You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

PARTIDO STATE UNIVERSITY


Camarines Sur
PSY-SYL-___-___
PSU-TQM- SOSLIT

MIDTERM EXAMINATION
Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan (SOSLIT)
First Semester, Academic Year 2021-2022

Name: CHRISTIAN C. PACAMARRA Course/ Year: BACOMM 2A Date: _______ Score: ______

A. Ano ang mahalagang kaugnayan ng bisyon, misyon, gols at objektivs ng paaralan sa pag-aaral ng
mga panitikan sa lipunan ? (3 pts)
Ang mahalagaang kaugnayan ng bisyon, misyon, goals at objectives ng paaraalan sa pag aaral ng mga
panitikan sa lipunan ay binibigyang diin nito ang pagkakaroon ng kamulatan at karunungan hindi lang
sa pananaliksik kundi pati na rin sa mayayaamang panitikan ng bikol. Maaaring parang walang
koneksiyon ang mga ito sa iba ngunit maikokonekta natin ito bilang susi sa pag aaral at pagbibigay
pamantayan sa mga mag aaral na husayan nila ang kanilang pag aaral at pananaliksik. Ang paaralang
unibersidad ng partido naglalayon na hasain o linangin ang kaalaman ng mga estudyante hindi lamang
sa ibat ibang kurso kundi pati na rin maging mahusay na manunulat. At sa pamamaagitan din ng
pananaliksik layon din nito na magkaroon pa ng mas kritikal na pagkakaunawa sa kultura, pinagmulan o
paniniwala ng mga taga Partido o Bicol. Malaki ang ambag ng bisyon, misyon, goals at objectives ng
unibersidad upang bigyan ng maayus na pamantayan ang mga estudyante sa kanilang pag aaral at
bilang isang kabahagi ng isang lipunan.
Kung aking titingnan lahat naman ng bagay maaaring magawan ng panitikan kaya marapat na sa
panahon pa lang ng ating pag aaral atin ng hubugin ang kakayahan natin sa pagsusulat sa
pamamaagitan ng pag aaral sa minamahal nating unibersidad dito sa partido. Darating ang panaahon
na mayroong mga estudyante sa PARSU ang magiging mahusay na manunulat. Kaya mas lalo pa nawa
natin pa igtingin at hasain ang kaaalaman at karunungan sa pamamagitan ng ating bisyon, misyon,
goal, and objective ng unibersidad.
B. Ipaliwanag ang mga hangarin at paraan ng panitikan upang maging matibay ang pagamit sa mga
kalagayang nakapangyayari sa panitikan. Halimbawa paglalahad sa klima, kinatitirhan … ( Limang
paliwanag ang inaasahang sagot).( 30 pts)
Masasabi kong ang PANITIKAN ay kaluluwa ng nakaraan o ng may akda. Dito napag uusapan ang ibat
ibang istorya, paniniwala, kulturaa, tradisyun, politika at iba pa. Nagagamit din ito upang bigyan ng
malawak na impormasyon ang mambabasa(readers) sinasalamin nito ang ang mga pangyayari sa
nakaraan na puwede nating magamit sa pananalik bilang isang “reference”
Ang panitikan ay isang uri ng pag susulat o magamit bilang pabigkas na naglalayon na bigyan ng epekto
o impluwensiya ang mambabasa, marami sa ating mga ninuno ang naging mahuhusay na manunulat
tulad na lang ng ating pambansang bayani. Hindi lingid sa ating kaalaman na ginamit ni DR, Rizal ang
pag susulat upang buksan ang kaisipan ng mga Pilipino at mag aklas sa pamamahala ng mga kastila.
Isinaad doon ang kalupitan at pang aabuso ng dayuhan sa ating inang bayan dahilan upang magising sa
katotohanan ang mga Pilipino at lumaban para sa kalayaan. Makikita natin na sa pag susulat puwede
nating makamtan ang kapayapaan at magamit upang buksan ang kaisipan ng mga tao.
Bilang isang mamamayang Pilipino na nakatira sa isang demokratikong bansa, marami sa ating kapwa
Pilipino na ginagamit ang panitikan upang lumaban sa maling pamamaraan o pang aabuso ng
kapangyarihan sa gobyerno. Kabilang din ito sa karapatan natin na ipahayag ang ating mga sarili. Kaya
napapayaman din nito ang karapatan natin bilang isang Pilipino na mapakinggan ang ating boses sa
pamamagitan ng pagsulat sa mga issue.
Sa panitikan mapag aaralan din nating ang likas na yaman ng ating bansa, kultura, paniniwala at mga
tradisyon. Base sa aking mga nabasang aklat at karanasan sa pag aaral bago pa man dumating ang mga
dayuhan mayroon na tayong sariling paniniwala at tradisyun. Kaya makikita natin na sa pamamagitan

