You are on page 1of 7

SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

PANIMULA

Isa ka rin ba sa mga umaasang magkaroon ng "Slow-mo Effect" at "Love Tropes"

na karanasan sa iyong buhay. Biktima ka na rin ba ng pagkabaliw sa Korean Drama na

kinagigiliwan ng mga kabataan. Sa panahon ngayon, imposible sa kahit isang miyembro

ng inyong tahanan ang hindi nanonood ng mga kinakaaliwang Korean Drama

Laganap ang impluwensya ng kultura ng South Korea sa Pilipinas at ibang bahagi

ng mundo o sikat sa tawag na "Korean Wave" o "Hallyu". Maraming sikat na ekspresyon

na ginawa ang mga Koreano na kung saan ay ginagawa na rin ng mga Pilipino sa

kanilang pang araw-araw na kinagawian kagaya ng "Finger Hearts" at "Arm Hearts" na

nagpapakita ng pagmamahal, at syempre ang salitang "Saranghae" na halos lahat ng

Plipino ay alam at ginagamit ang salitang iyon.

Hindi maikakaila ang pagtangkilik ng maraming Pinoy sa mga telebisyong drama

dahil sa romantikong palabas na kadalasang lumalampas pa sa kanilang imahinasyon.

Ang "kilig-factor" o romantikong pananabik ay isa sa makabuluhang elemento  na kung

saan dahil dito ay umusbong ang K-drama sa iba't ibang bahagi ng mundo kaya't

kinahuhumalingan ito. Ang mga drama sa Korea ay isa sa pinaka gustong pang-gamot na

maihahandog ng manonood sa kaniyang sarili at pinupunan ang kaniyang gutom sa

kasabikan dahil karamihan sa mga drama ng Korea ay naglalaman ng tema na tugma sa

kasanayan at kinagawian ng mga pilipino.

Sinubaybayan ang Goblin, Our Beloved Summer, Weightlifting Fairy, Parasite,

Descendants of the Sun, Squid Game, Crash Landing On You, Reply 1988 at ilan lang ito

sa mga palabas na hinagulgulan, kinagalitan, kinakiligan, at nagpatawa sa mga Pilipinong

tumatangkilik dito. 

1
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

Kabilang sa dahilan kung bakit sikat na sikat ang K-drama sa kadahilanang hindi

inaasahang daloy ng kwento sa isang pelikula o serye, talagang mapapaabang at

mapapahula sa bawat kaganapan, matatapos talaga ito nang isang upuan lamang dahil sa

tensyon. Naglalaman ito ng nakakapukaw at nakakamanghang sinematograpiya na sa

kahit anong edad ay maaakit dito. Mararamdaman ng mga manonood na konektado sila

sa bawat eksena sa kahit anong aspeto ng palabas.

Noong 2003, nagsimulang mag-broadcast sa Pilipinas ang mga drama sa South

Korea. "A Successful Story of a Bright Girl" ay ang unang Korean drama na pinalabas sa

telebisyon sa Pilipinas. Sa nakalipas na dalawang dekada, ang GMA Network ay

nagpalabas ng malaking bilang ng mga Filipino-dubbed na Korean drama.

Ayon sa Motion Picture Association of America (MPAA), ang halaga ng sinehan

ng South Korea noong 2018 ay USD 1.6 bilyong mula sa pandaigdigang merkado ng

pelikula na USD 41.1 bilyon, na naglalagay ng halaga ng sinehan sa South Korea sa ika-

limang pinakamalaking sa mundo kasunod ng North America, China, Japan, at United

Kingdom. Namumukod-tangi ang mga pelikula sa South Korea sa mga pinaka

prestihiyosong film festival sa mundo. Sa taong 2023, maraming nabago sa wika at sa

paraan ng pakikipag komunikasyon. Bunga ng pagiging malikhain ng tao, maaring sila ay

makalikha ng mga bagong salita na nakukuha nila sa iba't ibang lugar at pangyayari.

Kung kaya’t, layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang epekto ng panonood ng

Korean Drama sa pananalita at  pag-uugali ng mag-aaral ng Accountancy, Business, and

Management Baitang 11 sa San Jose City National High School. Sa tulong ng

pananaliksik na ito ay masuri kung paano nakakaapekto ang panonood ng Korean Drama

2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

sa kanilang mga komunikasyon sa iba, gayundin sa kanilang mga kaugalian at pag-

uugali.

1.1 Paglalahad ng suliranin

Pangkalahatang layon ng pag-aaral na ito ang epekto ng panonood ng Korean

Drama sa pananalita at pag-uugali ng mga mag-aaral ng Accountancy, Business, and

Management Baitang 11 sa San Jose City National High School. Sa partikular, ang

pananaliksik na ito ay naglalayong mahanap ang mga kasagutan sa mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano-ano ang sosyo-demograpikong katangian ng mga mag-aaral sa

Accountancy, Business, and Management Baitang 11 ng San Jose City National

High School, tulad ng edad, kasarian, bilang ng oras na iginugugol sa panonood ng

Korean Drama, at gamit na data provider?

2. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng panonood ng Korean drama sa

pag-uugali at pananalita ng mga mag-aaral ng Accountancy, Business, and

Management Baitang 11 sa San Jose City National High School?

