You are on page 1of 9

1

FILIPINO 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan

Pangalan: __________________________________________ Petsa: _______________


Pangkat: ___________________________________________ Ikapitong Linggo

ISAISIP

Introduksiyon sa Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino


Nagmula ang salitang research (saliksik ang katumbas sa Filipino) mula sa isang
French na recherché na ang ibig sabihin ay malapitang pananaliksik, at sa salitang chercher
na hanapin ang kahulugan. Ayon naman kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay isang
sistematikong paghahanap sa mga mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na
paksa o suliranin.

Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon


upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan
(Manuel & Medel, 1976). Binigyan diin nina E. Trece & J.W. Trece (1973) na ang
pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin.
Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong
sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.

Narito ang sampung katangiang dapat na taglayin ng isang mabuting pananaliksik:

1. Sistematik. Mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang na dapat sundin


tungo sa pagtuklas sa kasagutan sa kung anoman ang layunin ng pananaliksik.

2. Kontrolado. Hindi dapat magbago ang mga bagay o paksang sinusuri, lalo na sa
mga eksperimental na pananaliksik, dahil makaaapekto ito sa buong pananaliksik.

3. Empirikal. Nararapat na katanggap-tanggap ang mga pamamaraan, proseso, at


baryabol na gagamitin sa pananaliksik, gayondin ang mga datos na makakalap.
Hindi ito dapat maging isang teorya lamang o kaya ay gawa-gawa lamang. Dapat
itong maging makatotohanan na maaaring sang-ayonan ng nakakarami at may
basehan na karanasan o obserbasyon.

4. Mapanuri. Dapat suriing mabuti ang mga datos na nakalap sa pananaliksik upang
hindi magkamali sa pagbibigay ng interpretasyon. Madalas na ginagamitan ang
pagsusuri ng estatistika upang masabing analitikal ang proseso nito.

5. Obhetibo, lohikal at walang pagkiling. Hindi dapat mabago o mabahiran ng


personal na saloobin ng mananaliksik, anoman ang lumabas na resulta ng kaniyang
pag-aaral.

6. Kuwantiteytib o istatistikal. Nakalahad sa numerikal na pamamaraan ang mga


datos at ginagamitan ng estatistika upang maging mas akyureyt o tiyak ang resulta.
Madalas na ginagamitan ito ng porsiyento, ratio, at distribution ang paglalahad ng
mga numerikal na datos.
2

7. Orihinal na Akda. Naglalaman ito ng mga datos na nakalap ng isang mananaliksik


na nagmula mismo sa kaniyang paghahanap at pagtuklas, dahil kailangang galing sa
hanguang primarya ang mga datos. Ang kongklusyon ay hindi maaaring kopyahin
lang mula sa pag-aaral ng ibang mananaliksik.
8. Matiyaga at hindi minamadali. Kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang na
gagawin sa pananaliksik upang mapanatili ang katiyakan ng mga datos na
makakalap, pati na rin ang magiging resulta nito. Pinaglalaanan ito ng sapat na
panahon at ibayong pag-iingat dahil kung kabaligtaran ito, hindi magiging matibay
ang mga resulta at kongklusyon.

9. Matapang. Dapat maging matapang ang isang mananaliksik, sapagkat hindi


maiiwasan na makaranas siya ng hindi magagandang karansan habang ginagawa
ang kaniyang pananliksik. May mga pagkakataon ding hindi sumasang-ayon ang
lipunan sa resulta ng pag-aaral. Maaari din namang magkaroon ng hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mananaliksik.

10. Tiyak o akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon. Dapat


maisagawa nang tama ang bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik, upang
maging tama rin ang resulta. Nararapat lamang na may kaakibat na matibay na
ebidensya ang kongklusyon sa isang pag-aaral para sumuporta rito.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik

1. Pagpili ng Mabuting Paksa

Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang masusing


pag-unawa sa paksa at mga kaugnayan na gawaing ibibigay ng guro. Maiiwasang
masayang ang oras at panahon ng isang mag-aaral kung malinaw sa kaniya ang
nais ipagawa ng guro at ang layunin para sa gawain. Huwag mahiyang magtanong
kung sakaling may ilang bagay na hindi naging maliwanag. Kapag ganap nang
naunawaan ng mag-aaral ang kaniyang gagawin ay magiging mas madali na ang
pagbuo nito at nang maituon na niya ang pansin sa mahusay na paghahanda sa
paksang tatalakayin.

