You are on page 1of 10

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St, Navotas, Metro Manila

Impluwensya ng Piling Pelikulang Dayuhan

sa mga Mag-aaral ng BSBA 1Q Sangkot ang Gramatika Isang

Masuring Pag-aaral

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan sa Asignaturang

Kontekstwalisadong Komunikasyon

Ipinasa nina:
Jonalyn Bunye
Diane Abegail Sabilao
Hazel Gangawan
Maverick Gutierrez
Jhon Paulo Nunez
John Steven Garcia
Rafael Langreo
David Ignacio
Daniel Corpin
Darwin Malonzo

Cristopher S. Sobremesana
Propesor
3

Kabanata 1

Ang Suliranin at Kaligiran nito

Sa mabilis na pagbabago ng panahon ibat-ibang uri ng

pelikulang dayuhan ang patuloy na tinatangkilik ng mga kabataang

Pilipino. Ang iba rito ay labis na nakaimpluwensya sa kanilang

pamamaraan sa buhay. Ayon kila Mcluhan at Fiore (2015) ang

magabagong taon ng medya ay nakasalalay ang mga kahalagahan

nito sa kanyang mga daluyan. Ang ibig sabihin ang lahat ng mga

medya ay mawawalang saysay kapag may balakid ang mga daluyan

halimbawa ang telebisyon ito ay mawawalan ng silbi kapag walang

kuryente.

Sa tulong na din ng modernong mass media mas lalong

lumawak ang impluwensya ng mga pelikula, musika, at mga theatro

sa mga Pilipino sa larangan ng panitikan at mga gramatika. Kung

inyong mapapansin an gating mga dula-dulaan kung saan ang dating

tema nito ay tungkol sa mga bayani sa libro at mga matagumpay

niyang paglalakbay. Yung iba naman ay hango sa tunay na

kaganapan at nararanasan ng mga Pilipino. Maging ang mga pagbuo

naten mga panitakan sa pagsusulat ay na impluwensyahan ng

lubosan sa aspeto ng gramatika.

Sa ngayon henerasyon karamihan sa mga estudyante ay

ginugugol ang oras sa panonood ng mga pelikula mapa telebisyon

man o kaya sa sinehan. Bagamat maraming mga pelikula ngayon ang


3

nababagay at tumutukoy sa henerasyon ngayon kung kaya’t ganon

din ang pagtangkilik ng mga kabataan.

Ayon kay Dietz WH, Strasburger VC.( Children, adolescents

and television. Curr Probl Pediatr. 1991;21:8–31.) kanyang

ipinaliwanag na ang telebisyon ay malaki ang potensyal na lumikha

ng mga positibo at negatibong epekto, marami ding pag-aaral na

tumitingin sa mga epekto ng telebisyon sa lipunan, lalo na sa mga

supling at mga kabataan. Sa kanilang paliwanag ang panood ng

telebisyon ay maaring may magandang dulot o maarong makasama

sa manood. Lalo na sa mga kabataan maari silang mabiktima ng mga

impluwensyahan ng kasamaan kapag hindi sila ginabayan o kaya

nasamahan sa kanilang panood. Bagamat kinakailangan gawin ng

mga magulang na gabayan at maitama ang mga anak nila. Lalo ng

sa mga henerasyon ngayon na bukas sa kanila ang masisilang

impormasyon sa mga telebisyon at sa mga telepono.

Sa sulat nila Johnson JG, Cohen P, Smailes EM, Kasen S, Brook

JS. (Television viewing and aggressive behaviour during adolescence

and adulthood. Science. 2002;295:2468–71) ayon sa kanila ang

isang tinedyer na nagbabakasyon mula sa pag-aaral ay labis na

naglalaan ng habang oras sa panood ng telebisyon kaysa sa oras ng

pananatili sa isang silid aralan. Kung kaya’t ang mga tinedyer ngayon

ay labis na apektuhan ang kanilang pag-aaral. Ang ilang aspeto na


3

naapektuhan dito ay ang kanilang mga bokabolaryo at kanilang

pagsusulat. Sapagkat ang mga kabataan ngayon ay gumagamit ng

salitang Ingles kung kayat may mga salitang Pilipino na hindi

nalalaman ang tunay na kahulugan. Dahil sa panood ng mga

pelikulang dayuhan nais din ng mga ilang kabataan na pag-aralan

ang iba’t-ibang lengguwahe ng mga pelikulang kinahiligan panoorin

kaysa pag-aralan ang ating sariling wika.

Ayon kay Wright JC, Huston A. (Effects of educational

television viewing. Lawrence, KS: University of Kansas; 1995) sinabi

niya na ang telebisyon ay maaring maging isang magiting na guro.

Ang isang halimbawa nito ay ang mga palabas na pambatang pelikula

kung saan ang isang supling ay maaring matuto ng pagiging mabait,

magalang, mga simpling aritmetika at maging pagkabisa ng

alpabeto. Dagdag pa ni Wright JC, Huston A.(1995) ang mabuting

gawi na panood ng telebisyon ay isang kapaki-pakinabang na

kasangkapan sa ilang aspeto ng edukasyon.

Ngunit sa mga kabataang tinedyer ay iba ang mga hilig na mga

genre na palabas. Ang mga genre na gusto nila yung may aksyon,

nakakasindak, romansa at komedi bagamat sa henerasyon ngayun

iba na ang mga pananaw ng mga kabataan sa kanilan buhay. Ayon

kay Poorva Gupta (https://blog.oureducation.in/films-are-

corrupting-indian-youth) ang mga kabataang tinedyer ay labis na


3
impluwensyahan ng mga pelikula. Marami ang naging impluwensya

sa mga kabataan ngayon dahil lang sa panood ng mga pelikula ang

ilang halimbawa nito ay ang kanilang mga istelo ng pamumuhay,

buhok, pananamit, diyalekto at marami pang iba ay ginagaya nila

mula sa kanilang mga napanood. Kaya kung minsan wala na sila

pakialam kahet na magkaroon pa man ito ng negatibong epekto sa

kanila.

Ngunit hindi naman lahat ng mga pelikula ay mayroon

negatibong epekto. Ang ibang pelikula ay mayroon din naman

mapupulatang aral. Ang mga halimbawa nito ay ang mga may mga

temang pangpamilya, talambuhay, dokumentaryo, at mga musikal

na palabas o pelikula.

Bagamat karamihan ng mga tinedyer ay nakatungtong na ng

haiskul at kolehiyo minsan nagagamit din nila ang ilang mga bagay

na kanilang napanood maging pelikula man o dula-dulaan. Sa

kadahilanang sa paaralan mayroong ibang asignatura ang

naghihikayat sa mga kabataan na hubogin ang sarili sa paglikha ng

mga panitikan; maging dula-dulaan man o pagsusulat na panitikan.

Iilang mag-aaral ang gumagamit o kumukuha ng inspirasyon sa mga

pelikula sa kanilang mga gawain.

Kadalasan ginagamit nila ang mga ibang tema ng pelikulang

dayuhan sa mga pagtatampok sa intablado. Yung iba naman ay

hinahango lamang ang pelikulang dayuhan kung kaya’t minsan kahit


3
mali ang mga gramatika na ginamit ay isinasantabi lamang bagamat

ang importante ay maayos na maisagawa ang mga aksyon. Sa

kadahilanang iilang mga mag-aaral ay nahilig sa mga pelikulang

Ingles kung kaya’t hirap sila bumuo ng tamang gramatika.


3
3
3
3

You might also like