You are on page 1of 1234

Perfect Mistake

by CrestfallenMoon

Once upon a drunken night, Dylan got Sophia pregnant accidentally. At dahil mayaman
at mukhang babaero, hindi inakala ni Sophia na papansinin ni Dylan ang nangyari sa
kanila. But he was way different what she expected. Too different to make her fall
in love with him. Can they turn their mistakes upside down into something right?
Can falling in love conquer all the mess in their crazy life?

=================

Prologue

Prologue: 

Being in love and having a family is every woman’s dream. Marrying the person they
love, spending good times together and bearing a child.

A child that will make their relationship stronger. A child that will make them
more bonded with each other. A child that will forever be their responsibility.

But what if one day you wake up and face the reality that you are going to have a
big responsibility soon? With you being unprepared with the situation, how can you
be able to handle the truth? The worse thing is you aren’t married yet.

Are you going to force yourself into a relationship that you aren’t sure of? To a
person whom you barely even know? To a situation you cannot escape?

Are you willing to sacrifice everything just to fulfill and take part of being a
mom?
“You cannot correct a mistake by doing another, bear with the consequences. Who
knows what this mistake would bring aside from lessons.”

And is it possible for you to establish LOVE?

Turning a simple MISTAKE into a PERFECT MISTAKE you have ever committed.

=================

Chapter One

Ze characters at the multimedia. =)

Perfect Mistake Chapter One

“Wooo! Nice one Dude.” Bati sakin ng barkada kong lagging bano na si Nate. Nanalo
na naman kasi kami sa race laban sa grupo nung si DK.

“Sabi nga ba matatalo na naman yung mga yun. Tss bulok.” Sabi naman ni Cyril, ang
pinakamalapit sakin sa grupo.
“Tss. Kelan ba nanalo satin yang mga ‘yan?” Pagyayabang ko naman sa kanila. May
karapatan naman ako kahit papano magyabang pagdating sa pagkakarera, kasi kilala
talaga ang grupo namin dahil ditto.

“Syempre. You’re the great Dylan Elizalde. Ang rank 1 sa loob ng racetracks.” Sagot
naman ni Brix sa pagyayabang ko . Akala naman niya hindi ko napansin, nagpapalapad
lang siya ng papel sakin dahil may gusto siya sa kapatid ko.

“So what now? Aren’t you gonna treat us for a drink?” Tanong naman sakin ni Enzo.
Ang conyo saming lima. Minsan gusto ko na ‘tong batukan sa kakaenglish niya
samantalang marunong din naman magtagalog. Tss, laki kasi sa US eh.

“Tara na, sa dating bar pa din. Ang mahuli manlilibre ng susunod ng set ng drinks.”
Hamon ko sa kanila.

“Call.” Sagot naman nilang apat ng nakangisi.

Nagkanya-kanya kaming sakay sa mga kotse naming at nag-unahan papunta sa bar.


Gawain na naming ‘tong ganito tuwing mananalo kami sa laban, at madalas yun.
Kilalang-kilala kami sa school na pinapasukan namin bilang Fast Five. Mga kapwa
schoolmates namin at mga nakalaban namin ang nag bigay ng pangalan sa grupo namin.
Nasanay na lang din kami. Mabibilis naman kasi kami  talaga pagdating sa racetracks
at sabi ng iba pati na daw sa babae. Tss, si Cyril lang yun kasi siya lang ang
pinakamadaming babae samin.

Saglit lang nakarating kami agad sa bar, pinakahuli si Brix na dumating kaya
manlilibra din siya.

Pagkapasok pa lang naming sa bar madami na agad lumapit na mga babae, eto yung
sinasabi ko eh, Di naman kami babaero, kasalanan ba naming na sila ang lumapit
samin?
“Dude sige, dun muna ko ah. Baka nangungulila na yung mga yun sa appeal ko.”
Nakangising sabi ni Cyril bago pumunta sa kabilang side ng bar kung saan nandun
yung mga babae. Napakababaero talaga nito.

“Wag ka ng babalik dito.” Asar sa kanya ni Nate. Nagtawanan tuloy kami.

Paupo na sana kaming apat nung may babaeng nakabunggo sakin.

“Hoy! Mag iingat ka naman!” Sigaw ko dun sa babae na nilagpasan lang ako. Hindi ko
tuloy nakita kung sino yun.

“Ay Dylan! Sorry. Sorry talaga nabangga ka nung friend ko. Sorry ha?” Sabi ni
Krista. Schoolmate namin at naging kaibigan ko na din. Madalas kasi siya dito sa
bar.

“Kaibigan mo ba yun?” Inis kong tanong sa kanya. Di man lang kasi nag-iingat yung
babae na yun.

“Oo classmate ko yun eh. Pasensya ka na talaga Dylan, may problema kasi yun kaya
wala ng pakialam sa mundo. Kaya ayun. Sorry ulit.” Pag ulit ni Krista.

“Sige na. Wala naman na magagawa kung maiinis pa ko.” Sagot ko sa kanya. Sincere
naman kasi ang pagsorry ni Krista kaya hinayaan ko na.
“Dude! Relax! We’er here to enjoy.” Bati sakin ni Enzo nung naupo akong
nakasimagot. Mainitin kasi talaga ang ulo ko, simpleng bagay lang masisira kaagad
ang araw ko. Naiinis kasi ako dun sa babae, ang lakas makabangga kala ko mababali
buto ko sa braso. Tss.

***

“Andrei ano ba? Ano bang problema mo?” Pilit kong hinahawakan ang balikat ng
boyfriend ko pero pilit niya din yun na inaalis.

“Tama na kasi. Pakawalan mo na ako!” Halos pagmamakaawa niya sakin. Para naman
akong sinampal sa sinabi niya. Ganon na lang ba niya kaayaw sakin para magmaakaawa
niya siya na hiwalayan ko na siya?

“Bakit ba? Ano bang nagawa kong mali sayo? Sabihin mo lang babaguhin ko! Lahat ng
ayaw mo sa ugali ko babaguhin ko. Wag ka naming ganito.” Halos hindi na ako
makapagasalita sa sobrang hagulgol ko. Bakit biglang ganito sakin si Andrei? Okay
naman kami nung isang araw lang eh.
“Please naman Sophia, tigilan mo na ako.” Halos pabulong na niyang sabi. Mas lalo
akong nasaktan. Ano bang mali? Bakit ganito kami ngayon?

“Hindi. Hangga’t hindi mo sinasabi sakin kung bakit ka nakikipaghiwalay hindi ako
titigil.” Pilit ko sa kanya habang umiiyak. Hindi ko pwedeng hayaan na matapos lang
yung relasyon namin ng hindi ako lumalaban.

“Wag mo ng alamin.” Sabi niya bago tumalikod pero hinablot ko ulit siya para
humarap sakin.

“Sabihin mo! Gusto kong malaman!”

“Please Sophia, ayaw kitang mas masaktan pa kaya tama na. Wag mo na pahirapan ang
sarili mo.” Dahan-dahan niyang inaalis yung pagkakahawak ko sa braso niya.

“Hindi. Hindi ako papayag Andrei.” Humihikbi kong sagot sa kanya. Mas lalo akong
hindi matatahimik kung hindi ko malalaman ang dahilan.

“Tama na please.”

“Ayoko. Ayoko!” Hindi ko na napigilan na hinsi sumigaw. Ang sakit sakit eh! Lahat
naman ng dapat gawin ng mabuting girlfriend ginawa ko na. Kulang pa ba yun para sa
kanya?

“Nagkabalikan na kami ni Chesca kaya tumigil ka na Sophia! Tama na ‘to kasi hindi
naman kita mahal eh! Hindi naman kita minahal kaya tigilan mo na ‘to please lang!
Ginamit lang kita para pagselosin si Chesca at ngayong bumalik na siya wala ka ng
halaga sakin! Pwede ba intindihin mo yun? Ayoko sa’yo!”

Pakiramdam ko nadurog yung puso ko sa lahat ng narinig ko galing sa bibig mismo ni


Andrei. Si Chesca. Si Chesca pa din pala ang mahal niya. Kaya pala kahit anong
mabuti ang gawin ko sa kanya hindi niya maappreciate dahil ginagamit niya lang ako.
Pero kahit ganito pinilit ko pa ding lumaban, kasi mahal ko siya. “Andrei please
bawiin mo naman yang sinasabi mo oh. Baka naguguluhan ka lang. Baka nalilito ka
lang o wala ka sa sarili mo kaya mo nasabi yan. Hindi mo na mahal si Chesca di ba?
Kasi niloko ka lang niya dati di ba? Ako Andrei hindi kita lolokohin... please wag
mo gawin ‘to sakin.” Pinilit kong ilapit yung sarili ko sa kanya para yakapin siya
pero pilit niya din akong inilalayo sa kanya.

“Pwede ba Sophia? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Pinagpipilitan mo pa yung


sarili mo sakin! Nakakadiri ka, kahit kailan hindi kita mamahalin. You’re a whore
Sophia.”

Pagkarinig ko nung huli niyang mga salita automatic na naglanding yung palad ko sa
mukha niya. Ang kapal ng mukha niya para sabihan ako ng WHORE gayong hindi ako
pumapayag na gawin niya sakin yung matagal na niyang gusto.

“Whore pala? Kaya pala wala kang napala sakin.” Sabi ko habang tuloy tuloy na
umaagos yung luha ko. Tinitignan ko siya habang nakatingin sa sahig at hawak yung
pisngi niya na sinampal ko. “Siguro kaya mas gusto mo yang Chesca na yan dahil
pumapayag siya sa lahat ng gusto mo. Pwes magsama kayong dalawa, hindi kita
kailangan sa buhay ko.” Sabi ko sabay tulak sa kanya sa balikat niya pero hindi
niya pero hindi siya umalis kaya tinulak ko siya ng mas malakas. “Sinabing umalis
ka na!” Doon lang siya natauhan siguro kaya lumabas na siya ng gate ng bahay naming
at sumakay sa kotse niya.

Pagkaalis na pagkaalis niya doon lang ako halos mapaupo sa tapat ng pinto ng bahay
namin. Ang sakit sakit ng mga sinabi niya. Hindi ko akalain na magagawa niya sakin
‘to. Sa 7 months na pinagsamahan namin puro mabuti ang pinakita niya sakin pwera na
lang nitong mga huling buwan. Siguro kaya ganun siya dahil may gusto lang siyang
makuha sakin, siguro talagang magaling lang siya magpanggap. Napaiyak ako lalo sa
mag bagay na naisip ko. Unang boyfriend ko si Andrei pero ginanito niya lang ako.
Hindi ko talaga inakala na ganun pala siya kadesperado, kung alam ko lang sana
hindi ko na lang siya ginusto.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag-iiyak bago ko naisipang kuhanin ang
cellphone ko at tawagan ang bestfriend ko. Sa mga ganitong panahon alam kong siya
yung dapat kong makausap, ayoko munang sabihin sa Mama ko dahil alam kong pati siya
masasaktan.

Idinial ko kaagad ang number ni Janna. Makailang ring na pero hindi niya pa din
sinasagot. Nakailang subok pa ako pero wala pa din. Hanggang sa mapansin ko sa
screen ng cellphone ko kung anong date ngayon. Nakasechedule nga palang umuwi ang
Daddy niya mula Australia ngayon kaya malamang busy siya.

Mas lalo akong naiyak, wala na akong pwedeng matakbuhan ngayon. Lumabas na lang ako
ng gate at pinilit na wag ng umiyak. Pero kahit gaano ko subukan na pigilin yung
pag-iyak ko hindi ko pa din magawa, kusa silang tumutulo. Sa paglalakad ko nakita
ko si Krista, yung schoolmate ko na halos kapitbahay ko na din. Hindi man kami
ganoon kaclose ni Krista gaya ng pagiging close naming ni Janna, alam kong kaibigan
ko din siya.

“Krista...” Halos pumiyok ako nung tawagin ko siya.

Napalingon naman siya sakin at agad na napakunot nung nakita niya ako. “Sophia?
Anong nangyari sayo? Bakit ka-“

Hindi na natapos ni Krista yung mga sasabihin niya kasi napayakap na lang ako
kaagad sa kanya ng mahigpit habang umiiyak. “Krista, break na kami ni Andrei.
Niloko niya lang ako, ginamit niya lang ako.”

“Ha? Eh gago pala yun eh! Asan na yun at sasabunutan ko?!” Halatang nagulat siya
pero nagawa niya pang magbanta. Isa siya sa mga nakakaalam ng tungkol samin ni
Andrei.

“Wag na, tama na. Ayoko na.... gusto ko na lang siyang makalimutan.” Iyak ko pa din
sa balikat niya. Tuloy tuloy naman yung paghagod niya sa balikat ko.

“Makakalimutan mo din yung hayop na yun. Ipapakalbo ko kay Janna yun promise.” Sabi
ni Krista. Napatawa ako kahit konti. Iba talaga pag may kaibigan kang kasama,
nakakagaan kahit papano ng pakiramdam.

Napatahan na din ako sa pag-iyak ko. Pero nandun pa din yung sakit, habang
tumatagal mas dumodoble pa. Pero baka napagod na kong umiyak at madami akong bagay
na narerealize nung nahismasmasan ako. Gusto ko na lang ngayon, lunurin ang
nararamdaman ko para sa Andrei na yun.

“Kris...” Tawag ko sa kasama ko habang naglalakad lakad kami sa labas ng bahay


nila. Lumingon lang siya sakin. 

“Samahan mo ko, may gusto akong puntahan.”

Napakunot siya ng noo bago magtanong. “Saan naman?”

“Sa bar.”

“Hoy Sophia Dennise Ramirez, sigurado ka ba dito sa gagawin mo? Hindi ka naman
sanay uminom eh!” Pagpigil sakin ni Krista na pumasok sa loob ng bar.
“Oo! Susubukan ko lang naman eh, malay mo makalimot ako dito! Saka ano ka ba? Hindi
na ko minor, 20 years old na ko. Walang masama kung iinom ako paminsan!” Sagot ko
sa kanya sabay lakad papunta sa entrance ng bar. Hindi ko din alam kung anong
pumasok sa kokote ko at naisipan kong gawin ‘to. Hindi naman ako sanay uminom dahil
napapainom lang ako pag may importanteng okasyon at konting konti lang yun. Siguro
kasi may iba akong naririnig na nagsasabing nakakalimot daw sila sa nararamdaman
nila pag nakainom, sana ganun din ako. 

“Huy! Sigurado ka ba talaga?” Tanong niya pa ulit habang sumusunod sakin.

“Oo nga, bakit ba ang kulit mo?” Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bar. Hindi
naman na kami hinarang dahil nga hindi na din naman talaga kami mukhang minors. Sa
kakamadali kong makarating sa bar counter nakabangga pa ko ng isang lalaki.
Nasaktan nga ako dahil ang lakas nung pagkakabangga ko sa kanya pero hindi na ko
nag abala pang tignan siya o mag sorry, Nasaktan din naman ako kaya quits lang.

“Anong pinakamatapang niyong alak dyan? Bigyan mo nga ako saka isang set ng
tequila.” Sabi ko dun sa bartender. Nakatikim na kasi ako ng tequila kaya alam ko
na malakas ang tama nun. Siguro naman sa mga inorder ko malalasing na ako nito.

“Hoy babae! Ikaw di ka nag iingat, nakabangga ka pa dun.” Sabi ni Krista nung
tumabi siya sakin. Saan ba galing ‘to bakit ang tagal niya yata?

“Hayaan mo na yun, nasaktan din naman ako sa pagkakabangga ko sa kanya. Quits


lang.” Sagot ko sa kanya bago inumin yung isang inorder ko na matapang na alak.
Hindi ko na inalam kung ano ‘to basta ininom ko na lang. Napangiwi pa ko sa tindi
ng alak na nalasahan ko.

“Gaga ka ba?! Yung binanga mo ay si Dylan!” Nanlalaki pang mata niyang sabi sakin.
“Sinong Dylan?” Tanong ko bago tunggain yung laman nung baso ko. Napangiwi na naman
ako sa tapang nung alak.

“Si Dylan Zayn Elizalde! Yung racer! Ano ka ba? Sikat sa school yun di ba?”
Pinanlakihan na naman ako ng mata ni Krista.

“Psh! Wala akong pake kung sikat siya sa school, tao lang di naman yun eh.” Sagot
ko sa kanya. Kilala ko naman yun eh, imposibleng hindi dahil sikat nga sila sa
school pero para sakin ordinaryong tao lang din yun. Ininom ko naman yung tequila
at pagkatapos kumain ako ng lemon. Pakiramdam ko ng mabilis na akong nahihilo dahil
sunod sunod yung pag inom ko. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala yung mga
inorder ko. “Isa pa nga ulit nitong una kong ininom.”

“Hoy tama na, malilintikan ako nito sa Mama mo eh. Baka pati si Janna kalbuhin na
ko.” Awat ni Krista sakin.

“Last na ‘to promise, baka din maibitin ako ni Mama pag nalaman niya ito eh.” Sagot
ko kay Krista. Hilong hilo na din naman ako talaga, hindi kasi ako sanay.

“Fine. Argh. Naiihi na ako!” Bigla siyang hindi mapakali sa pagkakaupo niya.

“Eh di magCR ka! Iced tea ka kasi ng iced tea ayan tuloy.” Natatawa kong biro sa
kanya.

“Eh alangan ngumanga ako dito, di naman ako pwedeng uminom at baka mag akayan na
lang tayo pag-uwi na dalawa. Oy, ditto ka lang ha? Wag kang gagalaw dyan o aalis
dyan. Babalik ako kaagad, ilalabas ko lang ‘tong napakaraming iced tea na nainom ko
sa CR!” Bilin sakin ni Krista bago tumayo. Tumango lang ako sa kanya sabay harap
ulit sa iniinom ko.
Pesteng pakiramdam ‘to, akala ko ba pag uminom nakakalimot? Bakit kahit alam kong
nalalasing na ko masakit pa din? Bakit si Andrei pa din ang nasa isip ko? Pinaling
ko ung ulo ko sa kabilang side dahil ang gaan gaan ng pakiramdam nito. Naramdaman
ko na tumutulo na naman yung luha ko ko, hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ng
ulo ko o dahil pa din sa Andrei na yun. Sana nalunod na lang din lahat ng
nararamdaman ko para sa kanya sa mga ininom ko kaso hindi eh. Nandito pa din lahat.
Nandito pa din yung sakit at yung hiling ko na sana magbago ang isip niya at
bumalik na siya sakin. Kahit na madami siyang sinabing masasakit na salita hindi
nun basta lang mabubura lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

“Hi Miss.” Narinig kong may nagsalita sa tabi ko kaya pinahid ko yung luha ko at
nilingon ko siya.

“Anong kailangan mo?” Tanong ko sa kanya. Noong una nahirapan akong makilala kung
sino siya dahil sa pagkahilo ko. Pero nung tinitigan kong mabuti nakilala ko siya.

“Ang sungit mo naman. Gusto lang kitang makilala, mag-isa ka lang ba?” Tanong niya.

“Bakit mo tinatanong?” naiinis ko ng tanong sa kanya.

Tumawa ulit siya. “Wala lang, sagutin mo na lang yung tanong ko please?” sabi niya
sabay ngiti.

Cyril Gonzales. Gwapong lalaki, matangakad, maappeal at sa unang tingin mo pa lang


masasabi mong mayaman siya. Pero sa unang tingin mo pa lang din mapapansin mo ng
chikboy siya. Kilalang kilala sa school dahil magaling siyang magrace at madami na
siyang naging babae.
“What’s your name?” Tanong niya ulit habang nakangisi.

Nginitian ko din siya sabay sabi ng. “I’m...not interested.” Sabay baling sa harap
ulit. Inubos ko na lang yung iniinom ko at hinintay na si Krista bumalik para
makauwi na kami.

“I’ll pay for her drinks.” Narinig kong sabi ni Cyril sa bartender kaya nilingon ko
siya. Nakita kong inabot na niya yung credit card niya sabay ngiti sakin.

“Bakit mo ba ginawa yun?” Inis kong tanong. Masakit na nga ang ulo ko at nahihilo
pa ko nakikisabay pa siya. Akala niya ba madadaan niya ako sa panlilibre ng drinks?

“Para magkautang ka sakin.” Sabi niya sabay lapit ng konti sakin, lumayo naman ako
kaagad.

“Hindi ko kailangan magkautang sayo dahil may sarili akong pambayad.” Sagot ko sa
kanya sabay tayo na sana pero nagsalita pa siya ulit.

“Pangalan mo lang naman ang gusto kong pambayad.”

Tinignan ko siya sandali. “Sophia ang pangalan ko.” Sagot ko bago tumayo para
sundan na sa CR si Krista. Sinabi ko na lang yung pangalan para magtigil na siya ng
pangungulit. Pero pagkatayo ko sa upuan halos matumba na din ako sa sobrang hilo
ko. Naramdaman ko na lang na may kamay na humawak sa bewang at likod ko. Si Cyril.

“Saan ka ba kasi pupunta? Mukhang nahihilo ka na?” Tanong niya sakin.


Inalis ko yung kamay niyang nakahawak sakin at pinilit na maglakad ng maayos
papunta sa CR. Alam kong sinusundan niya pa din ako pero hinayaan ko na siya. Gusto
ko na lang ngayon makita si Krista para makauwi na kaming dalawa dahil pakiramdam
ko malapit na talaga akong masuka dahil sa sobrang hilo ko.

Nakarating ako sa CR habang sumusunod pa din si Cyril at nashock ako sa nakita ko.
Isang babae at lalaki sa tapat mismo ng CR, naghahalikan at halos mahubaran na ang
isa’t-isa.

“Ehem.” sabi ni Cyril ng mapansin niya sigurong mapahinto ako.

Huminto naman yung dalawa at tumigin samin na parang gustong sumigaw ng ‘ISTORBO
KAYO!’. Kasi naman istorbo naman kami talaga, pero di ko na lang pinansin. Pumasok
ako sa CR at hinahanap ko si Krista sa loob. Wala, tss saan naman kaya pumunta yun?
Lumabas na ulit ako at nakita ko si Cyril na nasa labas pa din.

Lalagpasan ko na lang sana siya para hanapin kung nasaan si Krista ng bigla niya
akong hawakan sa braso at isinandal sa pader.

Nanlaki lang yung mata ko ng hawakan niya yung pisngi ko.

“Sophia, bakit ang ganda mo? I find you very interesting... I wanna make you mine.”
Sabi niya sabay ngiti. Hindi ngisi kung hindi totoong ngiti.

Hindi ko alam ang gagawin ko nung unti-unti niyang inilapit sakin yung mukha niya.
Naramdaman ko na lang ang sarili kong pumikit. 

=================

Chapter Two

Perfect Mistake Chapter Two

*Sophia’s POV*

Akala ko magpapaubaya na lang ang sarili ko na mahalikan ako ng lalaking hindi ko


naman kilala at hindi ko gusto pero bumalik ako sa katinuan ko. Tinulak ko siya ng
malakas palayo sakin. Halata naming nagulat siya sa ginawa ko kaya sinamantala ko
na yun para makatakbo palayo sa kanya. Muntikan na ako dun. Paano na lang pala kung
nahalikan ako ng Cyril na yun at nadala ako?

WHORE...

Narinig ko na naman sa utak ko yung salitang sinabi ni Andrei sakin. Yung salitang
hindi ko inakalang sasabihin niya sa akin. Naramdaman ko na naman lahat ng sakit
kaya hindi ko na naman napigilang umiyak habang tumatakbo palabas ng bar. Nakaabot
ako sa parking lot ng hingal na hingal dahil sa pagtakbo at pag iyak ko. Napahinto
na lang ako nung maalala ko si Krista, naiwanan ko nga pala siya bar.
Kahit hilong hilo at sukang suka na ko naisipan ko pa ding balikan si Krista dahil
siguradong hahanapin niya ako. Sinisi ko ngayon si Andrei sa sakit ng ulong
nararamdaman ko.

Lumakad ako ng dahan dahan dahil pakiramdam ko matutumba ako sa sobrang pagkahilo
ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko...

*Dylan’s POV*

“Hey babe gusto mo pa ng drink?” sabi ni Megan sakin. Umiling ako at kumapit siya
sa leeg ko. Nakakirita na din minsan, hindi ko naman siya girlfriend kapit ng
kapit. Dinate ko lang siya ng dalawang beses dahil akala ko iba siya sa mga
nakilala kong babae pero hindi pala.  Inalis ko na lang yung kamay niya na
nakakapit sa leeg ko. Mainit pa din talaga ang ulo ko. Naalala ko na naman yung
babaeng bumangga sakin kanina.

“Why?” sabi niya sabay lapit sa mukha ko. Bago pa niya ko mahalikan tumayo na ko at
naglakad palayo sa kanya.

“Uuwi na ko.” Sagot ko lang. Mabuti na lang nakaintindi at hindi na siya sumunod.
Dinaanan ko na yung mga kaibigan kong nakikipagkwentuhan sa mga ibang tao sa bar.

“Dude, uuwi na ko.” Paalam ko sa kila Brix at Nate. Hindi ko alam kung nasaang
lupalop na naman sina Cyril at Enzo. Si Cyril sigurado nambababae yun.
“Dy ang KJ mo naman, maaga pa kaya.” Pigil ni Nate sakin habang umiinom at
nagpapayabang sa mga babaeng kausap niya.

“Oo nga tol, hindi pa nga sumasagot ng beer si Enzo uuwi ka na agad.” Dagdag ni
Brix pero umiling ako sa kanila.

“Nawala na ako sa mood. Next time na lang.” Sagot ko sa kanilang dalawa. Masakit na
din kasi ang ulo ko sa dami ng nainom ko. Wala yata ako sa kondisyon uminom ngayon
kaya madali akong nalasing.

“Saglit lang dude, paano si Megan? Sumunod yan dito dahil sayo eh.” Tanong na naman
ni Nate.

Nagkibit balikat na lang ako. “Hayaan mo na yun, mamaya lang makikipag usap na din
sa ibang lalaki yan. Para naming di niyo kilala si Megan.”

“Ingat sila sayo Dylan.” Pahabol ni Brix sakin. Natawa na lang ako.

Si Megan, akala ko seryoso siya sakin noong pumayag siyang magdate kami. Una palang
kasi nagustuhan ko na siya dahil aminado akong maganda talaga siya. Pero nalaman
kong hindi niya pala kayang makipagsteady sa isang lalaki. Siguro nga gusto niya
din ako pero hindi niya pa din mapigil na makipagflirt sa ibang mga lalaki. Ayoko
ng ganun, kung gaguhan lang hanap ko matagal ko na sanang ginawa.

“Hey handsome.” Sabi nung babaeng biglang lumapit sakin sabay lagay ng kamay niya
sa dibdib ko.
Inalis ko kaagad yun at nagpatuloy sa paglakad palabas ng bar. Wala ako sa huwisyo
makipaglandian sa kanila. Paminsan lang ako sumakay sa trip ng mga ganung babae,
pag trip ko lang din. Syempre lalaki lang din ako, minsan nakakatukso din lalo na
pag sila pa ang lumalapit sayo.

Palapit na ako sa kotse ko nung may nakita akong tao na nakatayo sa gilid nito.
Nagmadali ako dahil akala ko pa baka magnanakaw na pinipilit buksan ang kotse ko
pero hindi pala. Pagkalapit ko nakita ko yung babae na... Fvck! Sumusuka siya sa
gilid ng kotse ko!

“Hoy! Umalis ka nga dyan. Sa dami dami ng susukahan mo kotse ko pa! Fvck naman!
Argh!” Napasabunot ako sa buhok ko habang naririnig ko yung babae na tuloy tuloy
lang na sumusuka sa gilid ng kotse ko. Peste namang buhay ‘to oh!

Nandidiri kong tinignan yung babae pagkatapos niyang sumuka. Nanlaki yung mata ko
nung naalala ko yung suot niya. Siya nga! Siya nga yung babaeng bumangga sakin! Pag
minamalas nga naman oh. May atraso ba ako sa babaeng ‘to at pati kotse kong
nananahimik sinukahan niya? Nakakaasar!

“Hoy miss ano bang problema mo sakin?” Tanong ko sabay hatak sa braso niya.
Pagharap niyang bigla na lang siyang tumumba at sumubsob sakin. Kung hindi lang ako
nakapagbalance malamang parehas kaming nasa sahig ngayon.

Tinapik tapik ko yung pisngi nung babae. “Uy miss gising. Naman oh. Gumising ka
miss at lilinisin mo pa yung kalat mo sa kotse ko. Huy.” Tinapik tapik ko pa siya
sa pisngi pero mukhang tulog na siya. Nalintikan na. Ano naming gagawin ko ngayon
sa babae na ‘to? Tsk.

Binuhat ko na lang siya at iniayos ng higa sa gilid. Bahala na siya dyan,


pagkatapos niya akong banggain at sukahan yung kotse ko matutulog siya? Ayos pala
‘tong babae na ‘to eh.
Kaso hindi yata maatim ng konsensya ko na iwanan yung babae dun sa gilid na
natutulog. Madami pa naming loko loko sa tabi tabi mamaya kung anong gawin sa kanya
konsensya ko pa. Bwiset may konsensya pala ako.

Binuhat ko na lang yung babae at iniupo sa shotgun seat ng kotse ko. Pagkatapos ay
sumakay na din ako sa kotse ko. Pinag iisipan ko kung ano bang gagawin ko sa
babaeng ito? Nakakainis naman kasi iinom inom, magpapakalasing at susuka tapos
hindi naman kaya. Tss. Ihatid ko na lang siya sa bahay nila.

Pastart na yung sasakyan ko ng maalala ko na hindi ko pala alam kung saan ang bahay
nitong babae na ‘to. Ni hindi ko nga din alam kung anong pangalan niya.

Tinignan ko na lang siya habang natutulog. Wala naman siyang dalang bag nung nakita
ko siya, hahanap sana ako ng ID na may address niya pero wala eh. Mukhang wala ding
bulsa yung suot niya. Ang nakita ko lang ay yung bracelet niya na may pangalan.

“Sophia... cool ah may tag pa ng pangalan. Parang tuta lang.” Nasabi ko pagkabasa
ko nung pangalan niya sa bracelet.

Bahala na, iuuwi ko na lang sa bahay ‘to kaysa pabayaan ko ‘to sa kalsada.

*
“Oh Dylan? Sino ‘yang babae?” Tanong ni Manang Emmy, mayordoma sa bahay, nung
nakita niyang buhat ko ‘tong si Sophia palabas ng kotse ko.

“Classmate ko po, nalasing eh di ko alam kung san ihahatid.” Pagsisinungaling ko.


Sigurado iisipin ni Manang na babae ko ‘tong inuwi ko dito.

“Ah eh, saan mo patutulugin yan si hija?” Tanong niya.

“Sa guestroom po. Nakaayos naman po yun di ba?” Tanong ko lang din. Tumango lang si
Manang kaya umakyat na ako sa hagdan. Lintik na babae ‘to ang bigat. Ang dami na
nga niyang atraso sakin tapos pahihirapan pa ako magbuhat sa kanya. Ihulog ko na
lang kaya ‘to dito sa hagdan para magising at makabawi man lang sa mga atraso niya?
Tss.

Pero hindi ko na din ginawa, bukas ko na ‘to sasabihan tungkol sa mga atraso niya.
Sinipa ko na lang yung pinto ng guest room para makapasok dahil buhat buhat ko pa
din siya. Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama at kinumutan. Ang dungis na ng
babaeng ‘to, amoy alak na at amoy suka. Tss. Mabuti na lang mahaba yung palda niya
kung hindi nasilipan na ‘to. Psh.

Tinignan ko lang yung babae habang nakakunot yung noo niya. Unang beses ko nag uwi
ng babae at nagpatulog ng babae dito sa bahay. Tss. Kung hindi lang lasing itong
babae na ‘to iniwan ko na ‘to sa kalsada eh.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas ng pinto ng nakarinig ako ng mga


yabag. Pagkalingon ko wala na yung si Sophia sa kama. Nakarinig ako ng ingay sa
banyo. Agad kong pinuntahan yun at nakita ko siyang sumusuka na naman. Naman,
gising pala yata ‘to. Buti na lang naisipan niyang sa banyo sumuka hindi sa kama
dahil ihuhulog ko na siya sa pool kung sa kama siya nagkalat.

Naupo na lang ako sa dulo ng kama habang hinihintay kong lumabas yung babae sa
banyo. Baka sakaling magtaka siya kung bakit siya nandito eh.

Paglabas niya ng banyo halos mapalunok ako. Kasi naman yung damit niyang puti,
nabasa ng tubig. Ngayon medyo halata tuloy yung panloob niya! Bakit naman kasi
naghilamos ‘tong babae na ‘to?

“A-ah ano lasing ka kaya dinala kita dito.” Sabi ko sa kanya nung nakatitig lang
siya sakin paglabas ng banyo.

Akala ko magsasalita pa siya pero dumeretso lang siya sa kama at pabagsak na


nahiga. Lasing pa nga siguro kaya parang wala pa sa sarili. Hayaan na nga, aalis na
lang ako.

Bago ako lumabas binuksan ko na yung lampshade sa gilid ng lamesa at pinatay yung
ilaw. Lalabas ka sana ako kaso nakita kong nalaglag yung paa niya sa gilid ng kama
kaya bumalik ako para ayusin siya ng higa. Kaso nagulat ako sa susunod niyang
ginawa...

Hinila niya ako palapit kaya napahiga din yung kalahati ng katawan ko sa kama,
patalikod sa kanya. Tapos niyakap niya ako at paulit ulit na bumulong.

“I’m a whore... I’m a whore...”

Hanggang sa may narinig na lang akong hikbi. Noong una natakot ako kala ko kasi
multo eh, yun pala galing dun sa babaeng nakayakap sa likod ko.

Pinilit kong humarap sa kanya para makita ko kung siya nga yun. At tama nga ako,
kahit madilim ko at ilaw lang sa lampshade ang meron kitang kita ko na siya yung
umiiyak. Ewan ko ba, hindi naman ako basta basta naawa lalo pa sa taong di ko naman
kilala pero sa kanya naramdaman ko yun.

Madami siyang binubulong pero isa dun wala akong naintindihan dahil sa lakas ng
iyak niya. Pinigilan ko man ang sarili ko, pero wala eh di ko na napigil kaya
niyakap ko na lang siya para mapatahan. Pero hindi naman siya tumahan, iyak lang
siya ng iyak kaya kumalas muna ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinignan yung
mukha niya. Pinahid ko yung mga luha niya pero tuloy tuloy pa din yung tumutulo.
Ano bang problema ng babaeng ‘to kaya ganito na lang siya kung umiyak? Kaya din ba
siya naglasing dahil sa problema niya?

Halos nakahiga na din ako sa kama dahil sa ginawa kong pagyakap sa kanya kanina.
Hinawakan ko lang yung magkabilang pisngi niya at tinitigan siya. Napalunok na
naman ako dahil sa mga nangyayari, parang biglang uminit yung paligid ko. Siguro
dahil nakainom ako. Tinitagan ko lang yung babae. Yung noo niya, yung mata, yung
ilong at yung labi.

At hindi ko na napigilan ang susunod kong ginawa, hinalikan ko siya. Noong una
nakalapat lang yung labi ko sa labi niya pero habang tumatagal para akong tinutupok
ng apoy, naramdaman ko na lang na kusang gumalaw yung mga labi ko. Hinihintay ko
sanang itulak niya ako o sampalin para magising ako sa kahibangan kong ‘to. Pero
nagulat ako nung nagrespond siya sa mga halik ko. Parang mas lalo akong nagising.
Niyakap ko siya palapit sakin. Hinawakan ko ang mukha niya para mas mahalikan ko
siya ng maiigi, hanggang sa naramdaman ko na lang yung sarili kong kamay na unti-
unting inaalis ang mga buttones ng damit niya.

And then there... everything happened... 

Dylan carrying Sophia on ze gif! =)

=================
Chapter Three

Sophia sa gif! >o<

Perfect Mistake Chapter Three

//Third person point of view//

Nagising si Sophia na masakit na masakit ang ulo niya dala pa din ng kalasingan
niya kagabi. Hirap pa nga siyang imulat ang mata niya dahil sa malakas ng sinag ng
araw, bukod pa dun pakiramdam niya may espirito pa din ng alak sa katawan niya.

“Argh. Bwiset! Bakit ba kasi ako naglasing lasing, eto tuloy ang napala ko. Bwiset
na alak, bwiset na Andrei!” Sabi ni Sophia sa sarili habang minamasahe ang sentido
niya. Inis na inis siya sa ex boyfriend na may dahilan kung bakit matindi ang sakit
ng ulo niya. Unang beses niyang magkahang over kaya inis na inis siya talaga.

Patayo na sana si Sophia mula sa pagkakahiga niya ng maramdaman niyang may kamay na
nakapatong sa may bandang tyan niya. Napakunot siya. Dahil wala pa din sa sarili
sinubukan niyang sundot sundutin yung braso na nakapatong sa tyan niya, pero hindi
ito gumalaw.

Lalong napakunot si Sophia kaya mabilis na lang niyang inalis yung kamay na
nakapatong sa tyan niya, kaso kasabay ng paghawi niya sa kamay ng kung sino ay
nahawi din ang kumot na bumabalot sa kanya. Doon lang narealize ni Sophia na sa
ilalim pa ng kumot ay wala na siyang suot. Napatili siya ng malakas.

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”
Sa lakas ng sigaw niya nagising tuloy ang nagmamay-ari ng kamay na nakadantay sa
kanya kani-kanina lang.

“Ano ba yan?! Ang aga aga ang ingay ingay!”

Napalingon naman kaagad si Sophia sa nagslita lalaki sa tabi niya. Halos lumuwa na
ang mata niya sa sobrang pagkagulat kung sino yung lalaking nakahiga sa tabi niya.

Lalong nataranta si Sophia nung makilala niya yung lalaki. Si Dylan Zayn Elizalde.
Isa sa pinakasikat sa College na pinapasukan niya. Napatili na naman tuloy siya
kasabay ng malakas na pagtulak kay Dylan dahil sa sobrang pagkagulat.

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”

Lumagapak ang buong katawan ni Dylan sa malamig na sahig nung kwarto. Nakagat ni
Sophia ang ibabang labi nung marinig niya yung pahkahulog ni Dylan mula sa kama.

“Anak naman ng! Aga aga may maingay tapos manunulak pa!” Parang wala din sa sarili
na sabi ni Dylan habang pilit na bumabalik paakyat sa kama.

“A-anong ginagawa mo dito? B-bakit magkatabi tayo?” Nauutal na tanong ni Sophia


habang madiin na nakatakip ang kamay sa dalawang mata. Gaya kasi niya, wala ding
suot na kahit ano si Dylan at ang masaklap pa nakita niya yun. Ang awkward, sobrang
awkward para kay Sophia ng bagay na yun.
“Hoy para sabihin ko sayo, bahay ko ‘to! At bakit ka ba nakatakip dyan? Sino ka
ba?” Maangas na tanong ni Dylan kay Sophia. Badtrip siya dahil masakit ang pwet at
binti niya galing sa pagkakahulog sa kama. Huli na ng maramdaman niyang wala pa
siyang kahit anong suot.

“Aw! Sht!” Napamura si Dylan habang natatarantang kinuha ang malakintg unan para
itakip sa katawan niya. Halos magmukhang kamatis na siya sa pula dahil alam niyang
nakita nung babae ang lahat sa kanya.

“Huy! Anong ginawa mo sakin? Bakit hubad ako? Nirape mo ba ako?” Sunod sunod na
tanong niya sa babaeng hindi niya sigurado kung kilala niya. Dagdag pa na nakatakip
ang mukha nito kaya hindi niya makilala.

Nanlaki ang mata ni Sophia sa narinig niya. “Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako
rapist! Saka pwede ba magdamit ka muna? Hindi ako nakikipag usap sa lalaking
nakahubad!”

Napasama ng tingin si Dylan sa babae habang isa-isang pinupulot yung damit niyang
nakakalat sa sahig. Nagbihis na din siya kaagad pagkatapos.

Bigla naman silang natahimik na dalawa at pilit na inaalala kung ano ba talagang
nangyari nung nakaraang gabi. Naging awkward tuloy ang paligid.

*Sophia’s POV*
Mas hinapit ko yung kumot para ibalot sa katawan ko. Hindi ko pa magawang magbihis
dahil nandito pa yung si Dylan, at isa pa ang sakit ng buong katawan ko.

Ilang minuto pa kaming tahimik nung si Dylan, nakatalikod ako sa kanya dahil hindi
ko alam kung paano ko siya haharapin.

“Naalala mo ba?” Biglang nagtanong si Dylan kaya nilingon ko siya ng kaunti.


Nakabihis na siya at nakaupo siya sa kama, kagaya ko nakatalikod din siya at
nakaharap sa mga bintana.

Hindi agad ako sumagotdahil kanina ko pa din pinipilit alalahanin lahat ng nangyari
kagabi. Medyo mahirap lang dahil nasasabayan pa din ng matinding sakit ng ulo ko.
Naghahanap ako ng matinong paliwanag kung bakit nasa ganitong sitwasyon kami ngayon
ng isa sa mga sikat na lalaki sa school ko.

Para namang automatic na pumasok sa alaala ko ang lahat. Ang pag inom ko sa bar
kasama si Krista, ang pakikipagkilala sakin ni Cyril, ang pagtakbo ko palayo sa
kanya, ang pagkahilo ko ng matindi sa parking lot at pagsusuka ko. Yung mga susunod
ko ng mga naalala ang nagpagulat sakin.

Ang pagkagising ko sa kwartong ito mismo, ang pagyakap ko kay Dylan, ang lahat ng
pag-iyak ko, ang paghalik niya sakin, at paghalik ko pabalik sa kanya.

Hanggang doon lang yung naalala ko. Para ngang hindi pa ako makapaniwala sa mga
nangyari kagabi, para kasing panaginip lang naman lahat ng yun.
“Naalala kong... hinalikan din kita...” Halos pabulong kong sagot sa tanong ni
Dylan. Nahihiya man akong aminin sa kanya na marahil nadala din ako sa ginawa
niyang paghalik sakin pero wala na akong magagawa, malamang naaalala din naman niya
yun.

Narinig kong nagbuntong-hininga siya bago magsalita ulit. “Yung mga susunod pa
doon, naaalala mo ba?”

Pinilit kong alalahanin ulit lahat ng nangyari kagabi pero hanggang doon na lang
talaga sa hinalikan ko din siya ang naaalala ko. “Hindi na.”

Natahimik na naman kami. Ayaw ko man isipin pero hindi ko maialis na mag-alala na
baka may nagawa pa kaming bagay na hindi naming dapat ginawa. Bagay na baka
pagsisihan namin, na baka parehas naman naming hindi ginusto. Itanggi ko man sa
sarili ko, hindi ko maiwasang hindi isipin na baka may nangyari samin ni Dylan.

“I’m sorry.” Pakarinig na pagkarinig ko nun tumulo kaagad yung luha ko. Nagsosorry
siya, ibig sabihin ba noon meron nga talaga? Nagsosorry siya dahil siguro nagsisisi
siya, gaya ko baka nagsisisi din siya.

Tuloy tuloy lang yung pagtulo ng luha ko kaya hindi ko kaagad nagawang sumagot sa
sinabi niya. Ilang minutong katahimikan na naming yung namagitan saming dalawa.
Hanggang sa naisipan ko ng magtanong tungkol sa bagay na yun.

“Nagsosorry ka. Ibig sabihin ba nun meron nga?” Halos bulong na lang yung nasabi
ko. Hindi ko nga alam kung maririnig pa niya. Ang hirap kasing magtanong,
nakakatakot marinig yung isasagot niya.

“Sorry. Sorry kasi... hindi ko din napigilan yung sarili ko.” Pabulong niya lang
ding sagot pero sapat lang yun para marinig ko.
Parang napagbagsakan ako ng kung ano sa balikat ko dahil sa sagot ni Dylan. Hindi
niya tinanggi, ibig sabihin totoo nga. Naiyak na naman ako. Ano bang katangahan ang
napasok ko? Hindi basta basta yung nawala sakin. Isang importanteng bagay na hindi
na maibabalik. Ang masama pa nito, naibigay ko siya sa isang taong hindi ko naman
mahal, ni hindi ko nga gusto, ni hindi ko naman ganun kakilala.

“Sorry talaga. Sana... sana hindi ko na lang ginawa. Sana hindi ako nagtake
advantage nung lasing ka. Sana-“

“Shhh. Tama na. May kasalanan din ako dito...” Napaiyak na naman ako. Totoo naman
na kasalanan ko din ‘to. Kung hindi ako nagpakalasing ng sobra hindi naman siguro
mangyayari lahat ng ‘to. Wala sanang alak na maguudyok sakin na gumawa ng bagay na
hindi ko naman ginusto. “...dahil din ‘to sa katangahan ko.”

“I’m terribly sorry. Alam ko naman na hindi natin ‘to parehas ginusto. This is a...
very huge mistake. Sorry.” Paulit ulit niyang paghingi ng tawad. Nararamdaman ko
naman sa boses niya yung sincerity sa pagsosorry niya. Pakiramdam ko guilty na
guilty din naman siya sa mga nangyari. At isa pa tama siya, this is just a huge
mistake.

“Nag-aaral ka ba? Saan ka ba nakatira? Ihahatid na lang kita sa inyo.” Pagtatanong


at pag offer niya. Medyo nagulat ako sa narinig ko dahil ang ineexpect kong ugali
niya ay arogante at mayabang. Pero naisip ko din na baka paraan niya lang ‘to para
mabawasan ang pagkaguilty niya sa sarili niya.

“Sa Hillsdale College ako nag-aaral.” Maigsi kong sagot ko sa kanya.

“Ahhh. Schoolmate pala kita, sige lalabas na ko para makapagbihis ka na. Pwede ka
ding magshower kung gusto mo. Sa baba na lang ako maghihintay.” Sabi niya habang
naglalakad papunta sa pinto.
Pagkalabas na pagkalabas niya hindi pa din ako kaagad naligo. Ang dami dami kasing
bagay na tumatakbo sa utak ko ngayon. Madaming pagsisisi. Pero ano pa bang magagawa
ko? Wala na. Hindi ko na mababawi ang bagay na nangyari na, siguro dapat tanggapin
ko na lang yung nangyari ng dahil sa katangahan ko.

Pagtayo ko habang nakabalot pa din ng kumot, napansin ko yung mantsa ng dugo sa


kama. Mas lalo pang nakumpirma yung bagay na alam ko naman na. Iiyak pa sana ako
ulit pero pinigilan ko na. Malamang maga na din naman ang mata ko. Nagshower na
lang ako ng maigi dahil pakiramdam ko nanlalagkit na ako sa pawis.

Mabuti na lang madaming twalya sa banyo nila. Siguro nasa guest room ako dahil
mukhang hindi naman personal na kwarto ‘to. “Talaga palang mayaman yung si Dylan.”

Pagkatapos kong mabalot yung twalya sa katawan ko lumabas na ako ng banyo at


dinampot yung mga damit ko.

“Tss! Ang baho, amoy alak na amoy suka pa. Paano ko naman ‘to susuotin ngayon?”
Asar kong sabi habang hawak yung mga damit ko.

Kasalukuyan pa din akong naasar sa madudumi kong damit nung may kumatok sa pinto.
Lumapit ako at nagdalawang isip pang buksan yun, baka kasi si Dylan.

“Hija...” Narinig kong tawag galing sa labas. Boses ng matandang babae kaya
binuksan ko na din yung pinto.

“Ipinabibigay ni Dylan, baka kasi wala kang bihisan.” Sabi nung nakangiting
matandang babae sabay abot sakin ng damit na pambabae.

“Ah salamat po.” Sagot ko lang pagkatapos kong kuhanin yung mga damit na inabot
nung matandang babae.

Pagkaalis niya, sinara ko na din yung pinto at dineretsong buklatin yung mga damit
sa kama. Mga damit nga ng pambabae, at mga branded pa.

“Siguro damit ‘to ng mga naiuwing babae niya.” Paismid kong sabi habang tinitignan
yung mga damit. Ayoko sanang suotin kasi hindi ko naman kilala kung sinong may-ari
nito pero wala na din naman akong choice. Kesa naman suotin ko yung mabahong damit
ko.

Nagbihis na lang din ako at binitbit ko yung maduduming damit ko palabas ng kwarto.
Hindi naman mala mansion ang bahay nila Dylan, pero malaki at maganda. Halatang
mayaman talaga sila.

Nung makarating ako sa sala sinalubong na naman ako nung matandang babae na may
dala dalang kape. “Hija, naliligo pa yata si Dylan. May pasok kasi yata siya
mamayang alas onse. Sabi niya lang na ipagdala kita ng kape. Gusto mo bang kumain?
Pwede kitang ipagluto.”

Umiling ako. “Hindi na po, okay na po yung kape. Meron na lang po ba kayong
paperbag?”

“Ah oo nga pala, sige dyan ka lang. Ikukuha lang kita.” Sagot niya ulit sabay
ngiti. Nawawala tuloy yung uneasy feeling ko dahil sa bait nung matandang babae.

“Salamat po.”
Tumango lang siya bago ako iwanan sa sala. Naupo na lang ako sa sofa at uminom ng
kape habang hinihintay si Dylan. Nilibot ko yung mata ko sa bahay nila. Hindi ko
inakala na makakapasok ako dito. Ang pinagtataka ko lang parang walang masyadong
tao dito kasi si Dylan at yung matandang babae pa lang ang nakikita ko simula
kanina.

“Hija, eto na yung hinihingi mo.” Sabi nung matandang babae pagbalik niya dala yung
paperbag.

“Salamat po.” Sagot ko pagkaabot. Inayos ko yung gamit ko sa paperbag pagkatapos


uminom na ulit ako nung kape.

“Ako pala si Manang Emmy. Ako ang nag-alaga dyan kay Dylan simula bata pa siya.
Gusto ko lang sanang itanong hija, nobya ka ba nya?”

Muntik ko ng maibuga yung iniinom kong kape dahil sa gulat ko sa tinanong nung si
Mang Emmy. Nasamid pa tuloy ako. “Hindi po!” Nanlalaki kong mata na sagot sa kanya.

“Ay ganun ba? Pasensya ka na at mukhang nasamid ka pa. Akala ko kasi nobya ka,
unang beses niya kasing magpatulog ng babae sa bahay.” Kwento ni Manang Emmy.

Napakunot ako ng kaunti sa sinabi ni Manang Emmy. Kung unang beses niyang
magpatulog ng babae ditto, kaninong damit ‘tong suot ko? Hindi naman siguro kay
Dylan ‘to. Natawa ako sa naisip kong yun pero hindi naman siguro. Mukhang hindi
naman siya bading. Peste may nangyari nga kagabi eh. Nalungkot na naman tuloy ako.

“Tara na?” Biglang nagsalita si Dylan habang pababa ng hagdan ng bahay nila.
Nakabihis na siya ng maayos.

Dinala ko naman yung paperbag at nagpaalam dun kay Manang Emmy bago ako sumunod kay
Dylan palabas ng bahay nila. Dumeretso kami sa mahabang garahe sa harapan ng bahay
nila at sumakay siya sa kotse niyang itim na parati kong nakikita sa school.
Sumakay na din naman ako sa shotgun seat dahil sinabi nga niyang ihahatid niya ako.
Isa pa wala akong pera at pati cellphone ko hindi ko alam kung saang lupalop ko
naiwanan. Tsk. Daming perwisyo na nagawa sakin nung paglalasing kong yun.

Tahimik naman kami buong byahe, siguro bukod sa sobrang awkward wala din akong
maisip na sabihin sa kanya. Unang beses kong nakausap si Dylan kanina, at sa ganung
sitwasyon pa. Sino ba namang hindi maiilang sa ganito?

“Dyan na yung bahay ko sa tabi.” Sabi ko sa kanya nung natanaw ko yung bahay namin.
Hininto nya din naman yung sasakyan niya sa tapat.

Pababa na sana ako ng sasakyan niya nung bumaba din siya. Medyo nagtaka ako dun,
akala ko ng pagbubuksan niya pa ako ng pinto pero hindi pala. Kahit taking taka
bumaba na lang din ako.

“Ano.. salamat pala sa paghatid.” Sabi ko sa kanya habang palingon lingon. Ewan ko
ba, hindi ko siya magawang tignan ng deretso. Hindi naman kasi ako sanay sa
presence niya.

“Pasok na tayo.” Sagot niya sakin sabay deretso sa gate namin.


“Ha?! Huy Dylan sandali lang! Saan ka pupunta? Bakit ka papasok?! Uy Dylan.” Habol
habol ko siya nung pumasok siya sa loob ng gate namin.

“May tao ba dito?” Tanong niya sakin sabay katok sa pinto. Napakamot na lang ako sa
ulo ko. May sayad ba talaga ‘to? Ganito ba pag mayayaman? Bigla biglang pumapasok
sa bahay ng may bahay?

Napapailing kong kinuha yung susi sa ilalim ng paso ng bahay namin at binuksan ko
yung pinto ng bahay. “Wala na. Pumasok na sa trabaho ang Mama ko, malamang nasa
school na din yung kapatid ko.” Pumasok na din ako sa loob at sumunod naman siya.

“Sa paso niyo nilalagay yung susi niyo? Buti hindi nawawala.” Comment niya habang
nagpapalingon lingon sa loob ng bahay namin.

“Spare key lang yan pag naiiwan namin yung susi namin. Teka pala, bakit ka sumama
sakin dito?” Tanong ko na sa kanya. Ang sabi niya kasi ihahatid niya lang ako sa
bahay pero bakit bumaba pa siya at pumasok pa sa bahay ko?

“Isasabay na kita pagpasok.”

Napanganga ako sa sinabi niya. Ano bang trip ng lalaking ‘to? Bakit nagpapakamabait
‘to? Dala pa din ba ‘to ng pagkaguilty niya?

“Sigurado ka ba dyan?” Tanong ko sa kanya.

“Oo. Bakit ayaw mo? May magagalit ba? O baka naman nahihiya ka?” Sunod sunod niyang
tanong.

*meow*

Natuwa naman ako nung marinig ko si Sushi, alaga kong pusa, na nagmeow sakin.

“Hi, sushi nandyan ka pala. Pinakain ka ba nila bago sila umalis ha?” Malambing na
sabi ko sa pusa ko. Mahilig kasi ako sa mga pusa, sige pati na din pala sa mga
tuta. Basta cute okay sakin.

“Bakit mo kinakausap yung pusa mo?” Tanong na naman ni Dylan. Ang weirdo lang ng
lalaki na ‘to.

“Kasi di naman siya sasagot.” Pabalang kong sagot sa kanya. Ewan ko ba, siguro
touchy pa din ako dahil sa nangyari. Saka naweiweirduhan talaga ako sa asal ngayon
nitong si Dylan eh.

“May breed ba yan?” Tanong na naman niya.

“Nose breed.” Pabalang ko na naman. Seryoso ako nung sinabi ko yan sa kanya pero
narinig kong tumawa siya ng mahina.

“Saan mo naman nakuha yan?” Tanong na naman niya.


“Bakit ba ang dami mong tanong? Para kang pulis eh.” Nakakunot kong tanong sa
kanya. Para kasing pinipilit niya lang na may mapag-usapan kaming dalawa eh. Hindi
ba siya naaawkwardan?

“Eh bakit ang sungit mo? Pasalamat ka nga nagpapakamabait ako sayo. Para sabihin ko
sayo madami kang atraso sakin! Binangga mo na ako sa bar kagabi, sinukahan mo pa
yung kotse ko. Naguguilty lang talaga ako sa mga nangyari tapos magsusungit ka!”
Pasinghal na niyang sabi. Yan lumabas na din yung natural niya. Sabi na nga ba
dahil lang sa pagkaguilty yun eh.

“Para din sabihin ko po sayo, hindi ko sinasadya na banggain ka sa bar. Hindi ko


din sinasadya na yung kotse mo ang masukahan ko. Hindi ko sinasadya yung nangyari
kagabi at lalong hindi ko sinasadya na maging masungit dahil hindi ko pa din
makalimutan yung nagawa kong katangahan.” Ganting singhal ko sa kanya kaya parehas
kaming natahimik sa sinabi ko. Hindi ko na napigilan. Kahit anong gawin ko naman
kasing pag alis sa utak ko ng mga nangyari hindi ko magawa eh. Hindi lang basta
basta ganun yun. Hindi ko kayang umarte na ayos na ko agad.

“Kukuha lang ako ng gamit ko sa taas.” Mahina kong sabi bago ko siya talikuran.

“Sandali lang.” Narinig kong sabi niya kaya nilingon ko siya.

“Ano nga ba ulit ang pangalan mo?” Tanong niya.

Gusto kong matawa sa tinanong niya. Sa dami na nga nangyari samin simula kagabi
nakakatawa lang na hindi niya pala tanda o alam ang pangalan ko. Pero kahit gusto
kong matawa at mainis, sumagot na lang ako.

“Sophia.”
=================

Chapter Four

Ang makulit na si Janna sa gif! *u*

Perfect Mistake Chapter Four

*Sophia’s POV*

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit at isara ulit yung bahay namin lumabas na kami ni
Dylan at sumakay sa kotse niya. Hindi na ako umasang pagbubuksan ako ng pinto ng
kotse nito, gawaing pangentleman lang yun eh.

Medyo hindi na ako touchy pagkatapos ko siyang masinghalan kanina. Siguro kasi
nakapaglabas na din ang ng nararamdaman ko at simula nun tahimik na lang din siya.
Mabuti naman, kesa ipilit na naman niyang may mapag usapan kami.

Saglit lang nakarating kami kaagad sa Hillsdale High & Colleges. Malapit lapit lang
din naman kasi ‘to sa bahay namin. Nagpark na kaagad si Dylan sa open space na
nakita niya.

Pababa na sana ako ng kotse niya nung may naalala akong isang bagay. “Okay lang
bang makita ako ng mga tao na bumababa sa kotse mo? Alam mo na kasi... ano...”
Nilingon niya ko. “Walang ibig sabihin ‘tong pagsabay ko sayo pagpasok kaya wala
kang dapat ipagaalala sa mga tao dyan. Wala naman silang pakialam.”

Nagkibit balikat na lang ako at bumaba sa kotse ni Dylan. Nauna na ko sa kanya


maglakad para makaiwas sa bulong-bulungan pero wala pa din akong ligtas.

“Oh my. Girls, nakita ko yung babae na yun bumaba sa car ni Dylan.”

“Girlfriend niya ba yan? Di naman maganda eh.”

“Di yan. Baka naisabay lang, di naman mukhang type ni Dylan yung babae. Di naman
sexy eh.”

Bwiset na mga chismosa ‘to. Kung pag usapan nila ako parang di ko naririnig. Gusto
ko sanang pagbuhol-buhulin yung mga dila nila kung hindi lang ako malalate sa klase
ko.

Hindi ko na napansin kung saan pumunta si Dylan dahil nga nauuna na akong maglakad.
Wala na din naman akong interes na alamin pa dahil sigurado namang ito na yung
huling usap namin.

Tuloy tuloy na lang akong pumasok sa classroom namin at si Janna kaagad ang
bumungad sakin.
“Sissy!” Tawag niya sabay yakap sakin. Niyakap ko din naman siya kahit na kahapon
lang naman kami hindi nagkita. Gusto ko lang siyang yakapin dahil sa halo halong
emosyon ko simula pa kahapon. Gusto ko ng maiknweto sa kanya lahat ng nanyari,
kahit yung tungkol kay Dylan. Ganun kami kaopen ni Janna sa isa’t-isa. Walang
taguan ng sikreto, simula pa Grade 4 magbestfriend na kami kaya ganun kami kaclose.

“Bakla ka!  Hinanap ka ni Daddy kahapon. Daming pasalubong. Naloka kami ni Mommy
kahapon sa baggages!” Daldal niya kaaagd sakin pagkaupo ko sa pwesto sa tabi niya.

“Madami bang inuwi na Quadratini at Chocolates?” Tanong ko kaagad. Sa sobrang close


kasi naming pati pamilya naming close na din. At sa tuwing umuuwi ang Daddy ni
Janna galing sa Australia madaming inuuwi para samin nila Mama.

“Naman! Alam mo naman na anak ka na din nun ni Daddy! Hahahaha. Tapos bakla, ang
daming bonggang outfit! Nashock na nga ako sa taste ni Daddy, fumafashion!”
Natatawa niyang kwento. Hindi talaga natitigil ‘to pag madaming gusting ikwento.

“Gaga ka talaga!” Natatawa kong sabi sa kanya. Nagkwento pa siya ng mga nangyari sa
kanila kahapon hanggang sa may babaeng sumigaw sa tenga ko.

“Soph!”

Halos mabingi ako sa tili ni Krista sa tenga ko. Pakiramdam ko nabingi nga yata ako
ng ilang segundo dun eh.

“Babae ka! Saan ka nagpunta kagabi? Alam mo bang nataranta ako kakahanap sayo?
Halos nalibot ko na yung buong lugar! Hanggang kaninang umaga hindi ako mapakali!”
Mukhang natataranta pa ding sabi ni Krista. Hindi ko siya masisisi naiwanan ko nga
naman siya sa bar. Kung hindi lang talaga ako nahilo ng todo baka nakabalik pa ko.
“Sorry ha. Kasi sa sobrang hilo ko ewan ko na ba. Babalik sana ako pero nahilo na
talaga ako ng sobra! Hinanap kita sa CR wala ka!” Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam
kung sasabihin ko pa din kay Krista lahat. May tiwala naman ako sa kanya pero iba
kasi talaga si Janna.

“Soph dalawa yung CR sa bar, baka nandun ako sa kabilang CR! Kaya pala pagbalik ko
wala ka sa pwesto mo. Binigay na lang sakin nung bartender yung gamit na naiwan
mo.” Binuksan niya yung bag niya at nilabas dun yung pouch bag ko na may lamang
pera ko, susi ng bahay at cellphone.

“Salamat ah. Buti dun ko lang naiwan at mabait yung bartender.” Sagot ko sa kanya
sabay check ng phone ko kaso dead battery na pala. Sigurado akong madaming text at
missed calls si Mama. Bahala na ako mag imbento ng idadahilan ko sa kanya.
Nakakababa nga lang.

“Hep! Sandali nga! Ano yan? Ano yang CR sa bar? Bartender? Ano yan ha? Di ko alam
yan! Nakakaloka kayong dalawa. Gumimik ba kayo kahapon habang wala ako?!” Medyo
hysterical na sabi ni Janna. Ganito lang talaga ‘to, malakas magsalita kaya parang
naghyhysterical.

“Si Soph na mage explain nun sayo bakla! Basta, prepare yourself dahil may
kakalbuhin tayo! Okay?” Sabi ni Krista bago pumunta sa pwesto niya.

“Anong sinasabi ni Krista? Kakalbuhin? Sino? Siya kalbuhin ko dyan eh. Madaya kayo
nagbar pa kayo! Mga echusera!” Paismid niyang sabi sakin kaya natawa ako ng konti.

“Basta mamaya ikwekwento ko sa’yo sa bahay lahat lahat.” Sagot ko sa kanya. Hindi
naman pwedeng dito ko sabihin sa kanya lahat. Madaming makakarinig.
*

“Grabe! Ang hassle talaga lagi ng klase na yun. Asar. Tara na nga.” Nakangusong
sabi ni Janna pagtapos kaming idismiss ng professor.

Lumabas na kami ng classroom at naglakad papunta sa gate, madaling madali kasi


‘tong si Janna.

“Sissy, parang namiss ko yung pagkain sa tapat. Bili tayo?” Tanong niya sakin. Dun
kasi kami madalas kumain sa tapat lang ng school.

“Sige. Sagot ko na lasagna.” Sabi ko habang kinukuha yung pera sa bag ko.

“Yan daw ba yun? Yung nakasabay ni Dylan sa kotse kanina?”

“Oo daw, hindi naman pala maganda. Maganda pa ko dyan eh.”

“Mukhang di naman papatulan yan, mukhang ewan lang eh.”

“Hoy mga panget! Anong pinagsasabi niyo dyan? Mga chismosang ‘to, dun nga kayo.
Noise pollution na kayo air pollution pa. Shoo!” Tinarayan ni Janna yung apat na
babaeng makatingin samin parang ang gaganda nila. Ang bilis bilis talaga kumalat ng
chismis. Napasabay lang sa kotse, uulanin ka na kaagad ng ganyan. Tss.

“Hoy babae! Anong pinagsasabi nung mga babaeng mukhang isda na yun? Bakit ka nila
binubully?” Tanong ni Janna pagkalayas nung mga babae. Halata naman kasi na ako
talaga ang pinag uusapan nila.

“Ano kasi... sumabay kasi ako sa kotse ni Dylan kanina pagpasok.” Sabi ko sabay
ilag ng konti sa kanya. Dalawang bagay kasi ang pwedeng mangyari, mahampas niya ako
sa gulat o magtitili siya.

Pero napakunot lang siya. “Sinong Dylan?”

Magsasalita pa lang sana ako nung unti-unting nanlaki yung mga mata niya.

“Wait! Dylan? As in Dylan Zayn Elizalde, yung magaling magrace. As in si Papa Dylan
nga?” Nanlalaki pa din yung mata niyang tanong.

Dahan-dahan akong tumango at prinepare ko na yung sarili kong tenga at katawan.

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Why? Why heaven and earth? Bakit? Tell me! Talk to me! My
ghaaaaad! Kayo ba? Kelan pa? Alam ba ng mama mo ‘to? Nagkiss na ba kayo?” Sunod
sunod na tanong at tili ni Janna habang niyuyugyog yung balikat ko. Napatingin
tuloy samin yung ibang tao.

“Hep hep! Sandali lang, alog na alog na yung kaluluwa ko sayo eh! Sandali naman!”
Awat ko sa kanya sa pagyugyog sakin. Mahihilo na ko sa pinag gagawa ng babae na ‘to
eh.

“Eh! Kasi naman eh. Inggit ako, kelan pa yan ha? Yiee! Ikaw ha? Bumoboylet ka na
ah.” Tukso niya pa sakin. Lalo naman akong napakunot. “Pero teka sissy, may
boyfriend ka eh! Si Andrei? Pano nangyari ‘to?”

Napayuko na lang ako nung nabanggit niya si Andrei. Naalala ko na naman siya. Siya
lahat may kasalanan ng ganito. Kung hindi niya ako niloko at ginamit lang, hindi
ako maglalasing. Hindi sana nangyari yung samin ni Dylan.

“Sa bahay ko na sasabihin sayo lahat. Tara na.” Tahimik kong aya sa kanya.

Bumili lang kami ng lasagna, chicken burger at vanilla milkshake bago sumakay ng
taxi papunta sa bahay namin. Kami lang naman sa bahay dahil nasa school pa yung
kapatid ko at nasa office si Mama.

Hinain ko na sa dining table yung mga binili namin na pagkain saka ko tinawag si
Janna.

“Sissy, ano palang sasabihin mo?” Tanong ni Janna habang kumakain kami.

Napayuko na naman ako, naaalala ko na naman yung lahat lahat ng nangyari kahapon.
Gusto ko na naman tuloy maiyak. Sa isang araw lang hindi ko alam na ganun ka daming
mababago sa buhay ko.

“Huy Soph. Ano ba yun?” Worried ng tanong sakin ni Janna.


Kasabay ng pagbuntong-hininga ko, tumulo din kaagad yung luha ko. “Hiwalay na kami
ni Andrei.. G-ginamit niya lang ako.” Halos ayaw lumabas sa bibig ko nung mga
huling salita na yun. Parang ang hirap hirap bigkasin ng katotohanan.

Napahinto naman sa pagkain si Janna habang nakatitig lang sakin. Bigla siyang
tumayo sa inuupuan niya at lumipat sa pwesto sa tabi ko.

“Anong nangyari? Sinaktan ka ba niya?” Alalang alala na tanong ni Janna habang


hawak yung dalawang kamay ko.

“Emotinally, yes. Janna, hindi niya ako minahal. Inamin niya sakin yun... he even
called me a whore.” Iyak ng iyak kong kwento.

Niyakap ako ng mahigpit ni Janna at napayakap na din ako sa kanya. Ito yung kahapon
ko pa gustong maramdaman. Yung pagcocomfort ng taong importante at nakakaintindi
sakin.

“Shhhh. Tama na Soph, hindi siya worth it sa luha mo. Kung ganoon ka lang din niya
kadaling binitawan ibig sabihin wala siyang kwenta, kasi hindi siya marunong
magpahalaga sa mga taong kagaya mo. Kaya hayaan mo na siya, makakalimutan mo din si
Andrei. At kami na ni Krista ang bahalang kumalbo sa kanya.” Pabiro yung tono niya
sa huli niyang sinabi pero alam ko na kaya nga nilang gawin yun. Dugong magndirigma
siya at si Krista pagdating sa kaibigan.

“Akala ko kasi, totoo lahat ng pinakita niya sakin. Matagal tagal na din naman yung
pinagsamahan naming kayo hindi na ako nagdoubt... Hindi ko alam na... Akala ko
kasi...” Humuhikbi kong sabi. Madami akong gustong sabihin pero ang sakit ikwento
lahat. Parang dumodoble yung sakit na nararamdaman ko tuwing inaalala ko lahat ng
sinabi niya sakin kahapon.
Hinagod ni Janna yung likod ko dahil malamang dinig na dinig niya yung hikbi ko.
“Tama na, wag mo ng ikwento yung tungkol kay Andrei kung nahihirapan ka. Dahil ba
dun kaya kayo nagpunta sa bar ni Krista?”

Humiwalay na ako ng yakap sa kanya para tumango.

“Tsk. Pero teka, ang rinig ko kanina naiwanan mo si Krista sa bar? Pati gamit mo
naiwan mo? Anong nangyari?” Tanong na niya.

Kahit pinahid ko yung luha ko hindi naman yun tumitigil sa pagtulo kaya hinayaan ko
na lang. “Nalasing kasi ako ng sobra. Nag CR si Krista at sabi niya wag akong aalis
sa pwesto ko, pero kinausap ako ni Cyril.”

“Sandali! Cyril Gonzales yung babaerong gwapo? Napapansin ko lang ah! Quota ka na
sa mga gwapo.” Pagbibiro niya pa pero nung napansin niyang hindi ako natawa
tinigilan na niya rin. Siguradong pag nalaman niya pa yung mga susunod na nangyari
hindi na din siya matatawa.

“Oo siya nga, alam ko naman yung ugali nun sa babae kaya nilayuan ko siya pero
sinubukan niya akong halikan kaya tumakbo ako palabas ng bar. Doon na ako inabutan
ng sobrang hilo kaya nagsuka ako hanggang sa hindi ko na alam kung ano pa yung mga
susunod na nangyari...” Huminto ako saglit para tignan yung reaksyon niya. Seryoso
lang siyang nakikinig sa bawat sabihin ko. “Hanggang sa nagising akong nasa isang
kwarto kasama ni Dylan. Siguro dahil na din sa lasing ako o baka parehas pa kami,
dala na din ng hindi ko na alam kung anong pinaggagawa ko...”

Steady na steady lang si Janna na nagtanong, palagay ko nahuhulaan na niya kung


anong nangyari. “Ano?”
Tumango ako sa kanya kasabay ng pagbagsak na naman ng luha ko. “Tama ka ng
iniisip... may nangyari samin ni Dylan...”

Akala ko ay sasabunutan niya ako o kaya sisigawan dahil sa nagawa kong katangahan
pero nagkamali ako.

“Hahahahahahahahahahahahahahaha!”

Tumawa siya ng tumawa. Medyo nainis pa ako dun pero hindi ko pinansin at nagtanong
na lang ako. “Bakit ka tumatawa?”

Tumigil siya sandali sa pagtawa niya. “Soph, tigilan mo na nga ang panonood ng soap
opera sa gabi.”

Akala ba niya nagbibiro lang ako? “Jannina seryoso ako. Totoo lahat ng sinabi ko
sayo. Nagising na lang kami parehas na may nangyari na pala.”

Sumeryoso siya nung tawagin ko siya sa totoong pangalan niya at kinagat niya yung
ibabang labi niya. Nagulat na lang ako ng bigla niya na naman akong niyakap at
umiyak.

Mas lalo na naman akong naiyak sa ginawa niya. Alam kong tuwing nasasaktan ako
ganun din siya, kahit na gaano pa kagaga at kadaldal si Janna nasasaktan siya
tuwing nasasaktan ako. Para ko na siyang kapatid sa ibang magulang, ganito kami.

“Soph naman nakakainis ka.. Kahit mas matalino ka sa academics tatanga tanga ka pa
din sa ibang bagay. Nawala lang ako ng isang araw nagkaganyan ka na. Anga anga ka
talaga eh... Nakakainis ka.”
Hindi ko alam kung maasar ako o matatawa sa sinabi ni Janna sakin. Pero isa lang
ang sigurado ko, touched na touched ako sa sinabi niya. Kahit na ganun kababaw yun,
alam kong para saming dalawa mas malalim pa yung ibig sabihin nun.

“Oo alam ko yan... sa dami dami ng lalaki doon pa sa may pagkababaero din... pero
ano pa bang magagawa ko Janna? Wala na eh. Kahit makapuno ako ng isang drum ng luha
hindi ko na maibabalik yun.. Tatanggapin ko na lang.”

Pagtapos ng mahaba haba pa naming iyakan inubos na lang naming yung lahat ng
pagkain na binili namin. Pampalubog loob lang namin ‘to tuwing may problema kami.

“Pst bakla..” Bigla akong tinawag ni Janna na ngayon ay maga ang mata kakaiyak.
Sigurado ako mas maga ang mata ko.

“Oh bakit? Sesermunan mo na naman ako? Tama na please, quota na ko sa mga pagbatok
at pasimpleng pagsabunot mo sakin kanina.” Biro ko sa kanya. Nakailan din ‘to
kanina ah. Pero atleast gumaan ang pakiramda ko pagkatapos ko masabi sa kanya ang
lahat. Nabawasan yung guilty feeling ko.

“Hindi, gaga! Ano kasi, may naiisip lang akong isang bagay.” Paligoy ligoy niya
pang sabi.

“Ano?”

“Ano kasi....” Nagbuntong hininga siya bago niya itunuloy yung sasabihin niya.
“..may nangyari nga kasi, hindi kaya mabuntis ka?”
Napatulala ako saglit sa narinig ko galing sa bibig ni Janna. Naimagine ko ang
sarili kong lumalaki ang tyan, hanggang sa manganganak at ang pinakamalala yung
hindi papanagutan yung baby. Napailing ako. “Hindi naman siguro. Isang beses lang
nangyari at din a mauulit, kaya hindi yan.”

Hindi pa pwede, hindi pa ko handa sa ganung klaseng bagay. Hindi pwede.

                                                                                   

=================

Chapter Five

Perfect Mistake Chapter Five

*Dylan’s POV*

"Ngiting ngiti ka naman dyan kumag! May babae ka na naman ‘no?” Tanong ni Cyril kay
Brix na ngiting ngiti nga habang nagtetext.

“Tss. Di ako nagtetext, mobile chat mga dude. Mga taong bundok kasi kayo eh.” Sagot
niya samin sabay baling ulit sa cellphone niya.

Nakatambay kaming lima ngayon sa isang bakanteng room sa Academy na inangkin na


namin para gawing tambayan. Wala naman kasing gumamit nito, bagong bago pa naman.
“Hoy ikaw! Ano na namang minumukmok mo dyan? Natatae ka?” Sita naman ni Nate sa
tahimik na si Enzo. Ewan ko ba sa Enzo na ‘to kung bakit parating tahimik. Masyado
pang masikreto, sipain ko ‘to eh.

“Nathan, I’d rather shut my mouth than talk trash like you.” Ganti sa kanya ni
Enzo. Tinawag pa siya sa tunay niyang pangalan.

“Hahahahaha! Sabog ka ngayon Nate!” Asar ko kay Nate. Durog talaga siya pag
ginantihan na siya ng banat ni Enzo eh.

“Eto naman! Sorry na, binibiro ka lang eh. Wala kasing englishan!” Mukhang ewan na
sagot ni Nate sa banat ni Enzo sa kanya. Sabi na nga ba walang palag ‘to eh!
Hahahaha!

“Nag-aaral ka di ka marunong mag english? Kawawa ka naman ‘tol. Sayang utak mo,
slighty used lang.” Pakunwaring seryoso na sabi ni Cyril kay Nate habang tinatapik
tapik pa yung balikat ni Nate.

“Noli Me Tangere!” Sigaw sa kanya ni Nate sabay tabig sa kamay ni Cyril.

“Pinagsasabe mo?” Tanong ko sa kanya habang nakataas yung dalawang paa ko sa upuan
sa harapan ko.

“Touch Me Not! Huwag mo akong salingin! Nag-aral ba kayo? Yun lang di niyo alam.
Tss.” Pagyayabang ni Nate.
“Maarte ka. Pakain ko sayo yung textbook ng Noli dyan eh!” Sabi ni Cyril sa kanya
sabay batok. Ganyan yan talaga si Cyril samin, mamamatay ka sa kabog.

“Speaking of! Come on, I’ll just treat you guys to lunch.” Aya ni Enzo. Ang galante
talaga ng kumag na ‘to, palibahasa walang girlfriend kaya walang babaeng
pinagkakagastusan. Mag-isa pang nakatira sa condo niya kaya sunod lahat ng gusto.

“Uy bespren! Sabi ko na nga ba’t di mo ko matitiis, alam ko namang ililibre at


ililibre mo ako. Hulog ka ng langit, di ka pwede dun.” Sabay akbay ni Nate sa kay
Enzo. Magbestfriend talaga sila. At kabaligtaran ni Nate si Enzo. Kung anong
kinatahimik ni Enzo, kinadaldal ni Nate. Kung anong kinagalante ni Enzo,
kinakuripot ni Nate.  Sa babae lang yata hindi kuripot si Nate, lalo pag nanliligaw
yan.

“Tara tara!” Aya na din ni Brix, pinakamatanda saming lima pero utak bata din. Ewan
ko ba kung bakit napasama samin ‘to? Di naman naming siya kabatch maski nung
highschool dahil ahead siya samin ng isang taon pero naging tropa pa din kaming
lima. Hanggang college magkakaibigan kami.

Pagdating naming sa cafeteria may mga babae na namang tumili, nagbulungan at


napapansin. Minsan pati mga bakla ganun na din. Hindi naman kami ganun kasikat sa
Academy dahil madami din namang ibang grupo dito, ganito naman yata lagi eh. Wala
eh, mga gwapo daw kami eh.

Hindi na lang din naming pinansin yung mga nagpapansin. Ah mali pala, kaming tatlo
nila Enzo at Brix ang hindi namansin kasi si Nate puro pacute tapos si Cyril naman
papogi. Sarap ngang batuhin ng tray nung dalawa eh, ramdam na ramdam nilang gwapo
sila. Kabwiset.

Kumakain na kaming lima ng kung ano-ano nilibre samin ni Enzo nung biglang tumayo
si Cyril at may nilapitan na dalawang babae sa table na hindi kalayuan samin.
Hindi ko n asana papansinin kaso nakita ko siya. Yung babaeng naiuwi ko samin weeks
ago na ang nakakaraan. Si Sophia.

Magkakilala sila?

*Sophia’s POV*

Ilang linggo na ang nakalipas simula nung lahat ng nangyari sakin. Pinipilit ko pa
din na wag alalahanin lahat at finocus ko na lang yung sarili ko sa pag-aaral dahil
malapit lapit na din ang finals ngayon semester. Paminsan nagkikita at
nagkakasalubong kami ni Andrei sa hallway o dito mismo sa cafeteria pero umiiwas
din kaagad siya. Ang hirap pala mag move on pag nakikita mo pa din siya. Kung pwede
lang lumipat ng school eh, kaso sayang naman ang lahat ng records ko eh graduating
na ko ng Fashion Designing dito.

“Sissy, ginugutom ka ba ni Tita sa inyo? O sadyang glutton ka na ngayon?” Tanong ni


Janna pagkalapag niya ng tray ng lunch namin sa harap ko. Nagpresinta na kasi siya
na siya na ang pipili dahil nahihilo ako.

“Ewan ko. Kumain naman ako kanina sa bahay, siguro trip ko lang talaga kumain
ngayon.” Sabi ko sabay kuha ng rice meal na pinabili ko.

“Dahan dahan lang, ang figure baka maging PIGure na!” Tukso niya sabay subo ng
pagkain niya.

Nagkibit balikat na lang ako saka kinain yung rice meal ko, may fettuccini pa akong
kakainin pagkatapos nito.

“Sissy, nagawa mo ba yung list ng linens na bibilihin natin next week?” Tanong
sakin ni Janna sakin bago sumubo ulit ng pagkain.

Umiling ako. “Tinamad ako gumawa ng lists kagabi, antok na antok ako eh.”

“Oh glutton na naging antukin pa! Tinulugan mo ng yung klase ni Sir Marquez kanina,
pasalamat ka paborito ka ng bakla na yun kaya kahit alam kong napansin ka niya di
ka sinita.” Kwneto niya sakin pero wala ako sa mood makipagkwentuhan.

Hindi ko na din naubos yung kanina sa rice meal ko kasi ayoko na bigla, yung
fettuccini na lang ang kakainin ko. Malakas na din naman akong kumain dati pa, pero
yung pagiging antukin? Hindi yata normal sakin ‘to. Pati yung madalas na pagkahilo
ko.

“Madalas kang parang maputla bakla, okay ka lang ba talaga? Ilang araw ka na ding
madalas nahihilo eh. Pacheck up ka na kaya?” Alalang tanong ni Janna nung hindi ko
siya sinagot kanina.

“Sabi ni Mama wag na din daw ako magpuyat o magpakapagod. Siguro daw stressed ako o
kaya inaatake na naman ng pagkalow blood ko kaya madalas akong mahilo. Nagtatake na
ulit ako ng vitamins, baka maging ayos na ‘to.” Sagot ko sa kanya para hindi na
siya mag-alala. Madalas din naman ako atakihin ng pagkalow blood ko dati pa, ito
lang yata yung pinakamalala.

Tumango tango naman si Janna bilang signal na convinced siya sa mga sinabi ko.
Saka naman biglang parang nagkagulo sa cafeteria dahil sa tili, bulong-bulungan at
usapan ng mga babae at mga bakla na nasa cafeteria.

Kaya naman pala, dumating pala ang Fast Five. Yung grupo nung si Dylan at Cyril.
Sikat nga talaga sila dito sa school, madalas ganyan ang reaksyon ng mga babae at
bakla tuwing dadating sila. Agad ko naman nakita si Dylan pero hindi niya ako
napansin. O kung napansin man niya ako baka hindi na niya ako natatandaan. Ilang
linggo na din naman ang nakalipas at pagkatapos nung wala na akong narinig na kahit
ano sa kanya. Okay lang naman sakin yun, mabuti na siguro ‘to para hindi ko na siya
nakikita. Mas hindi ko na madalas maaalala yung katangahan na nagawa ko.

Tahimik na lang kaming dalawa ni Janna na kumakain ng biglang may tumabi sakin sa
pwesto ko. Halos malunok ko ng hindi pa nangunguya yung fettuccini sa bibig ko nung
nakita ko kung sino yun. Si Cyril.

“Uh Sophia right?” Tanong niya nung humarap ako sa kanya.

Tumango lang ako at nginuya yung kinakain ko. Ano naman bang kailangan nitong
lalaki na ‘to sakin? Eh naiinis ako sa kanya dahil kamuntikan na niya akong halikan
noon.

“I just wanna know if you’re free tomorrow? Can I treat you out on a drink?”
Nakangiting tanong niya.

Pero iba yung dating nung tanong niya sakin. “Alam mo, kung plinaplano mo akong
idagdag sa koleksyon mo ng mga babae wag mo ng ituloy. Wala kang mapapala sakin.
Yung mga muntik ng mangyari sa bar noon kalimutan mo na. Hindi ako talaga ganung
klase ng babae, wala lang ako sa sarili ko nun. Lasing ako nun, at dahil na din sa
katangahan. Kaya pwede wag mo na ko kakausapin?” Masungit kong sabi sa kanya. Isa
pa ‘to sa mga nagbago sakin lately, naging touchy ako at sensitive sa lahat ng
bagay.

“I’m sorry pero-“

Hindi ko na siya pinagsalita pa. “Sige na makakaalis ka na, kanina pa kami gusting
patayin ng mga babaeng mas interesado naman sayo.”

Hindi na siya nakapalag pa kaya umalis na siya at bumalik na dun sa grupo niya.
Nakarinig na naman tuloy ako ng ilang bulong galing sa mga tao sa paligid ko.

“Bakit siya kinakausap ni Cyril?”

“Close ba sila?”

“Ewan ko. Pero hindi ba siya din yung nachismis na kasabay ni Dylan sa kotse dati?”

“Oo nga. Siya nga! Iniisa isa niya yata sila eh.”

Sarap painumin ng hot sauce ng mga chismosa na ‘to, lalo tuloy akong naiinis. Saan
bang parte ng Academy na ‘to ang walang maarte at OA na mga estudyante? Sumosobra
na sila, pasalamat sila hindi ko papatol sa kanila.

“Tara na Janna, nawalan na ko ng gana kumain.” Aya ko kay Janna. Nasira na lalo ang
araw ko dahil sa paglapit ni Cyril na yun. Wala naman siyang mapapala talaga sakin,
ayokong mapaglaruan niya lang din.

Inaya ako ni Janna dahil magpapalit daw siya ng pads niya. Sakto naman na pagpasok
sa CR naramdaman ko na nasusuka ako. Kaya dumeretso ako sa isang cubicle at doon
sumuka ng sumuka. Ang weird, parang may mali sa pakiramdam ko.

“Sissy, okay ka lang ba dyan?” Katok ni Janna sa cubicle na pinasukan ko.

“Oo. Saglit lang.” Sabi ko habang pinakikiramdaman ko kung masusuka pa ba ulit ako.
Nung wala na, flinush ko na lang yung toilet at lumabas na ng cubicle. Dumeretso
ako sa lababo para maghilamos at magmumog.

“Soph, ano bang nangyari sayo? Okay ka lang ba talaga? Pakiramdam ko ang tamlay
tamlay mo eh.” Nagaalala na namang tanong ni Janna sakin.

Pagkatapos ko maghilamos pinunasan ko yung mukha ko ng panyo at humarap na sa


kanya. Umiling ako. “Pakiramdam ko may mali sa katawan ko Janna, kaninang umaga
nagsuka na din ako. Pakiramdam ko wala naman akong nakain na hindi maganda para
magsuka ako. Tapos ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon.”

“Sigurado ka? Soph may itatanong ako. May naalala kasi ako bigla eh.” Mahina niyang
sabi.

Napakunot ako. “Ano naman yun?”

Lumingon lingon pa siya sa paligid na parang sinisigurado niyang walang ibang tao
na makakarinig ng sasabihin niya.

“Nagkaroon ka na ba ng ments? Kasi Soph yung symptoms...”

Hindi man niya natapos yung sasabihin niya, alam ko na kung anong gusto niyang
tukuyin.

“Ano sinubukan mo na ba? Huy! Buhay ka pa ba dyan?” Paulit ulit na katok ni Janna
sa pinto ng banyo namin habang ako halos hindi na maipinta yung mukha ko sa sobrang
kaba.

Pagakatpos kasi ng klase naming kanina dumeretso kami sa drugstore para bumili ng
pregnancy kit. Gusto ko man itanggi o ipilit na low blood lang ako kaya kung ano
ano ang nararamdaman ko, hindi ko din maalis sa sarili ko na magduda. Kaya para
matahimik kaming parehas ni Janna, bumili na kami.

Nagamit ko na naman yung pang test eh, kaso natatakot lang akong tignan kung ano
yung resulta. Paano na lang kung two lines pala? Paano na lang ang gagawin ko?

Inalis ko muna ng alalahanin ko sa mga possibleng mangyari at dahan dahan kong


sinilip yung test.
Halos magtatalon ako sa tuwa nung nakita kong iisa lang yung pulang linya. Negative
siya! Nagmamadali akong lumabas ng banyo para sabihin kay Janna.

“Sissy! Negative!” Tuwang tuwa kong sabi sa kanya sabay abot nung test.

“Ha? Talaga?” Nanlalaking mata niya na tinanong at tinignan naman niya yung test
pagkaabot ko sa kanya.

Halos magtatalon ako sa tuwa nung nakita kong iisa lang yung linya sa pregnancy
test. Pero hindi pa man ako lubusang natutuwa, bigla naman akong tinawag ni Janna.

“Soph.” Seryosong seryoso niyang sabi sakin habang nakatitig dun sa test.

Pakiramdam ko kinabahan ako bigla. Nilapit ko siya para malaman ko kung bakit ganun
siya kaseryoso. Hindi ba dapat masaya din siya kasi negative yung resulta?

Seryoso pa din niya nung ibinalik niya sakin yung test ko. Halos manlumo ako sa
nakita ko.

Dalawang pulang linya.

Paano? Imposible. Kanina iisang linya lang ‘to. Pero bakit ngayon...? Hindi man
ganun kalinaw yung pangalawang linya pero meron.

Positive.
Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang nawalan ako ng pakiramdam
sandali  tapos pagbalik ang sakit sakit ng dibdib ko. Parang ang bigat bigat ng
lahat. Halo halo na ding bagay ang tumakbo sa utak ko pero isang tanong ang
pumaibabaw sa lahat ng naisip ko.

Pananagutan kaya ‘to ni Dylan?

“S-soph? Anong plano mo?” Naiiyak ng tanong ni Janna.

Umiling ako habang dahan-dahan na umuupo sa upuan sa kusina. Pakiramdam ko nanghina


yung mga tuhod ko sa resulta ng test. “Hindi ko alam Janna.”

Umupo si Janna sa upuan na katabi ko at hinawakan yung kamay ko. Halos kagatin ko
na nga yung mga kuko ko dahil sa kaba at takot kung anong dapat kong gawin.

“Soph kailangan agad ‘tong malaman ni Tita. Kailangan sabihin mo sa kanya.”


Malumanay na suggestion ni Janna habang umiiyak na din siya. Alam kong kahit hindi
naman siya yung nagpositive sa test ay pareho kami ng nararamdaman. Parehas naming
hindi alam ang gagawin.

“Janna, magagalit si Mama sakin. SIguradong magagalit siya, baka itakwil niya ako!
B-baka... baka palayasin niya ako.” Hysterical ko ng sagot. Natatakot ako. Ano na
lang ang magiging reaksyon ng Mama ko kapag nalaman niya? Ayokong sumama ang loob
niya pag nalaman niya ‘to.

Hinawakan ako ni Janna sa balikat, siguro pilit akong pinapakalma. Nagpapanic na


talaga kasi ako. “Soph, makinig ka. Itago mo man o sabihin kay Tita, eitherway
sasama at sasama pa din ang loob niya. Mas mabuti ng sayo manggaling di ba? Sa
sarili na niyang anak kesa sa ibang tao pa.”

Nagpanic na naman ako. Hindi ako madalas ganito, ngayon ko nga lang ata naranasan
matakot at magpanic ng ganito. “Pero paano pag nagalit siya? O tinakwil ako.”

“Ano ka ba? Natural magagalit yang si Tita! Walang magulang ang hindi magagalit na
malamang buntis yung anak niya e wala ka ngang boyfriend dyan! Pero yung itatakwil
ka? Malabo pa sa grade ko sa Math nung elementary tayo yun Soph. Mahal na mahal ka
nun ni Tita, baka masampal ka lang pero hindi ka itatakwil nun promise.”

Napatingin naman ako ng seryoso sa kanya. Ano ba ‘to? Seryoso pa ba ‘to sa advice
niya o pilit lang na nagpapatawa para makagaan ng mood?

“Hoy wag mo akong tignan ng masam dyan. Totoo kaya yung mga sinabi ko. Pero Soph
may isa ka pang importanteng dapat pagsabihan nito. Yung unang dapat makaalam.”

Tinignan ko lang siya pero hindi ako sumagot.

“Si Dylan...”

“Excuse me kuyang cutipie nakita mo ba si Dylan?” Tanong ni Janna sa nakasalubong


naming lalaki sa campus. Hinahanap kasi naming si Dylan, gusto talaga ni Janna sa
kanya ko unang sabihin yung tungkol dito.
At dahil din hindi ko na matandaan yung bahay nila Dylan dahil isang beses lang
naman ako nakapunta dun, sa school na lang namin siya naisipang hanapin. Alam
naming sikat siya ditto kaya madaling mahahanap kahit ipagtanong lang namin sa mga
tao.

Umiling lang yung lalaking pinagtanungan namin.

“Sige salamat kuya.” Sabay naming sabi sa kanya.

“Psst. Kuya nakita mo ba si Dylan?” Tanong ni Janna dun sa isang lalaki na


nakatambay sa hallway.

“Ha? Saglit.” Lumingon yung lalaki sa isang grupo ng mga lalaki sa kaliwa niya.
“Hoy Dylan may naghahanap sayo.”

Kinabahan kaagad ako nung narinig ko na tinawag na siya nung lalaking pinatanungan
namin. Halos tumalon na yung puso sa kaba.

Pero pagharap nung lalaki..... Fail.

“Ay kuya, si Dylan Zayn Elizalde ang hanap namin, hindi yung haggard version niya.”
Natatawang ewan na sabi ni Janna dun sa pinagtanungan namin. Ibang Dylan kasi pala
yung kilala niya, at tama si Janna haggard version nga ni Dylan yung tinawag nila.
Natawa tuloy ako ng konti.
“Ay ganun po ba? Pasensya na. Hindi ko po alam kung nasan yung si Dylan Elizalde
eh.” Sagot na lang nung lalaki habang napapakamot ng ulo niya.

“Sige thank you na lang kuya.” Sagot ko sa kanya at hinila ko na si Janna papunta
sa campus grounds. Kanina pa din kasi kami naghahanap dito pero mukhang wala naman
siya dito.

“Sissy hindi kaya nasa bahay siya? Hindi mo ba talaga tanda yung bahay nila? Kahit
street lang?” Pangungulit na naman ni Janna. Ilang beses na din niya ‘tong tinanong
sakin kanina.

“Hindi nga. Naman Jannina, halos 2 months na din yata ang nakalipas nun. Sa dami ng
iniisip ko hindi na kasama dun yung street ng bahay nila. Naman oh!” Maktol ko na
sa kanya. Pagod na pagod na ko sa kahahanap at nahihilo na naman ako. Asar naman
oh, eto na ba yung paglilihi na tinatawag nila?

“Wait bakla! Mag marathon lang ako! Wait!” Sabi ni Janna bago nagtatatakbo papunta
sa gate. Dahil hindi ako makakatakbo naglakad na lang ako para sundan siya. Gagang
babae yun, nakaskirt pa naman tapos kung tumakbo parang nasa marathon nga.

Pagdating ko sa labas ng gate naabutan ko siyang may kausap. Teka, kilala ko ‘tong
lalaki na ‘to eh.

“Uy Nathan di ba? Di ba magkaibigan kayo ni Dylan?” Tanong ni Janna dun sa lalaking
kausap niya. Tama kilala ko nga ‘to, alam ko kaibigan ni Dylan at kagroup niya
‘tong si Nathan. Nathan Fortalejo.

“Oo bakit? Chiks ka ba ni Dy?” Nakakalokang tanong nung lalaki kay Janna. Ganun ba
sila kababaero  kaya pag may hanap iniisip nila babae agad ng kaibigan nila?
“Hindi yung kaibigan ko kasi!” Sabi ni Janna sabay turo sakin. Lumapit naman ako ng
konti sa kanilang dalawa.

“Babae siya ni Dy?” Tanong na naman ni Nathan. Pakiramdam ko tuloy namumula na ako
sa katatanong niya ng ganyan. Ang awrkward kasi lalo na alam ko yung pakay ko kay
Dylan.

“Oo! Ay este hindi, may kailangan lang kasi kaming sabihin kay Dylan. Importante
lang, alam mo naman siguro yung bahay niya di ba?” Natatarantang tanong ni Janna.
Anong nangyayari dito? Nagparang pasmado dahil pinagpapawisan pa. Kinakabahan din
ba siya?

“Oo.” Medyo nakakunot na sagot nung si Nathan.

“Pakihatid mo naman kami please oh! Rush ‘to, matter of life and death. Sige na
naman oh.” Pakiusap niya dun kay Nathan. Pero more of a command yung sinabi niya
eh.

“Ha? May mamamatay? Oh sige sige sakay na!” Nagmamadali naman kaming pinasakay ni
Nathan sa kotse niyang convertible. Medyo uto-uto siya sa part na yun ah, kung may
mamamatay sana rescue o ambulansya ang kailangan namin. Ay ewan, kinakabahan na
talaga ako. Nag-isip isip na ako ng mga pwede kong sabihin kay Dylan.

Uy Dylan, si Sophia ‘to. Naaaalala mo pa ba ako? E yung nangyari almost 2 months


ago? Guess what. Nagbunga siya, buntis ako.
Asar! Parang hindi naman ganun kadaling sabihin yun eh.

Uhm Dylan. May importante kasi akong gustong sabihin sayo eh. Buntis kasi ako,
whether you like it or not nandito na ‘to. Panagutan mo.

Argh! Parang desperada naman ang dating ko pag sinabi ko yun!

Dylan, kasi alam kong parehas naman nating hindi ginusto o sinadya yung nangyari
noon. Pero kasi buntis ako, at gusto ko lang malaman mo.

Yun na lang kaya? Argh yun na nga lang! Atleast hindi parang desperada ang dating
ko dun. Gusto ko lang naman talagang malaman niya dahil siya yung tatay. Nasa kanya
na yun kung tatanggapin niya, hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya. Pero
natatakot din ako sa magiging reaksyon niya kahit papano. Kahit wala kaming
relasyon, gusto ko kilalanin niya pa din yung baby kasi sa kanya din naman ‘to.

“Uy sissy! Nandito na daw tayo.” Kinalabit ako ni Janna. Tumango lang ako sa kanya
at bumaba na sa kotse.

“Nathan, thank you sa paghatid mo samin kahit sapilitan ha? Baka kasi maligaw kami
pag taxi lang. Thank you ulit Nathan.” Ulit ulit na pagpapasalamat ni Janna kay
Nathan.

“Wala yun, sabi niyo matter of life and death eh. Hahaha. Saka pala Nate na lang
itawag niyo sakin. Dyahe kasi pag Nathan, Mama ko lang tumatawag sakin nun eh.”
Sagot niya samin habang pinaglalaruan yung susi ng kotse niya.

“Ah ganun ba? Sige Nate thank you ulit.” Sagot ko sa kanya. Mabait naman pala ‘to,
hindi naman mayabang gaya ng naririnig ko sa iba.
“Wala yun. Ano nga ulit mga pangalan niyo?” Tanong niya.

“Ako pala si Jannina Reyes pero Janna na lang din kasi dyahe. Hahaha. Tapos yung
bestfriend ko, Sophia Ramirez.”

“Sige Sophia, Janna, mauna na ko. Pupunta pa ko sa bar, madaming girls na


naghihintay eh.” Sabi niya sabay salute at sakay sa maganda niyang convertible.
Mali pala ako, mayabang nga din. Pero atleast mabait siya para ihatid kami dito.

“Tara na nga, magdoorbell ka na.” Sabi ni Janna habang nakasimangot. Problema nito?

Sinilip ko muna mula sa gate yung pinto ng bahay nila. Nakita ko sa garage yung
kotse ni Dylan na itim, natatandaan ko pa ‘to kasi nasukahan ko nga ‘to dati. Kaya
malamang nandito nga si Dylan sa bahay nila. Bumalik na naman tuloy yung kaba ko
kanina. Halos gusto na talagang tumalon ng puso ko palabas ng dibdib ko.

“Magdodoorbell ka o tatambay na lang tayo dito?” Tanong ni Janna nung napansin


niyang hindi pa ako nagdodoorbell. Maya maya pakiramdam ko magpapanic na naman ako
eh.

“Eto na nga, sandali lang.” Naasar ko ng sagot sa kanya bago ko pindutin yung
doorbell.

Kakagatin ko n asana yung kuko ko sa nerbyos pero pinalo ako ni Janna.


Napagdiskitahan ko na lang tuloy ng nerbyos yung zipper ng sling bag ko.
Maya maya pa lumabas yung matandang babae na kumausap sakin noon, si Manang Emmy,
at binuksan yung gate ng malaking bahay nila Dylan.

“Hija? Ikaw nga ba yan? Yung natulog dito noon?” Nakangiting tanong niya nung
makita niya ako. Napangiti din ako, magaan talaga ang loob ko kay Manag Emmy kahit
saglit lang kami nagkausap nun alam kong mabait siya. Nakakahawa pa yung pagngiti
niya, nabawasan tuloy kahit papano yung kaba ko.

“Ako nga po. Tatanong ko lang po kung nandyan po si Dylan? Pwede po bang makausap?”
Tanong ko sa kanya.

“Ahh oo hija, nasa sala lang siya. Tuloy kayo.” Sabi niya at sinamahan niya kaming
pumasok sa loob ng bahay nila.

“Sissy, ang yaman pala nila talaga.” Bulong ni Janna sakin nung nakapasok na kami
sa bahay nila.

Nung nakarating kami sa sala naabutan naming si Dylan na nakaupo sa sofa, nakataas
ang paa at palipat lipat ng channel ng TV nila. Nakatalikod siya samin kaya hindi
niya kami napansin.

“Dylan, mas bisita ka.” Sabi ni Manang Emmy kaya naman humarap si Dylan samin.
Nakita ko kung paano nanlaki yung mata niya nung nakita niya kami, halos nataranta
pa siya sa pagtayo.

“Sige hija, upo kayo doon maghahanda lang ako ng merienda.” Sabi ni Manag kaya
umupo na kami ni Janna sa mahabang sofa, si Dylan nandun sa solo lang.
“Ahhh.” Simula ko. Pero hindi ko maituloy. Kung awkward kasi kami noon, mas awkward
kami ngayon. Ang tagal na kasi nun eh, at siguro hindi niya din inaasahan na
makikita niya pa ako ulit.

“Ehem. Ahhh, kamusta pala?” Halatang awkward din siya sa tanong niya.

“Ahh, ayos naman ako. Ayos naman. Ikaw?” Tanong  at sagot ko sa kanya.

Siniko naman ako ni Janna. “Ano magkakamustahan na lang kayo? Hindi yan yung pakay
natin dito.” Pabulong niyang sabi sakin.

“Ayos lang. Okay naman ako. Ano... bakit nga pala napadaan ka dito? Kasi ano...
alam mo na, nagulat lang ako.” Sabi niya habang napapakamot ng batok niya. Kahit
naman ako ang nasa sitwasyon niya, yung taong hindi niya inaasahan makita ang
pupunta sa kanya magugulat din ako. Lalo pa yung taong halos dalawang buwan na
simula nung una at huling beses niyang nakausap.

“May sasabihin kasi kami.. ay siya pala. May sasabihin siyang importante sayo.”
Singit ni Janna sa usapan namin. Pangunahan daw ba ako? Hindi niya baa lam kung
gaano kahirap makipag usap sa taong naiilang kang kausapin? Dahil tuwing titignan
at kakausapin ko si Dylan hindi ko maiwasang hindi maalala yung nangyari almost 2
months ago.

“A-ano yun?” Medyo napapakunot na niyang tanong.

“Kasi Dylan, ano... gusto ko lang malaman mo. Alam ko nab aka posibleng hindi ka
maniwala, o pwede din na wala kang pakialam pero sakin lang ano... gusto ko lang
talaga na malaman mo ‘to.”

“Malaman na ano?” Lalo siyang napakunot habang nagtatanong dahil na din siguro sa
paligoy ligoy kong sinasabi.

Ewan ko ba pero kung bakit ganito kahirap magsabi ng dalawang salita lang naman na
dapat kong sabihin. Siguro ang hirap lang din biglain dahil maski ako sa sarili ko
hindi pa makapaniwal. Umaasa pa din ako na kahit papano may magriring na alarm
clock at magigising ako dahil panaginip lang pala lahat ‘to. Na pwede ko pang
balikan yung normal kong buhay noon, na walang magbabago sakin. Pero hindi nga yata
panaginip ‘to.

“Sophia, ano ba yun?” Medyo nagulat ako nung tawagin niya ako sa pangalan ko. Hindi
ko akalain, natatandaan niya pa pala ako.

“Dylan kasi, naalala mo ba yung nangyari noon? Alam ko naman na parehas natin yung
hindi ginusto at hindi sinasadya. Pero kasi, gusto ko malaman mo na...”

“Na?” Parang bitin na bitin na siya sa lahat ng sinasabi ko.

Nagbuntong hininga ako at pumikit bago ako ulit magsalita. “...buntis ako.”

“What? Sinong buntis?” May narinig akong boses ng babae na napakapagpadilat sakin.

Napatayo kaming tatlo sa sofa nung narinig namin yun.


Nakita kong namutla si Dylan pagkakita dun sa babae na ngayon at palapit na samin.
Sino ba siya?

*tbc* 

umiiyak si Sophia sa gif! :'(

=================

Chapter Six

AN:

Zea's photo is on the side. 

 Perfect Mistake Chapter Six

//Sophia’s POV//

Wala ni isa saming tatlo ang nakasagot dun sa babae. Pakiramdam ko ang taray taray
niya na pag sumagot ako, babarahin niya ako.

“Sinong buntis? Anong ibig sabihin nito Dylan?” Tanong ulit nung babae kay Dylan
habang nakapamewang pa.
“Tell me what’s going on here, now.” Mahina pero full of authority na sabi nung
babae. Nakakapagtaka naman yung reaksyon ni Dylan, parang takot na takot siya dun
sa babae. Hindi kaya girlfriend niya ‘to?

“K-Kasi... ano...” Halos mabulol bulol na sagot ni Dylan pero wala din naman siyang
nasabi. Kung siya pa hindi nga makapagsalita, lalo naman ako.

“What? Stop stuttering and answer me. Sino ang buntis?” Madiin ulit na tanong nung
babae. Tinignan ko siyang maigi, para kasing...

“Ate, she’s pregnant. Si Sophia.” Sabi ni Dylan sabay tingin sakin.

Ate? Kapatid niya ‘to, tama nga ako. Kaya pala magkahawig sila at kaya din pala
mukhang takot at ninerbyos si Dylan na magsalita. Pati tuloy ako lalong ninerbyos!
Naman. Ano na lang ang sasabihin sa’kin ng ate niya pag nalaman na nabuntis ako ng
di naman kami magkakilala? Kahiya hiya ako!

“What?! Dylan, umalis lang ako for a few months para sa business ko tapos pagbalik
ko magkakababy ka na? Kung hindi ko pa kayo narinig hindi mo pa sakin sasabihin na
buntis ang girlfriend mo!” Parang pagalit na sinabi ng Ate ni Dylan.

Halos lumuwa naman yung mata ko sa gulat sa huling sinabi ng ate niya. Napagkamalan
pa akong girlfriend ni Dylan!

“Ah ano po.. hindi po.. nagkakama-“


“Ngayon lang kasi sinabi ng girlfriend ko Ate!” Pinutol ni Dylan yung sasabihin ko.

Mas lalong nanlaki yung mata ko! Anong sinabi niya? Bakit niya sinabi na girlfriend
niya ako! Tinignan ko si Dylan na parang nagtataka, pinanlakihan niya naman ako ng
mata. Anong problema nito?

“So you’re my brother’s girlfriend huh?” Tanong nung Ate niya pagkabaling sakin.
Seryoso yung mukha niya, yung parang nanunuri ba siya o nang iintimidate. Pinilit
kong wag kabahan dahil natatakot ako sa sasabihin ng ate niya patungkol sakin.

“O-opo.” Hindi ko alam kung bakit yan din ang lumabas sa bibig ko. Pero there’s no
taking it back kaya sinakyan ko na lang yung sinabi ni Dylan kanina.

“Relax dear.” Biglang ngumiti yung ate niya sakin. Parang biglang nagshift from
mataray to mabait. Ibang iba yung aura niya kesa kanina. “I’m sorry for my
brother’s irresponsibleness. What’s your name?” Nakangiti pa ding tanong nung Ate
ni Dylan.

Si Janna naman mukhang nalunok na yung dila niya simula nung dumating yung Ate ni
Dylan, nakakaintimidate naman kasi talaga yung aura niya kanina. O baka ganun lang
siguro siya talaga sa umpisa.

“Sophia po. Sophia Ramirez.”

“Wow! Ang ganda ng name mo. Sorry kanina if I intimidated you guys. Nagulat kasi
ako sa topic niyo at isa pa first time ko kayo makita sa bahay namin. Hindi ka kasi
formally inintroduce sakin ng kapatid ko.” Sabay irap niya kay Dylan. “I’m Zea
Darleen Elizalde. Pero you can call me Ate Zea.” Sabi niya sabay yakap sakin.
Medyo nagulat naman ako, akala ko talaga magagalit siya pagkatapos niyang malaman
na buntis ako. Lalo pa bata pa naman kami ni Dylan at nag-aaral pa kami. Pero kahit
ganun niyakap ko na lang din yung Ate niya.

“Ikaw pretty lady? What’s your name?” Tanong ni Ate Zea kay Janna.

“Eh sissy pretty daw ako.” Bulong sakin ni Janna bago sumagot kay Ate Zea. “Janna
Reyes po. Nice meeting you po, bestfriend po ako ni Sophia.” Nagyakap din sila
sandali pagkatapos nun.

“Ate, pwede ba kami mag usap ni Sophia?” Biglang sumingit si Dylan.

“Let’s all talk. So kamusta na yung baby? Nakapagpacheck up ka na ba? Ilang months
na yan? Ghaad! I’m excited!” Sunod sunod na tanong ni Ate Zea. Halata nga sa kanya
na excited siya sa baby. Gumaan na naman lalo ang pakiramdam ko knowing na may
excited sa hindi sinasadyang baby na ito.

“Ate. Yung kaming dalawa lang muna please? Madami kaming dapat pag usapan.” Maayos
na pakiusap ni Dylan sa excited niyang Ate.

Inirapan lang siya ni Ate Zea. “Fine! Halika Janna, samahan mo ako sa dining so
they can talk.”

Sumunod naman si Janna sa kanya papuntang dining, sana magkasundo sila ni Ate Zea.
Naiwan na lang kaming dalawa ni Dylan dito sa sala ng bahay nila.
“Upo ka na ulit.” Sabi niya sakin kaya umupo na ako sa mahabang sofa na inuupuan
namin kanina ni Janna. Nagulat naman ako nung bigla siyang tumabi sakin.

“Totoo ba talaga?” Tanong niya sakin.

Hindi ako agad sumagot, binuksan ko na lang yung sling bag ko at kinuha yung
pregnancy test ko na may result na positive at iniabot sa kanya. Dinala ko talaga
‘to bilang proof kung sakaling hindi siya maniwala sa sasabihin ko.

Tumango lang siya habang tinitignan yung test na may dalawang pulang linya. Hindi
na nga talaga maikakaila yung katotohanan na buntis ako sa anak niya. Ang
hinihintay ko na lang ngayon ay kung anong magiging plano niya.

“Ah ano-“ Magtatanong pa lang sana ako kung anong gagawin namin ngayon alam na din
niya nung bigla akong yakapin ni Dylan. Para akong naestatwa sa pag kakaupo ko.
Nakakagulat talaga.

“Sorry. Sorry sa nangyari, Sophia.” Bulong niya sakin. Yung boses niya parang
malungkot. Yung tono niya hindi naman parang naawa eh, parang... naguguilty.

Naramdaman ko na naman tuloy na naiiyak ako. Hindi kasi ito yung inexpect kong
magiging reaksyon niya. Akala ko hindi siya manininiwala, o kaya wala siyang
pakialam o kaya itatanggi niya ako.

“Dylan...” Mahinang tawag ko sa kanya habang nakayakap pa din siya sakin.


“Ah sorry.” Sabi niya sabay hiwalay sa pagkakayakap niya sakin.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya bago ko itanong yung kanina ko pa gustong
itanong sa kanya. “Dylan, paano na ‘to? Paano na yung baby? Anong gagawin natin?”
Worried kong tanong sa kanya habang pinalis yung luha ko.

“Wag kang mag-alala Sophia, paninindigan ko yung baby. Hindi ko naman itatanggi, at
alam kong hindi ka masamang klase ng babae.” Sagot niya sakin na lalong nagpaiyak
sakin. Malayong malayo ‘to sa lahat ng inexpect kong magiging reaksyon niya. Ang
pakay ko lang naman talaga malaman niya eh, hindi ko akalain na ganito pala.

“Salamat Dylan.” Sagot ko sa kanya habang umiiyak pero at the same time napapangiti
din. Dahil alam ko, na kahit hindi sinadya yung baby namin hindi siya papabayaan ng
Daddy niya.

“Salamat din dahil sinabi mo sakin, hindi mo pinagkait.” Sagot niya sabay hawak sa
balikat ko. Parang paraan niya na dinb siguro para icomfort ako. “Kamusta pala yung
pakiramdam mo?”

“Morning sickness na, sumusuka at nahihilo pero bukod dun wala namang malala. Ayos
lang ako.” Sagot ko sa kanya. Natutuwa ako dahil kahit papano concern siya, bihira
yung ganito. Maswerte na din siguro ako kahit papano. Pakiramdam ko nabawasan ang
awkwardness sa pagitan namin ni Dylan. Siguro dahil sa baby? “Nga pala, bakit mo
pala sinabi yun?”

Napakunot siya. “Alin?”

“Yung sinabi mo sa ate mo na girlfriend mo ako? Bakit? Baka mamaya magtanong siya,
malalaman niya din na hindi totoo.” Nag-aalangan kong sagot. Ang hirap naman kasi
ng magsisinungaling pa kami sa kapatid niya.
“Sakyan mo na lang muna, kasi baka magalit sila. Yung ate ko, at pati na din mga
magulang mo pag nalaman nila na wala naman tayong relasyon at hindi sinasadya yung
nangyari. Baka malaking gulo ang mangyari.” Pagpapaliwanag niya.

Napatango naman ako sa sinabi niya, may point nga naman siya. Naisip ko na din
kanina ‘to na baka isipan kami ng masama pag sinabi na namin. Lalo na sa pamilay
ko, hindi ko alam ang magiging reaksyon nila pag nalaman nila ‘to. Sana matanggap
nila yung baby ko.

“Hatid ko na kayo, gabi na kasi.” Aya ni Dylan kaya sumunod lang ako sa kanya
papunta sa dining area nila. Naabutan naman na kumakain at nagkwekwentuhan sila
Janna at Ate Zea.

“Hoy Dylan bakit namumula yung mata ni Sophia? Pinaiyak mo ba siya?” 


Pinanlalakihan ni Ate Zea ng mata yung kapatid niya.

“Hindi ate, baka natouch sila sa spur of the moment.” Kontra naman ni Janna sa
sinabi ni Ate Zea. Kumindat pa siya saming dalawa ni Dylan, natawa tuloy kami. Pati
si Janna nakisakay na sa pagsisinungaling namin. Nakakaguilty man, pero siguro kung
para naman sa ikakaayos okay lang naman.

“Awwww. So sweet. Nakakatouch nga naman ang moment na malaman na magkakababy na


kayo.” Dreamy na sabi ni Ate Zea habang nakangiti sa amin ni Dylan.

Sa isip isip ko nasabi kong mas lamang yung namoblema kami kesa sa natouch. Ang
hirap pala kasing magdesisyon sa ganito kasensitive na bagay.
*

“Bye Soph, bye Dylan. Thank you sa paghatid ha?” Paalam ni Janna bago siya bumaba
ng kotse ni Dylan. Inuna na namin siyang ihatid dahil madadaanan na yung bahay nila
bago pumunta samin.

“Bye, kita na lang tayo sa school bukas.” Pahabol kong sabi sa kanya. Tumango lang
siya.

“Sige una na kami.” Sabi ni Dylan sa kanya bago magsimulang magdrive ulit.

Tahimik lang kami parehas, siguro kasi nagdridrive nga siya. Ako naman pakiramdam
ko pagod na pagod ako sa lahat ng nangyari ngayong araw. Makailang beses din akong
umiyak ngayon. Kaya siguro parang inaantok na ko.

Saglit lang din nakarating na kami sa bahay, wala namang traffic sa daan.

“Dito na lang sa tabi.” Sabi ko sa kanya nung tumapat yung kotse niya sa bahay
namin. Malamang kasi hindi na niya natatandaan ‘to.

“Salamat sa paghatid. Ingat ka.” Binuksan ko na yung pinto ng kotse niya. Pababa na
sana ako nung pigilan hawakan niya yung braso ko. Napalingon ako sa kanya. “Bakit?”
Inabot niya sakin yung cellphone niya. Nagtatako kong kinuha yun.

“Isave mo yung number mo para bukas.” Sabi niya na parang nabasa niya yung reaksyon
ko.

“Bukas?” Napaisip ako kung anong meron bukas.

Tumango siya. “Magpapaschedule ako ng check up after class, para makasiguro...”

Napakunot ako sa sinabi niya. Akala ko ba okay na sa kanya? Bakit para makasiguro?
Hindi pa ba siya convinced o naniniwala na buntis nga ako?

“Ahhh. I mean, para makasiguro na okay lang yung baby, na healthy. Yun ang ibig
kong sabihin.” Paglinaw niya sa sinabi niya nung napansin niya sigurong kumunot ang
noo ko.

Tinype ko na yung number ko at sinave pero hindi ko pa nilagyan ng pangalan, bahala


na siya kung anong ilalagay niya. Ibinalik ko na lang sa kanya yung cellphone niya
pagkatapos ko.

Pinindot pindot naman niya yung screen keypad, siguro nilagyan na niya ng pangalan.

“Salamat ulit.” Tinuloy ko na yung pagbaba ko sa kotse niya.


Ngumiti lang siya sakin ng tipid at tumango lang siya bago umalis. Tinanaw ko pa
saglit yung sasakyan niya bago ako pumasok ng gate at kumatok sa pinto ng bahay
namin. Gabi na din, siguradong nandyan na si Shane at si Mama.

Si Shane na pawis na pawis ang nagbukas ng pinto, siguradong galing na naman ‘to sa
court at naglaro ng basketball kasama yung barkada niya.

“Shane ang baho mo! Magshower ka nga dun.” Asar ko sa kanya. Amoy pawis kasi talaga
siya at ang gulo pa ng buhok.

Umakto naman siyang lalapit sakin at yayakap. “Halika, yakapin mo pa ko para lalo
mo ‘kong maamoy.”

“Mama oh!” Sumbong ko kay Mama sabay layo kay Shane. Ang lagkit lagkit na ng
lalaking yun sigurado ako!

“Shane, wag mo na ngang bwisitin ang ate mo!” Sigaw ni Mama galing sa kusina.

Tinawanan lang ako ni Shane bago umakyat sa kwato niya para maligo. Tumuloy na lang
ako sa kusina para tulungan si Mama.

“Saan ka galing? Di ba kanina pa tapos ang klase niyo?” Tanong ni Mama pagkamano ko
sa kanya. Niyakap ko din siya kaagad pagkatapos nun.
Naguguilty na naman kasi ako. Ganitong ganito din yung guilt na naramdaman ko 2
months ago nung sinabi ko sa kanya na may biglang event kaming kinailangan tapusin
kaya hindi ako nakauwi. Alam kong hindi buo yung paniniwala ni Mama sa sinabi kong
dahilan pero hindi na niya ako kwinestyon. Mas lalo akong naguilty.

Humiwalay ako sa yakap kay Mama. “Lumabas lang po kami ni Janna, nalulungkot po
kasi di ba nga po umalis na si Tito nung isang araw.”

“Oo nga pala, hindi man lang ako nakadaan sa kanila para dumalaw. Ang dami kasing
trabaho sa opisina.” Kwento din ni Mama. Close din naman kasi silang mga magulang
namin. Dati nga madalas silang lumabas kaso naging busy na si Mama at nag abroad na
ang Daddy ni Janna.

“Maghain ka na anak. Kakain na tayo, paborito niyo ni Shane yung ulam.” Sabi ni
Mama habang busy sa pagluluto.

Tinignan ko lang si Mama habang nagluluto siya. Alam kong ginawa niya lahat para
samin ni Shane. Pero ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi lang
pagsisinungaling, mas malala pa ngayon. Alam kong sasama ang loob niya sakin. Hindi
ko nga alam kung kakayanin kong sabihin sa kanya ‘to, pero alam kong dapat niyang
malaman. Siya ang mama ko, maiintindihan naman niya siguro ako.

//Dylan’s POV//

Nakatambay ako sa veranda namin habang kung ano anong games ang nilalaro sa
cellphone ko. Naiinip kasi ako sa kwarto, tinatamad naman akong lumabas.
“Yung girlfriend mo, mukhang sweet siyang babae. I think I like her already.”
Nagulat ako nung lumabas si Ate sa veranda na may dalang dalawang kape. Pinatong
niya yung isa sa lamesa sa gilid ko.

“Uhm, oo sweet nga siya.” Pag sang-ayon ko sa kapatid ko kahit sa totoo lang wala
pa akong clue man lang kung sweet nga siya o ano pa bang ugali niya bukod sa medyo
masungit at iyakin.

“Saan mo siya nakilala? Saka ikaw ha, umalis lang ako nakalusot ka na agad ng baby.
Pasalamat ka wala si Papa dito kung hindi nasapak ka na nun.” Tukso niya sakin.
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya tungkol kay Papa, malabong mangyari yun.
Hindi yun uuwi dito.

“Sa school, schoolmate ko siya.” Pag imbento ko kahit na ang totoo sa parking lot
kami ng bar unang nagkita, nung binangga niya ako at sinukahan yung kotse ko. Hindi
ko naman pwedeng sabihin yun kay Ate.

“Gaano na kayo katagal? Bakit di mo siya pinakilala sakin?” Tanong niya. Ang dami
namang tanong nito ni Ate, ang hirap naman pag puro imbento baka mas lalo akong
mabuko.

“Medyo bago lang din. Di ba kasi kadadating mo lang galing Florence? Paano ko naman
ipapakilala?” Pagdadahilan ko.

Nagkibit balikat si Ate bago uminom ng kape niya. “Sabagay.”


Ininom ko na din yung kape ko nung may naalala ako. “Ate, samahan mo pala kami
bukas. May gagawin ka ba?”

“Saan naman?”

“Pagkatapos namin magpacheck up gusto ko sana kausapin na yung mga magulang ni


Sophia.” Sigurado akong hindi niya kayang sabihin yun mag-isa sa mga magulang niya.
Dapat samahan namin siya.

“Takot ka ‘no? Kaya nagpapaabugado ka sakin? Hahaha! Naisip ko lang Dy paano kung
may armalite sa bahay yung tatay ni Sophia tapos sa gate pa lang nila abangan ka
na? Hahahaha!”

“Wala naman kasing takutan ng ganyan! Aamin naman na kinakabahan eh!” Sita ko sa
Ate ko. Alam naman na nito na natatakot din akong magpunta dun kaya isasama ko siya
eh. Hindi ko pa naman kasi nakikilala ang pamilya ni Sophia. Kinakabahan pa din
akong harapin sila at yung magiging reaksyon nila. Syempre given na yung magagalit
sila, pero malaking tulong na si Ate magpaliwanag at magi sip ng dapat gawin
pagkaharap na namin yung pamilya ni Sophia.

“Oo na! Basta tinuan mo sarili mo bukas! Baka ikahiya pa kitang kapatid kita pag
babano bano ka!”

“Oo na. Oo na.” Natatawang sagot ko sa kanya. Namiss ko din ang may maingay dito sa
bahay. Halos 3 months din siyang nagstay sa Florence eh, tapos pag uwi niya mas
marami pang pasalubong yung mga kaibigan ko kesa sa’kin. Ang bait niyang Ate, tss.

“I’m so glad that you’ve finally got over her, of Alisha. Goodnight.” Huling sinabi
ni Ate bago pumasok ulit sa loob ng bahay at iwanan akong mag-isa dito sa veranda.
Napailing na lang ako habang nakatakip yung dalawang kamay sa mukha ko. Bakit naman
kailangan niya pang banggitin siya? Bakit kailangan pa niyang banggitin yung taong
kinakalimutan ko na.

=================

Chapter Seven

Perfect Mistake Chapter Seven

*Sophia’s POV*

Message: Si Dylan ‘to, 5 PM after class mamaya yung schedule ng check up. See you
later.

Sender: Dylan

Binasa ko ulit yung message ni Dylan kaninang umaga. Sinilip ko yung relo ko, 3: 47
na. Maya-maya siguro nandito na siya.

“Sissy, ang tagal naman ni Dylan! Di pa ba nila uwian? Anong oras ba yung check
up?” Inip na reklamo ni Janna. Maaga kasi nagpadismiss yung professor namin kaya
2:30 pa lang nakaupo na kami dito sa may cafeteria para kumain.
“Hinaan mo naman yang boses mo! Bibig mo talaga ang sarap istapler, mamaya may
makarinig sayo dyan eh.” Sita ko sa kanya bago sumubo ng melon ice cream.

“Nakakatatlo ka na niyang ice cream na yan ah. Pag sumakit tyan mo bahala ka dyan.”
Pinanlakihan pa ko ng mata ni Janna.

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy ko na lang yung ice cream ko. Naiinip na
din kasi ako, at wala akong magawa kung hindi kumain.

Saktong kakaubos ko lang nung ice cream ko nung tumunog yung cellphone ko.

Message: Tapos na yung klase ko. Nasan ka?

Sender: Dylan

Nagtype din kaagad ako ng reply para makapunta na siya kaagad dito. Ayoko naman na
malate kami sa schedule sa magiging Obstetrician ko.

Recipient: Dylan

Message: Nasa canteen lang ako kasama si Janna.

Hinintay lang namin siya ni Janna, malamang nakalabas na siya sa klase niya kaya
nakapagtext na siya sakin. Maya maya pa kinakalabit na ko ni Janna.
“Sissy nandyan na yung prince charming mo.” Tukso sakin ni Janna. Kanina pa yan
asar ng asar sakin. Akala naman niya natutuwa ako, e wala naman akong gusto kay
Dylan. Hanggang ngayon, kahit na niloko niya lang ako, si Andrei pa din yung gusto
ko.

“Tumigil ka nga dyan, may makarinig pa sayo sabihan pa tayong nag aassume.” Sita ko
na naman sa kanya.

“Fine.” Nakanguso niyang sabi.

“Tara na?” Aya niya samin pagkadating niya sa tapat ng inuupuan namin ni Janna.

“Sige.” Tumayo na ko para makaalis na kami.

Pero itong si Janna hindi pa tumayo. “Sige Soph, mauna na kayo. May dadaanan pa ko
eh.”

“Ha? Eh di sumabay ka na samin.” Pilit ko sa kanya. Akala ko kasi sasama siya samin
sa check up kaya naghintay din siya dito.

Todo iling siya. “Sige na mauna na kayo, I can handle my self with care. Hahahaha!
Bye, balitaan mo ako Soph.”

Tumango na lang ako sa kanya. Loka loka talaga yung babae na yun, sinamahan lang
pala talaga akong maghintay.
Sabay lang kami ni Dylan na maglakad papunta sa parking space. Akala ko tapos na
yung mga iniissue nila samin pero hindi pala. Madami pa din akong bulungan na
narinig habang naglalakad kami.

“Magkasama na naman sila? Siya din yung dati di ba?”

“So sila nga? Kelan pa?”

“Hayaan niyo na, magbrebreak din yan.”

“Akala ko mahinhin yung babae, maflirt pa din pala yan.”

Naiirita na ako sa mga pinagsasabi nila sakin. Makapanghusga agad sila ni wala
naman silang alam. Kung masama lang talaga ang ugali ko sinabunutan ko na sila isa-
isa. Pasalamat sila at gusto kong makagraduate sa Academy na ‘to ng malinis ang
record ko.

“Ah Dylan...” Sabi ko sabay senyas sa kanya nung mga tao sa paligid namin. Yung iba
nakatingin lang pero yung iba halatang pinag-uusapan din naman kami. Wala man lang
ba siyang sasabihin? Hindi man lang ba ako ipagtatanggol? Nakakainis naman kasi
puro ako lang ang pinupuntirya nila. Siya kasi yung lalaki, siya ang dapat
magsalita at maglinaw na wala kaming relasyon. Pag ako pa din kasi ang nagsalita,
siguradong hindi naman sila makikinig o baka isipin pa nilang nagyayabang ako.

“Don’t mind them.” Maikling sagot niya samin ng hindi man lang ako nililingon.
Tuloy tuloy lang siyang naglakad hanggang sa makarating kami sa kotse niya at
sumakay. Wala man lang siyang ginawa, palibhasa hindi siya yung nagmumukhang
masama. Nakakaasar!

*Dylan’s POV*

Simula kagabi, simula nung nabanggit ni Ate yung pangalan niya uminit ang ulo ko at
nawala na ako sa mood. Nakakainis naman kasi, lately hindi ko na nga siya naiisip.
Bakit kasi kailangan pang ipaalala? Tss.

“The baby is already 7 weeks old. I suggest na magpahinga ka at wag masyadong


magpastress dahil nasa early critical stage ka pa ng pregnancy. I’ll also prescribe
you some vitamins. So far mukhang healthy ka naman, alagaan mo lang ang sarili mo
para sa baby dahil bata ka pa.” Narinig kong tuloy tuloy na sabi ni Dra. Legaspi
kay Sophia habang nagbibigay ng prescriptions.

“Thank you po.” Sagot ni Sophia pagkaabot sa kanya nung mga papel.

“So... I’ll see you both next month?” Nakangiting tanong ni Dra. Legaspi.

“Opo. Salamat po. Mauna na kami.” Sabi ko bago kami lumabas na dalawa ng room niya.

Kanina pa tahimik si Sophia, simula nung umalis kami sa school hanggang sa


makarating kami dito. Hindi ko naman mahulaan sa mukha niya kung ano bang problema
niya.
“Masama ba pakiramdam mo?” Tanong ko sa kanya bago kami sumakay sa kotse ko.

Umiling lang siya pero hindi sumagot kaya sinimulan ko ng magdrive. Pero hindi ako
mapakali sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi may mali kaya tahimik si Sophia kanina
pa.

“Gutom ka ba?” Tanong ko habang nakafocus yung tingin ko sa kalsada.

Hindi na naman siya sumagot. Hindi ko alam kung galit ba ‘to sakin o ganito lang
talaga pag buntis? Hindi ko alam. Nilingon ko na lang siya para makita kung
nakasimangot pa din siya. Asar. Kaya naman pala hindi na sumagot, at kaya din
siguro wala sa mood dahil inaantok. Sana sinabi niya kanina, napaisip pa tuloy ako.

Hinayaan ko na lang siyang matulog habang nagdridrive ako papunta sa bahay nila.
Kinakabahan na naman ako. Ano kayang sasabihin ko sa pamilya niya?

*Sophia’s POV*

“Sophia, gising na. Nandito na tayo sa tapat ng bahay niyo.” Narinig kong may
tumawag sakin kaya unti-unti kong minulat yung mata ko. Nakita ko si Dylan sa
harapan ko. Oo nga pala, galing nga pala kami sa ospital at mukhang nakatulog ako
sa byahe.

“Nasaan na si Ate Zea?” Tanong ko habang inaayos yung pagkakaupo ko sa kotse niya.
Tumingin ako sa wristwatch ko, 6:34 na. Malamang nasa bahay na sila Mama at Shane.
“Tinawagan ko na, malapit na daw siya. Okay ka lang ba?” Baling niya ng tingin sa
kanya.

Tumango ako. “Medyo kinakabahan lang.”

Huminga siya bigla ng malalim. “Ako din eh.”

Napangiti naman ako kahit papano, may karamay ako sa kaba. Hahahaha. Nabawasan na
ng konti yung inis ko kay Dylan kasi kahit papaano nakikita ko naman yung effort
niya tungkol sa baby. Yun lang naman ang importante sakin ngayon.

“Masungit ba yung Mama mo?” Bigla niya akong tinanong.

Umarte ako na para bang nag-iisip ako. “Uhm, sobra.” Tapos natawa ako ng mahina.

“Seryoso?” Nanalalaking mata niyang tanong kaya natawa ako ng mas malakas.

“Joke lang, ano ka ba? Inaalis ko nga yung kaba ko ikaw naman dyan malapit nang
magcollapse sa kaba.” Asar ko sa kanya.

Parang napairap naman siya ng nakangiti. Natawa na naman tuloy ako. Nakakapanibago
kahit papano yung ganito pero magandang progress na din yung nagkakabiruan kami ni
Dylan kahit konti lang. Hindi naman kasi pwedeng habangbuhay na kaming awkward.
Pwede naman siguro kaming friends, para sa baby. Siguro parehas din kasi kami ng
nararamdaman ngayon kaya nagagawa naming tumawa ng sabay. Masarap din kahit papaano
sa pakiramdam, nakakabawas ng konting kaba.

“Si Ate. Tara na.” Aya ni Dylan nung natanaw na niya yung kotse ni Ate Zea.

Bumaba agad kaming dalawa ng kotse para salubungin siya.

“Kamusta ang check up?” Pangungumusta kaagad ni Ate Zea nung makababa din siya ng
kotse niya.

“7 weeks.” Nakangiting binalita sa kanya ni Dylan. Gusto kong isipin na proud at


excited din siya sa baby. Sana nga. Kasi ako noong una ayokong tanggapin na
magakababy na ako. Pero dahil sa kanila nila Janna na alam kong hindi ako
papayagan, natanggap ko na din yung fact na magkakababy na ako. At ngayon excited
na ako.

“Wow! Ang cute cute niya siguro sa ultra sound!” Tuwang tuwa na sabi ni Ate Zea.

“Ate naman, halos dugo pa nga lang yung baby.” Straight-faced na sagot si Dylan sa
Ate niya.

Lalong lumapad yung ngiti ni Ate Zea. “Kahit na, cute pa din yun!” Tapos nauna na
siyang maglakad samin papunta sa gate.

Nakita ko naman na tumatawa si Dylan habang napapailing. “Cute na dugo? Labo nun.
Halika na nga.” Natatawa pa din niyang aya sakin.

Nagpauna na ako para ako na ang magbukas ng gate. Sinara naman yun ni Dylan nung
nakapasok na sila.

Naramdaman ko na naman yung sobrang sobrang kaba na halos tumalon na yung puso ko
nung humarap na ako sa pinto namin. Tinignan ko muna silang dalawa sa likod ko bago
ako kumatok. Parang bawat katok ko sobrang lakas ng kabog, kasabay ng kabog ng
dibdib ko sa sobrang kaba ko. Ito na yata yung pinakamahirap na part, yung
pagsasabi kay Mama.

“Oy panget, bakit nga-“

Hindi na natuloy ni Shane yung dapat pang-aasar niya sakin nung nakita niyang may
mga kasama ako.

 “Pasok po kayo.” Tukoy niya kila Dylan at Ate Zea.

Pumasok naman sila sa loob ng bahay at pinaupo ko muna sila sa sofa sa sala.

“Mama! May bisita po si Ate!” Dinig kong sigaw ni Shane habang papunta siya sa
kusina kung nasaan ang Mama ko.

“Yung Papa mo din ba nandito?” Tanong ni Ate Zea habang hinihintay naming lumabas
si Mama sa kusina.
“Patay na po ang Papa ko 8 years ago pa. Nabangga po yung minamaneho niyang kotse
noon.” Malungkot kong sagot sa kanila. Kahit 8 years ago na yun tandang tanda ko pa
din kung anong naramdaman namin pagkatanggap naming ng tawag galing sa ospital.
Dead on arrival ang Papa ko noon.

“Ha? Wala ka ng papa?” Mukhang nagulat na tanong ni Dylan.

Tumango lang ako sa kanila at malungkot na ngumiti. Kahit 8 years na ang


nakakalipas, miss na miss ko pa din si Papa.

“Wala kang kwentang boyfriend! Hindi mo alam.” Pagalit ni Ate Zea kay Dylan ng
mahina.

Kawawang Dylan, talaga namang wala kaming alam na personal tungkol sa isa’t-isa.
Pangalan lang ata, hindi ko nga alam kung alam ni Dylan yung buong pangalan o
apelyido ko man lang eh.

“Good evening po.” Sabay na tumayo si Ate Zea at Dylan.

Lumingon ako at nakita ko si Mama na papalapit samin. Lumakas na naman at bumilis


yung tibok ng puso ko. Pakiramdam ko isa akong criminal na hahatulan na mamaya
lang.

“Good evening din, sige upo lang kayo. Gusto niyo bang juice? Coffee? Tea?”
Nakangiting tanong ni Mama sa kanilang dalawa bago siya maupo sa solo na sofa.
“Ah hindi na po Mrs. Ramirez, gusto ko lang po talaga kayong makausap.” Panimula ni
Ate Zea. Tinignan ko naman si Dylan, mukhang kabadong kabado talaga siya.

“Ah sige. Ano nga ba pala munang pangalan nila anak?” Baling ni Mama sakin.

Nagulat naman ako nung bigla niya akong binalingan. Ninenerbyos na kasi ako pero
sinagot ko din siya. “Si Ate Zea po at si Dylan.” Mahinang sabi ko.

Tumango lang si Mama sakin at humarap ulit kay Ate Zea. “Ano po bang pakay niyo?”

“Mrs. Ramirez ako po yung Ate ni Dylan, na boyfriend po ng anak niyo.” Magalang na
sabi ni Ate Zea sa mama ko. Gusto ko sanang tutulan yung sinabi niya pero hindi nga
pala pwede. Ang alam niya pala may relasyon kami ng kapatid niya.

Napatingin sakin bigla si Mama. “Sophia, hindi mo naman sinabi na may boyfriend ka
na pala ulit.” Parang sumbat na sabi niya. Nakilala din niya kasi si Andrei noon at
kailan ko lang din sinabi na hiwalay na kami nung nagtanong lang siya.

“Sorry po Mama. Hindi ko na po agad nasabi, gaya po nung hindi ko din agad
nabanggit na naghiwalay na kami ni Andrei.” Nakayukong sagot ko sa Mama ko.

“Pero Mrs. Ramirez hindi lang po yun yung gusto naming sabihin sa inyo eh.” Pag-
agaw ni Ate Zea ng atensyon pabalik sa kanya. Gusto ko sanang pigilan siya sa
pagsabi pero hindi pwede, kailangan na din malaman ni Mama. Kahit alam kong
masasaktan siya sa mga maririnig niya kailangan niya pa ding malaman.

“Ano ba iyon Ms. Zea?” Mukhang tensyonado na ding tanong ni Mama.


Tumingin si Ate Zea kay Dylan. Siguro gusto niyang si Dylan pa ang magsabi sa Mama
ko. Lalo tuloy akong kinabahan sa kanya.

Halos nakailang buntong hininga muna si Dylan bago niya nagawang magsalita. “Kasi
po Mama...”

Nanlaki yung mata ko nung narinig kong tinawag niyang Mama ang Mama ko. Halos
tumalon yung puso ko sa sinabi niya. Tinignan ko yung Mama ko at mukhang nagulat
din siya sa tinawag sa kanya ni Dylan.

“Magkakaapo na po kayo.” Sabi ni Dylan sabay yuko.

Parantg maya maya lang ay gusto ko ng mahimatay nung narinig kong nasabi na ni
Dylan yung kanina pa dahilan ng kaba namin.

“H-ha?” Nanginginig na tanong ni Mama sabay tayo sa kinauupuan niya.

“Mrs. Ramirez buntis po si Sophia.” Si Ate Zea na ang nag-ulit at naglinaw sa


sinabi ni Dylan. Hindi na din kasi makapagsalita si Dylan dahil nakayuko na lang
siya at malamang takot na takot na din kagaya ko.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at dahan-dahan lumapit sa Mama ko.


“Ma, sorry po.” Umiiyak ko ng sabi sa kanya. Yayakapin ko pa lang sana siya ng
bigla niya akong sinampal.

Lalo akong napaiyak hindi dahil sa sampal niya kung hindi dahil alam kong nasktan
ko ang Mama ko.

“Tita! Tama na po, buntis po siya.” Awat naman ni Ate Zea sa kanya.

“Mama-“ Narinig kong tawag ni Dylan sa Mama ko kaya nilingon ko siya.

Nakita ko na lang na pumagitna si Shane kay Dylan at sa amin ni Mama. Pero hindi ko
inaasahan yung susunod niyang ginawa. Sinuntok ng kapatid ko si Dylan sa mukha.

“Shane!” Galit na sigaw ni Mama sa kanya pero hindi siya nakinig at tumakbo na lang
siya paakyat sa kwarto niya.

Nataranta naman ako kaya agad akong lumapit kay Dylan sa hawak yung gilid ng labi
niya. Dumudugo yun dahil siguro sa lakas ng suntok sa kanya ni Shane. Hindi din
naman mapakali si Ate Zea sa pagtingin sa kapatid.

“Sandali, kukuha lang ako ng gamot.” Sabi ni Mama habang pilit na pinupunasan yung
luha niya.

“Dylan, sorry.” Umiiyak ko pa ding sabi habang tinitignan namin ni Ate Zea yung
sugat niya.
“Naiintindihan ko sila, galit kasi sila.” Sagot ni Dylan sakin.

Maya-maya bumalik na din si Mama na may dalang mga gamot at band-aid. Si Ate Zea na
ang gumamot at naglagay ng band-aid sa gilid ng labi ni Dylan habang tinitignan
lang naming sila ni Mama.

“Pasensya na kayo sa anak kong lalaki. Malamang nabigla din siya kagaya ko.”
Seryosong sabi ng Mama ko. Alam kong galit pa din siya sakin. Nalulungkot lang ako
kasi hindi naman ako sanay ng ganito kami nila Mama. Ang laki laki ng nagawa kong
kasalanan sa kanya.

“Naintindihan po namin.” Ngumiti lang ng tipid si Ate Zea sa Mama ko pagkatapos


niyang gamutin yung sugat ni Dylan.   

“May dapat pa ba tayong pag-usapan Dylan?” Deretsong tanong ni Mama kay Dylan.

Nag-angat ng tingin si Dylan. “Sorry po. Sorry po talaga. Pero hindi ko naman po
tatakasan yung nagawa ko kay Sophia, papanagutan ko naman po.”

Hindi sumagot ang Mama ko.

“Uhm kaya po Mrs. Ramirez may ipagpapaalam po sana kami sayo.” Biglang sabi ni Ate
Zea. Nagtaka naman ako kung ano yun. Wala naman siyang nabanggit na ganitong bagay
kanina.
“Ano ba iyon?”

“Gusto po sana namin na sa bahay na tumira si Sophia. Ako pong bahalang magbabantay
sa kanya. Buong araw po siyang madaming kasama sa bahay kaya safe po siya doon.
Sana po pumayag kayo.”

Napanganga ako. Wala sa usapan naming na sa kanila ako titira!

Kumatok ako sa pinto ni Shane pero hindi pa din siya nagbubukas kaya dahan dahan ko
ng pinihit yung door knob at pumasok sa kwarto niya. Naabutan ko siyang naglalaro
sa psp niya.

“Shane.” Tinawag ko siya bago tuluyang pumasok sa kwarto niya.

Tinignan niya lang ako pero hindi siya sumagot kaya tinuloy ko na yung pagpasok ko.

Naupo ako sa dulo ng kama niya. “Galit ka ba sa’kin?”

Umiling lang siya tapos pinagpatuloy yung paglalaro ng psp niya. Inagaw ko yun para
kausapin niya ako.
“Ate naman!” Asar niyang sabi nung inagaw ko yung psp niya tapos tinignan niya ako
ng masama.

“Galit ka nga?” Pag-ulit ko nung tanong ko sa kanya kanina.

Lumingon siya sa kabilang side. “Hindi ako galit sayo. Naiinis lang ako dahil
pinaiyak niyo si Mama. Tapos pano na? Aalis ka na dito? Iiwanan mo na kami ni
Mama?”

Napangiti ako sa kanya bago tumayo at lumipat sa tabi niya. “Bakit pag umalis ba ko
mamimiss mo ko?”

Inirapan niya ako. “Di ‘no! Syempre malamang nito ako na laging uutusan. Baka pati
paghuhugas ako na!”

Binatukan ko siya ng mahina. “Ang tamad mo talaga! Eh pano pala kung aalis pala
talaga ko? Hahayaan mo si Mama lang gumawa lahat dito?”

Nilingon niya ako ulit. “Ate wag ka umalis. Tatatlo na lang tayo tapos iiwanan mo
pa kami. ” Parang batang sabi sakin ni Shane.

Niyakap ko na lang siya ng mabuti. Alam kong ayaw niya na touchy kaming magkapatid
pero gusto ko lang din siyang yakapin ngayon. Alam kong pati siya nadisappoint ko
kanina. Hindi ko nga akalain na sasapakin niya si Dylan eh.
“Ate, wag mo nga akong yakapin ang korni eh.” Natatawang sabi niya sakin kaya
binitawan ko na siya.

“Ang arte mo naman. Kunin mo na yung mga unan mo. Tara.” Aya ko sa kanya habang
binibitbit ko yung kumot niya.

“San tayo pupunta? Camping?” Nakakunot niyang tanong.

“Kay Mama.”

Kahit nagtataka siya kung bakit, sumunod na lang din siya sakin papunta sa kwarto
ni Mama.

Kumatok lang ako sa pinto niya bago pumasok. Nakita kong nakahiga na si Mama pero
gising pa naman siya.

“Ma? Pwede ba kaming dito matulog?” Tanong ko sa kanya.

Nilingon naman niya ako at umusod ng pwest niya sa gitna. Agad akong humiga sa
kaliwa niya at si Shane naman sa kanan. Dati kasi tuwing naalala ko pa tuwing
nanonood kami ng horror movie ni Shane magtatakutan pa kami hanggang sa parehas
kaming hindi makatulog. Kaya ang ending, tatabi kami kay Mama sa kwarto niya. Ang
tagal na nung huli naming nagawa yun, ngayon na lang ulit.

“Ma...” Tawag ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya. Si Shane naman na


inggitero nakiyakap na din.

“Oh?”

“Galit ka ba sakin? Palalayasin mo na ba ko?” Malungkot kong tanong sa kanya. Kasi


kanina hindi naman siya sumagot sa tanong ni Ate Zea. Ayaw ko naman umalis dito eh,
syempre ayoko silang iwanan.

“Bukas na lang kita palalayasin, gabi na eh.” Sabi ni Mama sabay hawak sa kamay
naming ni Shane na nakayakap sa kanya.

“Mama naman eh.” Maktol ko sa kanya.

“Oh tama na, wag ng magmaktol na parang bata dahil hindi ka na bata Sophia.
Magkakababy ka na din.” Sita niya sa inasal ko. Napanguso na lang ako.

“Hindi ako galit sayo anak. Hindi ko naman magagawang magalit sa inyo ng kapatid
mo. Masyado lang akong nabigla at nalungkot syempre. Masyado pang maaga anak eh,
sana hindi muna kayo nagmadali. Madami ka pang hindi nagagawa sa buhay mo, isang
semester na lang sana makakatapos ka na.” Mahabang sabi ni Mama sa malungkot na
tono.

Madaming nasayang sakin. Yung expectations ni Mama, yung pag-aaral ko, yung mga
bagay na gusto ko pang gawin. Tama nga si Mama, masyadong maaga para sakin ‘to.

“Pero anak ayos lang magsisi sa mga maling nagawa mo, basta wag mo lang pagsisihan
na ibinigay ang baby na yan sa’yo dahil blessing yan. Blessing siya sayo, sa inyo
ni Dylan at pati na din samin.”

“Opo mama.” Sagot ko sa kanya. Lahat ng sinasabi ni Mama iniintindi kong mabuti.
Alam ko naman na mga simpleng pangaral niya lang ‘to sakin na palaging dapat kong
tatandaan. Natutuwa din ako na tanggap niya ang baby ko.

“Mama, pwede na ba kong mag girlfriend?” Biglang singit ni Shane sa seryosong


usapan namin ni Mama.

“Tumigil ka muna dyan Shane Darvin, pag graduate mo ng highschool saka ka na mag
girlfriend. At wag na wag ka munang mag aasawa.” Seryoso pero may halong konting
biro na sagot ni Mama kay Shane.

“Yes ma’am!” Ngiting ngiti naman na sagot ni Shane. Paano kalahating taon na lang
gragraduate na siya ng highschool.

“Sige na matulog na kayo. Ikaw din Sophia at mag-aayos pa tayo ng gamit mo bukas.”

Napalaki yung mata ko. “Ma?”

“Pumapayag ako na doon ka titira kila Zea.” Sagot ni Mama sa pagkagulat ko.

Napatayo ako sa pagkakahiga. “Mama naman. Galit ka pa din bas akin kaya doon mo na
ko papatirahin sa kanila?”
Bumangon din si Mama sa pagkakahiga niya at hinawakan ako sa balikat. “Anak kumalma
ka nga. Hindi kita pinalalayas. Doon ka na muna sa kanila para mag mag-aasikaso
sayo. Alam mo naman na minsan kahit weekends may trabaho ako at may kung ano-anong
activity si Shane sa school. Sa buong maghapon wala kang kasama dito, sinigurado
naman ni Zea sakin na kung aalis siya babantayan ka noong mga kasama nila sa
bahay.”

Tumutol ako sa sinabi ni Mama. “Kaya ko naman po yung sarili ko eh. Ayoko kayong
iwanan ditto ni Shane.”

“Anak, mas inaalala ka namin. Hindi pwedeng mag-isa ka lang sa bahay dahil dyan sa
kalagayan mo. Hindi basta basta yung pagbubuntis Sophia, lalo pa pag walang 3
months. Mahirap yan at alam kong hindi kita maasikaso ng buo kaya pumapayag ako.
Anak hindi naman ako magdedesisyon ng hindi pinag-iisipan. At lalong hindi ako
magdedesisyon ng alam kong makakasama sayo. Kaya sige na magpahinga ka na, bukas na
natin ayusin ang mga gamit mo.”

=================

Chapter Eight

Perfect Mistake Chapter Eight

*Sophia’s POV*

 
“Okay ka lang ba?” Tanong ni Ate Zea habang nagdridrive papunta sa bahay nila.
Sinundo niya kasi ako at yung mga gamit ko sa bahay. Kahit na ayoko sana talagang
iwanan sila Mama sa bahay, wala na din akong nagawa kung hindi pumayag.

“Okay lang po.” Nakangiti kong sagot sa kanya.

“Pasensya ka na hindi na si Dylan ang sumundo sayo, may klase kasi siya eh.
Isasabay na lang din kita mamaya pagpasok mo sa hapon.” Sabi niya din ulit sabay
sulyap sandal sakin.

“Ate Zea, may itatanong po sana kasi ako. Nasan po yung parents niyo? Kasi po
parang hindi ko pa po sila nakikita. Alam na po ba nila?” Tanong ko dahil na din sa
curiousity. Dapat sana kay Dylan ko itatanong ‘to ngayon kaso wala naman siya.
Gusto ko lang kasing malaman kung ayos lang bas a mga magulang nila na doon ako sa
bahay nila titira. At kung alam na ba nila yung tungkol sa pagbubuntis ko.

“Hindi mo ba alam? Hindi pa naikwento sa’yo ni Dylan?” Gulat na tanong niya. Siguro
ngayon nag iisip na si Ate Zea kung anong klaseng relasyon ba meron kami ni Dylan
dahil madami kaming hindi alam tungkol sa isa’t-isa.

Umiling na lang ako.

“Hindi siya siguro nasabi sayo kasi ayaw niya naman talagang pag uusapan ang topic
na yun. Hindi kasi magkasundo ang parents namin ngayon. 2 years na silang
nakahiwalay samin. Si Mama nasa France at pinagkakabusyhan na yung lumalaki niyang
business dun kasama yung ibang relatives namin. Si Papa naman, nagtayo din ng
business sa Norway dahil nandun yung lolo at lola namin, yung parents niya. Since
then hindi pa sila umuuwi dito kaya nasanay na lang kami sa video calls, e-mails at
mga padala nilang packages tuwing may occasion. Kaya ayaw na ayaw na pag usapan ni
Dylan yun.” Malungkot at seryosong kwento ni Ate Zea. Naiintindihan ko na ngayon
kung bakit sila lang sa bahay nila. Nalungkot naman ako para sa kanila, sigurado
akong miss na miss na nila ang parents nila.
“Namimiss niyo na siguro sila ‘no?” Tanong ko kahit alam ko naman na yung
siguradong sagot.

“Sobra. Lalo noong umpisa. Sanay naman kami kasi na lagi kaming magkakasama kaso
mas ginusto na din naming ‘to ni Dylan kesa nakikita namin silang parating nag-
aaway. Mas masakit para samin yun tuwing nakikita naman na umiiyak sila parehas.”
Halos pabulong na lang yung mga huling sinabi ni Ate Zea. Masyado ngang personal at
sensitive ng topic na ‘to para sa kanila. Siguro parehas din ng pakiramdam ko pag
napapagusapan ang Papa ko.

“Alam na po ba nila?” Huminto ako saglit. “Yung tungkol sa baby?”

Umiling si Ate Zea. “Nagsend ako sa kanila ng e-mail na may mahalaga akong
sasabihin sa kanila kaya tatawag sila as soon as mabasa nila yun. Minsan kasi
palipat lipat sila ng bansa dahil sa business deals kaya hinihintay na lang naming
sila ni Dylan na tumawag. Sana pagnalaman nila ang tungkol sa baby, mapauwi silang
dalawa.” Hopeful na sabi ni Ate Zea. Kahit papano natuwa ako sa thought na
mapapauwi ang parents nila. Siguradong mamatuwa si Ate Zea at Dylan.

Maya-maya pa nakarating na din kami sa bahay nila, agad naman kaming tinulungan
nung mga kasambahay nila na magbaba ng mga gamit ko.

“Pakiakyat na lang sa kwarto nila yung mga gamit niya.” Utos lang ni Ate Zea sa mga
kasambahay nila na kumuha ng gamit ko.

“Zea, nakahanda na yung tanghalian niyo sa lamesa. Kumain na kayo at aalis pa kayo
pagkatapos nito hindi ba?” Nakangiting salubong samin ni Manang Emmy.
“Sige manang susunod na po kami.” Sagot ni Ate Zea sa kanya.

Tumango lang si Mamang Emmy bago pumasok ulit sa loob ng bahay.

Inakaya ako ni Ate papasok sa loob ng bahay nila.

“Sophia, welcome to your new home.”

*Dylan’s POV*

“Dude ngiting aso ka na naman dyan, umuwi lang si Zey nababaliw ka na naman.”
Narinig kong tukso ni Nate kay Brix. Masaya na naman kasi ang kumag dahil umuwi na
galing Florence yung kapatid ko.

“Tss ako na naman inaasar niyo. Ayan si Enzo asarin niyo, tutal siya naman yung
palaging emo!” Pilit na binabaling ni Brix yung pang aasar namin sa kanya.

“Atleast I’m not a coward when it comes to girls.” Dagdag na asar ni Enzo na tatawa
tawa pa.
“Pakitagalog naman ‘tol.” Sabi ni Nate tapos umarte pang nakahawak sa ilong niya.

“In short, di ako torpe.” Pagtranslate ng ni Enzo. Bwisit. Alam naman niya palang
tagalugin, English pa ng English. Bigwasan ko ‘tong isang ‘to eh.

“Teka nga pala, nasan na si Cyril?” Tanong ko sa kanilang tatlo. Kanina pa kasi
kami dito unit ni Enzo. Tinext na siya ni Brix pero hindi pa din siya sumusunod.
Wala namang klase yun ng ganitong oras dahil halos pare-parehas kami ng schedule ng
klase.

“Sus, yun pa. Malamang nambababae lang yun. Hayaan niyo na nga siya kung ayaw niya
sumunod dito. Binubully lang ako nun pag nandito siya eh.” Reklamo ni Nate.

“May sasabihin kasi ako sana sa inyo.” Simula ko sa kanila.

“What?” Tanong ni Enzo bago magbukas ulit ng isang lata ng beer.

“Magkakaanak na ko.” Pagkatapos nilaklak ko lahat ng laman nung beer ko. Alam ko
naman na dapat kong panindigan yung nagawa ko kahit hindi ko pa sinasadya. May
parte lang kasi sa utak ko na parang hindi pa handa. Siguro dahil alam kong may mga
bagay pa akong hindi nabigyan ng closure at linaw noon.

“Buntis ka?!” Gulat na tanong ni Nate nasundan ng isang.. “aray!”

Bintukan pala kasi siya ni Brix. “Oh loko ka. May matres ba si Dylan para mabuntis?
Utak minsan ha?”
“Are you freakin’ serious Dy? How the heck did that happened?!” Hindi
makapaniwalang tanong ni Enzo sa sinabi ko.

“Oo.” Maikli kong sagot sa kanila. Alam ko naman kasi na pupurgahin pa din nila ako
sa tanong.

“Teka tol! Wala ka namang girlfriend eh. Saka pano? Ang gulo naman! Bigla bigla ka
naman Dy.” Hindi din makapaniwala na sabi ni Nate.

“Dude kung si Cy pa nagsabi nito baka matawa pa kami, hindi imposible yun sa kanya.
Pero sayo? Eh hanggang halik ka lang sa mga babae eh! Masyado kang loyal sa ex mo.”
Napapailing na sabi ni Brix sakin. Totoo naman kasi. Hanggang halik lang ako sa mga
babaeng nakikipagflirt sakin, kasi hanggang ngayon may parte pa din sakin na
umaasang babalik siya.

“Nandito na eh. Hindi naman sinasadya yung nangyari samin, parehas kaming lasing
nun. Kaso hindi ko din akalain na mabubuntis pala siya.” Sagot ko sa kanilang
tatlo. “Beer pa ng Enzo.” Hingi ko sa kanya at hinagisan niya ako ng isang lata.

“Anong plano niyo?” Tanong ni Brix sakin.

“Sa bahay na siya pinatitira ni Ate, nakausap na din namin yung pamilya niya. Ang
alam nila may relasyon kami nung babae kaya nangyari yun.” Pagpapaliwanag ko sa
kanila.

“Hirap naman nyan dude.” Komento ni Nate sa sitwasyon ko.


“Yeah. Paano kung bumalik siya?” Tanong ni Enzo.

Nagbuntong hininga lang ako bago nilaklak lahat ng laman nung lata ng beer na hawak
ko at tumayo. “Uwi na ko.”

Hindi naman din nila ako pinigilan kaya tumuloy na ako sa paglabas sa uniti ni Enzo
at sumakay na sa elevator pababa.

Alam ko naman na may responsibilidad na ‘ko kay Sophia, pero hindi ko alam kung
anong gagawin ko kapag bumalik pa siya.

*Sophia’s POV*

“So totoo na nga? Tuloy na tuloy na ang pagpapanggap niyo?” Tanong ni Janna sakin
habang palabas kami ng classroom. Katatapos lang kasi ng huling klase namin.

“Oo, hindi ko din talaga akalain na papayag si Mama na doon ako tumira kila Dylan
eh.” Pabulong kong sagot sa kanya. Mahirap na may makarinig pang iba, dagdag
chismis na naman yun sakin.

“Shocking nga eh! Pero sissy may point din si Tita, atleast sa bahay nila sure na
lagi kang may kasama kahit wala yung magkapatid.”
“Oo nga eh. Yun lang din naisip ko. Basta dadalawin mo pa din ako dun ha?” Sabay
hawak ko sa braso niya.

“Oo naman bakla. Pero sa ngayon baka hindi ako makasabay sayo umuwi, aalis kasi ni
Mommy eh. Kaya mo na ba?”

“Oo magtataxi na lang ako, malapit lang naman eh.” Sagot ko sa kanya.

“Sige ingat ha?” Sabi niya bago makipagbeso at umalis.

Naglakad na lang akong mag-isa palabas ng gate at papunta sa abangan ng taxi sa


kanto ng school namin. Sumipa sipa pa ko ng ilang bato na nakita ko sa daan dahil
sa pagkainip ko sa paghihintay ng taxi na masasakyan.

Napaangat ako ng tingin nung may sasakyan na huminto sa harapan ko. May kotseng
gray na nakatapat sakin. Aalis na sana ako dahil hindi ko naman kilala kung sino
‘to kaso biglang binaba nun yung bintana.

“Hop in.” Nakangiting tanong ni Cyril sakin. Hindi ko alam kung maiinis pa din ba
ako sa kanya o hindi ko na lang siya papansinin eh. Naisip ko yung last option na
lang kaya tinalikuran ko na siya pero naramdaman kong may humablot ng braso ko.

“Sophia, wag mo naman ako ulit takasan oh.” Sabi niya nung nilingon ko siya.

“Ano pa bang kailangan mo sakin Cyril?” Naiirita kong tanong sa kanya habang
pinipilit na alisin yung pagkakahawak niya sa braso ko.
“Gusto ko lang naman tanggapin mo yung sorry ko, at kung pwede maging kaibigan mo
ko. Sige na naman oh, hindi naman ako talaga masamang tao. Mukha lang pero hindi
talaga.” Sincere at seryoso niyang sabi. Naramdaman ko naman yun sa tono niya.

Hinawakan ko lang yung braso kong hinablot niya kanina, medyo napahigpit kasi yung
hawak niya. “Kakalimutan ko na yung nangyari, tatanggapin ko na yung sorry mo. Okay
na ba yun sayo?”

“Salamat. Tara hatid na kita sa inyo.” Aya niya sabay kuha ng shoulder bag ko
sakin.

“Huy saglit lang! Wala akong sinasabing payag ako! Uy Cyril.” Habol habol ko siya
hanggang sa sumakay siya sa loob ng kotse niya dala pa din yung bag ko.

“Sakay na, wag kang mag alala may di ako nangangagat. Ihahatid lang kita sa inyo.”
Pilit niya sakin habang nakasilip sa bintana ng kotse niya.

“Okay na ko, magtataxi na ko. Please pakisoli naman na yung bag ko oh.” Naiirita ko
na naman na hiling sa kanya. Okay na nga kanina eh tapos mambwibwisit pa siya eh.

“Sige na Sophia, please. Di naman ako gagawa ng kalokohan sayo eh. Ibibgay ko ‘tong
bag mo pag sumakay ka. Please?” Pagpaawa effect niya pa sakin.

Wala na akong magawa kung hindi sumakay na lang sa shotgun seat sa kotse niya.
*

“Oh. Peace offering ko sayo.” Sabi niya sabay abot sakin ng malaking ice cream
cone. Akala ko kasi idederetso na niya ako ng hatid pero huminto pa kami sa park
malapit sa school. Hindi naman ako makatakas dahil nasa kanya pa din yung bag ko,
mautak din ‘tong loko loko na ‘to.

“Salamat. Wala naman sigurong gayuma ‘to?” Biro ko sa kanya habang nakaupo sa
swing.

Natawa naman siya. “Syempre kung nilagyan ko di ko sasabihin! Hahahaha. Meron yan,
mamaya tignan mo inlove ka na sakin.” Ganting biro niya.

Napangiti na din ako bago kainin yung ice cream na binigay niya. So far wala naman
siyang ginawang kalokohan sakin. In fact, ang gentleman niya kanina kahit sa mga
simpleng bagay lang. Except lang talaga dun sa part na pilitan pa yung pagsama ko
sa kanya kanina.

Tahimik lang kaming dalawa habang nakaupo sa swing at kumakain ng ice cream. Hindi
naman na din ako naiinis sa kanya at naawkwardan kasi cool lang yung aura niya
hindi katulad noong una ko siyang nakausap na ang dating sobrang yabang niya.

“Sophia.” Bigla niya akong tinawag kaya nilingon ko siya.

“Oh?”
“Umeepekto na ba? Naiinlove ka na ba?” Seryoso niyang tanong pero natawa ako.

Binato ko siya nung tissue na hawak ko dahil nagpunas ako ng kamay ko na nalagyan
ng konting ice cream. “Ewan ko sayo Cyril. Tara na, uuwi na ko bawal akong gabihin
eh.”

“Tara na nga.” Aya niya na din. Malapit na kasing magdilim, baka mapagalitan ako ni
Ate Zea pag ginabi pa ako. Nasabi ko kasi kanina na hanggang 5 lang ang klase ko.

Nagkwentuhan at nagbiruan pa kami ng konti ni Cyril habang nasa byahe. Hindi naman
pala siya ganun kayabang, medyo lang pero hitik siya sa kung ano anong jokes.
Effortless nga eh.

Medyo huli na nung naalala ko na magkaibigan nga pala sila Dylan at Cyril at sa
bahay na nila Dylan ako nakatira.

“Ahhh! Cyril dyan na ako nakatira sa may tapat. Pakihinto na.” Sabi ko sabay turo
sa unang bahay na nakita ko. Ayokong dun pa bumaba sa tapat ng bahay nila Dylan
dahil sigurado akong madaming itatanong ‘tong si Cyril. Ayoko naman malaman niya
pa, baka naman sabihin ni Dylan ang kapal ng mukha ko na ibroadcast sa mga tao na
sa kanila ako nakatira. Sigurado din naman na ako ang kawawa sa school pagkumalat
‘to.

Hininto naman niya kaaagd yung kotse niya sa bahay na itinuro ko sa kanya. Agad din
siyang bumba para pagbuksan ako ng pinto ng kotse.

“Thank you.” Sabi ko sa kanya pagkababa ko sa sasakyan niya.


“Thank you din at medyo komportable ka na sakin. Bag mo oh.” Sabay abot niya sa bag
ko na naging dahilan kaya napilit niya akong sumama sa kanya.

Kinuha ko din kaagad yun at nagpaalam sa kanya. “Sige ingat ka na lang. Ah mali,
ingat pala mga babae sayo.”

“Aso ba ko? Parang beware of dogs? Ganun?” Natatawang tanong niya dahil sa sinabi
ko.

“Hahaha! Sige na umuwi ka na. Papasok na din ako.” Pagpilit na pag papauwi ko sa
kanya. Kasi naman natatakot ako baka mamaya lumabas o dumating yung may-ari ng
bahay na kinakatayuan ko malintikan pa ko.

Ngumiti lang naman si Cyril bago sumakay sa kotse niya at nagdrive na paalis. Nung
natanaw kong nakalayo na siya saka ako naglakad papunta sa bahay nila Dylan,
natatandaan ko kasi ‘tong street na ‘to. Alam kong sa kabilang block bahay na nila.
Mabuti na lang at hindi nabuko ni Cyril kanina.

*Dylan’s POV*

Pabagsak akong naupo sa sofa nung makarating ako sa bahay. Medyo tinamaan din ako
sa ininom naming kanina lalo pa tinungga ko yung sakin.
“Manang, si Ate po?” Tanong ko nung mapadaan si Manang sa sala.

“Wala pa, pumunta yata sa shop niya eh.” Sagot lang ni Manang sakin na pabalik na
sana sa dining area.

Bago pa man siya makaalis nagtanong na ulit ako. “Eh si Sophia po dumating na ba
kanina?”

Nakangiti namang lumingon si Manang sa tinanong ko. Ang alam nga pala nilang lahat
may relasyon kami ni Sophia. “Kaninang tanghali dinala na nila dito yung mag gamit
niya, umalis lang ulit siya dahil may pasok daw siya. Hindi ba kayo nagkita doon?”

Umiling lang ako kaya tumuloy na si Manang sa dining. Talagang hindi kami magkikita
nun dahil nasa unit kami ni Enzo. Napag-isip kong matutulog muna ako dito sa sofa
dahil wala pa naman sila Ate nung bigang narinig ko yung doorbell.

Tumayo na lang ako kaagad at lumabas ng pinto papunta sa gate. Nakita ko naman agad
si Sophia sa pagitan ng grills ng gate namin.

“Naglakad ka ba? Mukhang hingal ka.” Pansin ko kaagad pagkabukas ko ng gate.

Umiling lang siya habang pumapasok. “Nagtaxi ako, kaso dun ako sa kabilang side
ibinaba kaya naglakad pa ako ng konti.”
“Ahhhh.” Yun lang yung nasagot ko sa kanya. Wala naman na kasi akong ibang gustong
sabihin eh.

“Punta lang ako sa kusina ah.” Pagpaalam niya nung nakapasok kami sa loob ng bahay.

Tumango lang ako sa kanya at umupo na ulit sa sofa, itutuloy ko na lang yung
naudlot kong idlip. Papikit ako nung narinig ko si Sophia.

“Aray!!”

Natataranta akong tumayo at pinuntahan siya kung saan siya nakatayo. Nakita kong
nakatalikod siya sakin at nakahawak sa mukha niya.

“Uy anong nangyari sayo?” Nag aalala kong tanong. Ang lakas kasi ng sigaw niya
kanina, nagising tuloy yung diwa ko. Nawala na yung antok ko.

“H-ha? Sandali lang. Ang sakit eh.” Sabi niya habang kinukusot yung mata niya.

Inalis ko naman kagad yung kamay niya kasi nagluluha at namumula na yung mata niya.
“Ano bang nangyari dito? Wag mo nang galawin kasi namumula na oh.” Sinabi ko habang
pinipigilan ko yung kamay niya na kusutin yung mata niya.

“Napasukan kasi yata ng insekto eh, ang sakit.” Sagot niya habang todo pikit.
Mukhang di niya nga maidilat yung mata niya.
“Lapit ka.” Hinawakan ko yung kaliwang pisngi niya at inilapit yung bibig ko sa
mata niya. “Dumilat ka, hihipan ko.”

“Aaaaah! Di ko nga maidilat kasi, ang sakit sakit kaya.” Naiinis niyang sagot
sakin.

Mas nilapit ko pa yung mukha niya sakin at pinilit kong pinadilat yung mata niya
para hipan.

“Aray!” Reklamo niya na naman na may kasama pang mahinang palo sa braso ko.

“Sandali, isa na lang.” Hinipan ko ulit yun ng mas malakas.

“Ahhh! Wait lang.” Hinawakan niya yung dalawang mata niya na kanina pa nagluluha
dahil dun sa pagkakapuwing niya. “Yan di na Makati.”

“Ay jusko kayong mga bata kayo!”

Napalingon kaming dalawa sa narinig naming sumigaw. Si Manang Emmy.

“Manang!” Sita ko sa kanya. Malamang nito iniisip niya may ginagawa kaming
kalokohan ni Sophia.
“Ano po... hindi po...mali po... may puwing po ako! Opo, yun po.” Natatarantang nag
explain si Sophia kay Manang Emmy.

“Ay kayo naman talaga, ayos lang naman yun sa may relasyon. Wag na kayong
magpalusot dyan, nagulat lang talaga ako. Oh siya babalik na ako sa kusina.” Sabi
ni Manang sabay ngiti ng makahulugan. Napailing na lang tuloy ako.

“Ayos na?” Tanong ko sa kanya habang pinapaling paling ko yung mukha niya. Pulang
pula tuloy yung mata niya, parang kakagaling lang siya iyak. Kasi naman pinakialam
pa eh.

Inalis na niya yung dalawang kamay ko na nakahawak sa mukha niya. “Oo, sige na
pupunta na ko sa kusina. Tutulungan ko na sila Manang.”

“Wag ka na magpagod dun. Papagalitan ka ni Ate pag nalaman niya yan.” Awat ko sa
kanya pero tumuloy pa din siya sa kusina at hindi na ko sinagot. Tigas ng ulo ng
babae na yun, bahala nga siya.

Umakyat na lang ako sa taas, magshoshower na lang ako bago kumain. Nawala na yung
antok ko kay Sophia eh.

Pagkapaso na pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko napakunot ako. Nasan ang laman ng


kwarto ko? Nasan yung mga gamit ko dito? Hindi naman ako nagkamali ng pinasukan.
Kwarto ko talaga ‘to. Anong nangyari dito? Nilooban ba kami ng walang nakakaaalam?

Nagmamadali akong bumaba ulit sa sala at hinanap si Manang. “Manang! Manang Emmy!”
Lumabas naman agad sila ni Sophia nung narinig nila yung pagtawag ko.

“Bakit anak?”

“Nasaan po yung mga gamit sa kwarto ko? Bakit po walang laman yung kwarto ko?
Nanakawan po ba tayo?” Nagtataka kong tanong sa kanila. Imposible namang manakawan
kami ng hindi man lang nila napapansin at limas pa yung laman ng kwarto ko pwera
lang sa kama.

Natawa naman si Manang Emmy bago ako sagutin. “Ay hindi anak. Ipinalipat na yung
mga gamit mo sa kwarto niyo.”

“Kwarto namin?” Tanong ko dahil baka naman nagkakamali lang ako ng dinig.

May sumagot sa tanong ko galing sa likuran ko. “Kwarto niyo ni Sophia.”

“Po?!” Sigaw ni Sophia sa Ate ko.

“Why? What’s wrong with that? Magiging mag-asawa naman din kayo in the near
future.” Nakangiting sagot ng kapatid ko samin.

Halos mapaubo ako sa narinig kong sinabi niya. Kami? Kami ni Sophia? Magiging mag-
asawa? Mukhang malabo yan. Wala nga kaming kahit anong relasyon eh, hindi ko nga
alam kung magkaibigan na kami sa lagay na ‘to.
“Pero po...”

Hindi na natuloy ni Sophia yung ikakatwiran niya dahil nagsalita na naman si Ate.
“No buts. Ayos na yung kwarto niyao. Oh c’mon guys, it’s not like first time niyong
magsama sa isang room.” Nang-aasar na tono niya.

Naging mas mapula pa tuloy sa kamatis yung mukha naming dalawa ni Sophia. Asar
naman oh!

“Wait!” Biglang nagbago ang tono ni Ate. “Bakit namamaga ang mata mo Sophia?”
Tanong niya kay Sophia sabay tinignan niya ako ng masama. “Nag away ba kayo? Kaya
ba ayaw niyo na magsama sa isang room?”

“Hindi ah!” Sabay naming sigaw ni Sophia.

Pumamewang si Ate ko at tinaasan kami ng kilay. “Yung totoo?”

“Hindi po talaga ate! Napuwing po ako kanina kaya nagluha yung mata ko. Yun po
talaga. Hindi po kami nag-aaway.” Pagpapaliwanag ni Sophia kay Ate pero mukhang
hindi siya naniniwala. Kung hindi ko lang Ate ‘to nakutusan ko na ‘to eh.

“Fine. Then prove it to me na hindi kayo magkaaway.” Nakataas na kilay niya pa ding
sabi.
Nagkatingin kami ni Sophia na para bang parehas kaming hindi malaman kung anong
gagawin namin. Parang abnormal naman kasi ‘tong si Ate, may paprove it to me prove
it to me pang nalalaman. Paano ko naman mapapatunayan na hindi kami talaga
magkagalit?

“Anak, lambingin mo na.” Narinig kong bulong sakin ni Manag Emmy sabay bangga ng
mahina sa braso ko.

Muntik akong mapanganga sa sinabi niya. Lambingin? Si Sophia? The fvck naman. Paano
ko gagawin yun?

Tinignan ko ulit si Ate at ganun pa din yung posisyon niya. Tinignan ko naman si
Sophia na nanlalaki pa din ang mata at parang maya maya lang magpapanic na.

Napailing na lang ako sa sarili ko bago ko nilapitan si Sophia at inakbayan sabay


sabing. “Baby ko, okay naman tayo di ba?”

Lalong nanlaki yung mata ni Sophia. Gusto ko ngang matawa sa naging reaksyon niya
pero pinigilan ko na lang. Inilapit ko yung bibig ko sa tenga niya. Medyo umiwas pa
nga siya eh, siguro nakiliti.

“Sumakay ka na lang. Hindi tayo titigilan ng kapatid ko.”Bulong ko sa kanya tapos


nginitian ko siya.

Halatang gulat na gulat pa din naman si Sophia pero maya maya ay binawi na niya
yung pagkagulat niya at pilit na ngumiti sakin. Nagulat na lang ako nung ilagay
niya yung isang kamay niya sa likod ko at yung isa naman pinanghawak niya sa kamay
ko na nakaakbay pa din sa kanya.
“Oo naman. Okay na okay naman tayo.” Sabay ngiti niya sakin at kila Ate Zea.

“Well, I’m convinced. Tara kain na tayo.” Sabi ni Ate sabay deretso na sa kusina.

Nakalusot kami ngayon, pero hanggang kailan kami magpapanggap ng ganito?

*Sophia’s POV*

Nakaupo kaming tatlo nila Ate Zea at Dylan sa may sala habang nanonood ng TV. Itong
si Dylan naman nakaakbay pa din sakin habang nakalagay yung kaliwa kong kamay sa
kanang tuhod niya. Tulay pa din ang pagpapanggap. Kahit na labag na labag na talaga
‘to sa kagustuhan namin wala naman kaming magagawa. Sinimulan namin ‘to eh.

Nagulat na lang ako nung biglang piñata ni Ate Zea yung TV at biglang humarap
samin. “So guys, magkwento naman kayo sakin. Tell me, how did you meet? And paano
naging kayo? Please, I wanna know the details!” Mukhang excited na tanong ni Ate
Zea.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Dylan at sabay na napanganga sa mga itinanong ni Ate


Zea. Anong sasabihin namin? Na nagkita kami sa parking lot ng bar at sinukahan ko
yung kotse niya? Na walang ligaw ligaw na naganap? Baka mabuko na kami nito eh.
“Ahh, kasi ate...” Simula ni Dylan habang palipat lipat ng tingin samin ni Ate Zea.

Bigla na lang humikab si Dylan at hinila ako patayo. “Inaantok na kasi ako eh. Ikaw
ba baby ko, hindi ka ba pa inaantok? Masama sayo ang napupuyat di ba? Matulog na
tayo.” Malambing na sabi ni Dylan sabay akbay ulit sakin.

Bago pa man ako makasagot, nagsalita na si Ate Zea. “Ay oo nga, late na pala. Sige
matulog na kayo at bawal magpuyat ha? Magbehave kayong dalawa.” Tunog nanunukso na
sabi ni Ate Zea saming dalawa.

Gusto kong maheart attack sa mga sinasabi ni Ate Zea samin. Ang hirap pala ng
pagpapanggap na ‘to, parang hindi ko matagalan. Palagi ba dapat kaming ganito ni
Dylan?

“Can’t promise.” Nakangiting sagot ni Dylan sa kanya bago ako akayain paakyat sa
kwarto.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto automatic na naghiwalay kaming dalawa.

“Muntik na tayo dun ah.” Sabay upo niya sa dulo ng kama.

Umupo din naman ako sa dulo ng kama pero nakaagwat sa kanya. “Huy anong can’t
promise can’t promise pinagsasabi mo kanina?”

Tumawa siya ng mahina. “Wala yun! Nakita mo naman benta sa Ate ko, nakatakas tayo
sa mga tanong niya.
“Malapit na nga yata tayong mabuko eh. Kasi naman, wala akong kaalam alam sa buhay
mo. Pangalan mo lang.” Nakaismid kong tanong sa kanya.

“Ako din naman eh.” Sagot niya samin pagkatapos parehas kaming nanahimik. Hindi
naman awkward silence, pero kasi siguro parehas kaming nag-iisip isip. Hindi naman
pala kasi madali yung ginawa naming pagkukunwari, akala ko kasi ganun ganun lang
yun eh.

“Anong full name mo?” Biglaan niya akong tinanong kaya napatingin ako sa kanya.

Kahit nagtataka ako sinagot ko na lang din siya. “Sophia Dennise Ramirez.”

“Ako Dylan Zayn Elizalde. Ilang taon ka na? Kailan birthday mo?” Tanong na naman
niya.

Napakunot na ako pero sinagot ko pa din naman. “20 years old. March 3.”

“21 ako. June 22. Course?”

“Teka nga, ano ba ‘to? Slumbook?” Tanong ko sa kanya. Kasi naman para lang siyang
elementary na nagpapasagot ng slumbook dahil sa mga tanong niya. 

“Hindi. Ano ka ba? Mga simpleng detalye lang ‘to na dapat alam natin. Dali sagot
na.”

Napatango na lang ako, may point nga naman siya. “4th year, fashion designing.
Ikaw?”

“4th year. Artchitecture. Favorite color? Favorite food? Height? Weight? Ano?”
Sunod sunod niyang tanong.

“Ang dami naman! Yellow, lasagna. Sa height wag na kasi! Nakitang maliit lang ako
eh, tapos yung weight ko excused na kasi dalawa naman kami eh!” Sagot ko sa lahat
ng tinanong niya.

“Hahahahahahahahaha!” Tawa naman siya ng tawa sa mga sinagot ko. Anong tinatawa
nito? Seryoso kaya ako.

“Hoy! Sabihin mo din yung sayo.” Pinalo ko pa siya sa braso niya ng mahina.

“Gray and black, mushroom burger. Tapos yung height ko baka mainggit ka pa kaya wag
na.” Tatawa tawa niyang sabi sakin.

Pinapapalo ko naman tuloy yung braso niya. “Ang yabang mo naman!”

“Hahaha. Biro lang eh, oh ayan okay na ba yun?” Tanong niya sakin habang umiilag sa
mga palo ko sa kanya.

“Eh pano sasabihin natin pag nagtanong ulit yung Ate mo kung pano tayo nagkakilala?
Tapos yung ligaw ligaw chuchu! Ayoko nang magpanic na naman katulad kanina ‘no!”
Nakasimangot kong sabi sa kanya sabay ayos ng upo dun sa dulo ng kama. Medyo
napapansin kong nagiging komportable na ako kahit papano sa presence ni Dylan.
Siguro kasi ilang araw ko na din siyang nakakasama, at sa susunod pang mga araw
makakasama ko siya.

“Sabihin mo na lang nagkakilala sa school, nagbanggaan, niligawan, sinagot. Yun!”


Tumayo na siya sa kama at dumeretso sa isang cabinet.

“Mainstream.” Comment ko sa naisip niya.

Pagsara niya ng pinto may hawak na siyang towel. “Hayaan mo na, atleast di ka na
magpapanic. Shower lang ako.”

Pumasok na siya sa loob ng banyo. Tumayo ako para hanapin yung mga gamit ko. Saan
kaya nilagay yung mga damit ko? Ang dami naman kasing closet dito, parang pwede na
nga akong tumira sa loob dahil sa laki ng closet nila.

Binuksan ko isa-isa yung mga closet. “Ay eto pala! Ang dami naman kasi,
nakakalito.” Kumuha na lang ako ng damit ko at sinara ko na ulit yung closet.

Nagmamadali nga akong magbihis ng pagtulog ko dahil baka biglang lumabas si Dylan
sa banyo. Buti na lang mukhang matagal siyang magshower dahil nakatapos na ko hindi
pa din siya lumabas.

Nilibot ko yung mata ko sa loob ng kwarto at naalala ko na iisa nga lang pala ang
kama dito. Patay. Saan naman ako matutulog nito ngayon? Alangan naman na magtabi
kami? Napangiwi ako sa thought na yun. Naalala ko na naman tuloy yung dati.
“Arghhhh! Dylan? Saan ako matutulog?” Malakas na tanong ko sa kanya.

Naghintay ako ng sagot pero wala. Yung tunog lang ng shower at tubig ang naririnig
ko sa loob. Ang bingi naman nun. Kainis!

Halos sabunutan ko na yung sarili ko dahil sa inis nung mapalingon ako sa likuran
ko. May mahabang sofa pala dito sa kwarto. Dito na lang kaya ako? Tama dito na lang
ako.

Pumunta ako sa kama at kumuha ng isang unan, kinuha ko na lang din yung comforter
at nagsettle na ako sa sofa. Advantage na din pala yung maliit ako, saktong sakto
lang ako sa sofa. Unti-unti na akong pumikit dahil sa sobrang pagod ko. Patulog na
talaga sana ako nung naramdaman kong umangat ako.

Agad kong dinilat yung mata ko at nakita ko si Dylan.

“Huy! Anong ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya nung narealize ko na buhat buhat niya
pala ako.

“May toyo ka ba? Bakit sa sofa ka natulog eh may kama naman?” Natatawang sabi niya
tapos ibinaba niya ako sa kama.

“Ha? Eh ikaw saan ka matutulog?” Bumangon pa ako ng konti para kausapin siya.

Nagtutuyo siya ng buhok habang nakaupo sa gilid ng kama. “Malamang sa kama, alangan
naman sa banyo ako matulog.”

“Pilosopo! Bakit ka tatabi sakin? Dun na lang kasi ako sa sofa! Kasya naman ako
eh.” Sabi ko sa kanya. Hibang na ba siya? Ayokong matulog kami ng tabi. Mamaya ano
eh... ah peste!

“Sasaksakin ako ng Ate ko pagnalaman niyang sa sofa lang kita pinapatulog. Para
namang may choice pa tayo.” Sagot niya sakin. “Usod nga.” Sabi niya sakin. Sakop ko
na pala halos yung malaking kama. Umusod naman ako papunta kaliwa ko at nahiga na
siya.

“Eh kasi naman! Hindi tayo pwedeng magkatabi dito. Sa sofa na lang kasi ako.”
Pagpupumilit ko sa kanya. Tatayo na sana ako kaso bigla niyang hinarang yung braso
niya sakin.

“Baka mahulog ka pa dun! Saka ano ka ba? Di naman tayo lasing, wag kang paranoid.
Di kita aanuhin dyan.” Nakasimangot niyang sagot sakin pero hindi pa din ako
convinced eh.

Parang napahiya naman ako ng konti sa sinabi niya pero hindi pa din talaga ako
mapakali. “Sa sahig na lang ako.” Tapos nag attempt akong tumayo ulit pero hinarang
na niya pati yung binti niya sakin. Ang dating, nakadantay siya sakin.

“Malamig sa sahig.” Sabi niya lang habang nakapikit na.

Leche naman. Wala na ba talaga akong choice? Magtyatyaga na lang ba ako? Makatulog
naman ba kaya ako? Asarrrrr!
“Sige na. Sige na. Dito na ko matutulog! Basta alisin mo na yung braso at binti mo
kasi ang bigat talaga.” Sabi ko sabay tulak nung braso niya paalis sakin.

Inalis naman din niya yun tapos tinalikuran na niya ako. Tumalikod na din naman ako
sa kanya at umusod ng kaunti sa kaliwa para may distansya yung paghiga namin.
Pinikit ko na yung mata ko at sinubukang matulog pero hindi ako makatulog. Umikot
ako sa kabilang side at pumikit ulit pero hindi pa din ako tinatablan ng antok.
Nasira na kasi yung dapat na tulog ko kanina kaya ngayon tuloy may hinahanap na
naman ako. Kasi naman eh. Pumihit ulit ako sa kabila at pinilit ko na talagang
matulog pero wala pa din.

Tinignan ko si Dylan na nakatalikod sakin. “Dylan?” Mahina kong tawag.

Akala ko tulog na siya kasi hindi siya sumagot pero maya maya...

“Mmm?” Gising pa pala.

“Pwede pakipatay yung ilaw? Kasi sobrang liwanag, hindi ako makatulog.” Pabulong
kong sabi sa kanya. Hindi na siya sumagot pero bumangon siya at pinatay yung ilaw.
Naramdaman kong bumalik na din siya kaagad sa kama.

“Goodnight.” Sabi ko nung naramdaman ko na nakahiga na ulit siya. Madilim na kasi


sobra kaya wala na akong makita.

“Goodnight.” Mahina niyang sagot sakin.


Bumaling na ulit ako sa kabila at pinilit na matulog pero nakakainis kasi lalong
hindi ako makatulog. Sobrang dilim naman kasi.

Bumaling ulit ako sa kanya. “Ah... Dylan gising ka pa?”

“Bakit?”

“Pwede pabukas ng lampshade? Sobrang dilim kasi eh, lalo akong di makatulog.”
Nahihiya kong sabi sa kanya. Kaso hindi lang talaga ako mapakali sa sobrang dilim.

Bumangon naman siya ng konti at binuksan yung lampshade.

“Thank you. Sige, goodnight.” Sabi ko sa kanya ulit.

“Night.” Tipid na sagot niya, mukhang inaantok na kasi siya.

Nagmuni muni ako ng konti para antukin. Tinodo ko na din yung pagpikit ko pero wala
akong napala. Hindi talaga ako makatulog. Hinahanap ko talaga yun.

“Dylan...” Tawag ko na naman sa kanya. Akala ko hindi na siya sasagot kasi kanina
pa siya tahimik eh.

“Ano?” Mukhang naiinis na niyang tanong. Parang nakukulitan na yata siya sakin.
Nahiya na tuloy ako lalong sabihin sa kanya. “Hindi. Wag na pala.”

Hindi na siya sumagot kaya I assumed na tulog na siya talaga. Hindi ko na nga lang
siya iistorbohin kasi mukhang naasar na siya talaga. Pumihit na lang ulit ako sa
kabila pero hindi ako mapakali kaya bumaling ulit ako sa kanya. Napapakamot na ko
sa inis ko dahil kahit anong ipwesto ko hindi ako dapuan ng antok.

Nagulat na lang ako nung biglang bumaling paharap sakin si Dylan at nagsalita kahit
nakapikit. “Ikot ka ng ikot dyan. Matulog ka na.”

“Hindi kasi ako makatulog eh.” Nakabusangot ko ng sagot sa kanya. Hindi lang naman
siya ang naasar sa kakaikot ko, pati ako. Kanina ko pa gustong gusto na matulog
pero hindi naman ako makatulog.

“Suntukin kita para makatulog ka?” Nakapikit niya pa ding offer sabay ngiti.

Naningkit yung mata ko sa sinabi niya. “Eh kung tadyakan kaya kita para malaglag
ka?” Bwisit na ‘to, hindi na nga ako makatulog nang iinis pa.

“Biro lang naman. Matulog ka na kasi, para kang kiti-kiti dyan eh.”

“Eh di nga ako makatulog di ba? Nakakainis na nga eh.” Maktol ko sa kanya pero
hindi na siya sumagot. Tinapik ko yung braso niya. “Huy!”
“Oh ano bang gagawin ko? Matulog ka na kasi.”

Nahihiya sana akong magsabi sa kanya pero hindi talaga kasi ako makatulog kaya
bahala na nga. “Pahawak nga ng tenga mo!”

Napadilat siya. “Tenga ko? Ba’t naman? May tenga ka namang sarili.”

“Sige na, saglit lang! Para makatulog lang ako. Sa bahay kasi pag di ako dinadalaw
ng antok hinahawakan ko yung tenga ng pusa ko eh.” Kwento ko sa kanya. Paminsan
kasi may habit talaga ako na ganun. Lalo pag hindi talaga ako mapakali at hindi
makatulog, gaya ngayon.

Tinakpan niya naman yung parehas niyang tenga. “Ayoko nga! Di naman ako pusa e.”

Napanguso na lang ako sa kanya. “Kadamutan mo, bahala ka dyan bwibwisitin din kita
para di ka makatulog.” Inis na inis kong sabi sa kanya. Kahit nga nahihiya ako
sinabi ko na sa kanya yung weird kong hobby tapos magdadamot siya dyan.

“Namblackmail ka pa. Bahala ka dyan.” Sabi niya tapos pumikit na ulit siya at hindi
na nagsalita.

“Psh!” Naiinis ko siyang tinignan at humiga na lang ng paderetso at tumingin sa


kisame. Tinapik tapik ko din yung mata ko sa inis dahil kanina ko pa talaga gusting
makatulog.
Napanganga naman ako nung biglang hablutin ni Dylan yung isang kamay ko at nilagay
sa tenga niya.

“Goodnight.” Sinabi niya lang bago pumikit ulit habang nakalagay na yung kamay ko
sa tenga niya.

Kahit asar na asar na ako kanina napangiti pa din ako. May mabait din palang side
‘to si Dylan. O baka sadyang naiirita na lang din talaga siya dahil sa likot ko.
Pero kung ano man yun, napangiti pa din ako ng slight.

“Night!”

*tbc* 

Si Sophia na hindi makatulog ay nasa multimedia. :p

=================

Chapter Nine

Cute Sophilan moment sa gif!~ 

Gumawa talaga ako ng loveteam name! hahahah! 

Perfect Mistake Chapter Nine

*Sophia’s POV*
 

“Baby, pakiabot ng nung unan.” Nakangiting pang-asar na sabi sakin ni Dylan habang
nakaupo siya sa sofa sa may sala.

Tinignan ko lang siya ng masama. Alam ko naman kasi na nang iinis lang siya at alam
niyang hindi ako makakareklamo dahil nandito si Ate Zea. Sa ilang araw na pinagstay
ko dito naging close na din kami ni Dylan, pero not in a good way. Close as in lagi
niya na akong inaasar. Ewan ko ba sa lalaki na ‘to, malakas yata ang topak sa ulo.
Pero atleast masasabi ko na may nabubuo na ding friendship samin kahit papano.
Nasasanay na din ako sa abnormal niyang presence.

Pilit ko lang siyang nginitian kahit na sa utak ko gusto ko na siyang sapakin. May
paat at kamay naman siya inutos pa sa’kin. Pasimple ko siyang hinampas ng unan na
hawak ko. “Oh ayan baby. Baon mo mukha mo dyan.” Sabi ko sa tonong nang-aasar.

“You guys... so sweet!” Kinikilig na sabi ni Ate Zea. Napangiwi ako sa sinasabi
niya. Kung alam niya lang kung paano kami magtratuhan ni Dylan pag kaming dalawa na
lang.

“Syempre sweet talaga kami. Halika nga dito baby.” Sabi niya sabay extend ng braso
niya sakin. Ako naman si nakisakay lumapit ako at umupo sa tabi niya.

“Okay fine. Nainggit na ko! Punta muna ako sa kitchen, magpapaluto na ako ng
merienda.” Nakangusong sabi ni Ate Zea sabay alis papunta sa kitchen.

Pagkaalis na pagkaalis niya sinuntok ko agad si Dylan sa braso.


“Aray naman! Nananakit ka na naman.” Reklamo niya habang hinihimas yung braso niya
na sinuntok ko.

“Kasi naman eh!” Sure ako na bakas na bakas na sa mukha ko yung pagkainis ko sa
kanya nung tumayo ako.

Dadaan na sana ako sa harapan niya nung itaas niya yung dalawang paa niya sa center
table at harangan ako.

“Padaan.” Angil ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Dinampot ko yung unan na
inabot ko sa kanya kanina at hinampas siya sa mukha.

“Aray naman! Battered dad na ako sayo ah!” Reklamo sabay agaw nung unan na
pinanghampas ko sa kanya.

“Oy mister! Battered na din ang utak ko sa pambwibwisit mo, tabi nga!” Binabangga
bangga ko ng tuhod ko yung binti niya na nakapatong pa din sa center table.

“Pffft! Mister?!” Tawa siya ng tawa na parang baliw.

“Problema mo?” Tanong ko sa kanya at finally ibinaba na din niya yung paa niya kaya
nakadaan na ako.

“So kung ako ang mister mo? Ibig sabihin ba nun ikaw ang misis ko? Pfffft.
Hahahahaha!”
Nanlaki na naman yung mata ko sa narinig ko at kulang na lang yata umusok yung
ilong ko sa inis. Naniningkit na naman yung mata kong nilingon siya. “Ang kapal
talaga ng mukha mo! Isang asar mo pa tadyak ka na talaga sakin!”

“Tss. Ingay naman ng misis ko! Hahahahahaha!” Sabi niya habang tumatawa pa din.
Lalong kumulo ang dugo ko sa lalaking ‘to. Ewan ko ba pero parang parati akong
gigil na gigil sa kanya. Minsan kahit wala na siyang ginawa naaasar pa din ako.

“Isa pang tawag mo sakin niyan tatakpan ko mukha mo ng unan mamaya pagtulog
hanggang sa hindi ka na makahinga.” Sabay irap ko sa kanya.

“Mumultuin naman kita. Pffft. Mister daw.” Narinig ko pang natatawa tawa pa din
siya pero hindi ko na siya sinagot at alam ko naman na ako lang din ang mapipikon
at matatalo. Tuwang tuwa pa siya habang ako naman asar na asar na.

Umakyat na lang ako sa kwarto namin para magshower. Pangalawang shower ko na ‘to
ngayong araw. Init na init kasi ako, hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa panahon.
Sabi kasi ni Manang Emmy nung isang araw madalas daw pag buntis irritable talaga at
madalas mainit yung pakiramdam. Sasabayan pa ng pambwibwisit nung Dylan na yun.
Asar talaga!

Nung makatapos akong magshower bumaba na din ako kaagad sa sala. Wala akong
naabutan na tao, mabuti naman wala si Dylan dun. Tumuloy na lang ako sa kusina para
uminom ng tubig.
“Oh hija, nagluto ako ng merienda. Gusto mo bang kumain?” Tanong kaagad ni Manang
Emmy nung naabutan niya akong kumukuha ng tubig sa ref. Hindi naman ako nahirapan
na mag adjust sa bahay nila kasi kung ituring nila akong lahat parang taga dito
talaga ako.

“Mamaya na lang po siguro, iinom lang po ako ng tubig.” Sagot ko sa kanya. Nagsalin
lang ako sa baso ko at ibinalik ko yung pitsel sa loob ng ref.

“Si Ate Zea po?” Akala ko kasi nadito siya sa kusina eh.

“Nasa kwarto niya yata.”

Tumango tango na lang ako. “Eh si Dylan po nasan?”

“Lumabas ah, pupuntahan yata ang mga kaibigan niya. Hindi ba nagpaalam sa’yo?”
Nagtataka niyang tanong.

Bastos na lalaki yun di naman nagsabi. Pero sabagay, kahit naman magsabi siya wala
akong pakialam. Usapan naman naming yun na walang pakialamanan eh. “Hayaan niyo na
po yun, atleast di ako mabwibwisit.”

Natawa naman si Manang. “Mukhang lagi kang pinipikon ni Dylan ‘no?”

“Opo.” Sagot ko sa tono na parang batang nagsusumbong. “Minsan po kahit wala na


siyang ginagawa sakin, makita ko pa lang siya naasar na ko.”
Napangiti ng malaki si Mamang Emmy sa inasal ko. “Nakakatuwa naman. Siguro
pinaglilihian mo si Dylan kaya ganyan ka. Pag nagakataon baka maging kamukhang
kamukha niya yang anak ninyo.”

Naimagine ko bigla ang magiging itsura ng baby namin. Baby na nakangiting pang-asar
o kaya naman madalas nakanguso. Si Dylan kasi minsan nakanguso na kung magsalita
lalo pag naasar na siya. Natawa naman ako bigla sa naimagine ko. Naexcite tuloy ako
sa magiging itsura ng baby ko.

Nakahiga na ako sa kama namin habang hinahaplos yung tyan ko. Buong araw naubos ang
oras ko sa kakaimagine ng tungkol sa baby. Kung paano siya gagapang, kung paano
siya matututong maglakad, pati kung anong salita ang una niyang sasabihin. Sobrang
excited na talaga ako. Naging maganda talaga ang takbo ng hapon ko dahil umalis si
Dylan at ngayon patulog na ko hindi pa din siya umuuwi. Sana bukas na siya umuwi o
kaya next week na para makapahinga naman ako sa pagkaasar.

“Hhhhhhmmmm.” Hikab ko. Kahit halos wala naman akong ginawa sa maghapon dahil
walang pasok pakiramdam ko antok na antok pa din ako. Papikit na sana ako nung
narinig kong dahan-dahan na bumukas yung pinto.

Nandyan na yata yung pang-asar. Pinikit ko na lang yung mata ko para isipin niya na
tulog na ako at hindi na niya ako bwisitin. Pinakiramdaman ko lang siya pero
nagtaka ako nung wala namang pumasok sa kwarto.
Dinilit ko na yung mata ko, nakaawang yung pinto pero wala si Dylan sa loob.
Nagkibit-balikat na lang ako at inisip kong baka hinangin lang yung pinto kaya
tumunog.

Papikit na ulit ako nung...

*click*

Biglang dumilim yung buong paligid. Napakunot ako.

*click*

Lumiwanag na naman. Tinignan ko yung switch. Wala namang tao.

“Tss. Pundido na yata yung ilaw.” Sabi ko sabay pikit na ulit ng mata ko. Bukas
sasabihin ko na lang na napundi na yung ilaw para palitan na nila.

