You are on page 1of 4

PAGBASA SCRIPT

Elaine

Aibby

Colleen

Jules

Chris

Sean

CJ

Elaine: Guys, try niyo pakinggan yung OST ng Our Beloved Summer na ang title ay Christmas Tree.
Promise ang ganda non.

Aibby: Weh? Talaga ba? Sigeee (may kasamang nod habang nagtitinginan)

Colleen: Sigeee (may kasamang nod habang nagtitinginan)

Jules: Sa ngayon, ang mga tao sa lahat ng edad ay nasisiyahan sa panonood ng mga Korean drama
bilang isang sikat na aktibidad sa paglilibang. Ang mga serye sa telebisyon na ito, na kilala rin
bilang K-dramas, ay ginawa sa Korea at karaniwang binubuo ng labindalawa hanggang
dalawampu't apat na yugto. Una silang nagsimulang ipalabas sa Korea noong 1960 at naging
popular sa Pilipinas noong 2003, partikular sa genre ng romansa.

Chris: Maraming kabataan ang nahumaling sa panonood ng mga K-drama dahil sa nakakaakit na
mga storyline. Higit pa rito, ang mga kaakit-akit na anyo ng mga karakter ay nakakatulong din sa
pang-akit at alindog ng mga palabas na ito para sa mga manonood.

Sean: Ang paglaganap ng Korean Drama sa buong mundo lalo na sa Pilipinas ay nagkaroon ng
malaking epekto sa mga manonoood nito. Nakakaaliw panoorin ang K-drama para sa mga Pilipino
subalit mayroon din itong mga salik na maaring maapektuhan.

CJ: Batay nga sa pag-aaral na Impluwensiya ng Korean Drama sa Pag-Aaral ng Isang Estudyante Sa
Ika-Siyam na Baitang nina Gatmaitan et al., (2018) napatunayan na malaki ang nagiging epekto at
responsibilidad ng panonood ng Korean drama sa paghulma sa kabuoang konsepto sa sarili ng
mga mag-aaral.

Elaine: Marami ang nagsasabi na ito ay nagiging inspirasyon nila sa kanilang pamumuhay. Isa na
rito ang mga mag-aaral mula sa ika-labing dalawang baitang ng Puerto Galera National High
School-Main Campus. Ito ang nagbunsod sa mga mananaliksik na gumawa ng pag-aaral na
pinamagatang,

Lahat: Mga Salik na Naaapektuhan sa Panonood ng Korean Drama

Lahat: Annyeonghaseyo! Urineun saljo-imnida! Magandang Araw! Kami ang Pangkat Apat!

Aibby: Narito ang nais masagot na mga katanungan sa nasabing pag-aaral. Una, ano-ano ang mga
salik na naaapektuhan sa panonood ng Korean drama sa mga mag-aaral ng baitang labing dalawa
mula sa Puerto Galera National High School-Main Campus?

Colleen: Ikalawa, positibo o negatibo ba ang nagiging epekto ng panonood ng Korean Drama?

Jules: At ang ikatlo ay anong proyekto o programa ang maaaring ipatupad na makapagbibigay ng
solusyon sa negatibong epekto ng Korean Drama?

Chris: Makikita sa unang kahon ang input kung saan naglalaman ng mga salik na naaapektuhan
sa panonood ng Korean Drama.

Sean: Sa ikalawang kahon naman ay ang proseso upang makakuha ng datos at impormasyon sa
pamamagitan ng pakikipanayam o interbyu.

CJ: At ang ikatlong kahon ay naglalaman ng paggawa ng isang gabay tungkol sa iba’t ibang epekto
ng panonood ng Korean Drama sa mga mag-aaral ng ikalabindalawang baitang.

Elaine: Upang madaling matalakay ang aming pag aaral, ang napili naming gamitin na disenyo ng
pananaliksik ay kwualitatibo na naglalayon na maibigay ng kumpleto at detalyadong
interpretasyon at paglalarawan ng paksa ng pananaliksik.