Ang Paksa

Napakahalagang piliing mabuti ang paksa, upang maging matagumpay ang


isang sulating pananaliksik. Nararapat na ang paksa ay pinag-isipang mabuti at
dumaan sa isang maingat na pagsusuri, upang matiyak na makabubuo ng isang
makabuluhang sulatin. Minsan ay nagbibigay na ang guro ng ilang paksang
maaaring pagpilian ng mga mag-aaral. Gayompaman, kung ang naiisip mong paksa
ay hindi kabilang sa listahang ito, huwag mag-atubiling lumapit sa guro at ilahad ang
iyong ideya. Dahil baguhan ka pa lamang sa gawaing ito, mangangailangan ka ng
gabay mula sa isang taong may malawak na ang kaalaman at makapagsasabi kung
ang paksang naiisip mo ay posibleng maisagawa ng isang mag-aaral.

Narito ang ilang tanong na maaari mong pakalimiin bago tuluyang magpasya sa
paksang susulatin:
3

1. Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang


pananaliksik at pagsulat ko ukol dito?
2. Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging
kapaki-pakinabang ba ang magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa,
partikular sa mga kaklase ko?

3. Masyadong bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong


limitado?

4. Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa


akin/amin?
5. Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng
impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ko?

Kung oo ang sagot mo sa mga tanong, maaaring ito na nga ang


pinakaangkop na paksa para sa iyo. Maaari ka nang magpatuloy sa ikalawang
hakbang ng pananaliksik.

2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis

Kapag napagpasyahan na ang paksa, bumuo ka ng iyong pahayag ng tesis. Ito


ang pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong
bubuoing pananaliksik.

Naririto ang ilang tanong na maaaring gumabay o magbigay ng direksiyon sa


pagbuo mo ng pahayag ng tesis.

1. Ano ang layunin ko sa pananaliksik? Layunin kong maglahad ng


impormasyong magpapatunay sa pinapanigan kong posisyong?

2. Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang ba ang makakabasa ng
sinulat ko? Sino pa kaya ang makababasa? Ano kaya ang inaasahan at
karanasan ng aking mambabasa?

3. Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat


bang kagamitan o sanggunian para magamit ko sa pagpapatunay ng
aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito?

3. Paghahanda ng Pansamatalang Bibliograpiya

Kakailanganin mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga


sanggunian. Maaari ding makakuha ng mga impormasyon mula sa Internet. Maging
maingat lang at suriing mabuti ang mga talang makukuha rito, sapagkat maraming
impormasyon dito na kaduda-duda o minsan ay walang katotohanan. Para sa
epektibong pananaliksik, mahalaga ang paggamit ng aklat at ng Internet. Maraming
bagong impormasyon at dokumento ang posibleng hindi pa nailalathala sa mga aklat
kaya’t hindi ka rin makaaasang ang lahat ng nilalaman ng aklatan ay napapanahon.
Gayondin naman, hindi lamang dapat umasa sa mga impormasyong dala ng
Internet, lalo na kung galing lang sa mga open web, dahil sa kawalang katiyakan ng
mga ito kung tama ba at beripikado. Mahalagang matiyak na maayos, tama,
4

kompleto, at beripikado ang mga impormasyong isasama mo sa buboing


pananaliksik.

Mula sa iyong nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang


bibliyograpiya. Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian, tulad ng mga
aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, website, at iba pang nailathalang materyal
na ginamit. Makatutulong ang paghahanda ng kard ng bibliyogrpaiya para sa bawat
sanggunian. Ito’y maaaring isang 3’x 5’ na index card na kakikitaan ng sumusunod
na impormasyon:

 Pangalan ng awtor
 Pamagat ng kanyang isinulat
 Impormasyon ukol sa pagkakalathala
 mga naglimbag
 lugar at taon ng pagkakalimbag
 pamagat ng aklat
 Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas

Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang magbigay


ng direksiyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at sa pagtukoy kung ano-anong
materyal pa ang kailangang harapin. Maaaring gamitin ang mga inihanda mong card
ng bibliograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking

Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at kard ng bibliyoggrapiya at


tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang kakailanganin sa iyong susulatin. Basahing
mabuti at mula sa mga ito ay magtala ng mahahalagang impormasyong magagamit
sa susulatin.

Maaari kang gumamit ng tatlong uri ng tala: ang tuwirang sinipi, hawig, at
buo.