*click*

Dumilim na naman yung paligid kaya napabangon na ako sa pagkakahiga ko. Ayoko
sanang matakot pero peste lang, natatakot ako! Kasi kung pundido yung ilaw naming
dapat pumipitik pitik yun at tuloy tuloy yung pagpatay sindi niya. Naman oh! Ako pa
naman mag-isa dito sa kwarto tapos ngayon pa may ganito. Bwiset!
*click* *click*

Napalingon na ako sa pinto kung nasan banda nakalagay yung switch ng ilaw.
Natatakot na talaga ako. Nagpatay sindi na yung ilaw! Hinablot ko kaagad yung
tsinelas ko at naglakad na papunta sa pinto. Bahala na kung may makita man akong
multo, tatakbo na lang ako pababa!

Unti-unti akong lumapit sa pinto, napahinto lang ako nung bumukas pa yun ng kaunti.
Nakadagdag sa takot ko yung creaking sound na gawa ng dahan dahan na pagbukas ng
pinto.

Hinawakan ko yung door knob at ready na akong ibukas ng buo yung pinto.

“BOO!”

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” Napatili ako sa gulat ko at napatakip na lang ako sa buong


mukha ko. Hindi ko na nagawang tumakbo pababa ng hagdan gaya ng unang plano ko.

“Hahahahahaahahahahaha! Multuhin pala ah!”

Nawala bigla lahat ng takot ko nung narinig ko tung boses at tawa ni Dylan. Lahat
ng takot ko kanina napalitan ng inis.

“BWISET KA TALAGANG LALAKI KA! WAG KANG LALAPIT SAKIN!” Buong boses na sigaw ko na
may kasama pang hamapas hampas sa buong katawan niya.
“Hahahahaha! Sorry na! Uy tama na, sorry na nga eh. Hahahahaha!” Inaawat niya yung
mga palo ko sa kanya pero tuloy pa din siya sa pagtawa niya. Lalo tuloy akong
nanggalaiti sa kanya.

“ARGH! NAKAKAASAR KA TALAGA! PARATI MO NA LANG AKO BINIBWISIT! PANGET KA! PANGET-“

Napahinto ako nung naamoy ko siya. Tapos tinuloy ko yung paghampas ko sa kanya,
pati tsinelas ko na hawak ipinamalo ko na sa kanya. “NAKAKAINIS KA! NANANAKOT KA
NGA UUWI KA PANG MABAHO! AMOY ALAK KA, AMOY BAR! WAG KANG LALAPIT SAKIN!”

Tapos pumunta na ako sa kama ng masamang masama ang tingin ko sa kanya pero hindi
pa ako nakuntento. Hindi ko pa nalalabas sa kanya lahat ng inis ko kaya dinampot ko
yung unan naming at isa-isa kong binato sa kanya.

“Uy tama na Sophia! Aray. Uy dahan dahan!” Tuloy pa din yung pagbato ko sa kanya ng
unan. “Uy wag ka ng sumigaw maririnig ka nila. Uy!”

Babatuhin ko pa sana siya nung comforter naming pero biglang pumasok si Ate Zea sa
kwarto.

“Bakit ang gulo gulo sa kwarto niyo? At bakit sumisigaw si Sophia?” Natataranta
niyang tanong saming dalawa.

“ATE KASI SI DYLAN! TINAKOT NA NGA AKO, NANGGULAT PA!” Pasigaw kong sabi habang
nakatingin ng masama kay Dylan.
“Oh wait Sophia, kumalma ka muna. Wag kang sisigaw at nakakastress yan para sayo.”
Pagpapakalma ni Ate Zea sakin.

Huminga naman ako ng malalim para makalma ko yung sarili ko pero nagulat ako sa
susunod na nangyari.

Bumaling si Ate Zea kay Dylan sabay malakas na sapok. “HOY IKAW! HINDI KO ALAM KUNG
MAY SAYAD KA BA TALAGA O SADYANG ABNORMAL KA NA! GINULAT MO? TINAKOT MO? EH PANO
KUNG NAKUNAN YAN?!” Sabay sapok niya ulit kay Dylan.

“Aray naman! Hindi naman malakas yung gulat niya! Hindi naman maano yung fetus sa
loob!” Sagot ni Dylan kay Ate Zea, natanggap na naman tuloy siya ng sapok.

“SASAGOT KA PA EH! AT BAKIT AMOY BAR KA? AMOY ALAK KA NA NAMAN! YOU’RE SO
IRRESPONSIBLE! BUNTIS NA NGA ANG GIRLFRIEND MO NAGAGAWA MO PANG MAG BAR!”

Nagulat ako sa lakas ng boses ni Ate Zea kaya inawat ko na din siya. “Ate wag ka
din sumigaw, stressed ka na din oh. Nakakawrinkles yan!”

Nagbuntong hininga na lang tuloy si Ate Zea sabay baling ulit kay Dylan. “Tinuan mo
yang sarili mo Dylan. Maligo ka dun at pag narinig ko pang sumigaw ulit ‘to si
Sophia sa labas kita talaga patutulugin!”

Tumango naman na parang lasing si Dylan sabay mahina at dahan-dahan na tulak kay
Ate Zea palabas ng kwarto.
Naupo na lang ako sa kama nung isinara na niya yung pinto. Ngingiti ngiti pa siya
bago pumasok ng banyo. Bwisit, sana malunod siya sa lababo.

Tumayo ako at dinampot ko yung mga unan na pinagbabato ko sa kanya kanina at


binalik yun sa kama. Pagkatapos ibinalot ko yung sarili ko sa loob ng comforters.
Bwisit talaga yung lalaki na yun kahit kailan eh.

Narinig ko yung lagaslas ng tubig sa loob ng banyo kaya siguro naliligo na siya.
Bwisit naman, hindi na naman ako makatulog. Nasira na naman kasi yung tulog ko
kanina dahil sa takot at nerbyos ko. Dagdag mo pa yung asar ko sa lalaking yun.

Kahit ano tuloy pilit ko ulit na matulog hindi ko magawa, nangingibabaw yung
pagkaasar ko sa kanya. Argh!

Narinig kong bumukas na yung pinto sa banyo kaya bumangon na lang ako habang
nakabalot pa din ng comforter. Tinignan ko si Dylan ng nakabusangot.

“Oh? Ano na naman? Nag sorry na nga ako eh.” Tanong niya habang nagpapatuyo ng
buhok gamit yung towel niya. Umupo na siya sa kama, sa tabi ko.

“Dylan nagshower ka ba talaga o nagbasa ka lang ng buhok tapos nagwisik wisik ka?”
Tanong ko sa kanya nung tumabi siya sakin.

“Nagshower ako ‘no!” Sabay lingon niya pa sakin habang humahaba na naman yung
nguso.
Kumunot na naman yung noo ko. “Mabaho ka pa din eh.” Reklamo ko sa kanya.

“Oo. Nagkuskos pa nga akong mabuti para presko! Hay sarap. Amuyin mo pa ko.” Sabi
niya sabay taas ng braso niya at akmang ilalapit sakin yung kili-kili niya. Bwisit
talaga ‘to.

Hinampas ko na naman siya ng unan. “Tss. Lumayo ka nga.”

“Bakit ba? Wala na kayang amoy! Mabango na nga ako eh. Amoy baby na ko! Problema
mo?” Nakanguso na naman niyang sabi. Naiinis na din ‘to siguro. Eh kaso wala akong
magagawa, nababahuan ako sa kanya. Kahit yata nagpalit na siya ng damit pantulog
nababahuan pa din talaga ako sa kanya.

“Eh basta, mabaho eh. Wag ka ditto matutulog sa tabi ko.” Maktol ko sa kanya. Hindi
ko talaga gusto yung amoy niya.

Napanganag siya sa sinabi ko. “Ha? Eh saan ako matutulog? Sa sofa?”

“Bakit kasya ka ba dun?” Tanong ko sa kanya. Ako lang yata ang kakasya sa sofa,
siguradong mahihirapan siya pag dun siya natulog. “Sa sahig ka na lang.”

Napabusangot siya sakin. “Sophia naman, malamig sa sahig eh.”

“Malamig nga yung sahig, mainit naman yung ulo ko. Pili ka dun sa dalawa.” Seryoso
kong sabi sa kanya. Ayoko talaga siyang makatabi matulog ngayon, baka mabugbog ko
lang siya.
“Sa kama ko gusto.”

Tinulak ko na siya ng mahina. “Baba na. Dali, matutulog na ko eh.”

Hindi naman siya umusod man lang kaya nakaisip ako ng paraan para mapababa ko siya
sa sahig.

“Dylan, alam mo ba sabi ni Manang Emmy kanina pinaglilihian daw siguro kita kaya
palagi akong naiinis sayo. Sabi pa nga niya baka maging sobrang kamukha mo yung
baby paglabas. Kaya dapat pagbigyan mo na ako kasi pag nadepress ako baka pumangit
yung baby. Kaya ngayon pili ka, sahig o papanget yung baby?” Kwento ko sa kanya.

Natawa naman siya tuloy sa lahat ng sinabi ko. “Galing mo mang-uto.” Tapos bumaba
na siya sa sahig. “Kahit naman yata madepress ka hindi papanget ang baby. Syempre
sakin magmamana yan.”

“Yabang.” Ismid ko sa kanya sabay abot ng unan niya tapos nahiga na ako sa side
niya dapat.

“Sophia.”

“Mm?” Sagot ko sa pagtawag niya.


“Malamig yung sahig.” Pagpapaawa niya. Halata naman sa tono niya na nagpapaawa
siya.

Kinuha ko yung comforter at hinagis ko sa kanya. “Magkumot ka.” Seryoso kong sabi
sa kanya kahit na sa totoo lang kanina pa ako nagpipigil ng tawa ko. Nakakatawa na
pumayag siyang matulog sa sahig.

“Sophia.” Tawag niya sakin pero hindi ako sumagot.

“Uy Sophia.” Tawag niya ulit. Nagpigil na naman ako ng tawa ko.

“Bakit ba?”

“Matigas yung sahig.” Reklamo at pagpapaawa niya na naman.

“Okay lang yan. Matigas din naman mukha mo eh!” Di ko na napigilan yung tawa ko.
“Goodnight Dylan.”

Sabi ko sabay taklob na ng isa pang comforter sakin. Narinig kong ilang beses niya
pa akong tinawag pero hindi ko na siya sinagot hanggang sa nakatulog na lang din
ako.

*
Nagising ako at nagmamadaling pumunta sa banyo at dumeretso sa lababo. Matinding
hilo na naman kasi ang naramdaman ko, sinabayan pa ng pagsusuka sa umaga. Ito lang
yung pinaka ayaw ko sa lahat ng nararanasan ko eh.

Nung pakiramdam ko wala na akong isusuka, nagmumug na ako at naghilamos ng mukha.


Bumalik ako ulit sa kama pagkatapos at nahiga pero hindi na ako nakatulog pa ulit
kasi nahihilo naman ako ng sobra. Nilingon ko yung wall clock namin, pasado alas
singko pa lang ng umaga at madilim pa sa labas pero gising na gising na yung diwa
ko. Wala akong ibang magawa kaya nilingon ko na lang si Dylan na natuutlog pa din
sa sahig.

Bumangon ako ulit sa kama at bumaba.

“Dylan.” Mahina kong tawag sa kanya sabay yugyog ng balikat niya pero wala akong
response na natanggap.

“Dylan!” Medyo nilakasan ko na yung pagyugyog sa balikat niya pero wala pa din
siyang reaksyon.

Nainis na naman tuloy ako. “Huy Dylan!”

Napabalikwas naman siya ng bangon. “Oh bakit? Anong nangyari sayo?”

Sumimangot ako. “Hilong-hilo ako!”


“Tsk. Akala ko naman kung ano na, ang aga-aga pa oh matulog ka muna ulit. Inaantok
pa ko eh.” Sagot niya sabay higa ulit sa sahig.

Hinampas ko nga ng unan. “Nahihilo nga ako eh!”

“May magagawa ba ko sa hilo mo? Wala naman di ba? Patulugin mo naman ako oh.” Tapos
itinakip niya pa yung isa niyang unan sa mukha niya.

“Ewan ko sayo! Wag mo akong kakausapin mamaya!” Sigaw ko sa kanya sabay tayo. Wag
siya lalapit sakin mamaya, sasapakin ko talaga siya. Nahihilo na nga ako dahil sa
pagbubuntis ko tapos wala man lang siyang gagawin. Nakakaasar!

*Dylan’s POV*

“Ahhhh! Sakit ng likod ko!” Pagkabangon na pagkabangon ko nag-inat kaagad ako. Ang
sakit talaga ng likod ko. Baliw na babae na yun, talagang sa sahig nga ako
pinatulog. Ang sakit tuloy ng katawan ko, ilang oras din bago ako nakatulog kagabi.
Tapos kanina ang aga mang gising dahil nahihilo daw siya. Wala naman akong magagawa
sa hilo niya dahil ako mismo nahihilo kanina dahil hirap na hirap ako matulog dito
sa sahig. Baliw talaga yun.

Bumnagon na ako at inilagay yung mga unan ko at comforter sa kama pagkatapos


dumeretso na ko sa banyo para maligo.
Pagkababa ko, naabutan ko na si Sophia at Ate sa dining table.

“Goodmorning.” Bati ko sa kanilang dalawa.

Ngumit naman si Ate sakin. “Goodmorning Dy.”

Tinignan ko si Sophia pero hindi niya ako pinapansin. Galit na naman ba ‘to sakin?
Ano na namang ginawa ko?

Hindi ko na lang din pinansin yung topak niya at umupo na ko sa tabi niya. Tahimik
lang kaming tatlong kumain, na sobrang nakakapanibago dahil kapag kumakain kaming
tatlo daldalan ng daldalan yung dalawa.

“Dylan may gagawin ka ba mamaya?” Biglang nagtanong si Ate.

Umiling ako. “Wala naman. Bakit?”

“Lumabas kaya kayo ni Sophia, mukhang naiinip na din naman siya dito.” Suggestion
ni Ate.

“Sige.” Sagot ko lang sa kanya. Walang kaso naman sakin yun, wala din naman kasi
akong gagawin maghapon.
“Wag na po.” Napalingon naman ako sa pag kontra ni Sophia.

Nagsalubong yung kilay ng kapatid ko. “Bakit? May problema ba? Magkagalit ba kayo?”

“Hindi ah!” Sagot ko kaagad pero hindi sumagot si Sophia. Nanahimik lang siya.

Napataas naman tuloy yung kilaty ni Ate sakin. “Yung totoo?”

Nagkibit balikat ako. “Ewan ko sa kanya. Alam ko hindi naman siya galit sakin.”
Tapos bumaling ako kay Sophia. “Galit ka ba sa’kin?”

“Hindi ba sabi ko sayo kaninang umaga wag mo akong kakausapin?” Nagulat naman ako
sa sinagot niya. Hindi ko yata natatandaan na sinabi niya yan sakin kaninang umaga.

“Ha? Wala ka namang sinabi kaya.” Sagot ko sa kanya.

Tinigil niya yung pagkain niya at tumingin sakin ng nakasimangot. “Meron. Hindi mo
siguro narinig dahil tulog ka. Tulog na tulog ka habang ako nahihilo.”

“Ha? Eh sorry naman. Wag ka ng magtampo dyan di bagay. Nahihilo din kaya ako
kanina, ang hirap kayang makatulog sa sahig. Sakit sakit nga ng likod ko eh.”
Pagpapaliwanag ko sa kanya. Grabe, ang lakas ng mood swings ng babae na ‘to. Nang
dahil lang pala doon kaya siya hindi namamansin.
“Wait. S-sahig? Pffft. Sa sahig ka natulog Dy?” Halatang nagpipigil ng tawa si Ate
habang tinatanong niya ako.

“Oo! Ang lamig pa naman dun sa sahig!” Reklamo ko. Hanggang ngayon pakiramdam ko
ang lamig pa din ng likod ko dahil sa pagkakahiga ko sa sahig.

Nagulat ako nung biglang tumawa ng malakas yung Ate ko. “Hahahahahaha! Grabe Dy,
sayang hindi ko nakita. Hindi ko maimagine na matutulog ka sa sahig! You are really
one of a kind Sophia! Imagine, si Dylan... pffft! Hahahahahahahaha!”

Nakita kong ngumingisngis na din si Sophia dahil sa mga pinagsasabi ni Ate.


Pinagkaisahan pa ko nitong dalawa na ‘to.

“Tsk! Wag na nga kayong tumawa dyan. Kumain na kayo, magmamall pa kami!” Maktol ko
sa kanila dahil pinagkakaisahan at pinagtatawanan nila akong dalawa. Mga babae nga
naman!

“Hay grabe Dy. Ang hirap magpigil ng tawa. Di pa din ako makamove on na sa sahig ka
natulog kagabi! Hahahaha!” Hanggang ngayon natatawa pa din talaga si Ate.

Natapos na kaming tatlo na kumain at lahat pero hindi pa din naubos yung tawa niya.
“Tss. Tigilan mo na nga.” Pag awat ko sa pagtawa niya sa tonong naiinis pero
napapangiti din ako kahit papano. Natatawa din ako sa nagawa ko.

“Ganda ng ngiti mo ah. I guess you woke up at the right side of the floor!
Hahahaha.” Tukso na naman ni Ate kaya dinilaan ko na lang siya.

“What’s taking her so long? Nakaligo naman na siya bago tayo magbreakfast ah.” Sabi
ni Ate nung nainip na siguro siya. Kanina pa din kasi umakyat si Sophia para
magpalit ng damit dahil nga magmamall kaming dalawa ngayon. Pero hanggang ngayon
hindi pa din siya bumababa.

“Tignan na nga natin yun.” Aya ni Ate kaya sumunod ako sa kanya paakyat ng kwarto.
Pinauna ko siyang pumasok kasi baka nagbibihis pa si Sophia.

“Oh? Anong nangyari? Bakit hindi ka pa nakabihis? Bakit nakakalat mga damit mo sa
sahig?” Narinig kong sunod sunod na tanong ni Ate sa kanya kaya pumasok na din ako
sa loob ng kwarto.

“Ang sisikip na po ng mga pants ko, naiipit yung tyan ko.” Parang bata niyang sagot
sa Ate ko.

“Oh my. Lumalaki na din kasi ang tummy mo eh. Hold on, may dress yata ako na
kakasya sayo. Yun na muna ang suotin mo.” Bumaling sakin si Ate. “Dy, ligpitin niyo
na muna yung mga damit niya para magbibihis na lang siya pagbalik ko.”

Tumango naman ako at sinimulan ng damputin yung napakaraming damit ni Sophia na


nakapatong sa ibabaw ng kama namin.

“Mamili tayo mamay ng mga damit mo, para hindi maiipit yung baby.” Sabi ko sa kanya
habang tinutulungan siyang iayos ulit sa lalagyan niya yung mga damit niya.

Umiling naman siya. “Wag na, wala naman akong extra money para pang shopping.”

Nginitian ko siya. “Sagot ko na, para din naman sa baby yun eh.”

Natawa siya ng mahina. “Peace offering?”

Tumango ako.

“Dylan, tama na ‘to ang dami dami na nito oh.” Angal ni Sophia sa lahat ng mga
damit na kinukuha ko.

“Konti pa yan. Matagal pa naman lalabas yung baby kaya siguro naman magagamit mo
lahat ‘to.” Sagot ko sa kanya habang tinutulak yung cart ng mga damit na bibilihin
namin.
Halo-halo ng damit yung mga nandito. Siya na ang pinapili ko dahil hindi ko naman
alam kung ano yung mga gusto niya.

Napahinto kami sa paglalakad papuntang counter nung huminto si Sophia sa


paglalakad.

“Pagod ka na?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi. Sumakit ng konti yung tyan ko eh.” Sagot ko sabay hawak sa tyan niya.
Siguro yung baby yun.

“Ako na magbabayad sa counter, maupo ka muna dun. Babalikan kita.” Tinuro ko sa


kanya yung upuan sa isang section ng mga damit.

Hindi naman na siya umangal dahil baka sumasakit pa din yung tyan niya. Dineretso
ko na lang lahat nung pinamili namin sa cashier. Mabuti na lang konti lang yung
nakapila kaya saglit lang nakapagbayad na din ako sa lahat ng pinamili namin.

Pabalik na sana ako sa pwesto kung saan ko pinaupo si Sophia nung natanaw ko na may
kausap siya. Isang lalaki.

=================

Chapter Ten

Perfect Mistake Chapter Ten


 

*Dylan’s POV*

Naglakad ako papunta sa kanila. Tumayo naman kaagad si Sophia pagkakita niya sakin.
Lumapit ako sa kanya at pumunta sa tabi niya.

Nakita ko na yung mukha nung lalaking kausap niya. Hindi siya pamilyar sakin.

“Ah Dylan si Andrei pala.” Pagpapakilala niya. “Ex-boyfriend ko.”

Napatitig ako dun sa lalaki. Parang napangisi pa siya nung ipakilala siya sakin ni
Sophia bilang ex-boyfriend.

“Babe!” May biglang dumating na babae sa harapan namin at yumakap dun sa Andrei na
yun. Yung lalaki naman bigla siyang hinalikan sa labi.

“Si Chesca pala. Girlfriend ko.” Proud na sabi nung lalaki samin.

“So babe, siya pala si Sophia? Yung ginamit mo to get over me na fortunately ay
hindi nangyari?” Nakangisi ding sabi nung babae.
Para namang umakyat lahat ng dugo ko sa narinig kong sinabi nung babae. Lalo pa
nung nakita kong hindi komportable si Sophia na kaharap yung dalawang yun.

Inakbayan ko si Sophia at hinalikan sa gilid ng noo niya bago ko pinakilala sa


kanila yung sarili ko. “Ako nga pala yung fiancé ni Sophia. Dylan Elizalde.”

Nakita kong napanganga yung dalawang nasa harapan namin. Kung sa Hillsdale Academy
sila nag aaral malamang kilala nila ang pangalan ko.

Napantingin naman sakin si Sophia na halatang nagulat sa sinabi ko pero nginitian


ko lang siya. Binalingan ko na ulit yung dalawang kaharap namin. “Mauna na kami sa
inyo ha? Maglulunch na kami, baka kasi gutom na yung fiancé ko.”

Hinigit ko na si Sophia palayo sa kanila at palabas ng department store habang


nakaakbay pa din sa kanya.

“Saan mo gusto kumain? Gusto mo ba ng Japanese food?” Tanong ko sa kanya habang


nagpapalakad lakad kaming dalawa sa mall.

“A-ah sige.”

Pumasok kami sa isang Japanese Restaurant at umorder.

“Pork Tonkatsu sakin Dylan saka red iced tea.” Sabi ni Sophia sakin bago siya
humanap ng upuan namin.
Ako na yung umorder ng mga pagkain namin sa counter.

“Sophia.” Tawag ko sa kanya habang kumakain kami.

Hindi siya sumagot pero tumingin lang siya sakin.

“Yung sinabi nung babae kanina? Totoo ba yun?” Tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa pag nguya ng kinakain niya at uminom muna bago tumango. “Yung araw
na naglasing ako sa bar, yun yung araw na nakipagbreak siya sakin para sabihin na
ginamit niya lang ako para pagselosin yung ex niya.”

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Natandaan ko yung gabi na may nangyari
samin. Iyak siya ng iyak nun at kung ano anong binubulong niya na hindi ko naman
maintindihan. Kaya din pala lasing na lasing siya nun.

“Okay ka lang ba?” Nag aalala kong tanong sa kanya. Mukha kasing nawala din siya sa
huwisyo niya simula nung nakita namin yung ex niya kanina. Hindi nga siya nang-
aaway eh, tahimik lang siya.

“Ha?” Tanong niya tapos yumuko siya. “Oo naman, ayos lang ako.” Sabi niya bago
sumubo ulit.
“Hindi ka ayos.” Sagot ko sa kanya. Halata naman kasi sa kanya eh.

“Hayaan mo na yun Dylan. Madami na din naman akong narealize simula kanina. Hindi
ko na dapat iniisip yung mga ganung klase ng tao. Yung mga walang kwenta.” Sagot
niya tapos tinuloy niya lang yung pagkain niya.

“Nga naman. Tignan mo, tumulo laway nila nung nagpakilala na ko. Tss.” Sabi ko sa
kanya sabay ngiti.

Akala ko iirapan na naman niya ako at sasabihan ng mayabang pero nagulat ako nung
iba yung reaksyon niya.

Nginitian niya ako sabay sabi ng... “Salamat Dylan. Salamat sa pagtanggol mo sakin
dun.”

Napantanga ako sandali dahil sa inasal niya pero sa huli napangiti na lang din ako
at tinuloy yung pagkain ko.

*Sophia’s POV*

 
Buong maghapon lang kaming nagliwaliw ni Dylan sa mall. Kung ano-anong pinagbibili
niya sakin. Binilihan pa ko ng madaming flat shoes dahil bawal na daw akong magsuot
ng may takong. Gusto na nga din niya sanang bumili ng mga gamit ng baby kaso nga
lang sinabi ko na masyado pang maaga para dun.

Halos mag gagabi na din nung inaya ko siyang umuwi dahil pagod na din ako sa
mghapong paglalakad.

( Play song: Passenger Seat by Stephen Speaks )

“Bayad na ba ko sa lahat ng pang aasar ko sayo kahapon? Nag enjoy ka ba?”


Nakangiting tanong ni Dylan sakin habang nagdridrive siya.

Tumango ako na parang bata. “Oo naman! Grabe lalo sa timezone!”

“Oh ano? Bilib ka na sa dancing skills ko?” Tawang tawa niyang tanong.

Natawa naman ako lalo. “Hahahahaha! Grabe ang tigas ng bewang mo. Next time
pakuluan muna natin bago ka ulit sumayaw sa harap ng maraming tao! Hahahaha!”
Tuwing naaalala ko yung mga parang tanga niyang kembot at mga steps niyang bano
hindi ko pa din mapigilan na hindi matawa. Hindi ko akalain na sa likod ng attitude
niyang minsan ay masungit at mainitin ang ulo marunong din pala siyang magtrip ng
ganun.

“Dami ngang nanood sakin kanina eh! Akala yata nila professional dancer ako.” Sabi
niya sa pagitan ng hindi niya din mapigil na pagtawa niya.

“Professional macho dancer? Hahahahaha! Grabe Dylan, wag mo na uulitin yun. Baka
kabagan na ako sa kakatawa promise! Hahahaha!” Hawak ko na yung tyan ko dahil hindi
ko pa din mapigil yung pagtawa ko.

“Ayaw mo nun? Saya nga eh! First time ko gawin yun.” Sabi niya habang tumatawa na
lang ng pakonti-konti.

Unti-unti ko na ding itinigil yung pagtawa ko dahil hinihingal na ako. Kaso nung
nagkatinginan kami...

“Hahahahahahaha! Bwisit ka, wag ka nga muna tumingin sakin! Naaalala ko na naman
eh! Hahahahaha!” Natawa na naman ako nung makita ko yung mukha niya.

“Hahahahaha! Natawa din ako sa mukha mo eh, namumula ka na kakapgil ng tawa!”

Ilang minuto pa kaming tumawa ng tumawa hanggang sa napagod na yata yung lalamunan
namin.

“Dylan, nauuhaw ako.” Sabi ko sa kanya habang pinapaypayan yung sarili ko gamit
yung kamay ko. Grabe yung pagtawa namin kanina, kahit naka aircon kami pinagpawisan
pa din ako.

“Ako nga din eh, bumili na muna tayo ng drinks sa convenient store.” Sabi niya
tapos maya maya nagpark siya sa unang convenient store na nadaanan namin.
“Royal sakin ha?” Bilin ko sa kanya nung nakapagpark na siya sa labas ng convenient
store.

Tumango siya. “Ice cream? Nakalimutan nating bilihan si Ate ng pasalubong.”

“Vanilla!” Parang bata kong sabi sa kanya.

Natawa naman siya ng konti bago bumaba ng kotse. Sinundan ko lang ng tingin si
Dylan hanggang sa makapasok siya sa loob ng convenient store. Napangiti na lang ako
at napayuko.

Hindi ko akalain na mag eenjoy din ako ng ganito kasama si Dylan. Ang epic talaga
nung ginawa niya kanina. Nakalimutan ko lahat ng pagkainis ko sa kanya nung
napatawa niya ako ng sobra. Akala ko kasi noon isa lang siyang insensitive at
mayabang na lalaki. Well, confirmed yung mayabang dahil paminsan minsan
nararamdaman ko yun. Pero hindi pala siya insensitive. Madaming bagay akong
nadidiscover sa kanya habang tumatagal. Hindi ko akalain na ibang iba pala siya sa
Dylan na inexpect ko.

Naputol yung pagmumuni muni ko nung sumakay na ulit si Dylan sa kotse niya.
Binuksan niya muna bago inabot sakin yung binili niyang can ng royal at binuksan
niya naman yung can ng rootbeer niya.

Ininom ko kaagad yung royal ko dahil sa sobrang uhaw ko. Nakakapagod pala at
nakakatuyo ng lalamunan tumawa ng tumawa. Si Dylan kasi eh!

“Ay, dapat pala nagrootbeer na lang din ako.” Nasabi ko nung nakita ko yung
rootbeer niya. Bakit nga ba kasi royal ang pinabili ko?

“Gusto mo?” Alok niya sakin.

Napangiti naman ako. “Switch?”

Kinuha niya yung royal ko at inabvot niya sakin yung rootbeer na iniinom niya
kanina. Tapos sabay naming ininom yun.

“Soph, naniniwala ka sa indirect kiss?” Tanong niya sakin sabay tingin ng patagilid
tapos ininom niya ulit yung royal.

Medyo napatulala ako saglit dun kasi unang beses niya yata akong tinawag na Soph.
Kadalasan kasi Sophia ang tawag niya sakin. Tapos naaalala ko yung susunod niyang
sinabi. “Gusto mo tadyak?”

“Joke lang!” Nanlalaki na naman yung mata niyang sagot tapos uminom ulit siya nung
royal. “Lasang laway mo.”

Sinamaan ko kaagad siya ng tingin pagkarinig ko nun. “Ang arte. Akin na kung ayaw
mo!”

“Wag na.” Sagot niya lang tapos inubos na niya yung royal. Hindi ko nga lang alam
kung tama yung nakita ko pero parang nakita ko siyang ngumiti ng tipid bago niya
ubusin yung royal.
Napangiti din ako ng konti at inubos ko na yung rootbeer niya.

Pagkaubos namin nung drinks namin pinaandar na niya ulit yung kotse niya. Tahimik
lang sana kami kung hindi siya biglang nag open ng topic.

“Yung Andrei kanina, mahal mo pa ba?” Nagulat ako sa tinanong niya. Out of the blue
kasi, akala ko kinalimutan na niya yung nakita namin kanina.

“Siguro oo, kasi nasaktan pa din ako kahit papano sa nakita ko kanina eh. Pero
mawawala din ‘to, lalo nung nakita ko na hindi naman siya worth it sa pagmamahal ko
sa kanya. Ayoko na siyang isipin pa ulit kasi masaya naman na ako ng wala siya.”
Honest kong sagot sa kanya. Nakita ko na kasi kung gaano pala kawalang kwenta si
Andrei para mas piliin pa din yung Chesca na yun kesa sa’kin. Ngayon mas alam ko
na, na hindi ako yung nawalan saming dalawa.

Napatingin ako kay Dylan. “Ikaw? May mahal ka ba?”

Hindi niya ako nilingon at nakafocus lang siya na nagdridrive ng kotse. “Meron.
Pero iniwanan din ako eh. Gaya sayo pinagpalit lang din ako para sa iba.”

Naramdaman ko yung naramdaman niya. “Parehas pala tayo eh.”

Tumango lang siya sa sinabi ko.


Hinawakan ko yung balikat niya at tinapik tapik. “Hayaan mo na. Siguro makakahanap
din tayo ng hindi tayo ipagpapalit sa iba.”

“Oh? How’s your date?” Tanong kaagad ni Ate pagkadating namin sa bahay.

Nagkatinginan kami ni Dylan at sabay na ngumiti.

“Enjoy po. Sumayaw si Dy kanina sa timezone!” Natatawa kong kwento kay Ate Zea.

“Pfffft! Nakakahiya ka Dy!” Natawa din si Ate Zea nung narinig niya yun.

Napakamot na lang si Dylan sa ulo niya. “Pagtutulungan niyo na naman ako eh!”

“Hahahaha! Abnoy ka kasi eh, tara nakaready na yung dinner.” Aya niya samin papunta
sa dining area.
“Ate bumili kami ni Dylan ng vanilla ice cream para sa dessert.” Sabay pakita ko
nung 1 gallon ng ice cream.

“I love you guys! Saktong sakto nagcracrave pa naman ako sa ice cream ngayon!”
Tuwang tuwa na sabi ni Ate Zea.

Habang kumakain kami biglang nagring ng sunod sunod yung phone ni Dylan kaya
nilabas na niya yun sa bulsa niya.

“Si Enzo, sagutin ko lang ‘to.” Sabi niya samin ni Ate bago sagutin yung phone
niya.

Kami naman ni Ate Zea tinuloy lang yung pagkain namin.

“Oh dude? Problema?” Tanong ni Dylan dun sa kausap niya. Enzo daw eh, malamang yun
yung isa pa nilang kagroup.

“Talaga? Kelan naman daw?” Tanong niya ulit dun sa kausap niya. Hindi ko naman
maiwasang hindi macurious sa pinag uusapan nila.

“Sige, sa dati pa din ba?” Huminto siya sandali tapos nagsalita ulit. “Sila na
naman ba? Hahaha! Hindi yata nadadala eh. Sige dude pupunta ako.” Tapos huminto
ulit. “Ge bye.”
“Anong sabi ni Enzo?” Tanong kaagad ni Ate Zea pagkababa ni Dylan ng phone niya.

“May laban daw kami bukas sa group nila DK.” Sabi niya lang bago kumain ulit.

“Race na naman. Sabi ko sa inyo guys mag iingat kayo eh. Medyo delikado yan.”
Worried na sabi ni Ate Zea sa kanya.

“Ngayon na lang ulit ‘to Ate. Promise maingat naman kami.” Pag aassure ni Dylan.

Dahil nacurious ako...”Dylan, pwede ba akong sumama?”

Kumunot yung noo niya. “Sasama ka? Bakit?”

Nagkibit balikat ako. “Nacucurious ako eh, hindi pa ako nakakapanood ng race. Gusto
ko sumama.”

Nagtinginan muna sila Ate Zea at Dylan. Sana naman pumayag sila na sumama ako.
Gusto ko talagang makapanood ng laban nila Dylan eh.

“Sige, isasama kita bukas.” Nakangiting sagot ni Dylan sakin. 

=================
Chapter Eleven

Perfect Mistake Chapter Eleven

//Third person POV//

Everything is all set accordingly to its supposed arrangement.

Nakahanda na ang magbabarkada sa stand by area ng racetrack na exclusively para sa


amateur races na ginaganap. Usong-uso kasi sa lugar nila, lalo na sa Hillsdale High
& Colleges, ang ganitong klase ng racing.

“Dude, nasan na yung mga yun?” Inip na inip na tanong ni Dylan sa mga kasama.
Usapan kasi nila at ng mga kalaban ay 6 pm pero halos 6:30 na ay wala pa din yung
mga humamon sa kanila.

“Baka naman paasa lang yun. Mamaya hindi na sisipot. Umuwi na nga lang tayo.”
Napipikon na ding sagot ni Nate.

“Wait guys. Let’s just wait for a while. If they won’t show up until 7 then we’ll
split.” Suggestion ni Enzo sa kanila. Sa ilang beses na din kasi nilang nakalaban
ang grupo ni DK alam nilang madalas itong malate. Pero kahit ganun naiinis pa din
sila pag sadya itong nagpapalate. Nakakapuno ng pisi.

“Si Cyril ba hindi susunod?” Tanong ni Brix sa tatlo niya pang kasama. Si Cyril na
lang kasi ang kulang sa grupo nila, isa pa man din yun sa mga kayang kaya na
lumampaso sa kakalabanin nila.
Umiling si Nate bilang sagot. “Hindi yata pupunta, hindi naman sumasagot sa text
ko. Hayaan mo nga siya, baka nambababae na naman.”

“Akyat muna ko kila Ate, baba na lang ako pag nandyan na yung mga duwag. Naasar
lang ako lalo.” Paalam ni Dylan sa mga kaibigan bago umakyat sa bleachers.

“Sissy, bakit parang ang tagal magstart ng laban?” Medyo naiinip ng tanong ni Janna
sa kaibigan na si Sophia. Isinama na din kasi nila ito sa panonood ng laban dahil
gaya ni Sophia, hindi pa siya nakakapanood ng ganitong klaseng race.

“I think wala pa yung mga kalaban nila eh.” Sagot ni Zea kay Janna. Sumama na din
siya para mapanood ang kapatid at para samahan sila Sophia. Sanay din naman kasi
manood si Zea nito dahil madalas siyang manood sa previos races ng kapatid pag
hindi siya busy.

“Di ba 6 ang laban nila? Eh malapit ng mag quarter to 7.” Sabi ni Sophia pagkasilip
saw wristwatch na suot niya.

Nagkibit balikat naman yung dalawang kausap niya.

“Uy, si Dylan oh.” Turo ni Janna sa dalawa ng matanaw niya si Dylan na paakyat
papunta sa pwesto nila.
“Inip na ba kayo?” Tanong ni Dylan sa tatlong babae nung makarating siya sa pwesto
nito.

Umusod sa susunod na upuan sa tabi niya si Zea para mabigyan ng vacant seat si
Dylan sa tabi ni Sophia. Agad din naman umupo si Dylan sa upuan na inalisan ni Zea
para sa kanya.

“Dy, hindi pa ba magsisimula?” Tanong ni Zea sa kapatid niya.

Umiling si Dylan. “Wala pa sila eh. Pag 7 na tapos wala pa din uuwi na tayo.”

“What?! Ngayon nga lang ako makakanood ng race tapos postponed pa? No way!”
Pagkontra ni Janna. Excited pa man din siya kanina pa tapos sasabihin na baka hindi
dumating ang kalaban, naasar siya.

“Oh gusto mo ikaw na lang lumaban sa kanila para matuloy.” Natatawang biro ng
bestfriend niyang si Sophia sa reaksyon niya.

“De joke lang pala! Uwi na tayo pag wala sila ah?” Nakairap at sarcastic na sagot
ni Janna.

Natawa naman tuloy yung tatlo sa inasal niya.

“Dude, nandyan na yung mga kumag.” Napalingon sila sa lalaking nagsalita. Si Nate.
“Oh hi girls.” Bati pa nito sa tatlong babae na kasama ni Dylan.
“Hi Nate.” Todo smile na sagot ni Janna kay Nate. Nasiko tuloy siya ni Sophia, ayaw
na ayaw kasi nitong nagswooswoon siya sa mga lalaki ng lantaran.

“Hi. Uhm, dude tara na.” Tipid lang na sabi nito bago bumaba ulit sa standby area
nila.

Napanguso naman tuloy si janna dahil hindi siya gaanong napansin ni Nate. Sa totoo
kasi ay may konti siyang pagkacrush dito. Para kasi sa kanya malakas ang appeal
nito at sadyang tinatablan siya ng konting kilig kapag ngumingiti ito.

“Yan, makakanood ka na ng race.” Tukso ni Dylan sa nakanguso na si Janna. Napangiti


naman tuloy ito.

“Bababa na ako ah.” Paalam ni Dylan sa tatlo. Pahakbang na sana siya sa hagdan ng
may pinahabol ang Ate Zea niya.

“Wait Dylan!” Napahinto at napalingon si Dylan sa pagtawag ni Zea. “Wala bang


goodluck kiss from Sophia?”

Halos nalaglag si Sophia sa kinauupuan niya dahil sa pagkagulat sa sinabi ni Zea.


Aalma pa lang sana siya at magdadahilan ng lumapit sa kanya si Dylan.

“Wish me luck baby.” Mahinang sabi nito kay Sophia sabay lean palapit sa kanya.
Noong una hindi nagets ni Sophia kung anong gusto ni Dylan na Gawain niya. It took
a little time bago marealize niya ito at medyo nailing siya bigla.

Inilapit ni Sophia at mukha niya sa pisngi ni Dylan at binigyan ito ng isang


mabilis na dampi.

“Goodluck.” Bulong niya din dito.

Halos mangisay na sa pagpipigil ng kilig si Janna sa nakita niya. Alam naman niyang
nagpapanggap lang ang dalawa pero hindi niya din malaman kung bakit hindi niya
mapigilan na hindi kiligin sa ginawa ng mga ito. Pakiramdam niya kasi parang
totoong totoo yung kanina, naisip niyang baka magagaling lang umarte yung dalawa
kanina na kunwari ay naiilang pa sa gagawin nila. Pero ano pa man yun, nakakakilig
pa din yun kay Janna.

Nagngitian pa ng tipid yung dalawa bago tuluyang bumaba si Dylan sa standby area
nila.

Magsimula na ang laban sa pagitan ng dalawang grupo. Sina Brix, Dylan at Nate lang
ang lalaban kila DK at sa dalawa pa nitong kasama. Si Enzo naman ang bahalang
sumiguro ng pusta nilang lahat.

“P50,000 bawat isa. Call?” Tanong ni Brix sa mga makakalaban nila.


“Call.” Sagot naman ng mga kalaban sabay bagsak ng tig fififty thousand sa lamesa.

Ipinatong na din nila Brix, Enzo, Dylan at Nate ang pera nila sa lamesa. Bale
P200,000 na ang pot money na at stake sa laban nila.

Sumakay na ang tig-tatlong maglalaban laban sa kanya kanya nilang kotse. May
tumayong isang lalaki na may dalang pulang flag sa gitna ng dalawang grupo na
magkalaban. Siya ang humudyat para magsimula ang laban.

Nauna kaagad ang sasakyan ni Dylan sa kanilang lahat. Kahit kailan talaga sila
maglaban laban parating nakakaungos si Dylan sa kanila. Kaya nga siya tinawag na
Rank 1 sa amateur racing. Wala pang nakakatalo sa kanya kung hindi si Cyril lang na
tinawag namang Rank 2.

Agad namang nakahabol sa pace ni Dylan si Brix pero walang kaso sa kanila ‘to dahil
magkakagrupo sila. Tatlong lapses ang napagkasunduan ng magkabilang grupo na
tatakbuhin nila.

Natapos ang unang lap ng ganun pa din ang arrangement ng sasakyan nilang lahat. Una
pa din si Dylan na sinundan ni Brix at pangatlo si Nate at pang apat naman si DK.

Dahil sa naiinip sila Nate at Brix sa takbo ng laban, hinayaan nilang makaungos si
DK sa kanila. Alam na alam naman kasi nilang hindi nito matatalo ang kaibigan nila.
Siguradong pakakainin lang ng alikabok ni Dylan si DK.

Tuloy naman sa pagcheecheer sina Zea at Janna habang si Sophia ay tahimik lang na
nanonood.
“Sissy! Ang galing galing ni Dylan!” Amazed na sabi ni Janna sa bestfriend niya.

“Oo nga Soph! Icheer mo naman para lalong ganahan.” Nang aasar na sabi ni Zea sabay
bangga ng mahina sa braso ni Sophia.

Napanganga naman ng konti si Sophia dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya
kay Dylan. Sa totoo niyan kasi kanina niya pa din gusting magcheer kaso nahihiya
siya talaga.

“Go Dy.” Tipid at mahina niyang cheer kay Dylan. Halos silang tatlo lang ang
nakarinig ng sinabi niya.

Nasiko tuloy siya ni Janna. “Ano bulong ba yan? Lagyan mo naman ng konting
sweetness para hindi makahalata si Ate Zea.”

Napangiwi ng konti si Sophia dahil nahihiya talaga siya pero tama si Janna. Baka
magduda pa si Ate Zea kaya bigla siyang sumigaw ng. “Go baby! I love you!”

Nagkatinginan naman si Zea at Janna dahil sa pagkagulat sa sinabi ni Sophia at


sabay na napangiti.

Pagkatapos ng unang lap halos nakakahabol habol na si DK sa pace ni Dylan pero


hindi niya pa din ito magawang maunahan. Napikon si DK sa thought na iyon kaya
hindi na siya nakapagpigil sa masamang planong naisip niya.
Sinadya niyang banggain ang likurang bahagi ng kotse ni Dylan dahilan para mawalan
ito ng control sandali pero naibalik naman agad yun ni Dylan. Hindi pa nakuntento
si DK sa ginawa niya kaya pinaulit ulit niya ang pagbangga sa kotse ni Dylan,
palakas ng palakas hanggang sa sumasadsad na yung sasakyan ni Dylan sa gilid ng
racetracks.

Nataranta naman lahat ng nanonood sa laban nila, particularly sina Zea, Sophia at
Janna. Napatayo pa silang tatlo mula sa pagkakaupo sa bleachers.

Pati sila Nate at Brix na nasa mismong race tracks din ay nataranta kaya nagmadali
sila sa pagdridrive papunta kila Dylan. Ng makarating ang dalawa dun agad nilang
binangga palayo ang kotse ni DK sa kotse ni Dylan.

Napasadsad lalo ang sasakyan ni Dylan sa gilid pero napahinto niya din ito. Agad
agad naman bumaba sila Nate at Brix para tulungan makalabas ng kotse ni Dylan.

Nagkagulo na sa loob ng racetracks dahil sumugod na si Enzo papunta sa mga


kaibigan, ganun din yung mga iba pang kasamahan ni DK.

Napatakbo din naman pababa ang tatlong babae na kanina lang ay nanonood sa kanila.

“Gago ka ba?! Nasa rules yan ha!” Galit na sinalubong ni Brix ng suntok sa mukha si
DK. Isa kasi sa rules ng amateur racing na ito na hindi pwedeng seryosohin at
manakit sa loob ng racetracks.

Walang sali-salita din na sinapak ni Enzo ang isa pang kasamahan nila DK.
Kahit kailan kasi sila lumaban sa kahit kaninong grupo hindi sila nandaya o
nanakit. Sa kanila simpleng pampalipas oras at pusatahan lang ang pagkakarerang
ginagawa nila.

Pero hindi para kay DK.

“Eh gago ka din pala! Bakit ka nanununtok?!” Asar na ganti ni DK sa suntok ni Brix
sa kanya.

“Brix tama na!” Pumagitna si Zea sa dalawang lalaki na nag gagantihan na kanina ng
suntok. Hindi siya nanatakot na tamaan o masaktan, ayaw niya lang talagang mapaaway
sila Brix.

“Damn! If you want a piece of us you should’ve said so!” Sabi ni Enzo sa mga
kalaban sa nanghahamon na tono.

“Oh di tara! Suntukan na lang tayo ngayon dito.” Pagpatol ng isang kasamahan ni DK
sa aya ni Enzo.

Sasapak na sana si Enzo ng humarang si Nate sa kanya. “Dude, chill, Hindi tayo
pwedeng lumaban. Dehado tayo.”

Kahit masakit ang katawan ay nakiawat na din si Dylan sa kanila. “Dude, tama na.
May mga kasama tayong babae, baka madamay sila. Isa pa buntis si Sophia, hayaan
niyo na. Babawi tayo sa ibang araw.”
Para naman nawala ang init ng ulo ni Enzo at Brix ng marinig nila ang katwiran ni
Dylan sa kanila. Umatras na sila at nagsimula ng lumakad papunta sa kabilang
direksyon.

“Ganyan ng mga duwag, umatras kayo sa laban.” Pang aasar ni DK sa ginawa nila.

Nilingon ni Brix ang ma nakalaban. “Gago! May araw ka rin samin. Sisiguraduhin kong
pakakainin ka naming ng alikabok at suntok sa susunod.

*Janna’s POV*

Nakakaasar! First time ko nga manood ng ganitong klaseng race eh. Hyped up na ko
tapos masisira dahil sa mga panget na kalaban nila Dylan.

“Dude, are you alright?” Worried na tanong ni Enzo kay Dylan habang inuupo nila
siya sa bleachers. 

“Ayos na ko. Mga gago lang talaga yung mga yun eh.” Sagot ni Dylan sa kanya na may
konting gasgas sa braso.

“Sigurado ka bang ayos ka lang?” Mas worried na tanong ng bestfriend ko kay Dylan.
Alam ko na totoo ang pag aalala niyang yan kahit na nagpapanggap lang sila. Halos
talunin nga ni Sophia yung bleachers para lang makapunta kay Dylan eh. Kinikilig
tuloy ako sa thought na yun.
“Ano ka ba? Tss. Wala ‘to.” Nakuha pang magyabang ni Dylan kahit halos hindi na
siya makagalaw.

Napalo tuloy siya ni Sophia sa braso. “Nagyayabang ka pa eh!”

“Aray!”

“Sorry!”

“Woop! Truce.” Awat ni Brix sa pagbabangayan nung dalawa. “Umuwi na tayo bago pa
kayo ang magsuntukan. Ako na maghahatid sa inyo Dy.”

“Right. Janna sasabay ka na samin?” Tanong ni Ate Zea sakin.

“Ahhhh-“

“Ako na lang maghahatid sa kanya guys. Para din deretso na kayo sa bahay nila Dy.”
Nagulat ako nung biglang sumingit si Nate sa usapan namin. What?! Ihahatid daw niya
ako?!

“Okay ka na ba dun sissy?” Tanong ni Soph sakin.


Tumango ako. “Oo. Para din maiuwi niyo na kaagad si Dylan.”

Tumango lang sila sakin tapos inakay na nila si Dylan papunta sa kotse nung si
Brix.

“Tara na?” Aya ni Nate sakin.

My ghaaaad! Kinikilig ako. Di bale ng dineadma niya ako kanina sa atleast ngayon
ihahatid niya ako sa bahay! Waaaaa!

Tipid lang akong ngumiti kay Nate at sumunod sa kanya papunta sa kotse niya.
Pinagbuksan ako ni Nate ng pinto ng kotse. Waaaa! Bukas ipagpapatayo ko ng monument
si Sophia sa tapat ng bahay namin! Salamat sa kanya at inaya niya akong manood ng
race na ‘to!

Tahimik lang ako hanggang sa makaandar na yung kotse ni Nate. Natatameme ako ng
slight! Syempre crush ko ‘to eh, baka maturn off sa kadaldalan ko ‘to pag umarya
ako. Napalingon ako kay Nate na seryosong nagdridrive, syet ang cute cute niya
talaga. Yung mga mata niya lalong sumisingkit pag ngumingiti siya. Tapos yung
dimples niya, my ghaaad ang sarap pagnasaan ng dimples niya. Kung pwede la-

“Aray!” Napatigil ako sa pagnanasa ko sa kanya nung naramdaman ko na humamapas yung


noo ko sa harapan.

“Janna! Okay ka lang?!” Tanong ni Nate sakin nung napaaray ako ng malakas. Leche
naman kasi bakit siya biglang nagpreno?!
“Sakit! Feeling ko naalog yung iilan kong brain cells!” Sagot ko sa kanya habang
nakasimangot at hinhimas yung noo ko.

“Sorry! May aso kasing biglang tumawid kaya napapreno ako. Bakit kasi hindi ka
nagseatbelt?” Tanong ni sakin.

“Ha?!” Parang tanga kong tanong sa kanya. Oo nga! Nakalimutan ko mag seatbelt,
inuna ko kasi ang pagnanasa kay Nate eto tuloy napapala ko. Nagkabukol pa yata ako,
peste.

“Tsk tsk. Ikaw talaga oh.” Napapailing niyang sabi sabay lean papunta sa gilid ko.
Sobrang lapit ng mukha niya sakin habang inaabot niya yung seatbelt sa gilid ko.
Gusto kong lamutakin yung pagmumukha niya dahil sobrang cute niya talaga!

Nung naabot na niya yung seatbelt inayos niya ang paglagay nun sakin tapos bigla
niya akong hinarap. Eh di face to face kami ngayon! Ghaaaaaad! Papasa na ko sa
finals namin sigurado, ang laking inspirasyon na ‘to.

“Uy Janna, may bukol ka oh! Lagyan mo ‘to ng ice mamaya.” Sabi niya nung kinapa
niya yung noo kong may bukol. Sige lang Nate, damahin mo lang yang bukol sa noo ko
at baka gumaling din yan. Emeghed naman! Lord, isang subsob pa po sa harap please!
Kahit mag ala sungay na  ng kalabaw yung bukol ko basta madama ko ulit ang haplos
ng pag aalala ni Nate sa noo ko!

*Sophia’s POV*
“Aray naman! Dahan dahan naman!” Sigaw ni Dylan sakin.

“Sandali naman kasi! Wag ka kasing malikot! Pati wag mo nga akong sigawan! Diinan
ko pa lalo ‘to eh.” Sagot ko sa kanya. Naninigaw pa siya na nga ‘tong inaasikaso.

“Eh mahapdi kaya! May galit ka yata eh?!” Nakasimangot siyang tanong. Lalo kong
diniinan yung kamay ko na naglalagay ng gamot sa braso niya. “Aray! Oh tignan mo
may galit ka eh!”

“Eh paano puro ka reklamo dyan! Ginagamot ka na nga eh!” Inis kong sagot sa kanya
habang nilalagyan ko ng gamot yung mga gasgas niya. Ang tigas ng ulo nitong lalaki
na ‘to, dadalahin na dapat naming siya sa ospital pero ayaw niya. Tapos ngayong
ginagamot ko na siya sinisigawan pa ko.

Natahimik naman siya nung sinigawan ko siya. Pero maya maya para namang bata na
tinuturo yung maliit na sugat sa gilid ng labi niya. “Dito pa oh.” Pati pa kasi
yata mukha niya sumadsad kanina.

“Kasi naman! Ganun pala kadelikado yang race race na yan!” Sermon ko sa kanya.
Hindi ko naman alam na may ganun palang mangyayari kanina. First time ko pa naman
makapanood.

“Hindi naman first time mangyari samin yan eh. Eto nga lang siguro yung
pinakamalala. Normal na yun pag nagkakapikunan.” Pagdadahilan niya sakin pero hindi
ako convinced.

“Kahit na. Eh paano kung next time mas malala na dito makuha mo?” Tuloy kong sermon
habang ginagamot ko yung gilid ng labi niya.
Napangisi siya. “Bakit nagaalala ka?”

“Uhm, sabihin na lang natin na pag naaksidente ka... wala ng manlilibre sakin sa
pagshoshopping.” Nangingiti kong biro sa kanya.

“Oportunista ka!” Pabiro niyang sabi sakin kaya natawa kaming dalawa. Tapos bigla
siyang naging seryoso. “Yung seryosong usapan, nag aalala ka kanina?”

“Oo naman.” Seryoso ko na ding sagot sa kanya. Hindi ko naman idedeny yun. Kahit
naman na nagpapanggap lang kami may pakialam ako sa kanya. Siya yung daddy ng baby
ko eh. At kahit sino naman sa kanilang magkakaibigan syempre ayokong may mapahamak.

Biglang siyang ngumiti ng pang-asar. “Sabi na crush mo ko eh! Hahahaha!”

Diniinan ko tuloy yung kamay ko sa sugat niya. “Kapal mo ah!”

“Aray naman eh! Umamin ka na kasi, narinig nga kita kanina na sumigaw...” Tapos
tumawa siya ng mahina at biglang pinaliit yung boses niya. “Go baby! I love you!”

“Hindi ako yun!” Pagtanggi ko sa kanya. Nakakahiya, narinig niya pala! Sabagay ang
lakas lakas kasi ng sigaw ko na yun eh. Nagkataon pa na nasa bandang harapan kami
ng bleachers.
“Kilala ko yung boses mo. Sa araw araw mo kong sinisigawan kabisado ko na yan.”
Tukso niya na naman kaya inirapan ko siya.

“Ewan ko sayo ah, baka isa yun sa mga fangirls mo!”

Sinundot niya naman bigla yung tagiliran ko dahilan para makiliti ako. “Selos ka ba
sa fangirls ko?”

Napairap ako lalo. “Ang taas din ng self confidence mo ‘no?” Sagot ko sa kanya
sabay lingon sa kabila. Peste ‘tong lalaki na ‘to ang lakas lakas talaga mang asar
eh. Sipain ko kaya ‘to?

“Psh. Soph, wag ka na magselos sa kanila. Kasama mo naman ako sa bahay e!


Hahahahahahaha!” Nang aasar niya pa din na sabay sundot ulit sa tagiliran ko.

Pinalis ko yung kamay niya. “Tss. Tigilan mo nga ako Dylan. Wag ka ngang mag assume
dyan.”

“Go baby! I love you! Hahahahahaha!” Pang aasar pa din niya.

Binigyan ko na siya ng isang death glare kaya naman nagmamadali na siyang lumabas
ng kwarto.

“Bwiset ka talaga! Lumapit ka dito para madagdagan yang gasgas mo sa katawan! Peste
ka talaga!!” Sigaw ko sa kanya habang inis na inis na binato ko siya ng unan bago
pa man siya makalabas ng kwarto.
“Hahahaha! Baby talaga oh!” Tawa niya pa din sakin.

At dahil hindi ako racer ayan ang nangyari. Labo labo na sa race part! Hahahaha.
Sorrrreeeh! xo

=================

Chapter Twelve

Authors Note: 

Sobrang thank you sa mga nagbabasa, nagvote at nag-add ng PM sa reading list nila.
Super thank you! Belated Happy Monthsary samin ni Watty! :))

 -

Perfect Mistake Chapter Twelve

*Sophia’s POV*

“Anong oras yung labas mo mamaya?” Tanong ni Dylan sakin bago ako bumaba ng
sasakyan niya.

“Hanggang 3 lang ang klase ko.” Sagot ko sa kanya.

“Hintayin mo ko hanggang 4 ah, para sabay na tayong uuwi.” Sabi niya tapos bumaba
na siya ng kotse. Bumaba na din tuloy ako. Simula noong doon ako sa kanila madalas
na kaming sabay pumasok ni Dylan sa school. Pag naman hindi, ipinahahatid niya ako
kay Ate Zea.

Kaya sa halos araw araw na yun nasanay na din ako sa mga bulong-bulungan sa paligid
namin ni Dylan tuwing makikita nila akong bababa sa kotse niya.

Nagulat na lang ako nung hawakan ni Dylan yung kamay ko sa harap nung lahat ng mga
pasimpleng tumitingin at nagbubulungan sa paligid.

“Dylan?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

Hinigpitan niya lalo yung hawak niya sa kamay ko. “Hayaan mo lang sila magi sip ng
gusto nilang isipin. Asarin pa natin sila lalo.”

Napangiti ako sa sinabi niya kaya napalo ko siya ng mahina sa braso niya. “Loko ka
talaga e ‘no?”

“Ayaw mo nun naiinggit sila sayo? Hahaha!”

“Tss. Yabang!” Natatawa kong sagot sa kanya. Naramdaman kong lalo kaming pinatingin
ni Dylan dahil nagtatawanan kami pero sa tingin ko tama nga siya, hayaan ko silang
mag isip ng gusto nilang isipin.

Hanggang sa room namin hinatid pa ako ni Dylan habang hawak niya pa din yung isang
kamay ko. Dapat ang mafeel ko ay awkwardness kasi unang beses niya ‘tong ginawa
sakin eh. Pero, why do I feel secured?
“4 pm ha? Wag kang magtataxi.” Huling bilin niya bago bitawan yung kamay ko.

“Yes boss.” Biro ko sa kanya bago ako pumasok sa classroom namin.

Pagkapasok ko sa classroom nakatitig sakin yung mga kaklase ko na akala mo may


minurder akong tao. Ilang na ilang tuloy akong umupo sa pwesto ko.

“Soph! Gaga ka, you’re so secretive! Kayo ba ni Dylan? Bakit hinatid ka niya sa
room? Golly gosh! Dati binabangga bangga mo lang siya ngayon nagmamahalan na kayo!”
Tuloy tuloy na sabi ni Krista nung umupo siya sa tabi ko.

“Ay hin-“

Hindi ko pa man din natatapos na ideny kay Krista yung akala niya, sumingit bigla
si Janna. “Ah oo! Nagulat nga din ako nung nalaman ko na sila. Pero secret lang ‘to
friend ah! Hayaan mo na yung iba na mag isip tungkol sa kanila.”

Nanlaki yung mata ni Krista sabay palo sa braso ko. “Kaloka ka Soph! Level up ka na
sa boyfriend! From Andrei to Dylan! Ikaw na! Dyosa ka na sa paningin ko.” Bulong ni
Krista samin ni Janna.

Napangiti na lang ako ng pilit. Okay na okay kasi ang mood ko kanina, kaso ayan
nabanggit na naman yung Andrei na yun.

“Oo nga eh! Oh well, hayaan mo na Kris makakahanap din tayo ng prince charming
natin.” Sagot ni Janna.

“I bet! Sige na, balik na ko sa pwesto ko Madam Dyosa.” Tukso sakin ni Krista kaya
dinilaan ko lang siya bilang sagot.

Pagkaalis na pagkaalis ni Krista tinapik ko kaagad si Janna. “Bakit mo sinasabi sa


kanya na may relasyon kami?”

“Relax! Ano ka ba? Mabuti nang tayo lang nila Dylan ang nakakaalam na nagpapanggap
lang kayo. Para mas madaling itago. Hindi naman yan magdadaldal si Krista pero ayos
na din ‘tong wala siyang alam sa totoo.”

Natahimik na lang ako sa kinatwiran ni Janna. Hinayaan ko na lang tutal yun na ang
nasabi niya kay Krista eh, alangan naman na bawiin pa namin yung sinabi niya.

Inip na inip naman ako habang nagkaklase dahil antok na antok pa din ako. Pinilit
ko lang wag makatulog dahil malapit na malapit na ang finals namin this semester.
Mabuti na lang isa lang ang klase ko ngayong araw dahil kaso 4 hours straight
naman.

“Okay class, next week na yung finals niyo kaya aside from written exams na sasakop
lang ng 50% ng final grade niyo may ipapagawa din ako sa inyo. Ibibgay ko din this
week yung print outs ng final requirement. You may now go.” Sabi nung gay professor
naming bago siya maunang lumabas ng classroom.

“Excited na ako sa final requirement sissy! Sigurado akong gagawa na naman tayo ng
little collection ng mga damit. Ano kayang theme ngayon?” Excited na sabi ni Janna
habang palabas na din kami ng classroom.
Last semester kasi Halloween theme ang ginawa namin, minimum na designs ay 6
outfits. Grabe lang ang hirap mag isip ng concept pero mabuti naman pasado kami ni
Janna doon. Palakad na kami sa hallway ng may humarang samin ni Janna na isang
babae.

“Excuse me miss.” Maayos kong sabi sa kanya. Hindi ko naman kasi siya kilala, ang
laki laki ng hallway tapos haharangan niya kami.

Hindi naman siya tumabi, nag cross arms pa siya sa harap ko.

“Excuse me nga di ba? Bingi ka ba? Linis kang tenga ate.” Asar na sabi ni Janna sa
kanya. Napaantipatika kasi ng dating nung babae.

“Ikaw malandi ka.” Sabi niya sabay duro sa mukha ko. Hindi pa man din ako
nakakabawi sa pagkagulat ko dahil sa sinabi niya nagsalita na naman siya. “Wag ka
ngang pademure kung ang totoo malandi ka naman. Mang aagaw!”

Napanganga lalo ako sa sinabi niya. Sino ba ‘tong babae na ‘to? “Excuse me miss
wala akong alam sa sinasabi mo. Kaya pwede padaanin mo na kami?” Sabi ko saka ko
pilit na dumaan sa gilid niya pero...

“Not so fast bitch!” Sabi niya sabay hila sa buhok ko.

“Aray! Ano ba?! Bitawan mo nga yang buhok ko!” Sigaw ko dun sa babae habang pilit
na inaalis yung kamay niya sa buhok ko.
“No way bitch! Para ano? Para makapunta ka kay Dylan at malandi siya?! No way!”
Gigil na gigil na sabi nung babae sakin. So yun pala ang dahilan? Dahil kay Dylan?

“Mas bitch ka!” Narinig kong sigaw ng bestfriend ko dun sa babae.

Nabitawan naman nung babae yung pagkakahawak niya sa buhok ko. Yun pala si Janna na
ang humihila ng buhok niya.

“Janna tama na!” Awat ko kay Janna sa pagsabunot dun sa babae. Alam ko naman na
hindi niya hinahayaan na may umagrabyado sakin kaso nga lang nakakaakit na kami ng
atensyon ng iba. Nagsimula na kaming palibutan ng mga chismosa at chismoso sa
school na ‘to.

Tumigil naman si Janna dahil alam niyang pinagtitinginan na kami ng mga tao. Kaso
ayaw paawat nung babae sa pagwawala niya. Lumapit pa ulit siya sa’kin at hinatak
yung buhok ko. Halos maiyak ako sa sakit ng paghila niya sa buhok ko. Tuloy din
yung pag awat ni Janna samin kaso ayaw talaga tantanan nung babae yung pagsabunot
niya sakin hanggang sa may kamay na humigit sa kanya.

“Megan, ano to?!” Sigaw ni Cyril dun sa babae habang mahigpit niyang hawak yun sa
braso.

“That bitch! Hindi niya ba alam na girlfriend ako ni Dylan kaya lumalandi siya?”
Inis na inis na sabi nung Megan sakin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Siya?
Girlfriend ni Dylan?

“Tumigil ka na nga Megan. Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mong pag eeskandalo?” Pag
awat pa din sa kanya ni Cyril habang hawak naman ako sa braso ni Janna. Parehas ng
magulong magulo ang buhok namin.
“No! Why should I? Eh hindi naman ako ang nang aagaw! It clearly means that this
bitch...” Sabay turo niya sakin. “..is the one who should be ashamed!”

“She’s not a bitch and she’s my girlfriend!”

Natahimik lahat ng tao sa paligid pati na din kami ni Janna sa sinagot ni Cyril kay
Megan. Bakit? Bakit niya ginawa yun? Bakit nagsinungaling siya?

Natameme pa din si Megan sa sinagot ni Cyril at sa huli pinilit na lang niyang


makawala sa mahigpit na hawak ni Cyril sa braso niya saka siya galit na galit na
umalis. Unti-unti na ding umalis lahat ng tao sa paligid naming. Hindi na ako
nagkaroon pa ng chance na bawiin yung kung ano mang kasinungalingan na sinabi ni
Cyril sa lahat. Masyado akong nagulat.

“Sissy, okay ka lang ba?” Nag aalalang tanong ni Janna sakin habang inaayos niya ng
kamay niya yung magulo kong buhok.

Tumango ako sa kanya bago ko siya higitin palayo. “Halika na.”

Naglakad na kami ng mabilis dahil madami pa ding nagbubulong-bulungan sa paligid


ko. Inis na inis ako. Simula nung nadawit ako sa Dylan nay un nagkaleche leche na
ko. Hindi naman ako nakakaranas ng pambubully sa mga schoolmates ko noon, at lalong
lalo na hindi pa ako nasugod noon at napagbintanggan na nang aagaw ng boyfriend.
Kasalanan niya ‘to eh. May girlfriend na pala siya tapos pinapakita niya pa sa iba
na hinahawakan niya ang kamay ko, na lagi kaming magkasabay pagpasok. Hindi ako
palamurang tao pero gago siya! Masaya masaya pa siguro siyang makita na may
nasasaktan dahil sa kanya. Peste!
“Hey guys! Wait up!” Narining kong sigaw ni Cyril habang palabas na kami ng gate ni
Janna.

Hindi ko siya nilingon pero mabilis siya maglakad kaya nakaabot siya samin at
sinabayan pa kami sa paglakad. “Hatid ko na kayo.”

“Salamat na lang Cyril. Naappreciate ko talaga yung pagtatanggol mo samin dun


kanina pero kasi sana hindi mo sinabi yun sa kanila. Mainit na nga ako sa mata ng
mga yun gumawa ka pa ng panibagong issue.” Sabi ko kay Cyril. Nagpapasalamat ako sa
ginawa niya para mapatigil yung Megan na yun pero at the same time nainis din ako
sa kanya dahil dinagdagan niya pa yung problema ko.

“Sorry! Sorry talaga. Nung nakita ko kasing nakikipag away kayo kay Megan nagmadali
agad ako. Kilala ko yan si Megan, amazona yung babae na yun. Di ko sadya yung
nasabi ko, yun na lang naisip ko bigla eh.” Pagdadahilan niya. Mukha namang totoo
lahat ng sinasabi niya. Pero kahit totoo pa man yun na nataranta lang siya, ayoko
pa ding maidikit ang pangalan ko sa kanya. Kilala siyang sobrang babaero at
kaibigan pa siya ni Dylan.

“Sige na. Wala naman na akong magagawa eh.” Sagot ko sa kanya bago ko hinigit ulit
si Janna palakad sa abangan ng taxi.

“Hatid ko na kayo!” Habol habol pa din samin ni Cyril.

Umiling ako. “Wag na. Salamat na lang.”

“Sige na naman oh. Peace offering ko na din. Wag ka mag aalala Sophia, iisip ako ng
paraan para mabawi yung nasabi ko kanina. Basta sumabay na kayo sakin.”
Napatigil ako sa sinabi niya.

“Sige na sissy sumabay na tayo, mukhang pagod na pagod ka na din eh. Saka mukhang
kawawa na ‘tong si Cyril oh. Buntot ng buntot sa’tin.” Pagpilit ni Janna sakin.

Sa kapipilit nung dalawa napapayag na din ako na sumabay kami sa kotse ni Cyril at
magpahatid sa bahay.

“Sissy, magtext ka mamaya ha? Ingat kayo.” Sabi ni Janna habang nakasilip sa
bintana sa shotgun seat kung nasaan ako. Bumaling naman siya kay Cyril. “Thank you
ha.”

“No problem Janna.” Sagot lang ni Cyril sa kanya bago kami kumaway sa kanya at
umalis na.

Tahimik na lang ako nung pagkatapos naming ihatid si Janna. Si Cyril lang ang nag
open ng topic.

“Sophia, bakit ka ba inaway nung si Megan? Sinabihan ka pang girlfriend ni Dylan?


Naririnig ko nga yang chismis na yan sa iba pero hindi naman ako naniniwala.” Pag
open niya ng topic. Hindi ko tuloy makuha kung ano ang isasagot ko. Hindi ko
maintindihan kung bakit hindi alam ni Cyril na kila Dylan na ako nakatira,
magkakaibigan sila hindi ba? Yung mga iba kasi nilang kagrupo alam yung tungkol
samin eh. Yung tungkol sa baby. Pero bakit si Cyril?

“Hindi na kasi ako ganong nakakasama kila Dylan, medyo nag kainisan kasi kami nung
si Nate nung nakaraan kaya sa iba muna ako tumamtambay. Ano totoo nga?” Tanong niya
ulit nung hindi ako sumagot.

Kaya naman pala siguro hindi niya alam. Pero sasabihin ko na ba sa kanya yung
totoo? Kasi parang ayoko na sakin manggaling yun. Ayoko na pangunahan ko si Dylan.
Kung posible nga lang ayoko na sanang may iba pang makaalam ng tungkol sa pagtira
ko sa bahay nila Dylan. Sigurado kasing mauungkat pa lahat, mauungkat pa na hindi
niya ako sadyang mabuntis dahil lasing kami.

“A-ah! Hindi ko alam dun sa Megan. Wala naman kaming relasyon ni Dylan.” Sagot ko
sa kanya. Safe answer lang dahil hindi naman ako nagsinungaling sa sagot ko sa
kanya. Totoo naman eh, wala kaming relasyon ni Dylan.

“Mabuti naman.” Napangiting sagot ni Cyril.

Napalingon ako sa sagot ni Cyril at napakunot.

Nilingon niya ako ng nakangiti. “Wala naman pala eh, tara tuloy natin yung sinabi
ko kanina. Tayo na lang.” Pabiro niyang sabi.

Natawa tuloy ako sa kanya. “Tss. Ayoko kaya sa mga babaero.” Ganting biro ko na may
konting katotohanan.

“Ouch!” Sabi niya sabay hawak pa kunwari sa dibdib niya. “Nadaplisan ako dun.”
Natawa ako lalo sa sinabi niya. ‘’Sigurado kang daplis lang?” Tukso kong tanong sa
kanya.

“Ito na nga, unti unti ng bumabaon. Tinatamaan na ko sa sinabi mo.” Sbai niya
habang umaarte pa din na parang masakit yung dibdib niya.

“Hahahahaha! Ewan ko sayo Cyril.” Napalo ko din siya sa balikat.

“Pst Sophia, ligawan kita ah.” Pabiro na naman niyang sabi.

“Di ba kakasabi ko lang ayoko ng babaero?” Ulit ko na naman sa kanya habang


natatawa ng konti.

“Ha? Eh anong gusto mong manligaw sayo? Semenarista? Wala na kayang lalaking hindi
babaero.” Pangangatwiran niya sakin. Sa kanya na mismo nanggaling. Hahaha!

“Sira! Hindi naman yung ganun. Ibig sabihin ko yung stick to one. Yun ang gusto
ko.” Sagot ko sa kanya.

Sumeryoso siya ng konti pero halata pa din sa boses niya yung nagbibiro siya.
“Stick to one kaya ako.”
Napataas yung isa kong kilay sa kanya. “Stick to one? One? Hundred? Hahahaha!”

“Bull’s eye! Nakakadalawa ka na sakin!” Natatawa niyang sagot.

Nawala yung inis ko kanina sa ginawa niya dahil ilang beses niya na din akong
napatawa. Nagkwentuhan at nagbiruan pa kami ng konti ni Cyril hanggang sa kusa na
niyang hininto yung kotse niya sa isang bahay.

Napakunot pa nga ako kasi hindi naman ito yung bahay nila Dylan. Pabuka na sana
yung bibig ko para sabihin kay Cyril na mali yung bahay na hinintuan niya nung
naalala ko na ito pala yung itinuro kong bahay ko noon sa kanya. Bumaba na din
kaagad ako ng sasakyan niya.

“Thank you pala Cyril ha? Ingat ka.” Pagpapasalamat ko sa kanya.

“Wala yun. Ikaw pa.” Biro na naman niya bago kumaway at nagdrive na paalis.

Naglakad na naman ako papunta sa kabilang block. Malapit na malapit na din naman
‘to kila Dylan eh.

Magdodoorbell pa lang sana ako nung biglang kusang bumukas yung gate. Si Dylan
pala.

Naalala ko na naman tuloy yung kanina kaya imbes na batiin ko siya, nilampasan ko
na lang siya at tuloy na naglakad papasok.
“Saan ka galing?” Malamig at seryoso niyang tanong sakin.

“Sa school, san pa nga ba?” Walang gana kong sagot sa kanya. Palakad na sana ako
ulit ng bigla niyang higitin ng mahigpit yung braso ko.

“Di ba sinabi ko na sabay tayong uuwi at hintayin mo ako ng 4?! Bakit ka umalis?!
Bakit ka sumama kay Cyril?!” Pasigaw niyang tanong sakin. Hindi ko makuha kung
bakit niya ako sinisigawan? Kung saang dahilan ba? Kung dahil ba hindi ko siya
hinintay? O dahil sa sumabay ako kay Cyril?

“Ayoko na kasing magstay sa school.” Malamig ko ding sagot ko sa kanya sabay bawi
ng braso ko. Tinalikuran ko na ulit siya pero hinigit na naman niya ako sa braso at
iniharap sa kanya.

“Bakit? Kasi nagdate pa kayo sa kung saan ni Cyril?!” Pasarcastic siyang tumawa
pagkatapos niyang magtanong.

“Ano bang pinagsasabi mo ha? Hinatid niya lang ako! Bakit naman ako makikipagdate
dun sa tao?!” Sigurado akong halos malukot na yung mukha ko sa inis ko kay Dylan.
Ang kapal ng mukha niyang kwestyunin pa ako ngayon. Pagkatapos ng ginawa sakin ng
girlfriend niya siya pa ang galit?

“Hindi ba pinagsagawan niya pa sa school na may relasyon kayo?! Ano sabihin mo?
Totoo ba?!” Mas hinigit niya pa yung kamay ko palapit sa kanya.

“Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!” Sigaw ko sa kanya kaya naman binitawan niya
yung kamay ko. Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay pero hindi niya pa din ako
tinantanan ng mga tanong niya.
“Sagutin mo nga ako! May relasyon ba kayo ha?!”

Napuno na ako kaya hinarap ko siya. “Eh ano sayo kung meron?! Kung makapagreact ka
dyan akala mo wala kang kasalanan?! Pwede ba Dylan! Wala kaming relasyon ni Cyril
at nasabi niya lang yun dahil sinugod lang naman ako ni Megan! Yung amazona mong
girlfriend!!” Sigaw ko bago ako tumakbo paakyat sa taas. Ang kapal kapal ng mukha
niyang magalit sakin gayong siya nga yung malaki ang kasalanan dito. Kung hindi
naman ako sinugod nung Megan na yun hindi naman sasabihin ni Cyril na may relasyon
kami eh. Kaya kasalanan niya ‘to, kasalanan nila ng girlfriend niya!

Sa sobrang galit at inis ko sa kanya hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.


Hinanap ko yung isa sa mga maleta ko at inempake lahat ng importanteng gamit ko.
Ayoko na dito sa bahay na ‘to!

“Ma’am saan po kayo pupunta?” Tanong nung isang kasambahay nung nakita niya akong
lumabas ng kwarto namin ni Dylan na dala dala yung maleta ko.

“Uuwi na ko sa Mama ko.” Maikli kong sagot sa kanya.

Tinulungan niya akong magbuhat pababa ng hagdanan yung dala kong maleta. “Kasi po
ba nag away kayo ni Sir Dylan? Wag na po kayong umalis ma’am, baka po malungkot si
Sir Dylan at Ma’am Zea.”

“Baka mas matuwa pa nga yan pag umalis na ko eh.” Sarastic kong sagot sa kasambahay
nila pero tumutulo pa din yung luha ko. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit
hindi ko mapigilan ‘to.

Pagbaba namin nakita ko sina Manang Emmy at Dylan na nag uusap. Napanganga sila
nung nakita nilang may dala akong maleta.

“Anak saan ka pupunta?” Habol ni Mamang Emmy sakin nung nilampasan ko sila sa sala.

“Uuwi na po ako sa bahay ng mama ko. Pakisabi po dyan sa alaga niyo na aalis na ko.
Gawin na niya lahat ng gusto niya, dito na niya patirahin yung amazona niyang
girlfriend!” Sagot ko lang bago ako lumabas ng pinto.

Pero narinig ko pa yung sagot ni Dylan. “Bahala ka!”

Bahala ako? Talagang bahala ko! Ang kapal ng mukha niya. Talaga bang gusto niya
akong umalis para mapatira na dito yung mukhang retokada na babae na ‘yun?! Ang
kapal! Sinabi ko na nga ba’t hindi magandang idea ang tumira ako dito. Hindi na
kami magkakasundo niyang si Dylan! Wag na wag lang siyang lalapit sakin para
sabihin na gusto niyang makita ang baby ko dahil ang kapal niya.

Inabot na sakin nung kasambahay nila yung maleta ko nung malabas ako ng gate.
“Salamat.”

Naglakad lang ako ng naglakad sa loob ng village habang hila hila yung maleta ko at
nagngingitngit sa inis. Bihirang may dumaan na taxi dito sa loob kaya malamang nito
sa mismong gate pa ng village ako makakakuha ng taxi. Ang kapal kapal ng Dylan na
yun! Puro magaganda pa yung mga pinakita niya sakin nung mga nakaraan, tapos ganito
ang gagawin niya sakin ngayon?! Bwisit siya! Bwisit na bwisit siya! Magsama sila
nung Megan niya!
“Huy sumakay ka na nga!” Narining kong sumigaw galing sa bandang likuran ko. Alam
kong boses ni Dylan yun. Bakit niya pa ba ako sinundan at pinasasakay? Gusto niya
pa bang mapabilis ang paglayas ko sa mismong village nila kaya ihahatid na niya ako
pauwi?!

“Mapapagalitan ako ni ate pag nalaman niya to eh. Sumakay ka na kasi.” Pagpilit
niya pa din habang pinanadar ng mabagal yung kotse niya para makasabay sakin.

“Ayoko! Magsama kayo nung Megan na yun! Bwisit ka!” Sigaw ko sa kanya kahit hindi
ko na siya nililingon. Tuloy pa din ako sa lakad kahit na umiiyak iyak pa din ako.
Nagagalit ako sa kanya. Sana sinabi niya sakin na may girlfriend siya para ako
mismo ang luamyo sa kanya. Ang hirap kasi sa kanya ipapakita niya sa ibang tao na
may pakialam siya sakin tapos ako yung mabubully. Nakakalimutan ba niyang buntis
ako? Na dala ko yung anak niya tapos hinahayaan niya akong mabully sa school at
masugod ng babaeng amazona? Sana naman consideration din sa part niya kahit para na
lang sa baby ko.

“Tss! Sumakay na kasi, uuwi na tayo!”

“Uuwi ako sa mama ko!”

Hindi naman na siya sumagot at naramdaman ko din naman na hindi na sumusunod yung
sasakyan niya kaya naisip ko na baka umuwi na siya sa kanila. Mabuti pa nga, dahil
ayoko makita yung pagmumukha niya!

“Iuuwi na kita!” Parang kabute naman siyang biglang sumulpot sa harapan ko at


binuhat ako na parang sako ng bigas!
“Peste ka! Ibaba mo nga ako!” Sabi ko habang pinagpapalo ko yung likod niya ng
kamay ko.

“Ayaw mong madaan sa pakiusapan kaya dadaanin kita sa pilitan!” Sagot niya habang
hawak niya din yung maleta ko sa kabilang kamay niya.

“Ibaba mo na ako! Sisigaw ako!” Pagbabanta ko sa kanya pero hindi siya natakot.

“E di sumigaw ka.” Walang katakot takot niyang sagot sabay hagis nung maleta ko sa
loob ng kotse sa may likod.

“Kidnapp! Kidnapp! Tulungan niyo po ako!” Buong boses kong sigaw pero mukhang wala
namang nakarinig. Malayo layo pa kami sa main gate kung nasaan yung mga guard. Wala
din namang sasakyan na napapadaan ngayon at nasa part kami ng village na madami
pang lots ang bakante! Bwisit naman oh.

“Kahit mapaos ka wala ding mangyayari.” Sabi niya tapos sapilitan niya akong
isinakay sa shotgun seat. Nagmamadali siyang umikot sa kabila at sumakay habang ako
naman nagmamadali din sa pagbukas ng kotse para makatakas ako. Pero bago ko pa man
mabuksan yung kotse niya inautomatic lock na niya ito kaya hindi ko na lalo
mabuksan!

“Buksan mo ‘to! Bababa ako!” Inis na inis kong sabi sa kanya na kulang na lang
sirain ko yung pinto ng kotse niya para makababa ako.

“Soph naman, wag ka ng sumigaw please. Nakakasama yan sa baby, mag usap naman kasi
tayo ng maayos.” Parang maamong tupa niyang sabi sakin. Samanatalang kanina kung
higitin at sigawan niya ako parang hindi ako buntis. Bwiset siya.
“Ayoko! Ibaba mo sabi ako dito! Ayoko makita yang mukha mo! Uuwi na ako sa mama ko!
Bwisit ka! Babaero, makapal ang mukha lahat na!! Buksan mo na ‘to!”

Mukhang napuno ko na ang pisi niya kaya sinigawan na naman niya ako ng may kasamang
pagbabanta. “Isa pang sigaw mo hahalikan na kita!”

Natahimik ako sa sinabi niya, pakiramdam ko kinabahan ako. Pakiramdam ko kayang


kaya niyang gawin yung sinabi niya pag hindi talaga ako tumigil. Bwisit ka Dylan!
Bwisit!

“Ibaba mo nga ako!” Sigaw ko na naman sa kanya, binuhat na naman niya kasi akong
parang sako ng bigas papasok sa loob ng bahay.

“Dylan anak, ibaba mo na si Sophia at baka mahulog yan.” Nag aalalang sabi ni
Manang nung nakita niya kami sa ganung sitwasyon.

“Stay out of this Manang. Away namin ‘to.” Sagot ni Dylan kay Manang Emmy bago mas
mabilis na umakyat sa hagdan.

Hindi naman ako tumigil sa pagpalo ko sa likod niya at pagpupumiglas. “Hoy lalake!
Sinabi ng ibaba mo ako eh!”

“Isa pa talagang sigaw mo!” Sabi niya kasabay ng mahinang pagpalo niya sa bandang
pwet ko.

Aba naman! Mas pinagpapalo ko siya! “Manyak ka! Manyak! Sinong nagbigay sayo ng
permiso na hawakan yung pwet ko?! Ang kapal kapal mo!”

Sinipa niya ng malakas yung pinto dahilan para mabuksan ito, tapos pumasok kami sa
loob. Ibinaba niya na ako sa wakas sa may kama.

Tatakbo pa lang sana ako palabas ng kwarto nung nilock niya yung pinto at
hinarangan. Wala na, bilanggo na ako dito.

“Mag uusap tayo.” Matigas niyang sabi habang nakaharang sa pinto.

Hindi ko siya sinagot at umupo na lang ako sa kama. Nakakainis siya.

“Ano bang ginawa sayo ni Megan ha?” Tanong niya na naman nung hindi ko siya
sinagot.

“Sinabunutan lang naman ako nung babae na yun!” Inis na inis kong sagot sa kanya.
Kahit na alam kong mas kakampihan niya yung amazona niyang girlfriend dahil syempre
girlfriend niya yun.

“Ano?! Sinabunutan ka?!” Gulat na gulat niyang sigaw sa sinabi ko.


“Kakasabi ko lang di ba?” Sarcastic kong sagot sa kanya. Ano di ba siya
mapakaniwala? Bakit sa tingin niya ba mala anghel yung babae na yun? Nakakasar
talaga!

“Bakit hindi mo kaagad sinabi sakin ha?” Malumanay na niyang tanong.

Inismidan ko siya. “Paano ko naman sasabihin eh naasar ako sayo? Saka makasigaw ka
dyan kanina eh.”

Lumakad siya palapit sakin at umupo sa kama, dahil nakapatagilid ako ng upo
magkaharap na tuloy kami ngayon.

“Ano na naman ginawa ko sayo? Saka panong hindi ako sisisgaw e paglabas ko sa
classroom ang usap usapan yung ginawa ni Cyril! Na may relasyon daw kayo?
Nakakaasar kaya!” Malakas na naman niyang sabi na para bang asar na asar nga siya.

“Oo nga kasi-“

Hindi ko pa nga natatapos yung sagot ko makareact naman agad ‘tong lalaki na ‘to.
“Ano?! May relasyon nga kayo?!”

Sa inis ko kinuha ko yung unan at pinalo ko sa kanya. “Wag mo nga akong sigawan!
Hindi pa kasi ako tapos.”

Ang itsura naman ni Dylan biglang sumimangot.


“Wala kaming relasyon nun ‘no! Nasabi niya lang yun kasi nabigla daw siya, kasi nga
bigla akong sinugod nung Megan mo! Mang aagaw daw ako ng boyfriend!” Pagpapaliwanag
ko sa kanya nung nangyari kanina.

“Megan ko? Psh! Wala naman kaming relasyon nun! Ikaw naman dyan, pinagmamalaki mo
pang pinagtanggol ka ni Cyril. Kung nauna lang ako ng dating ganun din naman
gagawin ko ah!” Nanlalaki pa yung mata niya at humahaba ang nguso sa pag eexplain.

“Hindi ko pinagmamalaki ‘no, sinasabi ko lang. Wala naman akong gusto dun kay
Cyril.” Pagdedefend ko sa sarili ko. Hanggang kaibigan lang naman talaga kami ni
Cyril. “Ikaw nga dyan eh. Sigurado kang hindi mo girlfriend yun ha? Eh bakit ako
sinugod?!”

“Ewan ko dun. Hindi ko naman girlfriend yun eh, baka naghahabol lang.” Nagkibit
balikat pa siya.

Pinalo ko na naman tuloy siya ng unan. “Ang yabang yabang mo!” Inis kong sabi pero
natatawa na din ako kahit papano. Ewan ko ba, pakiramdam ko nabawasan yung inis ko
nung sinabi niya na hindi niya naman daw girlfriend yung amazonang Megan.

“Ayoko! Magsama kayo nung Megan na yun! Bwisit ka!” Nagulat ako nung bigla niyang
ginaya yung mga sinasabi ko kanina.

Sinamaan ko na siya ng tingin pero pinagpatuloy niya pa din. “Bakit ka ganun


magreact ha? Nagseselos ka ba?”

Nanlaki yung mata ko sa tanong niya at bigla na lang akong natawa. “Gah! Ako
nagseselos? Pwede ba Dylan?!” Sabay lingon ako sa kabilang side. Natatawa ako pero
at the same time pakiramdam ko umiinit yung mukha ko at mamumula na ako maya maya
lang? Bakit? Argh!

“Kunwari ka pa eh! Yung reaksyon mo kanina, reaksyon yun ng isang nagseselos na


girlfriend! Kaya sige na, umamin ka na na nagseselos ka.”

“Ha?! Psh. Wow ang conceited mo Dylan ha!”

“Eh bakit nagdrama ka pang lalayas ka kung hindi ka pala nagseselos?” Tanong niya
na parang nangaasar.

“Ang kapal mo! Kung hindi mo lang ako binitbit dito eh di sana nakauwi na ko sa
Mama ko!” Pinagpapalo ko na naman siya ng kamay ko. Akala niya ba hindi na ako
galit porke nakikipag bwisitan na ako ulit sa kanya? Hindi ganun ganun lang yun!
Nasaktan kaya ako sa sabunot sakin nung babaeng yun, dagdag mo pa yung pang aaway
niya sakin kanina pag uwi ko. “Ikaw nga dyan makareact ka kay Cyril eh! Eh ano
naman sayo kung sinagaw niyang may relasyon kami ha?! Baka ikaw ang nagseselos!”
Ganti ko sa kanya.

Natameme naman siya bigla at lumukot na naman yung mukha.

A-anong ibig sabihin nun?

“Oh ano? B-bakit natahimik ka?” Medyo kinakabahan kong tanong sa kanya.

Yumuko siya saglit pero pag taas niya ulit ng mukha niya halos malaglag ako sa kama
dahil sa sagot niya.

“Oo nagseselos ako! Bakit aangal ka?”

Sinong may angal?! Hahahaha! 

Thanks for the votes and comments! Lablabyouuuu guys! <3

=================

Chapter Thirteen

 Author's Note: 

May bago akong on-going story. Hindi naman ako mahilig sa on-going di ba?
HAHA. Pakibisita na din po sa works ko: My Hired Girlfriend. :) Pakiclick sa
external link para sa MHG. :) 

---

 Perfect Mistake Chapter Thirteen

*Sophia’s POV*

“Sissy! Go tuloy ang kwento! My ghaaaad! Maiihi na yata ako sa sobrang kilig!” Sabi
ni Janna na may kasamang mahihinang palo habang nagbubulungan kaming dalawa dito sa
pinakadulong upuan sa likod ng room. Wala pa naman kasi yung professor namin kaya
kinwento ko na lang sa kanya yung mga nangyari kagabi.

*flashback*

Hindi ko alam kung nabibibingi na ba ako o naghahallucinate ako!

“Dy? Ulitin mo nga yung sinabi mo.” Shocked ko pa din na sabi sa kanya.

Tinalikuran niya ako bago siya sumagot. “Ayoko ng ulitin, nasabi ko na.”

Napakunot tuloy ang noo ko sa sinagot niya. Gusto ko lang naman masiguradong tama
yung narinig ko eh! Ang damot ng lalaking ‘to!

Sinundot ko yung tagiliran niya at tinanong siya ulit. “Ano ba kasi yun?”

“Ayoko!”

Sinundot sundot ko pa din yung tagiliran niya. Makulit na kung makulit pero kasi
gusto ko lang marinign ulit! “Huy! Dali na kasi, ano ba kasing sinabi mo ulit?”
“Bahala ka dyan!” Sigaw na naman niya pero nakatalikod pa din siya sakin.

Nainis na ako dahil ayaw niya man lang ako harapin. “Ang arte mo! Daig mo pa babae,
bahala ka din dyan!”

Tumayo na ako sa kama at dumeretso na sa pinto, bababa na lang ako kesa makipag
usap sa abnormal na lalaki na ‘to.

Pipihitin ko pa lang yung doorknob nung napahinto ako dahil naramdaman ko yung
dalawang kamay niyang yumakap sa bewang ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

“Di ba sabi ko wag ka ng sisisgaw dahil nakakastress yan sa baby?” Tanong niya na
halos pabulong na lang dahil nga nakabackhug na siya sakin!

Nakakaasar! Pakiramdam ko may nagkakarera sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng


puso ko. Ano bang nangyayari sakin? Bakit ganito ako magreact?

“Kasalanan mo naman eh!” Dinaan ko na lang sa pagsusungit sa kanya at pagsigaw na


naman yung hindi ko maexplain na nararamdaman ko.

“Kasalanan ko din ba na medyo biningi ka? Sabi ko nag nagseselos ako.” Bulong na
naman niya tapos ipinatong niya ung baba niya sa balikat ko.

Hindi ko na maitanggi tuloy sa sarili ko na kinikilig ako sa inaasal ni Dylan.


Nakapasweet naman kasi niya ngayon. Imposibleng hindi ako kikiligin sa ginagawa
niya.
“B-bakit?” Nanginginig yung boses ko na nagtanong sa kanya.

“Ano bang bakit? Bakit ako nagseselos?” Parang bata niyang sabi habang nakapatong
pa din yung baba niya sa balikat ko.

Tumango na lang ako bilang sagot.

“Gusto mo pa bang sagutin ko yan?” Malambing niyang tanong sakin.

Utang na loob naman Dylan! Nanghihina na ang tuhod ko sa pinaggagawa mo sakin!


Argh! Bakit ka ba ganyan kasweet? Baka magkadiabetes na ko sa lalaking ‘to.

Nung hindi ako sumagot inalis niya din yung pagkakayakap niya sakin. Akala ko tapos
na, akala ko makakahinga na ulit ako ng normal pero hindi pa pala. Bigla niya akong
ipinaharap sa kanay at niyakap na naman! Lalong nagbuhol buhol yung hininga ko at
kumabog yung dibdib ko.

“Wala akong girlfriend Soph. Wala pa.”

*end of flashback*

 
 

“So ayun na yun sissy?” Poker face na tanong ni Janna sakin. Problema nito? Kanina
lang halos magseizure siya sa kilig tapos kung kelan ako na yung kinikilig din saka
siya pokerface?

“Anong yun na yun?! Wala bang epekto sayo? Halos tumalon na nga yung puso ko sa
sobrang tibok tapos ikaw wala lang? Labo mo Janna!” Sagot ko sa kanya.

Nginusuan naman niya ako bilang sagot. “Gaga! Gusto na nga kitang kalbuhin ngayon
eh. Haba ng hair mo eh. Pero kasi ang bitin naman nun Soph! Hindi malinaw kung
anong real score sa inyong dalawa eh.”

Napaisip ako. “Oo nga ‘no!” Tapos napanguso na din ako. “Eh kasi naman pagkatapos
nun halos mapipi na ako sa sobrang shock sa lahat ng nangyari. Para ngang hindi ko
kaagad maabsorb yung ginawa niya at yung mga sinabi niya. Buong gabi na yata akong
hindi nakapagsalita. Pati hanggang sa pagtulog tinalikuran ko na lang siya tapos
nagtalukbong ako dahil sa sobrang gulat ko.”

“Sabagay bakla, kahit ako nasa sitwasyon mo kagabi baka nagcollapse pa ko sa


sobrang kilig eh. Pero dapat linawin mo yan sa kanya, aba mahirap na. Mabuti na
yung sigurado tayo di ba?”

Napatango ako sa katwiran ni Janna sakin. Ayoko ng may isa pang amazona ang susugod
sakin at hindi ko man lang maipagtatanggol ang sarili ko dahil wala akong
karapatan. Mabuti na yung malinaw kung ano man ang meron kami. Hindi ko naman na
din itatanggi sa sarili ko na may something eh. Nararamdaman ko yun lalo na na
kagabi. Hindi pa man ganun kalalim pero meron.

“Mamaya kakausapin ko siya.”


*

Katulad nung nakasanayan hinihintay ko siya o hinintay niya ako tuwing uwian. Wag
na wag daw akong aalis ng school ng hindi siya ang kasabay ko kaya kahit confused
pa din ako dahil sa kagabi, sumabay na ako sa kanya sa pag uwi.

“Uy kasama na naman ni Dylan yung babae.”

“Yung girlfriend ni Cyril?”

“Oo girl, tapos di ba yung Megan daw ang girlfriend ni Dylan.”

“Tsk ang bitchy niya, gusto pa yatang masabunutan ulit.”

Ayan na naman sila, mga bubuyog na walang ginawa kung hindi pakialaman ang buhay ng
iba. Sinabi ko na nga ba at malaking issue na naman yung mga nangyari kahapon.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na lang sila papansinin, mag sawa silang
kakapakialam sakin.

Naglakad na lang ako ng sabay kay Dylan at pinilit na wag na silang pansinin kaso
naman, biglang huminto ‘to si Dylan at hinawakan yung kamay ko.

Ibubuka ko pa lang sana yung bibig ko para itanong kung ano na namang bang ginagawa
niya nung...

“ALL OF YOU LISTEN, COZ I’M SAYING THIS ONCE!”

Biglang sigaw ni Dylan sa gitna ng school grounds. Napatingin tuloy lahat ng tao sa
kanya dahil sa ginawa niyang pagsigaw at halos lahat ng mga mata natuon sa kamay
naming magkahawak.

Mas lalong hinigpitan ni Dylan yung pagkakahawak niya sa kamay ko. “This girl
beside me, si Sophia Dennise Ramirez, ay girlfriend ko.”

Saglit na natigil yung bulong-bulungan dahil sa malakas na announcement ni Dylan.


Kahit ako naman gulat na gulat sa mga sinabi niya. Pero nung nakarecover na siguro
yung mga tao sa sinabi ni Dylan, mas lalong lumakas yung usapan nila.

“Ha? Eh dib a si Cyril ang boyfriend nung babae? Hala ka namamangka sa dalawang
gwapong ilog.”

“Eh di ba si Megan daw ang girlfriend ni Dylan? Nagdate sila dati eh.”

“The rumors about her and Cyril is not true.. I have no idea why Cyril did that
fvcking act but I’m clarifying things now... SHE IS MINE.”
Halos mahimatay na ako sa mga pinagsasabi ni Dylan. Ngayon ko lang siya nakitang
ganito kaseryoso sa harapan ng madaming tao.

“Also, Megan and I weren’t an item... we dated a few times before pero si Sophia
lang ang girlfriend ko. At ayoko ng makakarinig na binubully niyo siya o sasabihan
niyo ng masasamang salita. Hindi niyo alam kung anong kaya kong gawin para sa
kanya.”

Bigla naman akong natakot sa mga sinabi niya. Parang wow lang ah, pinagbantaan niya
talaga yung mga tao? Dahil sakin pinagbantaan niya yung mga tao? Pero kung saan man
hinugot ni Dylan yung mga pinagsasabi niya, nagpapasalamat na lang din ako. Kasi
mukhang effective yung ginawa niya at mukhang natakot yung mga tao sa banta niya.
Kung kanina para silang mga wolves na ang tatapang tumingin tapos ngayon para na
silang maaamong tupa. Ganun ba talaga nakakatakot yung banta ni Dylan?

Dahil sa pagkatameme ng mga tao bigla na lang akong hinila ni Dylan papunta sa
parking lot. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad palayo sa madaming tao
kanina. Akala mo may live show doon sa dami ng tao. Hindi ko naisip na ganun pala
talaga kasikat sa campus ‘tong si Dylan.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse. Nashock na naman tuloy ako.


Nagpapakagentleman ba siya? Noon kasi pinababayaan niya lang akong sumakay at
bumaba sa kotse ng hindi na pinagbubuksan ng pinto eh.

Sumakay na lang din naman ako kahit na quoting quota na ako sa pagkagulat ngayong
araw na ‘to, Umikot siya sa kabilang side at sumakay na din, akala ko papaandarin
niya na yung kotse pero bigla bigla na lang naglean siya ng konti papalapit sakin.
Muntik na akong magpanic kung hindi ko lang nakita na inaabot niya pala yung
seatbelt para ikabit niya sakin.

Hindi ko tuloy alam kung sadyang nerbyosa lang ako simula pa kagabi o assumera na
ako talaga.
Malayo layo na din yung nabyahe namin ni Dylan nung marealize kong hindi naman ito
yung way papunta sa bahay namin kaya nagtanong ako. “Dylan, saan ba tayo pupunta?”

Sumulyap siya ng konti sakin bago ngumiti. “Hihinga lang muna tayo ng konti.”

Napakunot ako ng noo sa sinagot niya pero hindi na din ako nagtanong ulit. Mukhang
wala na kami sa city kasi mapuno na yung lugar, maganda, nakakarelax.

Hindi ko alam na may malapit pa lang lugar sa Hillsdale na ganito ang ambiance,
sobrang nakakarelax. Feeling ko ang layo layo na nung lugar na pinuntahan namin.

Hininto ni Dylan yung kotse niya sa isang parte nung lugar na parang cliff na ang
dating, may mga puno at may elevated na part.

Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan na naman ako. Sumunod na lang ako sa kanya
papunta dun sa may elevated na part at naupo sa malapad na bato, katabi niya.

“Wow! Ang ganda dito! Tanaw ang buong city!” Tuwang tuwa kong sabi sa kanya nung
nakaupo na kami dun sa malapad na bato. Ang lamig kasi ng hangin dito tapos tanaw
na tanaw yung buong city, kitang-kita nga din sito ang buildings ng Hillsdale
College.

“Mas maganda tumambay dito sa gabi, yung maliwanag pa din dahil sa ilaw sa city.”
Sagot niya sakin kaya tinignan ko siya. Nakapikit lang siya habang dinadam yung
hangin. Kakaiba kasi talaga yung hangin dito.

“Dylan...”
Lumingon siya sakin, naramdaman kong biglang uminit yung buong mukha ko. Nagiging
ganito na ang epekto ni Dylan sakin tuwing titingin siya. Hindi lang mga paru-paro
ang nararamdaman ko sa tyan ko, pakiramdam ko may buong zoo na dito dahil sa kanya.

“Thank you... sa pagtanggol mo sakin kanina.” Sabi ko sabay tipid na ngiti.

Nagulat na naman ako nung bigla niyang hinawakan yung kamay ko na nakapatong dun sa
may baton a inuupuan din namin.

“Soph...”

“H-ha?” Nauutal kong tanong sa kanya.

Napangiti siya nung napansin niya siguro na nauutal ako. “Yung sinabi ko kanina...”

Naalala ko tuloy bigla yung kanina, yung inaannounce niya sa school. Bawat salitang
sinabi niya dun tumatamak sa utak ko. Parang isang beses ko lang siyang narinig
pero nakabisado ko kaagad lahat.

“Y-yun bang sinabi mo na ano...” nag aalangan kong sagot sa kanya.

Tumango siya at hinigpitan yung hawak niya sa kamay ko. “Yung sabi kong girlfriend
kita, pwede ba nating totohanin na lang?”
Halos tumigil ako sa paghinga ko dahil sa sinabi ni Dylan. Parang sasabog na yung
dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang nakakabingi. Sobrang
nakakabingi. Parang nanaginip lang na parang totoo. Ang hirap hirap ipaliwanag ng
nararamdaman ko ngayon.

Pero nagawa ko pa ding sumagot sa kanya, pasungit nga lang para pagtakpan yung
hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko. “H-ha?! Eh sandal, hindi ka pa nga
nanliligaw eh!” Halos pasigaw at natataranta kong sagot sa kanya sabay tingin sa
kabilang side. Nakakahiya ako.

Narinig kong natawa siya ng mahina tapos hinawakan niya yung pisngi kong namumula
na para ipaling paharap ulit sa kanya.

“Patawa ka Soph, magkakaanak na nga tayo gusto mo pang magligawan?”

Pinalis ko yung kamay niya na nakahawak sa pisngi ko at nginusuan ko siya. “Kahit


na! Walang ligaw, walang girlfriend!”

Natawa siya lalo. “Hahahaha! Tss ang sungit, eh di oo na. Anong klaseng panliligaw
ba ang gusto mo?”

“Old school type.” Sagot ko sa kanya sabay ngiti sa kabilang side. Bahala siyang
magi sip kung pano yun. Basta kahit alam ko sa sarili ko na may gusto na din ako sa
kanya, hindi ko siya basta sasagutin. Aba, mag effort siya!
*

“Sissy, ang hirap naman ng pinapagawa ni Sir satin. Porke finals na eh, pahirap sa
buhay talaga!” Asar na asar na sabi ni Janna habang naglalakad kami sa hallway.
Katatapos lang ng final exams para sa semester na ‘to at ngayon din namin nakuha
yung special requirement para sa major subjects namin. 6 outfits ulit pero royal
outfits naman yung gagawin namin.

“Ang hirap pa naman maghanap ng linens na ganun. Malay ba natin sa mga sinusuot ng
hari at reyna. May mga prinsipe at prinsesa pa.” Sagot ko kay Janna. Sobrang
complicated kasi ng mg damit na yun eh, bukod sa mahirap ng tahiin matrabaho pa
masyado.

“Asar kasing theater club na yan eh.” Pagmumukmok pa din ni Janna. May malaking
school play kasi sa theater club next month at kaming nasa FD department ang gagawa
ng mga costumes nila.

“Hayaan mo na, challenge na din ‘to Sissy. Mataas naman magbigay ng grade si Sir
kahit na pahirap siya satin eh.” Pagpapalubag loob ko sa bestfriend ko.

Napanguso na lang si Janna. “Sabagay.”

Malapit na kami sa school grounds nung may binatang lalaki na lumapit sakin.
Mukhang highschool ‘to ah.

“Ate may nagpapabigay po.” Sabay abot niya sakin ng isang red rose na may naka
lagay na maliit na note sa tangkay.
“Thank you.” Sabi ko dun sa highschool student bago siya umalis.

“Sissy, mukhang kilala ko na kung kanino yan galing!” Kinikilig na sabi ni Janna.
Ako din naman mukhang kilala ko na.

Binasa ko yung nakalagay sa note. Letter P lang. Inikot ikot ko yung papel pero
wala na akong iba pang nakitang letter o word.

“Doesn’t make any sense. Ano bang meaning ng P?” Mukhang nagtataka din si Janna
kaya naman dumeretso na kami sa paglakakad.

Pero hindi pa man din kami nakakalad ng malayo layo may highschool student na
lumapit samin at nag abot na naman ng panibagong rose na may note.

This time, letter L naman ang nakasulat.

Habang naglalakad kami papunta sa parking area ng school isa isang lumalapit sakin
yung mga highschool students para magbigay ng red rose na may note.

“Last rose na po ate. Kinikilig po ako.” Sabi nung babaeng student na nag abot
sakin ng 12th red rose na may note.

Napangiti ako sa sinabi niya. “Thank you ah.”


“Sissy, decode mo na ang message!” Excited na sabi ni Janna kaya naman tinignan ko
na yung note sa last rose.

Letter E.

P. L. E. A. S. E. B. E. M. I. N. E.

“Please be mine...” Bulong ko nung nafigure out ko ang meaning ng note.

“Golly gash bakla! Ikaw na talaga, dinaig mo na si rapunzel sa pahabaan ng buhok!”


Kilig na kilig si Janna dun sa message habang pinapalo pa yung braso ko.

“Mga kalokohan talaga nung lalaki na yun oh.” Natatawa kong sabi sabay hatak na kay
Janna para maglakad papunta sa parking area, siguradong nandun na yung may pasimuno
ng roses na ‘to.

Pagdating namin sa parking area nandun na nga siya, nakasandal sa kotse niya at
nakashades pa.

Leche ‘tong lalaki na ‘to eh, nagshades pa! Hindi niya ba alam na nadadagdagan ang
kagwapuhan niya dahil dun sa shades na suot niya? Asar naman oh!

“Owkaaaaay. I better go na rapunzel, nandyan na pala yung prince charming mo eh.”


Sabay beso sakin ni Janna.

‘’Sira ka talaga, ingat ah!” Pahabol ko sa kanya bago siya maglakad papunta sa
abangan ng taxi.

Napalingon naman si Dylan sa pwesto ko nung narinig niya yung boses ko. Ngumiti
siya bigla. “Uwi na tayo.”

Ako naman parang robot lang na tumango sa kanya. Kasi naman yung shades kasi! Ang
gwapo kasi! >...<

Pinagbuksan na naman niya ako ng pinto ng kotse at sumakay na siya. Nung nasa loob
na din siya hindi ko na maiwasang hindi magtanong.

“Dylan, anong pakulo ‘to?” Nangingiting tanong ko sa kanya.

“Ligaw yan Soph, di ba yan ang gusto mo?” Napapangiti niya ding tanong sakin.

“Psh, mas gusto ko yang nakashades ka.” Bulong ko sa sarili ko.

Nagulat na lang ako nung sumagot siya. “Bakit? Gwapo ba ko sa shades ko? Hahaha.”

Nanlalaki yung mata kong hinarap siya. “Narinig mo?!”


Tumango siya sabay ngiti na naman. Oh di siya na ang may dimples. Ako na yung
hiyang hiya dito. Narinig pala, asar!

“Argh!” Inis na inis kong nilukot yung hawak kong papel sabay bato sa basurahan sa
tabi ko. 3 designs pa ang kulang ko para sa requirement na yun at wala na akong
maisip. Tapos na nga ang semester at wala ng pasok pero hindi naman ako
makapagpahinga dahil sa requirement na ‘to.

Nagsimula ulit akong gumawa ng design pero nung hindi pa din ako nasatisfy nilukot
ko ulit yung papel at tinapon sa basurahan na halos mapuno na ng lukot lukot na
papel.

Naibagsak ko na lang yung ulo ko sa center table sa may sala. Dito ko naisipang
gumawa habang nakapaupo ako sa may sahig.

“Oh Sophia, anong problema? Bakit ang daming nakakalat na lukot na papel.”
Napaangat ako ng ulo nung narinig ko si Ate Zea na nagsalita. Mukhang kadadating
niya lang.

“Nahihirapan po kasi ako sa final requirement namin this semester. Kulang pa po ako
ng tatlong designs eh.” Nakasimangot kong sagot kay Ate Zea.
Ngumiti siya sakin at umupo sa sofa na halos katabi ko. “I can help you with that,
ano bang theme ng designs mo?”

Nabuhayan ako ng loob kahit papano, naaalala kong Fashion Designing nga din pala
ang tinapos ni Ate Zea at sa Paris pa siya nag aral noon. May sarili na nga din
siyang boutique ngayon eh. “Royal Costumes ang theme, gagamitin po kasi ng mga taga
theater club yung mga gawa naming FD students.”

Tumango tango si Ate Zea. “May portfolio ako sa room ko ng mga lumang designs ko
noong nag aaral pa lang ako. Gusto mong makita? May mga royal costume designs din
dun. Para mamakuha ka ng inspiration na pwede mo pang dagdagan ng details para
maging personal design mo.”

“Talaga po?” Tuwang tuwa kong tanong. Sigurado ako magaganda yung designs ni Ate
Zea dahil nga sa Paris pa talaga siya nag aral ng FD.

“Kukuhanin ko lang muna sa taas.” Paalam niya sakin.

Naexcite tuloy ako bigla ngayon. Kung kanina gusto ko ng sumuko sa final
requirement na ‘to ngayon parang gusto ko lalong pagbutihin yung gagawin ko. Gusto
kong maging kasing successful ni Ate Zea.

Tinignan ko yung mga natapos ko ng designs nung biglang tumunog yung doorbell.
Dahil nandito na din naman ako sa sala ako na yung lumabas sa gate para tignan kung
sino yun.

“Ma’am sulat po. Nandyan po ba si Miss Sophia Ramirez?” Tanong nung mailman
pagkabukas ko nung gate.

“Ako po yun.” Sagot ko sa kanya kaya inabot naman niya sakin yung hawak niyang
sulat bago siya umalis.

Isinara ko muna yung gate bago ko tignan kung kanino galing yung sugat. Halos
gumaulong ako sa sobrang pagpipigil ko ng tawa nung makita ko yung kanino galing
yun. Kay Dylan, at same address ang recipient at sender. Hahahaha! Baliw talaga
yung lalaki na yun.

Nagmadali akong pumasok at binuksan ko kaagad yung sulat. Umpisa pa lang natawa na
ako.

My future girlfriend,

Makafuture girlfriend ‘tong si Dylan parang siguradong sigurado na siya ah! Haha!

Sa totoo lang wala na akong maisip na pakulo para sa mga surprise ko sayo. Ang
hirap naman kasi ng gusto mo, old school pa. Hindi naman ako pwedeng magsibak ng
kahoy dahil may stove naman tayo at siguradong mapapagalitan ako ni Manang Emmy pag
sinira ko yung mga puno sa garden. Hindi din naman ako pwedeng mag igib ng tubig
dahil may gripo at shower naman tayo. Kaya naisipan ko tuloy sumulat. Kahit pwede
ko namang sabihin sa’yo ‘to, kaso sabi mo old school eh. Kaya ayan sinusunod kita. 
Basta Soph, mag iisip pa ako ng madaming ideas para mapasagot ka. Para maging totoo
na ‘to tutal gusto mo na din naman ako di ba? Hahahaha!

 
Ang kapal nito ah!

Joke lang yun! Ayokong matulog sa sahig mamaya.

I’ll make your ‘yes’ worthy in every way.

                    
Gwapong admirer mo,

                                                                                    
                                    Dylan

Hindi ko alam kung maasar ako, matatawa o kikiligin sa sulat niya eh. Naaasar kasi
kung ano anong kalokohan ang pinaglalagay niya dun. Matatawa kasi para siyang baliw
at kikiligin dahil nag effort siya kahit papano na magi sip ng ganito.

“Oh Soph, ito yung designs ko before. Pwede mo ding imix and match yung sa ibang
themes para magkaroon ng kakakibang designs yung gawa mo. Kaya mo yan for sure.”
Pagpapalakas ni Ate Zea sa loob ko.

“Thank you Ate!” Pagpapasalamat ko sa kanya habang amazed na amazed kong tinitignan
yung laman ng portfolios niya. Sobrang daming designs at iba iba ang themes. Ang
gaganda ng designs ni Ate, unique pero maganda pa ding tignan.

Nainspire tuloy akong tapusin na yung mga designs ko. Hindi ko alam kung dahil sa
mga laman ng portfolios ni Ate Zea o dahil sa baliw na love letter na natanggap ko.
*

“Huuuummmmm!” Inat ko habang nagsusulat ako sa maliit na notepad ko. Natapos ko na


lahat ng designs na kailangan ko kanina. Ngayon naman naglilista ako ng mga klase
at kulay ng linens at kung ano ano pang tela at gamit na bibilihin ko.

“Ahhhhh! Grabe ang daming silk na kakailanganin! Ang mahal mahal pa naman nun!”
Reklamo ko habang napapasabunot ako sa buhok ko. Sobrang mahal ng silk tapos halos
yun pa ang gagamitin ko sa lahat ng design na yun. Mamumulubi yata ako sa materials
ko!

Dahil sa inis ko bumaba ako saglit sa kusina para uminom ng tubig. Tahimik na sa
baba at halos ilang ilaw na lang ang bukas. Gabi na din kasi. Tinignan ko yung wall
clock sa may kusina habang kumukuha ako ng tubig. Quarter to ten na pero wala pa si
Dylan. Nasaan naman kaya pumunta yung lalaki na yun? Tsk!

Magpapadala padala ng sulat tapos alis ng alis. Alam ko wala na din siyang pasok
eh, baka nagbar na naman. Ay bahala siya dun, lalo ko siyang pahihirapan siya
panliligaw niya.

Halos padabog akong umakyat ulit sa kwarto namin dahil sa inis ko sa kanya. Padapa
na sana ako ulit nung may narinig akong mahinang tunog.

Pinakiramdaman ko lang muna kung saan nanggaling yung tunog nay un.
*tuk!*

Parang may binatong maliit na bagay.

*tuk!*

Parang galing sa glass door papunta sa terrace eh. Gusto ko sanang silipin pero
natatakot ako dahil madilim na sa labas.

*tuk!*

Ay nako kung ano man yan ayoko nang silipin dahil gabing gabi na. Mamaya ako pa ang
tamaan nung kung ano mang binabato na yun.

Iniligpit ko na yung mga papel ko na nakakalat sa kama. Matutulog na lang ako,


bukas ko na tatapusin ‘to tutal madami na din naman akong natapos. Pahiga na sana
ako nung narinig ko na naman yung tunog.

*tuk! tuk! tuk!*

Dahil sa asar ko dahil sunod sunod na yung tunog, at dala na din ng curiousity,
lumapit ako sa may glass window papunta sa terrace. Dahil nga madilim na din sa
labas wala akong maaninag. Kaya naglakas ako ng loob na buksan na lang yung pinto
para icheck kung ano yun.
Pagbukas ko....

 -

=================

Chapter Fourteen

Perfect Mistake Chapter Fourteen

*Sophia’s POV*

Ang daming batong maliit sa sahig ng terrace namin! Aba naman! Sinong nambabat-

*puk!”

“Aray ah! Sino bang nambabato dyan?! Baka mabasag yung salamin ng pin.. to
namin...” Nautal ako nung biglang lumiwanag sa labas, sa may garden.

Nakita ko si Dylan na nakangiti sakin mula sa babae kasama yung isa niyang
kaibigan, si Brix Montez.
Hindi na ako nakapagpigil. “Hoy Dylan ka! Ikaw ba ang bumabato ng pinto? Tinamaan
kaya ako sa ulo!” Inis na inis kong sabi sa kanya. Kasi naman siya, ano bang
ginagawa nila sa baba?

“Uy Soph! Hindi ako yung bumabato! Si Brix yun!” Sabay turo niya dun sa kasama
niya.

“Wag ka nagng sinungaling Dylan!” Sagot naman ni Brix sa kanya na may hawak na
gitara. Ano bang gagawin nila sa gitara na yan?

“Ano bang ginagawa niyo dyan sa baba?! At bakit puting puti yang suot mo?! May
burol ba?” Sigaw ko kay Dylan. Para naman kasing abnormal eh, naka all white pa.

“Bwahahahaha! Epic!” Natawa naman yung kasama niya kaya binatukan siya ni Dylan.

“Mag gitara ka na nga lang dyan,.” Angil niya dun sa kasama niya kaya nagsimula ng
magstrum ng gitara yung si Brix.

Tumingin naman si Dylan sakin.

~ The dawn is breaking, our light shining through

You’re barely waking, and I’m tangled up in you yeah~

Nagulat ako nung sinabayan niya ng kanta yung tunog ng gitara. Hindi ko alam na
marunong din pala siyang kumanta.

~ But I’m open you’re closed, where I follow you’ll go

I worry I won’t see your face, light up again

Even the best fall down sometime

Even the wrong word seem to rhyme

Out of the doubt that fills my mind

I somehow find you and I, collide~

Unti unti na akong napangiti habang tinitignan ko lang si Dylan na kumakanta. Alam
ko namang hindi siya magaling kumanta dahil may parte na nawawala siya sa tono pero
atleast he’s trying.

~ I’m quiet you know, you make our first impression

But I find I’m scared to know I’m always on your mind

Even the best fall down sometime

Even the stars refuse to shine

Out of the back you fall in time

I somehow find you and I, collide


 

Don’t stop here, or lost my place

I’m close behind ~

At napahanga din ako sa guitar skills nung si Brix. Alam ko ‘tong kanta na ‘to eh,
ilang beses ko na ‘tong naririnig pero hindi ko alam na ganito na lang ako
kikiligin sa kanta na ‘to ngayon. Titig na titig lang ako sa kanya habang nakangiti
at ganun din naman siya sakin. Hinarana ako ni Dylan. Isang lumang style ng
panliligaw pero hindi pumapalyang magpakilig.

~Even the best fall down sometimes

 Even the wrong word seem to rhyme

 Out of the doubt that fills your mind

 You fin’lly find you and I, collide

You fin’lly find you and I, collide

You fin’lly find you and I, collide~

Pagkatapos niyang kumanta nagsalita pa siya. “Sophia Dennise Ramirez, alam kong
hindi na uso ang harana. Pero para sayo, kahit nasisintunado ako, gagawin ko.”

Wala na akong mapaglagyan ng kilig at saya ko. Ngayon lang may gumawa sakin ng
ganito. Yung ganito kaeffort sa panliligaw. Alam kong alam na din naman niya na may
gusto na din ako sa kanya pero hindi siya nakakampante agad. Pinapakita niya pa
sakin na special ako.

Bigla namang lumapit si Ate Zea sa kanila. “Brix, yung hagdan!”

Nagtaka na naman ako. Ano naman kayang gagawin nila sa hagdan?

Pinanood ko lang sila galing dito sa taas. Inabot ni Brix kay Ate Zea yung hawak
niyang gitara tapos may kinuha nga siyang hagdan galing dun sa gilid.

Pinatong nila yung hagdan sa grills ng terrace.

“Anong gagawin sa hagdan? Bababa ba ko?” Natatawa kong tanong sa kanila. Hindi ko
kasi sila maintindihan eh.

“No. Stay where you are Soph.” Nakangiting sagot sakin ni Ate Zea.

Biglang tumapat si Dylan dun sa may hagdan at nagsimulang umakyat.

“Huy Dy! Baka malaglag ka!” Sita ko sa kanya. Ang dami kasing kalokohan. Bakit ba
kailangan dito pa siya sa terrace dumaan? Mamaya pa nyan malaglag siya eh.

“Uy Brix hawakan mo naman yung hagdan!” Tawag niya dun kay Brix. Mauga kasi at
galaw ng galaw yung hagdan habang umaakyat siya eh.
“Bumaba ka na lang kasi Dy! Ano ba kasing kalokohan yan?” Nag aalala ko ng tanong
sa kanya. Ang kulit naman kasi ng lalaking ‘to eh.

“Oy Brix! Pag ako nalaglag dito! Hawakan mo kaya!” Sigaw na naman niya dun kay
Brix.

“Dude naman! Hawak ko na kaya! Kasalanan ko bang hindi ka marunong umakyat ng


ganitong hagdan?” Reklamo naman nung si Brix.

Wala pa sa kalahati nung hagdan si Dylan nung bigla na lang siyang bumaba. “Wag na
nga lang! Dadaan na lang ako sa loob ng bahay!” Nakasimnagot na niyang sabi sabay
alis. Malamang paakyat na yun.

Ako naman tawang tawa sa reaksyon ng mukha niya. Mukha kasi siyang dismayado.
“Hahahaha! Sumuko din!”

“Epic fail yung plano ni Dy! Hahahaha!” Tawang tawa din na sabi ni Ate Zea mula sa
baba.

“Hahaha! Hi Soph! Ayos ba yung harana?” Tanong nung si Brix. Hindi ko naman siya
first time makausap dahil nung hinatid niya kami sa dito galing dun sa race medyo
nakausap ko na siya.

“Thank you! Galing mag gitara. Tapos yung kumakanta nawawala sa tono! Hahahaha!”
Biro ko sa kanilang dalawa ni Ate Zea.
“Hahahaha! Nagpractice pa yun maghapon ah, di pa din nakuha!” Sagot ni Brix sakin.
Kaya naman pala halos maghapon siyang wala sa bahay. Yun pala ang ginawa niya.
Hahaha. Natatawa tuloy ako pero kinikilig din ako sa pinapakita niyang effort.

“Bilib ako sayo Soph! Napapakanta mo yung kapatid ko.” Sabay thumbs up si Ate Zea
sakin.

Sasagot pa sana ako nung maramdaman kong may yumakap sakin galing sa likod.
Napangiti na lang ako.

“Tara na Zee, mukhang magmomoment na yung dalawa.” Aya ni Brix kay Ate Zea kaya
naman umalis na sila sa garden.

“Nagustuhan mo ba?” Tanong niya habang nakayakap pa din sa’kin mula sa likod.

Tumango ako sa at hinawakan yung kamay niyang nakayakap sakin. Kahit hindi ko pa
sinasagot si Dylan napakatouchy niya na sakin. Bigla bigla na lang niya akong
yayakapin o kaya aakbayan o hahawakan yung kamay ko.

Hinarap niya ako sa kanya at inabutan na naman ng bulaklak. Pero hindi katulad
noong una na roses ang binigay niya sakin. Ngayon, gumamela! Hahahahaha!

“Hahahaha! Bakit gumamela Dy? Saan mo ‘to nakuha?” Natatawa kong tanong sa kanya
habang hawak ko yung inabot niyang tatlong gumamela.
Napakamot siya ng batok niya. “Para old school din. Nakita ko yan sa mga tanim ni
Manang Emmy sa garden kanina.”

Pinalo ko siya sa braso niya ng mahina. “Lagot ka kay Manang! Pumitas ka!”

“Nagpaalam kaya ako! Saka ang dami dami pa nyan dun sa baba.” Pagdepensa niya.

Natawa na lang ako. “Salamat sa gumamela mo.”

Ngumiti lang siya ng malapad. Biglang may pumasok sa isip ko.

“Dy alam mo ba na pwede ‘tong gawing palobo?” Tanong ko sa kanya habang naglalakad
ako sa loob ng kwarto. Kinuha ko yung isang libro ko at inipit yung tatlong
gumamela doon. Ganito din kasi yung ginawa ko sa mga roses na binigay niya sakin
nung malapit na yung malanta.

“Weh?” Parang hindi makapaniwala niyang tanong.

Tumango ako sa kanya. “Pwede pa ba tayong kumuha ng ganito?”

“Kung magpapaalam tayo.” Ngiti niya.


*

“Pffft! Ang konti ng bubbles mo!” Sabi ko sa kanya bago hipan yung straw na hawak
ko. Lumabas naman yung madaming bubbles pagkaihip ko.

“Madaya ka eh! Konti lang yung dinikdik mong gumamela sakin.” Reklamo niya sabay
ihip din ng straw na hawak niya.

Dinilaan ko lang siya at nagpalobo pa ulit.

Nagpaalam kasi kami kay Manang Emmy na kukuha kami ng mga gumamela sa labas at
pumayag naman siya. Dinikdik namin yun sa kusina at nilagay sa maliliit na
containers pagkatapos ginupit namin sa kalahati yung straw ng softdrinks para yun
ang hihipan namin. Tuwang tuwa naman sil Dylan.

“Baby...” Bigla niya akong tinawag kaya napahinto ako sa pag-ihip ng bubbles at
napatingin sa kanya. Unang beses niya yata ako tinawag niyan ng seryoso at hindi
nagpapanggap.

“Thanks for making me fall for you even more.” Seryoso at sincere niyang sabi.

Tinitigan ko lang siya ng mabuti sa mata at ngumiti. “You make me fall hard too.”
*Janna’s POV*

Hay nakakainis talaga ang professor na yun! Kung hindi lang ako concern sa grade ko
hindi na ako mag aabala sa project na ‘to! Asar talaga eh!

Naglakad lakad na lang ako dito sa hallway ng school. Nagpasa din kasi ako ng isa
pang written report sa ibang professor at namomoblema naman ako sa  designs ko
dahil kulang pa ako ng 2 designs at ang mamahal ng linens na gagamitin.

“Argh! Nakakainis talaga! May next semester pa naman tapos todo pahirap na! Kainis!
Kainis!”

Sa kakamukmok ko hindi ko namalayan na may mga nabunggo na pala akong mga tao.

“Ano ba naman ya-.” Napatigil ako. “Ay Nate! Ikaw pala! Sorry ah, tanga tanga ako
maglakad eh. Hahahaha!” Natatawa ko pang sabi sa kanya. Siya pala kasi yung
nabangga ko kasama yung isa nilang kagroup, yung si Enzo Villegas. Ghaaad! Muntik
ko na masigawan si Nate!

“Okay lang. May pasok pa ba kayo? Bakit nandito ka sa school?”  Tanong niya ng
nakangiti. Sumisingkit na naman siya!
“Ah ano kasi, may pinasa lang akong report sa professor ko.” Ngiting ngiti kong
sagot sa kanya.

“Ay nga pala, si Enzo. Kilala mo naman siya di ba?” Turo niya dun sa kasama niya.
Imposibleng hindi ko makilala yun dahil sikat nga sila eh.

“Ah oo naman. Hello Kuya.” Nakangiti kong bati dun kay Enzo.

“What the fvck Nate?! Kuya?! Do I look like that old?!” Biglang nairita yung si
Enzo dahil sa tinawag ko siyang kuya. Eh ganun naman talaga ako pag hindi ko
kaclose.

“Eh? Sorry!” Sabi ko dun kay Enzo sabay peace sign.

“Whatever.” Masungit na sabi ni Enzo sabay talikod sakin. Ang sungit naman nito!
Parang natawag lang na kuya eh. Wala naman akong sinabi na matanda na siya!

Lumapit si Nate sakin at bumulong. “Pagpasensyahan mo na ah, magmemenopause na kasi


yan eh.”

Natawa naman ako at the same time kinilig na din dahil binulungan ako ni Nate! So,
literally close kami kanina!

Nagngitian lang kami ni Nate nung nakita kong nakasimangot pa din samin si Enzo.
“Can we just go guys?” Naiinip niyang tanong. Ayoko sumagot dito, englishero eh.
Konti lang baon kong English ngayon, baka duguin ako bigla dito.

“Pauwi ka na ba Janna? Hatid na kita.” Offer ni Nate. Syempre naman gora agad ako!
Tatanggi pa ba ako?

“Sure!” Sobrang ngiti kong sagot sa kanya.

“Psh.” Narinig kong sabi ni Enzo sabay nauna na siyang maglakad samin. Sumabay
naman ako ng lakad kay Nate papunta sa parking lot.

“Tss. Bulok! Dude, may sira yung kotse ko!” Inis na inis na sigaw ni Nate kay Enzo
na papasok  palang sa kotse niya. Nagmamadaling lumabas si Nate sa kotse niya sabay
sipa sa gulong. “Aray!”

“Then call someone to fix it.” Walang ganang sagot ni Enzo kay Nate habang
pinalalaruan yung susi ng kotse niya.

Bumaba na din ako sa kotse ni Nate. Ihahatid niya sana ako kaso ayaw naman magstart
ng kotse niya.
“Matagal pa yun eh. Asar naman dude, may lakad pa naman ako mamayang gabi.” Mukhang
nasira ang mood ni Nate dahil dun. Pumunta siya sa harap ng kotse niya para buksan
yun.

“Tow it. I’ll give you a ride home.” Sagot na naman ni Enzo kay Nate. Napailing
lang si Nate.

Tinignan ko yung relo ko, malapit ng mag 6 PM. Dapat makauwi ako before 7 dahil
sobrang dami ko pang gagawin sa bahay.

“Ah Nate, mauna na ako ha? Magtataxi na lang ako. Sobrang dami ko pang gagawin sa
bahay eh.” Pagpaalam ko kay Nate. Gustong gusto ko pa naman sanang sumabay sa kanya
kasi syempre ihahatid na naman niya ako sa bahay. Kaso sira naman yung kotse niya,
baka abutin ako ng kung anong oras. Bwiset kasi na designs yan ang hirap hirap!
Sagabal sa umuusbong kong lovelife!

“Ha? Hatid mo na lang si Janna dude!” Baling niya dun kay Enzo.

“She said she’ll take a cab. Why not let her?” Tanong ni Enzo kay Nate. Alam ko
namang di ‘to papayag na ihatid ako sa bahay namin. At hindi din naman ako papaya
dahil baka iligaw pa ko nito pag ganitong sinusungitan niya ako.

“Hahatid mo o hahatid mo?” Pag offer ni Nate ng choices sa kanya.

“Tss. Fine.” Sagot ni Enzo sa kanya bago padabog na sumakay sa kotse niya.
Ako naman yung tumangging sumabay sa kanya. “Ah Nate wag na, magtataxi na lang
talaga ako. Baka magbakbakan kami ni Enzo pagsumabay ako sa kanya eh.”

“Babae ka kasi eh, alam mo naman siguro na delikado din pag mag-isa di ba? Kaya
sige na sumabay ka na sa kanya.” Hinawakan pa ni Nate yung balikat ko. My
ghaaaaaad! Payag na ko! “Hindi naman yan nananakit si Enzo, masungit lang talaga.”

*beep*

Napalingon kami sa malakas na busina. Nakita namin si Enzo na nakatingin samin na


parang inip na inip na.

“Sige na nga.” Pagpayag ko na din. Omegash kasi, ang dating lang ni Nate ay concern
siya sakin. Tapos may bonus pang hawak sa balikat! Kahit na magbakbakan pa kami ni
Enzo mamaya ayos lang din.

Hinatid at pinagbuksan pa ako ni Nate ng pinto ng kotse ni Enzo. Mother father


gentleman naman oh! Siya na ang gentleman!

“Dude, pakihatid na lang ah.” Bilin niya kay Enzo. “Ingat kayo.”

“Bbye Nate! Ingat ka din ah!” Paalam ko sa kanya sabay todo kaway pa. Kumakaway
kaway pa ako nung muntik na akong masubsob sa harapan nung kotse. Pesteng Enzo ‘to
bigla biglang inandar yung sasakyan niya! Di man lang mag-ingat!

Inismidan ko na lang yung si Enzo at nanahimik na lang. Bahala siya dyan, kung
hindi lang sa hawak ni Nate sa balikat ko di ako sasabay sa kanya eh! Tsk! Sungit
sungit!

Kinuha ko na lang yung ipod ko sa bag ko at sinaksak ko yun sa tenga ko. Nagplay
ako ng random na kanta at tahimik na nakinig. Kaso sa sobrang cool nung kanta hindi
ko mapigilan na hindi sumabay.

“Yeaaaaah! We’re happy freakin’ feels and lonely at the same time! It’s miserable
ang magical oh yeeeeeah! Tonight to-“ Napatigil ako nung may humila sa earphone ko.

“Do you really have to sing so loud?!” Inis na inis na tanong ni Enzo sakin.

Nagpeace sign lang ako sa kanya at inagaw na ulit yung earphone ko. Sinaksak ko na
ulit yun sa tenga ko at tahimik na lang na nakinig ulit. Kaso pang asar din talaga
yung ipod ko dahil biglang nag empty battery na. Pero hindi ko na lang din inalis
para hindi ko na kailangan makipag usap dito kay Enzo. Mukhang wala naman kaming
matinong pag uusapan eh.

“Hey, which way? Left or right?” Tanong niya bigla sakin sabay lingon.

“Left.”

Tapos tahimik na ulit. Sobrang awkward na wakward pero wala akong planong mauna
magsalita ‘no. Mamaya sungitan na naman ako ng lalaking ‘to.

“Do you have a crush on Nathan?” Tanong niya bigla kaya namilog yung mata ko sa
gulat. Kasi naman bigla bigla siya magtatanong ng ganito eh, at malumanay pa. Gash!
Parang sinapian lang bigla.
“Wala ah!” Deny ko sa kanya. Ayoko ngang umamin! Mamaya idaldal niya pa ‘to kay
Nate eh. Tapos baka mailing sakin yung tao, di pa man din kami ganun kaclose
mauudlot na!

“Denying it won’t make me think that you do.” Napapangisi niyang sagot sakin.

Medyo nagloading sandali yung utak ko. Makaenglish naman kasi ‘to walang pasintabi
eh. “H-ha? Wala nga kasi talaga. Paano mo naman na sabi na meron? Tss. Imbento ka
ah, mamaya maniwala si Nate dyan eh.”

“Tss. Baket?”

Nanlaki ang mata ko tapos naglanding na lang bigla yung kamay ko sa braso niya.
“Hoy! Sinong panget?!”

“Are you deaf?! I said baket! Hahahahaha! Silly!” Tumawa siya ng tumawa habang
napapailing pa. Makatawa siya, samantalang kanina para siyang pinaglihi sa sama ng
loob. Eh anong magagawa ko eh sa panget ang dinig ko?!

“Ewan ko sayo. Wag mo na nga ako kausapin kung hindi ka magtatagalog.” Naiinis kong
sabi sa kanya habang siya tumatawa pa din ng pakonti konti. Tumingin na lang din
ako sa labas para makaiwas dun sa tinatanong niya kanina tungkol kay Nate.

“You know what, I can help you with him.” Seryosong seryoso yung tono ng pagkasabi
niya nun.
Naexcite naman ako tuloy bigla kaya nilingon ko siya. “Talaga?!”

“Gotcha panget! Hahahahaha!” Tumawa na naman siya. Noong una hindi ko magets kung
anong pinagtatawanan niy pero nung narealize ko yung naging reaksyon ko sa sinabi
niya, napafacepalm na lang ako.

“I knew you it! You really do have a crush on him! Hahahahaha!”

Buking na ako!

Lolol! Nagbubuild up ako ditoooo! Hahahaha. <3

=================

Chapter Fifteen

Perfect Mistake Chapter Fifteen

*Sophia’s POV*

 
“Haaaay! Nakahinga na din ng maayos at maluwag! Ang sarap sa feeling.” Painat inat
ko pang sabi nung makaupo ako sa isang dito sa garden, halos katabi na nga pool.

“Good job! I saw your designs kanina bago ka umalis. They we’re all good!” Bati
sakin ni Ate Zea na nagbabasa ng magazine. Mukhang wala yata siyang trabaho ngayon
sa boutique niya.

“Thank you Ate, nainspire kasi talaga ako sa designs mo. Ilang araw ko din yun
pinagpuyatan pero nasulit naman dahil ang taas ng grade ko!” Tuwang tuwa ko pa din
na binalita sa kanya.

“You know what Soph? I think we deserve a day out.” Nakangiting tanong ni Ate Zea.

“Saan naman po tayo pupunta?”

“Spa tayo! Girl bonding lang.” Excited niyang sabi.

Tumango naman ako.

*
“Haaaaay. Nakakarelax.” Narinig kong sabi ni Ate Zea habang nagpapabody massage
kami.

“Ate, nagpaalam po ba sayo si Dylan kung saan siya pupunta?” Tanong ko sa kanya
habang nakadapa at nagrerelax.

“Ha? Bakit? Hindi nagpaalam sayo?” Tanong niya.

Umiling ako pero narealize ko na hindi nga pala ako nakikita ni Ate Zea. “Hindi po
eh.”

“Ah baka naman kasama lang niya sila Nate. Hayaan mo nay un para wala tayong
istorbo sa girl bonding. Hihi!”

Napanguso na lang ako sa sagot ni Ate Zea. Pagkagising ko kasi wala na kaagad si
Dylan. Hindi naman siya nagsabi kagabi na maaga pala siya aalis. Wala ding note o
kung anong letter. Nanggaling na ako sa Hillsdale pero wala naman yung sasakyan
niya dun. Tapos buong maghapon pa siyang hindi nagtetext. Ayoko naman mauna
magtanong kung nasaan siya dahil baka isipin niya na napakahigpit ko sa kanya e
hindi pa naman kami. Hay, sana naman kasi kahit isang text lang eh.

“Ang sarap magpamassage di ba? Nakaidlip ka din ba?” Tanong ni Ate Zea habang
nagpapafootspa kami. Parang royalty treatment nga kami sa salon at spa na ‘to eh,
siguradong mahal ‘to.

“Opo. Sobrang nakakarelax, nawala lahat ng stress ko.” Maigsi kong sagot kay Ate
Zea sabay sulyap sa cellphone kong hawak.

“Oh what’s wrong?” Mukhang napansin ni Ate Zea na wala ako sa mood.

Sumeryoso ako. “Hindi po kasi nagtetext si Dylan simula pa kaninang umaga eh.”

Ngumiti lang ng tipid si Ate Zea. “Miss mo ‘na?”

Tumango ako ng konti. “Sanay po kasi ako na nagtetext siya kahit busy siya para
kamustahin ako, o kaya naman para magsabi kung nasaan siya. Kaso ngayon po kahit
blank message wala eh.”

Hinawakan ako ni Ate Zea sa balikat at tinapik tapik. “Baka naman may importante
lang na pinagkakaabalahan. Hayaan mo na, sigurado namang magkikita kayo mamaya.”

Napanguso na lang ako. Ano naman kayang importanteng pagkakaabalahan niya? Wala pa
namang pasok. Ayst!

*
“Someday we’ll know.... Lalalalala... Someday we’ll know. Lalalalalalala! Hahahaha.
Di ko alam yung buong lyrics eh!” Natatawang sabi ni Ate Zea habang nagdridrive.

Natawa din tuloy ako sa pagkanta niya. Pauwi na kami ngayon galing sa spa, gabi na
din nga eh. Pero nagsnacks naman kami ni Ate Zea kanina kaya pakiramdam ko busog pa
din ako.

Nagtaka ako nung sa ibang way kami biglang dumaan. “Hala Ate?! Bakit ka lumiko eh
ibang daan ‘to?”

Ngumiti lang ng malapad si Ate Zea saka sumagot. “May daan din dito, medyo mas
malayo ng konti.”

“Huh? Eh bakit dito tayo dumaan Ate kung mas malayo pala ‘to?” Nagtataka ko pa ding
tanong.

“Joyride lang!” Sabi ni Ate Zea sabay tawa ng mahina.

Ang weird niya ngayong araw eh. Ang labo talaga. Pero atleast naoccupy ang maghapon
ko at hindi ako gaanong nainip sa pagpaparamdam ni Dylan. Bahala na lang siya kung
ayaw niya ako itext. Psh!
*

“Hala! Bakit wala tayong ilaw? Naputulan ba tayo ng kuryente?” Tanong ko kaagad
pagkahinto ng kotse ni Ate Zea sa tapat ng bahay nila. Kasi naman lahat ng mga
kapitbahay maliwanag naman.

“Ano ka ba Soph. Kakabayad ko lang ng electric bill kahapon.” Natatawang sagot ni


Ate Zea sakin. Hindi ba man lang siya nagtataka?

“E Ate bakit walang ilaw? Baka may magnanakaw sa loob!” Kinakabahan kong sabi pero
tumawa lang si Ate.

“Hindi makakalusot ang mga magnanakaw sa security ng village.” Kampanteng sagot


niya.

“Eh bakit parang walang katao tao sa loob?” Tanong ko pa din. Nakakapagtaka kasi
talaga. Nandyan naman sila Manang Emmy kanina bago kami umalis eh.

“Pasok na.” Nakangiti pa ding sabi ni Ate sabay dahan dahan akong tinutulak papasok
ng gate.

“Eh! Ate ayoko pumasok! Baka mamaya may kung ano sa loob eh. Ang dilim dilim pa
naman!” Takot kong sagot sabay tago sa likod niya.

Natawa naman lalo si Ate. “Wag paranoid Sophia, syempre papabayaan ba kitang
mapahamak. Basta pumasok ka lang sa loob akong bahala sayo.”
Binuksan na niya yung gate pero ako lang yung pumasok sa loob. Ang dilim dilim
talaga kasi walang kahit anong ilaw ang bukas. Mabuti na lang medyo maliwanag yung
buwan kaya kahit papano may naaaninag pa din ako. Dumeretso ako sa may front door.
Pipihitin ko na sana yung doorknob nung may nakita akong umiilaw sa mga damo. Doon
banda sa daanan papunta sa garden at pool sa likod ng bahay. Dahil sa kacuriousan
ko nilapitan ko yung ilaw, kandila pala. Nagtataka naman tuloy ako lalo kung sino
bang nag iwan ng kandila dito? Di nga kaya brown out lang? Ay hindi, may ilaw nga
pala yung mga kapitbahay. Imposible din naman na naputulan ng kuryente dahil ang
yaman naman nila.

Iginala ko pa yung paningin ko at doon ko na napansin na may kandila pa sa di


kalayuan. Pinuntahan ko na naman yun hanggang sa may nakita pa akong isa pang
kandila. Nagtaka na naman ako lalo. Earth hour ba o nagtitipid lang sila sa
kuryente?

Sinundan ko na lang yung kandila , napansin ko na parang trail yung mga kandila
kaya sinundan ko lang ng sinundan. Hanggang sa nakarating ako sa likod ng bahay, sa
may garden. Hindi ko pa man din nakikita yung buong lugar, may nagtakip na kaagad
ng mata ko.

“Anong nakikita mo?” Bulong nung nagtakip sa mata ko. Alam na alam ko kung kaninong
boses yun.

“M-madilim.” Kinakabahan kong sagot.

Naramdam kong inilapit niya yung bibig niya sa tenga ko bago nagsalita. “That’s how
dark my life was before you came.”

Lumundag yung puso ko sa mga salitang yun.


“Close your eyes.” Bulong niya kaya sinunod ko din naman.

Naramdaman kong nawala na yung pagtakip niya sa mata ko at umalis din siya sa
likuran ko. Hindi naman ako natakot kasi alam ko nandya lang naman din siya.
Naghintay lang ulit ako.

Hanggang sa hinawakan niya yung kamay ko at nagsalita ulit. “Now open your eyes.”

Halos mabulag ako kasi biglang lumiwanag yung paligid. Galing yung mata ko sa
madilim tapos biglang maliwanag. Doon ko lang nakita yung naging itsura ng garden.

Sa may pool may floating candles at roses. Yung mini gazebo punong puno ng madaming
bulaklak at ilaw, sobrang punong puno talaga. Tapos yung ibang mga puno may
nakasabit na lights.

“Ngayon baby ko, ganito na kaliwanag yung buhay ko. Ganito na kasaya. Simula nung
dumating ka, nung dumating kayo.” Hinawakan niya saglit yung tyan ko.

Hindi ko alam kung anong pwersa ang nagtulak sakin para biglang yakapin si Dylan at
sumubsob sa dibdib niya. “Nakakainis ka alam mo yun?”

Naramdaman ko yung kamay niyang yumakap din sakin. “Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?”
Umiling ako habang nakasubsob sa dibdib niya. “Hindi ko lang nagustuhan. Gustong
gusto ko Dylan. Sobra.”

Narinig kong natawa siya ng mahina bago niya ako iharap sa kanya. “Oh bakit ka
umiiyak?” Nag-aalala niyang tanong habang pinupunasan yung luha ko.

Nagulat din ako sa tanong niya dahil hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Umiiyak na ako sa sobrang tuwa. “Ikaw kasi eh! Hindi ka man lang nagpaalam sakin
kaninang umaga tapos maghapon ka pang hindi nagtetext. Tapos dapat galit ako sa’yo
pag uwi ko pero sinurprise mo ako.” Napapanguso kong sabi sa kanya. Yung inis ko sa
kanya maghapon nawala bigla.

“Sindya ko talagang wag magtext dahil baka maexcite ako at pauwiin na kita kaagad
kahit hindi pa tapos ‘tong surprise ko sayo.” Ipinatong niya yung noo niya sa noo
ko. Halos magtouch na din yung ilong namin.

“I love you Sophia. Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula, kung ano ang
dahilan at kung bakit pero ang alam ko lang mahal kita. Noon iniisip ko na dahil
lang sa baby kaya ako naging concern sayo, akala ko noon dala lang ‘to ng
pagkaguilty ko kaya pakiramdam ko gusto kitang alagaan pero mali pala ako. Hindi ko
pala kayang makita na hawak na iba. Napakaselfish man pakinggan pero gusto ko sa
akin ka lang. Kahit araw araw mo akong sigawan hindi ako magsasawa sa boses mo.
Kahit magkapasa at bukol ako sa mga palo mo tatanggapin ko. Kahit gabi gabi sa
sahig mo ako patulugin ayos lang yun, basta alam ko pag gising ko kasama pa din
kita. Sungitan mo man ako o pagtripan mahal pa din kita Sophia. Hindi na magbabago
yun. Ngayon nagpapasalamat ako sa nangyari satin noon kasi kung hindi, hindi kayo
dadating ni baby sa buhay ko. You both make my life worth living for. You are the
one I want to spend the rest of my life with Sophia. I love you.”

Hindi ko na napigilan yung pagbaha ng luha ko habang nakangiti ko siyang


tinitignan. Hindi ko inakala na kahit kailan magiging ganito yung relasyon namin ni
Dylan. Hindi ko inakala na mamahalin ko din siya.

“Stop crying baby. I love you so much, always keep that in mind.” Sabi niya habang
hawak ng dalawang kamay niya yung magkabilang pisngi ko at nakapatong pa din yung
noo niya sa noo ko.

Pinikit ko yung mata ko bago sabihin yung mga salitang kanina ko pa gusting sabihin
sa kanya. “I love you too Dylan. I love you so much.”

“A-anong sabi mo?” Gulat na gulat niyang tanong habang hawak pa din yung pinsgi ko.

Natawa ako sa naging reaksyon niya. “Ha? Wala kaya akong sinabi!”

“Baby naman eh!” Maktol niya pero todo pa din naman yung ngiti niya.

“Sabi ko I love you! I love you Dylan Zayn Elizalde! Kahit madalas mo akong asarin
at pikunin mahal na mahal din kita. Kaya dahil mahal kita, sa sahig ka matutulog
mamaya!” Biro ko pa sa kanya.

Ngumuso naman siya bigla kaya natawa ako. “Joke lang baby! I’m more than willing to
spend the rest of my life with you. I love you Dylan. I love you too.”

Pagkasabi ko nun kay Dylan hinalikan niya ako kaagad, our first kiss as a real
couple. This is something I will cherish forever. It was a long but very romantic
kiss, no lust just pure love.

Naramdaman kong hinawakan niya yung likod ng ulo ko para alalayan ako. I also felt
him smile in between our kisses.
Hindi pa kami titigil kung hindi ko lang naramdaman na basang basa na kami parehas.
Akala ko noong una umuulan, pero yun pala bumukas lang yung sprinklers.

“Dy! Halika na sa loob! Basa na tayo oh!” Aya ko kay Dylan habang hila hila ko yung
kamay niya. Bakit ba kasi biglang nag on ang sprinklers dito? Alam ko tuwing hapon
‘to bumubukas eh.

“Hahaha! Basa na din naman tayo baby!” Hinila niya din ako pabalik sa kanya at
niyakap ako sa bewang. “Hindi ba sabi ng iba romantic daw ang kiss habang umuulan?
Eh kaso mukhang hindi naman uulan ngayong gabi kaya pinabuksan ko yung sprinklers.”

Tumawa ako sa sinabi niya at napalo siya sa braso. “Puro ka talaga kalokohan. Ayan
nabasa tuloy tayo.” Sabi ko sa kanya habang patuloy pa din kaming nababasa dahil sa
tubig galing sa sprinklers.

“Sweet naman.” Sabi niya sabay halik na naman sakin.

For the second time today, we kissed. We kissed under a fake rain. But I’m much
sure that what we feel is absolutely real.

 -

Guys, posible bang kiligin ka sa sarili mong gawa? hahahaha. sorry naman kasi e ang
hopeless romantic ko lang. lol. 

any reactions? official na ang Sophilan! <3

=================

Chapter Sixteen

Author's Note: 
WOOOOO!! Happy 3rd Month samin ni Watty mylove! *Sabog Confetti* 

Perfect Mistake Chapter Sixteen

*Zea’s POV*

Kinikilig ako! Sobrang kinikilig ako habang pinapanood si Dylan at si Sophia na


nagkikiss habang basa sila ng sprinklers. It was so romantic! Hindi ko tuloy
maiwasan na hindi mainggit. Kasi naman eh. Idea lahat ni Brix yung ganito kasi
hindi talaga marunong manligaw si Dylan, puro pambababae lang ang alam niya before.
Pero super happy ako na marunong na siya sumeryoso ngayon. Kahit magkakababy na
sila ni Sophia para pa din siyang nanliligaw. Haaaaaay.

Pinagday off ko na din lahat sila Manang para walang istorbo dun sa pagpapakasweet
nung dalawa. Hihi!

*bzzzt bzzzt*

Napanguso naman ako nung nagvibrate yung phone ko, istorbo naman kasi pinapanood ko
pa nga yung dalawa eh.

Incoming Call...

BEErix. Ü
 

Si Brix. I answered the phone quickly. “What now?”

“Zee, anong nangyari? Ayos ba yung plano ko?” Tanong niya mula sa kabilang linya.
Tinignan ko ulit sila Dylan at Sophia. Mukhang masayang masaya naman silang dalawa
pero parang gusto ko yatang pagtripan muna si Brix.

“Brix Zyron Montez, palpak yung plano mo! Badtrip tuloy si Sophia, magkaaway sila
ni Dy.” Kunwari seryoso kong sagot sa kanya sa phone pero nagpipigil na talaga ako
ng tawa.

Biglang lumakas yung boses niya. “Ha?! Bakit? Anong palpak?” Mukhang worried niyang
tanong. Lalo tuloy akong nagpigil ng tawa ko.

Nag imbento ako. “Ano kasi yung lights hindi naman lahat umilaw tapos yung flowers
nalanta na siya agad. And then yung candles sa pool hindi naman nagfloat eh,
lumubog lang sila.”

“Tsk. Sige pupunta ako ngayon dyan, kukunin ko lang yung-“

“Pffffft! Hahahahahaha!” Hindi ko na napigil yung tawa ko kasi naman yung tono ng
salita ni Brix from the other line parang guilty na guilty siya.

“Bakit ka tumatawa?” Nagtataka naman niyang tanong.


“I was just kidding you! Hahahaha. Okay yung dalawa, ang sweet nga nila.” Napangiti
ako sa sinabi ko nung nakita ko pa din yung dalawa na sweet na naghaharutan sa
baba.

“Tss! Kala ko palpak na naman ako eh. Oh ano? Sa tingin mo ba sila na?” He sounded
relieved.

Nagtaka naman ako sa tinanong niya kaya bigla akong napakunot. “What do you mean
silly? Sila naman talaga di ba? Magkakababy na nga sila eh!”

“A-ah! Hahahaha! Oo nga pala.” Alam ko naman na fake na fake yung tawa niya. Nag-
uulyanin nab a si Brix at nakalimutan niyang may relasyon na yung dalawa? "Kasi
naman si Dy parang nanliligaw pa din kung manuyo.” Tuloy niya. Napatango na lang
ako. Sabagay, kung hindi ko nga siguro alam na sila na iisipin ko nanliligaw si Dy
kay Soph.

“Yeah, buti pa nga si Dylan.” I sighed. Hindi naman sa pinaparinggan ko si Brix


pero parang ganun na din. Kakainis kasi eh. Once in a blue moon lang yata maging
sweet si Brix, minsan parang pilit pa. Bwisit naman!

“Nagpaparinig ka ba Zee? Hahaha!” Tinatawanan niya pa ako. “Hindi ka naman


nagsasabi na gusto mo pala ng ganyan eh.”

“Psh. Feeling mo Brix? Bahala ka nga dyan, matutulog na ko.” Hindi ko na siya
hinintay sumagot at pinutol ko na yung linya. Nakakaasar kasi talaga siya!

Nakakabwisit talaga ang fishy na yun. Syempre gusto ko din ng surprises gaya ng
ginawa ni Dylan kay Sophia. I mean, sino bang babae ang ayaw ng surprises? Pero
kasi gusto naman yung siya yung kusang makakaisip hindi yung gagawin niya lang
dahil sinabi ko. Alangan naman sabihin ko sa kanya na “Brix, isurprsie mo naman ako
oh”, tapos pagnandyan na yung moment magkukunwari akong surprise? Hindi ba parang
tanga naman yata ako nun? Isa pa hindi na matatawag na surprise yun at hindi ko din
machecherish ang moment na yun. Hay.

Napahiga na lang ako sa kama ko. Bakit nga ba kasi ako nag eexpect na may gawin
siyang something surprising or sweet para sakin e wala naman kaming relationship?
Kung ano man klaseng relationship ang meron kami hindi ko din alam. Minsan lang
sweet kami, sobrang minsan lang dahil most of the time naiinis ako sa kanya.
Lumlabas lang kasi ang sweetness niya pag matagal niya akong hindi nakikita. Parang
hindi naman nag iimprove yung relationship namin eh. Siguro kung nag iimprove man,
mas malala pa sa pagong ang bagal.

Napatakip na lang ako ng comforter sa mukha ko, mukhang wala ng ibabagal pa yung
relationship namin ni Brix.

“Kinikilig pa din ako talaga kagabi Soph. Super sweet niyo, I saw you guys from my
window! Hihi.”

Kinikilig ko pa ding sabi kay Sophia habang inaasar ko na din siya. Tuwing naaalala
ko kasi hindi ko mapigilan, first time ko yata nakitang nag effort ng sobra yung
kapatid ko. Lalo pa nakita ko na ang ganda parehas ng ngiti nila nung nagbreakfast
kami.

“Ate naman.” Nahihiyang sabi ni Sophia habang namumula yung cheeks niya. Ang cute
cute!

“Okay hindi na.” Pagtigil ko na sa pag aasar ko sa kanya. “Anong oras dwa uuwi si
Dylan from school?”
Nagshrug lang si Sophia. “Hindi daw po niya sure, depende daw po sa dami ng mag
eenroll din ngayon.”

Enrollment na nga pala kasi ulit for their second semester pero hindi na namin
pinayagan pumasok si Sophia sa school kasi for sure mahihirapan na siya at baka
she’ll give birth na before the end of the semester.

“Zea, masy bisita kayo.” Sabi ni Manang Emmy nung pumasok siya galing sa labas.
Kasunod naman niya yung bestfriend ni Sophia.

“Hello po!” Bati agad samin ni Janna pagpasok niya.

“Hi!” Bati ko din sa kanya. Natutuwa talaga ako sa kanilang dalawa ni Sophia, ang
cute kasi nila. Gusto ko kasi noon magkaroon ng kapatid na babae, noong bata pa nga
kami ni Dylan pinipilit ko siyang gawing babae. Buti na lang hindi nabakla yung
kapatid ko.

“Oh sissy, nag enroll ka na ba?” Tanong ni Sophia sa kanya.

Tumango naman si Janna. “Oo grabe, sobrang daming tao kanina. Pinagsabay sabay kasi
yung enrollment ng Engineering, FD at Nursing. Nakita ko nga si Dylan kanina sa
registrar’s office.”

“Okay lang yan, last semester niyo naman na di ba?” Tanong ko sa kanilang dalawa.
Sa pagkakaalam ko 4th year na din naman sila.
“Opo.” Sabay nilang sagot sakin.

“Ate, aakyat lang po kami sa taas.” Paalam ni Sophia sakin. Magbobonding siguro ang
dalawang ‘to.

“Oh sure, gusto niyo ng merienda?” Tanong ko sa kanila. Bago pa man sila makasagot
nagsalita na si Manang Emmy.

“Nagluto ako ng merienda, aakyatan ko na lang kayo doon.”

“Thank you po. Akyat po muna kami ah.” Paalam ulit ni Sophia kaya tumango na lang
ako sa kanilang dalawa.

“Zea, magmemerienda ka na din ba?” Tanong ni Manang Emmy sakin.

“Manang, ako na po magdadala ng merienda sa taas. Sasabayan ko na yung dalawa sa


taas.” Sagot ko. Gusto ko din naman kasi makakwentuhan sila Janna at Sophia. Yung
mga friends ko kasi at classmates noon, busy na din sa kanya kanyang business kaya
we rarely go out.

Tumango lang si Manang bago pumunta sa kusina. Naiwanan ako dito sa sala habang
nagbabasa ng importanteng e-mails nung nagvibrate ang phone ko.
1 new message received

Binuksan ko kaadan yun dahil baka importante o isa sa mga clients ko pero hindi
pala.

Message: Nasan ka? Dinner tayo mamaya?

Sender: BEErix. Ü

Psh. Anong nakain nito at bigla bigla na lang mag-aaya ng dinner? Akala niya ba
mababawasan ang inis ko sa kanya dahil sa pag-aya niya sakin? No way! Naiinis pa
din siya, hindi ko siya rereplayan.

Tinuloy ko na lang yung pagchecheck ng e-mails ko nung nagvibrate ulit yung phone
ko kaya agad ko din binasa yung message.

Message: Message me back kung anong oras kita susunduin.

Sender: BEErix. Ü

My mouth dropped open. Susunduin ako? Seryoso ba ‘to? Bakit ba nagpapakaboyfriend


siya bigla bigla? At sinong nagsabi sa kanya na payag na ako sa dinner na yun?
Kahit inis na inis ako nagtype pa din ako ng reply. Ayoko naman na bigla siyang
pumunta dito kahit na hindi naman ako pumayag.

Recipient: BEErix. Ü

Message: Can’t. I’m busy.


 

Tinipid ko lang yung reply ko para naman malaman niya na naiinis pa din ako sa
kanya kahit na sa totoo lang hindi ko nga din alam kung bakit ako naiinis sa kanya
simula pa kagabi. Dahil ba kasi naiinggit ako sa relationship nila Dylan? Dahil ba
wala akong nakikitang sweetness at effort masyado kay Brix?

Hinintay ko pa siyang magreply kaso ang tagal kaya binalik ko na lang yung atensyon
ko sa pagcheck ng e-mails ko.

“Zea, ikaw na ba ang mag aakyat sa kanila nito?” tanong ni Manang Emmy habang hawak
yung tray ng merienda.

Tumango ako at kinuha sa kanya yung tray, hindi naman mabigat na mabigat kaya ako
na lang siguro ang mag aakyat. “Ako na po bahala.”

Ngumiti lang sakin si Manang kaya binitbit ko na yung tray paakyat. Sigurado akong
nasa terrace sa tabi ng theater room nag kwekwentuhan yung dalawa kaya doon na ako
dumeretso. Papaliko na sana ako nung narinig ko silang nag uusap.

“Sinagot mo na talaga siya kagabi?” Narinig kong sabi ni Janna. I’m so sure na
boses nga ni Janna yun.

“Oo! Sobrang nasurprise na kasi talaga ako sa ginawa niya. Hindi ko talaga inakala
kaya sinagot ko na siya.” Narinig kong sagot ni Sophia. Napakunot ako ng noo, are
they talking about my brother? Sinagot? Kagabi? Naguguluhan ako sa sinasabi nila.

“Gosh! Kinikilig ako, atleast ngayon totohanan na kayo. Hindi niyo na kailangan mag
sinungaling sa mga tao.” Sagot ulit ni Janna na parang kinikilig nga siya talaga.
Napako ako sa kinatatayuan ko. So all this time ba nagpapanggap lang sila ng
kapatid ko? Wala silang relasyon talaga?

“Oo nga eh. Nakakaguilty kasi talaga magpanggap na may relasyon kami para lang
walang masabi ang mga tao dahil sa hindi sadyang pagbubuntis ko. Mabuti na ngayon
totoong may relasyon na talaga kami.”

Nagulat ako sa lahat ng sinabi ni Sophia. Hindi sadyang pagbubuntis?


Nagsisinungaling? Meaning nagpanggap lang sila dahil sa baby at wala talaga silang
relasyon before? Masyadong nakakagulat lahat ng revelations na narinig ko kaya
hindi ko sadyang nabitawan yung tray na hawak ko.

Pupulutin ko pa sana yung mga nabasag kaso narinig kong papasok na galing sa
terrace sila Sophia kaya nagmamadali na akong bumaba.

“Ate?!” Naabutan ako ni Sophia na nakatalikod at pababa na sana sa hagdan.

I wasn’t able to face them both dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko sa
kanila. I would be a hypocrite if I would deny na hindi ako nagalit sa ginawa nila.
Of course I am, they lied to me.

“H-h’wag niyo na ligpitin yan. Ipapaligpit ko na lang.” Sabi ko sa kanila. Instead


na bumaba ako pumunta na lang ako sa kwarto ko para kuhanin yung bag ko at
nagmamadaling bumaba.

“May nabasag sa taas, pakiligpit na lang please. Salamat.” Bilin ko dun sa bagong
kasambahay namin bago ako lumabas sa front door at dumeretso sa kotse ko.
*

Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at pumunta ako sa bar. Hindi naman kasi ako
palainom at hindi naman ako problemado para pumunta dito. Siguro gusto ko lang
isort out lahat ng narinig at nalaman ko kanina. Parang hindi ko pa kasi maabsorb
lahat dahil sa mga pinakita naman nila sakin hindi ako nagduda na fake lang yung
relationship nila eh. Sa nakita ko kasi sa kanila, all their smiles, their gestures
and sweetness were real.

Kinuha ko yung phone ko sa bag at agad idinial ang number ni Brix.

“Hello Zee?”

“Nandito ako sa Black Griffin, pumunta ka na lang dito.” Sabi ko sa kanya. Tutal
nag aaya lang din naman siya ng dinner kanina, ibig sabihin lang nun hindi siya
busy.

“Okay. I’ll be there in ten minutes.” Sagot niya lang din kaya pinutol ko na yung
linya.

Ininom ko na lang yung cocktail na inorder ko habang nag iisip isip. Galit ako dun
sa dalawa dahil lang hindi nila sinabi sakin. Pero naiintindihan ko din naman sila
kung nagsinungaling sila sakin. Lalo pa hindi pala sadya yung baby. Siguro
nagtatampo lang din ako kasi pati sakin naglihim sila, lalo na si Dylan. Pero
matatanggap ko pa din naman yung baby na yun kahit hindi sadya. Syempre pamangkin
ko din yun. Yun lang naman ang major concern ko eh, pati na din siguro nagulat
talaga ako kaya naging ganun ang reaksyon ko kanina.
Not later than 10 minutes dumating na din kaagad si Brix.

“Akala ko busy ka? Bakit nandito ka sa bar?” Tanong kaagad niya pagdating niya.

Inirapan ko siya. “Bawal ba kong pumunta sa bar?”

“Tinatanong ko lang. Hindi ka naman mahilig pumunta dito. May problema ka ba?”

Nung hinarap ko si Brix may bigla akong naalala na tinanong niya kagabi.

Oh ano? Sa tingin mo ba sila na?

Those words! Akala ko nag uulyanin lang si Brix dahil sa sinabi niya kagabi yun
pala nadulas na siya tungkol sa totoong estado ng relationship nila Dylan.
Pinaningkitan ko tuloy siya ng mata at nahamapas ko yung shoulder bag ko sa kanya.

“Umamin ka unggoy ka, may alam ka tungkol sa kanila?”

Nagulat naman siya dahil hindi siya nakaiwas sa pagpalo ko sa kanya ng shoulder bag
ko. “Kanino naman?”

Pinalo ko na naman tuloy siya. Nakakainis kasi. “Kila Dylan at Sophia! About their
fake relationship!”
Napakamot siya ng batok niya, mannerism niya yun pag may alam siya pero ayaw niya
lang magsabi. Nainis tuloy ako lalo at pinagpapalo ko siya ng kamay ko. “How dare
you?! May alam ka pala hindi ka man lang nagsabi sakin?! Sa’yo sinabi nila pero
sakin nagsinungaling sila! Tapos ikaw hindi mo din sinabi sakin! You freak!”

“Aray! Aray naman Zee!” Sabi niya habang umiilag sa mga palo ko. Naiinis talaga ako
sa kanya. Hinayaan niya akong walang alam, lagi pa naman kaming magkakasama nila
Dylan lately dahil nga tinutulungan niya si Dylan sa surprises. Todo sakay pa siya
sa pagpanggap nung dalawa. Nakakasar siya. “Sandali! Awat naman. Paano ako
makakapag explain?!”

Tinigil ko na yung pagpalo sa kanya at nagcross arms ako. “Sige, magpalusot ka na


bago kita palu-paluin ulit.”

“Kasi nga natatakot yung dalawa na baka hindi ko matanggap si Sophia at yung baby
pag nalaman mong wala naman silang relasyon. Pinakiusapan din kami ni Dylan na wag
daw sabihin sayo, siya na daw bahala.”

Napasimangot naman akong sumagot kay Brix. “Hindi mangyayari yan. Syempre
matatanggap ko pa din yung baby kasi anak ng kapatid ko yun eh. Tapos si Sophia,
kahit sa tingin ko wala silang relasyon hanggang ngayon magugustuhan ko pa din
siya. Kasi sweet siyang babae at alam kong magiging mabait din siyang mommy in the
near future, matagal tagal ko na din siyang nakakasama sa bahay pero wala siyang
pinakitang masama saming lahat. Pati nga si Manang Emmy gusting gusto siya, pati sa
maids mabait siya. Walang reason para hindi ko tanggapin si Sophia at yung baby.”

“Yun naman pala eh. Tanggap mo naman pala, bakit ka nakasimangot dyan?” Grabe. Slow
ba ‘to at hindi niya nagets yung sinabi ko? Oh hindi na naman nakikinig ‘to?

“Pwede naman siguro akong magtampo sa kanilang dalawa sa hindi nila pagsabi sa’kin
di ba?” Seryoso kong tanong sa kanya but he just shrugged. Wow, yun lang ang
reaksyon niya? Nakakainit ng ulo ah! Pinapunta ko nga siya sa bar para may makausap
ako tapos parang wala naman akong nakukuhang matinong mga sagot galing sa kanya.
Sana pala si Enzo na lang ang kinausap ko.

“Hayaan mo na sila Zee, atleast ngayon totoo na yung relasyon nila. Hindi na sila
nagpapanggap di ba? Wag mo na sila problemahin, sarili mo na lang lovelife ang
ayusin mo.” Sabi niya pa bago uminom ng kung anong drink na inorder niya.

Napanganga ako. Ako? Ako pa ang mag aayos sa sarili kong lovelife? Ako ba ang
lalaki saming dalawa para ako ang gumawa ng move? Unbelievable! Ano bang nagustuhan
ko sa kanya? Minsan naiisip ko baka ginayuma niya lang ako. Tinititigan ko lang
siya habang sa utak ko tinototrture ko na siya.

“Oh makatitig ka naman, baka matunaw ako.” Pang aasar niya sakin tapos ngumiti pa
siya. Ang conceited talaga ng lalaking ‘to kahit kelan. Inirapan ko na lang ulit
siya pero sa utak ko gusto ko na ipalo sa kanya yung baso na hawak niya. Nagiging
brutal talaga ako magi sip pag kasama ko si Brix, parati niya kasi akong iniinis
eh.

“Hindi mo ba ako namiss Zee?” Inakbayan niya pa ako pero inalis ko din kaagad yun.

“Miss? Why would I? Pwede ba Brix wag mo na akong pagtripan.” Wala sa mood ko ng
sagot sa kanya. Namiss ko din naman siya talag, kaso ayoko aminin. Alam ko kasing
aasarin niya lang ako.

“Umamin ka na. Parehas naman nating namimiss ang isa’t-isa.” Inakbayan niya ako
ulit pero this time hindi ko nay un inalis. Hinayaan ko na lang siya. Bakit ba
ganito bigla si Brix? Gusto ko sana yung thought na sweet siya pero bakit parang
hindi ko maimagine? Parang nakakasuka dahil hindi ako sanay.

“Ayaw mo pa umamin dyan bahala ka.” Sabi niya sabay yakap sakin. Hindi ko alam kung
bakit hindi ko siya tinulak, o sinamapal o pinalo. Hindi ko siya niyakap pero at
the same time hindi ko din siya tinulak palayo sa’kin gaya ng madalas kong ginagawa
sa kanya. Until, unti unti ko na lang din siya niyakap. I fell for his trap. Asar!

Humiwalay din naman ako agad sa pagyakap ko sa kanya at muntik ko na siya masampal
sa gulat dahil sa susunod niyang sinabi.

“Pakasal na tayo.”

Ha?! Kasal?! Sakalin ko siya gusto kaya niya?! Nahihibang na ba siya talaga?!

“Okay ka lang?! Ni hindi mo ako niligawan, hindi kita sinagot tapos sasabihin mo
magpakasal tayo?! Sipain kaya kita?!!” Gulat na gulat kong tanong sa kanya.
Napalakas pa ng konti yung boses ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung pinagtritripan na naman niya ako. Malaman ko lang na inaasar
niya lang ako tutusukin ko talaga ang mata niya!

“Hindi na uso sa’tin ang ligaw! 22 na tayo ah, hindi na tayo teenagers. Saka para
naman na din kitang niligawan nung nasa Florence ka.” Pagpapalusot na naman niya.

What’s wrong in being 22? Hindi pa naman yun matanda para manligaw at magpaligaw.
May mga iba ngang halos senior citizens na pero nagliligawan pa din. Makaisip lang
talaga ng palusot oh. Pati yung nasa Florence ako, macoconsider na bang panliligaw
ang Skype video calls at e-mails? I don’t think so. Gusto ko kasi kung liligawan
ako yung face to face kami, hindi through internet o mobile whatevers.

“Is that how are you going to propose? Impromptu lang? Wala man lang sweetness!
Bwisit ka talaga eh! Parang nag-aya ka lang na tumambay!” Tinalikuran ko na siya ng
upo kasi baka masabunutan ko na siya sa inis ko. How can you say yes kung ganyan
ang magpropropose sa’yo? Nakakainis hindi ba?!
“Ang demanding mo naman.” Narinig kong reklamo niya kaya dumoble yung pagkaasar ko
sa kanya.

“Kahit naman maging demanding ako wala ka naman napapatunayan eh! You’ve never been
sweet towards me, ever! Hindi ko nga alam ang real score sating dalawa eh! Tapos
all of a sudden mag yayaya ka magpakasal? Are you nuts?!” Sigaw ko na sa kanya. Nag
rant na ako ng lahat ng gusto kong sabihin sa kanya kasi hindi ko na kayang pigilin
yung sarili ko. Naguguluhan na ako kay Brix.

Pero mas maguguluhan pa pala ako nung nagsalita siya.

“I love you Zea, magpakasal na kasi tayo.”

Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. He said he loves me?! Halos malaglag ako sa
inuupuan ko dahil sa sinabi niya sa’kin. Hindi pa siya nagsabi ng I love you sakin
ever. This is the first time, ibig sabihin ba nito seryoso na siya?!

*tbc* 

=================

Chapter Seventeen

Author's Note: 
Dedic for my watty bestfriend. :P

Perfect Mistake Chapter Seventeen

*Sophia’s POV*

“Sissy! Kinakabahan ako, kasalanan ko ‘to!” Kanina pa sinisisi ni Janna yung sarili
niya kaya umalis bigla si Ate Zea.

Inawat ko naman siya sa pagpapanic niya. “Ano ka ba?! Kami ni Dylan ang may
kasalanan nito kasi kami yung nagsinungaling. Maupo ka nga muna please, nahihilo na
ako kakalakad mo.”

Naupo naman si Janna sa upuan na katapat nung sakin pero hindi pa din naman siya
mapakali dahil galaw pa din siya ng galawa. Nandito pa din kasi kami sa may terrace
sa second floor. Malapit na din akong magpanic dahil hindi nagrereply si Dylan sa
text ko, muntik ko na naman makagat yung mga kuko ko sa nerbyos ko.

“Sissy, tawagan mo na kaya? Natetense na ako talaga. Baka hindi na din kita
mapigilan na makagat mo yang daliri mo!” Ninenerbyos na ding sabi ni Janna kaya
tumango ako at kinuha kaagad yung phone ko. Hinanap ko sa contacts yung number ni
Dylan at agad ko siyang tinawagan.

Sandali pa lang nagriring sinagot niya din kaagad. “Baby? Kakabasa ko lang ng text
mo. Bakit? May problema ba sa bahay?”
“Dy umuwi ka na please. Alam na ni Ate yung tungkol sa pagpapanggap natin dati!
Nagpapanic na ako Dylan!” Natataranta ko na talagang sabi sa kanya. Natatakot kasi
ako na magalit si Ate Zea samin dahil sa nagawa naming pagsiinungaling sa kanya.
Sobrang nakakaguilty talaga dahil ang ayos ayos ng trato niya sakin.

“Teka teka baby, wag kang magpanic! Uuwi na ako! Sandali lang, pag uusapan natin
yan sa bahay.” Sabi niya wag daw ako magpapanic eh sa naririnig ko mukhang
nagpapanic din siya.

“Sige, ingat ka ha? Basta bilisan mo umuwi kasi natataranta na ako talaga.” Bilin
ko pa sa kanya ulit.

“Opo eto na, pasakay na sa kotse. I love you baby!” Napangiti naman ako kahit
papano sa huling sinabi niya. Kahit nagmamadali siya hindi niya pa din yun
nakakalimutan.

“I love you too Dy.”

Napalo naman ako ni Janna na nasa tabi ko. “Ay bakla! H’wag niyo na akong pakiligin
natataranta na nga ako dito oh!”

*
“Baby! Ano na? Ano nang nangyari?” Tanong kaagad ni Dylan nung sinalubong namin
siya ni Janna sa sala. Kasama niya pa nga si Enzo.

“Dy kasi narinig niya na nag uusap kami ni Janna tungkol sa fake relationship.
Sorry talaga, hindi ko alam na maririnig niya pala. Napakacareless ko.” Guilty na
guilty kong page explain kay  Dylan.

“Sorry talaga Dylan! Kasalanan ko din eh.” Dagdag ni Janna sa sinabi ko. Nakita ko
naman na kinunutan lang siya ng noo ni Enzo.

“Ano bang sabi ni Ate? Nagalit ba?” Worried na tanong ni Dylan samin.

Umiling kami parehas ni Janna bago ako sumagot. “Parang hindi naman. Kaso nag
aalala ako kasi bigla siyang umalis pagkatapos nun. Kaya hindi ko talaga alam kung
galit siya.”

“I’ll call Brix, baka magkasama sila.” Biglang sabi ni Enzo.

Tumango lang kaming tatlo at tinawagan na nga ni Enzo si Brix, niloud speaker niya
aga nung sinagot ni Brix yung tawag niya.

“Dude, kasama mo ba si Ate?” Tanong kaagad ni Dylan kahit hindi pa nakakasagot si


Brix.

“Oo. Wait hang on, lalayo ako ng konti.” Sabi ni Brix mula sa kabilang linya.
Siguro ayaw niya ipaalam kay Ate Zea na kami yung kausap niya. “Oh bakit?” Salita
niya ulit.
“Alam na ni Ate yung totoo di ba?” Tanong ni Dylan.

Nakitanong na din ako dahil kanina pa ako worried. “Galit ba siya?”

“Chill. Hindi siya galit sa inyo, sabi niya nakakatampo lang daw yung ginawa niyong
pagsisinungaling sa kanya.”

Parang nakahinga kami ng maluwag sa sinabi ni Brix pero hindi pa totally, dahil
nagtatampo naman si Ate Zea. Sigurado masama ang loob niya sa ginawa namin nila
Dylan sa kanya.

“May naisip akong plano para makabawu kayo.” Nagatinginan kaming apat sa sinabi ni
Brix.

“What is it?” Tanong ni Enzo.

“Ganito.......”

*Zea’s POV*

 
 

Inis na inis kong pinark yung sasakyan ko sa garahe at padabog na bumaba ng kotse
ko. Napansin kong may mga ibang kotse pang nakapark, malamang sa mga kaibigan ni
Dylan ‘to. Hindi ko na lang pinansin dahil walang wala na ako sa mood ngayon. Pagod
na ako at inis na inis pa sa Brix na yun. Akalain na inaya akong magdinner sa labas
at pinauna na ako sa isang restaurant dahil parehas naman kaming may dalang kotse,
pagkatapos kung kelan nasa restaurant na ako bigla niyang sasabihin na cancelled na
daw ang dinner. Anong klase tao siya?! Kung tao man siyang bwisit siya! Naasar
talaga ako sa kanya!

Wala naman akong naabutang tao sa sala kaya I assumed na baka nasa terrace o
theater room sila Dylan kaya dumeretso na lang ako sa room ko. Ayoko naman na ako
pa ang mag approach sa kanila, sila ang kinatatampuhan ko eh.

Pagpasok ko naramdaman ko na nagvibrate yung phone ko sa bulsa kaya kinuha ko


kaagad yun at binasa ang message.

Message: Pumunta ka sa rooftop niyo ngayon na.

Sender: BEErix. Ü

Ano na namang klaseng pangtrirtip ‘to? Pagtapos niyang icancel yung dinner namin
bigla niya akong papaakyatin sa rooftop? For what reason? Tumataas talaga ang blood
pressure ko sa lalaki na ‘yun! Hinayaan ko na lang siya ay pinatong ko na lang yung
phone ko sa kama.

Papunta na sana ako sa closet ko para kumuha ng damit bago ako magshower nung
nagvibrate na naman ang cellphone ko.

Incoming Call...
BEErix. Ü

“What do you want?! Mang aasar ka na naman ba? Please Brix quota na ko ngayong
araw.” Inis na inis ko ng sagot sa kanya. Pagod na pagod na ko, madami akong
iniisip kaya wala na akong panahon makipagtrip trip pa sa kanya.

“Umakyat ka dito sa rooftop kasi nandoon ang Mama mo.”

Nanlaki agad yung mata ko sa sinabi niya. Si Mama ko? Nandito? Kaya ba ang daming
kotse sa baba dahil nandito na si Mama? Pero bakit bigla yata? Bakit walang nagsabi
sakin?

“Aakyat ako sa rooftop pero pag wala doon ang Mama ko, swear isusumpa kita.” I said
to him bago ko putulin yung linya. Pag talaga nalaman ko na pinagtritripan na naman
niya ako dadalahin ko siya sa crocodile farm at ipapakain ko siya sa lahat ng
buwaya doon!

Nagmadali akong umakyat sa rooftop dahil kung totoo ngang nandun na si Mama gustong
gusto ko na siyang makita. Miss na miss ko na siya.

Pagakyat ko sa last step binuksan ko na yung glass door papunta sa rooftop pero
halos madapa na ako dahil sa sobrang dilim. Nag-alangan pa akong tumuloy sa labas
dahil sobrang dilim talaga at imposibleng may tao dito. Humanda sakin ang Brix na-

Napatigil ako nung may biglang puting ilaw akong nakita. Parang...parang galing sa
isang emergency flashlight. Wow ah, brown out ba? Naglakad ako hanggang sa
makatapat ako dun sa ilaw tapos may bumukas na namang emergency flashlight. Ano ba
‘to?
Paglakad ko pa ulit may biglang music na tumugtog.

~Lolli Lolli Oh LollipopLolli Lolli Oh Lolli Lollipop

Nah! That’s' not how we do it. ~

Okaaaaaay! Kpop song ba ‘to?

“Dy! Mali!” Narinig kong may nagsalita kaya napalingon ako at tama nga ako boses
nga yun ni Sophia.

“Nasan nab a kasi yun dito?!” Reklamo naman ni Dylan. Nariirnig ko yung mga boses
nila pero hindi ko sila nakikita dahil yung nakakaloka na emergency flashlight lang
ang ilaw.

“Guys! Wag naman kayong maingay.” For sure si Janna naman yun.

“Aish!” Boses ni Enzo yun. Teka? Ano bang ginagawa nung apat na yun? Nakikisali ba
sila sa pantritrip ni Brix sakin?

“Ah eto!” Malakas na sabi ni Dylan kaya napapamewang ako. Hindi na ako natutuwa sa
kalokohan nila ah.
“Hoy Dy-“

(Play song: It might be you by Erik Santos and Marinel Santos))

Bigla pang lumitaw si Brix sa harapan ko na may hawak na isang bouquet ng purple
carnation, yung favorite flower ko. “Can I have this dance?”

Nagfocus saming dalawa yung mga emergency flashlights na akala mo spotlights sila.

Napanganga ako lalo sa tanong niya. Anong? Panong? A-ano ba ‘tong ginagawa niya?

Kahit hindi ako sumagot kinuha niya yung kamay ko at inilagay niya paikot sa leeg
niya habang yung kamay naman niya hinalagay niya sa waist ko. Feeling ko tuloy
nananaginip ako dahil parang first time yata ‘to.

“Naalala mo pa nung Junior Prom hindi kita naisayaw, kasi galit nag alit ka sakin
nun dahil inaya ko yung classmate nating sexy?” Tanong niya sakin. Naaalala ko pa
yun, expected ko kasi ako ang aayain niya dahil ako ang pinakaclose niyang babae
noon pero hindi. Inaya niya yung crush niya, napilitan tuloy akong maging prom date
nung classmate kong may crush naman sakin kahit na ayaw ko naman talaga sumama sa
kanya. “Nung Senior Proms naman hindi ka umattend dahil busy ka na sa pag aasikaso
mo pagpuntang Paris kaya ibang babae tuloy ang prom date ko.” Naalala ko din yung
time na yun, inaayos ko na kasi lahat ng papers ko para makapag aral ako sa Paris.
Pangarap ko kasi talang makapag aral doon ng Fashion Designing kaya mas pinili ko
na lang hindi umattend ng Prom para mag weekend tour sa school na papasukan ko.
“Tapos noong 18th birthday mo naman si Dylan ang escort mo dahil hindi na naman ako
nakasama sa 18 roses mo dahil may dengue ako.” Naalala ko lahat yun. Sana siya ang
escort ko pero naconfine siya dahil sa dengue. Kaya ito ang first time na nakasayaw
ko si Brix. Wala mang okasyon pero eto ang first time.

“First dance natin ‘to Zea. I’m hoping that the second time we dance like this will
be on our wedding day.” Natulala ako sa sinabi niya lalo na noong lumuhod siya sa
harap ko at nag offer ng isang diamond ring na nakalagay sa isang velvet box.

“Sabi mo kasi kung mag-aya ako ng kasal parang tatambay lang tayo so eto na kahit
medyo labag sa loob ko....”

Tinignan ko siya ng masama.

“Binibiro lang kita. Ito na, seryoso na ‘to. Zea, can you please be my wife?” WOW
as in wow talaga. Hindi ko inakala na may mga ganito palang ideas at salita na
tumatakbo sa utak ni Brix.

Medyo teary eyed na ako dahil nagulat talaga ako sa ginawa niya pero nagawa ko pa
din siyang biruin. “Pwede pag isipan ko muna? Mga 3 hours pwede?”

“Basta wag lang 3 years.” Natatawa niyang sagot sakin.

Natawa na din ako. “Yes bee. Kahit na hindi na tayo dumaan sa boyfriend-girlfriend
relationship, I’m willing to marry you kahit na madalas nakakainis ka.”

Sinuot na niya sa daliri ko yung singsing na binili niya. Hindi ko alam kung kailan
pa nasa kanya ang ring na ‘to dahil hindi naman madaling bumili ng engagement rings
na kagaya nito. Could it be that all this time itinatago niya lang ‘to and he’s
just waiting for the right moment?

Tumayo na din siya pagkasuot niya sakin nung engagement ring at niyakap niya ako. 
“I love you Zea.”
“I love you too Brix.”

“Kiss! Kiss!” Biglang lumiwanag yung rooftop at nakita ko sina Dylan, Sophia, Enzo
at Janna na may hawak na emergency flashlights.

“Ayos ba spotlight namin?” Tanong ni Dylan sakin.

“Heh! Sinabi ko na bang bati na tayo?” Pasgususngit ko sa kanya.

“Ate naman! Ang hirap kayang magpakaspotlight!” Reklamo niya kaya natawa ako.

“Hahahaha! Epic nga nung spotlight eh, emergency flashlight lang. Biglaan kasi.”
Tawa din na tawa na sabi ni Sophia. Natawa na din ako sa kanila. Imagine, yung
flashlights na malalaki ginawa nilang spotlight? Hahaha!

“Mukhang nagkakalimutan tayo, ano nga yung sigaw niyo ulit kanina?” Entra naman ni
Brix habang nagtatawanan kami.

“Kiss!” Sigaw naman nung apat.

Inirapan ko lang si Brix bago ko din siya ikiss. All those years, this is the only
thing I waited for Brix to do, to be my fiancé.
-

*tbc*

=================

Chapter Eighteen

Perfect Mistake Chapter Eighteen

*Sophia’s POV*

“Sure ka ba dito?” Sulyap sakin ni Dylan habang nagdridrive.

Tumango ako. “Wala naman akong gagawin at pagkakaabalahan sa bahay eh. Mabuti nang
nandoon ako, hindi ko pa din kasi nakikita yung boutique ni Ate Zea.”

May klase na kasi ulit ngayon at inip na inip na ako sa bahay. Si Dylan parati ng
may pasok dahil last semester na at may mga on the job trainings na sila. Sobrang
busy na niya pati ni Janna kaya naman wala akong nakakasama lagi at sobrang
nakakainip yun.
“Sige, hindi na ako bababa ha? Malalate na ako sa klase ko, pero susunduin kita
agad mamaya pagkatapos ha?” Bilin ni Dylan sabay hawak sa isang kamay ko.

Huminto siya sa tapat ng boutique ni Ate Zea.

“Susunduin kita mamaya ha? Basta ako susundo sa’yo.” Bilin niya ulit bago ako
bumaba.

“Yes boss, sige na malalate ka na.” Sagot ko sa kanya. Alam kong busy sila pero
pinilit niya pa din na siya ang maghahatid sakin dito.

Hinalikan niya ako sa noo. “Bye baby. I love you.”

“I love you too.” Sagot ko at bumaba na ako sa kotse niya. Baka kasi pag hindi pa
ako bumaba mapatagal pa kaming dalawa sa pagpapaalaman namin at malate na siya
talaga.

Hinintay ko lang na makaalis yung kotse ni Dylan bago ako pumasok sa boutique ni
Ate Zea. Ang Echantee (pronounced as Yu-shan-te).

“Good Afternoon Ma’am.” Nakangiting sabi ng mga sales assistant pagkapasok ko sa


loob ng boutique. Ang ganda at ang elegante lalo dito sa loob, may ibang damit din
akong narecognize dito dahil nakita ko yung ibang designs sa mga portfolios niya.

“Good Afternoon, nandyan ba si Ate Zea?” Tanong ko dun sa mga sales assistant.
Tumango at ngumiti naman yung isa. “Nasa office po siya, may appointment po ba kayo
sa kanya?”

Umiling ako. “Ah wala. Ako si Sophia, yung-“

Hindi ko pa man din natapos yung sasabihin ko sumagot na agad yung isang sales
assistant ni Ate. “Ay kayo po yung sister-in-law ni Ma’am di ba po? Halika po kayo
sa office niya.” Sabay alalay niya sa akin papunta sa office ni Ate Zea.

Nailang pero napangiti naman ako nung sinabi niyang sister-in-law, ganun na pala
ang pagkakakilala nila sa akin. Siguro yun ang kinekwento sa kanila ni Ate Zea.

Nagpunta kami sa likod ng counter at pumasok sa isang gray na pinto doon. May
dinaanan muna kaming maliit na hallway bago makarating sa isang malaking office.
Nagdrool ako sa sobrang ganda ng office ni Ate Zea, may mini sala set, madaming
pictures ng designs at fashion shows sa wall at nakaupo si Ate Zea sa office table
niya at mukhang busy sa mga ginagawa niya.

“Ma’am Zea, nandito po si Ma’am Sophia.” Sabi nung kasama ko. Napalingon naman agad
si Ate Zea sa pwesto namin mula sa pagkabusy sa work table niya, mukhang gumagawa
siya ng mga sketch.

“Soph?! Bakit ka nandito?” Gulat na tanong nia Ate Zea nung nakita niya ako. “Sige
Darcy iwan mo na kami.” Baling niya dun sa kasama ko.

“Surprise.” Nakangiting sagot ko sa kanya bago ako lumapit.


Tumayo naman si Atre Zea mula sa swivel chair niya at naupo kami sa sofa niya.
“Bakit ka napunta dito ha? May problema ba?” Worried niyang tanong.

“Wala po Ate, naiinip lang ako sa bahay kaya hinatid ako ni Dylan dito sa’yo.
Nakakaistorbo ba ako?” Sabi ko sabay turo dun sa work table niya na madaming
nakapatong na papers.

“No. Not at all, may mga ginagawa lang akong sketches pero hindi naman rush yun.
You want me to show you around?”

Naexcite naman ako sa tinanong ni Ate Zea kaya tumango kaagad ako.

“Dito puro dresses lang, tapos yung kabilang section naman yung mga limited edition
designs. Every month kami mag restock pero yung sa rtw’s halos every other week
dahil mabilis siyang maubos. Karaniwan ng mga tela namin galing pang Paris, may
naging kaibigan kasi ako nun na may ari ng shop ng mga tela kaya siya na din ang
kinuha kong dealer dahil lagi akong may discount. Hihi.” Natatawang kwento ni Ate
Zea habang pinapakita sakin ni Ate Zea yung mismong boutique niya.

Amazed na amazed naman ako dahil hindi man sobrang laki nung boutique ni Ate Zea
halos kumpleto naman siya. At para sa age niya, masasabi kong napakasuccessful na
niyang designer.
“Grabe Ate, ang ganda ganda ng boutique mo.” Yun lang yung nasabi ko sa kanya dahil
sobrang humanga talaga ako sa kanya.

“Ikaw talaga. Halika, bumalik na tayo sa loob at ipapakita ko naman sa’yo yung work
area talaga ng mga tailors ko.” Inaya niya ako sa loob kaya bumalik kami sa office
niya. Hindi ko kaagad napansin na may isa pa palang pinto sa loob. Pagbukas niya
noon nakita ko yung ilang sewing machines ni Ate at isang malaking closet kung saan
nakasabit yung finished products nila.

“Guys, I’d like you to meet my sister-in-law, Sophia.” Pagpapakilala niya sakin dun
sa mga busy staffs niya.

Nagkanya kanya namang ngiti yung mga staff niya kahit na busy sila sa mga ginagawa
nila. Naglibot libot pa kami ni Ate Zea sa loob habang nagkwekwento siya.

“Alam mo ba? Halos 6 months ko lang nabuo ang team na ‘to and within 3 months time
nagstart na kaming mag operate ng business. Siguro a year bago ako grumaduate
nakatayo na ‘tong business ko.”  

Lalo akong napahanga sa kinwento ni Ate Zea, hindi pa man din siya nakakagraduate
may sarili na siyang business at ngayon napakasuccesful na niya. Kayang kaya na
niya makipagsabayan sa mas matatandang at mas experienced designers.

“Grabe ate, bilib na talaga ako sa’yo. Gusto ko din tuloy makapag aral sa Paris.
Sana magkaroon din ako ng boutique na ganito sa future.” Sabi k okay Ate nung
nakabalik na kami sa mismong office niya at nakaupo na ulit kami sa sofa.
“I know you can do that. May potential ka naman, and I saw your designs. Konting
hasa pa at pwedeng pwede ka na ding magtayo ng sarili mong boutique.” Page
encourage ni Ate Zea sakin kaya naman lalo akong nainspire. Sana talaga maging
kasing successful ako ni Ate Zea.

*kring kring*

Parehas kaming napatingin sa telephone na nakapatong sa ibabaw ng office table ni


Ate Zea.

“Sagutin ko lang ha?” Paalam niya sakin bago siya tumayo at pumunta sa office table
niya.

Tumango lang ako at kumuha ng isa sa magazines at nagtingin tingin lang doon.

“Yes, this is Zea Darleen speaking.” Narinig kong sabi ni Ate Zea doon sa kausap
niya sa phone. Tinignan ko lang siya hanggang sa biglang napalitan ng pagkunot ng
noo niya yung ngiti niya kanina. “What?! Bakit nag back out pa eh malapit na yung
shoot?! I have no time to cancel that dahil madami akong naka line up na ibang
shoot at fashion shows.”

Napakunot din ako sa narining ko, mukhang may problema si Ate.

“Fine, may magagawa pa ba ako? Mag hahanap na lang kami ng replacement as soon as
possible. Basta, wag niyo na ulit ihihire para sakin ang model na yun dahil hindi
siya marunong tumupad sa agreement.” Sandali siyang huminto at tumango tango. “Yes,
please do inform me kung may nahanap na din kayong replacement.” Pagkatapos nun
binaba na niya din yung phone at pabagsak na naupo sa sofa, sa tabi ko.
“Ate? Mukhang may problema ka ah.” Tanong ko sa kanya.

Tumango naman agad siya. “Yung print ad model namin biglang nag back out kung
kailan malapit lapit na yung shoot, hindi naman kami pwedeng magpareschedule.
Haaaay!”

Hinawakan ko si Ate Zea sa balikat. “Maayos din yan Ate, kung pwede lang akong
makatulong eh.”

“I hope so. Ang hirap pa naman humanap ng babagay na print ad model for-“ Napahinto
sa pagsasalita si Ate Zea nung napaharap siya sakin. “That’s it! Sophia, gusto mong
mag model?”

Natawa ako sa biglang sinabi ni Ate Zea. “Hahahaha! Si Ate naman nagpapawala pa ng
stress. Tama na ang joke ate.” Biro ko sa kanya. Bilib din naman ako kay Ate Zea,
problemado na nakuha pang magbiro.

“Sophia, I’m dead serious. Ikaw na lang ang gagawin kong replacement, ikaw na lang
ang gagawin naming print ad model!” Nakangiting sagot ni Ate at hinawakan niya pa
yung mga kamay ko na mukhang excited na excited siya.

Nag-alangan naman ako bigla. “Ate naman, medyo lumalaki na yung tyan ko eh. Hindi
na ako papasa magmodel sa inyo.”

“We’ll work on that! Ako nang bahala sa lahat. Please do me a favor Soph, ikaw na
lang ang magmodel sa boutique ko.”
“Sigurado ka talaga Ate?” Paninigurado ko pa. Nakakabigla naman kasi, never pa
akong nagmodel kaya wala akong kahit anong idea kung paano ba yun.

“Oo naman Soph! I’m more than a hundred percent sure about this.” Napakawarm ng
smile ni Ate Zea sakin, sino ba naman ang makakatanggi sa kanya?

Kahit tuloy alangan ako napasagot na lang ako ng.. “Sige po.”

“Ate, gusto mo ba ng coffee?” Tanong ko sa kanya habang nagskesketch siya.


Katatapos ko lang naman tignan yung mga bagong designs niya.

“Gusto mo ba? Magpapabili na lang ako kay Darcy.” Sagot na tanong ni Ate Zea habang
nakafocus pa din siya sa mga ginagawa niya.

Tumayo ako. “Ako na lang ang bibili Ate.”

Napaangat siya ng tingin sakin. “Are you sure?”

Tumango lang ako sa kanya. “Anong gusto mo?”


“Vanilla Iced coffee na lang, thanks ha?” Nakangiti niyang sagot bago siya bumalik
sa ginagawa niya.

Lumabas na ako sa boutique ni Ate Zea at naglakad na ako papunta sa pinakamalapit


na coffee shop na makikita ko. Pagkapasok ko dumeretso kaagad ako sa counter at
umorder ng dalawang Vanilla Iced Coffee, parehas pa kami ng favorite ni Ate Zea.
Mabilis lang nagawa yung order ko kaya dinala ko na kaagad yun at naglakad na
palabas habang nilalagay ko yung sukli ko sa wallet ko nung may nakabunggo ako...

“Sorry!” Sabi ko dun sa lalaking nakabungguan ko habang pinupulot niya yung wallet
ko na nalaglag. Buti na lang hindi natapon yung coffee na dala ko.

“Pasensya na din miss. Hindi kasi ako-... Sophia?”

Nagulat din ako sa kung sino ang nakabunggo ko. “Cyril?”

“Grabe! Ako talaga tinadhana sa’yo eh. Tignan mo nagkabungguan pa tayo. Akala ko sa
pelikula lang nangyayari yun eh.” Biro niya sabay abot sakin nung wallet ko na
nalaglag.

“Loko loko ka talaga.” Natatawa kong sagot sa kanya. Palabiro kasi talaga ‘tong si
Cyril. Hindi ko akalain na nakakatawa pala siyang kasama.

“Saan ka ba pupunta? Tara hatid kita,” Aya niya sakin pero tumaggi din kaagad ako.
“Hindi na, malapit lang naman ako dito eh. Sa kabilang block lang yung pupuntahan
ko.” Sagot ko agad sa kanya at unti unti na akong naglakad papunta sa pinto ng
coffee shop pero sumunod sa’kin si Cyril.

“Tara sabay ka na kasi, ang tagal na din kitang hindi nakikita sa school.” Sunod
niya pa din sakin.

Sasabihin ko pa lang sana na hindi na ako pumapasok nung paglabas ko ng coffee


shop, umaambon pala.

“Sabi ko sa’yo sumabay ka na sakin eh, umaambon oh.” Nangingiting sabi ni Cyril
sakin habang nakatingin sa langit.

Napangiti na lang din ako. Wala naman sigurong masama kung makikisabay na lang din
ako sa kanya. Magkaibigan naman kami ni Cyril at wala naman kaming ginagawang
masama.

“Tara na nga! Basta libre ang hatid ah?” Biro ko sa kanya.

Natawa naman siya bago ako escortan papasok sa kotse niya na halos nakapark lang sa
tapat ng coffee shop. “Bibigyan na lang kita ng discount! Hahaha!”