Aibby: Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamaraan ng kwalitatibo upang malaman at


matukoy ang mga salik na naaapektuhan sa panonood ng Korean drama ng mga mag-aaral mula
sa ikalabindalawang baitang ng Puerto Galera National High School-Main Campus.

Colleen: Bilang lugar ng pag aaral ng isasagawang pananaliksik tungkol sa mga salik na
naaapektuhan sa panonood ng Korean Drama ay napili ng mga mananaliksik ang ika-
labindalawang baitang sa paaralan ng Puerto Galera National High School Main Campus.

Jules: Sa pigpili ng respondente, ang mga mananaliksik ay kukuha ng kalahok para sa pangangalap
ng mga datos at impormasyon, na kung saan ito ay magiging batayan para sa mas matibay at
kongkretong datos. Ang mga mananaliksik ay pipili ng limang mag-aaral na nanonood ng Korean
Drama sa bawat istrand mula sa ikalabindalawang baitang sa Puerto Galera National High School
Main Campus.
Chris: Ang gagamitin naman ng mga mananaliksik sa pagpili ng kalahok ay ang purposive
sampling upang mas makakamit ng mga mananaliksik ang kanilang mga layunin sa isasagawang
pag-aaral nang mas mabilis at mas epektibo.

Sean: Ang mga kalahok ng ikalabindalawang baitang sa Senior High School na isasasama bilang
repondente ay may kabuoan na dalawampu’t lima (25) na magmumula sa istrand ng Humanities
and Social Sciences (HUMMS), Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM),
Accountancy, Business and Management (ABM), Technical-Vocational-Livelihood (TVL), at Arts
and Design.

Cj: Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gagamit ng interbyu o pakikipanayam bilang
pangunahing instrumento sa pangangalap ng datos na magagamit sa pag-aaral.

Elaine: Sa pamamagitan ng interbyu, ang mga mananaliksik ay magkakaroon ng pagkakataon na


malalimang maunawaan ang mga salik na naaapektuhan ng panonood ng Korean Drama sa mga
tao.

Aibby: Ang mga datos na makukuha sa interbyu o pakikipanayam ay magiging mahalagang


sangkap sa gagawing pag-aaral.

Colleen: Narito ang sipi ng mga tanong na gagamitin sa naturang panayam para sa piling mag-
aaral ng ikalabindalawang baitang. Una, gaano ka na katagal nanonood ng Korean drama?

Jules: Ang ikalawa ay ano ang mga uri ng Korean drama ang kadalasan mong pinapanood?

Chris: Ang ika-tatlong tanong ay sa iyong palagay may mga salik itong naapektuhan sa iyong pang
araw-araw na pamumuhay?

Sean: Ang ika-apat naman ay may kaugnayan sa ikatlong tanong, kung mayroon, ano-ano ang mga
ito?

Cj: At ang ika-lima ay may positibo o negatibong epekto ba ang panonood ng Korean drama sa
iyo?

Elaine: Ang gagamitin ng mga mananaliksik bilang paraan ng pangangalap ng datos ay ang
nakabalangkas na pakikipanayam. Ang pakikipanayam o interbyu ay kailangan ng mga
mananaliksik upang makakuha ng datos na kailangan sa pag-aaral.

Aibby: Bago magsimula ang interbyu ay magkakaroon muna ng maikling oryentasyon sa mga mag-
aaral tungkol sa pagiging konpidensyal ng mga makakalap na datos.

Colleen: Pagkatapos ng pakikipanayam o interbyu ay sisimulan na ang mga mananaliksik ang


pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga nakalap na datos.

Jules: Muli, ito ang aming pag-aaral na pinamagatang


Lahat: Mga Salik na Naaapektuhan sa Panonood ng Korean Drama

Chris: Binibining Salazar, kami po ay handa na sa inyong mga tanong, suhestyon, at klaripikasyon.

You might also like