You are on page 1of 2

Hi

Name: Dave Christopher E. Kaquilala Section: BSMx 1- A

Activity No.1
Panuto: Batay sa tinalakay na unang paksa tungkol sa Rizal Law ay sagutin ang mga sumusunod na
katanungan sa loob lamang nang tatlo (3) hanggang limang (5) pangungusap. (10) puntos bawat bilang)

1. Kung ikaw ay nabuhay noong kasagsagan ng pagsumite ng panukalang Rizal Bill, sasang-ayon ka
ba o hindi na ito ay maipasa? Ipaliwanag ang kasagutan.

Sagut:

Bago ko sagutan ang partikular na tanong na ito, ano ngaba ang Panukalang Rizal Bill?Basi
sa aming aralin ang Panukalang Rizal Bill ay naglalayong gawing mandatory sa lahat ng mga
paaralan, mula elementarya hanggang kolehiyo, ang pag-aaral ng mga aklat at akda ni Dr. Jose
Rizal. Ang mga nangunguna sa paghahanda sa panukalang batas ay naniniwala na ito ay isang
mahalagang hakbang upang mapanatili ang ating pambansang kamalayan at pagkakilanlan bilang
Pilipino,kaya ngayon basi sa aking napag tantong kaalanan tungkol sa partikular na tanong na ito
na kung ako’y nabuhay noong kasagsagan ng pagsumite ng panukalang batas na ito, ay akoy
sasang-ayon sa pagpasa nito. Dahil sa mga kadahilanang una,”Pagpapahalaga sa Kasaysayan”,
si Dr. Jose Rizal ay isa sa mga bayani ng ating bansa at ang kanyang mga akda ay may malaking
kontribusyon sa pagpapalaya at pagpapanday ng Pilipinas bilang isang bansa at sa pamamagitan
ng pag-aaral ng kanyang mga akda, mapapalawak natin ang ating kaalaman tungkol sa ating
kasaysayan at ang mga prinsipyong ipinaglaban niya para sa kalayaan at katarungan.Pangalawa
ay “Pagpapahalaga sa Kultura at Wika”,ang pag-aaral ng mga aklat at akda ni Rizal ay maaaring
maging daan upang maitaguyod ang pagpapahalaga sa ating sariling kulturang Pilipino at
pagsasalita ng wikang Filipino. Ito ay makatutulong na mapanatili ang ating national identity
bilang mga Pilipino at pang huli “Pagpapalawak ng Kamalayan”, Ang mga aklat at akda ni Rizal
ay mayaman sa mga aral at ideya tungkol sa pagmamahal sa bayan, pagiging mapagmatyag at
maawain sa kalagayan ng mga mahihirap, at pagtangan ng responsibilidad bilang isang
mamamayan,sa pamamagitan ng pag-aaral nito, malalawak ang kamalayan ng mga mag-aaral at
mang-aaral sa mga isyung panlipunan at pangkasaysayan na patuloy nating kinakaharap bilang
bansa at dito nagtatapus Ang aking kasugutan sa partikular na katanungan na ito,sa madaling
salita Oo akoy sumasang ayon sa pagpasa nito.

2.Batay sa iyong kasagutan sa unang bilang ay masasabi mo Ba na magagamit mo ang matututunan


mo sa kursong ito sa Iyong magiging buhay sa hinaharap? Pangatuwiranan ang Sagot.

Sagot:
Batay sa aking kasagutan sa unang bilang ay masasabi ko na magagamit ko Ang natutunan ko sa kursong
ito sa aking magiging buhay sa hinaharap sa kadahilanang na. Una, sa pag-aaral ko ng Rizal Bill, nagiging
malamang ang aking nauunawaan sa mga konsepto at prinsipyo na isinulong ni Jose Rizal.Dahil dito ,
nagagamit ko itong mga kaalaman na ito sa pag-analisa ng mga isyung panlipunan at politikal sa
hinaharap,dahil dito nagkakaroon Ako ng mas malawak na pang-unawa sa mga pangyayari at sa lipunan
bilang isang kritikal na mamamayan . Pangalawa, dahil sa pag-aaral ko ng Rizal Bill ay nabigyan nito ako
ng kaalaman tungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Dahil dito nagkatoon ako ng
komprehensibong kaalaman tungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas na natutunan ko sa kursong
ito,at bukod pa dito nagiging malalim ang aking pang-unawa at respeto sa iba’t ibang kultura, na
nagpapalakas sa aking kakayahan na makipag-ugnayan at magtrabaho nang mabisa at positibo sa isang
multikultural na kapaligiran,samakatuwid ito ay labis na makakatulong sa buhay nakin sa hinaharap at
dito nagtatapus Ang sagot ko sa katanungan na ito at maraming salamat sa pagbasa sir.

You might also like