*
“Cyril, dyan na lang sa tabi. Sa may shed na lang.” Turo ko sa kanya dun sa isang
shed na halos tapat lang ng boutique ni Ate Zea, doon na lang siguro ako
magpapababa.

“Thank you pala ha?” Pagpapasalamat ko kay Cyril habang inaalis yung seatbelt ko.

Bumaba naman siya bigla at agad na umikot papunta sa side ko para pagbuksan ako ng
pinto. Nagpapasalamat naman ako dahil dun dahil may dala pa akong coffee at yung
wallet ko kaya mahihirapan akong magbukas ng pinto ng kotse.

“Salamat ulit.” Sabi ko sa kanya habang inaalalayan niya pa ako sa braso habang
pababa ako ng kotse niya.

Magsasalita pa lang sana si Cyril nung may biglang tumawag sa pangalan ko.

“Sophia!”

Si Dylan.

*tbc* 

a very short ud. =/


=================

Chapter Eighteen *part II*

Perfect Mistake Chapter Eighteen II

*Sophia’s POV*

“D-dylan?”

Lumapit siya samin at hinigit ako palapit sa kanya.

“Dude, dahan dahan naman.” Bigla ding sumeryoso na si Cyril ng salita.

Lalo akong natakot at kinabahan nung nagsukatan na silang dalawa ng tingin.

“Back off Cyril.” Matigas na sabi ni Dylan habang hawak hawak pa din yung braso ko.

Nginisian siya ni Cyril bago sumagot. “Give me one concrete reason why should I?”

Hinigit ako ni Dylan mas palapit sa kanya bago seryoso ulit na sumagot kay Cyril.
“She’s my girlfriend.”
“Hah! Pinagloloko mo ba ako Dylan? Si Sophia na ang nagsabi sakin na wala naman
kayong relasyon. Anong kalokohan ‘to?” Natatawa pang tanong ni Cyril kay Dylan.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, aalma pa lang sana ako nung naalala ko yung
huling beses na hinatid niya ako. Sinabi ko nga palang wala kaming relasyon ni
Dylan noon, dahil wala pa naman talaga noon eh.

Napatingin ako kay Dylan bigla, na nakatingin na pala sakin kanina pa. Halata sa
mukha niyang nagulat siya at nagtataka.

“Dylan, let me expla-“

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla bigla na lang binitawan ako ni
Dylan at sinugod ng suntok si Cyril sa mukha. Napatumba tuloy si Cyril sa sahig na
may pasa sa mukha.

“Dylan tama na!” Awat ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

“Gago ka! Ang dami daming paglaruan si Sophia pa! Yung girlfriend ko pa! Para lang
malaman mo Cyril, buntis siya! Magkakaanak na kami kaya pwede ba tigil tigilan mo
na siya?!” Galit nag alit na sabi ni Dylan kay Cyril na nakapaupo pa din sa sahig
sa tabi ng kotse niya.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Cyril bago tumayo at sumakay sa kotse niya.
Hinawakan ko ulit yung braso ni Dylan pero inalis niya din kaagad yun.

“Dylan...” Hahawakan ko pa lang ulit siya pero tinabig niya na kaagad yung kamay
ko. Sigurado akong galit siya. Gulo na naman ‘to.

*Cyril’s POV* 

“Pst. Isa pa nga. Saka pahingi na din ng madaming ice.” Order ko dun sa bartender.

Badtrip na badtrip ako. Gagong Dylan yun pinasaan pa yung mukha ko! Tss.
Naguguluhan ako sa dalawang yun, sinabi talaga sakin noon ni Sophia na   wala
silang relasyon tapos ngayon sasabihin ni Dylan na girlfriend niya yun? Fvck naman.
Hindi ko alam ang paniniwalaan ko sa kanila! Isa pang nakakagulat na sinabi ni
Dylan ay yung magkakaanak na sila!

Nakakagago talaga. Bakit sa dami si Dylan pa? Yung bestfriend ko pa simula


pagkabata ang boyfriend pala nung babaeng unti unti ko ng nagugustuhan. Anong
kalokohan ‘to? Hindi pa man din ako nakakapanligaw tablado na kaagad ako.

Aaminin ko sa sarili ko na noong una attracted lang ako kay Sophia dahil maganda
talaga siya, naisip kong baka pwedeng siya ang maging flavor of the month ko. Pero
noong nakilala ko siya nag iba yung tingin ko sa kanya. Di siya gaya ng ibang babae
na hindi ko alam kung ano ba talagang habol sakin. Natural lang siya saka masarap
kasama, kalog din nga eh.
“Sir, eto na po yung ice at yung order niyo.” Nilapag nung bartender yung bucket ng
ice at yung inumin ko sa harap.

Kinuha ko yung isang pirasong ice at nilagay dun sa pasa ko. Nakakabanas talaga ng
sobra. Kahit kelan hindi pa ko nasuntok nung si Dylan. Nasaktan ako sa suntok ng
tarantadong yun pero mas nasaktan ako sa lahat ng nalaman ko sa kanila ni Sophia.
Hindi ko pa man din nasasabing may gusto na ako sa kanya tapos ganito na kaagad.
Lahat nung balak ko para kay Sophia mababalewala na lang. Gustong gusto ko pa mana
siyang ligawan at seryosohin pero paano pa ngayon na sila na ni Dylan? Bihira lang
akong makakilala ng babaeng katulad niya kaya sobrang nanghihinayang ako. Minsan na
nga lang sumeryoso sa babae, mapupurnada pa. Tsh!

Ininom ko na lang ng deretso yung inorder ko at tumayo papunta sa gitna ng mga


sumasayaw. As expected madami agad babaeng lumapit at nakipagflirt sakin.
Nagpapasakitan pa sila pero wala naman akong pakialam. Sayaw lang sila ng sayaw sa
harapan ko pero nung napalitan ng slow music yung kanta umalis din sila sa harapan
ko. Easy come, easy go.

(Play music: I knew I loved you By Savage Garden)

Lovesong pa talaga ah, nang aasar yata yung tugtog eh. Maglalakad na sana ako
pabalik sa bar counter nung may babaeng humarang sakin.

“Please pwede ba makipagsayaw?” Alam kong umiiyak yung babae kahit na hindi ko
nakikita yung mukha niya dahil nakayuko siya, garlgal kasi yung boses niya eh.

Hindi ko naman natural na maawa pero naawa ako kahit papano dun sa babae kaya
nilagay ko yung kamay niya sa balikat ko at hinawakan ko yung bewang niya. Bigla
naman sumbsob yung babae sa dibdib ko at umiyak ng umiyak kaya imbis na magsayaw
kami pinatahan ko na lang siya. Ano ba naman ‘to? Dapat pala di na ko pumayag eh.
Para na kong naligo dahil basang basa ng luha nung babae yung damit ko.
Nung natapos na yung kanta huminto na din siya sa pag iyak niya at bumalik na sa
pang party yung tugtog.

“Hihi. Thank you sa pakikipagsayaw ah.” Tumatawa na niyang sabi habang pinupunasan
yung luha niya.

Napakunot tuloy ako, kanina umiiyak ‘to tapos ngayon tumatawa na. May topak yata
‘to eh. Hindi ko na lang siya pinansin pero sumunod pa din siya sakin hanggang sa
umupo ako sa tabi ng bar counter.

“Uy thank you talaga ha? Kanina pa kasi ako talaga nalulungkot eh. Buti na lang
pumayag ka, thank you talaga. Ano bang pangalan mo ha?” Pangungulit niya.
Nakukulili yung tenga ko sa boses niya, boses ipis.

Hindi ko na lang ulit siya pinansin para umalis na lang. Kung alam ko lang na may
sayad siya sana hindi ko na pinairal yung pagkaawa ko sa kanya. “Isang scotch pa
nga.”

“Ah! Ako din, ako din! Isang scotch din ako!” Sigaw nung babaeng may sayad.

“Tss. Scotch tape ang dapat inorder nito eh.” Bulong ko sa sarili ko. Ang lakas
lakas ng boses niya ang tinis naman. Nakakaasar kaya, wala na nga ako sa mood tapos
maririndi pa ako.

Kinuha ko na yung card ko at ibinigay sa bartender. Habang hinihintay ko siyang


bumalik inubos ko na yung drink ko.
“Bakit ba umiinom? May problema ka din ba?” Usisa na naman niya sakin kaya hinarap
ko na siya.

“Bakit tanong ka ng tanong?” Naasiwa kong tanong sa kanya. Hindi ko nga din alam
sa sarili ko kung bakit sinasgaot ko pa ‘tong babae na ‘to. Hindi naman ganito ang
mga tipo ko.

“Hindi ka naman kasi sumamsagot eh.” Ngumuso pa siya na parang bata.

Napailing ako sa kanya bago ko ubusin yung inumin ko. “Bakit naman kita
sasagutin?!”

Nanalaki bigla yung mata niya. “Hala! Hwag mo nga akong sagutin kasi di naman kita
nililigawan!”

Pakiramdam ko napuno ng question mark yung ulo dahil hindi ko makuha ang topak ng
babaeng ‘to. Mabuti na lang bumalik na yung bartender at inabot na sakin yung card
ko kaya tumayo na ako pero bigla na naman niya akong hinawakan sa braso ko.

“Saan ka pupunta?” Tanong niya sakin na parang bata.

Inalis kong pilit yung kamay niya sakin. “Lalayo sa’yo. Malay ko ba kung may rabies
ka, bigla kang mangagat dyan.”

Nagmadali akong maglakad dahil baka sumunod pa din yung babae tapos dumeretso na
akong sa Men’s CR. Siguradong hindi na makakasunod yun dito.
Humarap lang ako sa salamin at naghilamos, tinignan ko din yung pasa sa pisngi ko.
Mukhang napuruhan talaga ako sa suntok na yun kaya nagkapasa kaagad. Bakit ba ako
nagpapakagago sa isang babaeng hindi ko pwedeng gustuhin kung pwede naman akong
bumalik na lang sa dating gawi ko? Napatingin ako dun sa taong pumasok sa CR,
nakita ko yung reflection niya sa salamin.

Yung babaeng maingay, nandito na naman. At talagang ang tibay niya para pumasok sa
loob ng CR ng mga lalaki.

“Ano bang gusto mo ha?!” Sigaw ko sa kanya. Ano bang klaseng babae na ‘to? Mabuti
na lang walang ibang tao dito.

Medyo natakot naman siya sa pagsigaw ko sa kanya pero hindi siya nagpatinag. “Gusto
ko lang naman kitang kausapin eh. Ano ba kasing pangalan mo?”

Nilapitan ko siya ng dahan dahan habang siya paatras naman ng paatras hanggang
matrap na siya sa pader at sakin.

“Kanina ka pa sunod ng sunod eh. May gusto ka ba sakin ha?!” Malakas kong tanong sa
kanya pero napapangisi ako.

Hinarang ko yung dalawang kamay ko sa magkabilang gilid niya. Sinusubukan ko lang


naman siyang takutin pero parang hindi umeepekto. Imbes na matakot siya at lumayo
sakin yumuko lang siya at dahan dahan na kinagat yung labi niya.

Ganun pala ah? Hindi pala siya natatakot ah.  


Alam kong hindi niya inaasahan yung sunod kong ginawa. Hinalikan ko siya ng
marahas, pero hindi naman siya gumalaw o tumutol. Hanggang sa unti unti na din
siyang nagrespond, unti unti niyang sinabayan yung paghalik ko sa kanya. Napangisi
ako, I think I’m back in my own game.

 -

*tbc*

Honey and Cyril at ze multimedia. =)

=================

Chapter Nineteen

Perfect Mistake Chapter Nineteen

*Sophia’s POV*

“Dylan saan ka pupunta?!” Habol ko kay Dylan nung nakita kong galing sa taas dere-
deretso lang siya palabas ng bahay.

“Dy!” Tawag ko ulit sa kanya pero hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy lang
siyang sumakay sa kotse niya at umalis.

Gusto ko na tuloy umiyak sa pagtrato sakin ni Dylan. Kanina bigla bigla na lang
niya akong hinila papasok sa loob ng kotse at inuwi dito sa bahay. Pero sa buong
byahe na yun hindi siya nagsasalita, hindi niya ako kinakausap, ni hindi niya man
lang ako tinitignan.

Alam ko na galit siya sakin ngayon. Malamang pa nito iniisip niya na sinungaling
ako dahil sinabi ko kay Cyril na wala kaming relasyon. Pero noon pa naman yun eh,
hindi ko na nagawang linawin kay Cyril yung totoo kasi kanina lang naman kami ulit
nagkita at hindi ko akalain na mag aabot abot pa kaming tatlo.

Hindi na naman ako mapakali sa sarili ko kaya naisipan kong tawagan yung taong
makakatulong sakin ngayon, si Janna.

“Hello sissy? Whyness? Anong problema at napatawag ka?” Cheerful na tanong niya
pagkasagot niya ng tawag ko.

“Janna, punta ka naman dito oh...please.” Naiiyak ko ng sabi sa kanya. Ngayon lang
kasi yata nagalit sakin si Dylan ng ganito. Mas gusto ko pang sinisgawan niya ako
kesa yung hindi niya ako pinapansin at kinikibo.

“Bakla umiiyak ka ba ha?” Biglang napalitan ng pag aaalala yung cheerfulness niya
kanina.

“Si Soph ba ‘yan? Ano nangyari?” Narinig kong may nagsalita pang babae bukod kay
Janna, malamang si Krista na yun.

“Oo bakla. Saglit ka lang dyan.” Narinig kong sagot sa kanya ni Janna.

Pinigilan ko yung paghikbi ko para makapagsalita ako ng maayos. “Nag-away kami ni


Dylan. Galit siya sakin, galit siya.”

“Okay okay! Pupunta kami dyan, isasama ko na si Krista. Hintayin mo kami ha?”
Nagmamadaling sagot ni Janna sakin. Nagpapasalamat na agad ako na pupuntahan niya
ako, kailangan ko talaga sila ngayon.

“Sige, hihintayin ko kayo.”

“Bakla! Don’t cry out loud!” Sabi ni Janna nung pagkadating na pagkadating nila ni
Krista, niyakap ko kaagad silang parehas.

“Just keep inside...” Sabi naman ni Krista habang hinihimas yung likuran ko na
parang pinapatahan ako.

“And learn how to hide your feelings...”  Dagdag naman ni Janna kaya humiwalay na
ako sa pagkakayap ko sa kanila at pinalo ko silang dalawa sa braso.

“Pinagloloko niyo naman ako eh, sabi ko damayan niyo ako dahil kailangan ko ng
kausap. Hindi ko sinabing bumirit kayong dalawa dyan eh.” Natatawa pero naiiyak
kong sagot sa kanila. Nakakabipolar talaga kasama ang dalawang ito.

“Ano ka ba Soph?! Ang tunay na friend patatawanin ka pag umiiyak ka. Babaliwin ka,
o kaya naman pagtatawanan ka! Hahahahaha!” Tawa pa ni Krista ng parang baliw kaya
binatukan siya ni Janna. “Aray naman bakla!”

“Gaga! Mag kaaway na nga sila ni Dylan tatawanan pa natin. Okay na yung papatawanin
eh.” Sermon ni Janna kay Krista sabay baling sakin. “May juice ba kayo bakla?
Nauhaw na ako, nagmarathon kaming dalawa para makapunta dito sa’yo eh.”

Napangiti ako sa presence nilang dalawa. Napapagaan talaga nitong dalawa na ‘to ang
mga problema ko.

“Akala kasi siguro niya nagsisinungaling ako dahil sa sinabi ni Cyril sa kanya.”
Seryoso kong kwento sa kanilang dalawa.

“Hindi ka kasi nagsalita kaagad! Ikaw kasi eh, sana nilinaw mo kaagad para walang
sapakan na naganap!” Litanya ni Krista habang kumakain ng popcorn, para lang siyang
nanonood ng movie habang nagkwekwento ako.

“Eh nataranta na nga kasi ako, sobrang nakakapanic kaya yung sitwasyon kanina.
Natakot na din akong magsalita kay Dylan dahil feeling ko hindi niya ako
papakinggan.” Katwiran ko kay Krista tapos napatingin ako kay Janna na busy sa
pagpipindot ng cellphone niya.

“Huy babae, nakikinig ka ba?!” Inis na tanong ko sa kanya. Ako kasi naglalabas ng
sama ng loob ko at nag aasam na mag advice sila sakin pero siya naman napansin kong
kanina pa busy sa cellphone niya, hindi ko nga alam kung nakikinig pa ‘to eh!
“Oo naririnig kita, may inaasikaso lang akong bagay na maaring magpaligaya sa’yo.”
Sagot niya ng hindi pa din inaalis yung pansin niya sa cellphone niya.

“Ay ewan ko sa’yo Janna.” Hindi ko na lang siya pinansin at hinarap ko na lang si
Krista para ituloy yung pagkwekwento ko. Sinabi ko na sa kanya yung lahat ng
nangyari kanina pati na din yung pagpapanggap lang namin ni Dylan noong umpisa.
Hindi na din naman ako nagulat na alam na niyang buntis ako, sinabi na din pala sa
kanya ni Janna. Mabuti na lang mapagkakatiwalaan din ‘to si Krista.

“Haaay nako Sophia, ang buhay mo pwede nang gawing teleserye.” Nakapangalumbaba pa
si Krista sa may lamesa dito sa sala.

“Alam ko, pero ano na bang gagawin ko ha? Paano ko aayusin yung gusot samin ni
Dylan? Saka Krista, alam ko kailangan ko ding makausap si Cyril. Pakiramdam ko
nasira ko yung friendship nila eh.” Nalulungkot kong sabi. Nagkasanga sanga na kasi
yung nangyari, ang daming naging problema. Pakiramdam ko ang daming naging gulo
dahil lang sa simpleng hindi pagkakaintindihan.

“Kausapin mo! Yun lang naman ang solusyon dun Soph. Puso sa puso na usapan. Atay sa
atay, balun-balunan sa balun-balunan!” Medyo patawang advice ni Krista pero nakuha
ko naman yung punto niya.

“Eh kelan naman?” Tanong ko sa kanya.

“Mamaya! Pag-uwi.” Sagot naman ni Krista sabay kain na naman ng popcorn.

*ding dong*
“Andyan na! Soph, buksan mo yung pinto!” Biglang sumigaw si Janna nung narinig niya
yung doorbell.

Napakunot ako sa kanya. “Sino?!”

Nanlaki naman yung mata niya sakin. “Ay ano, ibig sabihin ko pala buksan mo na. May
nagdoorbell oh!”

Napakamot na lang ako dahil hindi ko makuha si Janna kaya tumayo na ako at lumabas
ng pinto. Sumunod naman silang dalawa ni Krista sakin hanggang sa makarating kaming
tatlo sa tapat ng gate.

Inunlock ko na yung gate at dahan-dahan na binuksan yun. Nagulat ako sa nakita ko.

“Dy?!”

*Cyril’s POV*

Ugh. Putcha ang sakit ng ulo ko! Napadami na naman yata inom ko. Asan na ba ko?

Kumot?! Bakit may kumot?!


“Oh gising ka na pala.” Sabi ng isang babae, hindi ko ganong maaninag yung mukha
niya dahil nahihilo pa din ako.

“Sino ka?”  Nakakunot na tanong ko dun sa babae.

Ngumuso siya bago sumagot. “Hindi mo agad ako kilala sungit?”

Psh! Siya pa din ba to?! Yung makulit na babae na ayaw ako tantanan?! Pero teka,
nasan na ba ko?

“Anong ginagawa ko dito?” Naiinis kong tanong sa kanya.

“Nandito ka sa bahay ko. Hindi mo naalala kung bakit?” Sabi niya habang papalapit
sakin.

“Wag mo sabihin na may nangyari satin? Miss hindi kita papanagutan.” Sabi ko sabay
tayo. Hindi ko naman sadya yung sinabi ko, naiirita lang talaga ko sa presence ng
babaeng to.

“Hoy grabe ka naman! Wala naman talaga eh, lasing ka lang kaya kita dinala sa bahay
ko. Nakakaawa ka naman kasi.”

Hindi ko pinansin yung sinabi niya at tumayo na lang ako.


“Saan Cr mo?” Walang gana kong tanong. Pakiramdam ko ang lagkit ko na dahil sa
pawis, masakit ang ulo ko at utang na loob na hindi ko alam kung nasaang lupalop
ako.

“A-ah. Dito. Halika dito.” Sabay higit sa kamay ko na tinanggal ko din agad at
sinundan siya papunta sa CR.

“May tub dyan. Kung gusto mo maligo pwede din, nandyan yung towels sa cabinet sa
may tabi ng sink. Tapos....”

“Shhh. I never asked you for anything, I just asked where the hell your rest room
is. Ang dami mong sinabi, excuse me nga. “ Pagpigil ko sa kanya, grabe kasi ang
daldal niya. Nakakarindi talaga yung boses niya.

“Ah sorry.” Sagot niya habang nakangiti. Kainis, hindi man lang na offend sa sinabi
ko?

Isasara ko na sana yung pinto ng CR ng may naalala akong sabihin sa kanya.

“Wag kang papasok ha.” Sabi ko sa kanya at tumango-tango naman siya habang nakataas
pa yung isang kamay na parang nagrerecite ng Panatang Makabayan.

Mahirap na eh, baka mamaya pumasok na naman yung babae na yun. Kahit pa ilock ko to
kung may susi naman siya. May topak nga ‘tong babae na to.
Nakakainis baka naiwan yung kotse ko sa bar, magtataxi pa ko pauwi! Bwiset naman!
Naghilamos na lang ako kasi pakiramdam ko talaga ang lagkit ko na, gusto ko sanang
magshower kaso mas gusto ko ng makaalis sa bahay na to. Mabilis kong tinapos yung
paghihilamos ko tapos lumabas na kaagad at as expected hinhintay ako nung babae
habang may hawak na towel.

Inabot niya sakin yung towel kaya nagpunas ako ng mukha ko tapos binalik ko sa
kanya at naglakad palabas ng kwarto.

“Nagugutom ka ba? Nagluto kasi ako ng mushroom soup. Kain ka muna baka masakit pa
yung ulo mo eh.” Sabi na naman niya habang sunod ng sunod sakin.

“Aalis na ko. Wg mo nga akong sundan.” Sabi ko sa kanya ng pagalit. Kelan ba siya
tatahimik?

“Ha? Gabi na, bukas ka na lang umalis! Nagluto pa naman ako. Tikman mo muna.” Sunod
sunod na naman niyang sabi.

Inhale, exhale. 1 2 3....

“Miss pwede ba wag mo na ko sundan? Nakakairita kasi eh. Saka hindi mo ba iniisip
yung sarili mo? Papatulugin mo ko sa bahay mo?! Lalaki ako! Pano pag hinalay kita
dyan sa srili mong bahaya may magagawa ka? Tigilan mo na nga ang pangungulit
sakin.” Nagpipigil ko pang inis na sabi sa kanya.

Yung reaksyon niya, nagulat tapos biglang tumawa. Wtf?! May nakakatawa ba sa sinabi
ko? Bakit lagi akong pinagtatawanan ng babae na ‘to?!
“Bakit ka na naman tumatawa?!!” Pilit ko pa ding nagpipigil na galit ko.

 “Kasi naman hindi ka naman mukhang rapist. Okay lang sakin na matulog ka sa
kabilang room. Hindi kita papasukin dun promise.” Sabi niya pa habang nagpipigil ng
tawa.

Tengene! Masasaktan ko na tong babae na to eh. Seryoso ba ‘to?! Hindi siya


natatakot sakin? At maluwag ba talaga turnilyo niya sa utak?!

Okay hinga ulit at baka hindi na ko makapagpigil at maupakan ko na tong may toyo na
babae na to. Hindi pa man din ako pumapatol sa babae, lalo na sa mentally ill.

“Bahala ka sa buhay mo.” Sabi ko na lang tapos dumeretso na ko palabas ng bahay at


ng gate niya. Sumusunod pa din siya.

“Wag kang susunod!” Sigaw ko ng hindi lumilingon. Naramdaman ko naman na huminto na


siya. Buti naman. Kaso may pahabol pa pala.

“Nga pala. Ako si Honey. Anong pangalan mo?” Sigaw niya. Parang may microphone sa
bibig.

“Batman!” sigaw ko sa kanya at napailing na lang ako sa ginawa ko. Sinagot ko pa


talaga yung may topak na babaeng yun, sabagay hindi na din naman kami magkikita
niyan. At ayoko din ulit makita siya.
“Ingat ka batman! Tandaan mo Honey!” Sigaw ulit niya. Sabi na may topak to eh,
naniwala na batman pangalan ko? Shess! Makapag abang na nga ng taxi.

*tbc*

=================

Chapter Twenty

Perfect Mistake Chapter Twenty

*Sophia’s POV*

“Dylan?! Anong nangyari dyan?!” Gulat na gulat kong tanong nung nakita ko si Dylan
na halos lupaypay na at bitbit nina Enzo at Nate.

“Don’t worry Sophia, he’s just sleeping.” Sagot ni Enzo sakin. Umusod ako ng konti
para makapasok sila sa gate.

“Tulog?! Bakit tulog? Anong ginawa niyo? Binugbog niyo ba?!” Nag aalala kong tanong
sa kanila dahil halos sumasayad na yung paa ni Dylan habang bitbit siya nila Enzo.
Kasunod naman nila si Kuya Brix. Kuya Brix na ang tawag ko sa kanya since fiancé na
siya ni Ate Zea.
“Senglot Soph.” Sagot ni Nate habang papasok sila sa front door. Nakasunod naman
kami nila Janna sa kanila.

“Lasing?!” Histerya naman ni Krista sa likod ko.

Nasita tuloy siya ni Janna. “OA lang friend? Ikaw yung girlfriend?!”

“Ay sorry.” Bulong naman ni Krista.

“Potek Dy! Ang bigat mo, ilalaglag na lang kita eh. Soph nasan ba yung kwarto niyo?
Iaakyat lang namin ‘to!” Reklamo na ni Nate. Obvious naman na nabibigatan na sila
kay Dy kaya umakyat na ako sa hagdan.

“Sa Master’s kami eh. Halikayo.” Aya ko dun sa tatlong nag aalalay kay Dylan.
Nagmadali akong buksan yung pinto ng kwarto para maipasok na nila si Dylan.

“Ah grabe! Ang sakit ng likod ko!” Reklamo na naman ni Nate nung naibaba na nila si
Dylan ng padapa sa kama. Napailing naman tuloy ako.

Lumapit ako sa kama at inayos ko ng higa si Dylan. Nakapa ko din yung damit niya na
basa na sa pawis kaya pumunta muna ako para kumuha ng basang towel at pinunasan ko
si Dylan. Nakamaong pants pa pala siya, hindi siya pwedeng matulog ng ganito.

*gulp*
“A-ah uy, pwede bang pahingi ng favor?” Baling ko dun sa tatlo nung natapos ko ng
punasan ng basang towel yung mukha ni Dylan.

“Yep?” Tanong ni Kuya Brix.

“Pwede niyo bang pakipalitan ng pantulog si Dy? Kasi alangan naman na matulog siya
ng nakapants. Ayoko naman na... ano kasi...” Napayuko na lang ako dahil hindi ko
magawang masabi. Pakiramdam ko kulay kamatis na nga ako ngayon sa hiya. Bigla naman
kasi nagflashback sakin yung umagang nakita ko siya na walang suot, as in wala
lahat! Kahit naman naging magboyrfriend na kami ngayon never pang naulit yung mga
nangyari noon.

Tumawa ng mahina si Nate. “Bakit hindi na lang ikaw Soph? Asawa mo naman si Dylan
eh.” Tonong nang-aasar pa siya. Nahihiya na nga ako, nang asar pa.

“A-ah! Ano kasi, hindi ko kaya! Sige na, tatlo naman kayo eh! Pakipalitan na lang
siya ng damit oh.” Sabay talikod ko sa kanila para kumuha ng pair ng pajamas sa
cabinet at hinagis ko sa kanila. “Ayan, sige na please pakipalit na lang.”

“Dapat masanay ka na. Sooner or later, magiging mag-asawa din kayo. Ikaw na din ang
magpapalit ng damit niya sa tuwing malalasing siya.” Natatawa ding sabi ni Kuya
Brix kaya pakiramdam ko mas lalo akong namula.

Napanguso ako. “Psh. Pag naglasing pa siya ulit sa banyo ko siya papatulugin.”
Bulong ko sa sarili ko pagkatapos tinignan ko silang tatlo. “Bababa muna ako, gusto
niyo ba ng coffee?”
Tumango silang tatlo ng sabay sabay.

“Black coffee.” Sabi ni Enzo.

“May creamer sakin Soph ah.” Request naman ni Kuya Brix.

“May gatas kayo dyan? Kahit powdered? Yun sakin.” Sabi naman ni Nate.

“Pfffft! Seryoso?!” Natawa ako sa kanya. Ano ba siya toddler? Yung mga kaibigan
niya puro kape tapos siya gatas? Hahahahaha!

“Hahahahaha! De joke lang, milo na lang sakin. Meron ba kayo nun?” Natatawa niyang
sagot sakin.

“What the hell Nate?” Poker face na sa kanya ni Enzo.

“Ba’t ba?! Masarap kaya yun! Ge na Soph, milo sakin!” Kahit natatawa ako sa
kanilang tatlo tumango na lang ako bago dumeretso sa pintuan.

Bago ako lumabas nilingon ko muna sila. “Wag niyong rape-in yan ah!”

“Depende ‘to kung magpaparape siya samin!” Sabi ni Nate tapos sabay sabay silang
tumawa na tatlo. Nakakatuwa lang dahil kahit papano nakikilala ko na din ang
friends ni Dylan. Alam ko na kung sino ang madalas niyang nakakasama.

“Eeeeeh!” Maktol ko sa kanila kahit na natatawa ako.

“Kidding!” Nakangiti din namang sagot ni Enzo kaya dinilaan ko silang tatlo at
bumaba na ako sa kusina para ipagtimpla sila ng kape at milo na din.

“Milo? May bata ba dun?” Nakakunot na sabi ni Krista habang dala dala yung tray sa
sala. Nandun na kasi yung tatlo. Bumaba na din sila kaagad nung natapos na daw
nilang bihisan si Dylan.

“Si Nate ang nagrequest niyan!” Sagot ko kay Krista habang nakasunod sa kanya.

“Ay ang cute naman! Hihi!” Parang kiti kiti na sabi ni Janna na kasabay kong
maglakad. Napalo ko pa siya sa braso. Kaya naman pala kasi siya busy sa pagtetext
sakin dahil kasabwat at kausap niya sina Nate tungkol nga sa pag aaway namin ni
Dylan.

“Hi Janna.” Bati ni Nate kay Janna nung dumating kami sa sala.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Krista at sabay na tumingin kay Janna na biglang


naging parang maamong tupa.

“Hello Nate.” Pahinhin niyang sagot na para namang kiti kiti na hindi makagalaw.
Ang harot ng babaeng ‘to, kukurutin ko na ‘to mamaya eh.

“Tch!”

Napatingin naman kami sa nagsabi nun, si Enzo pala na napapailing iling pa.
Sinamaan tuloy siya bigla ni Nate ng tingin.

“What?!” Nanalalaki pa yung medyo singkit na mata ni Enzo.

“4 letters. E-P-A-L!” Mukhang inis na inis na sabi ni Nate kay Enzo. Kami naman na
mga babae parang ewan na nakatingin lang sa kanila, hindi naman kasi namin
maintindihan ang mga sinasabi nila eh.

Nagpatay malisya na lang si Enzo at uminom ng kape. Habang si Janna naman parang
kiti kiti dahil galaw ng galaw sa upuan niya, palibhasa kasi may crush ‘to kay Nate
eh.

“Ano ba kasing nangyari kay Dylan? Lasing na lasing eh.” Tanong ko dun sa tatlo.

“Binottoms up yung alak. Akala niya yata iced tea yun eh.” Sabi ni Nate bago uminom
nung iced tea niya.
“He even cried.” Napapailing na naman sa sabi ni Enzo.

Nakaramdam na naman tuloy ako ng sobrang guilt. Umiyak si Dylan? Kasalanan ko.

“Binuko mo naman dude. Do you know this thing called ego? Winasak mo yung ganun ni
Dylan.” Komento ni Kuiya Brix sa sinabi samin ni Enzo.

“Fvck that ego! Let’s tell her the truth. Dylan cried because he felt betrayed by
you and Cy!” Straight English na sabi ni Enzo. Hindi ko alam kung maiiyak ako dahil
sa guilt o dahil sa nosebleed, hanep naman kasi makapag English si Enzo eh. Hindi
niya ba alam ang Alpabetong Filipino?

Nagulantang naman ako nung biglang magreact si Janna sa sinabi ni Enzo. “Hoy
makabetrayed by you ka naman sa bestfriend ko!”

“Friend, kalma ka nga.” Awat naman sa kanya ni Krista. Bakit ba kasi tinatarayan ni
Janna ‘tong si Enzo?

“Oy I’m just stating a fact here!” Ganting sagot naman ni Enzo.

“Fact fact mo mukha mo! IMFACTO KA! Magtagalog ka nga, nasa Pilipinas ka!”
Pagtataray na naman ni Janna kay Enzo, ayaw paawat.

“Tagolog? Fine. I know one tagalong word that best suits you...” Ngumisi pa si Enzo
bago ituloy yung sasabihin niya. “...Panget!”
Aba! Bakit kung makapag away ang dalawang ‘to parang close na sila? Close na ba
sila talaga? Hindi naman kasi ganito umasta si Janna sa mga taong hindi niya pa
nakakasama o nakakausap noon.

“Kapal mo! Mas panget ka!”

“Bigmouth!”

“Menopausal!”

“Hep hep! Ano papatawag na ba ako ng referee? Magboboxing na ba kayo? Pupusta na ba


kami?!” Awat ni Kuya Brix dun sa dalawa. Ewan ko ba kung awat ngang matatawag yung
ginawa niya.

Tinuro ni Enzo si Janna na para siyang batang nagsusumbong. “She started it!”

“Dude, awat na. Wag mo ng patulan dahil ang babae dapat dyan hindi inaaway. Dapat
minamahal sila di ba?” Nakangiti pa si Nate kay Janna nung sinabi niya yun.

Nagkatinginan na naman tuloy kaming dalawa ni Krista na para bang wala kaming
parehas idea kung ano bang nangyayari. Parehas lang kaming nagkibit balikat. Ang
labo ah. Si Janna at Enzo kung makapag asaran parang close na. At eto namang si
Nate hindi ko alam kung nagpapacute din ba siya sa bestfriend ko.
“Oy oy back to topic nga. Si Dylan pinag uusapan di ba? May problema di ba?” Pag
singit ni Kuya Brix sa’min.

“Eh Kuya Brix, ano pala yung mga sinabi sa inyo ni Dy? Galit daw ba siya sakin?”
Tanong ko. Sumeryoso naman na sila ulit.

“Meron.” Si Nate ang sumagot.

“Infact madami.” Dagdag ni Kuya Brix.

Napayuko naman ako. “Sobrang naguguilty na nga ako. Mag bestfriend sila pero
nagkagalit sila dahil sakin.”

“Haba naman kasi ng hair mo friend!” Comment naman ni Krista.

“Pero hindi naman daw siya galit sayo.” Sabi ni Kuya Brix na ikinagaan pa ng konti
ng pakiramdam ko.

“Dude, pano ngang sabi ni Dylan kanina?” Nagpipigil na tawa na sabi ni Nate.

Natawa din si Kuya Brix. “Ganito, ganito.” Kinuha niya yung cup niya ng kape at
bigla niyang pinungayan yung mata niya. Yung parang itsurang lasing ba. “Tol! Alam
niyo naman, hindi ako galit eh!” Sabi niya habang kunwari lasing siya tapos uminom
pa siya dun sa cup. “Alam niyo yun di ba? Hindi ko kayang magalit kay Sophia.”
Huminto siya sa pagsasalita at umarte na parang umiiyak. Suminghot singhot pa nga
eh. “Mahal ko yung tao ‘tol. Kahit na nagsinungaling siya sakin. Hindi ko kaya
magalit sa kanya.” Uminom ulit siya sa cup. “Hindi ko kayang magalit kay Sophia,
Brix! Di ba Nate? Si Enzo kasi tinatawanan ako. Sinasabi ko lang naman na hindi ko
kayang magalit kay Sophia.” May kasama pang pagturo turo ni Kuya Brix kila Nate at
Enzo.

“Hahahhahahahahaha! Epic!” Tawang tawa naman si Enzo sa ginawang pang gagaya ni


Kuya Brix kay Dylan.

Hindi na din naman namin napigilan nila Krista at Janna yung tawa namin dahil sa
pag arte ni Kuya Brix. Ang galing niyang umarte na parang lasing eh.

“Lupet talaga nung kanina eh! Sayang hindi natin navideo eh!” Tawang tawa din na
sabi ni Nate. Nagkonting tawanan at asaran pa silang tatlo.

Maya-maya sumeryoso na ulit si Kuya Brix. “Pero seryoso Soph, hindi nga daw siya
galit sa’yo. Sabi niya sumama lang daw talaga yung loob niya kasi nagsinungaling ka
daw kay Cyril.”

“He even came to a conclusion that you like Cyril. But we brushed that away ‘coz we
know you’ve got a firm reason why you had to lie.” Nakakadugong sabi ni Enzo sakin
pero umiling ako sa sinabi nilang dalawa sakin.

“Mali! Misunderstanding kasi talaga ‘to eh. Noon kasing tinanong ako ni Cyril kung
may relasyon kami ni Dylan sinabi kong wala, dahil wala pa talaga noon. Ang tagal
na din naming hindi nagkita ni Cyril, kanina lang ulit kaya hindi ko na naopen up
yung tungkol sa amin ni Dylan. Pero promise talaga, kaibigan lang ang turing ko kay
Cyril.” Pagkwento ko sa kanila nung totoo. Kung noon naman may relasyon na kami ni
Dylan at tatanungin yun ni Cyril, hindi ko naman idedeny eh.

“Totoo yan. Alam ko lahat ng happenings sa buhay ni Sissy kaya alam kong
misunderstanding lang talaga ang lahat.” Dagdag ni Janna para iassure sa kanila na
nagsasabi ako ng totoo.
“Matanong ko lang. Bakit uso sa mga babae na magtawagan kagaya nung...” Napakamot
si Nate ng batok niya. “Ano nga yun? Sissy ba?” Tanong niya out of the blue.

“Huh? Bakit? Eh di ba ang mga guys din naman may tawagan? Gaya sa inyo. Dude.”
Salita naman ni Krista. Parang alien naman kasi si  Nate eh, pati yung tawagan
naming girls napansin pa.

“Nga naman Nate. Dude, tol, bro. May tawagan din naman tayo, hindi lang cutesy
cutesy kagaya ng sa mga babae.” Pag sang ayon ni Kuya Brix sa sinabi ni Krista.

“Ayoko na ng mga ganung tawagan. Buti pa mag iisip na lang ako ng ibang tawag ko sa
inyo.” Umakto pa si Nate na parang nag iisip isip nga siya. “Alam ko na! Beh na
lang!”

Lahat kami natawa sa naisip ni Nate, except kay Enzo na mukhang kinilabutan sa
sinabi ni Nate! Hahahaha!

“You sound so gay Nathan. Don’t you even dare call me that... beh thing you made
up.” Nagbabanat pero mukhang naasiwa na sabi ni Enzo kay Nate. Lalo tuloy kaming
natawa.

“Arte mo beh. Uso kaya sa mga magtrotropang lalaki yun ngayon. Unique na cool pa.”
Pagtatanggol ni Nate sa naisip niyang callsign sa kanila.

“Cool nga! Hahahahaha. Nice one beh!” Tuwang tuwa na sabi ni Kuya Brix at nag apir
pa sila ni Nate habang si Enzo naman nanahimik na lang at uminom ng kape.
Nagkwentuhan pa kami habang nagpapalipas ng oras. Masaya din pala kasama ang mga
kaibigan ni Dylan. Malayong malayo talaga sila sa inexpect namin noon nila Janna at
Krista. Sa school kasi parang ang aangas at ang susuplado ng aura nila pero hindi
ko alam na ang kukulit at ang kalog din nilang kasama.

“Oh ang daming house invaders ah.”

Nagtinginan kaming lahat dun sa dumating. Si Ate Zea pala. Agad akong lumapit sa
kanya.

“Oh ano na nangyari Soph? Nag kausap na ba kayo ni Dylan? Pasensya ka na hindi ako
nakaalis sa boutique dahil biglang dumating yung supplies namin. Pero I texted Brix
to help ypou sort out your problem. Okay na ba kayo?” Worried at sunod sunod na
tanong ni Ate Zea sakin.

Umiling ako. “Inuwi po nilang lasing si Dylan kaya malamang po nito bukas na kami
makapag-usap. Pero thank you po kasi tinulungan naman kami nila Kuya Brix. Ang
sarap nga nilang kakwentuhan eh.”

“Good. So guys, anong napagkwentuhan niyo na?” Tanong niya sa kanila tapos
napatingin siya kay Krista. Oo nga pala, first time yata siyang mameemeet ni Ate.

“Ay Ate, si Krista po. Classmate at friend po namin.” Pakilala ko kay Krista.

“Kaibigan din naman yan. Tambay din yan minsan sa Griffin eh.” Biro sa kanya ni
Nate at nagngitian pa sila. Oo nga pala, kakilala niya nga pala sila Nate. Hindi
man sila sobrang close pero magkakakilala sila.
“Nice meeting you Krista.” Nagbeso pa si Ate Zea sa kanya.

“Same here po.” Nakangiting sagot ni Krista.

Nakipagbondingan si Ate Zea samin at nag enjoy naman kaming lahat. Sobrang close
din pala talaga siya sa mga kaibigan ni Dylan. Sinabi nga din niya kanina na siya
ang “Rose among the thorns” simula pa noong mga bata sila.

“Haaay nakakamiss ang ganitong bonding. I say, kailangan natin ulitin ‘to.”
Suggestion ni Ate Zea.

“I agree.” Sabi ni Enzo.

Inakbyan ni Kuya Brix si Ate Zea at medyo kinilig naman ako. “Tara outing?”

“Uy oo nga! Malapit naman na ang vacation eh. Tara planuhin na yan!” Excited na
sabi ni Nate.

Kahit ako naeexcite sa vacation na sinasabi nila. Mukhang magiging masaya yun.

“Ako na ang bahalang mag research kung saan pumunta. Wala akong tiwala na ikaw ang
magplaplano Nathan.” Humarap si Ate Zea kay Janna at Krista. “Sama kayong dalawa
ha?”

“Sure po.” Sagot nung dalawa.

“Uy! Uy! Kumag kayo, gabi na pala. May pasok pa bukas uy!” Natatarantang sabi ni
Nate sabay tayo sa inuupuan niya.

“Oo nga late na guys. Pahinga na kayo, sasabihan ko kayo kung kailan ang outing
natin.” Tumayo na din si Ate Zea.

Nagsitayuan na kaming lahat at tumuloy na sa front door.

“Bye Soph. Text mo ako bukas ha?” Paalam ni Krista.

“Ako din bakla.” Paalam din ni Janna at nagbeso silang dalawa sakin.

“Krista, sabay na kayo ni Janna kay Enzo.” Suggestion ni Ate Zea.

“Sakin na lang sasabay si Janna!” Biglang sumigaw ng malakas si Nate.

“Sure ka? Eh di ba kasi sa kabila ang way mo?” Napapakunot na tanong ni Ate Zea.
“Hindi ah! Sakin na lang siya sasabay di ba Enzo?” Pagpilit ni Nate.

“Okay fine. No need to shout.” Nakatapat pa yung dalawang kamay ni Ate Zea kay Nate
na para ngang sinasabi niya na kumalma si Nate. Problema ba kasi nito?

Pagkatapos ng madaming paalaman at kawayan pumasok na din kami sa loob at kanya-


kanyang kwarto ni Ate Zea.

Umupo kaagad ako sa tabi ni Dylan at hinawakan ko yung pisngi niya.

“Hay baby ko. Naglasing lasing ka pa kasi ayan tuloy. Dapat kasi nag usap na lang
tayo ng maayos eh. Wala naman kasi akong gusto dun kay Cyril, alam mo naman na love
kita kahit na sobra sobra ka kung magselos. Sana bukas pagkagising mo hindi ka na
galit sakin. Ang hirap kasing hindi tayo nagpapansinan eh, namiss kita kaagad.”

Hinalikan ko yung noo ni Dylan. Kahit na napakaseloso nitong lalaki na ‘to mahal ko
pa din siya.

“Goodnight baby. I love you.”

*tbc*
=================

Chapter Twenty One

Moon's Note: 

Dedicated pala sa kanya kasi wala lang. XD Natutuwa kasi ako sa kanya! Bahahaha. :D
Basta natutuwa ako sa support niya dito sa PM. Thank you! =)

Picture nila Janna and Nate sa side. :) 

--

Perfect Mistake Chapter Twenty One

*Nate’s POV*

“Ayos ba beh?” Bulong ko kay Enzo habang palabas kami ng front door nila Dylan.
Sinabi ko kasing sakin na sasabay si Janna para masolo niya si Krista. Nirereto ko
siya dun, tutal kakilala naman namin yun.

“Dude. We both know the real reason why you wanna drive Janna home.” Pang asar niya
na ngiti bago tinapik yung balikat ko at sumakay sa kotse niya.

Epal talaga yun. Dapat pala hindi ko na sinabi dun na may crush na ako dun kay
Janna, baka idaldal pa ng kumag na yun.
“Tara na?” Aya ko kay Janna. Ngumiti lang siya kaya pinagbuksan ko na siya ng pinto
ng kotse. Ang cute niya talaga, kaya ko crush ‘to eh. Sumisingkit yung mata pag
ngumingiti.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Natatameme ako, ganito yata talaga
pag nagkakacrush. Badtrip lang.

“Sineset up mo sila ‘no?” Biglang tanong ni Janna kaya napatingin ako sa kanya.
Nahalata ba niya?

Ngumiti lang ako bago sumagot sa kanya. “Hehe! Kasi naman si bespren, ang tagal
tagal ng walang girlfriend. Kaya nireretuhan ko lang, pag yan si Krista di pa niya
nagustuhan aasarin ko na siyang bakla.”

Natawa siya ng konti. Naks, napatawa ko siya.

“Hindi naman siguro bakla yun si Enzo. Sayang naman eh.” Napapangiti niya pang
sagot sakin.

“Sayang? Bakit sayang?”

Nagkibit balikat siya. “Kahit naman palaging nakakunot ang noo niya, gwapo naman
siya eh. Kaya sayang kung magiging bakla lang.”

Wow ah! Kung si Enzo lang nakarinig nung sinabi ni Janna siguradong palakpak tenga
yun. Pero teka nga? Gwapo daw si Enzo? Nagwapuhan siya kay Enzo?
“Ehem!” Nag fake cough ako bago itanong yung naisip kong itanong sa kanya. “Sa
grupo namin, may iba pa bang gwapo?” Mukhang tanga na tanong. Duga naman kasi, kay
Enzo siya nagwapuhan? Ibig sabihin mas gwapo sakin yung kumag na yun?

Natawa siya bigla tapos tumingin sa kabilang side ng bintana. “Hahaha! Anong bang
tanong yan oh?”

Hindi sinagot. Pushets naman. Ibig sabihin ba nun kay Enzo lang siya nagwagwapuhan?
Crush niya ba yun? Icrush ko pa mukha nung kumag na yun eh. Parati nga siyang
inaasar nun tapos magkakacrush siya? Badtrip naman.

Tinuon ko na lang yung atensyon ko sa pagdridrive nung nagvibrate yung cellphone ko


sa bulsa. Mukhang may tumatawag pa. Pinindot ko yung green button kahit hindi ko
nakita kung sino yung tumatawag.

“Torpedo! Hahahahaha!” Asar kaagad ni Brix kahit hindi pa ako nag hehello.

“Pinagsasabi mo Brix?” Tanong ko kaagad sa kanya. Nakita ko naman sa peripheral


vision ko na nilingon ako ni Janna.

Tumawa muna siya sa kabilang linya bago ako sagutin. “Kunwari ka pa! Sinabi sakin
ni Enzo yung modus mo, sabi ko na nga ba’t type mo yan si Janna! Hahahaha!”

“Daldal talaga nung panget na yun!”


Lalo akong tinawanan ni Brix. “Hahahaha! Oh ano nakakahinga ka pa ba dyan? Baka
naman nagkapanisan na ng laway ‘tol!” Bwiset na ‘to nang asar pa. Alam na alam
naman nilang hirap ako dumiskarte sa babae pag crush ko.

“Tss. Alam mo naman, nang aasar ka pa. Ano tumawag ka ba para tumulong o mag iinis
ka lang talaga?” Naasar kong tanong sa kanya. Di na lang kasi ako tulungan. Siya
nga dyan ang madaming pakulo sa buhay.

“Chill! Uso na ulit yung pick up lines. Banatan mo ng konti, malay mo kiligin!”
Suggestion ni Brix.

Nangamote naman ako lalo. Hindi nga ako marunong nun. “Wala akong alam na ganyan!”

“Bopols ka. Naalala mo yung pick up ko na tinuro ko sayo nung nasa bar? Di ba
natuwa yung kausap mo! Subukan mo yun.” Nalala ko nga yung minsan nakatambay kami
at nakikipagfling ako dun sa magandang chik na nakilala namin. Pinuck upan ko,
kinilig eh.

“Sigurado ka dyan ah! Pag ito hindi tumalab pipitikin ko ilong mo bukas.” Sabi ko
sa kanya.

“Gagana yan! Ge na!” tapos naputol na yung linya. Napailing na lang ako. Parang
hindi naman makakatulong yung pinagsasabi nun ni Brix. Pero bahala na nga,
susubukan ko na lang din kesa nga naman magkapanisan kami ng laway nito ni Janna.
Tahimik lang kasi siya nung kinausap ko si Brix sa cell phone.

“Ah... ehem ehem!”


Napalingon naman sakin si Janna na nanlalaki pa yung mata. Ang cute niya, parang
owl na nagulat.

“Janna, peanut ka ba?” Nag aalangan ko pang tanong sa kanya. Sana talaga kiligin
siya sa pick up ko. Baka sakaling gwumapo na din na ako sa mata nito.

Bakas sa mukha niya na nagulat siya sa tinanong ko. “Ha?!”

Inulit ko tuloy yung sinabi ko. “Sabi ko, peanut ka ba?”

“Ha?! Hindi ah!” Mabilis niyang sagot sabay iling pa. Tengene, ang KJ! Sira na
momentum ko.

“Uyyyy! Ang lakas maka Lady Gaga ng mukha mo ah. Poker face! Hahahaha! Bakit?”
Pinagtawanan niya pa ako. Wala na, warak na talaga yung momentum ko. Bakit ang KJ
naman kasi ni Janna?!

“Dapat kasi *bakit* ang isasagot mo eh!” Parang batang nagmamaktol kong sinabi sa
kanya. Lang’ya naman kasi oh.

“Ay! Hahahaha! Sorry! Hindi ko alam eh. Okay, okay. Take two!” Nagpipigil na tawa
niyang sabi.

Ayoko na sana dahil nasira na nga yung diskarte ko, kaso andito na ‘to. Atleast may
pinag uusapan na kaming dalawa.
“Sige sige. Janna, peanut ka ba?” Inayos ko na ulit yung tanong ko.

“Uhm bakit?” Nangingiti niyang tanong sakin.

Sinulyapan ko muna siya bago sumagot. “Kasi...peanutibok mo ang puso ko!”

“Pffffffft! Bwahahahahaahahah!” Bigla siyang tumawa ng malakas. Daig ko pa


nabusted. Tinawanan yung pick up ko! Imbes na kiligin siya tinawanan?! Clown na ba
ang tingin nito sakin ngayon?!

“Nakakatawa ka naman Nate! Hindi ko alam na pick up line pala yun! Hindi ko naman
kasi akalain na marunong ka pala ng ganun! Hahahaha!” Tawa pa din siya ng tawa.
Napapahawak pa siya sa tyan niya sa katatawa niya.

Ganun ba nakakatawa yung sinabi ko? Tss. Sabagay medyo korni nga. Subukan ko yung
iba.

“Ito na lang! Floor wax ka ba?” Tignan ko lang kung hindi pa siya kiligin sa isang
‘to.

Nagpigil na naman siya ng tawa. “Pffft! Bakit?”

Nginitian ko siya bago ulit sumagot. “Kasi crush kita. Ay nadulas ako!”
“Wahahahahahaha! Ang kulet nung pick up mo Nate! Hahahahaha! Grabe! Hahahahah!
Wait... hahahaha! Hindi na ko makahinga! Hahahaha!”

Tokwa naman oh! Bakit natawa pa din? Ang intension ko pakiligin siya hindi
patawanin! Duga naman oh! Mauubusan na ako ng pick up tapos siya naman puro tawa
lang.

“Last na nga ‘to.” Sabi ko sa kanya. Pag talaga walang epekto sa kanya ‘to
makikipag suntukan na lang ako sa sarili ko. Bwiset na Brix yan.

Huminto siya saglit sa pagtawa niya. “Promise ah? Last na. Masakit na yung tyan ko
eh!” Namumula na siya sa katatawa niya kanina.

“Okay okay! Star ka ba?”

“Pfft! Patrick Star? Bwahahahahaha!” Tumawa na naman siya ng tumawa. Halos kita ko
na yung tonsils niya sa sobrang pagtawa niya.

Semplang na naman yung diskarte ko. Bakit ba ang KJ ni Janna pagdating sakin?
“Hindi hindi! Star lang!” Medyo naaburido ko ng sabi sa kanya.

“Okay. Pffft. Bakit?”


“Hindi man kita kayang abutin, umaasa ako na baling araw mahulog ka sakin.”
Seryosong seryoso kong sabi habang nakatuon yung atensyon ko sa daan. Nagtaka ako
nung tahimik lang siya at hindi siya tumatawa kaya nilingon ko siya.

Nakabaon yung mukha niya sa dalawang kamay niya pero napansin ko na namumula yata
yung tenga niya. Namumula? Blush ba yun?! Yes! Effective nga! Sa sobrang kilig niya
siguro itinago niya yung pamumula niya. Tss. Sabi ko na nga ba’t eepekto din ‘to
eh.

Nilingon ko siya ulit at kinalabit ko ng konti, hwag na siya dapat mahiya kung
kinilig siya. Yun naman intension ko sa kanya eh. “Janna.”

Inalis naman niya yung kamay niya sa mukha niya at humarap siya na parang nakainom
siya ng suka tapos biglang... “HAHAHAHAHAHAHA! Hindi ko nagets Nate, pero sobrang
nakakatawa ka talaga! Sobra! Hahahahaha! Saan mo ba napulot yang mga yan? Ang korni
eh! Hahahahaha! Grabe talaga!!”

Aray naman! Akala ko pa naman kinilig na, bumwelo lang pala sa tawa! Nasabihan pa
kong korni! Humanda sakin yung Brix nay un bukas, bugbog siya sakin! Nagmukhang
kahiya hiya pa tuloy ako dito kay Janna!

“Hahaha! Seryoso Nate? Saan mo nakuha yan? Ang korni, hindi ko inexpect na
maririnig ko sayo. Hahahaha!”

“Sa tabi tabi.” Tipid at wala sa mood ko ng sagot. Wala na, walang epekto. Napahiya
na ko, baon na sa lupa ang pagkatao ko. Lang’ya talaga. Hinayaan ko na lang tuloy
siyang tumawa ng tumawa hanggang sa napagod na siya. Natahimik tuloy kaming dalawa.

Hanggang sa narinig kong may tumutunog na cell phone. Nilingon ko siya, nagtetext.
Sino naman kayang kausap niya at mukhang napapangiti pa siya.
Maya maya tunog ng tunog yung cellphone niya tapos tuwing tinigtignan niya yun
napapangiti siya. Hindi ko na tuloy napigilan na hindi siya tanungin.

“Mukhang nag eenjoy ka sa kausap mo ah? Sino ba yan?”

Sumulyap siya sakin ng konti bago ibalik yung tingin niya sa cell phone niya. “Ah
wala, si Enzo lang ‘to. May sinabi lang siya sakin.”

Pakiramdam ko gusto ko batukan ngayon si Enzo. Ngayon na mismo. Tokwa talaga siya!
Nirereto ko siya kay Krista tapos katext niya si Janna? May toyo talaga yung tao na
yun eh! Ayqaw ba ni Janna sa korni? Mas gusto niya ba yung lalaking masungit? Yung
tipong parang may dalaw? Tss. E di magsusungit ako!

Buong byahe hindi na ako nagsalita, hindi ko na siya kinibo para kunwari masungit
ako. Di naman nagtagal nakarating na din kami sa bahay nila, medyo natagalan pa nga
dahil hindi ko na gaanong matandaan yung daan. Parang pangalawang beses ko pa lang
kasi yata siya mahatid sa bahay nila. Ang dami kasing paliko liko, may madadaanan
pang medyo maliblib tignan na lugar.

Pinagbuksan ko na siya ng pinto ng kotse at bumaba na din siya.

“Thank you sa paghatid Nate ah.” Sabi niya bago siya pumasok ng gate nila.

Tumango lang ako para kunwari masungit.


Papasok na siya sa gate nila at ako naman patalikod na pabalik sa kotse ko nung
tinawag niya ulit ako.

“Nate!”

Tinignan ko lang siya, para kunwari masungit talaga ako.

“Thank you din pala sa pagpapatawa mo sakin. Grabe! Nag enjoy talaga ako sa mga
pick up mo kanina!” Sumisingkit na naman yung mata niya dahil nakangiti na naman
siya sakin.

Tapos hindi ko inasahan yung susunod niyang ginawa....

Hinalikan niya ko...


... sa pisngi at tumakbo papasok ng bahay nila.

Binatok-batukan ko na yung sarili ko kasi baka nananaginip lang ako. Totoo ba yun?
Hinalikan ako ni Janna sa pisngi?!

Bigla bigla napatalon ako at napasigaw ng walang tunog! Gusto ko man sumigaw ng
malakas nahiya naman akong makabulabog dahil gabi na. Mamaya mapabaranggay pa ako
eh! Hindi tuloy maalis alis yung ngiti sa labi ko. Hindi ko na bubugbugin si Brix
bukas, ililibre ko pa siya.

Ang saya ng gabi ko!

*Janna’s POV*

Halos madapa ako nung nagtatakbo ako papasok ng bahay! Ghaaaaad! Nakakahiya yung
ginawa ko. Balak ko lang naman talaga mag thank you sa ginawang pagpapatawa sakin
ni Nate eh. Hindi ko alam kung anong espirito ng kalanturan ang sumapi sakin at
hinalikan ko siya sa pisngi!
Nakatulala tuloy akong naupo sa kama ko. Buti na lang tulog na si Mommy kung hindi
magtatanong pa yun kung bakit ako nagtatatakbo papasok ng bahay! Waaaa! Kasi naman
eh.

Hindi pa man din ako natapos mag loka lokahan nung nagring bigla yung cell phone
ko.

Incoming Call...

Enzungit

Ay! Si Enzo na masungit pala! Sinagot ko kaagad yung tawag niya kasi baka mainip,
magsungit na naman.

“Oi what happened?” Pangangamusta niya. Kanina kasi katext ko siya para sabihin
yung mga pinipick up ni Nate sakin. Hindi ko kasi alam kung paano ko ilalabas yung
kilig ko kaya kinwento ko na lang sa kanya sa text.

“Ghaaaaaad! Nakakahiya ako!” Malakas kong sabi sa kanya. Sigurado ako maiinis na
naman yan dahil maingay ako pero wala akong magawa! Nagpapanic ako dahil sa nagawa
ko kay Nate, for sure mahahalata na nun na crush ko siya!

“Aish! Kailangan ba lagi kang sumisigaw?!”

Naamaze naman ako bigla! Nagtagalog siya oh!


“Ulitin mo nga! Ganyan ka pala magtagalog, parang si Sam Milby lang! Hahahaha!”
Asar ko pa sa kanya. Hindi naman talaga parang Sam Milby, pinagtritripan ko lang
siya. Unang beses ko ata ‘to narinig na nagtagalog e.

“Tss.” Pagsusungit na naman niya. “Mind telling what the heck happened?”

“Eto na nga eh! Nung una tahimik siya sa kotse tapos bigla bigla nagpick up lines
siya! Kaya nga ako napatext sa’yo kasi nga natatawa ako at the same time kinikilig
ako. Tapos ayun pagkatapos tahimik na ulit siya. Tapos alam mo ba?! Nakiss ko siya
sa pisngi! Nakakahiya ako!”

“Pffft! You did that? Hahahaha! Yeah you’re right! Nakakahiya nga. Hahahaha!”

Peste sabi na nga ba mang aasar ‘to eh. Hindi ko alam kung tinutulungan niya ba ako
talaga o nampipikon lang siya.

“Tinawanan mo pa ko! Wow laki ng tulong mo ah! Bwiset!” Sarcastic kong sagot sa
kanya tapos napaisip ako bigla. “Teka nga! Bakit mo ba ako tinutulungan kay Nate
ha? Bakit mo ko kinukutya kutya para ipagtanggol niya ko?”

“I know him very well; he likes to play the hero guy.” Wow. Sever bleeding na ako.

Pero napailing ako. “Eh saglit nga, hindi mo naman sinagot yung tinanong ko. Bakit
mo nga ako tinutulungan sa kanya? Di ba naiinis ka sakin?”

“Psh. Who said I was helping you? I was helping Nate, not you!”
“Hala! Ang gulo mo, ganun din yun eh. Labo mo kausap ‘no?” Sagot ko na naman sa
kanya. Hindi ko alam kung sadyang magulo lang siya kausap o English kasi kaya hindi
ko nagets! Ay kakaloka!

“Tss whatever!”

“Angelina is that you?”

*toot!*

Ay bastos binabaan ako! Ang labo labo naman kausap nun, bahala nga siya. Basta
kinikilig pa din ako sa mga pick up ni Nate. Mukhang maaapapanaginipan ko pa yun!
Hihi!

*Sophia’s POV*

*Zzzzzzzzzz!*

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Parang may nag gragrass cutter sa tapat
ng tenga ko. Pero dahil antok na antok pa ako, kinuha ko yung isang unan at ibinaon
sa mukha ko para hindi ko na marinig yung inagy pero walang silbi.
*Zzzzzzzzzzz!*

Dinilat ko na yung mata ko at napailing na lang nung nakita ko kung saan


nanggagaling yung maingay. Halos nakatapat pala kasi yung tenga ko sa bibig ni
Dylan, ang ingay niya humilik!

Tinapik ko yung braso niya.”Dy...”

“Mmmmmm....” Umingit lang siya na parang baby tapos natulog na ulit at... humilik
na naman! Ang sakit sa tenga eh!

“Dylan naman, ang ingay ingay mo naman eh.” Niyugyog ko na yung balikat niya kaya
unti unti siyang dumilat.

“Baby? Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya kaagad nung  dumilat siya. Hinawakan
niya pa yung ulo niya, may hang over pa siguro ‘to. Iinom inom pa kasi.

Umupo na ako sa kama at nagsimulang hilutin yung ulo niya. “Tungeks. Bahay natin
‘to.”

Hinawakan niya yung isang kamay kong humihilot sa ulo niya. “Ha?! Paano ako
nakauwi?”
“Gumapang ka po.” Sarcastic kong sagot sa kanya.

Sumimangot siya tapos maya maya napangiti din naman. “Sinundo mo ako ‘no?”

“Di ah! Hinatid ka po nung tatlo dito.” Hinalikan ko bigla yung noo niya. “I love
you Dylan.”

Bigla naman siyang nag iwas ng tingin, nagtatampo pa din siya sakin kaya hinawakan
ko yung magkabilang pisngi niya at pinaharap sakin.

“Dylan naman, makinig ka muna sa sasabihin ko ha? Yung sinabi ni Cyril na ang sabi
ko sa kanya noon na wala tayong relasyon totoong sinabi ko yun.” Sumimangot lalo
siya. “Pero noon pa yun Dy, wala pa talaga tayong relasyon noon. Kung meron naman
hindi ko naman idedeny sa kanya yun eh. Hindi ko lang din kaagad nagawang sabihin
sa kanya na buntis ako dahil ayokong madaming makaalam dahil alam mo naman na
binubully na nga ako sa school noon eh. Hindi ko kaagad sinabi sa kanya kasi
hinhintay ko na ikaw ang magsabi sa kanya, sa lahat. Pero believe me Dylan, wala
akong gusto kay Cyril. Ikaw lang yung gusto ko, ikaw lang ang love ko.”

“Talaga?” Paninigurado niya.

Tumango ako. “Talaga po.”

“Talagang talaga?” Tanong niya ulit kaya lalo akong napangiti.

“Talagang talagang talaga!”


“Halika nga dito!” Niyakap niya ako bigla at tinumba sa kanya. Natuwa naman ako.
Ang bilsi din talaga mawala ng tampo niya sakin.

Sa sobrang tuwa ko sa kanya hinalikan ko siya noo. Sa ilong. Sa right cheek at left
cheek at limang beses sa lips.

“Sus, sobrang lambing naman.” Ngiting ngiti na sabi niya sakin.

“Syempre miss kita eh. Pero kahit miss kita, mabaho ka na po. Shower na.” Sabi ko
sa kanya at bumangon na ulit ako.

Bumangon na din naman siya at biglang natawa nung tumayo siya. “Pfft! Bakit
baligtad yung pajama ko?”

Tinginan ko yung suot niya, baligtad nga! Pati tuloy ako natawa ng konti. “Oo nga!
Haha. Sila Nate ang nagpalit niyan sa’yo eh.”

Napakamot siya ng batok. “Ang bopols talaga nun. Ligo na ko, lagkit ko na.”

Dumeretso naman na siya sa banyo at inayos ko naman yung kama namin. Grabe ang gulo
gulo, hindi ko alam kung sino ba samin ni Dylan ang mas malikot matulog. Pero
madalas nakadantay siya sakin.
Tapos ko ng ayusin yung kama at palabas na sana ako ng kwarto nung narinig kong
nagring yung cell phone ni Dylan na nasa side table. Kinuha ko kaagad yun at
chineck kung sinong tumatawag.

Incoming Call...

Tito Nilo

Dahil hindi ko naman kilala kung sino yun, kinatok ko si Dylan sa banyo. “Dy, may
tumatawag sa phone mo. Tito Nilo ang nakalagay.”

Narinig kong tumigil yung lagaslas ng tubig kaya malamang pinatay niya muna yung
shower. “Sagutin mo baby. Daddy yan ni Nate.”

Priness ko yung green button at tinapat sa tenga ko yung phone. “Hello po?”

“Ah sino ito? Hinahanap ko kasi si Dylan.” Sagot nung Daddy ni Nate.

“Nasa shower po kasi si Dylan. Si Sophia po ito.” Sagot ko sa Daddy ni Nate. Sinabi
ko na yung pangalan ko kahit hindi ko naman alam kung kilala niya ba ako.

Pero nagulat ako. “Ah Dylan’s fiancé?”

Napangiti naman ako sa sinabi ng Daddy ni Nate. Parang ang sarap sarap pakinggan.
“Opo.”
“Itatanong ko lang sana kung nandyan pa si Nathan sa inyo? O kung alam niyo kung
nasaan siya? Kasi hindi pa umuuwi eh.” Halatang nag aalala yung Daddy ni Nate.

“Galing po sila dito kagabi pero umalis po ng mga 11 ng gabi. Hindi po kaya kasama
ni Enzo?” Nag aalala na din ako. Saan naman kasi pupunta yun si Nate? Si Janna kaya
naihatid niya?

“I already called Enzo pero hindi sila magkasama. I’ll try to call Cyril and Brix
to check if they’re with him. Salamat hija, pakitawagan na lang din ako kung
sakaling mapadaan ulit dyan ang batang yun ha?” Mahabang bilin ng Daddy ni Dylan.

“Sige po.” Sagot ko bago maputol yung usapan namin.

Napakamot ako ng ulo. Saan naman kayang lupalop nagpunta yun si Nate? Magkasama
sila ni Janna kagabi ah? Ano kayang nangyari dun? Hindi kaya nakidnapp?! Ay hindi
hindi yan! Ang nega ko naman mag-isip!

Hindi naman siguro siya nauntog at nagkamnesia para makalimutan kung saan siya
nakatira. At lalong hindi naman siya nagahasa. Nagtataka lang talaga ako. Saan
nagpunta si Nate?!

 ---

For my beloved fans: As I said sa taas, may Special Update. CLICK THE EXTERNAL
LINK. The story is entitled "Nate's Adventure" , andun yung nangyari kay Nate at
kung saan siya napunta. Nakapa informal ng way of writing ko doon so kung ayaw niyo
makabasa ng kabaliwan okay lang. :P

Kung hindi naman kayo interesado sa Special Update featuring Nathan, pwede na kayo
magskip sa next chapter. Sabi ko nga for fun lang 'to, trip trip lang. Regalo na
din sa readerss, pero ewan ko kung matuwa sila o mabwiset. XD O sya haba ng note
ko. XD

#Moon ♥

=================

Chapter Twenty Two

Moon's Note: 

Hello my dear readers, sorry for the long wait. Yung iba kinakalampag na ko sa
update. Medyo bumisy lang ang lola niyo. Hahaha. Eto na po yung vacation nila, 3 or
4 parts to. Hopefully matapos na din yung isa later or tomorrow. Sasagadin ko muna
kayo sa update this week kasi busy na ko next week. Christmas na po eh, relax relax
muna tayo. Hihi. 

Eto pala yung place na pinuntahan nila. Ganda di ba? Libre niyo ko dyan! Hahaha. XD

 Perfect Mistake Chapter Twenty Two

*Sophia’s POV*

“Wow ang ganda!” Arms spread wide pang sabi ni Janna nung dumating kami sa mismong
resort somewhere sa Northern part.

“Bongga! Ang daming nakatopless!” Parang gaga na sabi ni Krista kaya nagtawanan
naman kami.
“You came with to us just to see those?” Tukso tuloy sa kanya ni Enzo. “You
should’ve said so, don’t worry I’ll take off my shirt later.”

Nginusuan naman siya ni Krista.

“Awww. Guys! Picture naman tayo oh!” Sabi ni Ate Zea habang winawagayway yung
camera niya. Kanina ko lang nalaman na mahilig din pala siyang magpicture, minsan
nga daw kumukuha siya ng stolen shots namin ni Dylan.

Umakbay naman sakin si Dylan tapos kanya kanya na kaming smile sa camera.

“Ready...One...two....three...”

*click!*

Nakailang shots pa kami at papalit palit lang ng magkukuha ng picture para lahat
meron. Kadadating pa lang namin pero nag eenjoy na kaagad kami.

“Tara guys, mag lunch na muna tayo bago natin asikasuhin yung rooms. Gutom na din
ako eh.” Aya ni Ate Zea.

Sumunod na kami sa kanya para maghanap ng restaurant which is hindi mahirap gawin
dahil nagkalat ang restaurants, bars at food stall dito mismo sa resort. Pero
maganda dito dahil hindi masyadong crowded, hindi daw kasi nag aaccomodate ng
sobrang daming guests yung resort dahil iniiwasan nga nila ang overcrowding. Buti
na lang at close family friend nila Kuya Brix yung may-ari nung resort kaya
inaccomodate kami kaagad.

Buffet lunch ang meron sa restaurant na pinuntahan namin kaya dig in talaga kami sa
pagkain.

“So guys, ilang rooms ang kukuhanin natin? One for the boys and one for the girls
na lang ba?” Tanong ni Ate Zea bago sumubo ng dessert niya.

Umalma naman kaagad ‘tong katabi ko. “Ate! Isang room kami ni Sophia!”

Napatango si Ate Zea bago sumagot. “Ay oo nga pala! So tatlong rooms na lang?”

“Tabi din tayo Zee!” Request ni Kuya Brix.

“Bee naman!” Napalo tuloy siya ni Ate Zea.

“Wow! Bee Zee, Bee Zee. Parang bubuyog lang!” Pang aasar ni Nate sa nicknames nila
Ate at Kuya sa isa’t-isa.

“Sounds like busy to me.” Natatawang sagot naman ni Enzo. Nairapan tuloy silang
dalawa ni Ate Zea.
“As I was saying, three rooms na lang ang kukuhanin natin. Sasama ako kay Janna at
Krista dahil kailangan ko silang banatayan.”

“What for? Di naman na sila bata.” Tanong ni Enzo. Oo nga naman, babantayan saan
ba?

“Mamaya niyan pasukin yung dalawa sa kwarto!”

*cough cough!*

Nasamid at inubo si Nate sa sinabi ni Ate Zea habang si Enzo, Dy at Kuya Brix tawa
ng tawa. Kaming tatlo naman nila Janna at Krista nanlaki lang yung mata.

“Zey naman!” Sabi ni Nate habang umuubo ubo pa din. Inabutan ko na lang tuloy siya
ng tubig dahil katabi ko naman siya sa kabilang side.

“Inaano kita Nate? Bakit ikaw ba yun?!” Ganti ni Ate Zea sa kanya.

“Hahahaha! You therefore plead guilty!”

Nagtawanan kaming lahat habang si Nathan pulang pula na. Hindi ko alam kung sa
kahihiyan o dahil sa pagkakasamid niya.
*

Naglalakad na kami papunta sa hotel kung saan kami mag stastay. Along the way, ang
dami naming nakakasalubong na topless na mga lalaki at syempre mga nakabikini.

Siniko ko bigla si Dylan habang nakaakbay siya sakin.

“Oh baby?”

Sumimangot ako sa kanya. “Takpan mo na lang yang mata mo!”

“Ha?! Bakit? E di nadapa dapa naman ako.”

“Eh kasi naman ang daming nakabikini! Kung hindi ko lang alam baka tinitignan mo
sila ng palihim!” Maktol ko sa kanya.

Sumersyoso naman yung mukha niya, tapos maya maya bigla siyang natawa. At talagang
tinatawanan pa ako? Ano kayang nakakatawa?!
Hinigit niya ako mas palapit sa kanya. “Ikaw kasi baby, mag bikini ka na din para
sa’yo lang ako titingin.”

Napalo ko tuloy siya sa braso! “Ano ka ba?! Nakitang lumalaki na yung tyan ko eh!”
At kahit naman hindi ako buntis hindi ko kayang magsuot ng bikini, maiilang lang
ako.

“Oh ano?” Sabi niya sakin. “On second thought, wag ka palang magbibikini. Dapat ako
lang ang makakakita sa’yo na nakabikini.” Kinindatan niya pa ako kaya eto naman ako
ngayon, namumula!

Pumasok na kaming lahat dun sa hotel. Hindi naman siya gaanong kalakihan dahil 10
floors lang daw ang meron pero ang ganda nung loob ng hotel. Perfect ambiance para
sa vacation, hindi masyadong classy at sobrang relaxing tignan.

“Room 501 kayo, kami nila Janna sa 503 tapos yung boys sa 507.” Inabot sakin ni Ate
Zea yung magnetic key card.

“Come on.” Aya ni Enzo papunta sa elevator. Saglit lang nakarating din kami agad sa
5th floor.

“Oh paano guys? Kita kita na lang mamaya?” Paalam ni Kuya Brix bago kami pumasok ni
Dylan sa room namin. Yung room 501 kasi ang unang madadaanan sa hallway.

“Later guys.” Sabi din ni Ate Zea at nagkanya kanya kaming pasok sa mga rooms
namin.
Binuksan ko na yung pinto ng room namin at tumuloy na sa loob. Kasunod ko naman si
Dylan na may dala ng mga bag namin.

Sinilip ko kaagad yung terrace at naamaze ako sa ganda ng view. Tanaw na tanaw ko
yung beach mula dito at may iilan din akong islands na natanaw.

“Dy! Tignan mo oh, dali tignan mo ang ganda ng view dito!” Excited ko siyang
tinawag pero hindi siya sumagot kaya bumalik muna ako ulit sa loob.

Naabutan ko siyantg nakadapa sa kama namin kaya umupo ako sa tabi niya.

“Dy? Tulog ka ba?” Tinapik tapik ko yung braso niya pero wala pa ding response.
Hala? Ang bilis naman makatulog nito e tulog naman siya sa van kanina.

Patayo na sana ako nung biglang hinigit ako pahiga ni Dylan at inunan pa ako sa
braso niya.

Pinalo ko na naman tuloy siya sa braso. “Akala ko tulog ka!”

Magkaharap kami ng mukha pero nakapikit naman siya. “Ang sarap dito ‘no?” Magkasama
tayo sa bakasyon, parang honeymoon lang.”

“Honeymoon ka dyan!” Namumula naman ako bigla.


“Bakit? Ayaw mo ba dito maghoneymoon? Ako gusto ko na din dito maghoneymoon.”

“Hoy ano bang sinasabi mo dyan?” Medyo naiilang kong sabi sa kanya pero hindi ko
naman maitanggi na kahit puro honeymoon ang pinagsasabi nito Dylan. Naiisip ko lang
na syempre honeymoon, ibig sabihin pakakasalan niya ba ako? Iniisip niya din ang
tungkol sa pag settle down for real.

Niyakap naman niya ako bigla kaya ilang inches na lang ang pagitan ng mukha namin.
“Baby...”

“Mmmm?”

“Tara honeymoon tayo!”

*Pak!*

“Aray!” Sigaw niya.

“Ano ba kasing pinagsasabi mo dyan Dylan Zayn? Jusko ka! Magkakaatake ako sa puso
sa mga sinasabi mo eh! Kung ano anong pinag iisip mo dyan! Yung utak mo nilulumot!
Berde! Manahi-“

Hindi ko na natuloy yung daldal ko dahil bigla niya akong hinalikan. Nanlaki pa
yung mata ko dahil sa gulat pero pagkaraan unti-unti na din akong napapikit at
nadala ng halik ni Dylan. I suddenly felt him pulling me closer as he started to
deepen the kiss. I put my hands around his neck, and his aroung my waist...
Parang hindi kami nauubusan ng hininga kasi walang bumibitaw, or should I say wala
din yatang gustong bumitaw...

*Janna’s POV*

“Bakla, hindi ka pa tapos dyan?” Naiinip kong tanong kay Krista na busy pa kakaayos
ng damit niya. Gustong gusto ko na kasi maglibot sa buong resort. Si Ate Zea kasi
dinaanan na ni Kuya Brix dito dahil susubukan daw nila ang parasailing.

“Sandali friend, ang gulo gulo pa ng gamit ko eh! Saka hindi ko makita yung
swimsuit ko!” Nakabusangot ng sabi ni Krista habang kinakalkal yung mga gamit niya.

Histerya naman agad ako. “Magswiswimsuit ka?! As in ipaglalantaran mo sa madla ang


katawan mo? Ay kaloka ka ha!”

Binato tuloy niya ako ng unan, tinamaan ako sa mukha! “OA teh?! Yung swimsuit ko
two piece pero yung top hanggang taas ng pusod tapos yung sa baba naman shorts! Di
ko kaya yung bikini style na two piece ‘no!”

“Ay sorry naman! Kala ko kasi magbibikini ka eh. Ako nga naka summer dress lang
kahit di naman summer! Hahaha!” Sagot ko sa kanya pero naiinip na talaga ako.
“Bababa na muna ako, kita na lang mamaya. Hahanapin ko na lang muna sila.”

Tumango lang naman si Krista kaya lumabas na ako ng room namin. Napadaan ako sa
room 501 pero hindi ko na chineck kung nandoon pa yung dalawa. Baka nagmomoment!
Hihi!

Pagkalabas ko ng hotel naglakad lakad lang muna ako at nagwish na may makasalubong
ako kahit sino sa kanila, pero pwede ding si Nate na lang! Hihi. Pag nagkasalubong
ko siya aayain ko siyang maglakad sa tabi ng dagat para romantic! Waaaaa!

Naglakad lakad pa ulit ako nung may nakita akong lalaking nakatalikod at
naglalaptop. Mukhang siya nga kaya lumapit ako ng konti para iconfirm.

“Huy!” Tinapik ko siya ng malakas nung naconfirm ko na siya nga yung nakaupo sa
ilalim ng isang umbrella at umiinom ng iced coffee.

“What?!” Pangsusungit niya na naman nung nakita niya ako tapos binalik niya din
kaagad yung tingin niya sa laptop niya. Kahit kelan talaga ang sungit nitong lalaki
na ‘to.

“Nasan sila? Bakit nandito ka?” Usisa ko sabay upo sa isa pang upuan na halos
katabi ng sa kanya.

Sumagot siya ng hindi man lang ako tinitignan, busy pa din siya sa laptop niya. “I
don’t know.Brix went out with Zea, Nate also went out. I dunno where in earth are
they so I just settled in here.”
Dahil naintriga ako dahil mukhang hindi maagaw ang atensyon niya sa laptop,
nagtanong na ako. “Anong ginagawa mo?”

“None of your business.”

Wow taray na naman! Meron ‘to! “Nagtatanong lang naman eh, bakit ba ang sungit mo?
Sarap mo batukan!” Sabi ko sa kanya. Ang ayos ayos naman ng tanong ko tas mag
susungit na naman siya dyan. Di ko talaga malaman sa tao na ‘to, may hinanakit ba
‘to sa mundo?

“Batukan mo! Di na kita tulungan dyan.” Walang gana niyang sagot tapos nagpipindot
na naman siya sa laptop niya.

Makapamblackmail siya dyan e sabi naman niya hindi naman niya ako tinutulungan.
“Nagfafacebook ka ba ha?” Tanong ko na lang ulit. Para kasing blue label yung
nakita ko sa taas eh.

“Psh!” Inis niyang sabi tapos itinagilid niya yung laptop niya para hindi ko na
matanaw. Grabe! Akala niya sakin chismosa ako?! Hindi naman masyado eh!

“Tinatago mo ah! May kachat ka ‘no? Chiks ba yan? Yieeeee!” Inaasar asar ko siya at
sinabayan ko pa ng tusok sa braso. Pikon kasi masyado kaya ang sarap tuloy asarin.
Hahaha!

“Hey cut it out! Shoo!” Pinapalis niya yung kamay ko pero inuulit ulit ko lang yung
pagtusok sa braso niya.
“Ahyeeeeee!”

“Shooo!” Bugaw niya naman sakin na may kasama pang kamay. Parang nagbubugaw ng
langaw.

Habang busy siya sa pagbugaw sakin inisnatch ko mula sa lamesa yung laptop niya.
“Wahahahaah! Patingin kung sino kachat mo ah!” Asar ko sa kanya pero wala naman
talaga akong planong tignan, gusto ko lang talagang mang asar.

“Aish! Give me back my laptop! If you drop that I swear i.... I swear I......”

Hindi niya matuloy tuloy yung sasabihin niya dahil pilit niyang inaabot yung laptop
pero umiikot ikot ako kaya hindi niya mabawi.

“Anong I swear?! I swear, by the moon and the stars and the skies... I’ll be there!
Hahahaha! Kanta yun di ba? Lumang kanta! Mga panahon mo pa! Hahahahaha!”

Lalo naman siyang nainis sakin. “I swear I’ll throw you at the middle of beach and
let you get eaten by sharks! Or at least I’ll let you drown in there!”

“Ghaaaad! I’m bleeding! Nosebleed! Hahahaha!” Tawang tawa kong sagot sa pagbabanta
niya.

“I’m talking to my sister okay?! Just give it back!” Agaw niya pa din tapos bigla
niya na lang inikot yung dalawang kamay niya sakin, yung parang nakayakap para
agawin yung laptop niya.
Tawa lang naman ako ng tawa dahil alam kong asar na asar na si Enzo.
“Hahahahahahaha!”

Napatigil lang kaming parehas nung pag ikot namin para mag agawan sa laptop, nakita
naming nakatayo si Nate sa harap namin.

Bigla tuloy akong umayos at inabot yung laptop pabalik kay Enzo. Nakakahiya naman
kasi yung itsura namin ni Enzo kanina.

“Nakita niyo sila Brix?” Seryoso yung mukha niyang nagtanong samin.

Nagtinginan muna kami saglit ni Enzo na parang nagtatanungan din tapos halos sabay
kaming sumagot.

“Hindi eh.”

“Nope.”

“Ah okay.” Sagot niya lang tapos bigal bigla umalis na siya at naglakad papunta sa
hindi ko alam.

“Sundan mo yun!” Nanlalaki yung matang sabi ni Enzo nung umalis bigla si Nate.
“Ba’t ako?! Mukhang nahawaan mo ng topak mo eh! Ikaw na, baka sungitan ako nun!”

Tinulak tulak niya ba ako sa braso na parang pinapaalis niya talaga ako. “Are you
brainless? Go follow him! Now!”

Hala! Sinigawan ako!

“Naninigaw! Eto na nga susunod na!” Nakabusangot ko na ding nilayasan si Enzo.

Naglakad lakad ako para hanapin si Nate kahit pag nakita ko hindi ko naman alam
kung paano siya iaapproach. Kasi naman! Ang seryoso niya kanina, parang may sapi
lang.

San na ba nagpunta yun?!

Napapakamot na lang ako ng ulo dahil kanina pa din ako lakad ng lakad sa kung saan
saan pero hindi ko naman makita si Nate. Sumasakit na din yung binti ko kakalakad.
Gusto ko na sanang tumigil kaso doon ko naman siya nakita. Pero hindi na ako
nakalapit sa kanya kasi may kasama siya. May kasamang babae si Nate, at mukhang
close sila. Napangiti na lang ako ng malungkot. Nakakagaga naman, ngiting
malungkot. Hay.

Tumalikod na lang ako at hahakbang n asana paalis nung...

“Janna?”
*Cyril’s POV*

“Hi babe.” May biglang babaeng lumapit sakin sabay halik. Natatandaan ko ang mukha
nito, pero parang hindi ko na yata natatandaan yung pangalan niya.

Hinawakan ko lang din siya sa bewang pagkatapos niya akong halikan. Ang pagkakaalam
ko kasi girlfriend ko din siya.

“Namiss kita ha. Hindi ka na napapadalas dito.” Sabi niya bago ulit ako halikan sa
tenga ko.

“Busy lang  pero wag ka ng malungkot dyan, ididisplay ko na ulit yung kagwapuhan ko
dito. Lagi niyo na ako ulit makikita dito.” Natuwa naman yata siya sa sinabi ko
kaya bigla bigla hinalikan na naman niya ako. Masyado talagang aggressive ang
babaeng ‘to.

Hahawakan ko sana siya sa mukha nung naramdaman kong nagvibrate yung cell phone ko
kaya kinuha ko na lang yun sa bulsa ko kahit na nakikipaghalikan pa din ako dito sa
babaeng nakalimutan ko na ang pangalan.

Sinilip ko na lang sa caller ID kung sino yung tumatawag.


Incoming Call...

Unregistered number

Lah?! Sino naman ‘to? Girlfriend na naman ba ‘to?

Inalis ko yung bibig ko sa bibig nung babaeng nakalimutan ko ang pangalan.

“Why babe? What’s wrong?” Tanong niya habang pinapaikot naman yung daliri niya sa
tenga ko.

“Sagutin ko lang ‘to, baka nanganak na yung butiki sa bahay. Ninong ako nun.” Alibi
ko dun sa babaeng nakalimutan ko yung pangalan para makatakas ako. Tinatamad na
kasi ako sa kanya, hindi ko na siya type.

Lumabas muna akong ng bar bago ko sinagot yung tawag.

“Hi batman!” May nagsalitang boses ng babae sa kabilang linya.

Napakunot naman ako habang nakatayo sa tapat ng kotse ko. “Sorry miss hindi ‘to
hotline ng superhero.”

“Ahhhh! Batman talaga palabiro, hindi mo na ba ako natatandaan?” Humagikhik pa yung


babae sa kabilang linya.
“Bakit? Sino ka ba? Si Robin? Si Superman? O si wonderwoman?” Pabalang na tanong
ko. Nangtritrip yata ‘tong tumatawag eh, kala naman niya hindi ko siya papatulan ng
pantritrip.

“Hihi! Hindi ah. Ano ka ba?! Si Honey ‘to!”

Honey? Saan ko nga ba narinig yun?

Ingat ka batman! Tandaan mo Honey!

Ingat ka batman! Tandaan mo Honey!

Ingat ka batman! Tandaan mo Honey!

Pauulot ulit na nag echo sa utak ko yan. What the f?! Honey?! Yung may topak na
babae?!

Sorry for typos. Type then post lang po ginawa ko eh. XD 

#HungryMoon :3
=================

Chapter Twenty Two *part 2*

Moon's Note: 

The 2nd part of the vacation. Next update will be special kasi may visitors from
other story! Sarreh alam ko puro bitin yung last update ko. Sadya yun! Wahahaha! XD
Medyo mahaba mahaba yung update today, lahat ng bitin ay matutuloy pero... hahahaha

Wag masyado magexpect sa update. Lalo na sa.... HAHAHA XD

GIF please! :P

--

Perfect Mistake Chapter Twenty Two II

*Cyril’s POV*

“Stalker ba kita?! Saan mo nakuha yung number ko ha?!” Inis na inis kong tanong.
Akala ko pa naman hindi ko na maririnig yung maingay na bibig ng babae na ‘to tapos
bigla tatawagan niya ako?

“Hihihi! Nung nakatulog ka sa bahay ko idinial ko yung number ko gamit ang phone
ko! Brilliant ng idea ko di ba?! Hihihi!” Hagikhik na naman siya ng sa kabilang
linya.
“Wala! Walang batman dito! Nakipagtanan na kay Darna! Wag ka ng tatawag dito,
naiintindihan mo? Ipapasapak kita kay Hulk!”

Inend call ko na bago pa ako mabwisit ng tuluyan.

Hindi ko pa naibabalik sa bulsa yung cell phone ko nag vibrate na naman.

Incoming Call...

Unregistered Number

Priness ko na lang din ulit yung red button para mag end call.

Pero sadyang may lahing kiti kiti yata yung babae na yun!

Incoming Call...

Unregistered Number

Para hindi na siya matakatawag pa ulit pinatay ko na lang yung cell phone ko.
Hahahahaah! Akala niya dyan ah, mautak ‘to!

“Hah!”
Dahil nandito na din naman ako sa parking lot naisipan ko ng hindi na lang din ako
babalik sa loob dahil baka hindi na ako ulit makatakas dun sa babaeng nakalimutan
ko ang pangalan. Uuwi na lang ako o kaya magdridrive thru dahil wala naman akong
lulutuin sa unit ko. Kinuha ko na yung susi ko at inunlock yung kotse ko.

*beep!*

Pasakay pa lang ako nung kotse ko nung...

“Pssst.”

Dahil natural na instinct ng tao na pag may sumisitsit lilingon, ganun ang ginawa
ko. At nagsisi ako. Napasapo ako sa noo ko nung nakita ko kung sino yung sumitsit.

“Wah! Hello batman!” Sabi nung baliw na babae na parang nanggulat pa siya. Hindi
naman ako nagulat, nabwiset lang ako.

“Ano na naman ha?! Paano mo nalaman na nandito ako?! Sabi na nga ba’t stalker ka
eh!” Inis na inis ko ng tanong at sabi sa kanya pero nagpipigil pa ako dahil baka
makutusan ko ‘to sa bumbunan niya.

“Nag install kasi ako ng call tracker sa phone ko tapos ginamit ko nung tinawagan
kita. Nadetect agad kasi nandun lang naman ako.” Sabay turo niya sa isang upuan sa
gilid ng sidewalk. “Nakatambay ako dun kanina. Hihihi! Galing ‘no?!”
“Tssss! Kamalas malasan naman oh.” Bulong ko sa sarili ko habang napapailing na
nakatingin dun sa babaeng may topak. Tinakasan ko nga yung humaharot sakin sa loob
tapos may isa pang may topak na nakaharang sa’kin ngayon dito.

“Uy uy! Tara kain tayo?!” Sabay higit niya sa sleeves ng polo ko.

Pinalis ko kaagad yung kamay niya, makahawak siya sa damit ko parang close na
kaming dalawa.“Tsk! Dun ka na nga, umuwi ka na sa inyo. Bawal ng gumala ang may
sayad sa ulo.”

“Eh! Sige na, kumain na tayo! Please please please please!”

“Hindi ako nagugutom!” Pagsisinungaling ko, pero kumontra yung tyan ko.

*kruuuu! Kruuuu!*

“Hihihihihi! Hindi daw oh? Sige na kasi! Minsan lang eh! Sige na! Dali na!”
Hinihigit na naman niya yung sleeves ng polo ko.

“Eh paano kung ayoko?” Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya ng malapad na malapad bago buksan yung bag niya. Pagtapos may
nilabas siyang bagay na winagayway sa mukha ko.
“Driver’s license mo oh! Hihihi! Bibigay ko ‘to mamaya, basta sige na kumain naman
tayo! Isa lang ‘to promise!” Pamblablackmail niya habang winawagayway pa din sa
mukha ko yung lisensya ko.

“Potek! Kinuha mo yan sa wallet ko nung nakatulog ako sa inyo ‘no?! Ano pang kinuha
mo dun?!” Yamot na yamot na talaga ako.

“Eto lang naman eh! Ang cute kasi ng picture mo sa license mo! Yung picture lang
naman tinignan ko.” Napapanguso pa siya habang nagsasalita.

Sinubukan kong agawin yung lisensya ko pero bigla niya yung tinago sa bandang tyan
niya, sa loob ng damit niya. Parang batang nagtatago lang ng laruan.

Nabatukan ko na lang ang sarili ko. Konting konti na lang titirisin ko na ‘tong
babae na ‘to pero kinalma ko yung sarili ko.

“Tss. Isang kain lang, pagkatapos nito tigilan mo na ako parang awa mo na.”

“Hihihi! Payag ka na ‘no? Yehey!” Bigla siyang natatatalon at akma yatang yayakap
pa sakin pero sinupalpal ko kaagad yung mukha niya.

“Nagugutom na ko.” Sabi ko lang habang nakaharang pa din yung kamay ko sa mukha
niya.

Pinilit naman niyang alisin yung kamay kong nakatakip sa mukha niya. “Hihihi!”
Tumawa lang siya tapos biglang binuksan na yung kotse ko sabay sakay. “Batman, tara
na tara na!”

Nakakahiya naman sa babae na ‘yun, nauna pa siyang sumakay sa kotse ko.

Natawa na lang ako sa lakas ng topak ng babaeng ‘yun!

*Janna’s POV*

“Janna?” Narinig kong tawag sakin ni Nate kay napahinto ako sa paglakad ko.

Hindi ko alam kung lilingon ako o hindi. Kaso baka isipin niya iniiwasan ko siya. O
pwede ko naman sabihin na hindi ko siya nakita, pero baka hindi siya maniwala.

Ano na bang gagawin ko? Woooo! Panic attack na ‘to!

“Janna.” Tawag niya ulit sakin pero hindi pa din ako makalingon, daig ko pa ang
nastiff neck. Ayoko kasi talagang humarap dahil may kasama siyang magandang babae,
it hurts my eyes. Parang napuwing lang. Lalo pa na nakita kong yakap niya yung
babae ng mahigpit.
“Uy Janna!” Tawag pa ulit ni Nate kaya huminga na lang ako ng malalim bago lingunin
siya.

Nagkunwari pa akong nagulat. “Oh Nate! I-ikaw pala!” Tumawa tawa pa ako ng konti
bago napayuko. Ang ganda nung kasama niya eh, kabog ako.

“Kanina ka pa ba dito?” Tanong niya naman sakin.

Nag hand gestures ako na hindi. “A-ah hindi! Naglalakad lakad lang ako kasi ano...
naglalakad lakad lang ako.”

Tumango muna siya bago nagsalita na ulit. “Nga pala, Janna si Heart.” Pagpapakilala
niya dun sa babae. Heart? Yun ba ang terms of endearment nilang dalawa? Bumaling
naman siya dun sa Heart niya. “Heart, si Janna pala.”

“Hi Janna!” Nakipaghandshake pa ako dun sa Heart ni Nate kahit ang awkward ng
pakiramdam. Ang ganda niya kasi, kaya siguro nagustuhan siya ni Nate. Kuko lang
yata ako nito eh.

“Hello.”Tipid kong sagot lang pagkatapos ng hand shake namin.

“I finally met you Janna! I’ve heard so much about you.” Ngiting ngiti niya na sabi
sakin. Dyosa. Pero nagulat ako sa sinabi niya.
“Ha?! Talaga?!” Napaisip ako sa sinabi nay un ni Nate? Sinabi kaya niya na kiniss
ko siya sa pisngi?! Waaaaa! Nakakahiya ako!

“Oo naman. Alam mo ba sabi ni Nate na... ADRDSTDDSSFGHJHJHK!”

Hindi na natuloy nung babae yung sasabihin niya kasi bigla bigla tinakpan ni Nate
yung bibig niya.

Inalis niya din kaagad yung kamay ni Nate. “Ay tokwa ka Natey! Ba’t mo tinikpan
yung bibig ko?!”

“Hahaha. Ang daldal mo kasi e.” Tumatawang sagot ni Nate habang ginugulo yung buhok
niya.

“Wah! Tokwa ka talaga! Wag yung buhok ko!” Sabi naman niya sabay palo sa noo ni
Nate.

Bakit hindi na lang ako kainin ng lupa ngayon na? Kasi naman, halata naman na close
na close na sila. Naghaharutan pa sila sa harapan ko at Natey pa ang tawag sa kanya
nung babae. Wala naman akong laban sa kanya. Sabagay, wala naman talaga. Hindi
naman ako gusto ni Nate eh, hindi ko alam kung crush niya nga din ako . Tapos
ngayon may Heart pa siya.

“Ah-h. Nate, mauna na ko sa inyo ha. Bye!” Nagmamadali kong sabi tapos tumalikod na
ako sa kanila. Selos naman ako oh! Kahit na crush ko pa lang si Nate asang asa din
ako dahil lately nagiging sobrang close na kami. Kasi mali pala talaga yatang
umasa, madalas nganga!
“Hey Janna. Wait!” Sabay pang sabi nilang dalawa.

Humarap na lang ako ulit at nakita ko na naglalakad na sila palapit sakin.

“Don’t leave yet.” Sabi ni Heart ni Nate sakin.

Napakamot ako ng ulo ko. “Ano kasi... baka kasi nakakaistorbo ako sa inyo ng Heart
mo Nate, mauuna na ko ha?” Paalam ko na ulit sa kanila. Paalis na sana ulit ako
nung biglang tumawa yung dalawa. Ano bang pinagtatawanan nila?!

Aaaaaa! Baka pinagtatawanan nila yung pagkiss ko sa pinsgi ni Nate! Nakakahiya


talaga ako! Sana talaga lamunin na ako ng piranha sa dagat!

“Heart ni Nate?” Tawa ng tawa na parang baliw yung babae. Napapahawak pa siya sa
tyan niya dahil sa sobrang tawa.

Si Nate naman ang cute cute habang nagpipigil ng tawa niya! Aaaaah naman eh,
nakakahiya na talaga!

“Sandali nga Janna.” Nagpigil ng tawa yung babae. “What do you mean na Heart ni
Nate? You think may relasyon kami?”

Eh?! Tumango akong parang robot bago sumagot. “Di ba endearment niya yun sa’yo?”
Lalo namang natawa yung babae at tinignan niya si Nate na parang naasiwa siya.
Naasiwa? Bakit?

“May I formally introduce myself to you? I’m Sky Heart Schiavone, Nate’s girl
bestfriend.”

Napanganga na lang ako dun sa sinabi nung babae. Heart? Heart pangalan niya? Hindi
yun endearment? At girl bestfriend siya ni Nate??

Tinignan ko lang si Nate na parang nagtatanong ako sa kanya o nanghihingi ng


confirmation sa sinabi nung si Heart. Tumango naman si Nate tapos biglang...

“Ah hehehehe! Sorry ah, akala ko kasi girlfriend ka ang sweet niyo kasi kanina sa
seashore, nagyakap pa kayo.” Natatawa tawa kong sabi sabay turo ko pa sa kanilang
dalawa para pagtakpan yung pagkapahiya ko. Ayan kasi napakamalisosya ko, eto tuloy
napapala ko.

“Hahahaha! Okay lang, napagkakamalan naman kami dati dahil sa closeness namin ni
Natey. Pero I assure you Janna, single yan ngayon. Malay mo maging in a
relationship na ang facebook status niya!” Sabay dila pa siya kay Nate.

Napangiti nalang ako, para akong nabunutan ng tinik sa lungs. Sumungaw muli ang pag
asa sa’min! Bwahahahaha!

“Daldal mo talaga!” Inakbayan naman siya ni Nate at ginulo yung buhok niya.
“Aaaaa! Sabing hwag yung buhok ko eh!” Parang bata na sabi ni Heart sa kanya habang
pinapalo palo siya sa mukha.

Ang cute nila! Nakakaselos! Pero selos dahil wala akong guy bestfriend at hindi ko
madalas maranasan yung ganyang harutan sa guys dahil wala din naman akong kapatid
na lalaki. Kaya naaliw ako nung nakipag agawan ako ng laptop kay Enzo at pag
inaasar ko yung kapatid na lalaki ni Soph.

“Natey, Janna, mauuna na pala ako ha? It might be that somebody’s looking for me
already.” Paalam na niya samin habang inaayos yung buhok niyang ginulo ni Nate.

“Sige sige. Nice meeting you Heart!” Ngiting ngiti na pagpaalam ko din sa kanya.
Nagwave pa aki dahil nagsisimula na siyang maglakad.

“Pssst! Message message ha? Hwag ka ng mawawalan ng contact ulit!” Sigaw sa kanya
ni Nate.

Lumingon naman ulit pabalik si Heart. “Oo na tokwa! Bye!”

Tinignan lang namin siya habang naglalakad palayo sa’min. Hanggang sa malayo na
siya tinatanaw pa din namin siya ni Nate.

Nagulat na lang ako nung biglang humarang si Nate sa harapan ko. “Walk out ka ‘no?”
Pang asar pa yung ngiit niya.
Lumingon tuloy ako sa kabilang side, sa may dagat. “Hindi ah! Hindi ko naman kayo
talaga nakita.” Pagsisinungaling ko pero tinawanan ako ni Nate.

“Huli na kita sa sarili mong bibig, di ba sabi mo nakita mo kaming nagyakap kaya mo
nga kami napagkamalang may relasyon eh.” Pang asar pa din lalo yung ngiti niya.

Patay! “A-ah?! Wala naman akong sinabi.” Pagsisinungaling ko pa din pero tuloy pa
din siya sa pag asar.

“Suuuuus! Walk out! Hahahahaha!”

Wala na akong nagawa kung hindi ngumuso na lang tuloy ako dahil hindi na ako
makapagdeny, huli na eh.

“Hahahaha. Wag ka ngang ganyan baka ibulsa na lang kita.” Sabi niya sabay ngiti na
naman, ayan na naman! Sumisingkit na naman! Hahambalusin ko na ‘to si Nate e. Yung
puso ko baka malaglag!

Tapos biglang sumeryoso yung mukha niya habang naglalakad na kami sa tabi ng dagat.
“Mukhang nagiging close kayo ni Enzo.”

“Huh? Si Enzungit? Uhm medyo, ewan ko sa kanya.  Masarap kasi siyang asarin eh.
Pati tinutulungan niya ko.” Hala! Nadulas ako!

“Tinutulungan? Saan naman?” Tanong niya. Eh? Sabi nga pala ni Enzo hindi niya ako
tinutulungan, pero kasi parang tinutulungan niya ako. Pero parang nang aasar naman
siya, hindi naman talaga tumutulong. Ay ang gulo!

“Hmmm. Sige mauna na lang ako.” Sumeryoso na naman si Nate at biglang nagpaalam
nung hindi kaagad ako sumagot sa tanong niya.

“Hala saan ka pupunta?!” Hinabol ko siya kasi bigla bigla na lang siyang naglakad
ng mabilis palayo kaya tumakbo na ako. Kaso sa kamalas malasan, at dahil na din
medyo lampa ako, nadapa tuloy ako. “Aray!”

Umupo ako sa buhanginan at tinignan ko yung tuhod na unang tumama nung nadapa ako.
May maliit na sugat at dumudugo pa. Ang hapdi!

“Janna! Anong nanagyari sa’yo?” Nagmamadali namang bumalik si Nate nung nakita niya
siguro na nakapaupo na ko sa buhanginan.

Umiling iling ako habang tinitignan yung sugat ko. “Wala ‘to, mukhang maliit lang
naman.” May basag na kung ano yata doon sa pinagkadapaan ko kaya siguro dumugo yung
tuhod ko.

Nagsquat siya sa harap ko at biglang hinawakan yung dulo ng shirt niya. “Ikaw kasi
hindi ka yata tumitingin sa daan, buti na lang maliit lang yung sugat mo.”

“Uy! Uy! Hwag! Dudumi yung shirt mo!” Pigil ko sa kanya nung nakita kong pupunasan
niya yung sugat ko gamit yung shirt niya. Nakakahiya naman kasi mukhang mamahalin
yung shirt niya tapos ipangpupunas lang ng sugat sa tuhod?

Pero hindi siya nakinig sa pagpigil ko kaya nadumihan na nga yung shirt niya.
Napapikit na lang ako dahil medyo mahapdi talaga yung sugat ko sa tuhod. Kasi naman
kung bakit may pagkalampa ako! Nilapit ko yung mukha ko banda sa tuhod ko para
masilip kung tumigil na yung pagdudugo nung sugat nung napansin ko na nakalapit na
din pala yung mukha ni Nate.

Ang nangyari, nagkaface to face kami!

Hoy Janna kumurap ka nga! Hala! Anyare? Bakit ayaw kumurap ng mga mata ko? Bakit
sila nakikipagtitigan kay Nate?!

Kahit na unti-unti ng lumalapit yung mukha niya sakin hindi ko pa din nagawang
kumurap. Hala ka!

*dug! dug! dug! dug!*

Sobrang lakas na ng heartbeat ko. Parang may nagtatambol na sa puso ko dahil sa


malagkit pa sa suman na titigan namin ni Nate. Hanggang sa kumurap na ako pero
hindi na ako dumilat, para ba kasing may hinintay ako...

*Sophia’s POV*

Hindi ko na alam kung gaano katagal na kaming nagkikiss ni Dylan. Parang ngayon
lang yata ulit nangyari ang ganito ka intense sa pagitan naming dalawa. It’s like
were both not holding back. It’s like we both don’t wanna stop.
Naramdam kong nagsimula ng maglakbay yung kamay niya sa likod ko para hapitin akong
mas palapit sa kanya. He started tracing kisses on my entire face then down to my
neck, causing me to flinch a little.

Then he suddenly went back on my lips and I responded to his sweet kisses. He
pulled me closer and closer and started caressing my legs. Hinila niya ko on top of
him at pinagpatuloy yung kiss.

We were so close to undressing each other when I got back on my senses and pulled
away. Naramdaman ko kasing parang naiipit yung tyan ko kahit na ako naman yung nasa
top niya.

“Yung baby.” Halos pabulong ko lang na sabi sa kanya.

Tumango naman siya tapos ihiniga na niya ulit ako sa tabi niya at hinawakan yung
tyan ko. “Sorry baby, ang Mommy mo kasi inaakit ako.”

Namula naman ako. Bukod kasi dun sa pinaggagawa namin ay dahil na din first time
niya yata nabanggit yung word na Mommy. Hindi ko alam kung overwhelmed ako o
nahihiya lang talaga.

“Ikaw kaya.” Bulong ko lang ulit sa kanya habang nakaunan ako sa isang braso niya.

Nagulat ako nung bigla na naman niya akong hinalikan, pero hindi naman ganun
katagal. Tapos bigla siyang bumulong sakin. “Damn that sexy voice baby ko.”
Pakiramdam ko tuloy nakiliti yung buong pagkatao ko sa bulong niya. A-anong sexy
voice?! Ako? Eh siya nga dyan yung bedroom voice niya! Pakiramdam ko sobrang pula
ko na talaga!

“Last kiss!” Sabi niya bago ako halikan ulit pagkatapos tumayo na siya sa kama.
“Haaaay! Magshoshower na muna ako bago tayo lumabas ha?”

Dumeretso na siya sa loob ng banyo at narinig kong bumukas na din yung shower.
Muntik na kami kanina. Alam ko na kung hindi ko naramdaman na naiipit yung tyan ko
baka kung saan na kami humantong ni Dylan.

Iniling iling ko na lang yung ulo ko at napangiti. Hindi ko alam kung bakit
napakaromantic ng pakiramdam ko kanina.

“Pst. Baby.”

Napaangat yung tingin ko at nakita kong nakasilip si Dylan sa pinto ng banyo. “Di
ka sasabay magshower?”

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa lang siya.

“Di ka naman mabiro. Magshohower na ‘ko, hintayin mo ko ha?”

Tumango lang ako sa kanya at binuksan yung TV. Manonood na lang muna ako habang
naghihintay sa kanya.
*

“Waaaa! Soph, ang cute cute nung isda! Si nemo!” Tuwang tuwa na sabi ni Krista
pagkaahon niya. Nagsnosnorkling kasi kami ngayon nila Dy, Enzo at Krista. Inaya
nila kaming dalawa ni Dylan nung nakasalubong namin sila.

“Come with me, there are more different kinds here!” Inaya siya ni Enzo sa mas
malalim ng konti na part ng dagat. Inoffer niya pa yung left hand niya kay Krista.

“Ehe! Ansabe ng come with me?” Kinikilig na bulong ni Krista sakin. Lately nga
napapansin ko nagiging close sila nung si Enzo. At hindi gaya ni Janna, hindi
sinusungitan o inaaway ni Enzo si Krista.

“Maharot ka! Kinilig ka naman.” Tinusok ko siya sa tagiliran habang tumatawa ako.

Tumawa din siya. “Slight! Hahahaha. Sige na Soph, dun muna ako sa fishes.”

“Sus. Sa fishes o kay Enzo?! Hahahaha!”

Pinalo niya ako sa braso bago naglakad na papunta kay Enzo sa mas malayo layong
part ng dagat.
“Shhh! Sabi nga sa kanta ni Katy Perry, there are tons of fish in the water so the
waters I will test! Babush!” Lumangoy na siya palayo sakin at naiwan naman tuloy
akong tumatawa. Puro talaga kalokohan ang babae na yun.

Nagmumuni muni lang ako habang nakalubog yung kalahati ng katawan ko sa tubig. Ang
ganda kasi ng view dito, hindi pa overcrowded kaya hindi masyadong maingay.
Napakarelaxing ng paligid, siguradong walang pwedeng mang istorbo sayo di-

“Aaaaaah!”

Napatili ako nung bigla may pumulupot sa bewang ko.

“Argh! Kainis ka, nagmumuni muni pa naman ako. Sabi ko ang peaceful dito tapos
manggugulat ka! Asar ka talaga!” Pinagpapalo ko talag ‘tong si Dylan ng dahil sa
gulat ko. Nakakahiya, tumili pa ako.

“Hahahahahaha!”

Bwiset tinatawanan lang ako! Pinagpapalo ko lalo siya.

“Arghhhhh!” Palo lang ako ng palo sa braso niya, pati na din sa dibdib niya. Tapos
sa abs niya!
Huh?! A-abs?! *gulp!*

“Yieeee! Simpleng panghihipo! Hahahahaha!” Tukso ni Dylan sakin tapos napatingin


ako sa kung saan nakalagay yung kamay ko.

Ay anak ng abs! Nakahawak pa pala ako sa dibdib niya!

Tinanggal ko tuloy yung kamay ko sa dibdib niya. Asar! Nanghihipo na ba talaga


ako?! Ay hindi naman, dinama ko lang naman. First time ko makahawak ng abs! Waaaaa!
Utak ko, nilulumot na din!

“Ahyeeee, namumula! Hahahahaha!”

Napanguso na lang ako. Bwiset!

#Moon

=================

Chapter Twenty Three

Moon's Note: 

Dedicated to the writer of "Just Another Chance". Visit her profile and read her
stories as well. magaganda yun. I became her fan bago pa kami maging friends. 

Here's the update. Teka ba't english ako ng english? XD 

The Fernandez family sa multimedia. Ang cute nila 'no? :) 


--

Perfect Mistake Chapter Twenty Three

*Sophia’s POV*

“And I-ah-ah-I'm in loveee... I-ah-ah-I'm terrifieeeddd... For the first time and
the last time in my onlyyy lifeee...”

Napatakip na lang ako sa tenga ko dahil sa naririnig ko, ang ingay eh. “Dy wag ka
na ngang kumanta.” Reklamo ko sa kanya habang kumakain ng sundae at fries na
magkahalo. Ang sarap pala pag pagsasamahin silang dalawa.

“Sino kaya po may kasalanan? Lagi mo pinapatugtog eh. Yan tuloy.” Sagot niya habang
naglalaro ng kung ano sa phone niya. Kanina pa siya laro ng laro niyan, hindi ko
naman maintindihan yung game. Pagkatapos namin mag snorkel inaya niya ako sa may
poolside na may shed dahil sobrang init din kasi ng araw.

“Ako na naman may kasalanan. Ano ba yang nilalaro mo Dy? Kanina ka pa dyan eh.”
Maktol ko sa kanya. Vacation ‘to tapos siya games ang inaatupag, gusto ko na siyang
batukan.

“Wait lang baby, malapit ko na malagpagpasan high score ko.” Sabi niya na nakafocus
pa din sa ginagawa niya.
Napailing na lang ako at tinuloy yung pagkain ko ng sundae at fries, lately
nahihilig din ata ako sa siniganag at tocino na pinagcocombine. Ang weird pero yun
ang madalas kong kainin ngayon.

“O-oy! Bata!” Nagulat ako kasi napasigaw si Dylan, pagtingin ko may bata na nasa
harapan niya at hawak niya din yung phone ni Dylan.

“Hala! Dead na!” Parang naasar na tono ni Dylan habang nakasimangot siya dun sa
batang babae na mukhang 4 to 6 years old sa hula ko.

“Ball! Surfing!” Tinuturo pa nung batang babae yung cell phone ni Dylan. Ang cute
cute niya, mukha siyang maliit na dalaga. Mukha pang manika.

“Uy bata. Nasayang yung score ko, malapit ko na mabeat eh.” Parang batang nakanguso
si Dylan sa phone niya. “Highscore ko.” Lukot face pa siya.

“Have you seen my Mommy and Daddy? I can’t find them.” Mahinhin na sabi nung cute
na bata.

Nagtaktinginan kami ni Dylan tapos nagsalita ako. “Dy, English speaking. Tawagin mo
si Enzo.”

Natawa na din tuloy si Dylan. Infairness kasi dun sa bata, bata pa siya magaling na
siya mag straight English.

“Are you lost baby? Do you want me to help you find them?” Tanong ko sa bata.
Tumango naman siya ng tumango kaya napangiti kami parehas ni Dylan. Alam kong
parehas kami ng naiisip ngayon, ano kaya kung ganito din kacute ang magiging baby
namin?

“What’s your name?” Tanong naman sa kanya ni Dylan.

Magiliw naman sumagot yung bata. “My name is Andria Charmaine Garcia Fernandez. I’m
5 yeards old.” Tinaas niya pa yung kanang kamay niya habang nakaangat ang lahat ng
fingers niya, signaling na 5 na nga siya. Nakakaaliw.

“Hi Andreia, I’m tita Sophia and he’s tito Dylan.” Pagpapakilala ko samin ni Dylan.

Bigla bigla naman nagtatalon yung bata at paulit ulit yung sinasabi niya. “Mommy!
Mommy! Mommy Sophia!”

Napakunot si Dylan. “Mommy?! Di ka naman anak ah!”

Pinalo ko siya sa braso. “Wag mo naman lakasan ng boses yung bata, baka matakot.”

Napanguso na naman siya. “Mommy daw eh.”

Natawa na naman tuloy ako sa itsura niya kaya hinawakan ko siya sa pisngi niya para
kurutin sana pero...
“Eeeeeek!” Nagulat ako kasi napatili si Andreia tapos tinakpan niya yung mata niya.

“Why?” Worried kong tanong kay Andriea.

“I’m shy. I remember everytime Mommy touches my Daddy’s face. Daddy will kiss her.”
Nakatakip pa din siya ng mata niya.

Natawa na naman tuloy kami ni Dylan dahil sa sinabi niya. 5 years old lang siya
pero para siyang bata kung mag-isip. Ang hyper hyper niya pa.

“Baby?”

“Chammie?”

Napalingon kaming tatlo dun sa babae at lalaki na biglang lumapit samin.

“Mommy! Mommy! Look!” Sabi ulit ni Andreia habang hinahatak yung babae na mukhang
Mommy niya nga. Tinuturo niya yung cellphone ni Dylan.

Yung lalaki naman sa palagay ko ang Daddy ni Andreia dahil kahawig niya din.
Nagsalita yung lalaki na parang pinagsasabihan ng bata. “Di ba Daddy always reminds
you not to run away from us?”

“Ahy, pasensya na kayo sa anak namin ha? Tinatakasan kami talaga ng batang ‘to eh,
sobrang kulit. Takbo ng takbo.” Sabi nung Mommy ni Andreia samin.
“Hindi. Ayos lang naman, naaliw nga kami sa kanya kasi ang hyper niya.” Sagot ni
Dylan sa parents ni Andreia.

“By the way, Ako pala si Audrey and this is Christopher. Kami ang parents ni
Charmaine.” Nag offer silang dalawa ng kamay nila kaya nakipagshake hands kami.

“Sophia.” Maikling sagot ko kay Audrey.

Bigla namang parang naexcite si Audrey. “Talaga?! Sophia din ako e! Sophia Audrey!”

“Talaga? Hahaha. Ang ganda ng name natin ‘no? Kaya pala Mommy ng Mommy si Andreia
kanina, kapangalan ko pala Mommy niya.” Nakipagbiruan na ako dun kay Audrey.

“Mag-asawa din ba kayo?” Tanong niya sa’min kaya nagkatinginan kami ni Dylan.

Sasagot na sana ako nung bigla niya akong inakbayan. “Future husband niya na ako.”
Proud na sabi ni Dylan sa kanila. Napangiti lang naman ako.

“Ah soon to be pa lang pala.” Bigla naman nagsalita yung si Christopher. Noon ko
lang natitigan ng matagal yung asawa ni Audrey. Mas malaki yung pagkakahawig ni
Andreia sa Mommy niya pero may mga angles din na si Christopher ang kamukha.

“Oo pre. Dylan nga pala.” Banggit ni Dylan.


Biglang naman nag-iba yung expression ng mukha nung dalawa tapos parang nagkangitia
sila. Hindi na lang namin yun pinansin kasi baka may kapangalan lang si Dy kaya
parang nagulat sila.

“Mommy! Mommy! Look tita has a bump on her tummy. What is that mommy? Did she
swallow a watermelon??” Curious na tanong ni Andreia kaya naman natawa kaming
lahat.

“No baby, I think tita is pregnant. You go ask her.” Natatawang sagot ni Audrey sa
anak niya.

“Tita? Are you pregnant?” Tanong niya sabay hawak pa sa tyan ko.

“Yes Andreia, were going to have a baby soon.”

“I want a baby too Daddy! I want a little sister!” Tatalon talon niya pang sabi
habang lumalapit sa Daddy niya.

“Hahaha. We’ll see Chammie. Mommy and Daddy will think about it, okay?” Tumatawang
sagot ni Christopher sabay buhat kay Andreia.

Dahil nasabi nilang silang family lang ang nagbabakasyon naisipan na namin ni
Dylan na makipagkwentuhan sa kanila. Nagkaroon pa kami ng bagong friends.

*
“Grabe ang hyper ni Andreia ‘no?” Nasabi ni Audrey habang nakatanaw kami kila
Dylan, Toper at Andreia na naglalaro sa pool.

Kaming dalawa naman ni Audrey nasa poolside lang at nagkwekwentuhan. “Oo nga eh.
Pero nakakatuwa siya, naexcite tuloy ako sa baby ko.”

Humarap siya sakin at excited na nagtanong. “Ilang months na ba? Girl din ba? Nako
ang sarap sarap magkaroon ng baby girl na pwedeng ayos ayusan at damitan.”

Naexcite akong lalo sa sinabi ni Audrey. “Almost 5 na din naman. Pero hindi pa
nakikita ang gender eh.”

“Ninang ako ha!” Biro niya sakin.

“Sure! Hahahaha!”

Nagtawanan pa kami na parang ang tagal na naming magkakilala nung biglang sumeryoso
si Audrey. “Alam mo ba nung dumating si Andreia samin ni Top, isa na yun sa mga
pinakamasayang araw sa buhay ko. Parang biglang nafulfill yung pagkatao ko. Mas
nagmature ako, lalo si Top. Dati para kaming mga isip bata pa din kahit kinasal na
kami. Pero ngayon ibang iba na kami, mag nag grow na kami at ang understanding
namin.”
“Nakakamature pala talaga ang pagkakababy, sana magmature din si Dylan. Hahahaha.”
Biro ko sa kanya.

Natapik naman tuloy ako ni Audrey sa braso. “For sure yan. Hindi naman niyo siguro
plaplanuhin na magkababy kung hindi pa kayo ready.”

Napailing ako sa sinabi niya. “Hindi naman sadya ang pagkakaroon namin ng baby ni
Dylan eh.”

“What do you mean Sophia? Hindi niyo plinano ang baby? Ganun ba?”

Humingan muna ako ng malalim bago magkwento kay Audrey. “Aksidente lang. Hindi kami
magkakilala dati at lalong wala kaming relasyon nung nangyari ‘tong baby namin.”

Pero I thought kayo talaga?” Parang nalilitong tanong ni Audrey.

“Ngayon kami na talaga. Nagpilitan kasi kaming magpanggap na may relationship kami
para sa baby, ayun nadevelop din. Hindi ko aakalain na mamahalin ko siya dahil puro
siya pang aasar sakin at strangers nga kami sa isa’t-isa.”

Hinawakan ako ni Audrey sa kamay. “Alam mo Sophia, I do believe in destiny. At ako


na ang magsasabi sa’yo, fate brought you guys together. Ginamit na instrument ang
baby para magkakilala kayo. I do believe in those kind of things dahil parang
napatunayan ko na din yan sa mga napagdaaanan namin ni Toper.”

Nakinig lang ako sa lahat ng sinasabi ni Audrey.


“Matagal na kaming friends ni Toper, in fact bestfriends pa nga. At never ko
inakala na kami ang magkakatuluayn. Nagkaroon kami ng kanya kanyang love life. I
was almost married to somebody, Toper once had amnesia. It hurts knowing na hindi
niya ako matandaan, every memory of us, pero I didn’t gave up and luckily, he
didn’t also. And now, we have Chammie.” Napapngiti si Audrey habang nagkwekwento
siya at nakatingin sa asawa at anak niya.

“Kaya ikaw, wag kang mag gigive up sa inyo ni Dylan lalo na at may baby kayo.”
Advice niya sakin. Alam ko simple lang yun pero nakameaningful.

“Thank you Aud, tatandaan ko yan.”

“Basta ninang ako ah!” Tumawa niya ulit.

Madami pa din kaming napag-usapan ni Audrey, nagpalitan na din kami ng number kasi
kinukulit ako ni Audrey na ninang daw siya ng baby namin. Syempre natuwa naman kami
ni Dylan kasi may bago kaming friends. Mukhang nagkasundo din naman kasi sila ni
Topher,dahil pare na nga tawagan nila.

“Soph, Dylan, mauna na muna kami ha? Inaantok na kasi ‘tong si Chammie. Pagod na
kakalaro.”

“Sige baka bumalik na din muna kami sa suite. Ang hyper kasi niya eh.” Sagot ko sa
kanila. Buhat buhat na ni Toper si Andreia dahil antok na antok na nga.

“Oo nge e, ang bigat pa naman na. Sige Sophia, Pare una na kami.” Dugtong naman ni
Toper.
“Sige pare, kita na lang sa Manila.” Sabi ni Dy kaya medyo napataas naman yung
kilay ko.

“Bye Soph. Text na lang.” Huling sabi ni Audrey bago sila umalis.

*Puk!*

“Aray naman baby.” Sabi ni Dy kasi pintik ko siya sa tenga.

“Anong kita sa Manila? Bakit? Ano usapan niyo ni Topher?” Usisa ko sa kanya.

“Wala. Usapang lalaki, kayo ano pinag usapan niyo ni Audrey?”

“Usapang babae din.” Ganting sagot ko.

“Eh di quits.” Sabay akbay sakin habang naglalakad kami. “Baby?”

“Hmm?”
“Gusto mo ba paglabas ni baby magpakasal na din tayo? Para kasi ano.. diba? Hindi
ano.. Ano gusto mo?”

Natawa ako kasi puro ANO yung naintindihan ko sa kanya. “Hahaha. Ano bang ano ka ng
ano? Ano bang gusto mong sabihin?”

Napakamaot siya sa ulo niya bago sumagot. “ Kasi ano.. gusto mo ba kong pakasalan?
Yung seryoso ha? Kasi ako gusto ko talaga. Para din syempre sa baby, kasi di ba
para paglaki niya hindi na siya magtataka kung bakit hindi tayo kasal. Saka baby
para na din hind na tayo maghiwalay.. Naiisip ko kasi-“

Tinakpan ko yung bibig niya. “Ang dami mo namang sinabi, kahit hindi mo na sabihin
yan magpapakasal naman ako sayo eh.” Nakangiti kong sagot sa kanya.

“Phew, alam mo kasi ninenerbyos ako tuwing itatanong ko ‘to. Baka kasi mamaya ayaw
mo naman, o kaya magbago isip mo. Tapos umurong ka o kaya-“

“I love you Dy!” Sabi ko para mapatahimik siya at tama nga ako.

Natawa na lang din siya pagkatapos niyakap ako.

“I love you too.”


*Janna’s POV*

Yung puso ko na lang yung naririnig ko, pati parang hindi ko na alam yung
nangyayari sa paligid ko. Unti-unti nararamdaman ko ng palapit na ng palapit yung
mukha niya. Hindi ko na kayang kontrolin yung sarili ko kaya hinintay ko na lang na
mangyari kung anong mangyayari...

Grabe ang fresh ng breath ni Nate, amoy na amoy ko mula dito. Ay takte! Inusisa ko
pa talaga yun?

Malapit na, isang maling galaw na lang magdidikit na yung lips namin...

“Uy Nate!”

Napadilat ako nung nakita ko si Enzo at Krista na papalapit samin. Uwaa! Ayun na
yun eh! Ga-hibla na lang ng sinulid yung layo tapos...

Ay nako. Napatayo na lang kami parehas ni Nate mula sa buhanginan.

“Tss badtrip.” Narinig kong bulong ni Nate at kitang-kita ko sa mukha niya na inis
na inis talaga siya. Gusto ko sanang matawa pero mas gusto kong batukan yung
dalawang yun ngayon.

“Oh?!” Obvious na inis siya dun sa pagdating nung dalawa.


“Hahahaha! Wow, badtrip siya oh!” Asar ni Krista kay Nate.

Humanda sakin ‘tong babae na ‘to mamaya sa room namin, ikukulong ko siya sa banyo!

“Wrong timing kayo dude.” Inis na inis pa ding sinabi ni Nate kayo lalong tumawa
yung dalawa.

“Sorry! Hahahaha! By the way, have you seen Brix and Zea?’ Tanong ni Enzo samin.

“Wala. Ewan ko, hanapan ba ako ng nawawala?!” Pagsusungit ni Nate kay Enzo. Hindi
ko siya masisi, nasira yung moment eh! Kaloka, ang romantic pa naman dito sa
seashore.

“Hahaha! Sorry again dude, it wasn’t our intention to disturb what you’re supposed
to be doing over there...” Paghingi ulit ng sorry ni Enzo per halata naman na nang
aasar siya.

Ginatungan pa ni Krista. “..or maybe it was! Hahahaha!”

Nyemas ‘tong dalawang ‘to ang lakas mambwiset eh! Sarap ilubog nila sa dagat! Lagot
sila sakin mamaya!
“Lumayas na nga kayong dalawa! Ikaw Krista, sama ka ng sama dyan nahahawa ka na.
Dinudugo na din ako pag kausap ka eh!” Masungit pa din yung tono ni Nate pero yung
dalawa tawa pa din ng tawa.

“Hahaha! Sige sige catch you later.” Nagsimula ng maglakad palayo si Krista habang
nag eenglish English pa din na bilang pang asar kay Nate.

“We’ll go find them.” Sumunod naman si Enzo kay Krista.

“Shoo!” Pagtataboy pa ni Nate dun sa dalawa. This time hindi ko na napigilan na


hindi matawa. Nakakatawa kasi yung acts ni Nate, iritang-irita kay Enzo at Krista.

“Ay teka pala dude!” Biglang pigil ni Nate kay Enzo kaya napalingon yung dalawa.

“Oh?!”

“Naalala mo pa si Heart?” Tanong ni Nate kay Enzo. Siguro kakilala din ni Enzo yun.

“A-ah yeah.” Parang nauutal na sagot ni Enzo. Ano problema niya?

“Nakauwi na siya sa states, nakasalubong namin kanina.”

Yung facial expression ni Enzo biglang nagbago, kung kanina masaya yung aura niya
ngayon parang biglang nalungkot? Kasi naman parang nagulat siya na hindi malaman.
Hindi nga siya sumagot kay Nate eh, tumango lang siya tapos naglakad na sila palayo
ni Krista.

“May pagkabipolar talaga si Enzo ‘no?” Bati ko dahil sa nakita kong bilis ng
pagshift ng mood niya.

“Hindi ka pa nasanay? ‘Lika na nga.” Sabi ni Nate tapos bigla niyang hinawakan yung
kamay ko.

Nagulat ako pero syempre mas lamang yung kinilig. Holding hands ang drama namin
ngayon.

Pero ewan ko ba kung bakit hindi maalis sa isip ko yung reaksyon ni Enzo kanina,
sadyang nacucurious ako kung bakit siya naging ganun? Ano bang meron kay Heart para
magbago yung mood niya? May problema kaya sila?

*Krista’s POV*

“Grabe! Loka lokang Janna na yun, kung hindi pa tayo dumating malamang nagtutukaan
na sila niyan ni Nate! Sa tabing dagat pa!” Daldal ko kay Enzo habang naglalakad
kami sa seashore at namumulot ako ng seashells by the seashore.

Nilingon ko yung kasama ko at ayun, emo siya. Kanina okay naman ‘to eh, kanina ang
daldal daldal niya Lumakad ako dun sa part ng shore na naabot na ng dagat tapos
sumalok ako ng tubig gamit yung kamay ko at winisik sa kanya.

“What the-“

“Ge magmura ka na naman, papamumog ko sa’yo ‘tong tubig dagat sige ka!” Pagbanta ko
sa kanya. Kasi naman pag nagugulat nagmumura kagad! Nako nako. Di yan pwede.

“Aish!” Nagmaktol na naman tuloy siyang parang bata kaya natawa na naman ako.
Nakakatawa kasi yung itsura niya pag nagsusungit, cute pero mukhang tanga. Hahaha!

“Oh kalma kalma. Bakit ba kasi emo ka na naman? Nakita na nga natin si Nemo kanina
tapos malungkot ka pa. Gusto mo pa din bang makita si Dory?” Tanong ko sa kanya
habang binabangga bangga ko yung braso niya habang naglalakad kami.

“Nah. This is nothing.” Sagot niya lang tapos gumanti siya ng pagbangga sa braso ko
at dahil may pagkashunga ako...

*blag!*

Subsob ako sa buhangin. “Aray naman Enzo! Dahan dahan ka naman!” Reklamo ko sa
kanya. Kasi naman nilakasan yung pagbangga sa balikat ko, eh hindi naman ako
prepared eh di nagbonding kami bigla ng buhanginan.

“Pfft! Sorry!” Tumatawa tawa pa siya habang inaabot yung kamay niya para itayo ako
pero imbes na iangat ko yung sarili ko hinila ko siya pababa sa buhanginan.
“Hahahaha! Ganti lang!” Tawang tawa kong sabi nung sumubsob na din siya sa
buhangin.

Nalukot lalo yung mukha niya kaya natawa na naman ako. Ayan na naman eh, mukhang
tanga na naman siya eh. Hahahaha. Hindi ko alam kung kelan kami nagsimulang maging
close ni Enzo. Basta basta nagclick na lang kami dahil madami din kaming common
interest.

Akala ko gaganti siya o babatuhin ako ng buhangin pero naupo lang siya at nag
sightseeing ng paligid. Mukhang wala na siya talaga sa mood hindi kagaya kanina na
nananakot pa siyang may piranha habang nagsnosnorkel kami.

Umupo ako sap west sa tabi niya at tinapik yung balikat niya. “May problema ka ‘no?
Dahil ba dun sa sinabi ni Nate?”

Tinginan niya lang ako ng seryoso. Sobrang seryoso ng mukha niya gusto ko siyang
tawanan kaso alam ko na magagalit siya kaya pinigil ko na lang.

“Krista, alam mo ba yung pakiramdam ng maiwan? Have you ever felt left behind
without knowing the reason why? Do you know how that sucks? Do you know how painful
it is?”

Nagulat ako sa biglang pinagsasabi ni Enzo at kung gaano kaseryoso yung tono niya
pero hindi ako natatawa. Naawa ako sa kanya. Ramdam ko yung pain sa mga sinabi
niya.

Hinintay ko pa sanang magsalita pero hindi na siya nagsabi ng kahit na ano. Pero
malinaw naman sakin na may problem si Enzo. May nang iwan sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para humilig sa balikat niya habang yung
isang kamay ko hinhimas yung likod niya para mapagaan yung pakiramdam niya kahit
papano. “Alam mo Enz, malay mo naman may reason yung tao na yun. Lahat naman ng
bagay may dahilan eh, yung pagkashunga ko nga may dahilan din siguro. Either hindi
siya nagkaroon ng chance na sabihin o hindi niya lang kaya talagang sabihin. But,
may reason. Meron.”

Napatingin siya sakin at napangiti ng konti sabay mahinang tinulak yung ulo ko
paalis ng balikat niya. “You really know the right things to say, thanks.”

Time ko naman para sumeryoso. “Eh pano kung ako naman yung aalis? Iiwanan ko na
kayong mga friendship ko.”

Kumunot yung noo niya pero bigla niya akong dinilaan. “I’ll throw a party.”

Ay peste. “Ikaw kayang ithrow ko dyan?” Gigil na gigil na sabi ko sa kanya.


Talagang ithrothrow ko siya sa gitna ng dagat eh. Akala yata nagbibiro ako!

“Tch. I was kidding; of course we’ll miss you. I’ll miss you.”

“Ha?!”

Sayang yung kiss ng JaNate, nasira ang moment. :P 

Sino sa tingin niyo si Heart? 


Vote and Comment po. Napansin ko din pala na may FB like din pala 'to. Palike na
lang kung sa tingin niyo deserve ko. Lels. Haha. 

~CM <3

=================

Chapter Twenty Four

 Moon's Note: 

Sorry for the long wait. I'm back as I promised pero wag muna po kayo masyado mag
expect sa update na ito. Ako na nagsasabi, feel ko sabaw 'to. Babawian ko kayo
pagtapos nito. So sorry ngayon pa lang. 

Happy 5th month pala samin ni Watty! :) At Happy New Year din sa inyo. 2013 na,
ligtas sa 2012! XD

---

 Perfect Mistake Chapter Twenty Four

*Dylan’s POV*

“Putcha ayoko na nga! Duduga nitong mga ‘to!” Reklamo ni Nate sabay bato nung bola
ng volleyball sa buhangin.
“Pikon! Hahahaha!” Sabay namin syang inasar lalo ni Enzo. Ang piko kasi, trip trip
na laro lang naman.

“Lul. Bahala kayo dyan, tatanda niyo na hindi pa kayo nagbabago. Nandadaya pa din
kayo.” Staright faced na sagot ni Nate habang nakaupo na lang sa buhanginan. Ang
sarap talaga sarin nito kasi pikon.

Lalo ko tuloy siyang inasara habang natatawa tawa pa ko. “Iyak na Nate? Ikaw nga
ang tanda na natin pikon ka ba din sa laro.”

“Nate wag ka ngang madrama dyan, tara last game na!” Sigaw naman ni Brix pero hindi
siya pinansin ni Nate. Nakaupo lang siya dun sa buhangin at nagdradrama sa buhay
niya. Ay bahala siya dyan.

“Where are the girls anyway?” Naupo na din si Enzo sa buhanginan kaya tumabi na
lang kami sa kanya ni Brix. Inisolate namin si Nate dahil nag iinarte na naman
siya.

“Namasyal at namili ng kung ano-ano yun sigurado. Girl’s bonding daw eh.” Sagot ni
Brix habang pinaglalaruan yung bola.

Last day na kasi namin ngayon sa resort at bukas ng umaga uuwi na kami kaya
magshoshopping na daw sila, pakana na naman ng Ate ko. Hindi pa kami sinamang mga
lalaki dahil girl’s bonding lang daw. Psh.

“Tol, mukhang napapalapit ka dun kay Krista ah. Type mo ba?” Ngiting ngiti si Brix
habang ginugulo yung buhok ni Enzo. Napapansin nga namin hindi niya sinusungit yung
si Krista di gaya ng ginagawa niya sa mga ibang babae.
“Tss.” Sagot lang ni Enzo habang inaalis yung kamay ni Brix sa ulo niya pero
nakangiti naman ang loko. Mukhang type na nga din niya yun ah.

“Mukha mo Enzo! Ngiting ngiti ka! Ligawan mo na, wag kang babagal bagal dyan!”
Pagbuyo ni Brix sa kanya.

Ginatungan ko tuloy. “Oo nga tol, wag kang gagaya kay Brix na ugod ugod na nung
niligawan si Ate!”

*puk!*

“Oh loko, 1 year lang ang tanda ko sa inyo eh!” Sabi ni Brix pagkabatok niya sakin.
Sakit nun ah!

“Psh. Cut it out guys.”

“Umamin ka nga muna kasi, may gusto ka na ba dun?” Tanong ko na ng deretso kay
Enzo. Ewan ko lang kung aamin ‘to, masyadong masikreto ‘tong kumag na ‘to eh.

“Oo nga naman ‘tol, kahit konti lang? Imposibleng hindi.” Kampante si Brix sa
sinabi niya. Kilala niya din talaga kaming lahat eh, alam niya takbo ng mga utak
namin.

“Psh. Okay okay. I kinda like her.” Nangingiting sagot ni Enzo kaya naman napangiti
din kaming dalawa ni Brix.
“Yun naman eh! Sa wakas, binata ka na.” Tukso ulit ni Brix.

“Ano? Ligawan mo na!” Sabi ko sa kanya sabay batok sa kanya. May gusto naman na
pala siya, di pa ligawan.

Biglang sumeryoso yung mukha niya. “I can’t.”

Nagsalubong tuloy parehas yung kilay namin ni Brix. “Labo mo naman dude. Bakit ba?”

Yumuko lang siya kaya hindi namin mabasa yung reaksyon niya. “I just know that I
can’t.”

*Sophia’s POV*

“Haaay this is the life.” Sabi ni Ate Zea habang nagpapafoot massage kaming apat sa
isang spa. Tinakasan namin yung mga guys para makapagbonding naman kaming girls.
Nakakarelax talaga ang ganito.
Bigla bigla bumaling sakin si Krista at nanlalaki pa yung mata na nagsalita. “Alam
mo ba Soph, may nakalimutan pala akong sabihin sayo! Alam mo-“

Umentra naman si Janna kaya hindi natapos ni Krista yung dapat sasabihin niya.
“Hahahaha! Ano daw, nakalimutan daw niya sabihin na ang ganda ng hairstyle mo
ngayon! Yun!” Tapos bumaling siya kay Krista.

Napakunot ako. “Huh? Hindi naman ako nag ayos ng buhok ngayon ah? Ang gulo nga
dahil ang lakas ng hangin kanina.”

“Aray!” Napasigaw ng konti si Krista tapos sabay ngiti at batok kay Janna. “Ah
hehehe! Maganda naman kasi kahit magulo Soph. Nagparebond ka ba?”

Alam ko na pinag uuto lang ako nitong dalawa na ‘to eh, may sikreto siguro pero
sasakyan ko muna sila. Malalaman ko din naman yan eh. “Di ah, shinampoo ko lang
‘to.” Sabay hair flip kaya natawa silang tatlo sakin.

“Anyway, may tatanong pala ako Kris.” Biglang sabi ni Ate Zea na nasa right side
ko, napatingin kami sa kanya. “Nililigawan ka na ba ni Enzo?”

*cough! cough!*

“Friend, nasamid ka pa e wala naman tayong kinakain o iniinom! Ano yan nasamid sa
sariling laway?!” Hinahagod pa ni Janna yung likod ni Krista dahil nga biglang
nasamid sa tanong ni Ate Zea.

Kahit ako si Krista masasamid ako sa sarili kong laway, nakakagulat kaya yung
tanong ni Ate sa kanya. Pero sabagay, akala ko kasi ako lang ang nakakapansin.
Madalas nga silang magkasama simula pa nung dumating kami dito sa resort.

“Hindi po!” Todo iling pa si Krista.

“Weh?” Sabay pa kaming nagsalita ni Janna. Sa hula nga namin nagkakagusto na ‘to si
Krista dun eh.

“Oo nga swear!” Tinaas niya pa yung kanang kamay niya.

Napanguso naman si Ate Zea na mukhang disappointed siya. Mukhang shipper na siya
nung dalawa ah. “Bakit naman Krista?”

Ngumuso lang din si Krista tapos parang nalungkot siya bigla. “Basta po. Hindi na
kasi pwede eh.”

Bakit naman kaya?

Pagkatapos namin magpaspa at mamila ng konting souvenirs at kung ano ano pa bumalik
na din kami sa hotel. Sa labas pa lang sinalubong na kami ng boys na mukhang
kakatapos lang magsurf, as if naman marurunong sila.
“Grabe daming chi- Hehehe. Joke lang!” Bibiruin sana ni Kuya Brix si Ate Zea na
madmaing chiks sa kung saan man sila nagsurf pero sinamaan kaagad siya ng tingin.

“Baby! Hay grabe ang tagal niyo, nagsurf na lang muna kami tuloy nila Enzo.”
Salubong kaagad sakin ni Dylan. Yayakap pa sana siya sakin kaso basang basa yung
suot niya kaya pinigil ko muna siya.

“Yeah. The waves were great. So how did you guys go?” Panganagmusta ni Enzo samin
na basang basa din.

“Saya! Nakatakas ako sa English mo.” Biro sa kanya ni Krista tapos ayun nagngitian
na sila. Nagtinginan naman tuloy kami nung mga iba at pare paehas silang tinukso.

“Ahyeeeeeee. Nagkamissan pa yan oh!”

Napapoker face naman tuloy si Enzo habang si Krista namumula na. Ang haharot ng
dalawang ‘to, dito lang pala madedevelop!

“Oh guys tama na yan. Magpalit na kayo ng dry clothes kasi may pupuntahan pa tayo
before dinner.” Saway ni Ate Zea sa pagtukso tukso namin dun sa dalawa.

“Saan naman Zee?” Tanong ni Kuya Brix na hindi makaakbay akbay dahil basang basa
din siya.
“Island hopping!”

*3rd person*

Gaya ng sinabi ni Zea nagpalit na agad ang mga boys ng damit at sumakay na sila sa
isang malaking bangka para mag island hopping.

Habang nasa bangka may kanya kanya silang mundo na akala mo magkakagalit.

Si Janna at Nate sightseeing ang ginagawa dahil nagkakailangan dun sa almost kiss
nila. Sila Sophia at Dylan naman naghaharutan. Si Brix naman iniisnob ni Zea, akala
niya nakalusot na siya sa pang aasar niya kanina pero hindi pa pala. At si Enzo at
Krista naman nagpipicture picture ng mga mukha nila, nagsusulit lang.

“Sir, Ma’am, nandito na po tayo.” Sabi sa kanila nung mamang bangkero at automatic
naman na tumayo kaagad sila.

Syempre inaalayan kaagad ng boys ang girls pababa ng bangka, pa-gentleman at papogi
points na din.

“Zee naman! Biro lang yung kanina, kami kami lang magkakasama.” Pag eexplain ni
Brix kay Zea na dinedeadma pa din siya.
Isnob na naman siya sa masungit na girlfriend niya at binilisan pa nito yung
paglakad.

“Nice Brix, nice.” Asar ni Dylan kay Brix kaya binato tuloy siya ng mga dahon na
pinitas nito sa

daan.

“Huy Brix, don’t pick flowers!” Sita sa kanya ni Krista dahil nakita nun yung
ginawa niya sa mga dahon.

“Bulag Krista? Dahon kaya ‘to!” Masungit na sagot ni Brix kay Krista sabay walk out
para mag-emo sa kung saan.

“Hala badtrip siya!” Gulat na sabi ni Krista, kilala niya kasing palabiro si Brix
tapos bigla siyang sinungitan ng dahil sa mga dahon. Naloka lang siya.

“Don’t mind him, come on. Let’s check what’s over there.” Sabay turo ni Enzo sa
isang parang cave sa dulo nung island na pinuntahan nila.

Kinilig naman kaagad si Krista lalo nung inalalayan pa siya nito papunta dun sa
cave.

“Sige. Tara na!” Sabi niya pero deep inside gusto na niyang magseizure sa sobrang
kilig! Nadedevelop na nga siya kay Enzo, too late na nga lang.
*

“Nate! Nate! May starfish oh!” Turo ni Janna sa starfish na nakita niya sa shore
habang papunta sana siya sa may cave para sumunod kila Enzo. Suspicious kasi siya
dun sa dalawa kaya gusto niyang mag eavesdrop sa mga pag uusapan nila. Kaso nga
nakuha nung starfish ang attention niya.

Sumunod naman kaagad sa kanya si Nate sa kanya at nagsquat sila parehas habang
tinitignan yung kulay pink na starfish. “Hala parang si Patrick Star!” Amazed na
amazed si Nate kaya nag ala taong bundok siya, first time niya lang kasing makakita
ng starfish.

“Hala oo nga! Ganyan pala yun sa personal! Parang si Patrick nga!” Isa pang amazed
at nag aala taong bundok si Janna, first time din makakita ng tunay na starfish.

“Picture!” Sabi ni Janna tapos inilabas na niya yung dalang camer at nagpictorila
sila ni Nate sa starfish. Trip pa din sana nilang iuwi kaso naawa sila sa pamilyang
maiiwan ng starfish pag inistarfishnapp nila ‘to.

Pagkatapos nilang magbbye sa nakahandusay na starfish sa shore naglakad lakad na


ulit sila para libutin yung iba pang parte ng island.

“Ang cute cute ‘no? Grabe ngayon lang talaga ako nakakita ng totoong starfish.
Mukhang batong kulay pink pala siya ‘no?” Tuwang tuwa pa si Janna habang
nagbrobrowse ng pictures sa camera niya. Dahil sa pagkaabala sa pagbrobrowse
natisod pa siya pero nakabawi din naman agad, tuloy ang pagbrowse. “Naalala ko
tuloy yung pick up mo tungkol sa star! Hahahaha!”
Napangiti naman na parang may sayad si Nate. Sabagay, lahat naman ng ngiti niya
ganun lang ang style, ngiting rapist lang and dating. May naalala na naman kasi
siya. “Oo nga eh, naaalala ko yun. Hindi ko makakalimutan yun.” Sabay ngiting
parang rapist na naman.

Natawa bigla si Janna nung naalala niya yung korning banat ni Nate, parang gusto
niya tuloy yun banatan. “Hahaha! Nakakatawa ka kasi talaga nung gabi nun eh. Yung
mga sinasabi mo nakakagulat!”

“Mas nakakagulat nga yung ginawa mo eh!” Ganti ni Nate sa pang aasar ni Janna sa
kanya.

Nagtagumpay naman si Nate sa plano niya, natameme si Janna saglit at namula pa. 

“H-ha?!” Parang bingi na nagtatanong si Janna. Nahihiya kasi siya nung naaalala
niyang nagnakaw siya ng kiss sa pisngi ni Nate. Naisip niya na sana nagpaalam siya
baka sakaling humarap pa, sayang!

Unti unti lumapit yung mukha ni Nate sa kanya habang siya naman paatras ng paatras.
Paglalapit si Nate, aatras siya. Sa kakaatras niya nawawala siya sa pwesto niya
syempre. Pero tuloy pa din si Nate sa paglapit sa kanya, halos nakalayo na sila sa
kakaatras lapit nilang dalawa.

*tsup!*

Muntik ng mag ala kuwago yung mata ni Janna sa gulat nung hinalikan siya ni Nate sa
pisngi lang din naman, sayang!
“O-oy! B-bakit mo ginawa yun?!” Nagstutsutter pa si Janna na nagtanong kay Nate
with matching panginginig ng kamay habang nakaturo kay Nate.

“Binawi ko lang yung kiss na ninakaw mo sakin noon!” Pang asar na sabi ni Nate
habang nagsisimula siyang tumakbo palayo kay Janna. Akala niya kasi hahabulin siya,
e kaso hindi siya hinabol. Tumakbo pa din siya, para di mapahiya.

Si Janna kasi pulang pula nang parang sili hindi dahil sa kilig. Natutusta na pala
kasi siya sa init ng araw. Nakalimutan magsunblock!

Nung natapos silang maglibot sa unang island na pinuntahan nila sumakay na ulit
sila sa barko para maglibot.

“Madadaanan po natin yung bat island ngayon.” Sabi nung mamang bangkero.

“May kweba din ba dun manong?” Tanong ni Dylan kay Manong Bangkero.

“Meron po Sir, doon po sila namamahay saka sa mga puno.” Sagot ni Manong habang
nakaupo sa unahang banda ng bangka.
“Taray! May bat cave! Nandun kaya si batman?” Excited na tanong ni Krista sa mga
kasama niya.

“Sila ni Robin!” Sagot naman sa kanya ni Janna tapos nag apir pa sila. Sila lang
ang natuwa sa mga pinagsasabi nilang dalawa.

Maya maya pa nadaanan na nila yung bat island at pinaikot ikot pa yung bangka sa
paligid para makita nilang mabuti yung buong island. Bawal kasing bumaba sa island
na yun, wala kasing buhangin dun puro caves lang.

“Ambaho! Nate!” Reklamo ni Enzo habang todo takip sa ilong niya. Mabaho kasi talaga
malapit sa bat cave dahil amoy pooopoo ng mga bats.

“Ako na naman! Pag may mabaho ako kagad!” Reklamo ni Nate sa sinabi sa kanya ni
Enzo sabay punta sa gilid ng bangka, nagpaplanong mag-emo na naman.

Naudlot yung pag-eemo ni Nate nung nginitian siya ni Janna, pag-ibig nga naman.

Dumaan pa sila sa iba’t-ibang klaseng islands. May parang puro caves na island. May
island na mukhang dinosaur ang hugis. May island na sobrang liit at baba lang at
may island na may natitinda ng fresh buko juice.

Last stop nila yung island kung saan pwede na silang magswimming at may restaurant
na din doon kung saan sila nagpareserve para mamayang dinner.
Sugod naman agad sila sa maalat na dagat dahil may mga dala naman silang towels. Sa
hotel rooms na sila magbabanlaw pagbalik sa resort. Nagbabad babad lang sila at
naglaro sa dagat pero saglit lang din umahon na sila. Maalat kasi yung tubig,
nakakaurinary disease at masakit sa mata yung tubig dagat.

“Tara na umakyat na resto, giniginaw na ko.” Request ni Sophia habang balot na


balot sa towel niya. Magdidilim na din kasi kaya lumalamig na yung hangin.

Sumangayon naman yung iba lalo na si Nate dahil gutom na daw siya. Paakayat n asana
sila sa restaurant nung may nakasalubong sila.

“Heart!” Tuwang tuwa na tinawag ni Janna si Heart nung nakita niya yun na palabas
naman sa restaurant na may kasamang gwapong lalaki.

Nilingon naman sila agad ni Heart tapos ngumiti sa kanila pero mukhang may
hinahanap yung mata niya. “Oh hi!”

“Heart! Nandito ka pala!” Gulat na gulat na bati ni Dylan. Ang tagal na niya kasi
nung huling nakita si Heart. Magkakilala din sila dahil kay Nate.

“Oo nagkita kami ni Nate kanina, nagulat nga ako na nandito din siya.” Sagot lang
ni Heart kila Dylan.

“Heart, si Sophia pala girlfriend ko!” Proud na proud na pinakilala ni Dylan si


Sophia sa kaibigan nila.

Naging magiliw naman si Heart kay Sophia pati na din kay Janna na nameet naman na
niya nung...

“Hahaha! Grabe ka naman! Syempre dadalaw naman ako, wag mo ko mamimiss ha!”
Dumating na si Krista at Enzo na tawa ng tawa at nagbibiruan pa.

Bigla bigla na lang nagpaalam na si Heart na parang nagmamdali. “Ah sige, next time
na lang ulit baka hinihintay na kami nila Mommy! Bye guys!” Bumaling siya sa kasama
niya na hindi niya man lang naipakilala. “Let’s go.”

“Nido soup?! Patikim nga bakla!” Sabi ni Sophia kay Krista na kumakain ng inorder
niyang Nido Soup. Binigyan naman siya ni Krista nito.

“Eeeek! Soph kumakain ka niyan?! Galing kaya sa laway ng ibon yan!” Diring diri na
sabi ni Janna nung sumubo si Sophia nung soup.

“OA! Malinis naman yan! Saka aware kami na gawa sa nest na gawa sa laway ng ibon
yan! Masarap kaya!” React naman si Krista sa sinabi ni Janna, favorite niya kasi
ang nido soup kahit na may ibang may ayaw nun.

“Gawa pala sa laway ng ibon yan? Kala ko kasi gawa dun sa Nido na gatas!” Hindi
makapaniwalang sabi ni Nate. Kumakain din kasi siya ng Nido soup dati pa pero
ngayon niya lang nalaman na hindi gawa sa gatas yun. Medyo tange lang.

“Ewan ko sa inyo!” Walang pakialam si Sophia na kumain ng kumain ng nido soup.


“Zee naman, kaninang after lunch pa yang pagsusungit mo. Dinner na may topak ka pa
din?!” Nauubusan na ng pasensya at baon na lambing si Brix dahil tinatarayan pa din
siya ni Zea. Gusto na sana niyang kutusan ang girlfriend niya kaso alam niyang
gaganti ‘to.

“Hindi ako tinotopak Bee! Nagugutom na ako. Mamaya na tayo mag usap after dinner!”
Maktol ni Zea sabay lantak na sa pagkain niya.

Napangiti na din sa wakas si Brix, alam niya kasing nagiging masungit talaga si Zea
pag gutom. Mamaya sure siya na okay na ulit sila.

“I have to excuse myself.” Biglang tumayo si Enzo habang nakapalibot sila sa


bonfire. Bilang last night na nila sa resort naisipan nilang mag bonfire, kaso
mukhang wala naman sa mood si Enzo.

“Problema na naman nun?” Tanong nilang halos lahat kay Krista. Pero tahimik lang
din si Krista na nagkibit balikat.

“PMS lang yun siguro. Hayaan niyo na muna.” Sabi na lang ni Nate para hindi na
isipin nung mga kasama nila yung biglang pagbago ng mood ni Enzo simula pa doon sa
restaurant.

“Kung andito lang si Cy malamang kanina pa sinuntok nun si Enzo.” Wala sa loob na
nasabi ni Brix. Totoo naman kasi, pag isa sa kanila ang nagmamaktol na gaya ni Enzo
sinasapak ni Cyril. Parang tanga daw kasi dahil hindi pa makuhang magsabi e matagal
na silang magkakaibigan.

“Oo nga. Tangena, basag na sana mukha ng kumag na yan. Napaka masikreto eh.” Sagot
naman ni Nate.

“Miss ko na si Cy.” Sabi naman ni Zea sabay tingin ng makahulugan kay Dylan.

“Tinitingin mo?” Naguguilty na tanong ni Dylan sa kapatid niya.

“Wala! Ikaw naman kasi eh.” Sagot ni Zea na parang naninisi pa.

  

“Kelan mo balak makipagbati kay Cy?” Sabi naman ni Nate.

“Bakit ako makikipagbati?” Nagtataas pa ng pride si Dylan kahit alam naman niyang
sa sarili niya gusto na din niyang makipagbati kay Cyril.

“Dy...” Malambing namang sabi ni Sophia sabay hawak sa kamay ni Dylan. Gusto din
niyang makipagbati na si Dylan sa kaibigan dahil naguguilty na din siya tuwing
naiisip niyang siya ang dahilan kung bakit nagkagalit yung dalawa.

Napabuntong hininga na lang si Dylan habang nakatingin sa kanya lahat. Napayuko na


lang siyang nilahad yung kamay niya kay Nate sabay sabing...”Peram ng phone.
Tatawagan ko.”
Napangiti naman si Nate habang kinukuha yung phone niya sa bulsa. Alam niyang hindi
din matitiis ni Dylan si Cyril dahil simula mga bata pa sila magbestfriend na yung
dalawa. Halos parang magkapatid na nga sila e.

“Go na Dy!” Page encourage sa kanya ng kapatid niya.

Bumuntong hininga pa ulit si Dylan bago tumayo hinanap sa contacts ni Nate yung
number ni Cyril. Ilang ring lang sinagot din naman kaagad ni Cyril yung tawag.

“Oy Nate. Miss mo ko?” Pang asara kaagad yung too ni Cyril. Napailing na lang si
Dylan.

“Hoy kumag, si Dylan ‘to.” Pinilit ni Dylan na magmukhang casual lang yung pagtawag
niya.

“Oh problema mo? Miss mo ko?” Natatawang tanong ni Cyril mula sa kabilang linya
kaya natawa na lang din si Dylan.

“Gagu. Bakit hindi ka sumama dito? Niyaya ka nila ah!”

“Ayoko baka magkasapakan pa tayo, sayang mukha ko.” Expected na ni Dylan na yun ang
isasagot ni Cyril. Sa tagal nilang magkatropa kabisado na niya yung mga kayabangan
nito sa katawan.

Sumeryoso naman na saglit si Dylan at ginawa na yung pakay niya. “Cy, pasensya na
pala ah.”
“Oh bakit? Kasi mas gwapo ko sa’yo? Oo alam na natin yan, ako nga ang dapat
magpasensya eh.” Mahangin na namang sabi ni Cyril kaya gusto tuloy siya biglang
bigwasan ni Dylan.

“Gagu. Alam mo na yun, ayoko magpakacorny dude. Bading lang?” Paliwanag ni Dylan.
Ayaw niya maging madrama dahil sigurado siyang bwibwisitin lang siya ng bestfriend
niya.

At ayaw din naman magpakadrama ni Cyril. “Oo nga e, kadiri lang. Hahaha pasensya ka
na din.”

Tapos sabay silang natawa na parang mga abnormal dahil hindi sila sanay sa ganung
sitwasyon. Normally kasi pag nagkapikunan sila hindi lang magpapansinan ng ilang
ara tapos pag nagkita magbabatukan na. Walang Sali-salita nagbabati kaagad sila.

“Paano ba yan? Pag uwi niyo magpainom naman kayo! Puro kayo pagbabakasyon dyan!”
Kantyaw ni Cyril kay Dylan.

“Oo na, basta sagot mo! Hahahaha, wag ka mag aalala uwian ka namin ng buhangin
lalagay ko sa bote.”

“Gagu! Sige na, busy ako. Mahirap maging gwapo, mabuti di mo nararanasan.”
Pagpaalam ni Cyril sa kaibigan niya. Ang totoo kasi niyan umiinom din siya kasama
yung isang kaklase niya sa bar.

“Ano ka?! Araw araw ko nga nararanasan eh!” Sagot naman ni Dylan bago tumawa. “Oh
sige na alam ko naman na nasa bar ka na naman!”

“Oo kasama ko si Greg! Ge na, daming bagong dating na chiks. Poporma mu na ko. Bye,
labyu! Hahahahaha!”

Gustong maasiwa ni Dylan kahit na alam niyang biro lang yun. Mumurahin niya pa sana
si Cyril kaso pinutol na yung linya kaya natatawa na lang siyang bumalik sa mga
kaibigan niya. Hindi pa man din siya nakakaupo...

“Tawang tawa ka dun ah. Parang may kausap na chiks! Si Cy ba talaga tinawagan mo?”
Tukso kaagad ni Brix. Ngiting ngiti nga naman kasi siya eh. Inambaan niya ‘to ng
suntok pero kunwari lang.

“Oo nga Dy! Parang kinikilig ka lang!” Ginatungan pa ni Krista yung pang aasar ni
Brix.

“E syempre bati na sila ng jowa niya!” Tukso din ni Nate.

“Anong jowa ka dyan?!” Paingababato tuloy ni Dylan si Nate ng buhangin habang


tumatawa.

“Sus para kayong magboypren nun dati eh, kung di ka lang magkakaanak baka isipin ko
pa magkatuluyan kayo! Hahahaha.”

Lalo tuloy pinagbabato ni Dylan si Nate ng buhangin.


Masaya sila dahil isang problema na ang naresolve nila. Nagbati na ang
magbestfriend pero biglang naging seryoso ulit sila nung nagsalita bigla si Krista.

“Gusto ko pala magpaalam sa inyo.”

Bigla naman nagbiro si Nate. “Bakit? Liligawan mo na ba si Enzo?!”

Napangiti lang ng tipid si Krista. “Hindi sira! Lilipat na kasi ako ng city.
Malayong city.”

Natahimik lahat sa sinabi ni Krista. Walang makapagsalit kasi gulat sila.

“Kaya din ako sumama sa inyo dito para makabonding kayo, hindi man for the last
time pero-“

Hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi bigla siyang pinuntahan ni Janna at
Sophia para yakapin.

“Ano ba kayo guys! Wag nga kayong madrama, baka naman dumalaw ako paminsan minsan.
Lilipat na din kasi ako ng school.” Pinipilit ni Krista nah wag maiyak dahil baka
hindi siya makatigil.

“Bakit ngayon mo lang ‘to sinabi ha?” Patampong tanong ni Janna.


“Kelan ka aalis?” Ganun din ang reaskyon ni Sophia. Wala kasi talaga silang kaalam
alam ba dalawa na aalis na pala ang kaibigan nila.

“Next week na. Hindi ko agad sinabi kasi iisipin niyo pa yun e dapat nga mag enjoy
tayo ngayong vacation.” Paliwanag ni Krista sa mga kaibigan. Ayaw niya kasing siya
pa yung makasira ng dapat masayang vacation nila.

“Kaya baa yaw mo na ligawan si Enzo kasi aalis ka na? Kaya ba nag eemote yun?”
Conclusion ni Nate.

Nabatukan tuloy siya ni Brix na katabi niya lang. “Puro ka Enzo e!”

Napasimangot naman si Nate. “Sayang kasi, nirereto ko pa naman kay Enzo tapos aalis
pala. Tsk tsk. Malas ni kumag.”

“Duh guys! May long distance relationship naman e!” Asar ni Zea kay Krista kaya
kahit na naiiyak na si Krista nagawa pa din niyang ngumiti sa kanila.

“Kayang idrive ni Enzo yang city na yan!” Dugtong ni Dylan kaya nagkatuksuhan na
naman sila.

“Hindi na din po siguro, para kasing may bumabagabag pa sa kanya e.” Malungkot na
sagot ni Krista. Alam niyang malungkot naman si Enzo nung nalaman nito na aalis na
siya. Pero may mas malalim na dahilan yung pagbabago ng mood niya simula kanina, at
ramdam yun ni Krista.
“Ano naman?!” Histerya naman kaagad si Janna.

Kinumpas kumpas ni Krista yung kamay niya para sabihing “Wala lang yun. Awww, hug
niyo naman ako aalis na ako e!” Pagbaling niya ng iba sa usapan at pagrerequest
niya ng hug mula sa friends niya.

Nag group hug naman sila.

--

Sabi naman sa inyo sabaw 'to. Sorry. >.< Pero atleast nagbati na yung dalawa ah.
Please bear with me readers, dahil ang tagal kong walang update nawala ako sa
momentum. Babalik din 'to next update, I promise. Thanks. 

Don’t forget SECRET LOVE. May update sin siya later. Thanks lovies. <3

Anyway, could you still vote for it and leave a comment? Thanks. :/

-M

=================

Chapter Twenty Five

Moon's Note: 

Hello my dear readers. I would just like to take this opportunity thank you guys.
Perfect Mistake was about to hit 14k reads! Party party. Napakalaking achievement
na nito para sakin. Hindi ko inakala na mapapansin din 'tong PM so thank you
talaga. Lalo na dun sa mga laging nagcocomment at nagvovote, sa mga nagfan, sa mga
nag-add nito sa reading list nila. Thank you from the bottom of my heart and
intestines. HAHAHA. I love you guys. :* 

Dedicated to a new fan. Thanks for readin this. Enjoy the update. :) 

--

*Sophia’s POV*

“Babywifey koooo. Papasok na koooo.” Sino pa nga ba? Eh di si Dy. Kasabay pa ng


back hug habang nag aayos ako nung hinigaan namin. At yung babywifey pauso niya din
yan. Eh di syempre kinikilig ako. 

“Uuwi ka maaga ha.” Palambing kong sagot sa kanya habang inaayos pa din yung kama
namin.

“Opo. Ano gusto ng babywifey ko? Bibilin ni Daddy.” Anuba! Ako na kasi kinikilig
talaga. Si Dy naman kasi lagi ako binibaby. 

“Hmmm... Ikaw.” Natatawa kong sagot sabay harap sa kanya. 

“Sus. Bolera. Ano gusto ng baby naming pasalubong ha? Ibibili ng daddy niyang
gwapo.” Sabi niya sabay lean malapit sa tyan ko, kinakausap niya na naman si baby
eh.
“Sige bili mo na lang ako milkshake. Tapos uwi maaga ha?” Sabi ko sabay ayos ng
collar ng uniform niya. Asawang asawa lang ang dating ko. Kinikilig talaga ako sa
mga simpleng gestures namin ni Dylan sa isa’t-isa.

“Opo dalawang baby ko.” Sabi niya sabay kiss sa lips ko.

“I love you babyhubby ko.” Ngumiti ako bago ko siya ikiss ulit sa lips. Siya din
nag-suggest ng babyhubby nay an, para daw counterpart ng tawag niya sakin.

“Wag na kaya ko pumasok?” Bigla niyang sabi sakin kaya napataas lang ako ng kilay.
“Baka mamiss kita eh. Kiss ka ng kiss baka hindi na ko makaalis niyan.” Sabi niya
sabay kindat.

I swear parang tumalon yung baby sa tyan ko! Kasi naman si Dy, ang lakas
magpakilig. Forte niya ba talaga yun? Kasi effective eh, sobra. 

“Aychuu. Nanlalambing. Pumasok ka na po, baka madami ka mamiss sa klase mo eh.”


Natatawa ko na lang na sagot sa kanya tapos nilagay ko yung kamay ko paikot sa leeg
niya.

“Kesa ikaw mamiss ko.” Sagot niya naman sakin, naramdaman ko na nagblublush na ko.

“Kulit!” Sabi ko tapos pinisil ko yung ilong niya. “Malapit-lapit na din yung
finals kaya mag-aral ka na daddy. Okay po?”
“Hmp. Sige na nga. Kumain ka na sa baba ha? Uwi ako mga 2:30. I love you po
babywifey kong mahal.” Natatawa tawa pa siya habang sinasabi niya yan. Psh,
kinikilig lang yan pag ganyan. :P Pero mas kinikilig ako pag nagsasabi siya ng “PO”
sakin. Ang sweet ng dating eh. 

“Opo daddy ko. Pasok na baka malate ka. I love you too. Much much.”

Natawa kaming pareho sa “much much” ko. Basta kasi pag kaming dalawa lang kung ano-
anong kalokohan, kakornihan at kasweetan ang lumalabas sa bibig namin.

Hinalikan niya pa ulit ako sa lips bago lumabas ng pinto. Halos araw-araw ganito
kami ni Dylan. Araw-araw din akong kinikilig. Ang sweet kaya ng babyhubby ko. 

“Pst. Sexy kong asawa. I love you ulit. Bbye na talaga.” Nagulat naman ako kasi
bumalik pala siya.

“Daddy, late ka na. Pasok na po.”

“Hahaha. Eto na po. Kiss?” Eto naman si kiss. E di syempre para matigil e di
pagbigyan. 

“I love you!” Sagot ko sa kanya pagtapos ko siyang ikiss sa lips niya. Ngumiti lang
siya tapos lumabas na ulit.

Hay. Kaya mahal na mahal ko yang si Dy eh, hindi hindi pumapalya sa pagpapakilig
sakin. Parang lagi kaming bagong magboyfriend samanatalang ilang buwan na din kami.
Hay sana laging ganito at walang problema, eh di mas magiging okay kami ni Dy.
 

*Cyril’s POV*

*PAK*

“How dare you broke up with me?” Humahagulgol sa sabi nung babae na hindi ko alam
yung panagalan. Kasasagot ko lang sa kanya kahapon eh.

“Uhm.. kasi you’re not a good kisser?” Walang gana kong sagot sabay lakad, leaving
her crying.

Nakakainis naman kasi, ang drama niya samantalang siya naman yung lumapit sakin
kahapon at bigla akong hinalikan. Hindi ko naman siya niligawan tapos ngayon
nakipagbreak ako iiyak siya. Tss.

“Oy kumag ka! May pinaiyak ka na namang babae!” Sabi ni Nate sabay batok sakin.
Tangena, ang ganda ng bati niya sa umaga ah!

“Kumag ka din!” Gumanti ako ng batok sa kanya. “Di ko nga kilala yun eh. Hayaan mo
na, isang araw lang kami nun eh, tignan mo bukas may kapalit na din agad ako.”
“Ulul ka talaga. Kelan ka ba magseseryoso ng babae?” Sabi ni Nate sabay akbay
sakin.

“Wow kupal. Nahiya naman ang kagawapuhan ko sayo. Kelan mo pa napag-isip isip yan?”
Natatawa kong sabi sa kanya. ‘Kala mo magsalita ‘to parang hindi natesting mambabae
dati.

“Nagbagong buhay na ko dude. Wag mo ‘ko igaya sayo.” Sabi niya sabay binatukan na
naman ako. Sapakin ko na to eh!

“Gagu. Lumayas ka na nga sa harapan ko. Baka samain umaga mo sakin.” Pabiro ko
siyang tinulak. Ganito lang talaga kami mag bwisitan sa umaga ni Nate.

“Nate!” Napalingon kami sa sumigaw.

“Uy beb. Kanina ka pa?” Ngiting-ngiti na sabi ni Nate kay Janna, habang palapit
siya samin.

“Wow kups, may pabeb beb ka na ngayon ah.” Bulong ko kay Nate. Hindi naman siya
sumagot pero siniko niya ‘ko at tumawa na lang ako ng mahina.

“Hindi naman. May klase ka pa ba?” Tanong sa kanya ni Janna.

Parang atat naman si Nate sumagot. “Ah wala pa. Vacant ko pa, tara ice cream?”
“Sige ba! Cyril, sama ka?” Aya naman ni Janna sakin.

Umiling ako bago sumagot. “May gagawin pa ko eh. Kayo na lang muna.”

“Sige una na kami ha.” Sabi naman ni Janna sabay nag-wave.

“Una na kami kups.” Sabi ni Nate sabay tapik sa likod ko.

“Peram chiks mo minsan ah.” Kunwari seryoso kong sabi sa kanya.

Pinalakihan niya namana ako ng mata. “Pakyu ka Cy!”

“Hahaha. Gagu, biro lang. Sige layas na.” Sabi sa kanila bago sila umalis.

Tumuloy na din ako sa Department Hall namin. Syempre kahit naman babaero ako, at
super gwapo ko binoto nila akong president ng college department namin. Syempre
tatanggi ba ‘ko? Dagdag incentives din yun. Kahit naman babaero ako may pakialam
ako sa grades ko.

“President, nag drop out na pala si Camille, yung secretary mo.” Sabi ni Greg
pagkapasok ko sa  office ng department namin.
“Kelan pa? Sino papalit dun? Hindi pwedeng wala kong secretary.” Sagot ko kay Greg.
Well, bukod kasi sa secretary ang papel niya siya din inuutusan ko pag may
importanteng gagawin sa functions na hindi ko maasikaso. Sayang mabait pa naman si
Camille, medyo nerd nga lang pero atleast hindi yung mga babaeng bigla bigla na
lang sumasampa sa likod ko.

“May bagong student daw Pres, nag volunteer mag secretary.”

“Good. Sana lang matino yan Greg, kung hindi ikaw ang papalit kay Camille.” Sagot
ko sa kanya sabay upo sa pwesto ko at sinimulan na yung mga paper works para sa
event next week.

“Pres, nga pala may naghahanap sayo kaninang babae dito.” Singit na naman ni Greg.
Medyo madaldal talaga ‘tong assistant vice president na ‘to.

“Sino naman daw?” Walang gana kong sagot.

“Haaaa... teka ano nga panagalan nun?” Huminto pa siya at nag-isip. Parang
kinakabahan ako sa sasabihin nito ni Greg.

“Ayun Pres! Si Hannica daw pala.”

Phew. Akala ko yung iniisip ko na eh, buti naman pala hindi. Siguro tinantatanan na
din ako nun.

“Psh. ‘Di ko kilala. Kuha mo nga ko ng malamaig na tubig dun Greg.” Utos ko sa
kanya kaya agad naman niyang sinunod. Paboritong member ko yan si Greg.

“President oh. Sabi pala ni Mrs. Castro sa isang araw niya na ichecheck yung mga
papel. Hassle daw kasi full load siya hanggang bukas. Tuloy ba meeting bukas pres?”

“Oo tuloy pa din, kinausap ko na si Mrs. Castro. Okay lang daw mag meeting kahit
wala siya.” Sagot ko naman kay Greg habang inaayos ko yung mga papel namin.

“Ay president! Nandyan nap ala yung bagong secretary.” Masayang sabi ni Greg. Siya
pinakamaingay samin dito kasi siya din ang pinakabata.

“Sige, paupuin mo dyan.” Tukoy ko sa upuan sa harap ng table ko, katabi ng inuupuan
ni Greg.

Nakakapagod mag-ayos ng mga papel. Kinuha ko yung baso sa harapan ko at uminom.

“Yan na President.” – Greg

Pag-anagat ko nga ulo ko halos maibuga ko na yung ininom kong tubig.

“Hello po president.” Nakangiti niyang sabi.

WTF na tunay! Siya na naman? At siya ang magiging secretary ko?? Anak ng tunang
nasa lata naman oh!

*Sophia’s POV*

Incoming Call...

Babyhubby ko <3

Ang cute ng ringtone ko ‘no? Syempre sino pa ba may pakana niyan? 

“Hello Dy?” Sabi ko kaagad pagkasagot ko ng phone.

"Baby, pakitignan nga sa computer table kung may naiwan akong blue folder dyan?
Yung prinint natin kagabi."

“Huh? Teka Dy.” Sabi ko tapos umakyat ako sa kwarto at hinalungkat yung mga folders
sa ibabaw ng table. Nakita ko naman kaagad yung pinapahanap ni Dy.

“Oo Dy, nandito. Di ba ngayon ipapasa ‘to?” Tanong ko sa kanya, minadali nga namin
iprint lahat ‘to kagabi kasi nga kailangan na niya ngayon.

"Oo baby, naiwan ko nga eh. Wala pa naman vacant." Problemado yung tono ni Dy.
“Hahatid ko na lang dyan sa school Dy.”

"Ha? Wag na baby, baka mapagod ka pa eh." Pagtutol niya.

“Sus, hindi naman ako maglalakad e. Papahatid ako sa driver.” Natatawa akong
sumagot sa kanya. Wala naman kasi akong ginagawa tapos ayaw niya naman ako
masyadong pinapakilos kahit dito sa bahay.

"Sure ka?" Nag aalala niya pa ulit na tanong.

“Oo naman Dy. Saglit lang naman yun eh.” Pagsisiguro ko sa kanya.

"Oh sige, tapos hintayin mo ko saglit sa cafeteria. Sabay na tayo uuwi ha?"

“Oh sige Dy. Magbibihis lang ako tapos pupunta na ko dyan. I love you.”

"Sige. Text mo ko pagnandito ka na ha. I love you too. Ingat ah. Yung susuot mo wag
maigsi ha."

Natawa naman ako. “Opo. Sige baba mo na.”


"okay. I love you."

“Psh. Wag daw maigsi eh siya kaya bumili ng mga dress na yun. Baliw talaga.” Nasabi
ko na lang sa sarili ko habang kumukuha ng susuotin sa closet namin. Nagbihis agad
ako at binitbit yung folder ni Dy.

“Manang Emmy punta po muna ako ng school. Hahatid ko lang yung gamit na naiwan ni
Dy.” Sabi ko kay Manang Emmy pagdating ko sa kusina.

“Kaya mo ba?” Tanong kaagad niya sakin. Masyado silang protective sakin dito sa
bahay. Bilin kasi ni Dy. Tumango lang ako kay Manang.

“Oh sige. Mag iingat kayo. Umuwi din kayo agad ng maaga.” Bilin niya sakin.

“Sabay na daw po kami uuwi.” Sabi ko sabay kaway. Ngumiti lang si Manang kaya
lumabas na ‘ko at nagpahatid sa driver.

Saglit lang yung biyahe namin kasi walang traffic at malapit lang din naman sa
bahay yung school. Pagdating sa parking lot pinauwi ko na din yung driver dahil nga
sabay naman kami ni Dylan uuwi.

Tinext ko agad siya pagkapasok ko sa loob ng school pero plano ko na lang din
puntahan siya sa department nila sa 3rd floor.

To: Babyhubby ko <3


Dy, punta na lang ako sa room niyo.

Message Sent

Naalala ko kasi yung sinabi niyang walang vacant kaya naman baka mahirapan pa siya
bumaba. Isa pa gusto ko lang makita kung nag-aaral siya ng mabuti dun. Haha!

Woo. Kakapagod din pala maghagdan hanggang 3rd floor! Ang bigat na din kasi ng tyan
ko. May mga ilang nakakilala naman sakin at binati ako. Yung iba nag congratulate
pa nga kasi kalat na pala sa school yung tungkol samin ni Dylan. ‘Kala ko ng
aawayin nila ko eh.

Paliko na ko sa stairs ng 3rd floor ng makasalubong ko si Cyril na mukhang aburido


sa buhay niya at kasunod yung isang babaeng maganda.

“Uy Soph. Ano ginagawa mo dito?” Tanong niya ng mapansin niya ko. Civil na lang
kami nila Cy. Nung umuwi kasi kami galing vacation dumaan siya saglit.

“Dadalin ko lang sana ‘tong naiwan ni Dy.” Sagot ko sa kanya sabay pakita nung
folder ni Dy.

“Ah ganun ba?” Nakangiti niyang tanong sabay bumaling siya dun sa babaeng kasama
niya. “Oy, check mo nga dyan kung nakapagbigay na tayo nung invitation para sa
event dun sa Department nila Sir Quizon?”
“Ah.. saglit lang.” Sabi nung babae tapos nagcheck nga siya dun sa papel. “Hindi
pa.”

“Tara dun. Soph sabay ka na samin.” Sabi naman niya sakin. Tumango lang ako tapos
sumabay na ko ng lakad sa kanila.

“Cy sino yang kasama mo? Yieee. Girlfriend mo?” Tukso ko sa kanya habang naglalakad
kami.

“Psh. Hindi ‘no. Secretary ko yan.” Parang aburido na naman niyang sagot.

“Wow sosyalin. May secretary pa.” Biro ko na naman sa kanya. Natawa na lang naman
siya.

Pagdating namin sa room nila sakto kalalabas lang ng professor nila. Kinausap yun
ni Cyril at nung kasama niya kaya naman nagpunta na ko sa pinto ng roo nila Dy.

“Baby,, halika na.. “ May narinig akong boses ng babae.

At sumpain na yung babae na yun! Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa nakita
ko. Si Dy nakaupo tapos may babaeng nakakapit at nakahilig sa braso niya!

Aba!!! Anong ibig sabihin nito?!? 


--

Okay alam ko pong lahat kayo gustong sakalin at ipatapon sa mars si Dylan pero
kalma lang. Hahahaha. Sadyang bitin yan syempre para kaabang abang. Wag kayo
magalala gusto ko din naman sikuhin yung babae e! XD 

Kabado ako sa mga icocomment niyo. Parang madaming mahahahighblood pagkatapos


kiligin. Wahahaha. XD 

Vote and Comment. <3

-CM <3

=================

Chapter Twenty Six

Dedicated to a fan na masipag din magcomment sa mga updates at binati niya ko nung
New Year. Hahaha. enjoy sa update. :)

--

 Perfect Mistake Chapter 26

*Sophia’s POV*
 

Eh ano pala ‘to gaguhan?!

               

Tinawatawag niya ‘kong baby tapos may baby din dito? Punyemas pala eh! Naiinis na
ko talaga kaya plano kong kumprontahin na sila. Para kung nagkakalokohan na pala
matapos na ‘to!

Pahakbang pa lang ako ng mag salita si Dylan.

“Uy Prim ano ka ba?”  Parang saway niya dun sa babae. Pero hindi nagpatinag ang
haliparot!

“Sige na kasi. Samahan mo na ko mag-mall.” Malandi pa ding sabi nung babae. Umiinit
na talaga yung ulo ko. Pakiramdam ko gusto ko magwala! Gusto ko sabunutan yung
babae pero nanahimik muna ko. Gusto ko pang pakinggan yung pinag-uusapan nila.

“Sira ‘to. Ayoko nga. Pupunta dito asawa ko, hinihintay ko lang siya.”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabing yun ni Dylan. Pero ang hindi ko maintindihan
bakit hindi siya lumalayo sa babaeng yun? Ano komportable ba siya na nakakapit sa
kanya yung mukhang tuko na yun! Leche!

“Psh. Asawa! So what?!” Sa narinig ko hindi na ko nakapagpigil. Naglakad na ko


papalapit sa kanila. Nakatalikod kasi sila sa pintuan kaya hindi nila ko pansin.
May iilan na lang din yung tao sa loob. Hindi ba niya natanggap yung text ko? E
bwiset pala siya eh!
“Uy Dy! Kanina pa kami ni Sophia dito!” Biglang sigaw naman ni Cy na nasa tabi ko
na din pala. Napalingon at napatayo naman agad si Dylan.

Yung babae mukhang nagulat pero agad nagbawi at kumunot yung noo. Malandi siya!

“Oh bakit kasama niyo yan?” Tanong ni Cyril kay Dylan at dun sa kasama niya.
Tinutukoy niya yung babae kasi tinuro niya pa saglit. Nakasimangot nga si Cy nung
sinabi yun.

“Bakit? Sino ba yun Cyril?” Mahinang tanong ko sa kanya.

“Eh may sayad yan e.” Bulong din niya sakin.

“Oh yung naiwan mo!” Sabi ko sabay hampas nung folder sa dibdib ng Dylan na yun!
Nakakainis siya.

“Oy gagu ka! Pinaubaya na nga sayo eh! Inano mo ‘to?” Naiinis na sabi ni Cyril kay
Dylan sabay baling niya dun sa babae.  “Oy ikaw Primitiva! Alis!” Pagsususngit niya
dun sa babae.

Peste! Kasing panget niya yung panagalan niya! Nakakainis siya! Nakakainis silang
dalawa! Gusto ko sila pagbuhulin!
“Bakit ako aalis? So what kung asawa siya?” Pagtataray na naman yung babae!
Talagang sinusubukan niya ko?

“Aba!” Sabi ko sabay pasugod na ko sa kanya ng pinigilan ako ni Cyril at Dylan.

Nagulat na lang ako sa susunod na ginawa ni Cyril.

“TANG*NA!! PAG SINABI KONG UMALIS KA! UMALIS KA! SINABING ASAWA YAN! TANGA KA BA O
NAGTATANGA TANGAHAN? ALIS NA!”

Sinigawan ni Cyril yung babae ang malala pa inambaan niya ng suntok. Alam ko naman
na hindi niya itutuloy yun at tinakot lang niya yung babae. Pero nakakatakot pa din
yung ginawa niya. Natulala yung si Primitiva na yun at parang naiiyak na.

“ANO?! ALIS!” Sigaw pa ulit ni Cyril.

Hindi na nakapagpigil yung babae kaya napatakbo na lang siya habang umiiyak.

“Sira ulo ka Cy. Mamaya kung ano mangyari dun. Alam mo ng may suicidal tendency
yun.” Malakas na sabi ni Dylan kay Cyril.

So yun? Yun ang dahil kaya hinahayaan niya yung babae?!


“E mas gago pala kayo eh! Inaartehan lang kayo niyan! Tinatakot lang kayo
nagpapatakot naman kayo! Sa suntok ko nga natakot, mamatay pa kaya?! Unahin mo pa
yun kesa sa asawa mo?!” Inis na inis na sabi ni Cyril. Nakuha ko yung punto niya.
Mukha naman talagang nag iinarte yung babae na yun. Nagpadala naman ‘tong bwiset na
‘to sa inarte na yun.

“Tss.” Sagot ni Dy na lalaong kinainis ko. Ano? Yun lang sasabihin niya?! E gaguhan
pala talaga.

“Salamat ha! Nag-effort pa ko dalahin yang lecheng project na yan sa’yo! Yun na nga
ang naabutan ko tapos yan lang sasabihin mo? Wow.”  Naiiyak ko ng sabi bago ako
tumalikod at naglakad ng mabilis.

“Tangna Dylan!” Dinig kong sigaw ni Cyril. Alam ko din na susundan ako ni Dy kaya
minadali ko yung paglakad habang tumutulo yung luha ko. Lahat na: inis, galit,
sakit, selos. Kahit ba sabihin na may tama sa utak yung babae na yun eh! Nag
iinarte lang naman pala!

“Sophia!” Sigaw ni Dylan.

Hindi ko siya pinansin  at mas minadali ko pa yung paglalakad ko.

“Sophia! Ano ba?” Sigaw niya pa ulit habang hinahabol ako.

“Ano din ba?” Sabay tabig ko sa kamay niya. Nahawakan niya kasi ako. Tapos nalakad
na ulit ako.
“Sophia naman!” Sabi niya nung nahigit niya ulit yung kamay ko.

“Bitawan mo nga kasi ako!” Tinabig ko ulit yung kamay niya at naglakad ulit ako.

“Kausapin mo nga ako. Ano bang problema mo?” Naabutan na niya ko kaya magkasabay na
kaming maglakad.

“Problema ko? Wala Dylan! Wala akong problema. Naabutan ko lang naman kasi yung
asawa ko na may katabing ibang haliparot na babae, nakahilig sa balikat niya tapos
hindi siya nagrereklamo. Wala talaga kong problema Dylan.” Inis na inis ko siyang
hinarap para sabihin yan tapos naglakad na ulit ako.

“Hindi mo muna kasi ako pagpaliwanagin. Kaibigan lang naman turing ko dun eh, alam
mo naman yan.” Pagpapaliwanag niya.

“Kaibigan nga ang tingin mo sa kanya. Pero siya? Binibigyan mo pa ng dahilan yung
tao para umasa kung hindi mo susupalpalin kaagad!” Umiiyak ko pa ding sabi.

“Iniisip ko lang yung nararamdaman niya. Hindi ko naman intensyon na ganito eh. Wag
ka naman umiyak baby ko.” Malambing na niyang sabi habang hinahawakan yung kamaya
ko. Hinyaan ko lang siya pero hindi ko hinawakan yung kamay niya.

“Baby? Huh? Pwede wag mo ko tatawagin niyan? Naaalibarbaran ako. Yung mararamdaman
ko ba naisip mo ha? Asawa mo ko. Sino ba priority mo dito Dylan?” Mahina ko ng sabi
sa kanya.
“Ikaw. Kayo ng baby natin. Sorry na please. Wag ka na magalit. Wala yun, sige na
hindi ko na yun papansinin. Basta wag ka na magalit sakin. ‘Lika na bibili na tayo
ng milkshake mo.”

“Tsk. Ayoko!” Hinila ko palayo yung kamay ko.

“Oh bakit na naman?” Nagtataka na niyang tanong sakin.

“Bakit? May sinabi ba kong ayos na tayo? Ganun ganun na lang? Umuwi na tayo. Iuwi
mo na ko.” Sabi ko na lang sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi iuwi na ko.

Nasira na kasi talaga yung mood ko. Isa pa inis pa din ako sa kanya, sana kasi
hindi niya na lang nilalapitan yun. Hindi man lang inisip yung mararamdaman ko.
Nakakapeste talaga.

“Wag kang tatabi sakin mamaya. Bahala ka kung saan ka matutulog.” Sabi ko sa kanya
nung nakasakay na kami sa kotse.

Hindi naman siya sumagot pero bumuntong hininga siya. Wala man lang ibang sinabi?
Psh. Bahala siya!

*Janna’s POV*

 
“Beb, dito ka na lang. Ako na oorder ng ice cream natin. Ano sa’yo?” Tanong ni Nate
nung nakapasok na kami sa ice cream parlor.

“Mocha with butterfinger na lang sakin.” Sabi ko sa kanya tapos humanap na ko ng


pwede naming upuan.

“Sige. Dyan ka lang ha. Stay put lang, iwan ko puso ko dyan. Babalik agad ako.”
Biro pa ni Nate sabay kindat bago umalis.

Eh ako? Eh di kininikilig ako! Ang gwapo kaya niya kumindat, tapos para sakin pa
yun? Para kong pinagpala talaga! Hahaha. Hindi ko kasi maimagine kasi crush ko lang
naman si Nate dati tapos ngayon ganito na kami.

Hindi naman kami e, wala ding usap usap. Basta ganito na lang kami bigla. Sweet
minsan, lumalabas na magkasama. May tawagan din kami pero hindi naman malinaw kung
ano kami. Masaya naman ako kasama si Nate kahit walang malinaw na relasyon.
Kailangan pa ba yun? Basta importante masaya ako kasama siya. Hindi ko pa man din
kasi masabi kung mahal ko na nga siya, pero gusto ko si Nate. Gustong gusto ko
siya. Kaya nga siguro pumapayag din ako sa ganitong lumalabas kami e.

“Hi Miss.” Biglang may lalaking umupo sa harapan ko.

“Huh?” Wala sa sariling sagot ko. Nagulat kasi ako.

“May kasama ka ba?” Biglang tanong nung lalaki. Tatanong niyo itsura? Nakakatakot?
Mukhang mas matanda siya sakin e.
“Ah meron po.” Tipid kong sagot. Shoo kuya! Alis na!

“Halika, iwan mo na lang yun. Sakin ka na lang sumama.” Sabi nung lalaki.

Shet kinilabutan ako sa sinabi niya!

“Hindi po. May kasama po ako manong.” Mahina kong sagot sa kanya.

“Nak ng! Manong tawag mo sakin? Wag ganun. Halika sumama ka na sakin?” Mas lalo na
kong kinilabutan sa ginawa niya. Hinawakan na kasi niya yung kamay ko. Nakakdiri!

Well hindi naman siya taong grasa e. Pero kasi hindi ko siya kilala tapos ganyan
mga pinagsasabe niya sakin tapos biglang hahawakan kamay ko? Epal pala siya e.

“Pakibitaw po yung kamay ko. Masakit po eh.”

“Ah. Excuse me? Pakibitaw naman yung kasama ko!”

“Nate!” Napasigaw ako ng makita ko siya pero hindi ako binitawan nung manong.
Kainis ah! Makapangharass siya eh nasa public place siya.
“Sino ka ba?” Tanong ni Manong Scary kay Nate.

Sabihin mo girlfriend mo ko! Dali! Para pakawalan na ko nito! Huhuhu 

“A-ah ako yung kasama niya!”

Ayyyyyy! Bakit yun lang sinabi niya? 

“Kasama lang pala eh!” Sigaw sa kanya nung Manong. Malakas ang vibes ko na
nakaainom ng alak si Manong, amoy chico kasi siya.

“Kahit na. Bitawan mo na. Halika dito Janna.” Hinila ako ni Nate palapit sa kanya
pero hindi talaga ako binitawan nung Manong. Huhu ang sakit na ng kamay ko.

“Bibitawan mo o babakat yung sapatos ko sa mukha mo?” Matapang na sabi ni Nate.

Mukha naman natakot yung manong kaya binitawan niya ko, hinila naman agad ako ni
Nate palabas ng ice cream parlor papunta sa parking lot.

“Tsk. Kainis.” Sabi niya habang papunta kami sa parking lot.

“S-Sorry.” Napayuko na lang ako habang hawak niya pa din yung kamay ko at
naglalakad kami.
Huminto siya bigla tapos pumunta sa harapan ko. “Bakit ka nagsosorry?” Nagtataka
niyang tanong.

“Ano kasi... napaaway ka pa dahil sakin. Sorry ah naiinis ka siguro kasi hindi ko
man lang naipagtanggol yung sarili ko.” Nahihiya kong sabi.

“Hahaha. Ano ka ba? Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko kasi naipagmalaki na
girlfriend kita, I don’t have the right to do that. Isa pa nainis ako, sobrang
ganda mo kasi. Ang dami tuloy gustong umagaw sa’yo. Pero sorry na lang sila.” Sabi
niya sabay makalaglag pangang smile.

Waaaaah! Kinikilig akoooo. 

“Ahhh.” Wala na ko nasabi. Wala na e. Umurong dila ko.

“Yan lang sagot mo?” Sabi ni Nate sabay pout. Yung parang nagtampo. Ang cute niya
lang oh.

“Eh?”

“Hahaha. Ang cute mo talaga beb! Pero seryoso na muna, nadala na ko sa mga ganitong
pagkakataon eh. Magtatanong sila kung ano mo ‘ko tapos hindi ako makasagot. Ano mo
nga ba ko?” Sabi niya sabay lapit ng mukha niya sakin.

Bumilis ang pintig ng puso ko. 


“N-nate...” Napalingon na lang ako sa left side. Kasi naman bakit niya nilapit yung
mukha niya bigla sakin? Nararamdaman ko tuloy yung maiinit niyang paghinga! Ghaaad!
Baka mamaya bigla ko na lang siyang sunggaban!

Ay leche ang manyak ng utak ko. Huhuhu! 

“Ano beb?” Mas nilapit niya pa yung mukha niya. Enebe! 

“A-ano... ewan ko!” Napasigaw na lang ako. Nakakataranta naman kasi eh! 

“Haaaay. Akala ko pa naman sasabihin mo na boyfriend mo ko.” Sabi niya tapos nilayo
na niya yung mukha niya at nagsimula na siyang maglakad.

Napaubo naman ako sa sinabi niya. Jusko po!

“O-oy! Anong sinabi mo Nate?” Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin.

Kainis naman!

“Oy Nathan Shaun Fortalejo. Ang labo mo kausap! Ano ba kasi yun?” Sigaw ko ulit
pero deadma pa din.
Alam ko na!

“Aray naman beb!”

Ayan success! Lumingon na siya. Binato ko kasi nga sapatos ko. Hahahaha! Pasalamat
siya nakaflats lang ako ngayon. Kung nagheels ako kanina e di bukol siya ngayon.
Haha!

“Sira ulo ka kasi. Kinakausap kaya kita!” Sigaw ko sa kanya.

“Jannina Nadine Reyes, gusto ko maging boyfriend mo!” Sigaw niya pabalik sakin.
Mukha kaming tanga, nagsisigawan sa parking lot. Buti na lang walang masyadong tao.

“Yun naman pala! Bakit hindi ka manligaw? Ang bagal mo kasi!” Natatawa na kinikilig
kong sigaw sa kanya. Siya lang naman kasi hinihintay ko eh. 

“Uso pa ba yun?” Napakamot siya ng ulo.

“Gusto mo ng isa pang sapatos na lumilipad?” Banta ko sa kanya. Aba! Gusto pa yata
instant! Jombagin ko ‘to eh! Ng pagmamahal! Hihi 

“Oo na! Lapit ka na, mukha tayong tanga eh!” Natatawa niyang sinigaw sakin.
“Ako ba nanliligaw? Lapit dito.” Sigaw ko din sa kanya.

Syempre wala siyang nagawa kaya siya na yung lumapit. Nagulat na lang ako nung
bigla niya kong niyakap sabay bulong sakin ng...

“I really like you My Princess... wag ka papaligaw sa iba. Untog ko sila sa maskels
ko. I love you.”

Niyakap ko na lang din si Nate.

Eh yung kinikilig? Ako kasi yun! 

=================

Chapter Twenty Seven

Perfect Mistake Chapter 27

*Sophia’s POV*

“Ano ready ka na ba?” Tanong sakin ni Ate Zea habang inaayusan ako ng buhok ng
isang stylist. Ngayon na kasi yung photoshoot na sinasabi ni Ate Zea.

“Opo ate.” Nakangiti kong sagot sa kanya.


“Imee, tapusin mo na agad yan ha.” Baling ni Ate dun sa stylist.

“Yes ma’am Zea.” Sagot nito sa kanya tapos tinuloy yung pag-aayos ng buhok ko.

Nagvibrate bigla ang cellphone ko. 

From: Babyhubby ko

Baby, nasan ka? Kakadating ko lang sa bahay. I miss you. 

Haaaay. Ayan na naman si Dy. Nagpapakasweet na naman, ako naman ‘to parang gaga.
Hanggang ngayon kasi cold treatment pa din ako sa kanya. Naiinis pa din ako pero
aaminin ko miss na miss ko na si Dy. Ilang araw na din na halos hindi ko siya
kinakausap. Kagabi sa kwarto na namin siya natulog pero hindi ko siya hinaharap.
Pag gising ko naman wala na siya pero nag-iwan siya ng note. Iniisip ko na din sana
na kausapin siya. Nahihirapan din naman ako sa sitwasyon at talagang miss ko na
siya. Sobrang miss ko na si Dylan.

“Ma’am, wag po kyong iiyak. Masisira yung make-up.” Biglang sabi ni Imee.

“A-ah. Sorry ha.” Hindi ko kasi napansin na maluha luha na pala ako.
Inabutan niya kaagad ako ng tissue at dahan dahan ko pinunasan yung mata ko para
hindi masira yung make-up.

“Ayan, malapit na matapos yung buhok mo ma’am Sophia.” Pinagpatuloy niya yung pag
ayos ng buhok ko.

“Ilang months na yang baby mo Ma’am?” Tanong niya bigla sakin.

“6 months na din.” Tipid kong sagot. Nag-eemote pa ko e, pero naisipan ko na din


replayan si Dy.

To: Babyhubby ko

Photoshoot with Ate Zea.

Oo na ako na inarte! Gusto ko lang naman mag effort siya sa pagsuyo at gusto ko din
na matandaan niya yung ginawa niya para hindi na maulit. Para madala na siya.

“Eh ma’am kaano-ano mo po si Ma’am Zea? Saka kilala niyo po ba yung kapatid niya?”
Tanong niya ulit sakin. Medyo matanong nga yung stylist na ‘to.

“Si Dylan? Oo bakit?” Sagot ko na lang sa kanya.


“Hihi. Ang gwapo niya ‘no Ma’am? Crush ko yung kapatid ni Ma’am Zea eh.” Kinikilig
kilig niya pang sabi. Natawa ako ng mahina, iba talaga ‘tong Dylan na ‘to.

“Asawa ako ni Dy.” Natatawa akong sumagot sa kanya. Tapos siya nagulat naman tapos
biglang namula.

“Hala Ma’am? Sorry po. Hindi ko po alam na may asawa na si Sir Dylan. Naku Ma’am
sorry po. Sana wag niyo sabihin kay Ma’am Zea. Paghanga lang naman po eh.”
Natataranta at sunod sunod niyang sabi sakin.

Hinawakan ko siya sa balikat. “Hindi ‘no, ayos lang yun. Natawa nga ako e, dami
pala nagkakacrush dun? Hahaha.”

Nakalma naman siya sa sinabi ko at pinagpatuloy yung ginagawa niya at pagkwekwento.


“Ay nako Ma’am halos lahat po kaya ng staff ni Ma’am Zea, kahit bakla may crush sa
kapatid niya. Ang gwapo po kasi e. Hihi. Pati po mabait siya kaso minsan parang
buringot.”

“Buringot?” Natatawa kong tanong sa kanya. Ngayon ko lang kasi narinig yun. Ang
kulit talaga nitong si Imee, ang glamorosa niya tignan pero ang daldal niya.

