You are on page 1of 8

1

FILIPINO 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan

Pangalan: __________________________________________ Petsa: _______________


Pangkat: ___________________________________________ Ikalawang Linggo

ISAISIP

Sitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang Popular


Mauunawaan sa artikulong binasa sa nakaraang gawain ang malaking hamon sa
pambansang wika sa Pilipinas. Bagamat halos isang siglo nang simulang buoin at paunlarin
ang Filipino, nananatili ang posisyong mapanggiit ito. Bukod sa politikang pagpaplanong
pangwika sa Pilipinas, sari-sari ang kinakaharap nito sa gitan ng pagbabago ng panahon at
modernisasyon sa lipunan. Napapanahong patuloy na suriin ang kalagayan ng wika bilang
isang penomenong panlipunan kaugnay ng kalagayang pang-ekonomiya at pampolitika ng
Pilipinas. Ang mayamang kultura, kasaysayan, at makulay na politika sa bansa ang
nagbubunsod ng pagbabago sa sitwasyon ng polisiyang pangwika sa edukasyon at iba pang
aspekto ng lipunan.

Isa sa katangian ng wika ay ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika


ay umuusbong ang iba’t ibang paraan ng malikhaing paggamit ditto dala na rin ng
pagbabagong pinalalaganap ng midya.

Fliptop

 Pagtatalong oral na isinasagawang pa-rap.


 Modernong balagtasan.
 Bersong ni-ra-rap ay magkatugma ngunit walang malinaw na paksang pinag-
tatalunan.
 Kung ano lang ang paksang sinimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng
katunggali.
 Hindi gumagamit ng pormal na wika.
 Walang iskrip at tinatawag ding battle league.
 Bawat kompetisyon ay kinatatampukan ng dalawang kalahok sa tatlong round at ang
panalo ay dinedesisyunan ng mga hurado.
 Pangkaraniwang gumagamit ng mga salitang panlalait para makapuntos sa kalaban.
 Napapalaganap sa pamamagitan ng YouTube.
 Marami na rin paaralan ang nagsasagawa ng fliptop lalo sa paggunita ng Buwan ng
Wika.

Pick-up Line

 Sinasabing ito ang makabagong bugtong na may tanong na sinasagot.


 Karaniwang paksa nito ang pag-ibig at ibang aspekto ng buhay.
2

 Nagmula sa mga mabubulaklak na pananalita ng mga lalaking nanliligaw at


nagnanais na magpapansin sa dalaga.
 Ito’y nakatutuwa, nakapagpapangiti, corny, nakakakiliti, cute, at cheesy.
 Naririnig sa usapan ng mga kabataan at nakikita rin sa Facebook, Twitter, at iba
pang mga social media site.
 Ang wikang ginagamit ditto ay karaniwang Filipino at mga barayti nito, subalit
nagagamit din ang Ingles at taglish.
 Kailangang ang taong nagbibigay ng pick-up lines ay mabilis mag-isip at malikhain
para sa ilang sandali ay maiugnay ang kaniyang tanong sa isang napakaikling sagot.
 BOOM ang sinasabi kapag sakto o maliwanag ang koneksiyon nito.
 Nauuso ito dahil sa impluwensiya nina Boy Pick-up ni Ogie Alcasid at Senadora
Mirriam Defensor-Santiago.

Halimbawa:

Boy: Google ka ba?


Girl: Bakit?
Boy: Kasi nasa iyo na ang lahat ng hinahanap ko.

Hugot Line

 Tawag ito sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy o


minsan ay nakakainis.
 Tinatawag din itong love lines o love quotes.
 Karaniwang nagmula ito sa mga linya ng pelikula o telebisyon na nagmamarka sa
puso at isipan ng mga manonood.
 Madalas ay nakakagawa din ng sariling hugot lines ang mga tao depende sa
damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan.
 Minsan ang mga ito ay nakasulat sa Filipino, subalit madalas ay taglish ang gamit na
salita sa mga ito.

Pelikula at Dula

“Ang pelikula na kilala bilang sine at pinilakang-tabing ai isang larangan na


nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng
industriya ng libangan.

“Ang panonood ng pelikula ang pinakamura at abot-kayang uri ng libangan ng lahat


ng uri ng tao sa lipunan. Iba-iba ang uri ng pelikulang tinatangkilik ng mga manonood.
Naaayon ito sa kaniyang ibig panoorin at nagugustuhan. Nariyan ang aksiyon, animaton,
dokumentaryo, drama, pantasya, historikal, katatakutan, komedya, musikal, sci-fi (science
fiction), at iba pa.

“Samantala, ang dula ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa


tanghalan na naglalarawan ng kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik
na bahagi ng buhay ng tao.

