You are on page 1of 2

Christian Jay M.

Mendinueta BSCS 4 – 2

1. Sino nga ba si Rizal para sa atin?

• Kung ako ang tatanungin bilang isang estudyante, si Rizal ipinakilala sa akin ng Sistema

ng edukasyon bilang isang bayani; ngunit kung ako ay tatanungin bilang isang

mamamayang Pilipino, si Rizal ay isang idibidwal na nagbigay ng lakas sa mga Pilipino

upang ipaglabanan ang bansa, na huwag maging sunod-sunuran sa mga kastila, marahil

siya ay isang bayani dahil dito, ngunit hindi siya ang pambansang bayani natin. Sa

napanood kong maiksing bidyo ni @mightymagulang sa kaniyang tiktok, ang lahat ng mga

bagay na itinuturing nating “Pambansa” ay ipinakilala lamang sa atin ng mga amerikano

upang ituro sa atin kung ano dapat ang ating pagkakakilanlan; kahit sa pagkilala ng mga

bagay na maitatatrato nating atin ay itinuro pa rin ng mga mananakop.

2. Paano kaya natin mailulugar ang buhay at mga sinulat ni Rizal sa ating kasalukuyang

panahon?

• Ang buhay at mga isinulat ni Rizal ay puno ng mga aral, maari nating i-angkop sa ating

sarili ang mga aral na ito, at maari din nating maipamahagi ito sa iba; upang ang mga

problema ng nakaraan ay hindi na muling maulit pa, upang matuto kung ano ba ang

pagiging isang pinoy, at maipagmalaki ang sarili sa kapwa Pilipino at mga banyaga.

3. Bakit nagkaroon ng mataas na rating ang Maria Clara at Ibarra ng GMA-7? Meron rin kaya

itong pangangailangan?

• Para sa aking palagay, kaya nagkaroon ng maatas ng rating ang teleseryeng ito ay dahil sa

mga kadahilanang: Una, Naituro ang literaturang ito noong tayo ay nasa high school,

maaring gusting muling maalaala ng mga manonood ang mga nangyari sa nobelang ito.

Sumunod, ilan sa mga artistang gumanap sa mga karakter dito ay kilala na at minamahal

ng mga manonood. At huli, maaring marami sa mga manonood ang nakakaramdam ng

koneksyon sa mga pangyayari sa serye o sa mga karakter dito. Ngunit di maikakaila na


maraming mga pangyayari sa serye ang naiiba sa nobela, dahilan rin siguro ito ng maatas

ng pagtangkilik ng manonood.

4. Ano nga ba ang ambag ng R.A.1425 sa paggising ng kamalayan, sa pagkamakabayan ng mga

pilipino, ng mga kabata ang Pilipino?

• Ang layunin ng batas na ito ay bigyang mandato ang lahat ng mga eskwelahan na ituro ang

buhay at mga sulat ni Rizal. Dahil dito marami sa mga nagging estudyante ang nakakaalam

sa ilang sulat ni Rizal, gaya nng Noli Me Tangere at El Fili Busterismo. Maaring ilan sa

mga kabataang naturuan nito ay natulungan maunawaan kung paano ang mgaaing isang

tunay na Pilipino, at mabuhay at pusong Makabayan nito. Maaring may mga batang

nagging daan ang pag-aaral ng dalawang nobela upang tahakin ang landas ng mas malalim

pa na pagunawa sa mga pangyayari sa ating kasaysayan.

Mga Sanggunian:

"Is Jose Rizal Really a National hero?" YouTube, uploaded by Shuffle Play, 27 August 2021,

https://www.youtube.com/watch?v=Ckz-Uw1XA34.

You might also like