“Yung masungit, parang may sumpong. Madalas po yun.” Sagot niya naman sakin. Natawa
ako sa sinabi niya, totoo naman kasing madalas may topak si Dylan. Minsan mas
parang buntis pa siya kesa sakin.

“Ayan Ma’am Sophia. Tapos na po yung buhok niyo.” Sabi niya sabay ngiti sakin.
Inalalayan na niya ako papunta sa area ng shoot.
“You look so gorgeous baby girl!” Sabi ni Ate pagkakita sakin.

“Thank you Ate.”

“By the way Soph I would like you to meet my staff. This is Gene, Jan, Lux and my
very handsome official photographer Harvey.” Pagpapakilala ni Ate, nginitian ko
sila isa isa pero nagulat ako nung niyakap ako nung Harvey?

“A-ah? Excuse me?” Naiilang kong sabi. Buti na lang bumitaw agad siya pero
hinawakan niya yung dalawang braso ko.

“Hindi mo na ba ko natatandaan?” Tanong niya sakin, napatingin ako kay Ate Zea pero
ngumiti lang siya. Binalik ko yung tingin ko dun sa lalaki tapos umiling.

Pinisil niya yung pisngi ko sabay tumawa. “Hindi ka pa din nagbabago Denden.”

Nagulat ako. 

Iisang tao lang ang tumatawag sakin niyan.

“H-harvey?”

“Oo denden! Harvey De Leon!” Natatawa niyang sinabi sakin. Sa gulat at tuwa ko
napayakap din ako sa kanya.
Childhood friend at kapitbahay namin dati si Harvey, kalaro ko at ni Shane nung mga
bata pa kami. Superclose kami niyan at siya nagpalayaw sakin ng Denden dahil
Dennise nga ang second name ko.

“Grabe namiss kita! Kamusta? Naks official photographer na siya!” Biro ko s kanya,
bata pa kami pangarap na niya talaga yan eh. Natutuwa naman ako para sa kanya.

“Oo nga eh! Ikaw naman, naks model! Dalaga na si Den! Hahahaha!” Asar niya pa
sakin.

“Sira! Ngayon lang ‘to! Hahaha.” Natatawa kong sagot.

“Maya na chika chiks Harvey, shoot na tayo at baka mapagod yung sis in law ko.”
Pagsali ni Ate Zea sa usapan namin.

“Isa pa yan! Mag-aasawa at magkakaanak ka na pala Den! Ninong ako ah!” Sabi niya pa
sakin bago pumwesto para kumuha ng shots.

“Oo ba!” Sagot ko naman bago din ako inalalayan ni Gene para pumwesto ng maayos.

Lahat lahat hindi naman ako ganong nahirapan, hindi naman kasi nila ako pinabayaan
sa shoot. Si Gene laging nakaalalay sakin, tinuturuan din nila ako ng ilang poses
na dapat gawin. Pagkatapos ng ilang retouch, change costume at change locations
natapos din kami.
“That’s a wrap everybody!” Sigaw ng baklang assistant ni Ate Zea na si Jan.

“Yehey! Congrats baby girl ang galing galing mo!” Sabay beso ni Ate Zea sakin.

“Thanks Ate.” Sagot ko ng nakangiti sa kanya.

“Naks Den! Fierce ka na ngayon ah!” Lumapit na pala si Harvey samin.

“Sira! Hahahaha!” Pinalo ko siya sa braso niya.

“Nga pala baby girl tumawag si Dy sa phone mo habang on-going yung shoot so ako na
sumagot. Susunduin ka na daw niya, sige mauna na muna ko ha. Andyan naman si
Harvey, asikasuhin ko lang yung ibang staff okay?”

Tumango na lang kami parehas ni Harvey tapos umalis na si Ate Zea, nagtuloy naman
ako sa dressing room para kuhanin yung gamit ko. Balak ko kasi sa labas na hintayin
si Dy, sumunod naman sakin si Harvey.

“Ikaw Denden ha, bakit ang aga mo mag-aasawa?” Biglang tanong ni Harvey habang
naglalakad kami palabas nung venue.

“Bakit bawal ba?” Ganting tanong ko sa kanya.


“Naiisip ko lang hindi pa huli ang lahat para dun sa papakasalan mo. Baka kasi
maging battered husband siya.” Biro niya sakin.

Pinalo ko tuloy yung braso niya. “Sobra ka!”

“Oh ayan ang sinasabi ko eh!” Sabay turo niya sa braso niya na pinalo ko.

“Sobra ka kasi.” Napapout tuloy ako, mapang-asar pa din talaga si Harvey.

“Hahaha. Biro lang, abot kabilang kanto na naman yang nguso mo.” Sabi niya sabay
akbay sakin.

Touchy talaga yan si Harvey, kahit nga matagal kming hindi nagkita hindi kami
naiilang. Parang kapatid na kasi namin siya ni Shane, kung hindi lang sila lumipat
ng bahay baka mas close pa kaming tatlo ngayon.

“Hay dalaga na si Den. Mag-aasawa na, papakilala mo yan sakin ng makaliskisan ha.”
Seryosong sabi niya sakin .

“Eh? Mabait naman yun si Dy. Sigurado makaksundo mo din yun.” Proud kong sabi sa
kanya. Proud naman ako kay Dy eh.

“Hay. Dati baby ka lang eh, ngayon ikaw na magkakababy. Denden talaga.” Sabi niya
habang nakaakbay pa din sakin, mas nilapit niya pa ako sa kanya. Parang side hug.
Natawa na lang ako ng biglang may humigit ng kamay ko.
“Dy?” Nagulat ako kasi hindi ko siya agad napansin.

“Sumakay ka na.” Malamig niyang sabi.

“Dy, nga pala si Harvey. Siya yung photographer namin kani-“ Hindi ko na natapos
yung sasabihin ko.

“Sabi ko sumakay na!” Matigas niyang sabi, napailing na lang ako bago bumaling kay
Harvey.

“Una na kami Harvey, sa susunod na lang.” Malungkot kong sabi sa kanya. Ilang beses
na ‘tong nangyari. Malamang hindi na naman maganda ang kasunod nito.

Si Harvey naman mukhang clueless pa, nakangiti pa siyang nagpaalam sakin. “Sige
Denden next time na lang. Ingat kayo.”

Sumakay na lang agad ako kaya sumunod na din si Dy. Pabagsak niya pang sinara yung
pinto ng kotse niya. Buong byahe wala kaming kibuan, sigurado kasi akong pag
nagsalita ako hindi lang magiging magand kinalabasan nito. Hanggang sa makarating
kami sa bahay walang kibuan, pinagbuksan niya pa din ako ng pinto ng kotse pero
padabog na naman niyang sinara. Hinawaka niya yung kamay ko pero hindi niya ako
nililingon. Hawak niya lang ako hanggang sa makarating kami sa kwarto. Dun niya
lang ako binitawan, dun ko lang din nakita na namumula na yung mata niya.

“Explain.” Mahinang sabi niya.


“Explain what? Harvey?” Tanong ko sa kanya. E di ngayon alam niya yung nararamdaman
ko.

“Sino siya? Bakit nakaakbay siya sayo? Ano?” Sunod sunod niyang tanong sakin.

“Photographer namin kanina sa shoo-“

“P*tangn*! Oo alam ko photographer niyo! Bakit nakaakbay sayo??!” Nakasigaw na


siya.

Dito na ‘ko naluha, pag ganito kasi mahirap na siyang kausapin. Masyado siyang
nadadala hindi na siya marunong makinig.

“Patapusin mo muna kasi ako!” Ganting sigaw ko sa kanya.

“Ano? Tapusin mo na! Kanina pa ko sakit na sakit sa nararamdaman ko Sophia! Ilang


araw mo kong hindi kinakausap, akala ko ngayon magiging okay na tayo tapos ganun
yung aabutan ko? Ang sakit eh! Ughhh!!” Sabay haggis niya nung comforter at lahat
ng bagay na nasa kama.

“Kaibigan ko si Harvey! Kakabata ko siya, wag mo lagyan ng malisya yung kung ano
man yun!” Nakakainis na siya, umiiyak na tuloy ako.
“Nandun na tayo sa kaibgan mo siya. Hindi ko naman kilala yun eh! Maiiwasan mo ba
na masaktan ako? Na magselos ako? Lalo pa ngayon ilang araw mo ko hindi
kinakausap!” Napasabunot na lang siya sa sarili niya.

“Oh ngayon gumaganyan ka? E di alam mo na nararamdaman ko ngayon? Ha?” Balik na


sigaw ko sa kanya habang tuloy tuloy na tumutulo yung luha ko. Nakita ko na namumuo
na din yung luha sa mata niya.

“Gumaganti ka?” Sigaw niya.

“Gumaganti ka kaya pumayag ka magpaakbay sa kanya??! SH*T! Bakit ganyan? Alam mo


naman kung gano ako nag-sosorry sa nagawa ko. Kung gano ko pinagsisihan yun. Tapos
anong gagawin mo? Gaganti ka??!” Galit na galit na siya.

“Hindi ako gumaganti! Ikaw lang ang nag-iisip niyan!”

Nagulat ako basagin niya yung lamp sa bedside table namin.

“E anong tawag mo sa ginawa mo?? Hindi mo naman kailangan gumanti e! Sana sinampal
mo na lang ako Sophia! Mas kaya ko yun kesa nakikita ko hinahawakan ka ng iba. Ng
hindi ko kilala. Ng hindi ko alam! Mukha akong gago e!”

“Ayaw mo naman kai makinig sakin e!” Awat ko sa kanya habang umiiyak.

“Bakit ikaw? Pinakinggan mo ba ko?” Mahina niyang tanong. Para akong sinaksak sa
sinabi niya. Oo tinamaan ako. At masakit palang hindi ka papakinggan.
“Sinusumbatan mo ko Dylan? Sige bahala ka isipin mo ang gusto mong isipin!” Sigaw
ko sabay talikod sa kanya.

“Bakit? Wala ba akong karapatan? Lahat naman ng gusto mo sinunod ko, hindi mo lang
ako pinakinggan. Tapos ngayon sinasabi mong pakinggan kita? Isipin mo Sophia.”

Para akong napako sa kinakatayuan ko. Masakit! Ang sakit sakit ng mga sinasabi ni
Dylan sakin ngayon. Naghalo-halo na lahat ng nararamdaman ko: Inis, galit, guilt,
pero pinaka ayoko yung sakit ng dibdib ko. Hindi ko kinakaya eh.

“Nakukuha mo na kong sumbatan ngayon Dylan?” Tanong ko habang nakatalikod pa din sa


kanya.

“Ikaw lang ang nag-iisip niyan.” Mahina niyang sagot.

“Ang sakit. Hindi ko naman hiniling na gawin mo lahat ‘to para sakin e. Hindi mo
naman kailangan isumbat yun Dylan. Kung ganito lang din ng ganito, hindi na tayo
nagkakasundo. Hindi pa tapos yung away may bago na naman. Walang gustong makinig, e
bakit nandito pa ko?”

Pinilit kong pigilin yung pagkawala ng lahat ng nararamdaman ko. Kahit parang may
kung ano na nakabara sa lalamunan ko pinilit kong magsalita. Pinilit kong masabi sa
kanya na...
“Mas mabuti pa maghiwalay na lang tayo.”

=================

Chapter Twenty Eight

Dedicated to a new friend here on wattpad. Enjoy the update Jas. :)

 {No one else comes close by Backstreet boys}

Perfect Mistake Chapter 28

*Sophia’s POV*

“Mas mabuti pa maghiwalay na lang tayo.”

Pagkasabi ko nun lumabas na lahat ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Palabas


na sana ako ng pinto ng hatakin ako ni Dylan sabay yakapin.

Sobrang higpit na yakap.


“Tsk. Baby ko ano ba yang sinasabi mo? Bakit mo ba sinasabi yan? Wag mo ‘ko iiwan.”
Umiiyak na din pala siya. Mas lalo naman ako napaiyak sa ginawa niya.

‘Sorry sorry baby. Sorry.” Paulit-ulit niyang sinasabi sakin habang ako tuloy lang
sa pag-iyak.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko na yakapin din siya at pinilit kong magsalita
kahit umiiyak.

“Sorry Dy, sorry hindi ko sinasadya.” Hindi ko talaga sinasadya yung sinabi ko.
Siguro nadala lang ako, never ko iisipin na maghihiwalay kami. Hindi ko kaya.

“Sshhh. Sorry baby. I’m very sorry. Stop crying.” Sabi niya habang mahigpit pa din
akong yakap at hinimas yung buhok ko para patigilin ako sa pag iyak.

Pero mas lalo akong napapaiyak sa ginagawa niya, na realize ko na nasaktan ko din
pala siya. Masyado akong nagpadala sa galit ko kaya hindi ko siya pinakinggan.

“Dy..” Sabi ko habang nagpipigil ng iyak.

“Sorry baby, hindi ko sinsadya na sigawan kita. Sorry, please stop crying. Wag mo
ko iiwan ha.” Hinawakan niya yung makabila kong pisngi at iniharap ako sa kanya.
Kitang kita ko kung pano siya umiyak, umiiyak si Dylan dahil sakin.

“Hindi mo naman ako iiwan di ba?” Umiiyak niyang tanong sakin.


Hindi ko nagawang magsalita pero umiling ako. Hinalikan niya ko sa noo bago
magsalita.

“I love you babywifey. Tama na ‘tong away na ‘to. Nagkakasakitan na tayo eh. Isa pa
miss na miss na kita. Kiss mo na nga ako.” Natawang sabi niya sakin pero umiiyak pa
din siya.

Pinapagaan niya yung mood namin kaya nangiti na lang din ako habang umiiyak. Oo
alam ko para kaming baliw na dalawa, umiiyak habang nakangiti. Pero ayos lang
sakin, importante mag kaayos kami. Ang hirap ng hindi kami okay ni Dylan.

“I love you too babyhubby. Ikaw na kumiss.” Natawa na din ako.

Pinusanan niya yung luha niya at pati na din yung sakin. Tapos ngumiti na siya
sakin.

“Ilan?” Tanong niya naman sabay lagay ng kamay niya paikot sa waist ko.

“Isa lang. Sobra ka!” Pinalo ko siya ng mahina sa braso kaya naman natawa din siya.

“Ang daya mo. Madami kang utang sakin.” Sabi niya sabay ngiting pang-asar. Oh jusko
po. Ang gwapo ng asawa ko.
“Eee. Isa lang kasi.” Sabi ko sabay pout at sinamantala naman niya yung para
magnakaw ng kiss.

“Ikaw talaga! Ayan bayad na ko ah.” Nakanguso ko na namang sabi.

“Sige nguso pa. Hahalikan ko na naman yan.” Sabi niya sabay smirk. Waaaah. Tinakpan
ko tuloy agad yung bibig ko.

“Sa ayaw at sa gusto mo maniningil ako ngayon.” Sabi niya bago niya ako buhatin,
bridal style!

“Uy Dy ano ba? Ibaba mo na ko.” Sabi ko habang pinapalo ko yung braso niya.

“Wag malikot asawa ko.” Sabi niya habang naglalakad papunta sa kama.

Anuba Dy! Kakabati lang natin pinapakilig mo agad ako e. 

Hiniga niya ko sa gitna tapos humiga din siya sa tabi ko. Yung ulo ko nilagay niya
sa dibdib niya, dinig na dinig ko tuloy yung malakas na tibok ng puso niya. Nilagay
niya yung kamay payakap sa kanya tapos niyakap niya din ako. Ang loko sinanday pa
yung binti niya sa binti ko eh mabigat! Pero ayos lang, namiss ko din ‘to eh.

“Dy...” tawag ko sa kanya.


“Mmm baby?” Sagot niya pero hula ko inaantok yan. Sino ba kasi may sabi magwala
wala siya dyan! Hay nako.

“Wala lang..”

Narinig kong tumawa siya ng mahina. “Namiss mo ko ‘no?” Tanong niya at naramdaman
ko na lang na hinalikan niya yung buhok ko.

“Oo naman. Ako ba?” Tanong ko sa kanya. Inaamin ko kinikilig ako, ngayon na lang
ulit ako kinilig pagtapos ng ilang araw. :D

“Hindi.” Mabilis niyang sagot kaya napabangon ako at sinamaan ko siya ng tingin.

“Hahaha. Hindi kita namiss baby ko. Kasi miss na miss na miss na miss na miss
kita!” Habang sinasabi niya pa yung miss na miss nakapikit pa siya, yung parang
feel na feel. 

“Talaga?” Nakangiti ko ng tanong sa kanya.

“Syempre naman.” Sabi niya tapos binalik niya ulit yung pwesto namin kanina.

“BabyDy..” Tawag ko sa kanya. Kung ano-anong endearments na ang nabubuo naming


dalawa.
“Po?” Ayan na naman si po, sabing knikilig ako dyan e! 

“Inaantok yata ako. Tulog tayo?”

“Ako din e. Gusto mo kantahan kita para makatulog tayo?” Alok niya.

“Eh? Baka mamaya Collide na naman yan. Paulit ulit naman.” Reklamo ko sa kanya.
Gusto ko naman na kinakantahan niya ko, in fact I find it very sweet kaso laging
collide. Hahaha yun lang yata alam niyang kanta. Hahaha.

“Hindi iba naman ‘to.”

“Talaga? Oh sige game ha.” Sabi ko tapos pinikit ko yung mata ko.

“When we turn out the lights, the two of us alone together... Something’s just not
right...But girl you know that... I would never ever let another’s touch...Come
between the two of us...Coz no one else will ever take your place... “ Habang
kinakanta niya yan hinahaplos niya yung buhok ko tapos rinig na rinig ko yung
heartbeat niya. Hindi yata ako makakatulog nito.

“No one else comes close to you... No one makes me feel the way you do... You’re
such a special girl to me... And you’ll always be eternally... Every time I hold
you near... You always say the words I love to hear...Girl with just a touch you
can be so much... No one else comes close...

And when I wake up to..The touch of your hand on my shoulder..You’re my dream come
true oh yeah..Girl you know I always treasure every kiss ..And everyday I love you
girl in every way..And I always will coz in my eyes..Oh baby.. No one else comes
close to you... No one makes me feel the way you do... You’re such a special girl
to me... And you’ll always be eternally... Every time I hold you near... You always
say the words I love to hear...Girl with just a touch you can be so much... No one
else comes close.....”

Natapos niya yung kanta pero hindi ako nkatulog, instead naiyak ako.

“Baby.. tulog ka na?” Tanong niya sakin.

Hindi ako sumagot kasi madidiscover niyang umiiyak ako.

“Uy basa na yung damit ko baby. Tulo laway ka ba? Hahaha.” Pang-aasar niya kaya
bumangon na tuloy ako.

“Oh bakit ka umiiyak? Binibiro ka lang e.” Parang nag-aalala niyang tanong sakin
kaya napabangon na siya. Nakaupo na lang kami ngayon sa kama e.

“Ikaw kasi e. Halika nga dito.” Sabi ko sabay hila sa kanya palapit sakin.

Hinalikan ko siya saglit tapos niyakap.

“Aysus natouch ka?” Tanong niya sakin sabay yakap na din.

“Sige mang-asar pa.” Pagsusungit ko pero nakayakap pa din ako sa kanya.


“Sus ang baby ko nagsusungit. Hindi na po, natuwa lang ako nagets mo pala yung
kanta ko sayo.”

“Oo kaya. Selfish pero sweet. Basta dapat ikaw din ha. Selosa ko Dylan!” Natatawang
banta ko sa kanya bago bumitaw sa yakap namin.

“Opo madam. Hahaha. Sayo lang ako, sa inyo lang ako ni baby.” Bigla niya naman
kiniliti yung tyan ko.

“Uy wag. Hahahaha! Ay Dy speaking of.”

“Ano yun?”

“Naalala ko schedule ko ngayon for ultrasound! Hala malapit na mag 4!” Natataranta
kong sabi sa kanya.

“Ha? Oh sige saglit magshoshower lang ulit ako tapos aalis na tayo. Magbihis ka ang
sexy ng suot mo eh. Wait lang baby.” Nagmamadali din siyang tumayo, hinalikan niya
ko sa noo bago pumnta sa CR para maligo.

Nagpalit na din agad ako ng damit at hinintay ko na lang matapos si Dy maligo.


Mabilis lang din kasi baka malate kami sa appointment sa OB ko. Saglit lang din
yung byahe kaya naman nakarating kami agad sa OB.
“Miss Ramirez?” Tanong nung assistant ni Dra. Legaspi.

“Opo.” Sagot ko sa kanya.

“Pasok na po kayo sa loob.”

Pumasok na kami ni Dylan sa loob at agad kaming binati ni Dra. Legaspi, nagbeso pa
siya sakin. Close kami eh. Hahaha.

“Wow pansin na pansin na si baby ah. Pang-ilang month na ba siya?” Tanong ni Dra.
Habang inaalalayan nila ako ni Dylan paupo dun sa bed.

“6 months na po. Pwede nap o ba malaman yung gender?” Si Dylan naman yung
nagtanong. Excited kasi talaga siya malaman para daw makapagshopping kami ng gamit.

“Titgnan natin s pwesto ng baby niyo. Pero pwede na siyang makita sana lang maayos
yung pwesto ng baby.” Sbi ni Dra. Legaspi bago niya ko sinenyasan na mahiga na dun
sa bed.

Tinaas ko na din yung shirt ko para malagyan na ng gel yung tyan ko. Nakikiliti ako
tuwing nagpapa ultrasound, ang lamig kasi nung gel. Hawak naman ni Dy yung kamay ko
nung sinimulan na yung ultrasound.

“Nakikita niyo ba ang baby? Fully developed na siya oh. Kita niyo yung kamay?” Sabi
ni Dra. Legaspi.
Napatango naman kami ni Dylan habang nakangiti, hinigpitan niya pa yung hawak sa
kamay ko.

“Okay naman, kumpleto ang baby. Sa tingin ko walang problema sa kanya. Let’s try
kung makikita ko ang gender.”

Masaya ako na okay yung baby ko, sana lang din healthy siya. At super excited na ko
sa gender! Tinignan ko si Dy at tutok na tutok lang siya sa parang monitor habang
nakangiti. Mukhang masayang masaya.

“Oh look Sophia and Dylan! Baby boy ang magiging anak niyo!” Masayang sabi ni Dra.
Legaspi.

“Talaga po?” Ngiting ngiti na tanong ni Dylan.

Masaya din ako sa result, kahit naman girl o boy pa yung magiging baby ko okay
lang. Masaya ako.

“Oo. Tignan niyo oh. Nako magiging maliit na Dylan yata ‘to ah.” Biro pa samin ni
Dra. Legaspi.

Hinalikan naman bigla ni Dylan yung noo ko. “Baby, magkakababy boy tayo! Excited na
ko. I love you Soph.” Bulong niya sakin.
Overjoyed! Yan ang depenisyon ng nararamdaman ko ngayon. Iba pala talaga pag
lumalak na si baby. Mas ramdam ko na malapit na ko maging mommy talaga. Isa pa yung
napakasupportive na partner. Kitang kita naman na excited at masayang masaya si
Dylan sa baby.

Pagkatapos ng ultrasound dumaan muna kami sa isang restaurant para magtake out ng
food. Balak namin magcelebrate kahit konti, inaya din namin lahat sila. Gusto pa
kasi ni Dylan may announce announce pa. Hahaha hindi naman siya masyadong proud
‘no? :D

Habang nagdridrive yung isang kamay niya nakahawak pa sa kamay ko. Halos
everyminute niya yata kung halikan yung kamay ko eh. Tapos titingin sabay ngingiti.
Enebe! 

Bakit naman hanggang ngayon kilig na kilig pa din ako sa pinag gagawa ng Dylan na
‘to? 

Hanggang sa makarating kami sa bahay pinababa lang niya lahat ng binili namin kila
Manang Emmy, binuhat na naman niya ako bigla. Bridal style na naman! 

Dumeretso kami sa kwarto pero hindi niya ako nilagay sa kama. Sinipa niya yung
pinto papunta sa terrace namin at dun ako binaba.

Nakaharap ako sa garden habang siya nakaback hug sakin.

“Thank you.” Bulong niya.

“Para saan?” Nagtataka at kinikilig kong tanong.


“For this. For making me the happiest guy, for loving me unconditionally and for
giving me a baby boy.” Hinigpitan niya yung yakap niya sakin at pinatong niya yung
ulo niya sa balikat ko.

“Thank you din Dy. Sa pag iintindi mo sakin. Ikaw na ang pinaka the best na daddy
at pinaka the best na asawa.” Nakangiti kong sabi.

“Hmp.” Bigla niyang sinabi.

“Oh bakit?” Takang tanong ko.

“Hindi pa tayo totoong mag-asawa e. Kanina nga sa OB Ms. Ramirez lang tawag sayo.”
Kahit hindi ko nakikita alam kong nakapout na naman yan. Hahaha.

“Sus. Okay lang yun baby. Asawa naman ang turing ko sayo eh.”

“No.” Sabi niya sabay hinarap niya ako sa kanya.

“Anong no?” Napataas ang kilay ko.

“Ayoko na ng turingan lang. I want it for real..” Hinawakan niya yung magkabilang
pisngi ko. “.. Baby ko, paglabas ni baby. I will marry you. You will be my wife for
real. You will be Mrs. Elizalde. Papayag ka ba?”
Napangiti ako ng maluwag bago sumagot. “Ofcourse I will.”

He then closed the gap between us. Kahit ilang away at tampuhan pa ang pagdaanan
namin, I’m still willing to marry him.

“I love you Dy.” Sabi ko ng maghiwalay yung mga labi namin.

“I love you too Soph.”

=================

Chapter Twenty Nine

Si Honey na pinepester si Cyril sa multimedia! =)

Perfect Mistake Chapter 29

*Cyril’s POV*

“Coz you’re the apple to my pieeee.... You’re the straw to me beeerryyyy.. You’re
the smoke to my high.. and you’re the one I wanna mar-“
“PWEDE BA??!” Hindi ko na mapigilan hindi lumakas yung boses ko. Kanina pa kasi eh.

“Huh?” Napatingin naman siya sakin at mukhang clueless pa.

“Pwede ba tigilan mo nga yan?” Inis na inis koong sabi sa kanya. Hindi naman ako
madaling mainis e, dito lang talaga sa babaeng ‘to.

“Ha? Alin po President?”

Sumpain naman talaga oh! Makakasapak ako ng hindi oras eh.

“Yang pagkanta kanta mo, ang ingay mo kaya hindi ako makapag-isip dito.” Nakakunot
na sigurado yung noo ko. Kanina pa kasi nag iingay ‘tong babae na ‘to e nagmamadali
na nga akong matapos ‘tong ginagawa ko.

“Ahihi. Sorry po.” Tatawa-tawa niyang sabi sabay peace sign. Napailing na lang ako.
Abnormal siya walang duda. 

“Greg!” Tawag ko kay Greg, siya na lang uutusan ko. Wala akong tiwala sa babaeng
abnormal na ‘to.

“Wala si Greg lumabas. May kailangan ka ba Batman?” Tanong niya sakin.


“Tss. Saan nagpunta? Saka pwede ba hindi Batman pangalan ko.” Pagsusungit ko sa
kanya. Dadaan ako sa clinic mamaya, papacheck ko Blood Pressure ko mukhang tumataas
yata. Tsk

“May make up class yata sila. Teka! Di ba sabi mo sakin Batman panagalan mo?”
Parang takang taka niyang tanong.

“Tanga lang Honey? Naniwala ka na yun pangalan ko?” Hindi ako makapaniwala sa level
ng ka abnormalan ng babae na ‘to.

“Hihihi.” Mukha siyang sira na bigla bigla na lang humagikhik. Baka nga nababaliw
na siya.

“Oy, anong nginingiti-ngiti mo dyan?”

“Hihihi. E kasi tinawag mo kong Honey eh. Hihihi.” Hindi pa din siya tumigil sa
paghagikhik.

“Oh ano ngayon??! Pwede ba wag kang feeling, pangalan mo yun di ba?” Ano naman kung
tinawag ko siya sa pangalan niya, kinilig na siya dun?

“Hihihi. Wala lang para kasing endearment. Ahihihi.” Pangiti-ngiti niya pa ding
sabi.

“Oy. Wag kang ano dyan, di kita type. Para ka ngang pader dyan e!” Naiinis kong
sabi sa kanya.

“Ha? Bakit?”

“Straight yang katawan mo. Wala kang hinaharap, kaya hindi kita type. Gets mo?”
Deretso kong sabi. Hindi naman sa masama ugali ko, alam ko medyo lang. Pero totoo
naman kasi yun.

Ngumuso siya bigla. “Grabe ka naman. Hmp.” Sabi niya tapos tumalikod na at bumalik
sa pwesto niya.

“Oy sandali, hindi pa ko tapos. Bilangin mo ‘tong lahat ng invitations na hindi pa


nabibigay. Kailangan 67 pa lahat yan ah.” Sabi ko sabay lagay sa table niya nung
mga invitations at nagpatuloy ako sa ginagawa ko sa computer.

“Aye aye captain!” Rinig kong sigaw niya, hindi ko na siya nilingon.

“1.. 2.. 3.. 4..”

“Shhh.” Saway ko ulit. Magbibilang lang kasi para pang bata.

“Sorry,, hihi..” Bulong niya mula sa likod ko. Nasa likod ko lang kasi yung table
niya.
“1.... 2.... 3.... 4.... 5... 6...” Pabulong niyang bilang.

“Ano ba yan??” Irita ko na namang sabi. Pano ba naman para siyang bubuyog na bulong
ng bulong.

“Invitation po. Di ba sabi mo bilangin ko?” Inosente niyang sabi. Sumasakit na ulo
ko sa babaeng ‘to.

“Oo alam ko invitation yan. Di mo ba kayang magbilang ng tahimik???” Medyo


napalakas na naman yung boses ko. Mahirap siyang kausap.

“Sungit. Init ng ulo.” Napanguso na naman siya.

“Please lang. 5 minutes lang ng katahimikan at baka sakalaing lumamig ang ulo ko.”
Nakahawak na ko sa ulo ko dahil talagang masakit na. Parang dudugo na utak ko sa
babaeng ‘to.

Tumango naman siya at ngumiti tapos nag sign pa na nagzipper ng bibig. Parang bata
talaga.

Humarap na ulit ako sa desk ko at pinagpatuloy yung tinatype ko. Peste kasing
nawala yung lumang ginawa namin kaya uulit na naman kami. Buti na lang gragraduate
na ko, hindi na nila ko maboboto next year. Dalawang taon na din naman akong naging
member ng club na ‘to.

Nung naayos ko na lahat ng drafts namin at ready na iprint sumandal muna ako sa
upuan ko at minasahe yung ulo ko. Pagod na ko dahil sa maghapon na kami dito sa
school. Hindi na nga ako nakakapagbar, kamusta na kaya mga girlfriends ko? Hindi ko
na sila nadadate. Mamaya pupunta na lang ako dun.
*kalabit kalabit*

Ano na naman bang kailangan niya?

“Uhm... ba- ahhh. Cyril??” Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

“Ano na naman?” Sagot ko ng hindi pasungit. Nakakapagod pala magsungit.

“Tapos ko na bilangin. Sakto naman na 67.” Mahina niyang sabi, music to my ears.
Sana lagi siyang mahina magsalita.

“Lagay mo lang dyan sa table ko.” Mahina ko ding sagot at pumikit na lang ako
habang nakasandal pa din ako.

‘Masakit ba ulo mo?” Bigla niya namang tanong sakin.

“Oo. Kaya please wag ka maingay.”

Hindi siya sumagot kaya nagpapasalamat naman ako kahit papano. Nagulat na lang ako
nung bigla kong naramdaman yung kamay niya sa ulo ko.
Napakunot ako ng noo. “Anong ginagawa mo?”

“Shhh. Wag ka maingay, minamasahe ko lang yung ulo mo masakit di ba?”

“Psh.” Yun lang ang sinagot ko pero sa totoo lang natuwa naman ako sa ginagawa niya
dahil kahit pano nababawasan yung sakit ng ulo ko. Bukod sa masahe niya, nanahimik
din siya kahit sandali lang.

“Hihihi.” Kaso ayan na naman yang hagikhik na yan.

“Pst bawal kiligin.” Saway ko sa kanya pero nagpipigil ako ng tawa. Ganun ba ko
kagwapo sa paningin niya at kilig na kilig siya? Naks. Pogi ko talaga.

“Ay sorry. Hihi.” Sabi niya naman at nagpatuloy na lang siya sa pagmasahe sa ulo
ko.

Kahit pala nakakainis siya madalas minsan may matino din naman siyang nagagawa.
Aminado ako masipag naman siya at madaling utusan, o baka lang dahil gusto niya ko
kaya ganun. Pero kahit ano pa man yun masipag naman siya.

“Anong oras na?” Tanong ko sa kanya habang nakapikit pa din, inaantok na nga ata
ako e.

“Malapit na mag 6 pm.” Sagot lang niya.


Hinawakan ko yung kamay niya para pahintuin na siya sa ginagawa niya. “Tama na yan,
mag ayos ka na ng gamit. Uuwi na tayo.” Sabi ko tapos tumayo na ko at nag ayos ng
gamit. Siya din naman nag-ayos na ng gamit niya.

“Pst, pukyot.” Tawag ko sa kanya.

“Ha? Pacute? Uy hindi ako pacute ah!” Ngumunguso- nguso niyang sabi.

“Bingi ka talaga. Linis ka tenga mo ha, bili ka cotton buds mura lang. Sabi ko
PUKYOT.” Natatawa kong sabi sa kanya.

“Oy malinis tenga ko, kahit check mo pa.” Nanlalaki pa yung mata niyang sabi. “Teka
ano bang pukyot?”

“E di tagalong ng pangalan mo. Baka kiligin ka na naman kasi dyan, para kang may
sayad.” Sagot ko sa kanya.

Napakamot lang siya ng ulo. “Ganun ba yun? Di ko alam yun pala tagalong nun e.”

Napailing na lang ulit ako kasi alangan naman tango? Hahaha.

*nappy boy, pretty boy collaboration that thing you got behind you is amazing.. ooo
that body’s like music to my ears*

Incoming Call..

Dylan Elizalde

“Hello?” Sagot ko ng phone.

"Uy san ka?"

“School pa pero papunta ko bar. Tara?” Aya ko kay Dylan. Hindi na din kasi kami
nagkakasama sama lumabas.

"Bawal ako sa bar. Hahaha. Tara na lang dito sa bahay, dito na lang tayo uminom."

“Dyan? Sige sige punta ko. Sila ba?”

"Tinawagan ko na si Enzo, papunta na. Sila Nate at Brix tatawagan ko pa lang."

“Oh sige sige, punta agad ako. Paalis na din naman ako dito e.”
"O sige sige. Bye."

“Ge.” Sagot ko bago ko ibaba yung phone.

“Sino yun?” Tanong naman bigla ni Pukyot.

“Paki mo?” Sagot ko sa kanya. Usisera ‘tong babae na ‘to.

“Eeeeh. Saan ka pupunta paglabas dito? Halika lilibre kita ice cream.”  Aya niya
sakin sabay hila sa kamay ko.

“Ayoko malamig yun.” Tinatamad kong sagot.

“Eh? Oh sige fried noodles na lang.” Sabi niya sabay hila na naman ng kamay ko.

“Ayoko mainit yun.” Balewala ko na namang sagot.

“Eh? Ayaw mo ng malamig tapos ayaw mo din ng mainit. E anong gusto mo?”
Nakasimangot na niyang tanong sakin. Nagpigil ako ng tawa kasi nakakatawa talaga
yung itsura niya eh. Naisipan ko tuloy siya pagtripan.
Humakabang ako palapit sa kanya. “Ikaw.....”

“H-ha? Talaga?” Nanlalaki yung mata niyang tinignan ako.

“Oo... ikaw nga.. tanga may ibang tao pa ba dito?” Nagpipigil na ko ng tawa ko
dahil sa reaksyon ng mukha niya.

“T-talaga?” Nauutal niyang sabi pero hindi siya kumukurap. Mas nilapit ko na yung
mukha ko siya at hindi naman siya umaatras.

“Yehey! Sa wakas!” Nagulat ako kasi bigla siyang yumakap sakin.

“Hoy anong ginagawa mo?” Saway ko sa kanya sabay pilit na inaalis yung pagkakayakap
niya sakin.

“Uwaaaaa. Ang tagal ko na ‘to hinihintay mga 3 weeks na din yata. Uwaaaa. Sa wakas
gusto mo na din ako.” Sabi niya habang hinihigpitan pa din yung yakap sakin.

“Bitaw nga! Hindi pa naman ako tapos sa sasabihin ko. Ugh! Hoy bitaw sabi.” Saway
ko pa din, kainis parang linta makadikit ‘to. Ako pa yata nabiktima ng sarili kong
kalokohan.

“Eh?” Sabi niya ng sa wakas bumitaw na din siya.


“Gusto kita... gusto kitang tirisin. Ang kulit mo kasi. Psh.” Sabi ko tapos
tinalikuran ko siya. Hindi ko nga siya type bakit ba ang kulit niya?

“Kakainin mo din yang sinabi mo Cyril.” Sigaw niya sakin.

“No thanks, busog pa ko.” Natatawa kong sagot at iniwanan ko na siya dun. Dumaan
muna ko sa classroom nila Greg para iwan yung mga ipapaprint niyang papel.
Pagkatapos nagderetso na din ako sa parking lot.

Binuksan ko kaagd yung kotse ko at sumakay na sa driver’s seat.

“Boo!”

“Ano na naman?” Napasapo na lang ako sa ulo ko.

“Sama ko!” Sabi niya sabay lipat sa shotgun seat mula sa likod.

“Pano ka nakapasok dito?”

“Secret. Hihi sama na kasi ako.” Sabi niya sabay peace sign pa. Stalker ko ba ‘to?
Grabe wala akong kawala ah.
“Di pwede. Baba na.” Masungit kong sabi sa kanya.

“Eeeeeeh! Sama na kasi ako.” Sabi niya sabay pout, yung tipong nag papaawa pa.

“Ayaw. Baba.” Tipid kong sagot.

“Eeeeeeeeeeh! Sige na. Please please please pleaseeeeee.” Sinabayan niya pa ng


mahihinanag palo sa braso ko yung pagplease niya.

“Ayoko nga. Baba na o itutulak kita?”

“Eeeeeeee! Sasama kasi ako, sige na Cyril. Pleaseeeee! Pleaseeeee!” Nakakatawa yung
itsura niya kasi nakakapit pa yung dalawa niyang kamay sa sandalan nung upuan.
Parang bata, hindi ko tuloy napigilan yung tawa ko.

Tinakpan ko ng kamay ko yung bibig niya. “Hahaha. Oo na, oo na manahimik ka na lang


dyan para kang timang e.” Natatawa kong sabi sa kanya. Halos maiyak na ko sa
pagpipigil ng sobrang tawa. Iba pala pag nakahanap ng katapat na malakas din ang
toyo.

“Salamat.” Nahihiya niya pang sagot.

“Basta tahimik mo yang bibig mo at baka sipain kita palabas ng kotse. Naintindihan
mo?”
“Oo promise!” Sabi niya sabay ngiti.

Napabuntong-hininga na lang ako bago magsimulang magdrive, nasasanay na din ako


kahit papano sa presence niya. Wag lang talaga siyang mag iingay kasi masakit sa
ulo. Haaaaay.

=================

Chapter Thirty

Perfect Mistake Chapter 30

*Sophia’s POV*

“Ang tagal naman nila, nagugutom na ko.” Reklamo ni Nate kay Dy.

“Bituka mo talaga Nate pang construction.” Natatawang sabi ni Kuya Brix.

“Beb inaaaway ako oh!” Sumbong naman ni Nate kay Janna.

“Paki ko? Hahahahaha!” Tatawa-tawa ding sagot ni Janna sa kanya.

“Ay wawa!” Sabay pang sabi ni Ate Zea at Kuya Brix. Napagtulungan na naman si Nate.
Napatigil lang kaming lahat sa pambubully kay Nate nang tumunog ang doorbell.

“Yaaaay! They’re here!” Excited kong sabi, pumunta naman si Dy sa front door para
mag bukas. Syempre sumunod na lang din ako. Inawanan muna namin yung nag-aasaran sa
dining.

“Oy dude! Oy Heart!” Bati ni Dylan kila Enzo at Heart.

“Hello Soph!” Sabi ni Heart sabay beso. Bestfriend siya ni Nate at mutual friends
na din nila Enzo. Naks maka mutual friends ako. Facebook? Haha. Nakilala ko na siya
sa resort nung vacation.

“Hello. May dala kang car o sabay na kayo?” Tanong ko kay Heart sabay turo kay
Enzo.

“Ano sabay na kami, nagpadaan na lang ako sa bahay namin.” Nakngiting sagot ni
Heart sakin.

“Dyan na sila?” Tanong naman ni Enzo kay Dy habang papunta kami sa dining room.

“Si Cyril na lang wala. Pa VIP talaga yung impakto na yun.” Nakanguso na naman si
Dylan.

“Baka nambababae pa?” Sabad naman ni Nate nung nakarating na kami sa Dining.
Busangot na yung mukha kasi kanina niya pa gustong kumain. Hahaha
“Oo nga naman Dy! Kain na tayo. Nagugutom na din ako e.” Reklamo na din ni Kuya
Brix.

“Aray naman Zee!” Binatukan na naman kasi siya ni Ate. Hahaha. Naisip ko nga
magiging battered husband pala siya sa future. 

“Hintayin na natin si Cyril. Kayo naman inaaway niyo bunso ko kaya yun.” Nakapout
na sabi ni Ate Zea.

“Ayaaaan na naman.” Biglang sabi ni Dylan. Superclose kasi si Cyril sa kanila kaya
parang bunsong kapatid na tingin ni Ate sa kanya.

“Oy oy oy! Miss niyo ko?” Biglang lumitaw si Cyril sa dining.

“Oh? Pano ka nakapasok? Saan ka dumaan?” Tanong ni Dy sa kanya.

“Eh di sa pinto! Alangan sa bintana. Sayang pogi ka pa naman medyo ano ka lang..
tsk tsk.” Umiiling iling pang sabi ni Cyril.

“Ulul! Hahaha.” Sagot ni Dylan sa kanya. Pinalo ko nga yung braso.

“Nga pala may kasama ko!” Biglang sabi ni Cyril, dun lang namin napansin yung babae
sa likod niya. Kilala ko yan eh, yan yung kasama niya sa school nun.
“Woy chiks?” Biglang sabi ni Nate na sinamaan naman ng tingin ni Janna.

“Engk! Hindi siya chiks.” Sabi ni Cyril habang naka ekis pa yung dalawang kamay.
Muntanga lang.

“Oy tara dito. Pakilala ka sa kanila.” Tawag niya dun sa babae. Makatawag walang
GMRC. Taong ‘to talaga oh.

“H-hello.” Nahihiya pang sabi nung babae sabay smile. Ang cute niya, siguro
girlfriend siya ni Cyril.

“Name niya Cy?” Medyo mataray na tanong ni Ate Zea. Naalala ko tuloy nung unang
magkita kami, parang ganito din yung tono niya nun.

“Pukyot!” Sagot ni Cyril?

“Ha? Pukyot?” Napakunot na tanong ni Enzo.

“May pangalan bang ganun?” Tanong naman ni Heart. Kasi naman may pangalan nga ba
namang ganun?

“Honey pangalan ko. Ikaw kasi batman e!” Sabi niya sabay palo kay Cyril na parang
nahihiya pa.
“Aaaaah!” Napa ahhh na lang ako. Hahaha. Wala e, riot na kami dito. 

“Woaaah batman!” React naman si Dy.

“Endearment?” Tukso ni Heart sa kanila.

“Eeeeh! Kung kumain na kaya tayo?” Entra naman ni Nate. Napaka talag neto.

“Wushu! Selos kay Cy!” Asar ni Kuya Brix kay Nate. Hahaha. Ang dami nilang bromance
ah.

Binato naman siya ng tissue ni Nate. “Woo. Baka ikaw, ex mo yan e. Hahaha.”

“Ehem ehem!” Biglang fake na ubo ni Dylan. Natatawa naman ako sa gagawin niya, ang
corny kasi e.

“May ubo ka?” Tanong ni Cyril.

“Solmux dude.” Gatong naman ni Enzo sabay tapik tapik pa sa balikat ni Dy. Hahaha.
Grabe ang hyper nilang lahat e. Natameme kaming mga girls sa kanila.
“Sandali kasi may iaanounce kaya ako di ba?” Saway ni Dy sa kanila.

“Bakit tatakbo ka sa senado?” Tanong ni Kuya Brix habang kumukuha na ng food.

“Uutang ka?” Si Nate naman yan na kumkuha na din ng food, para sa kanila ni Janna.
Sweet. 

“For the campaign?” Dagdag ni Enzo.

“Suportado ka tol.” Huling banat ni Cyril.

Napahawak na lang si Dy sa batok niya kaya natawa naman kami lahat.

“Abnormal.” Natatawa na ding sabi ni Dylan.

“Serious na mga panget!” Nagpipigil naman ng tawa si Ate Zea.

Ako naman yung nagulat sa mga itsura nila, kasi bigla lahat seryoso. Hindi ako
sanay.

“Okay kas-“
“PUAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Naputol ko na yung sasabihin ni Dy. Kasi naman hindi ko
mapigil yung tawa ko sa mga itsura nila. Pricless grabe!

Lahat naman sila nagbigay ng anong-tinatawatawa-mo-look. Kaya naman pinigil ko yung


tawa ko sabay peace sign sa kanilang lahat.

“Ehem! Okay, gusto ko lang kasi mag celebrate kasi ano..”

“Anyare?” Tanong ni Janna.

“Kasi ano.. teka pano ba?” Napakamot na si Dy ng ulo. Kahit kelan waley talaga
‘tong asawa ko. Hahaha.

“Ano nga?” Mukhang naiinip ng tanong ni Ate Zea.

“Ano kasi...” Ayan na naman si ano. Hahahaha. Tsk tsk.

“What?” Si Enzo naman ang nagtanong. Iba’t ibang paraan na ng ano nakukuha niya ah.
Huminga muna ko ng malalim bago magsalita. “Baby boy.” Nakangiti kong sabi.
Inunahan ko na si Dy. Baka kasi manganganak na ko’t lahat hindi nya pa nasabi.

“Woo congrats!”

“Naks! Elizalde na naman!”

“Yehey baby boy!”

“Congrats sa inyo!”

Halo-halong bati natanggap namin, syempre si Dylan proud na proud na nakaside hug
sakin. Ngiting-ngiti siyang nakipagkwentuhan tungkol sa magiging baby. Nashare niya
pa pati yung ultra sound namin. Sobrang saya niya, pati ako sobrang saya ko.
Pagtapos ng ilan pang asaran, kulitan at barahan kumain muna kami. Ang saya lang
namin tignan kasi para kaming isnag malaking family. Ang cute lang. 

***

“Something’s telling me it might be you.. It’s telling me it must be you.. All of


my life..” Kanta ni Kuya Brix sabay kindat pa kay Ate Zea.
Nagvivideoke kasi kami ngayon sa sala habang umiinom sila, lahat sila except sakin.
Juice lang ako samanatalang sila Ate nakachampange. Unfair.

Pero ayos lang okay na ko sa strawberry milkshake namin ni Baby.

“Wooo! Kaumay!” Biglang sigaw ni Cyril. Ang iingay na nga nila e. Mga nakainom na
kasi, pero hindi pa naman sila lasing.

“Ako naman next!” Singit naman ng katabi ko. Sino pa ba? Eh di si Dy. 

“Alam ko na kantahan niyan!” Saba ni Nate.

“Twinkle twinkle?” Tawang tawang sabi naman ni Enzo.

“Nadali mo dude!” Sabi ni Cyril at nag-apir pa sila ni Enzo.

“Mukha niyo!” Natatawang saway sa kanila ni Dylan.

“Ako hulaan ko!” Sabi ni Ate Zey.

“Collide!” Sabay naming sabi ni Kuya Brix. Natandaan ko siya yung kasam ni Dy nung
kinantahan niya ko nun eh.
“Hindi! Bago ‘to.” Sabi ni Dylan sabay nguso sakin.

“No I’ve never seen nothing like you.. No one else makes me feel like you do.. I’ve
searched across the universe.. I’ve seen so many things so beautiful it’s true, but
I’ve never seen nothing like you..” Sabi niya pa sabay turo sakin at kindat. Dy!
Nakakahiya sa kanila. 

Magkatabi lang kami niyan ha pero pakindat kindat pa. At infairness may nadagdag na
naman sa mga kanta niya. Hahaha. Natututo na ah. 

“I've seen many things so beautiful, it's true..But I've never seen nothing like
you..” Pagtatapos niya dun sa kanta tapos inabot niya yun agad kay Nate sabay kiss
sa pisngi ko.

“I love you baby ko.”

“Aysus.” Napangiti na lang din ako sa kanya.

“Ehem ehem! Mamaya na yan, kakanta pa ko eh!” Biglang sabi ni Nate sa mic. Pampam.
Hahaha.

“Wooo. Arte mo kupal!” Binato naman siya ng chips ni Cyril. Natatawa ako sa kanila
kasi para talaga silang mga bata.
“De wala! Uwian na! Kakanta na si Natey e!” Biglang sabi Heart tapos nagkunwari
pang tumayo. Ang lakas niya din mang-asar considering na bestfriend niya si Nate.

Si Enzo naman natatawa-tawa ding pinigilan yung pagtayo niya. Uy bagay. Hahaha

“Shh tahimik.. beb! Pogi ko ‘no?” Biglang sabi ni Nate sabay pacute kay Janna.

“Uwian na! Uwian na!” Pakantang sabi ni Janna sa kanya. Basag! Hahahaha.

“Oy ayan na bugok!” Binato na naman ni Kuya Brix si Nate ng chips. Grabe ang kalat
nila. 

“Bakit kapag tumitingin ka? Natutunaw ako... Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang
puso ko...” Feel na feel pa ni Nate yung pagkanta niya pumipikit pikit pa, si Janna
naman tawa lang ng tawa pero for sure kinikilig yan.

“Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito.. sa isang
sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso.. Sa isang sulyap mo nalaman
ang totoo ang sarap mabuhay punong-puno ng kulay.. Sa isang sulyap mo ayos na ako,
sa isang sulyap mo.. napa ibig ako..” Hawak niya pa yung kamay ni Janna habang
kinakanta yan. Naks.

“Awooooooooo!” Sabay sabay na sabi nila Kuya Brix, Cyril at Dylan kay Nate.
“Mga panget! Maka awoo kayo, inggit lang kayo dyan e.”

“De wala!” Asar na naman ni Heart sa kanya.

“Woo! Ikaw nga kumanta!” Hamon ni Nate sa kanya.

“Yan? Wag na.” Biro naman ni Enzo.

“Ang sama!” Sabay palo sa kanya ni Heart sa braso.

“Aray! V- oy joke lang!” Sabi ni Enzo sabay himas sa braso niya.

“Bleh!” Sabi ni Heart sabay dila tapos kinuha na niya yung mic.

“Ayan hinihintay ko e!” Sabi ni Dy nung kinuha na ni Heart yung mic.

“Bakit?” Tanong ko sa kanya.

“Maganda boses niyan baby. Pakinggan mo.” Sabi ni Dy sabay akbay sakin.
“A million times or more I thought about you..The years, the tears, the laughter,
things we used to do..Are memories that warm me like a sunny day..You touched my
life in such a special way”

Tama nga si Dy, maganda nga boses ni Heart. Pati yung song choice niya bet ko din!
At feel na feel niya ang pagkanta ah. Parang may pinaghuhugutan lang? 

“Old friend..It's so nice to feel you hold me again..No, it doesn't matter where
you have been..My heart welcomes you back home again”

“Oy kupal matunaw yan!” Sabi ni Cyril sabay bata ng tissue kay Enzo. Pano ba naman
kasi makatitig kay Heart parang tutunawin lang, napatingin lang si Heart kay Enzo
tapos nguimiti. I swear nakita ko na nag ngitian sila! I see sparks. Wahahaha. Pero
di nga? May something? Pwede naman e, bagay sila. 

“Okay ngayon naman ako na mga kabayan. IHanda niyo na mga sarili niyo.” Sabi ni
Cyril sa mic sabay tayo pa.

“Ayan na, kakanta na ng national anthem niya yan.” Sabi ni Kuya Brix sabay iling-
iling.

“Syempre pogi ako e!” Sagot ni Cyril sabay Mr. Pogi pose, inulan tuloy siya ng
tissue at chips. Hahaha.

“Time can never mend ..The careless whisper of a good friend” Kanta ni Cy sabay
kembot kembot pa. Hindi yung malaswang kembot yung pambading kaya natawa naman kami
lahat. Parang clown namin siya ah. Hahaha 
“Wala bang sexydance dyan?” Nasingit pa ni Cyril sa kanta niya.

“Woooo! Sexy dance! Sexy dance!” Biglang nagkaron ng instant chant.

“Si Soph!” Turo sakin ni Nate.

“Wag! Baka maging kambal ‘to!” Sagot ni Dylan sabay tawa. Napalo ko na naman tuloy
siya sa braso.

“Joke lang baby. Bawal ka kaya, daming tao e.” Sabi ni Dylan sabay holding hands
sakin. Parang tatakas ako ah. Hahaha.

“To the heart and mind.. Ignorance is kind.. There's no comfort in the truth.. Pain
is all you'll find” Patuloy lang si Cy sa pagkanta. Naks background music? Hahaha

“Zea na lang!” Sigaw n Enzo.

Si Kuya brix naman pasimple pang tinuturo si Ate Zea pero nahuli naman siya. “Sexy
dance kayo ng sahig gusto mo?” Banta ni Ate sa kanya sabay tawa.

“Hindi, bawal pala si Zee! Hahaha.” Biglang bawi ni Kuya Brix.


”Heart na lang!” Sigaw ni Dylan kay Heart.

“Mukha mo Dylan!” Natatawang sagot ni Heart kay Dylan.

“I feel so unsure.. As you take my hand and lead me to the dance floor”

“Bawal yan.” Natatawang sagot ni Enzo sa kanilang dalawa.

“Kaaaaay!” Sabi naman ni Nate sabay kindat kay Enzo. Fishy!

“Janna na lang!” Ganti naman ni Enzo.

Goodluck sa kanila.

“Ay ayoko nga!” Todo ilang si Janna. Kahit ganyan yan mahiyain pa din yan kahit
konti. Hahaha. Hindi yan sasayaw sa harap ng maraming tao.

“As the music dies.. Something in your eyes.. Calls to mind a silver screen.. And
you're its sad goodbye”

“KJ!!!” Asar ni Enzo sa kanya kaya napalo siya ng mahina ni Heart. Ehe. 
“Si Honey na lang!” Biglang sigaw ni Janna. Oo nga si Honey pa. Ang tahimik niya
kasi kanina e. Siguro nahihiya pa.

“Oo nga honey na lang!” Gatong ni Nate.

“SEXY DANCE! SEXY DANCE! SEXY DANCE!” At nagkaroon na naman ng chant, syempre
nakisali na ko. Hahaha.

Si Honey naman biglang tumayo tapos sumenyas pa na parang “cheer pa”. Joke ko lang
pala yung baka nahihiya pa siya. Hahaha. O baka dahil medyo nakainom na din kaya
lumalakas na loob.

“WOOO! HONEY! HONEY! HONEY! SEXY DANCE! SEXY DANCE! SEXY DANCE!” Sigaw namin tapos
natawa naman si Honey.

“I'm never gonna dance again ..Guilty feet have got no rhythm.. Though it's easy to
pretend..I know you're not a fool”

Nagsimula ng sumayaw si Honey. Una naglakad muna siya paikot kay Cyril sabay wave.

“WOOOO! HONEY HONEY HONEY!” Sigaw pa din namin.

Nagpatuloy lang si Honey sa sayaw niya, hindi naman bastusin kung titignan. Sexy
lang talaga saka puro wave naman ang ginagawa niya. Naks alam ko yun? Hahaha.
Syempre marunong din ako mag-sayaw at isa lang sa basics yung wave.

Biglang nagsalita sa mc si Cyril. “Pigilan niyo ko, susunggaban ko ‘to.”

“WOOOOOO!” Sigaw na naman namin.

Tapos inalis niya yung mic sa tapat ng bibig niya bago magsalita. “Upo ka na nga
dun, pasexy ka pa dyan. Halikan kita eh.” Seryoso niyang sabi kay Honey. Medyo
mahina lang pero dahil malapit ako sa kanila at malakas radar ko, narinig ko.
Hahahaha.

“WOOOOO!” Cheer pa din nila.

Naramdaman ko nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa. Tumayo muna ako pero pinigil
ako ni Dylan.

“Saan ka punta baby?”

“Saglit lang sa kitchen.” Mabilis kong sagot sa kanya. Pumunt agad ako ng kitchen,
siguro naman hindi na masyadong maingay dito.

Tinignan ko lang kung sino yung tumatawag. Unregistered number.


Sinagot ko na lang kaagad dahil baka importante kasi.

“Hello?”

"Ah. Hello Sophia?"

“Sino ‘to?” Boses lalaki kasi yung sumagot pero hindi ko makilala.

"Hindi mo na agad ako natatandaan?"

“Hindi e. Sino ba ‘to?” Tanong ko ulit.

"Si Andrei ‘to."

Shoot! Ano namang kailangan niya ngayon? Bakit siya bigla bigla siyang tumatawag?

=================

Chapter Thirty One

Perfect Mistake Chapter 31

*Sophia’s POV*
 

"Si Andrei ‘to."

Shoot! Ano namang kailangan niya ngayon? Bakit siya bigla bigla siyang tumatawag?

“Baby ko?” Narinig kong tawag ni Dy sakin papasok ng kitchen kaya naman nagmamdali
akong pinatay yung phone ko. Bahala siya kung tumawag siya ng tumawag sakin, wala
naman na kaming dapat pag usapan pa e.  Isa pa ayoko ng may pag-awayan na naman
kami.

“Bakit?” Tanong ko na lang sa kanya para takpan yung pagkagulat ko.

“Wala ang tagal mo kasi dyan e. Saka kukuha pala ko beer, nautusan pa ko ng mga
kumag na yun.” Sabi niya tapos binuksan na niya yung ref.

“Tulungan na kita.” Sabi at tinunlungan ko na din siya mag ayos nung bucket. Tapos
dinala na namin sa mga pasaway naming friends.

“Heaven knows what to say even though for a while you’re so far away.. I hope and I
pray somewhwere in your heart you’ll always stay...”

Naks kumakanta na si Enzo, akala ko mahiyain ‘to e. O baka nakainom na din kaya
kumapal na din ang pes? Hahaha. 
Hanggang sa ayun may mga tama na din yung iba, lalong lalo ni si Cyril grabe ang
kulit niya.

“Hindi dude! Ganyan ka naman e, nakakaselos na si Soph *hik* Mag aasawa ka lang
kinakalimutan mo na kami. *hik*” Sabi ni Cyril sabay tumuturo pa kay Dy.

Si Enzo, Heart at Honey naman tawa nga tawa sa itsura ni Cyril samanatalang si Kuya
Brix borlog na sa guest room. Si Nate naman may sariling mundo, Janna panagalan.
Hahaha. Kanina pa ‘tong dalawang ‘to ah! Si Ate Zea naman ang nagsolo sa videoke.

“Selos ka?” Natatawang tanong ni Enzo kay Cyril.

Tumango naman si Cyril tapos tumuro sa puso niya. “Sakit dito oh! Dati Dy ako lang
tapos ngayon may kahati na ko? Wala ka pala e, talkshit ka pare!” Weng weng niyang
sagot sabay tawa.

Si Enzo naman pinagtripan pa din niya ng pinagtripan si Cyril at aliw na aliw naman
sila sa mga kalokohan na sinasagot nun. Si Dy din nakikitrip na, hindi naman kasi
siya masyadong nakainom dahil sinaway ko na. Aba mamaya dyan malasing sila lahat
kawawa naman kaming mga girls, baka itapon na lang namin silang lahat sa labas no!
Hahaha.

“Enzo tara na.” Aya na ni Heart kay Enzo, siguro inaantok na siya.

“Huh? Uwi na?” Tanong sa kanya ni Enzo. Tumango lang si Heart, magkasabay nga pala
sila.
“Dude, we gotta go.” Paalam ni Enzo kay Dy.

“Oh uuwi na kayo?” Tanong ni Dylan sa kanila ni Heart.

“Oo e, next time na lang ulit. Halos umaga na din pala.” Sagot ni Heart.

Almost 12 am na din pala kasi, hindi namin napansin dahil ang gugulo nga nila, lalo
ng mga BEH. Haha.

“Kami din sasabay na, may pasok pa ‘to bukas e.” Singit ni Nate sa usapan referring
to Janna.

“E pano ‘to sila Cy?” Tanong naman ni Ate Zea kasi ayun si Cyril tulog na yata sa
sofa habang inaalalayan ni Honey. Uy baka madevelop ah. Hahaha.

“Hatid ko na lang.” Presinta ni Dylan.

“Hindi okay lang, marunong naman ako magdrive e. Ako na bahala sa kanya.” Sagot
naman ni Honey. Ninerbyos naman ako at baka hagikhik yan ng hagikhik habang
nagddrive e mabangga pa sila.

“Sure ka?” Tanong ni Heart sa kanya.


“Oo naman. Kaya ko yan.” Nakangiting sagot si Honey, mukhang hindi naman siya
nalasing sa alak. Mukhang lasing siya sa kakatitig kay Cyril. Hahaha.

“I-convoy na lang namin.” Sabi ni Enzo.

Ayun nga nag sabay sabay na din sila halos ng pag-alis. Hinatid na lang namin sila
ni Dylan sa gate habang nagsimula na magligpit si Ate Zea sa sala. Pagpasok namin
tinulungan lang namin siya ni Dylan. Ayaw na kasi namin istorbohin sila Manang Emmy
dahil pagod na din naman sila, yung iba sigurong kalat bukas na namin liligpitin.

“Goodnight ate.” Sabi ko bago kami pumasok sa kwarto.

“Goodnight Soph.” Sagot niya sabay beso sakin. “So excited about the baby.” Sabi
niya lang bago pumasok sa room niya.

Napangiti naman ako dun at pumasok na ko sa room, nagshower saglit para bago
matulog. Paglabas ko ng CR nandun na din si Dy sa room.

“Shower ka na?” Tanong ko sa kanya.

Tumayo lang siya tapos tumango at pumasok na sa shower room. Nagtuyo na lang ako ng
buhok habang hinhintay siyang lumabas. Sa kahihintay ko halos nakaidlip na ko sa
kama. Maya-maya lumabas na din siya, nagpatuyo pa pala ng buhok kaya matagal.
Tumabi din siya kaagad sakin at yumakap.

“Napagod ang baby ko?” Tanong niya habang nilalagay yung kamay o payakap sa kanya.
Sus. 

“Hindi naman po, nag enjoy nga ako e. Ang kukulit nila.” Natatawa ko pang sagot sa
kanya.

“Ngayon lang kasi kami ulit nakumpleto, mga busy na din kasi sila.”

“Mukha nga, pero mas masaya ngayon kasi ang dami-dami natin di ba?” Nakangiti kong
sagot sa kanya kahit hindi naman niya nakikita, yung mukha ko kasi halos nakadikit
na sa dibdib niya. Eeeeh.

“Baby sino yung kausap mo kanina?” Bigla niyang tinanong kaya nanlaki yung mata ko,
buti hindi niya nakikita. Alam niya ba? Narinig niyang may kausap ako? 

“H-ha?” Ninenerbyos kong tanong.

“Kanina sa phone, narinig ko may kausap ka e. Sino yun?” Tanong niya pero this time
inangat niya yung mukha ko para magkaharap na kami.

“E-eh...” Nag aalangan ko pang sagot kasi naman baka mamaya magalit na naman siya e
kakabati nga lang namin e.
“Sabihin mo na, di naman ako magagalit basta sabihin mo lang.” Sincere niyang sabi
kaya medyo nawala yung kaba ko.

“Promise baby?” Tanong ko sa kanya sabay pout.

“Opo naman.” Sabi niya tapos ngumiti ng konti.

“Kasi si Andrei yung tumawag, e hindi ko nga alam kung bakit alam niya pa din yung
number ko. Balak ko na nga magpalit na lang ng number para hindi na niya ko ulit
matawagan kasi ayoko naman na siya kausapin saka baka mamaya magalit ka na naman e
kakabati nga lang natin kaya din binabaan ko na lang siya ng phone kanina tapos
pinatay ko na din pa-“

 Bigla-bigla na naman niya akong hinalikan.

“Daldal naman, tinanong ko lang naman kung sino yun e.” Sabi niya sabay smile tapos
napapout na lang ako.

“Eh kasi nag explain na ko kaagad baka kasi pag-awayan na naman natin yun e hindi
ko naman yun pinapansin.” Pagpapaliwanag ko sa kadaldalan ko.

“Hindi naman ako nagalit di ba? I trust you babywifey ko. Saka alam ko naman na ako
na love mo diba?” Sabay kiss sa pisngi ko.

“Di ba?” Kiss ulit sa pisngi ko.

“Di ba?” At kiss pa ulit.


Natatawa at kinikilig ko namang hinarangan ng kamay ko yung mukha niya.

“Oo na po, ikaw na ang love na love ko pero matulog na tayo. Puyat na kami ni
baby.”

“Sige na nga. Shopping tayo bukas ah.” Aya niya sakin.

“Huh? Para saan? Kakabili lang natin ng mga dress ko Dy.” Nagtataka kong tanong,
kakashopping lang kasi namin ng damit ko puro pang maternity na nga eh.

“Para sa baby naman.” Mukhang excited niyang sagot.

“Sus, sige na nga po. Goodnight na babyhubby ko. I love you.” Sabi ko sabay kiss sa
lips niya. Every night routine na namin yan, para maintain nga naman ang sweetness
namin. 

“Goodnight baby ko. I love you, I love you, I love you. Maumay ka pero I love you.”
Natatawa pa siya pero kinikilig yan tapos kiniss na din ako sa forehead at yumakap.

Hay, nakahinga ako ng maluwag nung hindi siya nagalit sakin. Malaki na nga din
pinagbago ni Dylan e. Hindi na siya masyadong bugnutin, well minsan ugali na kasi
niya yun lalo pag hindi ko nilalambing. Hahaha, pero nagmature na siya at pansin ko
na pati ako din naman kahit papano.
***

Pag gising ko wala na kaagad si Dylan sa tabi ko, ang aga naman magising nun.
Babangon na sana ko ng bumukas yung pinto.

“Goodmorning, breakfast in bed for my future wife.” Sabi niya sabay kindat.

Waaaah. Aga aga ang gwapo niya kagad. 

“Ano na namang pakulo yan Dylan?” Nakangiti kong tanong sa kanya.

“Wala lang baby , medyo maaga kasi ako nagising kaya naisipan kita ipagluto ng
breakfast.” Proud niyang sabi.

“Ikaw lang nagluto nito?” Pagdududa ko.

“Hehehe. May konting reinforcement kay Manang Emmy.” Napakamot siya sa batok niya.
Sabi na nga ba e, hindi naman ‘to marunong pa magluto e.

Sinimulan ko ng kainin yung dinala niyang pancakes, fresh na orange juice at fruits
& cream. Sinubuan ko na din siya para sweet. Hihi 
Nung matapos ko kumain pinaligo na niya ko dahil nga magshoshopping nga kami,
nakaligo na pala kasi siya kanina pa kaya naman ako na lang ang mag aayos bago kami
umalis.

Simple dress lang sinuot ko tapos flat shoes, pinagtatago kasi ni Dylan yung mga
heels ko. Napaka talaga nun. Dinala ko na din sa pouch bag ko yung wallet at phone
ko. Bumaba na din ako kaagad at dumeretso sa sala, naabutan ko sila nila Ate Zea at
Kuya Brix.

“Uy hang over?” Tukso k okay Kuya Brix habang umiinom siya ng kape.

“Oo, napadami e.” Sagot niya naman sakin.

“Kung makalaklak ka naman kasi ng beer kala mo mamamatay ka na bukas.”


Pinapagalitan na naman siya ni Ate Zea.

“Minsan lang naman kasi, mamaya ka na magsermon Zee masakit pa nga ulo ko e.” Sabi
ni Kuya Brix sabay takip pa ng tenga. Napalo naman siya tuloy ni Ate.

“E di pugutin mo! Masakit pala e.” Kinikilig naman ako sa kanla, kakaiba kasi sila
maglambingan parang magpapatayan lang. Hahahaha.

“Tara na nga bago tayo abutan ng World War 3 dito.” Aya sakin ni Dy.
“Bye Ate Zea, Bye Kuya Brix.” Paalam ko dun sa dalawa.

“Bye, pasalubong ko ah.” Sagot ni Ate Zea sakin. Tumango naman ako.

“Gege ingat.” Sabi naman ni Kuya Brix bago kami lumabas ni Dy.

Pinagbuksan niya ko ng pinto sa shotgun seat, napangiti naman ako kasi naalala ko
nung unang encounter namin inis na inis ako kasi napaka ungentleman niya pa nun,
pero ngayon ibang iba na siya.

Pagkaupo namin sa loob ng kotse hindi pa niya pinaandar yun, nilahad niya lang yung
kamay niya sakin.

“Bakit?” Nagtataka kong tanong sa kanya, hindi ko naman kasi alam kung ano yung
hinihingi niya.

“Cellphone.” Maigsi niyang sagot.

Kahit nalilito ako kinuha ko na lang yung cellphone ko sa bag ko at ibinigay sa


kanya. Inabot niya yung phone niya sakin, parehas lang naman kasi kami ng phone.
Binili naman ‘to kasi parang couple phone nga. Inabot ko naman yung phone niya.
Hindi pa man din ako nagtatanong nag explain na din naman siya kung bakit.
“Palitan tayo ng phone, para kung sakaling tumawag man yung walanghiya mong ex e
ako ang makakausap niya.” Sabi niya tapos tinaas taas niya pa yung kilay niya.

Natawa ako habang nilalagay yung phone niya sa bag ko. “Baliw, daming alam.”

“Gwapo naman.” Sabi niya pa sabay kindat. Eh! Sundutin ko mata neto e. 

Nung makarating kami sa mall nagpabili muna ko ng waffles, bigla na naman kasi
akong nagutom grabe ang takaw naman ng anak ko. Tapos pagkatapos kong kainin ang
waffles na binili niya naglibot libot na kami sa loob ng department store.

“Baby ano ‘to?” Tanong ni Dylan habang hawak yung breast pump. Nyenye talagang yun
pa naisipan niyang itanong.

“Breast pump yan Dy, ibalik mo na nga.” Mahina kong sagot sa kanya.

“Para saan ba ‘to?” Taong bundok lang Dy? Amp.

“Pang express ng milk yan ano ka ba Dy.” Inagaw ko na sa kanya yung breast pump
tapos sinoli ko sa rack.

“Hahaha. Eto na ba yun? Oh e di kailangan natin ‘to.” Sabi niya tapos kinuha niya
ulit yung breast pump tapos nilagay niya sa cart namin.
“Ewan ko sayo bahala ka.” Sagot ko sa kanya tapos nauna na ko maglakad.

“Ashooo, nahihiya. Hahaha.” Inasar asar pa ko e alam naman niya pala na nahihiya
ako. T~T

Maya-maya si Dylan parang bata, tuwang tuwa sa mga toys na pambata.

“Baby baby, tignan mo ‘tong toy car!”

“Baby baby tignan mo ‘tong mga Lego!”

“Dy wag nga tayo dito sa toys hindi naman agad maglalaro yung baby paglabas e.”
Hila ko na sa kanya, mamaya bumalik pa sa pagkabata ‘tong asawa ko na ‘to.

“Bibili na ba tayo agad ng walker? E stroller kaya?” Cheerful na sabi ni Dylan,


hindi naman siya masyadong excited niyan? Kulang na lang sabihin niyang manganak na
ko ngayon eh.

“Stroller na lang muna Dy kasi hindi pa naman agad maglalakad yan. Yung mga
gagamitin lang muna agad ang bibilin natin okay? Ang dami mo ng gastos e.”
Nakangiti kong sabi sa kanya. Syempre nahihiya din naman ako na puro siya
gumagastos ng lahat e.

Inakbayan niya naman ako bigla bago magsalita. “Kahit maubos pa lahat ng pera natin
wala yun, kayo namin ni Baby ang treasure ko.”
“Kikiligin na ba ko Dy?” Tanong ko sabay tawa ng mahina.

“Uhm medyo.” Sabi niya tapos natawa na din siya.

Pagtapos namin magharutan ng konti tinuloy na din namin yung pamimili. Bumili lang
naman kami ng madaming damit ng baby, tapos crib na din at kung ano ano pang gamit.
Natatawa naman ako kay Dy kasi kung ano anong kinukuha, isang malaking balot ng
diapers (e 3 months pa ko manganganak), teether at toothbrush (wala pa naman agad
ngipin yun paglabas), at set ng plates, spoon at fork (para naman makakakain agad
yun). Syempre binalik ko lahat yun kasi hindi naman namin agad kailangan. Wala
naman nagawa si Dylan, tuwang tuwa lang daw kasi siya sa mga gamit ng baby masarap
daw pala mamili. Nung finally natapos na din kami nagbayad na kami sa counter,
muntik lang naman ako malula sa presyo ng nagastos namin e puro para sa baby lang
lahat ‘to pero parang wala lang yun kay Dy.

Naglalakad na kami ng may makasalubong kaming pamilyar na mukha, agad naman uminit
ang ulo ko.

“Hi Dylan!” Sabi ni Prim, oo si Prim nga yung nag iinarte sa school nila na pinag
awayan namin. Nako!

“Ah Prim, ikaw pala.” Parang naiilang na sagot ni Dylan sa kanya sabay tingin sakin
kaya naman inirapan ko siya, bahala siya dyan.

“Oo, anong ginagawa mo dito?” Tanong nung babaeng yun kay Dylan at talagang “MO”
lang? Andito akaya ako!
“Namili lang kami ng gamit ng baby. Nga pala hindi ko kasi napakilala ng maayos
sayo yung asawa ko, si Sophia.” Kinagulat ko yung sinabi ni Dy tapos inakbayan pa
ko. Yung babae naman parang umasim yung mukha tapos napanguso na lang.

“Baby, si Prim pala classmate ko.” Pakilala naman sakin ni Dy dun sa babae.
Tinignan ko lang siya.

Tapos  yung nguso niya sumensyas senyas pa, mukhang alam ko na kung ano gustong
mangyari nitong Dylan na ‘to. Itataas ko pa lang sana yung kamay ko ng biglang
inabot na ni Prim yung kamay niya sakin.

“Prim pala, sorry last time.” Sabi niya sabay kagat sa ibabang labi niya, yung
parang nahihiya??

Syempre para lang din matapos na nakipagshake hands na ko sa kanya. “Sophia, okay
na yun.”

“Ah sige mauna na ko sa inyo ah.” Sabi niya tapos tumango lang kami at umalis na
siya.

***

“Buti naman hindi na ko inaway nun.” Sabi ko nung nasa byahe na kami pauwi sa
bahay.
“Mabait naman yun e, saka siguro alam niyang wala syang laban sayo. Ikaw mahal ko
eh.” Sagot ni Dy habang nakafocus sa pagddrive.

“Baby tignan mo nga ‘tong pisngi ko, parang may dumi yata.” Sabi ni Dy habang
nagddrive pa din.

Lumapit naman ako para tignan yung pisngi niya pero..

“Huli ka.” Ngingisi-ngisi niyang sabi.

“Ah! Kainis ka naman e!” Sabi ko sabay palo sa braso niya. Magnanakaw talaga ‘tong
Dylan na ‘to!

“Uy namumula.” Tukso niya pa sakin. Waaaah! Kainis naman.

Hindi na lang muna ko sumagot kasi hindi yan titigil ng kakaasar. Nung nakarating
kami sa bahay binuksan kaagad ni Lara yung gate. Hindi ko na hinintay na pagbuksan
ako ni Dylan ng pinto kasi alam kong madami pa siyang bibitbitin, nasa compartment
kasi yung crib ng baby.

Pagbaba ko ng kotse may napansin agad akong dalawa pang hindi pamilyar na kotse,
hindi naman mukhang kila Nate o sino man sa lima sa kanila. Pero baka sila nga,
baka bago lang kotse nila. Pero out of curiousity nagtanong na din ako kay Dylan
habang nilalabas niya sa compartment yung mga binili namin.

“Dy, mukhang may bisita. Kanino bang kotse yan?”

Hindi siya sumagot pero ngumiti lang siya.


“Huy, tinatanong kita kilala mo ba yung bisita?” Tanong ko ulit sa kanya.

“Lara, pakitawag yung iba tapos pakipasok lahat ‘to ha.” Sabi niya kay Lara tapos
sinunod naman kaagad siya.

“Uy Dylan bingi ka na ba?” Tanong ko ulit sa kanya.

Hindi na naman siya sumagot tapos hinawakan niya lang yung kamay ko.

“Let’s go in.” Sabi niya sabay ngiti.

Hindi ko siya magets, may saltik talaga na lalaki ‘to. Bakit kaya hindi niya
sinasagot yung tanong ko? Baka kasi hindi niya kilala, pero sana sinabi niya na
lang. Ay ewan ko nabobother kasi ako kung sino yung mga bisita.

=================

Chapter Thirty Two

 Dea and Zeus sa multimedia. :)

Perfect Mistake Chapter 32

*Sophia’s POV*
 

Pagpasok namin sa loob ng bahay...

“Zayn baby!” May babaeng biglang yumakap kay Dylan.

“Oh my baby I missed you so much! Ang laki laki mo na, at ang gwapo gwapo mo na
lalo. Mana ka talaga sakin.”

Yakap pa din siya nung babae tapos ako naman nakatingin lang sa kanila, pero hawak
pa din ni Dylan yung kamay ko.

“Ma...”

Ma?? Mama nila ‘to? What??

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan, kasi naman e Mama pala nila
‘to. Ngayon pa lang kami magmemeet! Utang na loob parang gusto ng lumabas ng puso
ko sa kaba!

“Ma.. saglit lang di na ko makahinga.” Sabi ni Dylan, kasi nga naman sobrang higpit
nung yakap sa kanya.
“Ay sorry anak!” Napahiwalay na si Tita? Mama? Hindi ko alam itatawag sa kanya e.
Dun niya lang napansin yung presence ko at yung kamay ni Dylan na nakahawak sa
kamay ko.

“Ma, si Sophia pala siya yung..” Hindi na natapos ni Dylan yung sasabihin niya kasi
bigla na lang ako niyakap ng nanay niya. Nanlaki naman yung mata ko sa gulat habang
si Dylan pasimpleng tumawa.

“Hija! Nice to finally meet you..” Tapos bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin.
“Nung nalaman ko ang news nagpabook agad ako ng flight pauwi, I’m so excited na
makita ang apo ko!” Tuwang tuwa niyang sabi kaya medyo nabawasan yung kaba ko.

“Nice to meet you din po Tita.” Nakangiti kong sagot tapos Tita na lang tinawag ko
sa kanya, baka naman sabihin e ambisyosa ako dahil hindi pa naman kami kasal.

“No no! Don’t call me Tita, Mama na lang din ang itawag mo sakin. Pwedeng Mama lang
o kaya Mama Dea. Okay?” Sabi niya tapos ngumiti siya ulit, wow ang bait ng Mama
nila! 

“Sige po Mama.” Nahihiya kong sagot. Tinignan naman ako ni Dylan sabay dila.
Gumanti din ako. 

“Dea? Andyan na ba sila?” May lalaki namang biglang lumabas galing sa dining room.
Mukhang masungit at eto na naman yung kaba ko.

“Pa? Sabay kayong dumating ni Mama?” Nanlalaki pa yung mata ni Dylan habang
nagtatanong, tama nga ako ng hula Papa nila yun. Kamukha kasi siya ni Ate Zea lalo
sa mata.
“Unfortunately yes!” Sagot naman ni Mama Dea. Hindi pa ko sanay. 

“Ma...” Parang saway ni Dylan sa kanya.

“Hay nako Dylan Zayn, ipakilala mo na lang si Sophia sa Papa mo. Titignan ko lang
kung okay na yung lunch natin dun.” Sabi ni Mama tapos pumunta na siya sa kitchen.

“Pa, si Sophia po.” Sabi ni Dylan pagkalapit ng Papa niya samin.

“Hello po.” Sabi ko na lang sabay ngiti sa Papa niya ng alanganin. Nakakanerbyos
kasi eh!

Kahit mukhang masungit yung Papa nila ngumiti naman siya. “Hindi naman ba loloko
loko ‘tong anak ko?”

Natawa ako ng konti, mukhang okay naman sila. “Hindi naman po masyado. Hahaha.”

“Pa...” Parang maktol ni Dylan sa Papa niya.

“Aba Dylan, sinsabihan ko lang ‘tong magiging asawa mo. Hindi ko nga inakalang may
makakatyaga sayo, tigas kaya ng kokote mong bata ka.” Parang sermon ng Papa ni
Dylan sa kanya. Palihim naman akong natatawa, ganyan pala si Dylan pag andyan mga
magulang niya.
“Papa naman e!” Napanguso na naman si Dylan.

“O siya dun na tayo magkwentuhan, mamaya niyan mag iingay na naman yung Mama mo.”
Sabi ng Papa niya tapos nauna na maglakad samin. “Sumunod na kayo dito ha.”

“Sandali Pa, bati na ba kayo ni Mama?” Parang nang-aasar na tanong ni Dylan habang
sumusunod kami sa Papa niya.

“Hindi no, malabo yan. E hindi pa nga ko lumalapit sa kanya parang gusto na kong
saksakin magkakabati pa?” Napailing na lang yung Papa ni Dy. Oo nga pala, hindi
paka kasi okay ang parents niya.

“E bakit sabay kayo ng dating? Nag usap ba kayo Pa?” Nang aasar na naman si Dylan.

“Nauna ko ng dating, tinawagan kasi ako ng Ate mo.” Tapos huminto yung Papa niya
para batukan siya. “Hindi ka man lang nagsabing mag aanak ka na.”

Napahawak na lang si Dylan sa binatukan ng Papa niya habang ako naman natatawa na
lang. Kaya naman inirapan ako ni Dylan, uy namiss ko yang irap irap na yan ah.
Hahaha.

Pagdating namin sa dining room okay na yung lunch namin.

“Asan po si Ate Zea?” Tanong ko kay Mama.


“Umalis si Zea, may importanteng gagawin sa shop niya. Uuwi naman daw sila ng
maaga, kamusta naman si Zea sayo? Okay ba kayo?” Tanong ni Mama habang tinutulungan
ko siya maglabas nung niluto niyang Lasagna sa dining.

“Okay naman po, mabait naman po si Ate Zea pati po lahat sila dito.” Nakangiti kong
sagot ngumiti lang din siya samin tapos umupo na kami sa table.

Tahimik kaming kumain, parang galit galit lang? Gutom kami? Hahaha.

Finally nagsalita din yung Papa ni Dylan.

“So kelan niyo balak magpakasal? Bakit hindi pa natin ischedule?” Sabi niya bago
tumuloy sa pagkain.

“Pagtapos na lang po niya manganak Pa, gusto ko kasi magtravel kami pagkatapos e
baka mahirapan siya pag malaki na yung tyan niya.” Sagot naman ni Dylan. Wow
prepared ah, hindi ko alam may plano pala siyang ganyan samin. 

“Mabuti naman nagpaplano ka na, akala ko puro ka kalokohan e.” Sabi ng Papa ni
Dylan sabay smirk. Mukha lang pala siyang masungit pero mabait naman siya.

Grabe ang sarap magluto ng Mama ni Dylan, namiss ko tuloy bigla yung luto ng Mama
ko.
“E kelan niyo naman balak sundan yung apo ko?”

Nasamid ako bigla sa sinabi ng Mama ni Dylan. 

“Baby, okay ka lang?” Natatarantang sabi ni Dylan habang hinihimas yung likod ko at
inaabot sakin yung tubig.

“Dea naman! Tignan mo ginugulat mo yung mga bata!” Sita ng Papa ni Dylan sa Mama
niya.

“Nagtatanong lang naman ako Zeus!” Ganting sagot ni Mama Dea sa kanya. Zeus pala
ang pangalan ng Papa nila.

Uminom muna ko saglit ng tubig tapos huminga ng malalim.

“Ayos ka na ba?” Tanong ni Dylan habang hinihimas pa din yung likod ko.

Tumango na lang ako sa kanila.

“Sayang at hindi niyo ko hinintay, nakapagshopping na pala kayo para sa apo ko.”
Parang patampong sabi ni Mama Dea.

“Buti na nga lang hindi ka nakaabot, makikigulo ka pa sa kanila e kahit hindi


kailangan bibilihin mo.” Sagot naman ni Papa Zeus? Yun ba dapat kong tatawag sa
kanya? 
“Hindi naman ikaw ang kinakausap ko. Hmp.” Pagsusungit ni Mama Dea.

Napailing naman si Dy pero ako parang natatawa, may pinagmanahan pala si Dy ng


topak at katulad nung kanina na namimili kahit hindi namin kailangan.

“Masyado ka naman nagsusuplada, ang tagal nga nating hindi nagkita.” Biro ni Papa
Zeus kay Mama Dea.

Si Mama Dea naman mukhang inis na.

“Oo nga Ma, hindi mo ba namiss si Papa?” Gatong naman nitong si Dylan.

“Aba bakit ko mamimiss yang Papa mo? Ang tahimik ng buhay ko sa France, wala ako
masyadong pinoproblema.” Masungit na sagot ni Mama Dea. Syempre ako tahimik muna,
family talk e. Sigurado naman ako na namiss din ni Dylan ang parents nila.

“Sige nga? Kahit ba isang beses hindi mo ko naisip nung nasa France ka?” Parang
seryosong tanong ni Papa Zeus.

“Hindi ‘no! Hinding hindi!” Sabi ni Mama Dea sabay umirap pa dun sa dalawa tapos
kumain na lang. Hahaha, ang cute naman nila mag-asaran.

“Sabi mo e.” Natatawang sagot ni Papa Zeus tapos nagpatuloy na lang siya sa pagkain
niya.
Galit galit muna ulit habang kumakain, pagkatapos namin ay pinaligpit na din agad
yung table. Inaya naman ako ni Mama Dea sa may garden. Tapos sila Dylan at Papa
Zeus naman nasa sala nanonood ng Soccer game.

“Kamusta naman kayo ng anak ko Sophia? Hindi naman ba siya sakit ng ulo sayo?”
Tanong ni Mama Dea habang umiinom siya ng tea.

“Hindi naman po masyado.” Sagot ko lang sa kanya.

“Buti naman, malokong bata kasi yan e mana sa Papa niya. Pero pagsinumpong naman
parang batang nagmamaktol, lalo pagmay gustong hindi makuha.” Sabi ni Mama Dea
sabay tawa ng mahina.

“Medyo ganyan pa din naman po siya ngayon pero nabawasan na po.” Natatawa ko ding
sagot.

“Ganyan na maski nung bata pa siya, kaya nga naspoiled sakin yan. Iyak kaya yan ng
iyak nung nag paalam akong aalis para pumunta sa France.” Kwento niya pa.

“Talaga po?” Gulat na tanong ko, hindi ko kasi akalain na ganun siya ka attached sa
Mama niya na kahit malaki na siya iyak pa din siya ng iyak nung umalis yung Mama
niya.

“Oo, isipin mo ang laki na niya nun pero iyak siya ng iyak kaya nga hindi na ako
nagpahatid sa kanila sa airport dahil baka hindi ko din sila maiwan.” Malungkot na
sabi niya.
“Ah pwede po magtanong?”

“Ano yun anak? Sige lang.” Sagot niya naman sakin.

“Aalis pa po ba kayo ulit Mama Dea? Babalik pa po ba kayo ng France?” Tanong ko sa


kanya, naisip ko kasi siguradong malulungkot na naman si Dylan kung sakaling aalis
ulit ang Mama niya.

“Oo anak. May mga negosyo kasi ako dun at hindi ko yun pwedeng pabayaan na lang.
Kaya eventually babalik ako ng France.” Nabakas ko sa mukha niya na nlulungkot din
siya. Siguro may personal din siyang dahilan kung bakit ayaw niyang magstay ng
matagal dito, gusto ko man itanong pero nahihiya ako.

“Baka po kasi malungkot na naman si Dy pag umalis po kaya ni Papa Zeus.” Mahina
kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya yung dalawang kamay ko bago nagsalita. “Andyan ka naman e, kayo ng
anak mo. Sigurado akong mapupunuan niyo yung absence namin ng Papa niya. Kaya
salamat sa pag aalaga mo sa anak ko ha, natutuwa ako at nakahanap na din siya sa
wakas ng mabait na girlfriend.”

Parang medyo napaisip naman ako sa sinabi ni Mama Dea. Bakit hindi ba mababait ang
mga naging girlfriends ni Dylan dati?

“Napakaganda mong bata at mukhang napakasweet mo pa, hindi na ko magtataka kung


bakit nagustuhan ka ng anak ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya.” Sabi
niya nung binitawan na niya yung kamay ko.

“Sweet din naman po yung anak niyo Mama, siya na nga po yata ang pinakasweet na
lalaking nakilala ko.” Medyo kinikilig ko pang sabi.

“Namana niya siguro sa Papa niya yun. Ganon na ganon si Zeus e.” Sabi ni Mama Dea
sabay tingin sa malayo. Reminiscing?

“E ngayon po ba?” Tanong ko.

“Nako! Lagi ako kinukunsume, puro pambwibwiset at pang aasar ang ginagawa sakin.
Sumasakit ang ulo ko sa Zeus na yan!” Sabi pa ni Mama sabay hawak sa ulo niya.

Nagtawanan naman kami parehas, posible pa ba kayang magkaayos silang dalawa?

***

“Bonding bonding kayo ni Mama kanina ah.” Nakangiting sabi ni Dylan pagkalabas ng
shower.

“Kayo din naman ni Papa.” Ganting sagot ko sa kanya habang nanonood. Tapos na kasi
kami magdinner at nagpapahinga na sila dahil pagod sa byahe.
“Nagkwentuhan lang, usapang lalake syempre.” Sabi niya tapos naupo siya sa kama,
katabi ko.

“Ano bang meron sa mga usapang lalake na yan? Nakakacurious na ah.” Pag-usisa ko sa
kanya.

“Secret.” Sabi niya sabay dila na naman. Amp daya.

“Ah Dy may tatanong pala ko sayo.” Sabi ko tapos nagside view ako ng upo para
nakaharap ako sa kanya.

“Ano yun?” Sagot niya habang nanonood pa din ng TV.

“Bakit ba nagkagalit sila Mama at Papa mo? Bakit hindi na lang sila magstay dito?”
Nakakacurious kasi e.

Bumuntong hininga muna siya bago humarap sakin at sumagot. “Si Papa kasi loko loko
e, sukat ba naman nanchiks. Hindi naman naging sila nung babae, parang dalawang
beses niya lang nakasama. Narinig ko nung umamin siya kay Mama, wala din namang
nangyaring intimate sa kanila pero parang MU na ewan. Kala mo teenager e, tapos
ayun gusto na makipaghiwalay ni Mama sa kanya. Pero ayaw naman pumayag ni Papa,
mahal niya daw si Mama at natukso lang siya. Kaya naman napilitan umalis si Mama
papuntang France para makagawa ng space palayo kay Papa, madami kasi siyang
relatives dun. Sinundan pa nga siya ni Papa para suyuin pero wala namang napala si
Papa kaya naman nagpunta na lang siya sa Norway, umuwi na lang siya dito para
magpaalam samin. Sabi niya kasi siya na lang daw muna ang aalis para umuwi na si
Mama dito, pero matigas si Mama. Iniisip niya na pag umuwi siya dito, uuwi din si
Papa dito para guluhin siya.” Malungkot si Dylan habang nagkwekwento nun sakin,
kahit hindi niya ipahalata at pilit niyang itago alam ko malungkot siya.
“Nagalit ka ba sa Papa mo?” Tanong ko sa kanya.

“Syempre oo, lalo nung una. Pero nung bago siya umalis papuntang Norway kinausap
niya kami ni Ate. Iyak ng iyak si Papa nun habang sorry siya ng sorry samin, sising
sisi si Papa. Sinabi niya na nagpadala siya sa tukso tukso ng mga kaibigan kaya din
niya nagawa yun. Sinabi niya din na kahit magkalayo sila ni Mama pipilitin niya pa
din maibalik yung dati. Tapos ayun, tumagal sila ng 2 years na ganito ang set up
naming apat. Bilib nga ako sa’yo e.” Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

“Ha? Anong kinalaman ko sa kwento nila Mama at Papa?” Nagtataka kong tanong, kasi
naman pano ako nakasali sa kwento?

“Kasi kayong dalawa ni baby boy ang nakapagpauwi sa kanila.” Nakangiti lang siya
pero ang saya saya niya. “Thank you baby ko, thank you baby boy.” Sabi niya sakin
at sa baby.

 Nakakaiyak naman ‘to si Dylan, masyado naman akong natouch sa sinabi niya.

“Swerte ko naman talaga sa inyo. Buti na lang mahal mo ko.” Confident niyang sabi
sakin.

“Psh. Oo na, basta ba wag ka lang magpapadala sa tukso tukso gaya ni Papa.” Pabiro
na medyo seryoso kong sabi sa kanya.

Nangiti lang siya tapos dahan dahan niya kong tinulak pahiga sa kama tapos umiga
siya ng patagilid sa tabi ko.
“Sayo lang naman ako nagpapatukso e.” Sabi niya pa sabay kindat.

Ako din Dy natutukso! Huhu.

“Uy nagblush. Hahaha. Ang sexy naman ng blush mo.” Tukso niya sakin. Lalo tuloy
akong nagblush.

Umayos siya ng pwesto, yung parang nakaibabaw sakin. Itinulak ko siya ng konti
dahil natatakot akong maipit yung tyan ko.

Tapos eye to eye contact! Ano ba? Ang ganda naman ng mata ni Dylan oh, hahaba pa ng
pilikmata.  Kahit gusto kong kumurap hindi ko magawa, nakipaglaban na lang din ako
titigan sa kanya.

Hanggang sa palapit na yung mukha niya, kiss lang naman ah bakit parang kinakabahan
ako? Huhuhu. Si Dylan kasi parang may maitim na balak sakin.

Hinawakan niya pa yung pisngi ko bago niya mas ilapit yung mukha niya sakin. Ayan
na, palapit ng palapit...

Napalingon naman agad kami ni Dylan sa pinto ng may kumatok, sabay paso si Mama
Dea 

“Ay! Sorry mga anak, hindi ko alam busy pala kayo!” Nagulat na sabi ni Mama Dea
samin, tapos naaalala ko yung posisyon namin!  Nakakahiya naman.
Sa pagkabigla ko natulak ko tuloy ng malakas si Dylan palayo sakin.

“Maaa! Bakit?” Tanong niya na lang sabay pigil kay Mama Dea na isasara na sana yung
pinto.

“Ah wala wala, sige balik ka na dun anak.” Sabi niya kay Dylan.

“Ano nga yun Ma?” Pilit na tanong ni Dylan sa kanya.

“Makikitulog sana ko dito sa inyo. Nasira kasi yung aircon sa dati mong kwarto,
hindi ako makatulog sa init. Ang Papa mo naman nasa guest room, ang Ate mo naman
napakagulo ng kwarto. May tinatapos kasi ata siyang damit kaya hindi ako pwede
dun.” Page explain niya.

“Ma, bakit hindi ka na lang matulog sa tabi ni Papa?” Halatang nang-aasar ‘to si
Dylan.

Hindi sumagot si Mama Dea pero sinamaan lang siya ng tingin.

“Sige po Mama dito na po kayo matulog.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Ah eh ayos lang ba? Baka makaistorbo ako sa gagawin ninyo e.” Parang natatawang
sabi ni Mama Dea.
Kakahiya talaga. Huhu

“Ah hindi po Mama, naghaharutan lang po kami ni Dylan.” Palusot ko sa kanya pero
parang naging defensive pa yata ang dating ko. 

“Sigurado ba kayo?” Tanong niya saming dalawa.

Tumangon ako at wala na din nagawa si Dylan kundi tumango. Ngumiti naman si Mama at
humiga na si left side ng kama. Nagkwentuhan pa kaming tatlo saglit pero maya maya
inatok na din kami.

“Goodnight anak. I love you.” Sabi ni Mama Dea sabay tapik sa pisngi ni Dylan. Nasa
gitna kasi namin ni Mama Dea si Dylan.

“Goodnight Ma, I love you din.” Awww. Ang sweet nila. 

“Goodnight Sophia. I love you na din.” Sabi ni Mama Dea tapos natawa siya.

“Goodnight Mama. I love you na din po.” Tapos natawa din ako.

“Ako naman.” Maktol ni Dy.


“Hahaha. Goodnight baby ko. I love you po.” Sabi ko naman kay Dylan.

“I love you too asawa ko. Goodnight.” Tapos kiniss na niya ko sa lips. 

Si Mama Dea naman tumatawa pa na parang kinikilig.

“Ay goodnight pala sa baby!” Pahabol ni Mama.

“Ma, matulog ka na. Ang wrinkles.” Biro ni Dylan sa kanya.

“Ay oo nga. Hihi. O siya goodnight mga anak.” Huling sabi niya samin.

“Goodnight po.” Sabay naming sabi ni Dy tapos napatingin siya sakin tapos ngumiti.
Kiniss niya ko sa forehead tapos pumikit na siya.

Sa totoo lang ang sarap sarap ng pakiramdam ko, ganito pala ang feeling ng may in-
laws. Ang sarap pala lalo pag tanggap ka nila. Ang cute pa ng pwesto namin na tabi-
tabi kaming tatlo matulog, parang pamilya talaga. Hay sana magkaayos na din sila
Mama Dea at Papa Zeus para hindi na ulit nila kailanganin umalis. Para hindi na
ulit malungkot sila Dylan. 

=================
Chapter Thirty Three

Perfect Mistake Chapter 33

*Sophia’s POV*

“Baby...”

“Mmm...”

“Ui baby, gising na..”

Kahit na antok na antok pa ‘ko pinilit kong imulat yung mata ‘ko, kasi naman ang
kulit netong katabi ko.

“Oh?” Sabi ko habang pilit na dinidilat yung beautiful eyes ko.

“Goodmorning baby!” Bati niya sakin sabay smile, kahit pa magandang view sa umaga
si Dy antok pa din ako.

“Goodmorning. Tulog pa tayo Dy, antok pa ko oh.” Sabi ko tapos pumikit na ako pero
niyakap ko siya, baka kasi magtampo.

“Eh baby! Gising na kasi tayo.” Sabi pa niya habang mahinang niyuyugyog yung
balikat ko. Ang kulit. 
“Bakit ba Dy? Antok na antok pa ko oh.” Gusto ko nang magmaktol.

“Gising ka na. Tignan mo yung kwarto natin dali.” Cheerful niyang sabi. Syempre
pagbigyan, baka kung ano na namang pakana netong asawa ko eh. Pinilit kong ibangon 
yung sarili ko at dumilat kahit antok pa talaga ako.

“Surprise!” Sabi ni Dylan sabay talon sa pababa ng kama at nakaspread pa yung kamay
niya, yung parang itsura ng mga magician pagkatapos gumawa ng magic trick, Yung may
‘tenen’ effect pa. Parang sira lang. 

“Dylan Zayn, bakit ang kalat ng kwarto?” Nakamulagat na tanong ko sa kanya.

“Surprise kaya ‘to! Happy Valentine’s Day baby ko!” Sabi niya sabay inulit yung
pose niya kanina. Hindi ko naman tuloy mapigilan na hindi matawa, yung itsura naman
niya kasi.

“Wag ka na magpanic dyan baby ko, ako naman magliligpit nito.” Tinutukoy nya yung
sinasabi kong mga kalat na petals ng flowers pala na nagkalat sa sahig at kama.
Akala ko kasi nagkalat lang siya tapos ipapalinis niya sakin.

“Happy Valentine’s Day asawa ko.” Sabi niya ulit sabay abot ng bouquet ng roses.
Red and white. Napangiti tuloy ako.

“Happy Valentine’s Day Daddy!” Sagot ko tapos pinatong ko muna yung roses sa kama.
Tumayo ako at niyakap ko siya, ang posisyon namin nakatungtong ako sa kama habang
siya nasa baba at nakayakap sa waist ko.
“Hey baby, happy valentines.” Sabay kiss niya sa tyan ko. Nakiliti naman tuloy
ako. 

“Ano na namang pakana ‘to Dylan?” Natatawa kong tanong, for sure kasi kung hindi
siya may surprise may plinaplano siya. 

“Secret baby. Naisip ko lang kasi first Valentine’s Day natin ‘to na magkasama.
Dapat special di ba?” Tanong niya habang nakayakap pa din.

“Araw-araw naman parang special  na din pag kasama kita ah.” Kinikilig at natatawa
kong sagot.

“Corny baby pero kinikilig ako. Hahaha. Ang bading lang.” Sagot niya sabay yuko.
Nahiya pa. 

“Ligo na baby, basta aalis tayo.” Binuhat niya pa ko pababa ng kama.

“Saan naman tayo pupunta?” Pang iintriga ko sa kanya.

“Basta baby, magbihis ka na ah. Hihintayin kita sa baba, ibibgay ko lang ‘tong
flowers ni Mama at Ate.” Sabay kuha niya nung dalawa pang bouquet sa ibabaw ng work
table niya.

“Sweet naman ni Daddy. Sige liligo na ko ah.” Natutuwa kong sabi sa kanya. Hindi
lang kasi siya sakin sweet, pati kay Mama Dean a sobrang miss na miss niya at kay
Ate Zea kahit lagi siyang sinasapak. Hahaha.
“I love you.” Sabi niya bago bumaba.

Hindi na ako nakasagot kaya naman nagderetso na kaagad ako sa shower at naligo.
Pagkatapos ay namili kaagad ako ng susuotin ko. Yung closet kasi namin ni Dy puno
na ng maternity dress, konting panahon pa puro ganito na yung susuotin ko. Pinili
ko lang yung black na above the knee dress tapos white flats. Para naman medyo
payat akong tignan, sabi kasi nila ang taba ko na daw. :3 Pagkatapos kong mag-ayos
ng konti bumaba na din kaagad ako. Naabutan ko na lang si Dylan, Mama Dea at Papa
Zeus sa sala.

“Happy Valentine’s Day po.” Bati ko sa kanila.

“Happy Valentine’s Day anak.” Masayang bati ni Papa Zeus.

“Happy Valentine’s Day .” Parang walang ganang sagot ni Mama Dea. Napatingin tuloy
ako  kay Dy tapos nagkibit-balikat lang siya. Bigla naman parang naging awkward
yung pakiramdam ko, buti na lang naisipan na ni Dylan magsalita.

“Pa.. Ma.. aalis lang po kami ni Sophia.” Pagpapaalam niya sa kanila. Pakiramdam ko
nailang din sila.

“Sige anak mag-iingat kayo.” Mahinang sagot ni Mama Dea samantalang tumango lang si
papa Zeus.

Hinawakan na ko ni Dy sa kamay tapos lumabas na kami para kunin  yung kotse.


“Dy, sigurado kang iiwan natin sila dun?” Nag-aalala kong tanong sa kanya. Hindi
siya sumagot pero napabuntong-hininga siya.

“Balik tayo.” Yun lang ang sinabi niya bago niya ko hinigit papasok ulit ng bahay.
Nadatnan pa din namin sila Mama at Papa na nakaupo sa iisang sofa pero magkabilang
dulo.

“Oh akala ko lalabas kayo?” Nagulat na tanong ni Mama Dea.

“Hindi na po pala, nagbreakfast na ba kayo?” Tanong ni Dylan sa kanila.

“Oo naman anak, 10 am na din ah. Kanina pa bago sunduin ni Brix ang ate mo.” Sagot
ulit ni Mama Dea habang patuloy lang sa pagbabasa ng newspaper si Papa Zeus.

“Sabay-sabay na lang po tayo maglunch! Magluluto po ako.” Presinta ni Dy, yung


kaninang awkward na feeling napalitan ng tawanan.

“Kelan ka pa natutong magluto anak?” Natatawang tanong ni Papa Zeus.

“Pa naman eh!” Nakamaktol na naman si Dylan.

“Anak sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka nabibigla ka lang?” Nagpipigil din na


tawa ni Mama Dea.
“Maaa! Pati ikaw?” Angal ulit ni Dy.

Kahit natatawa din ako, binack-upan ko na lang siya. Kawawa naman kasi e. Hahaha

“Kami na lang po magluluto ng lunch natin.” Sabi ko at napatigil na din naman sila
sa pagtawa. Ewan ko ba, nakakatawa kang kasi yung thought na magluluto si Dylan ng
lunch. Bano kaya sa kusina yan, pancakes lang ang nakasanayan niyang gawin .

“Bakit? Ayos lang naman kami dito. Mag-date na kayo.” Pilit ni Mama.

“Hindi na po. Matagal pa naman kami magsasama ni Soph e, pwede naman po kami
magdate mamayang dinner. E kayo hindi ko sure kung next valentine’s andito kayo.
Magcelebrate na lang po tayo bilang pamilya.” Seryosong sabi ni Dylan at nakuha ko
yung punto niya. Madami pa nga naman kamin g oras na magkasama pero minsan na lang
niya makakasama yung mga magulang niya. Hindi ko naman kayang ipagdamot pa sa kanya
yun. Nakita kong teary eyed na si Mama habang seryoso lang na nakatingin si Papa
Zeus sa kanila. Parang may nagbabadyang MMK ngayon  kaya naman bago pa magkaiyakan
ay nagsalita na ‘ko.

“Ah tara na Dy, Start na tayo magluto.” Aya ko kay Dylan.

“Sa kitchen lang po kami.” Paalam niya sa mga magulang niya tapos pumunta na kaagad
kami sa kitchen.

“Anong lulutuin natin  Dy? Ano bang magugustuhan nila?” Tanong ko sa kanya habang
nag iisip na din ng lulutuin namin.
“Yung favorite na lang kaya nila?” Suggest naman ni Dylan. Tumango lang ako,
mukhang okay nga yun.

“Beef broccoli  favorite ni Papa, tapos si Mama naman sweet and sour
pork.”         

“Kaya naman, sige yun na lang lutuin  natin .” Sakto naman dumating si Manang Emmy
kaya nagpatulong na din kami maghanda ng pagkain .

“Eh ako anong gagawin ko?” Tanong ni Dylan pagkatapos niyang mang gulo sa ginagawa
namin. Oo nang gugulo lang siya, sabi na bano sa kusina ‘to eh.

“Magsaing ka na lang kaya Dy? Kami na lang ni Manang dito.” Sagot ko sa kanya.

“Ha? Pano ba magsaing?” Tanong niya sa baya kamot sa batok.

“Baka kainin ka ng rice cooker Dy hindi ka marunong magsaing.” Biro ko sa kanya


kaya napanguso na naman siya. Si Manang muna pinaasikaso ko ng pagluluto habang
tinuturuan ko siyang magsaing.

“Ayan hanggang dyan dapat yung tubig ah.” Turo ko sa kanya. “Oh tapos ilagay mo na
sa rice cooker at i-on mo na.”
“Wow fast learner ah.”  Biro ko na naman sa kanya nung nai-on na niya yung rice
cooker.

“Parang aso na naman ako niyan.” Sabi niya pa sabay paawa effect.

“Papaawa na naman ang Dy ko, halika nga dito.” Tawag ko sa kanya at agad naman
siyang lumapit. Niyakap ko siya sa waist at ganun din naman siya sakin.

“Sorry hindi na tayo nakapagdate, mamayang dinner na lang labas tayo.” Sabi niya
sabaya halik sa noo ko.

“Okay lang yun ‘no.” Nakangiti kong sagot sa kanya, okay lang naman kasi talaga
sakin.

“Ehem ehem. Mamaya na ang sweet sweet, yung niluluto mo anak baka masunog.” Tawag
sakin ni Manang.

“Ay oo nga! Wait lang Dy.” Humiwalay kaagad ako sa yakap ni Dy at binalikan  yung
pagluluto ko.

Si Dylan ayun nang gulo na naman, nakikihalo halo tapos tagatikim na din. Hahaha.
Pero infairness natuto daw siya magsaing ah. Ang ending na lang kesa mang gulo siya
samin, pinaghugas ko na lang siya ng lahat ng ginamit namin ni Manang para naman
hindi din makalat ‘tong kitchen.

Nagset-up naman si Dy ng table sa may garde, malapit sa pool para daw mahangin.
Idea niya lahat yun, pati yung plano namin mamaya siya din ang may pasimuno. Nung
natapos na naman lahat ng prinepare namin, inaya na namin  sila Papa at Mama sa
garden.

“Wow favorite ko ‘to.” Sabi ni Mama Deapagkakita ng hinanda namin.

“Tawagin niyo sila Emmy sabihin niyo sumabay na dito.” Suggest ni Papa Zeus
pagkaupo niya. Ipinaghila n iya pa si Mama Dean g upuan sa tabi niya pero sa harap
niya yun naupo.

“Ah Papa, nagpapahinga sila Manang e. Mamaya na daw po sila kakain.” Sagot ni Dylan
pero ang totoo kumakain na sila sa loob. Hindi kasi namin magagawa yung plano namin
kung madami kami.

“Oh ano pang tinatayo niyo dyan? Maupo na nga kayo dito.” Sabi ni Mama nung
napansin niyang nakatay pa din kami ni Dy.

“Saglit lang po Mama, kukuhanin ko lang po pala yung dessert sa ref.” Pagpapalusot
ko.

“Kaya mo bang dalahin? Sasamahan na kita .” Presinta ni Mama sabay tatayo na sana
pero inawat ko din siya kaagad.

“Ay wag na po.”

“Oo nga Ma, ako na lang sasama sa kanya.” Salo ni Dylan.


“Ah.. O h sige dalian  niyo lang baka lumamig yung pagkain.” Pag sang ayon na din
ni Mama.

“Kumain na po kayo, saglit lang naman kami e.” Nilingon pa sila saglit ni Dylan
nung naglalakad na kami.

Syempre kasama sa plano ‘to, wala naman kaming kukunin na dessert kasi nasa table
na lahat. Sinilip na lang namin sila sa bintana malapit sa pintuan. Wala pa kaming
balak bumalik agad, kailangan magkaprogress muna bago kami bumalik dun.

“Ang bagal naman neto ni Papa, di pa magdamoves kaagad.” Reklamo ni Dylan. Hindi
man lang kasi nag uusap yung dalawa. Wala ding kumikilos,  basta nakaupo lang sila.

“Uy nagsalita ang mabilis dumamamoves.” Tukso ko kay Dy. Kunwari na lang hindi niya
napansin yung sinabi ko, deadma effect. Nagmasid lang kami hanggang sa nakita namin
na ipinaglalagay na ni Papa Zeus ng pagkain si Mama Dea sa plato niya. Tama nga si
Mama, mana nga sa kanya si Dy. 

“Kunwari pa ‘tong si Mama, parang kinikilig naman.” Natatawang sabi ni Dylan habang
pinapanood lang namin silang kumain. Totoo din naman kasing parang namumula pa si
Mama. Akala namin ni Dy okay na, yun bang magkwekwentuhan na sila o kaya
magtatawanan na kaso mali pala. Tahimik lang silang kumain, parang galit galit
lang.

“Yun na yun?” Dismayadong tanong sakin ni Dylan.

“Dy, plan B na!” Suggest ko na sa kanya kasi wala ng iuusad pa yung usapan nung
dalawa.

“Okay plan B, Lara sabihin mo buksan nila.” Utos ni Dy kay Lara na agad agad namang
pumunta sa sala. Binuksan nila ng full blast yung stereo sa sala, sapat na para
marining yung tugtog hanggang sa garden.

Who knows how long I've loved youYou know I love you stillWill I wait a lonely
lifetimeIf you want me to, I will.

Saglit namang napahinto sa pagkain sila Mama at Papa. Theme song kasi nila yung
pinatugtog namin, si Manang Emmy ang nagsabi samin nito.

For if I ever saw youI didn't catch your name But it never really matteredI will
always feel the same

At natuwa kaming lahat nung nakita naming effective nga kasi bigkang tumayo si Papa
Zeus at inilahad yun kamay niya kay Mama Dea. Noong una naghehesiatate pa si Mama
sa offer niyapero lumabas din kami sa pinagtataguan namin  at inenecourage siya.
Simpleng ngiti lang ang   isinagot niya saman tapos ay kinuha niya din  yung kamay
ni Papa Zeus at nagslow dance sila.

Love you forever and foreverLove you with all my heartLove you whenever we're
togetherLove you when we're apart

Napangiti naman kaming lahat, nag-apir pa kami ni Dylan kasi naging successful yung
plano namin. Nung nasatisfy na kami sa progress sa kanila pumunta na kami sa dining
at kumain. Galit galit muna, gutom eh. Hahaha. Mukhang okay naman na kasi sila Mama
at Papa, parang medyo nagkakahiyaan pa pero mawawala din naman siguro yun.

Pagkatapos namin kumain ni nag-aya muna si Dylan sa kwarto, magpahinga daw muna
kami tutal dinner pa yung date namin.

“Haaaay. Buti naman nagdamoves damoves na si Papa.” Sabi ni Dylan sabay pabagsak na
nahiga sa kama.

“Oo nga eh, Ang sweet nga nilang, parang first time magdate. Hahaha.” Natatawa tawa
ko pang sagot.

“Kaya nga eh! Dinaig pa tayo ‘no baby?” Sabi niya sabay taas taas ng kilay.
Nagpapacute yan! 

“Oo na, pacute ka pa. CR lang ako.” Sabi ko pero bigla niyang hinawakan yung kamay
ko.

“Eh, tabi ka na lang dito sakin.” Sabi niya sabay pout pa. Eh! Naiihi na kaya ako.

“Eeee! Saglit naman Dy! Naiiihi na ko! Bitaw na.” Sabi ko may kasama pang padyak
padyak. Buti naman binitawan niya din ako.

Halos patakbo na kong pumunta sa CR nakahiga ng maluwag ng matapos ang call of


nature.  Pagtapos ay naghugas ako ng kamay sa sink at nag-ayos ayos na din saglit
kasi baka maya maya biglang mag-aya si Dylan na umalis na, mukhang haggard na ko.
Pagkalabas ko...

“Zzzzzzzzzzz.”
Si Dylan tulog na tulog habang humihilik pa. Grabe lang nakasayad pa yung paa sa
sahig eh. Nilapitan ko naman siya kaagad at inayos ng higa, mabigat pa naman siya
buti na alang nadaan sa pausod usod. Pagkaaayos ko sa kanya humiga na lang din muna
ako sa tabi niya habang hinahaplos yung buhok niya, wala lang kasi siguradong pagod
siya kaya nakatulog siya ng ganito. Nabanggit kasi ni Manang Emmy na maaga nga
siyang gumising para bumili nung flowers na nilagay niya dito sa kwarto namin at
ibinigay samin nila Ate. Hinalikan ko siya sa pisngi tapos tumabi na lang ako sa
kanya.

May biglang nagvibrate sa bandang ulo ko, kinapa ko yun at nakuha ko yung cellphone
ni Dy na ako ang gumagamit ngayon. Inopen ko yung inbox niya and daming text.

From: Nate Fortalejo

    Happy Vehlentine’s Day mga Veh? Hahaha! Wala bang paparty dyan? Kukunat niyo
naman! Haha de joke, wag muna. Vehsy pa ‘ko e. Bukas na lang. :* XD

-          Nate pogi. :D

Natawa naman ako sa message ni Nate. Puro kasi kalokohan  e, ginawa pang VEH yung
asaran na tawagan nilang BEH. 

Nagscroll pa ko ng ilang messages:

From: Cyril Gonzales


    Ampanget ni Nate ‘no? Wahahahaha!  Maligayang Vehluga Day mga panget. Labyuuuu!
Yaksssss! XD

                        P.S. Busy ako, damin g date. Bukas na kayo ah, walang
tampuhan. :*

Wahahaha! Isa pa ‘tong si Cyril e, makagatong ng kalokohan. Akala mo tatahi-tahimik


siya pa pala siya ang pinakamaloko.

From Enzo:

            Happy HEART’S Day Guys! Pakatino kayo, just this time. Stick to one
nga. Kala niyo popogi niyo e. Hahaha. Ge, I’m busy. Bye. :P

So far si Enzo na yung may pinakamatinong message pero natatawa pa din ako,  may
pagkaloko din e. Kailangan ba talaga magbatian sila? Hahaha!

From: Brix

            Tangena mga tol! Nag GGM pa kayo ng ganyan para kayong mga bading.
Manahimik nga kayo diyan, inuman na lang.

                                    Nga pala, Happy Valentine’s Day mga dude.


ILSYM. XD Hahahaha!

Hahahaha! Isa pa ‘tong si Kuya Brix! Pakun wari pa, kasali din pala siya. Grabe
tawa ko dito sa mga ‘to. Puro sila kalokohan. Parang mga abnormal talaga, pero ang
sweet din nila ah. Magbebestfriends nga. Naisip ko lang bigla, ano kayang ginagawa
nila ngayon? Pano kaya sila magspend ng Valentine’s Day?

=================

Chapter Thirty Four

Perfect Mistake Chapter 34

*Zea’s POV*

“Saan ba tayo pupunta?” Nainip na tanong ko kay Brix. Mula kasi kaninang sinundo
niya ako sa bahay binubulabog ko na siya kung saan kami pupunta pero ni isang sagot
wala akong nakuha. Naputulan ng dila?

Hindi na ko nakatiis at binatukan ko na siya, pag gantong hindi niya pinapansin


yung pinagsasabi ko nangangati bgla yung kamay ko at gusto ko siyang sapakin.

“Aray naman Zee! Nakabatok ka na naman, nagddrive kaya ako.” Sabi niya sabay himas
sap arte ng ulo niya na binatukan ko. Di pa ba siya sanay? Hindi kaya kumpleto araw
namin pag hindi ko siya nababatukan.

“Saan ba kasi tayo pupunta? Kanina pa ko tanong ng tanong. Para kang walang naririn
ig eh.” Reklamo ko na sa kanya.

“Relax Zee!” Pacool niya lang sa sabi sakin habang ngingiti-ngiti pa.

“Relax? Paano ‘ko magrerelax e mahigit isang oras ka nang nagddrive dyan! Malay ko
ba kung nasaang lupalop na tayo o kung naliligaw na tayo.” Inis na inis kong sabi
sa kanya. Bwibwisitin niya araw ko, akala ko pa naman free ako sa pagkabwiset
ngayon.

“Actually Zee, we’re kinda lost.” Agkarinig na pagkarinig ko nun agad na naningkit
yung mga mata ko.

“Pero don’t worry, mukhang ala m ko na yung daan.” Cool niya ulit na sabi
samantalang ako bwiset na bwiset na. Pero nanahimik na lang muna ako, pag sinabi
kasi ni Brix na alam na niya sigurado na siya dun.

Pagkatapos ng halos 15 minutes pa sigurong byahe nakarating din kami sa pupuntahan


namin, Pagkababang-pagkababa pa lang namin nagtanong na kaagad ako.

“Ano ‘to Brix?” Nagtataka kong tanong.

“Surprise Zee! Happy Valentine’s Day.” Sabi niya sabay yakap sakin. Aaminin  ko na
kahit nabwiset ako kaninang unaga natuwa naman ako sa surprise niya sakin. Sorang
nakakatouch.

“Thank you Bee. Happy Valentine’s day.” Sagot ko sabay yakap sa kanya.

“Halika, pasok na tayo!” Aya niya sakin at pumasok na kami agad sa loob, sinalubong
naman kami nila sister.

“Ready na po ba sila?” Tanong ni Brix dun sa mga madre .


“Ready na sila Brix.” Masiglang sagot ni Sister Cara habang inaassist nila kami
papunta sa activity hall.

“Goodmorning Ate Zea. Goodmorning Kuya Brix.” Sabay-sabay na sabi nung mga bata
pagkapasok namin sa maliit na activity hall.

“Goodmorning kids! Happy Valentine’s Day! “ Bati sa kanila ni Brix.

“Happy Valentine’s Day din po.” Sagot ulit nila.

Nagsimula na kaming mamigay ng pagkain sa kanila at pagkatapos nun naisipan namin


na mag story telling na lang.

“Gusto niyo ba ng beauty and the beast?” Tanong ko sa mga bata at lahat naman sila
sumang-ayon kaya nagsimula na ko.

“Sa isang malayong kaharian may isang gwapong prinsipe na nag pangalan ay Bee..”
natatawa akong sumulyap kay Brix tapos natawa din siya “.. Kaso salbahe si Bee,
sobrang sama ng ugali niya.. Minsan may isang pulubi na kumatok sa mansyon ni Bee
at nanghihingi ng tulong.. pero hindi siya tinulungan ni Bee.. Ipinagtabuyan pa
siya. Ang hindi alam ni Bee fairy pala yun na nagpapanggap lang na pulubi. Nagalit
kay Bee yung pulubi kasi masama ang ugali niya kaya naman sinumpa siya nung pulubi,
ginawa siyang halimaw. Isang panget, napakapanget, ubod ng panget na halimaw.. Mga
kasing panget ni...” huminto ako sandali sabay tinuro si Brix. “.. niya! Kasing
panget niya nga.” Natawa naman yung mga bata pati yung mga madre.

“Ang daya! Ako nga nga magtutuloy...” Protesta naman ni Brix.


“Tapos sa isang maliita na lugar may nakatirang maganda pero magungit na babae..
Zee ang pangalan niya...”

Tuwang-tuwa ako habang tinitignan si Brix na nakikipagkwentuhan pa sa mga bata


habang ung isa nakaupo pa sa legs niya. Naka Indian seat kai kaming lahat dito sa
activity hall ng bahay ampunan. Madalas ako dito dati pero simula nung naging busy
ako hindi na ako nakakadala dito though tuloy pa din naman yung donations ko
monthly. Bukod pa dun yung limang bata na pinapaaral ko sa elementary. Nakakagaan
kasi sa pakiramdam pagnakakatulong lalo na sa mga batang pinabayaan na ng magulang
at hindi makapag-aral. Swerte na kasi kami dahil may mga magulang kami kahit hindi
sila okay.

Inabutan na din kami ng lunch dito, buti na lang pala nagpahanda si Brix ng
pagkain. Pagkatapos nun namigay kami ng mga regalo at nakipaglaro sa kanila. Kahit
nakakapagod nag-enjoy naman kaming dalawa ni Brix, at worth it lahat habang
nakikita namin na masaya yung mga bata.

Mga hapon na din nung nagdecide na kaming umuwi, may gagawin pa kasing activities
yung mga bata.

“Thank you po Ate Zea, Kuya Brix.” Sabay sabay na sabi nung mga bata tapos isa isa
silang lumapit samin at nagabot ng regalo. May flowers, chocolates at maliliit na
bears. Binigyan tuloy kami nila Sister ng paper bags dahil sa sobrang dami ng bigay
nung mga bata.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na din kami sa kanila, hinatid kami nila Sister
hanggang sa labas.

“Salamat sa pagpunta niyo dito ah.” Sabi ni Sister Cara sabay hawak sa kamay ko.
“Wala po yun, napasaya naman po kami ng mga bata. Sige po sister mauuna na po
kami.” Paalam ko sa kanila.

“Oh sige mag iingat kayo.” Sabi nila samin bago kami sumakay sa kotse.

“Saan mo gustong magdinner?” Tanong ni Brix habang nasa byahe kami.

“Thank you Bee.” Mahina kong sabi sa kanya.

“Ha? May restaurant bang Thank You Bee? Alam ko Jollibee meron.” Natatawa tawa
niyang sagot sakin.

 Nakaranas na naman tuloy siya ng batok.

“Aray! Bininiro ka lang eh.” Sabi niya sabay nguso, kasi naman seryoso kaya ako
dito.

“Kasi naman eh! Nagthathank you kaya ako.” Inis kong sabi sa kanya.

“Oo na nga. You’re welcome Zee. Saan na ba tayo kakain?” Tanong na niya ulit sakin.

“Sa bahay na lang, para makasabay ko naman sila Mama.” Sagot ko sa kanya. Minsang
lang kasi sila andito, lubusin na.
“Sige ihahatid na lang kita. Spend time with your family.” Sabi niya habang
nagddrive pa din. Thankful ako at hindi siya demanding sa oras, instead
pinapabayaan niya kong sulitin yung oras ko kila Mama. Swerte din ako kay Brix
kahit nce in a blue moon lang siya sweet at madalas niya kong bwisitin.

Dala na din siguro ng pagod hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko, ginising na
lang ako ni Brix nung nasa bahay na kami. Agad naman akong bumaba ng kotse.

“Zee hindi na ko papasok ah, pakisabi na lang kita Tita. Nagtext din sila Mama, may
family dinner din daw kami.” Sabi niya habang kinukuha yung mga regalo nung mga
bata at inabot sakin.

“Sige papasok na ko.” Sabi ko sabay tatalikod na sana pero..

“Wait lang Zee.” Rinig kong sabi ni Brix.

Kaya naman lumingon  ulit ako, nagulat ako pagkaharap ko kasi may hawak siyang
bouquet ng roses tapos may mga teddy bears sa ibabaw.

“A-ano ‘to?” Nauutal kong tanong, kasi naman akala ko wala siyang ibibgay sakin.
Kahit na alam kong hindi siya masyadong sweet hindi din maiiwasan na mag expect ako
kahit papano.

“Bulag ka ba Zee? E di flowers.” Binabawi ko na yung sinabi ko, bwiset siya.

Patalikod na ulit sana ko ng higitin niya ko palapit sa kanya sabay yakap.


“Sorry kung wala akong nahandang engrandeng surprise sayo. Masyado na kasing gasgas
e. Sana na appreciate mo yung gift ko kahit simple lang. I love you Zee.” Bulong
niya sa tenga ko.

Brix naman, kinikilig at natouch naman ako sa sinabi mo. 

Bumitaw na kami sa yakap bago ako nagsalita. “Kumag ka talaga. Oo na appreciate ko


yung effort mo mula pa kaninang umaga. Thank you Bee.” Sabi ko tapos kiniss ko na
siya sa lips. Bagal kase. 

Saglit lang yun tapos nagpaalaman na din kami. Pumasok ako sa bahay ng nakangiti,
maganda din  ang naging Valentine’s ko.

*Enzo’s POV*

“Good evening Baby boy!” Mom greeted me through video call.

“Good morning Mom.” I greeted her back.

“We miss you baby boy, wala ka bang date today? Aren’t you dating someone?” She
asked.
“Nah. Don’t have time for that.” I told her.

“Sus, yang gwapo mong yan. Oh siya, what’s your plan for today? Don’t tell me
you’re staying home all day? Ang bitter mo naman pag ganun anak.” She teased me.

“Moooom!” I said sounding so irritated.

“Ang sungit naman, porke gwapo. Hahahaha.” She teased me again.

Hindi na ko sumagot, nag make face na lang ako.

“Anyway, I think we will visit you this summer. Sabi ng Dad mo miss ka na niya.”
She said smiling. Every summer naman nila ako binisibisita, minsan pag Christmas
ako naman ang pumupunta sa states.

“Where is he by the way?” I asked her as I see no sign of Dad on the room.

“He’s in the kitchen preparing breakfast. You want me to call him?” She asked
again.

“No, it’s fine. Kamusta mo na lang ako sa kanya.” I told her.


“Mooom! It’s my turn already. Ako na kasi dyan mag uusap pa kami ng kapatid ko.” I
heard Ely  blurted behind Mom.

“Sandali lang naman Ely! This is your laptop naman, let me talk to him first.” Mom
insisted. Natatawa lang ako sa kanila kasi para silang mga bata.

“Moooom! Ako na kasi e.” Hindi naman nagpatalo si Ely.

“Fine fine! Stop nagging Elysse! Magpapaalam lang ako kay Enzo.” She said to Ely
then turned to me. “Baby, I have to go na. Yung kapatid mo nakakapanibago, why on
earth did she suddenly wanted to talk you too much lately?” She asked curiously.

I shrugged. “Haven’t got a clue.”

“Well, I gotta go. Let’s talk again maybe later okay? I love you Enzo.”

“I love you too Mom. Bye.”

She waved then went out of the room. Ely took her place and cheerfully asked me.
“She’s gone. What now? Where is she? Is she there? Why didn’t you tell Mom? Can I
talk to her?”

“You think I can answer all of that?” I shook my head then she pouted.
“Ano na kasi? Is she there?” She asked again.

“Nope.”

“Ang tipid! Where is she? Di ba you’re supposed to be spending together?” She


nosily asked again. What a very nosy sister I have.

“Umalis.” Tipid ko ulit na sagot.

“Ha? Saan pumunta?”

I shrugged my shoulder. “Malay ko.”

“Baka nakipagdate? Uyyyy selos. Hahahahaha.” She teased me, she’s just like Mom.

“Psh.” I hissed.

“Uy hahaha! Anyway, pakikamusta na lang ako sa kanya ha. Sige bye bye na Enzo,
gugutom na ko eh.” She said habang nagpapacute.

“Oink oink.” Natatawa kong asar sa kanya.


“Argh! Damn you Enzo!” She said angrily and I laughed harder .

“I’m homeeee!” I heard her shout from the living room.

“Ely, she’s here. I gotta go! Bye!” I said and I didn’t wait for her to answer. I
immediately turn off the laptop and pretended to be asleep on my bed.

“Uy, tulog ng tulog. Gising na, I brought you food.” She said tapping my arms.

“Mmmm....” I sleepily said to her.

“Weh? Peke. Gising ka eh! Hahaha.” Shoot. Bisto ako.

“Tulug tulugan ka pa dyan, narinig kita kanina. Sino kausap mo?” She asked nung
bumangon na ko . Wala eh, nabisto ako.

“Si Ely. Hmp saan galing yan?” Tanong ko referring to the flowers she is holding.

“Alam mo na yun.” Maigsi niyang sagot.


“Psh.”

“Uy jelling! Hahaha. Hayaan mo na po, mas gusto ko naman yung mga binibigay mo.”
She replied.

“Hmp. Luto na nga tayo, I’m hungry.” I said to her. Kanina ko pa din kasi siya
hinihintay e.

“Sige. Ano iluluto ko?” She said then she pinched my cheeks.

“Cuuuuuuuute!” She said as she pinched it harder.

“Owww! Stop it.”

“Hahaha. Lika na luto na tayo, what do you want?” She asked me habang hinihila ako
patayo.

“Corned beef.” Sagot ko as I put on my slippers at sumunod sa kanya papuntang


kitchen.

“Ha? Walang umay umay?” Natatawa niyang sagot sakin.


“That’s my favorite eh.” 

“Awww cat face. Fine, dyan ka lang magluluto na ko.” Sabi niya bago tumalikod at
nagprepare na nga food.

I stood up and hugged her from the back. She loves it every time.

“Mmm?” She asked while chopping potatoes.

“Je t’aime Vie.” I whispered to her ear.

She turned to face me. “I love you too. Happy Valentine’s.”

“Happy Valentine’s day.” I replied

*Cyril’s POV*

“Hi Babe.” Sabi nung babae sabay lagay ng kamay niya paikot sa braso ko.
“Oh hi, kamusta?” Bati ko sa kanya kahit sa totoo lang hindi ko na alam ang
pangalan niya, pero kilala ko siya sa mukha.

“Namiss ka namin dito, ang tagal mong nawala.” Sabi niya sabay lingkis na naman
sakin.

“Busy lang, namiss ko din naman kayo.” Sagot ko sa kanya pagkatapos ay hinawakan ko
siya sa baba at hinalikan, smack lang naman.

“Sagot ko na drinks mo.” Sabi niya sabay hatak sakin papunta sa bar counter. Ohoy
libre na naman. Hahaha 

“Dalawang Rum Collins please.” Order niya sa bartender tapos tumayo siya sa harapan
ko. Nakaupo na kasi ako ngayon sa isang stool, pagkatapos ay pinulupot niya yung
dalawang kamay niya paikot sa leeg ko. Napangisi na lang ako, ang pogi ko talaga. 

“Babe, ibreak mo na silang lahat. Sakin ka na lang, hindi ka naman magsisisi.”


Halos pabulong niyang sabi sabay halik sa gilid ng tenga ko.

“Excuse me kuya bartender, isang Major Bailey’s nga.” Narinig kong sabi nung
pamilyar na boses. Paglingon ko..

“Hi.”  Nakangiti niyang sabi sakin  habang umiinom nun g inorder niya.

“Anong ginagawa mo dito?” Natatawa kong tanong sa kanya, pano ba naman talagang
hindi niya matiis ang kagwapuhan ko. Sinundan niya pa din ako hanggang dito,
babantayan niya ba ko? Hindi ko alam kung bakit parang natatawa pa ko imbes na
mainis ako.

“Bakit bawal ba ‘ko dito? May hinihintay ako.” Sabi niya sabay inom ulit.

Natawa na lang ako, kunwari pa ‘tong may hinihintay e ako lang naman yun. Wahahaha!

“Babe sino siya?” Tanong naman nitong babaeng nakalimutan ko ang pangalan.

“Stalker ko.” Natatawa kong sagot sa kanya habang nakatingin kay pukyot. Inismiran
naman siya nitong kasama ko.

“So babe, yung sinasabi ko na. Ibreak mo na kasi yung mga iba.” Pilit niya pa
sakin, paran gusto niya pang seryosohin ko siya.

“Can’t promise you anything babe, alam mo naman na sa dami ng girlfriends ko


mahihirapan akong ibreak silang lahat.” Totoo naman kasi, yung iba nga feeling ko 
nagclaclaim na lang na girlfriend ko kahit hindi ko sila matandaan.

Napanguso lang yung babae kaya bilang pampalubog loob hinalikan ko na lang siya.

“Hi honey!“ May narinig akong boses ng lalaki.

“Hi Vince!” Narinig kong sagot ni pukyot habang hinahalikan ako nung babae kaya
napahinto ako sandali at lumingon.

“Sorry ah. Tagal ko ba?” Tanong sa kanya nung lalaki sabay halik sa pisngi niya.

“Hindi naman kadadating ko lang.” Sagot niya habang ngiting-ngiti dun sa kupal na
lalaki na yun. Psh.

“Hoy!” Tawag ko kay Pukyot.

“Huh?” Clueless niyang sabi. Minsan, correction madalas talaga tanga din ‘to eh.

“Halika na.” Sabi ko sabay tayo tapos higit sa kamay niya.

“Babe? Wait don’t leave me here!” Sabay kapit naman nitong si *Babe?* sa braso ko.

“Malaki ka na, makakauwi ka naman na mag-iisa. Iuuwi ko na si Honey.” Malamaig kong


sagot sa kanya.

“What?? Honey??! Wala ka pang tinawag na honey sa mga girlfriends mo! Akala ko ba
stalker mo  yan? Hoy! Bumalik ka dito wag mo kong talikuran.” Dere-deretsong sabi
nung babae. Ang tange din niya ‘no? Hindi ba niya naisip na baka pangalan yun?

“A-ah Vince! Mauna na ko, magtetext na lang ako.” Sabi pa nitong pukyot na ‘to kaya
naman mas hinila ko siya.

Pagdating sa tabi ng kotse ko binitawan ko din yung kamay niya.

“Ganyan ka ba talaga? Kahit kaninong lalaki sumasama ka? Lahat na lang ba kinukulit
mo? Yung mga ginagawa mo sakin ginagawa mo din ba sa kanila?” Inis kong tanong sa
kanya. Ano pala ko trip trip?

“Hihihi.” Imbes na sumagot siya humagkhik lang siya.

“Bakit ka tumatawa? Nababaliw ka na?” Medyo napataas na naman yung boses ko.

“Si Vince pinsan ko yun.” Natatawa pa din niyang sagot. “Siya ang may-ari nitong
bar.”

Nyeta! Pinsan pala yung kumag na yun, pahiya pa tuloy ako.

“Kahit na!” Kunwari naiinis ko pa ding sabi para pagtakpan yung pagkapahiya ko,
tumalikod na lang din ako at namewang. Nakakahiya naman pinagsasabi ko baka isipin
pa nito may gusto ako sa kanya. EW!

Nagulat na lang ako nung naramdaman kong niyakap niya ko mula sa likod.
“Hihi, sorry na batman. Wag ka na magselos dyan!”

“Anong selos selos pin agsasabi mo dyan? Nakakain ba yun? Sino nagsasabing
nagseselos ako? Bitawan mo nga ko, asa ka naman dyan.” Sabi ko habang nakapamewang
pa din. Kainis lang, ayoko ng may kaagaw ako sa kapogian ko.

“Hihi. Obvious naman e! Wag ka na magselos batman ko. Ikaw lang naman gusto ko e.”
Sabi niya sabay yakap sakin ng mas mahigpit.

POTEK! Cyril pogi wag kang ngingiti, takte wag kang matuwa! Baduy yun, baduy!
Nyeta! Kahit anong sabi ko sa sarili ko na wag akong ngingiti hindi ko mapigilan.
Tangena nakakaihi naman yung ganitong pakiramdam.

“Psh. Tara na nga.” Sabi ko sabay hila na lang sa kanya papunta sa kotse ko.

“Ha? Saan tayo pupunta?” Nagtataka niyang tanong pero sumakay din naman siya sa
kotse ko.

“Date.” Maigsi kong sagot pahkasakay ko.

“Ha? Talaga? Date tay?” Tuwang-tuwa niyang sabi.

“Oo, sinira mo mga scheduled date ko e.” Walang gana kong sagot at as expected    
humagikhik lang siya..
***

“Anong gagawin natin dito?” Tanong niya sakin.

Napailing ako bago sumagot. “Baka magcacamping? Tanag lang? Syempre magskaskate.”
Tapos bumaling na ko sa counter. “Dalawa nga.” Sabay abot ng bayad.

Binigyan niya kami ng dalawang ticket pagkatapos ay kumuha na kami ng skating


shoes.

“Eh batman, sandali lang.” Pigil ni pukyot sakin .

“Problema mo? NaCCR ka?” Tanong ko sa kanya. Excited na ko magskate e.  

“Ano kasi... hindi ako marunong magskate.” Sabi niya sabay kagat sa ibabang labi
niya.

Syet! Pang-akit. “Dakilang engot ka talaga kahit kalian.” Sagot ko sabay hawak sa
kamay niya. POTANGENA ang landi ko lang! 

“Aalalayan na lang kita.” Sabi ko tapos hinila ko na siya papunta sa gitna ng


skating rink. Ang tagal nga namin bago makarating dun, gumegewang pa kasi siya kaya
ang bagal namin. Nung nakarating na kami sa gitna isinagawa ko na ang plano ko.
Mehehehe! 
“Bbye pukyot!” Sabi ko tapos binitawan ko siya sa gitna.

“O-oy! Batman wag mo ko iwan dito.” Sabi niya habang dahan dahan na naglalakad.
Gumegewang-gewang pa siya. Wahahaha!

“Ano na pukyot? Bakit di ka makaalis dyan?” Nang-aasar kong tanong  habang


nagskaskate paikot-ikot sa kanya.

“U-uy batman. Halaaaa woooo halaaa!” Nagpapanic na siya habang pinipigil niyang
bumagsak.

*PLOP!*

“Wahahahaha!” Tawa ko sa itsura niya.

“Aray... ang sakit ng pwet ko.” Maiyak-iyak niyang sabi habang nakaupo na sa yelo.

“Wahahaha!” Tawa pa din ako ng tawa habang nakaupo siya sa yelo. Kahit natatawa ako
nilapitan ko na din siya tapos tinulungan tumayo.

“Dakilang engot, hawak ka sa kamay ko tuturuan kita.” Sabi ko tapos sinabayan ko


siya magskate.
Nakailang bagsak pa ulit siya, halos sumakit na yung tyan ko sa kakatawa. Muntik na
din ako mabwiset kasi ang tagal niyang matuto. Pero nung sa wakas natuto na siya...

“Batmaaaaan... tignan mo oh! Marunong na koooo!” Tuwang tuwa niyang sabi habang
umiikot ikot sa rink.

“Sir, Ma’am time na po.” Sabi samin nung isang staff.

Napanguso naman si Honey. “Sayang naman, ngayon pa lang ulit ako nag-eenjoy eh.”

“Yan engot ka kasing pukyot ka eh. Tara na gutom na ko.” Sabay dila sa kanya tapos
pumunta na ko sa exit. Sumunod din naman siya kaagad sakin.

Dahil nasa mall na din kami, dito na kami kumain. At doon ko napatunayan na halimaw
‘tong kasama ko. Ang dami niya kinain! Bumili pa kami ng ice cream pagkatapos nun.

“Grabe nabusog ako.” Sabi niya habang kumakain ng ice cream sab ay upo sa isang
bench.

“Pano halos pati plato kainin ko. Grabe monster ka talaga.” Sabi ko sabay upo na
din sa tabi niya. Napanguso lang siya tapos kumain na ulit ng ice cream.

Nakaisip at nakagawa na naman tuloy ako ng isang kalokohan. 

“Wahahahaha!” Tawa ko ng tawa pagharap niya sakin . Tinapik ko kasi yung kamay
niyang may hawak na ice cream kaya naman tumama yun sa mukha niya. Nagkaron tuloy
siya ng ice cram sa gitna ng ilong niya. Wahahahaha! 
“Ah ganun ah!” Sabi niya sabay subsob ng ice cream na hawak ko papunta sa mukha ko.

“Hahahahaha!” Tawang tawa din siya sa ginawa niya.

Pero syempre hindi papatalo ang pogi kaya naman pinahiran ko ulit siya ng ice cream
sa mukha. Gumanti ulit siya kaya naman nagpahiran lang kami ng ice cream  sa mukha
hanggang sa naglagkit kami...

*Nate’s POV*

Today was a fairytale you were the prince, I used to be a damsel in distress

You took me by the hand and you pick me up at six

Today was a fairytale

“Chiks talaga boses nitong si Taylor Swift oh. Kaya gustong gusto ni Beb ‘to eh.”
Sabi ko sa sarili ko habang nagddrive papunta kila Janna. Susunduin ko kai siya,
may date kami. 

Today was a fairytale you I wear a dress you wear a dark gray t-shirt

You tell me I was pretty when I look like a mess


Today was a fairytale

Pinatay ko na yung radio bago ako bumaba. Tapos inayos ko muna yung sarili ko bago
ako nagdoorbell. Syempre dapat pogi. 

“Goodafternoon po tita.” Bati ko sa Mommy ni Janna.

“Goodafternoon hijo. Pasok ka, tatawagin ko lang si Jannina.” Sabi niya pagkapasok
ko sa bahay nila. Pinaupo niya muna ako sa sala tapos umakyat para tawagin si
Janna.

“Oh Nate, ang aga mo naman.” Sabi niya pagkababa niya. Ang ganda talaga ni Beb. 

“Miss na kaya kita. Pwede ba ngayon na tayo umalis?” Aya ko sa kanya, balak ko kasi
pumunta kami sa theme park bago mag dinner.

“Ah kasi Nate, dadating yung mga friends ni Mommy. Gusto ko sana siya tulungan
magluto ng dinner nila bago tayo umalis. Mahinang sabi niya na parang nahihiya.

“Ah ganun ba? Sige tutulungan  ko na lang kayo magluto bago tayo umalis.” Nakangiti
kong sagot sa kanya. Syempre pogi points yun sa kanya at sa Mommy niya. Talino ko
talaga.

“Talaga? Okay lang ba sayo?” Tanong niya sakin.


“Oo naman, sure na sura. Tara luto na tayo.” Aya ko sa kanya.

Tinulungan  ko na sila ni Tita magluto ng dinner. Grabe ang dami din nito, buti
tumulong ako kasi sigurado mapapagod si Beb dito.

“Thank you Nate sa pagtulong ha. Naistorbo ko pa tuloy ang date niyo.” Sabi sakin
ni Tita nung malapit lapit na din kaming matapos sa niluluto namin.

“Wala po yun Tita. Okay lang po, dinner pa naman po yun e.” Nakangiti kong sagot sa
kanya. Close na kami ni Tita. 

“Sabi ko naman kasi dito kay Jannina  na kaya ko na lahat ‘to e.” Sagot niya sakin.

“Mommy, ang dami dami lahat nito. Baka mamaya dumating na sila Tita Ria hindi ka pa
din tapos dito.” Sagot naman ni Janna.

“Sus ang anak ko talaga. O siya, ayusin na natin ‘to para makapagdate na kayo.
Hindi ko na kayo aayain na dito na mag dinner dahil alam kong kailangan niyo ng
quality time together. Hahaha.” Sabi ni Tita sabay kindat pa samin. Namula naman
tuloy si Beb. 

Mga 6:30 na nung natapos kaming magluto at mag-ayos. Grabe halos 4 hours na din
yata kaming nagluto.

“Mommy, aalis na po ni Nate.” Paalam niya sabay halik sa pisngi ni Tita.


“Sige enjoy mga anak. Happy Valentine’s Day.” Bati nama ni Tita samin.

“Happy Valentine’s Day din Mommy.” Bati ni Janna sa Mommy niya.

“Happy Valentine’s Day po.” Sabi ko sabay abot nung roses na dala ko. Kinuha ko
lang ‘to sa kotse pagkatapos namin magluto.

“Salamat Nate.” Sabi ni tita sabay halik din sa pisngi ko. “O sige na, baka gabihin
kayo masyado. Mag-iingat sa pagddrive ha.” Bilin niya samin bago kami hinatid sa
pintuan.

“Opo.” Sabay naming sagot bago lumabas ng pinto.

“Beb wait lang may ibibigay lang ako.” Sabi ko sa kanya kaya naman huminto siya sa
tapat ng kotse ko. Binuksan ko yung pinto sa backseat tapos kinuha ko yung flowers
at chocolates. Grabe parang masyado niyang naarawan yung flowers. Ang tagal din
kasi namin sa loob e. Pero teka parang may kulan... Asan yung bear??

“Arf arf”

“Aaaah Luigiiiiii!” Napalakas yung boses ko, pano ba naman kasi nasa sahig ng kotse
ko si Luigi habang kinagat kagat yung bear na ibibgay ko kay Janna. Bukod sa sira
na puro laway niya pa. 
“Bakit Nate? Ano yun?” Usisa naman ni Janna.

“Woah! Luigi! Paano ka napunta dyan?” Gulat niyang tanong.

“Baka hindi ko napansin na sumunod siya sakin kaninang kinuha ko yung flowers ni
Tita. Beb oh.” Sabi ko sabay nanlulumong abot sa kanya nung mga ibibgay ko. Para
kasing ang malas ko naman ngayon.

“Oh bakit ganyan mukha mo? Thank you dito beb ah!” Ngiting-ngiti niyang sabi.

“Kasi parang ang dry na nun g flowers, tapos yung chocolates baka tunaw na. Tapos
yung bear mo ayun nginata ni Luigi. Malungkot ko pa ding sagot.

“Ano ka ba? Okay lang yun beb. Pwede namang iref yung chocolates tapos ilagay sa
vase yung flowers. Sorry pala dun sa bear.” Sabi niya naman sakin. Buti na lang
hindi siya disappointed, babawi na lang ako mamaya sa dinner.

“Wait lang beb ah. Iapapasok ko lang si Luigi pati yung mga bigay mo. Smile na beb,
pogi mo pa naman ngayon.” Natatawa tawa niyang sabi bago pumasok sa loob bitbit
yung flowers, chocolates, si Luigi at yung minassacre na bear.

Hinintay ko na lang siya hanggang sa makabalik siya at makasakay sa kotse, Malapit


lapit lang din naman sa kanila yung restaurant kung saan ako nagpareserve para sa
dinner date namin. Paghinto namin sa tapat ng resto nagmamadali akong bumaba para
pagbuksan siya ng pinto. Syempre kailang gentleman. Inalalayan ko pa siya sa
pagbaba. Grabe ang ganda ganda talaga ni Beb, lalo ngayon. Nakakainlove. 

Kinawait niya pa yung kamay niya sa braso ko habang papasok kami ng resto. Feeling
ko tuloy boyfriend niya ko. 

“Excuse me. I have a reservation under the name Nathan Fortalejo.” Sabi ko sa
receptionist.

“Please allow me to confirm your reservation Sir.” Sagot niya bago icheck.

“Uhm... Sorry sir your name is not listed on the reservation list.” Sagot sakin
nung babae.

“Huh? That can’t be. Pakidouble check naman miss.” Worried kong sagot sa kanya.

“Sorry sir wala po talaga.” Malungkot niyang sagot sakin.

“Pano yan? May vacant table pa ba kayo? Kahit hindi na sa rooftop garden.” Tanong
ko ulit sa kanya.

Medyo dismayado na ako kasi hindi umaayon yung mga plano ko sa nangyayari.

“Sorry sir fully occupied po lahat.” Sagot niya ulit.

“Sige thank you.” Sabi ko tapos  tumalikod na ko sa kanya.


“Hey cheer up Beb. Okay lang yan.” Sabi sakin ni Janna sabay ngiti tapos hinawakan
niya yung kamay ko.

“Sorry beb hindi maganda experience mo ngayong date natin. Saang resto na kaya tayo
kakain? Siguradong occupied din lahat ng magagandang resto ngayon.” Depressed kong
sagot sa kanya.

“May alam akong foodhouse na hindi madalas matao, gusto mo try natin dun? Masarap
ang food nila dun.” Masaya niyang sabi, talagang pinagagaan niya yung pakiramdam
ko.

“Gusto mo ba dun?” Paninigurado ko tapos hinawakan ko na din yung kamay niya.

“Oo naman. Kasama naman kita e.” Tapos ngumiti na naman siya. Lalo ko tuloy siya
minamahal, ang sweet niya kasi.

Gaya nga ng sabi niya doon na kami nagpunta sa sinuggest niyang lugar. Medyo
malayo-layo nga lang pero sulit naman kasi hindi nga masyadong matao. Medyo looban
na part kasi yung resto, sabi ni Beb hindi daw kasi nag aadvertise yung resto na
‘to, spreaded by word lang kaya sila nagkakaron ng customers pero lahat naman yun
loyal na. Sa food wala din akong masasabi, parang mas masarap pa sa mga high class
resto. No wonder madami din silang loyal customers. Pagkatapos namin kumain inaya
ako ni Janna na mgalakad lakad sa seaside promenade na malapit dito. Naisip ko lang
bakit hindi ko agad nadiscover ‘tong lugar na ‘to e sobrang romantic dito.

“Beb, nag-enjoy ka ba?” Worried kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko kasi wala nam
ang special na nagyari ngayong araw na ‘to.
“Oo naman.” Sagot niya sabay huminto at sumandal sa grills.

“Kahit ang dami kong palpak?” Nahihiya ko pang tanong sa kanya.

“Importante naman sakin ang effort Nate. Nakita ko naman yung effort mo para maging
special ‘tong araw na ‘to. Mula sa pagtulong mo kay Mommy hanggang sa pagsama sakin
maglakad lakad dito. Yun pa lang Nate sobra na. Thank you.” Hinawakan niya pa yung
pisngi ko habang sinasabi ko.

 Napangiti na din ako, iba talaga ‘tong babae na ‘to. “Thank you beb naappreciate
mo lahat. Sayang lang talaga kasi gustong gusto kitang madala sa rooftop garden
dun, e di sana nagsloslow dance na tayo dun ngayon.”

“Pwede naman dito ah.” Natatawa niyang sagot tapos kinuha niya yung dalawa kong
kamay at inilagay sa waist ko. Pinaikot niya naman yung dalawang kamay niya sa leeg
ko at nagslow dance na nga kami.

“Wala namang tugtog e.” Biro ko sa kanya.

Huminto siya sandali. “Tutog? Sandali ah. Bibigyan kita ng tugtog.” Natatawa niya
ding sabi sabay kuha ng phone niya sa bag.

Time slows down whenever you’re around

But can you feel this magic in the air


It must’ve been the way you kiss me

Fell inlove when I saw you standing there

It must’ve been the way today was a fairytale

It must’ve been the way today was a fairytale

“Oh ayan tugtog.” Natatawa niyang sabi tapos nilagay niya ulit yung kamay niya sa
leeg ko. Natawa na lang din ako.

Today was a fairytale

You’ve got a smile that takes me to another planet

Every move you make, everything you say is right

Today was a fairytale

“Princess, ang ganda ganda mo ngayon.” Nakangiti kong sabi habang titig na titig
ako sa kanya.

“Bolero ka beb! Hahaha. Pero super gwapo mo din ngayon ah. Nag papaimpress?” Tukso
niya sakin.

“Naimpress ka naman ba?” Tanong ko sa kanya.


“Sobra.” Nakangiti niyang sagot tapos tinitigan niya din ako.

Time slows down whenever you’re around

But can you feel this magic in the air

It must’ve been the way you kiss me

Fell inlove when I saw you standing there

It must’ve been the way today was a fairytale

Hinapit ko siya papalapit sakin at tinignan lang sa mukha. Ramdam ko kasi eto na
yun e,              dito na yung moment na yun.

Time slows down, whenever you’re around

I can feel my heart, it’s beating in my chest

Did you feel it?

I can put this down

Unti-unti ko ng nilapit yung mukha ko sa kanya habang siya nakatitig lang din
sakin. I think this is it. Pinikit ko na din yung mga mata ko at hinintay ko na
lang na magkalapit yung labi namin.
But can you feel this magic in the air

It must’ve been the way you kiss me

Fell inlove when I saw you standing there

It must’ve been the way

Then our lips met. I felt all zingy inside. Isang bagay lang ang narealize ko
habang magkalapat yung lips namin ....

Na mahal ko talaga si Janna.

Parehas kaming nakangiti nung unti unting maghiwalay yung lips namin. Masayang-
masaya ako.

“I love you my princess.” Sabi ko sabay yakap sa kanya.

“I love you too my prince Nate.” Sagot niya sabay yakap din ng mahigpit sakin.

“Happy Valentine’s Day.” Sabay naming sabi sa isa’t-isa.

But can you feel this magic in the air


It must’ve been the way you kiss me

Fell inlove when I saw you standing there

It must’ve been the way

Today was a fairytale

It must’ve been the way

Today was a fairytale

Today was a fairytale

*Dylan’s POV*

“Oh gising ka na pala.” Bati sakin ni Sophia pagkagising ko.

“Anong oras na baby?” Inaantok ko pang tanong sa kanya.

“8” Tipid niyang sagot.

Napatayo ako tapos hinarap ko siya. “Baby 8 na nga?” Nanlalaki pa yung mata ko
habang nagtatanong. Grabe sobrang napasarap yung tulog ko ah!
“Ay hindi hindi 9 na Dy. Kakasabi ko lang di ba?” Natatawa niyang sagot sakin.
Inasar pa ko.

“Hala! Dalian mo baby aalis pa tayo!” Sabi ko sabay tayo pero hinawakan niya yung
kamay ko.

“Hep! Anong oras na oh, saka nag handa na din ng dinner para satin sila Mama.
Andyan na din sila Ate Zea.” Sagot niya sakin habang nakaupo pa din sa kama.

“Ha? E pano yung date natin? Babawi pa nga ako sayo e.” Nakanguso kong sabi. Kasi
naman natulog tulog pa ko e. 

“Tumabi ka nga sakin dito.” Sabi niya kaya naman umupo ako sa tabi niya.

Kinurot niya yung pisngi ko tapos inayos ayos yung buhok ko. “Alam mo baby kahit
hindi na tayo magdate okay lang sakin.  May nagawa naman tayong mabuti ngayong
araw, napag usap natin sila Mama at Papa. Masaya na ko dun, saka di ba nag effort
ka naman na kaninang umaga?” Sagot niya sabay ngiti sakin. Ang asawa ko talaga,
sobrang sweet.

“Eh, kahit na baby. Wala man lang akong surprise sayo. Wala din akong gift.” Sagot
ko sa kanya. Hindi ko man lang kasi siya nabili ng kahit ano. Kainis naman ako.

“Gift? May gift ka na sakin.” Nakangiti niya ulit na sagot.

Napataas naman yung kilay ko. “Anong gift?” Tanong ko habang nagtataka, wala naman
kasi akong binibigay sa kanya.
“Kayo. Makasama ko lang kayo ni baby gift na yun. Alam mo Dy araw-araw parang
Valentine’s din naman na pagmagkasama tayo. Mahal kita. Mahal mo naman ako di ba?”
Tanong niya sakin.

“Oo naman!” Nagmamadali ko pang sagot.

“See. Yun ang importante. Hindi naman nasusukat sa gifts, flowers at kung ano ano
pa ang pagcecelebrate ng Valentine’s day. It’s about how you feel. At para sakin
masayang masaya ko,  dahil sayo. You are my only Valentine.” Sabi niya sabay kiss
sakin.

Syempre I kissed her back. Napangiti ako pagkatapos. I guess she’s right. Last
Valentine’s I have no one with me. Nagstay lang ako dito sa bahay nun, this time
nasa bahay din naman ako pero iba. I have my parents, my wife and my baby with me.
Masaya na ko dito, I wouldn’t trade them for anything else. Now I do get the true
essence of Valentine’s Day.

“This is my best Valentine’s Day ever.” Sabi ko bago ulit siya halikan.

=================

Chapter Thirty Five

Dedicated to my pinakamamahal na waype. :* 

Perfect Mistake: Chapter 35   

 *Sophia's POV*
“Dy dalian mo naman maligo.” Sabi ko sabay katok ng katok sa pinto ng CR.

“Bigla naman niyang binukas yung pinto at sumilip. “Bakit ba?”

“Dalian mo naiihi ako!” Sigaw ko sa kanya.

“Oh di magCR ka dito.” Natatawa niya pang sagot. Bwiset, tinatawanan pa ko. 

“Naliligo ka eh.” Nakabusangot ko ng sagot sa kanya.

“Hahahaha. Oh ano naman? Mag CR ka na.” Sabi niya ulit sabay ngiting nakaloloko.

“Eh ayoko nga! Dalian mo na kasi!” Naiinis ko nang sabi, galing talaga mang-asar
nito. 

“Nahihiya..... Hahahaha! Sige na CR ka na. Para naman hindi ko pa yan naki-MMMPH!”

Bwiset! ARGH! Binato ko nga ng towel, ang daldal daldal e. Kung sana binilisan na
lang niya yung pagligo, bwiset talaga.

“Aray! Baby bakit ka naman nambabato?” Tanong niya.


“Bwiset ka kasi e, bahala ka dyan! Sa baba na ko magCCR!” Sigaw ko sa kanya tapos
nagmamadali na kong bumaba. Nakasalubong ko pa si Mama Dea.

“Oh anak, ang aga aga nakasimangot. Bakit?” Bati niya sakin.

“Si Dylan po kasi nang-aasar.” Parang nagsusumbong pa ko kay Mama.

“Hahaha. Nako anak, naglalambing lang yun sayo.” Natatawang sagot ni Mama,
napanguso na lang tuloy ako. Hindi paglalambing yung ginagawa nun, talagang inaasar
niya ko. 

“Sige po Mama, naCCR po ako e.” Paalam ko tapos halos patakbo na akong pumunta ng
CR.

“Oh hija, dahan dahan baka madulas ka.” Sabi ni Papa Zeus nung malagpasan ko siya.
Grabe bwiset na Dylan kasi yun e. Wag niya ko kakausapin mamaya. Hmp.

Uwaaaa... my precious CR! Sa wakas nakapagCR na din. Kainis bakit ba madalas na


lang akong tawagin ni Mother Nature? 

Paglabas ko ng CR dumeretso na ko ng kitchen, ngayon naman gutom na ko. Waaaaah,


baby gutom ka na ba? 
“Oh ang aga mo naman yata bumaba? Nasaan si Dylan?” Tanong niya sakin habang
naghahanda ng breakfast.

“Naflush na po sa toilet.” Nakabusangot ko pa ding sagot.

“Oh bakit? Nagtalo na naman ba kayo?” Tanong niya sakin at tinulungan ko na siya
maghanda ng pagkain.

“Aga po akong inasar e. Nakakainis.” Sumbong ko na naman, para mamaya pagkain namin
lagot siya. Wahaha! 

“Nako ikaw talaga. Binibiro ka lang nun, maharot talaga yung bata na yun lalo noon.
Lagi ngang nasisita ni Zeus yan eh.” Kwento ni Manang sakin.

“Bakit ano ano po bang ginagawa ni Dylan noon?” Tanong ko. Nacucurious kasi ako
bigla kung paano ba magharot yung batang Dylan. Pang blackmail. 

“Nako, nabasag niya noon ang salamin sa harapan ng kotse ng Papa niya. Naglalaro
daw kasi siya noon ng golf eh. Hindi pa namin malalaman kung hindi pa umiyak at may
dalang bag.” Natatawang kwento ni Manang sakin.

“Maglalayas po?” Natatawa at nagulat ko ding sagot.

“Oo, ang sabi niya pa noon e itatapon na daw siya ng Papa niya sa basura pagnalaman
ang kasalanan niya.” Sagot ulit ni Manang.
“Talaga po? Hahahaha.” Natatawa kong tanong. Pano ba naman naiimagine ko siya
habang sinasabi yun sa Papa niya.

“Oo madami pa yang kalokohan noon, sinasagasaan niya yung mga bulaklak na tanim ng
Mama niya. Yung mga lipstick ng Mama niya ginagawang crayola, ipinangkukulay sa mga
libro niya. Spoiled lang yan sa Mama niya kaya hindi madalas mapagalitan.” Serysong
kwento ni Manang Emmy habang ako tawa ng tawa. Grabe ang ligalig na bata pala ni
Dylan noon.

“Meron pang isang beses na hindi ko makakalimutan.” Natawa si Manang Emmy habang
nagsimula na naman magkwento. “Itinapon pa naman yung alagang goldfish ng Ate niya
sa swimming pool. Mamasyal daw kasi yung isda at ang liit liit nung fishbowl kaya
hinulog niya sa pool.” Huminto pa saglit si Manang para sabayan  ako sa pagtawa.
“Ang iyak naman ng Ate Zea mo nun habang nagsusumbong pa sa Papa nila, nataranta
nga kami dahil akala namin may nangyari sa kanya. Ayun naabutan namin sa gilig ng
pool na naglalaro ng tubig. Yun pala yung isda nga nilaglag, wala naman magawa ang
Mama at Papa nila. Ipinadrain tuloy yung pool para lang makuha yung isda dahil ayaw
tumigil sa pag-iyak ni Zea. Ang lokong bata naman yun tuwang-tuwa pa. Hahahaha. Hay
nako Sophia, kung iisa isahin ko sayo lahat ng mga kalokohan niya noon baka hindi
tayo matapos dito.” Sabi ni Manang.

“Hahaha. Grabe ganun po pala talaga kaloko si Dylan maski noon pa.” Natatawa ko pa
ding sabi, naiimagine ko kasi yung mga pinag gagawang kalokohan ni Dylan noon eh.
Nako baka magmana ang baby. Oh no!

“Pero may hindi ako makakalimutan na bagay dyan sa batang yan.” Biglang sumeryoso
naman si Manang Emmy sa pagkwekwento.

Napahinto ako sa pagtawa at seryoso ding nagtanong. “Ano po yun?”

“Nawala yan si Dylan nung bata, swerte at naibalik dito.” Nagulat naman ako sa
kwinento ni Manang Emmy. Hindi kasi yan nakwento ni Dylan sakin, sabagay baka hindi
na din niya natatandaan.
“Naglalaro sila noon ng Ate niya sa park, dito din naman sa village na ‘to. Ang
Mama at Papa niya naman nalingat lang sandali, nataranta kaming lahat noon. Inikot
namin yung buong village. Buti na lang dahil alam na malikot siya meron siya nung
label na parang bracelet sa braso. May pangalan at address. Ayun naihatid naman
siya ng nakakuha sa kanya.” Pagtatapos ni Manang sa kwento niya.

Ako naman parang natulala, hindi ako makapagsalita eh. Naimagine ko pa lang parang
nakakapanghina na. Ganun din siguro naramdaman nilang lahat noon.

“At alam mo ba dahilan kung bakit siya nawala? Kung bakit siya tumakbo?” Natatawa
pero seryosong tanong ni Manang, yung tipong napapailing na lang.

Umiling ako, shocked pa din ako sa narinig ko eh.

“Humabol ng tipaklong.” Maikling sagot ni Manang sabay iling at tawa ng mahina.

“P-po? Hinabol yung tipaklong?” Napakunot yung noo ko sa narinig ko. Parang ang
weird kasi e.

“Oo. Hahaha. Isa yan sa hilig niya gawin nung bata siya lalo pag ganitong malapit
na ang summer at tag-init. Takbo yan ng takbo kakahabol ng mga kung ano-anong
insekto.” Kwento ni Manang at hindi ko naman mapigilan na hindi matawa.

“Puahahaha. Talaga po?” Napatakip pa ako sa bibig ko para magpigil ng tawa. Kasi
naman muntik na siyang mawala dahil lang sa isang tipaklong.
“Oo. Aba huhulihin niya lang, eh hindi naman makahuli.” Natatawang sagot ni Manang.

“Hahaha! Nakakatawa naman po yan hindi ko pa alam na-“

“Goodmorning Manang!” Masayang bati ni Dylan kay Manang.

“Pfffft.” Nagpigil na lang ako ng tawa ko.

“Oh bakit?” Tanong ni Dylan nung tinalikuran ko siya. Paano mahuhuli niyang siya
ang pinagchichikahan namin ni Manang Emmy. Hahaha

“Uy baby.” Sabi niya pa sabay kalabit sakin. Waaaah. Ayoko humarap kasi matatawa
ako. Ano na? Ano na? Waaaah!

Alam ko na! 

“Hmp! Wag mo nga akong kausapin!” Kunwari pagalit kong sabi sa kanya.

“Oh bakit na naman?” Pustahan nakanguso yan . Hahahaha.


“Wala! Basta ayoko, wag mo ko kausapin.” Pffffft. Kawawang Dylan. 

“Oh nandyan na pala kayo, kumain na nga tayo. May pasok ka pa Dylan.” Bigla naman
pumasok si Papa Zeus sa dining. Kasunod niya din si Mama Dea.

Umupo na din ako agad sa dining. Bukod sa gutom na si baby chance na din ‘to para
makatakas kay Dylan! Hahahaha. 

Tahimik lang kaming kumain, hindi ko din masyado tinitignan si Dylan kasi baka
matawa ako. Nakakahiya naman baka isipin nila nababaliw na ko. 

Pagkatapos namin lahat kumain pumunta na sila sa sala, ako naman sumunod din pero
sa kwarto talaga ang punta ko. Naalala ko kasing hindi ko naligpit yung kama dahil
nagmamadali ako sa pagbaba.

“Mama, Papa aalis na po ako.” Sabi ni Dylan nung nasa sala na kami.

“Lara, anong ginagawa mo dyan?” Tanong ni Mama Dea kay Lara. Dun ko lang napansin
na nakatungo siya malapit sa sofa at parang may tinitignan.

“Shhh. Ma’am san dali lang po, may tipaklong po kasi. Paaalisin ko lang.” Sabi ni
Lara habang nakatungo pa din. Sumenyas pa siya ng wag maingay. Hahahaha. Bata pa
kasi siya kaya isip bata din, may naalala naman ako tuloy.

“Wag mo hahabulin Dy, baka maligaw ka. Mama Papa, magliligpit lang po ako sa
kwarto.” Paalam ko sa kanilang dalawa sabay natatawang umakyat papunta sa kwarto.
Pagpasok ko nagulat ako!

Wow, naligpit na yung kama. Ang ayos ah! Kaya pala ang tagal niya din bumaba siya
nap ala nag-ayos. Very good Dy. Pero wala na kong gagawin tuloy. Hmmmmm.
Makapagfacebook na nga lang. Lalalala, ang tagal ko na din hindi nag-oopen ah.

Umupo na ko sa harap ng laptop at nagfacebook.

“Wow 28 new friend requests? Ang tagal ko na ba hindi nagopen.” Nasabi ko na lang
sa sarili ko.

Chineck ko na lang yung mga friend requests, galing pala sa mga classmates ko last
semester yung karamihan. Yung ibang hindi ko kilala hindi ko na lang pinansin. Pero
may isang pangalan akong hindi inaasahan na makikita sa Friend Requests ko.....

Andrei Sevilla wants to be your friend

Tch! Problema niya? Nung nakaraan tawag, tapos ngayon pati ba naman sa facebook?
Inunfriend ko na kasi siya pagkatapos nung ginawa niya sakin noon. Dapat pala
blinock ko na eh. Agad agad kong dinecline yung request niya. Ayoko na kasi talaga
magkaroon ng kahit anong contact pa sa kanya. Wala naman ng dahilan eh.

*engk*
Agad agad ko naman naclose yung facebook ko, bwiset nagulat kasi ako sa pagapasok
ni Dy eh.

“Baby ko.” Tawag niya sakin habang nakatayo sa pinto.

Nilingon ko siya at as expected nagpapacute na naman.

“Oh?” Walang gana ko kunwaring sagot pero totoo lang natatawa ako. 

“Galit ka ba? Sorry na oh.” Sabi niya sabay lapit at squat sa tabi ko. Nandito kasi
ako sa work table niya.

“Hindi.” Tipid kong sagot kahit natatawa na talaga ko.

“Sus, sorry na kasi.” Kinuha niya pa yung kamay ko tapos pinisil pisil. Eh!
Nagpapacute na naman yan, pisilin ko pisngi niya dyan e. 

“Tsk. Oo na, lakas mo kasi mambwiset eh .” Hinarapa ko na siya tapos kinunutan ng


noo.

Inayos niya naman agad yung noo kong nakakuot na. “Sorry na nga, binibiro ka lang
eh. Aalis na ko ah.”
“E di umalis.” Maikli kong sagot.  Kala niya dyan ah.

“Sungit naman, wala ba kong kiss bago umalis?” Tanong niya sabay ngumuso pa.

“Dun ka pakiss sa tipaklong.” Seryoso kong sabi pero sa huli natawa na din ako sa
sinabi ko.

“Ha? Hahaha. Ano bang kanina pa yang tipaklong na yan.” Natatawa na din nyang
sagot. Isguro hindi na niya yun natatandaan.

“Wala. Sabi ko maaga ka umuwi.” Sagot ko tapos inayos ko yung buhok niya.

“Oo na po. Kiss na, malalate na ko baby.” Sabi niya sabay ngumuso ulit. Asus, ang
gwapo ng asawa ko. 

*tsup*

“Sige na shupi na, late ka na.” Sabi ko kaya naman tumayo na siya.

“I love you topak.” Sabi niya sabay halik pa sa ulo ko.

“I love you too tipaklong.” Sabi ko habang tumatawa.


 Napakunot naman siya kaya binawi ko din kaagad. “Wala yun, joke lang. Sige na late
ka na.”

Dumili pa siya bago sinara yung pinto. Sus pacute talaga, lagi na lang.

Okay back to facebook.

Uy online si Shane!

Sophia Dennise Ramirez: Pst, san ka?

Shane Darvin Ramirez: Bahay, bakit? :P

Sophia Dennise Ramirez: Di ka pumasok ‘no? O baka cutting ka? Susumbong kita. :P

Shane Darvin Ramirez: Nyenye, nanakot pa. Alam ni Mama. Wala kaming pasok. :P taba!

Sophia Dennise Ramirez: Heh! Yung sushi ko ba pinakain niyo?


 

Shane Darvin Ramirez: Wala, kinain ko na. :P Siopao ate. Hahahaha!

Sophia Dennise Ramirez: Lapastangan ka! Ew!

Shane Darvin Ramirez: Naniwala naman. Nandun sa kwarto ni Mama, nagkakalat. -_-

Sophia Dennise Ramirez: Behlat. Linisin mo yun ah!

Shane Darvin Ramirez: Oo na, di ka ba uuwi dito?

Sophia Dennise Ramirez: Uy miss niya ko. Hahaha! ^_^

Shane Darvin Ramirez: Utot ate. Ikaw na kasi maglilinis pag andito ka. Hahaha!

Sophia Dennise Ramirez: Epal. -_-

Shane Darvin Ramirez: Thank you. Wahahaha! Magdodota muna ko, mamaya na ulit. :P

Sophia Dennise Ramirez: Mukha kang dota Sige bbye. :P


 

Shane Darvin Ramirez: :P

Shane Darvin is offline

Namiss ko naman bigla yung kapatid ko, kahit naman madalas niya ko bwisitin miss ko
pa din siya. Maghapon wala ako halos magawa kaya naman nag linis na lang ako ng
kwarto. Ligpit ng damit, ayos ng work table.

*baby hubby ko, ang cute cute cute ko? Hahaha! Sagutin mo na ang tawag ko, malamig
ang sahig. Bleeeh. I love you Dy ko--*

“Hello?” Sagot ko kaagad ng phone pagkatapos ko pagkarinig ko.

"Baby?"

“Oh?” Sagot ko agad at dahan dahan bumangon. Nakatulog pala kasi ako pagkatapos ko
maglinis ng kwarto.

"Malalate ako ng uwi ah, may gagawin lang kaming requirement."


“Ha? Anong oras naman yang late na yan?” Paninigurado ko.

"Mga 7 lang naman, hindi naman late na late eh."

“Oh sige, basta 7 ah.” Pagpayag ko, hindi naman  kasi ako masyadong mahigpit kay
Dy. Basta naman magsasabi siya.

"Yes baby, ano ginagawa mo?"

“Eto kakagising lang, nakatulog pala kasi ako pagtapos ko maglinis ng kwarto.”
Sagot ko sa kanya sabay higa ulit sa kama.

"Oh bakit naglinis ka pa ng kwarto? Napagod ka pa? Dapat pinalinis mo na lang sa


kanila."

“Ano ka ba Dy? Hindi naman bonggang linis eh. Okay lang yun wala kasi akong magawa
dito e.” Natatawa kong sagot, ayan na naman siya. Akala lagi akong napapagod e wala
nga akong ginagawa dito.

"Maglaptop ka na lang, o kaya baba kay Mama. Wag ka magpagod ha. Baba ko na ‘to
malapit na next class ko."

“Oh sige, 7 ha.” Bilin ko sa kanya.


"Opo ma’am. I love you.]

“I love you too. 7 baby.” Bilin ko ulit. Hahaha. La lang, baka makalimutan  niya
eh. :P

"Opo bbye, andito na nag kalaban. Hahaha."

“Bbye.” Natatawa ko ding sagot tapos binaba na niya yung phone.

Waaaaah. What to do? What to do? Wala ako magawa, makapag online na nga lang ulit.
Haaaaay!

Andrei Sevilla wants to be your friend...

At hindi din makulit ang lahi niya ‘no? Kakadecline ko lang eh! Tsk.

*facebook pop*

Andrei Sevilla: Sophia?

 
Andrei Sevilla: Iaccept mo naman yung request ko oh. Tinatawagan kita last time iba
na yata number mo.

Andrei Sevilla: Uy alam ko andyan ka. Kausapin mo naman ako.

Sophia Dennise Ramirez: Ano kailangan mo? Hindi si Sophia ‘to. Boyfriend niya ‘to.

Andrei Sevilla: Hindi naman  ikaw gusto kong makausap e.

Sophia Dennise Ramirez: Wala siya. Wag ka na nga mag message dito.

Andrei Sevilla: Wait. Wag ka naman magalit. Please kausapin mo muna ako.

Block user...

Woo grabe. Ang kulit din niya, kahit sabihin ko pang boyfriend ako ayaw paawat.
Ngayon  manahimik na siya ng kakakulit sakin, blocked na siya. Hay kastress!

~
Ang tagal naman ni Dylan, 10 PM na wala pa. Ang paalam  niya sakin 7 lang nandito
na siya eh. Haaays. Saan naman kaya nagsuot na lupalop yung lalaki na yun. Tawagan
ko na kaya?

Sakto naman na pagkuha ko ng phone nagvibrate din, baka si Dylan na ‘to.

1 messaged received

Carlo

Sino naman ‘tong Carlo? Ay oo nga pala, phone pala ‘to ni Dylan. Buksan ko na lang
baka importante.

Pero imbes na importanteng message ang mabasa ko, iba ang laman ng message na 'yun.

Padabog kong pinatong ulit sa kama yung phone. Kainis! Kaya pala nalate na siya at
hindi na nakasabay na mag-dinner. May papapaalam pa siyang may gagawing
requirement! Buti na lang pala talaga ngapalit kami ng phone kung hindi, hindi ko
mabubuko ang ginagawa niyang kalokohan. Tsk! Bwiset! Bwiset naiinis na naman ako!

*tok tok*

“Pasok.” Wala ko sa sariling sagot.


Bwiset umuwi pa, sana hindi na.

“Oh baby, bakit gising ka pa?” Tanong niya pagkapasok sa kwarto namin.

“Hinihintay ka.” Malamig kong sagot.

“Sorry nalate ako ah.” Sagot niya sabay ngiti.

“San ka galing?” Ayan na hindi ko na napigilan na hindi magtanong.

“Di ba nagpaalam naman ako? Nagkamali lang ng oras, nag asikaso kami ng require-“ 

“Sinungaling ka.” Sagot ko. Bwiset siya, magsisinungaling pa lalo!

Napatingin naman siya sakin na parang nagulat. Sira ulo ka Dylan. 

=================

Chapter Thirty Six

Belated Happy 7th month to me and wattpad. :) 


Dedicated to my tubs. Hahaha. Ayan na ang hiling mong dedic! Wag kang silent
reader! Hahaha!

Perfect Mistake Chapter 36

*Sophia’s POV*

Sira ulo kang Dylan ka!

“Huh? Anong sinasabi mo?” Patay malisya niyang sagot. Pinagloloko ako nitong Dylan
na ‘to.

Kinuha ko yung cellphone niya at pinakita ko sa kanya yung text nung Carlo na yun.

“Oh ayan. Deny ka pa!” Sigaw ko habang pinapabasa ko sa kanya yung text.

“Sorry na.” Sabi niya sabay napakamot sa ulo niya.

“Sorry mo yang mukha mo! Kung hindi pa nagtext yan Carlo na yan hindi ko malalaman
na nakipagkarera ka na naman!” Sigaw ko sa kanya.

“Shhh. Baby sumisigaw ka na naman eh. Sorry na oh.” Sabi niya sabay hawak pa sa
kamay ko.

“Hindi ka man lang nagpaalam sakin, kanina pa kita hinihintay.” Nasabi ko ng mas
mahina sa tonong nanunumbat. Sana naman kasi nagsabi siya sakin para hindi ako nag
aalala. Sinabi niya kasing 7 ang uwi niya tapos late na siya dadating syempre nag
aalala ako.

“Alam ko kasing hindi ka papayag.” Mahina niyang sagot habang nakatingin sakin.

“Talagang hindi ako papayag. Nakita mo naman ang nangyari sayo nung last race mo di
ba?” Binitawan ko yung kamay niya at naupo sa gilid ng kama. Naalala ko pa kasi
yung huling beses na nagrace siya, yung kasama niya kami. Muntik na siyang
maaksidente.

“Alam ko naman yun baby, hindi naman na un mauulit eh. Mag iingat naman ako.” Sagot
niya sabay tabi sakin.

Hinarap ko muna siya bago magsalita ulit. “Hindi mo ko naiintindihan Dylan.”


Malungkot kong sabi sa kanya. Siya lang naman kasi ang inaalala ko.

“Wag ka na mag-alala sakin baby ko. Kaya ko naman eh.” Pilit niya pa din.

“Masasabi mo ba kung kelan mangyayari ang aksidente? Kahit nag-iingat ka pa


napakadelikado pa din niyang ginagawa mo.” Naiinis kong sagot sa kanya, bakit ba
hindi niya makuha yung punto ko?

“Sorry na. Pagbigyan mo na ko baby ko. Ngayon lang naman e, paminsan-minsan lang
naman.” Patuloy niya pa din na pagpapaliwanag sakin.

Hinarap ko siya at tinignan sa mata. “Anong gagawin  mo pag naaksidente ka sa


paminsan-minsan na sinasabi mo? Alam mo ba kung ano mararamdaman ko pag may
nangyaring hindi maganda sayo? Alam mo ba kung anong gagawin ko? Ayoko lang na may
mangyari sayong masama kaya ako ganito. Tutol ako sa ginagawa mo hindi dahil
pinaghihigpitan kita o inuunder kita. Tutol ako kasi ayaw kitang mapahamak.” Hindi
ako umiiyak habang sinasabi ko yan pero halos papunta na din dun. Ang tigas naman
kasi ng ulo ni Dylan, ayaw muna akong pakinggan. Noon nga na naaksidente siya takot
na takot na ko eh.

Bigla na naman niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap. Hilig talaga nito sa
ganito.

“Sorry. Sorry kung hindi ako nag-iisip. Sorry kung nagrace ako ng walang pasabi.
Sorry kung napag-alala pa kita. Sorry kung natakot ka. Sorry baby. Sorry.” Tuloy-
tuloy niyang sabi habang nakayakap sakin.

Unti-unti na ding gumaan yung pakiramdam ko. Sincere kasi sa pagsosorry niya si
Dylan. Buti naman at naintindihan niya kung bakit ako ganito, siya lang naman
talaga ang inaalala ko e.

Dahan-dahan  ko na ding inangat yung kamay ko para yakapin siya at i-tap yung likod
niya.

“Galit ka pa ba? Sorry na.” Tanong niya ulit at naramdaman kong humigpit yung yakap
niya.

“Hindi naman ako galit eh. Nag-alala lang naman sayo.” Seryoso kong sagot. Hindi
naman kasi talaga ako galit, inis siguro pwede pa.
Humiwalay na siya sa yakap namin bago sumagot ulit. “Talaga? Sorry na ha. Wag ka na
magworry baby. Okay naman ako e.”

Tumango ako ng mahina. “Magpromise ka muna.” Hiling ko sa kanya.

“Na ano?” Clueless niya pang tanong. 

“Na hindi ka na ulit magrarace,kasi delikado.” Seryosong hiling ko sa kanya. Ayoko


na maulit yung nangyari dati, swerte pa nga siya at hindi malala yung noon.

“Haaaay.” Napabagsak na lang yung balikat niya at hindi siya sumagot.

“Anong haaaaay? Wag mo kong ihaaaay haaaay dyan Dylan Zayn. Magpromise ka.”
Nanlalaki pa yung mata kong sabi, kasi naman hindi siya sumasagot e! Anong ibig
sabihin nun?

“Haaaay. Oo nap o, promise hindi na uulit.” Pokerface niyang sabi. Amp.

“Taas kamay mo! Magswear ka!” Utos ko sa kanya habang pinipilit na itaas yung right
hand niya.

Natawa naman siya. “Ang kulit. Ayan na oh. Swear, promise, peksman at lahat na.
Hindi na ko magrarace kasi sumisimangot ka.”
Napanguso naman tuloy ako.

“Magbihis ka na dun baka pawis ka na.” Sabi ko tapos kinapa ko yung likod niya. “Oh
basa nga! Magshower ka na nga. Kumain ka na ba?”

“Asawang-asawa ang dating ah. Hindi pa po baby ko.” Sagot niya habang naghuhubad ng
shirt. Wag naman sa harap ko. 

“Bakit hindi ka pa kumakain? Late na oh! Ano ka ba naman? Inuna mo pa kasi yang
pagrace race mo.” Sermon ko sa kanya. 10 pm na tapos hindi pa siya nagdidinner?
Midnight snack na oy! 

“Kumain naman ako kanina sa school eh. Shower muna ko.” Sabi niya tapos nagtuloy na
sa shower. 

Tumayo naman ako tapos niligpit yung bag niya, kumuha na din ako sa closet ng mga
damit niya. Sana naman tuparin niya yung promise niyang hindi na siya magrarace.

***

*Cyril’s POV*
 

~ Flashbacks ~

“Pssst gwapong Batman.” Tawag sakin nitong babaeng katabi ko.

“Oh ano? Alam ko gwapo ako.” Sagot ko ng hindi man lang siya tinitignan. Malamang
nagdridrive kasi ako, pagtinignan ko siya eh di nabangga kami. 

“Oo alam ko na yun. Hihi. Pero may itatanong kasi ako sayo.” Sabi niya sabay
humahagikhik pa din. Parang witch lang, mas cute nga lang yung tawa niya. Shet, ano
sabi ko? Cute? Tch. Pwe!

“Ano na naman? Kung type kita? Sagot ko hindi.” Pinanguhan ko na siya. Ilang beses
na kasi niya kong tinanong dito. Para namang magbabago sagot ko. 

“Hindi yun. Ehem! Cyril, nido ka ba?” Tanong niya sakin. WTF! Anong tanong yan?

“Hindi. Pogi ako.” Walang gana kong sagot. Ano na namang pakulo niya? Pauso talaga
‘to.

“Sumagot ka naman ng bakit!” Angal niya sabay palo sa braso ko.

“Hoy babae nagdridrive ako! Pag tayo naaksidente at nasira ang gwapo kong mukha
tutupiin kita sa walo!” Tinignan ko siya saglit para mag banta. Ligalig nitong
babae na ‘to mamaya mabangga kami. Pano na lang ‘tong kotse at gwapo kong mukha? E
di nadisgrasya pa.

“Sige na kasi sumagot ka muna ng bakit!” Utos na naman niya.

“Ayoko nga kasi. Mamaya niyan ang isagot mo ‘kasi mukha kang iNIDOro!’ Baka masipa
pa kita palabas ng kotse ko.” Nakakunot kong sagot sa kanya. Hindi talaga marunong
manahimik ‘tong babae na ‘to.

“Hahahaha! Uy hindi ah, syempre maganda sasabihin ko. Dali na kasi, isa lang naman
eh.” Pag iingay niya pa ulit.

“Oo na. Manahimik ka na pagtapos nito ah. Okay. Bakit?” Pagsuko ko. Ewan ko ba sa
babaeng ‘to ako ang napapasuko sa kanya. Siguro kasi naiiba siya, abnormal kasi
siya.

“Kasi you’re my nuber oneeeee.” Kanta niya sa tono nung commercial ng nido. Inaalon
alon pa yung boses. Bwiset.

“Uy, na speechless ka? Kinilig ka? Hihihi.” Tuwang tuwa niyang sabi. Sino naman
nagsabi na kinilig ako? Psh.

“Hindi! Nabwiset ako, wag mo na uulitin yan ah! Ang panget ng boses mo. Maawa ka sa
makakarinig.” Paangil na sabi ko sa kanya. Tinignan ko pa siya saglit, nakanguso na
naman. Mamaya dyan ano eh...

Buti naman buong byahe nanahim ik na din siya, siguro napagod? Napapagod din pala
‘to. Bwiset kasi hahatid ko pa tuloy siya sa bahay niya, inaya aya ko pa kasi ng
date. Ano bang pumasok sa kokote ko?

Nagpark na ko agad sa tapat ng gate niya at hinarap siya. “Oy baba na. Di na kita
pagbubuksan ng pinto tinatamad ako e.” Baling ko sa kanya.

Ngumiti na naman siya.

NYETA! Yang ngiting yan! Woooo!

“Thank you.” Sabi niya sabay tingin sa baba. Tinignan ko kung ano yung tinitignan
niya, wala naman. May sayad talaga ‘to.

“Bakit ka nagpapasalamat? Hindi naman kita pinautang ah.” Seryoso kong tanong, wala
naman akong ginawang bagay na dapat niya ipagpasalamat ah.

“Sa date. Basta thank you na lang kahit hindi mo gets. Thank you talaga.” Sabi niya
tapos nagulat ako sa susunod niyang ginawa.

Bigla siyang lumapit sakin para halikan ako, sa ilong. Pagkatapos  ngumiti pa siya
bago bumba ng kotse ko. Ako?

Natigilan, sa tanang buhay ko ngayon lang ako hinalikan ng babae sa ilong. Usually
sa labi ko kaagad ang deretso nila, pero bakit siya sa ilong? Ano bang ibig sabihin
nun? At isa pa, bakit ganito yung pakiramdam ko? Bakit parang kahit sa ilong lang
yun natuwa ako? Bakit parang gusto ko?? Bakit parang.... ARGH leche bakit ganito
ako mag isip? Hindi eh. May mali, hindi ako dapat ganito magi sip. Nyeta ayan na
naman  yung nakakaihing pakiramdam!
 

~ end of flashback ~

Kinuha ko na yung cellphone ko at nagtype ng message.

To: Pukyot

 Pumunta ka sa condo ko, ngayon na.

Message Sent

Napasapo ako sa ulo ko pagkasend ko ng message, parang agad agad ko na gustong


bawiin para hindi ko na ituloy yung kung ano man yung plano kong gawin. Mabuti ng
habang maaga pa matapos na ‘to kasi ayoko. Hindi pwede.

Naghintay pa ko ng ilang minuto bago ko narinig yung door bell ko. Agad ko naman
yun binuksan. Pinapasok ko yung babae at dinala sa living room ko na hindi din
naman kalayuan sa pinto ko.

Imbis na sa sofa siya maupo ay sa lap ko pinili niyang maupo, paharap pa sakin.
Pinaikot niya yung dalawang kamay niya sa leeg ko at nagsimula ng halikan ako.
Aggressive. Pero hindi ako tumutugon, parang hindi ko na kaya. Ano bang problema
ko? Dati madali lang sakin gawin ‘to ah. Bakit ngayon hindi ko magawa? Nalelechehan
na ko sa sarili ko.
Mas hinigpitan niya pa yung yakap sa leeg ko kaya naman mas napadikit ako sa kanya.
Ilang minuto din yun na para siyang humahalik sa bato bago ko nagawang magrespond
sa halik niya. Mas naging aggressive tuloy siya, dapat nga matuwa ako kasi nag
eenjoy siya pero bakit hindi? Bakit naguguilty ako sa ginagawa ko? Alam ko kasing
mali.

*Honey’s POV*

From: Cyril batman <3

 Pumunta ka sa condo ko, ngayon na.

Ngiting ngiti ako habang hawak yung cellphone ko. Tinext niya ko! Yesssssss!

Eto ang unang beses na tinext niya ko, kadalasan ako ang nagtetext sa kanya. Tapos
magrereply siya ng ‘K’ o kaya ‘bwiset’ kilig na kilig na ko nun! Hihi 

Nagmamadali kong kinuha yung bag ko at agad pumara ng taxi pagkalabas ko ng gate.
Excited ako na inakabahan, possible kaya na...... eeeeeek! Iniisip ko pa lang
kinikilig na talaga ako! Uwaaaaa! Hindi yata kaya ng puso ko baka sumabog.

Sa sobrang atat ko makarating sa condo unit niya ilang beses ko pa nasabihan si


Manong Driver na dalian niya! Muntik na nga akong pababain eh, kung marunong ang
ako magdrive ako na magpapaharurot nitong taxi niya eh! Excited kasi ako kay
batman! Baka miss niya na ko. Hihi 

Pagkapark na pagkapark ng taxi sa harapan ng condo ni Batman nagmamadali akong


bumaba.

“Hoy miss bayad mo!” Rinig kong sigaw ng taxi driver. Ay oo nga nakalimutan ko
magbayad!

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa taxi at nagbayad. “Keep the change manong!”
Sigaw ko sabay takbo ulit papasok ng building.

Feeling ko next time hindi na ko isasakay ni manong. Ang sama sama na ng tingin
niya sakin eh. Hmm, anyway highway sumakay na agad ako ng elevator at pinindot ang
number 8 na button. Syempre alam ko ang floor niya no, inalam ko talaga.

Habang nakasakay ako sa elevator tinignan ko na din ang sarili ko sa salamin nito.
Okay pa kaya yung itsura ko? Plinantsa ko gamit ng kamay ang suot kong dress. Tapos
inayos ko ng kon ti yung buhok ko. Buti pala maayos yung itsura ko ngayon.

*ting!*

Pagbukas ng elevator bigla naman ako kinabahan. Eeeeh! Ewan ko ba pero kinabahan
ako. Wooo go honey kayao mo yan! Pinapunta ka na niya sa condo niya, aatras ka pa
ba? Hindi na no! Aja!

Lumbas na din ako sa elevator at hinanap yung room unit niya. Hindi ko mapigilan na
hindi kiligin at mapangiti. Bakit niya kaya ako pinapapunta sa condo niya? Miss na
ba niya ko? O baka naman may surprise siya sakin. Hihihihi. Magpapanggap na lang
akong masusurprise para sa kanya. Hihihi. Excited na ko.

Finally nakita ko na din yung unit niya, magdodoorbell na sana ko ng makita ko na


hindi naman nakalapat yung pinto. Hihi siguro kasama sa mga pakulo niya ‘to. Hihihi
kinikilig naman ako oh. 

Hinawakan ko na yung knob at dahan dahan na tinulak yung pinto.

Nasurprise nga ako.

Sa totoo surprise na surprise ko na makita si Cyril na may kahalikang babae...

Ito pala yung surprise....

*Sophia’s POV*

“Aalis na ko.” Paalam ni Dylan sabay halik sa pisngi ko.

“Ingat ha. Yung promise mo, tumupad ka!” Bilin ko ulit sa kanya, baka kasi
nakalimutan  na niya yung pinagusapan namin kagabi.
“Opo. Nagpromise naman eh. Maaga ako uuwi mamaya.” Nagsusuot pa siya ng sapatos
niyan. Bagal, malalate na siya neto eh. Mamaya makaharurot na naman ng kotse niya
yan. Naku ka Dylan Zayn.

“Oo na dalian mo na dyan anong oras na oh.” Pagmamadali ko sa kanya.

Kinuha ko naman agad sa bulsa ng maternity dress ko yung cellphone ko/niya. 

1 message received

 From: Carlo

Tol Ano oras ka pupunta mamaya? Part 2 race ah, sana manalo ulit kayo. Loko malaki
pusta ko! Haha!

Aba talaga namang bwiset pala. Nilapitan ko kaagaad si Dylan at gigil na gigil na
piningot!

“Aray. Bakit na naman?” Nakabusangot ng tanong ni Dylan nung pingot ko yung tenga
niya.

“Bwiset! Ano na naman ‘tong text ng Carlo na ‘to? Part 2 nag race?? Pumapart two ka
pa?? Nag usap na tayo kagabi ah!” Inis na inis ko na namang sabi sa kanya. Akala ko
pa naman nagkaliwanagan na kami tapos may part two pa?
“Teka nga baby, sandali lang kasi.” Awat niya sakin.

“Ano na naman? May papeksman peksman ka pa naman kagabi tapos hindi ka din naman
tutupad sa pinag usapan? Ano ba Dylan?” Napapalakas na tuloy yung boses ko.

“Hindi naman kasi ano eh... Wag ka nga ngang magalit dyan. Hindi naman ako
pupunta.” Sabi niya sabay napakamot ng ulo niya.

“Mga ganyang asal mo ah! Nag sisinungaling ka na naman ‘no?” Tinaliman ko siya ng
tingin, hindi naman siya aga nakasagot or sa kaso ko hindi ko talaga siya
pinasagot. Tinalikuran ko na siya. Nagsalita na ulit ako nung paakyat na ko ng
hagdan. “Magpaaksidente ka kung gusto mo. Bahala ka, ginusto mo yan eh!”

“Wait lang naman kasi....” Narinig kong sinundan niya ko.

Minadali ko yung pag akyat ng hagdan ng ...

“Aaaaaahhhhh!” Sigaw ko sabay sapo sa tyan kong sumakit.

“Baby! Bakit?” Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na din si Dy at nakahawak na


sa bewang ko.
“Bwiset ka bitawan mo nga ako. Ahhh.” Irap ko pa sa kanya kahit ang sakit sakit na
ng tyan ko.

“Masakit ba yung tyan mo? Ano? Ano gagawin ko?” Nakita kong natataranta na din
siya.

“Ang sakit ng tyan ko. Bwiset ka, dalin mo na ko sa ospital baka manganganak na
ko!” Sigaw ko sa kanya.

Mas napasigaw naman siya. “Ha?! Manganganak ka na?!?”

=================

Chapter Thirty Seven

Note:

Halos 3/4 ng update ay written in 3rd person's POV. La lang, testing lang kung okay
din sakin. Leave your comments about this please. Salamat :) 

Perfect Mistake Chapter 37

“Aaaaahhhhhh! Ang sakit na ng tyan ko!” Sigaw ni Sophia habang sapo sapo pa din ang
sumsakit na tyan.
“Ha? Saglit lang. Sandali. Ano bang gagawin ko?” Natataranta namang tanong ni Dylan
habang palinga linga. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin kay Sophia. Nagulat
din siya, hindi pa kasi nito kabuwanan pero sumasakit na ang tyan nito.

“Aaahhh! Sira ulo ka dalin mo na ko sa ospital Dy. Ang sakit na.” Mahina nang sabi
ni Sophia, hirap na din kasi siya.

“Maaaa! Mama! Si Sophia po! Papa!” Sigaw naman ni Dylan habang inaalalayan ang
magiging asawa paupo sa sofa.

Agad agad naman dumating sa sala ang mga magulang ni Dylan na natataranta pa.

“Anong nanagyari anak?” Tanong agad ng Mama Dea niya. Lumapit pa ito kay Sophia.

“Sumasakit na yung tyan niya Mama.” Nag-aalala at kinakabahan na sagot ni Dylan sa


Mama niya. Alam niya kasing may kasalanan siya sa nangyari, napagalit na naman niya
si Sophia.

“Isakay mo na siya sa kotse anak. Dalahin na natin sa ospital!” Mabilis na


suhestyon ng Papa Zeus niya. Agad nitong kinuha ang susi ng sasakyan at dumeretso
sa garahe.

Binuhat naman niya si Sophia kahit bigat na bigat na siya. Inalalayan naman siya ng
nag-aalala niyang Mama.

Aaaah. Ang bigat na niya, ay dalawa na pala sila. Hey baby, wag mong pahirapan ang
mommy.
 

Nasabi pa ni Dylan sa sarili habang buhat buhat si Sophia na halos maiyak na.
Isinakay nila ito agad sa backseat, tumabi na din siya dito. Sa driver’s seat naman
ang Papa niya at sa shotgun seat umupo ang Mama niya.

“Aaaahhhh! Walanghiya ka Dylan!” Sabi ni Sophia habang napapasabunot na sa asawa.


Bukod kasi sa inis pa siya dito ay wala siyang mapagbuntunan ng sakit na
nararamdaman niya.

“Aray baby ko. Baka naman mapanot na ko.” Lukot na ang mukha ni Dylan sa ginagawang
pagsabunot ni Sophia sa buhok niya pero hindi naman niya ito masisi. Alam niyang
may galit pa ito sa kanya at nahihirapan pa sa sitwasyon niya ngayon.

“Sandali na lang anak malapit na tayo sa ospital.” Sabi ni Zeus sa dalawa habang
nagmamaneho. Excited at the same time ay kinakabahan siya para sa kanyang unang
apo. Lalaki pa man din, tagapagmana ng apelyido nila.

Pagkarating na pagkarating nila sa ospital ay agad nilang dinala si Sophia sa


emergency room.

“Ahhhh. Pasaksakan niyo na po ako ng gamot. Ayoko naaaaa. Ang sakit sakit.” Paulit
ulit na sinasabi ni Sophia sa lahat. Halos maiyak na din siya, unfamiliar siya sa
pakiramdam kaya naman hindi niya ito kaya.

“Shhh. Baby, sandali na lang ah. Kaya mo yan.” Bulong ni Dylan kay Sophia para
palakasin ang loob nito.
“Hindi ka na makakaulit kala mo. Ang sakit sakit.” Naiiyak nang sabi ni Sophia kay
Dylan.

Napalaki naman ng mata si Dylan sa sinabi nito, ang saklap lang para sa kanya.
Parang natawa naman sina Zeus at Dea sa sinabi ni Sophia, pansamantala nilang
nakaligtaan ang pag-aalala at pagkaexcite.

***

“Anak dyan ka lang. Gusto mo ba ng coffee?” Tanong ni Zeus sa anak.

“Sige Pa.” Maikli niyang sagot at lumabas na ang dalawa para bumili ng pagkain.
Napangit na din si Dylan, mabuti naman at nagkakasundo na ang mga magulang niya.
Malaki na din ang inimprove ng samahan nito mula nung umuwi ang mga ito.

Pagkalabas ng mga magulang ay napabaling si Dylan sa natutulog na asawa. Nakaupo


kasi siya sa tabi nito, hinhintay niyang magising ito.

