You are on page 1of 4

Pangalan: Ernesto C. Bayod Jr.

Kurso/Year: BTVTED/ELX-2

AKTIVITI

Gawain 1
KWL

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa hinihingi.


Paksa: Ang Buhay ni Rizal
Know Want Learned
Ano ang alam ko sa paksa? Ano ang nais ko pang Ano ang aking natutunan sa
malaman sa paksa? paksa?

Si Jose Rizal ay tinugariang Nais kong malaman kung Nalaman ko kung gaano ka
bayani ng bansa sapagkat ano-anu ang mga ginawa importante ang Batas Rizal
siya ang nagpamulat sa ni Jose Rizal upang siya ay at kung bakit ito
mga Pilipino upang alamin kilalanin na bayani ng ating mahalagang pag aralan at
ang katutuhanan at bansa. Nais ko rin malaman ipreserba.
makalaya sa pananakop ng ang Batas Rizal.
mga dayuhan sa bansa.

ANALISIS

Gawain 2
Pagtalakay

1. Ipaliwanag ang iyong sagot sa Gawain 1.


- Sa gawain 1 na may paksang “Ang Buhay ni Rizal” tinatanong doon ang aking
mga nalalaman, mga nais ko pang malaman at mga natutunan ko sa aralin na ito.
Mahalagang maunawan at maintindihan natin bilang isang mag-aaral at bilang isang
Pilipino ang mga aralin na ito sapagkat ito ay parte na nang ating kasaysayan,
asignatura, at pagiging pagka makabayan.
2. Bakit kailangan pang pag-aralan ang buhay at gawa ni Rizal? Ipaliwanag.

- Mahalagang pag-aralan ang buhay at mga akda ni Rizal, sapagkat ito ay


sumisimbolo sa ating pagka Pilipino. Dahil sa kaniyang mga akda namulat ang mga
mata ng mga Pilipino, nagkaroon ng tapang at pagmamahal sa bansa. At dahil doon
nakamtan na natin ang kalayaan na matagal na nating inaasam sa pananakop at
pang aalipusta ng mga dayuhan. Ang kaniyang mga akda ay mahalaga at dapat
nating pahalagahan/ Ang buhay ni Rizal. Dapat din nating pag-aralan and buhay ni
Jose Rizal upang malaman at mas maunawan natin ang kanyang mga nagawa at
ang mga mahahalagang ambag para sa bayan. Kung gayon dapat natin bigyan siya
ng respeto, paggalang at pagkilala sa kabutihang kanyang ginawa. Ito rin ay paraan
upang malaman ang kanyang mga karanasan at pinagdaanan bago pa man siya
maging isang bayani at dahil magbibigay daan rin ito upang mas makilala pa natin
siya ng lubusan.

APLIKASYON

Gawain 3
Pagpapaliwanag

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Mag-isip ng pinakahuling nobela/kwento na nabasa mo. Ano ang


natutunan mo mula sa kwento? Gamitin ang karanasang ito sa mga
akda ni Rizal.
- Ang huling kwento na nabasa ko ay isang “anime” na pinamagatang
“Fire Force” . Ang kwentong ito ay nagpapakita ng katapangan upang
masugpo ang mga kalaban na may masasamang motibo na sirain ang
mundo. Kung kaya’t gumawa ng mga paraan ang mga bida upang matigilan
ang mga masasamang balak ng mga kalaban. Mahahalintulad ko ito sa
akda ni Rizal na El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Dahil ang mga
akdang ito ni Rizal ay naglalaman ng mga nobela o storya upang maimulat
ang mga mata ng mga Pilipino sa pananakop ng mga dayuhan. Ang nais ni
Rizal ay ma tulungan at ma protektahan ang bansa ang mga Pilipino sa mga
mapang aping mga dayuhan na nanakop sa ating bansa. Kung kaya’t
masasabi kong mag kasintulad lang ng adhikain si RIzal at ng nobelang
napanood ko na “Fire Force”. Ang adhikain na matulungan ang mga tao at
maimulat ang kanilang mga mata sa katotohanan.

2. Paanong nakapagdudulot ng patriyotismo ang pagbabasa ng mga


nobela ni Rizal?
- Ang pagbabasa at ang pag-aaral sa mga nobela ni Rizal ay nagbibigay
inspirasyon sa mga Pilipino na dapat mahalin ang ating bansa at
pahalagahan ang kalayaan na ating nararansan ngayon sa mga positibong
paraan. Sa pamamagitan ng pag babasa sa kaniyang mga akda ito ay
nagbibigay ng magandang epekto o mag sisilbing magandang ihemplo sa
ating pagka Pilipino, ito ay magsisilbing paraan upang maipamualt ang mga
Pilipino na dapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating bansa at pagiging
makabayan. Maging mabuting mamamayan ng bansa sa isip, sa salita at
sa gawa.

3. Ano-ano ang mga isyu at interes na nasasalaysay sa debate tungkol


sa Batas Rizal?
- Ang pagpapatatag ng Batas Rizal ay hindi madali pagkat dadaan pa
ito sa matinding debate at mga husgado hanggang sa magawang batas.
Higit na limampung taon na ang nakalipas mula nang ipinatupad and
Republic Act. 1425 o mas kilala bilang Rizal Law o Batas Rizal na
pinangunahan ni Jose P. Laurel. Inaprubahan ito noong ika-12 ng Hunyo
1956 noong ito’y tinatawag pang House Bill No. 5561 na
pinangungunahan ni Jacobo Gonzales at Senate Bill No. 438 na
pinangungunahan ni Sen. Claro M. Recto. Ilang henerasyon na ang
naapektuhan sa pagpapatupad ng mga lider ng gobyerno ng Batas Rizal
na kanilang isinulong. Isa sa mga isyung pinagtuonan ng pansin sa
husgado ay ang pagtutol ng simbahang Katoliko sa pag papatupad
upang gawin itong batas. Dahil pinaniniwalaan ng simbahang Katoliko
na ang mga akda ni Jose Rizal ay paninira lang sa imahe ng simbahan.
4. Sa mga isyung nabanggit sa itaas, iugnay ang mga isyu sa
kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas.
- Noon hanggang ngayon di parin maipagkakaila na ang simbahan at
ang gobyerno ay hindi maaring maisa sapagkat ang dalawang sektor na ito ay
may ibat-ibang paniniwala at layunin sa bansa. Noon, nahihirapan ang
simbahang Katoliko na tanggapin ang batas na ito sapagkat ito ay maaaring
makasira sa sagradong imahe ng simbahan lalong-lalo na sa mga prayle.
Pero ngayon sa kasalukuyan, patuloy ng tinanggap ng simbahan ang batas
na ito at ginawang isang asignatura ang pag-aaral sa mga akda ni Jose Rizal
at pati na rin ang kaniyang talambuhay. Kung kaya’t masasabi kong ang
Batas Rizal ay mahalagang pag-aralan upang malaman nating mga Pilipino
kung paano tayo nakalaya laban sa mga mananakop at kasaysayan ng ating
bansa.

You might also like