 Tuwirang sinipi kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian,
Gumamit ng panipi sa simula at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang
pinagkunan, gayondin ang pahina kung saan ito mababasa.

 Buod kung ito’y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito’y
maikli, subalit nagtataglay ng lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na
teksto. Ito ang pinakamadalas na gamitin sa pagkalap ng mga tala.

 Hawig kung binago lamang ang mga pananalita, subalit nananatili pa rin ang
pagkakahawig nito sa orihinal.

6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline

Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang


matiyak kung may mga bagay pang kailangan baguhin o ayusin. Gawin ito upang
5

ang pangwakas na balangkas ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong


burador.

7. Pagsulat ng Burador o Rough Draft

Mula sa iyong iniwastong balangkas at mga kard ng tala ay maaari ka nang


magsimulang sumulat ng iyong burador. Tandaang ang isang sulating pananaliksik
ay dapat magkaroon ng introduksiyon na kababasahan ng mga ideyang
matatagpuan sa kabuoan ng sulatin; ang katawan na kababasahan ng pinalawig o
naglalaman ng bahagi ng iyong balangkas; at ang iyong kongklusiyon na siyang
nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.

Bigyang-pansin din ang pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan. Dapat ding


isaalang-alang ang wikang gagamitin na dapat ay payak, ngunit malinaw, tama ang
baybay, bantas, at kaayusang panggramatika, pormal ang anyo, at karaniwang nasa
ikatlong panauhan.

8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador

I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangan iwasto


sa iyong burador. Pansinin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay,
bantas, wastong gamit, pamamaraan ng pagsulat, at angkop na talababa o footnote.
Maaaring pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin. Ihanda na rin ang paunang
salita, talaan ng nilalaman, at pinal na bibliyograpiya.

Para sa mga sangguniang nagamit mo para sa aktuwal na pagsulat ay huwag


kalilimutang magbigay ng pagkilala sa may-ari o manunulat ng mga ito sa
pamamagitan ng talababa. Mahalaga ang talababa sa pagbibigay kahulugan sa
isang bahagi ng sulating pananaliksik na nangangailangan ng karagdagang
paliwanag.

Sa pagsulat ng bibliyograpiya, gumamit ng isa sa iba’t ibang estilo ng


pagsulat nito. Kung ang napiling estilo ay American Psychological Association
(APA), maaaring sundan ang sumusunod na paraan sa pagsulat ng sanggunian.

Para sa mga aklat

 Apelido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag). Pamagat. Lungsod ng


Tgapaglimbag: Tagalimbag.

Halimbawa:

Bulatao, V. & Mangila, J. (2013). Pananaliksik sa wika at panitikan. Malabon


City: Mutya Publishing House, Inc.

Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin

 Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Pagpapalimbag). Pamagat ng


Artikulo.Pamagat ng Pahayagan o Magasin, Paglilimbag #. (Isyu#), Pahina.
6

Halimbawa:

Fellner, C. (2019). Time bomb: Two new cases as NSW faces worst measles outbreak
in years. The Sydney Morning Herald. Retrieved from https://
www.smh.com.au

Para sa Dyornal

 Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Pagpapalimbag) Pamagat ng


Artikulo.Pamagat ng dyornal, Paglilimbag #. (Isyu#), Pahina.

Halimbawa:

Cheung, J.M.Y., Bartlett, D. J., Armour, C. L., Laba, T. L. & Sain B. (2018). To drug
or not to dru: A qualitative of pattients’ decision making processes for
managing insomnia. Behavioral Sleep Medicine, 16 (1), 1-6.

Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet

 Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o Dokumneto.”Pamagat ng


Publikasyon.Petsa kung kalian sinipi o ginamit mula sa buong web address simula sa
http://.

Halimbawa:

Health Time. (2015). The future of aged care nursing in Autralia. Retrieved from
https://healttimes.com.au/hub/aged-care/2/news/nc1/the-future-of-aged-care-
nursing-in-australia/495/

9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong


hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-
type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.

