalam kay Rizal ang planong paghihimagsik.

a. Emilio Jacinto c. Pedro Paterno


b. Pio Valenzuela d. Antonio Luna

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 5


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
ACTIVITY, ASSIGNMENT AND QUIZ
GE MSRIZAL-2NDSEM-2020-2021

B 9. Sinimulang ipagdiwang ang Araw ni Rizal sa taong ito.

a. 1897 c. 1948
b. 1898 d. 1956

C 10. Ang Batas Republikang ito ay higit na kilalang batas-Rizal.

a. Blg.1423 c. Blg. 1425


b. Blg. 1424 d. Blg. 1969

A 11. Pinamunuan niya ang komite ng Edukasyon sa kongreso noong pinag-aaralan ang mga susog sa
panukala ukol sap ag-aaral ng buhay at sinulat ni Rizal.

a. Jose Laurel, Sr. c. Francisco Rodrigo


b. Claro M. Recto d. Roseller Lim

A 12. Ito ang bilang ng mga Pilipinong kinatawan sa komisyong Taft.

a. Dalawa c. Apat
b. Tatlo d. Lima

B 13. Bilang ng pangungusap laban sa Simbahang Katoliko na matatagpuan sa Noli Me Tangere.

a. 200 c. 210
b. 120 d. 201

D 14. Ayon sa kanya, “Ang mga doktrina ni Rizal ay hindi para sa isang panahon lamang kundi para sa
lahat ng panahon.”

a. Otley Beyer c. Esteban de Ocampo


b. Ferdinand Blumentritt d. Rafael Palma

A 15. Ang heneral na ito ang pangunahing bayani ng Argentina.

a. Jose de San Martin c. Bernardo O’ Higgins


b. Simon Bolivar d. Jimmo Tenno

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 6

You might also like