Effectivity Date: February 3, 2014 Rev. No.: 00 Page 1 of 6


Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur
PSY-SYL-___-___
PSU-TQM- SOSLIT

ng panitikan tayo ay nakakalakbay sa nakaraan at nabibigyan tayo ng kaalaman na hindi kayang ibigay
ng mga tao sa tabi tabi o sa internet.
Tunay na ang panitikan ay nariyan kahit saan, hanggat may sumusulat mayroong panitikan, hanggat
may opinion o saloobin may panitikan at hanggat may tao may panitikan. Dahil umiikot din naman ang
panitikan sa mga pangyayari sa ating kapaligiran, sa karanasan ng tao, damdamin ng tao at iba pa.
Binibigyan tayo ng panitikaan ng malawak na kaalaman sa buhay ng isang tao, kultura, relihiyon,
politika at kung ano pa man.
Makikita natin na marami ang sakop ng panitikan. Sa pang araw araw nating buhay mayroon palaging
panitikan, kaya may marami tayong impormasyon na pwedeng pagkuhaan. Sa simpleng pakikinig ng
balita o radyo sa bahay malaki ang epekto nito upang malaman natin ang mga napapanahong isyu sa
ating lugar o sa ating bansa at isa itong sakop ng panitikan.
Malaki ang ambag nito upang magkaroon tayo ng malawak na pang unawa sa ating sarili, sa iba, sa
kultura, sa relihiyon. Kung walang panitikan maaaring walang mapagkuanan ng impormasyon,
mahihirapan ang tao na unawain ang mga bagay dito sa mundo. Ang panitikan ang kaluluwa ng
nakaraan o ng isang may akda. Dahilan para malaman din natin ang karanasan niya sa buhay na kahit di
natin naranasan mayroon naman tayong kaalaman. At kung pag uusapan naman natin patungkol sa
nakaraan, dahil sa panitikan nagkakaroon tayo ng malawak na kaalaman kahit na hindi natin inabot ang
mga pangyayari noon.
Ang panitikan ang nagsisilbing taga bukas ng kaisipan ng tao upang magkaroon ng malawak na
kaalaman kahit hindi nila ito nakita o naranasan.
C. Ilarawan ang pamumuhay ng mg Filipino bago dumating ang mga kastila ayon kwento ng Bundok
Isarog. ( 10)
Ang pananakop ng mga kastila sa loob ng 333 na taon ay tunay nga namang mayroon itong malaking
impluwensiya sa buhay ng mga Pilipino. Base sa aking kaalaman relihiyon ang isa sa naimpluwensiya sa
buhay ng mga Pilipino, hindi natin maaipagkaakila na kristiyanismo ang ginamit ng mga kastila upang
tuluyan tayong makontrol at mapamahalaan ng mga paring espanyol. Ngunit bago pa man dumating
ang mga kastila mayroon na tayong sariling paraan ng pamumuhay, sariling paniniwala at tradisyun.
Base sa kwento ng bundok isarog, isa sa pangunahing pinagkukunang hanapbuhay ng mga Pilipino ang
pangangaso. Dahil na rin ang Pilipinas ay mayroong mga isla at kagubatan doon na din mismo ang
hanapbuhay ng ating mga ninuno. Bukod sa pangangaso mayroon na din tayong mga sinaaunang
armas na ginagamit ng ating mga ninuno sa pag babantay sa kanilang mga tribu at ginagamit sa pag
huli o pagpatay ng mababangis na hayop at ito ay pana, sibat o tabak.
Mayroon din ang ating mga ninunono ng sariling pamamaraan ng pagkakasal, ibig sabihin bago pa man
dumating ang mga kastila mayroon na tayong sariling paniniwala at mga diyos. Isa sa sikat na diyos na
palagi nating nababasa sa mga pilipinong libro ay ang pangalang bathala. At base din sa aking kaalaman
maraming mga diyos ang ating mga ninuno, sa paniniwala nila mayroong diyos ng dagat, diyos ng araw,
diyos ng kagubatan at iba pa.
Isa din sa impluwensiya ng mga kastila ang ating mga kasuotan. Pero bago pa man dumating ang mga
dayuhan ang uri ng ating mga damit ay maihahalintulad sa mga damit ng mga indigenous people na
nakatira sa mga bundok. Putong kung saan isa itong tela na nakabigkis sa ulo, kangan na isang pantaas
na damit ngunit walang kwelyo at manggas at bahag na isa namang kapirasong tela na gamit
pangbaba. Ang presko ng damit ng ating mga ninuno dahil isa naman sa rason nito ay mainit sa ating
bansa.
D. Bumuo ng sariling kodigo batay sa prinsipyo o batas na maaaring makita sa Epiko ng Ibalong ( 12)
Ang kwentong ito ay nagsasaad ng katapangan ng Tatlong lalaki na Sina Baltog , Handiong at Bantong.
Ipinakita nila na kaya nilang hamakin ang lahat magkaroon lang ng kapayapaan para sa lugar ng Ibalon.

