You are on page 1of 6

6

Korean Drama , Ugali, Generation Z

Kabanata 2

Kaugnayan sa Literatura

Filipino sa Iba't Ibang Disiplina (n.d.) Ito ay patungkol sa iba't ibang larangan kung paano

magkaroon ng isang disiplina ang isang tao. Nandito din ang mga kasaysayan ng Media, Telebisyon , at ang

pelikula na maaring makatulong sa aking pananaliksik, dahil mayroon itong kaugnayan sa aking pananaliksik.

Mayroon itong nilalaman na makakatulong sa isang kasagutan at nilalaman ng aking paksa. Nakapaloob din dito

ang ano ang isang laman ng libro na kung ang pelikula ang pinaguusapan. Ang pelikula ay may kaugnayan sa

kinahihiligan ng isang kabataan na maari maiugnay sa panonood ng Korean Drama dahil ang Korean Drama ay

mayroong pelikula. Philippine one (2017) Nakapaloob dito ang iba't ibang dahilan kung bakit kinahuhumalingan

ito ng mga kabataan ang iba't ibang larangan pagdating sa Korean Wave tulad ng Korean Drama na mayroong

kaugnayan sa aking pananaliksik upang maisagawa ko ito ng maayos at may sapat na kaalaman ukol dito. Hallyu

and I : Sa Likod ng Korean Wave (2018) Nakapaloob dito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkahumaling

sa korean drama at ang mga kaalaman o paraan bakit ito pinagiinteresan. May kauugnayan ito dahil kahit kakaunti

bagama't malaki ang maitutulong nito sa aking pananaliksik at nagkakaroon ng panibagong impormasyon ang

aking pananaliksik tungkol sa Korean Drama.

Guide for Parents (n.d.) Ito ay patungkol sa mga magulang na mga hakbang at paraan na paano

nga ba nila maalagaan at magabayan ng maayos ang kanilang anak na ngayon ay isa na sa mga "kabataan: Pag-

asa ng bayan". Ngayong naging isa na sila sa inaasahan natin. Nandito ang mga tamang paraan, gawin, at gabay

para sa ang mga anak ay hindi mapasama. Ito rin ay patungkol sa nagiging ugali ng anak sa kung ano ang kanilang

ginagawa kapag ito nahuhumaling sa bagay- bagay. Sa bawat takbo ng panahon, ay mayroong makabagong

natutuklasan ang mga kabataan kung kaya't mabilis silang naiimpluwensiyahan at ito ay isang mahirap

para sa magulang ang pagkaroon ng pagaalala sa kanilang anak na mayroong kinahuhumalingan na maaring

magkaroon ng positibo at negatibong epekto nito sa kanilang mga anak, lalo na sa mga kaugalian ng mga
7
kabataan. May kaugnayan ito dahil makakatulong itong libro para makakuha ako ng impormasyon tungkol sa

magulang na may anak na nararanasan ang pagkahumaling ng kanilang anak sa anumang bagay tulad ng Korean

Drama na iugnay sa aking paksa. Magandang pagaralan ito dahil maaring marami akong makuha para sa aking

pananaliksik, para sa mga magulang at mga kabataan ang isa sa mga kahalagahan ng aking pananaliksik.
8
Kaugnay sa Pag-aaral

Isang Pagsusuring Komparati o sa panonood ng soap opera ng mga piling mag-aaral ng

hayskul ng Mary Immaculate Parish Special School at sa pananaw nila sa Romantikong Pag-ibig (2008)