“Sinasabi ring isang genre ng panitikan na nasa anyong tuluyan ang dula na dapat
na itanghal sa entablado, may mga tauhang gumaganap na nag-uusap sa pamamagitan ng
3

mga diyalogo. Masasabing may anyong pampanitikang inihanda para sa dulang ang mga
artista ay kumakatawan sa mga tauhan, ginagawa ang nararapat na pagkilos ayon sa
hinihingi ng mga pangyayari at sinasabi ang nakasulat sa usapan.”
[

Mula kay:

Jocson, M. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.


Lungsod Quezon: Vibal Group, Inc.

Gamit ng Wika sa Iba’t Ibang Sitwasyon

“May partikular na gamit ang wika sa iba’t ibang sitwasyon. Tinatawag itong register
na isang panlipunang salik na isinasaalang-alang kaugnay ng baryasyon ayon sa
gumagamit ng wika. Isa pang pinanggagalingan ng baryasyon ng pananalita ng indibiduwal
ay depende sa mga sitwasyon ng paggamit. Hindi lang kaso ito ng kung sino tayo kundi
anong mga sitwasyon ang kinapapalooban natin. Isa ang pelikula at dula na may sariling
register o mga salitang pampelikula at pandula.

“Halimbawa ng pampelikulang register ay focus, sinematograpiya, iskrip, at iba pa.


Samantala, halimbawa naman ng register na pandula ay dulang isang yugto, right stage,
mensahe, galaw ng tauhan, at iba pa.”
[

Mula kay:

Jocson, M. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.


Lungsod Quezon: Vibal Group, Inc.

Suring-pelikula at Suring-basa

“Ang pagsusuri ng isang pelikula at isang dula ay maituturing na mataas at tampok


na kasanayang dapat linangin ng isang indibiduwal. Mataas, sapagkat nagagawa nito na
kailangang may lubos na kaalaman sa mga element ng isang pelikula at isang akda.
Kasama rin ang kayarian at gamit ng wika sa mga pahayag o pangungusap.

“Sa suring-pelikula at suring-basa, mababasa ang kuro-kuro, palagay, damdamin, at


sariling kaisipan na bumuo ng pelikula o sumulat ng akda.

“Ilan sa mga dapat na tandaan sa pagsasagawa ng pagsusuri ay: gawing malinaw


kung anong pelikula o akda ang tinutukoy; igawa ng buod; gumamit ng mga salitang
makatutulong sa babasa ng pagsusuri; huwag hayaang mahaluan ito ng pahayag ng mga
nakagawa na ng pagsusuri; banggitin ang mabubuting aspekto at ang mga kahinaan nito;
pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng pelikula o paraan ng pagkakasulat ng akda; at ihit
sa lahat, iwasan ang pagbibigay ng hatol.

“Sa pagsusuri pa rin ng pelikula, bigyang-pansin ang mga element nito gaya ng
iskrip, sinematograpiya, direksyon, pagganap ng artista, produksiyon, musika, at mensahe.
4

“Sa pagsusuri naman ng dulang nakasulat, bigyang-pansin ang mga element nito
gaya ng tagpuan, uri ng tauhan (bilog o lapad), mga diyalogo, tunggalian, wakas, aral,
implikasyon ng mga pangyayari sa kasalukuyang panahon, at estilo ng sumulat ng dula.”
[

Mula kay:

Jocson, M. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.


Lungsod Quezon: Vibal Group, Inc.

Pagsusuri ng mga Lingguwisto at Kultural na Gamit


ng Wika sa Lipunang Pilipino

“Gaya nga ng natalakay na, iba’t ibang sitwasyon ginagamit ang wiak. Batay rin kung
sino ang gagamit, saan gagamitin, at paano ito gagamitin.
“Isang dapat na suriin at isaalang-alang ang lingguwistikong aspeto lalo na sa
larangan ng pelikula at dula. May sariling sitwasyon, kaya’t may sariling register ng mga
salita ito. Wika nga, pampelikula o pandulaan lang.

“Lingguwistiko ang tinatawag na kaugnay ng wikang sinasalita nang ayon sa


heograpikong kalagayan ng isang lugar. Maaaring bigyang-pansin ang antas na gamit ng
wika tulad ng balbal, kolokyal, diyalektal, teknikal, at masining.

“Sa isang banda naman, kultural ay isang katangian ng wika na nagsisilbing


pagkakakilanlan o identidad dahil sa paniniwala, tradisyon at ugali, paraan ng pamumuhay,
relihiyon, at wika.

“Mahalagang hindi maisantabi ang panlipunang aspeto ng wika dahil sa maraming


paraan. Ang pananalita isang uri ng panlipunan identidad at ginagamit para tukuyin ang
pagiging kabilang sa iba’t ibang panlipunang pangkat o iba’t ibang komunidad ng
pananalita.”
[

Mula kay:

Jocson, M. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.


Lungsod Quezon: Vibal Group, Inc.

Mga Salitang Ginagamit sa Kritikal na Pagsusuri

“Isang komprehensibong gawain ang pagsusuri. Kailangang ang wasto at maayos


na gamit ng kritikal na mga salita.