Effectivity Date: February 3, 2014 Rev. No.: 00 Page 2 of 6


Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur
PSY-SYL-___-___
PSU-TQM- SOSLIT

Nakatuklas din Sila Handiong, Gantong at Hablom ng mga gamit na panggamit nila sa kanilang
pamumuhay. Inutusan ni Handiong si Bantong na paslangin si Rabot. Pero di agad ito pinaslang ni
Bantong, minanman niya muna ang bawat kilos ni Rabot. Base dito sa sinabi sa kwento na kailangan
natin ng maraming katulong para maging matagumpay ang laban. Ang kwentong ito ay nagbibigay aral
na sa bawat paggawa o pakikipaglaban natin kailangan wag muna basta basta tayo susugod o gagawa
ng hindi pinag’iisipan ng mabuti para di tayo mapahamak. Sinasabi rin dito na hindi natin kayang gawin
ang isang bagay o gawain kung hindi tayo hihingi ng tulog sa ibang tao o kaya pati sa ating mga
kaibigan.
Mga prinsipyo na makikita sa epiko ng Ibalong:
- Karapatang usigin upang alamin kung ano ang saloobin ng isang tao.
- Huwag husgahan sa panlabas na anyo
- Ang bawat isa ay may karapatang mabuhay
- Huwag paslangin gaano man ito kasama
Mga tauhan
BALTOG - ang sinasabing kauna-unahang lalaking nakarating sa Kabikulan galing Botavara. Dahil sa
husay at pambihirang lakas ay naging pinuno ng lugar si Baltog.
HANDYONG - Si Handyong naman ay isang dayo sa Kabikulan na siyang nagligtas sa mga tao mula sa
dambuhalang mga nilalang kaya't naging bayani din siya ng epiko.
ORYOL - Si Oryol ay isang ahas na nagbabago ang anyo at naging isang kaakit-akit na boses at tinig
sirena na nagbalak linlangin si Handyong.
CUINANTONG - Si Cuinantong ay ang nakaimbento ng bangka sa kwento
BANTONG - si Bantong naman na kaibigan ni Handyong na siyang nagligtas sa bayan sa bagsik ng
halimaw na si Rabut.