Nakapaloob po dito ang mga kaganapan at kaugalian ng mga kabataan na ang bawat pananaw dito ng isang

kabataan ay may higit pang nalalaman ukol dito. Nandito din ang mga "channel" na madalas panoorin ng mga

kabataan at ilang episodes ang kanilang napapanood. Nasa pahayagan din dito ang mga datos o impormasyon

tungkol sa mga soap operas na pagkaroon ng epekto sa asal at ugali ng mga kabataan. Maraming patungkol sa

telebisyon na kung bakit nagkaroon ng telebisyon ang pilipinas at kasaysayan tungkol sa mga soap operas na

kinahihiligan ng mga kabataan at labis na pagkahumaling ng kabataan sa soap operas na nagkakaroon ng epekto

sa asal at kaugalian ng mga kabataan. Ang kaugnayan nito sa aking pag-aaral ay mayroong kaugnayan ito sa

aking paksa dahil ang Korean drama ay kahalintulad din ng mga soap opera na ipinapalabas sa telebisyon. May

patungkol din ito sa asal at ugali dahil maari kong maiugnay sa Korean drama. May Kaganapan at impormasyon

naglalahad na makakatulong sa aking pananaliksik at pagpahayag ng mahahalagang impormasyon na maiugnay

ko sa aking hinahanap na datos o kasagutan sa aking pananaliksik. Ito ang aking magsisilbing pangunahing ideya

o paraan para ang making pananaliksik ay maisagawa ko at maayos ko itong mabibigyang sagot ang aking pag-

aaral ukol dito. Ito ay may kaugnayan at aking napili dahil may nabasa akong nakapaloob dito sa librong ito na

maraming kasagutan at sangguniang pag-aaral o datos na maari kong gamitin o mabigyan ako ng ideya sa gagawin

kong pananaliksik. Understanding the embrace of Filipino Teenagers on Korean Drama (2017) Ito ay

patungkol sa mga iba't ibang pagtingin ng mga kabataan sa bagong pinagiintersan sa mga Korean drama at mga

posibilidad na pamamaraan bakit ito mas labis kinahuhumalingan. Ito rin ay nagpapaliwanag ng mga dahilan

upang mas lubos maunawaan ng karamihan ang pagkahumaling o pagkahilig ng mga kabataang Pilipino sa

Korean Drama at pagpapakita ng mga maaring epekto nito. Batay sa mga kailangan pang alamin, nakapahayag

dito ang hakbangin at makapagbigay ideya sa aking isasagawang pananaliksik. May Kaugnayan ito dahil Una,

ito ay patungkol sa Korean drama at pangalawa, sa mga pagtukoy kung bakit ito napagiinteresan ng mga kapwa
9
Kabataang Pilipino. Ito ay magiging gabay upang ang aking pananaliksik ay magkaroon ng impormasyon na

aking maidadagdag sa aking pananaliksik ukol sa aking paksa. Children Learning About The Family from

television (1983) Ito ay patungkol sa mga anak at sa pamilya na mahilig o nahuhumaling sa panonood ng

television at ito ay nagpapakita ng mga apekto at pamamaraan ng mga maaring kahihinatnan nito.Sa madalas na

kinalilibangan ng isang pamilya ang panonood ng television, at ang oras na ito ay nagiging dahilan upang sila'y

magkasama. Sa panonood ng television marami tayong bagong natutuklasan o napupulot na aral dulot nito. Ito ay

maari kong maiugnay sa aking pananaliksik dahil pagdating sa Korean Drama ay atin din sila napapanood o

pinapanood sa television o sa mga electronic devices na kung ating ito'y tawagin ay gadgets. Ito ay nakapaloob

tungkol sa mga dahilan kung bakit ito ay isa sa mga paraan upang ang isang pamilya ay magkasama o maging

buo na kaht abala sa trabaho ang magulang at ang mga anak ay abala sa pag-aaral o ang pagkahumaling ng anak

sa panonood sa mga television. Ito ay makakatulong sa aking pananaliksik dahil magkakaroon ako ng ideya at

karagdagang impormasyon upang maisagawa ko ng maayos ang aking gagawing pananaliksik. Isa ding itong

ambag upang masiayos ko ang bawat kakulangan na dapat maipahayag. Ito ay may kahalagahan sa aking

pananaliksik, dahil ang magulang at ang anak na isa sa mga kabataan na nahuhumaling o hindi pa ganoon

tinatangkilik ang Korean Drama ay ang isa sa aking kahalagahan sa pag-aaral upang lubos nila ito'y maunawaan.
10
11

You might also like