“Baby ko, sorry ha. Hindi naman na ko talaga pupunta sa race na yun eh. Alam ko
magagalit ka, epal kasi si Carlo patext text pa eh.” Kinausap ni Dylan ang asawa
kahit tulog pa ito. Nasisi pa ang kaibigan na nagtext, kawawang Carlo.

Napangiti na lang si Dylan habang hinahanplos ang buhok ni Sophia. Ang laki ng
pagbabagong ginawa nito sa buhay niya. Kung noon wala siya halos sinusunod mula ng
umalis ang mga magulang ngayon ay iba na. Hindi na rin niya nagagawang lumabas
labas kasama ang ibang barkada, lagi kasing mas gusto niyang umuwi ng maaga para
makita si Sophia. Talagang tinamaaan ng lintik si Dylan sa asawa niya at mahal na
mahal niya ito.
“D-dy? Nasan yung baby?” Tanong ni Sophia ng magising.

Ngumiti si Dylan bago sumagot. “Nasa tyan mo pa.”

“Ha?” Parang hindi naman nakuha ni Sophia ang sagot ni Dylan. Malamang ay wala pa
siya sa sarili dahil kakagising niya lang. Baka groggy pa din sa gamot na sinaksak
sa kanya.

“Hindi pa lumalabas si baby. Nagkaron lang daw ng contraction dahil sa stress.”


Sagot niya ulit kay Sophia.

Napatango naman ito, nakuha na nito ang ibig niyang sabihin.

“Okay ka na ba? Hindi na sumasakit ang tyan mo?” Nag-aalala pa ding tanong ni Dylan
sa asawa. Alam niyang may tampo pa din ito sa kanya kaya sinusuyo niya ito.

“Hindi na. Nasan sila Mama? Uuwi na ba tayo? Uwi na tayo Dy.” Mahinang tanong at
hiling ni Sophia kay Dylan.

“Lumabas lang sila ni Papa, bibili ng pagkain. Ikaw may gusto ka bang kainin? Sabi
kasi ng doktor mo imomonitor ka muna for 24 hours para sure na okay lang kayo ng
baby. Bukas pa tayo uuwi.” Pagpapaliwanag ni Dylan sa kanya. Ang mga magulang din
niya ang nagpilit na magstay muna sila sa ospital. Worried kasi ang mga ito sa
kalagayan ng magiging manugang at apo.
“Gusto ko na umuwi eh.” Pilit ni Sophia kay Dylan. Talaga namang gusto na niyang
umuwi. Bukod kasi na sa tingin niya ay okay na ang pakiramdam niya, birthday niya
kasi bukas. Ayaw niyang magbirthday sa ospital.

“Wag matigas ang ulo baby ako. Bukas na po tayo uuwi.” Sagot naman ni Dylan sa
kanya. Wala na din siyang nagawa kundi lihim na magtampo dahil mukhang hindi nito
naaalala na birthday niya bukas.

Napatahimik na lang si Sophia.

Kinalimutan niya ba ang birthday ko? Kasi kung alam niya hindi siya papayag na
magpaabot kami ng hanggang dito bukas.

Malungkot na sabi ni Sophia sa utak niya. Unang birthday pa naman niya ito ng
kasama si Dylan pero parang wala itong alam. Naisip niyang marahil distracted at
shocked pa din sa nangyari kanina. Kahit na pilit niyang palubagin ang loob ay
hindi mawala sa kanya ang magtampo.

@Cyril’s Condo

Kitanga kita ni Cyril ang reaksyon ni Honey nang makita nitong nakikipaghalikan
siya sa babaeng hindi niya din naman kilala. Nakilala niya ito kagabi sa bar at
naisip na gamitin para sa plano niya.
Huminto sandali si Cyril sa paghalik sa babae para tignan si Honey.

“Babe why did you stopped?” Tanong ng babae kay Cyril. Hindi naman niya ito
pinansin, nakatuon kasi ang atensyon niya kay Honey.

“Oh nandyan ka na pala. Sandali lang tatapusin ko lang yung ginagawa ko at mag usap
tayo.” Nakangisi pang sabi ni Cyril kahit sa totoo lang gusto na niyang itigil kung
ano man yung gagawin niya.

Hindi magawang kumilos o magsalita ni Honey habang pinagmamasdan si Cyril na


itunuloy muli ang ginagawa. Halos sumabog ang dibdib niya sa sakit na nararamdaman
niya, excited pa man din siyang pumunta tapos ito lang pala ang madadatnan niya.
Parang gusto niyang magwala.

“A-ah.” Yan lang ang tanging nasabi ni Honey. Pakiramdam niya kasi ay may malaking
bara ang lalamunan niya na kapag pinilit niyang magsalita ay sasabay na din ang
pag-agos ng mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

Sapat na ang maiksing salita nay un para mapukaw niya ulit ang atensyon ni Cyril.

“Maupo ka muna kung gusto mo.” Malamig na sabi nito sa kanya at tinuloy ulit ang
ginagawa.

Gustong sampalin ni Honey si Cyril, gusto niya itong sigawan, awayin at sumbatan.
Pero humaharang ang mga salitang wala siyang karapatan. Oo nga naman, wala siya sa
lugar para magalit kay Cyril. In the first place hindi siya girlfriend nito. Sagad
nga sa buto ang pagkadisgusto nito sa kanya hindi ba? Noong mga nakaraang araw
marahil ay naiinip lang ito kaya siya ang napagbalingan. Hindi siya dapat umasa,
alam niya naman na babaero si Cyril. He’s not capable of being serious when it
comes to women. Pero bakit nga ba inisip niya na maari itong magbago at siya pa ang
magiging dahilan nito.

Ang tanga tanga ko para maniwala na balang araw magugustuhan niya din ako.

Nasabi ni Honey sa sarili habang nakangiti ng mapait.

“A-aalis na ko.”  Sa wakas ay nagawa niya na ding isaboses ang kanina pa inuutos ng
utak niya. Sinimulan na din niyang ikilos ang mga pang halos ayaw humakbang. Hindi
niya alam kung saan pa siya kumukuha ng lakas at napagawa niya pang magpigil ng
luha. Agad siyang tumalikod at lumabas ng unit ni Cyril.

Sa labas hindi na niya napigilan na hindi humagugol, ang sakit sakit ng dibdib niya
na pakiramdam niya hindi siya makahinga. Mabagal lang siyang naglalakad, umaasa pa
siyang may Cyril na hahabol sa kanya, na magpapatahan sa kanya at pagsosorry sa
nagawa nito. Pero walang Cyril na humabol. Inis na inis na si Honey sa inaasal
niya, hanggang sa huli ay pinaaasa niya pa ang sarili. Napakamasokista niya ngang
talaga. Sana noon pa man hindi na niya pinilit ang sarili niya, mas nasaktan tuloy
siya ngayon.

Samantala hindi naman mawari ni Cyril ang gusto niyang gawin. Nakakunot na ang noon
yang itinigil ang paghalik sa babaeng nasa harapan niya.

“Babe what’s wrong?” Malambing na tanong sa kanya nung babae habang inilipat nito
ang paghalik sa leeg niya.

“Lumabas ka na.” Malamig at mahina niyang sagot sa babae. Tapos na ang palabas,
tapos na ang papel ng babaeng yun sa gusto niyang mangyari. Now he simply wants her
out of his sight.
“Why? Hindi pa tayo tapos ah. In fact we barely even get started.” Nangingiti sabi
ng babae kay Cyril. Mukhang nag-eenjoy ito sa ginagawa.

“Get out of my sight.” Cyril said; his voice full of authority.

Nagbingi-bingihan pa din ang babae at patuloy lang ang pagpapasasa sa labi at leeg
niya.

Inis na inis na si Cyril, hindi lang sa babae kundi pati sa sarili kaya naitulak na
niya ito.

“What’s wrong with you?” Galit na tanong nung babae habang nakapaupo pa din sa
sahig.

“Bingi ka? Sabi ko umalis ka na.” Walang gana niyang sagot sa babae. Kung hindi nga
lang ito babae malamang ay nasuntok na niya ito. Mainit na kasi ang ulo niya at
wala siyang mapagbalingan. Ang laking gago niya kasi at kung ano-anong plano ang
pinag gagawa niya samantalang ngayon pa lang ay parang nagsisisi na siya.

Umismid naman ang babae at padabog na umalis, halos gibain pa nito ang pinto ng
unit niya sa lakas ng pagsara. Gusto niya sana itong habulin at awayin pero para
saan pa? Hindi naman nito mababawasan ang bigat na nararamdaman niya.

Napasabunot si Cyril sa sarili niya dahil sa inis sa sarili. Kanina buo ang loob
niyang gawin ang  plinano niya pero bakit ngayon parang kinekwestyon niya ang
sariling desisyon. Alam niya kung gaano niya nasaktan si Honey. Napakainosente nito
para lang gaguhin niya ng ganito pero sinaktan niya pa din.
Gago ka Cyril. Ang laki mong gago!

Sa galit niya sa pati ang sarili niya ay minumura na niya. Gustuhin niya mang
sundan si Honey at magsorry dito hindi pwede. Salungat ito sa ginawa niya, siya ang
matatalo. Alam niyang umiiyak ito ngayon dahil sa kanya, lalo tuloy siyang naiinis.

Hindi niya dapat sinasayang ang luha niya sakin. Hindi dapat.

Napapailing na lang si Cyril sa sarili niyang kagaguhan. Alam niyang para sa kanila
din yung ginawa niya. At sa aminin man niya o sa hindi, nasaktan din siya. 

Napayuko na lang siya at naipatong ang ulo sa dalawang kamay. Sumasakit na ang ulo
niya kaiiisip kung tama nga ba ang ginawa niya. Napagpasyahan niyang iinom na lang
siya para malibang na din at para mawala sa isip niya si Honey. Kanina pa din kasi
siya nag-aalala dito. Naisip niyang may pagkantanga yung babaeng yun kaya naman
hinihiling pa din niyang sana ay okay lang ito.

Patayo na siya ng mapansin niyang may nakatayo pala sa harapan niya. Pinilit niyang
umakto na parang wala lang sa kanya ang lahat.

“Bakit bumalik ka pa?” Arogante niyang tanong. Talagang gusto niyang kamuhian siya
nito.

*SLAAAAAAP*
Malutong na sampal sa kanya ni Honey.

Hindi pa man din siya nakakabawi sa pagkagulat ay nagulat na naman siya sa susunod
na ginawa nito.

Hinigit siya sa kwelyo ng suot na polo at hinalikan ng mariin.

[Sophia]

“Dylan nasan sila Papa? Bakit tayo na lang ang uuwi?”  Tanong ko kay Dylan habang
pasakay kami sa kotse.

“Nauna na sila umuwi kaninang umaga nung tulog ka pa. Pinagpahinga ko na mukhang
pagod na din sila eh.” Simpleng sagot niya lang.

Gusto ko na mag-ngitngit sa inis. Kasi naman BIRTHDAY KO KAYA NGAYON! 

Isinanatabi ko na lang yung pagkainis ko at baka mamaya mastress na naman ako.


Mahirap na hindi pa matuloy ang paglabas ko.
Nagvibrate naman 'yung phone ko kaya kinuha ko 'yun mula sa bulsa ko. 

From: Janna Reyes

Happy Birthday sissy ko! I super love you ng bongga! Nabalitaan ko yung happenings
sayo. Sorry kung hindi kita nadalaw ha, super busy lang with madaming chuchu eh.
Anyway happy birthday ulit, spend ka muna ng time with your hubbby! Hahaha. Love
you. :*

Napangiti naman ako sa text ni Janna kahit medyo malungkot ako kasi hindi niya
sinabi kung magkikita ba kami ngayon. Pero atleast hindi niya nakalimutan ang
birthday ko. Nagpasalamat lang ako sa kanya at nangamusta tapos itinabi ko na din
yung phone.

“Sino yung katext mo?” Biglang tanong ni Dylan habang nakafocus sa daan.

“Si Janna, binati lang ako.” Sabi ko na may kasama ng hint. Para naman kung
sakaling nakalimutan niya lang magkahint man lang siya. Kakainis ah! 

“Oh bakit? Birthday mo ba?” Casual niyang tanong habang nagdridrive pa din.

Ano?? Ibig sabihin hindi niya alam? Sa ilang buwan na din kami magkasama hindi niya
man lang inalam kung kelan ang birthday ko?? Importanteng araw pa naman sakin ‘to
tapos... hay nako!

Hindi na ko sumagot, bahala siya dyan. May atraso pa nga siya sakin tapos ngayon
kakalimutan niya yung birthday ko? Magaling na asawa!
“October pa naman birthday mo di ba?” Tanong naman niya na lalong kinainis ko.
October niya mukha niya. Ang layo layo nun sa birthday ko ‘no? Sino naman kayang
may birthday ng October nay an! Bwiset.

“Malay ko.” Walang gana kong sagot at humarap na ko sa labas ng bintana. Ayoko na
bwisitin pa lalo yung sarili ko.

Nanahimik lang ako buong byahe, wala na kasi ako sa mood at isa pa parang pagod pa
din ako simula nung nangyari kahapon. Sumandal na lang ako at pumikit, hindi ko
namalayan nakaidlip na naman ako.

Nagising na lang ako ng maramdam ko yung kamay ni Dylan sa pisngi ko.

“Baby ko gising na, baba na tayo.” Sabi niya sabay ngiti.

Sinimangutan ko lang siya, badtrip pa din ako. Agad agad na din akong bumaba at
dumeretso sa gate ng bahay.

Bubuksan ko n asana yung gate ng mapansin ko na..

“Dylan nagpalit bang gate?” Tanong ko sa kanya habang pasunod pa lang siya sakin.
May kung anong inayos pa yata sa kotse.

“Pasok na.” Sagot niya lang. Ang tino niya kausap ngayon ha.
“Dylan hindi natin ‘to bahay!” Napasigaw ako halos nung mapansin kong mali ‘tong
gate na pinipilit kong buksan.

“Pasok ka lang.” Pilit niya pa ulit tapos siya na nag bukas ng gate.

Napalo ko naman tuloy yung braso niya. “Abnormal ka ba talaga? Hindi nga natin ‘to
bahay. Mamaya mademanda tayo ng trespassing eh.”

Natawa lang siya tapos hinigit yung kamay ko papasok sa loob.

“Hindi nga natin bahay ‘to Dylan.” Pagpiliti ko sa kanya habang papalapit na kami
sa front door ng bahay na hindi naman samin. 

Pagtapat namin sa front door humarap siya sakin at tinignan ako sa mata.

“Bahay natin ‘to.” Nakangiti niyang sabi. Nababaliw na yata siya, bakit pinipilit
niya na bahay namin ‘to eh hindi nga.

“Ano bang sina-“ Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi hinalikan niya ko ng
mabilis sa lips.  Chansing! Amp.

“Birthday gift ko. Happy Birthday baby ko.” Sabi niya sabay lagay sa kamay ko ng
susi.

“A-no? A-kala ko..” Hindi ako makapagsalita ng maayos, parang hindi ko pa gets eh.

“Akala mo nakalimutan ko? Pwede ba yun? Syempre hindi ko makakalimutan kung anong
araw pinanganak ang magiging future wife ko.” Sabi niya tapos ipinatong niya yung
noo niya sa noo ko.

“T-thank you baby ko. Akala ko kasi...” Pinigil niya ng daliri niya yung
pagsasalita ko.

“Akala mo lang yun. Sige pasok na tayo.” Ngiting-ngiti niyang sabi sabay higit
sakin ulit sa pinto.

Dahil ako na din may hawak nung susi ako na din ang nagbukas. Tumingin muna ko sa
kany bago tuluyang ibukas yung pinto at ngumiti. Ngumiti lang din siya pabalik kaya
naman pinihit ko na yung knob.

Pagbukas ko...

=================

Chapter Thirty Eight

Dedicated to you. Natawa naman kasi ako sa tanong mo na  "Bakit wala na pong titles
ang updates mo ngayon? Tinatamad ka no? Wahahaha." 

Part na yun, LOL! Bukod sa nakakaloka mag-isip ng havey na title ay minsan nagiging
spoiler na din siya so tinantanan ko na. Pwahaha. 

Look at the multimedia guys. Ganda ng bahay nila 'no? :DD 

Perfect Mistake Chapter 38

[Sophia]

Pagbukas ko... uwaaaah!

Ang ganda ganda nitong bahay. Grabe ang laki at ang lawak ng space. Kulang na lang
siguro tumulo ang laway ko sa ganda ng bahay na ‘to. Kumpleto na sa furnitures,
kulang na lang yung titira.

“Nagustuhan mo ba?” Tanong ni Dylan sabay akbay sakin.

Nilingon ko siya at tumango ng tuloy-tuloy. Napatawa naman tuloy siya, ayan lumabas
na naman ang precious dimples ng asawa ko. 

“So peace na tayo baby ko?” Tanong niya naman sakin. Nagkunwari akong sumeryoso at
umiling.

Bumagsak naman bigla yung ngiti niya. “Bakit naman? Hindi naman na talaga ako
nagrarace eh. Yung pusta ko lang dito last time pinanglast payment ko sa bahay.”

“Oh bakit ganyan mukha mo?” Tanong niya nung hindi ako sumagot.

“Bakit hindi mo kasi sinabi?” Nakanguso kong tanong sa kanya. Nasungit-sungitan ko


pa siya nun tapos eto pala yung dahilan niya. Pero kahit na, ayoko lang talaga na
magrarace pa siya ulit. 

“Syempre surprise nga po di ba? Wag ka na sumimangot dyan. Sige na smile na


babywifey ko. Smile na yan, paghindi ka ngumiti wala kang kiss.” Sabi niya sabay
pilit na inuunat yung kumunot kong noo gamit yung daliri niya. Natawa naman ako
bigla lalo sa huling sinabi niya, siya nga mas mahilig mangkiss dyan e. Hahaha.

“Uy tumawa pa, gusto yata ng madaming kiss ah.” Biro pa niya kaya napalo ko siya ng
mahina sa braso.

“Loko ka, ikaw naman kasi bumili ka kaagad ng bahay. Okay naman tayo dun sa inyo
eh.” Natatawa kong sagot sa kanya.

“Eh syempre gusto ko yung masosolo kita.” Sabi niya sabay taas taas pa ng kilay
pagkatapos ay hinigit yung kamay ko. “Halika. I’ll show you the rest of the house.”

At ganun nga ang ginawa namin, pinakita niya sakin lahat simula sa kitchen, dining
at kung saan-saan pa. Sabi niya mamaya na daw kami pumnta sa pool side pag medyo
malilim na.

Simple lang yung design nung bahay, walang masyadong arte pero para sakin ang ganda
ganda. Nung natapos na naman libutin yung baba, umakyat naman kami.

“Bakit parang ang dami yatang kwarto?” Puna ko, mga nasa lima yata kasi yung pinto
na nakita ko.

“May tatlong rooms bukod sa Master’s bedroom. Pwedeng kwarto pag may bumisita dito
satin, o kaya playroom ng baby. Yung isa naman pwedeng thaeater room.” Page explain
niya.

“Wow! May theater room pa!” Excited kong sagot sa kanya. Ngiti lang naman ang
sinagot niya sakin.

Hinawakan niya ulit yung kamay ko tapos dinala ako sa pinakdulong room.

“Buksan mo na.” Sabi niya pagkahinto naman sa tapat. Siguro ito na yung kwarto
namin.

Inikot ko na yung knob at dahan-dahan binuksan yung pinto.

Hindi ko mapigilan na mapangiti nung nakita ko yung loob ng kwarto. Para sakin nga
talaga ‘to, ang ganda. Mas malaki siya ng konti sa room namin  dati, may walk-in
closet pa nga eh. Pero hindi yun yung pinakanapansin ko. Kundi yung malaking frame
sa dingding ng kwarto, picture naming dalawa ni Dylan.

Naramdaman ko na lang na sinara niya din yung pinto pagtapos ay niyakap ako mula sa
likod at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Naglalambing na naman. 
“Tulo laway mo baby.” Pabiro niyang sabi sakin. Ay bwiset. Kinilig na ko nang-aasar
pa eh.

“Joke lang po. Humhaba na naman yung nguso mo e.” Sabay bawi din niya kaagad.
Mabuti naman, sayang kaya yung moment.

 “Baby ko.” Tawag niya habang nakayakap pa din.

“Mmm?” Pasimpleng kilig na sagot ko.

“Tara, binyagan natin yung kwarto.” Sabi niya sabay halik sa leeg ko. Naughty
Dylan.

“Sige.” Maikling sagot ko naman.

“Ha? Talaga? Payag ka?” Narinig ko naman yung excitement sa tono ng boses niya.
Pinaharap niya ko bigla sa kanya. Hahalikan na niya sana ako nung hinarang ko ng
kamay ko yung mukha niya.

“Oo, pagnabinyagan na din yung baby natin.” Natatawa kong sagot sabay dila sa
kanya.

“Ang duga mo naman!” Nakanguso niyang reklamo sakin. Wag na kayo magtaka, hobby na
niyang ang ngumuso. Hahaha :D

“Duga your face Daddy. Tignan mo naman and laki-laki na ng tyan ko. Ang awakward ng
feeling ‘no! “ Explain ko sa kanya. Mga kahilingan kasi nitong lalaki na ‘to buwis-
buhay e.

“Eh kung hindi awkward?” Tanong niya sabay nakakalokong ngiti. 

“Eh basta! Ang kulit mo, tama na nga yan.” Pag-iiwas ko sa usapan. Pang-asar naman
kasi e, bakit kasi may pa awkward awkward pa kong nalalaman.  Pero totoo naman
kasi.

“Sunget naman. Wala ba kong thank you kiss o hug?” Sabi niya habang nakaspread yung
dalawang kamay niya.

Agad ko naman siyang niyakap, syempre sobra sobra ‘tong niregalo niya sakin. Bukod
sa bahay magkakababy pa ko. 

“Thank you po. Thank you Daddy.” Sabi ko tapos pinupog ko siya ng kiss. Madaming
kiss sa cheeks at sa lips. Small kisses.

“I love you.” Sabi ko pa ulit bago siya halikan ng matagal sa lips.

At first, magkalapat lang yung mga labi namin pero dahan-dahan ding gumalaw. Of
course it was a very passionate kiss, after all were inlove. Hinawakan niya yung
likod ko para mas ilapit ako sa kanya. His touch sends electricity throughout my
entire body. I felt all zingy inside...
hanggang sa may malakas na kalabog kaming narinig.

Parehas kaming napatigil, naramdaman ko naman na biglang namula yung mukha ko. Ang
tagal na din namin ni Dylan pero nagblublush pa din ako.

Si Dylan naman parang napatingin sa kabilang side at napabulong.

“Ha? Sabi mo?” Paulit ko sa kanya. Hindi ko kasi naintindihan yung sinabi niya.

Napakamot na lang siya ng batok bago sumagot. “Sabi ko istorbo, tara na sa baba.
May isa pa kong surprise sayo.”

“Ano na naman? Bukod sa bahay meron pa? Dahan dahan naman Dylan baka maheart attack
ako.” Biro ko ulit sa kanya, para kasing hindi na naubusan ng surprise e.

Natawa naman siya sinabi ko. “Last na ‘to baby. Tara na.” Aya niya naman kaya
bumaba na din kami.

Bubuksan ko na sana yung pinto palabas sa garden ng takpan ni Dylan yung mata ko
gamit ang kamay niya.

“Uy bakit? Dylan baka madapa ako.” Reklamo ko habang pilit na tinatanggal yung
kamay niya sa mata ko.

“Surprise nga eh. Wag kang sisilip.” Natatawa niyang sagot. Ano na naman tintawanan
nito? Hindi naman ako nagjoke.

“Eh tanggalin mo na kasi. Pag ako nadapa ah!” Pagbabanta ko habang hindi ko
tinatantanan yung pagtanggal ng kamay niya sa mata ko.

“Syempre hahayaan ba naman kitang madapa? Relax lang baby ko.” Pag-aassure niya
sakin. Sus, napangiti na naman tuloy ako.

“Sus ang daming alam na kalokohan. Kung hindi lang ano eh...” Natatawa kong sabi
kahit medyo nakakaburyo yung wala akong makita.

“Kung di ano? Kung di ako gwapo?” Confident niyang sagot.

“Hindi kaya! Kung hindi lang kita mahal e.” Tawang-tawa kong sagot. Naghalo na kasi
yung kilig at kakornihan e. Hahaha.

“Uy cheesy.” Tukso naman niya sakin tapos unti-unti na niya kong inalalayan sa
paglalakad.

“Small steps lang baby para hindi ka mag-alangan.” Paalala naman niya. After 30
small steps, oo nabilang ko yun ganun talaga pag wala kang nakikita tapos clueless
ka sa nangyayari sa paligid.
“SURPRISSSSSEEEE!”

Nagsigawan lahat kasabay ng pagtanggal ni Dylan ng kamay niyang nakatakip sa mata


ko.

Napatakip na lang ako sa bibig ko habang natatawa. Halos lahat sila andito, lahat
ng mga malapit sakin.

“Mama!” Nagulat pero masaya kong sabi nung lumapit sakin si Mama at Shane. Sabay ko
silang niyakap.

“Akala ko nakalimutan niyo na, hindi niyo kasi ako binati ni Shane.” Patampo kong
sabi pagkatapos ko silang yakapin.

“Ako nakalimutan ko.” Seryosong sagot ni Shane ka ya naman napalo ko yung braso
niya.

“Hehe. Joke lang taba, syempre alam ko. May regalo nga ako sayo eh.” Tatawa-tawa
niyang sabi.

“Ano?” Excited kong tanong, for the first time si Shane na makunat magreregalo. At
sakin pa ha! Papabasbasan ko nga ‘to mamaya.

“Everlasting peace and love.” Seryoso niyang sagot sabay tapik pa sa balikat ko.
Nabatukan ko tuloy! Sabi ko na kalokohan na naman e. “Bagay po sayo. Epal lang.”
Tapos dinilaan  ko pa siya. Nagiging isip bata talaga ako pag kasama ko yung
kapatid ko.

“Anak kamusta ka naman na? Naospital ka di ba? Dadalawin ka sana namin ngayon dahil
na rin nga birthday mo pero sinabi nitong si Dylan na uuwi na daw kayo at isurprise
ka na lang namin.” Sunod sunod na sabi ni Mama.

“Okay naman po, nagkaron lang po ng contraction. Akala ko nga po manganganak na ko


eh.” Pagkwekwento ko.

“Nako maaga pa anak. Hindi ba 7 months pa lang yang apo ko? Alanganin pa.” Sagot ni
Mama.

“Oo nga po, buti hindi pa siya agad lumabas.” Sagot ko din naman.

“Nga pala, kailan niyo ba balak magpakasal?” Bigla naman tanong ni Mama.
Nakakagulat naman gusto niya na ko magpakasal. Pero sabagay para na din naman akong
may asawa.

“Paglabas na lang po ng apo niyo Mama.” Si Dylan na yung sumagot sa tanong ni Mama.
Muntik naman ako matawa kasi naalala ko yung unang beses na tinawag niyang Mama ang
mama ko. Muntik ako atakihin sa nerbyos nun eh.

“Mabuti naman, mahirap nga naman ngayon.” Pag sang-ayon ni Mama sa sinabi ni Dylan.
“Mama, isnatch ko muna saglit yung asawa ko ha. Kain na po kayo.” Pagpaalam ni
Dylan kay Mama.

“Sige tol dito muna kami ah.” Sabi ni Dylan sabay tapik sa balikat ni Shane.

”Oo tol, kakain na kami ni Mama.” Sagot naman ni Shane sa kanya sabay aya kay Mama
sa table.

“Wow ha? Kelan pa kayo naging close ni Shane?” Tanong ko kay Dylan nung papunta na
kami sa kabilang table kung saan nakaupo yung mga friends namin.

”Secret.” Ningiti-ngiti niyang sagot. Ang daya talaga ng mga lalaki! May tawagan
pa silang ‘tol ah! Nakakagulat lang samantalang noon kulang na lang batukan siya ni
Shane e.

“Hi soph! Happy Birthday!” Bati agad ni Heart pagkadating namin sa table nila.

“Thank you.” Sagot ko sabay beso sa kanya.

“Oy bakla ka! Akala ko hindi kita nakikita ngayon.” Sabay palo k okay Janna. Sanay
na kasi ako na simula nung maging magbestfriend kami kasama ko siya tuwing birthday
ko.

“Bakla ka din BFF! Syempre pwede ba naman yun.” Natatawang sagot ni Janna sabay
yakap sakin. “Happy Birthday.”
“Iiyak na yan! Iiyak na yan!” Pang-aasar naman nitong si Nate.

“Heh! Manahimik ka Nathan Shaun ka!” Saway ko naman sa kanya. Panira ng moment
‘tong Nate na ‘to.

“Hahaha. Joke lang Soph! Happy Birthday! Pakiss nga!” Sabay biro niya.

“Kiss mo sapatos ko gusto mo?” Entra naman ni Dylan. Seloso. Hahaha.

“Yung takong ko beb type mo?” Natatawa ding sabad ni Janna samin.

“Sabi ko nga sa inyo joke lang eh.” Bawi din agad ni Nate. Takot lang niya, kuyog
siya sa asawa at bestfriend ko. Hahaha

“Nga pala dude, ang tagal niyo kanina ah. Siguro may gin- PWE! Ano bay an Zee bakit
mo ko pinakain ng tissue?” Reklamo ni Kuya Brix habang inaalis yung tissue sa bibig
niya.

“Ang dumi kasi ng dila mo bee! Kung an-anong kabulastugan ang luamalabas!”
Natatawang sabi ni Ate Zea pero tinulungan niya din si Brix na alisin yung mga
tissue na kumapit sa lips niya.

“Happy Birthday Soph. What do you think of your new house?” Bati at tanong naman
sakin ni Enzo.
“Ang ganda!” Sagot ko agad. Totoo naman kasing ang ganda nung bahay.

“Wow thanks.” Nakangiting sagot ni Enzo. Yung itsura niya yung parang kakatanggap
lang ng compliment.

“Ha?” Sabi ko naman, di ko gets kung bakit siya nagthank you eh.

“Siya nagdesign nito.” Si Heart na yung sumagot para sa kanya.

Napalaki naman yung mata ko. “What?? Ikaw nagdesign talaga nito?”

Tumango lang naman si Enzo at ngumiti.

“Waaaa! Grabe ang galing mo Enz! Ang ganda ng bahay promise!” Tuwang tuwa kong sabi
sa kanya. Grabe bagay lang yung course ni Enzo sa kanya. Siya pala nagdesign nito!

“Thanks Soph. Buti nagustuhan mo. We really find it hard designing kasi clueless si
Dy sa gusto mo.” Sagot niya, so silang dalawa pala ang nagplano nito. Mga loko
talaga 

“Ah basta maganda, super! Eh pano pag nag asawa ka e di ikaw na din magdedesign ng
bahay mo?” Tukso ko sa kanya.
“Well, it depends kung anong type ng future wife ko.” Nakangisi niyang sagot.

“Gusto nun glass doors and windows.” Sabad ni Nate habang kumakain.

“How the heck did you know?” Natatawang tanong ni Enzo kay Nate.

“Paki mo Enzo? Hahahaha. Basta alam ko.” Sabi ni Nate tapos tuloy ulit sa pagkain.

“Psh.” Ismid naman sa kanila ni Heart sabay ngiti na din.

Kami? Wala display lang kami dito. Hindi namin gets yung mga pinag-uusapan nila eh!
Hahaha.

“Uy guys wait! May napansin ako.” Bigla sabi ni Dylan. Uy nagsasalita pala siya,
hindi kasi makasingit sa mga beh eh. Hahaha.

“Ano? Na ang macho ko na? Oo alam ko na dude.” Pagyayabang ni Kuya Brix.

“Oo hanggang mukha tol may abs na.” Pangbabara ni Nate kay Kuya Brix.
“Eh kesa sayo parang kulang na sa nutrisyon.” Pambawi ni Kuya Brix.

“Pfffft.” Pagpipigil namin ng tawa. Grabe sila mag-asar ang harsh lang. Pero
atleast walang pikunan.

“Uy sira seryoso ako mga panget.” Salita ulit ni Dy.

“Seryoso na din kami mas panget.” Sabay sabay na sabi ni Kuya Brix, Enxo at Nate.
Hahaha, grabe magkakaibigan nga sila.

“Sabayang bigkas ba ‘to?” Sabay sabay naman naming sabi nila Heart at Janna.

Nagkatawanan tuloy lalo.

“Uy loko asan kasi si Cyril. Siya lang wala dito eh.” Nagpipigil ng tawang sabi ni
Dylan.

“Oo nga tol nasan ba si Cyril?” Tanong din ni Nate.

Nagkatinginan lang kaming lahat pero walang nakasagot.

Oo nga, nasan nga ba si Cyril?


 

[Cyril]

Tuloy pa din siya sa paghalik sakin. Kanina ko pa din naman pinipigil yung sarili
kong hindi siya halikan pabalik pero mahirap pala. In the end sumuko din ako,
hinalikan ko din siya.

I was savoring her lower lip while she’s busy on my upper lip, her soft breath
brushing against my entire face. Her hands took mine, placing it on her hips. Her
arms tighten around my neck, causing the kiss to deepen.

Naramdaman ko na lang na lumayo siya ng konti, pero still not breaking the kiss.
Akala ko titigil na siya pero napansin kong wala pa pala siyan g planong itigil
‘to. She started to unbutton her dress. That’s when I snapped back. Pinigilan ko
yung kamay niya na ituloy yung gagawin niya, that’s when I realized that she’s
still crying.

“Stop.” Malamig kong sabi habang hawak yung kamay niya.

I started buttoning her dress again at napatingin lang siya sakin.

“Anong ginagawa mo? Bakit mo ko pinigilan?” Umiiyak niyang tanong.


“Ano ba kasing ginagawa mo?” Inis kong tanong sa kanya. Bakit ba kasi niya ‘to
ginagawa?

“Ganito yung gusto mo di ba Cyril? Pag ginawa ko din ba ‘to magugustuhan mo na ko?
Mapapansin mo na ba ko kahit papano?” Tanong niya habang patuloy na umiiyak, halos
namamaga na nga yung mata niya kakaiyak. Tang*na! Kasalanan ko kasi ‘to eh.

“Ano bang sinasabi mo ha? Hindi mo naman kailangan gawin yan eh!” Hindi ko na
napigilan na hindi siya sigawan. Inilalayo ko na siya sakin mas lumalapit pa siya.
At ano ba ‘tong napag-iisip niya? Nahihibang na ba siya?

“Bakit?” Tanong niya.

Hindi ko nagawang sumagot, kasi kung sasagot ako dalawa lang ang pwedeng mangyari.
Pwedeng masaktan ko pa lalo siya sa sasabihin ko o pwedeng masabi ko sa kanya ang
totoo.

“Bakit hindi ka makasagot Cyril?” Tanong niya tapos bigla siyang ngumiti ng mapait.
“Kasi hindi mo ko gusto di ba? Hindi mo ko magugustuhan. Kahit siguro tumulay pa ko
sa noodles hindi mo ko magugustuhan. Ang tanga tanga ko kasi, umasa ko na baka
sakaling magba-“ Hindi na niya natuloy yung gusto niya pa sanang sabihin dahil
umiiyak na siya.

Gustong gusto ko na siyang yakapin at patahanin pero pinipigilan ako ng utak ko.
Kasi kung gagawin ko yun mas lalo lang siyang mahihirapan sakin.

“Wag ka ng umiyak.” Pinipilit kong maging malamig lang ang tono sa kanya.
“Sira ulo ka! Pero mas sira ulo ako kasi nagustuhan kita, kasi tingin ko mahal na
nga kita!” Huminto siya sandali para bumuntong hininga habang ako mukhang gago na
nakatingin lang sa kanya. “Sorry ha. Pero wag kang mag-alala hindi na kita
guguluhin, hindi na kita iisipin, hindi na kita magugustuhan. Kasi masakit na,
siguro nga hindi ka na magbabago. Tanggap ko na Cyril, hindi ako ang magpapabago
sayo.”

Pagkasabi niya nun umalis kaagad siya habang umiiyak pa din.

Once she walks out that door, she’ll be forever gone Cyril.

Sabi ko sa sarili ko, pero eto ako. Nagpakagago at hinayaan siyang lumabas ng pinto
ko. She’s gone.

Sh*t!

=================

Chapter Thirty Nine

Dedicated to youuuu! Wala ng paluan ng pwet ah, salamat sa all through out na
support sakin. :)

Perfect Mistake Chapter 39

[Sophia]
 

“Happy Birthday ulit Sophia.” Bati ni Mama Dea sakin.

“Thank you po Mama.” Sagot ko sabay beso sa kanya.

“Happy Birthday hija, mauuna na kami ha.” Bati at paalam naman ni Papa Zeus.

Nagbeso din ako sa kanya bago sumagot. “Thank you po Papa, ingat po kayo ah.”

Tumango naman siya bago pumunta kay Dylan para magpaalam.

“Ate, uuwi na din daw kami ni Mama.” Sabi ni Shane pagkalapit niya sakin.

“Ihahatid na namin kayo ni Dylan. Sandali tatawagin ko lang po.” Sabi ko tapos
akmang aalis na nung pigilan ako ni Mama.

“Wag na anak, magpahinga na lang kayo. Pagod din yang asawa mo kasi siya nag-ayos
nito. Magtataxi na lang kami ni Shane.” Sagot niya sakin.

“Sigurado po ba kayo?” Tanong ko naman.


“Oo naman. Sus, ako bahala kay Mama. Nagkakamuscle na kaya ako.” Entra naman ni
Shane sabay pakita DAW ng muscles niya.

“Muscle e lampayatot ka pa din. Sige na, hahatid ko na lang kayo sa gate at ipag-
aabang ng taxi.” Natatawa kong sabi kay Shane, muscles pa daw. Nahiya naman ang
muscles din DAW ng Dy ko. Hahahaha.

“Dy, uuwi na din daw sila Mama.” Tapik ko kay Dylan na nakikipag usap kay Lara at
si isa pang bago naming kasama sa bahay.

“Hatid na po namin kayo.” Alok din ni Dylan sa kanila.

“Ay hindi na anak. Sige na, may mga naiwan pang bisita dito. Magtataxi naman kami
ni Shane.” Tanggi ulit ni Mama, alam ko medyo nahihiya din yan kay Dy pero okay
naman sila. Nakausap na din niya sila Mama Dea at Papa Zeus kanina, grabe ang cute
lang makita silang nagtatawanan.

Napakamot na lang si Dylan sa batok niya. “Oh sige po Mama. Mag-iingat po kayo.”

Ngiti lang ang sagot sa kanya ni Mama samantalang tinapik naman niya si Shane sa
balikat.

“Dapat kasi bayaw, may kotse ka na eh.” Biro ni Dylan kay Shane.

“Next time bayaw, pag graduate ko ng highschool.” Cool na sagot naman ni Shane.
Napapailing na lang tuloy ako.
“Oh? Highschool ka lang? Ang tangkad mo ah.” Parang nagulat pa na tanong ni Dylan,
matangkad nga naman kasi si Shane para sa age niya.

“Syempre, mana ko sa Papa namin e. Si Ate hindi eh. Hahahaha.” Sabi ni Shane na may
halong tukso sakin.

*PAK*

“Aray ah! Brutal ka talagang kapatid.” Nanlalaking mata na sabi sakin ni Shane.

“Naglalambing lang ako sayo, ang sweet mo kasi sakin e. Tsk.” Nakanguso kong sagot
sa kanya.

“Oh siya tama na yan, mamaya magpapaluan na naman kayo eh. Gagabihin na tayo
Shane.” Awat ni Mama samin, alam kasi niyan na pagnagkakapikunan kami ni Shane
halos magsuntukan na kami e.

Sinamahan namin sila mag-abang ng taxi sa gate.

“Ingat po kayo Mama.” Halos sabay na sabi namin sa kanila bago sumakay ng taxi.

“Sige salamat.” Nakangiting sagot ni Mama pagkatapos ay sumakay na din.


Hinintay lang din namin na makaalis yung taxi na sinakyan nila bago kami pumasok.
Sa sala pa lang nakasalubong na namin agad sila Ate Zea.

“Oh tol san kayo pupunta?” Tanong ni Dylan sa kanila.

“Uwi na kami bro.” Sagot naman ni kuya Brix.

“Ha? Ang aga aga pa kuya Brix.” Pagkontra ko sa kanila.

“Syempre kailangan namnamin ang bagong bahay.” Sabi ni Nate na may kasama pang
pataas-taas ng kilay. Lokong ‘to ah.

“Di nga uuwi na kayo?” Parang pang-aawat din ni Dylan sa balak nilang pag-uwi. Nag-
eenjoy pa din siguro siya sa kwentuhan nila.

“Oo nga Dy, ang kulet. Paulet-ulet?” Biro naman ni Heart.

“Oh sige. Bahala kayo, ayaw niyo magpapigil e.” Suko na din ni Dylan.

“Oh pano dude, we’ll go ahead.” Paalam ni Enzo sabay tapik sa balikat ni Dylan.
“Sige, salamat Architect.” Sagot ni Dylan sabay tawa.

“Oo nga. Thank you Archi!” Papapasalamat ko din kay Enzo, bilib ako e. Ang ganda
talaga nung design niya.

“No prob. Basta kayo.” Sagot ulit ni Enzo.

“Yung bahay namin ‘tol padesign din ha? Mukhang malaki discount namin sayo eh.”
Sabi ni Kuya Brix kay Enzo. Siguro yung future house nila ni Ate Zea yung tinutukoy
niya.

“Ang kuripot mo naman Brix.” Pang-aasar ni Heart kay Kuya Brix.

“Makaasar ka Heart parang ikaw yung malulugi ah.” Singit naman ni Janna.

“Pfffft.” Pigil na tawa ni Nate. Parang baliw lang.

“Oh tinatawa mo Nate?” Nagtatakang tanong ni Ate Zea, wala naman nga kasing
nakakatawa. Problema nito ni Nate?

“Oy tama na nga. It’s getting late.” Awat ni Enzo sa kanila.


“Oo nga naman, saka dapat nagpapahinga ka na  Soph.” Tunog worried na sabi ni
Heart.

“Oo nga bakla, akala talaga namin manganganak ka na eh.” Parang maloka-lokang sabi
ni Janna.

Natawa ako bago sumagot. “Akala ko din kaya.”

“Tara na, tara na. Mukhang pagod na yung dalawa oh.” Pagputol ni Nate sa usapan
namin.

Isa-isa na din silang nagpaalam bago sumakay sa kotse. Pagkaalis nila bumalik din
kami kaagad sa garden at naabutan si Lara at Ate Doris na naglilinis.

“Ma’am, Sir, kami na po dito. Konti lang naman po yung ligpitin. Magpahinga na po
kayo.” Sabi sa amin ni Ate Doris nung tinutulungan namin silang magligpit.

“Oo nga naman po Ma’am, dapat po nagpapahinga na kayo e.” Dagdag naman ni Lara.

“Sige Ate Doris, aakyat na kami. Magpahinga na din kayo, bukas na natin ligpitin
yung ibang kalat.” Bilin ni Dylan sa kanila, parehas naman silang tumango kaya
naman umakyat na kami.

Nagshower lang kami at nagpalit ng damit pagtapos ay nahiga na din. Ngayon lang
namin parehas naramdaman yung pagod.
“Thank you ulit Dy.” Sabi ko pagkayakap ko sa kanya.

“Wala yun, basta para sa dalawang baby ko.” Sagot niya. Kahit hindi ko nakikita
alam kong nakangiti na naman yan.

“May tanong pala ako Dy.” Bigla kong sabi.

“Mmm? Ano po yun?” Tanong niya din naman kaagad.

“Bakit bahay ang naisipan mong iregalo?” Curious kong tanong. Bukod kasi sa sobra-
sobra ‘to para sa birthday gift, eh okay naman kami sa dating bahay nila Mama Dea.
Bakit kaya naisipan niyang lumipat kaagad-agad.

“Hindi mo ba napapansin, gusto ng bawiin nila Mama yung kwarto nila?” Tanong niya
sakin.

Napailing naman ako kaagad. “Ha? Hindi. Wala naman silang sinasabi ah.”

Tumawa siya saglit. “Hindi, joke lang yun baby ko. Para sa future natin ‘to.”

Tinangala ko siya, nakatapat kasi ako banda sa dibdib niya. “Talagang sinecure mo
na ang future ah. Wala nab a kong kawala sayo?” Natatawa kong biro.
Hinigpitan niya bigla yung yakap sakin. “Syempre wala. Hindi pwede, ayaw ko.
Naiimagine ko na nga tayo sa bahay na ‘to eh. Paglumbas na si baby, tapos nagkaroon
ulit ng bagong baby, tapos isa pang baby, at isa pa ulit na baby, tapos isa pa...”
Kwento niya.

Pinutol ko yung sinasabi niya. “Ang dami naman ng nasa pangarap mo.” Reklamo ko sa
kanya, aba balak pa yatang magtayo ng isang team.

“Syempre dapat madami yung magandang lahi natin.” Sabi niya sabay kindat bago
magtuloy sa kwento niya. “Tapos naiiagine ko na din tayo na tatanda sa bahay na
‘to. Yung mababawasan na yung 6 pack abs ko, yung tyan mo matatakpan na ng madaming
bilbil kasi matanda na tayo.”

Sinamaan ko siya ng tingin sa huli niyang sinabi. Grabe pagtatanda ba magkakabilbil


na kaagad? Kainis siya ah.

“Oh ang sama na naman ng tingin mo eh. Di pa ko tapos baby.” Sabi niya tapos
kinurot niya ng mahina yung pisngi ko.

“Mas sweet ka na pagtanda natin kasi hindi ka na magkakaPMS dahil menopause ka na.
Pero kahit kumulubot na yung balat natin mahal pa din kita. Kahit sumakit na yung
tuhod ko at magkarayuma ako bubuhatin pa din kita. Kahit maumay ka sa pancakes na
gawa ko ipagluluto pa din kita. At kahit lumabo pa ang paningin ko ikaw pa din ang
pinakamagandang babae sa paningin ko.”

Habang sinasabi niya yan nakatingin lang siya sakin, humihinto-hinto saglit para
ngumiti. Ramdam na ramdam ko yung sincerity sa bawat salitang sinabi niya. Hindi ko
alam kung anong irereact ko, naghalo-halo na e.
“Your existence fascinated me. I couldn’t help it but imagine my life with you
everyday.”

Sa huli niyang sinabi hindi ko na mapigilan na hindi maiyak.

“Now I really know that I’m deeply in love with you.” Sagot ko sa kanya habang may
luhang tumutulo sa mata ko.

“Talaga?” Tuwang-tuwa niyang tanong.

“Yes. ‘Cause you make me cry with too much happiness.”  

We both smiled at each other and sealed our night with a kiss.

***

[Heart]

“Tired?” Tanong ni Enzo habang nagddrive, kaalis lang kasi naman sa bagong bahay
nila Soph pauwi sa condo.
I nodded then smiled.

“Lapit na birthday mo ah.” Bigla niyang sinabi.

“Please not now, ayoko pag usapan yang birthday ko.” I stated.

“Sorry.” Mahina niyang sagot.

I really don’t want to talk about my birthday kung alam ko na yun na yung araw na
ayaw kong mangyari. Yung araw na iiwan ko na naman siya.

“I’m just thinking of how we are going to spend it.” Sabi niya habang nakafocus sa
pagddrive.

“We are not going to celebrate, magcecelebrate pa ba tayo kahit na alam mo na pwede
iw-“

He cut me off. “Shhh. Don’t mention it. Basta we will celebrate your birthday.
Kahit hindi sa exact date.”

“But..”
“No buts.” He said in authority. I remained silent until we reached his condo.

Hindi kami nag-uusap hanggang makapasok kami sa loob. Ganito kami lagi pag napag
uusapan yung mga bagay na katulad nun, nagiging heavy ang atmosphere para samin
pareho. Mukah tuloy kaming sira na nakaupo sa magkabilang sofa, nandito ako sa
pang-single habang siya nandun sa mas mahaba. Hindi kami nag uusap, ayoko na naman
yung ganito. Yung hindi ko alam yung nasa isip niya tapos hindi ko din masabi yung
gusto kong sabihin kasi natatakot ako baka mag-away pa kami. Argh kainis yung mga
ganitong situation.

“Halika dito.” Tawag niya sakin, his hand gesturing for me to come closer to him.

“Bakit?” Nakasimangot kong tanong.

“Just come here.” Sagot niya, syempre luampit na din ako. Kung di ko lang hmmp!

Umupo ako sa same sofa na inuupuan niya pero more than a feet yata ang distance.

“Ang layo mo naman. Come closer.” He ordered.

Wala na din akong nagawa, tumabi na din ako sa kanya. Pagkatabing-pagkatabi ko sa


kanya kinuha na agad yung kamay ko at niyakap sa kanya. Napasubsob tuloy yung
pisngi ko sa chest niya.
“Gusto ko lang naman magcelebrate kasama ka, you spent 2 of your birthdays without
me. Gusto ko this time magkasama tayo.” Sabi niya habang hinahaplos yung balikat
ko.

“How? Alam mo naman na same date yun hindi ba?” Tanong ko sa kanya, hindi ko siya
pwedeng makasama sa mismong birthday ko. Yun ang dahilan kung bakit ayaw ko pag-
usapan. Kung bakit ayoko magspend ng birthday ko.

“You always have a choice Vie.” He said then he kissed the top of my head.

“I don’t.” I replied quickly.

“Yes you always have a choice, you’re just afraid to choose what you really want.”
Sagot niya naman.

I froze for a second and though of it. Meron nga akong choices, the problem is alin
ang iririsk ko?

Will I choose him over them?

***

[Zea]

 
“Zee nakausap ko na pala yung wedding planner. Gusto ka na din niyang kausapin.”
Sabi nitong katabi ko habang nagddrive para ihatid ako sa bahay namin.

“Next time na lang Bee, busy ako ang dami ko pang trabahao.” Sagot ko sa kanya
sabay ipinikit yung mata ko. Grabe, lately sobrang daming works kaya hindi na ko
nakakapag asikaso.

“Importante yun Zee, pag ako na naman lahat umasikaso nun at may hindi ka
nagustuhan mag-aaway na naman tayo eh.” Nasa tono ng boses niya na wala siya sa
mood makipagtalo, pwes ako din.

“Sabi ko naman sayo pagod na ko, pwede bang sa ibang araw na yan.” Sagot ko sa
kanya. Ayoko din makipagtalo.

“Last week mo pa sinasabi yan Zee, baka naman mauna pa magpakasal satin sila Dy.”
Nakuha niya pang magbiro, pero sa tono niya pinagagaan niya lang yung mood ko.
Pakiramdam ko umiinit na din ang ulo niyan kaya ganyan yan.

“E di mauna, ano namang problema? Sa madami akong trabaho ngayon Brix. Sana
intindihin mo naman ako.” Sagot ko sa joke kuno niya, nasa peak ako ng ngayon ng
business career ko just to let it all go. Hindi ko pwedeng gawin yun.

“Tapos ano Zee? Mamomove na naman yung date ng kasal? Ano papaabutin pa natin ng
year 2030? Baka patay na ko nun.” Sarcastic niyang sagot.

“Ano bang problema mo?” Inis na hinarap ko siya.


“Ikaw.” Mahina niyang sagot.

“What? Anong problema mo sakin?” Naniningkit na yung mata kong tanong sa kanya.
Grabe, at ako pa talaga ang problema ah.

Bigla niyang pinahinto yung sasakyan para humarap sakin.

“Are you even interested on marrying me?” Seryosong tanong niya.

*BEEEEEP*

“Of course I am! Ano ba yang pinagsasabi mo? Paandarin mo na nga ‘tong kotse bago
magwala yung mga nasa likod natin.” Natataranta kong sabi sa kanya. Ang dami na
kasing bumubusina sa likod namin. Hibang na ‘tong lalaki na ‘to para huminto sa
gitna ng kalsada.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko, tinignan niya lang ako sandali tapos pinaandar na
din yung sasakyan.

“Oras mo lang naman ang hinihingi ko sayo, hindi mo ba yun mapagbigyan? Hindi ko
lang naman kasal ‘to. Kasal mo din ‘to.” Mahinahon niyang sabi.

Naiinis pa din ako kaya hindi ko napigilan na magtaas ng boses. “Ang kulit mo,
sinabi na ngang hindi ako pwede this week e.”

Napatingin siya sakin tapos ngumiti ng mapait. “Makulit ba ko? Don’t worry simula
ngayon hindi na kita kukulitin sa kasal na ‘to. Baka mas maganda pa ngang icancel
na muan ‘to. Saka na lang natin ituloy pag interesado ka na.”

“Ihinto mo ‘tong kotse.” Utos ko sa kanya.

Hindi niya hininto pero tinignan niya ko ng may halong pagtataka.

“Ihinto mo, bababa ako!” Sigaw ko sa kanya.

Hininto niya naman yung kotse tapos hinarap ako. “Fine, suit yourself. Sana minsan
Zea maging sensitive ka naman.” Sabi niya bago humarap ulit sa manibela.

It took me time bago madigest yung sinabi niya, nanginginig akong bumaba sa kotse
niya at pabagsak na sinara yung pinto. Agad akong pumara ng taxi at sumakay.

Pgakasakay ko hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak. Ito yung unang beses na
naging ganon ang tono sakin ni Brix, ito na din yata yung unang matinding away
namin. Naiinis ako! Naiinis ako sa kanya, pero mas naiinis ako sa sarili ko. Hindi
niya normal magsabi ng ganun, lagi siyang nang-aasar o nampipikon. Never siyang
naging ganun kaseryoso, lalo na nung tinignan niya ko. I know he is very
disappointed, siya naman kasi sinabi ko ng pago ako e.

Kaso sa sinabi niya napapaisip ako. Kasalanan ko ba talaga?


***

[Nate]

“Bababa ka pa ba?” Tanong sakin ng maganda kong girlfriend paghinto ng kotse ko sa


tapat ng bahay nila.

“Oo sana, gusto ko lang mag-hi kay tita.” Sagot ko sa kanya ng nakangiti. Gusto ko
din kasi maging okay ako sa Mommy niya, lalo pa ngayon na kami na.

“Sige.” Ngumiti siya pagtapos ay tinanggal na yung seatbelt niya.

Nagmamadali naman din tuloy akong tangga;lin yung seatbelt ko, bumaba ako kaagad ng
kotse tapos pinagbuksan ko siya. Syempre kailangan gentleman tayo.

“Bakit parang ang dilim ng bahay niyo beb?” Tanong ko sa kanya nung makapasok kami
sa gate Para kasing wala ni isang ilaw sa loob ng bahay nila.

“Oo nag eh, baka tulog na si Mommy. Ay kaso nag-iiwan pa din yun ng ilaw kahit sa
sala eh.” Nakakunot yung noo na sabi niya, ang cute talaga ng girlfriend ko.
Nagkibit-balikat na lang ako tapos pumasok na din kami sa loob. Binuksan naman agad
namin yung ilaw, si beb kasi masyadong takot sa dilim.

Naupo muna ko sa sofa tapos pumunta naman si Beb sa kusina nila. Pagbalik niya
meron siyang hawak na papel.

“Ano yan? Love letter mo para sakin beb? Ikaw naman nag abala ka pa.” Biro ko sa
kanya.

“Sira! Hahaha. Note ni Mommy ‘to, umalis pala siya dinalaw yung tita ko na galing
Australia.” Natatawa niyang sagot sakin.

“Pano yan? Sinong kasama mo dito?” Nag-aalala kong tanong sa kanya.

“Okay lang ako, siguro pauwi na din yun si Mommy.” Kampanteng sagot niya.

“Ayaw naman kita iwan mag-isa dito beb. Gabi na oh, hintayin ko na lang dumating si
Tita.” Sagot ko sa kanya.

“Okay lang talaga ko Beb. Hindi naman masyadong magpapalate yun si Mommy e.”
Pagtanggi niya na naman. Ang kulit naman niya eh.

“Basta beb hihintayin ko na si Tita,” Pilit ko pa din.


“Ang kulit mo beb, takot ka lang yata mamiss ako e.” Natatawa niyang biro sakin.

“Syempre naman.” Nakangiti kong sagot sabay kindat sa kanya. Pacute daw ako sabi
niya, pero ayos lang yun basta siya.

“Dyan ka muna ha, magbibihis lang ako saglit.” Sabi niya bago tumalikod at naglakad
papunta sa hagdan.

Sumandal naman ako sa sofa nila at nilagay ko yung dalawa kong kamay sa ilalim ng
ulo ko. Pormahang boss ba, nung biglang...

“Aaaaah!” Narinig kong sumigaw si Beb kasabay ng pagkamatay ng mga ilaw.

“Beb? Okay ka lang?” Sigaw ko habang dahan dahan na naglalakad sa dilim. Grabe
sigurado takot na takot siya ngayon.

“Andito ko sa hagdan.” Sigaw niya pabalik sakin.

“Nasan ba yung hagdan niyo? Hindi ko makita e.” Natataranta kong tanong sa kanya.
Gusto ko na kasi agad makarating sa hagdan nila, sure ako natatakot na siya eh.

“Sira ulo ka talaga beb, malamang di mo makikita kasi brown o- AAHHHHHHH!”


Hindi niya natapos yung sasabihin niya kasi bigla siyang sumigaw. Mas lalo akong
nataranta, napanood ko na sa mga movies ‘to. Yung pinapatay yung ilaw sa isang
bahay tapos iisa-isahin yung mga tao sa loob! Mas lalo tuloy akong nataranta sa
naiisip ko.

“Beb? Anong nangyari? Bakit ka sumigaw? Asan ka? May kumuha ba sayo? Wag ka mag-
alala ipagtatanggol kita!” Sunod sunod kong sigaw habang naka defense position,
malay natin may biglang umatake sa likod ko.

“Sira ulo ka Nate! Alisin mo yung paa mo! Natatapakan mo yung kamay ko, masakit!”
Sigaw niya.

Agad naman akong napaatras. Akala ko may kumuha na sa kanya kaya siya sumigaw eh.

“Sorry beb.” Sabi ko tapos dahan dahan akong lumuhod para maalalayan siya. “Okay ka
lang ba? Anong kasing ginagawa mo dito sa sahig beb?”

“Natapilok kasi ako.” Mahina niyang sagot.

Inalalayan ko na siya para makatayo, kasabay naman nun yung pagbalik ng mga ilaw.
Buti naman, nagkailaw din kaagad.

“Ahhhh.” Sabi ni Beb sabay hawak sa paa niya.

“Masakit ba? Halika alalayan muna kita paupo sa sofa.” Sabi ko habang dahan dahan
siyang itinatayo.

“Hindi kaya ko na, aakyat muna ko. Naiinitan na kasi ako dito sa suot ko.” Sagot
niya tapos pinilit niyang lumakad pero ang ending hindi niya din kaya.

Napapailing akong lumapit sa kanya at binuhat siya.

“Uy Nate anong ginagawa mo?” Nanlalaki yung mata niyang tanong sakin.

“Ang kulit mo kasi, ihahatid na kita sa kwarto mo para makapagpalit ka. Hihintayin
na lang kita sa labas ng pinto.” Nakangiti kong sagot sa kanya kahit sa totoo lang
nangangawit na din ako. Grabe ang bigat pala ng girlfriend ko, saan niya ba
tinatago yung excess baggage niya?

Siya na ang nagbukas ng pinto at nagbukas ng ilaw nung makarating kami sa kwarto
niya.

“Uy ibaba mo na ko.” Sabi niya na may kasamang mahinang palo sa sa balikat ko.

“Eh! Nate naman eh.” Nakanguso niyang sabi, ang cute niya tuloy lalo.

Natawa naman ako bigla. “Sa isang kondisyon muna?”


“Ano naman kundisyon yun ah?” Nakakunot na naman yung noo niyang tanong.

“Kiss muna.” Hiling ko sa kanya.

“Hoy! Grabe ka ah!” Sabi niya sabay palo na naman sa braso ko.

“Bakit? Bayad yun sa pagbuhat ko sayo beb! Ang bigat bigat mo kaya. Mula nung
naging tayo hindi pa ulit nasusund-“

*tsup*

“Oh yan na, manahimik na ka at ibaba mo na ko.” Kunwari masungit niyang sabi pero
kitang-kita ko naman na namumula siya, nahiya pa sus. Hahaha.

“As you wish my princess.” Ngiting-ngiti kong sabi tapos sinampa ko yung isang
tuhod ko sa kama niya para makabwelo sa pagbaba sa kanya. Hindi ko pa man din siya
tuluyang naibababa sa kama niya nung..

“What are you guys doing in here?”

“Mommy!” 

--
Note: 

Love love! Mango backhugs for everyone! :*

-Yamiloves. ♥

=================

Chapter Forty

Dedicated to my anak anakan Hannah. Pasalubong namin from Baguio ah. Hahaha. De
joke lang. :*

Sorry, don't expect too much on this update guys. I'll tell you, sabaw siya. Tindi
ng headache ko eh, yan lang kinaya ko so sorry again. :/

Perfect Mistake Chapter 40

[Brix]

“Fine, suit yourself. Sana minsan Zea maging sensitive ka naman.” Seryoso kong sabi
tapos dumeretso na ako ng tingin.

Hinihintay ko sanang mag-sorry man lang o siya humingi ng amuin ako per wala,
bumaba lang siya at malakas na isinara yung pinto ng kotse ko.

TUNGNU! Kung hindi ko lang mahal yung manhid na yun sisingilin ako siya pagnasira
yung pinto ng kotse ko eh!
Nakikiramdam lang ako, baka sakaling magbago ang isip niya at bumalik siya dito.
Kahit kilala ko pa si Zea na mapride at manhid nagbakasakali pa din ako.

Pero pinairal na naman niya yung taas ng pride niya at sumakay ng taxi. Napapailing
na lang akong pinaandar yung sasakyan ko at nagdrive papunta sa Black Griffin Bar.
Kailangan ko lang mag-isip isip. Mabilis akong nakarating sa bar, umupo sa isang
stool at umorder ng beer.

“Brass Monkey.” Sabi ko dun sa waiter at agad niya naman ginawa yung order ko.

Napailing akong natatawa sa inorder ko. Monkey. Lagi niyang tawag sakin yun pag
nabwibwiset siya eh, at madalas yun. Abnormal talaga yung babae na yun, bakit ba
kasi ako nagmahal ng abnormal na manhid na babae?

Paano ko nasabing manhid siya? Matagal na kong may gusto sa kanya, siguro high
school pa lang kami at una akong tinamaan ng pagbibinata ko. Bukod kasi na siya
yung pinakaclose kong babae nun, natatawa ko sa ugali niya. Hindi normal eh, lahat
kaming lima pinapatulan niya. Pero I must admit maganda talaga si Zea, ang kaso
lang brutal at nakakatakot siya. Kaya siguro ilag din yung mga lalaki na manligaw
sa kanya, at isa na ko dun. Kaya nga dinadaan ko na lang siya sa biro at pang-aasar
noon pa eh, kasi natatakot ako baka sapakin niya ko pag sinabi kong liligawan ko
siya.

“Brass Monkey sir.” Sabi nung bartender sabay lagay nung drink sa harapan ko. Gusto
ko nga siyang sapakin eh. Pakiramdam ko kasi inaasar niya ko sa monkey. Pikunin
talaga ko sa totoo pero nasanay na ko sa ganyan lalo kila Nate.

“Pssst! Bigyan mo nga ko ng kahit anong nakakalasing dyan! Yung matindi ah! Sing
tindi ng appeal ko!” Sigaw nung lalaking biglang umupo sa stool na katabi ng
inuupuan ko. Sa kayabangan at boses pa lang kilala ko na kung sino yun.
“Hoy sira ulo, nagkalat ka pa ng kahanginan mo dito.” Bati ko sa kanya. Hindi uso
samin yung maayos na batian. Lalo na sa taong ‘to.

“Pakyu! Totoo naman ah. Bakit ka andito?” Tanong sakin ni Cyril.

“Magshoshopping siguro tol. Tange ka din e no?” Natatawang sagot ko sa kanya.


Tatanong pa eh

“Lul!” Nakasimagot na sagot niya sakin.

“Oh bakit lukot mukha mo?” Usisa ko sa kanya. Himala eh, hindi gumanti ng
kagaguhan.

“Kasi hindi ko naplantsa eh!” Seryosong sagot niya sakin. Natawa naman ako, akala
ko hindi gaganti eh.

“Bakit umiinom ka mag-isa dito? Ano ka Emo?” Tanong niya sakin sabay inom nung kung
ano mang matinding alak daw na yun.

“Oo, peram nga ko blade. Laslasin ko leeg mo.” Kunwari seryoso kong sagot sa kanya.

“Sabi ko na nga ba’t insecure ka sa pagmumukhang ‘to kaya tatapusin mo na ko eh.”


Mayabang niyang sabi sakin.

“Hindi naman ‘tol. Babawasan ko lang populasyon ng panget sa mundo.” Natatawa ko ng


sagot sa kanya. Nakakawala talaga ng problema makipagbasagan sa sirang ulong ‘to.

“Gagu.” Sagot niya tapos nagkasabay kaming tumawa.

“Birthday ni Soph kanina ah, bakit di ka sumunod samin?” Seryoso kong tanong. Lahat
naman kasi sinabihan ni Dylan, siya lang ang hindi pumunta.

“May inasikaso lang ako. Binati ko naman si Ex-crush eh. Mabuti na yung di ako
pumunta, baka magselos pa ko.” Sabi niya sabay tawa.

“Lul. Gusto mo pa din si Soph? Loko pano naman yung girlfriend mo ngayon?” Tanong
ko sa kanya bago uminom at umorder ng panibagong drink.

“Ganda ganda ni Soph eh, pero syempre mahal ni si Dy kaya crush ko na lang siya.
Hehe. Girlfriend ‘tol? Sino sa kanila?” Mayabang na sagot niya. Hayup kasi sa dami
ng babae eh.

“Crush ni Dy mukha mo dyan eh. Hahahaha. Sira, yung makulit na babae? Yung sinama
mo minsan? Improving ka ah.” Tukso ko sa kanya. Hindi pa kasi yan nagsama ng kahit
isang babae special occasions namin, Ayaw niya daw kasi mag-expect yung babae na
seryoso siya dun.

Bigla namang pumait yung itsura ng kumag na ‘to, parang nakakain ng ampalaya. “Yun?
Wala. Trip trip lang yun.”
“E bakit ganyan mukha mo? Kala mo pumapak ng kape.” Sabi ko sabay smirk. Gagung
‘to, parang si Dylan lang din. Sakin pa magtatago e kilalang kilala ko na sila.

“Wala ‘to. Lilipas din ‘to. Masyado kang maintriga, kamag-anak mo ba si Boy
Abunda?” Asar niya sakin. Gagung ‘to, di naman ako kalbo ah.

“Anong kala mo sa nararamdaman mo gutom? Lumilipas?” Tanong ko sa kanya habang


napapailing.

“Eh gagu, nangengealam ka na naman. Ikaw bakit  tumatambay ka dito? Pag nalaman ni
Ate Zea yan? E di pompyang ka na naman dun. Hahahaha.” Panunukso niya naman. Turn
ko pa naman para manahimik.

“Uy tahimik? LQ kayo? Hahahahaha! Pakshet kaya pala lalong pumanget yang mukha mo.
Shet ang panget talaga ng reaksyon mo ‘tol! Hahahaha.” Tawang tawa niya pang sabi.
Hinayupak na ‘to, nahalata na nga tatawanan ka pa. Kaibigan ko nga ‘tong kumag na
‘to.

“Parang di naman interesadong pakasalan ako.” Seryoso kong sabi sabay inom ulit ng
beer.

“Kahit ako babae, di kita papakasalan eh. Wahahahahahahahahaha!” Sabi niya ulit
sabay tawa ng malakas. Napatingin na tuloy samin yung ibang tao sa bar.

“Pakyu! Wala ka talagang naitutulong eh.” Straight-faced kong sabi sa kanya. Mabuti
pa si Enzo na lang kinausap ko, kesa sa kolokoy na ‘to. Makakakuha pa ko nga
matitinong sagot.

“Sino ba may sabing tinutulungan kita? Hahahaha! Wag kang asa boy!” Sabi niya
habang tumatawa pa din at tinatapik tapik yung balikat ko.

“Alam mo kasi wag mo problemahin ang mga babae, hayaan mo sila ang mamoblema sayo.”
Tianpik niya ulit yung balikat ko.

Pinalis ko naman agad yun, lumalakas kasi nagiging kabog na tuloy. “Maka advice ka
ng ganyan akala mo hindi ka namomoblema sa babae ah.” Asar ko sa kanya.

“Bwiset ka e no? Inaaliw ko na nga sarili ko pinapaalala mo pa!” Inis na sagot niya
sakin.

“Quits na ‘tol.” Tapik ko din sa balikat niya.

“Umalis ka na nga sa harap ko baka makutusan ko yang mukha mo eh.” Nakakunot niyang
sabi.

Inubos ko na yung beer ko at iniabot yung credit card ko sa bartender.

“Baka naman ilibre mo pa ko ah.” Pagpaparinig ni Cyril. Napailing na lang tuloy


ako.
“Sama mo na yung drink niya.” Habol ko dun sa bartender.

“Here’s your card sir.” Soli niya ng card ko pagtapos.

“Una na ko, kait di mo na ko palayasin aalis na ko. Umay na ko sa mukha mong lukot
eh.” Natatawa kong sabi sabay tayo at tapik sa baikat niya.

“Gagu. Sige layas na.” Sagot niya ng hindi man lang lumilingon kaya naman lumabas
na din kaagad ako ng bar.

Wala naman kasi akong plano magpakalango sa alak ngayon gabi, gusto ko lang
makapag-isip isip muna kaso dumating naman ang kumag na Cyril nagulo tuloy utak ko.
Hay bahala na nga. Bukas ko na lang ulit iisipin kung paano na ba ‘tong kasal na
‘to.

Palapit na ko sa kotse ko nung makita kong maraming tao sa tapat nun.

“Tol dalian mo baka mahuli tayo.” Rinig kong sabi nung isa.

“Hoy sira ulo kayo anong ginagawa niyo sa kotse ko?” Sigaw ko nung nakita kong
tinusok ng kung ano yung gulong ng kotse ko.

“Tol takbo!” Sigaw nung isa kaya naman hinabol ko sila, tantya ko nasa 6 yata sila.
At parang namumukhaan ko silang lahat.
“Kilala ko kayo! Mga sira ulo bumalik kayo dito!” Sigaw ko sa kanila habang
hinahabol sila. Hinablot ko yung sleeves nung isa sa kanila nung naabutan ko sila.

“Tang*na tol nahuli si Dwight!” Sigaw nung isa sa kanila.

“Umamin ka, inutusan kayo ni DK no?” Pilit na pagpapaamin ko dun sa isang nahuli
ko. Binata lang siya, siguro mga nasa edad 18.

“Tangna tulungan niyo ko dito.” Sigaw nung hawak ko.

Hinigpitan ko yung hawak sa kwelyo nung lalaki. “Umamin ka, sino nag-utos sa in-“

*booogsh*

[Cyril]

“Hey handsome, can you buy me a drink?” Tanong nung isang babae sabay paikot ng
isang daliri niya sa tenga ko.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Sorry miss, hindi kasi ako nag iinvest ng pero
sa mga low quality.”

Napanganga naman yung babae sa gulat sa sinabi ko sa kanya.

“Baka pasukan ng masamang hangin yan Miss. Makakaalis ka na, hindi kasi ako
interesado.” Nakangisi ko pa ding sagot sa kanya.

Napayuko naman yung babae at agad ding umalis. Napaseryoso na naman ako tuloy mag-
isa. Dapat pala hindi ko na muna pinaalis si Brix para may kabwisitan ako dito.

“Psst. Seven and seven nga.” Order ka pa ulit sa bartender.

“Sir mukhang problemado na naman kayo ah.” Bati sakin nung bartender. Kilala na ko
nito, madalas ko din ‘to makakwentuhan pag umiinom ako mag-isa dito.

“Medyo nga.” Sagot ko lang sa kanya.

“Si Ma’am madaldal po ba?” Nakangiti niyang tanong sakin.

“Kilala mo siya?” Tanong ko sa kanya.


“Pinsan po yun ni Sir Vince, nandito po ako nung hinila mo palabas si Ma’am.” Sagot
niya sakin.

“Siya nga. Abnormal na babaeng yun eh.” Nangingiting sagot ko. Ewan ko, basta
nangingiti ako pag naalala ko yung mga kabaliwan niya.

“Gusto mo na siya no Sir?” Parang nangaasar na tono nitong bartender. Buti na lang
close na kami kung hindi baka nabigwasan ko na ‘to.

“Ewan ko.” Maikli kong sagot.

“Amin amin din Sir. Kahit naman hindi niyo sabihin halata na eh, di naman kayo
mamomoblema kung hindi eh.” Seryoso niyang sagot.

“Ewan ko ba, di ko naman kasi mababalik sa kanya yung mga ginagawa niya sakin eh.”
Seryoso ko ding sagot sa kanya. Ewan ko ba, mas madali akong sumeryoso sa harap ng
ibang tao kesa sa harap ng mga kumag kong kaibigan, siguro kasi alam kong
bwibwisitan at aasarin lang nila ako.

“Di naman kailangan ibalik yun Sir, hindi naman niya ginagawa yun ng walang
dahilan. Siguro kung ano man yun, ginagawa niya yun kasi gusto niya at walang
hinihinging kapalit.” Sagot niya sakin.

Napataas yung kilay ko. “Bakit parang ang dami mong alam? Isa ka ba sa fans ko?”

Tumawa siya sandali bago sumagot. “Andito kasi si Ma’am kani-kanina lang din bago
ka dumating. Nagkwento din siya sakin, mukhang lasing na nga yun kanina nung tumayo
eh. May kausap na lalaki Sir. Tsk tsk.”

Napahinto naman kaagad ako sa sinabi niya.

“Nandito pa ba sila? Sino bang kasama niya? Yung Vince ba?” Sunod sunod na tanong
ko dun sa bartender.

“Nagpunta po sila sa gitna nung mga nagsasayaw. Hindi ko po kilala yung kasama e,
wala po si Sir Vince ngayon dito.” Sagot niya.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot sa kanya. “Keep the change.” Sabay tayo.
Nakasimangot akong pumunta sa gitna ng mga nagsasayaw. Mab abatukan ko talaga yung
babae nay un, sumasama sa hindi naman niya kakilala. Mamaya niyan mapano pa siya
eh.

Madaming linta ang humarang sakin at pinipilit akong makipagsayaw sa kanila. Hindi
ko na lang pinansin, hindi naman sila ang pakay ko eh. Inikot-ikot ko pa yung
paningin ko hanggang sa makita ko yung gusto kong makita. Buti naman at mag-isa
lang siya, medyo nakahinga ako ng maluwag nung nakita kung okay naman siya at
walang kasamang ibang lalaki.

“Umuwi ka na.” Sabi ko sabay hila sa kamay niya.

“Shino ka baaa?” Parang naiirita niyang tanong sakin nung hinila ko siya.

“Para kang may sayad, lasing na lasing ka na bakit hindi ka pa umuwi?” Inis na inis
kong tanong sa kanya. Ni hindi na nga niya magawang luamkad ng matino.
“Teka? Shaaan mo ko *hik* dadalahin? Kikidnappin mo ko ‘no?? Crush mo ko ‘no??
Hihihi.” Natatawa niya pang tanong sabay kalabit sakin, kahit lasing makulit pa din
siya.

“Sira ulo ka di kita type.” Sagot ko sa kanya.

“Hmp! *hik* Ang shunget mo naman. Para kang si batman ko. Ang shunget shunget. Pero
kahit ganun yun  *hik* mahal ko na yun.” Napahinto ako sa sinabi niya. Hinarap ko
siya sandali at nakita kong nakayuko lang siya habang nakakakapit na din sakin.

“Wag mo siyang mahalin, hindi naman yun dapat mahalin eh.” Seryoso kong sagot sa
kanya.

Sumimangot siya. “Bakit ba nakiki *hik* alam ka? Ako naman to eee. Nararamdaman ko
‘to. Kakainish ka ah!” Sabi niya sabay gewang ng lakad.

Napapailing na lang akong binuhat siya sa balikat ko. Kidnapper style.

Pinagpapalo niya naman yung balikat at likod ko. “Hooooooy! Ibaba mo koooo.
Nashushuka ako eh, ibaba mo ko. Manyakisshh kaaaa. Ibaba mo shabi ako.”

“Manahimik ka at wag ka ding susuka kung ayaw mong itapon kita sa kalsada.” Sagot
ko sa kanya.
“Oh shige hindi na. Matutulog na lang ako! Gishingin mo ko pagnasa Enshanted
Kindooom na tayo ah. Hindi na ko shushuka, niaantok na-“

Hindi na niya nagawang tapusin yung sasabihin niya, malamang nakatulog na ‘to sa
sobrang kalasingan. Buti na lang at alam ko pa din yung bahay niya. Sinakay ko siya
sa kotse ko at inayusan ng seatbelt. Sumakay na din ako sa drivers seat pero bago
ko istart yung kotse, ginawa ko muna yung isang bagay na kanina ko pa sana gustong
gawin.

Hinalikan ko si Honey sa ilong. “Tungnu ambaho mo pukyot, amoy alak ka. Matulog ka
lang dyan, pag gising mo bukas wala ka ng batman kaya wag kang eengot engot.”
Seryoso kong sabi tapos ay nagsimula na kong magdrive papunta sa bahay niya.

Kung pwede lang paabutin ko ng isang araw yung pagdridrive ko para makasam ko pa
‘tong engot na ‘to kaso hindi naman pwede. Gusto ko lang sana sulitin yung ganito
kasi bukas, mamumuhay na kong walang kilalang Honey, para na din hindi na siya
mahirapan na layuan ako.

“Sorry pukyot.”

[Nathan]

Nakaupo kami ni Janna sa kama habang si Tita kanina pa lakad ng lakad pabalik
balik.
“Wala bas a inyong magsasalita?” Parang galit na tono niya, ninerbyos na tuloy ako
lalo.

Siniko naman ako ni Beb. “Ikaw na magpaliwanag.”

“Bakit ako? Mommy mo yan eh, natatakot nga ako baka bigla akong takungin.” Pabulong
na sagot ko sa kanya.

“Ang duwag mo naman. Hindi yan, ikaw na magsabi.” Bulong din niya sakin.

No choice na ko eh baka pagtulungan nila ko ng Mommy niya kaya huminga muna ako ng
malalim bago magsimulang magsalita. “Tita kasi po-“

“Explain this to me Jannina.” Pagputol ni Tita sa sasabihin ko.

“Sabi ko sayo ikaw na eh.” Bulong ko kay Beb habang napapakamot na lang ng batok
ko. Nakakanerbyos kasi si Tita ngayon parang anytime sisipain ako palabas ng bahay
nila.

“Mommy mali yung iniisip mo. Kasi ano nagbrownout po tapos madilim tapos natapilok
ako tapos naapakan pa po ni Nate yung kamay ko buti hindi nasira yung manicure ko
tapos po nung nagkailaw dinala niya ko dito sa taas.” Derederetsong paliwanag ni
Beb. Halatang kinakabahan din siya.

“Yes. Yun nga ang naabutan ko, the two of you almost getting into bed!” Pagalit na
sabi ni Tita.

“Tita nagkakamali po kayo ng interpretation. Dinala ko po siya dito sa taas kasi


nahihirapan po siyang lumakad dahil sa pagkatapilok niya. Magpapalit lang po sana
siya ng damit at hihintayin ko siya sa labas ng pinto.” Pagpapaliwanag ko.

Nakinig naman si Tita samin pero hindi agad siya sumagot.

“Mommy sorry, pero wala po talaga kaming ginagawang masama ni Nate.” Dagdag ni beb.

“Are you guys telling the truth?” Seryosong tanong ni Tita Nanda.

“Opo.” Sabay naming sagot.

Napabuntong-hininga lang si Tita Nanda bago umupo sa pagitan namin ni Beb.

“I trust you guys. Sana naman wag niyo akong bibiguin.” Sabi niya sabay akbay
saming dalawa.

“Hindi ko po sisirain yung tiwala niyo Mommy, promise yan.” Sagot ni Janna sa
kanya.

“Tita promise ko din pos a inyo yan.” Sagot ko din.


“Very good guys. Basta when you feel like it’s almost getting there you shoul-“

“Mommy naman! Waga nga nating pag-usapan yang ganyan., ang awkward awkward eh!”
Nahihiyang sabi ni Janna. Natawa naman tuloy kami ni Tita sa kanya.

“Hindi na. Basta if ever na maiisipan niyo yan magpakasal muna kayo no!” Pahabol pa
ni Tita.

“Mommy naman! Hindi pa naman po ako mag-aasawa eh.” Maktol na naman ni Beb. Parang
bata talaga.

“Oh siya hindi na. Bumaba na tayo dun may dala kong food. Kumain muna tayo.” Aya
samin ni Tita.

“Okay lang Tita, busog po kami kila Soph eh. Mauuna na po ako, hinihintay ko lang
po talaga kayo makauwi para may kasama siya.” Sagot ko.

“Sure ka ba? Oh sige. Ihahatid na kita sa baba.” Sabi ulit ni Tita.

“Sige beb. Ingat ka. Bbye.” Sabi sakin ni Beb kasi mukhang hindi na din siya
makakababa.

“Sige, yang paa mo beb lagyan mo ng ice ha.” Sagot ko sa kanya.


“Hep. Wala munang goodnight kiss at nandito ako. Let’s go downstairs young man.”
Natatawang sabi ni Tita habang nauna na bumaba. Sumunod din naman ako agad sa
kanya, baka kasi pagalitan kami pag nagtagal pa ko sa taas.

“Salamat sa pagsama sa anak ko Nate.” Sabi ni Tita nung nasa pinto na kami.

Ngumiti ako bago sumagot. “Wala po yun. Una na po ako.”

“I’m counting on you Nate, sige ingat ka.” Pahabol pa niya bago isara yung pinto.

Whew! Nakahinga ako ng maluwag dun ah, akala ko talaga tatakungin na ko ni Tita.
Nakakatakot din pala siya magalit, pero buti na lang may tiwala siya samin. At
kahit naman loloko loko ako hindi ko sisirain yung tiwalang binigay ni Tita.

Sumakay na ko ng kotse ko at magdridrive na sana nung nagring yung phone ko.

“Hello Carlo? Bakit?” Tanong ko pagkasagot ko ng phone. Si Carlo, medyo katropa din
namin ‘to sa school.

"Tol need back up."

“Back up? Bakit nagsasayaw ka ba? Sira ulo, alam mo ng hindi ko talent yan.”
Natatawa kong sagot. Ano ba kasing back-up pinagsasabi nito?
"Gagu Nate. Nandito kami sa Griffin, si Brix-"

*toot toot toot*

Shit! Ngayon pa ko nagempty. Ano bang nangyayari? Anong kinalaman ni Brix at bakit
nasa Black Griffin siya?

=================

Chapter Forty One

I'm officially back on Wattpad. <3

Perfect Mistake Chapter 41

[Nathan]

Sumakay ako agad sa kotse ko at nagdrive ng mabilis papunta sa Black Griffin bar.
Habang nagdridrive ako madaming kung ano anong scenario ang pumasok sa isip ko.
Merong naupakan si Brix, o kaya nanghipo ng chiks si Brix, o kaya nanghalik ng
lalaki. Oo alam ko puro kagaguhan yung naiisip kong scenario, di naman kasi usual
na sitwasyon ‘to eh.
Ilang minuto ang nakarating na din ako sa parking lot ng Black Griffin, papasok pa
lang ako ng parking lot naaninag ko na kaagad si Carlo, Brix at mga tatlo pang
lalaki na hula ko ay schoolmates namin.

Binati ko agad sila pag kababa ko ng kotse. “Pre, may problema ba dito?” Dun ko
lang napansin yung 6 na lalaking nakaluhod sa harapan nila, mukhang mga teenager
lang.

“Tol, ginagantihan tayo.” Sagot ni Brix habang nakatitig lang dun sa 6 na lalaki sa
harapan namin.

“Buti napadaan kami ng tropa dito, matatapang ‘tong mga batang ‘to. Siguro
nabayaran.” Sagot naman ni Carlo samin.

“Ano bang nangyari?” Tanong ko sa kanila. Hindi naman kasi magkwento ng buo ‘tong
mga kumag na ‘to. Manghuhula pa ba ko?

“Binutas nila yung gulong ko. At nung nahuli ko yung isa sa kanila may sumapak
sakin. Kuyugin pa ko netong mga ‘to.” Halatang inis na inis na sabi ni Brix. Isa sa
ayaw niyan yung napagtutulungan siya eh.

“Sino namang gagawa nito?” tanong ko ulit sa kanila. Malamang sa ngayon alam na
nila kung sino dahil mukhang kampante na sila.

“Si DK. Sino pa ba?” Pikon na pikon na sagot ni Brix sakin.


“Oh di nga? Hanggang ngayon pa din ba? Ang tagal tagal na nun ah.” Sagot ko sa
kanila. Simula kasi nung nangyari noon kay Dylan hindi na namin ulit sila kinalaban
kahit naghahamon sila.

“Mga duwag naman kayo. Bakit hindi niyo labanan si Kuya?” Biglang sabad nung isang
lalaking nakaluhod.

“Kapatid mo pala si DK? Tsk tsk. Kawawa ka naman.” Napapailing na sabi ni Carlo dun
sa bata. Kaya pala mukhang pamilyar siya.

“Di kami duwag sa kuya mo. Nag-iingat lang kami, hindi kasi kami lumalaban ng
patraydor.”  Dagdag pa ni Brix. Tama nga naman siya, hindi naman kami takot lumaban
dun. Alam naman namin na kaya namin sila, lalo na si Dy. Sadyang maduduga lang yung
grupo nila DK kaya ayaw namin silang makalaban ulit.

“Anong plano niyo sa mga ‘to?” Tanong ko dun sa dalawa habang sinisipat yung anim
na lalaking may mga sugat sa mukha. Lokong Carlo ‘to mukhang inupakan na yung mga
bata.

“E di pauwiin sa lungga nila.” Sabi ni Carlo sabay smirk. Mahilig talaga sa gulo
‘tong tao na ‘to. Hinawakan niya sa kwelyo yung lalaking sumabad samin kanina at
inangat.

“Oy Drake Santiago, sabihin mo sa kuya mong hilaw na kung gusto niya ng gulo ako
ang hanapin niya.” Nakasmirk niyang sabi tapos tinulak ng mahina yung Drake na yun.

“Alis na bago magbago ang isip namin.” Sagot namin ni Mac na katropa ni Carlo.
Agad namang nagsitakbuhan yung lima except kay Drake na tumingin pa ng masama
saming lahat bago umalis. Mukhang siya nung tipo na hindi nagpapatalo sa away.

“Ayos ka lang ‘tol?” Tanong ko kay Brix sabay tapik sa balikat niya.

“Gagu yung mga bata na yun, nadali yung gilid ng labi ko ah.” Naksimangot niyang
sagot sabay hawak sa gilid ng labi niya.

“Teka ano ba kasing ginagawa mo dito?” Pag-usisa ko sa kanya. Kasi naman tumambay
tambay pa dito eh.

“Mahabang kwento meaning tinatamad ako sabihin. Pagod na ko, flat pa kotse ko.”
Reklamo niya saming lahat.

“Ako na bahala sa kotse mo ‘tol. Pahatid ka na lang kay Nathan.” Sagot naman ni
Carlo samin. Sabay agaw ng susi ng kotse ni Brix sa kamay niya.

“May bayad paservice ko.” Biro ko kay Brix.

“Lul, gusto mong sumunod sa mga kumag na yun?” Ganting tanong niya sakin.

“Tara na nga init ng ulo mo eh.” Akbay ko sa kanya papunta sa kotse ko.
“Mag-ingat lang kayo Nate. Kilala ko sila, sigurado yan na hindi pa last ‘tong
nangyari na ‘to.” Paalala ni Carlo samin bago kami umalis.

Tinanguan lang namin siya bago sumakay sa kotse ko. Hindi ko man ipakita sa kanila,
alam ko sa sarili kong threatened ako sa pinag-gagawa ng DK na yan.

[Zea]

“Goodmorning Ma’am.” Bati sakin ng assistant kong si Darcy.

“Goodmorning.” Walang gana kong bati sa kanya, wala pa din talaga ako sa mood
simula kagabing pag-uwi ko.

“Bakit pumasok pa po kayo Ma’am? Akala ko po ngayon niyo ihahatid sa airport sila
Ma’am Dea?” tanong ni Darcy habang nakasunod sakin papasok sa office ko.

“Nagpaalam naman ako sa kanila. Kailangan kong pumasok, ang daming gagawin. Isa pa
hindi lang ako mapapakali sa bahay.” Tuloy-tuloy na sagot ko sa kanya.

“May problema po ba?” Tanong niya sakin.


Ngumiti ako ng pilit, yung ngiting mapait. Tsk. “Wala. Sige asikasihun mo muna sa
labas.” Bilin ko sa kanya. Agad din naman siyang lumabas.

Kinuha ko yung sketch pad ko at nagsimulang gumawa ng design. Deadline na nito


nextweek at iilang designs pa lang ang nagagawa ko. Ang tagal kong hawak nung
pencil ko pero wala akong maisip na idrawing, hindi ko maintindihan kung saan ba
ako magsisimula? Sa sleeves o sa neckline? Peste. 

Oo na ako na hindi mapakali, nakakainis naman kasi eh. Ngayon lang nangyari ‘tong
pinagsalitaan ako ng unggoy na yun ng ganito kabigat. Halos hindi nga din ako
nakatulog kagabi kakaisip sa mga sinabi niya eh. Talaga bang ganun na ko ka
insensitive para mapuno ko yung pisi niya?

Sanay naman siya sa ugali ko eh. Pero bakit ngayon nagagalit siya? Malabo pa siya
sa sabaw ng pusit mag-isip eh. At dahil sa hindi na din ako mapakali kinuha ko na
din yung phone ko at nagtype ng message.

To: BEErix. Ü

Hoy unggoy. Wala ka na bang topak? Bakit hindi ka nagtetext?

Arghh! Erase erase! Baka lalong mabwiset sa text ko eh. Sorry naman, eto na kasi
yung normal kong pakitungo sa kanya eh.

To: BEErix. Ü

 
Bee, bakit hindi ka nagtetext? Sorry naman na oh. Namimiss na yata kita eh.
Papakasal naman ako sayo eh.

Erase! Pwe. Parang medyo nakakaumay naman kung ganito yung text ko sa kanya. Baka
isipin nun sinapian ako ng masamang hangin kaya ganito ako magtext sa kanya. Hay
ano ba? Naman naman! Ang hirap naman ng ganito oh. Tssk. Bahala na nga.

To: BEErix. Ü

Brix Zyron Montez, magkita tayo mamaya sa Mann Hann malapit sa office ko. Langya ka
di ako nakatulog sa mga sinabi mo. Sige na icacancel ko muna yung plans ko for
today baka mag-emo ka na naman dyan eh. Pag di mo pinansin ‘to susugurin kita dyan
sa school.

Message Sent

Bahala na kung magreply siya o hindi basta nagreach out na ko sa kanya kahit medyo
labag pa ‘to ah. Kung hindi lang ako binabagabag ng matindi ng sarili kong
konsensya eh. Grabe may konsensya na pala ko pagdating sa kanya, improving ah.
Hays.

Dinampot ko na ulit yung pencil ko at nagstart na magsketch, masarap pala


magtrabaho pag malinis na yung konsensya mo. Grabe ano ba ‘tong pinag-iisip ko.
Kung maka malinis ako ng konsensya parang may minurder ako ah.

Nagconcentrate na lang ako sa pag gawa ng sketch, konti na lang at half way na din
ako. Pagtapos nitong hectic na week na ‘to makakapagpahinga na din ako.

Bigla biglang tumunog ang cellphone ko. Nagmamadali ko pa 'yung dinampot at binasa
ang messsage. 
From: BEErix. Ü

I’ll be there. Lunch.

Ay ang tipid ng text, tampu-tampuhan pa ‘tong unggoy na fiancé ko. Pero atleast
pumayag at nagreply. Good thing lunch ang aya niya, makakatapos naman siguro ako ng
ilang designs before lunch. Makabawas man lang sa load ko.

Dinial ko agad yung phone ni Darcy at hinantay na pumasok siya sa room ko. Ganun
ang sign namin pag kailangan ko siya.

“Ma’am?” Tanong niya pagkapasok niya sa loob ng office ko.

“May special meeting ba ko ngayon or anything na nakaschedule i-meet?” Pagtatanong


ko sa kanya ng schedule ko. Kung meron man ipapacancel ko na ngayon.

“Wala naman po bukod sa meeting niyo sa supplier ng fabrics.” Sagot niya agad. Kaya
gusto ko ‘tong si Darcy eh. She knows her job very well, kabisado niya pati ang
schedule ko.

“Pakitawagan yung supplier pakisabi imomove ko yung meet up tomorrow morning. Free
naman ako tomorrow morning hindi ba?” Pag-aassure ko.

“Yes ma’am, from 8 to 10 am.” Sagot niya sakin.


“That’s good. I’ll be leaving for lunch ikaw na muna ang bahala dito.” Bilin ko sa
kanya.

“Yes ma’am.” Nakangiti niyang sagot bago luambas ng room ko.

Tinuloy ko na lang ulit yung pagskesketch ko, nakailang ulit din ako bago ko makuha
yung designs na napipicture ko sa utak ko. Almost lunch nung natapos ako sa 4th
design. Nagstretch muna ako bago ligpitin yung sketch pad at pencils ko.

Nagretouch ako ng konti bago kuhanin yung bag ko at nagready na para umalis nung
biglang nang biglang pumasok si Darcy sa room.

“Ma’am Zea tumawag po si Mrs. Laurel.” Sabi niya kaagad sakin.

“Kinakamusta yung designs? Tatawagan ko na mamaya, halos nakakakalahati na din


naman ako eh.” Sagot ko sa kanya at lalabas na sana nung sumagot ulit siya.

“Hindi po ma’am. Pinaparush nap o yung designs, this weekend na daw po ang
deadline. Namove daw po kasi yung fashion week kaya kailangan na daw po.” Seryosong
sabi ni Darcy.

“What? Bakit hindi naman nila agad sinabi? Masyadong toxic satin yan eh. Tinawagan
mo na ba sila Gene at Jan?” Tukoy ko dun sa dalawa ko pang staff. Sila kasi ang
katulong ko sa designs.
“Yes Ma’am. Katatapos lang daw po ng meeting nila sa mga sellers nung lugar ng
magiging bagong branch. Pabalik na po sila dito. Gusto niyo pa bang magbilin na din
ako ng lunch sa kanila?” Tanong niya sakin habang ako naman napabalik ng upo sa
swivel chair ko.

“Yes please do. Tapos pakicheck na din kung busy schedule ako bukas ang the day
after tomorrow.” Sagot ko sa kanya sabay buntong hininga.

“Ang lalim Ma’am ah. Don’t worry matatapos natin yang designs na yan before
deadline. Sige po lalabas na ko.” Pagbibigay ni Darcy ng words of encouragement
bago lumabas.

Nanlulumo ‘kong kinuha yung phone ko sa bag at nagcompose ng message.

To: BEErix. Ü

Sorry can’t make it up ‘till lunch time. May emergency dito sa office, I’ll try
later evening.

Message Sent

Napahawak ako sa ulo ko saglit pagkasend ng message ko tapos kinuha ko na din yung
sketch pads at pencils na katatabi ko pa lang. Naiinis ako kasi nasira na naman
yung plano ko, pero wala naman akong magagawa. Hindi ko pwedeng tanggihan si Mrs.
Laurel, isa siya sa loyal customer namin at malaki ang mawawala sa income ng shop
ko pagnawala siya.

Mabilis naman siyang nagreply. 


From: BEErix. Ü

Okay. No need. Busy ako later.

Napasimangot ako lalo sa sagot niya, ramdam ko na lumala yung sama ng loob o tampo
o kung ano man yun na nararamdaman niya sakin. Kaso wala akong choice, hindi ko
naman basta pwedeng iwan ang staff ko dito. Hay naman! Ang hirap naman ng ganito.
Ang hirap mamili, siguro nga tama siya. Baka hindi pa nga ako ready magpakasal.
Baka ng siguro dapat muna naming icancel ang wedding.

[Cyril]

“President, dumating na po yung mag aayos nung venue.” Istorbo sakin ni Greg.

“Sige paayos niyo na. Nandyan na ba yung makupad niyong Vice? Anong oras na wala pa
siya ah.” Tanong ko sa kanya. Hinayupak na vice president kasi yan laging ang
kupad. Sakin na naman niya inasa yung mga gawain, kaltukan ko siya mamaya
pagnagpakita siya sakin.

“Yung si Pu- yung secretary ko ba andyan na din?” Tanong ko. Muntik ko pa siyang
matawag na pukyot, baka magduda pa ‘tong Greg na kolokoy.

“Wala pa nga din po Pres. Mukhang late din.” Sagot niya sakin.
“Hayaan mo na siya. Baka may hang-over.” Wala sa sarili kong sagot kay Greg.

“Ha? Bakit mo nasabi Pres?” Dudang tanong ni Greg. Ay potek! Sarap tagain ng dila
ko eh.

“Wala. Ano bang sabi ko? Wala naman akong sinabi ah. Wag ka ngang nag-iimbento
Greg. Tara na dun magtrabaho na tayo.” Pag-iiba ko ng usapan sabay akbay sa kanya
papunta dun sa inaayos na venue para sa last event namin bago mag graduation.

Nagsupervise kami ng mga nag-aayos at nag aassemble ng tables, chairs at


centerpieces para sa event. Syempre papetiks na lang ako ng konti, like a boss eh.

“Pres, andyan na si Honey. May sasabihin yata sayong importante.”  Istorbo na naman
ni Greg sakin. Isa talagang malaking istorbo ‘to sakin.

“Sabihin mo madami akong ginagawa.” Naiinis kong sagot kay Greg. Ano na naman bang
gusto niya? Gumagawa na naman siya ng paraan para makausap ako? Kulang pa ba lahat
ng ginawa ko para lumayo sa sakin? Tigas ng kokote.

“Eh ikaw ang gustong makausap eh.” Pilit ni Greg.

Kahit inis na inis na ko nilapitan ko na lang yung babaeng yun at maangas na


tinanong. “Anong problema mo?”
Nakayuko lang siya at hindi man lang tumitingin sakin. “G-gusto ko ng mag-quit
bilang secretary mo.”

“Tss. Ano na namang arte yan? Hindi na bebenta sakin yan.” Sabi ko ng nakatingin sa
kanya.

“Hindi ‘to arte o drama o pagpapaawa. Gusto ko ng mag-quit. Ayoko na Cyril, hindi
ko na kayang makasama ka.”  Nanginginig niyang sabi, sigurado akong pinipigilan na
niyang umiyak.

Hindi ko siya sinagot at hinila ko siya papunta sa maliit na garden nitong venue.
Mahirap na baka hindi makapagpigil ‘to at ngumawa dun. Bukod sa eskandalo na
nakalibre pa manood ng teleserye yung mga tao dun.

Nung nakarating na kami sa garden binitawan ko na yung kamay niya at hinarap siya.
“Bakit? Sa akala mo ba gusto pa kitang makasama? Umay na umay na ko makasama ka
pero hindi kita papayagang umalis.” Alam ko tagos sa kaluluwa yung sinabi ko sa
kanya. Pero wala na akong ibang magagawa, kailangan mamuhi sakin ‘tong babae na ‘to
para siya mismo ang umayaw sakin.

“Kung ayaw mo na kong makasama bakit ayaw mong pumayag? Gusto mo ba talaga akong
nahihirapan?” Nagsimula na naman siyang umiyak. “Gusto mo talagang parusahan ako?
Bakit? Ano bang ginawa kong masama sayo?”

Hindi ko na naman napigilan ang pagtaas ng boses ko. “Ginugulo mo ang utak ko! Kaya
pwede ba umakto ka na lang ng normal? Na parang hindi mo ko kakilala? At para
sabihin ko sayo hindi kita pinipigilang umalis dahil gusto kitang makasama dito.
Walang kinalaman ang personal sa trabaho dito sa school. Wag kang mag inarte dyan
dahil lang dun, walang kahulugan yun. Wag kang umasa.” Huling sabi ko bago ako
tumalikod at nag lakad paalis. Dahil pag hindi ko pa ginawa ‘to baka mabawi ko pa
ng wala sa oras yung mga sinabi ko.
Bumalik na lang ako agad sa mga kasama ko at uminom ng tubig. Nakakabigat din pala
ng pakiramdam magpaiyak ng babaeng kasing inosente niya, lalo po kung m-

“Pres.” Biglang may tumapik sa balikat ko.

*PAK!*

“Aray naman Pres! Bakit mo ko binatukan?” Tanong niya habang hinihimas yung ulo
niya.

“Dumating ka pa eh pauwi na kami! Anong silbi mo sa lipunan bukod sa malate?”  Inis


kong sabi sa lintek na vice na ‘to.

“Sorry president, natraffic kasi ako eh.” Palusot niya. Palusutin ko sa suntok
mukha niya eh. Mainit ulo ko ngayon sasabay pa siya.

“Gaguhin mo pa ko e magkalapit lang unit natin.” Pambabara ko sa kanya.

“Hehehehe. Kaw naman President masyadong hot. Nasan na ba si Greg?” Napapakamot na


ulo niyang tanong sakin.

“Oo. Hot talaga ko, cool pa. Malay ko dun, hanapin mo sa sulok sulok.” Nakakunot
kong sagot sakin.
“Si Greg ba hanap niyo? Nakita ko pumunta sa garden eh.” Sabad nung isa naming
kasama. Nakalimutan ko pangalan nito eh.

“Teka tatawagin ko lang.” Sagot nitong VP namin. VP ang nakasanayan kong tawag sa
kanya.

“Oh! Liligtas ka na naman sa pagtulong eh, tumulong ka nga dun. Ako na tatawag.”
Sita ko kay VP at wala naman siyang magawa kundi sumunod sa sinabi ko.

Naglakad ulit ako pabalik sa garden. Akala ko si Greg na lang ang aabutan ko dun
pero mali ako. Si Greg at si Pukyot.

Nakayakap si Pukyot kay Greg habang umiiyak.

T*NGNA!

[Sophia]

“Anak nalagay na ba yung mga gamit sa compartment?” Tanong ni Papa Zeus kay Dylan.
“Opo papa. Nasan na po ba si Mama?” Tanong naman ni Dylan sa kanya sabay saran g
compartment. Sakto naman lumabas na si Mama sa loob ng bahay.

“Tara na.” Nakangiti niyang sagot samin kaya naman sumakay na kami sa kotse. Sa
likod na ko naupo katabi ni Mama. Si Papa naman sa shotgun seat.

Tahimik lang ako sa buong byahe habang sila pasingit-singit na nagkwekwentuhan.


Nalulungkot kasi ako na aalis na ulit sila Mama at Papa kung kelan malapit na ang
graduation ni Dylan at ang panganganak ko. Syempre gusto ko nandito sila sa special
occasions na yun at alam kong ganun ding ang nararamdaman ni Dylan.

Ang pinagtataka ko lang sa inaasal ni Dylan ngayon parang hindi naman siya
nalulungkot. Parang hindi aalis ang mga magulang niya. Di ba dapat umiiyak na siya
ngayon, o di kaya sumisinghot singhot man lang o kaya naman lukot ang mukha? E
bakit nakakatawa pa siya? Nakikipagbiruan pa siya sa Mama at Papa niya. O baka
naman nalulungkot sya talaga tapos nagpapanggap lang siya kasi nahihiya pa.
Infairness galing magpanggap ah, pag artistahin ko ‘to.

“Anak bakit tahimik ka dyan?” Bati sakin ni Mama Dea.

“Ah wala po Mama. Bakit po pala biglaan yung pagbalik niyo?” Seryoso kong tanong sa
kanya.

Ngumiti siya bago sumagot. “Madaming kailangan asikasuhin eh.”

“Hindi pa pwedeng magstay po muna kayo dito?” Malungkot kong tanong sa kanila.
“Hindi eh. Sayang ang ticket kung uurong kami anak.” Natatawang biro ni Mama Dea.

Napangiti na din ako kahit papano sa pagbibiro ni Mama. Mamimiss ko sila pag umalis
na sila, para ko na din silang magulang eh. Wala naman silang pinakitang hindi
maganda sakin. Isa pa natutuwa ako sa improvement nila ni Papa Zeus, kung dati
hindi sila okay ngayon nag-uusap na sila ng seryosohan. Feeling ko nga nagkabati na
sila eh, kaso bakit kailangan pa nilang umalis ulit?

Hanggang sa makarating kami sa airport lukot pa din ang mukha ko. Napansin din
naman kaagad yun ni Dylan.

“Baby may problema ba? Masakit ba tyan mo? O nagugutom ka?” Sunod-sunod na tanong
niya sakin habang papasok kami ng terminal 1.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at nayakap si Mama Dea nung malapit na silang
pumasok sa loob. “Wag na po kayong umalis ni Papa Zeus.”

Tinapik ni Mama yung likod ko bago sumagot. “Hindi pwede anak.”

Humiwalay din kaagad ako sa yakap kay Mama Dea bago sagutin yung sinabi niya.
“Malulungkot po si Dylan eh. Pwede po ba pagtapos na lang po ng graduation niya at
pag nanganak nap o ako? Gusto ko po nandito pa kayo paglabas ng baby.” Hiling ko sa
kanila.

Bigla naman silang tumawang tatlo. Hala, bakit? Seryoso kaya ako.
“Babalik naman kami agad hija.” Nangingiti pang sabi ni Papa Zeus sabay tapik sa
ulo ko.

“Po?” Tanong ko. Hindi ko gets eh. Bakit aalis pa sila kung babalik din sila kaagad
tapos aalis na naman? Di ba sila maumay sa jetlag nun?

“Babalik din kami agad after a week. And we will be staying for good.” Masayang
sabi ni Mama Dea sakin.

Napalaki yung mata ko sa sinabi nila. “Talaga po?”

“Yes hija. Aayusin lang namin yung mga business namin dun tapos uuwi na din kami
agad dito.” Sagot ni Papa Zeus sakin.

“Syempre gusto namin nandito kami sa graduation ni Dylan at pati sa paglabas ng


baby.” Dagdag ni Mama sa sinabi ni Papa.

Napangiti naman kaagad ako sa sinabi nila. Kaya pala masaya si Dylan kasi babalik
na pala sila dito at magstastay na kasama namin. 

“Kaya pala kanina pa lukot ang mukha ng baby ko.” Puna ni Dylan sabay akbay sakin
at side hug.

“See you in a week hija.” Sabi ni Mama Dea sakin.


“Opo. Mag-ingat po kayo ni Papa.”

“Thank you.” Halos sabay na sabi nila sakin.

Nagbeso pa kami sa isa’t-isa bago sila tuluyang pumasok sa loob. Tinignan lang
namin sila saglit tapos nag-aya na din si Dylan na umuwi.

“Abnormal ka Dy, hindi mo naman sinabi sakin kanina na babalik pa sila. Napadrama
pa tuloy ako kila Mama.” Sabi ko sabay palo ng mahina sa braso niya.

“Eh hindi ka naman kasi nagtatanong eh.” Natatawa niyang sabi sabay bukas ng pinto
ng kotse sa side ko.

Hindi na ko sumagot at sumakay na lang, sumakay din naman agad siya pero hindi pa
nagdrive.

“Haba na naman ng nguso ng asawa ko. Ano bang gusto mo? Nagugutom ba ang mga baby
ko?” Lambing niya sakin.

“Tinatanong mo talaga kung anong gusto ko?” Seryoso kong tanong sa kanya. May
naiisip kasi akong kainin ngayon eh.

“Oo. Para mawala yang kunot sa noo mo. Bibili tayo bago umuwi ng bahay.” Nakangiti
niyang sagot sabay pout. Halikan ko yan eh. Hahaha.

“Hopia Dy. Gusto ko ng Hopia.” Sabi ko sa kanya.

“Sure hopia lang pala eh. Teka bakit hopia? Naglilihi ka pa ba?” Usisang tanong
niya. Dami namang tanong, parang pulis.

“Tapos na yung lihi stage. Basta gusto ko lang ng hopia.” Nakasimangot ko na namang
sagot. Ewan ko ba, ang tindi ng mood swings ko ngayon.

“Ahhhhh.” Sabi niya lang sakin. Langya, anong klaseng sagot yan?

“Anong ah? Ibibili mo ba ko o hindi? Kung hindi umuwi na lang tayo. Tatanong ka pa
di mo naman pala ko ibibili. Nakakainis ka!” Pamaktol kong sabi, nakakainis naman
kasi siya eh. Basta naiinis lang ako.

Tinawanan naman niya ko bigla. “Bakit nagagalit ka? Ibibili naman kita ah. Sungit
naman ng asawa ko, gusto lang ng lambing niyan.”

Napanguso ako lalo. “Sige mang-asar.”

Naglean siya ng konti palapit sakin at ngumiti. “Sorry na. Kiss mo na ko dali
habang walang tao sa labas. Hahahaha.”
“Basta bibili mo ko ng Hopia.” Sabi ko sa kanya.

“Sige, isang kiss isang hopia ang katumbas.” Sagot niya sabay smirk. Ang gwapo niya
lang magsmirk.

“Ang daya! Isang kiss isang box ng hopia.” Sabi ko tapos hinalikan ko siya sa
magkabilang pisngi. “Oh ayan dalawang box na ha!” Ngiting ngiti kong sabi sa kanya.
Syempre wala naman siyang magagawa kaya payag na din siya. Hahaha.

***

Pagkabili namin ng mga pagkain nag-aya na din kaagad ako umuwi. Oo mga pagkain,
hindi na naman nasunod yung usapan na hopia lang ang bibilin ko. Wala namang angal
si Dylan kaya nakijamming na lang din siya sakin, balak kasi namin mag movie
marathon pag-uwi. Sabi niya kasi hindi pa daw namin yun nagagawa ng magkasama.

Dumaan na lang din kami sa CD shop at bumili ng madaming CD ng movies na pwedeng


panoorin. Nakakatawa lang kasi parehas comedy ang trip namin, gusto ko din sana
bumili ng mga horror movies pero ayaw ni Dylan. Nauwi kami sa puro comedy at
konting lovestory.

“Baby mauna ka na bumaba, ako na magpapasok ng mga binili natin.” Sabi niya
pagkapasok namin ng gate.

Kinuha ko na yung susi sa pouch ko, pinag-off muna namin yung mga kasama namin sa
bahay tutal may andito naman si Dylan, may kasama naman ako.
Pabukas na sana ako ng pinto nung may napansin akong may kung anong nakadikit dito.
Nung lapitan ko, nakita ko ang isang picture. Picture ko, ni Dylan at ng parents
niya. Kanina sa airport kuha ang picture na 'to. Nagtaka ako, tinignan ko ang
likuran ng hawak kong picture. 

Kinilabutan ako sa nabasa ko:

To: Dylan’s Wife

                           It would be thrilling to see you weep soon.

=================

Announcement

Announcement:

To my ever dearest readers, I’m going to put PERFECT MISTAKE On-Hold. Meaning, wala
po munang updates until I don’t know when. Surprise na lang siguro. ;)

Magrerewrite po kasi ako ng plot at sa tingin ko mas okay gawin yung kung walang
pressure, ayoko naman kasi mag update ng mag update tapos hindi naman nagtutugma
ang scenes. Ayoko din kayo bigyan ng basta basta ng plot na cliché na. Please bear
with me dear readers. Sana maintindihan niyo ang reason ko.
Meanwhile focus muna ako ng update sa PESTERING ELLI VINZON since ayaw ako
patahimikin ng utak ko dahil tapos na ang plot niyan at sa SECRET LOVE dahil may
gusto akong matapos na scene na medyo nakalink sa PERFECT MISTAKE, gusto ko lang
magkasabay na sila.

Sa mga readers na maghihintay patiently, thank you. <3

‘Till then guys. I promise tatry ko mas better ang updates pag-unhold ko ng PERFECT
MISTAKE. <3

- CrestfallenMoon

Ps. MAY 28 promeeeees! XD

=================

Chapter Forty Two

Credits to the editor of my new book cover. Sorry for  waiting guys! <3

Perfect Mistake Chapter 42

[Brix]
 

“Oh tol, nasa bar tayo tapos yang mukha mo mukhang semana santa.” Biro sakin ni
Carlo. Nandito kasi kami ngayon sa Griffin, wala naman kasi talaga akong
importanteng gagawin. Sinabi ko lang yun kay Zea para naman maramdaman niya yung
feeling ng hindi nabibigyan ng oras. Try niya lang minsan para ma experience niya
naman.

“Hoy tol! Kanina ka pa ba tulala dyan ah. Anong problema?” tanong ulit ni Carlo
sakin.

Tinignan ko lang siya ng seryoso.

Hindi pa ko nakakasagot nagtanong na ulit siya. “Iniisip mo pa din ba yung threats


ng grupo nila DK?”

“Naisip ko lang kung ano pa bang susunod na plano ng sira ulo na yun.” Medyo
pagsisinungaling ko, oo naiisip ko yung tungkol sa banta ng mga sira ulo na yun.
Pero mas iniisip ko yung samin ni Zea, para kasing pakiramdam ko mas okay pa kami
noong wala pang official commitment kesa ngayon. Na eexpect na kasi ako kaya siguro
hindi kami magkasundo.

“Ah tol...” Biglang istorbo ni Carlo sa’kin. Sinabayan niya pa ng turo sa harapan
ko.

Muntik ko naman mabuga sa kanya yung iniinom ko nung nakita kong papalapit samin si
Zea. Kinusot ko pa ng konti yung mata ko kasi baka nagkakatama na ko sa iniinom
namin pero hindi, si Zea talaga yun at nakasimangot pa siya. Mukhang ako ang
tatamaan sa kanya.
“Busy ka pala.” Bati niya sakin with a straight face.

“Bakit mo alam na nandito ako?” Tanong ko pagkatayo ko.

“Malamang nakita ko yung kotse mo sa labas, at para namang hindi ko kabisado kung
saan ka pumupunta. Wala ka sa school e, so malamang nandito ka lang.” Sagot niya ng
seryoso pa din. Pero ang nakakapanibago? Hindi ako nakatanggap sigaw, sampal, sapok
o kahit anong pwedeng ireklamo as physical injury. Nakakapanibago.

“Mag-usap tayo.” Seryoso niya ulit na sabi. Sa tono pa lang ramdam ko na may
problema nga talaga kami.

“Sige lang ‘tol.” Parang pag sang-ayon ni Carlo na nakikinig pala samin. Chismoso
ala Nate.

“Saan?” Tanong ko.

“Sumunod ka na lang sakin.” Sagot niya naman bago maglakad palabas ng bar.

Sumunod na lang din ako agad, nag convoy na lang kami sa kung saan man niya gustong
makipag-usap. Sa totoo lang kinakabahan ako sa pag-uusapan namin. First time yata
kasi kaming mag-uusap ng ganito kaseryoso, minsan nga naiisip ko kung tama bang
inalok ko na kaagad siyang magpakasal dahil baka hindi pa naman talaga siya ready.
Nung nakapark na siya sa tapat ng isang restaurant nagpark na din ako, hinintay
naman niya ako.

“Table for 2 miss.” Sabi ko sa waitress.

“This way sir.” Nilead niya kami papunta sa isang table at binigyan ng menu.

“I’ll have Chinese Style Beef Tenderloin and Fresh Lemonade.” Sabi ni Zea sa
waitress.

“Beef Brisket in Pot and Honey Lemon Tea.” Order ko naman.

“Would that be all Sir?” Tanong ulit ng waitress.

“Ah yes.” Sagot ko lang kaya naman umalis na din kaagad yung waitress. Naiwan
kaming dalawa ni Zea na awkward na awkward.

Ramdam na ramdam ko yung pag-iiba samin, never kaming nagkaroon ng awkward moment
ni Zea. Not until now. Sa tagal namin magkakilala hindi ko naisip na magkakaroon
kami ng awkward moment.

“Akala ko ba busy ka? Bakit nasa bar ka?” Bigla siyang nagtanong sakin. Sabi ko na
nga ba hindi basta papalampasin yun eh.
“Ikaw akala ko busy ka, buti nagkatime ka para makipagdinner sakin.” Balik ko sa
kanya.

“Wag mo ngang ibalik sakin yung tanong ko, sinabi ko naman na magdidinner tayo ah.
Ang sabi mo lang busy ka.” Galit pero kalmado niya pa ding tanong.

“Now you know how it feels like.” Nakayuko kong sagot sa kanya. At kahit nakayuko
ako ramdam ko yung talim ng tingin niya sakin.

“Excuse me Sir, Ma’am.” Istorbo nung waiter samin sabay lapag ng pagkain sa harapan
namin.

Nag ceasefire muna kami ni Zea at tahimik na kumain, halata ngang galit siya sakin.
Binubuhos niya sa pagkain yung inis niya sakin. Samantalang ako hindi ko gaanong
nagalaw yung pagkain ko. Ewan ko ba, siguro dahil hindi ako komportable sa
sitwasyon namin ni Zea.

“Ginagantihan mo na ba ako Brix?” Seryoso niyang tanong habang nakatitig sakin.

“Hindi kita ginagantihan Zea, gusto ko lang malaman mo kung anong pakiramdam para
maintindihan mo ko.” Balik ko sa kanya.

“Bakit ba ako ang hindi mo maintindihan? Busy ako sa trabaho ko, alam mo naman kung
gaano ko pinaghirapan at kung gaano ko kamahal yung trabaho ko.” Sagot niya.
“Alam ko, alam na alam ko yan Zea. Kaya nga hindi kita minadali di ba? Kaya nga
hindi kita niligawan agad. Kaya hindi kita inayang magpakasal agad. I gave you
time, time to fulfill what you want to accomplish in your life. Hindi pa ba sapat
yung hinintay kita simula senior high hanggang ngayon? Sana hindi ka na lang
pumayag kung hindi ka pa ready. Mas maiintindihan ko yun. Konting oras lang naman
hinihingi ko sayo para matuloy yung kasal natin, unless gusto mo pa siyang ituloy.”
Ayan na nga. Hindi ko na napigilan at nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa
kanya. Kahit alam kong masasaktan siya, kailangan eh.

Napayuko siya sandali bago sumagot, malamang dinidigest pa ng utak niya lahat ng
sinabi ko. Alam kong nabigla siya.

“Yun nga sana ang gusto kong pag-usapan natin. About...” Hindi ko siya piantapos.

“About canceling the wedding?” Dugtong ko. Hindi ko alam kung bakit ang dali
sabihin para sakin yun, siguro kasi alam ko na sa sarili ko na dito nga pupunta
yung usapan na ‘to.

Tumango lang siya.

“I know, you’re not ready yet. I’m sorry kung minamadali kita. I just...nevermind.
I’m sorry ulit Zea.” Pag iintindi ko sa kanya.

Hinawakan naman niya yung isang kamay ko na nakapatong sa table.

“Sorry din kung napaka insensitive ko. Maybe siguro hindi pa nga ito yung tamang
time kaya hindi tayo magkasundo. Thank you for understanding me.” I can hear her
voice crack kaya naman bigla siyang tumayo. “Punta lang ako ng washroom.”
I can tell na iiyak siya, kahit ako gusto kong umiyak. Pero ayoko naman ipakita sa
kanya, kahit naman ganyan si Zea na sadista alam kong makokonsensya siya. Habang
nasa washroom siya nagbayad na din ako bill namin para makauwi na kami pagkatapos.

“Let’s go?” Aya ko pagbalik niya sa table namin. Tumango naman siya kaya naglakad
na kami palabas hanggang sa parking lot.

Pinagbukas ko siya ng pinto ng kotse niya. “Sige na, mauna ka na umalis.”

“Hindi pa naman siguro ito yung ending natin hindi ba? Sana hindi pa.” Sabi niya
sabay yakap sakin.

“I can still wait.” Niyakap ko din siya ng mahigpit. Who knows kung ito na ang
huling yakap ko sa kanya. Who knows kung hindi na nga kami magkakabalikan pa di ba?
Might as well sulitin ko na ‘to.

“I’ll go ahead.” Sabi niya pagkabitaw niya at pilit na ngumiti.

“Wag mo pilitin ngumiti mukha kang constipated.” Biro ko pa sa kanya. Sinamaan niya
tuloy ako ng ngiti, yan ang Zea na namiss ko.

“Joke lang. Ingat ka.” Sabi ko tapos isinakay ko na siya sa kotse niya at sinara
yung pinto.
Hinintay ko lang makaalis siya bago ako sumakay sa sarili kong kotse. Mas magaan
ang pakiramdam ko ngayon kasi alam kong hindi na ako mag-eexpect. Pero syempre mas
lamang yung lungkot na nararamdaman ko, after all never naman naging masaya ang
pakikipaghiwalay pero alam kong ito yung kailangan namin ngayon.

Dala na din siguro ng lumilipad ang utak ko at nakainom ako kanina, hindi ko
napansin kaagad na may babae palang tatawid kaya...

*beeeeeep*

[Cyril]

Pinigilan ko yung sarili ko na ibato sa kanilang dalawa yung sapatos ko, kasi naman
magyayakapan lang dito pa sa makikita ko! Hinintay ko lang na isa man lang sa
kanila ang makapansin sakin bago magsalita pero wala. NASARAPAN PA YATA SA YAKAPAN
NILA!

“Ehem.” Di ko napigilan ang sarili ko kaya naman gumawa na ko ng move para magtigil
sila sa pagkakadikit nila.

“Ah President nandyan ka pala.” Pansin ni Greg nung nakita niya ako, si Pukyot
naman yumuko lang.

“Hindi. Wala pa ko. Imagination mo lang ‘to.” Pabalang kong sagot sa kanya.
“Hahaha. Joker ka talaga President.” Sira ulo ‘to, tinawanan pa ko.

“Hindi ako nagjojoke, anong ginagawa mo dito sa likod at nangyayakap ng parang


tuko? Di ba dapat nag aasikaso kayo?” Nakasimangot kong tanong sa kanila.

“Ah ano po kasi eh....” Napapakamot pa si Greg ng ulo, naghahanap ng dahilan.

“Sinamahan lang niya ko.” Emotionless na sagot ni Pukyot sakin. “Halika na dun
Greg, para matapos na tayo bago gumabi.” Baling ni Pukyot kay Greg kaya naman
sumama si Greg at nilampasan na lang nila akong dalawa. Ano yun? Kanina lang nag
uumiyak siya sakin tapos pinalitan na agad ako. Lokohan ‘to.

***

“President, natapos ko na yung mga utos mo. Mauna na ko ha, may date pa kami ng
secretary natin eh. Hehehehe! Babyooo president.” Pagpaalam ng sira ulong Vice
President ng Society namin sabay takbo. Alam na alam niya kasing babatukan ko siya
dahil late na nga siya tapos mauuna pa siya sakin umalis. Pasalamat siya bad mood
at pagod ako ngayon kung hindi hahabulin ko siya ng kamao ko.

“Sir Cyril nacheck na po namin yung lights and sounds para bukas, pwede na po ba
kaming umuwi?” Tanong nung isa naming kamember.

“Sige, basta agahan niyo bukas para macheck ulit natin yung mga gagamitin, ang
pumalpak satin bukas may kutos sakin. Okay?” Bilin ko sa kanila.
“Opo Sir.” Magalang niyang sagot. Minsan naiisip ko ang galang nila sumagot sakin
kahit na sa tingin ko hindi kagalang galangal ang mga asal ko. Pero naiisip ko din
na baka kasi gwapo ako kaya ginagalang nila talaga ako. Laking advantage ng looks
ah.

“Sige pauwiin mo na din yung iba, pupunta lang ako sa stock room para idouble check
yung iba pang materials para bukas.” Bilin ko sa kanila tapos naglakad na ko
papunta sa stock room.

Nakasalubong ko naman si Greg na dala na yung bag niya.

“Uuwi na ko President, ikaw ba?” Huminto siya para tanungin ako.

“Oo, ichecheck ko lang yung stock room tapos uuwi na din ako.” Sagot ko sa kanya,
tumango lang naman siya. Paalis na sana siya nung magtanong ako. “Si Ano, si honey
ba umuwi na?”

“Si Honey po? Kanina pa po yata umuwi eh. Hindi po nagpaalam sa inyo?” Tanong niya.
Umiling lang ako.

“Sige po una na ko.” Sabi niya tapos umalis na din kaagad. Ako na nga lang ata ang
tao dito. Dumeretso na lang ako sa loob ng stock room para tignan yung mga
gagamitin namin bukas. Buti na lang malaki ang stockroom kaya nagkasya lahat ng
gagamitin namin. Kasama na din yung mga tambak na malalaking karton kung saan
nakatago yung iba pang cloths.

Palabas na sana ako nung stockroom nung may narinig akong...


“Achoo!”

Huh? Ano yun?

“May pusa ba dyan?” Tanong ko, tunog pusa kasi eh. Tapos natangahan ako sa sarili
ko kasi kung pusa nga yun hindi niya ko masasagot.

Pinuntahan ko na lang yung pinanggalingan ng tunog kasi kung may pusa nga dito sa
loob hindi pwede, baka sirain o dumihan niya yung mga cloth na nakalagay dito. Sa
likod ng karton nanggaling yung tunog kaya naman pinuntahan ko yun at napaface palm
ako nung makita ko na hindi pusa kung hindi isang abnormal ang nasa likod ng
karton.

“Anong ginagawa mo dyan? Akala ko umuwi ka na?” Tanong ko sa kanya. Napansin ko


naman agad na may hawak siyang isang cloth na kulay puti.

“Ha? Kasi inutusan ako ni Greg eh. Hanapin ko daw dito yung silver na cloth para sa
buffet table eh. Hindi ko makita.” Sabi niya na mukhang problemadong problemado.

“Haaaaay!” Napabuntong-hininga na lang ako sa kanya.

“Oh bakit?” Inosente niyang tanong sakin.


“Wala tayong inorder na silver cloth at umalis na si Greg, umuwi na.” Sagot ko sa
kanya sabay talikod. “Umuwi ka na, gabi na.”

Pagpihit ko ng doorknob...

“Anak ng doorknob naman oh! Bakit ayaw mabukas?” Sabi ko habang pinipilit ko pa
ding pihitin.

“Ha? Teka ako nga!” Nagmarunong si Pukyot at kung makahawi siya sakin parang ang
laki niyang tao.

“Aray! Bakit ayaw?” Inis niyang sabi sabay sipa sa pinto.

“Hoy sira ulo, wag mo sipain yung pinto. Pag nasira mo yan ikaw ipambabayad ko!”
Awat ko sa kanya.

“Eh pano tayo lalabas dito?” Problemado niyang tanong. Kahit ako problemado, hindi
dahil nakulong kami dito kung hindi dahil makakasurvive kaya ako ng kasama ‘tong
babae na ‘to?

“Naiwan ko pa naman yung cellphone ko sa bag ko!” Maktol na niya sabay upo sa
sulok.

Naupo na lang din ako sa isang sulok dun, nasa magkabilang sulok kami. Para kaming
mga nagdradrama ng hinanakit sa buhay dito ah.
“Gusto ko ng umuwi.” Reklamo niya habang nakatago yung mukha sa dalawang kamay
niya.

“Gusto ko ng pumunta ng bar.” Wala sa sarili kong sabi. Tatambay na naman kasi ako
dun para magpalamig eh, kung hindi lang ako nastuck kasama niya.

“Bar na naman. Bakit namimiss mo na ba yung mga babae mo dun?” Bigla niyang tanong
sakin.

“E kung namimiss ko nga sila ano naman sayo?” Sagot ko sa kanya habang nilalaro
laro yung panyo ko. Nakakabagot naman dito.

*POK!*

“ARAY! Bakit ka nambabato ng sapatos dyan?” Inis na inis kong tanong sa kanya.
Bwiset eh, sakto pa sa ulo ko. Pag ako nabukulan dito bubukulan ko din siya!

“Nakakainis ka! Makapagsalita ka dyan parang hindi ako nasasaktan ah! Feeling mo
ang gwapo gwapo mo, kahit gwapo ka naman! Pero nakakainis ka pa din!” Sigaw niya
sakin. At talagang sinisigawan na niya ako ah.

“Nasasaktan? Mukha mo nasasaktan eh kung makayakap ka kay Greg para kang tuko!
Sinisigiwan mo na talaga ako ngayon ah! At isa pa, matagal ko ng alam na gwapo
ako.” Ganti ko sa kanya.
“Eh bakit yung babae sa condo mo makalingkis ka parang ahas!” Binato na naman niya
ako ng kabilang sapatos niya. Buti na lang nakailag ang kagwapuhan ko.

“Bakit? Girlfriend ba kita para magtanong ka? Yung arte mo kasi dyan para kang
jealous girlfriend!” Pag-diin ko sa kanya sabay bato ng sapatos niya pabalik sa
kanya. Hindi ko naman siya pinatamaan sinoli ko lang.

“Eh ano ding problema mo kay Greg? Yung arte mo din para kang jealous boyfriend!”
Ginaya pa ko nito.

“Eh bakit ka nag rereact sa mga babae ko?” Pag-iwas ko sa tanong niya.

“Eh bakit ka din nagrereact kay Greg?” Balik niya sakin sabay bato na naman ng
sapatos niya, tinamaan naman ako sa braso.

‘Eh bakit mo ko ginagaya? Saka isa pang bato mo niyang sapatos mo hahalikan na
kita!” Banta ko sa kanya. Natigilan naman siya, sayang akala ko ibabato niya sakin
ulit eh.

Akala ko mananahimik na siya pero hindi pa pala.

“Eh di halikan mo! Yan naman gawain mo eh, hahalikan mo yung babae. Papainlovein mo
sayo, tapos sasaktan mo! Ang sama mo talaga! Sana pumanget ka, tubuan ng madaming
pimples sa mukha hanggang sa abs mo para wala ng babaeng magkagusto sayo! Dun baka
sakaling mapansin mo na ko!”
Ako naman yung natigilan sa sinabi niya. Grabe isumpa daw ba ako? Pero anong sinabi
niya? Baka daw pag wala ng nagkakagusto sakin mapapansin ko na siya? Hindi niya ba
alam na siya na nga ang laging napapansin ko? Syet ang cheesy ko na ah. 

“Asa ka naman.” Sagot ko sabay tingin sa kabilang side. Oo ang sama ko talaga.

Nanahimik naman siya sa sinabi ko, kaya nanahimik na lang din ako.

"sniff sniff"

Psh.

"sniff"

Tss.

*BLAG!*

*BLAG!*

*BLAG!*
“Hoy! Ano ba yan? Wag mo ngang sirain yang pader!” Sita ko sa kanya. Nagmumukmok
lang naman kasi siya sa pader habang umiiyak.

“Sira ulo ka mas concern ka pa sa pader kesa sa kamay ko! Ewan ko ba kung bakit
kita mahal e wala ka namang puso!” Sigaw niya.

“May puso ako!” Balik na sigaw ko sa kanya. “At tingin ko sayo tumitibok ‘to!”

[Sophia]

Nanlalamig ako. Hindi makagalaw. Ang dami daming biglang naglaro sa isip ko. Sino
kayang nagpadala nito? Bakit kilala niya kami? Anong nagawa namin sa kanya para
magpadala siya ng ganitong nakakakilabot na note? At ano ang gagawin niya?

“Baby? Uy! Kanina ka pa tulala sa pinto. Bukas mo na, ang dami kong dala oh.”
Napukaw naman ni Dylan yung atensyon ko. Agad kong tinago yung piture na may
nakakatakot na note sa bulsa ng bag ko at binuksan yung pinto.

Dumeretso naman agad si Dylan sa kusina, sumunod na din ako para tulungan siyang
mag-ayos ng mga pinamili namin. Wala pa din ako sa sarili ko, ewan ko masyado akong
bothered sa sulat na yun.
“Bakit ka ba natutulala dyan? May problema ka ba?” Pansin ni Dylan sakin habang
nililigpit namin yung binili naming mga pagkain.

Umiling naman ako kaaagad. Pero nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko na ba sa
kanya yung tungkol sa note.

“Ah Dy....” Pagsimula ko.

“Po? Bakit baby? May gusto ka ba?” Nilapitan niya ako para yakapin galing sa likod,
pinatong niya pa yung ulo niya sa balikat ko.

“Ah wala naman, tatanungin lang kita kung ano gusto mong movie pati pagkain.”
Pinilit kong ngumiti sa kanya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa likod ko at hinarap niya ako sa kanya. “Bakit


parang aligaga ka?” Nag-aalala niyang tanong.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko na ba sa kanya, o babalewalain ko na lang


yung sulat. Baka naman kasi ako lang ‘tong masyadong apektado, baka nananakot lang
‘to. Baka gusto lang kaming guluhin.

“Wala ‘no, parang ewan ka naman Dy. Okay lang ako, siguro napagod ng konti sa
byahe. Ano? Anong gusto mong kainin?” Tanong ko ulit sa kanya.

“Ako na, maupo ka na lang sa living room ako na maghahanda ng pagkain natin. Mamili
ka na lang ng movie okay? Pagod ka na eh.” Sabi niya tapos nilead niya ako papunta
sa living room. Ayoko na din kumontra, hindi talaga ako makapag-isip ng maayos
dahil sa nakakainis na letter na yan.

Naiwan ako sa living room, para malibang libang na din ako nagtingin na lang ako ng
movie na papanoorin namin habang naghahanda si Dylan ng pagkain namin. Dinampot ko
na lang kung ano yung unang movie ang makuha ko; Pink Panther. Mukhang comedy naman
kaya inayos ko na yung dvd player para ilalagay na lang namin yung DVD pag dating
ni Dylan.

“Baby, alam ko gutom ka na! Masarap ‘to.” Ngiting-ngiti na sabi ni Dylan na may
dalang malaking tray. Pinatong niya yung tray sa center table ng living room, sa
tapat ko.

Napanganga ako sa laman nung tray, madaming chips, may juice pero may lutong pasta?
Kelan pa siya natututong magluto ng pasta? At bakit parang ang bilis?

“Teka Dy? Ikaw nagluto nito?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Ah.. hehe.” Napakamot siya ng ulo niya kaya naman natatawa na ako sa kanya.
“Pinaluto ko na yan kanina, iniinit ko lang. Alam ko kasing magugutom tayo pag-uwi,
ayoko naman na mapagod ka pa sa pagluluto.”

Napangiti naman ako sa sinabi niya kaya tinawag ko siya para lumapit sakin. “Halika
ka nga dito sa tabi ko!”

Lumapit din naman siya agad kaya naman inulan siya ng kurot sa pisngi niya. “Ikaw!
Ang cute cute mo, masyado mo akong binababy ha. Baka mamaya masanay ako dyan.”
“Awww. Baby naman, lukot na yung mukha ko niyan.” Pagreklamo niya habang kinukurot
ko pa din yung mukha niya.

“Gwapo ka pa din naman ah! I love you!” Sabi ko sa kanya sabay kiss ng mabilis sa
lips niya.

“Ikaw talaga. I love you too.” Niyakap niya ako ng mahigpit. “Wag ka masyado
naaaligaga, nag-aalala ako eh. Kung may problema ka naman babywifey ko sabihin mo
lang sakin ha.”

Tumango lang ako habang yakap siya kahit sa totoo gusto kong sabihin sa kanya yung
tungkol sa sulat, pero hindi eh. Ayoko sirain yung light mood niya, ayokong mag
worry siya ng matindi kahit ngayong gabi lang. Bukas ko na sasabihin sa kanya, tama
bukas na lang.

“Kain na tayo, lalamig yung ininit mo.” Biro ko sa kanya kaya naman napanguso siya.

***

“Hahahahahahahaha!”

“Ano ba yan Dy? Tapos na yung movie di ka pa din tapos tumawa?” Natatawa na lang
din ako sa reaksyon niya habang nagliligpit kami ng mga pinagkaininan namin.
“Hahahahaha! Nakakatawa kasi eh.” Sabi niya habang umiiling iling pa. Parang
bata. :”>

“Oo baby, malamang! Comedy yung pinanood natin.” Pambabara ko sa kanya. Binitbit ko
na yung tray pero inagaw naman niya yun sakin.

“Hep! Bawal mapagod, samahan mo na lang ako sa kitchen habang naghuhugas ako. Para
may energy ako.” Kumindat pa siya bago dumeretso ng kusina. Sumunod naman ako agad
ng ngiting ngiti, syempre kinilig ako.

Inabutan ko siyang naghuhugas na ng mga plato kaya naman tinulungan ko na lang siya
magligpit ng mga nahugasan na, pero siguro sadyang aligaga ako ngayong gabi..

*Crack*

“Sandali! Ako na pupulot!” Sigaw ni Dylan nung payuko na sana ako para pulutin yung
mga nabasag na piraso nung plato.

“Sorry Dy! Dumulas kasi yata sa kamay ko.” Pagsosorry ko habang nakatayo lang ako
at tinitignan siya habang pinupulot yung mga nabasag, hindi ko na din kasi kayang
yumuko dahil naiipit na yung tyan ko.

“Sabi naman sayo baby ko ako na lang eh, buti hindi ka nasugatan. Ilalabas ko na
lang ‘tong mga bubog pati yung nasa trash can, puno na din kasi.” Sabi niya sabay
tapon ng bubog sa trash bin namin at binitbit niya yun papunta sa may likod, sa may
garden.
Ako naman tinapos na yung mga hinuhugasan niya, hindi ko alam kung bakit bigla
akong ninerbyos o kinabahan, siguro kasi naalala ko na naman yung tungkol sa s...

*BLAG*

*BLAG*

*BLAG*

Natigilan ako sa paghuhugas ng plato nung may narinig akong ingay, sa garden pa
mismo kung nasan si Dylan. Nagmadali akong tinuyo yung kamay ko sa hand towel at
naglakad papunta sa garden. Kabang-kaba ako, naalala ko na naman yung sulat. Walang
ibang nasa isip ko kung hindi sana guni guni ko na lang yung narinig ko pero...

*BLAG*

Mas minadali ko pa yung paglakad ko, natatakot sa pwede kong makita pag dating sa
garden.

“Dy!” Tawag ko kay Dylan na nakatayo malapit sa pool, hindi ko gaanong maaninag
kasi medyo madilim.

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Tinignan ko siya sa mukha, sa braso at sa kamay.


“Okay ka lang ba? Ano yung narinig ko?” Natataranta kong tanong.

“Ah wala, bumangga kasi yung trash bin sa mga upuan dito sa likod. Kaya natumba
lahat, madilim kasi hindi ko napansin.” Pagsagot niya sakin, buti naman at mali
yung hinala ko. Masyado yata akong nagpapakastressed sa sulat na yun.

“Bakit ba mukhang natataranta ka? Saka bakit lumabas ka pa? Umaambon oh.” Sabi niya
sabay higit sakin papasok ng bahay.

“Nag-alala kasi ako sa ingay na narinig ko eh, akala ko kung napano ka na dun.
Dapat kasi hindi ka na lumabas, gabi na eh.” Sermon ko sa kanya, hanggang ngayon
kasi hindi pa din mawala yung kaba ko.

Akala ko sasagot pa siya pero nakatitig lang siya sakin habang nanlalaki ang mata.
Napakunot ako.

“B-bakit?”

“Baby, yung waterbag mo...” Hindi pa siya tapos magsalita tinignan ko na yung
sarili ko.

At dun nakita ko nga na umaagos na yung tubig sa dalawang binti ko. 

--

Yehey! I'm back. PM is back! Namiss ko kayo! <3

#CrestfallenMoon 
=================

Chapter Forty Three

Cathy on the multimedia.

Kyaaaaa! I so love the feedbacks last time, thank you. Super late na yung update
ko, almost 12 na but hey atleast nalabanan ko ang WB! Ahihi. :

Chapter 43

*Brix’s POV*

Nagmamadali akong bumaba sa kotse ko para tignan kung ayos lang ba yung kung sino
mang natagis ng sasakyan ko. Masyado akong natulala sa sarili ko, makakaaksidente
pa tuloy ako. Naabutan ko naman ang isang babaeng nakapaupo mismo sa tapat ng kotse
ko.

“Miss? Okay ka lang ba? Dadalahin kita sa ospital.” Sabi ko habang inaalalayan
siyang tumayo.

“Okay lang, siguro nagulat lang ako.” Sagot niya habang dahan dahan ding tumatayo
pero bigla siyang napa-aray. “Ah, teka lang masakit yung paa ko.”

“Sabi naman sayo dadalahin na kita sa ospital eh.” Pagpilit ko sa kanya at


inalalayan ko na din siyang tumayo. Hindi naman na siya nag object pa, buti na lang
hindi siya humagis kasi kung nagkataon baka deretso kulungan ako nito.

Nung naisakay ko na sa shotgun seat yung babae pinulot ko na yung bag niya at
inabot sa kanya. Umikot na din ako sa kabila para sumakay at magsimulang magdrive.
“Sorry pala ha, masyado lang occupied yung utak ko kaya hindi kita napansin na
dumaan. Bukod ba sa paa mo may iba pang masakit sayo? I must now para alam ko kung
bibilisan ko ba ang pagdridrive.” Sabi ko sa babae habang pasulyap sulyap para
icheck out kung ayos pa ba siya, mamaya bigla ‘tong himatayin dito mataranta pa ko
lalo.

“Wala namang ibang masakit aside sa right ankle ko, sa tingin ko sprain lang ‘to.
And sorry din if I wasn’t looking, hinahanap ko kasi yung susi ng kotse ko.” Sagot
niya sakin. Napahinga naman ako ng maluwag nung narinig kong mukhang sprain lang
ang damage niya, pero dadalahin ko pa din siya sa ospital dahil kargo ko siya
ngayon.

“By the way, anong pangalan mo?” Biglang tanong niya.

Nilingon ko siya at nakangiti siya sakin ng maluwag, parang walang masakit sa kanya
kung makangiti siya ah.

“Brix Montez.” Maikli kong sagot habang nagcoconcentrate na sa pagdridrive, mamaya


makabangga pa ko ulit eh.

“Thank you Brix at hindi ko ko hinit and run.” Biro niya, napatawa naman ako dun.

“Actually naisip ko nga yun, tutal hindi mo naman ako kilala.” Sagot ko sa biro
niya. Narinig kong tumawa lang din siya.

“Well but you didn’t, instead tinulungan mo pa ko. I owe you one. Salamat at di mo
ko pinabayaan sa kalsada.” Pagpapasalamat niya.

“It’s my fault anyway, good thing yan lang ang nangyari. Right uhm... ano pa lang
pangalan mo miss?” Tanong ko sa kanya. Since tinanong na din naman niya ang
pangalan ko.

“Catherine Torres, pero Cathy na lang.” Sabi niya. Inextend niya pa ang kamay para
makipag shake hands. Tinanggap ko naman yun saglit at bumalik sa pagdridrive.

Tahimik na kami ni Cathy buong byahe pero maya maya tinitignan ko siya para iassure
na okay pa siya, malay ko ba kung may internal bleeding na pala ‘tong kasama ko.
Pero mabuti na lang wala at nakarating naman kami ng maayos sa ospital. Pinagbuksan
ko siya ng pinto at inalalayan siya maglakad hanggang sa salubungin kami ng
wheelchair. Dinala naman nila kaagad si Cathy sa emergency room.

“Miss pakicheck naman siya, natagis ko kasi ng kotse. Masaki tang paa niya pero
pakicheck na lang din kung may ibang damages.” Bilin ko sa nurse na nag aasikaso
kay Cathy.

“Yes sir. Kami na pong bahala.” Sagot ng nurse at inasikaso na nila si Cathy, nag
hintay naman ako at naupo muna sa waiting area ng emergency room.

Pasalamat na lang talaga ako at mukhang mabait naman si Cathy, hindi niya ako
tinalakan man lang dahil sa pagkakabangga niya. Swerte din na hindi siya gaanong
nasaktan kung hindi dagdag problema na naman ‘to para sakin. Sana nga sprain lang
yun para matapos na din kaagad ‘tong napasukan kong bagong problema.

*Cyril’s POV*
 

Pati ako natulala sa lumabas sa bibig ko, nagconfess na ba ako? Umamin na ko?
Bwiset. Siya naman kasi masyadong madada! Nasabi ko tuloy yung hindi ko dapat
sabihin sa kanya!

“A-anong sabi mo?” Gulat na gulat niyang tanong.

“Bingi ka. Sabi ko may puso ako malamang buhay ako eh.” Halos pasigaw kong sagot sa
kanya.

“Hindi yung una mong sinabi!” Ganti niya ding sigaw. Tignan mo ‘to, samantalang
dati para siyang pusang ligaw makakausap sakin tapos ngayon para siyang leon na
nakalunok ng mic.

“Ano? Na bingi ka? Matagal na nating alam yun wag mo na ikaila.” Pagpapalusot ko sa
kanya, tutal may pagkaengot naman siya sana makalusot na ko.

“Hindi yun! Yung sinabi mong tumitibok yun para sakin!” Sigaw na naman niya.

“Eh narinig mo naman pala eh, bakit pinapaulit ulit mo pa? Balak mong irecord?
Gagawin mong ringtone?” Irita kong sagot sa kanya. Kainis dinig na dinig pala.

“Hindi no! Pero sabagay great idea, tapos tuwing may nagtetext sakin yun ang
maririnig ko.” Medyo dreamy niyang sabi kaya naman binato ko siya ng panyo ko sa
mukha.
“Aray naman!” Reklamo niya.

“Nakakainis ka alam mo yun?” Tanong ko sa kanya.

“Oo na, oo na alam ko naman eh! Sorry naman oh. Pero atleast kahit nakakainis ako
sabi mo sakin ako tinitibok ng puso mo. Hihi.” Parang sira, kanina sumisinghot
singhot dyan tapos ngayon tatawa. Malala na talaga siya, baka mamaya bigla na lang
ako itali nito kasi nababaliw na siya. Tumayo naman siya bigla at umupo sa tabi ko,
itatali na niya nga yata ako.

“Uy totoo ba yun?” Sinundot niya pa yung tagiliran ko, malakas pa naman kiliti ko
dito. 

“Wag kase.” Saway ko sa kanya.

“Eh? Ano nga kasi, ang kulit mo naman. Sabihin mo na.” Kiniliti niya pa ulit ako sa
tagiliran, isa na lang sisikuhin ko na ‘to eh.

“Ayaw.” Sagot ko sabay talikod sa kanya, sa pader na tuloy ako nakaharap ngayon.

“Eh! Bakit ba ayaw mo sabihin? Gusto naman kita, eh di the feeling is mutual.”
Kinalabit niya naman ako ulit.

“Hindi, the feeling is abnormal.” Pabalang kong sagot habang naka face the wall.
“Oo. Kasi abnormal na ‘tong puso ko dahil sayo. Hihihihi. Batman kasi sabihin mo na
sakin, gusto ko marinig ulit yung sinabi mo.” Pangungulit niya, sinabayan pa ng
pangingiliti sa tagiliran ko. Potek talaga oh.

“Ayoko nga.” Pinigil ko na yung kamay niya sa pangingiliti sakin.

“Dali na kasi, di ko naman ipagkakalat eh. Dali na, sabihin mo na ako ang gumugulo
sa puso mong sugatan, dali na.” Natatawa tawa niyang sabi habang nangingiliti pa
din.

Inawat ko na yung kamay niya pero this time hindi ko na binitawan. Hindi naman siya
nag object, sus eto pa.

“Yan hawak ko na kamay mo, manahimik ka na pwede ba?” Sabi ko sabay lingon sa
kanya. Ayun, pulang pula yung mukha niya. Baka kinikilig, bahala siya dyan maatake
sa kilig, ginusto niya yan eh.

“Ano... sabihin mo muna kasi na gusto mo nga din ako. Please gusto ko lang malaman
kasi ano wala lang para lang mala-“

Hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya, hinalikan ko siya ng mabilis sa lips


tapos humiga ako sa lap niya.

“Okay na? Masaya ka na?” Tanong ko sa kanya habang nakapikit, pinipigil kong
ngumiti. Nasisiraan na rin yata ako ng ulo. Hindi siya agad nakasagot, malamang
nagulat na naman. Sus para naman first time namin magkiss, teka nakailan na nga ba
kami?

“I love you batman.” Biglang sabi niya kaya napadilat ako, nakangiti siyang parang
abno sakin.

“Tanga, mas mahal kita.” Sagot ko sa kanya.

*Dylan’s POV*

“Dy manganganak na ata ako.” Nanlalaki ang mata ni Sophia habang sinasabi sakin
yan.

“Manganganak ka na nga yata. Teka teka, anong gagawin ko?” Natataranta kong tanong
sa kanya habang inaalalayan siya.

“Kunin mo na yung mga gamit sa taas, dalian mo na tapos dalahin mo na ko sa


ospital.” Sabi niya sakin ng kalmado lang pero namumutla na siya, malamang ako din.

Paakyat na sana ako ng hagdan ng makalimutan kong nakatayo pa pala siya sa kusina
kaya bumalik ako.
“Bakit bumalik ka? Sabi ko kunin mo yung gamit eh! Dali na!” Masungit niyang sabi,
siguro nahihirapan na siya.

“Eh teka pano ka?” Nag-aalala kong tanong sa kanya.

“Hindi pa masyadong masakit, kaya ko pa maglakad Dylan. Manganganak lang ako hindi
lumpo, dalian mo na. Hindi ko iiiri dito ‘tong anak mo!” Sigaw niya habang
naglalakad papunta sa sala.

Napamadali naman tuloy ako sa pagkuha ng gamit sa taas, grabe nakakatakot pala si
baby ko pag manganganak na. Nagiging terror, kinakabahan tuloy ako.

Inayos ko na lang ng mas mabilis yung mga gamit tapos bumaba na kaagad ako,
naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at nagbabasa pa ng magazine. Kakaibang
manganganak ‘to ah.

“Tara na, bakit ka nagbabasa ng magazine?” Sita ko sa kanya habang naglalakad


papunta sa kanya.

“Ang tagal tagal mo eh, nagpapaalis ako ng nerbyos! Muntik na ko manganak dito oh!
Asan yung susi?” Tanong niya sakin pagkatayo.

Naalala ko yung susi pala nasa ibabaw ng cabinet. 

“Saglit kukunin ko.” Takbo ko paakyat.


“Ahhhh! Sira ulo ka, lalabas na yung anak ko dito! Dalian mo.” Sigaw ni Sophia,
grabe nababaliw na ata yung asawa ko. Kakaiba kinikilos niya bigla. Pagkadating ko
sa kwarto hinablot ko lang yung susi at nagmadali na naman pababa, muntik pa ko
tuloy masubsob. Nakakataranta pala ‘to, parang ako yung manganganak sa pakiramdam
ko eh.

Nakasimangot na si Sophia nung bumaba ako, siguro naeexcite na din siya makita si
baby kaya nagmamadali na.

“Tara na baby ko.” Inalalayan ko na siya pasakay sa likod at nagdrive habang


tinatawagan silang lahat.

“Hello? Oy Janna! Papunta na kami sa ospital, sabihin mo kila Nate. Tatawagan ko si


Ate.” Sabi ko kay Janna pagkasagot niya ng phone, siya na ang bahalang magsabi sa
iba.

"Huwaaaat? Manganganak na? Waaaaaaaaaaa! Sandali, natataranta ako! Waaaaaa!"

“Aray! Wag ka naman tumili baka mabangga kami. Oo oo sige! Dalian niyo.” Reklamo
ko, grabe naman ‘to sana pala si Nate na lang tinawagan ko. Kaso bestfriend siya ni
Soph, at binilinan niya kong tumawag agad pag manganganak na ang bestfriend niya.

"Sige sige tatawagan ko na lang sila!"

Binaba ko na din yung phone, next nadinial ko ay number ni Ate.


"Oh anong problema mo? Wala akong pera Dylan tantanan mo ko." Pagsusungit ng Ate
ko.

“Hindi ate! Si Sophia manganganak na! Papunta na kasi sa ospital!” Excited na


paasigaw kong sabi sa kanya.

"Sira ulo ka, magdrive ka ng mabuti dyan papunta na ko! Baba mo na ‘to wag ka ng
sasagot baka mabangga pa kayo! Syet! Tita na ko! Bbye na!" Natataranta na ding
sagot ni Ate.

Binaba ko na din naman agad yung phone, sure naman ako tatawagan nun sila Mama.
Sinilip ko si Sophia sa likod.

“Baby ko, wait lang malapit na tayo sa ospital. Kaya mo pa ba?” Worried kong tanong
sa kanya, mukhang namumutla pa din siya eh.

“Dylan dalian mo na, gusto ko na manganak. Ninenerbyos na ko!” Sabi niya na parang
maiiyak na.

“Uy baby wag kang iiyak, masakit ba?” Tanong ko sa kanya habang pasilip silip. Kung
pwede lang itigil ko na ‘tong pagdridrive para lang damayan siya kaso di naman kami
makakarating sa ospital.

“Hindi sira, naiiyak ako kasi makikita na natin si baby kaso ano, 7 months pa lang
siya Dy natatakot ako.” Sagot niya.
Nakaramdam din ako ng takot para sa baby, sana okay lang siya. “Wag mo isipin yun,
magiging okay siya. Malapit na tayo, wag ka ng umiyak. I love you baby ko.”
Pagpapagaan ko ng loob niya.

Sinilip ko lang si sa rearview mirror dahil paliko na ako sa ospital, ngumiti lang
siya pero halata sa kanya na kinakabahan pa din siya.

***

“Ahhhhhhhhhhh!” Sigaw niya habang nakakapit ng mahigpit sa kamay ko. Parang babaon
nga yung kuko niya eh.

“Sige baby kaya mo yan. Push pa! Push!” Sabi ko habang hawak ko yung kamay niyang
nakahawak sakin.

“Ahhhhhhhhh! Wala pa po ba?” Nakuha niya pang magtanong sa doktora kahit umiiyak na
siya sa hirap. Kung pwede lang magpalit kami ng sitwasyon eh.

“Malapit na misis, konting push pa ho.” Sagot nung doktora niya.

“Sige baby ipush mo lang yan, push pa!” Sabi ko sa kanya.

“Saglit, push ka ng push dyan ikaw mamaya ang ipupush ko sa kalsada eh! Ahhhhhhhh!”
Gigil na gigil na sabi niya, nakakatakot talaga siya manganak. Natawa tuloy yung
ibang tao sa delivery room. Pinapapawisan na ko ng malapot dito ah.

“One last push na lang misis, malapit na. Isang todo na lang.” Excited na sabi nung
doktora niya.

“Narinig mo baby? Isa na lang daw makikita na natin yung baby. Isang push na lang,
kaya mo yan. Mahal na mahal kita!” Pagpapalakas ko ng loob niya, mukhang hinang
hina na kasi siya eh.

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” Umiri siya ng isang todo at maya maya lang.

“Uwaaaaaa.”

“Wow, here’s your baby boy. Congratulations.” Sabi nung doktora tapos ibinalot nila
si Baby at itinabi kay Soph.

“Baby ko...” Umiiyak na siya, sa sobrang saya. Hindi ko din napigilan yung sarili
ko, naluha din ako.

“Baby, hi baby.” Sabi ko habang titig na titig sa baby namin. Parang lahat ng pagod
at paghihirap, lahat ng pinagdaanan namin ni Soph nasulit nung nakita namin si
baby.

“Ang cute cute niya Dy.” Umiiyak pa ding sabi ni Soph habang nakapatong sa tabi
niya yung baby.
“Pogi, mana sakin.” Biro ko sa kanya. “I love you. I love you both.” Sabi ko sa
kanilang dalawa. Walang makakapantay o makakapagdescribe ng saya na nararamdaman ko
ngayon.

“I love you too both.” Sabi ni Soph bago kuhanin sa kanya si baby para ayusin at
bago siya mawalan ng malay.

Dinala na din nila si Sophia sa recovery room at yung baby naman sa nursery,
lumabas naman ako ng delivery room na hanggang batok yata ang ngiti. Sakto nandito
na si Janna at Nate. Silang dalawa pa lang.

“Kamusta? Ano ano? Luambas na ba? Si bff ko anong nangyare?” Sunod sunod na tanong
ni Janna sakin.

“Lumabas na siya, ang gwapo niya. Mana sakin, si Soph nasa recovery room na. Ang
saya ko.” Sabi ko sa kanilang dalawa.

“Congrats dude.” Bati ni Nate sabay tapik sa likod ko.

“Excited na ko makita silang dalawa, grabe!” Masayang masaya ding sabi ni Janna.
Nainterrupt yung pag-uusap namin nung lumabas yung doktora.

“Mr. Elizalde? We have to talk, it’s about the baby.”


Bigla naman akong kinabahan.

*Brix’s POV*

“It’s just a sprain, other than that wala namang major damages. Binigyan na namin
siya ng pain killers just incase kumirot. She’ll be fine in a week or two. Basta
ingatan niya lang yung paa niya walang magiging problema. Sige you can go.” Sabi
nung doktor saming dalawa ni Cathy pagtapos siyang icheck.

“Thanks doc.” Sagot ko sa kanya at inalalayan ko na ulit si Cathy maglakad papunta


sa wheelchair since hindi niya maitapak yung isa niyang paa.

“Sorry ah, naabala ka pa tuloy. Di kasi ako nag iingat magdrive.” Pagsosorry ko
ulit sa kanya, ang laking abala ng nagawa ko.

“Okay lang, di naman sadya saka hindi din naman ako nakatingin sa dinadaanan ko.”
Sagot niya nung naiupo ko na siya sa wheelchair, tinulak ko na din ‘to papunta sa
entrance/exit ng emergency room. Balak ko na lang din siyang ihatid sa bahay nila,
ang sama ko naman para pagtaxihin siya ng ganitong lagay niya.

“Ah Brix hihingi sana ako ng favor sayo.” Sabi niya.

“Sure, ano yun?” Pagtanggap ko kaagad kahit hindi ko pa alam kung ano yun.
Nakakahiya naman kasi sa kanya.
“Pwede bang bukas pakipick up ng kotse ko sa tapat nung resto kung san ko yun
naiwan? Saka pwedeng pakihatid na din sa bahay? Kung okay lang sayo, kung busy ka
naman okay lang din.”

“Ah hindi, okay lang. Wala naman akong gagawin ng maaga bukas. Ako na lang kukuha
sa kotse mo, makabawi man lang sa abala ko sayo.” Sagot ko sa kanya. SImpleng pabor
lang yun para sa nagawa ko.

“Salamat.” Sagot niya.

Nakarating na din naman kami sa exit kaya inalalayan ko na siyang tumayo para
makalakad na kami papunta sa kotse ko. Inilagay niya yung isa niyang kamay sa
balikat ko bilang suporta pagtayo niya. Palakad na sana kami nung mabangga siya ng
isang babaeng nagmamadali.

“Ay sorry miss hindi ko sinasad-“

Napatigil sa pagsasalita yung babaeng nakabangga kay Cathy, si Zea.

*Cyril’s POV*

“You’re the apple to my pie, masarap ang buko pie. Minsan lagi kang parang high,
kasi nakasmile at laging merry.” Pagkanta kanta ko habang nakahiga sa lap ni
Pukyot.
“Hindi naman ganyan lyrics nun eh!” Sita niya sakin habang nakakunot. Nagpapacute
pa, tsh.

“Paki mo ba? Eh ayan lyrics ko eh. Imbento ka nga ng sayo!” Sabi ko sa kanya tapos
tinuloy ko yung pagkanta ko.

“Coz you’re the one, funny, funny. And I’m the one pukyot pukyot...”

“Ang tagal naman ng 12!” Sabi niya sabay nguso na naman, kanina pa ‘to tingin ng
tingin sa relo niya ah.

“Bakit? Atat ka na lumabas dito? Eh di lumabas ka.” Sabi ko sa kanya. Baka miss na
siya si Greg, bwiset. Hinalikan ko na siya, kinantahan na at lahat tas atat pa ding
siyang lumabas? Ako nga di ko nilalabas yung cellphone ko kahit dala ko naman.
Gusto ko pa dito eh. Tas siya gusto na lumabas, kutusan ko ‘to eh.

“Wait, 2 minutes na lang!” Tinakpan niya pa yung bibig ko.

Inalis ko kagad yun bago sumagot. “Bakit? Nagiging si Princess Fiona ka ba pag
sapit ng 12? Sabihin mo lang ibrebreak kita ngayon mismo.”

“Eh! Tayo na ba?” 

“Ay engot, nag aminan na nga eh di ba? Hinalikan na kita. Nahiga na ko sa lap mo,
ano pa bang gusto mo sayawan pa kita? Ewan ko sayo ah.” Nabwiset na ko kaya pinikit
ko ulit yung mata ko.
“Ha? Eh kasi naman di ko alam. Eh di tayo na pala, ay sayang!” Sabi niya pa tapos
ngumuso ulit.

“Ano? Bakit na naman sayang? Ayaw mo? Sige fine break na tayo. Etong pogi kong ‘to
nanghinayang ka pa. Sinagot na nga kita, aarte arte ka pa dyan.” Patayo na sana ako
mula sa pagkakahiga ko sa lap niya...

“5... 4... 3... 2... 1... Happy Birthday Batman!” Ngiting ngiti niyang sabi sabay
halik sa labi ko. Nagulat naman ako. Ano nga bang date ngayon? Oo nga birthday ko
nga!

“Pano mo alam? May lahi ka talagang stalker ‘no?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi, parehas kasi tayo. Birthday ko din ngayon!” Masayang masaya niyang sabi,
parang may sayad.

“Ah.” Sagot ko.

“Di mo ko babatiin?” Nakanguso na naman siya, utang na loob.

“Tss. Eh di happy birthday honeybunch sugarplum pumpy-umpy-umpkin. You’re my


sweetiepie.” Sabi ko sa kanya.
“Hihihi! Thank you honeybunch sugarplum pumpy-umpy-umpkin. You’re my sweetiepie.”
Natatawa niyang sagot.

“Yuck ang korni ko pala, wag na natin ulitin yan. Tara nga dito, kiss mo na ko.”
Sabi ko sabay smirk sa kanya.

Syempre ginawa naman niya. Ngayon lang ako nagmahal ng abnormal, masarap pala. 

--

For updates pala, pwede niyo ilike yung page ko. Just click the external link. Yun
lang po, salamat! 

#CrestfallenMoon

=================

Chapter Forty Four

Hi! I dedicated this chapter to you kasi natuwa naman ako sa sobrang habang comment
mo sa last chapter. Muntik ako malunod, pero sobrang natuwa ako. Thank you! <3

Si baby sa multimedia! Puro pisngi po yan. Hahaha. :D 

 Btw, nagpalit ulit ako ng book cover. Last na to promise! Credits to my


bispren. :P 

Perfect Mistake Chapter 44

 
 

*Dylan’s POV*

“Ano po ba yun?” Kinakabahan ko pa ding tanong. Wala akong ibang iniisip ngayon
kung hindi sana okay lang ang anak ko.

“Well, we all know na kulang pa sa buwan ang baby niyo. The good news is hindi na
natin siya kailangan iincubator kasi he’s fine. In fact he’s healthy.”

I felt relieved nung narinig ko yung sabi nung doktor.

“But just to be sure I suggest pakuhanin niyo siya ng new born screening and the
like para malaman natin kung may epekto sa kanya yung pagiging kulang sa buwan. May
mga effects kasi na hindi pa lumalabas at an early stage.” Pagpapatuloy nung
doktor.

Napatango naman ako. “Sige po, kahit anong tests po yan basta lang po makasigurado
na okay yung anak ko.”

“Good. Kailangan na lang isign niyong mag-asawa ang waver para sa tests. Excuse
me.” Pagkatapos ay umalis na din siya.

Naramdaman ko namang tinatapik ni Nate yung balikat ko. “Okay lang yan dude, think
positive healthy yang anak mo.” Pag eencourage niya. Kung hindi siguro anak ko ang
pinag-uusapan dito tatawanan ko si Nate, hindi ako sanay ng ganyan yung tono niya.
“Di pa pwedeng makita si Soph?” Nakangusong tanong ni Janna sakin.

“Nasa recovery room na siya, puntahan na lang natin mamaya pag nailipat na siya sa
room niya.” Sagot ko sa kanya.

“Oh Zey.” Biglang bati ni Nate. Napalingon ako at parating na nga yung Ate ko.

Bakit nakasimangot ‘to? Anong problema niya?

“Nasan na yung dalawa? Ano nang nangyari?” Tanong niya pagkalapit samin.

“Lumabas na yung baby, mamaya lang pwede na natin siyang daanan sa nursery room.”
Sagot ko kay Ate. Excited na din ulit akong makita yung baby ko.  

Tumango lang siya, hindi sumagot. Ano bang topak niya? Samantalang kanina sa phone
nung magkausap kami ang ingay ingay niya.

“Dude nagugutom ako, tara sa cafeteria manlibre ka muna tutal tatay ka na eh.” Aya
ni Nate, kahit kelan talaga ‘to puro pagkain nasa utak.

“Sige makapagcoffee muna, pagtapos siguro daanan na natin yung baby bago pumunta
kay Soph.” Pag agree ng ate ko kaya pumunta muna kaming apat nila Nate sa cafeteria
para kumain. Kahit sa totoo hindi ako makakain ng maayos kasi naeexcite na akong
makita ulit silang dalawa.

Pagtapos dinaanan na namin si baby sa nursery, tinuro naman samin nung nurse kung
sino yung anak ko dun. Pag baby kasi halos lahat magkakahawig pa.

“Waaaaa! Ang cute niya!” Tuwang tuwa na sabi ni Janna. Syempre ngiti ngiti din ako,
proud eh. Haha.

“Dude di mo naman kamukha, mas kamukha ni Soph eh!” Pangontra ni Nate. Binatukan ko
nga.

“Epal ka e no? Syemre kamukha ko din, anak ko yan eh.” Tapos binatukan ko pa siya
ulit, di naman nagrereklamo eh. Hahaha

“Ang taba niya Dylan, anong pinakain niyo sa baby?” Natatawang tanong ni Ate sakin.
Medyo malaki nga kasi siya kahit na kulang siya sa buwan, hindi nga halata eh.

“Eh di alam na natin kung bakit malakas kumain si Soph. Hahahaha.” Sabi ni Nate.

“Teka teka, may name na ba kayong naisip?” Biglang nagtanong si Janna.

Oo nga! Wala pang pangalan si Baby, wala pa din akong naiisip. Lagot ako nito
mamaya pag gising ng asawa ko.
“Ako ako meron!” Nagtaas pa ng kamay si Nate, parang magrercite lang.

“Ano naman?” Tanong ni Ate.

“DeZayn! Dennise saka Zayn!” Proud niya pang sinuggest.

“Eh kung dezaynan ko ng suntok yang mukha mo?” Sabi ni Janna sabay irap sa kanya.

“Nagsuggest lang eh!” Sagot ni Nate sa kanya.

“Suggestion mo bulok eh, sige nga. Ikaw ba? Ipapangalan mo ba sa anak mo dezayn?
Tunog design! Abnormal ka.” Sagot ko sa kanya sabay amba ng suntok. Loko lokong ‘to
pagtritripan pa pangalan ng anak ko.

“Teka may naisip ako, ewan ko lang kung magugustahin ni Soph.” Bigla lang kasing
may nag pop out na pangalan sa utak ko. Naisip ko bagay kay baby yun.

“Ano naman? Tinuan mo, wag kang gagaya sa Nathan na yan.” Masamang tingin na sabi
ni Ate.

“Destine.” Sagot ko.


“Bakit di na lang Dustan? Para kakaiba.” Seryosong suggest ni Nate.

“Tunog dustpan! Manahimik ka nga dyan!” Pinalo naman siya ni Janna. Natawa tuloy
kaming dalawa ni Ate.

“E di wag! Di na nga ako magsusuggest!” Sumimangot naman si Nate. Ang bano naman
kasi ng sinusuggest niya, kawawa magiging anak niya kung sakali.

“Para kayong mga bangag, tara na nga sa room ni Soph. Hintayin na lang natin siya
magising.” Aya ni Ate samin.

*Sophia’s POV*

Naramdaman ko parang mahina pa ko pero pinilit kong dumilat. Naabutan ko sila


Janna, Nate, Ate Zea at si Dylan na nakaupo sa harapan ko.

“Hi baby.” bunga niya sakin.

“Nasan na siya?” Tanong ko kaagad sa kanya.


“Tulog pa, mamaya dadalahin siya dito. Okay ka na ba?” Tanong ni Dylan habang
hinahaplos yung buhok ko. Tumango naman ako.

“Waaaa! Bakla nakita ko na yung baby mo! Garabi! Ang cute cute niya!” Bigla naman
lumapit si Janna samin.

“Syempre kanino pa ba magmamana? Haha.” Biro ko pa sa kanya.

“Sakin.” Sabat naman ni Nate.

“Bakit? Anak mo? Anak mo?” Pambabara naman ni Ate Zea sa kanya. Grabe ang kukulit
nila.

“Teka pala baby, kasi wala pa siyang pangalan. Hinihintay kasi kitang magising. May
naisip ka na ba?” Tanong na naman ni Dylan.

Napaisip ako bigla, sa totoo lang matagal ko na din pinag iisipan yang ipapangalan
namin kay baby kaso malay ko ba na mapapaaga ang labas niya?

“Ikaw ba?” Balik na tanong ko kay Dylan.

“Uhm. Destine? Meaning kasi nun Destiny, nabasa ko dati online. Ano gusto mo ba?”
Sabay ngiti niya sakin. Halata sa mukha niya na ang saya saya niya.
“Sabi ko nga kanina Dezayn na lang, ayaw naman nila.” Nakasimangot na sabi ni Nate.

“Isa pa Fortalejo jojombagin na kita!” Banta sa kanya ni janna. Abnormal naman kasi
yung suggestion ni Nate, parang siya lang. Haha.

“Sofian. Destine Sofian. Okay na ba yun?” Tanong ko sa kanila. Ewan ko ba natuwa


kasi ako sa name na yun, halos kalapit kasi ng name ko.

[ Pronounced as Des- Teen ; Sof-Yan ]

“Wow! Tunog French, then we could nickname him as Aian! Ang cute!” Tuwang tuwa na
sabi ni Ate Zea sabay palo palo pa sa braso ni Nate, nakasimangot tuloy.

[ Pronounced as A-yan ]

Nagkulitan pa silang lahat hanggang sa maya-maya lang umalis na din sila Nate at
Janna, may pasok pa daw kasi sila kaya babalik na lang mamaya. Naiwan naman si Ate
Zea.

*knock knock*

“Buksan mo Dy, baka si Baby na yan.” Excited na sabi ko kay Dylan na agad naman
niyang sinunod.
“Ma! “ Gulat kong sabi nung makita ko si Mama, agad siyang lumapit sakin at niyakap
ako.

“Kamusta pakiramdam mo anak? Kamusta ang apo ko?”

“Okay na po ako, okay naman po siya Mama. Si Shane po?” Paghahanap ko sa kapatid
kong abnormal. Nasabi kasi ni Mama na excited daw yun makita ang pamangkin niya.

“May pasok pa, pero susunod daw siya dito mamaya. Nasan na ang apo ko?” Excited na
tanong ni Mama.

“Nasa nursery pa po Ma, maya maya po siguro dadalahin na siya dito.” Sagot ni Dylan
habang inaabot yung mga dalang fruits ni Mama at nilagay yun sa bedside table.

“Mabuti naman, ngayon nanganak ka na. Nabawasan mo ang kalahati ng paghihirap ko


sayo. Mararanasan mo na din maging nanay, kaya magpakabait ka ha?” Bilin ni Mama
sakin. Maski nung buntis pa lang ako parati niyang sinasabi na pagnanganak na ko
mababayaran ko na daw ang kalahati ng hirap niya sakin. Ngayon ko lang
naiintindihan ang ibig niyang sabihin.

“Opo mama.”

*knock knock*

 
“Wow daming bisita ah.” Sabi ni Ate Zea. Binuksan niya yung pinto at pumasok na
yung tatlo. Sina Enzo, Cyril at yung makulit na si Honey. May dala silang madaming
pagkain, at flowers.

“Asan na yung anak niyo? Patingin nga? Papogian nga kami.” Banat kaagad ni Cyril.
Natawa tuloy ako, kahit kelan talaga ‘to.

Binato siya ni Dylan ng unan. “Oh loko, pati anak ko dadamay mo pa sa kayabangan
mo.”

“Eto naman parang may dalaw! Nga pala, si Honey girlfriend ko.” Biglang sabi ni
Cyril sabay turo dun kay Honey.

Muntik kaming mabilaukan sa sinabi ni Cyril! Akalain mong naging sila na? Eh
samantalang kelan lang inis na inis siya kay Honey. Tapos pinakilala pa niya samin
na girlfriend niya. Seryoso na ata ang loko.

Sa sobrang pagkagulat namin walang nakapagreact agad.

“Hi.” Nahihiya pang sabi ni Honey samin.

“Seryoso ka? Habang maaga pa lagyan mo ng helmet yan Cy, baka matauhan.” Natatawang
biro ni Ate Zea sa kanya.

“Sus. Ako pa! Baka ako pa nga ang dapat matauhan.” Sagot ni Cyril sa kanya.
Napanguso naman tuloy si Honey sa kanya. “Ang sama mo sakin.”

“Okay lang yan, pogi naman boyfriend mo eh.” Confident na sagot ulit ni Cyril,
napatahimik tuloy kaming lahat. Tipong may napadaan na anghel, ganun. Hahahaha.

“Anyway guys, congrats.” Bati ni Enzo samin.

“Salamat dude.” Sagot ni Dy sa kanya.

“Thank you. Nga pala, nasan si Heart?” Tanong ko.

“Nasa bahay, masama kasi yung pakiramdam kaya hindi na sumama.” Sagot ni Enzo.

Oo, alam na namin yung tungkol sa secret relationship nila. Maski noon pa naman may
napapansin na kami sa kanila, lately lang si Enzo ang nagconfirm. Walang alam si
Heart na alam na namin. May plinaplano kasi si Enzo.

“Naks, si kumag nagtwinkle pa ang mata. Inlab!” Biro ni Cyril sa kanya.

“Kala mo naman siya hindi! Kulang na lang mag kulay kamatis ka sa kilig dyan.”
Balik ni Dylan sa kanila. Napuno tuloy yung hospital room ko ng tawanan at asara.
Yung totoo? Ospital pa ba ‘to o comedy bar. Hahaha.
Pero hindi din naman sila nagtagal dito, nag aya na din si Enzo kaagad umuwi dahil
wala daw kasama si Heart sa unit niya. Sumabay na din naman sila Cyril at Honey sa
kanila kasi may gagawin pa din daw sila sa school.

“Grabe si Cyril, nag ka girlfriend lang ng isa pang abnormal mas lalong lumala.
Parang winasak yung panga ko kakatawa sa kanya.” Sabi ni Ate Zea nung makaalis
sila.

“Kaya nga bagay yung dalawa Ate, parehas may toyo.” Sagot ko.

*knock knock*

“Jusko wag niyo sabihin na bumalik pa si Cyril, masasapok ko talaga siya.” Sabi ni
Ate Zea bago buksan yung pinto.

“Hello mommy, magbreastfeed na daw po kayo. Saka papirma na daw po ng waver para sa
tests.” Sabi nung nurse na may hawak kay baby sabay abot sakin.

“Hi baby.” Sabi ko habang buhat buhat ko siya. Walang makakapagcompare ng saya na
nararamdaman ko ngayon. Hinding hindi ko ipagpapalit ‘tong moment na ‘to sa kahit
saan.

“Aba, ayan pala ang apo ko. Ang taba naman, hindi halatang kulang sa buwan ah.”
Nakangiting sabi ni Mama habang pinagmamasdan si baby.
“Teka Dy, para saan pala yang pipirmahan na yan? Tests para san?” Worried na tanong
ko.

“Ah para lang maassure natin na walang problema sa kanya, di ba baby? Healthy ka
naman di ba?” Pagkausap ni Dylan kay baby. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti sa
nakikita ko. Ang sarap lang tignan si baby habang kinakausap siya ng mga tao sa
paligid niya.

“Hi baby Aian, say hi to tita Zea.” Tuwang tuwang sabi ni Ate Zea kay Sofian.

Si Sofian naman nakapikit lang madalas at minsan padilat dilat, siguro blurry pa
ang vision niya.

Pinirmahan ko na din yung waver na sinasabi nila para maprocess na yung requests at
magawa na yung tests. Sana mag negative siya sa mga sakit, yun lang ang gusto ko
ngayon. 

“Pwede na po kayong mag breastfeed, babalikan ko na lang po si baby mamaya.” Sabi


nung nurse bago siya lumabas ng room.

Tinignan ko muna yung anak ko sandali, ang cute cute niya para siyang anghel na
natutulog.

Inayos ko na din yung damit ko at nagsimula ng magpabreastfeed, sabi ni Mama


importante daw ang firsst milk ng mommy sa baby. Habang nagbreabreastfeed ako kay
Sofian hindi ko mapigilang mapangiti habang umiiyak, masayang masaya ako. Lahat ng
hirap ko, namin ni Dylan pati na ng mga taong nasa paligid namin sulit na. Ngayong
hawak ko na siya dapat mas maging responsible na ako kasi may buhay ng nakaasa
sakin. Mahirap man at nakakatakot, wala pa ding papantay sa saya na nararamdaman
ko.

*Brix’s POV*

“Thank you Brix ah.” Sabi ni Cathy pagkatapos kong iabot yung susi ng kotse niya sa
kanya. Nandito kasi ako ngayon sa kanya at hinatid ang kotse niya.

“Wala yun.” Sagot ko sa kanya sabay paalis na sana. Iniwan ko kasi kanina dito yung
kotse ko bago kuhanin yung kotse niya papunta sa resto, nagtaxi na lang ako papunta
dun.

“Sandali lang brix, pasok ka muna. Mag coffee ka muna.” Pigil niya sakin kaya
nilingon ko siya. “Sige na.”

Nakakahiya namang tumanggi sa simpleng kape lang kaya tumuloy na din ako sa bahay
niya.

“Ang laki pala ng bahay mo  ah.” Bati ko sa kanya. Ang laki kasi ng bahay ni Cathy,
sabagay halata naman sa itsura niya na may kaya sila.

“Ah hindi sakin ‘to, pinagstay lang ako nung friend ko na nasa Canada.” Sagot niya
habang nagtitimpla ng coffee sa sala niya.
Sumunod na lang ako dun para tulungan siya, hirap kasi siyang maglakad pero
pinipilit niya pa din. 

“Ganun ba? Eh sinong kasama mo dito?” Tanong ko. Wala kasi akong napapansin na
kasama niya dito.

“Wala, ako lang. Both parents ko pati yung brother ko nasa Canada. Ako lang ang
nandito, even my closest friends nandun din.” Sagot niya habang nagsasalin ng
coffee.

“Buti hindi ka nalulungkot.” Sabi ko bago uminom nung kape na ginawa niya. “Your
coffee is great.” Pagbibigay compliment ko, masarap kasing magtimpla ng coffeesi
Cathy. Kalasa ng coffee na ginagawa ng Mom ko.

‘Thanks. Well minsan oo kasi i only have a few friends here tapos hindi ko pa
superclose unlike nung mga nasa Canada. Kaya medyo nasasanay din akong mag-isa.”
Sagot niya habang nagsasalin ng coffee na para sa kanya. “Sa sobrang konti ng close
friends ko ditto, I can even list them in a blink right now.”

“Then add me to your list of close friends.” Sabi  ko sa kanya ng nakangiti.

Natawa siya. “Seriously? After being total strangers to each other we’ll jump off
to being close friends instantly?”

Tumango ako. “Hindi pa ba tayo close ng lagay na ‘to? Nabangga kita, hindi mo ko
dinemada pero pinagkape mo pa ko sa bahay mo.” Sabi ko sa kanya habang natatawa.
“Well, I guess you have a point there. Thanks anyway.” Nakangiti niya ulit na sabi
sakin. Maganda ang aura lagi ni Cathy, sigurro kasi masayahin siyang tao.

Nagkwentuhan pa kami sandali pero maya maya nag-paalam na din ako. 

“Salamat pala sa paghatid ng kotse ko kahit medyo hassle ha.” Pagpapasalamat niya
habang nasa front door na kami, sabi ko ditto niya nalang ako ihatid kasi
mahihirapan lang siya pag hanggang sa gate pa.

“Salamat din sa coffee. Una na ko ha.” Sagot ko bago tumalikod.

“Drop in anytime you’re free, mag coffee ulit tayo. Or if ever makabangga ka ulit.”
Pahabol pa niya.

“Sure close friend.” Pabiro kong sagot sa kanya kaya natawa din siya.

*Zea’s POV*

*knock knock*
 

“Pasok.” Sabi ko dun sa kung sino man ang kumakatok na yun, kanina pa ako bukas
sara ng pinto mga nurse lang pala yun. Baka mamaya nurse lang din siya pagurin pa
nila ako. Tinuloy ko na lang yung pagbabasa ko ng fashion magazine.

“Hi Sophm, hi Dy.”

Pagkarinig ko pa lang nung boses na yun napaangat na agad yung ulo ko para tignan
siya.

Pagkakita ko pa lang sa pagmumukha niya naalala ko na naman yung nakita ko kagabi.

***

“Ay sorry miss hindi ko sinasad-“ Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng makita
ko yung babaeng nabangga ko. Wala naman akong pakialam dun sa babae eh. Ang may
pakialam ako dun sa lalaking kasama niya. Ang hayup kong ex-fiance na kakabreak ko
lang a few hours ago.

Aba at kumekereng keng agad siya, eto naming babae na ‘to nakakapit pa sa balikat
niya. Ihampas ko kaya sa kanila yung wheelchair sa likod nila? Madama kaya nila?
Bwiset,

Ang nakakainis pa nito, yung unggoy na Brix na yun wwala man lang sinabi kaya naman
nilayasan ko na lang sila para hanapin yung room ni Soph.

 
***

Pero may mas nakakainis pa dun. Yung nilayasan ko siya wala man lang sinabi o kahit
sa text man lang. Sabagay sino nga ba ako para pagpaalaman niya. Ex-fiance lang
naman niya ako. Pero gago pa din siya kasi pumayag siyang makipaghiwalay sakin.
Bakit? Dahil bas a babaeng yun?

“Ah kuya Brix, thank you.” Sagot ni Sophia sa kanya.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya tumayo na ko at dumeretso sa pinto.


“Labas muna ako, masyadong nakakasuffocate ang hangin dito.”

*Someone’s POV*

I opened up the curtain and just a few sunrays beamed across our room. No wonder,
its winter in here and it’s already late afternoon. I must’ve overslept myself; I
had been too busy getting ready. In just two weeks time, I’ll be back. We’ll be
back.

A smile suddenly painted across my face, I couldn’t help but get excited and
anxious at the same time.

My mind was wandering too much that I haven’t noticed him awakening. He looked at
me innocently, he always do.
I reached up for him and pulled him into a tight hug. “Zion honey, are you ready?”
I asked him, smiling.

He just smiled back at me. 

--

Uy uy. Di po kayo naliligaw, PM po talag 'to! Sorry sa english chuchu sa last part.
La lang, sinapian yata ako ng Englishing alien. LOL! XD Pasensya na sa nakayanan ng
lugaw lugaw na utak. Masarap kasi mag lugaw, malamig. XD

May second update ako. Later at 8 PM po! Hihi! 

VOTE kung nagustuhan. 

COMMENT kung may opinyon. 

Salamat. Mahal ko kayo! <3

=================

Chapter Forty Five

Dedicated sa aking mahal na kuting. :"> Love love ko yang sweet na bata na yan. 

Perfect Mistake Chapter 45

*Sophia’s POV*

 
“Home sweet home.” Sabi ni Dylan pagkarating na pagkarating namin sa bahay.
Sinalubong naman agad kami ng mga kasama namin sa bahay at inabot lahat ng dalang
gamit ni Dylan.

“Hi Maam. Nako ang cute cute naman po ng anak niyo ni Sir.” Bati ni Lara nung
masilip niya si Baby Ian na tulog na tulog habang karga ko.

“Salamat.” Sagot ko habang ngiting-ngiti, proud Mom eh.

Naupo muna ako sa salas habang pinagmamasdan lang si Baby Aian, tulog na tulog
siya. Kamukhang kamukha ni Dylan.

“Baby, sila Mama nasa video chat.” Tumatakbo pa si Dylan pababa habang bitbit
bitbit yung laptop niya. Nilapag niya naman yun sa center table sa sala namin at
nakita ko nga sa screen si Mama Dea at Papa Zeus sa magkaibang webcam.

“Hija, kamusta?” Nakangiting bati ni Mama sakin. Umupo naman si Dylan sa tabi ko.

“Okay lang po, sayang hindi na kayo nahintay ni Baby bumalik.” Natatawa kong sabi
sa kanila. Gusto ko pa naman na nandito din sila pg lalabas na si baby.

“Oo nga eh, mukhang excited yung apo namin. Pwede ba siyang makita?” Tanong ni Papa
Zeus.

Tumango ako kaagad tapos ipinaharap ko ng buhat konti si Baby Aian para makita nila
Mama at Papa sa screen.
“Aba ang taba namang niyang bata na yan.” Halos sabay pang sabi ni Mama at Papa
habang tumaawa.

“Maniniwala ba kayong kulang sa buwan yang batang yan?” Sabi ni Dylan sabay tapik
ng mahina sa pisngi ni Baby Aian.

“Mama, Papa si Dylan po parating pinanggigigilan si Aian, gustong gusto na niyang


kurut-kurutin sa pisngi.” Pagsusumbong ko sa kanila.

“Nako pagdating ng Lolo niya panggigigilan din yang bata na yan.” Sabi ni Mama.

“Aba Dea, ayoko pang patawag ng Lolo hindi pa naman maputi ang buhok ko.” Sagot ni
Papa kay Mama.

“Ang arte, matanda ka naman na. Ano pang gusto mo Popsy? Ang baduy mo Zeus ha. Wag
ka ng pabata.” Natatawang biro ni Mama sa kanya. Tawa din naman kami ng tawa ni
Dylan sa asaran nila, nakakamiss din pala silang makasama sa bahay.

“Ano nga palang ipinangalan niyo sa baby?” Pag-iwas ni Papa sa asar ni Mama.

“Destine Sofian po.” Sagot ko.

“Ang ganda ganda naman.” Nakasmile na naman si Mama Zea pero mukhang naluluha din
siya, unang apo kasi si Aian.
“Aian po ang nickname niya. Si Ate Zea po ang nagbigay nun.” Singit naman ni Dylan.

“Bagay, pang gwapong palayaw.” Sabi ni Papa Zeus sabay tawa.

“Kelan po ba kayo uuwi?” Tanong ni Dylan sa kanilang dalawa.

“Ako in 3 days na, malay ko dyan sa Papa mo. Basta ako excited na akong makita ang
apo ko.” Sagot ni Mama Dea kay Dylan.

“Syempre in 3 days din para magkita tayo sa airport. Kunwari ka pang excited makita
ang apo natin, ako lang naman ang gusto mong makita.” Kunwari seryosong sabi ni
Papa habang halata naman na nagpipigil siya ng tawa.

“Heh! Ewan ko sayo, tigil tigilan mo nga ako.” Inis na sabi ni Mama. “Oh siya,
magpahinga na kayo. Alam ko naman na pagod pa kayong parehas, pupunta kaagad kami
dyan pagkauwi namin.”

“Madami akong pinamili dito para kay Ian, saka para sa inyo na din.”Sabi ni Papa
Zeus sabay smile. “Pati sayo Dea.”

“Ay ewan ko sayo, puro problema lang pinapasalubong mo sakin eh! Sige na mag oout
na ko, maiwan ko na kayo dyan. May aasikasuhin pa ko.” Nakakunot ng sabi ni Mama
Dea, si Papa naman kasi ang lakas mang-asar eh.
“Bbye Lola.” Sabi ni Dylan habang pinakapakita ulit si Ian kay Mama Dea.

“Bbye baby Aian, hintayin mo si Lola ah. Madami akong pasalubong sayo. Sige Sophia,
ingat kayo lagi. Anak, yung asawa at anak mo alagaan mo mabuti ha?” Pabilin ni
Mama.

“Opo Ma, ingat ka din dyan.” Sagot ni Dylan.

“Bbye Mama.” Paalam ko sa kanya. Nagwave lang siya bago niya patayin yung cam.

“Ang pikunin talaga ng Mama mo ‘no?” Natatawang tanong ni Papa kay Dylan.

“Ikaw naman kasi Pa, nga pala. Yung pinapabili ko ah. Hahaha. Regalo mo na lang
sakin.” Ngiting ngiti na parang tuta si Dylan, mukhang nagpapacute sa Papa niya.
Parang may sira lang sa ulo. Hahaha.

“Nako Dylan Zayn, tigilan mo ako. Mag trabaho ka na kaagad, may anak ka nga nga
hingi hingi ka pa sakin. Makapag out na nga din.” Biglang nagsungit si Papa.

“Pa naman eh.” Maktol naman ni Dylan na parang bata.

“Sige na sige na, magtratrabaho pa ako. Mag-ingat kayo dyan lagi, bbye na apo.
Magtratrabaho muna si Lolo.” Sabi ni Papa habang nakangiti nung pinapaharap ko ulit
ng buhat si Aian.
“Bbye po.” Sagot ko. Tapos nagblack na yung screen niya.

Pinatay na din ni Dylan yung laptop. “Sabi ayaw papatawag ng Lolo, eh siya nga
nagtawag nun sa sarili niya. May toyo talaga yun si Papa.”

“Sus, parang siya wala.” Natatawa kong sabi sa kanya.

“Wala kaya, tara na sa taas. Matulog muna tayo habang tuloy si Aian, alam ko puyat
ka pa din.” Aya niya sakin kaya umakyat na kami sa taas kasunod niya.

“Teka, ano bang pinapabili mo kay Papa?” Tanong ko nung paakyat kami ng hagdan.

“Kotse.” Maikli niyang sagot.

“Aanuhin mo naman yun may kotse ka naman? Yung iba naiwan mo pa sa kabilang bahay.”
Sagot ko sa kanya. Nakapasok na din kami ng kwarto.

Dahan-dahan kong ibiniba si Aian sa crib niya at kinumutan. Para talaga siyang
angel na natutulog. Matabang angel na natutulog.

“Wala lang.” Sagot ni Dylan tapos naramdaman ko na lang yung kamay niyang nakayakap
sakin. “Tignan mo siya oh, ang cute cute. Parang siopao na natutulog.”
“Mukhang angel nga eh. Hay, grabe lahat ng kunsumisyon ko sayo napawi nung nakita
ko na siya.” Nilingon ko pa siya habang nakayakap siya sakin mula sa likod.

Napanguso na naman siya. “Hindi naman ako kunsumisyon sayo eh.”

“Anong hindi? Gusto mo isa-isahin ko mga kalokohan mo?” Tanong ko sa kanya.

Napakunot siya. “Wag na. Di naman na importante yun eh, ang mahalaga kayong dalawa.
Kayo ang pag tutuunan ko ng panahon ko ngayon.”

“Dapat lang ‘no.” Sagot ko.

“Sus. Sungit sungit, kiss mo na nga ako.” Ngumuso pa ang loko.

Syempre kahit madalas akong mabwisit sa mga kalokohang ginawa niya, mahal ko pa din
‘tong sira ulong tatay ng anak ko. Hinalikan ko lang siya ng mabilis sa lips.

“Haaay, nakakapawi ng pagod. Ligo muna ako baby, tapos tulog tayo. Puyat pa ko eh.”
At nag pout pa ang asawa ko. Kamukha ni Aian. Hahaha

“Sige, ligo na. Alam ko namang puyat ka pa kakabantay. Ligo na, mabaho ka na.” Biro
ko pa sa kanya habang tinutulak siya papunta sa CR.
“Sus, mahal mo naman.” Huling sabi niya bago pumasok sa banyo.

Napangiti ako mag-isa, ang laki na din ng pinagbago ni Dylan. Pati ako at pati na
din yung relasyon naming dalawa, lalo pa siguro ngayon na dumating na si Ian sa
buhay namin. Nawawala lahat ng problema ko pag nakikita ko si Aian at si Dylan.

Hinalikan ko sa pisngi si Aian bago ako umupo sa kama namin ni Dylan. Hindi ko na
muna pinahiwalay ng kwarto si Aian, baby pa naman siya eh. Gusto ko dito muna siya
samin.

Nagligpit ligpit pa ako ng konting gamit namin, mga damit lang naman ng baby ‘to.

Napatigil ako ng tumunog ang cellphone ko. 

1 new message received

Private number

Napakunot naman ako ng noo, sino naman kaya ‘to? Inopen ko na lang yung message at
binasa.

From: Private number

Your happiness can also be the reason for your grief. Soon. Real soon.

 
Bumalik na naman yung kaba at takot na naramdaman ko nung natanggap ko yung picture
na may note.

*Cyril’s POV*

“Honeybunch sugarplum pumpy-umpy-umpkin. You’re my sweetiepie.” Tawag sakin ng


abnormal kong girlfriend.

“Tantanan mo nga? Daig pa yung meaning ng EDSA sa haba eh. Di ka ba nauumay?”


Pokerface kong tanong sa kanya.

Ngumuso na naman siya. “Ikaw nga nag umpisanun eh.”

“Eh kahit na, nakakahingal sabihin. Mamatay pa ko tuwing tatawagin kita.” Sabi ko
sa kanya sabay talikod Nakupo kasi kami sa bench sa school ngayong free period.

Kinalabit na naman niya ako ng walang tigil. “Eh anong gusto mo?”

“Kahit ano wag lang yun.” Sagot ko habang nakatalikod pa din. Di naman ako galit
eh, galit galitan lang. Wahahahaha!

“Uhm, sweetiepatootie?” Tanong niya.


Pffft. Ang korni talaga ng gelpren ko. “Ayaw.”

“Eh! Pootchie tootchie?”

BWAHAHAHAHAHAHA! Imba, saan niya pa nakukuha yang mga tawag na yan. Pacute talaga
‘tong babae na ‘to.

“Mas lalong ayaw ko.” Galit-galitan ko pa din. WAHAHAHAHA!

“Ehhhh! Ano ba kasi? Cheeky cheeky choo choo, wabby wabby, applemango pie, buko
pie, marshmallow. Ano ba?” Nagmamaktol na niyang sabi kaya hinarap ko na siya.

“Puro pagkain na yan eh, baka susunod bagoong na itawag mo sakin.” Nagpipigil pa
ako ng tawa.

“Eh! Lahat naman kasi ng itawag ko sayo ayaw mo, eh ano na lang gusto mo? Batman na
naman?” nakabusangot na yung mukha niya na parang anytime iiyak siya. Di ko naman
siya inaano dyan eh.

“Yun, mas maganda pa.” Sagot ko sa kanya sabay killer smile. Hindi yung killer
smile na ngiti ng mga killer sa movies , yung killer smile na para lang sa mga
gwapo lang.

“Eh, dati ko na tawag yun sayo eh. Ang daya daya mo naman!” Tuluyan ng nalukot yung
mukha niya.

“Hey nappy boy!” May biglang tumawag sakin kaya napalingon ako.

“Oh hi love!” Bati ko sa kanya.

“Kamusta na? Tagal nating hindi nagkita ah.” Sabi niya ng may kasamang palo sa
braso ko.

“Oo nga eh, busy lang sa school activities. Nga pala, gilfriend ko.” Sabiko sabay
turo kay pukyot na titig na titig sa cellphone niya. Ni hindi niya nga ata narinig
yung sinabi ko.

“Wow nice, you finally introduced a girl decently. You must be serious then.”
Nakangiting sabi ni Love.

Tumango lang ako bilang sagot.

“I gotta go, nice bumping into you again nappy boy.” Sabi ni Love sabay wave habang
paalis.

“Bye Love.” Habol ko sa kanya.

*PUK!*
“Aray!” Reklamo ko pagkaharap ko kay Pukyot, sapukin ba naman ako.

“Sino na namang Love yun? At nappy boy pa ang tawag niya sayo! Sakin pag tinatawag
kita ng pet names ayaw mo tapos siya okay lang sayo, tapos tinawag mo pang Love.
Bakit? Siguro isa din yun sa mga MMMPPPPH!” Di ko na siya pinatapos sa pag-
aalburoto niya, tinakpan ko yung bibig niya.

“Ano bang problema mo pukyot?” Sabi ko habang nakatakip pa din yung kamay ko sa
bibig niya. Tinapik niya naman yun.

“Hindi, ayoko tanggalin kasi dadakdak ka na naman.” Sabi ko sa kanya.

Tinaas niya naman yung kanang kamay niya tapos umiiling-iling pa. Sign na hindi
siya daadakdak pag tinanggal ko yung takip sa bibig niya kaya naman tinanggal ko na
din.

Hindi nga siya dumakdak ngumuso naman hanggang kabilang kanto ang haba.

Kung di ko lang mahal ‘to kanina ko pa ‘to binalibag eh. Pero pasalamat siya mahal
ko siya kaya first time ko gagawin ‘to. Hinawakan ko yung kamay niya bago
magtanong. “Oy ano na naman?”

Hindi siya sumagot pero bumuntong-hininga lang siya tapos tinignan ako ng inosente.
Tengeneng naman nakakaguilty kahit alam ko namang wala akong ginagawa! Di ako sanay
na hindi siya hagikhik ng hagikhik na parang may sapi eh.

Napakunot na tuloy ako. “Sige pag di mo sinabi kung anong problema mo mambababae na
lang ulit ako!”

*PAK*

Bigla na naman akong sinapak sinbayan pa ng masamang tingin habang umiiyak. Wow,
pwede na sa circus ang gelpren ko. Multi tasking eh. Kung hindi lang siya umiiyak
tatawanan ko na lang siya o kaya babatukan din kaso di ko kaya pag ganitong nag
eemote siya.

“Eto naman, masyado ka ng nananakit ha. Di ka na makakatikim ng matamis kong kiss.


Ano ba kasing problema mo at nag eemo ka dyan? Bilihan kita eyeliner gusto mo?
Soundtrip tayo ng So what’s the point habang nag hehead bang? Ano?” Nakakagagong
tanong ko sa kanya.

Tapos bigla niya akong pinagpapalo sa braso, masakit ah! Kaya pinigil ko yung kamay
niya tapos hinalikan siya saglit bago ko ulit harapan. “Ano ba honey? Namumuti na
buhok ko sa kili-kili sa inaasal mo. Ano ba kasing problema mo?”   

“Ikaw kasi eh! Bakit ka ba ganyan?” Tanong niya habang umiiyak.

“Ano? Gwapo? Matagal na nating alam yan eh. Ako nga tanggap ko na, ikaw hindi pa
ba?” Tanong ko sa kanya. Yun ba pinoproblema niya?
“Hindi naman yun eh, bakit ba kasi ang babaero mo? Sa harap ko pa.” Sagot niya.

“Ha? Anong sa harap mo pa? Ano ba yun?” Nagtataka kong tanong. Di na nga ako
nambababae nung naging kami tas sasabihin niya nambababae ako, may tagas yata ‘to
eh.

“Sino ba si Love?” Tinignan niya pa ko na akala mo pulis na nakahuli ng


nagshashabu.

“Classmate ko dati, yun ba ineemote mo dyan? Love talaga ang pangalan nun.
Pinakilala kaya kita sa kanya!” Sagot ko.

“Hindi kaya.”

“Oo kaya, busy ka ng kakatext ata. Sino bang kausap mo? Patingin nga.” Sabi ko
sabay lahad ng kamay ko sa harapan niya.

Napayuko naman siya bago sumagot. “Wala.”

“Akin na? Baka naman ikaw ang may tinatago dyan. Akin na.” nakalahad pa din yung
kamay ko.

“Wala ‘no!” Todo tanggi niya


“E di akin na.” Madiin kong sabi.

“Eh kasi... hmp ayan na nga!” Sabi niya sabay nakangusong nilagay sa kamay ko yung
cellphone niya.

Kinalkal ko yung message niyaat binuksan yung isa na galing sa isang private
number.