E. Ipaliwanag ang naging epekto ng pananakop ng mga Kastila sa ating panitikan at wika,at sa
-pananampalataya at kaugalian ( 10)
Base sa aking nakuhang impormasyon sa module. Isa sa pinaka karumal dumal na ginawa ng mga
kastila ay ang pag sunog ng mga sinaunang panitikan ng ating mga ninuno dahil sa paniniwala nila na
galing ito sa demonyo. Makikita talaga na bukod sa pag hahanap ng mga kastila ng mga “spices” sa
ating bansa layon din nitong tayo ay sakupin at pamunuan. Malaki ang naging impluwensiya nila sa
buhay ng mga Pilipino dahil nagtayo sila ng mga simbahan sa ibat ibang pook ng pilipinas at gumawa ng
paaralan na ang itinuro ay katuruan sa espanya.
Ginamit nila ang salitang kastila imbes ang wikang tagalog dahilan upang mas nagagamit ng ating mga
ninunong Pilipino ang wikang kastila kaysa tagalog. Nabura din sa paniniwala ng ating mga ninunong
Pilipino ang mga kultura at tradisyun na orihinal na nagsimula sa ating bansa dahil sa dahas ng mga
prayle. Ginamit nila ang ebanghelismo bilang isang instrument na tuluyang makuha ang loob ng mga
Pilipino at pamunuan ang ating bansa sa loob ng 333 taon.
Isa na sa kinagisnan nating relihiyon ang kristiyanismo at hindi natin maipagkakila na hanggang ngayon
dala dala pa rin natin ang impluwensiya ng mga kastila sa buhay natin. Sa ating mga apilyedo na
orihinal na nanggaling sa mga kastila tulad nang Dela Cruz at Rodriguez. Sa ating batas sa pilipinas ay
nasa ilalim ng impluwenisya ng paniniwalang kastila dahil marami sa ating mambabatas ang hindi sang
ayon sa diborsiyo at same sex marriage dahil ito ay taliwas sa katuruan ng kristiyanismo.
Taon taon kinagisnan nang mga Pilipino ang pag diriwang ng pista na orihinal ding galing sa tradisyun
ng mga kastila kaya malaki ang naging impluwensiya ng espanya sa kung ano ang mayroon tayo ngayon
sa Pilipinas.

Effectivity Date: February 3, 2014 Rev. No.: 00 Page 3 of 6


Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur
PSY-SYL-___-___
PSU-TQM- SOSLIT

Kung hindi ako nagkakamali ang pagmamano ay hindi orihinal na kaugalian ng pag galang ng mga
Pilipino dahil ito ay galing din sa kaugalian ng mga espanyol. Simbolismo ito sa kanila na ang nag
mamano ay isang alipin at ang minamanuhan ay nasa mataas na posisyun kaya kung uunawain natin
ang ibig sabihin nito sa panahon ng mga kastila ito ay hindi maganda. Pero dahil na rin sa paglipas ng
panahon ito ay kinaugalian na ng mga Pilipino at ang ibig sabihin nito para sa atin ay pag galang sa mga
nakakatanda sa atin.
F. Ano ang Duplo? Kung gagawa ka ng isang Duplo noong panahon ng kastila, na may nagaganap na
pandemiya, anong paligsahan sa pangangatwiran ang gagawin mo? Maaring magbigay ka ng
halimbawa (12)
Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan ang
kalungkutan sa pagdadasal para sa mga namatay. Ito ay binubuo ng mga “puns”, biro at palaisipan sa
bernakular. Kinalaunan, ang duplo ay naging isang madulaing debate sa pamamagitan ng berso. Ang
nakasanayang gawi ay ang ibang manlalaro ay mag bibintang sa iba ng mga kathang krimen, at ang
mga akusado naman ay ipagtatangol ang kanilang sarili. Ang usapan o dayalogo ay nagiging mas
masigla gamit ang mga kotasyon mula sa mga awit at corridor na ginagamit sa debate. Kapag ang isang
nakikipagtalo ay nag bigay ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa kanya, siya ay kadalasang
pinaparusahan sa paamamagitan ng pagpilit sa kanya na mag sabi ng isang “dalit” para sa namatay.
- kung gagawa ako ng isang duplo noong panahon ng kastila, na may nagaganap na pademiya, marahil
ang gagamitin kong pamamaraan sa pangangatwiran ay ang pasulat ng aking obserbasyon tungkol sa
pandemya sa pamamagitan ng pag gawa ng isang tula na may dalawang tuhan na nag tatagisan ng
kanilang punto o pinaglalabang opinion.