Sanggunian:
Baker, Jack Raymond at Allen Brizee. (Pebrero 21,2013) “Writing a research paper”. Online
Writing Lab. Accessed August 7, 205. https://owl.english.purdu
e.edu/owl/resource/658/01/
Dayag , A. M. & del Rosario G. G.(2016). PINAGYAMANG PLUMA Komunikasyon at
pananaliksik sa Wika at Kuluturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House
Inc.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Nasususuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino


7

2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik

3. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga ponemang kultural at


panlipunang bansa

SUBUKIN

Gawain 1. Naintindihan Ko
Panuto: Suriin ang nilalaman ng bawat pangungusan.Bilugan ang titik na kumakatawan sa
tamang sagot.
1. Ano ang kumakatawan sa APA?
A. American Psychological Association
B. American Psycholinguistic Association
C. Association of Psuedo-Researchers of All Ages
D. Asosasyon ng mga Pilipinong-Amerikano

2. Ano ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik?


A. Pagpili ng Mabuting Paksa C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
B. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis D. Pangangalap ng Tala

3. Bakit ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali?


A. upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng mga ilalahad na datos
B. dahil walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap
C. dahil ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas
D. upang hindi makaranas ang mananaliksik ng hazards at discomforts

4. Bakit ang pananaliksik ay obhektibo?


A. Ang mga datos ay inilahad sa paraang numerikal.
B. Walang puwang dito ang mga pansiriling pagkiling.
C. Kailangang maging katanggap-tanggap ang pamamaraang ginamit.
D. May sinusunod itong proseso o makakasunod-sunod na mga hakbang.

5. Anong katangian ng mananaliksik na hindi maaaring dayain ng mananaliksik ang resulta


ng kanyang pananaliksik?
A. Maingat C. Matiyaga
B. Masipag D. Sistematiko

6. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng kwantetibong datos?


A. Humigit-kumulang sa sandaan
B. Iilang partisipant
C. Maraming mag-aaral
D. Siyamnapung porsiyento

7. Anong katangian ng mananaliksik na kailangang sundin ang pagkasusunod –sunod o


hakbang sa isinasagawang papanaliksik?
A. Maingat C. Matiyaga
B. Masipag D. Sistematiko
8

8. Ano ang tawag sa isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling sa isang akda?


A. korapsyon C. panggagaya
B. panghihiram D. plagiyarismo

9-10. Ayusin ang Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik ayon sa pagkasunod -


sunod nito:

9. I. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis


II. Paghanda ng Pansamantalang Bibliograpiya
III. Pagpili ng Mabuting paksa
V. Paghanda ng Tentatibong Balangkas

A. III, II, I, V C. II, I, V, III


B. III, I, II, V D. II, III,V,I

10. I. Pagsulat ng Borador


II. Pangangalap ng Tala
III. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas
IV. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

A. I, III, IV, II C. II, III, I, IV


B. I, IV, II,III D. II, IV,I,III

Gawain 2. Matapat na Pagsagot


Panuto: Matamang basahin ang mga tanong at matapat itong sagutin.

1. Ano ang pananaliksik? Magbigay ng tatlong pagpapakahulugan at ipaliwanag ang


bawat isa.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Magbigay ng tatlong paksa na maaari mong gawan ng pananaliksik. Magbigay ng


tig-isang matibay na dahilan kung bakit ang mga ito ang iyong napili.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo matitiyak ang kredibilidad ng iyong saliksik?


Ipaliwanag sa pamamagitan ng paglalahad ng tatlong punto.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3. Magsaliksik Na
9

Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat opsiyon. Matapat itong sundin at isulat
ang sagot sa sagutang-papel.

Opsyon 1. Pumunta sa inyong silid-aklatan. Magbasa ng ilang pananaliksik na isinagawa


sa inyong paaralan tungkol sa kulturang penomenal (tradisyon, kaugalian, wika, lugar, o
pagkain) sa inyong lalawigan o sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Pumili ng isa sa mga
nabasa, at isulat ang paksa o pamagat, kahalagahan, at resulta nito.

Opsyon 2. Magsaliksik sa Internet at magbasa ng ilang pananaliksik na isinagawa tungkol


sa kulturang penomenal (tradisyon, kaugalian, wika, lugar, o pagkain) sa inyong lalawigan o
sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Pumili lamang ng isa sa mga nasaliksik at isulat ang naging
paksa o pamagat, kahalagahan at resulta ng isinagawang pananaliksik.
______

SANGGUNIAN

Dayag, A. M. & Del Rosario G. G. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa Wika at


Kuluturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

Jocson, M. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang pilipino. Quezon City:


Vibal Group Inc.

Inihanda:

Jenny Bell S. Villarosa


Rafael L. Lazatin Memorial High School

You might also like