From: Private number

I’ve once been told that a cheater is always a cheater. Be careful, you might fall
for his tricks. ;)

Pagkabasa nun automatic na nag-init ang ulo ko. Sino naman kayang hinayupak ang
ngpadala ng ganitong message? Ginagago ba ko ng sender nito?

“Naniniwala ka dito?” Inis na tanong ko kay Honey.

Umiling naman siya kaagad. “Hindi naman eh, nagselos lang ako sa kanina. Saka
nainis ako sa nagpadala niyan. Parang sinasabi niyang hindi mo ko seseryosohin,
siguro isa yan sa mga dating babae mo.” Nakayuko niyang sabi.

Hinigit ko siya papalapit sakin at niyakap. “Para kang tanga nagpapaniwala ka sa


mga ganyan. Babaero man ako dati, hindi naman ako sinungaling pag sinabi kong mahal
kita.”

Niyakap na din niya ako ng mahigpit. “Talaga?”


“Syempre naman.” Sagot ko pagtapos ay hinalikan ko pa siya sa noo para magtigil
siya ng kakaisip na hindi ako seryoso sa kanya.

Pero malaman ko lang kung sinong nagpadala ng lecheng message na yan hindi ko siya
sasantuhin.

*Brix’s POV*

“Your ankle’s almost good. Konting pahinga na lang at babalik na siya dati. Basta
remember na don’t put too much strain on it pag naglalakad ka para hindi siya
mamaga. In a few days mawawala na din yang sprain mo.” Sabi ng doktor kay Cathy.
Nandito kasi kami ngayon para ipacheck up yung paa niya, natapos na niya kasing
inumin yung mga gamot na pinatake sa kanya. Tapos kanina kumirotyung ankle niya
kaya tinawagan niya ako para dalahin siya dito.

“Thank doc, naalarm lang po ako kasi bigla siyang kumirot kanina.” Sagot ni Cathy
sa ortho.

“Siguro nadiin mo lang ang tapak mo kaya nagreact yung muscles na hindi pa
masyadong okay pero that’snormal unless hindi mo na talaga siya maitapak man lang.”
Sagot nung doktor sa kanya. Buti naman at walang masamang cause yung pagkakirotng
ankle niya kanina.

“Thank you po ulit, we’ll go ahead.” Sabi ni Cathy bago tumayo. Nakakalakad naman
na siya pero medyo mabagal nga lang kasi pasumpong sumpong yung pagkirot ng paa
niya.

Inalalayan ko naman siya hanggang sa makasakay sa kotse ko.

“Tara kain muna tayo sa labas?” Aya ko sa kanya. Tumango lang siya tapos nanahimik.
Mukhang may problema yata siya. Hindi ko muna siya tinanong mula sa buong byahe
hanggang sa makarating kami sa restaurant.

“May problema ba Cathy?” Tanong ko sa kanya nung naghihintay kami ng orders namin.

Umiling lang siya tapos nanahimik. Pero maya maya nagsalita din siya.

“Namiss ko na ang Canada.” Sabi niya pagtapos ay nag-sigh.

“Bakit hindi na muna umuwi as soon as gumaling yung paa mo?” Tanong ko sa kanya.
Siguro namimiss na niya yung family at friends niya.

“I can’t may tinatakbuhan kasi ako dun.” Sagot niya. Napa-huh lang ako. “Haha.
Don’t worry hindi naman utang ang tinakbuhan ko dun.” Natatawa niyang sabi.

“Eh ano?” Curious kong tanong.

“Kasal.  Gusto kasi nila akong ipakasal sa lalaking ayoko naman. You know, for
business  purposes. Akala ko nga hindi na uso yung mga ganun these days. I never
knew na sakin mangyayari yun.” She said sounding so disappointed.
“Bakit hindi mo na lang sabihin na ayaw mo?” Tanong ko sa kanya.

“I  don’t have the heart to tell them. Since before I have always been the YES
person to my family. Lahat ng sasabihin nila OO lang ako. I know I’m being so
coward kasi I couldn’t stand up for my own decision pero kasi, it’s just... I don’t
know. I guess I just don’t wanna disappoint my whole family.” Sabi niya. Halatang
malungkot siya habang nagkwekwento.

“You think they didn’t get disappointed when you ran away up to here?” Sincere kong
tanong.

“They are, my sister already told me.” Napayuko siya.

“See? Parehas lang din hindi ba? Kaya mas mabuti pang ipaalam mo sa kanila. Either
way madidisappoit mo sila, but atleast nasabi mo yung decision mo. Hindi naman
habang buhay kang nandito lang at tatakas sa kasal eh.” Sabi ko sa kanya. Trying to
help her get some courage.

“I’ll think about it.” Sagot niya. Tapos dumating na din yung inorder naming
pagkain.

“Nakakatawa lang, ako kasi ako naman ang humahabol sa kasal.” Pag open up ko sa
kanya.

“Really? Contrasting situations huh.” Medyo nagulat niyang sabi bago sumubo ng
pagkain niya. “Tell me about it, I wanna hear your story.” 

“May fiance na ko. Pero ngayon siguro ex-fiance na ang tamang term. Naghiwalay kami
nung araw na mabangga kita, kaya wala ako sa sarili ko nun. Wala kasi siyang time
sakin at para sa kasal. Masyado siyang busy sa work niya, yun ang priority niya
eh.” Kwento ko kay Cathy.

“Kaya pala. I understand, siguro kailangan niya lang ng time para makapag isip.
Malay mo pag lumuwag ang schedule niya from work siya pa mismo ang magsasabi na
ituloy niyo na ang kasal.” Pag eencourage ni Cathy sakin.

“Malabo, mataas ang pride nun.” Sagot ko. Si Zea pa, malabong gawin niya yun.

“Wag kang magsalita ng tapos Brix, walang pride pride sa taong inlove. Hintayin mo
lang, babalik siya sayo. Matutuloy din yang kasal niyo.” Sagot niya ulit.

For once, gusto ko tuloy maniwala na magagawa nga ni Zea yun.

*Sophia’s POV*

Inoff ko na langyung phone ko dahil sa takot at kaba. Sino ba kasi ‘tong


nagpapadala ng mga ganitong klaseng messages? Ano bang nagawa ko sa kanya para
takutin at pagbantaan niya ako ng ganito? Ano bang plano niyang gawin? Patayin ako
sa takot at kaba?

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko pakiramdam ko nahihirapan akong huminga kaya


naisipan kong bumaba para uminom ng tubig. Naabutan ko naman si Ate Doris na
nagluluto.
“May kailangan po kayo Ma’am?” Tanong niya.

Umiling ako. “Wala naman po, kukuha lang ako ng tubig.”

Ngumiti lang siya tapos tinuloy na yung pagluluto niya.

“Ah Ate Doris, nung last day off niyo po, yung araw na nanganak din ako. May
napansin ka po bang umaaligid na tao dito sa bahay? O kaya kahin-hinala? Mga ganun
po?” Tanong ko.

Saglit naman napahinto si Ate Doris para mag-isip siguro tapos umiling. “Wala naman
po Ma’am, bakit po? May problema po ba?”

Umiling ako tapos pilit na ngumiti. “Wala po, basta wag niyo kakalimutan na ilock
lagi yung mga pinto. Saka pag may magandang hindi nangyari tumawag kayo kaaga sa
security o kaya ng pulis ha?” Bilin ko sa kanila.

“Opo Ma’am.” Sagot niya lang kaya umakyat na ulit ako para tignan si Aian. Nasa
hagdan pa lang ako rinig ko na yung iyak niya kaya naman nagmadali na ko sa pag
akyat ko. Pagbukas ko ng pinto...

“Oh baby, tahan na. Naligo lang si daddy. Anong gusto mo ba? Gusto ng milk?
Nagugutom ka ba?” Binababy talk ni Dylan si baby habang karga karga niya at inuugoy
pa. Ni hindi pa siya bnakakapagbihis dahil naka bath robe pa siya. Hindi muna ako
pumasok, pinanood ko lang sila. Nakakatuwa kasi silang tignan, nakakawala ng
problema.
“Shhh. Tahan na baby, sleep ka na ulit.” Sabi ni Dylan at naghum pa siya habang
pinapatulog si Aian. Naalala ko tuloy nung nasa ospital kami at hindi pa siya
marunong magbuhat ng baby. Takot na takot pa siya nun, tinuruan lang si ni Mama
kung pano. 

Maya-maya naman napatulog na niya ulit si Ian at binaba na niya sa crib. Saka pa
lang ako pumasok.

“Aba ang galing na mag-alaga ah.” Puna ko sa kanya.

“Syempre ako pa. Galing ng tutor ko eh, Mama mo.” Sabi niya habang kumukuha ng
gamit sa cabinet tapos nagbihis na. Ako tinuloy ko naman yung pagliligpit ko ng mga
gamit namin, saglit ko munang kinalimutan yung pesteng messages na yun dahil baka
hindi na naman ako makahinga. Tiniklop ko na ng maayos yung mga damit namin na
madumi galing sa ospital at nilagay na yun sa hamper ng maduduming damit. Nilabas
ko na din lahat ng nasa bag ko at pinapagpag bago ko itabi yun.

“Maghihilamos lang muna ko.” Sabi ko sa kanya bago ako pumasok sa CR. Hindi pa man
din ako nagsisimula bigla siyang kumatok sa pinto.

“Bakit?” Tanong ko. Ano na naman ba ‘to? Kapapasok ko lang eh.

“Buksan mo muna.” Seryoso niyang sabi kaya binuksan ko din kagad yung pinto.

Bumungad sakin si Dylan na nakakunot ang noo at may hawak na papel.

“Ano ‘to?” Seryosong tanong niya.


Inagaw ko naman kaagad yung papel para makita kung ano yun. Napatingin ako nung
mabasa ko yung nakasulat dun.

“Saan galing yan? Kanino galing yan at kelan pa yan?” Galit niyang tanong.

Hindi ako agad makasagot. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Galit si Dylan.

“Bakit hindi mo kaagad sakin sinabi ‘to? Bakit ka nagtatago sakin ha?” Mas softened
na yung tono niya pero alam ko na galit pa din siya sakin.

“Sorry.” Napayuko na lang ako sa kanya, naiiyak na kasi ako. Naiiyak ako kasi
ayokong pati siya mabother sa pesteng  messages na yan pero tama siya, dapat sinabi
ko sa kanya.

Hinigit niya ako papunta sa kama at naupo kami parehas dun. Nakayuko pa din ako sa
kanya kasi nagsisimula ng mamuo yung luha sa mata ko. Natatakot ako, natatakot
akong may hindi magandang mangyari sa kanilang dalawa ni Aian. Hindi ko kaya.

“Saan mo ‘to nakuha baby? Sabihin mo sakin please.” Nakikiusap siya.

“Sa front door natin, nung pag uwi natin galing sa paghahatid kila Mama sa
airport.” Sagot ko habang nakayuko pa din.

Inangat niya yung mukha ko paharap sa kanya. “Bakit hindi mo sinabi sakin? Kaya
pala aligaga ka nung gabi na yun. Kaya din pala napaanak ka ng hindi oras nun.
Paano na lang kung may hindi magandang nangyari sayo, tapos wala akong alam kasi
nililihim mo?”

Napayakap na lang ako sa kanya habang umiiyak na. “Sorry. Sorry Dy, ayoko lang kasi
ispoil yung mood mo nun. Balak ko naman talaga sabihin sayo kaso nga lumabas na si
Baby. Dy natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng gawin ng nagpadala ng letter na
yan. Pinipilit ko yung sarili ko na wag na lang maniwaladahil baka nananakot lang
yan pero hindo ko mapigilan na hindi isipin.”

Hinaplos naman niya yung likuran ko. “Shhhh. Tama na, andito ako. Hindi ko kayo
papabayaan ni Ian. Walang masamang mangyayari okay? Hahanapin ko kung sino man yan
para hindi ka na mag-alala. Bukod diyan meron pa ba?”

Himawalay ako sa yakap ko sa kanya at tumayo para kuhanin yung cellphone ko.
Binuksan ko yun at ipinabasa sa kanya yung message na galing sa isang private
number kanina. Biglang dumilim ang mukh ni Dylan, halatang galit na galit siya kaya
hinawakan ko siya sa balikat.

Hinila na naman niya ako para yakapin.

“Wag kan mag-alala. Hindi ko papayagan na may manakit sa inyo. Akong bahala. Wag
kang matakot.” Bulong ni Dylan sakin.

Nabawasan kahit papano ang takot ko. Sana nga. Sana walang mangyaring masama.

 --

Peace! Sorry for my randomness guys. Dalawa po update ko today, kung di niyo po
napansin balikan niyo na lang po. Sinapian ako ng kasipagan with randomness on the
side. Hahaha. Sorry din for errs. Uupuan ko minsan lahat ng errs na yan at sabay
sabay ko ieedit! :) 

May sasabihin ako dapat eh, kaso nakalimutan ko. Next time na lang pag naalala ko.
Hahaha. 

=================

Chapter Forty Six

Thank you for all the love and support! Wah. Sorry sa errors ko. Last update may
napuna yung readers. Oh my siomai, bukas ng umaga aayusin ko yun promise. TY TY! :*

Perfect Mistake Chapter 46

*Brix’s POV*

“Anong ibig mong sabihin? Nakausap mo yung lalaking gustong ipakasal sayo at ayaw
niya pa ding umurong?” Tanong ko kay Cathy. Nandito kasi kami ngayon sa isang asian
restaurant malapit sa bahay niya, tumawag kasi siya at sabi niya kailangan niya ng
kausap.

“Sadly, yes. Hindi ko nga matake ang ugali niya. Sabi niya wag na daw ako mag-
inarte dahil hindi din naman niya daw ako gustong pakasalan.” Magkahalong lungot at
inis ang nababakas ko sa mukha ni Cathy.

“Sira ulo pala yun, kung ayaw niya bakit hindi siya umurong?” Nagtataka kong tanong
sabay lait sa fiance niya. Ang gulo kasi nila eh.
“For business. Nakilala ko na siya years before pa kami ipagkasundo. He’s got
nothing on his mind aside from work. He’s a monster to everybody. Ayoko sa kanya. I
despise him too much na hindi ko kakayanin na masikmura na ikakasal ako sa kanya.
If I’m gonna get married I’ll make sure na ikakasal ako sa taong gusto ko.”
Pagkwekwento niya.

“That’s the spirit. Pero paano mo ba nasabing monster siya? Mukhang halimaw ba?
Hahahaha.” Biro ko kay Cathy pero hindi siya natawa. Seryoso pa din siya, ang korny
ko kasi. 

“Sakin oo. I should know kung ano ang ugali niya, lagi ako sa office nila because
business partners ang family namin. Pero hindi ko siya agad nakilala kasi wala
naman ako talagang interest sa business namin. Ni hindi ko sila pinapakialam
regarding that matter.”

Napatango ako. “Ngayon naintindihan ko na. Eh anong plano mo ngayon? Napag-isipan


mo na ba yung suggestion ko? Uuwi ka na ba sa inyo?” Tanong ko. Magaling na din
naman kasi yung sprain niya.

“Ewan ko, hindi pa yata ako ready na harapin yung lalaki na yun. Nag iipon pa ko ng
tapang para maibalik ko sa kanya lahat ng sasabihin niya sakin.” Sagot niya sabay
yuko. Mukhang hindi nga talaga maganda ang ugali ng lalaki na yun. No wonder
tinakbuhan siya ni Cathy.

“Excuse me Sir, Ma’am. California Maki and California temaki?” Tanong nung waiter
na sumingit samin.

“Yes.” Sagot ko tapos nilapag na niya yung orders namin sa table. Nagkwentuhan pa
kami ni Cathy habang kumakain.
“Punta lang ako sa washroom ha.” Paalam ni Cathy nung matapos kaming kumain.
Tumango lang ako at naghintay sa table nung may nahagip ang mata ko.

“Zea...” Pabulong kong nasabi sa sarili ko nung nakita kong pumasok siya sa resto
kasama yung assistant niya. “Zey!” Nilakasan ko na yung tawag ko sa kanya at
napalingon naman siya. Mukhang nagulat din siya nung nakita niya ko dito pero
ngumiti naman siya, ng pilit.

Tumayo ako at lumapit sa kanila nung kasama niya.

“Oh? Walang work?” Tanong ko nung nakalapit ako sa kanya kahit alam kong galit siya
sakin, simula kasi nung nakita niya kaming dalawa ni Cathy alam ko na may iniisip
na naman na iba yan. Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanya kaso nilayasan niya din
ako nun sa ospital.

“Meron, magtatake out lang kami ni Jan ng food.” Tipid niyang sagot tapos ngiting
halata naman na hindi genuine.

“May gusto kasi sana akong sabihin sayo, pwede ba kitang makausap?” Tanong ko sa
kanya.

Bigla siyang tumingin dun sa assistant niya na parang nagtatanong kung oo ba ang
isasagot niya o hindi.

“Sige Ma’am ako na lang po ang oorder.” Sabi nung assistant niya tapos pumunta na
sa counter para umorder. Naiwan kaming dalawa na nakatayo.
“Gusto ko kasi sanang sabihin sayo na si Cathy-“

“Brix, let’s go?” Bigla namang sabi ni Cathy na nakalabas na pala ng washroom,
hindi niya siguro agad napansin si Zea.

Nagbago naman yung timpla ni Zea, kung kanin ang cold cold ng pakitungo niya ngayon
hot na. Kasi mukhang nag-init ang ulo niya.

“Ah Cathy, si Zea pala... my uhm... special close friend ko.” Sabi ko na lang.
Hindi ko kasi alam kung ano bang sasabihin ko? Ex-fiance? Hindi ba parang ang
pangit naman pakinggan? Parang naduduldol pa sa mukha naming dalawa na hindi
natuloy yung kasal namin.

“Hi! Catherine Torres. Cathy na lang.” Sabi ni Cathy sabay ngiti at offer ng kamay
niya.

Akala ko hindi kukunin ni Zea yung kamay niya o kaya naman kung kukunin niya
pipigain niya yung kamay ni Cathy pero hindi.

“Zea Elizalde.” Maayos niyang kinuha yung kamay ni Cathy at nakipagshake hands siya
at ngumiti. Pero ramdam ko uneasy siya.

“Nice meeting you Zea.” Nakangiting sabi ni Cathy sa kanya.

“Ah, mauna na pala kami. Madami pa kasi akong work na gagawin. Bye Cathy, bye
Brix.” Halatang nagmamadali si Zea sa napakacold tone niya, lalo na nung banggitin
niya yung pangalan ko.
 Tinignan ko lang siya hanggang sa makarating siya sa counter para tulungan si Jan
sa mga dala niya tapos lumabas na din sila ng resto, sa kabilang way pa sila dumaan
though mas malapit sa pinto yung kinatatayuan namin ni Cathy.

“Si Zea, siya yung ex-fiance mo right?” Biglang nagtanong si Cathy kaya napatingin
ako sa kanya.

“Paano mo nalaman?” Tanong ko sa kanya.

“Halata sayo, kung paano mo siya tignan. Ramdam ko din sa kanya, nagulat siya nung
nakita niya ako.” Seryosong sagot ni Cathy.

Napayuko ako. “Busy pa din siya.”

Hinawakan naman ni Cathy yung braso ko at ni-rub yun.

“Give her time.” Sabi niya with an encouraging smile.

Ngumiti lang din ako pabalik.


*Zea’s POV*

Kitang-kita ko sila through the glass door mula dito sa labas. Kitang-kita ko kung
paano siya hinawakan sa braso nung Cathy na yun,kung paano siya nginitian. Kung
paano niya din nginitian yung babae na yun at isa lang ang nasabiko...

“Jan, sana hinampas ko na lang talaga sila ng wheelchair noon.” Sabi ko kay Jan
nung hinigit ko na siya papunta sa kotse ko.

Kung bakit sa dami dami ng restaurant dito pa ako bumili? Bakit dito din sila
kumain? Bwiset naman talaga!

*BLAG*

“Madam, dahan dahan naman po baka masira yung kotse niyo.” Pag-awat sakin ni Jan
nung pabalibag kong sinara yung pinto ng kotse pagsakay ko. Pero ayokong magpawat.
Mainit na mainit ang ulo ko ngayon.

“Ang kapal kapal ng mukha niyang Brix na yan. Gago siya, kaya pala ang lakas ng
loob niya icancel yung kasal kasi nakikipaglandian na siya kaagad! Kakabreak lang
namin!” Gigil na gigil na sabi ko sabay tapak sa accelerator kaya humarurot yung
sasakyan ko.

“Madam, dahan dahan po baka mabangga tayo. Ay madam!” Tili naman ng tili tong
katabi ko kaya mas lalo akong nairita.
“Bwiset talaga sa buhay ko yun lalaki na yun. Sana talaga hinamapas ko sa kanya
yung wheelchair na yun ng nalumpo ko siya! May pa special close friend pa siyang
nalalaman dyan. Sana lumubog siya sa kinatatayuan niya ngayon hayup siya!” Mas
binilisan ko pa yung pagdridrive ko.

“Ay madam! Slow down! Wah! Madam.” Tili na ng tili si Jan kaya inapakan ko yung
break, dahilan para muntikan na siyang mapasubsob sa harapan.

“Baba na Jan, magtaxi ka na lang.” Sabi ko sabay inabutan ko siya ng pangtaxi niya.

“Pero ma’am-“

“Sige na magtaxi ka na lang, di na ako papasok.” Sabi ko sa kanya tapos tinanggap


na niya yung binigay kong pangtaxi at binuksan na ni Jan yung pinto ng kotse ko.

“Ingat po Ma’am, dahan dahan po sa drive. Ako na po bahala sa shop.” Sabi niya bago
bumaba.

“Thank you Jan, ikaw na munang bahalang magsabi sa kanila.” Sagot ko at tumango na
naman siya bago isara ulit yung pinto.

Pinatakbo ko na ulit yung sasakyan ko. Pasalamat na lang ako at mabait yang
assistant ko, alam niya pag talagang mainit na yung ulo ko hindi na ako makakapasok
dahil lahat sila masisigawan ko lang. Uuwi na lang ako ng bahay.

Pero habang nagdridrive ako napapansin kong biglang nanlalabo yung paningin ko,
umiiyak na pala ako. Alam ko tanga ako. Tanga ako para iyakan yung hayup na yun.
Tanga ako para hindi ko maisip na kaya ang tapang niyang hiwalayan ako dahil alam
niyang may sasalo na sa kanya. Ang tanga tanga ko para makaramdam ng guilt dahil sa
paghihiwalay namin when all this time mukhang yun naman ang gusto niya. No wonder
bigla siyang nagalit sakin, na never niya pang nagawa noon. Because of her. Because
of that woman. Sh*t lang mas maganda siya sakin eh! Gagong Brix yan. Magsama sila
ng babae niya, magsama sila tutal parehas silang masarap hampasin ng wheel chair.

I hate him. I feel so disgusted towards him for making me feel that it’s all my
fault when this is what he really wanted to happen. Sana sinabi na lang niya so I
had chance to slap him real hard. I loathe you Brix. Curse you.

*Sophia’s POV*

“Si Aian? Nasan na ang apo ko?” Excited na sabi ni Mama Dea pagbukas ko ng pinto.
Kasunod na niya si Papa Zeus.

“Nasa crib po sala, binabantayan ni Dylan.” Sagot ko tapos nagbeso ako sa kanila.
Kadadating lang nila parehas, hindi na din namin nasundo dahil ayaw nila. Pagdating
sa bahay binababa lang nila yung mga gamit nila tapos pumunta na sila dito. Excited
na daw sila makita si Aian.

“Hi baby.” Tuwang tuwa na sabi ni Mama nung nakita niya si Aian sa crib. Gising
naman siya kasi katatapos ko lang magbreastfeed.

“Pa, Ma.” Sabi ni Dylan sabay yakap sa mga magulang niya. Nakakatuwa.

“Ilang araw lang nung nagchat tayo ang laki mo agad ha.” Sabi ni Papa Zeus kay
Aian. Nakatingin lang naman sa kanila si Aian. 
“Maya maya po kasi nagigisng tapos gutom, saka po ang takaw takaw din sa tulog.”
Sagot ko sa kanila. Kaya eto madalas kaming puyat ni Dylan pero sulit naman kasi
healthy naman si Aian.

“Mana sa daddy niya.” Natatawang sabi ni Mama Dea tapos naglean siya sa sa loob ng
crib at binuhat si Aian.

“Hindi naman ako matakaw sa tulog ha!” Nanlalaki pa yung mata ni Dylan nung sumagot
siya.

Tinawanan lang namin siya nila Papa.

Tapos pinakita na nila yung mga pasalubong nila samin. Samin ni Dylan puro damit at
pagkain dito sa bahay. Kay Aian naman puro damit, super daming damit tapos mga
toys. Sabi ni Mama itabi muna namin dahil hindi pa naman siya naglalaro.

Habang kumakain...

“Ma, pwede ba naming iwanan muna si Aian sa inyo?” Biglang tanong ni Dylan kaya
napatingin kaming tatlo sa kanya.

“Ha? Bakit may pupuntahan ba kayo?” Tanong ni Papa Zeus.


Napakunot ako. “Oo nga, may pupuntahan ba tayo mamaya?” Tanong ko din.

Ngumit siya ng sobrang lapad bago sumagot. “Meron.”

“Ha? Paano si Aian, baka umiyak yun.” Sagot ko sa kanya. Wala naman siya sinasabi
sakin na may pupuntahan kami. Ano na namang pinagsasabi ng abnoy na asawa ko?

“Akong bahala, kumain ka na lang dyan tapos mag-ayos kasi aalis nga tayo mamayang
gabi.” Sagot niya tapos tinuloy na niya yung pagkain niya.

Pero hindi pa din ako matahimik. “Bakit gabi pa? Baka hindi makatulog si Aian. Saan
ba kasi tayo pupunta.”

“Ang kulit naman, basta babawi ako sayo.” Sabi niya sakin. Siya kaya bawian ko dyan
ng kilay gusto niya?

“Ang arte mo anak, pero sang-ayon ako dyan. Umalis kayo mamaya para makapagbonding
ulit kayong dalawa. Kami naman ni Mama Dea niyo ang magbobonding dito.” Biro ni
Papa.

“Bakit ako nadamay? Bonding ka mag-isa mo. Si Aian ang kabonding ko.” Masungit na
sabi ni Mama Dea. Hindi ko alam kung bakit kahit lagi silang nag-aasaran kinikilig
ako sa kanilang dalawa. Nakakatuwa kasi ramdam namin na mas okay na sila ngayon
kesa nung dati.

Tinawanan na lang namin sila ni Dylan. Alam ko na masaya siya kasi makakasama na
niya ang both parents niya.

***

“Baby, saan ba kasi talaga tayo pupunta?” pangungulit ko nung nandito kami sa
kwarto. Si Papa Zeus nagpapahinga sa guest room habang si Mama Dea naman
binabantayan si Aian sa sala.

“Basta nga, gusto ko lang bumawi sayo. Bonding tayo ng tayong dalawa lang.”Sagot
niya naman habang nag-shashave siya sa harap ng salamin. Sinabihan ko kasing
magshave siya dahil baka magkarashes si Aian paghinahalikan niya.

“Eh hindi nga pwede kasi si Aian, iiyak yun pag gutom.” Sagot ko sa kanya. Hindi pa
kasi kami nagbobottle feeding kasi baby pa naman siya. Siguro after 1 month na
lang.

Bigla naman siyang pumunta sa drawer namin tapos may kinuha siyang box.

“Tenen!” Sabi niya pa habang winawagayway sa mukha ko yung box.

Inagaw ko yun tapos nakita ko kaagad kung ano yun.

“Breastpump? Sira ulo ka talaga. Kelan ka bumili nito bakit hindi ko alam?”
Natatawa pero nagulat kong tanong sa kanya. Sira ulo talaga ‘to kahit kelan oh.
“Secret. Atleast ready tayo sa mga ganitong panahon. Oh ano? Wala ng kontra ha?
Aalis tayo mamaya.” Tuwang tuwa niyang sabi sakin, parang may tagas lang sa utak.

“Oo na, may magagawa pa ba ko?” Sagot ko sa kanya sabay dila.

“Very good.” Sabi niya sabay higit sakin palapit sa kanya.

Lalapit na niya sana yung mukha niya sakin pero tinulak ko siya palayo. “Hep. Yung
shaving cream sa mukha mo. Wala kang kiss,”

“Ang daya!” Maktol niya habang tinatawana ko siya.

***

“Mama, Papa, aalis na po kami ah.” Pagpapaalam ni Dylan sa kanila.

“Sige, mag-enjoy kayo ha?” Sagot ni Mama.

“Wag din naman kayo masyadong magpagabi.” Bilin naman ni Papa habang karga si Aian.
Tuwang tuwa kasi silang mag-alaga eh.

“Opo. Aalis na po kami. Yung gatas po ni Aian nandun po sa kusina. Niref po namin
para hindi agad masisira.” Sabi ko kay Mama.

“Sige anak, wag mo na siya alalahanin. Kami na bahala dito.” Sabi ni Mama tapos
hinigit na ako ni Dylan palabas ng bahay. Excited lang.

Sumakay na din kami agad sa kotse niya.

“Dy saan ba talaga tayo pupunta ha?” Tanong ko na naman.

“Kulit mo, kakain tayo.” Sagot niya habang nakatingin lang sa kalsada.

“Kakain lang pala, dapat sa bahay na lang tayo kumain eh. Si Aian...”

“Nandun naman sila Mama, di ba sabi ko nga kahit ngayon lang yung tayong dalawa
lang? Babawi nga ako sayo e kaso parang ayaw mo naman yata. Umuwi na nga lang
tayo.” Patampo niyang sabi kaya natawa ako.

“Ang tampuhin mo, wala naman ako sinabing ayaw ko. Naiisip ko lang kasi si Aian.”
Sagot ko sa kanya.
“Alam na ni baby yun, pinagpaalam na kita. Nag man to man talk na kami.” Natatawa
niyang sabi sakin.

“Sira ulo ka talaga.” Sagot ko sabay batok ng mahina sa kanya. Hinawakan naman niya
yung kamay ko habang nagdridrive.

Kelan nga ba ako huling kinilig kay Dylan? Ilang beses na nga ba pero bakit parang
laging bago yung feeling?

“Babywifey ko, saan mo gustong kumain ha?” Pababy niyang sabi habang hawak pa din
yung isa kong kamay. Ano ba Dylan? May anak na tayo pero pinapakilig mo pa din ako!
Pero namiss ko yang tawag niya sakin na yan. Kay Aian na kasi lagi naktuon yung
atensyon namin parehas kaya nababawasan na yung time namin sa isa’t-isa.

“Babyhubby ko, ayoko na sa mall. Gusto ko kumain ng isaw.” Pababy ko din na sagot
sa kanya. Minsan na lang ulit ako makapaglambing sa kanya eh.

“Isaw talaga? Ayaw mo sa iba?” Tanong niya sabay kiss sa kamay ko na hawak niya.

“Oo, lagi naman tayo sa resto kumakain o kaya sa mall. Nakakamiss din yung mga
ganitong pagkain eh.” Sagot ko sa kanya tapos tumango lang siya.

Nagpunta kami sa isang barbecue house malapit sa school, lagi din kasi kami ni
Janna dito dati.

Ang dami naming inorder ni Dylan, isaw, dugo tapos barbecue na din.
“Sarap ‘no?” Tanong ko sa kanya.

Tango naman siya ng tango sabay sabing. “Waiter, kanin pa nga.”

Natawa naman tuloy ako. Ngayon lang kasi kami kumain ni Dylan dito. Masaya kasi
akala ko naexperience ko na lahat kasama siya pero hindi pa pala. Kada bagong
experience, bagong feeling din ang nararamdaman ko. Halo-halong pakiramdam na hindi
mo maipaliwanag pero ang alam ko lang masaya ako.

Pagkatapos namin kumain nagdrive-drive pa ulit kami sa hindi ko alam kung saan.

“Saan tayo pupunta next?” Tanong ko sa kanya.

“Lakad lakad lang tayo baby, ang dami kong nakain eh.” Sagot niya sakin.

Tinawana ko na naman tuloy siya. “Oo, first time yata kita nakita ng ganun kadami
ang kinain.”

“Uy grabe ka naman. Atleast may muscles pa din naman ako kahit malakas ako kumain.
Touch mo pa oh.” Sabay kuha niya sa kamay ko para dalin sa tyan niya pero agad ko
yung binawi.

“Tigilan mo nga ako, mamaya fats lang mahawakan ko dyan eh.” Sagot ko sa kanya.
Pero totoo nga, may muscles pa din siya kahit minsan na minsan na lang siya mag
gym.

“Sus, nahiya ka lang eh.” Tukso niya sakin.

“Isa Dylan, sasabunutan kita.” Saway ko sa kanya.

Ginaya naman niya. “Isa Dylan, sasabunutan kita.”

“Dalawa, uubusin ko yang buhok mo hanggang sa mapanot ka!” Banta ko sa kanya.

At katulad kanina ginaya na naman niya ko. “Dalawa, uubusin ko yang buhok mo
hanggang sa mapanot ka!”

“Tatlo, pag di ka nanahimik hahalikan na lang kita.” Sabi ko sa kanya sabay pigil
ng tawa.

“Eh lalong hindi ako mananahimik! Sige dali kiss mo na ko! Dali!” Sabi niya pa na
parang bata. Para tuloy kaming abnormal na nagtatawanan ngayon, pero sabagay
abnormal nga kami. Hahahahaha.

“Dito na tayo.” Sabi niya sabay hinto sa isang park. “Baba ka muna baby, tapos upo
ka na lang sa bench dyan. Ipapark ko lang ‘to dun banda sa kabila kasi bawal
magpark dito eh.”
“Ah? Oh sige. Dalian mo ah.” Sabi ko bago bumaba ng kotse.

Pagbaba ko inandar niya na din naman yung sasakyan tapos naglakad ako papunta sa
isa sa mga bench dun sa park at naupo. Wala ngang tao eh, tahimik. Sabagay gabi na
din kasi, buti na lang maliwanag dito kasi madaming poste ng ilaw.

“Ang tagal naman magpark nung lalaking yun.” Bulong ko sa sarili ko habang
nagmumuni muni sa paligid.

Hanggang sa biglang dumilim yung paligid kasi namatay lahat ng ilaw sa mga poste.
Nagpanic ako kasi biglang dumilim kahit na maliwanag naman yung sinag ng buwan.

Nagpalinga linga ako. Natatakot na ‘ko, nasan na ba kasi si Dylan? Bakit ba ang
tagal tagal niyang bumalik? Saan ba yun nagpark at natagalan siya. Kinakabahan na
ko dito eh. Hindi na ko mapakali. Ang dilim dilim kaya, dapat kasi sumama na lang
ako sa pagpapark ng kotse sa kanya eh.

Bwiset, asan na ba yun? Natatakot na talaga ako dito. Ay bahala siya, aalis na ko
dito. Mag lalakad na lang ako at mag aabang ng taxi pauwi. Patalikod na sana ako
nung biglang...

...nagliwanag yung puno sa bandang harapan ko.

Ano ‘to? Christmas tree? Eh hindi naman pasko!


Kahit hindi naman pasko nacurious ako sa christmas tree na yun, parang may mga
nakasabit sabit kasing papel kaya nilapitan ko. May mga nakasabit nga pero hindi
basta papel lang eh.

Hinawakan ko yung isa at nagulat ako sa nakalagay dun. Hindi siya basta papel lang,
pictures... pictures namin ni Dylan.

Yung unang picture naming dalawa sa bahay nila, yung pictures namin nung bakasyon
at madami pang iba.

Nagpalingon-lingon na naman ako kasi hindi ko alam anong gagawin ko at kung ano na
namang pakana ng asawa ko nung biglang...

(Pakiplay yung song sa multimedia.)

“The dawn is breaking, our light shining through...”

Pilit kong hinanap si Dylan, kahit hindi ko siya nakikita alam kong siya ung
kumakanta na yun. Medyo nawawala ng konti sa tono eh.

“You’re barely waking, and I’m tangled up in you... yeah...”

Nilibot na ng mata ko yung buong park pero hindi ko siya makita, saan naman kayo
nagtatago yung lalaking yun?

“But I’m open you’re closed, where I’ll follow you’ll go... I worry I won’t see
your face, light up again...”

Naririnig ko yung boses niya, malapit lang sakin.

“Even the best fall down sometimes, even the wrong word seem  to rhyme... Out of
the doubt that fills m mind... I somehow find. You and I, collide...”

Naramdaman ko na lang na may kamay na pumulupot sa waist ko at hinalikan ako sa ulo


ko.

“I’m quiet you know, you make our first impression... But I’m scared to know I’m
always on your mind...” Bulong niya sa tenga ko. Walang background music o kung ano
pa man, boses niya lang.

Pinilit kong humarap para makita siya, napangiti agad ako.

“Even the best fall down sometime.. Even the wrong word seem to rhyme... Out of the
doubt that fills my mind...”

“I somehow find. You and I, collide..” Kanta ko kasabay siya.

Unti-unti nilapit na niya yung mukha niya sakin kaya pumikit na lang ako hanggang
sa maramdaman ko yung labi niya sa labi ko.  Lahat lahat ng pinagdaanan naming
dalawa bumalik sa isip ko. Mula sa nakilala ko siya hanggang sa unti-unti akong
nainlove sa kanya. Sa panliligaw at surprise na ginawa niya. Sa unang beses na
nagawa niya akong kantahan, sa araw na naging kami na nga. Hanggang sa bawat away
at hindi pagkakaintindihan namin, wala akong pinagsisisihan kahit sa isa man lang
dun.

Parehas kaming nakangiti nung maghiwalay yung labi namin.

“Don’t stop here... or lost my place... I’m close behind...” Pagtuloy niya sa kanta
niya.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang umiiyak ako. Oo umiiyak na naman ako.
Ilang beses na ba ako napaiyak ni Dylan dahil sa sobrang saya? Hindi ko na din
mabilang. Siya lang. Siya lang ang nakakapagpaiyak sakin dahil sa sobrang saya.

“Hanggang ngayon yan pa din ang alam mong kanta.” Biro ko sa kanya.

“Syempre, theme song na yata natin yan.” Ngumiti pa siya ulit bago ako halikan.

“Pffft.” Pigil kong tawa nung maghiwalay na ulit yung lips namin.

“Bakit ka na naman tumatawa dyan ha? Kinikilig ka’no?” Tukso niya sakin.

“Hahahahaha. Amoy isaw kasi yang bibig mo!” Tawang tawa kong sabi sa kanya. Lasang
isaw tuloy yung kiss niya sakin! Hahahahaha.

Pinitik niya ng mahina yung ilong ko sabay tawa. “Nagsalita! Amoy isaw din naman
yung bibig mo, parehas nlang naman tayo ng kinain eh!”

“Hahahaha. Sabi ko nga, para saan na naman ba ‘tong pakulo mo?” Tanong ko sa kanya
habang nakayakap siya sa waist ko.

Bigla naman siyang bumitaw at dumukot sa bulsa niya. Kinuha niya yung kamay ko at 
may sinuot siyang singsing. Isang singsing na may diamond sa gitna.

“A-ano ‘to?” Nauutal kong tanong.

Niyakap niya ulit ako sa waist ko bago siya  nagsalita. “Di ba sabi ko sayo
paglabas ng baby natin you will be my wife for real? I’m just keeping my promise.”

Napangiti ako. “Papakasalan mo talaga ako?”

“Oo naman baby ko, hahanap pa ba ‘ko ng iba eh nandito ka naman.” Niyakap niya ako
ng mahigpit. Ganun din ang ginawa ko sa kanya.

“I love you future Mrs. Sophia Dennise Ramirez-Elizalde.” Bulong niya sakin.

“Present!” Sabi ko at sabay kaming natawa. “I love you too. I love you too so
much.”
Will all these happiness I’m feeling right now, could something go wrong?

Yah! Namiss ko yung song. Kayo ba? Naalala niyo pa ba yan? :) Hihi. What can you
say guys? Please please comments. :D Salamat sa votes ang comments last updates.
Nakakagana tuloy lalo. Sinisipag akong laging mag update dito. Salamat ulit! :D 

 #CrestfallenMoon

=================

Chapter Forty Seven

Perfect Mistake Chapter 47

*Dylan’s POV*

“Sira ulo, isa pa kokotongan na kita.” Sabi ko kay Nate at akma ko siyang babatuhin
ng chips.

“Hep hep! Wag kang magkakamaling ibato yang hawak mong makating lalaki ka. Hindi
naman kayo maglilinis dito mamaya tapos magkakalat ka pa? Ano kayo senyorito?”
Nakakunot na sabi ni Cyril. Nandito kasi kami ngayon sa kaming lima sa unit niya at
nag-iinuman. Nag-aya kasi si Enzo bigla.

“Ahem, yung nag-aya dyan wala bang sasabihin? Umay na ko sa bibig nung tatlo. Ano
na? Spill it.” Pagpaparinig ni Brix kay Enzo. Aaya aya kasi tapos di naman
magkwekwento, parang baluga lang eh.
“I’ll get some more beer.” Sabi ni Enzo sabay tayo at deretso sa kusina ni Cyril
para kumuha ng beer. Halatang umiiwas siya sa mga tanong namin sa kanya.

Bigla namang tumayo si Cyril mula sa upuan niya. “Teka nga, gusto ata ng black-eye
ng kumag na yun eh.”

Pasunod na sana siya sa kusina nung pigilan siya ni Nate. “Yaan mo na ‘tol, damayan
na lang natin baka maglaslas eh.” Sigurado kasing mananapak na naman yan si Cyril
dahil ayaw magsabi ni Enzo.

“Hayaan mo na, alam mo namang dati pa hindi na vocal yan sa mga problema niya.”
Pag-sang ayon ni Brix sa sinabi ni Nate. Si Enzo kasi lagi lang yang nagtatago
samin ng problema niya, ewan ko ba dyan dakilang emongoloid ata.

“Vocal vocal pa kayong nalalaman hugutin ko vocal chords niya makita niya. Wala ba
man lang siyang tiwala sa mala henyo nating utak na matutulungan natin siya sa
problema niya?” Sa maniwala man ang iba o sa hindi seryoso na si Cyril sa sinabi
niyang yan.

“Kung sayo baka wala, samin baka meron pa.” Sagot ko sa kanya sabay ngisi.

Babatuhin niya sana ako ng chips kaso nagsalita ako. “Bato mo, ikaw naman
maglilinis mamaya.”

“Tungnu mo! Humanda ka mamaya, yang damit mo ipanlalampaso ko mamaya sa sahig ko


pag nalasing ka.”Asar na asar na sagot ni Cyril.
“Hahahahahahaha! Peste ka.” Tawang tawa kong sagot sa kanya. Gustong gusto ko
talaga pag napipikon ko siya. Hindi nga ako magpapakalasing ngayon baka mamaya
umuwi akong walang damit, isipin pa ng asawa ko nagahasa ako sa labas.

Bigla akong may naalala.

“Tol, may problema nga pala ako.” Biglang sabi ko sa kanila. Napatingin naman sila
sakin ng seryoso.

“What is it?” Tanong ni Enzo na kababalik lang galing sa kusina ni Cyril dala yung
mga beer na kinuha niya.

“May nagpapadala kasi kay Sophia ng kung ano-anong notes at text message.
Nabobother na yung asaawa ko. Yun nga ang dahilan kung bakit napaaga yung
panganganak niya eh.” Kwento ko sa kanila.

“Text message at note?” Takang tanong ni Cyril.

“Anong klaseng note? Love letter? May stalker si Soph? O baka makikipagtextmate? O
baka naman ‘tol mga naawrowrong send lang yun na nanghihingi ng load.” Tanong ni
Nate. Nabatukan tuloy siya ni Enzo na nasa tabi niya lang.

“Incase you’re not aware we’re all serious here.” Sabi sa kanya ni Enzo.

“Serious naman ako ah!” Sagot ni Nate sa kanya, napailing tuloy ako.
“Nananakot, wala kaming idea kung sino o kung bakit.” Sagot ko sa kanila.

“Ano bang nakalagay sa message?” Tanong ni Brix bago inumin yung beer niya.

“Your happiness can be the reason of your grief.” Sagot ko sa kanila habang
napapailing. Alam ko hindi ako dapat magpadala sa mga ganung klase ng pananakot
pero kasi hindi ko maiwasan na mag-alala para sa asawa at anak ko.

“Tengene, nosebleed naman yan. Pero teka maalala ko lang, nung minsan may
nagmessage din kay Pukyot habang magkasama kami. Pinag emotan niya pa nga yung text
message na yun.” Kwento din ni Cyril.

“Bakit? Ano bang content nung message?” Seryosong tanong ni Enzo.

“Lintek, english kasi nakalimutan ko na. Basta ang sabi wag daw magpapaniwala
sakin. Cheater daw ako, gagung yun di naman ako nangongopya sa exam.” Nakabusangot
nang sagot ni Cyril.

“Silly! That means you’re cheating on girls not during your tests.” Natatawang
sagot sa kanya ni Enzo. Ang bano naman kasi ni Cyril, seryoso na yung kwento niya
sabay babanat siya ng ganun.

“Alam ko, nagbibiro lang eh. Pero nabadtrip talaga ako. May paprivate message pang
nalalaman. Malaman ko lang kung sino siya magtutuos kami.” This time sumeryoso na
si Cyril.

“Private message din yung nagregister sa message kay Soph. Hindi kaya iisang tao
lang nagsend nun?” Tanong ko habnag nagpapalipat lipat ng tingin sa kanilang apat.
“May kilala ba kayong may galit satin?” Balik na tanong ni Cyril saming apat.

“Nope. Hey wait! Do you guys remember...” Hindi na natapos ni Enzo yung sasabihin
niya.

“... DK!” Sabay na sabi ni Nate at Brix. Nagkatinginan pa nga sila.

“DK? Yung nakakalaban natin sa race? Oh anong meron sa kanya? Crush niyo? Yuck ‘tol
pangit ng taste niyo ha.” Nandidiring sagot ni Cyril sa  kanila.

“Tange. Nung minsan inabangan ako nung kapatid nun sa labas ng Griffin, flinat yung
sasakyan ko at balak pa akong upakan.” Kwento ni Brix. Nagkagulatan naman kami,
hindi namin nabalitaan ‘to.

“Inutusan pa niya yung kapatid niyang si Drake, buti na lang dumating sila tropang
Carlo kaya nakilala namin yung Drake.”  Dagdag ni Nate sa kwento ni Brix.

“Tss. That snake, still cannot accept the fact that he lost the last time we had a
race.” Inis na sabi ni Enzo.

“Ayoko naman kalaban yung kumag na yun, madaya yun. Pag natatalo naghahamon ng away
o kaya mandadaya.” Inis ding sabi ni Cyril.

“Exactly, that was what happened last time.” Sabi ni Enzo. Medyo matagal tagal na
din pero tanda ko pa yung nangyari nung araw na yun. Dinaya nila kami at naghamon
pa sila ng suntukan.
“So ang ibig niyong sabihin siya ‘tong may pakana ng threats na ‘to ngayon? Anong
motibo niya?” Naguguluhan na tanong ni Nate samin. Napakibit balikat lang ako.

“Gusto niya kasing makipaglaban ulit.” Sagot ni Brix.

“Laban lang pala eh, bakit kailangan niya magpadala ng threats kung siya nga yun?
Anong mapapala niya? Sigurado ba siyang lalabanan natin siya pag nanakot siya?
Tengene, kung pinapakita niya yung mukha niya sakin baka matakot pa ko.” Bwiset na
bwiset na sabi ni Cyril. Matagal na din kasing maiinit ang dugo niya dun, ang
yabang kasi nun tuwing naghahamon ng race.

“Yun din ang pinagtataka ko, kung gumaganti siya bakit ngayon lang? Eh ang tagal
tagal na nung huling race natin sa kanila. Saka sana tayo ang tinatakot niya, bakit
pati personal pinapakialaman niya.” May punto din si Nate sa sinabi niya.

“Masama ang kutob ko sa hayup na yun. Mukhang hindi lang basta race ang gusto niya.
Kung ano man ang motibo niya hindi pa malinaw sakin. “ Napapailing na sabi ni
Cyril.

“Anong plano niyo?” Tanong ko sa kanila. Bakas sa mga mukha nila na hindi din sila
kumportable sa pinag gagawa nung DK na yun.

“Bigyan siya ng salamin baka sakaling kilabutan siya sa itsura niya.” Seryosong
sago ni Brix.

“Gagu, sanay na yun sa mukha niya.” Natatawang sagot ni Nate kay Cyril.
“Wow nice suggestion Cy. Hahahahaha. He would probably freak out upon seeing his
reflection.” Tawang tawa na din si Enzo sa kanila. Samantalang kanina akala mo
pasan niya ang daigdig.

“Ang babano ng suggestions niyo pre.” Iiling iling naman si Brix.

“Tangena, 10 minutes din akong naging seryoso. Hindi pala ako sanay.” Sabi ni Cyril
samin.

“Puro kasi problema pinag-uusapan natin. Di ba party dapat ‘to kasi gragraduate na
tayo?” Sabi ni Brix sabay angat ng baso niya at nakipang banggaan ng baso kay
Cyril.

“Oo nga eh, anong plano niya after graduation?” Tanong ni Nate.

“Malamang magtratrabaho na, ugok ka ba?” Balik na tanong sa kanya ni Cyril. Binato
siya tuloy ni Nate ng chips.

“Lintek ka ikaw maglilinis nitong unit ko ha.” Binato na din siya ni Cyril ng chips
bilang ganti.

“Nga pala ‘tol after grad magpapakasal na ko.” Biglang nabanggit ko sa kanila.
Plano kasi namin ni Sophia makasal muna bago mabinyagan si Aian. Plano namin 2
months from now.
“Lintek isa isa na kayong nagpapakasal ha?” Sagot ni Cyril sa sinabi ko.

“Inggit ka? Pakasal ka na din.” Sagot ni Nate sa kanya.

“Ugok. Ayoko nga, para na din akong nagpasakal niyan.” Asiwang sagot ni Cyril. Eh
may girlfriend na nga siya ng seryoso dyan nag-iinarte pa.

“Tara ako na lang sasakal sayo!” Sabi ni Nate sa kanya kaya nagbatuhan na naman
sila ng kung ano ano. Napapailing lang si Enzo sa kanya.

“Dy, kamusta si Zea?” Biglang tinanong sakin ni Brix. Napatingin naman ako bigla sa
kanya.

“Ha? Si Ate? Ayos lang. Bakit di ba kayo nagkikita?” Medyo nagtataka kong tanong sa
kanya. Siguro magkagalit sila kaya din madalas mainit ang ulo ni Ate at nilayasan
pa siya nung pagdalaw niya sa ospital.

“Hindi e, busy sya.” Sagot lang ni Brix bago tunggain yung laman ng baso niya.

“Lagi namang busy yun, yaan mo na palamig lang muna kayo.” Sagot ko sa kanya.
Madalas naman kasi silang magtalo kaya sure ako na magkakaayos din yang dalawa na
yan. Hindi naman maghihiwalay yan.

Ngumiti lang si Brix ng mapait, baka kasi dahil mapait yung beer? Ewan.
Ininom ko na lang din yung hawak ko at nakisaya sa kanila. Pansamantala ko munag
kinalimutan yung mga pesteng problema namin, minsan lang kami ulit nagsama sama
kaya dapat sulitin na.

***

*Brix’s POV*

“Cathy! Cathy dito.” Tawag ko kay Cathy nung nakita ko siya sa loob ng university.
Pumunta siya kasi may mahalagang itatanong daw siya sakin at kung pwede daw ba
akong makausap ng personal. Hindi naman ako makaalis ng university dahil madami
kaming inaasikaso, sa isang araw kasi graduation na.

“Brix! Sorry kung nang istorbo pa ako sayo.” Nahihiyang sabi ni Cathy nung
makalapit siya sakin.

“Okay lang kaso hindi ako makakatagal, ano ba yung itatanong mo sana?” Tanong ko
kaagad sa kanya. Hindi kasi ako pwedeng magtagal.

“I just wanna ask you a favor. I know this may sound so unconsiderable but I really
need to do this. Brix pwede bang-“

“Montez!”
Napahinto si Cathy nung may tumawag ng apelyido ko. Lumingon ako at nakita ko si
Dylan na papalapit sakin.

“Oh tol bakit anong pr-“

*boogsh*

Hindi ko na natapos kung ano man yung sasabihin ko. Naramdaman  ko na lang yung
kamao ni Dylan sa mukha ko at yung pagbagsak ko sa sahig.

“Gago ka!” Sigaw niya sakin bago tumalikod at umalis.

Napuno naman ng tao yung paligid, mga taong nakikiusisa sa  nangyari.

“Oh my gosh, Brix are you alright?” Takbo ni Cathy at alalay sakin patayo. Hindi
agad ako makabawi sa sarili ko dahil sa gulat. Gulat hindi dahil sa suntok ni Dylan
pero gulat kung bakit siya galit sakin samantalang kelan lang magkakasama pa kaming
nag-inuman kila Cyril.

“Hoy mga ugok ano yung nakita ko? Bakit ka sinapak ni Dylan?” Tanong ni Cyril nung
makatakbo siya sa pwesto ko. Kasunod pa niya yung girlfriend niya.

“Hindi ko alam ‘tol, kahit ako nagulat sa inasal niya.” Sagot ko nung makatayo na
ako.

“Oh my gosh Brix may cut ka sa lower lip. You’re bleeding.” Nag-aalalang sabi ni
Cathy.

Pinunasan ko yung gilid ng labi ko at nakita ko yung dugo. “Wala ‘to.”

“No! Gamutin natin yan.” Sabi ni Cathy.

“Tara nga sa unit dun tayo.” Aya ni Cyril.

“May gagawin pa ko.” Straight faced kong sagot sa kanya.

“Gusto mong dagdagan ko yang sugat sa pagmumukha mo? Tara na!” Badtrip na din si
Cyril kaya sumunod na ako sa kanya.

Nagpunta kaming apat sa parking lot at sumakay na si Cyril at Honey sa kotse ni Cy.

“Where’s your key? I’ll drive.” Sabi ni Cathy habang nakalahad yung kamay niya
sakin.

“Ano ka ba? Hindi naman ako nalumpo Cathy, hayaan mo na akong magdrive.” Natatawa
kong sagot sa kanya.

“Just let me drive please?” Pakiusap niya sakin.


I gave up at inabot na lang sa kanya yung susi ng kotse ko. Sumakay na din ako at
nag-umpisa na siyang sundan yung sasakayan ni Cyril papunta sa unit niya.

***

“Ow! Dahan dahan.” Sabi ko habang ginagamot ni Cathy yung sugat sa pisngi ko.

“Sorry ang likot mo naman kasi. Will you please stay still?” Medyo iritadong sagot
ni Cathy. Kanina pa din kasi ako reklamo ng reklamo.

“Uy kuya brix mag juice muna kayo.” Sabi ni Honey sabay baba ng dalawang baso ng
juice sa center table sa sala ni Cyril.

“Hoy pukyot nakialam ka na naman ng laman ng kusina ko!” Sigaw ni Cyril galing sa
kwarto niya, nagligo kasi ang kumag.

“May bisita kaya tayo! Ikaw talaga batman.” Nakapout na sagot nung si Honey.
Napapailing na lang ako, buti nagkakasundo sila ni Cyril.

“Ayan, tapos na.” Sabi lang ni Cathy pagtapos niyang lagyan ng band aid yung cut
ko.

Napahawak ako sa panga ko. “Ang sakit ng sapak ni Dy.”


“Tss. Problema niyo kasi? Bakit bigla bigla kayong nagsasapakan?” Tanong ni Cyril
pagkalabas niya sa kwarto niya na basa ba ang buhok at halatang bagong ligo.

“Ewan ko! Bigla lang akong sinugod ni Dylan. Nagulat din ako. Wala naman kaming
pinagtalunan, wala naman kong ginawang masama sa kanya.” Sagot ko. Hindi ko din
kasi maintindihan kung bakit biglang naging ganun si Dylan sakin.

“Sa kanya wala, eh sa kapatid niya?” Sabi ni Cyril sabay tingin kay Cathy.

“Kaibigan ko lang si Cathy.” Sagot ko sa kanya. Alam ko na ang tinutukoy niya,


iniisip siguro nilang niloloko ko si Zea. “Isa pa hiwalay na kami ni Zey.”

“Ha? Kelan pa po?” Tanong ni Honey.

“Few weeks ago. Hindi na din tuloy ang kasal.” Malungkot kong sagot sa kanila.

“Kaya may bago ka na?” Suspisyosong tanong ni Cyril.

“No. I’m just his friend.” Sabi ni Cathy sabay yuko. Alam kong nalulungkot si Cathy
dahil iniisip ng mga kaibigan ko na siya ang dahilan ng paghihiwalay namin.

“Hiwalay na kami ni Zey nung nagkakilala kami ni Cathy, siya ang nakipagbreak dahil
hindi niya kayang ipagpalit ang career niya para sa kasal namin.” Pagpapaliwanag ko
kay Cyril.
Wala namang nagsalita, lahat siguro sila nakikiramdam.

“Ah I have to go. Mauna na ko Brix.” Biglang tumayo si Cathy, siguro hindi siya
kumportable sa naging usapan namin.

Tumayo na din ako. “Hahatid na kita, di mo naman dala yung kotse mo eh.”

“Sabay na kami,  hahatid ko na din ‘to tol.” Sabi ni Cyril sabay  turo sa
girlfriend niya kaya nagsabay sabay na din kami sa paglabas.

***

*Cyril’s POV*

 “Batman.” Tawag sakin nung katabi ko habang nagdridrive ako.

“Mmm?” Sagot ko lang sa kanya.


“Ang pretty ng kasama ni Kuya Brix ‘no?” Tanong niya sakin.

“Oo kaso masaydong mahinhin. Di ako sanay sa mahinhin.” Sagot ko sa kanya. Bihira
ako magkagusto sa mahinhin.

“Tss. Palibhasa kasi sanay ka sa mga aggressive type ng babae.” Sabi niya sabay
irap pa ng konti bago ngumuso.

“Sus. Kala mo siya hindi aggressive eh nung unang beses nga na nagkakilala tayo
MMMMPHHH!”

Bigla niyang tinakpan yung bibig  ko. “Ahhh! Wag mo na ngang ipaalala, nakakahiya
eh.”

Inalis ko naman yung pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko. “Bakit ba totoo naman
eh!” Nakangisi ko pang sagot sa kanya.

“Wag mo na kasi banggitin! Once lang naman yun ah.” Nakanguso na naman niyang
sagot  sakin.

“Once daw eh nung sa unit ko, yung naabutan mo kong may kasamang babae hinalikan mo
ko tapos MMMPPPPHHH!”

Tinakpan na naman niya yung bibig ko. “Lalalalalalalalalalala! Walalalalalalala


wala akong naririnig. Blah blah blah.” Pakanta niyang sabi.
Natawa nalang tuloy ako bago alisin yung kamay niya sa bibig ko.

“Pukyot.” Tawag ko sa kanya.

“Yes  batman?”  Ngiting ngiti na sagot niya sakin.

Nilingon ko siya saglit. “Mamaya maging aggressive ka ulit ha.” Sabi ko sabay
kindat.

“Ehhhhhh!” Sabi niya habang pulang pula yung mukha niya.

Napatahimik tuloy siya sa buong byahe hanggang sa makarating kami tapat nung bahay
nung Cathy, gusto kasi ni Pukyot na bumaba din dun.

“Pasok muna kayo.” Nakangiting sabi nung si Cathy samin kaya pumasok muna kami sa
bahay niya.

“You guys want anything? Coffee? Juice? Tea?” Tanong ni nung nakaupo na kami sa
sofa niya.

“Cathy, pwedeng paCR?” Sabi ni Pukyot habang nakataas pa yung kamay na parang
magrerecite.
“Ah sige first door sa right side.” Sagot ni Cathy sa kanya.

“Di pa nagCR  dun sa unit.” Bulong ko sa kanya.

“Eh ngayon ako nawiwiwi eh, alangan pilitin ko mawiwi baka mapoop ako nun bigla.”
Bulong niya din sakin.

“Kadiri ka, dalian  mo na nga dun tapos ihahatid na kita.” Sagot ko sabay mahinang
tulak sa kanya patayo. Tumayo naman din siya kaagad at pumunta sa CR. Bumalik din
naman siya kaagad, mabilis nga lang eh.

“Tol nagtext si Carlo.” Nakangising sabi ni Brix.

“Oh ano sabi? Miss na ko? Sabi na nga ba nababading yan sakin eh.” Sagot ko kay
Brix.

“Tado, nagpunta daw sa tambayan nila si DK at pinapasabi na labanan daw natin sila
next week same place, 7 PM.” Sagot niya sakin.

“Call, may plano na ako kung sakaling mandaya yan.” Nakangisi ko ding sagot sa
kanya.

“Ano naman?” Curious na tanong ni Brix.


“Sigurado namang matatalo sila kaya maghahamon ng away yan. Dalahin mo yung gang ni
Carlo para may resbak tayo. Di ba yung gang nila ang pinakamalakas na underground
gang?” Tanong ko sa kanya. Alam ko kasi malaking gang ang hawak ni Carlo kaya
mahilig sa away yun.

“Call. Sa dami nung ka-gang ni Carlo walang palag yung mga uod na kasama nila DK.”
Natatawang sagot ni Brix. Pasalamat kami at may katropa kaming gaya ni Carlo. Hindi
naman kasi kami mahilig sa pakikipag-away, racing lang talaga kasi ayaw namin
masira ang nagpopogian naming mukha at mapawisan ng husto ang mabango naming kili-
kili at abs.

“Text mo na lang yung mga kolokoy ako na bahalang pumilit kay Dylan. Una na kami
hahatid ko pa ‘to.” Sabi ko sa kanilang dalawa.

“Sabay na ko paglabas, uuwi na din ako.” Sabi ni Brix sabay tayo.

“Una na kami Cathy.” Paalam ni Pukyot.

“Cathy alis na kami.” Sabi namin ni Brix. Ako tumango lang kay Cathy.

“Sige ingat kayo ha, salamat pala sa paghatid.” Sabi niya samin habang hinahatid
kami sa pinto ng bahay niya.

Sumakay na kami ni Pukyot at nag-drive papunta sa bahay niya.


“Sa bahay ka kakain?” Tanong niya sakin.

“Di na, baka lagyan mo pa ng gayuma yung pagkain ko eh.” Biro ko sa kanya.

Pinalo niya naman ako sa braso ko. “Sobra ka naman! Kahit hindi ko na lagya ng
gayuma alam ko naman na love mo ko di ba? Di ba? Di ba?”

“Wow confident ka ah, sinong may sabi?” Biro ko ulit sa kanya. Sarap niya pagtripan
eh.

“Ikaw kaya! Bleh! Kung ayaw mo kumain sa bahay ngayon dun ka na lang magbreakfast
bukas. Please?” Pagpapacute niya. Tss ang cute niya, sarap niya tirisin.

“Ayoko nga.” Masungit kong sagot sa kanya kunwari.

*tsup*

Bigla naman niya akong hinalikan sa pisngi habang nagdridrive ako.

“Magnanakaw ka talaga ng halik. Di ka naman gwapong gwapo sakin niyan? Tss.” Sabi
ko sa kanya pero napapangiti ako. Abnormal talaga ‘tong girlfriend ko.
“Sa bahay ka na kasi magbreakfast bukas.” Sabi niya tapos hahalikan niya sana ako
ulit sa pisngi pero humarap ako.

*tsup*

“Mwahahahaha! Huli ka!” Tuwang tuwa kong sabi. Buti na lang mas magaling ako
magnakaw ng halik kesa sa kanya. Mwahahahahaha!

“Ahhhh! Batman naman eh, basta dun ka kumain bukas ha.” Pilit niya pa din.

“Tss oo na nga eh. Kulit mo.” Sagot ko sa kanya sabay ngiti. Tangena inlab ko eh.
Hahahahahaha!

Nung nakarating kami sa bahay niya hindi na dapat ako bababa pero kinaladkad niya
pa din ako pababa at inulanan ng kiss kaya pumayag na din ako. Eh wala eh, baka
weakness ko na siguro yun. Hahahaha! Potek ang kati ko ng lalaki.

Pumasok na kami sa kanila at naupo kaagad ako sa sofa niya. “Nga pala pukyot, yung
mga papers na pinaprint ko sayo para sa last compilation ng report ng Student
Council nasan na? Iuuwi ko na.”

“Ha? Ay teka kukunin ko lang sa kwarto ko, wait lang.” Sabi niya tapos nagtatakbo
na niya papunta sa kwarto niya, naiwan ako mag-isa sa sala.

Nakita ko yung libro sa centertable niya.


“Harry Potter Book 3? Nagbabasa siya nito? Kaya ng utak niya nito?” Tanong ko sa
sarili ko. Hindi ko akalain an makakakita ako ng gabnitong libro sa bahay niya.

Dinampot ko yung libro tapos iniscan ko nung my nahulog na papel. Pinulot ko naman
agad yun kasi baka nagflaflames pa siya ng pangalan namin dito. Masyadong inlab
sakin eh.

Pero imbes na pangalan namin ang makita ko, mukha ang nakita ko. Mukha ng lalaki.

“Batman eto na pala yung... mga... pa...”

“Sino ‘to?” Nakakunot kong tanong sabay pakita sa kanya nung picture nung lalaki na
hawak ko.

“H-ha? Wala lang yan.” Sabi niya sabay agaw nung picture na hawak ko.

“Tangena naman oh, sino ba kasi yan?” Napamura na ako sa inis ko.

“Wala nga kasi.” Sabi niya sabay yuko.

“Leche!” Sigaw ko sa kanya sabay talikod. Aalis na sana ako nung maramdaman kong
niyakap niya ako mula sa likod.
“Sorry batman, wala lang naman talaga yun. E- ex ko lang yun. Siya nung
nakipagbreak sakin nung nagkakilala tayo sa bar. Wala yun.”

Hindi ako gumagalaw o sumasagot man lang. Naiinis ako. Kung ex na pala niya yun
bakit may picture pa din siya sa libro niya. Bakit di pa itapon? Ginagago niya ba
ako?

Niyakap niya ako ng mahigpit bago siya magsalita. “Batman, sana... sana tanggapin
mo pa din ako kahit malaman mo yung past ko. Pinipilit ko naman. Pinipilit kong
lumayo pero hinahabol ako ng past ko. Sorry sorry talaga.”

Naramdaman ko na lang na nabasa na yung likuran ko.

“Uy babae wag mong sipunan yung likod ko.” Sabi ko sa kanya. Niluwagan ko yung
pagkakayakap niya sakin tapos hinarap ko na siya.

Tama nga ako, umiiyak niya siya. Lumambot naman bigla yung puso ko. Ewan ko ba pero
tuwing umiiyak ‘tong babae na ‘to naaaawa ako.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at pinatong ko yung ulo ko sa ulo niya.

“Shhh... wag ka ng umiyak papanget ka niyan eh. Sige ka hindi na tayo bagay.” Sabi
ko para patahanin siya kahit na hindi ko alam kung bakit ganito yung iyak niya.
Kahit na hindi malinaw sakin kung ano yung tinutukoy niyang past niya. Hindi naman
importante sakin yun, ang importante sakin yung ngayon.
Past is past nga daw right? 

***

Endnote: 

Isa't kalahating sorry po. Alam ko kasi hindi kasya yung isang sorry kaya
dinagdagan ko ng kalahati pa. Hahaha. Lol. Natuwa lang ako kasi more than 2 hours
ko lang 'to ginawa kaya ayan tuloy medyo burara. Hahaha. Pero kasi i'm starting to
give out "clues" kuno para sa next chapters para may ilook forward to naman kayo!
Sinasagad ko na din ang updates habang sinisipag pa ko. 

Feeling ko malapit ko ng palitan yung username ko to "TotallyRandom" hahahaha. :P

Thank you for supporting. 

Feedbacks please? Lalo na yung comments, i love reading comments! <3 

=================

Chapter Forty Eight

WARNING: Mahaba lang ito pero walang katuturan. Chos! 

READ AT YOUR OWN RISK. :P

Chapter 48

*Sophia’s POV*

 
“Once again, congratulations to this year’s graduates!” Sabi ng emcee bilang sign
na tapos na yung ceremony at program. Napuno bigla ng palakpakan at sigawan yung
buong theater.

Tinignan ko naman tuloy yung batang hawak ko.

“Aba, tulog na tulog pa din kahit na maingay na.” Natatawang bati ni Papa Zeus kay
Aian na buhat ko. Dapat kasi hindi na namin siya isasama kaso wala naman siyang
kasama dun aside sa dalawa naming kasama sa bahay kaya dinala na din namin.

“Oo nga po kanina pa po tulog yan. Buti na lang hindi umiiyak.” Sagot ko kay Papa
habang tinignan si Aian. Ang cute cute niya matulog, parang angel.

“Baby ko!” Rinig kong sigaw ni Dylan. Nung tignan ko papalapit na siya samin,
habang nakablack toga at may hawak ng diploma.

“Congrats daddy!” Hinalikan ko siya sa pisngi nung makalapit siya samin.

“Thank you baby ko.” Hinalikan niya din ako sa pisngi pagtapos ay bumaling kay
baby. “Baby, bakit tulog ka pa din? Tignan mo si Daddy oh.” Nakapout pa siya habang
kinakausap si Aian.

“Dy wag mo kasing gisingin baka umiyak!” Sita sa kanya ni Ate Zea, may kasama pang
palo sa braso.

“Congrats anak.” Bati ni Papa Zeus sabay yakap sa kanya.


Gumanti din naman siya ng yakap. “Thank youPa.”

“Ang baby ko graduate na. Congratulations anak.” Bati din ni Mama Dea kay Dylan at
gaya ni Papa Zeus yumakap din siya.

Niyakap din ni Dylan si Mama kahit medyo asiwa siya sa pagtawag na baby sa kanya.
“Ma, hindi na ko baby. Thank you Mama.”

“Okay guys picture muna!” Pagtawag ni Ate Zea sa atensyon namin kaya umayos kami ng
pwesto. Nasa gitna kami ni Aian at Dylan at nasa magkabilang gilid naming sila Papa
Zeus at Mama Dea.

 “Ready... one... two... three...”

*click*

“Nice!” Sabi ni Ate Zea nung tignan niya yung kuha niya.

“Sige ako naman magpipicture sa inyo.” Sabi ni Papa Zeus pagkatapos kuhanin yung
camera kay Ate Zea. Pumalit si Ate Zea sa pwesto niya sa tabi ni Dylan.

“Ready... one... two... three.”


*click*

“Oh ang ganda ng pagkaka picture ko, parang pang professional photographer oh.”
Ngiti ni Papa sabay pakita samin nung kuha niya.

“Wala naming pinagkaiba sa kuha ko Pa!” Nakakunot na sagot ni Ate Zea sa kanya.

“Anong wala? Ayan oh di ba mas maganda yung anggulo ko.” Natatawang sabi ni Papa
Zeus habang pinapakita ulit kay Ate Zea yung kuha niya.

“Sus ambisyoso ‘tong matanda na ‘to, tara na sa labas para makauwi na tayo.
Nagpaready na ko sa bahay ng food.” Sabi ni Mama Dea habang papalabas. Konti na
lang din kasi yung tao sa theater dahil lumabas sa siguro yung iba.

“Kung maka matanda akala mo siya bata pa.” Sagot ni Papa sa  pang-aasar ni Mama sa
kanya.

“Heh!”

Nagtawanan na lang kaming dalawa ni Ate Zea habang palabas. Nakakatawa naman kasi
talaga mag-asaran silang dalawa, parang mga teenager na nagtatalo.
“Anak sila Enzo oh.” Sabi ni Mama Dea sabay turo sa direksyon nila Enzo. Kasama
niya na din sila Cyril, Honey, Nate, Janna at Kuya Brix.

“Enzo!” Sigaw ni Ate Zea sa kanila. Lumingon naman si Enzo samin at ngumiti. Tinuro
niya din sa mga kasama niya yung direksyon naming at papunta na sila ngayon dito.

“Tol! Congrats.” Bati ni Nate kay Dylan.

“Sayo din bugok!” Natatawang bati ni Dylan sa kanya.

“Sissy, congrats!” Bati ko kay Janna paglapit niya sakin.

Niyakap naman niya ako ng isang kamay kasi nga buhat ko pa din si Aian. “Sissy,
congrats din!”

“Gaga, anong congrats eh hindi pa naman ako graduate!” Natatawa kong sabi sa kanya.

“Shungak! Kay baby, ang gwapo gwapo kasi ni Sofian! Hintayin ko na lang siya
paglaki.” Sabi niya tapos kiniss niya ng kiniss sa pisngi si Aian.

“Loka! Tama na ang kiss baka magising yan oy!” Awat ko sa kanya. Magwawala na naman
sa pag-iyak ‘tong bata na ‘to. Manang mana sa Daddy niya.
“Oh sige picture kayo, ako ulit kukuha sa inyo para maganda.” Sabi ni Papa samin
kaya nagtabi tabi naman kami.

“Okay guys ready ha?” Sabi ni Papa Zeus tapos nag handsign na lang siya ng 1,2,3.

*click*

“Isa pa!” Sigaw ni Papa.

*click*

“Papa hindi nagbilang!” Reklamo ni Ate Zea.

Tatawa-tawa naman si Papa Zeus. “Hehehe. Hayaan mo na anak para stolen shot!”

“Zeus picturan mo naman yung mga boys lang.” Suggestion ni Mama Dea kaya umalis
kaming girls sa pwesto.

“Sige, ready guys.” Naghand signs ulit si Papa.

*click*
“Patingin ako!” Sabay agaw si Ate Zea sa camera. Tapos bigla napakunot siya. “Cyril
naman, bakit mo sinungayan si Nate?!”

“Hahaha! Bakit ba?” Natatawang sagot ni Cyril na ngayon ay kinukutusan ni Nate.

“Ang redundant kaya! Hahahaha!” Sigaw ni Janna sa kanila.

“Beb!” Maktol ni Nate. Nag peace lang naman sa kanya ang baklang Janna.

“May gagawin ba kayo? Tara sa bahay, nag pahanda ako eh.” Aya ni Mama Dea sa
kanilang lahat.

“Tita Dea dadalaw po ako kay Lola eh.” Sagot ni Cyril.

“Pupunta po ako sa bahay nila Janna before magcelebrate sa bahay eh.” Sagot naman
ni Nate.

“Sorry Tita, may celebration din po sa house.” Sagot din ni Enzo.

“Aalis po kami ng family.” Sagot ni Kuya Brix.


“Hindi mo ba isasama si Zea sa inyo?” Tanong ni Papa Zeus kay Kuya Brix.

Natahimik yung mga boys sa paghaharutan nila pati si Ate Zea. Anong meron?

“HindiPa.” Seryosong sagot ni Dylan at naging tahimik na naman lahat.

“Uh tara na sa bahay. Mukhang aalis na din naman sila, guys mauna na kami sa inyo.”
Paalam bigla ni Ate Zea sa kanila.

Nag kanya-kanyang paalaman na din naman kami tapos sumakay na sa kotse. Sa kotse ni
Dylan kaming tatlo lang ni Aian, sa kabila naman sila Mama Dea at Papa Zeus sa
kotse ni Ate.

“Dy, magkagalit ba si Ate at Kuya Brix?” Tanong ko sa kanya habang seryoso siyang
nagdridrive.

Mas sumeryoso tuloy siya. “Hiwalay na daw sila, may babae daw na bago si Brix sabi
ni Ate.”

Nagulat naman ako sa narinig ko. Mukhang impossible, alam ko at nakita ko kung
gaano kamahal ni Brix si Ate kahit lagi siyang sinasapok nun! “Teka Dy, sigurado ba
yan? Baka naman napagkamalan lang yan.”

“Ewan ko, pero syempre maniniwala ako sa Ate ko. Kahit ganun yun kapatid ko din
yun, sa kanya ako papanig syempre.” Seryoso pa din niyang sabi. Hindi ko na
nagawang sumagot kasi hindi ko talaga maisip kung bakit nauwi sa ganun yung
relasyon nila, magpapakasal na nga sana sila eh. Bakit may hiwalayan at may babae
pang involved?

Sa lalim ng isip ko hindi ko napansin na nasa dating bahay na pala kami.

“Akin na muna si Aian baka ngawit ka na.” Kinuha sakin ni Dylan si Aian.

Dumeretso naman kami lahat sa loob ng bahay.

*Pop pop pop*

“Congratulations Dylan!” Sabay sabay na sabi nung mga kasama naming sa bahay, si
Manang Emmy at ilang tao na hindi ko kilala. Malamang relatives o friends sila ni
Dylan.

“Wow! Thank you! Thank you talaga.” Mukhang nagulat din si Dylan pero tuwang tuwa
siya. Kahit ako nagulat, akala ko simpleng celebration lang may surprise pala.
Hahahaha.

“Hi Auntie Carol! Tito Jon.” Bati ni Ate Zea sa mga bisita.

“Ah siya po pala, si Sophia yung finacee ko po. Saka yung baby namin.” Pakilala ni
Dylan samin ni Aian.
“Aba Dylan maganda pala ‘tong magiging asawa mo.” Sabi nung isang lalaki na
nakasalamin at medyo matangkad.

“Syempre ako pa ba Tito Bill?” Natatawang sagot ni Dylan sa kanya.

“At ang cute ng baby niyo ha!” Bati nung isang babae na katabi niya.

“Kanino pa ba magmamana yan kung hindi sa lolo?” Singit ni Papa Zeus.

Inirapan siya nung babae bago tumawa. “Ewan ko sayo Kuya!”

Sa tingin ko kapatid nga ni Papa Zeus yun kasi hawig niya.

“Tara na kumain na muna  tayo!” Aya ni Mama Dea kaya pumunta na kaming lahat sa
dining table.

Nakilala ko yung relatives nila, mga pamilya ng kapatid nila Papa at Mama, at may
ilang close friends din. Nagbigay din sila ng kanya-kanyang regalo kay Dylan.
Regalo nila Papa, Mama at Ate Zea ay... bagong kotse!

“Pa! Ikaw talaga sabi mo hindi mo bibilihin?” Napayakap si Dylan agad sa Papa niya.
“Hindi lang kaya ako bumili niyan. Di ko na kayang bilihin yan ang mahal mahal ng
hiling mo!” Kunwari pagalit sa kanya ni Papa pero hanggang batok naman yung ngiti.

“Thank you Ma!” Niyakap din ni Dylan si Mama Dea at hinalikan sa ulo. Tapos
bumaling din siya sa Ate niya. “Psst. Ilang gives yan?”

Inirapan siya ni Ate Zea bago sumagot. “3 gives lang with interest na yun.”

“Walang discount?” Biro ulit sa kanya ni Dylan.

Niyakap na din siya ni Ate finally. “Sus. Thank you Ate.”

*click*

Napangiti ako nung makita na pinicturan ni Mama Dea yung dalawa. Minsan lang kasi
yan, once in a leap year siguro maging medyo sweet sila Ate Zea at Dy kaya dapat
may souveneir na! Hahahaha.

Pagtapos magbigay ng gifts ng iba pa nilang relatives nag-aya na din si Dylan umuwi
para din daw makatulog na ng straight si Aian.

“Ikaw baby anong gift mo sakin?” Seryosong tanong niya sakin nung nasa kotse na
kami.
Nginitian ko lang siya bago sumagot. “You’ll get it later sa bahay.”

“Hmmm. Sounds exciting!” Natatawa niyang sagot.

*Nate’s POV*

“Kinakabahan ka?” Tanong sakin ni Beb habang nagdridrive kami papunta sa bahay
nila. Kadadating lang kasi ng Daddy niya galng Australia kahapon para sa graduation
niya. Hindi naman kami nagkachance na magkakilala kanina kasi kasama ko din yung
family ko.

“Hindi ah!” Sagot ko kay Beb.

“Wushu, eh tignan mo yang pawis mo! Ang lamig lamig oh.” Sabi niya sabay pahid ng
kamay niya sa mukha ko. “Alam mo beb wag kang kabahan kay Daddy, di ka naman
babarilin nun eh. Papalakulin ka lang! Hahahahaha!”

Napakunot ako. “Sige manakot pa. Oo na kinakabahan na ko, nakita ko na kaya ang
Daddy mo sa picture. Beb dati ba siyang wrestler?” Seryoso kong tanong. Fit at
matangkad kasi ang Daddy niya, mamaya I-chokeslam ako nun eh. Anong laban ko? Pogi
lang naman ako eh.

“Abnormal ka beb? Hindi ‘no! Pasalamat ka at hindi.” Dinilaan niya pa ako bago siya
tumawa ulit ng kita tonsils.

Binabagalan ko na nga yung drive ko, kung pwede lang next year na kami dumating sa
bahay nila. Nakaktakot kasi talaga ang aura ng Daddy ni Beb, parang nananapak ng
boyfriend eh.

“We’re here!” Bati ni Beb habang binubuksan yung pinto ng kotse ko.

Ha? Ano sabi niya? Andito na kami? Bakit ang bilis? Eh kanina lang malayo layo pa
kami! Binagalan ko na nga ng todo yung pagdridrive ko tapos andito na kami! Di pa
ako handa!!

“Uy tara na!” Sabini Beb tapos hinigit niya yung kamay ko papunta sa tapat ng pinto
nila.

Kahit tensyonado ako sumunod na lang din ako kasi naCCR na din yata ako s nerbyos
‘no! Di naman eto yung first time na ipapakilala ako sa parents ng nagging
gifrlfriend ko. Pangatlo na nga ‘to eh, kaso nakakatakot talaga yung dating ng
Daddy niya. Pangako!

“Oh Nate, pasok na nagpaready ako ng lunch!” Nakangiting sabi ni Tita Nanda.

Pumasok na din ako kasunod ni Beb at nakita ko yung Daddy niya na nakaupo sa sofa
at nanood ng TV. Nakakatakot talaga! Ang tangkad niya pa din kahit nakaupo siya!

“Good afternoon po.” Bati ko sa Daddy niya.

“Ah good afternoon hijo. Have a seat.” Hala pati boses ng Daddy niya nakakatakot
din, masyadong deep!
“Kakain na tayo, come on guys.” Aya ni Tita Nanda. Tumayo naman kami at dumeretso
sa dining area nila.

Umupo ako sa tabi ni Beb tapos pinaglagay na niya ako ng pagkain sa plato ko.

“Ehem, so you’re my daughter’s boyfriend right?” Biglang tinanong ng Daddy niya


nung nagsisimula na kaming kumain.

“Yes sir.” Magalang kong sagot at tawag sa kanya ng Sir hindi pa naman kasi kami
close gaya ni Tita Nanda.

“So how long have you been together?” Tanong ulit niya. Nosebleed naman ako dito sa
Daddy niya oh.

“More than a month lang po Sir.” Sagot ko ulit. Medyo nabawasan na yung kaba ko
kasi nginingitian ako lagi ni Beb.

“Oh bago pa lang.” Tumatango tango pang sabi ng Daddy niya.

“Alam mo honey mabait na bata yan si Nate. Formal naman siya nanligaw kay Janna.”
Daddagni Tita Nanda sabay kindat sakin. Buti talaga close kami ni Tita.

“That’s good. So how did you guys meet?” Tanong niya ulit. Para palang pulis ‘tong
Daddy ni Beb, ang daming tanong eh. Peo sabagay ngayon lang naman kasi kami
nagkita.
“Sa school Daddy, saka friend po siya nung naging asawa ni Soph.” Si Beb na ang
sumagot this time.

“Oh how is Sophia by the way? Nandoon ba siya kanina? Hindi ko siya nakita.”
Marunong pa din pala magtaglog Daddy niya. Astig kasi mag English may accent na,
muntik ko ng di maintindihan.   

“Kasama po  yung family ng asawa niya pati yung baby nila, minsan po papadanin ko
dito para makita niyo.” Sagot ni Beb.

“Gusto ko yan anak, matagal ko na ding hindi nakikita si Sophia.” Sabi ni Tita
Nanda.

Tinapik ko sa braso si Beb. “Close sila kay Soph?” Pabulong kong tanong sa kanya.

“Oo naman ‘no, madalas kasi yun magsleep over dito dati tapos ganun din ako sa
kanila.” Sagot niya saki. “Kain pa.” Ngumiti siya at pinaglagay ulit ako ng pagkain
sa plato ko.

“What’s your name pala hijo?” Tanong ni Daddy ni beb.

“Nathan po. Nathan Shaun Fortalejo po.” Sagot ko sabay ngiti. Flash flash din ng
poging smile.
“Are you related to Nilo Fortalejo?” Tanong niya naman.

“Yes po. Daddy ko po siya.”

“Oh! I see, he’s my schoolmate way back in highschool. Kateam mate ko din sa
soccer. That’s why medyo familiar ka pala sakin. You look a like your Dad.”

Ngiti lang ang sinagot ko at nagpatuloy na din ako sa pagkain.

“Jannina, did you already told him?” Baling ng Daddy niya kay Beb. Told me na ano?

Tinignan ko si Beb at tinanong. “Ano yun?”

Hindi naman siya sumagot, yumuko lang. Di maganda pakiramdam ko dito ah.

“Hijo do you consider long distance relationship?” Seryosong tanong ng Daddy niya
sakin.

Napakunot ako ng noo. “Ano pong ibig niyong sabihin?”

Nag shrug lang yung Daddy niya tapos tinignan si Janna. Huminga lang ng malalim si
Beb bago magsalita. “Dad is considering about us migrating.”
Pagkarinig ko nun napatanga na lang ako. Migrate? Bakit ngayon pa? Kakasimula pa
lang naming tapos aalis siya?

“Hijo, if you’re thinking na I’m doing this because I’m keeping my daughter away
from you please don’t. Nanda and I have tackled about this since Jannina entered
college. I have established my small businesss there that would be enough to feed
my family ang give their needs. And who knows, this might be a test to your
relationship.” Mahabang sabi ng Daddy niya.

Napayuko ako saglit pero tinignan ko din siya. “Okay lang po sakin ang long
distance relationship Sir. As long na kami pa din ni Janna.”

“That’s good to know.” Sagot niya at napuno na ng katahimikan yung buong dining
area.

Halos hindi ko na nga din maubos yung pagkain ko kasi bigla akong nawalan ng gana
pero pinilit ko lang kasi nakakahiya naman. Nung natapos kami kumain umupo lang
kami sandali sa sala nila bago ako magpaalam kasi may celebration din sa bahay.
Nagpaalam lang ako sandal sa kanila na ininvite ako nila Janna na maglunch sa bahay
nila.

“Sir, alis na po ako.” Pagpaalam  ko sa Daddy niya na nanood ng TV.

“Feel free to call me Tito Jairus instead.” Sagot niya sabay ngiti. Hindi na talaga
ako takot sa kanya. Hindi naman pala masyadong strict eh.
“Sige po tito, mauna na po ako.” Pagpapaalam ko ulit.

“Say hi to your dad for me. Ingat hijo.” Sagot niya ulit.

“Tita, mauna na po ako.” Sabi ko kay Tita.

“Sige anak, ingat. Janna! Ihatid mo  muna si Nate sa labas.” Utos niya kay Beb na
naghuhugas ng plato sa kusina. Kawawang beb.

“Opo mommy.” Sagot niya tapos maya maya lumabas na din siya sa kusina at tumuloy na
kami sa pinto.

Pagkalabas naming bigla niyang hinawakan yung kamay ko. “Galit ka?”

Nilingon ko siya. “Ha? Hindi ah!”

“Eh kasi hindi ko agad nasabi sayo, kahapon ko lang din naman nalaman yun pagdating
ni Daddy. Sorry.” Nakayuko na naman siya.

Hinawakan ko siya sa baba at pinaharap sakin. “Okay lang yun ano ka ba? Long
distance relationship lang naman. Kayang kaya natin yun.”

“Pero kasi mahirap yun di ba?” 


“Aba malay ko Beb, di ko pa naman natry ngayon palang kaya!” Natatawa kong sagot sa
kanya.

Napalo na naman niya tuloy ako sa braso. “Kainis ka naman eh. Seryoso ako dito!”

“Seryoso din kaya ako! Hmm, alam mo madali lang yan. Susunod ako sayo dun pag may
sarili na kong trabaho. Basta hahanap ako ng paraan kaya wag ka mag alala dyan ha?
Kaya natin ‘to.” Pagpapalakas ko ng loob niya kahit na sarili ko hindi ko din alam
kung paano ang gagawin ko. Alam ko kasing mas malulungkot lang din siya pag alam
niyang malungkot ako.

“I love you beb!” Sabi niya sakin habang nakangiti ng pilit.

“Sus pilit yung ngiti mo oh, sige na pasok ka na. Alam kong miss mo na Daddy mo. I
love you too.” Sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. Sa pisngi lang kasi baka
mamaya lumabas yung Daddy niya at imbis na okay kami eh palakulin ako ng totohanan.

“Ingat.” Last na sabi niya bago ako sumakay sa kotse niya at nagdrive paalis.

Sana... Sana lang hindi na sila umalis.

*Cyril’s POV*
 

“Saan kita ihahatid?” Tanong ko dito sa kasama ko na parang adik at nakatoga pa


din. “Alisin mo na nga yan! Di ka ba naiinitan?”

“May aircon naman eh.” Sagot niya sabay nguso na naman.

“Para kang sira eh, di lang makaget over sa graduation?” Inis na tanong ko sa
kanya.

“Amp. Eto na nga!” Inirapan pa ko bago alisin yung toga niya at itabi sa upuan sa
likod.

“Ano uuwi ka na ba sa inyo?”

“Eh! Wala naman akong kasama sa bahay ko.” Sagot niya sakin ng nakanguso... na
naman.

Napakunot  ako sa sinabi niya. “Nasan mga magulang mo?”

Nagkibit-balikat lang siya. “Cannot be reached sila eh.”


“Huh? Eh pano ka nabuhay?” Curious kong tanong. Kaya pala siya lang lagi sa bahay
niya.

“Hala, syempre humihinga ako.” Seryoso niyang sagot.

“Hehehe. Funneh. Batukan kita dyan eh. Ibig ko sabihin saan ka kumukuha ng pera mo
pang gastos? Nakapag-aral ka pa.”

“May nagsuporta sakin hanggang makatapos ako.” Sagot niya sabay lingon sa bintana.

“Tss. Sino naman? Matandang mayaman na madaling mamatay?” Tanong ko ulit. Aba
sabihin niya lang.

Pinagpapalo na naman niya ako sa braso kong macho. “Ah grabe ka naman! Basta may
taong nagsuporta sakin.”

“K payn. Sumama ka nalang sakin. Dadalawin ko yung Lola ko.” Aya ko sa kanya. Uhm
hindi din pala aya kasi wala naman siyang choice. Isasama ko na lang siya kesa mag-
emo siya sa bahay niya, maglaslas pa ‘to.

“Talaga?” Sabi niya ng ngiti ngiti. Baliw lang ampotek, bakit ko ba mahal ‘tong
baliw na ‘to?

“Oo nga ulit ulit ka? Matulog kamuna kasi malayo pa naman tayo. Ge na.” Sabi ko
sabay tapik ng noo niya.
“Uhm sige, gisingin mo na lang ako pag nandun na tayo ah?” Tanong niya. Tumango
lang ako tapos natulog na din siya.

Mahigit dalawang oras din ang byinahe namin. Ang sarap ng tulog ng babaeng 'to ah. 

“Psst gising na, tulo pa laway mo kadiri ka talaga eh.” Sabi ko sabay yugyog sa
balikat niya.

“Ha?” Napamulat din naman siya at pinunasan yung pisngi niya. Hindi ako nagbibiro
nung sinabi kong tulo laway siya. Ewan ko nga kung bakit di ako naturn-off.

“Dalian mo bumaba nagugutom na ko.” Sabi ko tapos pinagmadali ko na siya. Tahimik


naman siyang bumaba at sumunod sakin. Sana pala lagi siyang tulog o kaya bagong
gising para lagi lang siyang tahimik.

“Lola!” Masaya kong bati sa Lola ko. Sa lahat kasi ng kapamilya ko kay Lola ako
pinakaclose. Sa kanya kasi talaga ako lumaki.

“Aba sino ba ‘tong poging bata na ‘to?” Tanong ni Lola.

“Tss Lola sino pa ba e di ang paborito mong apo!” Sagot k okay Lola sabay Mr. Pogi
pose.

Tumawa si Lola. “Si Karen? Bwahahahaha!”


“Lola wala kang apo na Karen.” Poker face kong sagot.

“Waha! Joke lang naman apo, para kasing tagline sa commercial yung sinabi mo eh!
Syempre makakalimutan ko ba naman ang nag-iisang pogi kong apo.” Hinalikan na ako
ni Lola sa pisngi.

“Talagang ako lang ang nag-iisang pogi mong apo.” Niyakap ko ng mahigpit si Lola.

“Oo naman, ikaw lang kasi ang apo kong lalaki. Ay dalawa pala kayo kaso yung isa
beki na! Wahaha!” Pambabasag trip ni Lola. Sa kanya naman talaga yata ako nagmana
eh.

“Wah! Excuse me po, pwede pong makiCR?” Biglang sulpot si Pukyot sa pag haharutan
naming ni Lola. Nakalimutan ko kasama ko nga pala siya.

“Aba hija, hindi public CR ang CR sa bahay ko ‘no.” Nakapamewang na sabi ni Lola sa
kanya.

“Lola kasama ko po yan.” Sagot ko kay Lola.

Biglang nagswitch si Lola, kung kanina masungit siya kay Pukyot ngayon biglang ang
tamis na ng ngiti niya, nakakadiabetes na. “Ay hindi niyo naman agad sinabi hija.
Halika kayo sa loob at ituturo ko sayo ang CR.
Pumasok si Lola sa loob at sumunod nama si Pukyot, nahuli na ako. Pagkapasok
sinamahan muna ni Lola si Pukyot para ituro yung CR tapos bumalik na siya sa sala
kung nasan ako.

“Apo, yun na ba ang gelpren mo?” Tanong ni Lola sabay tusok tusok sa tagiliran ko.

Tumango lang ako habang nakalagay sa ilalam ng ulo ko yung dalawa kong kamay.

“Weh? Di nga apo?! For real??” Usisa na naman ni Lola.

Napatawa ako. “May alam ka pang for real Lola? Oo nga po, girlfriend ko po.
Ginayuma po ako, eh wala eh gwapo apo mo!” Sabay  pacute ko kay Lola.

“May gollywow, sandali itetext ko si kumareng Hillary ko! Pers taym mo nagdala ng
babae dito, puro barkada mo lang na lalaki ang dinadala mo kay Lola. Akala ko tuloy
susunod ka sa yapak ng pinsan mong beki! Hihi.” Sabi ni Lola habang humhagikhik pa
at nagtetext. Minsan naaalala ko si Lola kay Pukyot dahil dyan.

“Alam mo ba apo, yung apo ni kumare may nobyo ng artista! Hihi, sabi ko nga
ipakilala ako eh.” Humahagikhik pa din si Lola, natatawa lang ako mamaya humanda na
tenga ko pag nag synchronize na sila ni Pukyot.

“Lolo si Lola oh.” Biro ko kay Lola at pinalo niya ako.

“Ay jusko ‘tong bata na ‘to, di na mabiro. Di ko naman ipagpapalit ang Lolo mo,
sumalangit nawa.” Nag sign of the cross pa si Lola.

“Lolaaaa? Kakain na po baaaaa?” Sabi ni Pukyot pagdating niya sa sala. Aba, close
na ba agad sila at Lola na din ang tawag niya?

“Oh yes honeybunny, tara na kayo sa dining nakapagpahain na ako.” Aba at may
endearment na ang Lola ko sa kanya? Napakunot na lang ako at sumunod na sa kanilang
dalawa sa dining. Gutom na ko!

Pagdating ko pinaglalagay na ni Lola ng pagkain sa plato si Pukyot. “Oh apo


maglagay ka na ng sayo.”

Sino bang apo mo dito Lola? 

“Ay ang ganda mo naman na bata, madami sigurong nanliligaw sayo ano?” Tanong ni
Lola kay Honey nung kumakain na kami.

“Hihi, wala nga po eh.” Hagikhik niyang sagot sa Lola ko. Yan na nga sinasabi ko
eh.

“Oh? Ibig sabihin ang apo ko lang ang nagging manliligaw mo?” Tanong ulit ni Lola.

“Siya kaya nanligaw sakin! Sabi naman sayo Lola ginayuma ako niyan eh.” Singit ko
sa kwentuhan nila. Badtrip eh, sila lang nag-uusap eh.
“Oy hindi kita ginayuma ‘no!” Nakamaktol na sagot na sagot ni Pukyot sakin.
Binelatan ko lang siya. Mwahahaha!

“Pero ikaw nga bang nanligaw honeybunny?”

Tinignan ko lang yung reaksyon niya, yumuko pagtapos tumango.

“Ayiiiiii! Apir tayo honeybunny, alam mo ako din ang nanligaw sa Lolo ni Cyril.
Hihi, naglalagay pa nga ako ng hagdan sa tapat ng bintana niya kahit ayaw niya.
Hihi. Pero ayun nahulog din siya sa patibong ko.” Pagkwekwento ni Lola sa lovestory
nila ni Lolo. Sabi nga nila kaugali ko daw ang Lolo ko,  masungit din kasi siya
dati kay Lola at siya talaga ang niligawan.

“Po? Talaga po?! Hihi. Parehas po pala tayo Lola.” Nakipag-apir pa siya sa Lola ko.
Magkaparehas na magkaparehas nga talaga sila, kaya siguro nagustuhan ko din ‘tong
babae na ‘to. Naalala ko kasi talaga ang Lola ko sa kanya, pag kulubot ng balat
niyan Lolang Lola ko na talaga.

 “Oh siya kain na kayo ng kain, mamaya Cyril apo dalahin mo si Honeybunny sa may
falls dun. May mga damit naman dito mga pinsan mo.” Suggest ni Lola. Hmm,  good
idea. Mwahahahahaha!

***

“Huwaaaaw! Ang ganda ganda naman dito.” Sabi ni Pukyot habang nakapikit at nakataas
ang dalawang kamay.
Gaya ng utos ng maganda kong Lola dinala ko siya dito sa falls malapit sa bahay ng
Lola ko, 30 minutes lang naman ang byinahe namin.

“Madalas kami dito ng mga pinsan ko tuwing summer, gusto mo maligo dyan?” Tanong ko
sa kanya sabay ngiti, ngiting mapagkunwari. Mwahahaha!

Todo iling naman siya. “Ayoko di ako marunong lumangoy saka baka mamaya malalim
dyan eh.”

“Mababaw laang dito basta wag lang dun sa kabilang parte.” Sabi ko sabay inat at...

...tulak sa kanya. Haha!

“Ahhhh-“

*splash*

“H-halp!” Sigaw ni Pukyot habang nagwawala sa tubig. Alam ko naman na hindi siya
marunong lumangoy kaya hinubad ko din kaagad yung pantaas ko at tumalon sa tubig.
Inalalayan ko kaagad siya para makaangat at agad naman siyang kumapit sakin.

*cough cough*
“Tss, pasimpleng umuubo. Chumachansing ka lang porke alam mong kita yung abs ko
ngayon eh.” Ngiting ngiti na tukso ko habang nakayakap siya sa leeg ko.

Tinignan niya ako ng masama na parang iiyak na habang umuubo pa din.

“Uy kunwari galit galitan! Mwahahaha, di mo ko  mauuto niyan.” Asar ko pa ulit sa
kanya.

“Nakakainis ka! Bakit mo ‘ko tinulak? Sabi ko hindi ako marunong lumangoy eh.”
Paiyak na talaga siya. Tss napakaiyakin naman nito.

Niyakap ko na lang siya sa bewang niya habang nagpapalutang lutang pa din kami sa
tubig. “Tanga ka talaga, para naming papabayaan kitang malunod dyan. Eh di namatay
ka, ayokong mamatay ka baka multuhin mo pa ko.”

“Ahhhhhh! S-sorry. Sorry.” Bigla siyang nag-iiyak na parang tanga sa leeg ko.

Hinimas ko yung likod niya para patahanin siya. Sinabi ko naman siyang ayokong
iiyak siya kasi lalo siyang pumapanget eh. “Shhh. Tahimik ka na, sorry para saan?
Tange ka talaga.”

Hindi niya sinagot yung tanong ko pero paulit ulit lang siyang nag-sorry.

Lately ang weird nitong babae na ‘to.


*Sophia’s POV*

“Close your eyes, no peeking!” Sita ko kay Dylan nung papasok na kami ng kwarto.
Madaya kasi sumisilip.

“Naiinip na ’ko eh.” Reklamo niya pagpasok namin sa kwarto habang nakapikit pa din
siya.

“Wait lang ibababa ko lang ‘to si Aian sa crib niya. Walang sisilip ha?”
Pagreremind ko sa kanya kasi nakatakip pa ng sheet yung gift ko sa kanya.

Ibinaba ko muna sandali si Aian sa crib niya bago ko tanggalin yung cover sa gift
ko at tinabiha ko na siya. “Okay sige pwede na, open your eyes.”

“WOW!” Reaksyon na pagkakita niya sa gift ko tapos nilapitan niya yun.

“Nagustuhan mo ba?” Alangan kong tanong. Sa totoo lang kasi hindi ko naman sigurado
kung magugustuhan niya nga.

“Ano ka ba baby ko, ang ganda ng gift na ‘to saan mo na kuha ‘tong picture naming
ni Aian ha?” Nakkangiti niyang sagot habang hinahawakan at chinecheck out yung
frame. Yung regalo ko kasi isang stolen snapshot niya habang karga si Aian. Sobrang
natuwa kasi ako kaya pinaframe ko ng malaki at dinisplay ko din sa kwarto namin,
katabi ng picture naming dalawa.

“Sa phone ko, pinaayos ko yung resolution para mas luminaw. Nakakatuwa kasi ang
cute niyo dyan, saka wala din ako maisip na babagay na iregalo sayo. Sure naman na
lahat ng gamit para sa grinaduate mong course meron ka na. Lahat naman ng maisip ko
kung hindi sobrang mahal, meron ka naman na. Kaya ayan na lang nakayanan ko.”
Honest na sagot ko. Wala naman akong ganun kadaming pera para maibili siya ng
sobrang mahal na regalo.

“Halika nga dito.” Tinawag niya ako sa tabi niya kaya lumapit din ako. “Alam mo,
sinabi ko na sayo di ba? Na ikaw pa lang regalo na para sakin, may baby pa tayo,
pumayag ka pang magpakasal sakin. Sobra sobra na yun, pero thank you dito baby ko.
Ang gwapo ko dyan kaya mo kami pinicturan ‘no?”

“Inuuto mo na ko pati sarili mo inuuto mo pa.” Biro ko sa kanya.

“Sus totoo naman eh. Thank you.” Tapos hinalikan niya ako sa lips. “Thank you kiss
yan.”

Hinalikan ko din siya bilang ganti. “Ayan naman ang welcome kiss mo!”

Nag-pout naman ang loko. “Walang super welcome kiss, uhm pati I love you kiss? I
love you very much na kiss?”

“Sobra yan.” Kunwari reklamo ko pero syempre ginawa ko din. “Hmmmmwa.”


Ngumuso pa siya lalo.”Eh wala bang ano?”

Napakunot ako, ano na naman bang sinasabi nito? “Huh?”

Tinaas taas niya pa yung kilay niya. Oh bwiset alam ko na naman plinaplano nito. 

“Eh, manahimik ka nga muna.” Natatawa kong sagot sa kanya, para kasing bata.

“Eh! Dali naaaaa, dali naaaa.”  Sabi niya tapos pinipilit niyang ilapit yung mukha
niya sa mukha ko.

“Ang harot mo Dy.” Hinaharang ko naman yung kamay ko sa mukha niya.

“Hmp. Wag na nga.” Sabi niya na parang nagtatampo pa at tinalikuran ako.

Napatawa naman ako ng mahina, kahit kelan talaga parang bata ‘to. May anak na kami
pero minsan parang bata pa din siya umasta. Pero kahit ganyan  siya hindi o din
naman siya matiis.

Pumunta ko sa harap niya at tinawanan ko siya.

“Tinatawanan mo pa ko ang tagal ko ngang abstinence, simula pa nung-“


I cut him off at hinalikan ko siya ng manahimik siya. I felt his smirk against my
own lips. He deepened the kiss not planning to break it off. I stroked my fingers
against his hair while he tightened his grip on my waist.

Binuhat niya ako ng kaunti para itapak yung paa ko sa paa niya, eh di siya na
matangkad.

Then his tounge explored my lower lip asking for entrance, I was about to open my
mouth when....

“Uwaaaaaaah.”

“Ah! Baby naman eh.” Maktol ni Dylan sa iyak ni Aian habang nmakatingin sakin na
parang nagpapaawa.

Tinawanan ko lang siya. “Not your lucky day today baby. Maybe next time.”

 -

Xiexie! Mouhahahaha. :D Sorry pala for super delayed na updates kasi nagkasakit ako
for almost 5 days. Natuyo utak ko sa gamot. Lol
Mooooooon  ♥

=================

Chapter Forty Nine

Carlo po sa multimedia. Di siya mukhang ganster dyan haha. 

Perfect Mistake Chapter 49

*Author’s POV*

Hindi pa nakakapasok ng race arena si Cyril rinig na rinig na niya mula sa loob ang
sigawan ng mga tao, pinublicize pa pala ang laro nila. Kahit na medyo bothered siya
at madaming iniisip ay excited pa din siya sa laban, matagal tagal na din kasi
siyang hindi nakakapagrace. Pagkapasok niya sa parang waiting area nila bago
magrace ay hininto na niya ang sinasakyan niya, agad naman siyang sinalubong ng mga
kagrupo.

“Tol ang tagal mo ah.” Bati kaagad sa kanya ni Brix na mukhang kagaya niya ay
problemado din.

Babaero ka kasi. Nasabi ni Cyril sa isip niya. Hindi man lang inalala na babaero
din siya.

Nilingon niya yung mga kasama, may kulang.

“Nasan na si Dylan?” Paghahanap niya sa kaibigan. Sinabihan na kasi niya si Dylan


tungkol sa laban nila pero hindi sila sinipot ngayon.

“Alam mo naman yun, baka hindi makatakas sa asawa at anak niya.” Seryoso lang na
sagot ni Nate sa tanong ni Cyril. Napansin niyang lahat ng kasama niya may toyo
ngayon. Maski si Nate na bano kung sumagot ay nagiging matino.

“Wala pa ba yung mga asungot?” Tanong niya ulit. Naiinip na siya, gusto na niyang
simulan yung laban pero yung mga humamon sa kanila ay wala pa.

“Alam mo naman yung hoodlum na yun, ang hilig magpaVIP.” Biglang sulpot si Carlo sa
harapan nila.

“Woah why are you here?” Nakasimangot na tanong ni Enzo kay Carlo, sa kanilang
lahat siya ang pinaka may topak.

“Syempre pupusta ako sa inyo, alam ko namang yayaman ako dito.” Nakangiting sagot
ni Carlo, siya lang ang good mood sa kanilang lima. Malaki kasi ang ipinusta niya
na grupo nila Cyril ang mananalo at sigurado siya doon.

Tinapik ni Brix yung balikat ni Carlo. “Yung mga alaga mo nandyan na ba?”

Tumango si Carlo bago uminom ng rootbeer na hawak niya at nagsalita. “Nandyan lang
yan sa mga tabi-tabi, pinakalat ko sila para madaling makaresbak.”

Napangiti si Brix at Cyril, nakarkula na nila ang mangyayari sa laban pati ang
mangyayari pagtapos nito. Sana lang umayon ang lahat sa plano nila.
“Ayan na pala ang mga asungot.” Nakangising sabi ni Carlo sabay turo sa kabilang
direksyon kung nasaan silang lahat.

Dumating na ang grupo ni DK, pitongng kotse ang sinakayan nila. Ganoon sila kadami
tuwing may laban, parang mga takot na maisahan sila sa dami ng alalay na bitbit.

Duwag. Pare-parehas na sabi nila Nate sa isipan nila.

Isang malaking duwag si DK sa paningin nila dahil kahit kelan laging pailim siya
kung tumira sa kanila. Masyado niya kasing sineseryoso ang bawat pagkatalo sa laban
nila pero hindi naman nadadala, paulit-ulit pa ding naghahamon.    

“Simulan na yan.” Confident na sabi ni Cyril habang nakangisi sa mga kalaban.


Pagkasabi niya noon ay isa-isa silang pumunta sa gitna habang papaliapit din sila
DK at ang mga alalay nito.

“Buti naman tinanggap niyo na ang hamon ko.” Mayabang na sabi ni DK nung
magkakaharap na sila.

“Puro ka satsat mukhang hindi ka naman nagtoothbrush, umaalingasaw ka dito.”


Pambwibwiset ni Cyril sa kalaban nila pero di gaya ng dati, hindi nnapikon si DK.
Ngumiti lang siya, ngiting parang may binabalak.

“Mukhang kulang kayo ha? Nasan ang mayabang na yun?” Palinga-linga pa si DK habang
nagtatanong. Hinahanap niya kasi ang leader ng grupong gustong gusto niya
makalaban.
“Bakit hinahanap mo pa yung wala eh nandito kami? Eh di mas lalo kang nalampaso
kung nandito si Dylan.” Nakangising sagot ni Nate. Napipikon na kasi siya sa
kakadakdak ni DK.

“Simulan na lang ‘to ng matapos na.” Seryosong seryoso na sabi ni Brix. Tumango
lang si DK bilang sign na handa na din siya kaya sumakay na sila sa kani-kanilang
kotse.

4 versus 4 ang laban. Si Cyril, Nate, Brix at Enzo laban kay DK at sa tatlong
alalay nito na nameless para sa kanila. Basta alam nila alalay lang yun ni DK.

Tumayo sa pagitan ng magkabilang grupo si Carlo para mag-initiate ng pagsisimula ng


laban. Kinumpas niya ang hawak na flag at isa-isa ng humarurot ang mga sasakyan.

Nanguna ang sasakyan ni Enzo pero agad din siyang nahabol ng isa sa mga kasama ni
DK. Pero hindi nagpatalo si Enzo at mas binilisan niya pa ang pagdridrive. Hanggang
sa siya na naman ang nasa unahan.

Lihim na napapatawa si Carlo sa sarili niya ng makita na pang-apat lang si DK sa


laban. Ang lakas ng loob maghamon samantalang mas nauuna pa ang alalay niya sa
kanya.

Nakalagpas na sila sa unang lap at nakakahabol na ang sasakyan ni Nate kay Enzo at
sa alalay ni DK, pantay na silang tatlo ngayon.

Mas minadali ni Cyril ang pagmamaneho at pantay na sila ni DK ngayon sa second lap.
Nauuna pa din sa kanila yung tatlo. Pa easy-easy pa lang naman si Cyril,balak
niyang sa 3rd lap na humabol tutal 4 na laps naman ang tatakbuhin nila.

Nakalampas na sa 2nd lap at nangunguna na ngayon si DK, feeling proud na kaagad


siya sa sarili niya dahil naungusan na niya ang mga kalaban pero hindi pa siya
ganap na nakakapagyabang sa sarili niya ay natanaw na niya ang sasakyan ni Brix sa
likod niya. Nagulat siya ng kaunti dahil ang alam niya nasa huli ito, hindi niya
alam na ganito siya kabilas mahahabol ng kulelat sa race kanina. Nagngingit ngit na
sa inis si DK dahil hindi siya makalamang lamang sa mga kalaban niya. Kakaiba
talaga ang strategies na gamit nila Brix sa pakikipagrace, sinsisira nila ang
concentration ng kalaban. At yun na nga mismo ang nangyari kay DK, habang abala
siya sa pagkainis dahil sa pagkakahabol ni Brix sa kanila hindi niya napansin na
pasimple siyang pinapantayan ni Cyril. Late na ng mapansin yun ni DK. Nginisian pa
siya ni Cyril nang magkatapat yung sasakyan nila bago pinaharurot  yung sasakyan
nito. Mukhang mapapakain na naman siya ng alikabok ng mga kalaban niya, lalo tuloy
siyang nainis.

Hanggang sa makalampas sa 3rd lap ay nangunguna pa din si Cyril. Sinusundan naman


siya ni Enzo at pangatlo na lang si DK sa laban. Ni hindi siya makalapit man lang
dun sa dalawa dahil sa bilis ng patakbo nila, isa pa tuwing susubukan niyang
bilisan ng patakbo ay nahaharang o sadyang hinaharangan ni Brix ang sasakyan niya
para hindi siya makaungos.

Matibay na strategy. Yun ang weapon ng Fast Five sa pakikipaglaban. Wala silang
pakialam kung sino sa grupo nila ang mauuna, lahat kasi sila ay may parte sa laban.
Walang inggitan, cooperation lang. At dahil sa strategy na ‘to madalas silang
nanalo.

Napahampas sa manibela at napamura si DK nung makalampas na si Cyril sa 4th lap.


Ibig sabihin lang nito nanalo na sila at siya talo na naman. Talagang hindi siy
nadadala sa mga laban nila. Tinapos niya pa din ang race kahit na inis na inis na
siya at ng makarating siya sa line bumaba siya ng kotse at nilapitan sila Cyril.

“Kahit kalian talaga hindi ako manalo sa inyo.” Nakangisi niyang sabi. Hindi niya
pinapabakas sa mukha niya na inis siya dahil talo na naman siya.
“Buti alam mo, hindi ka pa ba nadadala?” Nang-iinis na sabi ni Brix sa kanya.

“Tss. Hahahaha. Masyado mo akong pinapatawa Brix Montez.” Natatawa pang sabi ni DK.

Nagtataka naman yung lima, inisip pa nga nilang baka nasisiraan na talaga ng tuktok
si DK dahil sa pagkatalo.

“Talo man ako sa race na ‘to hindi naman ako kasing tatanga niyo, malay natin sa
ibang laban manalo ako.” Pagkasabing pagkasabi niya nun isa-isang sumugod yung mga
alalay ni DK sa kanilang lima.

Hindi naman sila nagulat dahil expected na nila yun pagkatapos ng laban. Nadinig
nila yung sigawan ng mga taong nanonood. Akala nila dahil lang yun sa nagsisimulang
awayan sa loob ng race arena pero hindi nila inasahan yung nakita nilang lima.
Kahit sa mismong audience view area may naagbubugbugan na. Nabubugbog na ang mga
kasamahan ni Carlo para sa plinano nilang resbak. Mukhang napaghandaan ni DK ang
plano nila, mukhang ngayon sila na ang dehado. Mas madami kasi ang alalay ni DK
ngayon kesa sa inasahan nila at kung sa dami din lang talagang luging lugi sila.
Hindi din nila kaagad napansin yung mga alalay ni Dk dahil gaya ng mga kasamahan ni
Carlo na nakihalo sa mga nanoood ng race. Isa yun sa dahilan kung bakit pinublicize
nila ang laban, pero hindi nila akalain na yun din ang magiging dahilan para
madehado sila.

“Mac, kailangan ko ng west group at south group dito! Dalian niyo dehado kami.”
Rinig na rinig ni Enzo na tumawag pa ng back-up si Carlo sa cellphone nito habang
umiiwas sa suntok ng kalaban niya.

Lahat sila inaatake na, kaya lumaban na sila. Hindi man sila sanay sa mga ganung
klaseng laban marunong naman sila makipagsapakan pag kailangan na.

Maswerte na lang na malapit lang sa race arena ang hideout ng grupo nila Carlo kaya
saglit lang ay dumating na din ang iba pa nilang kasama. Sakay ng mga motor sumugod
agad ang west at south group sa mga kalaban para tulungan sila Cyril. Sa dami nung
bagong dating pinaatras na din ni DK yung mga alaga niya.
“Tangn* duwag pala kayo eh! Wala kang ibang alam kung hindi mandaya!” Galit na
galit na sabi ni Cyril kay DK, nagalusan kasi ang pogi niyang mukha.

Ngisi lang ang sinagot ni DK sa kanila.

“Lumayas ka na dito hanggang kaya mo pa hayup ka!” Galit na din na sabi ni Carlo.
Madami kasing nasaktan sa mga kasamahan niya, hindi niya maintindihan kung paanong
natunugan ni DK ang balak nila. Pero agad ding nasagot yung tanong na yun sa utak
niya nung nagsalita ulit si DK.

“Masyado kasi kayong tanga para magpapasok ng ahas sa grupo niyo.” Huling sabi ni
DK bago sila talikuran at tuluyan ng umalis.

Nagsialisan na din ang ibang taong nanonood at naiwan na lang silang lima at mga
kasamahan ni Carlo sa underground gang.

“Anong sinabi nun?” Si Carlo na ang unang nagtanong.

“Ahas? Who could that be?” Tanong din ni Enzo na kanina pa hindi mapakali kakaisip.

“Ewan ko pero kung sino man yung ahas na sinasabi niya, aalamin ko.” Seryosong sabi
ni Cyril.
*Cyril’s POV*

Nauwi lang kami dito sa unit ko para magpahinga at mag-usap usap na din.

“Sino sa tingin niyo yung sinasabi nung hunghang na yun?” Tanong ni Brix habang
pabalik balik ng lakad.

“Pwede ba dude maupo ka nga muna, nahihilo na ako sayo eh!” Reklamo ni Nate kay
Brix. Kahit ako man din nahihilo na, para lang siyang naCCR na ewan kakalakad niya.

“Naiinis kasi ako sa DK na yun!” Padabog na umupo pa ‘tong si Brix bago uminom.

“Masado kasi kayong hot, chill lang kayo baka sakaling maisip natin kung anong
sinasabi nung sira ulo na yun.” Suggestion ni Nate. Minsan talaga sa mga ganitong
pagkakataon nakakausap din pala siya ng seryoso.

“Do you guys have a hint? Kung sino ang tinutukoy niya? I mean, he or she must be
someone new to us. We’ve never been betrayed before.” Sabi ni Enzo saming tatlo.

Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga parang ngayon pa lang ‘to nangyayari samin. At
nung sinabi niyang “nagpapasok” ano bang ibig sabihin niya dun?

“Imposibleng si Carlo naman yun parang tanga lang siya kung siya yun, ipapahamak ba
naman niya ang sarili niyang grupo?” Natatawa kong sabi sa naisip ko. Imposible
talagang si Carlo dahil siya pa nga ang nagbibigay samin ng information kila DK.

“At matagal na nating kakilala si Carlo, at isa pa alam naman natin na malaki din
ang galit nun kay DK kaya para mo nang sinabing pumuti ang uwak kung
makikipagkampihan siya kay DK.” Pagtatanggol ni Brix kay Carlo. Matagal na kasi
silang magkaibigan, siya ang nagpakilala samin kila Carlo.

“I agree with that. It wasn’t him.” Sang-ayon ni Enzo. Kahit naman ako sang-ayon na
hindi si Carlo yun. Imposible talaga.

“Baka naman ‘tol ginugulo lang niya tayo, malay niyo pina-spy kayo. O
pinasusundan.” Sabi ni Nate habang nakatingin samin ni Enzo na parang nag-aabang pa
samin ng sagot. Kasi kami ang nagplano nito eh.

“Aba malay ko, sanay talaga akong may mga bumubuntot saking mga babae ‘no!”
Confident kong sabi sa kanila.

“Magseryoso ka nga muna.” Napapakamot pa si Brix ng ulo.

“Nate has a point. Nasaan kayo nung pinag-usapan niyo yan? Sinong kasama niyo?”
Tanong ni Enzo.

Nagkatinginan kami kaagad ni Brix pagkarinig namin nung sinabi ni Enzo.

“Si Honey kasama namin pero nasa CR siya nun, si Cathy lang ang nakarinig samin.”
Nakakunot kong sabi sa kanila. Siya nga kaya?
“Ano naman ang pinapalabas mo dun dude?” Pagreact kaagad ni Brix sa sinabi ko.

“Who is Cathy?” Biglang tanong ni Enzo samin.

“Hindi ba yun yung kaibigan mo Brix?” Tanong naman ni Nate. Hindi ko na napigilang
hindi makisali ulit sa kanila.

“Sigurado ka bang kaibigan mo nga yun Brix?” Seryoso kong tanong.

“Kanina ka pa Cyril ah, ano bang gusto mong palabasin? Na si Cathy yung ahas na
sinasabi nung DK na yun?” Mainit na ulo ni Brix sakin pero wala akong balak bawiin
yung sinabi ko.

“Bakit tol? Di ba siya lang naman nakarinig satin nung pinag-usapan natin yun?
Nandun tayo mismo sa bahay niya. Hindi pa ba ebidensya yun?” Sabi ko sa kanya.
Masyado niyang pinagtatanggol yung Cathy na yun eh hindi pa naman niya ganun
kakilala.

“Hindi pa naman sigurado di ba? Nagcoconclude ka kaagad.” Pagtatanggol na naman


niya dun sa babae na yun. Tss.

“Hindi din naman tayo sigurado na hindi nga sya yun.” Dagdag ni Nate.
Bigla namang napatayo si Brix sa harapan naming ni Nate. “Bakit ba si Cathy ang
pinag-iinitan niyo ha? Wala namang ginagawa sa inyo yung tao!”

“Sigurado ka bang wala?” Nakangisi ko pang sagot sa kanya.

Lumapit sakin si Brix at kwinelyuhan ako. “Gago ka ba?” Hindi naman ako nasindak sa
ginawa niya, alam ko namang hindi niya kayang ituloy.

“Dude, come one. Let’s go. Mainit na ulo niyong lahat eh.” Pang-aawat ni Enzo kay
Brix.

Binitawan niya din yung kwelyo ng damit ko at lumayas na din kaagad ng hindi man
lang nagpapaalam.

“I’ll call you guys later.” Huling sabi ni Enzo bago sundan si Brix.

“Sa tingin mo si Cathy talaga yung ahas na sinasabi ni DK?” Tanong ni Nate nung
nakaalis na yung dalawa.

Ayoko na sanang sumagot dahil nabadtrip na din ako, wala na din ako sa huwisyo kaso
hindi naman ako tatantanan ng isang ‘to.

“Sino pa ba? Siya lang naman ang bago nating kakilala.” Sagot k okay Nate habang
binagsak ko ulo ko sa sandalan ng sofa. Kahit pa sanay ako magrace nakakapagod
‘tong araw na ‘to.
“Paano dude kung mali tayo? Paano kung hindi naman pala talaga siya?” Tanong na
naman ni Nate.

“Aalamin ko kung sino siya, at pagsisihan niyang ginago at trinaydor niya tayo.”

*Brix’s POV*

“ding dong*

“Coming.”  Sigaw noya galing sa loob kaya naman naghintay muna ako sandali sa labas
hanggang sa buksan niya yung pinto.

“Brix? What brought you here?” Nakangiti niyang tanong pagkakita niya sakin.

“Pwede ba akong pumasok sa loob?” Tanong ko sa kanya. Tumango lang naman siya at
binuksan yung pinto ng mas malawak para makapasok ako. Tumuloy lang ako sa sala
niya at naupo.

“Do you want anything? Coffee, juice or hot choco?” Offer niya sakin.
Napayuko ako bago sumagot. “Coffee na lang.” Hindi ko din alam kung bakit ako
nandito, kung bakit dito ko naisipan pumunta pagtapos nung usapan namin nila Cyril.
Siguro dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na walang ginagawang masama si
Cathy. Kahit na bago ko pa lang siyang kakilala, nararamdaman ko naman na hindi
siya ganung klase ng tao. Na hindi naman niya kayang gawin yung kung ano mang
iniisip nila Cyril tungkol sa kanya.

“Brix, come over here sa kitchen. I made some fudge brownies last night and I
wanted you to try it.” Sigaw ni Cathy mula sa kitchen niya kaya sumunod ako sa
kanya dun.

Pagkapasok ko sa kitchen niya nakaset na sa kitche counter yung coffee at fudge


brownies na sinasabi niya sakin.

“Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagbake ng ganyan kadami e ako lang
naman mag-isa, buti pumunta ka. Naisip ko nga din bigyan natin yung friends mo eh.
Pati yung cute girl na kasama natin last time. What’s her name again?” Tuloy tuloy
na kwento ni Cathy sakin sabay tanong.

“Honey.” Maigsi kong sagot sa kanya. Pinagmamasdan ko yung mga kilos niya, wala
namang kakaiba. Hindi ko talaga maintindihan sa sarili ko kung bakit siya ang
pinag-iinitan nila Cyril. Siya lang ba ang bagong kakilala namin? Pero may punto
din sila dahil dito kami nag-usap sa bahay niya, sadyang ayoko lang maniwala dahil
hindi naman kapani-paniwala.

“Earth to Brix. Lumilipad yata ang utak mo.” Biglang naagaw ni Cathy yung atensyon
ko nung nagsalita siya at pumitik sa harapan ko.

Masyado na palang malalim ang iniisip ko, hindi ko narinig yung mga sinasabi niya.
“Ah sorry may naalala lang ako.”
“Is it her again?” Mahina niyang tanong sakin.

Umiling naman kaagad ako. “Hindi siya, ibang bagay. Ano nga ulit yung sinasabi mo?”

Nag-smile siya ng konti bago magsalita ulit. “I was saying na-“

Napahinto naman siya sa sinasabi niya nung may nagring na phone, sa kanya. Agad
niyang tinignan yung caller ID at parang nagulat pa siya sa kung sino yun.

“A-ah I just have to take this call. Excuse me.” Sabi niya bago dali-daling umalis
sa kitchen at pumunta sa may sala.

Hindi ko na lang muna siya pinansin at ininom ko yung coffee na ginawa niya.
Tinikman ko din yung fudge brownies, masarap. Masarap talaga magluto si Cathy,
naalala ko talaga ang Mom ko sa mga gawa niya.

Naubos ko na yung prinepare niya sakin pero hindi pa din siya bumabalik, bakit ang
tagal niya? Naghintay pa ako sandali pero hindi pa din siya bumabalik. Tinignan ko
yung relo ko, halos 15 minutes na siya dun. Hindi ko naman nature makialam ng phone
calls pero nainip ako at isa pa nacurious ako sa reaksyon niya nung nakita niya
yung tumatawag sa caller ID. Ayoko man maghinala dahil alam ko naman na hindi niya
gagawin yun pero gusto ko lang patunayan. Kahit hindi na sa kanila basta sa sarili
ko lang. May tiwala ako kay Cathy na hindi niya gagawin yun.

Tumayo ako at dumeretso na sa sala. Napahinto lang ako nung narinig kong mahinang
nagsalita si Cathy habang nakatalikod sa pwesto ko ngayon.
“How many times have I told you? Aalis na din ako dito soon.” Pabulong niyang sabi
sa kung sino mang kausap niya sa kabilang linya.

Hindi ko siya inistorbo, hindi ako nagsalita. Nakinig lang ako sa mga sinasabi
niya.

“Yes I know. Malapit ko naman na magawa yung plan ko, just give me a few more days
or weeks and I’ll get this mission done.”

Mission? Anong klaseng mission yung sinasabi niya? At anong plano ang sinasabi
niya?

“Yes. No don’t worry I’m doing fine. Ibababa ko na, masyado na tayong matagal nag-
usap. I’ll call you again tomorrow.” Sabi niya bago putulin yung linya at ilagay
ulit sa bulsa ng dress niya yung cellphone niya.

“B-Brix? Kanina ka pa ba dyan?” Gulat na gulat niyang tanong nung humarap siya
sakin. Bakit parang nagulat siya at ninenerbyos?

“Hindi naman.” Maikli kong sabi habang seryoso lang na nakatingin sa kanya.

“A-ah...”

“Aalis ka na pala soon hindi mo sinasabi.” Sabi ko sa kanya habang seryoso pa din
na nakatingin sa kanya. Gusto ko munang isipin niya na yun ng dahilan kung bakit
ganito ang reaksyon ko.
“I’m sorry... I just... can you stay over for dinner? I wanna ask you something.”
Tanong niya sakin habang nilalaro yung mga daliri niya.

Tumango lang ako kaya ngumiti na din siya at bumalik sa kitchen. Sumunod lang ako
sa kanya at naupo ulit habang nagluluto siya.

Tinitigan ko si Cathy habang masayang nagluluto, mukha siyang anghel pero bakit
nagdududa na ako sa mga pinapakita niya.

Cathy, ano bang misyon mo? Ano ba talagang plano mo?

*Sophia’s POV*

“Di ba mas maganda ‘tong design na ‘to Dy?” Tanong ko sa kanya sabay turo nung
parang kulay old rose design ng invitation na simple lang ang prints pero maganda
sa mata.

“Okay lang naman, babagay naman sa motif yung design.” Pag sang-ayon niya sa
suggestion ko kaya hinarap ko na yung coordinator.

“Itong design na ‘to ang gusto naman para sa invitations.” Sabi ko sa kanya habang
tinuturo yung design na nagustuhan naming ni Dylan.

Tumango naman siya at nagsulat sa napakalaki niyang planner bago niya isara yun at
humarap samin.

“So settled na po tayo sa designs ng invitations, ng mga susuotin niyo at sa place.


Yung food tasting na lang po ang kailangan natin puntahan this week.” Nakangiting
sabi ni Leslie, yung coordinator namin.

  

“Saan ba yung food tasting?” Tanong ni Dylan.

Kumuha naman ng maliit na card sa pouch bag niya at iniabot kay Dylan. “Nandyan po
ang phone number at address nung food service na pupuntahan natin.”

“Thank you.” Sabay naming sabi sa kanya pagkatapos hinatid na din naman siya sa
labas para makauwi na din siya.

Pagkasara ko ng pinto niyakap naman ako ni Dylan mula sa likod.

“I’m excited.” He said in a sing sang tone. “I love you. I love you.”

Natawa naman tuloy ako. “Someone’s being sweet today. May kailangan ka ‘no?”
Bumitaw na din siya sa pagkakayakap sakin at nag-pout. Parang bata talaga. “Turuan
mo ako magluto.”

“Pffft. Ha?” Nagpipigil ako ng tawa nung tinanong ko siya.

“Sige na baby, gusto ko matuto magluto eh! Please.” Pagpapacute niya lalo. Hindi ko
tuloy matiis kahit na natatawa ako.

“Oh sige tara na.” Aya ko sa kanya habang tumatawa pa din.

Pagdating namin sa kitchen hinanda ko lang yung mga kailangan niya para sa lulutuin
niya.

“Ayan na, magluto ka ng ulam natin. Sinigang.” Sabi ko sa kanya nung nakalagay na
sa table lahat ng kailangan niya. Gusto ko siya lahat gumawa para matuto talaga
siya.

“Pano na ba ‘to?” Napakamot pa siya ng ulo habang tinitignan yung mga gulay sa
lamesa.

“Hiwain mo yan lahat.” Utos ko sa kanya.

“Ha? Eh pano ba ‘to?” Nakasimangot niyang tanong. Gustong matuto ayaw naman
subukan.
“Sige hiwain mo lang, basta saktong sukat lang. Wag sobrang laki o sobrang liit.”
Pag iinstruct ko sa kanya.

Ginawa naman niya yung sinasabi ko, sa tuwing nga lang na medyo magkakamali siya
tinutulungan ko na siya. Mahirap na baka madisaster yung lunch namin. Busy pa naman
sa paglalaba at paglilinis ng bahay yung dalawa naming kasama.

*ting*

“Aww ang init!” Napabitaw siya sa hawak niyang sandok.

“Tsk. Di nag-ingat. Akin na, napaso ka?” Hinawakan ko yung kamay niyang namumula.
Iwan daw ba sa tabi mismo ng stove yung sandok malamang iinit din yun. Tsk.

Dinampot naman niya yung nalaglag na sandok at nilagay sa sink, kumuha na din siya
ng bago.

“Mahapdi lang naman ng konti, mawawala na ‘to mamaya.” Sagot niya tapos tinuloy
niya yung pagluluto niya.

Medyo naawa naman ako, medyo lang kasi medyo shunga din siya eh. Pero hindi naman
talaga siya sanay sa kusina kaya naintindihan ko din.

“Ako na yan.” Inagaw ko sa kanay yung sandok para ako na magtapos ng niluluto niya.
“Maghain ka na lang Dy matatapos na din naman na ‘to eh.”  Utos ko siya kaya
nagsimula na siyang gawin yun

*ding dong*

“Ate Doris pabukas po ng pinto.” Tawag ko kay Ate Doris pero mukhang hindi niya ako
naririnig at busy pa din siya sa pablalaba.

*ding dong*

Hindi ko na ulit inistorbo si Ate Doris.

“Dy, tignan ko lang kung sino nag doorbell. Tapusing mo ‘tong hinahain ko ah.” Sabi
ko pagkapatay ko n stove. Tumango naman siya kaya nagtuloy ako sa front door. Sino
kayang bumisita samin?

Nakaisang tunog pa ulit yung doorbell bago ko buksan.

Bumungad sakin ang isang babaeng maganda at mukhang model na may kasamang isang
bata.

“Ah... “ Hindi ako nakapagsalita dahil siguro hindi ako makahagilap ng dapat kong
sabihin. Expected ko kasi kakilala namin yung kakatok sa pinto.
“Nandyan ba si Dylan?” Nakangiti niyang tanong sakin.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa tanong niya.

“Ah yes nanito siya, anong kailangan mo sa kanya?” Tanong ko ulit dun sa babae.

“I’m Alisha Fernandez, Dylan’s former girlfriend.” 

--

Endnote: 

Pasensorry na naman, malala ako nung ginawa ko yan. Pati super tagal dahil may
sakit na naman ako. Templo na yata ng sakit yung katawan ko kaya pasensorry sa mga
naghintay sa UD. Pinapalessen nila ako ng gamit sa PC, tablet at laptop. :'( Hindi
ako makababad masyado kaya super tagal talaga. Yun yun yun. Sana bet niyo pa din
ang update. Para sa dedics PM lang o post sa MB. Yung race part alam ko wa wents,
hahaha. 

=================

Chapter Fifty

Si Alisha po yung sa multimedia. Next time si Zion naman. Okeeeeh? :)


Chapter 50

*Sophia’s POV*

Hindi agad ako nakasagot. Masyado akong nabigla sa pagpapakilala niya. I mean, okay
lang naman kasi Ex girlfriend na siya. Ang concern ko lang ay bakit siya nandito?

“Nandyan ba siya sa loob?” Tanong ulit niya kaya nakuha niya yung atensyon ko.

Hindi ako nagsalita kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya kaya tumango
na lang ako at binuksan pa yung pinto para makapasok sila. Pumasok naman siya sa
loob habang buhat buhat niya yung bata na ang tingin ko ay 2 years old pa lang.

“Baby ang tagal mo naman dyan. Sino ba yu-“ Hindi na natapos ni Dylan yung
sasabihin niya at nafocus na lang yung tingin niya sa babaeng dumating sa bahay
naming.

“Isha? A-anong ginagawa mo dito?” Gulat na gulat na tanong ni Dylan dun sa babae.

“We came to see you.” Seryosong sabi ni Alisha kay Dylan.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko naninikip yung dibdib ko. Hindi naman dapat pero
yun ang nararamdaman ko. Masakit.

“Alisha, si Sophia pala.” Sabi ni Dylan tapos inextend niya yung kamay niya para
tawagin ako. Lumapit naman ako agad sa tabi niya. “Future wife ko.”

Ngumiti naman ng tipid sakin yung Alisha at binalik yung tingin niya kay Dylan.

“Can we talk?” Seryosong tanong niya.

“Umupo muna tayo.” Sagot ni Dylan sa kanya. Naupo kaming dalawa sa mahabang sofa
tapos si Alisha dun sa single seat lang habang nakaupo sa lap niya yung bata.

“Pwede sana yung tayong dalawa lang muna? Is it okay?” Tanong nung babae sabay
tingin sakin ng seryoso. Hindi ko mabasa yung emosyon niya.

Hinawakan naman ni Dylan yung kamay ko at tinignan ako na para bang sinasabi niya
na hayaan ko muna silang makapag-usap. Kahit medyo labag sa pakiramdam ko, ginawa
ko na lang dahil sa tiwala ko kay Dylan at pinanghahawakan ko yung kasala naming at
si Aian.

“Aakyat muna ako sa taas, titignan ko lang si Aian.” Sabi ko sabay tayo at deretso
na sa kwarto namin sa taas. Tulog pa din naman si Aian pero hindi pa muna ako
bumalik sa baba. Hinayaan ko muna silang mag-usap sa kung ano mang bagay ang dapat
nilang pag-usapan pero matindi ang kaba ko. Paulit-ulit ko mang itanggi sa isip ko
pero hindi mawala yung duda ko na baka tungkol dun sa bata yung pag-uusapan nila.

Madaming kung ano-anong bagay ang pumapasok sa utak ko at hindi ko na mapigilang


hindi mapaluha. Ang dami daming tanong sa utak ko na gustong kong masagot ngayon na
at alam kong si Dylan lang ang makakasagot nun. Unang una, ano ba sila noon ni
Alisha? Gusto kong malaman kung paano yung naging relasyon nila dati dahil kahit
kelan hindi pa siya nabanggit ni Dylan sakin. Pangalawa, bakit ba siya andito?
Bakit siya dumating bigla? Pangatlo, kung yung bata ba ay...

Napailing ako. Hindi. Hindi naman siguro. Masyado lang akong nag-iisip ng hindi ko
pa naman naririnig yung kumpirmasyon galing sa kanila.

Sinilip ko muna ulit sandali si Aian, mahimbing pa din ang tulog niya. Ang daddy
niya kasi ang nagpatulog sa kanya. Hindi talaga pwedeng hindi ako mapapangiti
tuwing tinitignan ko si Aian. Madami kasi akong napapatunayan sa pagsasama naming
ni Dylan tuwing nakikita ko siya. Inayos ko lang yung pagkahiga niya at hinalikan
siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto namin. Pababa na sana ako ng hagdan nung
natanaw ko mula sa taas yung hindi ko inexpect na makikita ko.

Nakatayo na sila parehas habang nakayakap ng mahigpit yung isang kamay ni Alisha
kay Dylan habang hawak yung bata sa kabila niyang kamay. Si Dylan naman nakayakap
dinsa kanya habang tinatapik tapik ng mahina yung likod ni Alisha. Hindi ko
napigilan na hindi masaktan o makaramdam ng selos. Simpleng yakap lang yun, isang
comforting hug. Pero bakit masakit? Bakit nakakaselos? Siguro dahil sa fact na mag-
ex sila at once alam kong minahal din siya ni Dylan.

Kesa itorture ko pa yung sarili ko sa nakikita ko bumalik na lang ako sa kwarto


namin at naupo sa kama. Pinilit kong wag umiyak dahil ayokong isipin ni Dylan na
wala akong tiwala sa kanya. Sa dami ng pinagdaanan namin napatunayan naman na niya
yung sarili niya sakin. Hindi ko lang talaga naiwasang hindi masaktan, mahal ko
siya eh.

Napalingon naman ako sa pinto nung tumunog yun, nakita kong pumapasok si Dylan
wearing his very serious face.

“Baby...” Pagsimula niya habang palapit siya sakin. Umupo sa siya sa kama katabi ng
pwesto ko at hinawakan yung kamay ko.
Pinilit kong maging casual lang yung tono ng boses ko nung nagsalita ako. “Anong
pinag-usapan niyo?”

“Baby galing silang Australia, at bumalik sila dito para makausap ako.” Maigsing
sagot ni Dylan sakin. Kulang. Kulang na kulang kumpara sa mga sagot na gusto kong
makuha sa kanya. Pero hinayaan ko lang siya, gusto ko siya mismo ang magsasabi
sakin ng lahat ng gusto kong malaman.

“Naging girlfriend ko si Alisha simula nung 1st year college hanggang 3rd. Mahigit
isang taon lang kami pero iniwan niya ako nun para sa ibang lalaki. Sumama siya sa
kanya sa Australia at dun na siya tumira. Pero buntis na siya nung umalis siya
dito.” Pagkwekwento niya. Habang nagsasalita si Dylan mas bumibilis yung tibok ng
puso ko. Mas kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung ano bang pwede niyang
sabihin, kung ano bang pwedeng malaman ko.

“Baby, may hihilingin sana ako sayo.” Tinignan niya ako sa mata habang pisil pisil
niya yung dalawa kong kamay.

“Si Zion...”

“A-anong meron sa kanya? Anong meron dun sa bata?” Tanong ko sa kanya. Sigurado
naman akong yung bata ang tinutukoy niyang Zion.

“Pwede bang dito na siya sa’tin tumira?”


*Cyril’s POV*

“Dude una na ko, may date pa kami ni Beb eh. Susunduin ko pa siya sa kanila.”
Pagpapaalam ni Nate sakin pagtapos namin uminom ng tig-isang bote lang naman ng
beer. Di pa nga niya inubos yung sa kanya dahil baka sapakin daw siya ng Daddy ng
beb niya. Sayang gusto ko pa naman siyang masapak.

Pagkatapos kasing lumayas nung gunggong na Enzo at mas gunggong na Brix inaya ko si
Nate uminon para magpalamig ng ulo.

“Sige lumayas ka na, pakilock na lang yung pinto bago ka lumabas baka may gumahasa
sakin dito.” Bilin ko sa kanya.

“Eh di nasiyahan ka pa pagnagahasa ka.” Tatawa tawang sagot ni Nate bago luamayas
ng condo ko. Natawa na lang ako sa sinabi niya tapos uminon mag-isa. Badtrip wala
naman kasing maaya uminom eh. Yung bespren kong si Dylan ayun nagpapakaasawa. Kaya
ako, hindi ako mag-aasaawa. Okay na sakin yung boyfriend girlfriend hanggang
tumanda. Ganun din naman eh.

*ding dong*

Tss. Tignan mo ‘tong Nathan na ‘to. Lalayas tas babalik. Parang tanga lang.

*ding dong* *ding dong*


Ay ang kulit ng lahi ampotek! “Sandali lang.” Sigaw ko habang naglalakad ako
palapit sa pinto. Napasapo na lang ako sa noo ko nung nakita ko yung nagdoorbell.

“Hi batman!” Nakangiti niyang sabi na parang nang-aasar. Yung tipong masarap
bigwasan, ganun. Pasalamat siya girlfriend ko siya.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya habang nakaharang ako sa pinto.

Tinulak naman niya ako at tuloy tuloy na pumasok sa loob. “Dinadalaw ka lang,
nalulungkot kasi ako sa bahay eh. May dala namang akong pagkain. Oh umiinom ka mag-
isa? Timing pala ytung dating ko eh!” Tuwang tuwa niyang sabi tapos nilagay niya sa
center table yung mga pagkain na dala niya.

Naupo lang ako sa sofa sa tabi niya at pinanood yung mga ginagawa niya. Nagulat ako
nung nagbukas siya ng isang bote ng beer at tuloy tuloy na ininom yun. Pagkatapos
naupo lang siya ng tahimik at seryoso yung mukha. Nakakagago lang kasi kanina
dumating siya dito ng ngiting ngiti tapos ngayon ganyan ang itsura niya. May
sintomas talaga ng pagka bipolar ‘to eh.

“Ba’t ganyan mukha mo? Para kang namatayan.” Sita ko sa kanya.

Nilingon naman niya ako ng seryoso at parang iiyak na. Badtrip naman oh! Ano na
naman bang ginawa ko dito at nag-kakaganito na naman ‘to? Di na nga ako nambababae
eh!

“Batman... kung sakali bang may magsabi sayo na masama akong tao maniniwala ka?”
Nabigla naman ako sa tinanong niya. Ano ba talagang topak nito at ganito siya
kaseryoso ngayon? Hindi ako nasanay.

Umiling ako. “Mas maniniwala pa ko kung may magsasabi sakin na takas ka sa mental.”

“Maniwala ka, kasi totoo yun.” Sabi niya sabay yuko.

Lalo naman akong naguluhan. Anong bang pinagsasabi nito? Hinawakan ko siya sa
magkabilang balikat saka tinanong.

“Umamin ka nga sakin pukyot, nag drudrugs ka ba?!” Nanlalaki kong mata na tanong sa
kanya.

Ngumiti naman siya ng tipid tapos inalis niya yung pagkakahawak ko sa balikaw niya.

“Birthday sana ngayon ni Momsy, pero wala na siya. Namatay siya dahil sakin.”
Malungkot niyang sinabi. Ngayon ko lang nakitang ganito kalungkot ‘tong babaeng
‘to.

“Alam mo ba batman, lumaki ako sa bahay ampunan. Kasi nga cannot be reached ang mga
magulang ko. Hindi ko sila kilala, iniwan nila ako sa bahay ampunan hanggang sa
doon na ‘ko lumaki. Noong 12 years old ako pinilit ko yung isang madreng nag-aalaga
sakin na sabihin kung anong pangalan ng Mama ko. Tumakas ako sa ampunan para
hanapin siya pero hindi ko siya nakita siguro ayaw na din magpakita sakin ng Mama
ko hanggang sa naging batang kalye na lang ako. Ilang linggo din ako nun na
nagpagala-gala. Dahil bata pa ko nun, tanga pa ko sa mga daanan at madali akong
maligaw...”
“Kahit naman ngayon tanga ka pa din sa daan, madali ka pa ding maligaw.” Bulong ko
sa kanya habang tinitignan ko lang siya. Nakayuko lang siya habang nagkwekwento.

“Hanggang sa nadampot na lang ako ng sindikato. Pinipiit nila kaming manlimos o


kaya magnakaw kasi pag hindi binubugbog nila yung mga bata. Hanggang sa 15 years
old ako sanay na kaming mandukot o magnakaw nun. Labag man sa  loob ko kasi alam
kong masama, lalo pinalaki ako ng mga madre pero kailangan kong gawin yun para
mabuhay ako.”

“Syet kaya pala nung nakaraan nawalan ako ng 1 thou sa wallet. Aminin mo dinukot mo
‘no?” Biro ko sa kanya para mapatawa siya. Ewan ko ba, masyado siyang seryoso
ngayon. Ayoko siyang nakikitang ganyan eh.

Hindi niya pinansin yung sinabi ko at uminom ulit siya ng beer bago tinuloy yung
pagkwekwento niya. “Hanggang sa minsan namamalimos ako sa kalsada, gabi na nun pero
kailangan ko pa din mamalimos kasi sasaktan nila kami pag kulang yung napalimos
naming sa isang araw. May isang lasing na muntik nang gumahasa sakin. Akala ko
talaga nun magagahasa na ko, takot na takot ako. Sumigaw ako ng sumigaw pero walang
nakakarinig. Hanggang sa sumuko na ko sa panlalaban tapos hinayaan ko na lang yung
lasing. Umiyak na lang ako ng tahimik hanggang sa  may narinig akong bumagsak sa
lupa.  Pagdilat ko wala na yung lasing sa harapan ko, nakatumba na siya sa sahig at
wala ng malay. Tinulungan ako ni Popsy, sila yung umampon sakin. Sila yung sinasabi
ko sayong nagsuporta sakin kaya nakakapag-aral ako. Tinuring nila akong parang
totoong anak nila, pati yung mga anak nila parang totoong kapatid ang turing sakin.
Hanggang sa nagdalaga na ko, hindi ko namalayan unti-unti akong nagkagusto sa
bunsong anak nila Momsy. Akala ko ako lang, pero umamin din siya sakin na may gusto
din siya sakin. Hindi man kami magkapatid sa dugo, magkapatid naman ang tingin ng
ibang tao samin. Pero kahit mali nagkaroon kami ng secret relationship.” Ngumiti
siya ng mapait pagkasabi niya noon. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-open up ng
ganito ‘tong babae na ito sakin ngayon. Ang alam ko lang, gusto ko siyang alagaan.
Hindi ko alam na sa likod pala ng baliw niyang attitude madami na pala siyang
pinagdaanan.

“Naitago naming yung ng ilang buwan sa kanilang lahat. Hindi naman kami agad
pinaghinalaan kasi close naman kami talaga. Hanggang sa nadiscover ng ate niya at
sinumbong kami kay Momsy. Nagalit si Popsy sakin kaya pinaalis nila ako, pero hindi
din nila ako pinabayaan. Yung bahay na tinitirahan ko ngayon sa kanila din galing
yun. Akala ko pag lumipat na ako okay na lahat pero hindi pala. Hindi din natapos
yung relasyon ko sa bunsong anak nila. Ewan ko, minahal ko talaga siya eh. Siya
kasi ang unang nagging boyfriend ko. Siya yung unang nakapagparamdam sakin na may
pwedeng magkagusto sakin pero hindi din pala natigil sa pagdududa ang ate niya.
Nalaman niyang palihim pa din kaming nagkikita kaya sinumbong na naman niya kami.
Inatake na si Momsy nung nalaman niya yun, kaya nung araw na nakita mo ako sa bar
na umiiyak yun yung araw na yun. Naghiwalay din kami nun dahil sa nangyari kay
Momsy. Pero hindi na nacover si Momsy sa atake niya at namatay, nakadagdag pa yung
pagkakaaroon ni Ate ng mental breakdowns at depression. Ni hindi ako nakapunta sa
burol at libing niya dahil galit silang lahat sakin. Ako yung sinisisi nila sa
pagkamatay ni Momsy... ” Iyak na siya ng iyak habang sinasabi niya lahat ng yan.
Bigla ko siyang niyakap. Niyakap ng sobrang higpit kasi alam kong nasasaktan siya.
Ang tanga ko para saktan pa din siya dati, bobo din talaga ko minsan. Buti na lang
gwapo ako.

“Kaya sabi ko sayo masama ako, dati akong magnanakaw at ako pa yung dahilan ng
pagkamatay ni Momsy. Tapos ngayon...”

Hinagod ko yung likod niya dahil yun lang yung kaya kong gawin ngayon. Sobra na
yung pag-iyak niya. Halos di na nga niya matapos yung mga sinasabi niya.

“Di ba sabi ko sayo mas maniniwala pa ako kung may magsasabing takas ka sa mental.
Wag mo ngang sisihin yung sarili mo, di lang naman ikaw may kasalanan nun. Nandito
naman ako pukyot.” Bulong ko sa kanya.

“Sana kahit malaman mo kung gaano ako kasama, tanggapin mo pa din ako...”

Sabi niya habang umiiyak pa din siya. Hinalikan ko lang yung noo niya habang pili
ko siyang pinapatahan. Ayaw nga lang niya tumigil, nagparang bagong ligo na lang
tuloy ako dahil basing basa na yung polo shirt kong luha niya. Umiyak lang siya
hanggang sa nakatulog siya, siguro kasi nakainom din siya. Sa mga ganitong panahon
siya masarap batukan dahil para siyang timang pero hindi naman ako ganun ka
insensitive, mamaya ko na siya babatukan pag nahimasmasan.

Binuhat kona lang siya at dinala sa kwarto ko, hiniga ko muna siya sa kama ko.
Swerte siya, siya ang unang nakapaso dito sa kwarto ko. Hanggang sala lang yung mga
chiks ko noon.
Hay. Nakakaawa ‘tong babae na ‘to, kahit hanggang pagtulog umiiyak pa din.
Humihikbi hikbi pa siya at nagsasalita...

“Sorry... Momsy sorry...”

Kasabay ng awa ko sa kanya naramdaman ko din na gusting gusto ko siyang alagaan.


Napaka gullible niya tapos siya pa yung nakaranas ng ganito, maswerte pa din pala
ako. Isa lang nasabi ko sa sarili ko sa lahat ng nalaman ko sa kanya ngayon.

Kahit dati siyang galing sa ampunan at nagging magnanakaw, kahit na ipilit niyang
siya ang may kasalanan sa pagkamatay nung kinilala niyang nanay.

Tatanggapin ko pa din siya, kahit ano pa siya.

*Brix’s POV*

“Gutom ka na ba? Malapit nang matapos ‘to.” Tanong sakin ni Cathy habang nagluluto.

“Hindi. It’s fine, kumain naman ako ng fudge brownies mo.” Sagot ko sa kanya.
Pinilit niya kasi akong magdinner dito, may mahalaga daw siyang itatanong.
Hindi naman ako tumanggi dahil wala din akong gagawin, and I just felt the need to
stay here for a while. Ewan ko ba, siguro nakikiramdam din ako sa kinikilos niya.
Madami lang kasi akong gusting malaman sa kanya. Hindi ko lang alam kung dapat ko
bang itanong o ako na lang mismo ang umalam ng mga bagay na gusto kong malaman.

Kung titignan si Cathy parang wala namang mali sa kanya, parang hindi naman niya
kayang gawin yung naiisip ko. Pero kasi looks can be deceiving nga naman, hindi ko
alam kung ano pa din ang capacity niya dahil tama sila Cyril. Bago ko lang siyang
kakilala.

“Brix can you help me over here?” Tanong niya habang tinuturo yung soup tureen na
malapit sa stove niya. Hindi na ko nagsalita, nilapitan ko na lang siya at hinain
yung soup sa table niya. Pabalik na ko para tulungan siya sa iba pang ihahain sa
table nung di sinasadyang magkabangga kami at natapunan niya akong nung dipping
sauce na hawak niya.

“Oh my gosh! Sorry Brix.. sorry hindi ko sadya, hindi kita napansin eh.”
Natatarantang sabi ni Cathy habang kumukuha ng paper towels at pinunasan yung damit
ko.

“Ako na Cathy.” Awat ko sana sa kanya kaso imbes na yung paper towels yung
nahawakan ko, yung kamay niya ang nahawakan ko. Nakaramdam ako ng konting kuryente
na hindi ko din alam kung saan nanggaling.

Napatingin lang tuloy si Cathy sakin, alam ko kasing naramdaman niya din yun.
Napatingin lang din ako sa kanya. Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal
tinitignan. Si Cathy, ang mukhang anghelna si Cathy. Imposible naman di ba? Bakit
kahit bagong kakilala ko pa lang siya mas lamang pa din yung tiwala ko sa kanya
kesa sa pagdududa? Dahil ba attractive siya? O ako ang attracted sa kanya?
Nagtitigan lang kami ng Cathy ng matagal hanggang sa lumapit yung mukha niya sakin.
Hindi ko alam kung siya ba ang lumapit o ako.
*toot toot*

Parehas kaming napatingin sa timer ng stove. Kung hindi pa siya tumunog, ewan ko na
lang kung nasa anong estado na kami ng Cathy. Napaka awkward tuloy pagkatapos.

“A-ah Brix sort yourself na lang sa washroom. It’s over there. Ayusin ko lang ‘to.”
Awkward na awkward na sabi ni Cathy kaya hindi man lang siya makatingin sakin.

Hindi na ko sumagot at naglakad na lang ako papunta sa CR niya habang pinupunasan


din ng paper towels yung damit ko na natapunan ng sauce.

Pahakbang na ako papunta sa loob ng CR nung may narinig ako.

Parang isang phone vibration. Dala na din siguro ng pagkacurious ko, hinanap ko
kung saan nanggagaling yung sound na yun. Hanggang sa nakita ko yung phone sa
parang table sa corridor kung saan madaming displays, medyo natabunan lang siya ng
magazines. Kung hindi siya tutunog o magvivibrate hindi siya kaagad mapapansin. Ano
naman kayang ginagawa ng cellphone ni Cathy dito? Baka spare phone niya ito na
nailapag at natabunan ng magazines.

Tinignan ko yung caller ID dahil hindi pa din tumitigil yun sa pagvibrate.

Drev ang nakaregister sa number.

Out of curiousity at pag-aala spy ko dito Cathy sinagot ko yung tawag. Baka kasi
ito yung kausap niya kanina.

“Hello? Magaling yung ginawa mo last time. Yung bagong inuutos ko sayo ang
asikasuhin mo. Siguraduhin mong hindi sila makakahalata, lalo na yang lagi mong
kasama.”

Nakakapangilabot yung boses ng nasa kabilang linya kaya binabaan ko siya.


Nakakapangilabot dahil pamilyar ang boses nung lalaking tumwag, kung tama nga ang
hinala ko pwedeng si Cathy nga.

Para masagot yung tanong at hinala ko kinuha ko ang sarili kong cellphone at denial
yung taong alam kong makakasagot sakin.

“Hello tol? Bakit?” Tanong niya kaagad pagkasagot niya ng linya.

“Nasan ka Carlo?”

“Nasa hideout namin, may inaasikaso lang. Bakit ka napatawag? May gulo ba?” Tanong
niya din agad. Alam niya kasing gulo ang madalas na dahilan kung bakit ako
napapatawag sa kanya bigla.

“Wala naman, may gusto lang sana akong itanong sayo pre.”

“Ano yun?
“Alam mo ba ang tunay na pangalan ni DK?” Nag-aalangan pa akong magtanong niyan.
Natatakot kasi ako sa sagot ni  Carlo. Natatakot akong maharap sakin yung totoo.

“Oo.”

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita ulit.

“Anong pangalan ni DK?”

Hindin agad sumagot si Carlo, malamang ramdam niya yung tension sa boses ko. Pero
nung nagsalita na siya, madaming tanong ang nasagot sa utak ko.

“Kristoffer. Drev Kristoffer.” 

--

Lalala. Very short than the usual, pero importante lahat ng nandyan. Di naman sa
haba nasusukat yan right? Sa content naman, hihi *pinatatanggol ko ang sarili ko*
Sobrang natutuwa ako, kasi naka 50 chaps na pala ako ng ganun ganun lang. Waaaah.
it's driving me nuts! 

=================

Chapter Fifty One

Si baby Zion sa multimedia! *o*


Chapter 51

*Sophia’s POV*

“Zion, eat na. Say ahhh.” Sabi ni Dylan kay Zion habang sinusubuan niya ng pagkain,
naglalaro kasi yung bata kaya nahihirapan siyang pakainin.

Pumayag akong dito tumira samin yung bata. Wala namang magagawa ang paghindi ko,
alam kong madidisappoint si Dylan. Minsan lang naman siya humiling ng ganito eh,
isa pa may something dun sa bata. Malakas ang pakiramdam ko.

Yung si Alisha naman umalis din kaagad nung araw na yun, sinabi niyang may
aasikasuhin siyang importanteng bagay at dadalawin na lang si Zion dito. Gusto ko
sanang tumutol sa pagdalaw niya kaso alangan naman hindi niya makita ang anak niya.
Hay ewan ang gulo gulo ng utak ko lately. Hindi ko na alam kung nasa tamang pag-
iisip pa ko.

Kahit na hanggang ngayon hindi pa malinaw sakin kung ano nga yang bata na yan para
kay Dylan. Natatakot ako magtanong kasi baka hindi pa ko ready pag narinig ko yung
isasagot niya.

“Da.. da.. ddy!” Rinig kong sabi nung bata kaya napatingin naman ako sa kanya.
Nakita ko yung reaksyon ni Dylan, tuwang-tuwa siya nung narinig niya si Zion.

“Oo daddy, sige na eat na ulit bago mag-play.” Tuwang-tuwa pa din si Dylan habang
pinapakain niya si Zion. Sa nakikita ko mas lalong nadadagdagan yung pakiramdam ko
tungkol sa kanilang dalawa. Pero kahit ganun gusto ko pa din na marinig sa bibig
niya mismo kung ano nga niya yang bata na yan.

May biglang tumunog na cellphone. 

“Baby, pasagot nga ng phone ko. May tumatawag eh.” Sabi sakin ni Dylan, kinuha ko
naman yung phone niyang nakapatong sa table. Nandito kasi kami ngayon sa sala,
binabantayan ko naman si Aian na natutulog. 

Incoming Call...

Coordinator Leslie

Sinagot ko din kaagd yung tawag nung wedding coordinator namin.

“Hello Les?”
“Ms. Sophia? Good afternoon po.” Sagot niya sakin.

“Bakit ka napatawag?” Tanong ko din kaagad sa kanya.

“Ipapaalala ko lang po yung food tasting mamayang 3 pm. Doon na lang po tayo
magmeet okay lang po? May business address naman po dun sa calling card na binigay
ko.”

“Ah oo nga pala, oh sige pupunta na lang kami dun ng 3 pm. See you later Les. Thank
you sa pag-inform.”  Huling sabi ko sa kanya.

“Trabaho ko po yun, sige ma’am bye po.” Tapos naputol na yung linya.

“Baby, sino yun?” Tanong ni Dylan habang pinapainom na niya si Zion. Mukhang tapos
na siyang kumain.

“Si Leslie, pinaalala lang yung food tasting mamayang 3pm.” Sagot ko pagkatapos
kong ibalik sa table yung phone niya.

“Oo nga pala, mamaya maya mag-ayos ka na. Isama na lang yung mga bata ha?” Tanong
niya ulit. Tumango lang ako, hindi naman kasi pwedeng maiwan lang sila kila Ate
Doris madaming ginawa yun. Saka mas kampante pa din ako kung kasama namin si Aian,
pati na din si Zion.

“Dylan...” Bigla ko na lang tinawag yung pangalan niya.


Napatingin naman agad siya sakin.

Itatanong ko na sana, tutal gustong gusto ko na din namang malaman. Pero naunahan
na naman ako ng takot ko.

“Ah wala, ayusin ko lang yung damit mo. Ano bang susuotin mo mamaya?” Tanong ko na
lang sa kanya.

Ngumiti lang muna siya. “Ikaw na bahalang pumili, aakyat na din kami maya-maya ni
Zion sa taas.”   

Tumango lang ako bago ko kuhanin si Aian at dalahin sa taas. Hiniga ko siya sa
gitna ng kama naming bago ko ayusin yung mga gamit naming, pati gamit ni Zion
inayos ko na din. Pagkatapos naligo na ko, buti na lang baby pa si Aian kaya hindi
pa siya malikot hindi siya mahuhulog sa kama kahit iwanan ko sandali.

“Oh Dy, magbihis ka na. Bihisan mo na din si Zion, anong oras na oh.” Sabi ko kay
Dylan nung magkasalubong kami sa hagdan habang buhat niya si Zion, kukuhanan ko
kasi ng milk si Aian.
“Baby, pwede bang ipacancel yung food tasting?” Seryoso niyang tanong.

Napataas yung kilay ko. “Bakit naman?”

“Mukhang may lagnat si Zion eh, wag muna kaya tayong tumuloy? Kawawa naman yung
bata.”

Napakunot ako lalo. Ewan ko pero nakaramdam ako ng konting inis. Alam ko hindi
dapat, kasi bata lang yan eh.

“Iwanan muna na-“

“Ayoko naman siya iwanan ng ganyan.” Sagot agad ni Dylan kahit hindi ko pa
natatapos yung sasabihin ko sa kanya.

“Ako na lang pupunta kung ayaw mo iwanan yung bata, kesa naman ipacancel pa natin.
Ganun din naman.” Sagot ko na lang sa kanya pagkatapos kong mapabuntong hininga.

“Sigurado ka ba?” Tanong niya habang paakyat na sila sa kwarto.

Tumango na lang ako bago bumaba kahit na inis na inis ako kay Dylan, pati na din sa
sarili ko. Ang gulo gulo ng utak ko, pakiramdam ko ang bigat sa pakiramdam.
Pagkababa ko kinuha ko lang yung milk ni Aian sa ref tapos umakyat na ulit ako.
Naisip ko din na baka stressed lang ako sa mga bagay bagay kaya siguro ganito ako.
Hindi pa nga kasi naming nalalaman kung sino yung nagpapadala ng mga nakakainis na
notes at messages na yun, buti na lang at hindi siya nanggugulo ngayon. Tapos
ngayon hindi pa matahimik yung utak ko kay Zion. Malapit na kong mabaliw kakaisip.
Papasok na ko ng kwarto nung nagvibrate yung phone ko sa bulsa ng dress ko. 

Incoming Call...

Janna Reyes 

“Hello Soph! Nasan ka?” Tanong niya kaagad nung sinagot ko yung phone.

“Sa bahay, bakit?”

“Tara, alis tayo. Pwede ka ba ngayon? Namimiss na kita eh!” Natouch naman ako sa
sinabi niya. Namimiss ko na din ang gagang ‘to, sobrang tagal na nung huli naming
bonding.

“Aalis din ako eh, pero kung gusto mo sama ka na lang sakin.” Wala din naman akong
kasama eh, mabuti pang isama ko na lang si Janna.

“Sige sige, ngayon na ba? Dadaanan ka naming ni Nate sa bahay niyo ha!” Mukhang
excited pa siya. Natawa tuloy ako sa tono niya, siguro kailangan ko din ng time
makausap ang bestfriend ko. Kailangan ko huminga muna sandal sa stress.

“Sige sige, dalian niyo ha. Magtext ka pag malapit ka na. Sige bbye.” Sagot ko bago
ko ibaba yung phone ko. Tumuloy na ko sa pagpasok sa kwarto, naabutan ko si Dy na
may hawak na thermometer.
“38.4 nilalagnat nga. Haaaaay.” Sabi ni Dy sakin habang inaayos yung higa ni Zion
sa kama. Mukhang nakatulog na siya.

“Sige maiwan ka na, sasamahan naman ako ni Janna eh. Tumawag siya.” Sabi ko habang
nag-aayos sa harap nung malaking salamin.

Nakita ko sa reflection ng salamin nung tumayo siya at naglakad papunta sakin.


Niyakap niya ko galing sa likod.

“Sorry baby, naawa lang naman ako kasi kay Zion. Iwan mo na din si Aian sakin, ako
na magbabantay sa kanila para makapagbonding kayo ni Janna.” Sabi niya habang yakap
yakap pa din ako.

Pagdating talaga sa kanya madaling lumambot yung puso ko. Konting sorry lang
nawawala yung inis ko sa kanya.

“Sorry ha? Babawi ako sayo, babawi ako sa lahat ng nagawa ko. Galit ka ba sakin?”
Nilagay niya pa yung mukha niya sa leeg ko.

“Hindi. Wala naman ako magagawa, hindi naman sinadya nung bata magkasakit.” Wala
naman talaga siyang kasalanan. Nadadamay lang siya sa stress ko.

“Thank you.” Hinalikan niya pa yung balikat ko. Gumaan ng konti yung pakiramdam ko
sa ginawa niya. Pakalas na sana siya sa pagkakayakap niya sakin nung nagsalita ulit
siya. “One more favor, sana wag mo muna babanggitin sa kahit sino yung tungkol sa
pagtira ni Zion dito. Ako na lang ang magsasabi sa kanila, kila Ate, kila Mama.
Please?”
Tango lang yung nasagot ko sa hiling niya. Hindi naman kasi simple yung sitwasyon
na ‘to, masyadong madaming tanong na di pa nasasagot. Si Dylan lang ang may kayang
umayos nito pero tingin ko kahit siya hindi pa ready magsalita kahit sakin. Wala
siyang nililinaw, wala din siyang tinatanggi. Ang hirap mangapa ng sagot.

Ngumiti lang siya tapos hinalikan yung ulo ko bago bumalik dun sa dalawang bata sa
kama. Natapos na din akong mag-ayos, kinuha ko na lang yung bag ko at nagpaalam na
sa kanya.

“Alis na ko Dy, ikaw na muna bahala ha? May milk pa si Aian sa ref. Uuwi din ako
agad.” Bilin ko sa kanya.

“Opo. Sige na baby, mag enjoy din kayo ni Janna. Kaya ko na ‘to, super dad ako!”
Pagyayabang niya pa.

Napangiti naman ako, lumapit ako sa kanya para halikan siya sa lips bago ako
bumaba. Sakto na din na nagtext si Janna na papasok na sila ng subdivision kaya
lumabas na ako ng gate.

“Oh nasan si Dy?” Tanong ni Nate pagkasakay ko sa kotse niya.

“Ah, nasa loob. Di makakasama,masama yung pakiramdam eh.” Imbento ko na lang.

“Teka beb lipat ako sa likod.” Paalam ni Janna tapos lumipat siya sa tabi ko.
Nagreklamo naman ‘tong Nate na ‘to. “Ano ba yan? Parang driver niyo tuloy ako!”

“Wag ka ngang maarte beb, minsan lang naman eh!” Sagot ni Janna sa kanya.

“Pasalamat ka mahal kita.” Nakangusong sabi ni Nate sa kanya. “Saan ba punta natin
Soph?”

 Kinuha ko sa pouch bag ko yung calling card na binigay samin ni Leslie at inabot
kay Nate. “Alam mo ba yang lugar na yan? Hindi kasi pamilyar sakin eh.”

Tinignan naman yun ni Nate bago sumagot. “Medyooooo.”

“Hoy anong medyo ka dyan, pag tayo naligaw mamaya ha!” Reklamo na naman ni Janna sa
tabi ko.

“Okay lang maligaw, kasama naman kita eh.” Natatawang sabi ni Nate tapos kumindat
pa sa kanya.

“Yuck, makeso! Hahahahaha!” Tukso ko sa kanilang dalawa.

“Tara na nga.” Sagot ni Nate sa pang-aasar ko.


Sandali lang din ang naging byahe namin, buti na lang hindi kami naligaw kasi baka
najombag na ni Janna si Nate. Pagdating naming nagstart na din agad yung food
tasting, nandun na din kasi si Leslie.

“Eto Soph, masarap. Mukhang okay ‘to.” Turo ni Janna sa chicken dish na unang
sinerve samin.

“Oo nga Soph, masarap siya.” Dagdag din ni Nate.

“Shattap beb, lahat naman sayo masarap eh.” Pambabara ni Janna sa kanya.

Natawa naman kaming dalawa habang si Nate pokerface lang, sorry ka Nate wala kang
kakampi. Sabagay, kahit pala kasama si Dy samin din yun kakampi. Hay, ano na kayang
ginagawa nun ngayon?

“Uy Soph, ayos ka lang? Tulala ka.” Napabalik ako sa ulirat nung tapikin ako ni
Janna sa balikat.

“Ah? Oo, may naalala lang ako.” Sagot ko sa kanya pagtapos ngumiti ako at
pinagptuloy namin yung food tasting.

*
“Nasan si Tita? Pati ang Daddy mo?” Tanong ko kay Janna pagdating naming sa bahay
nila. Pagkatapos kasi ng food tasting nag-aya si Janna sa kanila. Bonding daw.

“Umalis eh, may dadalawin silang frend ayoko naman sumama kasi puro tanders na dun
baka ma-out of place ako kaya inaya ko kayong dalawa.” Sagot ni Janna sakin.

“Nga pala Soph, madaming pinapabigay si Daddy sayo saka kay Aian. Gusto niya nga
kayo makita eh.”

“Eh di hintayin niya na lang sila dumating.” Suggestion ni Nate habang nakataas pa
ang paa at nanonood ng TV. Porke wala si Tito parang bahay niya ‘to ah! Haha.

“Baka gagabihin sila, sana mahintay mo Soph. Gusto niyo manood ng movie?” Tanong
niya habang sineset-up yung dvd player at dvds nila.

“Sige, bibili muna ako ng snacks. Ano gusto niyo?” Sabay tayo si Nate.

“Gutom ka na naman Fortalejo?” Poker face na tanong ni Janna sa kanya.

“Reyes, binibigyan ko na nga kayo ng time mapag-isa ng bestfriend mo eh.” Sagot ni


Nate.
Nakigulo naman ako sa kanilang dalawa. “Anong mapag-isa e dalawa kami!”

“Ewan ko sayo Soph, e di binibigyan ko kayo ng time mapag-dalawa!” Mukhang ewan na


sagot niya sakin.

“Bwiset, bumili ka na nga beb.” Pagtaboy ni Janna sa korni niyang boyfriend kaya
kaming dalawa na lang ang naiwan dito.

“Eto na lang panoorin natin, Bride Wars!” Pagkasabi niya nun sinaksak niya kaagad
yung DVD sa player.

“Oy bakla.” Biglang tawag ni Janna sakin habang nanonood kami ng movie.

“Oh bakit?” Binalingan ko siya ng tingin tapos ayun, nakanguso na pala siya. “Bakit
ganyan mukha mo?”

“Nakakatampo ka kasi, simula nung nag-asawa ka na hindi na tayo nakakapag chick


flicks!” Parang padabog niyang sabi.

Natawa naman ako bigla sa inasal niya. “Nagmamaktol ka pa dyan, akala mo ang sarap
sarap ng buhay ko? Ang hirap kaya magkapamilya, kaya ikaw wag ka muna mag-aasawa.”

“Tss. Oo na, may sasabihin nga pala ako.” Bigla namang sumeryoso yung mukha niya.
“Ano naman yun?” Nakakunot kong tanong tapos umupo pa ako ng medyo paharap sa
kanya.

“Aalis na ko.” Halos pabulong na lang niyang sabi.

“Anong aalis-“ Hindi ko pa man din natapos yung sasabihin ko nanlaki na bigla yung
mata ko. “Wag mo sabihin magtatanan kayo ni Nate! Humanda sakin yung lalaki na
yun!”

*PUK*

“Gaga, hindi ako magtatanan ‘no! Hindi pa ko baliw. Aalis na ko, magmimigrate na
kami!”

Natameme ako sa sinabi niya. Tapos....

*PAK!*

“Eh sayo pala ako dapat magtampo, kung hindi ka pa magmimigrate di mo pa ko


sasamahan kanina. Lagi na ngang kayo ang magkasama ni Nate!” Ganti ko sa kanya.

“Aray naman bakla! Aalis na nga ako nambabatok ka pa. Eh pano syempre kasama mo si
Dy, saka pwede bang gumala ng gumala yung buntis? Di naman di ba? Saka eto naman!
Sa tagal nating friends ngayon na lang ulit ako nagkaboyfriend eh!” Dere-deretso
niyang sabi, wala pa ding pinagbago. Ang daldal pa din.

“Nakakainis ka! Bakit aalis ka pa? Pano na ko? Pano na yung korni mong boyfriend?”
Naiiyak ko ng sabi. Sa tagal si Janna ang bestfriend kong babae, parang magkapatid
na nga kami. Pati bituka at utak namin magkadugtong na.

“Uy wag ka umiyak Soph baka maiyak ako. Si Daddy at Mommy kasi ang may gusto nito
eh, wala naman akong magagawa. Napag-usapan na namin ‘to ni Beb. Okay naman siya
dito, gagawa daw siya ng paraan. Ako naman magwowork muna ng maayos dun, baka pag
nakaipon ako ng sarili kong pera eh di babalik na lang ako dito ulit. Ganun yung
naisip ko ngayon.”

“Ano ba naman yan? Hay. Kelan ba kayo aalis?” Tanong ko sa kanya. Sobrang
nalulungkot ako, siya na nga lang ang bestfriend ko tapos lalayasan pa ko. Hay, ni
hindi ko pa magawang sabihin sa kanya yung problema ko ngayon.

“Wag ka ngang mag-emote, susulitin ko naman yung bonding natin. Mga 2 months pa
yata, aayusin pa naman kasi yung mga papers namin ni Mommy eh. Promise susulitin ko
yung time natin talaga, saka pag may time kayo dadalawin niyo ako dun ha? Mayaman
naman kayo eh! Hahahaha!” Biro niya pa pero may tumulo ng luha sa mata niya.

Hindi ko na din napigilan na hindi din maiyak. Mamimiss ko ‘tong gaga na ‘to.
“Halika ka nga dito, sabunutan kita dyan eh!” Hinila ko yung kamay niya tapos
niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya din ako. Mamimiss ko si Janna ng sobra.

*
“Kamusta MMK niyo Soph?” Tukso ni Nate sakin habang nakasakay kami sa kotse niya.
Pagkatapos ng dramahan namin nagbonding lang kaming dalawa at nagkwentuhan, naamaze
ako sa dami ng napagkwentuhan naming dalawa. Halos wala na pala akong masyadong
alam sa mga nangyari sa kanya, lalo sa school. Nung dumating naman si Nate
nagbonding pa din kaming tatlo at kumain. Gusto ko man hintayin ang parents niya,
di ko na nagawa dahil naalala ko si Aian sa bahay.

“Sus, baka nga mas malala ang MMK niyo nung nalaman mo.” Tukso ko pabalik sa kanya.

“Hindi naman, di ko pinahalata. Nung sa bahay nag-emote ako, tas nag eyeliner pa
nga ako para emong emo.” Biro ni Nate.

“Loko! Uy Nate, pakibaba mo na lang ako sa drugstore, may bibilihin pa kasi ako
eh.” Sabi ko sa kanya sabay turo nung drugstore malapit sa subdivision namin.

“Ha? Hintayin na kita, baka masapok ako ni Dylan pag hindi kita hinatid.” Tanggi
niya kaagad.

“Sira! Hindi yun, magtataxi ako malapit naman na yung subdivision dito. Sandali
lang naman ako.” Pilit ko sa kanya.

“Sigurado ka?”

Tumango lang ako tapos ngumiti sa kanya.


“Sige, text mo na lang kami ni Janna pag dating mo sa inyo.” Bilin niya habang
tinatabi yung kotse niya.

“Yes boss! Sige bbye, salamat sa pagsama sakin.” Paalam ko bago bumaba ng kotse
niya.

“Walang anuman ma’am.” Tumatawang sagot ni Nate.

Nilingon ko pa ulit siya bago ako tuluyang bumaba. “Nate, wag mong ibrebreak yung
bestfriend ko ha! Di porke aalis na siya mambababae ka, papasagasaan kita kay
Dylan!” Banta ko sa kanya.

Natawa siya ng malakas bago sumagot. “Sus! Ako pa ba? Kahit battered boyfriend ako
dun mahal ko yun!”

Natawa na lang din ako pagkatapos ay sinara na yung pinto ng kotse niya. Pumasok na
din ako sa loob ng drugstore at bumili ng Cool Fever at gamot sa lagnat.

Pagkatapos ko bayaran lumabas na din ako at nagtaxi pauwi, saglit lang naman yung
byahe dahil sobrang lapit ko na din.

Pagdating ko dumeretso ako sa taas dahil hindi ko nakita yung tatlo sa baba.
Naabutan ko nga silang tatlo sa kama, tulog.

Nilapitan ko naman kaagad si Dylan, mukhang napagod siya sa pag-aalaga nung dalawa.
Pero naayos niya naman, kasi nabihisan niya pa si Aian at Zion ng pantulog. Binuhat
ko na lang yung anak ko at inilipat na sa crib niya. Sunod chineck ko si Zion,
medyo mainit pa siya kaya binuksan ko yung binili kong cool fever pad at nilagay ng
maayos sa noo niya. Bukas ko na lang siya papainumin ng gamot sa lagnat, baka kasi
umiyak pag ginising ko. Dito din siya sa kama namin natutuog, hindi pa naman niya
kasi kayang mag-isa.

Habang tinitignan ko ang mukha ni Zion gusto kong itanggi lahat ng nakikita ko.
Lahat lahat ng nakikita ko. Wala mang malinaw na kumpirmasyon galing kay Dylan.

                                  

Gusto kong umasa na mali ang nakikita ko.

*Brix’s POV* 

Incoming Call...

Cathy

Priness ko yung red button para matigil na sa pagvibrate ‘tong cellphone ko.

Incoming Call...

Cathy
Dahil sa inis ko tinuluyan ko nang i-off yung cellphone ko para hindi na siya
makatawag sakin. Para saan pa? Baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya pag
nakausap ko pa siya. Kahit naman ganun siya ayoko pa din makapagbitaw ng masakit na
salita laban sa kanya. Naging magkaibigan din kami kahit papano, oh ako lang ang
nag-akalang magkaibigan nga kami? Baka para sa kanya instrument lang ako na ginamit
para sa mga plano niya? Tss.

*flashback*

“Kristoffer. Drev Kristoffer.”

Pagkarinig ko ng pangalan na yun muntik ko ng mabitawan yung phone ni Cathy. Hindi


agad ako nakarecover, hindi ako makapaniwala. May contact sila ni DK? Anong
koneksyon nila sa isa’t-isa? Tama ba ang hinala nila Cyril? Siya nga ba yung ahas
na sinasabi ng hayup na DK na yun?

“Tol? Okay ka lang ba? Nandyan ka pa ba?” Napukaw ni Carlo yung atensyon ko nung
nagsalita siya.

“A-ah. Oo nandito pa ko.” Sagot ko sa kanya.

“Bakit mo naitanong ‘tol? May nalaman ka ba? May problema ba?”


Sasabihin ko ba yung nalaman ko sa kanila?

“A-ah wala naman ‘tol! Nacurious lang ako, sige salamat.” Sagot ko sa kanya. Kusa
na lang lumabas sa bibig ko yung mga salitang yan. Bakit ba hindi ko pa sinabi?
Bakit pinagtakpan ko pa siya? Siguro dahil sakin mismo hindi pa nagsisink-in yung
nalaman ko.

Tinitigan ko lang yung phone na nakuha ko. Hindi na ulit yun nag-ring pagkatapos
kong babaan si DK. Naglakad na lang ako ng mabili paderetso sa sala. Nadaanan ko
naman si Cathy malapit sa dining table.

“Brix, tara na. Let’s eat.” Narinig kong aya niya sakin pero hindi ko siya
pinansin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad ko.

“B-brix!”

Hindi pa din ako huminto o lumingon man lang. Hindi ko kasi alam kung ano yung
pwede kong magawa sa kanya pag hinarap ko siya. Oo pinagtakpan ko siya, pero hindi
ibig sabihin nun na hindi ako nasusuklam sa ginawa niya.

“Brix, saan ka ba pupunta?” Sigaw niya sakin. Nararamdaman ko din na hinahabol na


niya ako.

Mas lalo ko pang binilisan yung lakad ko hanggang makarating ako sa tapat ng kotse
ko.
“Brix naman kinakausap kita! Hey!”

Pumasok lang ako sa loob at umalis na din kaagad.

*end of flashback*

Simula nun hindi na ko nagpakita kay Cathy. Mga ilang araw na din, tinatawagan niya
ako pero binababaan ko lang siya ng phone o kaya pinapatayan ko. Buti na lang hindi
niya alam kung saan ako nakatira. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya
pakikiharapan pagkatapos ng lahat lahat ng nalaman ko. Pagkatapos kong magtiwala sa
kanya ito ang napala ko. Sana pala nakinig ako kila Cyril noon.

Dinampot ko ulit yung cellphone ni Cathy at sinubukan ulit yun kalkalin. Binitbit
ko na din ‘to kasi pwede ‘tong maging ebidensya laban sa kanya. Hindi naman ako
nahirapan na buksan yung phone dahil walang password o kahit anong security code.
Pero wala din akong napala kahit na ano. Walang text messages, sa inbox at pati sa
sent messages. Wala ding call logs maliban dun sa tawag ni DK na nasagot ko.
Malinis. Tatatlo lang din ang laman ng contacts. Si DK na nakausap ko kanina. Si
Drake na kapatid niya, sigurado akong wala akong mapapala dun. At isang nakasave na
“Ate”, sinubukan kong tawagan yungnumber na yun gamit ang sarili kong cellphone
pero unavailable ang number.

Wala akong ibang ebidensya na makuha, gusto ko yung mas matibay pa kesa sa mga
nalaman ko. Yung tipong hindi na maiitatanggi at wala ng lusot.
Ang tanga tanga ko kasi para magpapaniwala sa babae na ‘yon! Masyado akong naging
uto-uto. Akalain ko bang kung ano ginanda ng mukha niya kinadumi naman ng pagkatao
niya. Looks can be deceiving nga naman. Example niyan ang mukhang anghel na si
Cathy.

Sa pagkabwiset ko dumeretso na lang ako sa banyo at nagshower. Pagkatapos ay


nagbihis na din ako at umalis ng bahay. Gusto kong mag relax muna, gusto kong mag-
isip. Masyado ng madaming prolema ngayon. Nagpatong-patong na, hindi ko na alam
kung ano pa bang uunahin ko. Magpapalamig muna ako sa bar.

Pagdating ko nagpark lang ako at mabilis na pumasok sa loob ng bar.

“Pst. Scotch.” Order ko sa bartender.

Agad naman niyang ginawa yung inorder ko at sinerver pagkatapos.

Nilibot libot ko yung mata ko sa loob ng bar. Hanggang sa makita ko siya. Hindi ko
naman inaasahan na makikita ko siya ngayon sa lugar na ‘to. Di naman yan mahilig
pumunta sa ganito.

Dinala ko na yung iniinom ko at pumunta sa tabi niya, sa kabilang dulo ng mahabang


table na ‘to.

“Bakit nandito ka?” Tanong ko kaagad sa kanya nung makalapit ako.


Nanlaki naman yung mata niya pagkaharap niya sakin. Hindi niya siguro napansin na
lumapit ako sa kanya. “A-ah wala, nagpapalamig lang. Ikaw?”

“Papalamig lang din.” Maikli kong sagot pagkatapos ay nanahimik na kaming dalawa.

Awkward pa din sa pakiramdam.

“Ah, Zey... kamusta ka na?” Tanong ko.

Hindi naman siya kaagad sumagot. Tinungga niya muna yung kung anong iniinom niya
bago tumingin saglit sakin. “Okay lang ako Brix. Ayos lang ako. Wala akong
problema. Okay lang ako.”

Sinungaling ka Zea. Alam kong hindi. Iba yung kinikilos mo sa sinasabi mo. Alam
kong hindi ka okay, sana naman maramdaman mong hindi din ako okay.

“Ikaw?” Tanong niya din sakin sabay tingin sa kabilang side.

Napailing ako bago sumagot. “Zey, hindi ako okay.”

Hindi niya pinansin yung sinabi ko at uminom ulit siya.


Mga ilang minuto in kami ulit naging tahimik hanggang sa magtanong siya ulit.

“Si.... Si ca- cathy? Kamusta kayo?” Parang hirap na hirap siyang sabihin yung
pangalan ni Cathy. Nung nagsalita siya parang may kung anong bato na nakabara sa
lalamunan niya.

Hindi ako kaagad nakasagot. Ano bang isasagot ko sa tanong na yan? Na ginago at
niloko ako ng akala kong kaibigan ko na si Cathy? Na muntik kong maipahamak yung
mga kaibigan ko pati ang grupo nila Carlo dahil sa pagka uto-uto ko? Na hindi kami
okay ni Cathy dahil nasusuklam ako sa kanya? Hindi ko alam, hindi ko pa yatang
sabihin. Masyado akong natraydor sa nangyari. Lumubog na nga ako, ayoko nang ibaon
pa lalo yung sarili ko sa ibang tao.

Pero mali pala yung nanahimik lang ako. Tinignan ko lang si Zea habang tumatango ng
mahina at ngumiti ng mapait. Nasasaktan siya alam ko. Nasasaktan din naman ako.
Namimiss ko na siya.

“Mauna na ko sayo.” Sabi niya bago nagbayad at tumayo na.

Pinigilan ko pa yung isa niyang kamay pero hinila niya lang din yun at umalis na
siya. Hindi man lang ako ulit nilingon. Nasasaktan na naman si Zea dahil sakin.
Dahil kay Cathy. Dahil samin.

Gusto ko man siyang kausapin ng maayos, alam kong hindi pa din humuhupa yung galit
niya sakin. Gusto ko man ipaliwanag sa kanya lahat, hindi ko magawa kasi ako mismo
hindi pa naliliwanagan.
Mahal ko si Zea, mahal ko pa din siya.

Babalikan kita Zea, aayusin ko lang ng problema natin. Pero bago yun, tatapusin ko
muna ang gulo namin ni Cathy. Tatapusin ko ang gulo naming lahat. Kami nila Dylan,
kami nila DK.

Babalikan kita.

--

Hello. Thank you pala dun sa mga nagsabi na pagaling ako. Ayan magaling na ko! :)
Kaso stressed naman ako. Hahaha. Mahaba pa sana kaso di na kinaya ng time ko,
expired kasi ako eh! joke. Stressed, bothered at kung ano pa. Sinalo ko lahat ng
negativity ngayong araw. LOL! 

Gusto ko lang pala ipagkalat na may twitter po ako! Hahahaha. Follow na lang po
@CrestfallenMoon kung trip niyo! Pagkakalat ko lang. Hahaha.

Updates karaniwan ay friday kasi halos lahat naman wala masyadong pasok ng Saturday
so makakapagbasa kayo. Assignment muna bago wattpad! Okeeeeh? :D  

#Growl1stWin :P 

=================

Chapter Fifty Two

Chapter 52

 
*Sophia’s POV*

“Uwaaaaaah....”

“Shhhh. Shhh baby, tahan na.” Pilit na pinapatahan ni Dylan si Aian habang nandito
kami sa garden. Naglalaro kasi si Zion ng toy car kaya dito na din kami para
mabantayan namin.

“Pinaglalaro mo na kaagad si Zion, magaling na ba yan?” Tanong ko sa kanya.

Hindi naman niya ako nilingon dahil hindi pa din niya mapatahan si Aian pero
sinagot nya din ang tanong ko. “Sinat na lang naman, kawawa naman kung magkukulong
lang siya sa kwarto.”

Hindi ko na sinagot yung tanong niya. Wala pa din ako sa sarili ko. Ilang araw na
nga ba? Ilang araw na din akong tuliro kakaisip. Pakiramdam ko natotorture na yung
utak ko.

“Kamusta pala yung lakad niyo nila Janna? Nakapili ka na ba?” Tanong nya ulit.

“Buti naman naisipan mong itanong.” Pabulong kong sagot sa kanya. Inis na naman
kasi ako. Akala ko wala na siyang planong kamustahin yung tungkol sa food tasting.
Akala ko wala na siyang pakialam sa kasal.

“Ha?” Lingon niya sakin.


“Wala. Sabi ko okay naman,, nakapili naman ako ng maayos kasi tinulungan ako nung
dalawa.” Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kabilang side.

Lately parang ibang tao ang kasama ko. Parang hindi si Dylan. Kung noon nasanay na
ko sa pabago-bagong ugali niya, ngayon iba eh. Parang may mali o may something
samin na hindi ko din ma pinpoint kung ano. Pakiramdam ko maski siya wala din sa
sarili niya. Nakakawalang gana yung ganito kami.

*blaaaag*

Napalingon ako sa narinig kong ingay at nakita ko si Zion na nakadapa na sa mga


damo.

Hindi pa man din nadidigest ng utak ko na nadapa na pala siya, naramdaman ko na


lang na inabot ni Dylan si Aian sakin kaya agad ko siyang kinuha.

Nakatingin lang ako kay Dylan nung tumakbo siya palapit kay Zion hanggang sa itayo
niya yun. Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano siya nag-aalala. Katulad nung
pag-alala na nakita ko nung may sakit si Zion. Gaya nung pag-alala niya nung
nalaman niya yung tungkol sa note.

“A-anong nangyari ba?” Nag-aalangan kong tanong kay Dylan nung buhatin niya si
Zion. Nakita ko din yung dumugong tuhod nung bata.

Pero imbes na sagutin ako ni Dylan tuloy tuloy lang siyang pumasok sa loob ng
bahay.
“Manang! Nasan ba yung first aid dyan? Pakilabas nga!” Dinig kong sigaw niya pa
pagkapasok niya.

Naiwan kaming dalawa ni Aian dito sa garden.

Dylan, bakit ka ba ganyan sa kanya?

Nagmamadali akong lumabas ng CR dahil kanina ko pa naririnig yung phone ko na


tumutunog. Baka importanteng tawag.

Dinampot ko kagad yung phone ko na nasa ibabaw ng drawer.

Incoming Call....

Coordinator Leslie

“Hello Ma’am?”
“Oh Hello Les. Bakit ka napatawag?”

“Gusto ko lang po sana itanong kung ayos na yung guest list niyo? Kailangan ko na
po kasi next week para makita niyo na din po yung invitations at para sa venue at
food preparations.” Tuloy-tuloy niyang tanong.

Napatango naman ako. “Hindi pa nga eh, pero sige aayusin na namin. Salamat sa pag
inform, tatawagan na lang kita pag natapos na namin yung list.”

“Sige po Ma’am, thank you.”

“Salamat din.” Sabi ko bago ko patayin yung linya.

Nag ayos lang ako ng konti at sinilip si Aian, buti na lang tulog siya kaya
magagawa namin ni Dylan yung list ngayon.

Kumuha lang ako ng isang notepad at pen sa work table niya bago bumaba. Naabutan ko
silang naglalaro ng toy cars ni Zion.

“Dy, tumawag pala si Les. Hinihingi na yung guest list. Tara gawin na natin?” Aya
ko sa kanya.
“Ha? Mamaya na lang yan.” Sagot niya habang nakikipaglaro pa din kay Zion.

“Oh here comes Guido.... Run....” Tuwang tuwa niyang sabi habang nilalaro si Zion.

“Ngayon na natin gawin habang tulog si Aian, mamaya pag nagising yun hindi ko na
‘to magagawa eh.” Katwiran ko sa kanya.

“Sige gawin mo muna tapos checheck ko na lang mamaya.” Sagot niya ulit ng hindi man
lang ako tinitignan. Tuloy pa din siya sa pakikipaglaro dun sa bata.

Napuno na ko. Sobra na ‘to.

Pabagsak kong nilagay yung notepad at pen sa lamesa. Sapat lang para makagawa ng
ingay at makuha ko ang atensyon niya.

Tinignan niya lang ako ng parang gulat na gulat sa inasal ko.

“Kung wala ka ng pakialam sa kasal na ‘to sabihin mo lang. Hindi yung sakin mo
inaasa lahat, para namang makakagawa ako ng guest list ko mag-isa! Para namang alam
ko kung sino lahat ng gusto mong imbitahin sa kasal na yan!” Inis na inis kong sabi
sa kanya. Sa lakas ng boses ko mukhang natakot si Zion sakin.

“Da... ddy...” Paiyak na niyang sabi kay Dylan.


Sa narinig ko mas lalo akong nainis.

“Ano ba naman? Bakit ka sumisigaw? Natakot tuloy yung bata.” Sita niya sakin habang
pinatatahan si Zion.

“Eh sa naiinis ako sayo eh! Naiinis ako sa batang yan!” Sigaw ko ulit sa kanya
dahilan para tuluyang umiyak si Zion.

Bakas sa mukha ni Dylan na naiinis na din siya.

“Manang! Manang! Pakiakyat nga muna si Zion sa kwarto!” Sigaw niya sa kusina.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa dumating si Ate Doris at binitbit si Zion sa
kwarto.

Malalim na buntong-hininga ang narinig ko bago siya nagsalita. “Ano bang nangyayari
sayo ha?”

“Ikaw? Ano bang nangyayari sa’yo Dylan? Madami ka lang bang iniisip o wala ka na
lang pakialam samin? Lalo na sa lecheng kasal na ‘to!”

Napakunot siya lalo ng noo. “ Ano bang pinagsasabi mo na naman? Saan mo nakukuha
yang iniisip mo na yan?”
“Bakit totoo naman ha!” Sagot ko.

“Bakit ba ganyan ka mag-isip ha? Sino bang may sabi sayo na wala akong pakialam sa
kasal?” Inis na inis na din niyang sabi pero nagpipigil pa siya.

“Sa mga pinapakita mo sakin ganyan ang naiisip ko. Simula nung dumating yung batang
yun dito wala ka ng ibang inintindi.”

Napasigaw na din siya dahil sa inis. “Wag mong idadamay yung bata dito!”

“Bakit ba? Ano bang meron sa batang yan?” Bato ko ng tanong sa kanya. Yung tanong
na natatakot akong marinig yung magiging sagot. Yung tanong na nakapagpabother
sakin ng ilang araw.

Pero imbes na sagutin niya yung tanong ko tinbalikuran na lang niya ako.

“Wag na natin ‘tong pag-awayan. Mainit lang ang ulo mo, magpahinga ka na.” Mahina
niyang sabi habang nakatalikod sakin. Nakatalikod lang siya pero hindi siya
umaalis.

Hinawakan ko yung braso niya at pinipilit siyang humarap sakin. Bakit ba hindi niya
sinagot yung tanong ko?

“Dylan tinatanong kita!” Sigaw ko sa kanya pero wala pa din akong nakuhang sagot at
hindi pa din siya humaharap sakin.
Pero ayokong tumigil hanggang hindi ko nalalaman. Pagtatalunan lang namin ‘to kung
hindi niya ako sasagutin, at hindi ako patatahimikin ng utak ko kakaisip.

“Dylan harapin mo ko at sagutin mo yung tanong ko! Ano mo ba yang bata na yan?”
Gigil na gigil ko ng tanong sa kanya. Sa sobrang gigil ko hindi ko alam na
nahahampas ko na pala ng kamay ko yung braso niya.

“Ano ba? Bakit ba ayaw mo kong sagutin?!” Maiiyak ko ng sabi. Nahihirapan na din
ako ilang araw niya. Gustong gusto ko ng malaman yung totoo.

“Ano bang meron sa kanya at ganyan ka mag-alala? Sagutin mo na please Dylan.”


Nagsimula na kong maiyak pero malakas pa din yung boses ko.

Pero di ko akalain na mas maiiyak ako sa maririnig kong sagot.

“Kasi anak ko siya! Anak ko si Zion!”

*Brix’s POV*

Arghhh... bwiset na hang over ‘to. Bakit ba kasi naglasing lasing pa ko? Eto tuloy
napapala ko. Bwiset talaga.

Kahit masakit yung ulo ko pinilit ko pa ding bumangon para makapagshower ako.
Nabawasan naman yung sakit ng ulo ko pagkatapos.

Bumaba ako sa kusina para uminom ng paracetamol.

“Manang nasan si Brinna?” Tanong ko kay Manang nung naabutan ko siyang nagluluto.

“Nako, lumabas na naman kasama yung mga kaibigan niya. Yung batang yun talaga.”
Medyo inis na sagot ni Manang.

Hindi ko na din siya sinagot. Ininom ko na lang yung dala kong paracetamol tapos
bumalik na din sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama ko. Kinuha ko din yung
cellphone ko at idinial ang number ni Brinna.

“Hello kuya?” Sagot niya kagad.

“Nasan ka na naman? Ang aga aga mo umalis ha. Nagpaalam ka ba kila Dad?” Usisa ko
kaagad. Masyado kasing nababarkada ‘tong bata kong kapatid.

“Don’t be so over reacting Kuya. Kaalis ko lang kaya, and yes nagpaalam ako kila
Mom. I’m going shopping lang with Chella. I’ll be back after lunch okay?” Maarteng
sabi niya.
“Sige, basta after lunch ha. At siguraduhin mong si Chella lang ang kasama mo.”
Sagot ko. Kahit maarte ‘tong batang ‘to protective ako dyan.

“Yes sir! I almost forgot, kanina pala palabas ng village may girl na naghahanap
sayo-“

“Brinna, tara na.” Dinig kong tinawag siya ng bestfriend niyang si Chella.

“Ay kuya, nandito na kami sa mall. Catch yah later. Hugs!” Sigaw niya galing sa
kabilang linya bago maputol yung tawag ko. Binabaan pa ko. Tss.

*knock knock*

“Pasok.”

“May bisita po kayo Sir.” Sabi nung isa sa mga maids namin.

“Sige, susunod na lang ako. Salamat.” Sagot ko bago bumangon.

Inayos ko muna yung sarili ko pagkabangon. Sino naman kayang bibisita sakin dito?
Tss. Baka yung mga abnormal kong kaibigan lang. Walang pasabi eh, malamang nga.
Pero kalahati ng utak ko hinihiling na sana si Zea yung bumisita sakin. Na sana
pagkatapos nung saglit na usap namin kagabi namiss niya din ako gaya ng pagkamiss
ko sa kanya. Bading man pakinggan pero ayun yung nararamdaman ko.
Pero nung nakababa na ako sa sala namin at nakita ko yung sino yung bisita ko,
nadisappoint ako.

“Hi.” Sabi ni Cathy habang nakangiti ng alanganin.

Gusto ko man bumalik sa kwarto ko at wag na lang siyang harapin hindi ko magawa.
Alam kong bukod sa nakakabastos yun, gusto ko din siyang kausapin kahit naiinis
ako.

“Anong ginagawa mo dito?” Seryosong tanong ko nung palapit ako sa kanya.

“Ah ano kasi Brix, medyo worried ako. Ano kasi eh...” Hindi mapakali niyang sabi
sakin.

“Ano?” Seryoso ko pa ding tanong. Pakiramdam ko natatakot din siya sa expression ko


ngayon sa kanya. Pigil pa nga ‘to eh. Naalala ko na naman kasi yung mga nalaman ko.
Naalala ko kung paano niya ko pinasakay sa mga kwento niya.

“Galit ka ba sakin? Kasi after nung umalis ka bigla sa bahay ko hindi mo ko


kinausap. M-may nagawa ba kong mali sayo?” Nanginginig niyang tanong sakin. Tipong
iiyak na siya.