Halimbawa:
“Ang pandemya at tao”

Tao: Narito tayo sa isang panahon


Na sa buhay ng tao may naka ambang lason
Kalabang hindi nakikita
Paano ang ating pakikibaka?

Pandemya: ako ay iyong ginalit


Dahil sa ugali niyong mapapait
Winawasak niyo ang aking yaman
Kaya ako naririto upang kayo ay parusahan

Tao: Hindi mo ba nakikita marami na ang biktima


Ng iyong kahibangan at buhay naming iyong inalipusta
Kami ay tao lang nakagagawa ng pagkakasala

Effectivity Date: February 3, 2014 Rev. No.: 00 Page 4 of 6


Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur
PSY-SYL-___-___
PSU-TQM- SOSLIT

Kaya sana naman ikaw ay sa amin mag palaya!

Pandemya: Dahil sa inyong kapabayaan


Sinira ng teknolohiya ang aking kalikasan
Dahilan upang hind maging balanse ang buhay
Kaya sa huli kayo rin naman ang gagawing bangkay

Tao: Kung sa aming gawa kami ay nagkasala


Alam ko na marami sa tulad ko ang naging pabaya
Hayaan mo na kami ay makabawi
Upang sakit na ito ay sa amin mapawi.

G. Ilarawan ang buhay at talambuhay ng propagandista batay sa panitikan , “Sa Dasalan at


Tocsohan” ? (10)
Kung ilalagay natin ang buhay sa may akda makikita natin ang pag aabuso ng mga prayle sa mga
Pilipino. Ang mga paring espanyol ang nagtuturo ng batas ng Diyos at kabanalan ngunit ito ay taliwas sa
kanilang mga gawa. Pinapakita sa panitikang “ SA DASALAN AT TOCSOHAN” kung gaano kagahaman
ang mga prayle sa kapangyarihan at pera. Kung aking titingnan salapi ang umiikot sa buhay ng mga
prayle at kung ang mga Pilipino noon na walang mga salapi sila ay dehado sa kamay ng mga pari.
Sa paglalarawan base sa panitikang aking binasa na hango sa mga panalangin na pinalitan o binago ang
bersyon sa paraan ng pang iinsulto sa mga pari makikita ko na nais ni Marcelo H. Del Pilar ipahayag ang
tunay na kulay ng mga pari at sinasalamin kung anong klaseng buhay mayroon ang mga Pilipino. Na
hindi lahat nabibigyan ng karapatan at nabibigyan lang ng maayus na pagtrato kung mayroon kang
malaking salapi.
Si Marcelo H. Del Pilar ay isa sa kabahagi ng propagandista na nag nanais ng reporma o pag babago ng
pamamahalaa. Maalab nilang ipinaglalaban ang karapatan nila bilang isang Pilipino. Mahirap ang
kanilang kalagayan noong panaahon ng kastila dahil sila ay tumatago para sa kanilang kaligtasan upang
patuloy na makaapag sulat laban sa mga dayuhan.
Makikita din natin doon sa sulat niya ang pag aabuso at pangmumulistiya ng mga pari sa Pilipino at pag
aabuso sa mga ito. Madilim o para bagang isang bangungot na hindi makagising sa loob ng 333 na taon.
At kung sino pa ang inaasahan nating maging mabuti o banal sila pa ang gahaman at mapang abuso sa
kapangyarihan.
H. Magbigay ng apat na mensahe tungkol sa kalagayan ng lipunan noong Panahon ng Propaganda at
Himagsikan Laban sa mga Kastila, batay sa isang pelikulang Pilipino. (13)
Kung ating babalikan ang nakaraan at pananakop ng mga kastila sa loob ng 333 taon masasabi kong isa
itong bangungot. Maraming magigiting na Pilipino ang nakipag laban sa mga dayuhan upang makamtan
ang inaasam na kalayaan. Kaya isang malaking aral ito sa kasaysayan ng pilipinas na ang Pilipino ay
handang makipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa at may angking talino sa pag hihimagsik. Tulad
na lang sa buhay nila DR. Jose P. Rizal at Andres Bonifacio ilan lamang sila sa may pinaka malaking
ambag sa pakikipag laban sa mga kastilang dayuhan para sa ating kalayaan na tinatamasa ngayon.
Kung aking pag babasehan ang pelikulang salin sa istorya ni Andres Bonifacio makikita natin doon ang
ibat ibat aral sa ating kasaysayan. Ang masidhing pagmamahal sa bayan, pag mamahal sa wika, ang