3. Ano-ano ang mga dahilan ng panonood ng Korean drama ng mga mag-aaral ng

Accountancy, Business, and Management Baitang 11 sa San Jose City National High

School?

4. Paano nakakaapekto ang mga elemento ng Korean drama tulad ng musika, kasuotan,

at pag-arte sa pananalita at pag-uugali ng mga mag-aaral ng Accountancy, Business,

and Management Baitang 11 sa San Jose City National High School?

3
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

5. Ano-ano ang kahalagahan ng panonood ng Korean drama sa pananalita at pag-uugali

ng mga mag-aaral ng Accountancy, Business, and Management Baitang 11 sa San

Jose City National High School sa sarili, pamilya, at lipunan?

1.2 Layunin ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa epekto ng panonood ng Korean drama sa

pananalita at pag-uugali ng mga mag-aaral ng Accountancy, Business, and Management

Baitang 11 sa San Jose City National High School. Sa partikular, nilalayon ng

pananaliksik na maisukatuparan ang mga sumusunod: 

1. Malaman ang sosyo-demograpikong katangian ng mga mag-aaral sa Accountancy,

Business, and Management Baitang 11 ng San Jose City National High School, tulad

ng edad, kasarian, bilang ng oras na iginugugol sa panonood ng Korean Drama, at

gamit na data provider.

2. Malaman ang mga positibo at negatibong epekto ng panonood ng Korean drama sa

pag-uugali at pananalita ng mga mag-aaral ng Accountancy, Business, and

Management Baitang 11 sa San Jose City National High School.

3. Malaman ang mga dahilan ng panonood ng Korean drama ng mga mag-aaral ng

Accountancy, Business, and Management Baitang 11 sa San Jose City National High

School.

4. Malaman kung paano nakakaapekto ang mga elemento ng Korean drama tulad ng

musika, kasuotan, at pag-arte sa pananalita at pag-uugali ng mga mag-aaral ng

Accountancy, Business, and Management Baitang 11 sa San Jose City National High

School.
4
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

5. Malaman ang kahalagahan ng panonood ng Korean drama sa pananalita at pag-

uugali ng mga mag-aaral ng Accountancy, Business, and Management Baitang 11 sa

San Jose City National High School sa sarili, pamilya, at lipunan.

1.3 Paghihinuha 

Sa pamamagitan ng mahusay na pagbabalangkas ng mga suliranin ay nabuo ng

mga mananaliksik ang mga sumusunod na hinuha:

1. Walang kaugnayan ang sosyo-demograpikong katangian ng mga respondente, tulad

ng edad, kasarian, bilang ng oras na iginugugol sa panonood ng Korean Drama, at

gamit na data provider.

2. Walang inihahandog na positibo at negatibong epekto ng panonood ng Korean drama

sa pag-uugali at pananalita sa mga mag-aaral.

3. Walang kinalaman ang dahilan ng panonood ng Korean drama sa mga mag-aaral.

4. Walang inihahaing nakakaapekto ang mga elemento ng Korean drama tulad ng

musika, kasuotan, at pag-arte sa pananalita at pag-uugali.

5. Walang kahalagahan ng panonood ng Korean drama sa pananalita at pag-uugali sa

sarili, pamilya, at lipunan.

1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral 

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa mga epekto ng panonood ng Korean

drama sa pananalita at pag uugali ng mga mag aaral ng ABM 11 sa San Jose City

National High School na mayroong malaking kapakipakinabang sa mga sumusunod:

5
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

Sa mga Mag-aaral

Ang pag aaral na ito ay makakatulong sa mga mag aaral upang mas lalong

mahubog ang kanilang pag uugali at kasanayan sa pananalita. Nakatutulong din ito upang

malaman ng mga mag aaral ang iba't ibang mga positibo at negatibong epekto ng

panonood ng Korean drama.

Sa mga Guro

Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga guro sapagkat ito ang magbibigay sa

kanila ng ideya sa kung anong mga pamamaraan ang kanilang isasagawa upang

makatulong sa kanilang mga estudyante.

Sa mga Kaibigan

Malaki ang maitutulong ng panonood ng Korean drama upang  magbigay ng

inspirasyon at motibasyon sa buhay. Maaaring magdulot ng inspirasyon at motibasyon

ang mga kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan, at pagpupunyagi sa Korean drama. At

nakatutulong din ito upang mahubog ang pananalita at pag uugali nila.

Sa mga Magulang

Para naman sa mga magulang, makikira nila ang mga positibo at negatibong

magiging epekto ng panonood ng korean drama sa pananalita at pag-uugali ng kanilang

mga anak. 

6
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

Sa mga Mananaliksik 

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring gamiting gabay upang makakuha

ng mga karagdagang impormasyon ang mga susunod na mananaliksik na may interes sa

panonood ng korean drama.

1.5 Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa “Epekto ng Panonood ng Korean Drama sa

Pananalita at  Pag-uugali ng Mag-aaral ng Accountancy, Business, and Management

Baitang 11 sa San Jose City National High School” Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa

piling mag-aaral ng Accountancy, Business, and Management Baitang 11 sa San Jose

City National High School.

Ito ay para lamang sa Ikalawang Semestre Taong Panuruan 2022-2023.

7
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

You might also like