Tinignan ko pa din siya ng seryoso. Yung may pigil nag alit, sapat lang para
mahalata niya. “Meron ka nga bang kasalanan sakin ha Cathy?”
“I’m sorry.” Napayuko siya.

“Hindi ka magsosorry kung alam mong wala di ba?” Sagot ko sa sorry niya.

“I... i... it’s just that I’m guilty Brix.” Nakayuko pa din niyang sagot.

“Hindi ka din maguiguilty kung hindi ka ginuigulo ng konsensya mo. Tama ba ko?”
Tanong ko sa kanya.

Inangat niya yung mukha niya kaya nakita kong namumula na yung mga mata niya,
naluluha na siya talaga.

“I’m so sorry. I was left with no choice. I really am sorry.” Umiiyak niyang sabi.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya pero hindi nabawasan yung galit at inis ko kay
Cathy.

“If only I knew what would happen, I shouldn’t have started the whole thing.” Iyak
na siya ng iyak pero ewan ko ba kung bakit hindi ko pa din siya magawang aluin
kahit nakikita ko siyang ganyan.

“Please forgive me.” Hiling niya sakin.


“For what? Ano bang ginawa mo sakin bakit kailangan kitang patawarin?” Tanong ko.
Kahit na alam ko naman gusto ko lang na sa kanya pa din manggaling. Gusto kong
magconfess siya sa harapan ko.

“Are you asking me to confess? Do you really want to know everything Brix?”

Tumango ako.

*Cyril’s POV*

“I’m walking on sunshine! Woaaaaaah! I’m walking on su-“

“Aaaaah! Ang sakit ng ulo ko! Inaantok pa ko eh!” Reklamo ko dito sa kasama ko
habang bwisit na bwisit akong nagdridrive.

“Ang KJ mo naman! Magdadate na nga tayo eh!” Nakanguso na namang sabi ni Pukyot
sakin.

Napasapo na naman ako sa noo ko. “Wala naman masamang magdate, pero yung 7 ng
umaga? Yung totoo? Nagshashabu ka ba?”
“Hihi. Hindi ‘no! Saka breakfast date ‘to batman!” Sabi niya sabay pacute.

Hindi na lang ako sumagot, lalo lang sasakit ang ulo ko. Akala ko pa naman pag
graduate na ko makakapagbreak na ko sa pag gising ng sobrang aga. Akalain mo ba
namang 5:30 ng umaga may kakatok na baliw sa unit ko at mag-aaya ng date? May
sayad!

Buti na lang tumahimik lang siya hanggang sa makarating kami sa restaurant na


sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit doon pa. Pagdating namin inescortan kaagad kami
sa table, umorder lang din kami ng pagkain.

“Wala ka bang naaalala?” Tanong niya bigla sakin habang naghihintay kami ng order.

“Ha? Bakit nagkaamnesia ba ko?” Nakakunot kong tanong.

“Eh! Batman naman eh, wala ka bang naaalala sa lugar na ‘to?” Tanong niya ulit.

“Wala.” Mabilis kong sagot sa kanya.

Napanguso naman siya tapos nanahimik, hanggang sa dumating na yung order namin
tahimik lang siya. Late ko na lang narealize na dito pala kami unang kumain na
magkasama.
*Yung date na tinutukoy ni Cyril ay yung sa Chapter 22.5*

*flashback*

 “Steak Au Povre with Cognac Sauce.” Order ko sa waiter. Napilitan pa ko makipag-


dinner sa babaeng mukhang takas sa mental na ‘to. Tss, yaan na nga minsan lang
naman eh.

“Oy, ikaw ano sayo? Tagal mo pumili dyan.” Tawag ko sa kanya, tagal tagal gutom na
nga ako eh.

“Ahhhhh, yun na nga lang din. Parehas na lang sayo, saka iced tea na lang.” Sabi
niya sabay sara ng menu.

“Oy sinong magbabayad nito?” Tanong ko sa kanya, aba hindi naman ako ang nag-aya
aya ng dinner na ‘to. Ano ‘to lilibre ko siya? Pasalamat nga siya sumama pa ko eh.

“Oo na ako na. Basta sumama ka naman sakin eh. Ano bang type mo sa babae?” Bigla
niya kong tinanong habang nakapatong yung baba niya sa dalawang kamay niya at
tinitignan na parang ready niya na akong i-rape maya maya lang.

“Hoy wag mo nga akong titigan ng ganyan, alam kong gwapo ako pero marunong din ako
mailang.” Sagot ko sa kanya ng nakasimangot. Ewan ko ba bakit ako naiilang sa babae
na ‘to, siguro kasi alam kong abnormal siya.
“Hihi!’ Bigla na naman siyang humagikhik ng humagikhik ng parang timang.

“Hoy ano na naman tinatawa tawa mo dyan?” Napipikon kong sita sa kanya. Malapit na
yata akong masiraan ng bait dito. Bakit ba kasi ako sumama.

“Naiilang ka kasi eh, ibig sabihin na may chance na baka may gusto ka din sakin.
Kasi affected ka eh! Hihihi. Sabi ko na nga ba.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, parang tanga kasi. Parang siguradong sigurado
siya sa sinabi niya. Naiilang lang naman ako dahil para niya akong gagahasahin
dito.

“Tumigil ka nga dyan, wag kang umasa. Kumain ka na lang, gutom lang yan.” Sabi ko
sa kanya nung dumating na yung order namin. Kumain na lang ako at planong hindi
siya pansinin pero naging imposible yun. Panong hindi ko siya mapapansin eh
hagikhik siya ng hagikhik habang kumakain. Badtrip lang, para kong nakipagdinner sa
mangkukulam.

Sa sobrang badtrip ko naubos ko tuloy yung pagkain ko. Bwiset, buti na lang kahit
madami akong kainin firm na firm ang abs ko. Tss.

Pagkatapos namin kumain binayaran ko na din yung bill namin at hinatak ko na siya
palabas ng restaurant, gusto ko ng umuwi. Nakukulili na yung tenga ko.
*end of flashback*

Simula nung hindi ko nasagot yung tanong niya sa restaurant hanggang sa matapos
kaming kumain hindi ako pinapansin ng babae na ‘to. Ano bang problema niya?
Nagtampo ba siya dahil lang hindi ko agad naalala? Ganun ba siya kasentimental?
Alam ko lang kasi pang mental lang siya.

“Saan tayo susunod na pupunta?” Pagwasak ko sa katahimikan. Nakakaemo eh.

“Skating tayo please?” Mahinang sabi niya tapos bumalik na siya sa pag-eemote abang
nakatingin sa labas ng binatana.

Napangiti din naman ako nung narinig ko kung saan niya gustong pumunta kaya
minadali ko na yung pagdridrive ko. Buti na lang malapit lang yun dito kaya sandali
lang nakarating na din kami.

“Dalawa nga.” Inabot ko yung bayad sa may counter at inabutan naman niya kami ng
skating shoes.

Tahimik pa din si Pukyot habang naglalakad kami papunta sa gilid ng rink. Dala-dala
ko yung skating shoes namin.
Umupo siya sa isang bench dun at nilahad yung kamay niya, pero hindi ko binigay
yung hinihingi niya. Imbes, lumuhod ako sa harapan niya at tinanggal yung sapatos
niya.

“H-hoy batman ano bang ginagawa mo?” Pilit niya pang nilalayo yung paa niya sakin.

“Tss, akin na kasi.” Hinigit ko ng mas malakas yung paa niya tapos tinanggal yung
sapatos niya. Sinuot ko sa kanya yung skating shoes tapos inalalayan ko siyang
tumayo.

“Hmp. Una na ko dun.” Pagsusungit niya pa din tapos nilayasan na ko. Nauna na siya
dun sa loob, porke marunong na ang yabang. Samantalang dati!

Arte arte pa niya, siya na nga dyan sinusuyo. Bahala nga siya, ‘tong pogi kong ‘to
nag iinarte pa siya dyan. Ay ewan, pag sumemplang siya dyan sa loob di ko siya
tutulungan. Tatawa pa ko.

Sinuot ko na lang din yung skating shoes ko at dumeretso na sa loob. Nilingon


lingon ko yung tingin ko pero hindi ko siya nakita kaya nagskate na ako. Di naman
ako matitiis nun, lalapit din yun sakin.

Nagskate lang ako ng nagskate hanggang sa naramdaman kong may kamay na yumakap
sakin mula sa likuran ko. Napangiti ako ng palihim, sabi na nga ba hindi ako
matitiis nito eh. Hinawakan ko lang yung dalawang kamay niya tapos napakunot ako.
Bakit ang gaspang nito ngayon? Tss. Ah baka siguro naglaba tapos di naglotion.
Medyo turn off ah, parang kamay ng lalaki eh.

“Hoy pukyot bumitaw ka na nga dyan.” Sita ko sa kanya, ang higpit kasi ng yakap eh.
Pero imbes na bitawan niya ako mas lalo pa niyang hinigpitan yung yakap niya sakin.
Problema nito?
Dahil hindi na din ako makahinga sa pinaggagawa niya pinilit ko ng humarap sa
kanya, na sana hindi ko na lang ginawa.

“Waaaaa! Hayup ka! Lumayo ka nga sakin! Pati hanggang dito sumusunod ka sakin?!
Tantanan mo ko utang na labas naman!” Sigaw ko habang tinatakbuhan yung stalker
kong bakla. Langya naman oh, kaya pala kung makayakap sakin may kasamang pagnanasa.
At kaya din pala ang gaspang ng kamay! Bwiset.

“Hoooooy Fafa Cyril! FYI lang ah? Di akesh stalker, admirer ako kasi im pretteeeeh!
Come here beybeh!” Sigaw niya din habang nagskaskate para habulin ako.

“Hahahahahahaha!”

Napalingon naman ako dun sa tumatawa, si Pukyot. Langyang girlfriend ‘to


tinatawanan pa ko eh magagahasa na ko dito. Asar ah.

“Fafa Cyril! Huweyt for meeeh!” Sabi pa din nung baklang stalker ko.

Nagskate lang ako ng mabilis palapit kay pukyot at tapos hinila ko na siya,
dumeretso kami sa exit at kahit wala na kami sa yelo nakaskate shoes pa din kami.
Oo parang tanga lang, pero ayoko magahasa sa rink!

“Hahahaha! Wait, wait lang batman. Ang sakit na ng paa ko! Hahahaha! Grabe ang cute
cute ng reaction mo dun sa bakla kanina. Hahahahaha! Ang cute mo talaga.” Tawang
tawa niyang sabi, halos maluha pa siya sa kakatawa.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti. Dapat nga maiinis ako kasi
tinatawanan niya ako eh. Pero kasi nakakatuwa marinig sa kanya na cute ako.
Karaniwan kasing impression sakin ng mga babae ay hot o gwapo o ma appeal. Pero
yung cute? Siya pa lang yata nagsabi sakin nun eh.

Bigla siyang lumingon sakin kaya nahuli niya akong nakangiti. “Ang cute mo talaga
Cyril.”

“Tss. Wag mo nga akong utuin, hihintayin kita sa kotse ko. Ikaw na magsoli ng skate
shoes natin tapos kunin mo yung sapatos, ayoko na bumalik dun baka din a ko
makalabas ng buhay.” Utos ko sa kanya. Ginawa naman yun kahit na tawa pa din sya ng
tawa.   

“Ano bang gusto mong gawin dun? Bakit dun pa?” Tanong ko sa kanya habang
nagdridrive papunta sa susunod niyang gustong puntahan.

“Wala lang, namiss ko lang pumunta dun. Sige na batman, pagbigyan mo na ako today.”
Pagpapacute niya pa sakin.

Ano pa nga bang magagawa ko? Tss. Minadali ko na lang yung pagdridrive hanggang sa
makarating ako sa parking lot ng school. Ewan ko ba sa babae na ‘to kung bakit dito
pa niya natripan pumunta. Wala naman kaming gagawin dito eh.

Pagkababa namin sa kotse dumeretso lang kami sa loob. Kilala naman kami ng gurads
kaya hindi na kami hiningan ng kahit anong identification cards.
“Punta tayo sa HRM dept. office batman!” Sabi niya sabay hila sakin paakyat sa 3rd
floor kung nasan yung HRM room.

“Ano bang gagawin natin dito ha? Nakakainip eh. Lipat na tayo sa iba. Kala ko ba
date ‘to bakit kung saan sa-“

*tsup*

“Gusto ko lang pumunta dito, kasi ang dami kong naaalala pag nandito ako eh.”
Seryoso niya bulong habang nakayakap sakin.

Ako? Eto medyo tulala pa. Nagulat ako sa halik niya eh, pero nag enjoy naman ako.
Haha!

“Ano namang naalala mo ha?” Kunwari masungit kong tanong sa kanya.

“Ikaw. Dito tayo nagwowork lagi nun pag may events di ba? Hihihi. Kinikilig pa din
ako pag naiisip ko eh.” Humahagikhik na naman siya.

Napangiti na naman ako lalo. Tss, tinatablan na din pala ako ng kilig.
*

“Sigurado kang dun tayo pupunta? Anong gagawin dun? Magpapakulong na naman? Tss.”
Reklamo ko na naman habang papasok kami sa susunod niyang gustong puntahan. Ang
weirdo talaga ng babae na ‘to. Kaya pala maaga pa lang akong binulabog, ang dami
niya palang gustong puntahan ngayong araw na ‘to.

“Kung pwede nga lang makulong ulit doon kasama mo eh. Ang saya saya ko kaya nung
nakulong tayo dun.” Seryoso niyang sagot sakin.

Medyo natouch ako pero mas lamang yung nakornihan ako sa sinabi niya kaya nabatukan
ko siya ng mahina.

Pero dahil OA siya. “ARAY NAMAN BATMAN! ANG SAKIT AH!”

“OA mo pukyot, ang hina hina eh. Eh kasi naman may paiyak iyak ka pa nun gusto mo
naman pala makulong dito kasama ko.” Natatawang sabi ko sa kanya. Nakakatawan kasi
yung pagkalukot ng mukha niya dahil sa pagrereklamo niya.

“Eh masakit eh! Pero may aaminin ako sayo na may umamin sakin.” Sabi niya.

“Ha? Umamin sayo? Na ano? Na may gusto sayo? Hahahahaha! Akalain mo meron pa pala
bukod sakin?” Tinawanan ko siya kaya sumimangot siya lalo.

“Hindi! Si Greg!” Sigaw niya sakin. Napapormal bigla yung mukha ko sa narinig ko.
“Ehem. Oh anong meron kay Greg? Tss. Umamin siyang may gusto sayo.,” Masungit kong
tanong sa kanya. Greg na naman. Sapakin ko na yun eh.

“Teka nga kasi! Wag kang magselos sa kanya. Siya kaya nagplano nun batman. Hihihi!
Siya po ang nagkulong satin sa stock room na to!” Sabi niya sabay yakap na naman
sakin.

At eto na naman tinablan na naman yata ako ng kilig kaya niyakap ko din siya.

“Kahit siya pa din ang nagkulong satin dito hindi siya makakaligtas sa kutos ko.
Pinagselos niya ko!”

Tinawanan lang ni Pukyot yung sinabi ko.

“Hi babe.” Sabi nung babae sabay lapit sakin.

“Excuse me nga miss!” Inis na hinawi siya ng girlfriend ko sabay hila sakin
papaunta sa counter ng bar.
“Possessive. Tss.” Tukso ka sa kanya nung makarating kami sa counter.

“Eh pano ang dami daming nakatingin sayo, nakakainis.” Nakanguso niyang sabi.

“Ikaw kaya ang nag-aya dito. Bakit ba kasi tayo nandito ha? Kala ko ba date? Tapos
sa bar? Nakakaloko ka na ngayong araw ha.” Sagot ko sa kanya. Kasalanan ko bang
maging gwapo ako kaya madaming tumitingin sakin?

Hindi niya sinagot yung tanong ko at hinarap na lang niya yung bartender. “Andyan
ba si Vince?”

“Wala po ma’am may inaasikaso sa kabilang bar niya. Ano pong order mo ma’am? Yung
dati pa din?” Tanong sa kanya nung bartende na mala Dj sa radio kung mag advice
noon.

Kinalabit ko siya. “Si Vince ba totoong pinsan mo?”

Umiling siya bago sumagot. “Kamag-anak siya nung mga umampon sakin. Pero parang
totoong magpinsan kami magturingan. Bakit mo tinatanong? Nagseselos ka kay Vince
no?” Sabi niya sabay ngiting mapang-asar.

“Asa ka naman ‘no.” Sagot ko sa kanya sabay agaw nung kung ano man yung iniinom
niya.

Sinamaan niya lang ako ng tingin tapos ngumuso at umirap. Hindi ko alam nag eemo
emohan na pala siya nun dahil pagkatapos nun hindi na niya ako pinapansin. Nakaisip
tuloy ako ng kakornihan. Sa buong buhay ko di ko akalain na gagawin ko ‘tong
kalokohan na ‘to.

Tumayo ako at lumayas sa tabi niya para puntahan yung DJ. Binulungan ko siya at
inabutan ng tip tapos ngumiti siya at ginawa yung inutos ko.

Nung balikan ko si Pukyot sa may counter abot kabilang kanto na yata yung nguso
niya, akala niya siguro iniwanan ko na siya.

“Pst, tara dun.” Sabi ko tapos hinatak ko siya. Oo gusto ko nga siya pero di ko pa
din kayang magpakakorni ng sagad. Kahit na mahal ko siya hindi pa din mawawala yata
yung pagkabalasubas ko. Natural na yata ‘to.

Dinala ko siya sa gitna ng madaming nagsasayaw, parang on cue naman na tumugtog


yung request ko.

* I knew I love you by Savage Garden*

Nilagay ko yung dalawa niyang kamay paikot sa leeg ko tapos nilagay ko naman yung
sakin sa bewang niya.

“Parang kang sira alam mo yun?” Tanong ko sa kanya nung nagsimula ko na siyang
isayaw. Ang korni talaga eh, pero alam kong matutuwa ‘to.
“Ano na naman bang ginawa ko? Oo na sira na ko. May sayad. May toyo. Baliw. Ano
pa?” Nakanguso na naman niyang sabi.

“Tss. Autistic ka pa.” Dagdag ko sa sinabi niya. Kulang kasi eh.

“Oo na.” Sabi niya tapos aalisin niya sana yung kamay niya leeg ko pero pinigil ko
siya saka ko hinalikan... sa gitna ng madaming tao.

Hindi ko na nabilang kung gaano katagal ko siyang hinalikan, basta pagkatapos nun
pakiramdam ko madaming nakatingin samin. Pero dahil usual lang naman ang ganito sa
bars, hindi na nila kami pinansin.

“Bakit ba ang hilig hilig mo dyan manghalik bigla ha?” Sabi niya habang kinakagat
yung ibabang labi niya. Sige akitin mo pa ko. Tss.

“Bakit ayaw mo ba? Gusto mo part 2 pa? Di pa nakuntento?” Asar ko sa kanya.

“Pag nawala ba ko batman mamimiss mo ko?” Bigla niyang tinanong sakin.

Tinawanan ko naman siya. “Tss ano ka ba? Syempre hindi.”

Inirapan naman niya ko tapos aalisin na naman sana ulit yung kamay ko pero
pinigilan ko na naman siya.
“Para namang papabayaan kitang makaalis sa tabi ko. Kung pwede nga lang ikadena na
kita sakin eh. Syempre alam akong aanga anga ka at di mo kaya sarili mo.” Seryoso
kong sagot sa kanya.

Pinalo naman niya yung balikat ko sabay nguso na naman. “Matutuwa ba ako dapat
batman? Parang iniinsulto mo na naman ako eh.”

“Wag ka na mag inarte, sweet na ko sa lagay na ‘to. Love you.” Sabi ko sabay ngiti.

Inarapan na naman niya ako tapos aalisin na naman niya sana kung kamay niya pero
pinigilan ko siya, na naman.

“Bakit na naman ba?” Iritang tanong ko.

“Walang I eh! Ang bitin mo!” Nitong mga nakaraan nagiging demanding ‘tong babaeng
‘to. Bilihan ko siyang fries dyan eh.

“Eto na, daming arte eh! I love you! I love you Honey Alvarez! Cyril love Honey!
Kung may puno lang dito iuukit ko pa eh! Masaya ka na?”

Tumawa lang siya tapos niyakap ako ng mahigpit. “I love you too batman. I love you!
Sana... sana forever na lang tayong ganito.”

--
Sorry matagal ang UD. Stressed ako, lol. Ayan mukhang stressed din tuloy ang UD ko.
Iinom ako isang bottle ng stresstabs para next year na gising ko. :p 

Ansabe ng revelations? Handa na ba ang pitchforks niyo para sakin? hahaha! 

=================

Chapter Fifty Three

Shane Ramirez sa multimedia. :p

Chapter 53

*Sophia’s POV*

“A-an.... a-anak?” Umiiyak at nanginginig kong tanong kay Dylan.

Bakit kahit may hinala na ko, kahit na may duda na ko, mas masakit pa din marinig
yung katotohanan? Bakit kailangan maging ganito kasakit malaman yung totoo?

“Anak ko siya.” Pag ulit niya pa ng mahina, halos bulong na lang.


“Tama na....” Sagot ko kaagad. Ayoko ng marinig ulit. Tama na yung isang
kumpirmasyon. Tinignan ko yung mukha ni Dylan, mukhang siya din nagulat sa nasabi
niya. Kung hindi ko siya pinilit hindi niya pa din ba sasabihin? Hanggang kailan
niya itatago sakin ‘to? Kailan niya binabalak sabihin sakin?

“Hindi ko naman balak itago...”

“Pero ginawa mo. Nagawa mo na Dylan. Kung hindi kita pinilit sasabihin mo ba? Ni
ayaw mo pa ngang magsalita kanina! Mukha akong tanga kakahintay kung kailan ka
magsasabi sakin. Hindi na ko mapakali sa dami ng iniisip ko, sa dami ng gusto kong
malaman. Pero hinayaan mo lang ako. Halos isang linggo na wala ka man lang
sinasabi. Ganun na ba ko kawalang halaga sayo?”  Sunod sunod kong sabi sa kanya
pagkatapos ko siyang pigilan magsalita.

“Hindi naman sa gan-“

“Wag ka ng magsalita please!” Pagputol ko ulit sa anumang sasabihin niya.

“Please let me explain.” Pigil na inis niyang sabi.

I smiled sarcastically habang tumutulo yung luha ko. “Explain? Ilang araw yung
lumipas pero hindi ka nagsalita, wala kang sinabi. Tapos sasabihin mo sakin hayaan
kitang magpaliwanag? Hayaan kitang magsalita? Ngayon pa? Kung kailan ayoko nang
marinig ang kahit anong sasabihin mo.”

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko, napayuko lang siya dahil totoo. Mas pinili niya
pang hayaan ako na magmukhang tanga kesa sabihin sakin na anak niya si Zion
Dahil wala naman din na akong mapapala dito, nagmadali na lang akong umakyat sa
kwarto namin. Malas pang nandoon nga din pala si Zion.

“Pakilabas na muna yan dito.” Pakiusap ko kay Ate Doris na agad naman niyang
ginawa.

Masakit din para sakin makita yung batang yun. Bakit ngayon pa siya dumating?
Ngayon pa kung kailan akala ko okay na lahat. Kung kailan masaya na kami.

Hindi ko na alam kung gaano katagal akong umiiyak nung naisip kong kailangan ko ang
Mama ko. Kailangan ko siya ngayon.

Kinuha ko yung phone ko at idinial ang number ni Shane.

Sinagot naman niya kaagad. “Hello ate? Bakit?”

Pinilit kong ayusin yung boses ko para hindi niya mahalata. “Nasa bahay ka ba?”

“Oo. Teka, umiiyak ka ba?” Pero hindi ako nakalusot sa kanya.

“Sunduin mo naman ako dito ng taxi... please.” Pagpigil ko ng iyak ko pero hindi ko
napigilang humikbi.
“Sige, sandali lang, pupunta na ko. Dyan ka lang. Tatawagan kita pag malapit na
ko.” Halata ko sa boses niya na nag-aalala siya.

“Sige.” Sagot ko bago ko putulin yung linya.

Pagkalapag ko ng phone ko sa kama nag-ayos na kaagad ako ng mga gamit at damit ni


Aian. May mga gamit at damit naman ako sa bahay namin kaya hindi ko na kailangan
mag-ayos ng madami para sakin. Mga importanteng gamit ko na lang ang nilagay ko sa
bag. Pero habang nag-aayos ako ng gamit namin ni Aian hindi ko mapigilan na hindi
umiyak, masyadong maskait yung ginawang pagtatago sakin ni Dylan.

Gusto ko muna ng space samin, gusto ko munang makausap ang mama ko.

Nung natapos na ko mag ayos ng mga gamit namin inayos ko ang sarili ko. Ayokong
makita ako ni Shane na ganito. Gusto ko lang talangang makuasap si Mama, miss na
miss ko na sila.

*ring ring*

“Hello Shane? Nasan ka na?” Tanong ko kaagad pagkasagot ko.

“Papasok na ng subdivision yung taxi, lumabas ka na sa inyo.” Sagot niya lang tapos
naputol na din kaagad yung linya.
Inilagay ko yung phone ko sa bag ko at binuhat na si Aian na natutulog pa din.
Medyo nahirapan pa ko dahil dala ko din yung bag ng mga gamit niya, buti na lang at
nakasalubong ko si Ate Doris habang pababa kami ng hagdan kaya tinulungan siya na
ang nagdala ng mga gamit.

Hindi ko nakita si Dylan o yung anak niya sa sala kaya nagtuloy tuloy na lang ako
sa paglabas sa pinto. Wala akong balak na magpaalam sa kanya dahil alam kong hindi
siya papayag, at baka magkasakitan lang kami ng salita.

Nakita ko na sa labas ng gate yung taxi na kakatigil lang, malamang si Shane na


yun.

Palabas na sana ako ng gate nung maramdaman kong may humigit sa braso ko.

“Saan ka pupunta?”

Hinarap ko din si Dylan at pilit na inaalis yung kamay niya sa braso ko. “Aalis
kami, pupunta ako sa Mama ko.”

“Hindi kayo aalis, dito lang kayo ng anak ko.” Sabi niya sabay higit ulit sa braso
ko ng madiin.

“Dylan nasasaktan ako! Bitawan mo nga muna kasi ako, pabayaan mo muna akong
umalis.” Naiiyak kong sagot sa kanya. Dahil sa lakas ng boses ko nagising tuloy si
Aian, mabuti na lang at hindi siya umiyak.
“Sandali lang ‘tol, nasasaktan yung Ate ko. Pwedeng pakibitawan muna?” Nagulat na
lang ako nung pumagitna si Shane samin ni Dylan.

“Shane, kailangan namin mag-usap ng ate mo.” Halos pakiusap ni Dylan sa kanya.

“Hayaan mo muna ‘tol, dadalahin ko muna siya kay mama. Mukhang ayaw ka pa niyang
kausapin eh.” Sagot ng kapatid ko sa kanya. Pati ako nagugulat sa mga sinasabi ni
Shane, hindi ko alam na ganun din pala siya kaseryoso pagdating sa mga ganitong
sitwasyon.

“Hindi pa kami naguusap ng ate mo.” Halos pabulong na ulit ni Dylan habang hindi pa
din niya binibitawan yung hawak niya sa braso ko. Nakaramdam bigla ako ng awa sa
kanya. Bakit ganito? Bakit kahit galit ako sa kanya madali pa din akong maawa?
Bakit?

Hindi na siya sinagot ni Shane pero inalis nito yung pagkakahawak ni Dylan sa braso
ko at inalalayan ako palabas ng gate. Kinuha niya din yung mga gamit namin kay Ate
Doris.

“Sophia....”

Dinig kong tinawag pa ko ni Dylan pero hindi ko na siya pinansin at sumakay na lang
ako ng taxi. Hindi pa man din kami nakakalayo umagos na naman yung luhang kanina ko
pa pinipigil. Tama ba ‘tong gagawin ko? Tama bang umalis ako? Siguro nga kailangan
ko munang makausap ang mama ko. Kailangan ko munang gawin ‘to dahil parehas kaming
nasasakal sa sitwasyon. Parehas kaming magulo ang utak, baka magkasakitan lang kami
lalo kung ipilit naming mag usap kahit na alam naming hindi pa kami handang harapin
yung sitwasyon namin. I need time, and so does he.

“Ate, ano bang nangyari?” Biglang tanong ni Shane mula sa shotgun seat ng taxi.
Pinahid ko yung luha ko at pinilit na ngumiti sa kanya. “Wala ‘to, konting away
lang. Saka miss ko na kayo ni Mama.”

Hindi na sumagot si Shane kaya tinignan niya na lang ako mula sa rearview mirror.
Alam kong hindi siya naniniwala sa sinagot ko. Pero buti na lang hindi na siya
nagtanong pa. Niyakap ko na lang si Aian hanggang sa makarating kami sa tapat ng
bahay namin.

Binayaran na ni Shane yung taxi at binitbit yung mga gamit namin ni Aian. Kumatok
ako sa pinto, miss na miss ko na si Mama.

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto niyakap ko kaagad siya.

“Mama....” Bulong ko habang nagsisimula na namang tumulo yung luha ko.

*Janna’s POV*

“Beb?” Tawag sakin ni Nate habang nakahiga kami dito sa damuhan ng isang eco park
kung saan madaming lovers na naglalampungan. Bella-Edward ang peg namin.
“Whylaloo?” Tanong ko habang nakatingin sa langit at nakahiga sa isang braso ni
Nate.

“Napapaisip lang kasi ako. Bakit kaya tayong dalawa walang natatanggap na threats
kagaya nung sa iba?” Seryoso niyang tanong sa kanya.

Napaangat ako ng tingin kaya ngayon nakatingin na ko sa flawless face ng boyfriend


ko. “Gusto mo malaman kung bakit?”

Napatingin siya sakin ng seryoso pero hindi siya sumagot.

Nagbuntong-hininga ako bago magsalita ulit. “Ako kasi ang may gawa nun. Ako ang may
pakana ng threats.”

Mukhang hindi naman siya nagulat sa sinabi ko.

“Hindi ka man lang ba mag rereact dyan beb? Ano? Tulala na lang sa kagandahan ko?”
Tanong ko sa kanya kasi wala man lang siyang reaction sa revelation ko. Kabwiset
lang.

“Alam ko naman eh.” Sagot niya sakin sabay ngiti.

“Paano mo nalaman?” Nakangiti ko ding tanong sa kanya.


Nilapit niya yung mukha niya sakin kaya ngayon halos magkatapat na kami. Ramdam ko
yung paghinga niya, kaya malamang nito ramdam niya din yung paghinga ko. Hingahan
na lang kami dito? Ganito na ‘to?

“Alam ko lang, simula nung naadik ka sa Pretty Little Liars na yun! Di pa ba ko


masasanay? 1 week na kasing yan ang bukambibig mo beb!” Natatawang sabi ni Nate
sabay balik sa pagkakahiga niya sa damo. Tapos sabay na kaming natawa sa joke ko.
Sayang di benta sa kanya yung pagkukunwari ko.

“Eh kasi beb, nakakainis eh. Ang tagal malaman kung sino ba yung si A na yun!
Nakakacurious talaga! Sa sobrang daming plot twists minsan nagdududa na ko na baka
ako si A, hindi ko lang alam.” Napapanguso kong sabi. Ngayon lang ako nacurious ng
ganito sa buong buhay ko. Asar naman oh, nahahaggard ang beauty ko kakaisip eh.

“Oo, para sakin ikaw si A.” Sagot ni Beb kaya napatingin ako sa kanya.

Nakunot ang noo ko. “A?”

Ngumiti siya ng pang-asar. “A. Apple of my eye.”

Natawa naman ako sa binanat niya. Kahit minsan masarap banatan si Nate kinilig
naman ako. Immune na ako sa kakornihan niya eh, at naeenjoy ko ‘to.

“Ikaw talaga beb! Sige, ikaw naman ang B ko!” Natatawang sagot ko sa kanya.
“Yieeee. Anong B? Buhay mo?” Kinikilig niyang tanong. Showy talaga kiligin ‘tong si
Nate.

“B. Bulok na apple of my eye!” Nagpipigil na tawa kong sabi sa kanya.

Bigla namang naging pokerface yung mukha niya kaya hindi ko na napigilan yung tawa
ko. Hahahahaha! Ang kulit ng mukha ni Beb.

“Hahahahahah! Sorry beb, ikaw kasi eh! Hahahahahaha!” Sabi ko habang tawa pa din
ako ng tawa. Hindi ko mapigilan, ang epic kasi ng reaction niya eh. Kinilig pa man
din siya kanina.

“Ang sakit. Sakit ng puso ko, binasag mo.” Nag-eemote na sabi ni Nate.

Sinubukan kong pigilin yung tawa ko para kausapin siya. Hindi naman siya galit eh,
normal na niya yan. “Beb, sige mag emote ka. Aalis na nga ako dyan lagi ka pang
nag-eemote dyan.” Pagsuyo ko sa kanya.

Bigla naman tuloy sumeryoso yung mukha niya at niyakap niya ako bigla ng mahigpit.
Alam ko na kung bakit, iniisip na naman niya yung tungkol sa pag-alis ko. Napayakap
din ako ng mahigpit kay Nate.

“Beb, wag ka na umalis.” Bulong niya sakin.

Humiwalay ako sa pagkakayap niya dahil, syempre PDA eh! Tapos hinarap ko siya para
kausapin. Ilang beses na namin ‘to napag-usapan pero sadyang nakakalungkot pa din
isipin. Kaya nga sinusulit namin yung stay ko dito.

“Napag-usapan na natin ‘to di ba? Ayoko man din iwan ka dito eh, mamaya mambabae ka
eh o worse magsuicide ka. Pero kailangan eh, kailangan ko din ‘to. Di ba sabi mo
din naman na suusnod ka kung sakali? Kaya wag ka na malungkot dyan.” Pagpapaliwanag
ko sa kanya.

“Mamimiss kasi kita eh.” Sagot niya sakit sabay paupo sa mga damo.

Umayos na din ako ng pag-upo sa mga damo at tinignan siya. Ngayon lang ata naging
ganito ang mood namin ni Nate. Malapit lapit na din kasi eh. Mabilis lang ang araw,
hindi namin mamamalayan malapit na pala ang alis ko.

“Basta magbehave ka dun beb ha? Wag kang magpapaligaw sa mga foreigner, sige ka
magnonosebleed ka.” Sabi niya sakin sabay lagay ng baba niya sa balikat ko.

“Ikaw ang magbehave dito, baka hindi ka sumunod dun dahil nakahanap ka na ng bago
mong apple of the eye ha.” Sagot ko sa kanya sabay hilig ng ulo ko sa ulo niyang
nakapatong sa balikat ko. Mamimiss ko ‘to pag alis ko. Sobrang mamimiss ko si Nate.

“Oo naman. Kahit na bulok at korni ako sa paningin mo. Ikaw lang ang beb ko.” Sabi
niya sabay kiss sa pisngi ko.

Napangiti naman ako nun. Sana nga lang hindi ko na kailangang umalis. At sana din,
walang maging problema kahit magkalayo kami.
*Sophia’s POV*

Pinagmamasdan ko lang si Aian habang natutulog sa kama ko dati nung pumasok si Mama
sa kwarto ko.

“Anak, gusto mo bang mag-usap tayo?” Tanong niya habang nakatayo pa din sa tabi ng
pinto.

Tumango lang ako kaya umupo si Mama sa kama, katabi ko.

“Bakit ka ba bigla biglang nagpasundo kay Shane? Nag-alala kaming dalawa sayo.”
Tanong niya.

Ngumiti ako ng konti kay Mama bago sumagot. “Wala po, namiss ko lang po kayo.”

“Wag mo nga akong pinagloloko anak. Sige na, anong problema mo? Andito ako,
makikinig si Mama.” Hindi nga talaga ako makakapagtago kay Mama, higit sa kahit
sino siya yung pinakanakakakilala sakin.
“Ma... si Dylan po.” Pagsimula ko. Hindi ko magawang ituloy tuloy yung sasabihin ko
kasi alam ko pag ginawa ko yun babaha na naman yung luha ko.

“Walang masamang umiyak anak, ilabas mo yang nararamdaman mo.” Naramdaman ko na


lang yung kamay ni Mama sa likuran ko.

“Ma, may anak siya sa ex niya.” Halos bulong na lang yung nasabi ko. Parang ang
hirap din palang banggitin ‘to.

“Paano nanagyari yun? Kailan pa ‘to?” Alalang tanong ni Mama.

“1 week ago po may dumating na babae sa bahay namin, kasama yung bata. Dun palang
hindi na maganda ang pakiramdam ko. May duda na ako. Pero hinayaan ko silang mag
usap, hanggang sa sinabi sakin ni Dylan na samin titira yung bata dahil iiwanan
muna nung nanay niya. Pero kanina ko lang nalaman na anak niya...” Hikbi na lang
yung naisunod ko sa dapat ko pang sasabihin.

“Paano mo nalaman? Sinabi niya ba sayo?” Tanong ni Mama habang inaalo ako. Tuloy
tuloy na kasi yung pagtulo ng luha ko. Hindi ko na mapigilan.

“Yun nga Ma, hindi niya sinabi eh. Hinayaan niya ako. Hinayaan niya akong magduda
at maghinala. 1 week Ma, hinintay ko siyang kusang magsabi at kausapin ako. Ang
tagal kong natuliro kakaisip na baka kaya wala siyang sinasabi sakin dahil baka
mali ang hinala ko... Hanggang sa napagod na ko kakahintay at kakaisip, kinompronta
ko na siya pero halos ayaw niya pa din sabihin sakin. Bakit ganun Mama? Ganun ba
‘ko kawalang halaga sa kanya?” Magkahalong nasasaktan at naiinis yungh nararamdam
ko. Nasasaktan sa nalaman ko at naiinis sa pagtatago niya sakin ng bagay na dapat
alam ko na noon pa.
“Shhhh. Tama na anak, malay mo may rason siya kung bakit hindi niya kaagad sinabi.
Teka nga, ilang taon na pala yung bata? Kung kaedad lang yun ng apo aba susugurin
ko yan si Dylan ngayon din.” Seryosong sabi ni Mama kaya napatingin ako sa kanya.

“2 years old na po. Mas nauna sa anak ko. Bakit ganun Mama? Bakit ngayon pa
dumating yung ganito kung kailan okay na kami?”

Hinaplos ni Mama yung buhok ko bago sumagot. “Anak, ito ang realidad ng buhay.
Hindi ka isang character sa storya ng fairytale. Walang perpektong tao at lalong
walang perpektong relasyon. Hindi parating masaya, hindi parating okay. Dadating
ang dadating ang problema sa susubok sa’yo. Nasa inyo na yan kung magpapadala kayo
o malalagpasan niyo. Tanggapin mo yung bata, kasi parte siya ng buhay ni Dylan.
Mahal mo siya di ba?”

Nagulat ako sa mga sinabi ni Mama lalo sa huling tanong niya. Tinignan ko siya ng
mabuti at tumango. Oo mahal ko si Dylan.

“Mahalin mo siya ng buo Sophia. Mahalin mo ang lahat sa kanya. Ang mga mali niya,
ang mga bagay na hindi mo gusto sa kanya. Lalo na ang mga taong part eng buhay
niya. Hindi mo na maalis yun sa kanya anak. Anak niya yung bata kaya kahit gano man
nakakagulat o gano man kasakit yung katotohanan, matuto kang tanggapin yun.”

Napayuko ako. Kaya ko na bang tanggapin ang lahat sa kanya?

“Hindi kita minamadali, kung hindi mo pa kaya wag mong pilitin ang sarili mo. Baka
kailangan mo lang ng oras. Kailangan mo lang magi sip hanggang sa unti-unti mo nang
matanggap. Basta nandito lang naman kami ng kapatid mo.” Nginitian ako ni Mama. Nun
ko lang napansin na naiyak din pala siya sakin.

Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Gumaan ang pakiramdam ko ng makausap ko si Mama.


Kahit na ang laki ng kasalanan ko sa kanya dahil sa pagkakaroon ko ng anak ng maaga
hindi niya pa din ako pinapabayaan.

“Ma, pwede bang dito muna kami ni Aian?” tanong ko nung humiwalay ako sa
pagkakayakap ko sa kanya.

“Oo naman, gusto ko din naman kayong dumito muna kahit ilang araw lang.” Nakangiti
nang sagot ni Mama. Namiss ko nga siya talaga. Halos nawalan na ako ng oras sa
kanya simula noong naging kami na ni Dylan lalo pa nung nagkaroon na ko ng sarili
kong anak.

“Sige na, mag ayos ka ng sarili mo at mamaya lang kakain na tayo. Mamaya niyan mag
tanong pa yung kapatid mo, alam mo namang chismoso din yun.” Biro ni Mama sakin.
Totoo, napakamausisa nung Shane na yun. Pero natutuwa din ako sa kanya lalo na
kanina. Di ko talaga inasahan yun.

“Bababa na ko, sumunod ka na lang ha.”

“Opo.” Sagot ko bago lumabas ng pinto si Mama.

Sakto pagkalabas niya narinig ko yung cellphone ko na tumutunog kaya hinanap ko


kaagad yun sa bag ko. Hindi naman na ako nagulat sa pangalan na nakadisplay sa
caller ID.

Incoming Call...

Babyhubby <3
Hindi ko pinansin yung tawag niya at ibinaba na lang ang phone ko sa kama. Hindi pa
siguro ngayon. Hindi pa dapat kaming mag usap. 

--

Short UD lang. I posted this earlier than usual kasi i'm busy this weekend. :P
Sorry for mentioning Pretty Little Liars, can't help it. lol.

Votes. Comments. Thank you! :P 

=================

Chapter Fifty Four

Chapter 54

*Cyril’s POV*

“Text. Text. Tawag.” Pabulong bulong kong sabi habang nakatitig sa cellphone ko.
Peste lang, wala man lang bang tatawag?

“Hoy, tumunog ka nga!” Inis na inis kong sabi sa cellphone ko pero wala pa ding
dumating na kahit ano.

“Arrrrgh!” Bwiset talaga! Ano? Wala na ba talaga siyang planong magtext man lang?
Nyeta.
Sa inis ko inihagis ko sa paanan ng kama ko yung bwiset kong cellphone. Sana
mabasag na siya dun, wala siyang silbi. Ah bwiset!

Ano bang plano ng may sayang na babae na yun at ilang araw siyang nagpaparamdam?
Ano? Papamiss siya? Asa naman siya. Tss. Kung ayaw niya di wag, akala naman niya
hahabulin ko siya? Tss. Bahala nga siyan dyan pag ako nanchiks iyak iyak na naman
yun.

“Makatulog na nga lang. Bwiset.”

Tinakip ko na lang sa buong mukha ko yung comforter ko at pumikit....

Pumihit ako sa kabilang side, tapos pihit ulit sa kabila...

“Bwiset naman talaga! Di ako makatulog oh!” Inis na inis kong hinagis naman sa
sahig yung comforter ko. Nabuburyo na talaga ako sa buhay ko. Ewan ko ba, baka
namimiss ko na yung abnormal na yun? Ay hinde. Baka naiinip lang ako talaga. Tsk.

Binuksan ko na lang yung TV sa kwarto ko at naglipat lipat ng channel. Naghahanap


ng magandang mapapanood, pero napikon lang ako lalo. Wala. Walang magandang
palabas. Tss. Pinatay ko na lang yung TV. Kaasar eh.

Tss. Ayokong maglaptop, ayokong makinig ng tugtog, ayoko uminom. Nakakainis naman,
bakit ba ako di mapakali dahil sa babae na yun?
Pero kasi asar naman eh, dinate niya ako ng buong maghapon tapos hindi na siya
nagparamdam pagkatapos? Ni hindi man lang magsabi kung ipagpapalit na ba niya ko? E
di sana alam ko man lang. Asar talaga.

Sa inis ko nagderetso na lang ako sa banyo ko at nagshower. Kaso hanggang sa


pagshoshower ko naaburido pa din ako. Din a yata ako matatahimik, kinulam ata ako
ng honey na yun. Tss. Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ko nagbihis lang ako
kagad at dinampot yung susi ng kotse ko.

Tanaw ko na yung bahay niya, pero huminto pa ako. Mukha akong tanga ngayon dito na
nagmamasid masid muna. Ewan ko ba kung bakit ako nagmamasid na parang stalker dito,
gusto ko lang baka kasi lumabas siya eh. Atleast malaman ko lang na buhay pa pala
siya at baliw pa din pwede na kong umuwi. Bahala na siya kung di na niya ako itext
o tawagan.

Ang tagal kong naghintay sa labas, mga 7 minutes, pero hindi ko siya nakita. E
sadyang mainipin pa din naman ako kaya bumaba na ako ng kotse. Bahala na, baka
pagbukas niya ng pinto tatakbo na lang ulit ako pabalik ng kotse ko. Makita ko lang
na okay siya, baka matahimik na ko. Atleast alam kong sinadya niya yung hindi
pagtawag, ayoko man aminin sa sarili ko pero aaminin ko na nga na nag aalala din
ako sa babaeng yun. Syempre alam ko naman may pagkaslow siya kaya nag aalala ako.

Huminto na ko sa tapat ng gate niya kasi pagtumuloy pa ko malamang mauuntog ako.


Tss, sige pa Cyril gaguhin mo sarili mo. Tsk. Pinindot ko na yung doorbell at
nagready na sa pagtakbo ko pabalik sa kotse ko.

Maya maya pa bumukas na yung pinto, patakbo na sana ako kaso nakita kong hindi
naman siya yung lumabas sa pinto. Isang medyo matanda ng lalaki, medyo napakunot
tuloy ako. Eto kaya yung umampon sa kanya? Kasi imposible namang pinagpalit niya
ako dito ‘no? Kukutusan ko talaga siya.
“Ano yun hijo?” Tanong nung may edad ng lalaki pagkabukas niya ng pinto.

“Nandyan po ba si Honey?” Tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya tapos bigla siyang sumigaw. “Honeyloves, my naghahanap sayo.”

Nanlaki ang mata ko. Fvck. Ano ‘to? Pinagpalit niya nga ako dito?

Muntik ko na sanang sapakin yung matandang lalaki nung may lumabas na matandang
babae sa pinto.

“Yes honeyloves, ano yun?” Tanong nung matandang babae dun sa lalaking kausap ko.

“Ah eto si hijo, hinahanap ka oh.” Sagot niya dun sa babae.

Napasapo ako sa noo ko bago sumagot. “Ah eh hindi po siya, si Honey Alvarez po.
Yung dating nakatira dito.” Tanong ko. Bwiset, akala ko talaga pinagpalit na niya
ako dito eh.

“Ah hehe, pasensya na hijo matanda na kasi itong si honeyloves ko. Kasi kami na ang
bagong nakatira dito eh, yung sinasabi mong Alvarez eh yung dating may-ari nito
hindi ba?” Sabi nung matandang babae sakin.
Napakunot na naman ang noo ko. “Dati po?”

Tumango silang parehas bago sumagot ulit yung matandang babae. “Oo hijo. Kalilipat
lang naman dito nung isang araw. Yung si Honey na hinahanap mo siya nga ang
nagbenta nito sa amin. Matagal na namin ‘tong nabili mga 2 weeks ago pa.”

2 weeks ago? Bakit naman siya bigla biglang lilipat ng di man lang nagsasabi? Lalo
na kung matagal na pala niya ‘tong ibinenta. Anong problema niya?

“Eh saan po ba siya lumipat?” Tanong ko ulit sa kanila.

Nagkibit balikat yung matandang lalaki. “Di naman nabanggit hijo, pero ang pag
kakaalam ko uuwi na yata sa kanila? Parang sa abroad yata eh. Di ko sigurado.”

Napakuyom ako ng kamao ko sa narinig ko. Ano na naman bang kalokohan ‘to? Joke ba
‘to? May lalabas bang camera dito at sasabihin na binibiktima lang nila ko? Sht!

“Sige ho.” Sagot ko sad dalawang matanda bago ako bumalik sa kotse ko.

Pabalibag kong sinara yung pinto ng kotse ko. Napahampas na lang din ako ng kamay
sa manibela.
Kung aalis siya, bakit di man lang siya nagsabi sakin? Kaya niya ba ako dinate ng
isang buong araw kasi nagpapaalam na ba siya? Sht naman. Sana naman nagsabi siya
sakin ng personal! Hindi yung wala akong alam na aalis pala siya, tapos sa iba ko
pa malalaman.

Napasubsob na lang ako sa manibela sa harapan ko.

Pukyot, nasan ka na ba?

*Janna’s POV*

“Alam mo beb, maganda yung pinsan kong si Jina. Sana mameet mo siya.” Kwento ko kay
Nate habang nagdridrive siya.

“Ahhhh.” Tipid niyang sagot. Alam ko naman kung bakit eh. Pero tinuloy ko lang din
yung pagkwekwento ko.

“Oh kaya minsan si Yanna, maganda yun saka valedictorian pa, baka nga siya din ang
magmana ng maliit na business ng Mommy nya. Pero baka mag kasundo din kayo kasi
mahilig din yun sobra sa movies. Gaya ng mga pinapanood natin-“

*Screech*
Muntik na akong mapasubsob sa harapan dahil sa pabiglang pagpreno ni Nate, mabuti
na lang nakaseatbelt ako. Pero sa tingin ko dapat lang yata na nasubsob na lang
ako, sa tingin ko I deserve it.

Tinignan ko lang si Nate habang deretso siyang nakatingin sa harap. Di naman kami
usual na ganito eh, ngayon lang. Kasalanan ko kasi.

“S-sorry beb...” Halos pabulong ko na lang na sabi. Ayoko naman din na magagalit
siya sakin, kaso kasi malapit na eh. Malapit na kaming magkahiwalay.

“Pwede ba Janna, tigilan mo yang ginagawa mo?” Mahina niyang sabi habang di pa din
ako tinitignan. Medyo nagulat ako, sa tono ni Nate kasi unang una ngayon niya lang
ako tinawag sa pangalan kong “Jannina” madalas beb o kaya kung ano anong kakornihan
pa. Kulang na lang lahat ng sangkap sa halo-halo itawag niya sakin. Pangalawa,
never pa kaming naging ganito kaserious. Madalas din kasi puro kami barahan o kaya
asaran, basta masayang usap lang. Pangatlo, never niya pa akong muntik isubsob sa
harapan ng kotse.

“Wala naman akong ginagawang masama...” Pagpapaliwanag ko sa kanya.

“Wag mo na akong lokohin, kasi kanina ko pa naman alam eh. Kanina ko pa naman
napapansin. Kung sino sinong babae ang ibinibida mo sakin. Si ganito, maganda
magkakasundo kayo, si ganyan matalino yun, magmamana ng negosyo, baka makasundo mo.
Pwede ba? Tigilan mo yan.”

Magsasalita pa sana ako kasi nagsalita na naman siya, nakinig na lang din ako. Ako
naman kasi si gaga eh.

“Bakit ka ba ganyan ngayon beb? Ayaw mo na ba sakin? Ididispose mo na ba ko? Beb


naman, di naman ako diaper ng bata na ididispose mo lang basta kasi puno na. Tao
naman ako kahit korni ako may feelings din ako. Wag ka namang ganyan sakin.”
Seryoso niyang sabi.

Doon palang gusto ko na maiyak. Maiyak kasi kahit galit na siya hindi niya pa din
maalis ang pagkabano niya, at ang pagkakorni niya. Naiiyak ako kasi sigurado pag
umalis ako yun ang unang unang mamimiss ko.

“Sorry, iniisip ko lang naman kasi matagal akong mawawala eh...” Napahinto ako
dahil nagdadalawang isip pa kong sabihin yung susunod pero sinabi ko na din dahil,
let’s face it, yun ang totoo. “...hindi ko nga alam kung babalik pa ako eh.”

“Napag usapan na natin yan di ba? Sabi ko naman susunod ako eh, gagawa naman ako ng
paraan eh.” Malungkot niyang sagot. Malamang tinamaan siya sa sinabi ko. Di ko
naman kasi talaga alam kung babalik ako, o kung gaano katagal bago ako makabalik.

“Oo nga pero kasi, paano na lang kung hindi mo din magawang sumunod kaagad? Paano
na lang kung may makilala kang iba dito? Hindi naman kita masisisi dahil malayo
ako. First long distance relationship mo ‘to, hindi mo masasabi kung anong
mangyayari eh...” Katwiran ko sa kanya. Wala naman akong gustong palabasin o
ipamukha sa sinasabi ko. Sinasabi ko lang sa kanya yung mga bagay na posibleng
mangyari samin.

“Bakit ako maghahanap ng iba eh ikaw ang girlfriend ko. Bakit ba yang mga bagay na
yan iniisip mo?”

“Pero magkakalayo tayo Nate, sa tingin mo ba kakayanin natin yun parehas? Kakayanin
mo ba?” Tanong ko sa kanya. Wala akong doubts sa pagmamahal sakin ni Nate,
natatakot lang talaga ako para samin. Hindi naman kasi basta basta ang long
distance relationship, alam ko posibleng madaming magbago samin.
“Wala pa nga sumusuko ka na? Naduduwag ka na ba Janna?” Tanong niya sakin.

Tinamaan ako sa sinabi niya. Siguro nga naduduwag na ako, di naman ako talagang
duwag eh. Ngayon lang, dahil sa kanya.

“Bakit di ka sumasagot? Wala ka bang tiwala sakin?” Tanong niya, nanginginig pa


yung boses.

“Hindi naman sa ganun pero kasi...”

Tinaas niya yung kamay ko para sabihin na itigil ko yung sinasabi ko. Bigla niyang
binuksan yung pinto ng kotse niya at bumaba. Dahil nag aalala ako sa gagawin ni
Nate, bumaba na din ako ng kotse niya. Nakita ko siyang nakasapo sa mukha niya
habang palakad lakad, naiyak na ko. Unang beses nga yata natin ‘to mag-away ng
ganito, at kasalanan ko pa.

“Nate...” Tawag ko sa kanya.

Nagulat ako nung iangat niya yung mukha niya, umiiyak na siya. Unang beses ko din
siya nakitang umiyak, dahil na naman sakin. Kaya siya ganyan ngayon, dahil sakin.

“Gusto ko lang naman isagot mo na may tiwala ka sakin eh... yun lang naman eh.
Sapat naman na yun para mapantayan yung tiwala ko sayo pag umalis ka na...” Sabi
niya sabay sakay ulit pabalik sa kotse niya.

Hindi na ko sumunod. Napako na ko sa kinatatayuan ko, kasi nasasaktan ako sa sinabi


niya. Napaka unfair ko kay Nate. Pero hindi ko naman sinasabi na wala akong tiwala
sa kanya, syempre meron. Wala lang akong tiwala sa mga tao sa paligid, at sa
magiging sitwasyon naming bago ako umalis.

*beep*

Naagaw ng pagbusina ni Nate yung atensyon ko, nakatingin lang siya sakin na para
bang sinasabi na sumakay na ko. Pero hindi ako bumalik sa loob, imbes naglakad ako
sa kalsada. Alam ko para akong tanga at gaga sa mga ginagawa ko, pero kasi ayokong
masyadong maattach kami sa isa’t-isa kasi baka pag alis ko parehas kaming mas
mahirapan.

Naglakad lang ako ng naglakad sa parehas na direksyon na pupuntahan ng kotse niya,


naramdaman ko na lang na unti unti na kong nababasa. Umuulan na pala. Pero tinuloy
ko pa  din yung paglalakad ko. Ni hindi ko nilingon si Nate, kasi alam ko galit
siya sakin. Alam kong mas mapapamukha pa sakin kung gaano ko siya nasaktan.

Hindi naman na ako nagulat nung nakita kong nilagpasan niya ako ng kotse niya.
Dapat lang naman sakin ‘to eh. Siguro okay din yung ganito para hindi niya ako
masyadong mamiss pag alis ko. Naglakad pa din ako habang umiiyak, nakakisama pa
yung malakas na ulan.

Sorry Nate.

*Sophia’s POV*

“Ate!” Sigaw ni Shane sakin habang naghahain ako.


“Ano ba? Sigaw ka ng sigaw dyan? Bakit ba?” Tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi yan
parating parang natataranta.

“Yung baby mo sumuka! Ano gagawin ko?” Natataranta niya pa ding tanong.

“Ganyan talaga yan, punasan mo na lang. Naghahain ako dito eh.” Sagot ko sa kanya.

“Eh ate! Baka mamaya may sakit ‘tong baby mo kasi sumuka!” Sigaw na naman niya
sakin.

Ang gulo talaga nitong si Shane. “Walang sakit yan, ganyan talaga ang mga baby pag
sobrang busog, minsan sinusuka nila yung gatas. Wag ka ngang sigaw ng sigaw dyan
baka akalain ng kapitbahay may kaaway ka.”

“Ah ganun pala yun... ikaw kasi baby ang takaw takaw mo eh. Kaya siguro mataba ka
‘no?” Pagkausap ni Shane kay Aian. Natawa naman ako, simula nung dumating kami dito
lagi siyang nagprepresinta na siya na ang magbabantay. Kaso parati naming
natataranta, hindi kasi sanay.

“Mama! Shane, kakain na.” Tawag ko sa kanila. Nagliligpit kasi si Mama ng mga damit
ni Aian tapos si Shane ang nag-aalaga. Ako nalang ang nagluto at naghain.

“Hala Ate! Naduduling si Aian! Bakit ganun?” Sigaw na naman ni Shane.

Napagalitan tuloy siya ni Mama. “Anak naman ang ingay ingay mo. Sinusundan niya
kasi ng tingin kamay mo kaya naduduling. Alisin mo yan kasi yang kamay mo.”
“Ah ganun ba yun Ma?” Tanong niya naman.

“Oo. Paano ka mag aasawa niyan kung hindi mo alam?” Biro sa kanya ni Mama.

“Ma naman! Graduating palang ako ng highschool nag-aasawa agad? Agad agad?” Reklamo
ni Shane kay Mama, napingot tuloy siya. Haha!

“Tara na nga, kumain na kasi tayo.” Sabi ko sa kanilang dalawa para maawat na.
Simula nga din nung umalis ako ditto mas naging close sila Mama at Shane, kasi nga
naman silang dalawa na lang ang parating magkasama.

Binuhat ko na lang si Aian at nilagay ko sa crib ni Shane nung baby pa siya. Buti
na lang maayos pa ‘to kahit matagal na din.

Papunta na sana ako sa dining nung tumunog yung cellphone ko na nakapatong sa


center table ng sala. Kinuha ko kaagad yun at di naman ako nagulat sa kung sino
pala yung tumatawag. Si Dylan.

Ilang araw na nga ba kaming wala sa bahay? Hindi ko na din alam, siguro halos 1
week na din. Ganun na din kami katagal na hindi nag-uusap...

“Anak, tara na.” Aya ni Mama sakin.


Iningnore ka na lang yung tawag at binalik na yung cellphone ko sa lamesa. Sumunod
na din ako sa kanila sa dining para kumain.

Tahimik lang naman kaming lahat hanggang sa magsalita si Mama.

“Hindi pa din ba kayo nag-uusap ni Dylan?”

Hindi naman ako nagulat sa tinanong ni Mama, umiling na lang ako.

“Tumawag ba o nagtetext?” Tanong niya pa ulit. Tumango lang ako. Hindi ko kasi din
alam ang dapat ko pang isagot.

“Bakit hindi mo sagutin? Bakit hindi mo kausapin?”

Napakibit balikat ako bago sumagot. “Hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko
eh.”

Napailing si Mama sa sinabi ko. “Sus naman anak. Hindi naman kailangn masyado kang
magmataas ng pride eh.”

Napasimangot ako. “Hindi naman po ako nagmamataas ng pride eh.”

“Eh hindi naman kailangan may sasabihin ka para sagutin mo yung tawag niya eh.
Pwede ka naming makinig lang muna sa sasabihin niya anak. Makinig ka sa
ipapaliwanag niya.”

Napatahimik ako sa sinabi ni Mama, hindi naman talaga ako nagmamataas ng pride.
Hindi ko lang talaga alam kung ano pang dapat kong sabihin at kung handa na ba
akong makinig sa mga sasabihin niya.

“Hindi mo ba man lang namimiss yung asawa mo? Sigurado naman akong namimiss na kayo
nun ng anak niya. Kilala ko naman kahit papaano si Dylan, alam ko naming may
paliwanag siya sa lahat.”

Nanahimik na lang ako. Syempre miss ko na din si Dylan. Sobrang namimiss ko na siya
dahil sanay ako na araw-araw magkasama kami. Sigurado din akong miss na miss na
niya si Aian. Napaisip tuloy ako, sa susunod na tawag niya dapat kayang sagutin ko
na?

Kanina ko pa hawak yung cellphone ko, naghihintay ng tawag. Naisip ko kasi tama nga
si Mama, dapat makinig ako sa mga sasabihin ni Dylan. Hindi naman matatapos ‘tong
problema namin kung hindi ko siya kakausapin.

Tahimik lang ang akong naghihintay ng tawag ni Dylan nung sumilip sa kwarto ko si
Shane.

“Ate sabi ni Mama paliguan mo na daw si Aian.”  Narinig kong sabi niya, nakatitig
pa din kasi ako sa cellphone ko.
“Oo sige.” Sagot ko lang ng hindi man lang siya tinignan.

“Hoy ate! Ngayon na nga daw eh, mamaya hapon na hindi nay an pwede paliguan. Dalian
mo na, nagagalit na si Mama.” Pananakot niya pa. Wala na kong nagawa kung hindi
itabi muna yung cellphone ko. Bahala na kung tumawag si Dylan mamaya, hindi naman
pwedeng hapunin sa pag ligo si Aian kasi baka sipunin.

Pinaliguan ko lang din si Aian pagkatapos dinala ko na ulit siya sa kwarto,


pagkatapos ko siyang bihisan kinuha ko din agad yung cellphone ko. Pero walang
message o missed call na galling kay Dylan. Para naman kasi akong sira, noong
tumatawag hindi ko sinagot tapos ngayon halos atat na ko makatanggap ng tawag sa
kanya. Baka nagsawa na, o baka karma ko ‘to. Hay ewan.

Buong araw akong naghintay sa tawag ni Dylan pero wala akong natanggap. Kahit
message, wala talaga. Naisip ko baka talagang nagsawa na siyang kakasubok na
kausapin ako dahil hindi ko siya sinasagot. Naisip ko pa lang yun halos maiyak na
ko. Sana naman tumawag na siya, gusto ko din naman siyang makausap na talaga. Ayoko
ng mas tumagal pa ‘to, gusto ko na din naman ‘tong maayos.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa na tatawag pa si Dylan dahil patulog na ko pero


wala pa din. Hanggang sa nagring yung cellphone ko. Nagmamadali tuloy akong
bumnagon sa kama at damputin yung cellphone ko sa lamesa sa tabi ng kama ko.

Hindi naman ako nadisappoint nung makita ko kung sino yung nasa caller ID. Si
Dylan.

Bumuntong hininga pa ako bago sagutin yung phone. Tahimik na tahamik yung kabilang
linya pagsagot ko, naghintay pa ko sandali baka sakaling magsalita na din siya.
Kaso ang tagal na pero wala pa ding nagsasalita, naisip ko na baka hindi pa
makapagsalita si Dylan dahil iniisip niyang galit pa din ako sa kanya. Sa totoo
lang kasi humupa na din yung galit ko sa pagtatagong ginawa niya sakin, gusto ko
lang talaga ngayon marinig yung paliwanag niya.

“H-hello?” Bungad ko sa kanya.

Naghintay pa ulit ako kung may sasagot pero wala pa din. Malapit ko na sanang
putulin yung tawag dahil naiinis na ko nung may narinig ako...

“Mmy.. mmy... meow oh, meow.” Rinig kong boses ng bata, sigurado akong si Zion yun.
Malamang napaglaruan lang ni Zion yung cellphone ni Dylan. Medyo nadisappoint ako
nung nalaman ko yun. Akala ko pa naman makakapag-usap na kami, yun pala aksidente
lang ‘tong pagtawag niya sakin.

Ieend call ko n asana nung narining ko yung boses niya, narinig ko si Dylan na
nagsalita...

“Bakit gising ka pa? Matulog ka na...” Malumanay niyang sabi. Akala ko noong una si
Zion ang sinasabihan niya pero nagulat ako nung may nagsalita ulit.

“Patulog na din... patulugin ko muna si Zion.” Sagot nung babae. Si Alisha.

 -
Sorry at magulo ang update, magulo din kasi ang utak ko. Sadyang bipolar lang!
Hahaha. pati matagal ang apdeyt dahil medyo nakafocus ako sa PEV dahil mas mauuna
siyang matapos kesa dito. Kaya di ko pa din sure kung next week may apdeyt ulit.
Basta, patience dears! <3

Salamat sa pagbasa. Feel free to post your comments and opinons below! :D 

=================

Chapter Fifty Five

Perfect Mistake Chapter 55

*Cyril’s POV*

Dahil wala din naman akong napala sa pagpunta ko sa bahay ni Pukyot, dismayado na
lang akong nagdrive papunta sa kung saan. Bahala na. Sana maligaw din ako, baka
sakaling hanapin niya din ako.

Paliko na ako sa kabilang kanto nung biglang umulan ng malakas. Great, nakikisabay
pa sa mood ko yung ulan.

Nagdrive lang ako ng nagdrive papunta sa kung saan saan. Kung san ko matripan
dumaan o lumiko dun na lang. Naiinis pa din ako sa babae na ‘yon. Ano bang akala
niya sakin para bigla niya akong iwan ng walang pasabi? Tss.

Tinuloy ko na lang yung pagdridrive ko habang tuloy din naman yung ulan. Ayoko pang
umuwi sa unit ko, wala naman akong gagawin dun.
Paliko na ulit ako nung may napansin akong babae na naglalakad sa gilid ng kalsada.
Tss. Emo din yun ah, damayan ko sana kung hindi umuulan eh. Lalampasan ko na sana
yung babae nung napansin kong gegewang gewang siya ng lakad. Lasing ba ‘to?

Nung tumapat ako sa babae napahinto ako ng kotse ko. Pakiramdam ko kasi kilala ko
siya eh. Napailing na lang ako nung naisip kong baka si Pukyot ‘to, pero bumaba na
lang din ako ng kotse ko para lapitan yung babae. Parang si Pukyot nga.

Unti-unti na din akong nababasa pagbaba ko pa lang nung kotse ko. Hinanap ko yung
babae sa paligid pero parang nawala na siya. Ang bilis naman nun. Ano yun ninja? O
baka naman, napalunok ako, baka naman multo! Pakshet naman oh! Pasakay na dapat ako
ulit sa sasakyan ko nung napansin ko na yung babae nakahandusay na pala dun sa
gilid ng kalsada.

Nilapitan ko siya pero hindi ko nakita yung mukha niya kaya kinuha ko na lang siya
mula sa sahig. Inalis ko yung mga buhok na nakaharang sa mukha niya.

Napakunot ako ng gwapo kong noo. “Janna?!”

Tinignan ko lang si Janna na tulog na tulog sa upuan ng kotse ko. Basang basa ng
ulan, pati tuloy kotse ko nabasa. Ano bang nangyari dito? Ba’t naglalakad ‘to?
Naisipan kong tawagan si Nate para itanong kung nasaan siya at kung pwede kong
dalahin ang girlfriend niya sa kanila. Kaso pagkapa ko sa pantalo ko, walang laman.
Bwiset nasaan na ba yung cellphone na yun? Parang naiwan ko pa yata sa unit. Tss.

Nakita ko naman na hawak pa naman ni Janna yung cellphone niya kaya kinuha ko na
muna yun. Sinubukan kong i-on pero mukhang ayaw din gumana.

“Tss. Basa pala eh! Nak ng tokwa naman oh. Dadalahin na nga lang kita kila Nate!”
Sabi ko kay Janna kahit tulog naman siya.

Nagsimula na akong maghanap ng daan papunta kila Nate. Kasi naman kung saan saan
ako napadpad, hindi naman na pamilyar sakin ‘tong lugar na ‘to. Tss.

Akala ko pa naman si Pukyot na yung nakita ko. Tss, baka naman namalikmata lang ako
kanina. Kakaisip ko siguro ‘to kaya Pukyot.

“Mmmmmmm.....” Narinig kong umungool si Janna sa shotgun seat. Nanginginig pa siya,


mukhang nilalamig ng sobra. Basang-basa kasi.

“Pst Janna, gising ka ba? Dadalahin kita kila Nate.” Sitsit ko sa kanya.

Hindi naman siya agad sumagot, malamang ‘to sleeptalking lang. Hindi ko na sana
ulit papansinin si Janna kaso narinig kong bigla siyang humikbi.

Hininto ko tuloy yung kotse ko sa isang gilid. Sinilip ko siya, nakapikit namanh
pero umiiyak nga. Sinukan ko siyang tapikin ng mahina.
“Uy Janna, gising.” Pero hindi siya sumagot.

“Janna!” Nilakasan ko pa yung tapik sa mukha niya pero hindi naman siya nagising.
Tuloy nga lang yung pag iyak niya.

“Ayoko.... Ayoko kila nate... galit... galit siya... ang sama ko....” Paputol putol
niyang sabi.

Aha! Ayun pala. Kaya pala naglakad sa ulanan ‘to dahil galit si Nate. Magkaaway
sila? Tss. Eh saan ko ngayon dadalahin ‘to? Malapit lapit pa naman na din kami kila
Nate.

Tss. Bahala na, dadalahin ko na muna sa unit ‘to bago mamatay sa lamig.

*Janna’s POV*

Napakunot ako habang pinipilit kong buksan yung mata ko. Ang sakit sakit ng ulo ko
at pakiramdam ko ginaw na ginaw ako. Pinilit ko na ding tumayo kahit sobrang
naliliyo ako.
Pagkadilat ko nagulat ako. “Nasan ba ko?”

Ang alam ko kasi ang huling nangyari nag away kami ni Nate at naglalakad ako sa
ulan. Paano ako nakapunta dito? Hindi naman namin bahay ‘to eh.

Bumangon ako at napansin kong medyo basa pa din pala yung damit ko. Patayo na sana
ako nung may narinig akong nagbukas ng pinto.

“Cyril?” Gulat na gulat kong tanong nung nakita kong lumabas si Cyril dun sa kwarto
ata.

“Ay hindi, si Nate ako.” Sarecastic niyang sagot. Confirmed, si Cyril nga ‘to.

“Bakit ako nandito? Saan ba ‘to?” Tanong ko sa kanya habang ginagala ko yung mata
ko sa buong lugar. Unang beses ko lang yatang makapunta dito.

“Unit ko. Nahimatay ka sa kalsada kasi emo ka, naligo ka sa ulan. Wala bang shower
sa inyo?” Typical Cyril question. Minsan mahirap din basahin yung taong ‘to eh.
Hindi mo alam kung seryoso ba siya o kung kelan siya may problema.

“Tapos ikaw nakakita sakin?” Tanong ko sa kanya.

Tumango siya. “Buti na lang talaga ako nakakita sayo. Dadalahin nga kita dapat kila
Nate pero ayaw mo. Iyak ka ng iyak dyan. Nag-away ba kayo?”
Tumango lang ako ng konti. Naalala ko na naman kasi yung nangyari kanina. Naguilty
na naman ako ng sobra sa ginawa ko kay Nate. Isa pa nag aalala ako sa kanya.

Biglang may inabot sakin si Cyril na mga damit.

“Damit ni Pukyot yan dito, naiwan niay dito. Yan muna gamitin mo. Dun yung CR oh.”
Seryoso na siya bigla habang tinuturo niya kung nasaan yung CR niya.

Tinignan ko yung mga damit na hawak ko. “Pukyot? Yung girlfriend mo yun di ba? Si
Honey.”

Sumeryoso lalo yung mukha niya. “Wala akong girlfriend. Sige magpalit ka na. Baka
sapakin ako ni Nate pag pinulmunya ka.”

Napatango na lang ako sa kanya. Pero bago ako makapasok sa CR niya para magpalit ng
damit hinarap ko ulit siya. “Cyril, wag mo na lang ikwento yung nangyari kay Nate
pwede? Please?”

Medyo napakunot siya. “Sige ba, basta bigyan mo akong chiks.”

“Psh. Hahahaha. Ewan ko sayo Cyril.” Tinawanan ko na lang siya bago ako pumasok ng
tuluyan sa CR at nagpalit. Sigurado naman akong girlfriend niya yung si Honey eh.
*

Nagpatuyo lanmg din ako ng buhok ng konti sa loob ng CR ni Cyril bago ako lumabas.
Pagbalik ko sa receiving area ng unit niya may venti sized coffee na sa center
table niya.

“Cyril?” Tawag ko sa kanya nung makaupo na ko sa sofa niya.

Lumabas naman siya galing dun sa kanina, mukhang kwarto nga niya yata yun. “Oh,
kanina kasi nilalagnat ka yata.”

Kinuha ko naman yung inabot niya sakin, paracetamol pala.

“Sayo yang coffee.” Sabi niya tapos umupo na din siya sa sofa na solohan lang.

“Salamat ah.” Sagot ko sa kanya bago ko inumin yung paracetamol na binigay niya at
yung coffee na binili niya. Kaya din pala parang ang bigat ng pakiramdam ko kanina
pa. Siguro nga nilalagnat na ako talaga.

“Ano bang nangyari sa inyo ni Nate?” Usisa niya bigla habang umiinom ako nung kape.
“Maliit na away lang siguro ‘to. Aalis na kasi ako.” Sagot ko sa kanya.

Nagsalubong yung dalawang kilay niya. “Aalis? Saan ka pupunta?”

Ngumiti ako ng tipid. “Abroad. Magmimigrate na kami ng pamilya ko.”

Bigla namang nanlaki yung mata ni Cyril na para bang may nasabi akong mali. Hindi
ko maipaliwanag yunbg reaksyon niya. Bigla bigla naging stiff siya.

“Ihatid na lang kita sa inyo.” Sabay tayo niya at kuha ng susi ng sasakyan niya.

Nagtaka tuloy ako lalo.  Pero sumunod na lang din ako palabas sa kanya habang hawak
yung kape ko. Tahimik lang kaming bumaba sumakay sa elevator pababa. Biglang
nagbago yung aura ni Cyril. Pinilit kong alalahanin yung sinabi ko pero sa tingin
ko naman wala namang offensive saq mga huling sinabi ko. O baka meron? Hindi ko
lang alam.

*ting!*

Bumukas na yung pinto sa ground floor kaya bumaba na kami ni Cyril. Papunta na sana
siya sa  parking area nung hinigit ko siya.

“Cyril, wag na. Magtataxi na lang ako.” Pigil ko sa kanya. Masyado na akong abala.
Isa pa hindi ko alam kung galit ba siya o may iniisip eh.
“Sigurado ka?” Tanong niya.

Tumango ako. “Paglabas ko naman ng building na ‘to may mga taxi na eh. Kaya ko na.”

Tumingin lang siya sakin na para bang nag aalangan.

“Okay lang ako promise. Saka salamat pala sa, yung damit isosoli ko na-“

“Sayo na yan.” Tipid niya lang na sagot. Sobrang nakakapanibago. Parang hindi si
Cyril ‘tong kausap ko.

“Ahhh. Sige. Salamat ulit. Wag mo na lang banggitin ‘to kay Nate ha?” Bilin ko ulit
sa kanya. Ayokong mag alala pa siya sakin. Mag iisip na lang ako ng paraan kung
paano ako magsosorry sa kanya.

Tumango lang naman si Cyril kaya naglakad na ako palabas ng building kung nasaan
yung unit ni Cyril.

Napahinto ako saglit. Pakiramdam ko kasi... para kasing may sumusunod sakin.
Lumingon ako sa likod ko. Madaming tao pero mukhang lahat naman naglalakad lang at
normal.

Nagkibit balikat na lang ako bago tuluyang lumabas sa bulding na yun.


*Sophia’s POV*

Hindi ko alam kung bakit sa sandaling narinig ko yung boses na yun eh hindi ko
naibato yung cellphone ko. Priness ko na kaagad yung end call dahil ayoko ng
makinig. Ayoko ng makinig sa pag uusap nilang dalawqa habang ako dito kanina pa
naghihintay ng tawag niya.

At talagang doon niya pa pinatuloy yung babae na yun?! Sa mismong bahay na ibinili
niya para sakin nung birthday ko?! Inis na inis na talaga ko. Sinasadya ba nila
yun? Sinasadya ba nilang marinig ko para hindi na ako bumalik dun? Para ba ipamukha
sakin na masaya na sila. Na pamilya na din sila?

Napaiyak na lang ako sa sobrang inis at galit ko kay Dylan. Hindi ko alam kung ano
bang rason niya para gawin sakin ‘to eh. Napapaisip tuloy ako kung talaga bang
nakalimutan na niya yung babae na yun o hindi pa. Sa tono kasi ng boses niya kanina
parang nag alala pa siya sa babae na yun.

Pakiramdam ko tuloy wala akong halaga sa kanya ngayon. Pakiramdam ko parehas kaming
walang halaga sa kanya ni Aian. Iniisip ko pa lang parang dinudurog na yung puso ko
sa sobrang sakit. Ang hirap hirap. Ang hirap huminga pag sobrang sikip ang
nararamdaman sa dibdib.

*tok! tok!*
Agad kong pinahid yung luha ko nung narinig kong may kumatok.

“Pasok!” Sagot ko at nagkunwari na lang akong nag aayos ng gamit namin habang
nakayuko. Hindi naman kasi naawat sa pagtulo yung mga luha ko.

“Ate, iakyat mo na daw si Aian. Kanina pa inaantok yun eh.” Silip ni Shane sa
pinto.

Tumango ako kahit na halos nakayuko pa din ako at nagtutupi ng mga damit ni Aian.
“Magshoshower lang ako, iaakyat ko na siya pagkatapos.”

Narinig ko naman yung pagsara ni Shane ng pinto kaya bumuhos na naman yung luha ko.
Ang hirap hirap magpigil ng luha. Ayoko na makita na naman nila akong umiiyak. Pati
sila masasaktan pa. At kahit ganito kami kagulo ni Dylan ngayon, ayoko siyang
masira sa pamilya ko.

Kinuha ko na lang yung towel ko at dumeretso sa banyo ko sa kwarto. Kasabay ng


pagbuhos ng shower sakin bumuhos din lahat ng luha. Sana pagtapos kong iiyak ‘to
mabawasan yung sakit kahit papano.

*
Napapangiti na lang ako habang tinitignan yung anak ko na natutulog. Sa lahat ng
nangyari sakin at sa lahat ng naging desisyon ko si Aian ang pinaka hindi ko
pinagsisisihan. Ibang iba ang pakiramdam ko tuwing nakikita ko siya. Para bvang
lahat ng pagod ko, lahat ng problema ko gumagaan pag nakikita ko siya.

Lalo tuloy hindi ko makuhang magalit sa Daddy niya dahil magkamukhang magkamukha
silang dalawa. Hinaplos ko lang yung ulo ni Aian habang natutulog siya. Dinampian
ko din siya ng halik sa pisngi niya. Kinumutan ko pa siya hanggang sa may dibdib
dahil malamig, umuulan kasi.

Pahiga na sana ako sa tabi ng baby ko nung nakita kong umiilaw ulit yung cellphone
ko sa gilid ng lamesa. Nagmamadali akong kinuha yun dahil baka tawag, nakasilent
naman kasi eh.

At tama nga ako. May tumatawag nga, si Dylan.

Nag alangan pa ako noong una na sagutin yung tawag niya pero ayoko ng maging duwag
at takbuhan na naman siya. Sabi nga ni Mama ko dapat kausapin ko pa din siya, kahit
pakikinggan ko lang.

Priness ko yung green button at dahan dahan na itinapat sa tenga ko yung cellphone
ko.

“Baby ko....”

Namiss ko ‘to. Miss na miss ko na ‘tong boses na ‘to. Pakiramdam ko panaginip lang
na naririnig ko yung boses ni Dylan.
“Sumilip ka sa bintana mo...please....”

Para akong nahypnotize sa malambing niyang boses na sumilip sa bintana ko sa kwarto


kahit na hindi ko naman alam kung ano o meron ba akong makikita doon.

Humarap ako sa binatana at automatic na tumulo na naman yung luha ko nung nakita ko
si Dylan na nasa baba. Nakatayo sa harap ng kotse niya, nakatingin dito sa taas
habang hawak ang cellphone niya at nagpapakabasa sa ulan.

“I’m sorry baby... I miss you... I miss you so much baby ko...” Malungkot na
malungkot niyang sabi. Parang bawat salita niya natutunaw na yung puso ko. Parang
nauupos lahat ng inis ko sa kanya. Parang gusto ko siyang yakapin.

“Let’s talk baby ko... Please...” Narinig ko pang pumiyok yung boses niya kaya
tumalikod na lang ako sa bintana at ibinuhos ang pag iyak ko. Bakit kailangan
maging ganito kami ni Dylan. Pwede naman kaming maging masaya di ba? Bakit kung
kailan ayos na kami saka biglang gugulo ulit? Natatakot tuloy ako.

“Baby... maghihintay ako dito. Hihintayin kita na kausapin mo ako...” Sabi niya pa
din sa kabilang linya kahit na tinalikuran ko na yung bintana at hindi ko siya
sinasagot. “I love you baby ko...”

Mas lalo akong nanghina sa huli niyang sinabi. Kahit gaano ko gustong magalit sa
kanya hindi hindi ko kayang gawin.

Binitawan ko yung cellphone ko. Nagmadali akong tumakbo sa labas at kumuha ng


payong. Mabuti na lang tulog na sila mama kaya nakalabas kaagad ako.
Naabutan ko si Dylan na nakayuko habang nakatingin sa cellphone niya. Pinayungan ko
kaagad siya.

“Bakit ka ba nagpapaka-“

“I miss you baby ko!” Hindi pa man din ako tapos sa sasabihin ko bigla na lang niya
akong niyakap ng sobrang higpit. Yung para bang ayaw na niya akong bitawan. Yung
parang natatakot siyang makawala ako.

Para namang may sariling isip yung mga kamay ko na kahit alam kong galit ako sa
kanya, kusa ko siyang niyakap.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkayakap bago siya humiwalay sa yakap namin
at hinarap sa kanya.

“I want to explain everything baby ko. Alam ko yung kanina. Alam ko yung nangyari
kanina.”

Napabuntong hininga na lang ako. Makikinig ako. Kahit ano pa yan pakikinggan ko
dahil hindi naman din ako matatahimik kapag hindi ako nakakuha ng kahit anong
explanation eh.

Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mata.


“Hindi ko idedeny na nasa bahay natin si Alisha. Na doon siya matutulog ngayong
gabi. Kaya nga napuntahan na kita eh. Naghanap lang ako ng mag babantay kay Zion
dahil may sakit pa din siya. God knows how much I wanted to rush all the way here
para makita kayo ni Aian. Pero alam ko na kailngan mo ng space. Kaya hinayaan muna
kita. Kaso hindi ko matiis baby ko....” Napapikit na lang ako habang dinadama yunng
mga luha ko na tumutulo. “Hindi ko kayo matiis ni Aian kaya pumunta na ako. Si
Zion, baby anak ko din siya. Sana matanggap mo siya dahil katulad ni Aian mahal ko
din siya.”

Naramdaman kong basa na din yung mukha ko. Nung minulat ko yung mata ko hindi ko
nap ala sariling luha yung bumabasa sa mukha ko kung hindi luha na ni Dylan.
Umiiyak na din siya.

“Sophia, sa maniwala ka o sa hindi... ikaw lang ang mahal ko. Wala na sakin si
Alisha. Parte na lang siya ng nakaraan ko. Ikaw. Ikaw yung present ko. Ikaw ang
future ko... Kaya sana wag na wag kang mag iisip na hindi kita mahalaga o hindi ka
importante sakin. Kayo ni Aian. Kasi kayong dalawa ang pinakaimportante ngayon sa
buhay ko.”

Parang lahat ng galit ko simula noong umalis ako sa kanila, lahat nawala na parang
bula. Lahat parang biglang naglaho na lang. Ganito ko yata kamahal si Dylan para
mapatawad siya agad agad. Siguro ganito talaga pag nagmamahal ka ng sobra.

“Baby, please... please.... Can I stay here tonight? With you?” Tanong niya habang
umiiyak pa din sa mukha ko.

Nakagat ko yung labi ko sa sobrang pag iyak ko. Hindi ko na napigilan yung sarili
kong tumango sa kanya. Miss na miss ko na si Dylan at kahit ano pa siguro ang
nagawa niyang mali papatawarin ko pa din siya.

Napangiti lang siya sa pagtango ko at hinalikan ako sa labi ko. Gumaan yung
pakiramdam ko nung naramdaman kong nagtama na yung labi namin. Para bang assured na
assured na mahal niya ako. Na sakin lang siya.
Nabitawan ko na lang yung payong na hawak ko at inilagay yung dalawang kamay ko
paikot sa leeg niya.

We were left soaking wet while making out in the rain.

Naiiyak ako dito. :'( Lol, ang drama mo Moon. :3 

Sorry matagal ang apdeyt. Salamat sa mga walang sawang naghihintay. Kasi po nag
edit po ako ng previous chapters. Madami dami pong nadagdag doon kaya po kung gusto
niya mabasa pakicheck na lang po. :) Chapter 1-15 na po ang naeedit ko. Yung 16-20
baka next week po kaya sana maintindihan niyo kung bakit medyo matagal ng update
ko. Mahal niyo naman ako di ba? Hahahaha. <3

May kissing scene nga pala sa GIF! Hahahahaha. Feel free to post your comment and
reactions below! Mahal ko kayo. *sandara's tone* <333

=================

Chapter Fifty Six

Perfect Mistake Chapter 56

*Sophia’s POV*

Pagkadilat ng mata ko muntik na kong mahulog sa kama ko nung nakitang may


nakatingin na pala sakin.
“Goodmorning baby.” Nakangiting bati ni Dylan sabay halik sa lips ko. Hala ka, e
hindi pa ako nakakamumog. Nakakahiya naman.

Pero napangiti na lang din ako nung magising ako na katabi ko na siya ulit.
“Goodmorning Dy.” Niyakap ko siya ng mahigpit.

Pagkatapos kasi naming mabasa ng ulan kagabi, patakas kaming pumasok dito sa loob
ng kwarto ko dahil sabi nga niya gusto daw niyang dito matulog. Ikinuha ko na lang
siya ng mga tuyong damit ni Shane sa sampayan namin. Mabuti na lang may malalaking
damit si Shane na kasya kay Dylan.

“Di ka ba nalaglag kagabi? Ang likot likot na pala kasi ni Aian matulog.” Tanong
niya sakin habang nakayakap pa din. Dinantay niya pa yung isang binti niya sakin,
namiss ko ‘tong ganito.

“Di naman, muntik lang. Ang likot likot niyo kasing pareho. May pinagmanahan yang
anak mo.” Sagot ko sa kanya tapos humiwalay na ako ng yakap sa kanya para kurutin
yung ilong niya.

“Syempre mana siya sa daddy niya, pogi!” Pagyayabang na naman niya kaya nagmake
face lang ako tapos pinalo ko siya sa dibdib niya.

“Oo sobrang pogi mo nga eh, dun pa natulog yung ex mo sa bahay natin!” Inemphasize
ko pa yung salitang natin para malaman niyang kailangan niya pa din ipaliwanag
sakin lahat lahat. Kulang pa yung mga sinabi niya kagabi, madami pa kong gusting
malaman.

“Baby ko naman mang aaway na naman. Kasi naman po, pinababantayan ko ng si Zion
kaya doon sila natulog sa guest room. Natawagan ka pala aksidente nung bata dahil
nasa speed dial kita, tapos hinahanap ko yung phone ko kaya dinaanan ko sila sa
guest room. Papunta na talaga ako nun dito para sunduin kayo ni Aian e.” Mahabang
paliwanag niya. Sincere na sincere namana ng tono niya kaya naniniwala ako sa
sinasabi niya. Alam ko kung kelan nagsisinungaling ‘to sakin si Dylan.

“Oo na. Pero hindi ako uuwi dun ng dun nakatira yun. Ayoko magmukhang pang
telenovela ang buhay nating tatlo sa bahay.” Sagot ko sa kanya. Sino ba naman
syempreng fiancé ang papaya na makitira ang ex sa bahay nila lalo pa may anak din
sila. Magkakadigmaan talaga kami pag ganun.

“Oo naman baby. Aalis din yun pag uwi natin. Ikaw naman, syempre bahay mo yun eh.
Bahay natin yun, si Zion lang naman ang ipinagpaalam ko sa’yo di ba?” Tanong niya
tapos bigla bigla niyakap na naman niya ako at naramdaman ko na lang na dumampi
yung labi niya sa buhok ko.

Tumango na lang ako habang nakasubsob sa dibdib niya. Wala na akong magagawa sa
realidad na may anak siya bago pa maging kami, dapat tanggapin ko na lang. Wala
naman akong nakikitang masama doon e, anak naman na niya yun bago pa kami
magkakilala. Ang masama kung kasabayan lang ni Aian yung si Zion pero hindi naman.
Siguro nga unfair yun para sa part ko pero ganun naman talaga siguro. Life was
never fair.

Mas pipiliin ko ng tanggapin na si Zion kesa pakawalan si Dylan. Hindi ko kaya yun,
at ayokong mawalan din ng Daddy ang anak ko.

“I love you.” Bulong ni Dylan at mas lalo ko pang siniksik yung sarili ko sa dibdib
niya. Tatanggapin ko lahat sa kanya kasi mahal ko siya.

Ilang saglit pa kaming ganun nung napatayo ako bigla. Pinalo ko si Dylan sa braso.
“Dy si Mama!”
Napatayo din siya kaagad. “Oo nga! Pano yun? Baka magalit yun pag nalaman na dito
ako natulog!”

Tumayo kaagad ako tapos dahan dahan kong binuksan yung pinto at sumilip sa labas.
Mukhang wala namang tao. Humarap ulit ako kay Dylan. “Saglit lang ha? Titignan ko
lang kung nandyan pa sila.”

Tumango lang naman si Dylan kaya lumabas na ako ng kwarto at dahan dahan na bumaba
sa hagdan. Nadaan ko yung kusina at nakitang nagluluto pa si Mama, patay andito pa
pala siya.

“M-ma? Wala ka bang pasok?” Tanong ko sa kanya nung pumasok ako sa kusina at dining
area namin.

Napansin kong nakauniform naman na ng bangko si Mama pero naka apron siya at busy
sa pagluluto.

“Meron, naghanda lang ako ng almusal. Umalis na si Shane, maaga yung orientation
niya sa college na papasukan niya.” Sagot ni Mama habang hinahain yung mga pagkain
sa lamesa. Binilang ko yung platong nakahain, tatlo. Bakit tatlo kung umalis na si
Shane? “Sabihin mo kay Dylan kumain na tayo, lalamig yung pagkain.”

Nanlaki ng todo yung mata ko sa sinabi ng Mama ko. Alam niya?

“Oo alam ko. Nandyan kaya nakapark ang kotse niya sa labas ng bahay kaya sinilip ko
yung kwarto mo. Nakita kong dyan siya natulog.” Casual lang na sabi ni Mama nung
nabasa niya siguro yung reaskyon ko.
“M-ma galit ka ba?” Kinakabahan kong tanong sa kanya. Baka kasi sumama ang loob
niya sakin dahil hindi ko kaagad sinabi sa kanya.

“Anak naman, tawagin mo na si Dylan at kakain na tayo.” Sagot lang ni Mama


pagkatapos nagready na din siya ng kape sa coffee maker namin.

Napapakamot na lang ako ng ulo ko nung umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko.
“Pst. Tawag ka, kakain na daw.”

Napatayo naman si Dylan habang buhat buhat si Aian na mukhang kakagising lang.
“Ha?! Alam niya?”

Tumango ako. “Yung kotse mo po nakapark sa labas ng bahay namin. Panong hindi niya
malalaman?”

Natawa naman bigla si Dylan. “Oo nga ‘no? Hahahaha. Nakalimutan ko, pero galit ba?”

Nagkibit balikat ako. Hindi ko alam talaga dahil seryoso lang yung mukha ni Mama.
Akala ko nga pagagalitan ako e, pero baka sabay na kaming pagalitan ni Dylan. Ay
bahala na nga!

“Basta awatin mo baby paghahampasin ako ng kaldero ah!” Natatakot na sabi ni Dylan.
Kahit kelan talaga ‘to takot kay Mama. Di naman siya aanuhin nun eh, hanggang
pagalit lang ang gagawin nun kung sakali.

Natawa na lang din tuloy ako habang pinapauna ko sila ni Aian lumabas ng pintuan.
Sumunod din kaaagd ako sa kanila pababa sa dining.

“Mama.” Nagmano kaagad si Dylan nung makababa kami sa dining.

“Ibaba niyo muna yang si Aian sa may crib para makakain na kayo.” Sabi ni Mama kaya
dinala na namin si Aian sa sala at hinaga muna dun.

“Galit ba?” Sinisiko siko pa ko ni Dylan habang inaayos namin yung pagkakahiga ni
Aian sa crib.

“Parang hindi naman e, kaya mo yan magpacharming ka na lang kay Mama.” Biro ko pa
sa kanya kahit alam kong kinakabahan siyang baka pagalitan kami, lalo na siya.

“Di naman ako marunong nun eh!” Humahaba na naman yung nguso niyang sabi.

Tinawanan ko lang siya. “Anong hindi?! Lagi ka ngang nagpapacharming sakin e!


Hahahaha!”

“Tss!” Sinungitan niya ako pero inakabayan din naman ako papuntang dining.
Binitawan niya din naman ako kaagad kasi nakatingin samin si Mama.

Umupo siya sa pwesto sa tabi ko at nagsimula na kaming sumandok ng pagkain.


“Anong oras ka na dumating kagabi Dylan?” Pormal lang na tanong ni Mama. For sure,
nangangatog na ang tuhod ni Dylan sa kaba.

“A-ah mga 10 na po yata, malakas po kasi yung ulan kagabi.” Sagot ni Dylan bago
magsimulang kumain.

“Ah, eh sino naiwan sa anak mo doon?”

*cough!*

Nagulat yata si Dylan sa sinabi ni Mama kaya napaubo siya pero nakabawi din naman
kaagad. “A-ah ano po-“

“Iniwan niya po dun sa kasama namin sa bahay. Si Lara po.” Ako na yung sumagot kay
Dylan. Ayokong malaman pa ni Mama na nandoon yung ex ni Dylan. Baka imbes na hindi
siya magalit magkagulo pa. Ayoko naman na masira si Dylan kay Mama ko,
nagkaintindihan naman na kami ni Dylan e.

“Ah ganun ba? Ipasyal mo dito minsan para makita ko ah.” Nakangiting sabi ni Mama
kay Dylan. Parang lumuwag bigla yung paghinga naming dalawa ni Dylan nung narinig
namin yun.

“Sige po Mama, minsan po.” Sagot ni Dylan tapos susubo na sana siya ulit ng pagkain
nung napahinto siya. “Hindi po ba kayo galit?”

Nagsalubong yungh kilay ni Mama. “Bakit naman ako magagalit? Basta wag mong
pababayaan yung anak at apo ko walang problema sakin yun. Sige na, kain na anak.”
Nagkatinginan kami ni Dylan at parehas na ngumiti.

“Aaaah baby, ilang araw lang tayong hindi nagkita ang taba taba mo na lalo ha.”
Sabi ni Dylan habang hinahalikan ng hinahalikan si Aian. Kanina pa yan sila
magkalaro simula nung umalis si Mama. Mukhang miss na miss niya talaga si Aian.

“Grabe yan mag gatas. Binili na namin siya ng gatas sa bote, mixd feeding na yan
dahil sobrang takaw na.” Kwento ko sabay upo sa tabi niya sa sofa.

“Aba ikaw ah, kaya pala ang bigat bigat mo. Gumagaya ka sa Mommy mo, tumataba na.”

“Sus, mataba pala. Oh ano mataba na ‘ko, maghahanap ka na ng bago?” Naiinis kong
sabi. Asar na ‘to, syempre tumaba talaga ako dahil nanganak ako. Hintayin niya pag
pumayat na ulit ako kukutusan ko siya sa noo niya.

“Baby, ang Mommy mo nagdradrama oh. Syempre hindi natin yan pagpapalit di ba? Kahit
kasing laki na siya ng ref sa bahay di- Aray!”
Hindi ko napigilan, sinapok ko na siya. Nang iinis pa e alam niyang naasar na ako.
Kababati lang namin tapos nampipikon na naman.

Pinulupot niya yung isang braso niya sa bewang ko at hinigit ako palapit sa
kanilang dalawa tapos niyakap ako ng mahigpit.

“Napaka napakatampuhin. Pikunin pa. Binibiro ka lang e. Namiss ka lang e.”


Hinalikan niya pa yung pisngi ko.

Ako naman si kinilig kaagad. Namiss ko din naman kahit yung pambwibwisit niya kahit
na napipikon ako.

“Baby, uuwi na ba kayo?” Tanong niya habang magkakayakap kaming tatlo sa sofa.

Tiningala ko siya ng konti. “Sinusundo mo na ba kami ha?”

Tinignan niya naman din ako. “Oo naman, kung sasama na kayo sakin iuuwi ko na kayo
eh.”

Nag isip isip ako. Hindi pa kasi kami nakakapag paalam ng maayos kay Mama pero kung
mahihintay naman ni Dylan na umuwi si Mama pwede na kaming sumama mamaya pauwi sa
kanya.

“Sige. Sa-“
*kring! kring!*

Na-interrupt ng pagring ng cell phone ni Dylan yung sasabihin ko. Agad naman niya
yung kinuha at sinagot.

“Oh bakit?” Tanong niya kaagad sa kung sino man yung tumawag. Mula sa straightface
unti unti nagsalubong yung kilay niya tapos napatayo siya.

Kinuha ko kaagad si Aian sa kanya dahil mukhang seryoso yung pinag uusapan ni Dylan
at nung nasa kabilang linya.

“Ha? O sige sige sandali lang.”

Bumaling siya sakin. “Baby, uuwi muna ako saglit. Babalikan ko kayo ni Aian,
importante lang. Susunduin ko kayo ha? Babalik ako dito.” Nagmamadali niyang kinuha
yung susi ng kotse niya. Buti na lang napatuyo at nadryer namin yung damit niya
kaya nakapagpalit na din siya kaagad.

“Sige, mag ingat ka ha?” Bilin ko sa kanya kasi mukhang aligagang aligaga siya.
Sinundan ko siya habang bitbit ko si Aian palabas ng pinto at ng gate.

“Tatawag ako mamaya. I love you.” Hinalikan niya ako ng mabilis sa lips bagfo
pumunta sa tapat ng kotse niya.

Tinapat niya ulit yung cell phone sa tenga at bibig niya at nagsalita. “Hello,
Isha? Oo sandali lang hintayin niyo ako....”

Pumasok na siya sa loob ng kotse niya kaya hindi ko na narinig yung sunod na mga
sinabi niya.

Hindi naman sa nagdududa ako sa kanila. Pero kasi naisip ko lang, simula ba ngayon
kailangan makihati kami sa kanya?

*Drev’s POV*

Napapngisi na lang ako habang hawak yung mga pictures na kabibigay lang sakin ng
inutusan ko. Hindi ko inakalang umaayon ang lahat sa mga plinaplano ko. Hindi ko
inakalang sila sila lang pala ang kailangan ko para magkasira din sila. Ang dadali
nilang paikutin.

“Sige makakaalis ka na. Bantayan mo pang maigi baka sakaling may makuha ka pa ulit
na ganito.” Sabi ko sa isang tauhan ko kaya umalis na din siya kaagad.

Mabuti na lang na naisip ko silang pabantayan, swerte pa ang lumalapit sakin. Mahal
yata ako ng pagkakataon.

Tinignan ko ulit yung mga kuhang pictures at lalo akong natuwa. Kinuha ko yung
malaking envelope mula sa desk ko at nilagay sa loob yung mga pictures. Ipadadala
ko na ba sa kanya? Hmmm. Siguro nga dapat na, naiinip na din ako. Gusto ko ng
makita kung paano sila isa-isang bumagsak.
*blag!*

“Kuya! Nagwawala na naman siya!” Natatarantang sabi ni Drake nung pumasok siya dito
sa kwarto ko.

“Kelan ka ba matututong kumatok?” Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kelan hindi na


natuto ‘to. Sinabi kong ayoko ng basta bast pumapasok sa kwarto ko.

“Kuya kasi! Puntahan mo na siya!” Sigaw niya sakin kaya binato ko siya ng kung
anong bagay na nahagip ko sa ibabaw ng lamesa ko, parang paperweight pa yata yung
naibato ko at tinamaan ko siya sa balikat. Sinadya kong sa balikat lang siya
patamaan.

“Lumabas ka na! Susunod ako.” Pigil na pigil yung galit kong sinabi sa kanya yun.

Wala naman siyang magawa kung hindi lumabas na lang. Napakuyom ako sa kamao ko,
Halos malamukos ko na yung hawak kong envelope dahil sa galit pero pinigilan ko.
Hindi ko pwedeng sirain ang laman nito dahil importante ‘to.

Kinalma ko lang yung sarili ko at inayos yung envelope na kamuntikan ko ng lukutin


kanina dahil sa galit ko. Kinuha ko yung pentel pen na nasa isang case at sinulatan
ko yung envelope. Pangalan nung pagpapadalahan ko nito.

Magsisimula na ulit ako sa kanila.


Tinapos ko na yung pagsusulat at binitbit yung envelope palabas ng kwarto ko para
puntahan siya.

*Nate’s POV*

*tok! tok!*

Napadilat ako ng mata ko nung narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
Kanina pa naman ako gising, hindi lang ako makabangon dahil sa sakit ng ulo ko.

“Sir Nathan, pinapatawag ho kayo ng Mama niyo sa baba.” Narinig kong sabi nung
mayordoma kaya kahit na nahihilo ako at sobrang sakit ng ulo ko pinilit kong
bumnago sa kama at buksan yung pinto.

“Susunod na ‘ko.” Pupungas pungas ko pang sabi dun sa matordoma namin . Bumaba na
din naman siya kaya bumalik ako sa kwarto ko. Pumasok ako saglit sa banyo para
maghilamos. Takteng yan, ang sakit ng mata ko dahil sa puyat. Halos hindi ako
makatulog kagabi, wala naman akong insomnia.

Pagkatapos ko bumaba na ako sa sala at sinalubong naman ako ni Mommy.

“Anak, anong oras ka ba umuwi kagabi ha? Mukhang ginabi ka yata?” Tanong niya sabay
halik sa pisngi ko. Nakabihis na si Mommy papuntang office niya.

“Maaga po, nasa kwarto lang ako simula nung dumating ako. Si Daddy po uamlis na?”
Tanong ko sa kanya.
Tumango si Mommy bilang sagot niya. “Anyway I have to go anak. Tinignan lang talaga
kita dahil akala ko sobrang late ka na naman umuwi.” Kiniss pa ulit ako ni Mommy sa
pisngi. “You go take a shower son, you already stink. Love you.”

Napailing na lang ako kay Mommy. Baby na baby pa din ako kahit na graduate na ako
ng college. Palibhasa bunso ako kaya ganito pa din ang trato niya sakin.

Umupo na lang ako sa sofa pagkaalis niya. Masakit pa din talaga ang ulo ko at
pakiramdam ko babagsak na yung mga mata ko pero hindi naman ako ulit makatulog na.
Iniisip ko pa din siya.

Nakokonsensya din ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya habang umuulan. Alam kong
sobra sobra yun pero nasagad kasi ang pasensya ko sa mga sinabi niya sakin kahapon.
Pakiramdam ko gusto na niya akong itapon. Hindi pa niya nagawang sumagot nung
tinanong ko kung may tiwala ba siya sakin. Ang sakit nun!

Nabigla lang din naman ako sa mga nagawa ko kahapon. Nagsisisi ako sa ginawa kong
pag-iwan sa kanya sa ulanan kaya sinubukan kong tawagan siya kagabi pero hindi ko
siya macontact. Nag-alala lalo tuloy ako pero naisip ko na bata pinatayan niya ako
dahil galit siya sakin. Hindi ko din naman siya masisisi eh.

“Sir Nathan, magpapahanda na ba ako ng almusal mo?” Biglang nagtanong yung


mayordoma kaya napatayo ako.

“Di na po, coffee na lang. Aalis ako.”


*

Pagkatapos kong magkape para magising yung diwa ko nagshower na din ako kaagad.
Ayoko ng patagalin pa yung away namin ni Janna. Aalis na nga siya, malapit na,
tapos magkakasamaan pa kami ng loob. Kahit na nasaktan ako sa mga ginawa niya
kagabi hahayaan ko na lang. Gusto ko lang naman masulit yung oras na hindi pa siya
umaalis.

Palabas na sana ako ng main door nung nasalubong ko yung mayordoma namin.

“Ano ho yan?” Tanong ko habang nakatingin sa hawak niyang brown na envelope.

Inabot niya sakin yung envelope na hawak niya. “May nakamotor pong nag abot sakin.
Para sa’yo daw ito.”

Kinuha ko naman agad yun at tinignan yung labas ng envelope. Package ba ‘to?

Nathan Fortalejo

Yun lang yung nakalagay sa envelope. Walang kahit anong ibang nakalagay. Walang
return address o kahit pangalan kung kanino nanggaling yung envelope na ‘to pero
binuksan ko na lang din. Baka kung anong important na papeles lang ‘to.

Pagbukas ko inilabas ko yung mga laman ng envelope at bumungad sakin yung


napakadaming pictures. Hindi ko mabilang dahil sa sobrang dami.
Pictures ng dalawang taong kalalabas lang sa elevator ng isang condo. Pictures nila
Janna at Cyril.

 -

Please naman po magbasa kayo ng notes kasi hindi lang yun puro kaechusan ng mga
authors. minsan may importante din. >.< dedics po pala sa message board po ah!
thanks. rushed update lang. tomorrow na lang ang PEV! 

=================

Chapter Fifty Seven

Perfect Mistake Chapter 57

*Nate’s POV*

Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ko habang hawak hawak yung envelope na may picture
ni Janna at ni Cyril sa loob. Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Janna
habang pilit kong pinapakalma yung sarili ko. Naiinis ako. Sobrang naiinis ako
dahil sa laman ng envelope na ‘to, ano bang gusto niyang mangyari samin?! Talagang
bang ayaw na niya kaya ganito siya?! T*ngna!
Kinuha ko na yung envelope at pinatay yung engine ng sasakyan ko. Pababa na sana
ako nung nakita kong lumabas si Janna sa gate nila ng mukhang nakabihis at paalis.
Nakita ko pa siyang pumara ng dumaan na taxi at sumakay. Saan naman kaya pupunta
yun?

Hindi na ako nagdalawang isip na sundan yung taxi na sinakyan niya. Kahit hindi ko
alam kung saan siya pupunta. Tuloy tulo lang ang pagsunod ko sa sinakyan niya
hanggang sa napansin kong pamilyar, mali, sobrang pamilyar nung daan. Nakumpirma ko
lang na doon nga siya papunta nung huminto na yung taxi sa may parking space ng
isang building. Sa tapat ng condo ni Cyril.

Naghanap lang din ako ng mapaparkingan ko at nagmamadaling bumaba ng kotse ko dala


yung envelope. Halos madapa pa ko sa pagmamadali para mahabol ko siya. Paakyat na
siya sa iilang steps ng hagdan bago makapasok sa main lobby nung nahawakan ko yung
braso niya. “Saan ka pupunta?”

Halatang nagulat siya nung nilingon niya ako. “N-nate?! A-ano-“

“Sabi ko anong ginagawa mo dito?”

“A-ano kasi, paano mo nalaman na nandito ako?”

Napailing ako habang hawak ko pa din yung braso niya. “Akong unang nagtanong. Bakit
di mo sagutin? Anong ginagawa mo dito?”

“M-may isosoli lang kasi ako kay Cyril.” Nakayuko niyang sagot sakin.
Napangisi na lang ako. “May isosoli ka? O sasabihin mo sa kanyang success ang plano
niyo?” Nginitian ko siya ng mapait nung inangat niya yung tingin niya sakin.

Nakita ko kung paano kumunot yung noo niya. “Ha? Anong sinasabi mong plano? Anong
plano?”

Inabot ko sa kanya yung envelope at dali-dali naman niya yung binuksan. Bakas sa
mukha niya na gulat na gulat siya nung inilabas niya lahat lahat ng laman nung
envelope.

“Ano ‘tong mga ‘to? Panong... saan naman... hindi ko maintindihan... Nate!” Hindi
maipinta yung mukha niya at kahit yung mga sinasabi niya hindi niya magawang
tapusin habang isa-isa niyang binubuklat yung mga pictures nila ni Cyril. “Nate...
nate, hindi ko alam ito! Mali ka, mali yang iniisip mo. Walang-“

Pinutol ko yung pagsasalita niya. “Oo alam ko. Walang kahit anong nangyari sa inyo
ni Cyril. Malaki ang tiwala ko sa’yo, alam kong hindi ka ganung klase ng babae. Isa
pa may tiwala din ako kay Cyril dahil alam kong hindi niya ako tataluhin.”

Nakita kong narelieve siya dahil sa sinabi ko sa kanya. Totoo lahat ng sinabi ko,
alam kong hindi nila magagawang pareho sakin yun. Pero...

“Kung iniisip mong papatulan ko ‘tong mga pictures na ‘to dun ka nagkakamali. Hindi
mo ako maloloko. Hindi ako ganun katanga, Janna.”  

Napakunot na naman siya ulit. “Ano bang sinasabi mong hindi kita maloloko? Hindi
naman kita niloloko Nate! Ano bang problema mo ha?!”
“Ikaw! Ikaw ang problema ko! Aminin mo nga! Ikaw bang nagpadala nito sakin ha?!”

“What?!”

“Ano?! Alam kong set-up ‘to Janna! Sinet-up niyo ba ‘to ni Cyril ha?! Para magalit
ako sa’yo? Para iwasan na kita? Para iwanan na kita ha?!” Gigil na gigil ko ng sabi
sa kanya kaya napahigpit yung hawak ko sa braso niya.

“N-nasasaktan ako Nate! Ano ba?! Hindi ko alam ang mga sinasabi mo! Hindi ko
gusting magalit ka sakin! Bitawan mo ako, nasasaktan ako!”

Pilit siyang pumipiglas sa pagkakahawak ko sa kanya pero hindi ko siya binitawan.


Hinawakan ko pa parehas yung braso niya at halos mayugyog ko na siya sa galit ko.

“Ganyan mo ba ako kagustong itapon?! Ganyan mo ba akong kagustong mawala sa buhay


mo kaya mo ginagawa ‘to? Kaya gumagawa ka ng kagaguhan gaya nito?! Sobra ka na!
Sobrang sobra ka na!”

Nagsimula ng magtubig yung mata niya pero hindi na siya pumapalag sa pagyugyog ko
sa balikat niya kahit na alam kong nasasaktan siya. Nasasaktan din naman ako.
Tripleng sakit. Hindi ko siya maintindihan. Ginagawa niya ba ‘to para paghiwalayin
kami? Ayaw nab a niya talaga sakin? Sumuko na ba kaagad siya?

“Nate!” May narinig akong boses na tumawag sakin. Kahit hindi ko nakita, sigurado
akong si Cyril yun.
Hindi ko lang siya pinansin dahil hawak ko pa din si Janna sa braso niya habang
tuloy tuloy na siyang umiiyak. Alam kong maya maya lang din magtutubig na yung mata
ko.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. “Pre, tama na. Nasasaktan yung
girlfriend-“

*boogsh!*

Sinapak ko ng malakas si Cyril dahilan para mapaupo siya sa sahig.

“Gago ka! Wag kang makialam dito, away namin ng girlfriend ko ‘to!” Sigaw ko sa
kanya habang gulat na gulat siyang nakapaupo sa sahig.

Hinarap ko ulit si Janna na iyak pa din ng iyak. Hindi pa man din ako
nakakapagsalit nung gantihan ako ni Cyril.

*boogsh!*

Sa lakas din ng suntok niya sakin napaupo din ako sa sahig at naramdaman ko kaagad
na dumugo yung gilid ng labi ko.

“Mas gago ka! Alam kong girlfriend mo siya pero nasasaktan na si Janna! Tanga ka
ba?!” Sigaw niya din sakin pagkatapos niya akong suntukin.
Mas lalong uminit yung ulo ko at lalo akong nagalit. Tumayo ako at sinunggaba siya
ng isa pang suntok. Hindi pa ako nakuntento kaya sinunod sunod ko pa. Isa. Dalawa.
Tatlo. Hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinuntok sa
mukha at sa tyan niya. Hindi ba bilang yung ilang beses kong pagtadyak sa binti
niya. Alam kong sa aming lima, si Cyril ang pinakamalakas sumuntok. Pero bakit
hindi niya ako ginagantihan? Bakit parang lahat ng suntok ko sa kanya hindi niya
iniiwasan? Bakit lahat sinasalo niya?

Doon lang ako natauhan at binitawan si Cyril na nawalan ng balance at natumba sa


sahig. Nakita kong halos puro pasa na yung mukha niya at dumudura na din siya ng
dugo. Nahabag ako sa sarili ko at sa ginawa ko sa kanya kaya ibinaba ko na yung
kamao ko.

“Cyril!” Nilapitan ni Janna si Cyril na nakapahiga na sa sahig. Umiiyak pa din siya


habang inaalalayan si Cyril na bumangon.

Tumaliko ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko na sila kayang tignan. Nagsimula na
akong humakbang pero nakakailang hakbang pa lang ako tumigil din ako kaagad.

Pinahid ko yung mata ko dahil alam kong basa na din yun ng luha. Nagsalita ako
habang nakatalikod pa din sa kanilang dalawa, ibibigay ko kay Janna kung anong
gusto niya.

“Tutal itinutulak mo lang din ako palayo sa’yo. Ngayon hindi mo na kailangang gawin
yun. Aalis na ako, at hindi ko na gagawing bumalik pa sa’yo.”

*Brix’s POV*
 

“Napakatraffic naman. Hindi ka pa ba late?” Nilingon ko siya sa shotgun seat.

“Hindi pa naman. Okay lang yan.,” Sagot niya at ngumiti naman siya. Ngumiti si
Cathy ng malungkot.

Pinagdridrive ko siya papuntang airport dahil ngayon na ang flight niya pabalik ng
Canada. Nagdecide na din siyang umuwi na pagkatapos niyang aminin ang lahat sakin.

*flashback*

“Are you asking me to confess? Do you really want to know everything Brix?”

Tumango ako.

Huminga siya ng malalim bago magsalita ulit. “Yung pagkakabangga mo sakin, it


wasn’t an accident. I did it on purpose.”

Naguluhan ako sa sinabi niya kaya hindi ko nagawang sumagot.

“I was desperate to meet someone. And then I saw you rode your car and then I acted
like I wasn’t looking when I crossed the street. Sinadya kong magpabangga sa’yo
Brix.” Napayuko siya na parang naguguilty talaga siya sa sinasabi niya.

“Anong ibig mong sabihin? Anong rason mo?” Seryoso kong tanong sa kanya.
Inuumpisahan na niya. Sigurado akong aaminin na niya sa’kin na siya ang espiya nila
Drev.

“I did it for my mission.” Huminto muna siya sandali. “Gusto kong makahanap ng
lalaking pwedeng magpanggap na boyfriend ko para lang hindi na ako ipakasal ng
parents ko sa hulk kong fiancé. That’s what I was going to ask you when I asked you
to stay for dinner. Kaso you ran away like a retarded guy who just saw a ghost.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ito yung ineexpect kong aaminin niya. Bakit?
“Teka teka! Anong sinabi mo? Ginawa mo yun para makahanap ng lalaking tutulong
sa’yo para hindi matuloy ang arranged marriage niyo?” Paniguradong nanlalaki yung
mata ko habang nagtatanong sa kanya.

Kinagat niya yung ibabang labi niya bago tumango. “Yeah. Alam ko napakachildish ng
naisip kong yun pero gaya nga ng sabi ko, I was so desperate to get out of that
marriage. Sorry if I plotted my plan on you. Okay lang kung isipin mong user friend
ako o opportunist.”

“Ibig sabihin hindi ka espiya?!”

“What? No!”

Napabagsak ako ng upo sa sofa habang gulong-gulo. Paano? Paanong hindi naging siya
kung yung cellphone na nakuha ko ay nasa mismong bahay niya? Maniniwala ba ako sa
mga sinasabi ni Cathy?
“What made you think that I’m a spy?” Tanong ni Cathy sabay upo sa sofa sa tabi ko.
Naptingin ako sa kanya, biglang nanlaki yung mata niya. “Wait! Is someone spying on
you?”

“Sigrado kang hindi ikaw?” Paninigurado kong tanong sa kanya.

“Do I look like a spy to you? Ano ba naman Brix!” Mukhang naiinis na siya sa sagot
niya. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko. Nahihirapan lang akong maniwala agad,
nakakadala kasi.

Tumayo ako at patakbong umakyat sa kwarto ko. Pagkapasok ko hinanap ko agad yung
cell phone na nakuha ko sa bahay ni Cathy at dinala yun pababa.

Hinarap ko sa kanya yung phone at nagtanong. “Sayo ‘to di ba?” 

Kinuha niya yung phone at ininspect. Sinoli niya yun sa kamay ko at umiling. “I’ve
never seen that phone before. Hindi sa’kin yan Brix.”

Napailing na naman ako. Paano ko ba malalaman na hindi siya nagdedeny lang? Paano
ko ba malalaman na hindi talaga sa kanya ‘to? “Hindi ba talaga ikaw? Kasi-“

Napatigil ako sa pagsasalita nung bigla siyang tumayo. “I don’t know if I should
get offended. I mean, I admitted my mistake. Kahit na alam kong posible na magalit
ka sakin at masira ang nabuo nating friendship pero I took the risk kasi ayoko ng
maglihim sa’yo. I value our friendship so much Brix, and it hurts to know that
you’re thinking of me as a spy. Yes, it is given that I lied a little to you but I
let it all out now. How can you be judging me like that? Look, kung ayaw mong
maniwala sa mga sinasabi ko I can call my sister in Canada. Tanungin mo sa kanya
lahat. Or hire an investigator and check everything about me! Check my backgrounds
and everything! If that’s what eases your suspicions!” Halatang nasaktan siya dahil
sa tono niya. Magkakahalong lungkot, disappointment at inis ang nabakas ko sa lahat
ng sinabi niya.

Naguilty ako sa sinabi niya. Aalis na sana siya nung pinigilan ko siya sa
pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

“I’m sorry. I believe you now.” Kusang lumabas yan sa bibig ko dahil sa sandaling
yun pakiramdam ko totoo lahat ng sinasabi niya. Pero hindi pa din hundred percent
ang paniniwala ko. Hindi ko pa kasi maintindihan kung paano napunta yung phone sa
mismong bahay niya.

Inalis niya yung pagkakahawak ko sa braso niya bago siya nagsalita. “I came here to
say goodbye, I’ve decided to go back and face my problem. Kakausapin lang kita para
iconfess yung mali ko at para na din pala magtanong kung bakit ka umiiwas sakin.
Now I know why, thanks for misjudging me.” Pagkasabi niya nun tuloy na siyang
umalis at wala na akong ginawa para habulin siya.

                                                     

*end of flashback*

Pagkatapos nun agad akong tumawag sa isang private investigator para mapacheck ang
background ni Cathy. Nalaman kong dito siya ipinanganak pero nagmigrate sila sa
Canada nung 10 years old siya. Totoo ding ipinagkakasundo siya ng pamilya niya sa
anak ng business partner nila. Totoo lahat ang sinabi sakin ni Cathy at hindi siya
nagsisinungaling. Kanina ko lang nalaman ang lahat ng yun kaya din pinuntahan ko
siya. Sakto naman na paalis na pala siya, ngayon ang flight niya kaya nagpresinta
na akong maghahatid sa kanya, makabawi man lang sa mali kong akusasyon sa kanya.

“Sigurado ka bang uuwi ka na?” Tanong ko sa kanya. Alam ko namang naiinip na din
siya dahil naipit kami sa traffic, mabuti na lang malapit lapit na kami sa airport.
“Pipigilan mo ba ako? Di ba sabi mo sakin hindi ko dapat takbuhan yung problema ko?
Then I realized you’re right. I must face that ugly hulk fiancé of mine.” Kalmado
niya lang na sagot. Natuwa naman ako kahit papano na naisip na din niyang hindi
solusyon sa problema ang pagtakas. Hindi siya habambuhay tatakas. Pero kahit ganun
mamimiss ko din si Cathy, naging magkaibigan din naman kami.

Saglit lang din nakarating na kami sa airport kaya tinulungan ko na siyang ibaba
yung mga gamit niya at sumama ako paghatid sa kanya. Hinatid ko siya hanggang sa
loob ng airport pero hindi na ako pwedeng sumama hanggang sa pagcheck-in niya.

“I guess this is goodbye?” Ngumiti siya ng tipid habang hawak na niya yung maleta
niya.

“Thank you Cathy. Salamat sa pagiging kaibigan mo sakin.” Pagpaalam ko sa kanya.


Saglit pa kaming naging tahimik nung bigla niya akong niyakap.

“Thank you din Brix. Thanks for everything. I hope this won’t be the last time.”
Bulong niya habang nakayakap ng mahigpit sakin.

Tinapiktapik ko yung likod niya. “Oo. Hindi pa ‘to ang last. Sigurado yan. Basta,
pwede ka namang mag-email sakin. Balitaan mo ako tungkol sa hulk mong fiancé.”

Humiwalay na siya sa pagyakap sakin at tumango. Napansin kong teary eyed din siya.
Hindi ko na tinanong kung bakit dahil baka lalo pa siyang umiyak.

“Till then.” Huli niyang sabi bago pumasok sa loob. Pinagmasdan ko lang siya habang
naglalakad hanggang sa hindi ko na siya matanaw.
Tumalikod na ako pagkatapos at mabagal na lumabas ng airport. Bigla bigla na lang
may isang tanong na sumulpot sa utak ko. Kung hindi nga pala si Cathy ang gumagawa
nito. Sino yung espiya?

*Drev’s POV*

“Okay napo Sir, umeepekto na po yung pampakalma.” Sabi nung private nurse niya.

Tumango naman ako at lumabas na ng kwarto. Lumalala na naman siya at napapadalas


yung pagwawala niya. Mukhang nakasama pa yata sa kanyang bumisita kay Mama.

Nainis na naman ako lalo. Kung hindi lang dahil sa mga yun hindi siya lalala ng
ganito. Hindi lalala ng ganito yung babaeng mahal ko. Sila ang naging mitsa para
magkaganito siya ulit. Hindi ko palalampasin yung ginawa nila. Magkadamay damay man
ang mga taong hindi dapat madamay.

Naglalakad na ako sa hallway ng bahay namin nung makasalubong ko yung walang silbi
kong kapatid.

“Kuya, maayos na ba siya?” Pangangamusta niya.

Tumango ako sa kanya. “Saan ka na naman ba nagpunta ha? Wala ka talagang silbi.
Lagi ka na lang nag aasksaya ng oras mo.” Sermon ko sa kanya. Parang wala lang sa
kanya yung mga ginagawa ko, wala siyang inaatupag kundi yung barkada niya. Minsan
lang ‘to magkasilbi sakin.

“Relax kuya. May sinundo lang ako dyan sa labas.” Pangiti ngiti niya lang na sabi.

Kinunutan ko lang siya ng noo. “Sino?”

Hindi na siya nagsalita pero napatingin ako sa kamay niyang may kahawak pa na isang
kamay. Bigla naman lumabas galing sa likuran niya yung kasama niya.

Napangisi ako. “Kamusta ka na Honey?”

*Sophia’s POV*

Lumipas yung buong maghapon kahapon pero hindi na bumalik si Dylan. Kahit tawag
wala din akong natanggap sa kanya. Nung tinanong tuloy ako ni Mama kahapon kung
nasaan siya, halos hindi ako makasagot.

“Shane, saan ka na naman pupunta? Magdidilim na magbabasketball ka na naman!” Sita


ni Mama kay Shane pero tinakbuhan lang siya nito palabas. Tumakas na naman, ang
pasaway talaga ng lalaking yun.
“Hayaan mo na Ma, makukunsumi ka lang e. Uuwi din yan maya maya. Makulit e.” Pag
awat ko kay Mama. Iinit lang siya kung susuwayin niya lagi yung kapatid kong yun.

“Ah siya nga, maghahanda na ako ng hapunan.” Sagot ni Mama pagkatapos nagpunta na
siya sa kusina. Habang ako nagwawalis at nagliligpit ng kalat dito sa sala.
Nililibang ko na lang din ang sarili ko para hindi ko mapansin na hindi pa
tumatawag si Dylan.

Patapos na ako sa pagliligpit ko dito sa sala nung narinig kong nagriring yung
cellphone ko. Halos takbuhin ko papuntang center table para lang masagot agad kung
sino man yun. Hindi naman ako nadisappoint nung nakita ko sa caller ID kung sinong
tumatawg.

“Hello? Dy? Bakit ngayon ka lang tumawag? Ano bang nangyari?” Sunod sunod na tanong
ko sa kanya. Naging worried din kasi ako sa kung ano mang dahilan ng bigla niyang
pag-alis kahapon.

“Bumalik kasi yung lagnat ni Zion, kahapon nagnosebleed siya kaya nataranta sila
Manang sa bahay. Sinugod namin siya sa ospital kagabi, dito lang din sa kung saan
ka nanganak, kaya hindi ako nakabalik. Sorry baby ko.” Mukhang puyat pa si Dylan sa
tono ng boses niya.

Nag-alala din naman ako kahit papaano dun sa bata, hindi biro yung pagnonosebleed.
“Ano daw ang sabi ng doktor? Ayos na ba siya ngayon?”

Narinig kong bumuntong hininga siya bago ako sagutin. “Sabi nila mababa daw ang
platelet count niya at baka dengue, pero may gagawin pa silang tests ulit dahil
nagnosebleed na naman siya kaninang umaga.”

Naawa ako kay Dylan lalo na kay Zion. Kung kay Aian yun mangyayari hindi din ako
mapapakali at alam kong ganung ganun ang nararamdaman ni Dylan ngayon. Alam kong
nag aaalala siya ng sobra sa anak niya, kahit sino namang magulang ganun ang
magiging reaksyon.

“Gagaling si Zion, wag ka ng mag-alala masyado Dy. Magdasal ka, makakatulong yun.”
Sagot ko sa kany para pagaanin kahit papano ang pakiramdam niya.

“Thank you baby. Tumawag lang ako para ipalam sa’yo kung bakit hindi ko pa kayo
nasusundo. Pag-galing niya susunduin ko kaagad kayo ni Aian dyan.” Halata din sa
boses niya na pagod na pagod siya. Malamng niyan wala pang tulog ‘to simula kagabi.
Haaay.

“Sige na, magpahinga ka na muna mukhang pagod na pagod ka pa.” Bilin ko. Hindi na
niya nagawang sumagot at pinutol niya na lang yung tawag niya. Hindi naman ako
nainis dahil alam kong madami lang siyang inaasikaso kaya ganun.

Pagkapatong ko ng cellphone ko sa center table natuliro ako. Naisip kong sa


ganitong panahon dapat karamay din ako ni Dylan. Tinanggap ko na yung anak niya at
lahat sa kanya, kasama na din siguro sa responsibilidad ko na damayan siya sa
mabibigat niyang problema.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. “Mama, iiwan ko po muna si Aian saglit. May
pupuntahan lang po ako.”

*
Nasa taxi na ako papunta dun sa ospital. Mabuti na lang nabanggit ni Dylan kanina
kung saan yun. Gusto ko lang din makita yung bata, dahil kahit na hindi ko naman
siya anak may pakialam ako sa kanya. Anak siya ni Dylan, kaya para sakin importante
na din siya.

“Ma’am ipapasok ko pa po ba hanggang sa tabi ng emergency room?” Tanong nung taxi


driver nung nasa tapat na kami ng ospital.

“Hindi na ho. Dito na lang.” Sagot ko habang kumukuha ng pambayad sa wallet ko.
Inabot ko sa kanya yun at bumaba na din kaagad.

Pumasok na ako sa lobby at nagtanong kaagad kung may nakaadmit na two year old baby
na Zion ang pangalan at kagabi lang naconfine.

“Meron po ma’am, sa room 301 po siya. Sa kaliwa po.”

Sinunod ko yung direction na binigay niya kaya hindi na ako nahirapan hanapin yung
room 301. Nakita kong nakaawang naman yung pinto kaya hindi na ako kumatok, dahan
dahan ko na lang itinulak yung pinto at bumungad sakin sina Dylan at Alisha na
nakaupo at tulog sa sofa, nakahilig sa ulo ng isa’t-isa. I froze.

Ilang segunda pa yata ako bago ako umatras at lumabas na lang ng kwartong ‘yun. May
tiwala naman ako kay Dylan, dun sa babae lang ako walang tiwala. Kahit pa anong
pigil ko sa sarili ko hindi ko na nagawa. Kung ibang babaeng hindi ko kilala ang
nasa sitwasyon ni Alisha magseselos pa din naman ako e. Lalo pa kay Alisha na ex
girlfriend niya, madami silang pinagdaanan at higit sa lahat may anak sila.
Imposibleng hindi ako magselos at makaramdam ng pagkathreaten.

Naglakad na lang ako palayo sa kwartong yun. Siguro maling desisyon na pumunta pa
ako dito para damayan siya sa problema niya. Mukhang hindi naman niya kailngan,
mukhang may karamay naman siya sa problema. Nadisappoint na naman ako kay Dylan
ngayong araw, hanggang kailan ba kami magiging ganito?

Naglakad na lang ako palabas ng ospital, hindi na ko tutuloy dahil baka hindi ko
lang mapigilan ang sarili ko at maaway ko na naman si Dylan. Hahayaan ko muna siya,
iintindihin ko muna siya hangga’t kaya ko pa.

Palabas na ako sa ospital nung may nakita akong lalaking paika-ika kung maglakad.
Sa built pa lang ng katawan at sa style ng buhok, kahit nakatalikod siya alam kong
kilala ko siya.

“Cyril!”

Lumingon naman siya kaagad, at tama nga ang hinala ko. Si Cyril nga yun. Pero anong
ginagawa niya dito sa ospital? At bakit paika ika siya maglakad at may mga pasa sa
mukha. Nilapitan ko siya kaagad.

“Oh Sophia, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako? Sabin a nga ba
crush mo na ko e.” Biro niya pa din pero halata ko sa mukha niyang pinipilit na
lang magbiro. Doon ko mas lalong napansin yung mga pasa niya sa mukha.

“Anong nangyari sayo Cyril? Napaaway ka ba ha?” Nag aalala kong tanong sa kanya.
Kaibigan ko din siya kaya nagulat akong makita na ganito ang itsura niya ngayon.

“Ah wala ‘to, nadulas ako tas gumulong gulong sa hagdanan. Nag exhibition ako.”
Biro niya pa din pero alam kong peke yung ngiti niya. May kakaiba e, hindi ganito
ka gloomy kasama si Cyril. Yung ngumingiti siya pero alam ko naman na hindi siya
talagang natatawa o masaya. May mali e.
Hindi ako naniniwala sa dahilan ng mga pasa niya pero inalalayan ko na din siyang
maglakad. Tahimik lang kaming dalawa habang palabas ng ospital, sobrang tahimik
kaya nakakapanibago.

Pakiramdam ko parehas lang kaming nagpapakiramdaman hanggang sa labas. Nakaisip


tuloy ako ng ideya. “Cyril, gusto mo ba ng kausap? Gusto mo bang uminom?”

Nakaupo kami ngayon sa isang bench na malapit lang din halos sa ospital habang
umiinom ng tig-isang soda. Naalala ko kasing mixed feeding nga pala si Aian kaya
naman nauwi kami sa soda.

Tahimik na naman kami, kung mag usap man kami isang tanong at isang sagot lang.
Parang walang gustong mag open up. Sa totoo lang kaya ko inaya si Cyril dito para
may makausap. Nalulungkot kasi ako at naguguluhan. Gusto ko lang may taong
mahingahan ng nararamdaman ko, mabuti na lang nakita ko siya sa ospital.

Nag isip isip na din ako ng sasabihin ko sa kanya. Magsasalita na sana ako kaso
nauna siya.

“Hindi ako nahulog sa hagdan, hindi din ako nag exhibiton Soph kasi wala namang
hagdan sa unit ko at sa elevator ako dumadaan. Sinapak ako ni Nate, mali inupakan
pala. Oo inupakan ako ni Nate.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Si Nate? Inupakan siya ni Nate?! “Teka! Bakit ka
inupakan ni Nate? Ano bang pinag awayan niyo?” Usisa ko. Nakakagulat kasi talaga.
Hindi ko akalain na magagawa ni Nate yank ay Cyril. Ano kayang matinding pinag-
awayan nila para ganyanin niya si Cyril?

Hindi niya sinagot yung tanong ko kung ano ang pinag awayan nila ni Nate pero
nagsalita pa din naman siya. “Di ko siya ginantihan kasi kung gumanti ako e di
nalumpo ko na yung gago na yun. Ayoko naman siyang saktan e. Hindi din ako umilag,
kasi gago din ako. Alam kong gago ako at dapat lang na maupakan ako.”

Napalingon ako sa kanya nung narinig ko yung mga sinabi niya. Nakita kong nakayuko
si Cyril habang nakapatong yung dalawang braso niya sa magkabilang hita niya.
Nakatingin siya sa lupa.

“Hindi naman na ako nambababae e, hindi naman na ako gumagawa ng kalokohan. Bakit
iniwan niya pa din ako? Bakit hindi siya nagpaalam? Ang tanga talaga ng babae na
yun.” Dinig na dinig ko yung panginginig ng boses niya sa bawat salitang binibigkas
niya. Para bang mababasag na yung boses niya, para bang nagpipigil ng iyak.

Hindi ako nakasagot dahil titig na titig lang ako sa kanya. Nakaramdam ako bigla ng
awa kay Cyril.

“Naisip ko din na baka nasobrahan na ako sa kasungitan at pambabara sa kanya.”


Tumigil siya sa pagsasalita at narinig kong napahikbi siya. Pakiramdam ko din tuloy
ay pinipiga yung puso ko sa nakikita at naririnig ko. Hindi siya ganito, hindi
ganito ang Cyril na nakilala ko. “Tatanga tanga talaga e, sinabi ko naman sa kanya
na ganun lang talaga ako magmahal. Tanga talaga yun, pero kahit tanga yun mahal ko
yung tangang yun. Mahal ko.” Sunod sunod na yung narinig kong paghikbi niya kaya
napausod ako patabi sa kanya.

Ipinatong ko yung kamay ko sa likuran niya para himasin yun. Hinayaan ko lang
siyang magpatuloy sa mga sinasabi niya. Alam kong si Honey ang tinutukoy niya sa
mga sinasabi niya.
“Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin e. Hirap na hirap na kong kaaisip
kung saan pwedeng pumunta yung babae na yun. Nag-aalala na din ako dahil baka kung
napano na yun, tanga pa naman sa daan.” Nakita kong tuloy tuloy ng pumatak yung
luha niya sa sahig. Umiiyak na siyang talaga. Mas lalo akong naawa kay Cyril kaya
hindi ko kaagad napansin na pati mismong mata ko nababasa na din ng luha.

“Karma ko na ba ‘to? Karma na nga ata ‘to sa lahat ng kagaguhan na ginawa ko noon.
Karma sa lahat ng niloko kong babae?” Tumawa pa siya ng pasarcastic tapos nasundan
yun ng malakas na hikbi. “Tangn*ng karma ‘to ang sakit naman! Pero kahit pa gano
kasakit ‘to sige lang! Basta lang bumalik siya sakin.” Lumakas na naman yung
paghikbi niya, para hindi na siya yung Cyril na kilala kong palabiro at puro
kalokohan. “Basta bumalik si Pukyot sakin.”

Hindi ko na napigil na hindi yakapin si Cyril dahil sa sobrang awa ko sa kanya.


Alam kong kailangan niya yun, at gaya niya alam kong kailangan ko din.

Niyakap ko siya ng mahigpit habang tinatapik yung likod niya. Umiyak lang siya ng
umiyak sa balikat ko na parang bata. Unang beses kong nakita si Cyril na ganito
kaya nasasaktan din ako para sa kanya. Maging ako umiiyak na din, hindi ko man
nasabi sa kanya yung sama ng loob ko gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. Sana ganun
din si Cyril.

“Babalik siya sa’yo Cyril. Magiging ayos din ang lahat.”

 -

Oh sige na, batuhin niyo na ako. Huhu! I was trying to go against the current.
Ayan, nagalit pa din si Nate pero sa ibang dahilan naman. Wala lang tinry ko lang.
T___T Nagiging motto ko na yata ang “bahala na” lol! Ayan na yun. >.< Tapos ano,
naiiyak ako kaso hindi ako makaiyak kasi nakatingin yung daddy ko habang nagttype
ako. Napaka awkward lang po. *hides away* (/_~) Feel free to post opinion on ze
comment box! ~ 

=================
Chapter Fifty Eight

Perfect Mistake Chapter 58

*Nate’s POV*

“Sir Nathan, may bisita po kayo.” Sabi nung mayordoma namin pagkatapos kong buksan
yung pinto sa kwarto ko. Wala ako sa huwisyo lumabas kaya nagkukulong lang ako
dito.

“Sino po?”

“Si Sir Enzo po.” Sagot lang niya pagkatapos umalis na siya at bumaba.

Gumaan ng konti yung pakiramdam ko nung narinig ko kung sinong naghihintay sakin sa
baba. Si Enzo ang bestfriend ko at sa tingin ko sa kanya ko dapat mag confide
tungkol dito sa nararamdaman ko. Tutal naman, may tiwala ako sa kanya at ganun din
siya sakin.

Inayos ko lang ng konti yung sarili ko dahil alam kong mukha na akong tanga
kakamukmok at kulong dito sa kwarto ko. Kung papayag si Enzo baka pwedeng uminom
naman kami sa labas para may kasama ako.

Bumaba na ako sa hagdan at naabutan ko siyang nakatayo sa may sala namin habang
nakatalikod.
“Dude! Kamusta ka-“

Hindi pa man din ako nakakababa ng hagdan humarap na si Enzo at sinugod ako...

*boogsh!*

Napadausdos ako sa sahig. I was caught off guard. Hindi ko alam kung bakit bigla
bigla na lang akong sinuntok ni Enzo.

“Dude ano bang problema mo?!” Malakas na tanong ko sa kanya habang hawak yung panga
kong masakit dahil sa lakas ng suntok niya.

Napasabunot siya sa sarili niya sabay duro sakin. “You! You are my problem Nate!
How could you do that to me?! To us?!”

Pinilit kong tumayo kahit na pakiramdam ko nabaliaan yata ako sa pagkakabagsak ko


ng malakas. “Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita makuha!”

“Don’t you ever deny what you’ve done! You’re the only one who knows the whole
truth and the only one we’ve entrusted with all what’s happening between Heart and
I! How did you dare telling her parent’s first?!” Galit na galit niyang sabi sakin
pero napailing ako. Anong pinagsasabi ng gungggong na ‘to?

“Wala akong pinagsasabihan ng kahit na ano at wala akong balak sabihin kahit
kanino!” Pagpapaliwanag ko sa kanya. Alam ko naman na ako lang ang pinagkatiwalaan
nilang makaalam ng lahat ng plano nila. Plano din naman nilang sabihin sa iba yung
mga nangyari pero hindi daw muna ngayon kaya hinayaan ko lang sila. Kaya nagtataka
ako sa pinagsasabi ni Enzo, wala akong pinagsasabihan.

“You know we’re trying to get there Nate! In fact we’re almost there! We’re so
close to telling them about us pero anong ginawa mo? You wrecked it all Nate! Damn
you! You don’t know how huge the chaos you created. Why Nate?” Nakita kong punong
puno ng galit at pagkadismaya sa mukha ni Enzo habang sinasabi niya sakin yan. Sa
dami ng problemang nasa utak ko hindi ko mapagkabit kabit yung mga sinasabi niya.
Ni hindi ko makuha sa utak ko kung ano bang ikinagagalit niya at kung ano yung
sinasabi niyang ginawa ko dahil sa pagkakaalam ko nagpakabusy ako sa girlfriend
kong gusto naman akong mawala sa buhay niya.

“Is this how you’re biting us back for not telling you about it years ago? Is that
it? Then screw you Nate, you should’ve bitten me literally coz I can take that
better than what you did.” Tinalikuran na niya ako at nagsimulang maglakad pero
huminto din siya at nilingon ako habang malaungkot na nakangiti sakin. “I’m such a
jackass for trusting you in the first place; I knew how you keep on messing things
and waiting till others patches it up for you.”

His words hurt. Totoo nga naman. Magaling lang akong gumuwa ng gulo na hindi ko
naman kayang gawan ng solusyon. Parati na lang akong nakaasa sa iba na sila ang
gagawa ng paraan para maayos yung gusot na ako naman ang gumawa. Gaya ngayon,
hanggang kelan pa ako aasang may ibang aayos  sa problema ni Janna dahil lang
natatakot akong harapin siya. Natatakot ako sa sarili kong kagaguhan.

Takot ako sa sarili kong anino.

*Drev’s POV*

 
“Kamusta ka na Honey?” Nakangisi kong tanong sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama na para bang gusto niya akong saksakin ngayon mismo.
Ang talim ng tingin niya sakin pero mas matalim ang dila niya nung nagsalita siya.
“Hindi ako pumunta dito para kamustahin ka.”

Natawa ako ng mahina. Hindi niya ba alam kung gaano ako natutuwang makita siyang
nagtatapang tapangan kahit alam niyang alam ko naman kung gaano kahina yung loob
niya? Kung gaano siya kadaling manipulahin.

“Matapang ka na Honey, marunong ka na bang mangagat ngayon?” Biro at pang aasar ko


sa kanya.

Mas lalong tumalim yung tingin niya sakin. “Hindi pa. Pero pinag aaralan ko, at
ikaw ang una kong sasakmalin kapag natuto ako.”

Naoahinto ako sa sagot niya. Kailan pa siya natutong sumagot ng ganito? Kailan pa
siya naging matapang sa pagsagot sakin? Dapat ngayon ay umiiyak lang siya at
nagmamakaawa. Bakit naging ganyan siya?

“Ikaw mismo ang gumawa ng halimaw sa loob ko, Kuya.” Seryoso niyang sagot at
talagang napipikon na ako sa mga pinagsasagot niya sakin. Kuya? Sino bang nagsabing
itinuring ko siyang kapatid? Kahit kailan hindi ko siya itinuring na parte ng
pamilya namin. Dahil hindi ko naman siya kaano ano. Hindi ko maintindihan sa mga
magulang ko kung bakit nag ampon pa sila ng gaya niya na magiging dahilan para
magkagulo ang pamilya namin.

Gusto ko man siyang saktan ng pisikal hindi ko na din magawa. Malaki din ang
naitulong sa’kin ng babaeng ‘to. Malaki ang naging papel niya para masira ko sila.
At alam kong mas malala ang emosyonal na nararamdaman niya ngayon kesa kung
sasaktan ko siya ng pisikal. Siya ang kumumpleto sa plano ko, at kagaya nila kasama
siya sa dapat na masaktan.

“Drake, dalahin mo na yan sa puntod ni Mama. Umalis na kayo.” Utos ko na lang sa


kapatid ko dahil baka hindi pa ako makapagpigil sa babae na ‘yon. Mas gusto kong
maramdaman niya yung bawat sakit, hindi naman niya mararamdaman iyon kung mamamatay
lang siya. Mas mabuti nang matikman niya yung impyernong ibibigay ko sa kanya kahit
na buhay pa siya.

Umalis na din naman kaagad si Drake kasama siya dahil sa utos ko. Pabalik na sana
ako sa kwarto ko nung lumapit yung isa kong tauhan.

“Boss, may bago akong surpresa sa’yo.” Nakangiti niyang sabi sakin.

Napatango ako at inabot na niya sakin yung dala dala niya. Napangisi na lang ako sa
mga nakita ko.

*Honey’s POV*

“Wag kang umiyak dyan, wala pa nga tayo sa puntod e!” Sigaw ni Drake sakiun habang
naglalakad kami sa may sementeryo.

Hindi ko siya pinansin. Hindi ko kasi mapigilang hindi maiyak dahil sa wakas
makakadalaw na din ako sa puntod ni Momsy. Sa wakas makukuha ko na din yung dahilan
kung bakit nagawa kong magtraydor sa mga taong naging maayos naman ang trato sakin.

Natanaw ko pa lang yung puntod ni Momsy mas lalo na akong naiyak. Naramdaman ko na
lang na may braso umakbay sakin at tumapik sa braso ko na parang pinapatahan ako.

“Iwanan mo muna ako Drake.” Naupo ako sa harap ng puntod ni Momsy at ipinatong yung
dala kong bulaklak para sa kanya. Pero nagbingi bingihan si Drake at hindi umalis.

Tumayo ako at itinulak siya. “Sabi ko iwanan mo muna ako! Umalis ka dito! Alis!”

Alam ko napikon siya sa pagtulak ko sa kanya dahil tinignan niya muna ako ng masama
bago siya umalis at bumalik sa kotse niyang nakapark sa hindi kalayuan.

Umupo na ulit ako at hinawakan yung lapida sa puntod ni Momsy.

“Momsy sorry po. Sorry.” Paulit ulit kong sinabi sa kanya. Kulang ang sorry para
mapatawad ako ni Momsy sa lahat ng nagawa ko sa kanya.

Tuloy tuloy yung pagtulo ng luha ko habang hinahanawakan ko pa din yung panagalan
ni Momsy sa lapida. “Alam ko pong kung nabubuhay kayo hindi niyo magugustuhan ang
ginawa ko. Sorry po Momsy, wala na po akong ibang choice e. Kahit alam kong
magagalit ka kung sakaling buhay ka pa, ginawa ko pong mantraydor ng mga tao.”

Hindi ko na napigilang hindi yumukod sa puntod ni Momsy habang patuloy na umiiyak.


“Ayoko naman pong gawin yun pero hindi po ako hinahayaan ni Kuya na malaman kung
nasaan ang puntod mo hanggang hindi ko ginagawa yung ipinag uutos niya e. Momsy,
ginawa ko po iyon para sa inyo. Miss na miss po kita.”
Pinahid ko yung mga luha ko at inayos ko na yung upo ko sa harapan ng puntod ni
Momsy. Alam kong kung nabubuhay lang siya ayaw niya din akong makikitang ganito.
Minahal nila ako ng para nilang tunay na anak pero sinuway ko sila at
nakipagrelsyon pa din ako kay Drake. Naging masama akong anak sa kanila,

“Pero momsy sa lahat ng nagawa ko bakit pakiramdam ko hindi ako nagsisisi? Hindi
ako nagsisisi na sinunod ko yung utos ni Kuya na pasukin yung grupo nila. Dahil po
kay Cyril momsy. Nakahanap po ako ng taong tumanggap sakin sa kabila ng ugali ko
ganito. Kahit na po inamin ko sa kanya yung nakaraan ko hindi po siya nagbago
sakin. Noong una po kasi ginagawa ko lang lahat para sa plano ni Kuya, para po sa
kondisyon niyang makikita ko na kayo pag nagawa ko ang inuutos niya. Pero sa
kalagitnaan po ng ginagawa ko nakalimutan ko na yung tungkol sa plano. Nagkaroon po
ako ng sarili kong plano, yun po ay kung kaya ko bang pagbaguhin ang isang babaero
na gaya ni Cyril. Momsy hindi ko po napansin na naging totoo na po pala yung
nararamdaman ko sa kanya dahil nasasaktan na ako. Dahil umasa na akong mapapagbago
ko siya, nagawa ko po yun Momsy. Nagawa ko po.”

Napapangiti kong kwento kay Momsy kahit kasabay nun hindi naman tumititgil yung
pagtulo ng luha ko.

“Napagbago ko po siya pero yung sarili ko hindi ko napagbago. Masama pa din ako
Momsy, madami silang nasaktan at masasaktan ng dahil sakin. Lalo na si Cyril.
Magagalit siya sakin pag nalaman niya, pag nalaman niyang ako yung trumaydor sa
kanila. Baka isumpa niya na ako. Kaya ayoko na pong magpakita sa kanya Momsy. Kasi
alam kong masmasasaktan ko si Cyril pagnakita niya pa po ako, pag nalaman na niya
pa po ang lahat. Kaya po baka ito muna ang huling dalaw ko sa inyo Momsy. Baka po
matagalan pa po muna ulit. Aalis po muna ako. Aalis po ako kahit mahal ko po si
Cyril.”

 
*Sophia’s POV*

Ilang araw ang lumipas. Ilang araw na naman na ganito yung sitwasyon ko. Hindi ko
na alam kung dapat pa ba akong umasa na bumalik kami sa dati ni Dylan dahil baka
hindi na. Madami nang nagbago simula nung dumating yung ex girlfriend at anak niya.

Hindi na lang kami ni Aian ang priority niya, nakikihati na kami.

Ilang araw yung lumipas pero hindi siya tumatawag. Maski text man lang hindi niya
magawa. Ganoon ba siya kabusy sa ex girlfriend at anak niya para kahit isang text
message hindi niya ako magawang sendan? Mahal pa ba ako ni Dylan? O wala na ba
talaga akong aasahan?

Parang nagrerebelde na naman yung loob ko sa lahat ng mga naiisip ko. Pigilin ko
man na mag-isip ng mga ganitong bagay hindi ko naman kaya. Mahirap magpanggap na
wala lang sakin yung mga nakita ko sa ospital, yung paraan kung paano din siya mag
alala sa babaeng yun at kung paano unti unti para akong nabubura sa buhay niya.

Isang tawag lang sana galing sa kanya okay na ko. Gusto ko lang naman na mag reach
out siya sakin para alam ko kung saan pa din ba ako lulugar kaso wala eh. Bumabalik
na naman ako sa pangangapa. Nangangapa na naman ako kung saan ba ako lulugar sa
kanya.

“Anak ayos ka lang ba talaga?”

Napalingon ako kay Mama nung narinig ko siyang nagsalita. Tumango ako at pilit na
ngumiti.
“Sigurado ka? Kung hindi ka ayos hindi na ako tuloy makipagkita sa Tita mo.” Parang
nag aalala na sabi ni Mama. Kahit naman maglihim ako sa kanya mapapansin at
mapapansin niya pa din, Mama ko siya eh. Siguradong napapansin niyang mabigat yung
loob ko. Pero ayoko naman na masyado siyang mag alala sakin.

“Sige na Ma, ayos lang ako. Nasa taas naman si Shane e. Tulog naman si Aian, okay
lang kami dito.” Pag assure ko sa kanya.

“Oh sige, hindi naman ako gaanong magpapagabi. Kakain lang naman kami sa labas.
Sige anak, ikaw na munang bahala dito.” Hinalikan ako ni Mama sa pisngi bago
lumabas ng pinto.

Maya maya bumaba na si Shane dito sa sala ng nakabihis dala yung skateboard niya.

“Saan ka na naman pupunta?” Tanong ko kaagad sa kanya bago pa man siya makalabas ng
pinto.

“Ibibili ka ng ice cream. Naririndi na ako sa kakabuntong hininga mo simula pa nung


isang araw at naawa na ko sa’yo sa kakamukmok mo.” Tumuloy na siya lumabas

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Shane o mas maaawa sa sarili ko.
Pati pala kapatid ko napapansin na din yung pagmumukmok ko. Pero napangiti lang din
ako sa sinabi ni Shane. Ayaw niya lang maging showy pero nag aalala din siya sakin.

Papunta na sana ako sa kusina para maghugas ng mga naiwang plato nung may kumatok
sa pinto.
“Eto talagang si Shane, kalalabas lang papasok na naman kaagad. Imposible namang
nakabili na siya kaagad.” Napapailing kong sabi habang naglalakad ako papunta sa
pinto.

“Shane naman akala ko-“

Napahinto ako nung nakita ko yung taong nakatayo sa labas ng pintuan namin.

“Hi Sophia.”

“A-alisha?”

 --

Hi guys. Uhm. Baka ito po muna ang last update ko sa PM. Hindi ko alam kung kailan
ang kasunod kasi gusto ko munang mag break from writing this one. Ayoko man sana
maapektuhan sa mga sinasabi ng ilan, pero mahirap. Dumating ako sa point na nag
doudoubt ako sa sarili kong gawa gaya ng sa update na 'to. Mabigat sakin itype 'to
kasi bothered nga ako. So siguro kailangan ko munang mag pahinga dito. Di naman mag
tatagal. one month may be enough for me to regain my confidence in writing PM. Yun
lang. I shall be back here soon. Focus na lang muna sa ibang stories. 

If you just read my dramatic note then thank you. :) 

=================

Chapter Fifty Nine


"Better to write for yourself and have no public, than to write for the public and
have no self.” ― Cyril Connolly

I thank Cyril Connolly for this quote. Nakapag update tuloy na ulit ako! :)
Happiness. :)

Perfect Mistake Chapter 59

*Sophia’s POV*

“Can I come in?” Tanong niya na nakapagpabalik ng ulirat ko. Nagulat ako na siya
yung nakita ko pagbukas ko ng pinto. Siya ang pinakahuling taong ineexpect ko na
pupunta dito. Ano bang pakay niya?

“Uh..Sophia?”

“Ha?” Napatanga na naman pala ako ng hindi ko namamalayan. Parang wala talaga ako
sa sarili ko nitong mga huling araw.

“Can I?” Tanong niya ulit kaya tumango na lang ako at binuksan pa yung pinto para
makapasok siya.

Hindi ko naman itatanggi sa sarili kong may galit ako kay Alisha dahil bigla bigla
na lang siyang bumalik sa buhay ni Dylan pagkatapos ng matagal na panahon. Kung
kailan akala ko ayos na kami saka niya sasabihing may anak sila. Pero kahit na
galit ako sa kanya pinatuloy ko pa din siya sa bahay namin. Gusto kong malaman kung
anong pakay niya. Gusto kong marinig ang sasabihin niya kahit na natatakot ako sa
posibilidad na baka masaktan lang ako.

“Upo ko muna. Gusto mo ba ng coffee? Juice? Tea?” Alok ko sa kanya habang pormal
lang yung mukha ko. Uneasy ako dahil ito yata ang unang pagkakataon na mag uusap
kaming dalawa ni Alisha, ng kami lang talaga.

Umiling siya. “No. I’m fine. Hindi naman ako magtatagal e, gusto lang talaga kitang
makausap.”

Umupo ako sa sofa na halos katapat ng inuupuan niya. Pakiramdam ko nanginginig yung
buong katawan ko sa kaba pero sinusubukan kong hindi ipakita sa kanya. “Ano bang
ipinunta mo dito?”

Huminga siya ng malalim bago sumagot sa tanong ko. “I know you may probably hate me
for intruding to your life and Dylan’s.” Napangiti siya ng mapait bago magsalita
ulit. “Pero wala na kasi akong ibang malapitan e, isa pa naisip ko na kailangan din
ni Zion na makilala kung sino talagang Daddy niya.”

Napakunot naman ako sa sinabi niya. Ano bang plano niya? Na ipamukha sakin na anak
nga talaga ni Dylan si Zion? Alam ko naman e. “Yun lang ba?”

Umiling siya. “Sophia, I was diagnosed with leukemia.”

“Ha?” Para akong nabingi ng konti sa sinabi niya o hindi lang talaga madigest ng
utak ko yung mga salitang sinabi niya. 
“Sophia, I’m nearly dying.” Pagkatapos niyang sabihin yun bigla siyang yumuko.
Nakarinig na lang ako ng ilang hikbi na sigurado akong galing sa kanya.

Leukemia? Mamamatay? Yun ba ang dahilan kung bakit bigla niyang dinala si Zion para
ipakilala kay Dylan pagkatapos ng halos two years dahil sa malapit na siyang
mamatay? Hindi ko agad nakuhang magsalita dahil sa sobrang gulat ko.

“Siguro karma ko na ‘to sa pangloloko ko kay Dylan noon. Sa pagtatago ko ng anak


namin sa kanya. Madami akong naging kasalanan kay Dylan noon Sophia. Kaya ngayon
ginawa ko yun para maitama kahit papaano yung mga mali ko.”

Tuloy tuloy siyang nagsalita at ako naman nakikinig lang sa kanya. Bukod sa nagulat
ako at hindi ako makapagreact o makapagsalita sa mga sinabi niya hindi ko din alam
ang dapat kong sabihin sa kanya ngayon.

“Tinakwil na ako ng family ko dahil sa mga ginawa ko noon. Yung partner ko na akala
ko susuporta sakin dahil sa sakit ko iniwanan ako. Wala ng natira sakin Sophia, si
Zion na lang.” Nakita kong umiiyak na siya nung inangat niya yung tingin niya.

Hindi pa din ako sumasagot sa lahat ng sinasabi niya pero naaawa ako. Kahit na
galit ako at naiinis sa kanya, naawa pa din ako. Kung tinalikuran na pala siya ng
pamilya niya sino na lang ang dadamay sa kanya gayong may sakit pala siya? At hindi
lang basta sakit, leukemia pa.

“Ayokong mapunta lang sa kung saan at mapabayaan si Zion. Kaya ko naisipan si


Dylan. Napakaswerte ko na lang na tinanggap niya pa din si Zion kahit alam kong
malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya. I never expected him to forgive me for
what I did to him a few years ago. All I wanted was Zion to meet his father.”
Pulang pula na yung mata niya sa kakaiyak at maski ako hindi ko na mapigilan yung
mata ko. Naiiyak na din pala ako.
Alam ko ang pakiramdam ni Alisha. Mommy din ako gaya niya at kahit ano handa kong
gawin para kay Aian. Kahit anong risk, kahihiyan o paghihirap pa yan kakayanin ko
para lang maassure na okay ang anak ko. Sa kaso niya, pakiramdam ko unti unti kong
naiintindihan kung bakit ginawa niya ‘to. Hindi para sa sarili niya o ano pa man,
para kay Zion.

“And Sophia, sana bumalik ka na sa bahay niyo. Dylan misses you and your son so
much. Please come back home. Masyado lang siyang occuopied ngayon dahil kay Zion.
Siguro bumabawi siya sa halos two years na pinagkait ko sa kanilang dalawa. Pero I
can see how incomplete he feels without you and Sofian.” Tumayo si Alisha sa
pagkakaupo niya kaya napatayo din ako bigla nung lumapit siya sakin. Hinawakan niya
ang kamay ko habang umiiyak. “Please Sophia, come home to Dylan.”

Umiiyak din akong tumango sa kanya. Miss na miss ko na din naman si Dylan. Handa
naman akong kalimutan yung nakita ko sa ospital. Isang maliit na bagay lang naman
yun, siguro nga napagod lang sila kaya nakatulog ng ganun.

“At may isa pa sana akong request sa’yo Sophia.”

Napaangat yung tingin ko sa kanya at kumunot ang noo.

Hindi siya halos makapagsalita dahil sa sunod sunod na hikbi niya. “Please...if
something bad ever happens to me...”

Nararamdaman kong humihigpit yung hawak niya sa kamay ko habang umiiyak pa din.

“Please... adopt my son; please treat him as part of the family. You can tell him
that you’re his mother, just please if ever I may not survive this and die, I-“
Hindi ko na siya pinatapos sa mga sasabihin niya. Alam ko naman kung saan papunta
yung mga salita niya at alam ko kung gaano kahirap para sa kanya ang sabihin ang
mga bagay na ‘yun.

Niyakap ko siya. Niyakap ko si Alisha habang umiiyak siya. Kahit kailan hindi ko
inexpect na gagawin ko ‘to pero ngayon mas naiintindihan ko na ang lahat, I felt
the urgency to comfort her kahit na parte siya ng nakaraan ni Dylan.

“Shhh... tama na yan. Hindi ka mamamatay, lalabanan mo yang sakit mo. Para kay
Zion.”

*Brix’s POV*

“Hindi ko talaga makuha ‘tol e. Simula noong nalaman kong hindi pala si Cathy yung
kakampi nila DK ah... Drev pala...Iniisip ko na kung sino e. Pero wala akong maisip
na gagawa nun satin. Sa mga taong malapit satin? Wala ‘tol.” Nakunot na panigurado
yung noo ko habang aburido na akong kakaisip. Kaya nga inaya ko si Cyril dito sa
bar dahil hindi ko naman pwedeng ayain si Dylan, baka sapakin ulit ako. Si Enzo
naman tinawagan ko at halata kong madaming problema kaya hindi ko na nagawang
ayain. Si Nate naman baka nasa kung saang bundok na dahil hindi ko macontact.

Uminom muna ulit ako ng beer bago magkwento. “Hindi kaya sinasabi lang yun ni Drev
para lituhin tayo o pagtripan? Malaman ko lang talagang gawa gawa niya lang yun
babasagin ko mukha niya. Napagkamalan ko pa si Cathy e inosente naman pala yung
tao. Tss.” Inis na inis pa din ako hanggang ngayon tuwing naalala kong
pinagbintangan ko kaagad si Cathy ng wala namang matibay na ebidensya at hindi man
lang hinayaang makapagpaliwanag. Nakakahiya yung ginawa ko. “Wala kasi talaga akong
maisip na gagawa nun satin e. Ikaw ba meron?” Tanong ko kay Cyril na tahimik lang
na nakikinig sakin.
Nagkibit balikat siya bago sumagot. “Wala din.” Pagkatapos ng maigsi niyang sagot
na yun uminom lang siya ng hawak niyang beer.

Simula pa kanina napapansin kong kakaiba ang kinikilos nitong si Cyril. Hindi
normal para sa kanya ang manahimik na lang. Kadalasan niyan pag may mga usapang
ganito hindi siya mawawalan ng komento o opinion pero bakit ngayon hindi siya
nagsasalita? Bakit ang tipid ng sagot nitong kumag na ‘to?

“Kahit man lang hula wala?” Tanong ko ulit sa kanya para tignan kung anong isasagot
niya.

“Wala e.” Seryoso niya lang ulit na sagot at tinungga yung laman ng baso niya at
tumingin tingin sa paligid na parang ewan. Parang madaming iniisip.

Nakakapanibago talaga. Ang inaasahan kong sagot sa kanya ay yung mga tipong ‘Hula?
Dun sa perya ka magtanong may mga manghuhula dun. Pagurin ko pa utak ko dyan’ o
kung ano ano pang pambabara at pabalang na sagot. Pakiramdam ko nga hindi si Cyril
‘tong kainuman ko ngayon e. Masyadong tahimik, hindi ako sanay ng ako lang ang
dumadaldal at walang nambabasag sa mga sinasabi ko.

Sinubukan ko pang mag tanong sa kanya at baka sakaling sumagot na ‘to ng normal sa
abnormal niyang paraan. “Ano kayang nangyari dun kay Nate? Nag migrate na kaya sa
Antartica at di na macontact?”

Tahimik lang si Cyril.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagaabang ng sagot niya o kahit reaksyon man
lang. Ang tagal pa bago niya nagawang sumagot.
“Hindi ko din alam e.”

Walang gana pa din yung sagot niya. Mukhang madami pa ding bumabagabag sa utak ng
kumag na ‘to. “May problema ka ba dude?” Inusisa ko na siya. Mukhang madami nga
‘tong dinadamdam e.

“Ha?” Mukhang nagulat siya sa tanong ko.

Natawa ako ng konti. “Sabi ko may problema ka ba?”

Seryoso pa din yung mukha niya. At dahil hindi ako sanay na seryoso siya, sa
paningin ko mukha siyang constipated. “Wala. Bakit?”

Nagsalubong yung mga kilay ko. “Sigurado ka ba dude?”

Yumuko siya na para bang nag iisip kung anong isasagot niya. Dahil nainip ako sa
sagot niya ininom ko muna yung natitira pang beer sa baso ko bago siya harapin
ulit.

Nag angat siya ng tingin. “Me-“

Natigil yung pagsasalita niya sana nung may cell phone na tumunog. Sa kanya pala.
Nakatingin lang ako sa kanya nung bunutin niya yung cell phone sa bulsa niya at
basahin yung message na natanggap niya. Hindi ko din nagawang basahin yung reaksyon
niya habang nagbabasa nung message dahil para siyang patay na wala ng emosyon sa
itsura niyang yun.

“Brix, mauna na muna ako. May pupuntahan pa pala ako e.” Sabi niya sabay kuha ng
pera sa wallet niya at abot sa bartender.

“Sige pre, ingat sila sa’yo.” Biro ko pa sa kanya.

Tumango lang siya at nakita ko siyang ngumiti ng alanganin. Hindi ko malaman kung
bakit alanganin yung ngiti niyang yun pero isa lang ang alam ko. May bumabagabag
talaga ngayon kay Cyril.

*Cyril’s POV*

Pagkatanggap na pagkatanggap ko nung text na kanina ko pa hinihintay nagpaalam na


kaagad ako kay Brix.

Nasa kotse pa lang ako at nagdridrive papunta sa lugar na binigay sakin madami nang
tumatakbo sa isip ko. Kung ano nga bang sasabihin ko sa kanya pag nakaharap ko na
siya ulit.

Chineck ko yung cell phone ko at yung message para siguraduhin na nasa tamang lugar
ako at mukhang tama naman ‘tong pinuntahan ko. Bumaba na ako sa kotse ko at pumasok
sa isang parang maliit na kalsada. Sa dulo noon nakita ko yung pangalan ng bar na
nandun din sa message. Lumang bar, halatang hindi masyadong madami ang taong
nakakaalam nito dahil tago. At luma talaga, kasing luma nung dalawang lalaking
nakatayo sa labas ng bar.
Pinamulsa ko yung dalawang kamay ko habang naglalakad papunta dun sa lumang bar na
yun. Malayo pa lang matatapang na yung tingin sakin nung dalawang bouncer.

“Sino ka?” Tanong kaagad nung isa na parang sinisindak ako.

“Cyril Gonzales.” Simpleng sagot ko lang.

Tumango yung isang bouncer na nasa kanan at binuksan yung kahoy na pinto. Sinamahan
naman ako nung isa papasok sa loob.

Pagpasok sumalubong sakin yung patay sinding ilaw at kung sino sinong tao na
umiinom at mga babaeng sumasayaw sa pole. Strip club pala ‘tong akala kong lumang
bar lang. Kaya pala tago.

“Sumunod ka sakin.” Sabi nung bouncer na nauuna na sakin ngayon. Sumunod lang ako
sa kanya ng tahimik habang nakapamulsa pa din.

Dumeretso kami sa bar counter at pumasok sa loob. Nakipagbatian pa yung bouncer nay
un sa bartender at sa gilid ng bar counter may isang pinto.

Pumasok pa kami doon at may isang hallway na maraming pinto. Masakit na paa ko
kalalakad, ilang pinto pa ba dadaanan ko dito?

Sa pangatlong pinto na nadaaanan namin kumatok yung bouncer at binuksan yung pinto
para makapasok ako.

“Boss Drev, nandito na po siya.” Sabi nung bouncer.

Ngumiti naman siya sakin na parang tuwang tuwa siyang makita ako.

“Cyril... mabuti naman at nakarating ka.”

 -

Okaaaay. Thank you guys sa mga comment niyo sa last update. Sorry kung medyo
madrama ako ngayon (oh lagi naman) hahaha. Pero ayan nag update pa din ako. Sayang
kasi ang idea. At anyway dahil nag update naman ako magpropromote na din ako!
Hahahaha. 

Pakicheck out naman po yung Where Are You? isang short story na nagawa ko out of
daydreaming. Hoho. Pakiclick na lang po yung external link para sa story na yun.
Thankies! <3

Hugs everyoneeeeee. Next time na ko maglalagay ng multimedia pictures. Sa next


updates promise! 

=================

Chapter Sixty

Dedic ulit sa paborito kong kuting! Hahahah. Kawaii! Natutuwa talaga ako sa tuwing
nag uupdate ka ng Trust Me, Mr. Cold. Una at kaisa isang story na tungkol sakin! <3

Perfect Mistake Chapter 60


 

*Sophia’s POV*

“Sophia, thank you ha? Medyo nakakahiya man dahil first time natin mag usap tapos
ganito pa.” Sabi ni Alisha habang tinutulungan na din akong mag-ayos ng mga gamit.

“Wala yun. At least ngayon mas nagkakaintindihan na din tayo. Salamat din sa pag
aabala mong sabihin sakin ‘to.” Sagot ko sa kanya. Hindi niya kasi ako tinigilang
kumbinsihin hanggang sa hindi ako pumayag na umuwi na sa bahay kasabay niya.

“I realized that you should know about this.” Maikling sagot niya bago ngumiti at
sinara yung bag ko. Hindi niya din ako tinigilan hanggang hindi ako pumayag na
tulungan niya ako mag ayos ng ilang gamit namin ni Aian. Yung mga importante lang.
Paraan niya daw ‘to sa pagtanggap ni Dylan kay Zion at sa pagpayag ko na doon sa
bahay tumira yung bata.

Pagkatapos naming magligpit ng mga gamit tinulungan na niya din akong magbaba nito
habang binuhat ko naman si Aian. Nasa sala si Mama at Shane.

“Nandyan na yung taxi sa labas.” Nakasimangot na sabi ni Shane samin. Alam ko na


naiilang siya sa presence ni Alisha at naiinis siyang maiiwan na naman silang
dalawa dito ni Mama sa bahay.

“Tumawag kayo anak pagkadating niyo doon, mamimiss ko itong apo ko.” Sabay halik ni
Mama ko sa pinsgi ni Aian na as usual ay tulog na naman. Kaya lalo siyang lumalaki
e.
“Opo. Dadalaw po kami dito next weekend.” Sagot ko kay Mama para naman hindi siya
mag tampo sakin, pati na din si Shane. Isasama ko na din si Dylan.

“Oh sige. Isama niyo na din itong si hija sa susunod na pagdalaw pati iyong anak
niya ng makita ko naman.” Nakangiting sagot ni Mama kay Alisha. Isa sa mga bagay na
hinahangan ko kay Mama ay yung lawak ng pang unawa niya. Pinaliwanag namin sa kanya
lahat ng napag usapan namin ni Alisha kaya naiintindihan niya kami. Hindi din siya
mapagtanim ng sama ng loob sa mga tao kaya madali siyang magpatawad. Sana namana ko
yun sa kanya.

“Opo.” Maigsing sagot lang ni Alisha.

“Yung taxi naghihintay na.” Pagsusungit na naman ni Shane kaya ginulo yung buhok
niya.

“Bbye tito Shane.” Pang aasar ko sa kanya habang ginagalaw galaw yung kamay ni Aian
na parang kumakaway. Umismid lang si Shane pero ngumuso pagtapos ay sumagot din.

“Bye baby.”

“Oh bakit ka kinakabahan e uuwi ka lang naman sa bahay mo?” Natatawang tanong ni
Alisha pagkatapos kong magdoorbell. Ewan ko ba kung bakit din. Siguro kasi hindi ko
alam kung anong sasabihin ko kay Dylan pag nagkaharap na kami.
“Relax.” Sabi niya sabay ngiti sakin. Huminga lang ako ng malalim bago ibalik yung
ngiti sa kanya.

Nagmamadali namang magbukas ng pinto yung kasama namin sa bahay nung nakita niya
akong kumaway.

“Nako ma’am mabuti naman po at bumalik na kayo!” Tuwang tuwa niyang sabi habang
inaabot yung bag na dala ni Alisha.

“Nasan si Dylan?” Palingon lingon kong tanong nung papasok na kami sa front door.

“Nandyan lang po sa sala Ma’am.”

Pagpasok namin sa loob naabutan ko si Dylan na naglalakad galing yata sa kusina


habang buhat si Zion.

“Manang, sinong duma-“

Natigil siya sa pagsasalita at nanlalaki yung matang nakatingin sakin kaya


nginitian ko lang siya. Lumapit sa kanya si Alisha para kuhanin si Zion at
pagkatapos na pagkatapos nun nagmadali siyang lumapit sakin at yumakap ng mahigpit.

Muntik na akong maiyak sa moment na ‘to. Mababaw lang talaga ang luha ko pero
namiss ko din talaga ‘tong bahay, lalo na si Dylan.
“Uh? Dy? Naiipit si baby, baka magising siya.” Tapik ko sa balikat niya pero parang
nabingi siya sandali.

Humiwalay siya ng konti sa pagyakap sakin para halikan yung noo ni Aian pagtapos
niyakap ulit ako ng mahigpit kaya wala na akong nagawa kung hindi yakapin na lang
din siya habang nakangiti.

Nakita kong sumenyas pa ng ‘ok’ si Alisha sakin habang yakap ko si Dylan. Sinong
nagsabi na ang past at present ay hindi pwedeng magkasundo at maging magkaibigan?

Pagkatapos ng medyo madramang moment na yun nag usap usap kaming tatlo. Sinabi
namin sa kanya ni Alisha yung napag usapan namin. Mas lalo kaming nagkapaliwanagan
at nagkaintindihan na tatlo at kahit weird man ang set-up masaya naman kami na wala
ng kung ano ano pang misunderstandings sa pagitan namin. Sabay sabay pa nga kaming
nag dinner at ngayon nandito na kami si Dylan sa kwarto.

“Baby ko, thank you sa pag iindit mo sakin ha?” Nakayakap pa siya sakin habang
nakahiga na kami.

“Hindi ko lang naman yun ginawa para sa’yo lang. Para na din sakin. Para din hindi
na ako mahirapan.” Sagot ko sa kanya habang nakatingin lang sa kisame.
“Sorry na ah.” Mas hinigpitan niya yung yakap sakin, nilapit pa yung sarili niya
sakin.

“Sorry din na kung ano anong inisip ko tungkol sa inyo. Ngayon malinaw na sakin
kung bakit concern ka din kay Alisha.”

“Naaawa kasi ako sa kondisyon niya at nakita ko din na malaki na din ang pinagbago
niya. Saka naging parte din siya ng buhay ko kaya kahit papano at kahit na kung
anong nangyari sa pagitan namin dati, mahalaga pa din siya sakin bilang kaibigan at
bilang mommy na din ni Zion.” Huminto siya saglit para hawakan ako sa pisngi at
ipaling yung tingin ko sa kanya. “Pero alam mo naman na ikaw yung mahal ko di ba?”

“Tss.” Pairap kong sabi sa kanya pero tumawa din ako pagkatapos.

“Sus! Tuloy na yung kasal ha!” Natatawa niyang sabi sakin.

Dinilaan ko siya bago ako sumagot. “Sino bang may sabing hindi na itutuloy yun?”

“Sabi ko nga.” Tumatawa niya ding sagot bago niya ilapat yung labi niya sa labi ko.

At nung gabing yun, natulog ako ng walang ibang suot kung hindi yung engagement
ring ko.

 
 

*Cyril’s POV*

Hindi ako sumagot pero naupo ako sa upuan na katapat ng sa kanya. Ngumiti na naman
siya na parang asong nasisiraan na ng ulo.

“Kamusta? Ang tagal nating hindi nagkita ah. Sa huling dalawang laban ko sa grupo
niyo wala ka.” Nakangiti niyang sabi tapos mas lumawak yung ngiti niya sa sunod
niyang tinanong. “Sino bang pinagkakaabalahan mo?”

Tinignan ko lang siya na para akong walang interes sa lahat ng sinasabi niya.
“Sinabi ko bang usisain mo ang buhay ko. Pumunta lang ako dito para malaman kung
anong ipagagawa mo.”

Nakikita ko sa mata niyang gustong gusto niya yung mga nangyayari, gusto ko tuloy
siyang sapakin ngayon mismo pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko siya pwedeng
kalabanin ngayon.

“Tutal ngayon nasa panig na kita, sasabihan na lang kita kung kailan kita
kailangan.”

Sinamaan ko siya ng tingin at alam kong nakakunot na din ang noo ko. “Bakit hindi
pa ngayon? Para matapos na.”
Umiling iling siya habang mahinang tumatawa. Tama nga yata ako, nasisiraan na nga
yata ‘tong panget na ‘to. “Masyado pang maaga. Sige na makakaalis ka na Cyril.”

Hindi na niya kailangan pang ulitin kung anong sinabi niya dahil lumayas kaagad ako
sa harapan niya at nagtuloy tuloy palabas ng lumang bar na ‘yon. Baka lang hindi
ako makapagpigil sa kanya at mabangasan ko yung bangas na niyang mukha. Nakakainis!
Akala ko pa naman ganun lang kadali at kabilis yun, nananadya yata ‘yun e.

Inis na inis akong sumakay sa kotse ko at pabalibag na sinarado yung pinto. Habang
nagdridrive ako naaalala ko lahat.

Yung dahilan kung bakit ako pumunta sa lumang bar na ‘yon.

*flashback*

Wala na naman ako magawa dito sa unit ko kung hindi magmukmok lang. Nakakabading
man pakinggan dahil karaniwan babae lang ang nagmumukmok. Hindi ko na din alam kung
anong nangyayari sakin, nawawala na yata ako sa sarili.

Pinikit ko yung mga mata ko. Matutulog na lang ako! Pero pucha lang, kapipikit ko
pa lang ng mata ko mukha na niya nakikita ko.

Wala nga siya dito pero kahit saan naman ako tumingin siya pa din ang nakikita ko.
Nababaliw na nga yata talaga ako! Nakakainis!
Hindi ko na matandaan kung ilang araw na akong hindi mapakali. Sinubukan ko naman
lahat ng paraan na alam ko para hanapin siya pero wala pa din. Mahirap yata
talagang hanapin yung taong ayaw na magpahanap. Peste.

Pero kahit napepestehan na ako sa mga nangyari ayoko pa ding huminto sa paghahanap
sa kanya. Kahit na makausap ko lang siya sandal. Madami akong gusting itanong sa
kanya. Pinaka ayoko kasi sa lahat yung naiiwan akong madaming tanong. Yung biglaan
akong iiwan ng hindi ko alam kung anong dahilan.

Sinubsob ko yung mukha ko sa mga unan habang nagiisip. Saan kaya siya pumunta?

Pilit kong inalala yung mga usapan namin noon. Nagbabakasaling may nasabi siyang
lugar o tao kung saan pwede ko siyang hanapin.

“Ikaw. Dito tayo nagwowork lagi nun pag may events di ba? Hihihi. Kinikilig pa din
ako pag naiisip ko eh.”

Hindi ‘to!

“Walang I eh! Ang bitin mo!”

Hindi din ‘to! Wala siyang sinabi dito na makakatulong. Namimiss ko na yung
hagikhik ng babae na ‘yun. Tss.
Isip pa Cyril. Isipin mo lahat.

“Si Vince ba totoong pinsan mo?”

“Kamag-anak siya nung mga umampon sakin. Pero parang totoong magpinsan kami
magturingan. Bakit mo tinatanong? Nagseselos ka kay Vince no?”

Napatayo ako sa kama ko at dali daling kinuha yung susi ng kotse ko at pumunta sa
parking lot.

Hindi ko na alam kung sinapian ba ako ng kapangyarihan ni Flash dahil sa bilis kong
narating yung bar ni Vince. Buti na lang buhay at buo pa akong dumating dito.

Pumasok kaagad ako sa loob ab sinalubong ng mga usok. Maaga aga pa pero madami ng
tao dito. Sana lang may mapala ako sa pagpunta ko dito ngayon. Dumeretso ako sa bar
counter.

“Oh sir! Tagal niyong hindi napapadaan dito ah. Yung dati pa din ba?” Tanong nung
bartender na madalas ko makausap noon. Yung mala DJ sa radio kung mag advice ng
tungkol samin ni Pukyot noon.

Tumango ako at tumingin tingin sa paligid ko habang hinihintay yung inorder kong
alak. Saglit lang din naman sinerve na niya yun sakin kaya nagsimula na akong
kausapin siya.

“Nandyan ba si Vince?” Una kong tanong sa kanya.


Umiling siya bago sumagot. “Wala sir. May isa pa kasing bar yun, dun siya
nakaschedule ngayong araw. Bukas pa siya dito. Bakit sir?”

Nagkibit balikat ako at uminom na lang ng alak habang nag iisip isip. Hindi ko din
naman sigurado kung may sasabihin sakin si Vince kahit na makita ko siya kaya
nakaisip na lang ako ng ibang paraan.

Tinawag ko ulit yung bartender pero hindi para umorder.

“Ano bang apelyido ni Vince? Parehas ba sila nung si Honey ng apelyido?” Tanong ko
sa kanya.

“Choi po ang apelyido ni Sir Vince, lahing koreano po kasi yung tatay niya.” Sagot
nung bartender habang nagpupunas ng counter.

Posible kayang Choi ang apelyido ng umampon sa kanya? Pero sa dami ng Choi sa mundo
paano ko naman siya hahanapin nun? At sa dami din ng Alvarez sa mundo hindi ko alam
kung mahahanap ko siya kung yun lang ang alam ko.

“May kilala ka bang kamag anak ni Vince dito? Gaya na lang nung mga magulang nung
si Honey. Choi ba ang apelyido nila o Alvarez talaga?”

Parang nag aalangan yung bartender na sumagot sakin dahil siguro medyo personal na
‘tong mga tinatanong ko. Kumuha na lang ako ng tatlong tig-iisang libo sa wallet
ko, pinatong sa counter at tinulak palapit sa kanya.
“Sige na, kailangan ko lang malaman. Importante ‘to wag ka mag alala hindi
makakalabas ‘tong usapan na ‘to.” Paninigurado ko sa kanya. Pakiramdam ko tuloy may
mga dapat akong malaman na hindi niya lang kaagad masabi.

Pabalik balik yung tingin nung bartender sakin at dun sa pera sa harapan niya pero
sa huli kinuha niya din yun at binulsa. Naghintay ako ng sagot sa kanya.

Kinuha niya yung mga bote ng alak at nagtimpla habang nagsasalita. “Yung mga kamag
anak ni Sir Vince sa side ng tatay niya kung hindi sa Korea nakabase sa America
naman. May isang kapatid ang nanay niya na lalaki. At alam ko yun ang magulang ni
Ma’am Honey. Hindi Alvarez ang apelyido niya dahil hindi naman siya legal na
inampon.”

Huminto siya saglit para tumingin sa paligid pero bitin ako sa mga sagot niya.

“Alam mo ba kung anong pangalan ng mga umampon sa kanya?”

Umiling siya. “Pero kilala ko yung isang anak nila. Madalas siyang pumunta noon
dito nung wala pa siyang sariling bar at nung malapit na malapit pa sila ni Sir
Vince.”

Mas lalo akong nahayok na malaman kung sino yun. Isang pangalan lang. Isang buong
pangalan lang ang kailangan ko para may mapasimulan ako sa paghahanap sa kanya.

“Anong pangalan niya?”


Tumalikod yung bartender para isoli yung mga bote ng alak sa rack nila pero
nagsalita siya. “Drev Kristoffer Santiago.”

*end*

Pagkatapos kong malaman yun agad akong humanap ng taong posible kong pagtanungan
kay Drev na ‘yun. Kung tama nga ang hinala ko. Si Honey nga, siya nga.

Kaya ba makailang beses siyang nag sosorry sakin?

Nagulat ako sa mga nalaman ko at nagalit pero isinantabi ko muna yun. Madaming
tanong na lalong dumagdag sa utak ko pero hindi ako nagpadala sa mga ‘yun. Kung
gusto ko masagot yung mga tanong na yun at malaman yung totoo at makumpirma, dapat
ko siyang hanapin. Ngayon pang may lead na ako mas mapapadali na ‘to.

Kaya nga ginawa kong makipagkita sa lalaking ‘yun dahil alam kong may alam siya
kung posibleng nasaan siya. Gagawin ko lahat para makita lang siya.

Kahit pa gawin kong kumampi sa kalaban. 

Cyril sa multimedia. Baka ito muna ang huli kong update this year. Hahaha. Balik
ako sa January kasi malapit na ang Christmas at busy na ako. Get togethers at
parties syempre. Kaya ayun! January ulit! Advance Merry Christmas guys! <3

=================

Chapter Sixty One

Perfect Mistake Chapter Sixty One

HONEY’s POV

“Nandyan ba sila?” Tanong ko dun sa guard sa labas ng bahay ng mga Santiago.

“Opo ma’am.” Sagot lang nung guard bago niya ako pagbuksan ng gate. Pumasok naman
ako kaagad sa loob.

Hindi ko naman na binalak bumalik dito e. Magpapaalam lang ako sa kanila. For good.

Naglakad ako sa madilim na hallway ng bahay. Mayaman naman sila pero nagtitiis sila
ng malamlam lang yung ilaw dito sa hallway. Hindi ko talaga maintidihan si Drev.

“Oh bakit ka nandito? Namiss mo ko?” Nakakaasar na ngumisi pa si Drake nung


nakasalubong ko siya.

“Nasan yung kuya mo? Magpapaalam lang ako.” Hindi ko pinansin yung tanong niya.
“Nasa loob.” Sabay turo niya sa office room ni Drev sa kaliwa. “Bakit? Ipagpapaalam
mo pa bang magtatanan na tayo?”

Ayoko sana siyang patulan kasi aalis na din naman ako e kaya lang masyado siyang
mayabang. “Ipagpapaalam ko lang kung pwede ba kitang ibaon sa lupa, dun ka kasi
bagay.” Sabay tinalikuran ko siya. Hindi ko na siya kilala e. Hindi na siya yung
foster brother ko na nagustuhan ko dati.

Nung oras na kailangan ko siya, wala siya. Pinabayaan niya ako. Tapos sinisi niya
pa sakin lahat ng nangyari kila Momsy at kay Ate. Samantalang kasalanan niya din
naman. Parehas naman kaming may kasalanan dun.

Buti naman hindi na niya ako inasar ulit dahil isang nakakainis niya pang banat,
balak ko na talaga siya hamapasin ng bag ko.

Kumatok ako sa kwarto ni Drev bago pumasok. Naabutan ko siyang umiinom mag-isa.

“Bakit nandito ka?” Bungad kaagad niya sakin nung makita niya ako. Alam ko naman na
ayaw niya sakin simula pa nung una e. Hindi naman niya ako trinato na kapatid.
Hindi ko din maintindihan kung bakit magpapaalam pa ako sa kanya, siguro para lang
malaman niya na nag gigive up na ako sa plano niya.

Sinara ko lang muna yung pinto at tumayo lang sa harapan niya. Di na ko umupo, di
naman ako magtatagal e.

“Magpapaalam lang ako. Aalis na kasi ako.” Sagot ko. Ineexpect kong sasabihin niya
na wala siyang pakialam o kaya paalisin niya ako sa harapan niya pero imbes ngumiti
lang siya. Yung ngiti na parang alam siyang hindi ko alam.

“Hindi ko na kayo guguluhin, basta pabayaan niyo na din ako. Nagawa ko naman yung
gusto mo e.” Sabi ko sa kanya.

Tumango tango lang siya na parang nag aagree siya sa mga sinabi ko. “Alam ko. Pero
duda ako kung itutuloy mo pa yung pag alis mo.”

Napakunot ako. “Anong sinasabi mo?”

Tumawa siya ng mahina tapos ininom niya yung nasa baso niya. “Makikita mo din.
Sige, lumabas ka na.” Tapos tinalikod niya yung swivel chair niya.

Naisip ko baka ginugulo lang ni Drev yung utak ko kaya nagsasalita siya ng ganun.
Kaya lumabas na din ako ng kwarto niya. Hindi ko naman na nakita si Drake sa labas,
buti naman.

Naka lagpas na ako ng hallway at nandito na ako sa receiving area ng bahay nila, na
dating bahay ko na din. Ito na siguro yung last time na pupunta ako sa bahay na
‘to. Wala ng dahilan para pumunta ako dito. Wala na si Momsy. Galit si Popsy at may
sakit si Ate.

Pinihit ko na yung door knob ng pinto pero napatigil ako nung biglang may humigit
sa braso ko at isinandal ako sa pader.

“Pukyot.”
SOPHIA’s POV

“Goodmorning Sophia!”

“Goodmorning Alisha. Nagbreakfast ka na ba?” Tanong ko kay Alisha pagkababa ko sa


sala. Nakaupo na siya at mukhang binibihisan si Zion. Ako naman hawak ko si Aian.

Weird man ang set-up na ‘to para sa iba pero naisip kong makakasanayan din siguro
namin.

“Hindi pa. Hindi kasi pwede kasi may blood test ako ngayong umaga pagkatapos may
mga checkups kasi ano... alam mo na.” Ngumiti siya ng tipid. Pinigilan niya kasing
banggitin yung tungkol sa sakit niya, ayaw niya kasing pag uusapan pa yun ulit.

“Isasama mo si Zion?” Tanong ko. Pero parang halata naman yata dahil bihis na din
si Zion. Iniisip ko lang kung mahahandle niya kaya yung bata e may mga checkups
siya.

“Oo. Nakakahiya naman kasing iwan, malikot pa naman.”


“Iwan mo na lang samin ni Dylan, wala naman kaming gagawin e.”

As if on cue naman ay biglang bumaba si Dylan sa kwarto na nagmamadali. Nakasemi-


formal na attire. Kaya pala pag gising ko naliligo na siya, mukhang may pupuntahan
pala.

“Hindi ako pwede. May job interview ako ngayon, final na ‘to baby.” Sagot niya
kaagad sakin. Malamang narinig niya yung usapan namin ni Alisha.

“Isasama ko na lang talaga si Zion. Okay lang yun, kaya ko na.” Pilit ni Alisha
pero nabobother ako.

“Iwan mo na lang sakin. Wala naman akong gagawin e. Tapos si Aian naman hindi pa
naman malikot.” Pag offer ko. Si Aian naman kasi maya maya natutulog, pag naman
gising siya sa crib lang siya madalas kaya hindi naman siguro ako mahihirapan kung
dalawa sila ni Zion na babantayan ko. Yung isa kasi naming kasama dito sa bahay,
day-off. Yung isa naman busy sa laundry.

Nagtinginan si Dylan at Alisha na parang nagtatanungan kung papayag sila. Pero sa


huli napilit ko din naman sila kaya iniwan na ni Alisha si Zion.

“Sasabay ka na ba?” Tanong ni Dylan kay Alisha bago sila lumabas ng bahay.

Umiling si Alisha. “Ah hindi na, may taxi na akong pinakuha kanina.” Lumuhod siya
ng konti para kausapin si Zion. “Zion, be a good boy ah. Mommy will be back in the
afternoon, Tita Sophia will take care of you. Be nice to her ah.”
Tumango lang naman yung bata sa kanya. Hinalikan ni Alisha yung noo ng anak niya.

Ganun din naman si Dylan pero syempre kasama kami ni Aian dun. Tapos umalis na
sila.

“Zion, you want cereals for breakfast?”

Tumango tango siya ng dere-deretso kaya natawa ako.

“Yes! Yes!”

Hinakawan ko siya sa isang kamay habang karga ko gamit yung isang kamay ko, si
Aian. “Alright then, come.”

Buong maghapon wala naman akong naging problema sa pag aalaga kay Zion at Aian. Si
Aian naman umiiyak lang pag nagugutom, si Zion laro lang ng laro ng toy cars niya
gaya ngayon.
“Zion, do you want snacks? Milk and sandwich?” Pag istorbo ko saglit sa paglalaro
niya.

Lumingon naman siya sakin tapos tumango. “Ooooopo!” Ang cute niya nung sinabi niya
yun.

“Oh sige. I’ll get you some snacks ah. Stay here for a while. Okay? I will get baby
Aian some milk too.” Sabi ko sa kanya. Tumango lang din siya ulit habang naglalaro.

Iniwanan ko silang dalawa ni Aian sa sala. Pumunta ako sa kusina para ipagtimpla
sila parehas ng gatas at ipag gawa si Zion ng sandwich niya. Pero hindi pa man din
ako nakakakalahati sa ginagawa ko may narinig akong malakas na iyak galing sa sala.

Napatakbo ako pabalik, kasunod ko na din yung isang maid dahil malamang narinig din
niya yung umiyak. Naabutan naman parehas si Zion na nakapadapa sa sahig ng sala at
hawak yung baba niya habang iyak ng iyak.

Nilapitan ko siya kaagad. Pinatayo ko siya pero tuloy lang siya sa pag-iyak.

Doon ko na napansin yung dugo sa sahig at sa kamay niyang nakatakip sa baba niya.

*
“Zion? Baby, what happened?” Halatang alalang-alala si Alisha nung dumating siya sa
emergency room.

Hindi naman sumagot si Zion pero niyakap niya lang ang Mommy niya.

Maya-maya si Dylan naman ang aligagang dumating sa emergency room.

“Ano ng nangyari?” Tanong niya kaagad sabay hawak sa kamay ni Zion.

Hindi ako makasagot sa kanila dahil pakiramdam ko ako yung may kasalanan sa lahat.
Hindi ko siya nabantayan na maigi kaya nag kaganyan siya. Nag presinta pa naman ako
tapos hindi ko naman nagawa ng maayos yung dapat kong gawin.

Gusto ko na sanang umiyak kaso biglang hinawakan ni Dylan yung kamay ko. “Okay lang
yan. Okay na si Zion.” Sabi niya na para bang inaassure niya na hindi siya galit at
hindi niya ako sinisisi. Pero hindi ko pa din maialis sa sarili kong maguilty kahit
papano.

“Ikaw Zion ah. I told you to behave. You made us all worry, you made Tita Sophia
worry so much.” Pagpapangaral ni Alisha sa anak niya. Tinignan niya ako pagkatapos.
“Pasensya ka na nataranta ka pa. Malikot kasi talaga si Zion e.” Ngumiti siya ng
tipid pag katapos.

Medyo nabawasan yung guilty feeling ko sa sinabi at ginawa niya. Totoo kasing
sobrang nag alala ako kanina. Halos maiyak na ako nung isugod ko sa emergency room
si Zion. Pinatigil ko muna sa trabaho yung maid at pinagbantay kay Aian dahil
emergency nga.
“Excuse me. Immediate family lang po ang pwede sa emergency room. Hindi po pwedeng
macrowded ang E.R. Step out na lang po muna yung hindi immediate family.” Sabi nung
nurse. Pakiramdam ko pinaparinggan niya ako pero may mga ganun talagang policies sa
E.R.

Bumitaw na muna ako sa hawak ni Dylan sa kamay ko at lumabas ng emergency room.

Ilang stitches din ang ginawa sa baba ni Zion pero mabuti na lang at okay na siya.
Pero kahit ganun pakiramdam ko pa din na ako ng responsible sa nangyari sa kanya.
At nung nasa E.R kanina, nung sinabi nung nurse na immediate family, aaminin kong
nasaktan ako.

Alam ko namang magiging mahirap ang set up namin e. Pero hindi ko inakala na ganito
pala kahirap. Hanggang saan ko kaya kakayanin yung ganito?

BRIX’s POV

“Kuya! Kuya!” Naalimpungatan ako nung may narinig akong malakas na boses sa paligid
ko pero hindi ko pinansin at tinakpan ko pa yung mukha ko ng unan.

Maya-maya naramdaman kong may humigit ng unan na nakatakip sa mukha ko at ginamit


na pamalo sakin. “Kuya! Wake up na please!”

Sabi na nga ba siya ‘yun e. Wala na akong nagawa kung hindi bumangon na lang.
“Brinna naman ang aga aga pa. Ano bang kailangan mo? May naputol na naman bang kuko
mo at magpapadrive ka papunta sa salon?! O sa ospital para palagyan ng band-aid?!”
Naiinis kong sabi. Minsan kasi kahit maliit na bagay kung makapag react siya sobra
e.

Pero imbes na mainis siya sakin, tumawa pa siya at pinalo ulit ako ng unan. “No
kuya! I want you to take me to a designer! Debut ko na kaya next month, I’m like
super late na kaya sa preparations!”

Pabagsak ulit na nahiga sa kama ko. “Bakit ako? Bakit hindi ka magpasama kay Mama?
O sa mga kaibigan mo?”

Hinila niya yung kamay ko at pinipilit ulit akong ibangon. “Eh kuya naman e! Mama
went out early, naghanap siya ng venue. I don’t want to tag my friends along naman
kasi makikita na nila yung magiging gown ko. I want it to be a surprise nga e!”

Napakunot na lang ako ng noo sa mga sinasabi ni Brinna. Umaatake na naman siya ng
kaartehan niya e. Next month pa naman pala, pwede namang 2 weeks beforehand na lang
magprepare. Madami naman kaming kakilala e.

Tumuloy sa pagsasalita si Brinna. “And besides Kuya, you are super duper close to
the designer I want!”

“Sino?”

Inirapan niya pa ako na parang obvious na obvious na yung sagot pero sumagot pa din
naman siya. “Duh Kuya! Si Ate Zea of course! She owns this lovely and very elegant
boutique di ba? She studied in Paris and visited a lot of- OOMPH!” Napatigil si
Brinna sa pag dadaydream niya nung binato ko siya ng unan sa mukha. Nagising kasi
ako sa mga pinagsasabi niya.
 “Hey! That hurts!” Sigaw niya habang nakanguso.

“Magbihis ka na, aalis na tayo.” Nagmamadali ko pang sabi. Dahilan ko na din siguro
‘to para makita din ulit si Zea.

“Kuya you’re so halata that you are excited to see Ate Zea again. Slow down nga.”
Saway ni Brinna habang nasa sasakyan kami. Malapit na kasi kami sa boutique ni Zea,
hindi ko tuloy mapigilan yung sarili ko. Kanina nga halos hilahin ko na pasakay ng
kotse si Brinna sa pagmamadali ko. Ang tagal naman kasing mag-ayos.

Hindi ko na lang pinansin yung kapatid ko at ipinark na yung kotse sa pinakamalapit


na parking area na nakita ako at bumaba na kami.

“Wow!” Napangaga si Brinna sa labas pa lang ng boutique ni Zea. Hilig niya din kasi
yung mga damit, pakiramdam ko magkakasundo sila pag dating dito.

Pagpasok pa lang natanaw na namin si Zea na mukhang nagchecheck ng mga items nila.
Pero nung napalingon siya samin, parang natulala siya sandal. Kahit ako man e.
Laumapit kami ni Brinna sa kanya at dun lang siya napansin kong dun lang siya
nakabawi sa pagkagulat niya na makita ako. Ngumiti siya. “Hi.”

“Hi Ate Zea! OMG! As in capital OMG! Your place is super duper ganda! I’d love it
here; I came to the best designer talaga!” Sabi ni Brinna habang nakakapit pa sa
isang braso ni Zea at lingon ng lingon sa paligid. Para siyang batang dinala sa
isang zoo, tuwang tuwa siya.

Natawa naman si Zea sa kanya. Siguro dahil na din sa pagsasalita niya. “Binola mo
pa ako. Ikaw nga dalaga ka na e, ang ganda ganda mo na din.” Hinawakan siya ni Zea
sa parehas na pisngi tapos niyakap. Ako ba walang yakap? Daya.

“I’m dalaga na kaya Ate Zea. Anyway, we came here kasi I forced Kuya to take me to
you. Debut ko na kasi next month and I want to have a total of 3 outfits for that
night. Can you make it for me? Pretty please Ate Zea!” Tuloy tuloy na nagpacute si
Brinna sa kanya. Nakanguso na at nakakapit pa sa braso niya.

Natawa na lang kaming parehas. 18 na siya next month pero ganyan pa din siya, ang
hirap ng sobrang spoiled.

“Paano ba ko makakatanggi niyan e para kang kuya mo magpacute.” Sabi ni Zea kaya
napatingin ako sa kanya. Napatingin din siya sakin at halata ko sa mukha niya na
gusting gusto niyang bawiin yung mga sinabi niya.

“Yey! I’m so excited! So where do we begin? Sa designs ba? Or which color are we
going to use? How about the fabric? What about the accessories? Shoes?” Nanlalaking
mata pa na tanong ni Brinna. Hindi halatang excited siya. Basta usapang damit,
sapatos at kung ano anong pambabae buhay na buhay yan.

Kinalma naman siya ni Zea. “Hey hey. Slow down. First magpameasure ka muna kay
Darcy before natin pag usapan yung style nung gown and color. I have designs that
you may like, ipepersonalize na lang natin siguro to make it more like you.” Sabi
ni Zea tapos tinurn over naman siya sa assistant nitong si Darcy.  