“Sa pagsusuri, gumagamit ng paghahatol at pagbibigay ng opinion. Sa pagbibigay ng


opinyon, iba’t ibang apirmatibo at negatibong pahayag ang nailalahad kaugnay ng iba’t
ibang impormasyon sa sinusuring akda tulad ng dula, pelikula, at iba pa.
5

“Sa pagsusuri pa rin, ipinahahayag ang matinding damdamin ng pagsang-ayon at


hindi pagsang-ayon. Anumang pahayag na gamit sa pagsusuri, kailangang maging kritikal
sa paraang wasto at maayos. Kung may negatibong ibig ipahayag, gawin itong pamungkahi
upang hindi makasama ng kalooban.

“May mga pahayag na naghahayag ng opinyong matindi; mga pahayag na hindi


makapagpalubha sa damdamin; at maaaring lubusang sumang-ayon at magdagdag pa ng
ibang argumentong sumusuporta o magpapatunay sa sinang-ayunan.

“Halimbawa:

“Mahalaga ang pelikula dahil pinatingkad nito ang “kritikal na realismo.” Ito ay realism
na hindi lamang inilalarawan ang mga kabuktutang nagaganap sa lipunan (naturalismo ang
tawag dito o ang pagpapakita ng natural na kalagayan ng mga tao sa lipunan, isang uri ito
ng realismo).

“Mapapansing ang salitang Mahalaga at dahil ay mga salitang ginamit upang


maipaliwanag ang talakay tungkol sa dulog ng realism na isang sa ginawang pagsusuri.

“Sumasang-ayon ang naging pagsusuri sa nasabing pahayag tungkol sa realismo na


isang dulog pampanitikan.”
[

Mula kay:

Jocson, M. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.


Lungsod Quezon: Vibal Group, Inc.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Nasusuri at naisasalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-


iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napapanood (F11PD-IIh-88).
2. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamamaraan ng
paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS-IIb-89).

 SUBUKIN

Gawain 1: Tanong at Sagot


Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at matapat itong sagutin.

1. Bakit higit na tinatangkilik ngayon ng kabataan ang mga pick-up line, hugot line,
fliptop? Maglahad ng tatlong dahilan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
6

2. Magbigay ng tatlong sitwasyon, sa tunay na buhay, nagagamit ang mga kulturang


popular. Panindigan kung bakit ito kinailangang gamitin.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bakit dapat na suriin at isaalang-alang ang mga kultural na pagkakaiba-iba sa


lipunang Pilipino ng mga pelikula at dulang napanood? Maglahad ng tatlong dahilan
at ipaliwanag ang bawat isa.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Bakit dapat na suriin at isaalang-alang ang mga lingguwistikong pagkakaiba-iba sa


lipunang Pilipino ng mga pelikula at dulang napanood? Maglahad ng tatlong dahilan
at ipaliwanag ang bawat isa.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Bilang isang mag-aaral, paano nakatutulong ang kulturang popular sa


pagpapayaman ng ating wika at kultura? Pagtibayin ang sagot sa pamamagitan ng
tatlong halimbawa o/at pagpapatunay.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 2. Magbigay ng Halimbawa


Panuto: Magbigay ng tiglimang halimbawa ng mga pick-up line at mga hugot line.

Pick-up Hugot
Line Line

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.
7

Gawain 3. Manood at Magsuri


Panuto: Manood ng isang dula o pelikula. Suriin ang lingguwistikong katangian, kultural na
aspekto, at ang iba pang kahingian nito. Isulat ang sagot sa kahon.

Pamagat ng Pelikula/Dula
Manunulat
Direktor
Mga Tauhan Ginampanang Papel
1.
2.
3.
4.
5.
Buod

Pagsusuri
Magbigay ng limang pahayag o 1.
diyalogo na tumatak sa iyo. 2.
Ipaliwanag ang kahulugan nito sa 3.
lipunang Pilipino. 4.
5.
Magbigay limang kulturang Pilipinong 1.
naihayag sa sinuring pelikula o dula. 2.
Ipaliwanag ang kahalagahan nito sa 3.
ating pagkabansa. 4.
5.
Magbigay ng limang aral na natutunan 1.
sa sinuring pelikula o dula. Ilahad ang 2.
implikasyon ng bawat isa sa iyo bilang 3.
isang mag-aaral o mamamayang 4.
Pilipino. 5.
8

SUSI SA PAGWAWASTO

Maaaring magkaroon ng iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral.

SANGGUNIAN

Badayos, Paquito B. et al 2010, Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Malabon City,


Mutya
Publishing House Inc.ph. 8-11 

Bernales, Rolando A. et al 2016, Komunikasyon sa Makabagong Panahon, Malabon City,


Mutya Publishing House Inc. ph. 105 

Jocson, M. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Lungsod


Quezon: Vibal Group, Inc.

Pangilinan, Nicole Angelique Slide Share “Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas” 

Inihanda ni:

Maria Virginia A. Pantig


Pansekondaryang Guro III
Angeles City National High School- SHS

You might also like