Effectivity Date: February 3, 2014 Rev. No.: 00 Page 5 of 6


Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur
PSY-SYL-___-___
PSU-TQM- SOSLIT

magigiting at matatapang nating mga Pilipino na nakipag laban sa mga dayuhan, at mismong ang iyong
kapwa Pilipino ang magiging mong kalaban dahil sa kapangyarihan.
Ipinakita din doon na hindi lahat ng laban ay madadaan sa dahas at isa na nga diyan ang armas ni Rizal,
ang kanyang nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo. Ginamit ito upang buhayin ang matang
nakabiring at upang mag sagawa ng pag aaklas laban sa mga kastila. Ipinapakita na mayroon talagang
angking talino ang mga Pilipino lalong lalo na sa panitikan o pag susulat.
Isa pa sa magandang aral na mapupulot natin sa ating kasaysayan ay ang pagmamahal sa sariling wika.
Sa panahon natin ngayon maraming kabataan ang nahuhumaling sa mga banyagang wika na umabot
pa sa punto na wala na silang malalim na pagkakaintindi sa sariling wika. Pero kung ilalagay natin ang
ating sarili noong panahon ng kastila, suguro mas mapapahalagahan natin ang wikang Pilipino. Sabi nga
ng ating pambansang bayani “Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang
isda”.
At ipinapakita din na noon pa ng panahon ng kastila isa sa pangit na pag uugali ng mga Pilipino ang
pagkakaroon ng alitan sa posisyun dahilan upang sila mismo ay maglaban laban at magpatayan tulad
na lang sa nangyari kay Andres Bonifacio at Heneral Antonio Luna. At hanggang ngayon sumasalamin
pa rin ito sa ating gobyerno, ang pagkakaroon ng alitan dahil sa pag aasam ng iisang posisyun dahilan
upang maglaban ang bawat isa.
Ngunit sa lahat ng ito iisa lang inasam ng ating mga bayani yun ay ang magkaroon ng kalayaan ang
inang bayan laban sa mga dayuhan. Malaking pribiliheyo ito sa buhay natin ngayon na tinatamasa natin
ang kalayaan na ipinaglaban ng ating mga bayani at ang responsibilidad naman natin ngayon ay
panatilihin at ipaglaban ito laban sa mga gahamang bansa tulad na lang ng bansang china. Ipaglaban
natin ang para sa atin at patuloy na palakasin at palawakin ang soberanya ng ating bansa. At idadagdag
ko pa na ang pagbabayaanihan at paagtutulungan ng mga Pilipino upang makamtan ang kanilang mga
minimithi ay isa sa orihinal na kaugalian na namana natin sa ating mga ninuno.
Mapa hanggang ngayon nakikita ko na dumadaloy pa rin sa dugo ng bawat Pilipino ang masidhing
pagmamahal para sa ating bayan, pagkakaroon ng magandang bisyon at pangarap sa ating bansa. Kaya
maarapat na huwag nating kalimutan ang kasaysayan at pahalagahan ito sa ating mga buhay. Pilipinas
ay para sa Pilipino.

Prepared by: Reviewed by: Approved:

MARIA AURORA G. CABALLERO, LEEMAR C. SERRANO JONI NEIL B. CAPUCAO, DIT


Ed D.
FACULTY PROGRAM DIRECTOR DEAN

Effectivity Date: February 3, 2014 Rev. No.: 00 Page 6 of 6

You might also like