Naiwan kaming dalawa na nakatayo sa tapat ng isang hilera ng mga damit. “So
kamusta?” Bungad niya sakin.

Pero imbes na sagutin ko yung tanong niya, isang tanong ang pinakawalan ng bibig
ko.

“Pwede ba tayong mag coffe mamaya?”

Napatulala si Zea sakin, nagulat sa tanong ko. Bakit ko ba kasi tinanong yun? Pwede
ko naman sabihin na okay ako e. Okay naman kasi ako talaga, namimiss ko nga lang
siya. Pero wala naman masama siguro sa pag aya sa kanyang mag coffee, may
pinagsamahan naman kami e. Sana lang pumayag siya. Siguro ito na din yung time para
suyuin ko siya ulit. Mukhang wala naman ng problema e. Wala naman nang third party
issue samin.

“Sorry. I can’t.”

Pero persistent yata ako ngayon araw na ‘to kaya... “Sa ibang araw? Kung kailan ka
free?”

Napatingin si Zea sa sahig bago sumagot. “Hindi talaga e.”

“Bakit?”
Inangat na niya yung tingin niya. “I’m already seeing someone else. And I think
it’s inappropriate if you and I... well, you know...” Hindi na niya tinuloy yung
sasabihin niya.

Tumango tango ako at pinilit kong ngumiti sa kanya kahit mag gusto kong ngumiwi na
lang. “Hindi. Okay lang. Naiintindihan ko, sorry hindi ko kasi alam e.”

Tumango lang din siya tapos tumalikod sakin.

Joke. Hindi ako okay. Masyado na ba akong nahuli?

Isang malaking joke yung update ko. Hahaha. Lol. Anyway, happy new year sa inyo! =)

Palapit na tayo ng palapit sa ending. Gumawa na din ako kahit papano ng outline for
the remaining chapters. Huhuhu.

SPOILER ALERT: May mga revelations pa.  And there would be betrayals! ;p

Keep supporting kahit nag spoil ako sa sarili kong story. :3 Tapos may bago pala
ako, My Female Kidnapper. Puro ako on going! Click sa external link for my new
story! ;)

=================
Chapter Sixty Two

Perfect Mistake Chapter 62

HONEY’s POV

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Si Cyril.

Hawak niya yung isang kaliwang kamay ko at yung isang kamay niya naman nasa kanang
balikat ko. Paano niya nalaman na nandito ako?

Nakatingin lang siya sakin ng deretso pero hindi siya nagsasalita. Wala siyang
kahit anong sinasabi, kahit ako pakiramdam ko hindi ko kayang magsalita ngayon sa
harapan niya. Tinitignan ko lang siya habang nagpipigil ako ng luha ko. Nakatingin
lang ako sa kanya habang nanginginig yung kamay niyang humawak sa pisngi ko.
Nagpipigil na din pala siya ng luha niya, pero hindi niya nagawa yun.

Napapikit na lang ko. Ayokong makitang umiiyak siya ng dahil sakin. Kahit hindi
niya sabihin sigurado akong dahil sakin yun. Alam na ba niya lahat? Galit kaya siya
sakin?

Mas lalo pa akong napaiyak nung naramdaman kong nilapat niya yung noo niya sa noo
ko at narinig ko siyang umiiyak na. Mas masakit palang marinig ko siyang umiyak sa
harap ko. Sana inaway na lang niya ako, hindi yung ganito pa siya sakin. Mas lalo
akong naguiguilty sa mga nagawa ko sa kanya, sa pang iiwan ko sa kanya.
Iaangat ko na dapat yung kamay ko para hawaka siya sa mukha pero napadilat at
napalingon ako nung may narinig akong pumapalakpak sa gilid ko.

Si Drake na nakangiti ng parang nang-aasar habang nakatingin siya samin ni Cyril.


Pero maya maya ay sumeryoso din naman siya ng tingin at lumapit samin. Hinigit niya
ako mula kay Cyril papalapit sa kanya.

“Sorry pre, pero binabawi ko na yung sakin.” Matigas na sabi niya kay Cyril habang
mahigpit na mhigpit niyang hawak yung kamay ko.

Wala namang ginagawa si Cyril kung hindi tumitig lang samin na parang walang
expression sa mukha pero hindi naman tumitigil yung luha niya sa pagtulo. Alam kong
naaalala niya si Drake, yung picture niyang nakaipit dati sa book ko. Nasasaktan
lalo ako sa nakikita ko. At naiinis ako kay Drake. Sobrang naiinis ako sa kanya.
Sino ba siya para sabihin na binabawi niya ako? Kailan lang wala na siyang pakialam
sakin halos e. Hinayaan niya nga akong gamitin ni Kuya para sa mga masasamang balak
niya tapos ngayon sasabihin niyang binabawa niya ako?

Binawa ko yung kamay kong hawak niyaat ginamit ko yun para sampalin siya. “Drake,
matagal na tayong tapos. Simula nung pinabayaan mo ko sa ere.”

Hindi ko na siya hinintay na makabawi galing dun sa sampal ko sa kanya at


tinalikuran ko na siya. Hinila ko na kaagad si Cyril palabas ng bahay na yun. Hindi
naman siya nagreklamo kaya tuloy tuloy lang kami sa labas.

“Nasan ang kotse mo? Nasan yung susi?” Tanong ko ng hindi ko siya tinitignan.
Naguiguilty pa din kasi ako talaga. Parang hindi ko yata kakayanin na tignan ulit
siya sa mata.

Inabot niya naman sakin yung susi at tinuro yung kotse niya. Kaya pala hindi ko
nakilala dahil ibang sasakyan ang gamit niya. Pinasakay ko siya sa shotgun seat
tapos ako na sa driver seat.

Tahimik lang kaming dalawa habang nagdridrive ako pero alam kong nakatingin siya
sakin. Hindi niya inaalis yung mata niya sakin, parang halos ayaw kumurap. Pinilit
ko na lang siyang wag munang pansinin dahil baka mabangga kami pag umiyak na naman
ako.

Hanggang nakarating kami sa tapat ng tinitirahan kong apartment. Bumaba din siya
nung nakita niya akong bumaba pagkatapos hinila ko na naman siya paakyat sa hagdan.
Hindi na naman siya pumapalag. Nakarating kami sa 3rd floor ng building at pumasok
ako sa loob ng maliit na apartment na pinaglipatan ko.

Pagkapasok namin sa loob, nagulat ako ng bigla akong yakapin ng mahigpit na


mahigpit ni Cyril. Nanlambot yung tuhod ko at nanghina ako, gusto ko na namang
umiyak dahil sa ginagawa niya. Gusto ko din siyang yakapin ng mahigpit pero
pingilan ko. Kumalas ako sa yakap niya at nagalit.

“Ano bang ginagawa mo sa bahay ni Drev ha?!” Unang tanong ko sa kanya pero hindi
siya sumasagot. Nakatingin lang siya sakin.

“Bakit ka nandun?! Anong alam mo sa lahat? Alam ba nila ‘to?! Sumagot ka!” Pumiyok
na yung boses ko sa huling sinabi ko. Umiiyak na naman pala ako. Dahil sa halo
halong nararamdaman ko. Naiinis ako, naiinis ako sa kanya kasi hindi siya nagagalit
sakin. Dapat magalit siya sakin kung alam na niya lahat ng ginawa ko. Niloko ko
siya e.

“Cyril naman e! Magalit ka kasi sakin! Niloko kita e! Pati mga kaibigan mo niloko
ko! Bakit hindi ka galit sakin?! Bakit pumayag kang sumama dito ha?!” Galit yung
boses ko pero pahina na ng pahina. Hanggang sa umiyak na lang ako ng umiyak habang
tinatakpan ko yung mukha ko. Nahihiya ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya,
pagkatapos hindi man lang siya nagagalit. Hindi ba niya alam na mas lalo akong
nasasaktan? Mas lalo akong nagsisisi sa mga ginawa kong masama sa kanila?
Hinihintay ko lang na sigawan niya din ako, o kaya naman sumbatan, awayin, sisihin
sa lahat ng nagawa ko sa kanila pero kabaligtaran pa yung ginawa niya.

Niyakap niya na naman ako ng mahigpit at hinimas niya pa yung likod ko na parang
pinapatahan ako sa pag-iyak ko.

Mas lalo lang akong naiyak dahil sa sinabi niya habang yakap niya ako.

“Shhh. Wag ka ng umiyak. Nahanap na kita. Hwag mo na akong iiwan ulit ah.”

Napayakap na din ako ng mahigpit sa kanya. “Sorry Cyril. Sorry talaga.”

SOPHIA’s POV

Ilang araw na simula nung nangyaring aksidente kay Zion pero hindi ko pa din


maialis sa sarili ko na paminsan minsan makaramdam pa din ng guilt. Kahit pa ilang
beses ng inassure sakin nila Dylan at Alisha na wala akong dapat ipag alala, hindi
ko pa din mapigil. Naiisip kong kung kay Aian mangyayari yun sigurado akong
magagalit ako e.
“Kamusta na yung sugat niya? Gumagaling na ba? Hindi ba natin siya ipapacheck up
ulit?” Sunod sunod na tanong ko kay Alisha habang binbantayan namin sina Aian
at Zion. Naglalaro na kasi kahit papano si Aian sa crib niya, natutuwa naman kami
pag paminsan minsan inaabutan siya ng laruan ng kapatid niyang si Zion.

Ngumiti ng tipid si Alisha bago niya hinawakan yung kamay ko. “Ano ka ba Sophia?
Masyado ka pa ding worried e. Okay na si Zion, wag ka na masyadong mag-alala.
Infact gumagaling na yung tahi niya, kakakita ko lang kanina nung pinalitan ko yung
bandage niya. Mabilis umepekto yung mga gamot kaya ayos na siya.”

Nakihinga na ulit ako ng maluwag sa sinabi niya. Naawa lang din kasi ako dun sa
bata. Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano ni Alisha habang binabantayan yung
dalawang bata. Nasa taas kasi si Dylan at nag aasikaso ng papers dahil natanggap na
siya sa company na pinag applyan niya.

Maya-maya narinig namin yung tunog ng doorbell. Tatayo na sana ako.

“Ako na po Ma’am.” Pigil sakin nung isa naming kasama sa bahay kaya naupo na lang
ulit ako.

Saglit lang din, pumasok na yung kasambahay namin kasunod yung mga hindi ko
inaasahanag bisita.

“Mama Dea? Papa Zeus?!”

*
Nagkagulatan kaming lahat ng dumating sila Mama Dea at Papa Zeus pero hindi lang
yun, kasama pa nila si Ate Zea. Napatigil silang lahat nung makita si Alisha sa na
katabi kong nakaupo sa sofa.

“What is she doing in here?” Matigas na tanong ni Ate Zea pero bakas din sa mukha
niya na nagulat siya.

Hindi naman kami makasagot na dalawa ni Alisha. Mabuti na lang at tinawag nung
kasambahay namin si Dylan.

“Ma, Pa, bakit po hindi kayo nagpasabi na pupunta kayo?” Natataranta niyang tanong
pero humalik siya sa mga magulang niya.

“Dylan, sino yung bata?” Tanong ni Ate Zea na lalong nagpakapal ng tensyon sa
pagitan naming lahat.

Parang lahat kami napatigil. Hindi naman inexpect na bigla silang pupunta dito.
Masyado kaming occupied pare-parehas kaya nakalimutan naming hindi pa pala nila
alam. Nakalimutan ni Dylan.

Lumingon si Dylan samin ni Alisha. “Dalahin niyo muna sila sa dining. Kakausapin ko
lang sila.”

Kinuha namin yung mga anak namin at dinala sila sa dining area para makapag usap
usap sila. Bago kami pumunta sa dining nakita kong masama pa din ang tingin ni Ate
Zea kay Alisha samantalang sila Mama Dea at Papa Zeus halatang nagulat lang.
Umupo kaming dalawa ni Alisha sa magkatabing upuan sa dining. Halata ko din sa
mukha niya na natatakot at kinakabahan siya. Alam ko naman na hindi maganda ang
relationship nila noon ni Dylan kaya ayaw sa kanya ni Ate Zea. Hindi ko lang alam
kung ganun din ang mga magulang nila. Pero hinawakan ko yung kamay niya para
palakasin yung loob niya.  

Ngumiti lang naman siya pero halata pa din talagang kinakabahan siya.

Tahimik lang kami parehas at nakikiramdam sa kung ano mang nangyayari sa sala
hanggang sa pumasok si Dylan sa dining area. Binuhat niya si Zion. “Sunod kayo
samin sa sala.”

Nagkatinginan lang kami ni Alisha bago kami sumunod sa kanya pabalik sa sala.
Naabutan naming nakaupo na sila Mama Dea, Papa Zeus at Ate Zea. Nasa harap nila si
Dylan na buhat si Zion. Pagkatapos umupo ng pasquat si Dylan sa kanila at kinuha
naman ni Mama Dea at Papa Zeus si Zion.

“Apo.” Sabay pa nilang sabi.

Paglingon k okay Alisha umiiyak na siya. Siguro hindi niya din inaasahan na
matatanggap agad nila Mama Dea at Papa Zeus si Zion, pero kahit ano namang gawin
nila apo nila yun e. Kahit pa siguro hindi naging maganda yung relationship nila
Dylan at Alisha noon, wala namang kinalaman si Zion dun.

Akala ko ayos na yung lahat, kaso nagulat kami ng tumayo si Ate Zea at nagsalita.

“Naniniwala kayo sa sinasabi niyang babaeng yan? Hah! This is insane.” Inis na inis
niyang sabi.
“Zea!” Sita ni Papa Zeus sa kanya kaya lalong nainis si Ate Zea.

“I’m leaving. Bahala kayo maniwala sa kanya, inuuto lang tayo niyan.” Pagkasabi na
nun lumabas na kaagad siya ng bahay at malakas na sinara yung pinto.

Naaalala kong ayaw ni Ate Zea sa kanya, pero hindi ko alam yung dahilan niya para
sabihin niyang inuuto lang kami ni Alisha. Hindi ko alam kung bakit ganito niya
kaayaw sa kanya.

“Hija, pag pasensyahan niyo na si Zea noong isang araw pa mainit ang ulo niyan e.
Hindi ko alam kung bakit, baka nag away sila ni Brix.” Paliwanag ni Mama Dea sa
actions ni Ate Zea.

Nagkatinginan tuloy kami ni Dylan nung mabanggit si Kuya Brix. Hindi pa din yata
nila alam na hindi na matutuloy yung kasal at break na yung dalawa. Kaya siguro
mainit ang ulo ni Ate Zea, baka kailangan niya ng kausap.

“Dylan, pakihawak muna. Susundan ko na lang si Ate Zea.” Inabot ko si Aian kay
Dylan at nagmamadaling lumabas para maabutan ko si Ate Zea.

Mabuti na lang hindi niya pa iniiistart yung sasakayan niya. Nakaupo lang siya sa
loob at parang malalim yung iniisip. Lumabas ako ng gate at kinatok ko yung
binatana ng sasakyan niya. Mukhang nagulat siya pero pinagbuksan naman niya ako ng
pinto ng kotse niya.

Sumakay lang ako sa loob pero hindi ako nagsalita, hinintay ko siya.
“Soph, sorry sa pag outburst ko kanina. Hindi ko lang kayang itrust yung babae na
yun.” Simula niya.

“Bakit ano po bang ginawa niya noon kaya ayaw na ayaw mo sa kanya?”

“I have lots of reasons Sophia.” Mahina niyang sagot bago siya bumuntong hininga.

“Gusto kong malaman Ate Zea.”

Tumango lang siya sakin. “She was my brother’s first serious girlfriend so I
thought ganun siya kabait. But I was wrong. I was very wrong about her.” Huminto
siya saglit na parang inaalala niya yung dati.

“Dylan got worse. Parati siyang napapaaway dahil dun sa babaeng yun. That girl was
a player. Boyfriend na yung kapatid ko nun pero nakikipagkita pa siya sa ibang
guys. Kaya syempre bilang boyfriend makikipag away si Dylan. Isa yun sa mga naging
problema ng parents namin. Nagsisihan sila, inisip nilang may mali sa pagpapalaki
nila sa kapatid ko kaya parati siyang napapaaway. May pera lang ang mga magulang
namin kaya hindi nadedemanda ng mga bars si Dylan noon tuwing nakikipag away siya.
He was unstoppable, kahit sila Cyril hindi siya kaya.”

Malungkot na malungkot yung mukha ni Ate Zea. Nagugulat ako sa mga kinwento niya
sakin. Alam ko lang noon na iniwan niya si Dylan para sa ibang lalaki pero hindi ko
alam na may mas malala pa pala.

“Syempre kahit gago si Dylan, nag iisang kapatid ko siya kaya ayokong nakikita ko
siyang ganun. Isa pa ayokong dahil sa mga ginagawa niya nag-aaway ang parents
namin. Kaya one day naisipan kong kausapin ko yung babae. Maayos kaming nag usap
nun e. I didn’t ask her to leave my brother, I just asked her to help him become
better. Alam kong malakas ang influence niya kay Dylan that time kaya pinakiusapan
ko siya, she said yes. But you know what? Binaligtad niya lahat ng pinag usapan
namin. Kaya nung umuwi si Dylan galit na galit siya sakin. Few weeks after that,
iniwan na niya yung kapatid ko for another man. Dylan was devastated as ever. He
even blamed me for what happened kaya nagkaroon kami ng gap e. Pagkatapos
naghiwalay pa nga ang parents namin. Hindi na nakikipag away si Dylan noon pero
lagi naman siyang lasing, dun din siya nagstart makipagreckless racing. What broke
my heart is when I knew he was deeply hurt but he would not let me comfort him.
Nasasaktan siya nun pero wala akong magawa dahil isa ako sa mga sinisi niya.”

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganito si Ate Zea sa kanya. Malaki pala ang
nagawa niyang damage hindi lang kay Dylan kung hindi pati kay Ate Zea. Pati mga
magulang nila naapektuhan din kahit papano. Pero kahit ganito naawa pa din ako kay
Alisha.

“Kaya I’m terribly doubting that Zion is his son. I don’t want her to fool everyone
again.” Madiin na sabi ni Ate Zea kaya nilingon ko siya.

“Pero Ate Zea, paano naman si Zion? Paano kung totoong anak pala siya ni Dylan?”
Tanong ko. Hindi naman sa dinedefend ko agad si Alisha. Si Zion at Dylan lang naman
ang iniisip ko.

“There’s only one way to find out.”

“Paano?”

Lumingon na din si Ate Zea sakin at hinawakan yung kamay ko. “Ipa-DNA test niyo
yung bata.”
-

Stabs self! Hahahaha. Sorry sa tagal ng update, may update ulit sa Friday. malapit
naman na po matapos 'to. Mga hanggang chapter 70 na lang! :D

So far, anong masasabi niyo? Ako iyak na kasi matatapos na siya. :'( 

=================

Chapter Sixty Three

Chapter 63

SOPHIA’s POV

Buong gabi kong pinag-isipan yung tungkol sa sinabi ni Ate Zea kahapon. Kagabi bago
kami matulog ni Dylan tinangka ko ng iopen yung usapin na yun kaso tinulugan naman
niya ako.  Ngayon nag-iipon lang ako ng lakas ng loob para mabanggit sa kanya yung
tungkol sa pagpapaDNA test.

Magkatabi kami ngayon dito ni Dylan sa sala habang naglalaptop siya at nag checheck
ng importanteng e-mails.

Hinawakan ko siya sa kaliwang binti niya. “Dy, may sasabihin sana ako sa’yo.”

“Mmm? Ano yun?” Tanong niya lang habang seryosong seryoso pa din siya sa mga
binabasa niya. Lumingon lingon muna ako sa paligid, sinaktuhan ko kasing kaming
dalawa lang ang tao bago ko sabihin sa kanya yun.
“Kasi, naisip ko lang para lang naman makasigurado. Ipa-DNA test natin si Zion.”
Pagkatapos kong sabihin yun hinanda ko na yung sarili ko sa kung ano mang pwedeng
kahantungan ng usapan namin.

Pero kalmado lang si Dylan na sumagot. “Hindi na kailangan baby ko.”

Anong hindi kailangan ang sinasabi niya? “Bakit? Para lang naman sure tayo e. Kasi
alam mo na...” Hindi ko na tinapos yung sasabihin ko.

Naka focus pa din siya sa harap ng laptop niya. “Malaking pera pa yun e, hindi
naman importante.”

“Pero Dylan, sakin importante yun. Kung iniisip mo yung gagastusin para dun ako ang
gagawa ng paraan.”

Napaatras ako ng konti ng padabog niyang sinara yung laptop niya at matalim na
tumingin sakin. “Ano pa bang gusto mong gawin ko Sophia? Wala ka bang tiwala sakin?
Wala ka bang tiwala sa mga sinasabi ko? Sa mga nararamdaman ko?”

“May tiwala ako sa’yo! Ang sinasabi ko lang, kailangan ko lang din yun. Kailangan
natin yun! Kailangan lang natin manigurado!” Madiin yung boses ko pero hindi ako
sumisigaw. Ayokong isipin niyang sinisimulan ko siyang awayin. Hangga’t maaari
gusto kong mapag usapan namin ‘to ng maayos.

Pero mukhang iba na naman ang interpretasyon niya. “Pagkatapos ng lahat nagdududa
ka pa din pala? Pinagdududahan mo pa din yung mga sinasabi ko?” Bigla bigla na lang
umiyak na siya sa harapan ko. Naguilty naman tuloy ako bigla. “Ikaw yung unang
taong inaasahan kong maniniwala sakin. Na makakatanggap sakin at sa sitwasyon
natin. Sophia, alam mo naman na mahal na mahal kita. Hindi ko magagawang mag
sinungaling sa’yo. Hindi naman kita ilalagay sa ganitong sitwasyon kung alam kong
masasaktan ka lang. Pero Sophia wala na akong choice. Anak ko din si Zion. Parte
din siya ng buhay ko.”

Dahil sa mga sinabi niya hindi ko napigilang hindi din maiyak.

“Bago pa lang kami maghiwalay noon ni Alisha, bago pa siya sumama sa iba. Alam kong
buntis na siya at alam kong anak ko yun. Pero umalis siya at nilayo sakin si Zion,
pinag kait niya dahil lang hindi na niya ako mahal noon. Pero kasalanan ko din kasi
hindi ko hinabol, hindi ko din pinaglaban yung karapatan sa anak ko. Naduwag na din
ako nun, at nagalit kay Alisha. Dahil iniwan na niya ako, pinagkait niya pa sakin
yung anak ko.”

Naalala ko bigla yung araw na sinabi ko kay Dylan yung pagbubuntis ko. Yung tono ng
boses niya noon parang guilty na guilty siya. At yung isang linyang hindi ko
makakalimutan sa mga sinabi niya.

“Salamat din dahil sinabi mo sakin, hindi mo pinagkait.”

“Ang sakit Sophia. Na akala ko ayos na sa’yo. Akala ko hindi na kita nasasaktan, na
hindi ka nahihirapan. Pero mali pala ako. Msakit kasi kailangan pa kitang saktan
dahil sa katotohanan. Pero wala akong magagawa. Anak ko si Zion, gaya ni Aian mahal
ko din siya.” Iyak na siya ng iyak habang sinasabi niya yun.

Gusto ko siyang yakapin at amuin sa pag iyak niya pero bakit hindi ko magawa? Bakit
pakiramdam ko napaka unfair pa din para sakin? Bakit parang hindi ko pa din
matanggap? Niloloko ko lang ba yung sarili ko nitong mga nakaraang araw? Sinasabi
ko lang ba na tanggap ko na kahit na may parte pa din talaga sakin na umaasang sana
hindi totoo ‘tong mga nangyayari samin?
“Alam kong hirap na hirap ka na, ako din naman. Konting tiis na lang please.
Please.” Pag mamakaawa ni Dylan sakin pero hindi pa din ako makasagot. Bukod sa
umiiyak pa din ako, hirap na hirap na ako. Pagod na akong mag-isip. Pagod na din
akong umintindi. Napapagod din naman ako.

“Ibigay mo lang naman kasi yung hiningi ko Dylan, para sa katahimikan ko lang.” Pag
mamakaawa ko na din sa kanya. Ito na lang yung natitirang paraan na naisip ko para
hindi na ako magduda. Para kahit anong sabihin ng mga tao sa paligid ko alam ko na
kung ano talaga yung totoo at yung paniniwalaan ko.

Napahilamos na si Dylan sa mukha niya at tumayo na siya sa kinauupuan namin. “Pucha


naman! Yung mga magulang ko nga naniwala sa sinabi ko kahit na wala akong hawak na
test. Bakit ikaw ayaw mo?! Bakit ganyan ka Sophia?! Ikaw pa yung ayaw maniwala
sakin?! Asawa mo ako!” Pasigaw na niyang sabi.

Tumayo na din ako sa kinauupuan ko at sumigaw pabalik sa kanya. “Yun na nga e!


Asawa kita! Kaya nga pagbigyan mo lang ako sa gusto ko! Ikaw kaya dito sa posisyon
ko! Ikaw kayang makaranas na may biglang susulpot na bata sa bahay natin at
sasabihin ko sayong anak ko siya, at isang concrete na pruweba lang ang hinihingi
mo sakin pero hindi kita pagbibigyan?! Ano kayang mararamdaman mo? Tignan ko lang
kung hindi ka din magkaganito!!”

Pagkatapos kong sabihin sa kanya lahat yun tinalikuran ko siya at naglakad ako
papunta sa pinto. Hinintay kong mag react siya o magtanong man lang kung saan ako
pupunta pero wala akong narinig kahit isang salita mula sa kanya. Naiyak na lang
ako lalo at lumabas ng bahay. Kailangan ko lang muna ihinga at iiyak ‘to.

Kahit wala akong siguradong pupuntahan lumabas pa din ako ng gate at naglakad
lakad. Kailan ba matatapos ‘tong problema namin na ‘to? Bakit tuwing akala ko unti-
unti ng umaayos na yung lahat bigla na namang gugulo. Hindi ba dapat talaga ako
maging masaya? Hindi ba dapat akong mawalan ng problema?

Tuloy-tuloy lang yung pagtulo ng luha ko pero pinapahidan ko lang ‘to. Siguro pag
naubos na yung luha ko tapos na din ‘tong problema na ‘to. Mababalik na kaming
dalawa ni Dylan sa dati. Matatahimik na ulit kami.

Habang naglalakad ako may napansin akong pamilyar na kotse na makakasalubong ko.
Nung huminto sa tapat ko yung kotse, narealize ko kung bakit pamilyar yun.

“Cyril? Anong ginagawa mo dito?” Gulat kong tanong.

Sa itsura niya mukhang nagulat din siya. “Dadalaw sana ako sa inyo. Ikaw anong
ginagaw mo dito?” Pero sinundan pa yun ng isa pang tanong. “Teka, umiiyak ka ba?”

Pinahid ko yung mga luha ko pero sinundan naman yun ng pagtulo ulit ng luha ko.
Hindi ko na maitatanggi kay Cyril na umiiyak nga ako.

Bumaba siya ng sasakyan niya. “Dadalaw sana ako kay Dylan pero mukhang mas
kailangan mo ng kausap.” Umikot siya sa kabilang side ng kotse niya at pinagbuksan
ako ng pinto.

Hindi naman na ako nagdalawang isip pa, sumakay na ako sa kotse ni Cyril. Si Cyril
naman ‘to. May tiwala ako sa kanya.

Sumakay na din siya pagkatapos niyang maisara yung pinto sa side ko at nagsimula ng
magdrive. Kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta hindi na ako nagreklamo pa.
Kailangan ko lang muna sigurong huminga mula sa mga problema ko. Maswerte na lang
ako na nandito si Cyril.

Saglit lang yung naging byahe namin. Huminto siya sa isang park na malapit sa
school namin dati, sa park kung saan niya ako dinala noon para kumain ng ice cream.
Nagsisimula palang kaming maging magkaibigan noon.

Bumaba na din si Cyril at pinagbuksan na ako ng pinto. Pagkababa ko ay naglakad


lakad muna kami sa paligid ng park.

Hindi naman ganun kadami ang tao kaya medyo tahimik pa din. Nakakamiss tuloy ang
ganito. Yung maglalakad lang sa park na parang walang problema.

Minsan iniisip ko kung bakit kung sino pa yung taong mahal ko ng sobra siya din
yung dahil para masaktan din ako ng sobra. Pero kahit gaano kadami ang problema
namin ni  Dylan hindi ko pinagsisisihan yun. Dahil mahal ko siya at dahil sa kanya
nagkaroon ako ng Aian.

Hindi ko napansin na umiiyak na naman pala ako. Dala na din siguro ng halo-halong
emosyon ko.

“Gusto mo ba ulit ng ice cream?” Pabirong tanong ni Cyril sakin.

Ngumiti lang ako ng tipid habang umiiyak pa din sa kanya. Gusto ko man iopen up
yung dahilan kung bakit ako umiiyak, hindi naman pwede. Alam kong hindi pa alam ng
mga kaibigan ni Dylan yung tungkol kay Zion at kahit mga kaibigan ko din sila,
ayokong makialam sa bagay na iyon.

“Kung ayaw mo sabihin kung bakit ka umiiyak ayos lang, pero hayaan mong ibili na
lang kita ng ice cream.” Pagpilit niya.

Gusto ko din sana pero alam kong hindi naman gagaan ang pakiramdam ko sa ice cream.
Hindi mababawasan ang problema ko sa ice cream. Hindi ice cream ang solusyon sa
ganitong klaseng problema.

Umiling na lang ako at tuloy tuloy na umiyak sa harap ni Cyril. Gusto kong ibuhos
na lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pag iyak kong ‘to dahil hindi ko na kayang
piglan. Masyado ng magulo ang lahat, ni hindi ko na alam kung saan at kung paano ko
aayusin. Aminin ko man sa sarili ko o hindi, nagkakalamat na ang relasyon namin ni
Dylan. Hindi na ito simpleng mga away lang na gaya dati. Madami ng iba. Natatakot
ako. Natatakot akong umabot kami sa puntong hindi na namin kayang intindihin ang
isa’t-isa. Natatakot akong umabot ako sa punto na tuluyan na akong mapagod at
sumuko sa kanya.

Dahil siguro sa sobrang awa, bigla na lang akong niyakap ni Cyril. Hindi naman ako
nagulat. Mas naiyak lang nga ako dahil alam kong kahit wala akong sinasabi sa
kanya, dinadamayan niya ako. Kahit na wala siyang alam sa problema namin, nandito
siya.

Nagpapasalamat na sana ako talaga na nandito si Cyril ngayon kung di lang sa


susunod niyang ginawa.

Kinabigla ko talaga nung biglang lumipat yung mga kamay niya sa magkabilang pisngi
ko at halikan niya ako sa labi ko.

=================

Chapter Sixty Four

Chapter 64

 
Nate’s POV

Dahil sa pagpipilit ni Mommy na lumabas ako ng kwarto wala na akong nagawa. Ilang
araw na din kasi akong nagkukulong, halos hindi ko na nga mabilang.

“Anak, saan mo gustong kumain?” Masayang tanong ni Mommy mula sa shotgun seat
habang nasa driver seat naman si Daddy. Dahil bunso at walang ginagawa ako tuloy
ang napagdiskitahan nilang isama maglunch sa labas. Sumama na din ako, masyado na
ding nakakalungkot sa loob ng kwarto ko.

“Ikaw na pong bahala, Mommy.” Sagot ko sabay tipid na ngiti. Pinipilit ko namang
umaktong masaya sa harap ng mga magulang ko dahil kahi hindi nila ipakita alam kong
nag-aalala sila kung bakit nagmumukmok ako sa kwarto ko. Siguro iniisip nilang
nasisiraan na ako ng ulo, sa palagay ko tama nga sila. Masisira na yata ang ulo sa
pagkamiss ko kay Janna, pati na din sa mga kumag kong kaibigan.

Gusto ko na ngang umiyak dahil nakakapagod palang itago lahat sa sarili ko ‘tong
mga nararamdaman ko. Kaso hindi ako pwedeng umiyak ngayon, pag nakita ni Mommy ‘to
siguradong maghihysteria siya. Ayoko ng madagdagan ‘yung mga alalahanin niya dahil
sa pasaway niyang bunsong anak.

 Huminto yung kotse ni Daddy sa tapat ng paboritong restaurant niya, isang Japanese
Restaurant na malapit sa school niya noong Highschool pa daw siya. Pagkapark niya
ng sasakyan bumaba na din kami ni Mommy.

Pagpasok namin sa loob ng restaurant parehas kaming nagulat sa kung sino pa din ang
mga nandoon.
“Jairus?” Tanong ni Daddy doon sa pamilyar na pamilyar na lalaking nasa harapan
niya.

“Nilo! Good to see you again! Akalain mo ba naman pumupunta ka pa din dito?” Sagot
naman ng Papa ni Janna. Nandito din sila ng pamilya niya.

“Oo naman Jairus, dati nating tambayan ‘to pagkatapos nating maglaro ng Soccer!
Hanggang ngayon masarap pa din ang pagkain nila dito.” Sagot naman ni Daddy at
nagtawanan pa sila ni Tito Jairus, nakita ko pang tumingin sakin ng seryoso si Tita
Jairus pero ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Sinulyapan ko si Janna na ngayon ay
nakayuko at pimupindot sa cellphone niya, alam kong peke lang naman ‘yun at
nagpapanggap lang siyang nagtetext para makaiwas sakin. Galit pa kaya siya sakin?

Ako kasi parang kakainin ko na ‘yung sinabi kong hindi na ako babalik sa kanya,
ngayon pa lang gusto ko ng lumuhod sa harap niya at bawiin ‘yung mga sinabi ko sa
kanya noon. Nakakapansisi.

“Halina kayo, sumama na lang kayo samin sa table tutal alam niyo naman... Ang mga
anak natin...” Makahulugang sabi ni Tita Nanda sabay ngiti sa Mommy ko. Ngumiti
naman pabalik si Mommy at hinawakan ako sa braso.

“Come Nate, sumalo na tayo sa table nila.” Sabi ni Mommy kaya wala na akong magawa.
Alam kong parehas kami ni Janna na wala ng magagawa. Alam naman nila Mommy na may
problema kaming dalawa ngayon at base sa tingin sakin kanina ni Tito Jairus,
mukhang alam din nila.

Umupo kami sa isang table na pang-anim. Si Daddy at Tito Jairus sa magkabilang dulo
ng table, si Mommy nasa kanan ni Daddy samantalang si Tita Nand naman ay nasa
kaliwa ni Tito Jairus. Wala ng natirang upuan kung hindi sa kaliwa ni Daddy at sa
kanan ni Tito Jairus, ibig sabihin magkatabi kami ni Janna. Minsan talaga nananadya
ang mga magulang.
Hinila ko na ‘yung upaun at uupo na sana ako sa pwesto sa kaliwa ng Daddy ko kaso
tinitigan niya akong ng seryoso sabay senyas sa upuan na katabi ko. Kahit na
naiilang ako ay ipinaghila ko ng upuan si Jannapara makaupo siya. Umupo naman siya,
pero hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita yung mukha niya dahil ayaw niya akong
tignan.

Napaka awkward noong umpisa dahil tahimik lahat kami. Parang lahat kami may gusting
sabihin pero walang gusting maunang magsalita. Parang lahat nagpapakiramdaman.
Lahat kami ng susukatan ng kilos. Pero sa wakas, naisipan na din magsalita ni Tita
Nanda. “Nate, hijo kamusta ka naman? Nagtratrabaho ka na ba?”

“Next week po magsisimula na akong pumasok sa family business namin.” Sagot ko.
Nagsimula na din kaming kumain dahil dumating na ‘yung orders namin.

Tumango naman si Tita Nanda pero sinundan ni Tito Jairus ‘yung unang tanong niya.
“So what’s keeping you busy this past few days? Hindi ka na dumalaw ulit samin.”

Naubo at nasamid ako sa tanong na ‘yun ni Tito Jairus. Kinabg kabog ko tuloy ‘yung
dibdib ko.

“Tubig.” Narinig ko ‘yung boses niya. Boses ni Janna. Simula nung dumating kami
dito ngayon pa lang yata siya nagsalita. May hawak siyang isang basong tubig at
inaabot niya ‘yun sakin. Tinititigan ko lang siya habang kinukuha ko ‘yung baso
kaso nag-iwas kaagad siya ng tingin at bumalik na lang sa pagkain niya. Mukhang
galit pa nga siya.

Ininom ko na lang ‘yung tubig at pinunasan ‘yung bibig ko. “Sorry po.” Sabi ko sa
kanilang lahat. Magsasalita pa lang sana ulit ako patungkol doon sa tanong ni Tito
Jairus kaso inunahan naman ako ni Mommy.
“Busy kasi si Nate sa pagpreprepare, gusto kasi niya pag pasok niya sa business
maaalam na siya kaya siguro hindi siya nakakadalaw.” Pagtatanggol sakin ni Mommy.
Nakakahiya nga naman na sabihin na nagmumukmok lang ako sa kwarto ng ilang araw.

Alam kong hindi naniniwala sila Tito Jairus sa dahilan na ‘yun ni Mommy. Ramdam ko
dahil nakangiti ng malungkot sakin si Tita Nanda at si Tito Jairus naman, kung wala
lang siguro dito sila Daddy malamang inupakan na ako.

Desserts na lang ang hinihintay namin sa mga inorder namin pero hanggang ngayon
hindi pa kami nakakapag-usap ni Janna. Kahit na “hi” man lang. Yung mga magulang
namin kanina pa nagkwekwentuhan at nagtatawanan, pakiramdam ko out of place kami ni
Janna sa mga pinag-uusapan nila.

“Lagi nga niyang sinasabi sakin na namimiss niya ‘yung soccer field nila noong
highschool, parati ko siyang inaaya pero ayaw naman. Wala daw kaming kasama na
makakaintindi sa kanya tungkol sa soccer!” Sabi ni Mommy sa mga magulang ni Janna
sabay tawa.

“Ganyan din ang sinasabi sakin ni Jairus! Tutal magkakasama naman tayo, bakit hindi
natin daanan ngayon?” Suggestion ni Tita Nanda.

“Good idea! Di ba dear?” Tanong naman ni Mommy kay Daddy. Nagtingin ‘yung mga tatay
namin at mukhang gusto naman nila ‘yung idea ni Tita Nanda.

“Halika na!” Masayang aya ni Tita Nanda. Tumayo na kaming dalawa ni Janna kaso
pinigil naman kami ni Mommy.

“Ay kaso, paano ‘yung mga inorder nating desserts? Sayang naman ‘yung mga iyon.”
Sabi ni Mommy. Nagkatinginan silang dalawa ni Tita Nanda at ngumiti.
“Maiwan na lang silang dalawa, sandal lang naman kami e. Hindi naman kayo
makakaride sa mga pag-uusapan namin.” Nakangiting sabi ni Tita Nanda.

Bago pa man kami maka-object ni Janna, nauna na si Tito Jairus. “Bakit kailangan pa
silang maiwan? Itake out na lang ‘yung mga dessert.”

Pinalo siya ni Tita Nanda sa braso ng mahina. “Ikaw talaga napaka-killjoy mo.
Mabobore lang ‘yung mga anak natin doon. Hayaan mo na silang mag catch-up na
dalawa.” Hinila na niya si Tito jairus palayo kaya hindi na ‘to nakapag-object.

“Ayos lang ba kayong maiwan dyan, anak?” Tanong naman ni Daddy sakin pero kagaya ni
Tito Jairus, hinila lang din siya ni Mommy.

“Oh ayan na ‘yung desserts! Kain na lang muna kayo dyan. Sweet ‘yan. Masarap pag
sweet.” Sabi ni Mommy bago kumaway at tuluyan na kaming iniwanan dito kasama ang
napakadaming desserts.

Halata naman na pinagkasihan kami ng mga Mommy namin. Wala lang talagang magawa ang
mga Daddy namin para tumutol.

“Uh...”

“Nate, sorry.”
Napalingon ako sa kanya nung marinig ko ‘yun. Nakayuko pa din siya habang
pinaglalaruan ‘yung tinidor na hawak niya.

Hindi ko na napigilan ‘yung sarili ko na hawakan siya sa kamay niya at hilahin siya
palapit sakin.

“Sorry din. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya ‘yung mga sinabi ko. Sorry. Ako ‘yung
dapat magsorry.” Bulong ko sa kanya habang yakap ko siya ng mahigpit. Hinalikan ko
pa ‘yung tuktok ng buhok niya.

“Sorry talaga Nate.” Nanginginig na ‘yung boses niya. Alam kong iiyak na siya kaya
bumitaw na ako at pilit ko siyang pinaharap sakin.

“Uy wag kang iiyak, baka bumalik ‘yung Daddy mo dito bigla na lang akong sapakin
nun.” Biro ko pa sa kanya.

Pinalo niya ako sa braso sabay tumawa. “Epal ka talaga. Nagmomoment na ako e, saka
okay lang ‘yun na masapak ka ni Daddy.”

“Ano ba ‘yan? Akala ko pa naman napatawad mo na ako. Akala ko okay na tayo.”


Nagkunwari pa akong sumimangot.

“Biro lang. Syempre pinapatawad na kita, ikaw ba?”

Tumango ako. “Oo naman. Ikaw pa, malakas ka sakin.”


Yumuko na naman siya at biglang nalungkot. “Pero aalis pa din ako Nate. Kailangan
ko pa ding umalis.”

Napayuko na lang din ako. “Alam ko naman ‘yun e. Naguguluhan ka pa din ba?” Tanong
ko sa kanya.

Humarap na ulit siya sakin na malungkot na malungkot ‘yung mukha. “Nate, mahirap
mag desisyon e. Ayokong baling araw pagsisihan mo, kailangan ko pa ng oras. Please.
Hindi ko pa alam kung dapat ba akong maging makasarili para hwag kang bitawan kahit
aalis ako o pakawalan na lang kita.”

Ngumiti na lang ako sa kanya kahit na ang totoo sobrang pait ng mga pagpipilian
niya, doon ako syempre sa maging makasarili na siya at hwag niya akong bitawan pero
sa kanya pa din naman ang desisyon. Ayoko ng makipag-away sa kanya, ayokong
masaktan ko ulit siya dahil lang nagiging makasarili ako. Hindi ko naisip noong una
na doble pala ng hirap na nararamdaman ko ‘yung sa kanya dahil siya ‘yung aalis,
siya ‘yung mang-iiwaa. Mas mabigat ‘yun.

“Hwag mong pilitin magdesisyon kung hindi mo pa kaya. Hwag mong madaliin, okay lang
sakin maghintay.” Hinawakan ko ‘yung kamay niya. Kahit ano pang maging desisyon
niya, tatanggapin ko.

Ang mahalaga ngayon, we already forgave each other. Forgiveness is another way of
showing how much you love and value a person. Naniniwala ako doon.
Sophia’s POV

Kahit nagulat ako sa ginawa sakin ni Cyril hindi ko pinatagal na nakadampi ‘yung
labi niya sa labi ko. Tinulak ko siya ng malakas palayo sakin at tinignan na parang
isa siyang taong hindi ko kilala.

Bakit? Bakit niya ginawa ‘to sakin? Nadala lang ba siya? O Sinasadya niya?

Hindi ko na nagawang magsalita dahil nanginginig ako sa galit ko sa kanya. Hindi na


ba niya naisip si Dylan? Ikakasal na kami ng kaibigan niya! Isa pa, alam kong mahal
niya si Honey. Hindi ko siya maintindihan kung ano ba talagang pumasok sa isip niya
at hinalikan niya ako. Akala ko noon okay na, akala ko nagkaintindihan na. Akala ko
lang pala iyon.

Naglakad lang ako ng mabilis sa kung saan saan. Kahit saan basta makalayo ako kay
Cyril. Wala akong dalang kahit ano bukod sa sarili ko lang. Wala naman kasi sana
akong balak na lumayo, gusto ko lang talagang magpahangin at magpalamig ng ulo sa
labas. Hindi ko akalain na ganito pala ang mangyayari.

Pumara na lang din ako ng taxi at sumakay pauwi ng bahay namin.

Hindi ko na alam ang dapat kong isipin sa mga oras na ‘to. Gulong-gulo na ako sa
mga nangyayari sa akin. Hindi ko na maunawaan kung ano bang ikinikilos ng mga tao
sa paligid ko. Buong byahe ko pauwi wala akong iniisip kung hindi si Dylan. Kahit
wala naman akong kasalanan sa nangyari kanina pakiramdam ko naguiguilty ako.
Pakiramdam ko dala-dala ko din ‘yung guilt na dapat sana ay si Cyril ang
nakakaramdam. Ako pa ang naguiguilty para sa ginawa ni Cyril, dahil akala ko ayos
na silang dalawa ni Dylan. Hindi ko alam na kagaya pa din pala siya ng dati, hindi
naman pala talaga siya nagbago.
Paghinto nung taxi sa tapat ng bahay namin, agad akong bumaba. “Sandali lang ho,
ipapakuha ko lang po ‘yung bayad ko sa loob.”

Tumango naman ‘yung driver ng taxi kaya pumasok na ako sa loob ng gate at kumatok
sa front door namin. Saglit pa lang, may nagbukas na kaagad.

Napaiyak na lang ako ng yakapin ko ng mahigpit si Dylan. “Sorry. Dy, sorry.”

Niyakap din naman niya ako ng mahigpit at ipinatong ‘yung baba niya sa ulo ko.
“Shhhh. Hwag ka ng umiyak. Sorry din, sorry talaga at hindi kita mapagbigyan sa
sinasabi mo. Papel lang kasi ‘yun Soph, mas matibay ‘yung nararamdaman ko. Hindi
naman nasusukat sa papel ‘yung relasyon mo sa isang tao, nasa puso ‘yun. Sa puso
ko, sa pakiramdam ko, anak ko si Zion. Kaya sorry. Sorry talaga.”

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Mahirap tanggapin, oo. Ilang beses ko ng


sinubukan na tanggapin ‘yung katotohanan. Ilang beses ko na ding niloko ang sarili
ko at sinabing tanggap ko na ‘yung totoo pero hindi pa pala. Pero susubukan ko pa
din ulit, paulit ulit dahil mahal ko si Dylan.

“Sorry at napaka unfair ko sa’yo. Alam kong napaka unfair ko sa’yo dahil sa
sitwasyon Soph. Patawarin mo ako.” Bulong niya pa sa’kin.

Tumango na lang ako. Kahit gaano pa kadaming mali ang meron sa sitwasyon namin ni
Dylan, mahal ko pa din siya. Lumayo ako saglit sa pagkakayakap ko sa kanya. “Dy...”

Hinawakan niya ‘yung magkabilang pisngi ko. “Bakit?”


“Hindi pa bayad ‘yung taxi na sinakyan ko.” Seryosong sabi ko sa kanya pero natawa
siya ng konti.

Kinurot niya ‘yung magkabilang pisngi ko bago ako halikan sa noo. “Ikaw talaga.”
Lumingon siya sa loob ng sala at malakas na boses niyang tinawag ‘yung kasambahay
namin. “Manang, pakibayaran nga po ‘yung taxi sa labas.”

Sa dami ng mga nangyayari ngayon sa amin bibihira ko na lang makitang ngumingiti si


Dylan, hindi kagaya noon. Sana lang lagi siyang nakangiti ng ganyan.

Niyakap ko siya ulit at malungkot na nagsalita. “Sorry Dylan. Mahal na mahal kita.
Sorry.”

Ilang beses pa akong nagsorry pagkatapos noon, hindi dahil sa mga nasabi ko sa
kanya noong nag-away kami kung hindi dahil sa nangyari kanina kay Cyril.

Wala na akong balak sabihin sa kanya. What he doesn’t know won’t hurt him. I would
never want to hurt him again.

 Happy Valentines Day guys! x

Si Nate kadate ko today. Hahahaha. Kayo sino? ;) 


=================

Chapter Sixty Five

Chapter 65

Sophia’s POV

Dalawang araw na ‘yung lumipas simula nung insidente samin ni Cyril. Pinilit kong
ituon ‘yung atensyon ko kay Dylan at kay Aian para makalimutan ko ‘yun. Nagagawa ko
naman kahit papaanong hwag isipin pero paminsan minsan sumsagi pa din siya sa isip
ko.

“Oh bakit nakasimangot na naman ang baby ko?” Tanong ni Dylan sabay pisil sa ilong
ko. Simula din nung isang araw naging extra sweet siya sakin. Lalo tuloy
nakakaguilty.

Ngumiti ako sa kanya at humilig sa braso niya. “Wala naman, madami lang akong
iniisip.”

Hinilig niya din ‘yung ulo niya sa itaas ng ulo ko bago siya nagsalita ulit.
“Kasama ba ako dyan sa mga iniisip mo?”

Napangiti ako sa tanong niya. Tumango ako ng konti habang nakahilig pa din sa
balikat niya. We shared the silence around us. Basta lang alam namin na magkatabi
kaming dalawa, na mahal namin ang isa’t-isa. Hindi na kailangan ng mga salita para
ipaalam malaman namin ‘yun sa isa’t-sa, sa pakiramdam na lang.
“Soph, naiisip mo ba kung nasaan tayo 10 years from now?” Bigla bigla niyang tanong
sakin kaya inangat ko yung ulo ko para tignan siya.

“Bakit mo naman naitanong?”

Nagkibit-balikat siya. “Wala lang. Naisip ko lang bigla kung pagkatapos ba ng 10


years ganito pa din tayo.

Pumihit ako ng upo paharap sa kanya bago ko siya sagutin. “Hindi na.” Hinawakan ko
‘yung kaliwang pisngi niya gamit yung kaliwang kamay ko. “Kasi lahat naman
nagbabago, siguro after 10 years ibang iba na tayo. Pero isa lang ang sigurado ako,
after 10 years mahal pa din kita.” Ngumiti ako pagkatapos bilang assurance sa mga
sinabi ko sa kanya. Lahat ng iyon ay totoo.

“Sir, Ma’am, may bisita po kayo.” Pag istorbo samin ni Manang. Kasunod niya ‘yung
isang taong sa ngayon ay ayokong makita. Sa lahat naman ng dadalaw, bakit siya pa?

“Cyril! Napadalaw ka!” Mukhang nagulat si Dylan kagaya ko pero halatang masaya
siya. Nasaktan na naman ako para sa kanya. Masaya siyang makita ang isang taong
hindi niya alam tinatalo siya.

Dylan’s POV

“Wala lang akong magawa, yung mga kumag naman mukhang may kanya kanyang
pinagkakaabalahan.” Sagot ni Cyril pag kaupo niya sa sofa na katapat ng sa amin ni
Sophia.

Biglang tumayo si Sophia pagkaupo ni Cyril. “Kukuha ko lang kayo ng juice sa


kusina.”

“Hwag na Sophia, dito ka na lang. Matagal na din tayong hindi nagkakakwentuhan.”


Pigil ni Cyril kay Sophia. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ni Cyril,
pakiramdam ko may kakaiba sa tingin ni Sophia sa kanya. Pero isinantabi ko na lang
‘yun, baka guni-guni ko lang.

Bumalik na si Sophia sa pagkakaupo niya sa tabi ko at humawak sa kamay ko.


Napangiti naman ako.

“Si Nate ba nakakausap mo pa? Si Enzo?” Tanong ni Cyril.

Kailan nga ba kami huling nagsama sama ng kumpleto kami? Noong bago pa yata mag
gradution. Ang tagal na din pala. “Si Enzo tinawagan ko last week lang, may
malaking problema daw sila ni Heart. Si Nate, ewan ko, Di naman sumasagot.”

Natawa si Cyril ng mahina tapos biglang lumungkot ‘yung mukha niya. Palagay ko
parehas kami ng nararamdaman ngayon. Pakiramdam ko kasi ang lalayo na namin sa
isa’t-isa. Hindi naman namin kailangan malaman ang lahat lahat tungkol sa isa’t-isa
pero iba kasi ngayon. Hindi na katulad ng dati na kahit matagal kaming hindi
nagkakausap usap alam naman namin na maasahan pa din namin ang isa’t-isa.

“Si Brix na lang ang nakikita ko. Nung minsan kaming dalawa nga lang ang uminom sa
bar. Hayop kasi kayo, ang dradrama niyo.” Pang-aasar ni Cyril pero ngayon iba ‘yung
tono ng pananalita niya. Hindi natural, hindi kagaya noon na masaya at sobrang
pang-asar. Yung ngayon, parang pilit? O baka naman pakiramdam ko lang ‘to dahil
matagal kaming hindi nagkita.
Tahimik lang kami pagkatapos niyang sabihin ‘yun. Pati si Sophia tahimik lang din.
Para kaming mga tanga na nagpapakiramdaman sa isa’t-isa. Ibang-iba talaga.

Mabuti na lang at pumasok si Manang sa sala na may dalang parang isang envelope.
Mukhang galing ‘yun sa trabaho ko. Naghihintay na lang kasi ako ng mga kontrata
bago ako pumasok this week. Mukhang ito na ‘yun.

“Sir, package ho.” Abot sakin ni Manang nung envelope.

Kinuha ko naman ‘yun ng nakangiti. Naeexcite ako dahil ito ‘yung una kong trabaho
simula grumaduate kami. Winagayway ko pa nga ‘yun kina Sophia at Cyril bago ko
simulang buksan. Nakangiti naman at parang proud si Sophia samantalang si Cyril ay
pormal lang ‘yung mukha, kakaiba talaga siya ngayon.

Dahan-dahan ko ng binubuksan ‘yung brown na envelope kaso biglang nagring ‘yung


cellphone ko. Galing sa isang unregistered number, naisip kong baka sa trabaho din
ito kaya sinagot ko kaagad.

“Dumating na ba sa’yo ‘yung regalo ko?” Sabi nung boses ng lalaki sa kabilang dulo.
Medyo pamilyar pero hindi ko maisip kung sino.

“Anong regalo? Sino ba ‘to?” Nagtataka kong tanong. Baka naman wrong number lang
‘to o kaya naman isang prank caller.

“Sakin galing ‘yang envelope na hawak mo ngayon. Buksan mo na, siguradong magugulat
ka sa regalo ko. Dalian mo, naiinip na ako.” Kinilabutan ako sa sabi nung nasa
kabilang linya. Nakikita niya ba ako? Paano niyang alam na nasa akin na ‘yung
envelope? Dahil sa nakakakilabot na sinabi noong tumawag, pinutol ko na kaagad
‘yung linya.

Tumingin naman sakin si Sophia na nag-aalala. “Sino ‘yung tumawag? Bakit ganyan ang
reaksyon mo?”

Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil nakatitig na ako sa envelope na hawak ko.
Kinakabahan at natatakot akong buksan pero kung hindi ko bubuksan hindi ko
malalaman kung ano ang nasa loob.

Dahan-dahan ko na ulit itong binuksan. Kinapa ko ‘yung nasa loob, mdaming papel.
Madudulas na papel na parang ginagamit sa mga Polaroid na pictures. Hinugot ko na
‘yung laman sa loob at tumambad sakin ‘yung mga hindi kanais-nais na laman nung
envelope.

Sophia’s POV

Dahil katabi lang ako ni Dylan kitang-kita ko ‘yung mga hawak niya. Kitang-kita ko
‘yung mga pictures namin ni Cyril. Nangyayari na ang kinatatakutan ko, pakiramdam
ko namanhid ‘yung buong sistema ko. Gusto kong magsalita, gusto kong magpaliwanag
pero numuurong ang dila ko, parang tinakasan ako ng boses ko. Gusto ko siyang
yakapin, pero hindi ko din kayang gawin. Natatakot ko. Takot na takot ako habang
tinitignan ko lang siya na nakatitig ng mabuti sa mga pictures. Para bang iniisa
isa niya pa ang bawat detalye ng mga pictures na ‘yun. Namamanhid man ako sa
kinauupuan ko, hindi naman nun napigilan ‘yung luhang tumakas sa mata ko. Wala na
akong magawa.

“Ano ba ‘to?” Malumanay lang na tanong ni Dylan. Siguro sa aming dalawa ni Cyril.
Inaasahan kong magsosorry si Cyril kaya siya nandito, na tutulungan niya akong
magpaliwanag kay Dylan ng totoong nangyari. Pero kabaligtaran nun ang ginawa niya.

“Dude, sorry. Hindi namin sinasadya.” Sabi ni Cyril.

Biglang tumayo si Dylan sa pagkakaupo niya at sinapak si Cyril habang nakaupo ito.
Binitbit niya si Cyril sa collar ng damit niya. Wala naman akong nagawa, dala ng
takot ko. “Yan sinasadya ko ‘yan! Anong problema mo Cyril ha?”

Hindi naman pumapalag si Cyril pero sumagot pa din siya. “Mahal ko si Sophia. Alam
ko naman na gusto din niya ako e.”

Sa sinabi niya nakatanggap pa siya ng isang sapak galing kay Dylan. “Gago ka!”

Kahit ako ay gustong sapakin si Cyril sa sinabi niya. Ano bang sinasabi niya? Mahal
niya ako? At gusto ko din siya? Nahihibang na ba siya? Pagtakatapos nga lahat dito
pa din pala kami babagsak?

“Tuwing pinapaiyak mo siya, ako ang nandyan para sa kanya Dylan. Ilang beses na,
ilang beses na kaming nagkikita ng hindi mo alam.” Dagdag pa ni Cyril kay Dylan
dahilan para pagsunod-sunurin  niya ‘yung suntok kay Cyril.

Sa wakas, nagkaroon na din ako ng lakas na kumilos. Tumayo ako at pilit na inawat
si Dylan sa pagsuntok niya kay Cyril.
“Dy, please tama na!” Awat ko hindi dahil naaawa ako kay Cyril. Galit ako sa kanya,
galit na galit. Hindi ko alam kung ano bang motibo niya para gawin ito samin. Pero
nakikita kong nasasaktan na si Dylan.

“Bitawan mo ako!” Sigaw niya sabay tabig sakin, napaatras ako at lalong napaiyak.
Bakit?

Hindi ko siya magawang awatin dahil sa sobrang lakas niya, dagdag pang galit na
galit siya sa amin.

“Dylan please, I’m sorry. Please wag mo ng saktan ang sarili mo.” Umiiyak ko siyang
kinausap habang pilit na inaawat sa ginagawa niya. Halos matumba na si Cyril sa
sahig dahil sa mga suntok niya. “Please Dylan.”

Huminto siya sa pagsuntok kay Cyril at humarap sakin ng umiiyak na.

Tumawa pa si Dylan kaya lalo akong naiyak. “Ang gago ko.” Sabi niya habang
tumatawa. Nagtataas-baba yung balikat niya dahil sa pagtawa niya. Pero maya-maya
yung mga tawang ‘yun napalitan na ng hikbi. “Hindi ko alam na ganito pala kasakit
na mahalin ka.”

“Dylan, wag mong sabihin yan please. Wag. Makinig ka muna sakin.” Sinubukan ko
siyang lapitan pero lumayo siya kaagad sa akin. “Dylan naman please pakinggan mo
muna ako. Hindi totoo ‘yang pictures na ‘yan.” Pagmamakaawa ko sa kanya habang
pilit kong sinusubukan makalapit sa kanya.

Pumamewang siya sa harapan ko habang umiiyak pa din. “Ano? Sasabihin mo sakin na


edited ‘yan? Na set-up? Ano? Ano pang idadahilan mo?” Tumatagos sa puso ko ‘yung
tingin niya, yung mga mata niya punong puno ng galit. Hindi niya ako ganito tignan
dati. Parang sa isang iglap lang nagbago na ‘yung paraan kung paano niya ako
tignan.

Umiling ako habang tuloy tuloy lang na dumadaloy ‘yung luha ko. “Makinig ka muna
sakin please.”

“Sophia, aminin na natin sa kanya ‘yung totoo.” Biglang singit ni Cyril sa usapan
naming dalawa. “Kilala mo ako Dylan, simula pa bata tayo. Hindi ko ugaling
magsinungaling.”

“Tumahimik ka na nga Cyril! Ano bang sinasabi mo? Please naman hwag mo na kaming
guluhin ni Dylan!” Sigaw ko kay Cyril dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko.
For once, hindi ako naaawang nasuntok siya ni Dylan. Napopoot ako sa mga ginagawa
niya sa amin ngayon ni Dylan.

Sumigaw din siya pabalik sakin. “Please Sophia, hwag na nating lokohin si Dylan.”

Lalo akong nanlambot sa mga sinasabi ni Cyril. Parang ang pakiramdam ko


napagtulungan nila akong dalawa. Mag-isa ko lang pinagtatanggol ang sarili ko.
“Tumigil ka na, Cyril. Please.” Umiiyak akong nagmamakaawa sa kanya na itigil na
niya ‘yung kahibangan niya. Na bawiin niya lahat ng mga sinabi niya kanina.

“Tama na! Tumigil na kayong dalawa dahil ayoko ng marinig ang mga sasabihin niyo!”
Kasabay ng malakas na pagsigaw ni Dylan ay ‘yung pagsuntok niya sa malaking salamin
sa living area. Nagtalsikan ‘yung mga bubong nung salamin na sinuntok niya pero
natuon ang pansin ko sa dumudugong kamay ni Dylan.

Sinasaktan niya ang sarili niya dahil sakin. Siguro nga talagang mahirap at masakit
akong mahalin. Gusto ko ng sisihin ngayon ang sarili ko sa mga nangyayari.
“Hindi kita kayang tignan Sophia. Ang sakit. Hindi kita kayang makitang nakikita
akong nasasaktan dahil sayo. Umalis ka na.” Malumanay na sabi sakin ni Dylan habang
umiiyak. Gaya ng luha niya hindi din tumitigil sa pagpatak ‘yung dugo sa sugat ng
kamay niya. Bakit kailangan magkaganito kaming dalawa?

“Dylan, hwag. Hindi kita kayang iwanan dito.” Umiiling kong sabi.

“Umalis ka na. Ayokong may magawa ako sa’yo. Masakit, sobra. Pero ayokong ibalik
sa’yo ‘yung sakit na nararamdaman ko kaya pakiusap ko sa’yo umalis ka. Umalis ka
na.” Hindi pa man din ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko sumigaw pa ulit siya.
“Umalis ka na!”

“Ayoko!” Sigaw ko sa kanya dahilan para lumapit siya sakin at higitin ako sa braso
ko ng mahigpit. Dahil sa mga nangyayari huli na nung marealize ko na hinihigit niya
pala ako palabas ng bahay namin hanggang sa may gate. Sumunod-sunod sa amin si
Cyril.

“Hoy nasasaktan si Sophia!” Awat ni Cyril sa kanya pero nakatikim lang siya ulit ng
isang suntok bago pati siya higitin ni Dylan sa kwelyo ng damit niya.

Itinulak niya si Cyril ng malakas palabas ng gate namin. “Simula ngayon wala ka ng
kaibigan dito, sira ulo ka. Ahas ka Cyril, sana hindi na lang kita naging
kaibigan.”

Hindi na sumagot pabalik si Cyril sa kanya. Siguro alam niyang tama si Dylan, kaya
tinatanggap niya na lang lahat ng sabihin nito.
Kung malakas na tulak ang ginawa niya para palabasin si Cyril, ako naman
tinalikuran niya lang. Nakatalikod siyang nagsalita sa’kin. “Galit ako. Galit na
galit ako sa’yo dahil pati kaibigan ko pinatulan mo. Pero mas galit ako sa sarili
ko kasi kahit ginaganito mo ako mahal pa din kita. Ako pa din ‘yung nasasaktan.
Kaya pakiusap ko sa’yo Sophia, umalis ka na. Kung mahal mo pa din ako kahit papano,
umalis ka na ngayon.”

Pinigilan ko siya ng yakap sa likod niya pero para lang akong yumayakap sa
napakatigas na bato ngayon. Ibang-iba. “Dylan please, hindi ko magagawa ‘yun
sa’yo.”

Ilang saglit siyang hindi sumasagot habang ako hinihigpitan ko ‘yung yakap ko sa
kanya. Ayoko siyang bitawan dahil baka pag ginawa ko, hindi ko na siya magawang
hawakan ulit.

Kahit gaano man kahigpit ang yakap ko sa kanya wala akong maramdamang response
galing sa kanya bukod sa pilit niyang pagtanggal ng mga kamay ko. Pilit ko siyang
hinahawakan, pero pilit niya naman akong pinabibitaw. Ganito na lang din ba ang
mangyayari sa relasyon namin?

“Kasalanan ko din. Kung siguro lang kita nilagay sa sitwasyon na kailangan mong
tanggapin na may anak ako kay Alisha baka hindi mo ginawa ‘to sakin. Baka ngayon
masaya ka pa din sakin, baka ngayon mahal na mahal mo pa din ako gaya ng dati.
Baka...” Hindi na niya natapos ‘yung mga sasabihin niya dahil napalitan na ‘yun ng
mga hikbi.

Nagmadali siyang makalayo sakin. Hahabulin ko pa sana siya ulit pero huli na. Hindi
na niya ako hinayaang habulin siya. Umalis siya sa  pagkakahawak ko. Gusto kong
patunayan sa kanya na mali ang iniisip niya sa sarili niya. Gusto kong sabihin sa
kanya na walang kasing saya yung pakiramdam ko sa araw-araw na kasama ko siya.
Gusto kong sabihin na mas mahal ko siya ngayon kaysa noon, na hindi nagbago ‘yung
pagmamahal ko sa kanya dahil lang may anak sila ng ex-girlfriend niya. Mali.
Maling-mali ang iniisip ni Dylan.

Paano ko ba itatama ang lahat ng maling ito?


Honey’s POV

Tahimik lang akong nililigpit ‘yung mga damit ni Batman na kinuha ko kanina sa
laundry. Saan na naman kaya ‘yun pumunta? Sana lang hindi sa bar dahil malalagot
siya sakin. Sabi niya hindi na siya mambababae e.

Nagugustuhan ko ‘yung ganitong pakiramdam na nagliligpit ng damit niya habang


hinihintay siyang umuwi dito sa maliit na apartment na ‘to. Pakiramdam ko tuloy
mag-asawa kami.

“Pukyot, nandito na ‘ko.” Napatayo ako sa kama nung narinig ko siya. Muntik na nga
akong madapa dahil sa pagmamadali ko. At dapat din kikiligin na ako dahil nandito
ako, sumasalubong sa kanya na parang asawa kaso hindi ko na nagawang kiligin sa
nakita ko.

Si Cyril. Ang batman ko, puro pasa at sugat sa mukha niya. Yung damit niya pa may
ilang talsik ng dugo.

“Batman! Anong nangyari sa’yo?” Natataranta ko siyang hinili papunta sa isang upuan
sa loob ng apartment. “Wait lang, may bulak at alcohol yata ako sa isang bag ko.”
Sabi ko sa kanya pero pinigilan niya ako.

“Hwag na. Dito ka na lang muna sa tabi ko.” Gusto ko na talaga kiligin e. Kaso
hindi ko talaga matiis ‘yung ga sugat ni Batman.
“Kailangan natin ‘yan gamutin.” Sabi ko lang sa kanya kaya hinayaan naman na niya
akong kuhanin ko ‘yung bulak at alocohol.

Pagbalik ko humili ako ng isa pang upuan at umupo sa tapat niya. Binasa ko ng
alcohol ‘yung bulak at unti-unting dinampi sa gilid ng labi niya.

“Ahh! Sandali masakit!” Reklamo niya kaagad habang pinapalis niya ‘yung kamay ko na
may hawak na bulak.

Napasimangot ako sa kanya at binalik ko sa ‘yung kamay kong may hawak na bulak
malapit sa mukha niya. “Batman naman, hihipan ko na lang kung masakit. Dapat natin
‘tong gamutin. Bakit ba kasi ikaw nagkaganito? Ano bang nangyari?”

Pormal lang siyang sumagot. “May ginawa lang akong importante.”

Kahit hindi niya sakin sabihin may hinala akong hindi maganda ‘yung kung ano mang
importanteng ginawa niya. Alam ko, dahil ganyan din ako dati.

Pinahidan ko ulit ng alcohol ‘yung isa pa niyang sugat malapit sa kilay, hinapan ko
pa ‘yun para hindi masyadong mahapdi. “Bakit mo ba kasi ginagawa ‘yung importante
na ‘yun?”

Nginitian niya ako ng matipid. “Kasi kailangan.”


Pinagmasdan ko si Cyril habang ginagamot ko ‘yung mga sugat niya. Yung itsura niya,
siya pa din ‘yung Cyril na nagustuhan at minamahal ko. Pero malaki ang pagbabago
niya ngayon. Bukod sa pumayat siya ng konti, hindi na din siya gaanong maporma
ngayon at hindi na palatawa. Yung mga ngiti niya ngayon mas matipid na. Yung dating
Cyril na masayahin, makulit, mapang-asar at mababaw lang ang gusto sa buhay ngayon
ay palagi ng tahimik, seryoso, sobrang mapagmahal at madalas ko siyang nahuhuli na
malalim ang iniisip.

“Yung ginagawa mo, dahil ba sa akin?” Mahinang tanong ko sa kanya na parang ayoko
na iparinig ‘yung sinabi ko.

Hinawakan niya ‘yung kamay kong gumagamot sa mga sugat niya at hinalikan ‘yun.
Umiling siya bago siya sumagot sakin. “Para sa’tin.”

Hinigit niya ako patayo at pinaupo sa hita niya, pagkatapos niyakap niya ako sa
bewang ko. Ito lang yata ang hindi nagbago kay Cyril. Ang pagiging malambing niya.

“Hwag mo ng isipin ‘to, ano bang gusto mong kainina ha Pukyot? Ililibre kita
ngayon.”

Napapangiti na lang ako tuwing tinatawag niya pa din ako ng pukyot. Sa totoo lang
hindi pa din ako sure kung ano nga bang ibig sabihin nun e, pero dahil si Cyril ang
tumatawag sakin nun ayos na. “Kahit ano, basta hwag luto mo.” Biro ko sa kanya.

“Dahan-dahan naman Pukyot, natatamaan mo ‘yung mga sugat ko.” Sabi ni Cyril habang
nakaupo sa sahig ng apartment. Nasa likod naman niya ako na nakaupo sa kama at
tinutuyo ‘yung buhok niya ng towel.
“Ay sorry.” Sagot ko. Pagkatapos naming kumain ay naligo siya habang ako naman
nagligpit ng mga kinainan namin.

“Pukyot, kung aalis tayo ... saan mo gustong pumunta kasama ako?” Tanong niya bigla
sakin habang tinutuyo ko pa din ‘yung buhok niya.

Nag-isip ako sandali hanggang sa may naalala akong lugar na gusto kong puntahan.
“Sa bahay ng Lola mo.”

Napalingon naman siya ng konti sakin. “Bakit naman dun?”

Nagkibit-balikat ako. “Masaya kasi dun. Simple lang ang pamumuhay. Hindi magulo.
Malayo dito, malayo sa kanila. Tayo lang nila Lola.” Hindi ko naman gusto ng kung
saan saan pang lugar. Gusto ko lang pumunta sa lugar kung saan wala kaming iisipin
na mabigat na problema ni Cyril. “Ikaw, saan mo gusto?” Tanong ko sa kanya.

“Sa simbahan.” Hindi pa man din ako nakakapagtanong kung bakit ay may idinagdag na
siya. “Pagkukumpisalin kita, dami ka ng kasalanan e.”

Napanguso ako sa sagot niya. “Mas madami ka.”

Umikot na siya ng upo kaya ngayon nakapaharap na siya sakin. “Bakit? Kasalanan bang
mahalin ka?”

Hindi ko napigilang hindi tumawa sa sinabi niya. Bukod sa corny ay kinilig ako.
Bihira lang siyang magsabi ng ganitong bagay. Mas madalas noon puro pang-aasar.

Tapos tumayo na siya mula sa sahig at nahiga sa kama. Hinila din niya ako at
pinahiga sa dibdib niya. Niyakap ko ‘yung kaliwang kamay ko sa kanya.

“Di bale ng maging makasalanan ako, basta mahal naman kitang baliw ka.”

Napayakap ako lalo sa kanya sa sinabi niya. Alam kong totoo ‘yun. Alam hindi madali
ang kapalit kaya magkasama kaming dalawa ngayon. Akala ko noon hindi na magbabago
si Cyril, pero mali ako.

“Matulog ka na, pagod ka.” Bulong ko sa kanya.

Hinalikan niya ako sa ulo ko bago siya natulog, at sandali pa akong nanatiling
nakahiga sa dibdib niya habang tahimik na umiiyak. Ako ang dahilan kung bakit siya
mahina ngayon, kunga bakit siya ganito. Kahit na alam niyang madami akong naging
kasalanan sa kanya at sa mga kaibigan niya, kahit na niloko ko lang sila hindi pa
din siya nagalit sakin. Imbes, sinamahan niya pa ako. Ang swerte swerte ko sa
kanya, pero malas at gulo lang naman ang dala ko sa kanya.

Pinakiramdaman ko lang siya hanggang sa malalim na ‘yung tulog niya bago dahan-
dahan akong tumayo at bumaba ng kama. Inayos ko ‘yung mga gamit at bag ko. Pinilit
kong hwag gumawa ng kahit anong ingay dahil mukhang pagod siya talaga at ayokong
maistorbo ang pagtulog niya.

Bago ako tuluyang umalis, ginawan ko siya ng isang sulat. Bago ko matapos ‘yung
sulat makailang beses akong huminto para takpan ang bibig ko. Ayokong marinig niya
akong umiiyak.
Sana sa gagawin kong ito, makalimutan na niya lang ako.

Cyril’s POV

“Pukyot?” Tanong ko sa kanya nung nakita ko siyang palabas ng pinto at madaming


dala.

Lumingon siya sakin at ngumiti. “Aalis na ako Cyril.” Tapos tuloy siyang lumabas ng
pinto at sinara ‘yun. Nagmamadali akong tumayo para habulin siya kaso pagbukas ko
ng pinto muntik pa akong mahulog dahil walang kahit anong meron doon. Nasaan siya
nagpunta? Dito siya lumabas pero bakit walang kahit ano dito sa pintong ‘to?

Pinilit kong magising. Mula sa binatana ng apartment natanaw kong madilim na sa


labas. Gabi na pala. Ang tagal ko palang nakatulog. Pagtingin ko sa tabi ko, wala
si Pukyot kaya napabangon ako. Hindi naman siguro totoo ‘yung nakita ko, panaginip
nga lang ‘yun e.

Tumayo na ako sa kama at tinawag siya. “Pukyot? San ka?”

Pero walang sumasagot. Nag-alala na ako kaya bumalik ako sa maliit na kwarto ng
apartment at binuksan ‘yung aparador. Puro gamit ko na lang ang nandito.

Nanlalambot akong napaupo sa kama. Napasabunot na din ako sa sarili kong buhok ng
may napansin akong isang papel na nakatupi sa sahig. Siguro nilipad ‘to kaya
nalglag. Dinampot ko ‘yun at binuklat. Isang sulat.

Cyril,

                        Sorry. Sorry dahil iniwan na naman kita. Alam ko naman na


hindi biro ang pinagdaanan mo para mahanap ako at hindi ko kayang nagiging ganyan
ka. Noon, malakas ka, matapang ka, wala ka ngang kinakatakutan di ba? Pero ngayon
unti-unti ka ng humihina, nagkakaroon ka na ng mga kinakatakutan mo. Sabi nga nila
you have to overcome your fears di ba? Tama ba ako. Hayaan mo na kahit mali,
maiintindihan mo naman ako.

                        Hwag mo silang talikuran Cyril, sila ‘yung mga taong


nakasama mo mula pa noon. Mahal mo din sila, hwag mo silang saktan. Alam ko naman
na napipilitan ka lang sa mga ginagawa mo, nakikita ko ‘yun sa mga mata mo. Hindi
ikaw ‘yan Cyril, hindi ka ganyan. Hindi ako umalis dahil ayaw ko na sa’yo, ako pa
ngang nanligaw di ba? Ginagaw ko ‘to para bumalik na sa dati ang buhay mo. Bumalik
ka na sa kanila.

                        You have to face your fears Cyril, masanay ka na na wala


ako. Magiging okay din naman tayo, magiging okay ka din naman. Isipin mo na lang na
mawawalan ka na ng sakit ng ulo. Basta hwag na hwag kang babalik sa pambababae ha?
Humanap ka ng babaeng mag-aalaga sa’yo at magmahahal sa’yo, hindi ‘yung mga gusto
ko lang dahil gwapo ka at dahil madami kang abs. Okay? Hwag ka na din masyadong
iinom, makakasama ‘yun sa’yo.

Lalong-lalo na, hwag mo na akong iisipin kasi para din akong alak, nakakasama ako
sa’yo.

 
                        Hindi ko hihilingin na sana sa ibang paraan na lang tayo
nagkakilala. Na kung sana natin kailangan magsakripisyo para magkasama tayo.
Ayokong baguhin ‘yun. Gustong gusto ko kung paano tayo nagkakilala at lahat ng
pinagsamahan natin. Magagandang memories iyon, mga memories na matitira na lang
satin pagkatapos ng lahat. Lahat ng bagay may pagtatapos, baka ito na ‘yung sa’tin.

                        You will always be my hero, my Batman.

                                                                                    
                                    Honey

Natatawang naiiyak ako pagkatapos kong mabasa ‘yung sulat niya. Sira ulong babae
talaga ‘yun, iniwan na naman ako.

Zea’s POV

“Darcy? Nasaan na ‘yung mga bagong brochures para sa Fashion Show next week?”
Nakayuko kong tanong sa taong pumasok habang busy ako na nagchecheck ng mga bagong
dating na contracts.

“Ate Zea.”
Napahinto ako sa paglilipat ng pages ng marinig ko ‘yun. Hindi na din ako nagulat
kung sino ‘yung nasa harap ko ngayon. “What are you doing here?” Tanong ko kay
Alisha.

This is going to be the second time na nagmag uusap kaming dalawa ng kami lang. The
first one didn’t went very well pagkatapos ng mga pambabaligtad na sinabi niya kay
Dylan. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito ngayon considering na alam
niyang ayoko sa kanya.

She started the conversation. “Sorry.”

Sinibukan ko umakto na parang wala lang sakin but the truth is I really wanted to
hear what she has to say. I want to know whether she’s saying or telling the truth.
“For what?”

Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng worktable ko. “For everything. For all the
damages I did to you and your family. For lying to you before, for putting the
blame on you, for leaving Dylan. I’m terribly sorry Ate Zea.”

I remained silent. Bakit nga ba ang hirap ng paniwalaan ang sinasabi ng babae na
‘to? Ganun na kasi kalalim at kasakit ‘yung iniwan niya samin noon. And finally,
when we moved on she came back carrying another bomb ready to explode at us. This
time it’s bigger, dahil pati sila Sophia damay na. This time it is more
complicated.

“I can’t accept your apology.” Sagot ko sa kanya. Mabuti ng sabihin sa kanya ang
totoo. Ayokong magpakaplastic sa kanya. I want her to know that I resent her.
“Hindi na mababawi ng sorry mo ang mga nangyari at ang mga nangyayari ngayon. If
you really are sorry then leave. Take your son with you, umalis na kayo sa buhay ko
sa buhay ni Dylan sa buhay naming lahat.” Matigas kong sabi sa kanya bago bumalik
sa pagchecheck ng contracts. I tried hard enough to stop myself from shaking,
nanginginig na talaga ako sa galit ko sa kanya.
Nagulat na lang ako ng bigla siyang pumunta sa gilid ko at lumuhod. I turned to her
at lalo pa siyang naglumuhod sakin. Halos kulang na lang sumayad na ‘yung noo niya
sa sahig.

“A-anong ginagawa mo?” Gulat na gulat kong tanong sa inasal niya. Never ko pang
naimagine na ganito si Alisha. Na hihingi siya ng tawad sakin at luluhod pa para
lang patawarin ko siya.

“Please Ate Zea tanggapin mo na si Zion. Sila Tita Dea at Tito Zeus tanggap na
siya, sana ikaw din. Please. I’m niot asking you to accept me too, just my son,
just Zion. Afterall he is still your nephew.”

Hindi ako sumagot sa mga sinasabi niya. I was already holding back my tears.
Nephew? Si Aian lang ang kinikilala kong pamangkin ko. How could she na aalis siya
ng walang pasabi at babalik siya bigla tapos gusto niya maging ganito kadali ang
lahat?

“Tumayo ka nga dyan! Sa tingin mo ba Alisha madadaan mo sa pagpapaawa ang lahat?


No!” I said trying to make her stand up but she kept on kneeling and pleading to
me.

“Please Ate Zea. Anak din naman siya ni Dylan e. Please siya lang talaga. You don’t
have to worry about me, I promise you I’ll be gone soon. I just wanted Zion to have
a family.” Umiiyak na siya habang nakaluhod.

She’ll be gone soon? Anong ibig niyang sabihin? Iiwan niya ang anak niya samin? She
wanted Zion to have a family pero iiwanan niya?
Pinilit ko na siyang hinila patayo at dinala sa tapat ng pinto ng office ko. “You
may leave now.” I gestured towards the door.

Pinunasan naman niya ‘yung mga luha niya at binuksan ‘yung shoulder bag na dala
niya. May nilabas siyang parang papel or something at pilit na inilagay ‘yun sa
kamay ko.

Tinignan ko kung ano ‘yung binigay niya, picture ng isang bata.

“That’s Zion when he turned one. May naalala akong tao nung after madevelop ng
picture na ‘yan.” Huling sabi niya bago siya lumabas ng pinto ng office ko.

I badly wanted to cry upon seing the photo. Hindi ko pa nakita ng maigi ‘yung bata
dahil nung inabutan ko sila sa bahay nila Dylan I couldn’t look at him. I was so
afraid na baka anak nga siya ni Dylan then it would mean that I really have to
accept him even if didn’t want to. But now, nakaramdam ako ng konting awa dun sa
bata at pati na din ng konting acceptance dahil kamukha pala siya talaga ni Dylan.

Kamukhang kamukha siya ni Dylan.

Alisha’s POV

“Dyan na lang po sa tabi.” Sabi ko sa driver ng taxi na sinakyan ko. Tinabi naman
niya ito sa gilid pagkatapos nagbayad na ako bago bumaba.

After kong manggaling sa boutique ni Ate Zea nahilo ako so I decided na tumuloy na
sa bahay nila Sophia. Nag doorbell lang ako at sandali lang pinagbuksan na ako nung
older maid nila Sohia. She’s carrying Zion na agad namang nagpabuhat pagkakita niya
sakin.

“Hello baby, did you miss Mommy?” Tanong ko sa kanya.

Tumango tango naman siya at sumagot ng “Opo.” I kissed his cheeks after then turned
to walk inside.

Pagkapasok ko ng sala nagtaka ako sa mga nakita ko. Blood stains were all over the
floor at may konti din sa puting couch sa living area. Kinabahan naman ako kaagad,
ano naman ang nangyari dito? Hinarap ko si Manang para magtanong. “Manang, ano po
ang nangyari?”

Doon ko lang napansin na parang namumula ‘yung mata ni Manang. Hindi ko alam kung
teary-eyed siya o kakagaling niya lang sa pag-iyak. “Nag-away kasi sila Ma’am at
Sir pati na ‘yung si Sir Cyril na kaibigan nila.”

Nagtataka naman ako. I met Cyril, sure he doesn’t like me, I can’t blame him for
that. Pero ano naman kayang pag-aawayan nila ni Dylan para umabot sa ganito kalala?

“Manang, pakihawak naman po muna si Zion.” Inabot ko si Zion kay Manang at pinulot
ko ‘yung mga papers na nakakalat sa sahig. I was wrong dahil hindi naman pala sila
basta papers. They were pictures. Pictures of Cyril and Sophia together, kissing,
hugging pati na din sa loob ng kotse.
Maybe this is what happened. Agad kong hinanap si Sophia kay Manang. “Nasaan po si
Sophia? Si Aian nasaan?”

Bigla naman lumabas ‘yung younger maid nila Dylan na may buhat kay Aian. Kung si
Manang namumula lang ang mata, siya naman umiiyak na. “Pinaalis po si Sir si Ma’am,
naiwan po si Aian dito samin.”

This is a disaster. I’m sure na kung ano man ang meron sa mga pictures na ito,
Sophia has a reason. I don’t believe that she’s having an affair with Cyril.
Sandali ko pa lang nakilala si Sophia pero i know for myself how much she loves
Dylan and their son. Hindi niya gagawin ito sa kanila. She’s not like me. Iba siya.
She’s way different.

“Nasaan si Dylan?” Tanong ko na lang sa kanila. I need to talk to him. I need to


hear his side.

“Nasa may pool po, kanina pa nga po ‘yun dun. Umiinom, may sugat po siya sa kamay
kasi sinuntok niya po yung salamin ayaw niya pong ipagamot at natatakot din po
kaming lumapit sa kanya.” Umiiyak pa ding sabi nung maid.

“Ako na pong bahala.” Sabi ko sa kanilang dalawa. Pumunta muna ako sa guest room
kung saan nila ako pinastay para ibaba ‘yung bag na dala ko at kumuha na din ng
first aid kit.

Pagkatapos nun agad kong pinuntahan si Dylan sa may pool area. Naabutan ko siyang
umiinom na mag-isa, nakakadalawang malaking bottles na nga siya. Yung cuts niya sa
kamay ganun pa din, may mga dugo pa din at halata na hindi pa siya nagagamot.

Naupo ako sa poolside, beside him and started treating his cuts. Good thing that he
let me thought nakatulala lang siya sa kawalan habang umiinom ng alak. Ang lalaki
ng cuts niya sa kamay, malakas siguro ang impact ng pagkasuntok niya sa mirror sa
living area. Sinigurado ko naman na nalinis ko ‘yung mga sugat niya, halos maubos
na nga ‘yung dala kong cotton at alcohol sa paglinis ng mga sugat niya. After that
nilagyan ko ‘yun ng antiseptic bandages, hanggang sa natapos akong gamutin siya
wala siyang sinabi sakin o kahit sulyap man lang.

“Papasok na ako sa loob, call me if you need someone to talk to or if you need
help. Kawawa naman kasi sila Zion at Aian, madami ding gagawin ang maids.”
Pagpapaalam ko sa kanya before ako nag attempt na tumayo kaso pinigilan naman niya
ako.

Finally he faced me looking so wasted. Naawa ako sa state ni Dylan ngayon. Naisip
ko tuloy, naging ganito din ba siya after I left him? Sobrang laki din ng kasalanan
ko sa kanya. Inisip ko ngang I don’t deserve his forgiveness but he gave it to me.
Ngayon, I couldn’t help it but feel guilty. Ganito din siguro siya nasaktan noon.

His question confirmed my thoughts. “Bakit mo ba kasi ako iniwan noon? Kung sana
hindi mo ako iniwan noon, hindi ako masasaktan ulit ng ganito ngayon.”

Sana nga Dylan. Sana lang hindi na kita iniwan before. You were the best and nicest
boyfriend I’ve ever had and I took you for granted. I would admit that when we came
back, I was hoping that you are still inlove with me, that I can reclaim my
position in your life. But then, there’s Sophia, I saw the way you look at her. You
would look at me that way before. I knew I couldn’t force myself into you anymore
so I accepted it.

That was all I wanted to say to him but I think that would be very selfish of me to
make a move while Sophia is not around. I couldn’t and I never would do that.
Instead I gave him a weak smile. “You should thank me that I left you. If it
weren’t for me, you wouldn’t have a chance to meet her, to fall inlove with her.
You wouldn’t have Aian.”

Umiyak na siya dahil sa mga sinabi ko. I hugged him from my side and let him cry it
all out. “I know you don’t regret knowing and loving her. Di ba?” Tanong ko sa
kanya.

He answered in between his sobs. “Hindi. Hinding hindi ako nagsisisi.”

I nodded kahit na hindi naman niya nakikita. It hurts to see the man you once and
still love, get hurt for loving somebody else.

Sana ay nakabawi bawi na ako dahil sa update na 'to ha. =) Baka medyo matagalan din
'yung mga updates pero susubukan ko pa din siya gawin every weekends, may pasok na
kasi ako sa Monday. ;) Pero don't worry, tatapusin ko na talaga 'to. This March for
sure may ending na 'to. Thank you guys sa pag vote and comment every update! ♥ 

=================

Chapter Sixty Six

Chapter 66

Sophia’s POV

“Sigurado ka lang ba na ayos ka lang hija?” Makailang ulit ng tanong ni Tita Nanda
bago niya kami iwanan ni Janna sa kwarto niya.
Dahil wala akong ibang alam na pwede kong puntahan, dito na ako tumuloy sa kanila.
“Opo Tita. Ayos lang po ako.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Ayokong pati si Tita ay
mag-alala sa akin. At kaya din dito ako tumuloy sa kanila dahil ayokong malaman ni
Mama na may problema na naman kami ni Dylan lalo pang uuwi ako doon sa hindi ko
kasama si Aian. Kung sasabihin ko naman kay Tita Nanda ang totoo, siguradong
maaalarma siya at hindi siya papaya na hindi ito makakarating kay Mama. Ayokong
mag-alala pa silang lahat, baka mas lalong hindi ko kayanin.

Tumingin siya sakin ng isa pang beses na para bang sinusuri kung ayos lang talaga
ako bago ngumiti ng tipid at hawakan ako saglit sa pisngi. “Sige, maiwan ko muna
kayong dalawa dyan. Magluluto lang ako ng dinner natin.”

Tumango lang kami ni Janna sa kanya kaya tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.
Pagkalabas na pagkalabas ni Tita ng kwarto ay agad na akong napayakap kay Janna.

Niyakap ko lang siya ng mahigpit na mahigpit dahil ito lang ang alam at kaya kong
gawin sa ngayon. Wala pa man din akong sinasabi sa kanya pero naririnig kong
umiiyak na din siya. Ganito yata talaga ang mga kaibigan, kahit wala ka pang
sinasabi nararamdaman na nila kung gaano ka nasasaktan. Sa panahong ganito
nagpapasalamat pa din talaga ako na nandito pa din siya sa tabi ko, na may kaibigan
akong katulad niya.

“Hindi kita pipilitin magkwento sissy kung hindi mo pa kaya, pero nandito lang ako.
Welcome ka dito sa bahay hanggang kailan mo gustuhin.” Bulong niya habang umiiyak
at mahigpit din na nakayakap sakin. Kahit masakit ikwento alam kong kailangan ko
din ng mapagsasabihan nitong bagay na ito, baka kasi pag sinarili ko lang lalo
akong mahirapan.

Bumitaw ako sa yakap ko kay Janna at nagkanya-kanya kaming punas ng mga luha namin.

“Pinalayas na ako ni Dylan. Galit na galit siya sakin.” Sabi ko sa kanya. Bawat
salita parang napakabigat bigkasin. Pagkasabi ko pa lang ng pangalan niya agad na
namang bumigat yung dibdib ko. Lalong lumakas yung pag-iyak ko kaya natakot akong
marinig ako ni Tita Nanda.
Hinawakan naman ni Janna ng madiin ‘yung dalawang kamay ko at bakas sa boses niya
ang pag-aalala. “Bakit? Bakit niya ginawa ‘yun? Anong dahilan para magalit siya
sa’yo?”

Nakailang iyak at hikbi muna ako bago ko magawang sumagot muli sa kanya. “Si
Cyril.” Pagkatapos ay isang mahabang iyak na naman ang pinakawalan ko pero
sinubukan ko pa ding ituloy ang mga sasabihin ko. “Hinalikan niya ako, yung
pictures, may pictures. Nakita iyon ni Dylan, nagalit siya. Hindi ko sinasadya.”
Hikbi. Iyak. Hikbi. Iyak. Pero pinilit ko pa ding magsalita. “Hindi ko ginusto.
Maniwala ka sakin, si Dylan ang mahal ko. Hindi ko gusto ‘yun. Ayoko na ng ganito.
Masakit na. Janna, masakit.” Kahit ako parang hindi ko na maintindihan ‘yung mga
sinasabi ko. Hindi ko na kayang magsalita ng tuwid. Hindi ko na kayang ibigay lahat
ng detalye sa mga nangyari. Masyadong masakit. Parang dinudurog ang puso ko tuwing
naalala ko ‘yung reaskyon ni Dylan sa mga pictures. Sa tuwing naalala ko kung paano
niyang bugbugin ang matalik niyang kaibigan na akala ko kaibigan ko din. Sa tuwing
naaalala ko kung paano niya sinuntok ‘yung salamin at kung paano na lang tumulo
‘yung dugo sa mga kamay niya. Yung pagtabig niya sakin, yung mukha niyang umiiyak,
yung mukha niyang may bakas kung gaano siya nasasaktan, kung paano niya ako
tinalikuran, kung paano niya ako iniwan. Lahat ‘to nandito pa din sa utak ko,
paulit ulit lang pero hindi ko magawang sabihin ang mga detalye dahil bawat
pangyayaring ‘yun pakiramdam ko katapusan na.

Hindi naman kinwestyon ni Janna ang mga sinabi ko. Marahil alam niya din na hindi
ko pa magawang masabi ang lahat. Patuloy lang siya sa paghawak sa kamay ko at sa
pakikinig kahit alam kong halos wala siyang maintindihan.

“Shhhh. Huminga ka muna Soph.” Pagpapatahan niya sa akin kahit na siya mismo ay
umiiyak na din ulit. “Magkakaayos din kayo ni Dylan. Baka kailangan niyo lang muna
ng space, baka kailangan lang muna niyang magisip. Baka kailangan lang niyang
marealize na hindi mo magagawa iyon.”

Gusto kong umasa sa mga sinasabi ni Janna. Gusto kong maniwala na baka nga
kailangan lang niyang mag-isip isip na muna. Pero may kalahating parte ng utak at
puso ko ang natatakot na paano kung hindi lang pala ganun iyon? Paano kung dumating
yung oras na mapagod siya sa sakit na nararamdaman niya at sumuko na siya sa pag-
isip na mahal ko naman siyang talaga. Paano pag umayaw na sakin si Dylan?
Iniisip ko pa lang ang sakit sakit na. Mawawalan ng direksyon ang buhay ko kung
sakaling mangyari yun. Baka nga mabaliw pa ako.

Umiling iling ako habang patuloy na nahihirapang huminga dahil sa lakas ng mga
paghikbi ko. “Hindi ko kaya. Ayoko. Mahal ko si Dylan. Janna.... Mahal ko siya.”

“Shhhh. Hindi siya sususko sa inyo. May Aian kayo, hindi siya basta bibitaw sa
inyo.” Hinagod na ni Janna yung likuran ko dahil sa hirap na nga akong huminga.

Ng marinig ko pa lalo ang pangalan ng anak ko mas lalo akong nalungkot sa sitwasyon
namin. Paano na lang si Aian ngayon? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Sino kayang
nag-aalaga sa kanya? Makikita ko pa kaya ulit ang anak ko?

Dylan’s POV

Nagising akong masakit na masakit ang ulo. Pakiramdam ko pa may mga nakabarang
bulak sa loob ng ilong ko. Pero kahit gaano kasakit ang ulo ko at gaano katindi ang
hilong nararamdaman ko wala pa ding tatalo sa sakit na nararamdaman ng puso ko.
Umagang umaga gusto ko na naman tuloy ulit uminom ng alak kahit na hindi pa
bumababa ang tama ko.

Kasalanan ko naman ‘to. Karma ko din siguro ‘to. Ako lang ang nagtulak sa kanya
para gawin niya ‘to. Kung bakit ba kasi inisip ko na ayos lang sa kanya na dito
tumira si Alisha. Bakit ba kasi inisip kong matatanggap niya na may anak ako, na
naiintindihan niya. Sino ba naman ang gugustuhin na may anak na pala sa iba ang
mapapangasawa mo? Niloloko ko lang pati ang sarili ko.
Pinahid ko lang ‘yung luhang pumatak na naman sa mata ko. Hindi ko pa din pala
mapigil na hindi umiyak. Hindi ko kayang magpanggap na malakas dahil sa totoo lang
hinang hina ako ng wala siya.

Babangon na din sana ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto namin at pumasok. Si
Alisha.

“Gising ka na pala.” Matipid siyang nakangiti sakin pagkapasok niya.

Pinigil ko na ‘yung pagluha ko at pinunasan ‘yung mata gamit ang likod ng palad ko
bago tuluyang bumangon na hawak ang masakit kong ulo.

“May tumawag kani-kanina lang. Yung company na inapplyan mo, pinagrereport ka nila
today.” Pagbabalita niya.

Umiling ako. “Tinatamad ako.”

Hindi ko inaasahan yung biglang pagtaas ng boses ni Alisha sakin. “No Dylan! You
are going to report for your work! You can’t just throw away everything because of
what happened! Hindi pwedeng sayangin mo ang buhay mo at itapon mo ang lahat dahil
may mga ibang taong gusto pang mabuhay pero wala silang panahon.” Sigurado akong
sarili niya ang tinutukoy niya sa huli niyang sinabi. “Isipin mo si Aian, he needs
you. You need this job, you want this job. You have to go. Alam ko na alam mong
hindi din magugustuhan ni Sophia pag hindi ka pumunta.”

Tama siya. Hindi nga niya magugustuhan ‘to. Bakit ba kahit na sinaktan niya na ako
siya pa din ang iniisip ko? Galit ako pero hindi ko magawang magalit ng matindi sa
kanya. Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siya magawa ‘yun, binigyan ko siya
ng dahilan para gawin ‘yun. Galit ako sa ginawa niya dahil hinding hindi ko yun
inakala. Galit ako sa sarili ko at sa ginawa niya pero hindi sa kanya. Hindi ko
kayang magalit ng matindi kay Sophia. Kahit hanggang ngayon, kahit sinaktan niya
ako, siya pa din ang iniisip ko.

“Sige, papasok ako.”

Hindi na ako kumain dahil wala din naman akong gana kaya naligo na lang din ako
kaagad at nagbihis. Ikinakabit ko na ‘yung tie ko ng pumasok ulit si Alisha sa
kwarto.

“Breakfast is ready. Gising na din ‘yung mga bata, bababa ka na ba?” Tanong niya
habang papalapit sakin.

“Hindi na ako kakain, wala naman akong gana. Kape na lang.” Sagot ko sa kanya.

Mabuti na lang at hindi na siya namilit pa. Lumapit siya ng kaunti sakin at
hinawakan ang tie ko. “Ayusin ko lang ah.” Nag-aalangan pa niyang sabi na parang
nagpapaalam. Tinignan ko lang siya pero hindi ako sumagot.

Habang seryoso niyang inaayos ‘yung tie ko si Sophia ang nakikita ko sa kanya. Yung
mga pag-aalaga niya. Ganitong ganito kami noon, tuwing pumapasok ako noon siya din
ang nag-aayos ng damit ko.
Napaatras ako ng dahil sa naalala ko.

Mukhang nagulat naman si Alisha. “I’m sorry.”

“Sorry din. Ano lang kasi...”

Tumango siya. “I know. I understand. Lalabas na ako.” Tuloy-tuloy na siyang lumabas


nun at hindi na lumingon pa ulit.

Hindi ko lang kasi kayang hayaan na siya ang gumawa ng bagay na dapat si Sophia ang
gumagawa para sakin. Kahit wala siya dito.

Bago pa man ako mawala na naman sa sarili ko dahil sa pag iisip ko sa kanya ay
bumaba na ako at dumeretso na sa dining area. Naabutan ko yung mga maid na
inaalagaan sina Zion at Aian. Mukha silang ilag ng nakita nila ako pero inalok
naman nila akong kumain.

Tumanggi na lang ako at uminom ng kaper para lang mabawasan kahit papaano ang hang-
over ko. Pagkatapos kong uminom ng kape ay kinuha ko si Aian at binuhat. Niyakap ko
lang siya. Nagpapasalamat na lang ako kahit papano na hindi pa niya naiintindihan
ang mga nanagyayari sa paligid niya, ang mg nangyayari saming dalawa ng Mommy niya.
Pasalamat na lang ako at hindi niya pa kailangan na pagdaanan ang mga bagay na
ganito. Sana lang, sana lang mapatawad ko pa ang sarili ko at pati na din si
Sophia. Sana.

Bago pa man akong maiyak ulit, ibinalik ko na si Aian sa nag-aalaga sa kanya at


nagpaalam na sa kanila. Sumama naman si Alisha sakin hanggang sa gate.
“You need this Dylan. You need to breathe for a while, focus on something else.
Good luck.” Pagpapalakas niya ng loob ko.

Tinapik ko lang siya bago ako sumakay ng kotse ko at umalis. Paliko palang ako sa
pangalawang intersection ng huminto ‘yung sasakyan ko. Pakiramdam ko naflat ‘yung
gulong ko kaya nagmamadali akong bumaba ng sasakyan para tignan kung anong
nangyari.

Nakumpirma ko ang hinala ko nung silipin ko ‘yung kaliwang gulong sa likuran ng


kotse ko. Flat nga. Naglakad ako pabalik sa kotse ko ng mapahinto ako dahil sa kung
anong bagay ang biglang tumutok sa likod ng ulo ko. Baril.

Kinabahan ako bigla pero hindi ko pinahalata sa kung sino mang may hawak noon.
Humanap ako ng tamang tymepo para humarap pero bago ko pa man tuluyang makita kung
sino iyon, ginamit na ‘yung baril na pamukpok sa ulo ko hanggang sa nahilo ako.

Bago ako tulutyang mawalan ng malay, kahit malaba na ang paningin ko, nakita ko ang
isang pamilyar na mukha. Sigurado akong siya ‘yun.

Alisha’s POV

Right after Dylan left, nagmadali kaagad ako na pumasok sa loob at inutusan ang mga
maids.
“Please pakibihisan naman po ‘yung mga bata. May pupuntahan lang po kami.” Maayos
kong pakiusap sa kanila. Hindi naman na sila nag object at agad na kumilos right
after ko silang sabihan,

Pero bago sila umalis binilinan ko sila ulit. “Please don’t tell Dylan about this.”

Nagkatinginan silang dalawa bago sila tumingin ulit sakin at tumango. Thank
goodness. Dahil naman nakaligo na ako at nagbihis na kaya habang naghihintay
tinawagan ko na ‘yung taong kikitain ko.

Sophia’s POV

Malakas na pagring ng cellphone ko ang gumising sakin. Nagmamadali akong bumangon


at dinampot yung cellphone sa bedside table ng guest room nila Janna. Alam kong
baka hindi naman siya ‘to pero umaasa ako.

At nabigo ako. Hindi nga si Dylan ang tumatawag. Si Alisha lang pala.

Nag-alangan pa ako ng una na sagutin. Malamang ngayon, alam na niya ang mga
nangyari. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang sabihin sakin.

“Hello?” Mahinang sabi ko ng sagutin ko ‘yung tawag niya.

Narinig kong napabuntong-hininga siya bilang sign of relief mula sa kabilang linya.
“Akala ko hindi mo sasagutin ang tawag ko Sophia.”

“Bakit ka pala napatawag?”

“Umalis si Dylan, pinilit ko siyang magreport sa work so I can have a chance to


talk to you.” Sagot niya. “Let’s meet up Sophia. Dadalahin ko si Aian para makita
mo siya. I know na worried ka sa kanya.”

Sa sinabi niya napaluha ako kaagad. Kahapon ko lang huling nakita si Aian pero miss
na miss ko na siya. Isa pa hindi ako sanay ng wala siya sa tabi ko. “T-talaga?”
Nanginginig ang boses kong tanong.

Seryoso lang na sumagot si Alisha. “Yes. Magkita tayo sa central park ngayon,
hihintayin ka namin. I’m also a mom Sophia, alam kong kailangan mo siyang makita.
Don’t worry kasi inaalagaan naman namin siya. Please don’t cry ha? Everything will
be alright.”

Naiyak ako lalo hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa konting saya at pag-asa
na naramdaman ko dahil sa sinabi ni Alisha. Alam kong alam na din niya ang mga
nangyari pero heto siya at pinalalakas ang loob ko, tutulungan pa niya akong makita
ang anak ko. Wala akong ibang masabi kung hindi... “Salamat Alisha. Salamat
talaga.”

“It’s fine. See you later. Bye Sophia.” Sagot niya bago putulin ang linya.

Pagkatapos ay nagmamadali akong ibinalita kay Janna kung saan ako pupunta.
*

Sa taxi pa lang papunta sa central park nasasabik na kaagad ako. Kung pwede nga
lang sigurong utusan ko ‘yung driver ng sinasakyan ko na madaliin ang pagdridrive
sinabi ko na. Gustong gusto ko ng makita si Aian. Tuwang tuwa din naman si Janna sa
ibinalita ko. Gusto niya nga din sanang sumama kung hindi lang nila kailangan
asikasuhin ang mga papel ng pagmimigrate nila.

Swerte na lang at walang traffic sa dinaanan namin kaya ilang saglit lang bumaba na
ako sa central park. Naghintay ako sa tapat ng arko ng entrance para sa isang day
fair. Siguro kaya naisip ni Alisha na dito magkita dahil gusto niyang maipasyal
namin ‘yung mga bata.

Tumingin ako sa relo ko. Malapit ng mag 11 ng umaga, siguro naman ay parating na
din sila.

Nagpalinga linga na ako sa paligid hanggang sa may humintong isang putting van sa
harap ko. Aalis sana ako sa tapat nito kung hindi lang binaba nung nagdridrive ang
bintana niya.

“Kuya Brix? Anong ginagawa mo dito?” Gulat na gulat kong tanong. Hindi ko akalain
na makikita ko siya ngayon dito.

Ngumiti lang siya sakin at tumango. Nag gesture din siya sa likod niya, sa likod ng
van at mas lalo akong nagulat nung nakita ko kung sino ang nasa loob. Sina Alisha
at yung dalawang bata. Kita ko sila nung ibinaba din ang binatana sa likod ng van.

“Oh! Bakit magkakasama kayo?” Tanong ko sa kanila. Hula ko naman na magkakilala


sila talaga dahil matagal ng kaibigan ni Dylan sila Kuya Brix at matagal din niyang
naging girlfriend si Alisha. Nakakagulat lang kasi na makita silang magkasama.

Si Kuya Brix naman ang sumagot sa tanong ko. “Nakita ko kasi sila sa labas ng
village, isinabay ko na. Ihahatid ko na kayo sa pupuntahan niyo.”

Napakunot naman ako. Bakit naman sa labas pa ng village nag-abang ng taxi? Usually
naman ay nagpapatawag na lang kami sa mga guards, lalo pa dalawang bata ang kasama
niya. At saan naman kami kaya pupunta?

Tinignan ko si Alisha pero lalo lang akong nagtaka sa inaasal niya. Hindi siya
nagsasalita man lang pero nakatingin siya sakin ng nanlalaki ang mata habang
mahigpit niyang yakap si Aian sa kaliwang kamay niya at sa kanan naman si Zion.
Yung tingin niya, para bang nagbabanta? Pero saan naman kaya? Wala naman akong
nararamdaman na masama sa paligid ko.

“Tara na Sophia.” Sabi ni Kuya Brix mula sa driver’s seat kaya naman inignore ko na
lang lahat ng mga weirdong bagay sa paligid ko at binuksan ang pinto ng van.
Sumakay ako kaagad at kinuha si Aian kay Alisha na mukhang nag-alala.

Pag-upo ko ng maayos at pagsara ng pinto ng van, doon ko nakumpirma kung bakit


ganoon na lang kung magbanta ang mga tingin ni Alisha.

Hindi lang kami ang tao dito sa loob ng van. Bago pa man ako makasigaw o makapag
react, may tumakip na sa bibig ko. Nagtubig na ang mga mata ko dahil sa hirap ng
paghinga ko. Pero kahit ganoon ay hindi ko binitawan si Aian, ganoon din si Alisha
kay Zion.

Bago tuluyan akong takasan ng kamalayan ko, ang huli kong nakita ay ang masamang
tingin ni Kuya Brix mula sa rearview mirror.
Nate’s POV

Nasa kalagitnaan ako ng pagdridrive papunta sa restaurant ng Ate ko ng may


natanggap akong tawag. Hindi ko sana sasagutin dahil badtrip pa din ako sa
pagkakasuntok niya sakin noon pero alam ko naman na hindi basta basta ‘to tatawag
kung walang malalim na dahilan lalo pang galit na galit siya sakin noong huli
kaming nagkita. Wala na akong nagawa, sinagot ko din.

“Nate, where are you?” Tanong niya kaagad pagkasagot ko.

Hindi ako sumagot ng deretso sa tanong niya. “Bakit?”

“Magkita tayo. I’ll text you the details. See you in an hour.” Sabi niya lang bago
niya putulin ‘yung linya. Hayup din talaga ‘yun. Siya pa ang nakautos, masyadong
mapride. Kung di ko lang siya bestfriend hindi ko siya sisiputin.

Dumaan na din ako saglit sa resto ng ate ko, saktong kadadating ko lang doon
nagtext na ulit si Enzo kung saan kami magkikita. Ilang kanto lang ang layo dito
kaya umalis na din ako kaagad at tumuloy doon.

Sa isang japanese restobar kami nagkita, pagdating ko nghihintay na siya sa isang


pwesto sa sulok. Kahit kailan talaga may pagka-emo itong si Enzo.

Naupo ako sa harapan niya, tinignan niya pa ako sandal habang umiiling iling bago
magsalita.

“Sorry. Sorry Nate.” Sabi niya ng seryoso at sincere.

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti na din. “Hindi ka pa nagsosorry pinapatawad


na kita sira. Sakit lang talaga ng sapak mo, gaganti pa din ako sa’yo dun sira!”
Nakuha ko na siya kaagad biruin. Karaniwan pag ganito tatawa na din siya, pero
ngayon nanatiling seryoso ‘yung mukha niya.

“I already figured out that it wasn’t you who told her parents. I’m really sorry, I
should’ve known. Damn. I’m sorry pare.” Pualit ulit niyang sinasabi na parang
sirang plaka kaya binato ko siya ng tissue na nasa lamesa. Ayokong nag eemote na
naman ‘to.

“Okay na nga. Basta bah wag ka ng uulit kung hindi sa susunod na suntok mo sakin
uupakan na din kita talaga.” Sagot ko sa kanya kaya natawa naman siya ng konti pero
bumalik din sa pagkalungkot kaya naisip ko siya, sila, na kamustahin. “Kamusta na
kayo ni Heart.”

Doon na siya nagsimulang bumuntong-hininga. Paulit ulit lang hanggang sa tumulo na


yung mga luhang alam kong kanina niya pa pinipigilan.

“I still can’t believe it Nate. I can’t. I am so confused!” Malakas niyang sabi


habang umiiyak pa din kaya napailing na lang ako at napilitang lumipat ng upuan sa
tabi niya. Mabuti na lang at hindi matao dito at nasa sulok kami.

Tinapik tapik ko ang likod niya pero nanahimik lang muna ako.
“Paano ko tatanggapin Nate? Paano ko tatanggapin na....” Huminto siya at umiyak na
naman. Pupunas niya ‘yung luha niya tapos tutulo na naman. “Damn. I can’t even say
it! That’s how ridiculous it is Nate! It’s even more melancholic than it sounds!”

Nilakas ko ang tapik sa likod niya dahil alam kong kailangan ka niya. Alam ko.
Kailan ko lang din nalaman at pati ako hindi makapaniwala. Ni hindi ko din magawang
isipin na ganito ang mangyayari sa kanilang dalawa.

“Kakausain ko siya na kausapin ka. Kailangan niyo pa ding mag-usap. Kailangan niyo
magkaliwanagan, kailangan pa din ‘tong pag-usapan. Kayong lahat, ng harapan.” Sabi
ko sa kanya pagkatapos noon ay nanahimik na kaming dalawa hanggang sa magring ang
cellphone niya.

Hindi naman siya nagdalawang isip na sagutin ‘yun kahit na sumisinghot singhot pa
siya dahil sa pag-iyak niya.

“Why?” Narinig kong sagot niya sa kung sino mang kausap niya.

Sumeryoso siya ng mukha pagkatapos nagsalita ulit. “He’s with me.” Sigurado akong
ako ang tinutukoy niya. Sino naman kaya ang tumatawag na ‘yun?

“Alright, we’ll be there.” Huling sabi niya bago ibaba ang cellphone niya.

Tinanong ko siya kaagad kung sino ang kausap niya noong humarap siya sakin. “Sino
‘yun? At saan tayo pupunta?”
Sa mukha niya, bakas kong may malaki kaming problema. “Cyril needs our help.”

Just a couple chapters to go then tapos na tayo! Di halata ano? Hahaha! Konting
wait na lang. Matatapos na tayo dito. i'm working on it hard! Tapos pala, alam ko
baka madaming malabuan sa mga sinasabi ni Enzo. Ayoko kasi ispoil 'yung story ng
Secret Love kasi after PM, irerepost ko siya. ULIT! Hahahahaha. At tatapusin ko na
siya. Promise. =) Thanks for the vote and comments. Dalawang update na lang!!!! 

=================

Chapter Sixty Seven

After nito FINAL CHAPTER na tayo. So ngayon pa lang magthathank you na ako sa mga
nag aabang pa din kahit matagal ang update. Baka medyo matagalan ulit ang FINAL
CHAPTER kasi medyo mahaba at syempre final blow na 'yun kaya sisiguraduhin kong
maayos siya. So sana konting patience pa, after naman nun tapos na eh. ;) Here
goes...

Chapter 67

Sophia’s POV

Masakit ang ulo ko at nahihilo akong namulat. Nagtataka pa ako kung nasaang lugar
ako dahil hindi pamilyar ito sakin. Pinilit kong alalahanin ang mga huling nangyari
bago ako mawalan ng malay.

Sa park. Si Alisha at ang mga bata. Yung puting van. Si Kuya Brix.
Napailing ako nung maalala ko ang mga iyon. Pakiramdam ko ay naghahallucinate lang
ako. Ayokong paniwalaan ang nakita ko dahil wala akong maisip na dahilan kung bakit
niya gagawin ito. Pero kahit ayokong maniwala, wala akong magawa. Ano pa nga bang
explanation kung bakit nagising ako sa isang nakakatakot, madilim at bakaneng
kwarto kasama si Alisha pero wala ang mga bata. Alam kong hindi na hallucinations
ito.

Binalingan ko ang taong tanging kasama ko sa nakakatakot na kwarto na ito at galit


na tinanong siya. “Nasaan ang anak ko Alisha? Saan siya dinala?! Nasaan ang anak
ko?!”

Halata ko sa kanya na mukhang hirap siyang huminga pero hindi ko napigilan ang
sarili ko na hindi mainis sa kanya.

“I don’t know Sophia!” Malakas niyang sabi sa kabila ng hirap niyang paghinga.

Sinubukan kong tumayo o kumilos man lang pero mahigpit na nakatali ang dalawang
kamay ko sa likod at pati na din ang mga paa ko. Ganun din si Alisha. Hindi na ako
mapakali dito. Bukod sa hindi ko na alam kung nasaan kami, wala pa dito ang anak
ko. Kailangan ko siyang makita, kailangan kong malaman kung ayos lang ba siya.
Lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat segundong nakaupo ako dito at walang
ibang magawa kung hindi maghintay. Kung ano man ‘yung hinihintay ko, hindi ko din
alam.

Gulong-gulo ako sa sitwasyon, marami na ngang bumabagabag sa isip ko ay lalo pa


itong nadagdagan. Nabalingan ko na naman tuloy si Alisha. “Ano ba ‘to Alisha? Ano
bang nangyayari?! Nasaan na ba ako? Nasaan na si Aian?” Umiiyak at halos magmakaawa
ko ng tanong sa kanya.

May mga namumuo na ding luha sa mata niya. “I seriously don’t know Sophia! Pati
naman ang anak ko wala dito!” Nainis ako sa tono ng pananalita niya.

Sinigawan ko siya. “Paanong hindi mo alam?! Ikaw ang nagpapunta sakin sa park na
iyon! Ikaw ang may dala kay Aian! Ikaw ‘yung nakasakay sa van! Ikaw ‘yung kasama ni
Kuya Brix sa loob! Paanong hindi mo alam kung nasaan ang anak ko?!”

“For God’s sake Sophia! Kahit ako hindi ko alam ang nangyayari!” Sigaw niya habang
umaagos na din ang luha sa mukha niya. Napatigil ako sa pagsigaw ko sa kanya at
natauhan. Nakinig ako sa mga susunod niyang sasabihin. “Please wag naman ako ang
sisihin mo dahil hindi lang naman anak mo ang nawawala dito! It’s Brix’s fault!
Palabas na kami ng bahay ng dumating siya, sapilitan niya kaming sinama ng mga
bata. I found it very odd dahil alam kong hindi niya ako gusto, wala sa mga
kaibigan ni Dylan ang may gusto sakin, pilit akong tumanggi pero huli na, may mga
kasama siya. Tatlo sila, hindi ko kilala pero lahat sila may mga dalang baril.
Pinilit niya akong sabihin kung saan kita kikitain. Sa van pinagbabantaan kita
through my eyes, I wanted to talk. I badly wanted you to take Aian and Zion with
you and make you escape. Pero hindi ko masabi Sophia. Hindi na ako natakot noon
para sa sarili ko, kasi kung papatayin nila ako they would only make it easy for me
to die. Mamamatay din naman ako sooner or later. Natakot ako para sa’yo, para sa
mga bata. Hindi ko din alam kung bakit ginawa ni Brix ‘to. Hindi ko alam.”

Nahismasmasan ako ng konti sa ipinaliwanag ni Alisha sakin. Naguilty ako sa


pagsigaw na ginawa ko sa kanya, nadala lang kasi ng pag-aalala at pagkalito. Sa
panahon ngayon hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan. Isa lang
ang alam ko, kailangan namin makaalis dito.

“Alisha, hindi ako mapapakali hangga’t hindi natin nakikita yung mga bata.
Kailangan nating makaalis dito.” Mahinang sabi ko sa kanya. Nanghihina na kasi ako,
ilang araw ng puro iyak lang ang ginagawa ko. Pagod na pagod na ako pero hindi ako
pwedeng tumigil sa ganitong sitwasyon.

“How?” Umiiyak pa din niyang sabi. Alam kong pagod at hirap na din siya, Awang-awa
ako sa itsura ngayon ni Alisha. Nakadagdag ito sa guilt na nararamdaman ko kanina
pa.
Nilingon ko ang paligid namin. Walang kahit anong laman ito, walang bagay na pwede
naming gamitin para makatakas. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil sa higpit
ng pagkakatali dito, pakiramdam ko nga nagsusugat na ito. Kaya kong umusod ng
paunti unti habang nakaupo kaya kahit hirap ako ay ginawa ko iyon para makalapit
kay Alisha.

“Tatalikod ako sa likod mo, subukan mong alisin ‘yung tali sa kamay ko.” Sabi ko sa
kanya habang umuusod ako palapit sa kanya. Hindi naman siya sumagot pero tumango
lang siya, malamang ay hirap na hirap na talaga siya kaya maging pagsasalita ay
hindi na niya makayang gawin.

Nagawa ko naman ang plano ko, kahit paunti unting usod ay narating ko ang pwesto ni
Alisha. Tumalikod ako sa kanya at nagsimula na siyang kalagan ako. Kinakabahan ako.
Kinakabahan akong baka pag tumagal pa kami dito ay may hindi magandang mangyayari.

“Bilisan mo Alisha, kailangan na nating makaalis dito. Hindi na maganda ang


pakiramdam ko. Please Alisha.” Nagmamakaawa ako sa kanya pero hindi niya ako
magawang kalagan. Dinig na dinig ko din ang bigat ng paghinga niya, hirap na hirap
na talaga siya.

“I-I can’t Sophia. Masyadong mahigpit and I’m running out of energy. Hindi ko na
kaya.” Humihikbi at nanginginig ang boses niyang sabi.

“Sige. Akin na ‘yung kamay mo, ako na lang ang magtatanggal ng tali mo.” Sabi ko sa
kanya dahil ramdam kong hindi na niya talaga kaya. Para na nga siyang hinihika sa
paghahabol ng hininga niya. Kinapa ko ‘yung kamay niya habang magkatalikuran kami,
ang kapal pala ng lubid na ipinantali sa amin at napakahigpit pa. Napakaliit lang
na chance ang makalagan ko siya pero ayokong sumuko, hindi pwedeng wala kaming
gawin.

Nakailang subok akong hilahin ang lubid sa kamay ni Alisha hanggang sa pati ako ay
naghahabol na ng hininga dala ng pagod at matinding kaba. Napatigil lang ako ng
pabalibag na bumukas ang pintuan ng kwartong kinalalagyan namin. May dalawang
lalaking pumasok, katulad ng inaasahan ko may dala silang mga baril, kasunod pa
nila ang taong hindi ko inaakala kahit kailan na gagawa ng masama. Si Kuya Brix.
Nagulat pa din ako kahit alam ko at malinaw sa akin na siya ‘yung huli kong nakita
bago ako mawalan ng malay. Ayoko lang talagang maniwala na gagawin niya ito samin,
ngayon nasa harapan namin siya. Pakiramdam ko hindi ko pa din kayang maniwala.
Hindi ko kayang maniwala na tratraydurin niya si Dylan.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit. Gusto kong marinig ang paliwanag niya pero
tinakasan ako ng boses ko. Marahil dahil sa gulat, marahil iniisip ko na masamang
panaginip lang ito. Sana nga.

Dinampot kami ni Alisha ng dalawang lalaking armado, hindi na nakapiglas si Alisha


dahil hinang hina na siya. Ganun din ako. Hinayaan na lang namin sila dalahin kung
saan nila plano. Hinanda ko na lang ang sarili ko sa mga susunod pang mangyayari
dahil alam ko simula pa lang ito.

Paglabas namin sa mismong kwarto, bumungad samin ang makulimlim na daan sa


corridor. Kakaunti lang at malamlam pa ang mga ilaw dito kaya nakakatakot maglakad.
Lalo akong kinabahan at natakot, nanlalamig na ang mga kamay ko at parang bibigay
na ang tuhod ko sa sobrang panginginig. Hindi ako mapakali, hindi ako makakalma.

Natanaw ko na ang dulo ng corridor na iyon, madilim pa din kaya napagisip ko na


baka gabi na din. Ganoon na ba ako katagal nawalan ng malay at nakulong? Kaya pala
parang pagod na pagod na ang katawan ko.

Sinubukan kong sulyapan ang mukha ni Kuya Brix pero nauuna siyang maglakad samin
kaya hindi ko mabasa ang emosyon niya. Sa ngayon hindi ko alam kung dapat ko pa nga
ba siyang tawagin na kuya, unti-unti ng nauupos ang respeto ko sa kanya. Paglabas
namin ng mismong corridor, halos malula ako sa laki ng lugar kung saan kami
nandoon. Gaya ng nasa loob, makulimlim din ang aura ng lugar dito sa labas. Mukhang
luma na ito at hindi na gaanong ginagamit ang mga bleachers na nakapalibot dito.
Unang tingin ko pa lang alam ko na kung ano ito, isang lumang race track.
Kinabahan at nanlambot agad ako ng marealize ko ang bagay na iyon. Naiyak na lang
ako ng makumpirma ko ang hinala ko. Sa kabilang banda ng lumang racetrack na ito,
nakita ko si Dylan na parang wala pa sa ulirat, halos mangudngod na siya sa sahig
kung hindi lang sa dalawang armado ding lalaki na nakahawak sa magkabilang kamay at
balikat niya.

Umiiyak akong pumiglas sa lalaking may hawak sa akin. Nagawa ko namang makawala sa
mahigpit niyang pagkakahawak, tatakbo na sana ako sa kung saan nandoon si Dylan ng
may isang braso ang humigit sakin. Nilingon ko kung sino ito, si Kuya Brix. Pinilit
kong bawiin ang braso ko sa kanya pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya
dito. Umiiling siya sakin habang malamig lang ang ekspresyon ng mukha niya.
Tinignan ko na lang siya habang patuloy na umaagos ang luha ko.

“Please kung ano man ‘to, hwag niyo ng idamay ‘yung mga bata. Nagmamakaawa ako
sa’yo wag niyo silang idadamay. Please hwag niyo silang sasaktan.” Hiling at
pagmamakaawa ko sa kanya. Sana naman ay mahabag siya, kahit na ang mga bata na lang
ang isalba niya. Wala naman silang kinalaman sa kung ano mang gulo ang meron dito.

Hindi siya sumagot sa akin at tinalikuran pa niya ako kaya halos mamuhi ako sa
kanya. Inakala kong wala na din siyang puso pero nagkamali ako. Laking pasasalamat
ko pa din kahit papaano ng kuhanin ni Kuya Brix ang mga bata sa kung saan man sila
tinatago. Kumampante ang loob ko ng siya na may hawak dito. Alam kong kakaiba ito,
sa lahat ng mangyayari sa amin ngayon dapat ay hindi ko na pinagkakatiwalaan si
Kuya Brix pero sa lahat ng tao dito, sa kanya na lang ako umaasa para sa kaligtasan
ng mga anak namin.

Nilingon ko ulit si Alisha na parang mawawalan na ng malay. Si Dylan na wala pa din


sa sarili niya. Ano bang nangyayari sa amin?

Sa gitna ng pag-iyak ko ay may dumating pang dalawang sasakyan sa loob ng race


track na iyon. Sa unang pamilyar na sasakyan, bumaba ang isa pang taong
kinamumuhian ko. Si Cyril. Kasabwat din pala siya dito? Kaya ba niya kami sinira ni
Dylan dahil nagtratraydor din siya? Hindi ko mahugot saan man sa utak ko kung paano
nilang nasisikmura ni Kuya Brix na gawin ito sa matalik nilang kaibigan. Mas mababa
pa sa criminal ang tingin ko sa kanila ngayon. Nasasaktan ako para kay Dylan dahil
buong buhay niya, magkakasama na sila. Nasaaktan din ako para sa sarili ko dahil
pati ako ay naging kaibigan na din nila. Nagtiwala din ako sa kanila, pero ganito
pala.
Suminghap ako ng bumukas ang pinto ng isa pang sasakyan na dumating. Halos mabingi
ako sa sariling kabog ng dibdib ko. Bumaba ang isang lalaking namumukhaan ko.
Kumunot ang noo ko sa pag-iisip kung sino ba iyon at kung saan ko nga ba siya
nakita. Hindi naman tumagal ay naalala ko ang una at huling beses na nakita ko
siya. Siya iyong kalaban nila Dylan sa race, ‘yung tinatawag nilang DK. Siya ba?
Mukha talagang may mga masamang plano ‘yung lalaki dahil sa madilim na aura niya,
mukha siya talagang nakakatakot. Pero kung siya ang gumagawa nito, ano naman ang
motibo niya? Bakit? Ng dahil lang ba natalo siya nila Dylan kaya ginugulo niya
kami? At bakit kakampi niya sina Kuya Brix at Cyril? Ano bang ginawang masama sa
kanila ni Dylan?

Sa pagbaba ng isang babae mula sa kotse noong si DK, nasagot ang ilan sa mga tanong
ko. Hindi ako makapaniwala. Siya? Siya pala ang puno’t dulo nito?

Si Prim. Hinding hindi ko siya makakalimutan dahil isa siya sa mga pinag-awayan
namin ni Dylan noon. Siya iyong suicidal na babaeng namaster na yata ang paglandi
kay Dylan na kahit sa harapan ko ay wala siyang pakialam. Gumaganti siya. Nababaliw
na siyang talaga. Pero ang ipinagtataka ko ay kung anong koneksyon niya sa DK na
ito? Bakit siya nito tinutulungan?

Sumakit ang ulo ko sa biglang pagbuhos ng mga tanong sa utak ko. Masyadong madami.
Masyadong magulo. Hindi ko mapagtagpit tagpi ang lahat ng nangyayari. Hindi ko
kayang idigest lahat ng ito. Masyadong kumplikado.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkatuliro at pagkalito ng maagaw noong si DK ang atensyon


naming lahat gamit ang malakas at nakakakilabot niyang tono. “Ang tagal kong
hinintay ang araw na ito. Muntik na akong mainip sa paghihintay.” Ngumisi-ngisi pa
siya na parang demonyo habang nagsasalita siya. Bumaling siya sa kung saan nandoon
si Dylan at ngumisi pa ulit. “Kamusta Dylan?”

Hindi naman siya sinagot ni Dylan pero tinignan lang siya nito ng sobrang sama.
Kung pwede lang niyang sugurin ng suntok si DK, sigurado akong ginawa na niya.
Halos lupaypay pa din ang itsura ni Dylan pero mas maayos ayos na ngayon kaysa
kanina. Naiinis tuloy ako dahil wala man lang akong magawa para sa kanya. Ni hindi
ko nga alam kung galit na glit pa din ba siya sa akin. Hindi siya sumusulyap dito
sa gawi ko. Pakiramdam ko nasusuka pa din siyang makita ako pagtapos ng lahat ng
kasinungalingan na ipinaniwala sa kanya ni Cyril.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng unti-unting lumapit si DK sa akin at hinawakan


ako sa mukha. Tinignan ko lang siya ng may kasamang pagkamuhi pero ang totoo
natatakot ako. Sinilip ko si Dylan na para bang nanghihingi ng tulong sa kanya pero
hindi niya ako tinitignan. Mukha pang napansin iyon ni DK kaya nilingon niya sa
Dylan at pagbalik ng tingin niya sa akin nakangisi pa siyang umiling. Ito ang gusto
niya. Nakuha na niya ang gusto niyang mangyari, galit na sa akin si Dylan. Masaya
na ba siya? Mukhang hindi pa.

Lumayo na siya sa akin at naglakad papunta naman sa pwesto ni Dylan.

“Ano bang gusto mong mangyari ha? Sabihin mo ng matapos na ‘to.” Matigas na sabi ni
Dylan sa kanya.

“Masyado ka namang atat Dylan.” Tumawa ng malademonyo si Dk pagkatapos ay


sumeryoso. “Isa lang naman talaga ang matagal ko ng gusto. Alam mo naman ‘yan.”

“Hindi ka pa ba nagsasawang matalo?” Pagmamayabang pa ni Dylan. Gusto ko siyang


batukan sa mga oras na ito at sabihing hindi ito ang oras para magyabang siya pero
halos hindi na ako makagalaw sa higpit ng hawak sakin ng isang gunman nila.

Mukhang napikon si DK sa sinabing iyon ni Dylan dahil naningkit ang mata niya at
kinuyom niya ang kamao niya. “Mayabang ka pa din hanggang ngayon Elizalde. Tignan
natin mamaya kung sino ang uuwing luhaan sating dalawa. Tandaan mo lang naman kung
sinong mga hawak ko.” Ganting sagot niya kay Dylan.

Kinabahan ako para sa aming lahat. Nahihibang na si DK, parehas sila ng Prim na
iyon. Nagsama pa silang dalawa!
“Pero masyado na akong nababagot sa madalas na ginagawa nating pagrarace. Bakit
hindi natin dagdagan ng thrill. Hindi ba Cyril?” Sabay baling niya sa traydor na si
Cyril. Ngumisi naman ito ng kagaya kay DK. Parehas na silang demonyo sa paningin ko
ngayon.

Nagpatuloy si DK sa pagsasalita. “Para mas maganda, kailangan mong magdesisyon. At


hindi lang ito basta kung tatanggapin mo ang hamon ko o hindi. Sa ayaw at sa gusto
mo, lalaban ka sakin. Pero dahil mabait naman ako...” Huminto siya at umaktong
parang nag-iisip. Gustong bumaligtad ng sikmura ko noong sinabi niyang mabait siya.
“Pag nanalo ka, pwede kang may isalba. Yung mga anak mo at ang ex-girlfriend mo o
ang babaeng mahal mo ngayon. Yun ay kung mananalo ka lang naman!” Humalakhak pa si
DK at halatang halata sa mukha niya na naaaliw siya sa mga ginawa niya. Wala siyang
kasing sama.

Lalong tumalim ang tingin sa kanya ni Dylan. Napakabigat na desisyon ang kailangan
niyang gawin. Ngayon pa lang gusto ko ng mamatay. Mas lamang ang kabilang panig,
tatlo sila. Nandoon pa ang mga anak namin. Samantalang ako, mag-isa lang ako at
kinamumuhian niya pa. Parang ayaw ko na marinig ang sasabihin ni Dylan dahil alam
kong masasaktan lang ako kahit na ang gusto ko din namang isalba niya ay yung mga
bata at si Alisha. Gusto lang talaga nila DK na maging mas masakit at mahirap ang
lahat para sa amin.

Nakita kong pabuka na ang bibig ni Dylan kaya inihanda ko na ang sarili kong
masaktan sa sasabihin niya pero imbes iba ang sinabi niya. “Simulan mo na ‘to,
dahil tatapusin ko na ‘to ngayon.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binitawan at kinalagan na siya ng dalawang


lalaking humahawak sa kanya. Naglakad siya ng gumegewang pa ng kaunti papunta sa
kotse niya. Gusto ko siyang pigilan dahil alam kong hindi basta ito. Sigurado akong
dadayain na naman siya ng DK na iyon. Sa dami ng pinag gagawa nito sigurado akong
hindi ako papayag na matatalo ito muli.

“Dylan hwag!” Sa wakas ay lumabas na din ang boses na akala kong wala na. “Dylan
hwag ka ng lumaban sa kanya! Kuhanin mo na lang sila Alisha at ang mga anak mo. Wag
mo ng ipahamak ang sarili mo!” Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan o
nilingon man lang. Wala na akong nagawa kung hindi umiiyak at manghina.

Sumakay na si Dylan sa kotse niya pero hindi pa natapos ang pagpapalala ni DK ng


sitwasyon. “Sandali lang, parang may kulang!” Sumenyas siya kay Cyril at nakangisi
pa din itong lumapit sa kanya. “Boring din kung dalawa lang kami, bakit hindi ka
sumali?”

Mas lalo kong ikigalit ang sagot ni Cyril. “Matagal ko ng gustong talunin yan,
hindi naman yan mananalo kung wala kaming mga kasama niya. Tss.” Pagtapos ay natawa
pa siya na parang napakaobvious ng sinabi niya. Hayop ka Cyril! Isinusumpa kita!

Nagpalitan sila ng matalim na tinginan ni Dylan bago sumakay si Cyril sa kotse


niya. Ng nagsimulang umandar ang mga sasakyan nila hindi na ako lalo mapakali sa
kinatatayuan ko. Kahit nangangatog ang tuhod at buong katawan ko sa takot ilang
beses ko pa ding sinubukang makawala sa lalaking may hawak sa akin. Kahit
nasasaktan na ako sa pagkakahigpit ng hawak niya sakin ay hindi ako tumigil.

Bumibilis na ang mga sasakyan nila, halos hindi ko na nga sila masundan ng tingin
dahil din sa kapal ng alikabok. Ng humupa ‘yung mga alikabok doon ko nakita na
kahit kanina ay halos lupaypay si Dylan siya pa din ang nauuna sa kanila. Humanga
ako sa kanya pero kinabahan din lalo dahil kasunod lang naman niya si Cyril. Alam
kong magaling din siya at siya lang ang tanging nakakatalo kay Dylan. Natatakot ako
sa pwede niyang gawin.

Nahuhuli naman si DK sa kanila. Sigurado akong alam niyang wala pa din siyang
panabla kay Dylan kaya isinali niya si Cyril. Lalong bumilis ang pag andar ng
sasakyan niya, para ba silang mauubusan ng oras kung magpatakbo kaya lalo akong
kinabahan. Kahit kailan hindi ko na kayang panoorin na may mangyaring masama ulit
kay Dylan gaya ng nangyari noon.

Nagkapag-asa ako ng makita kong palapit na ulit si Dylan dito. Ibig sabihin siya pa
din ang nauuna. May pag-asang manalo siya at may maisalba siya sa amin. Pero agad
na mabawi iyon ng biglang lumihis ang sasakyan ni Dylan. Humampas ito ng malakas sa
pader ng concrete racetrack na ito. Agad din namang nakabalik si Dylan sa track
niya pero humampas siyang ulit sa pader, ngayon mas malakas na sa una. Napatingin
ako sa dahilan kung bakit nawawalan ng control sa pagdridrive si Dylan. Si Cyril!
Ginigitgit nito ang sasakyan niya at intentionally na binabangga!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ko
para makawala sa lalaking may hawak sa akin. Nagawa kong makatakbo kahit na parang
bibigay ang tuhod ko. Malayo layo pa ang kinaroroonan ni Dylan sa kung nasaan ako
pero hindi ko ‘yun ininda. Basta kailangan ko lang makarating sa kung nasaan siya
ngayon.

Nakapako ang tingin ko sa kanila kaya kitang-kita ko ng isang malakas na pagbangga


ang binigay ni Cyril sa sasakyan ni Dylan. Tuluyan na itong nawalan ng control at
humampas sa barricade. Napahinto ako sa pagtakbo dahil sa nakita ko. Umuusok at
wasak na ang sasakyan ni Dylan. Basag ang mga salamin, sira ang mga pintuan.

Ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa pinagbanggaan ni Dylan pero hindi ko na
nagawang humakbang pa. Tulala na lang akong bumagsak sa kinatatayuan ko.

Nawalan ako ng dahilan para humakbang ulit ng makita kong bumagsak ang kamay ni
Dylan mula sa sirang pinto ng kotse niya. 

=================

Chapter Sixty Eight: FINAL CHAPTER

Note: Yung italicized paragraphs po ay flashback scenes

Perfect Mistake

 
The Final Chapter

Chapter 68

Sophia’s POV

Tumigil ang paghinga ko. Nanlamig ako. Namanhid ang buong sistema ko, wala na akong
maramdaman kahit ano.

Hindi. Hindi pwede ‘to.

Gusto ko siyang puntahan, gusto kong tumakbo papunta sa kanya pero nanghihina ako
sa pwede kong makita. Napagdaop ko na lang yung dalawa kong palad at tinakip yun sa
bibig ko habang umiiyak. Hindi ko pa man din napapatunayan sa kanya na hinding
hindi ko siya kayang lokohin. Hindi ko pa man din naitatama ang mali niyang iniisip
na hindi ko siya mahal.

Parang noong nakaraang araw lang pinag uusapan namin kung ano na ba kami after 10
years. Sinabi ko pa sa kanya na lahat naman magbabago except my love for him. Pero
bakit ganito? Bakit kailangan pang mangyari sa amin ‘to? Bakit kailangan nilang
saktan si Dylan ng ganito dahil lang iba ang minahal niya? Hindi ako makapaniwalang
may mga taong kayang gumawa nito, at mga kaibigan pa niya.

Napahinto ako sandali sa pag-iyak ng may taong pilit na nagtayo sakin kung saan ako
nakaluhod. Si Nate. Nagkaroon ako ng konting pag-asa. Nagawa kong magsalita kahit
halos paos na boses lang ang lumabas dito. “Nate, si Dylan. Si Dylan. Hindi siya
pwedeng mamatay, hindi niya ako pwedeng... Nate si Dylan.” Bumagsak na lang ang mga
braso ko sa mga braso ni Nate at nanghina na naman ako. Hindi na naman tumigil ang
luha ko sa pag-agos. Doon ko lang din nakita at napansin na basang-basa na ng luha
ang buong mukha ni Alisha. Umiiyak na si Zion at Aian na para bang naiintindihan na
nila ang nangyayari.
Pero ang lalong ikinadurog ng puso ko ay ng makita ko sina Kuya Brix, Cyril at Enzo
na pinanonood lang kami pero wala silang ginagawa. Wala silang ginagawa para
tulungan si Dylan. Para siguraduhin na buhay pa nga siya. Wala. Maski si Nate na
ang ginagawa lang ay patahin ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito.
Tinalikuran ba nilang lahat si Dylan? Pero magkakaibigan sila!

Sumiklab yung puso ko sag alit kaya kahit hinang hina ako at pagod na sa kaiiyak
nagawa kong itulak si Nate at sigawan. “W-wala ka bang gagawin?! Hahayaan mo na
lang bang ganito ang mangyari?!” Bumaling ako sa tatlo pang traydor na kaibigan ni
Dylan. “K-ayo?! Wala ba? Hahayaan niyo na lang mamatay...” Nasamid pa ako ng
sabihin ko iyon at muling bumuhos ang luha ko. Napakahirap sabihin ng salitang
kahit kailan ayokong manyari kay Dylan. Pero kailangan kong ipamukha sa kanila ang
ginawa nila. “...yung kabigan niyo. Magkakasama kayo simula mga bata pa kayo.
Bakit?” Galit nag alit kong tanong sa kanila hanggang yung lakas ng boses ko ay
unti-unting naging hikbi. “Bakit? Bakit si Dylan? Bakit siya? Bakit?”

Hindi na din nagawang makalapit ulit ni Nate. Lahat sila’y nakatingin lang sakin na
walang ekspresyon. Wala. Kahit man lang awa o pagkahabag.

Sa gitna ng pag-iyak ko may isang babaeng tumawa. Napalingon ako sa kanya at agad
na sumama ang tingin ko. Halos takbuhin ko na ang kinaroroonan niya para lang
sabunutan siya dahil alam ko naman na siya ang may pasimuno ng lahat ng ito.
Nahawakan lang ako sa braso ni Nate at nagpipiglas pa din ako dahil sa galit ko sa
babaeng ‘yun.

Tumawa lang ng tumawa na parang baliw si Prim pero hindi siya nagsasalita. Tumawa
siya na akala mo nanonood ng isang sitcom, na akala mo may nagbitaw ng isang
nakakatawang joke, na parang may isang lalaking nadulas sa harapan niya kaya
pinagtawanan niya ito. Tumatawa siya habang kami umiiyak. Pero sa wakas narinig ko
din ang boses niya. “Wala na siya di ba? Makakalimutan ko na siya kasi wala na siya
di ba?” Pagkatapos noon ay tumawa ulit siya dahilan para pumiglas na naman ako kay
Nate.

Lumapit naman sa kanya si Drev at tumango. “Oo wala na siya. Tapos na. Sasama ka na
sa amin ha? Aalis na tayo.” Maamong sabi niya kay Prim na akala mo bata ang kausap
niya.

Tumango naman si Prim at tumawa ng paulit ulit. Tawang masakit sa tenga dahil alam
kong ang dahilan ng pagtawa niya ang siya namang dahilan ng pag-iyak ko.

Pinagmasdan ko lang silang dalawa na sumakay sa sasakyan nila habang nakakuyom ang
kamao ko. Aalis na sila ng ganun ganun lang? Na parang isang normal na race lang
ang nangyari? Iyon ba ang gusto nila? Iyon ba ang gusto nilang mangyari?

Umalis ang sasakyan ni Drev, sakay niya si Prim doon at ang natira na lang na bakas
ay ang usok kung saan sila dumaan.

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko kay Nate para lang magulat siya at bitawan
niya ako pero hindi niya nagawa. Nanatili siyang nakahawak ng mahigpit sakin kahit
bakas na bakas ko sa mukha niya ang lakas ng sampal ko. Tinanggap niya lang ‘yon.

“Sophia, hwag ka ng umiyak.” Mahinang sabi lang ni Nate habang nakatingin ng


seryoso sakin.

Pinagpapalo ko na naman siya, kahit saan. Gago ba siya? Sa tingin niya sa mga
nangyayari dapat akong tumawa kagaya ng baliw na Prim na iyon?!

Pati si Enzo na kaninang nakatitig lang ay lumapit na din sa akin para awatin ako.
Maging si Kuya Brix na may hawak hawak kay Aian at Zion. Pagkalapit pa lang niya sa
akin, kinuha ko agad ang dalawang bata sa kanya. Ayokong pati sila ay saktan nila.
Wala naman silang kinalaman dito.
Nilingon ko ulit sa likod ko si Alisha, hinang-hina na siya pero hindi din siya
tumitigil sa pag-iyak.

Kahit tuloy-tuloy ang agos ng luha ko, tinignan ko ng masama sila Brix. “Ano? Anong
gagawin niyo sa amin ngayon? Tratraydurin niyo din kami?!”

Tinaas niya ang kamay niya at aaktong lalapit sakin pero umusod ako paatras kahit
buhat ko yung dalawang bata. “Ano?! Papatayin niyo din kami?! Gaya ng ginawa niyong
pagpatay kay Dylan?!” Sigaw ko sa kanilang apat.

Hindi naman sila nagulat sa sinabi ko, malamang inasaahan na nila iyon pagkatapos
ng ginawa nila. Ang hindi ko inaasahan, ay iyong ako ang magugulat.

“Sino bang nagsabing patay na ako?” Malakas na sabi ni Dylan habang naglalakad ng
paika-ika palapit samin. Madami siyang sugat at gasgas maging hanggang sa mukha
niya, may dugo sa kaliwang pisngi niya at sa kanang parte ng noo niya. Ang dumi ng
itsura niya na at may parte sa suot niya ang sira sira na. Akala ko namamalikmata
lang ako noong nakita ko siya. Hindi ba? Patay na ba siya? Nababaliw na ba ako sa
mga nangyayari kaya nag iimagine na ako?

Lumapit naman si Enzo at Cyril sa kanya para akayin siya. Ibig sabihin, totoo nga
ito?

Dahil sa pagkagulat ko, noong lumapit sakin si Brix at tapikin ang balikat ko hindi
na ako nakaiwas. “Sophia, hayaan mo akong magpaliwanag.”

Brix’s POV

 
“Sophia, hayaan mo akong magpaliwanag.”

Hindi naman siya sumagot. Ni kumurap hindi din kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita
ko. “Sophia, hindi kami nakipagkampihan kay Drev para traydurin si Dylan. Ginawa
namin ‘yun para sila ang matalo natin. Para masigurado namin na walang mangyayaring
masama sa inyo... Naisip namin, if we cannot beat theam then we’ll join them...”

Napanganga naman si Sophia sa mga sinabi ko. Alam kong sobra sobra ang gulong
nangyari, maiintindihan ko kung hindi agad marehistro sa utak niya ang mga sinasabi
ko. Masyado pa siyang gulat pero kahit ganoon, alam kong kailangan ko pa din
ipaliwanag ang lahat.

***

Nagduda ako sa pagiging tahimik ni Cyril. Kahit naman kasi alam kong may problema
siya sa pag-ibig, may kakaiba pa din sa ikinikilos niya lalo pa noong may natanggap
siyang text.

Hindi na ako nagdalawang isip pang sundan siya kung saan mang lupalop siya pupunta.
Kinakabahan kasi akong may gagawing kalokohan ang kumag na ‘to lalo pa pag ganitong
wala siya sa sarili niya.

Dumistansya ako ng kaunti para hindi niya mapansin ang pagsunod na ginagawa ko sa
kanya. Hindi naman ganoon kahaba ang byahe, noong natanaw kong huminto na ang
sasakyan ni Cyril ay itinabi ko ang kotse ko at huminto na din. PInanood ko lang
siya hanggang sa bumaba siya ng sasakyan niya at pumasok sa isang lumang gusali
pero nahulaan ko kaagad na bar iyon dahil may dalawang bouncer sa labas.

Hindi din naman nagtagal si Cyril sa loob. Halos 10 minutes lang ay lumabas na ulit
siya. Nagmadali tuloy akong nagtago sa kotse ko para hindi niya ako mahalata at ng
makalagpas na siya, sinundan ko na naman siya. Dumertso naman na siya pauwi sa
building ng unit niya. Pagkatapos noon ay binalikan at pinagmatygan ko lang muna
‘yung bar na pinanggalingan ko kanina. Naisip kong baka mahirapan akong makapasok
dito dahil hindi naman siya public bar at mukhang medyo tago din. Ano kayang ginawa
ni Cyril doon? At sino kayang may-ari ng pribadong bar na ito?

Ilang araw akong parang ewan na detective na buntot ng buntot sa lokong si Cyril.
Muntik ko na ngang mapaniwala ang sarili ko na wala namang kagaguhang ginagawa
itong si Cyril. Sinabi ko na ito na ‘yung huling araw na susundan ko siya dahil
baka mahalata na.

Kaso noong araw na iyon, bumalik siya ulit sa bar na pinuntahan niya. Katulad ng
unang beses hindi naman siya nagtagal doon. Sinundan ko ulit siya, napansin ko na
lang na hindi ruta pauwi ang tinatahak namin kaya lalo akong nagduda at kinabahan
para kay Cyril. Malayo-layo na ang tinatakbo namin at naaatat na din akong malaman
kung saan ba siya pupunta hanggang sa wakas ay huminto na din ang sasakyan niya sa
tapat ng isang malaking bahay na hindi naman pamilyar sa akin.

Pumasok din siya doon sa loob, naghintay ako. 10 minutes, 30 minutes, hanggang sa
maka-isang oras pero hindi naman siya lumabas ng bahay na iyon. Muntik na akong
makatulog sa kahihintay pero napawi lahat ng antok na nararamdaman ko ng makita
kong may isa pang sasakyan na huminto sa tapat ng bahay. Atat na atat akong nag
abang kung sino man gang bababa sa sasakyang iyon at napamura na lang ako sa sarili
ko ng makita ko ang magkapatid na si Drev at Drake.

Anong ginagawa ni Cyril sa bahay nila?

Kinabahan ako bigla para sa sarili ko lalong lalo na sa kumag ni Cyril. Nahihibang
na yata ang lalaking ‘yun para pumunta sa bahay ng mga Santiago! Gusto na sanang
tumakbo papasok doon at higitin si Cyril paalis pero alam kong hindi ‘yun ang dapat
kong gawin.

 
Kung gagawin ko iyon, hindi ko malalaman ang dahilan kung bakit nandito si Cyril at
kung bakit tinanggap siya ng magkapatid. Kailangan ko ng plano.

“Kuya! I’ll be going ha? Magpapaspa lang kami ni Chella.” Maarteng pagpaalam sakin
ni Brinna sabay alis na sana pero sinitsitan ko siya at sinenyasan na bumalik siya
dito.

Napanguso na naman siya at nagreklamo. “What na naman ba Kuya?! Malalate na ako oh.
Gosh, you’re so asar!” Umiirap irap pa siyang naupo sa mahabang sofa namin.

“Yang lipstick mo nga bawas bawasan mo, saka yang suot mong heels baka madapa ka!”
Paninita ko na naman sa kanya. Mabuti na lang ngayon nakapants siya, yun nga lang
makapal na spaghetti strap naman ‘yung pang itaas. Batang ‘to talaga.

“Orange na nga ‘yung lipstick ko e! Akala ko ba you don’t like red lang?!” Inis na
inis niya sabi habang kinakalkal ‘yung bag niya, nilabas niya lahat ng mga laman
nito para lang makuha ‘yung tissue niya.

“Oo nga, pero ang kapal pa din ng lipstick mo kahit pa orange yan.”

Nagmaktol na naman siya pero wala naman siyang magawa kung hindi bawasan ang kapal
ng lipstick sa labi niya. Pagtapos noon ay padabog siyang umalis.

Sa kamamadali niya, naiwanan niya tuloy ang cellphone niya. Dinampot ko ‘yun at
inihabol sa kanya.

“Brinna! Brinna!” habol ko sa sasakyan namin kaso huli na, Nakaalis na sila kaya
bumalik na lang ako sa loob at inilapag sa center table yung cellphone ng kapatid
ko. Bumalik na lang ako sa pag-iisip kung paano ko malalaman ang transaksyon ni
Cyril at Drev ng hindi nila nahahalata.

Napatingin ulit ako sa cellphone ni Brinna at biglang nakaisip ng plano. Kinuha ko


iyon at binitbit paakyat ng kwarto ko. Hinalughog ko ang mga cabinet koat kinuha
ang cellphone na nakuha ko dati sa bahay ni Cathy.

Kinuha ko doon ang number ni Drev at ginamit ang cellphone ni Brinna para magsend
ng message.

Message Content: Drev Kristoffer Santiago, madami akong alam na kailangan mo laban
sa fast five. Magkita tayo ngayong hapon sa Griffin bar, PR37.

Mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa isang private room ng Griffin bar ng
dumating si Drev. Akala ko nga noong una hindi na siya sisispot.

Halata ko sa mukha niyang nagulat siya sa kung sino ang dinatnan niya dito pero
ngumisi din naman siya pagkatapos. “Ikaw pala yun Montez. Anong masamang hangin ang
nakapagdala sa’yo dito?

Pormal lang ang mukha kong humarap sa kanya. “Alam ko na may koneksyon kayo ni
Cyril.”

Natawa naman siya bigla na parang nasisiraan na. “Bakit? Pipigilan mo siya?”

Ngayon, ako naman ang natawa saglit. “Bakit? Bakit ko gagawin iyon? Si Cyril nga
ang nakapagbigay sakin ng idea na matagal ko naman ng gustong gawin.”

Naghihintay lang siya sa mga sasabihin ko kaya nagpatuloy ako. “Matagal na akong
naiinis sa paghahari-harian ni Dylan sa grupo namin pero pinagbibigyan ko siya
dahil kapatid niya si Zea. Pero nitong huli, pati siya nakialam na din samin. Gusto
kong gumanti sa kanya.” Umarte ako na parang may galit talaga akong kinikimkim kay
Dylan. Sana lang ay bumenta sa kumag na ito ang mga pinagsasabi ko. Kung
kinakailangan kong magkunwari na kakampi nila ako, gagawin ko. Malaman ko lang kung
anong plinaplano nilang masama kila Dylan.

Napangisi ng todo si Drev. “Paano ko mapapatunayan na tunay yang mga sinasabi mo


Montez?”

Umasta akong kagaya niya. “May plano ako.”

***

“Kaming tatlo nila Cyril at Drev ang nagplano ng pagset-up sa inyo ni Cyril. At ako
ang kumuha ng mga pictures niyo ni Cyril sa park.” Pag-amin ko kay Sophia.

Nanlaki ang mata niya sa gulat at parang hindi siya makapaniwala sa lahat ng
ikwinento ko. “P-paanong? B-bakit niyo nagawa iyon?”
“Kailangan namin paniwalain si Drev na kaya namin kayong saktan at sirain para
makuha namin ang tiwala niya. Kailangan namin mapatunayan na kakampi niya kami. Ako
din ang nagdala sa inyo dito, dahil gusto kong masiguro na hindi masasaktan ang mga
anak niyo at pati na din kayo ni Alisha. Kinailangan namin pumasok sa grupo ni Drev
para masiguradong walang mangyayaring masama sa inyo.”

Sa mga sinabi ko wala ng nagawa si Sophia kung hindi umiyak na lang. Malamang pagod
na din siya at masyado ng naguguluhan sa mga pangyayari. Naaawa nga ako sa kanya,
pero mas mabuti ng ganito kesa mas malala ang gawin ni Drev sa kanila kung hindi
naman siya naunahan.

“Sorry Sophia. Sorry kung nasaktan ka sa mga ginawa namin. Pero maniwala ka, ginawa
naming lahat ‘yun para sa inyo.” Sabi ko sa kanya.

Napalingon naman ako kay Cyril ng magsalita din siya. “Sorry Soph. Hindi kita
chinansingan nun, parte lahat yun ng plano.” Pabiro niya pang sabi.

Naiyak lalo si Sophia habang buhat buhat niya pa din ‘yung dalawang bata kaya
nilapitan na namin siya ni Cyril at niyakap. Lalo nga lang siyang naiyak. Kahit ako
muntikan na. Hindi mahirap ‘tong mga ginawa namin. Naaawa kami sa kanila pero alam
namin na kailangan namin silang saktan para iligtas din sila sa bandang huli.

“Pucha naman. Ayoko na, naiiyak ako.” Umiiyak ng sabi ni Cyril ng bumitaw siya sa
pagkakahawak kay Sophia. Punas pa ng punas ng luha ang loko. “Sige na, ayos na
naman kayo dyan di ba? Mauuna na ako. May kailangan pa akong hanapin.” Natatawa
pero umiiyak niyang sabi.

Alam ko naman na isa din si Cyril sa mga nakahinga ng maluwag dahil tapos na ito.
Pwedeng pwede na sila ngayon ng girlfriend niya, ang problema niya lang ay kung
saan ito hahanapin.
“Sige na tol. Salamat!” Naiiyak din na sabi ni Dylan sa kanya. Nagtapikan pa sila
ng balikat bago tuluyang sumakay si Cyril sa kotse niya at umalis.

Pagkatapos umalis ni Cyril ay nagkatinginan naman sina Sophia at Dylan.

“Soph...” Mahinang bigkas ni Dylan at unti-unting lumapit kay Sophia.

Naisipan kong kuhanin ‘yung dalawang bata at dalahin si Zion kay Alisha. Alam kong
kailangan mag-usap ng maigi ni Dylan at Sophia.

Dylan’s POV

“Soph...” Unti-unti akong lumapit sa kanya. Bakas pa din sa mukha niya ang
pagkagulat at pagtataka kahit na madami na ding ipinaliwanag si Brix sa kanya.

Hinawakan ko siya sa balikat gamit ‘yung kaliwang kamay ko at ginamit ko naman


‘yung kanang kamay ko para punasan ‘yung luha niya. Hindi pa din siya tumitigil sa
pag-iyak.

“H-hindi ko maintidihan Dy.” Tuloy pa din siya sa pag-iyak kaya ginamit ko na ‘yung
parehas kong kamay para punasan ang luha niya. Napagbuntong-hininga na lang ako
bago simulan ang sarili kong paliwanag.
***

Nagising ako ng matinding pagkahilo pa din ang nararamdaman ko. Sinubukan kong
igalaw ‘yung katawan ko pero parang hirap ako. Nakatali pa ata ng mga kamay ko sa
likuran ko dahil hindi ko din ‘yun magalaw. Mga paa ko lang yata ang hindi
nakatali.

Pagkagising ko, may tatlong taong nakamasid sakin. Sina DK, Cyril at Brix.
Napakunot ako sa pagtataka kung anong ginagawa ng tatlong ito dito sa harapan ko.
At kung bakit kasama ni Brix ang walanghiyang DK na ito at ang traydor na si Cyril.

Sandali. Ang huli kong naaalala ay ‘yung pagkaflat ng kotse ko at ‘yung pagkawala
ng malay ko. Agad akong napatingin kay Cyril. Siya. Siya ang nagdala sakin dito.

Hindi pa humuhupa ang galit ko sa hayop na ‘yun ay dinagdagan niya pa lalo.


Nakipagkampihan pa siya sa kaaway ko. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong
pilit na tumayo at sumugod sa kanya.

“Subukan mo.” Sagot niya lang sabay tutok ng baril na hawak niya sa tapat ng dibdib
ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Bumilis ang pintig ng puso ko, dahil sag alit
at sa kaba. Hindi ko alam kung paano naaatim na gawin sa akin ‘to ni Cyril.

“Ano bang kailangan mo sakin Cyril? Kung papatayin mo ko, patayin mo na ko.”
Tapang-tapangan kong sabi kahit sa totoo lang natatakot din ako para sa sarili ko.
Ayokong mamatay. Hindi ako takot mamatay, oo. Takot lang akong masaktan ang mga
taong maiiwan ko pag namatay ako.

 
Ngumisi si Cyril ng maangas kaya hindi ko na lalo napigilan ang sarili kong lumapit
sa kanya. Napahinto lang ulit ako ng maramdaman ko na naman ang isa pang baril, na
tumutok naman sa ulo ko. Nilingon ko kung sino ang may hawak nito, si DK pala.

“Hindi pa ba nangangatog ang tuhod mo ngayon Dylan?” Pananakot niya pa. Hindi ko
siya sinagot pero tinignan ko siya ng masama.

“Hindi ba dapat ikaw ngayon ang mangatog sa takot ha Drev?” Biglang sabi ni Brix
sabay tutok ng baril niya sa sentido nitong si DK.

Natawa pa ng konti si DK bago sumagot. “Don’t be ridiculous Brix Montez. Ibaba mo


na ‘yang baril mo.”

Naramdaman kong inalis ni Cyril ang baril niya sa tapat ng dibdib ko at inilipat
iyon sa tapat ng dibdib ni DK. “Ikaw kaya ang magbaba ng baril mo.”

Nakita kong nagngingitngit na sa galit si Dk pero pinigilan niya ito. “Ano bang
ginagawa niyong dalawa?”

Hinablot ni Cyril mula sa kamay ni DK ‘yung baril nitong nakatutok sa ulo ko bago
sumagot. “Masyado ka kasing umasa, masyado kang tanga. Sa tingin mo ba naman
ipagpapalit ka namin sa taong buong buhay na naming kakilala?” Tumawa pa si Cyril
na parang nang-aasar kay DK. “Yung utak hindi display yan, ginagamit yan minsan.
Uto-uto.”

Nagulat ako sa mga sinabi at ginawa nilang dalawa. Ibig sabihin ba nito hindi nila
ako trinatraydor?

 
Kumuha si Brix ng maliit na kutsilyo, lumapit ng konti sakin at pinutol ang lubid
na nakatali sa kamay ko. Pagkatapos kong maalis lahat ng lubid sa kamay ko, inabot
naman sakin ni Cyril ‘yung baril na hawak kanina ni DK.

“Maupo ka dun!” Sigaw ni Cyril sa kanya habang pilit siyang pinauupo sa pwesto ko
kanina.

Aakto sana siyang kikilos para labanan kami pero napatigil siya sa banta ni Brix.

“Kahit makatakas ka saming tatlo, hindi ka na makakalabas ng buhay dito. Akala mo


ba mga tao mo pa ‘yang mga nagbabantay sa labas?” Pumalatak pa si Brix at ngumisi
din ng pang-asar. “Mga gang members na ni Carlo yan, pinatulog na nila ang mga
alaga niyo. Kaya kung ako sa’yo, hindi na ako magtatangka.”

Wala ng magawa ang Dk na ‘to kung hindi sumunod sa utos nung dalawa. Pagkatapos
niyang umupo ay tinignan ako nila Cyril at Brix habang nakatutok pa din ang mga
baril nila kay DK.

Hinawakan kong mabuti ang baril at ititnutok na din sa kanya. “Sabihin mo kung
bakit mo ginagawa samin ‘to? Ano bang motibo mo?”

Nagmatigas pa siya at hindi sumagot kaya naman napikon na si Cyril at pinukpok ito
ng mahina sa ulo gamit ang baril. “Magsasalit ka ba o ano?”

Nasaktan si DK sa pukpok ni Cyril pero hindi niya pinahalata, mukhang may plano pa
dapat siyang magmatigas pero bumigay na din siya. “Ginagawa ko ‘to para makaganti
sa’yo.” Sabi ni habang nakatingin ng deretso sa akin. “Dahil kahit anong gawin ko,
ikaw lang ang nakikita ng babaeng mahal ko.”
 

Napakunot kaming tatlo sa sinasabi ni DK. Babaeng mahal niya? Sino naman?

Para masagot ang mga tanong namin, nakinig na lang kami sa mga susunod na sinasabi
ni DK.

“Nagsimula ‘yun lahat ng mapanood ka niyang mag-race, parati na lang siyang


nanonood ng mga laban ninyo. Mula sa bahay, kahit sa kung saan parating ikaw ang
bukambibig niya. May gusto na ako sa kanya noon, kahit na alam kong bawal dahil
kapatid ang turing niya sakin. Inampon kasi siya ng mga magulang ko, hindi man
legal pero sa mata ng mga taong nakapaligid samin magkapatid kami.” Pagtuloy niya.

Napaisip naman ako kung sino ‘yun. Wala naman kasi akong alam sa buhay ng DK na
‘to.

“Dahil sa kababanggit niya ng race na ‘yan, sinubukan ko ito. Madali naman akong
natuto, pinag aksayahan ko din kasi ng panahon at oras. Noong natuto na ako, akala
ko magaling na ako. Akala ko matatalo na kita.” Tumingin siya ulit ng deretso sa
akin pagkatapos ay yumuko. “Siya kasi mismo ang nagsabi sakin na magaling na daw
akong kumarera. Humanap ako ng mga kagrupo, hinamon namin kayo. Nilamon ako ng
galing niya kaya natalo ako.”

Unti-unti nagiging garalgal na ang boses ni DK. Ayokong isipin na baka gusto na
nitong umiyak at pinipigil lang. Malabo kasing mangyari ‘yun.

“Mas lalo siyang humanga sayo ng matalo mo ang grupo namin. Hanggang sa yung
paghanga na iyon ay naging obsession na niya. Dati siyang nursing student sa school
niyo, pangarap niya talaga ‘yun. Pero dahil sa pagkagusto niya sa’yo napilitan
siyang lumipat ng course para sundan ka. Humabol siya, nag advance classes para
lang maging magkaklase kayo Dylan. Halos kinalimutan na niya lahat ng tao sa
paligid niya, pati pangarap niya kinalimutan niya dahil lang umaasa siyang baka
mapansin mo siya.”

 
Ngayon parang alam ko na kung sino ang babaeng tinutukoy niya. Siya lang naman ang
alam kong humabol lang sa klase namin, at kaya pala ganun na lang siya kung
makadikit sa akin sa classroom.

“Kumalat ‘yung tungkol sa inyo nung Megan, medyo natakot siya pero hindi pa din daw
siya susuko sayo. Pero nung kumalat na ang tungkol sa inyo ni Sophia, at ng
kumpirmahin mo pa ‘to sa buong academy niyo. Doon na siya nagsimulang magbago.
Naging irritable, bayolente at mausisa na siya. Unti-unti na siyang nawala sa
sarili niya, kaya nga niya nahuli noon sina Honey at Drake na may relasyon pala.”
Ngayon kay Cyril naman siya tumingin.

Pati tuloy kami ni Brix ay napatingin kay Cyril na ngayon ay nakakuyom ang mga
bagang at halatang nagpipigil ng galit.

“Yung relasyon naman nung dalawa ang naging dahilan para atikihin sa puso ang mommy
namin at mamatay. Mas lumala ang kalagayan niya noon, hanggang isang araw pagdating
ko sa bahay nagwawala na siya. Ng tanungin ko siya kung anong problema niya, sinabi
niyang ipinahiya daw siya ni Cyril sa harap ni Dylan at pati ang asawa mo Dylan,
inaway siya. Bumalik siya sa pagwawala hanggang sa hindi na namin siya makontrol.”
Ngayon kumpirmado ko na siya nga ang babaeng tinutukoy ni Dk. Si Primitiva Cruz.
Siya nga.

Nang mag-angat ng tingin si DK samin, gulat na gulat kami ng makitang namumula na


ang mata niya at ilong dahil sa pag-iyak. Kung hindi lang seryosong pagkakataon
ito, baka tinawanan ko na siya.

“Kayo! Kayo ang may kasalanan kaya siya nagkaganyan! Ikaw Dylan, binuhos niya lahat
sayo pero binalewala mo siya! Kaya plinano ko lahat ‘to para kayo kayo mismo ang
magkasira, para kayo mismo ang masaktan at magkasakitan. ‘Yang si Honey, pinalapit
ko lang naman siya sa inyo para maging espiya, pinasakay ko lang din siya dahil may
kasalanan siya samin nila Drake. Hindi ko alam na pati pala siya magiging
importanteng parte ng plano ko.”

Sa lahat ng sinabi ni DK, si Cyril ang pinakahindi nakapagpigil ng galit. Dahil din
siguro kay Honey. “Eh tarantado ka pala! Bakit samin mo sinisisi lahat ng nangyari
sa baliw na babae na ‘yun?! Bakit? Hiniling ba ni Dylan na gawin niya iyon?
Pinangakuan ba siya? Hindi naman di ba?! Sarili niya mismo ang nagpaasa sa kanya!”
Galit na galit na sabi ni Cyril, pilit naman siyang inaawat ni Brix pero ayaw
niyang paawat. “Kung tutuusin nga pinakisamahan pa siya kahit papano ng maayos ni
Dylan kaya gago ka, wag mong isisi samin lahat. Lalong lalo na kay Honey!

Hindi na sumagot ulit si DK at tuloy-tuloy lang na umiyak. Ni minsan sa tanang


buhay ko, hindi ko inasahan na iiyak ‘to sa harap namin o magpapakita ng kahinaan.

Huminga akong malalim para pakalmahin ang sarili ko at hindi saktan ‘tong lalaki na
‘to sa harap namin. Una dahil naaawa ako, at pangalawa, ayokong maging kagaya niya.

“Ano bang gusto mong mangyari? Ano ba talagang huling plano mo para manahimik ka
na. Para matapos na ‘to.” Pilit kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sakin na parang batang naagawan ng candy. “Gusto ko lang makita ni
Prim na matalo kita, ‘yun kasi ang kondisyon niya para pumayag na sumama sakin sa
Amerika at magpagamot. Sinubukan ko na kasi siyang itakas noon at dalahin doon
kahit ayaw niya pero mas lalo lang siyang lumalala. Gusto ka niya talagang matalo
Dylan, gusto niyang gumanti sa’yo.”

Tumango ako sa mga sinabi niya at nilingon ‘yung dalawa ko pang kasama. Sa tinginan
pa lang ay parang nagkaintindihan na din kami. Ganito yata talaga pagmatagal na
kayong magkakaibigan.

Si Brix na ang unang sumagot. “Kaya ka naming panalunin.”

“At kaya naming magmukhang makatotohanan ang pagkapanalo mo.” Dugtong ni Cyril.
“Pero dapat siguraduhin mong pagkatapos nito, hinding hindi ka na magpapakita
samin.”
 

Wala ng nagawa si DK kung hindi pumayag kaya pinag-usapan namin ang plano.

***

“Sina Enzo at Nate, sila ang tumawag sa grupo ni Carlo noong umpisa pa lang. Kasama
na din sila sa plano, sisiguraduhin din nilang aalis na ng bansa sila DK.” Pagtapos
ng pagpapaliwanag ko kay Sophia. Akala ko pagakatapos nito hindi na siya iiyak.
Nagkamali pala ako.

Pinaghahampas niya ako sa dibdib ko habang humahagulgol. Doble tuloy ang sakit
dahil masakit din talaga ang buong katawan ko. Sinadya ko din na ipasadsad ang
sasakyan ko sa mga barricade, nag-ingat naman akong hindi masaktan pero hindi din
siguro maiiwasan.

“N-nakakainis ka! Nakakainis ka talaga. K-kung plinano niyo pala iyon, bakit hindi
mo sinabi sakin? Bakit mo ko pinag-alala?!” Patuloy ang hagulgol niya habang ‘yung
mga palo niya sa braso ko ay humihina na.

Niyakap ko na siya ng mahigpit at doon naman napatigil ang paghampas niya sa dibdib
ko. Umiyak na lang siya ng umiyak. “Sorry. Shhh. Sorry baby ko. Ginawa lang namin
‘yun dahil kailangan namin ‘yung reaksyon mo, masyadong delikado din kaya mas
mabuti ng wala ka munang alam. Sorry na.” Pag-amo ko sa kanya pero hindi ko naman
siya magawang patigilin sa pag-iyak.

“A-akala ko....” Huminto siya para umiyak pero pinilit niya pa ding tapusin ang mga
sasabihin niya. “A-akala ko, mawawala ka na.” Isang malaking hikbi pa ang
pinakawalan niya. “Akala k-ko, mawawala ka na nga hindi mo pa ako n-napapatawad.”
Niyakap ko siya ng sobrang higpit pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niyang
‘yun. Hindi ko na din mapigilan ang sarili kong maiyak kahit na ang totoo masaya
ako. Masaya akong okay lang siya at tapos na din ang gulong ito.

Humiwalay ako sa pagkayakap ko sa kanya, pinunasan ulit ang mga luha niya. “Ako ang
dapat magsorry sa’yo dahil hindi kita pinakinggan.”

Ngumiti naman siya kahit papano sa sinabi kong ‘yun.

Nginitian ko na din siya at hinalikan sa noo bago magsalita ulit. “At hindi pa ako
pwedeng mawala dahil magpapakasal pa tayo di ba?”

Sa huli kong sinabi, napangiti at napaluha siya ng sabay. Hindi ko na tuloy


napigilan ang sarili kong halikan siya.

Cyril’s POV

Natatawa ako habang naglalakad sa madamong daanan papunta sa bahay ng Lola ko.
Hindi ko din alam kung bakit ako natatawa. Sa dinami-dami ba naman kasi ng lugar
bakit hindi agad ito ang naisipan kong puntahan?

Napangiti na lang ako ng makitang tama nga ang desisyon kong pumunta dito. Sa ilang
buwan kong paghahanap, hindi ko kaagad naisip na dito ko lang pala siya makikita sa
likod bahay ng Lola ko, nag-aayos ng garden.

“Lola!” Malakas kong bati kay Lola. Parehas naman silang napalingon sakin at halos
lumuwa ang mata ni Pukyot ng makita ako.

“Hoy pukyot, namiss mo ba ko?” Pang-asar kong tanong sa kanya.

“Ay apo, ilang linggo na kitang hinihintay. Ang tagal-tagal mong makarating dito.
Hay nako, o siya, alam kong mag-uusap kayo. Maiwan ko muna kayo mga lovebirds at
maghahanda ako ng hapunan natin. Enjoy!” Bagets na sabi ni Lola, humalik muna ako
sa pisngi niya bago niya kami iwan ni Pukyot na mukhang hindi pa din nakakabawi sa
pagkagulat.

Kung hindi ko pa yata pinitik ‘yung kamay ko sa harapan niya, hindi pa siya
magsasalita.

“A-anong ginagawa mo dito Cyril?! Bakit ka nandito?!”

Sumakit ang ulo ko at natawa ako sa nakakabaog niyang tanong. “Bakit naman hindi
ako pwepwedeng mapunta dito e bahay ‘to ng Lola ko.”

Namula siya tuloy ay napahiya kaya napanguso na naman siya. Namiss ko ‘yang itsura
niyang mukha siyang bata. Hindi na ako nagpigil pa at niyakap ko na siya ng
mahigpit at hinalikan sa noo.

“Halika, punta tayong falls.” Pag-aya ko sa kanya.


*

Nakaupo kami batuhan sa gilid ng malawak na falls, nakasandal siya sa dibdib ko


habang nakaakbay naman ako sa kanya. Maya-maya hinahalikan ko ang gilid ng ulo niya
dahil namiss ko talaga ang abnormal na ‘to ng sobra sobra.

“Batman...”

“Mmm?”

Umalis siya sa pagkakahilig sakin at hinarap ako. “Bakit mo pa ako hinanap? Di ba


sabi ko bumalik ka na sa mga kabigan mo? Sabi ko wag mo na silang guluhin e.”

Tumango ako sa kanya. “Wala naman nang gulo e, tapos na. Ayos na ang lahat.”

Nanlaki na naman ang mga mata niya. “Ha?! Paano?”

Ngumuso ako ng konti bago sumagot. “Mahabang kwento, tinatamad ako e. Basta ang
mahalaga, wala na tayong problema. Malaya na tayo.” Paniniguro ko sa kanya.

Pero dahil umiral na naman ang pagkaslow niya. “Ha? Malaya saan?”
Natawa naman ako ng makaisip ako ng pangtritrip sa kanya. Nginisian ko siya.
“Malaya na tayong gawin ang lahat ng gusto nating gawin.” Pang-aakit ko sa kanya
habang unti-unti akong lumalapit sa kanya.

Automatic naman na napatayo siya at napatakip sa dibdib niya kahit na may suot
naman siya. “H-hoy! Dito talaga? As in dito batman?! Sa f-falls?!”

Gusto ko ng humagalpak ng tawa pero pingilan ko pa din. Tumayo na lang din ako at
lumapit ulit sa kanya ng unti-unti. “Oo naman. Bakit? Hindi naman pinagbabawal
gawin iyon dito hindi ba?”

Namula bigla ang mukha niya at patuloy pa din siya sa pag atras. “N-nakakahiya! B-
baka may makakita sa’tin no!”

Tuluyan na akong nakalapit sa kanya kaya hinawakan ko ang magkabilang braso niya.
“Ano naman? Ayaw mo ba ng may audience ha?”

Nanlaki lalo ang mata niya kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko. “Kanina ko pa
talaga gustong gawin sa’yo ‘to e!” Sabi ko sabay tulak sa kanya sa falls. Tumalon
din naman ako kaagad kasunod niya dahil alam kong hindi siya marunong lumangoy.

“Waaaaah! Nakakainis kaaaaa!” Maktol niya ng yakap ko na siya habang nasa tubig
kami. Ang cute talaga ng babaeng ‘to.

*
Pagkatapos naming maligo sa falls, bumalik na din kami kaagad sa bahay ng Lola ko
para makapagpalit ng damit. Sakto namang maghahapunan na din ng makabalik kami.

Masayang masaya si Lola na nandito kaming dalawa ni Honey. Sana nga daw, dito na
lang kami tumira sa kanya para naman lagi siyang may kasama. Naisip ko nga pwede
din tutal gusto naman ni Pukyot dito.

Pagkatapos naming kumain at magligpit ng pinagkainan hinila ko si Pukyot papuntang


sala at inabot sa kanya ang isang malaking kahon na may lamang damit.

“Para saan naman ‘to batman? Saka bakit naman puting-puti?” Nagtataka niyang tanong
habang sinisipat ‘yung damit na binigay ko sa kanya.

Hindi pa nga ako nakakasagot sa tanong niya ay bigla na siyang nataranta. “T-teka!
White dress?”

Casual lang akong sumagot sa kanya. “Oo. Para sa kasal.”

“Kasal?! Teka naman batman! Di ka pa nga nagpropropose! Di pa nga ako pumapayag e!”
Sigaw naman bigla ni Pukyot.

Natawang ewan naman tuloy ako sa sinabi niya. “Hindi naman ikaw ang ikakasal,
kumalma ka nga dyan. May kasal tayong pupuntahan.”
Sophia’s POV

Kasalukuyan akong nagmamake-up ng biglang may kumalabit sakin sa balikat ko.

“Wait lang miss.” Sabi ko doon sa make-up artist ko at halos mapatalon ako ng
makita kong si Janna pala iyon, may kasama pa siyang isang surpresa.

“Baklaaaa!” Tili ni Krista sabay yakap ng mahigpit sakin.

“Bruha ka, namiss kita! Akala ko hindi ka makakapunta!” Mahigpit din na yakap ang
ginawa ko sa kanya. Simula kasi ng umalis siya ng Hillsdale ay hindi na kami
gaanong nagkausap. Nung inivite ko nga siya, akala ko din hindi siya pwede. Loka
talaga ‘to.

Bumitaw na din siya sa mahigpit naming yakapan. Napansin ko kaagad na mas gumanda
si Krista ngayon, mukhang blooming.

“Pwede ba namang hindi ako makapunta dito e pinangako natin sa ngalan ng mga
hairbrush natin nung 1st year collegena dapat present tayo pag may kinasal na isa
satin!” Tatatawa-tawa niyang sabi. Natawa din tuloy kami ni Janna dahil naaalala
niya pa pala iyon.

“Hindi na nga ako nakapunta ng nanganak ka kasi sobrang busy ko din, alam mo naman.
Sorry na bakla.” Naluluha niyang sabi.
Gusto ko na din tuloy maiyak. Minsan talaga ang luha may domino effect e. Pero
hindi pa nga nakakatulo ang luha namin bumalik na kaagad dahil nag comedy na naman
si Krista.

“Kinakareer ko kasi nun ‘yung jowa kong foreigner, alam mo na, minsan lang
makabingwit ng tisoy. Kahit halos mag sign language na kami magkaintindihan lang!”
Sabay tawa kaming tatlo sa sinabi niya.

Nagpicture din kaming tatlo at nagkamustahan pa pero lumabas na din sila maya-maya
lang at bumalik naman ako sa pag-aayos sakin. Napatingin ako sa salamin habang
inaayusan ako napabuntong-hininga. Ito na talaga ito.

Nakatayo na ako sa harap ng simabahan pero parang gusto ko na lang tumumba dahil
nangingnig ang tuhod ko sa kaba. Nakakainis pati dahil nagpapawis ang kamay ko sa
kaba, ang dyahe naman dahil sa mismong araw ng kasal ko pa!

Bumukas na ang pinto, unti unti ng naglakad ang entourage sa pulang carpet. Kasama
sa entourage ang pinakamahahalagang tao sa buhay namin ni Dylan. Sina Mama Dea at
Papa Zeus na mukhang nagkabalikan na. Si Mama na buhat buhat ang apo niyang si Aian
kasama ang nag-iisa kong kapatid na si Shane. Si Ate Zea na mukhang masayang-masaya
sa araw na ito at siya pa mismo ang nagdesign ng wedding gown ko at ng suit ni
Dylan. Si Kuya Brix na talaga namang nagsacrifice din para samin, dahil doon
inirespeto ko lalo siya. Sina Nate at Janna na hindi pa man nagkakabalikan ay hindi
naman nawawalan ng pagpapahalaga sa isa’t-isa. Si Enzo na ngiting-ngiti kasama ang
napakagandang wife na si Heart. Si Cyril na bestfriend ni Dylan kasama ang makulit
na girlfriend nitong si Honey. Si Alisha na kahit nanghihina na ay umattend pa din
kasama ang anak nila ni Dylan na si Zion. Si Krista kasama ang Brazilian Japanese
na boyfriend. Maging si Carlo at Mac na mga barkada nila at mga tumulong samin ay
dumating din. Halos lahat ng mga taong kasama namin ni Dylan sa lahat ng
pinagdaanan namin. Sila ‘yung mga taong nagpatibay at hindi kami iniwan kahit anong
mangyari.
Biglang tumugtog ang paborito naming kanta ni Dylan.

The dawn is breaking, our light shining through

You’re barely waking, and I’m tangled up in you yeah

But I’m open you’re closed, where I follow you’ll go

I worry I won’t see your face, light up again

Sa wakas, turn ko na para maglakad sa isle. Unang hakbang ko palang gusto ko ng


tumakbo kaagad sa red carpet para makarating na agad ako sa dulo pero at the same
time ay alam kong hindi ko kakayanin dahil sa sobrang nerbyos at kaba ko.

Even the best fall down sometime

Even the wrong word seem to rhyme

Out of the doubt that fills my mind

I somehow find you and I, collide

Lahat ng tao ay nakatingin sakin at nakangiti. Maging si Dylan at ang best man
niyang si Cyril.

I’m quiet you know, you make our first impression


But I find I’m scared to know I’m always on your mind

Even the best fall down sometime

Even the stars refuse to shine

Out of the back you fall in time

I somehow find you and I, collide

Para mabawasan ang kaba, dinama ko na lang bawat hakbang ko sa red carpet papuntang
altar, papunta kay Dylan. Isang beses ko lang mararanasan ito kaya dapat namnamin
ko na.

Don’t stop here, or lost my place

I’m close behind

Malapit na ako sa altar ng makita ko si Dylan na magpunas ng mata niya, tinawana ko


tuloy siya at dinilaan niya naman ako. Hanggang sa makarating na ako sa dulo.

Even the best fall down sometimes

 Even the wrong word seem to rhyme

 Out of the doubt that fills your mind

 You fin’lly find you and I, collide


Niyakap ako saglit ni Cyril bago ako hawakan ni Dylan sa kamay ay alalayan papunta
sa altar. Ng magkatabi na kami, bumulong pa siya. “Ang bagal mong maglakad, muntik
na akong tumakbo papunta sa’yo at hilahin ka papunta dito sa altar.”

Natawa ako at umamin din sa kanya. “Muntik ko na nga ding takbuhin ‘yung red carpet
makarating lang sa’yo.”

You fin’lly find you and I, collide

Nagngitian tuloy kaming dalawa.

You fin’lly find you and I, collide

“To those who are against this ceremony, I ask you to speak now or forever hold
your peace.” Sabi ng pari. Kinabahan naman ako bigla. Please. Please. Wala na
sanang aberya.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa buong simabahan. Makakahinga na sana ako ng


maluwag ng may biglang sumigaw.

“Wait po! Excuse me po!”


Sabay kaming lumingon ni Dylan at nagulat ako sa kung sino ang sumigaw na ‘yun.

“H-huh?! Kuya Brix?”

Kumaway siya saming dalawa ni Dylan bago lumakad papunta sa isle. “Dylan, tol! Alam
mo na, pinagpaalam ko na ‘to sa’yo di ba?”

Napatingin naman tuloy ako kay Dylan at nakita ko namang tumango siya kay Kuya
Brix. Siniko ko siya para magtanong. “Ano yun Dylan? Anong pauso na naman ni Kuya
Brix?”

Ngumiti lang siya sakin at sinenyas na tumingin ako sa isle. Lumapit na sa kabilang
hanay ng mga upuan si Kuya Brix, papunta kay Ate Zea.

Lahat naman ng atensyon ng mga tao napunta sa kanilang dalawa at nagtilian ang
lahat ng lumuhod si Kuya Brix sa harapan ni Ate Zea.

“Zea Darleen, will accept my wedding proposal again?”

Nagtilian na naman ang mga tao sa loob, pati ako nakisali na din. Akala ko kasi
hindi na talaga matutuloy ang kasal nila! Sumagot ka na Ate Zea!!

“Pangako ko, hindi na kita mamadaliin magpakasal. Kahit next year pa kung gusto
mo!” Pangungumbinsi naman ni Kuya Brix ng hindi agad sumagot si Ate Zea.
Biglang sumingit si Cyril sa moment nilang dalawa. “Wala namang choice dahil kasal
ni Dylan ngayong taon! Hahahaha!”

Napakamot tuloy ng ulo si Kuya Brix lalo na ng sumabad din sina Mama Dea at Papa
Zeus habang tumatawa. “Oo nga naman, sukob! Hahaha!”

Hindi pa din sumagot si Ate Zea na nagpipigil ng tawa kaya naman nataranta na si
Kuya Brix. “Uy Zee, ano na? Madududmihan na ‘yung pants ko kakaluhod.”

Pinalo siya sa balikat ni Ate Zea at tumawa. “Oo na! Oo na! Sige na tumayo ka na
dyan!”

Agad namang tumayo si Kuya Brix at niyakap si Ate Zea. Nagpalakpakan naman ang mga
tao sa loob ng simbahan including kami ni Dylan. Magmomoment pa nga sana sila Ate
Zea at Kuya Brix pero bigla na akong hinawakan ni Dylan sa kamay at pinaharap na
ulit doon sa pari.

“Tama na yan. Kasal na. Father! Father tuloy na po natin!”

Nagpatuloy pa ‘yung ceremony, hanggang sa nakarating kami sa isa sa mga


mahahalagang parte ng wedding ceremony na ito.

“Do you, Sophia Dennise Ramirez, take Dylan Zayn Elizalde as your lawfully wedded
husband, to have and to hold, for richer or for poorer, in sickness an in health,
from this day forward, till death do you part?”

Sumulyap muna ako kay Dylan at napangiti. Alam na alam kong hinding-hindi ako
magsisisi sa desisyon kong ito. “I do.”
Ngumiti ‘yung pari  at tumango samin. Bumaling siya kay Dylan. “Do you, Dylan Zayn
Elizalde, take Sophia Dennise Ramirez as your lawfully wedded wife, to have and to
hold, for richer or for poorer, in sickness and in health, from this day forward,
till death do you part?”

Pinisil ni Dylan ‘yung kamay kong kanina niya pa hindi hawak at hinding-hindi
binabitawan. Buti na lang hindi nagpapawis ang kamay namin kahit parehas kaming
ninenerbyos kanina pa.

“Yes father. I do.”

Kinuha ko na ‘yung singsing at isinuot sa daliri niya.

“Dylan..” banggit ko sa pangalan niya. Pangalan na noon simpleng pangalan lang


sakin, pero ibang-iba na ngayon. Tuwing naririnig ko ang panagalan niya, bumibilis
kaagad ang tibok ng puso ko, bumabagal ang pahinga ko at parang may milyong paru-
paro ang lumilipad sa loob ng sikmura ko. His name gives me the chills. Iba.
Huminga muna ulit ako ng malalim bago sabihin sa kanya ang vow na pinagpuyatan ko
pa kagabi. “wear this ring, as a sign of my love and my loyalty, my promises to our
forever, I surrender myself to you..”

Tumigil ako sa pagsasalita ng tumawa siya at magside comment. “Para namang criminal
ka niyan baby.”
Natawa din ako sa biro niya at tinuloy ‘yung vow ko. “I surrender myself to you coz
you did not only capture my heart, you even handcuffed it with your own.” Sabay
kaming natawa sa sinabi ko. “In the past moths that we’ve been together, madami
akong nadiscover sa’yo. Gaya ng, malakas ka talagang humilik.” Narinig ko ang
malakas na tawanan ng mga tao. “Sintinado kang kumanta sa shower, ang kaya mo lang
gawin sa kusina ay mag-init ng pagkain, madalas pa corny ka, at mahilig kang
humabol ng tipaklong!”

Narinig kong malakas na tumawa si Mama Dea at Papa Zeus mula sa kinauupuan nila. Si
Dylan naman ay halatang nagulat na alam ko pala ang mga bagay na ‘yun.

“Maraming flaws, maraming imperfections. Madalas pinasasakit mo ang ulo ko kasi


pasaway ka. But those imperfections and flaws are what makes the whole you. And
Dylan, hubbybaby ko, I am proud to say that I love you as you, as a whole.”
Ngumingiti ako para mapigil ang mga luhang gustong pumatak sa mga mata ko. Sabi ko
kanina hindi ako iiyak. Hindi ko pala kaya. “Darn, you always make me cry because
of too much happiness. This is why I never had second thoughts of marrying you!”
Hinawakan ni Dylan ang pisngi ko at pinahid ang luha ko. Ngumiti ako sa kanya at
bumulong. “May sasabihin ako sa’yo mamaya.”

Tumango naman siya at kinuha ang singsing, isunuot niya ‘yun sa daliri ko. Hindi pa
nga siya nagsisimulang magsalit pero umiiyak na siya. This time, ako naman ang
nagpunas ng luha niya. “Babywifey ko, Soph, baby wear this ring as a sign of my
love and forever loyalty...” Tinignan ko siya ng parang nang-aasar pagkatapos ay
tumawa ako.

“Marrying you is a one of the great rights things I’ve done in my life. Kahit na
nararamdaman kong baka mas madalas mo pa akong patulugin sa sahig at magiging
parang terror teacher ka na naman pag nagagalit sakin, okay lang sakin. Kasi with
just one smile, one touch, one hug, one sweet kiss, you can make melt with your
warmth. Iba ka e. nanghihina ako pagdating sa’yo!”

“Whoooo!” Dinig kong sigawan ng mga tao.


“Kung si Superman merong kryptonite ako merong ikaw!” Biro niya kaya nabatukan ko
siya.

“Corny mo pa din talaga!” Tatawa-tawa kong sabi sa kanya.

Tumawa din siya pagkatapos ay nagpatuloy na. “Loving you was even greater. Hindi ko
kasi inakala noon na maniniwala ako sa words such as love, sacrifice, pain,
contentment, happiness, infinity and even marriage. But you, you came and gave
definitions to those words. Yung mga dating simpleng salita lang para sa’kin noon
naramdaman ko na, naranasan ko na. That’s when I knew that I really love you. That
is when I knew that you are the one.”

The sincerity in his words, I couldn’t contain what I feel right now. Parang he
made me felt what I had felt in my past months with him. The only difference is,
nararamdaman ko ‘to ngayon ng sabay sabay. Akala ko nga mababaliw na ako sa sobrang
emotions.

“And you know what is the greatest?  It is meeting you.” For the nth time today ay
nagngitian na lang kami habang parehas na nakatitig sa isa’t-isa. “Let me correct
what I said when we first met...” Huminto siya. Ako naman hindi na mapigilan ang
pag-iyak dahil naaalala ko iyon. Kung sakali ngang bibigyan ulit ako ng
pagkakataon, hindi na ako magbabago ng desisyon. “Dati sabi ko, that what happened
to us was a big mistake. I was very wrong. Because what had happened to us, is
probably the best, the grandest and greatest right things I have ever done in my
entire life. Because somehow, we turned that simple mistake into some right,
something real, something we could cherish forever. You were never a mistake to
me.”

Doon na natapos ang vow niya at napuno ng palakpakan ang buyong simbahan. Sumulyap
ako at madami akong nakita na gaya namin ni Dylan, ay umiiyak na din.
I turned to face Dylan again and mouthed. “I love you so much.”

“I love you too.” He mouthed back.

Nagpatuloy pa ang ceremony hanggang sa puntong pinakahihintay yata ng lahat, lalo


na ni Dylan.

Humarap na kami sa isa’t-isa habang nagsasalita pa din ‘yung pari pero hindi na ako
halos nakikinig dahil kanina pa din ako binababag ng bagay na ‘to. Bagay na totoong
nagpapanerbyos sakin.

“Dylan, may sasabihin ako. Ngayon na.” Pabulong kong sabi habang magkaharap kami.

“Ano ‘yun?”

“Dy, delayed ako. Two weeks na.” Mahinang sabi ko sa kanya pero mukhang hindi niya
agad yata nagets dahil kumunot lang ang noo niya at hindi sumagot.

Ngumiti ako ng alanganin. “B-baka buntis ako?”

Nalaglag ang panga niya at napatanga dahil sa pagkagulat. Tapos ay bigla bigla
siyang tumawa sabay biglang halik sa labi ko! Narinig ko tuloy na nagtilian na
naman ang mga tao.
“Ay hijo, hindi ka naman masyadong excited sa misis mo ano?” Natatawang biro ni
Father! Naramdaman kong namula ang buong mukha ko sa pagkahiya.

Natawa naman si Dylan at humarap na ulit kami kay Father. “Ay sorry po! Sige po,
tuloy na po natin. Tuloy na po.”

Natawa ulit si Father bago ipagpatuloy. “By the power vested in me, I now pronounce
you man and wife. You may now kiss the bride.”

Hindi pa na pinatagal ni Dylan at hinalikan niya ako sa labi. It was deep yet
passionate and sincere. I thank God for this moment, this very special kiss as a
married couple.

Nang matapos, parehas lang kaming nakangiti habang nakapatong ang noo niya sa noo
ko.

Kasabay ng pagharap namin sa mga tao, ang mga salitang...

“I now present to you Mr. and Mrs. Elizalde.”

END

=================

Final Note, FAQs and Fun Facts

AUTHOR’S FINAL NOTE, FAQS & FUN FACTS:


Final Note:

Hi guys! Almost two years in the running din ang story na PERFECT MISTAKE and now
that it ended isa lang ang masasabi ko. THANK YOU.

Hindi ko expected na ganito ang magiging feedbacks sa final chapter ko. Sa totoo
lang kinabahan akong isulat siya kasi first ending ko ‘to na medyo madami dami ang
nag-aabang so medyo pressured ako. Hopefully nabigyan ko naman siya ng maayos na
ending.

Pero kayo, ‘yung votes niyong biglang bumuhos. Yung touching at mahahabang comments
niyo. Sana nabasa niyo ‘yung replies ko sa mga comments na ‘yun! Haha! Yun lang
kasi ang way ko to say thank you para sa page effort niyong basahin hanggang dulo,
sa pag aabalang magpost ng messages sa Message Board ko at sa inbox. Ramdam ko
talaga ang support. Nakakatuwa ‘yung mga nagsasabing nainspire sila sa story na
‘to, haha, I never imagined that I have the power to do so, nakakaflatter lang.

Lalo na nung nag 2 Million reads na ang PM! Grabe, you guys are amazing! xo

There are different kinds of readers: active readers, mahilig magvote na readers,
readers na mahilig magcomment, demanding readers, silent readers, kahit anong
klaseng reader ka pa. Thank you!

Sophia and Dylan

Cyril and Honey

Janna and Nate

Heart and Enzo


Brix and Zea

 Including the rest of the characters,

Also says thank you from the bottom of their fictional hearts. Hahaha!

Drowning in tears,

CrestfallenMoon

Frequently Asked Questions (Issues):

Q: May epilogue pa po ba ang Perfect Mistake?

A: Wala na. Final Chapter na ‘yung last talaga. Binuhos ko na lahat ng gusto kong
mangyari at sabihin sa Final Chapter that’s why I didn’t make an epilogue.

Q: May special chapters po ba?


A: Not sure yet but there might be possibilities na gumawa ako. POSSIBILITIES pa
lang, meaning wala pang specific day kung kailan at kung magkakaroon nga, hindi pa
sigurado. Kaya po sana wala pong mampressure tungkol sa Special Chapter.

Q: May Book 2 po ba? Sequel?

A: As for now, wala talaga akong plano. I ended PERFECT MISTAKE the way I wanted
it. Sinatisfy ko din naman ang sarili ko sa ending kaya may peace of mind naman
ako. Hahaha. Alam ko na bitin siya. Kasi lahat naman ng libro bitin. Depende na
lang ‘yun kung anong klaseng pagkabitin. Hindi naman kasi pwedeng forever ko silang
isulat. Atleast, you guys know na happy naman sila di ba?

I’m not saying NO naman sa BOOK 2, but really, as for now, wala akong plano. Gusto
ko muna mag focus sa ibang stories. Sana maintindihan niyo po.

Q: Anak po ba talaga ni Dylan si Zion?

A: Dito madami pa ding hopeful na ang sagot ay hindi. Nasa story naman po ‘yun e,
kung paano naging big factor si Zion sa pag-aaway nila, pero isa din ‘yun sa big
factor para maging mas matibay ang relationship nila.

I know it’s unfair for Sophia’s part, but in life not everything is fair. In
reality naman nangyayari ang mga bagay na ‘yun. And it’s a way din para ipakita
kung gaano kamahal ni Sophia si Dylan na kahit parts of his past ay ready niyang
tanggapin. Let’s face it guys, not every story is a fairytale.

Sana nagkaliwanagan na about this. Zion is Dylan’s son.


Q: May story po ba sila Enzo at Heart? Ano pong title?

A: Yes meron. Actually matagal ko na ‘yung napost. Dinelete ko lang kasi may
konting babaguhin at aayusin sa plot and phasing. Kung gusto niyo siyang mabasa,
pakiclick na lang ‘yung external link sa gilid or bisitahin sa My Works. I already
posted the prologue. THEY WON'T STAY po ang title. :)

Q: Magkakaroon po ba ng sidestory and ibang characters?

A: Wala. Only Enzo and Heart.

You can still ask questions if you like. Post niyo na lang sa Message Board ko para
maiupdate ko dito at mabasa niyo.

Fun Facts:

1.

Medyo nagkapalit palit sila ng personalities. Originally, dapat masungit type of


guy si Dylan. Si Nate dapat tahimik siya. Si Brix dapat childish at makulit. Si
Enzo naman dapat ang babaero at si Cyril ang loverboy. Hindi ko din alam kung
paanong along the way ay nag rumble ang personalities nila pero naging happy naman
ako sa naging outcome.
2.

Hindi dapat kasama si Heart sa cast. (Pinilit lang talaga ako ng Wattpad bestfriend
kong si SheCapturedHearts na isali siya sa cast. Hahaha. Joke). Dapat love triangle
din ang Nate-Janna-Enzo kaso parang masyado nang talo-talo dahil may Cyril-Sophia-
Dylan triangle na.

3.

Sa unrevised version ng Pefect Mistake, dating niligawan ni Nate si Zea. Kaso ayoko
na nga ng talo-talo silang magbabarkada so nung nagrevise ako, inalis ko na ‘yung
part na ‘yun.

4.

Nakailang beses ng narevise ang Perfect Mistake. Halos tatlo yata. Nung mga una
kasi hirap pa akong mag build up ng characters dahil first story ko. Nagrevise lang
ako hanggang sa nakuntento ako sa edited versions. (Pero hanggang ngayon ang dami
pa ding plotholes. Hahahahaha)

5.

Biglaan lang ang pagpopost ko ng story na ito. Hindi gaanong pinag-isipan. Natripan
lang dahil sa nabitin ako sa lovestory sa City Hinter kaya gumawa ako ng sarili ko.
Hanggang sa scene lang na magkakagustuhan sila Dylan at Sophia ang plano ko. The
rest, late ko na din naisip. Kaya din siguro matagal akong mag update.

 For more questions, suggestion or messages feel free to post on my Message Board.
Thank you. :)

=================
Special Chapter #1: ALISHA

Warning: Medyo SPG, konti lang naman. 

Indication: italicized parts ay flashbacks from Dylan's point of view! 

Perfect Mistake

Special Chapter #1: ALISHA

Dylan’s POV

“Condolence, pare.” Tinapik ni Cyril ang balikat ko. Nakipag-kamay lang ako sa
kanya at pumunta na sila ni Honey sa tapat ng kabaong ni Alisha.

Pagkatapos ang dalawang taon niyang pakikipaglaban sa sakit niya, kaninang madaling
araw bumigay na din siya.

Kaagad nagsipuntahan dito ‘yung mga kakilala niya at kakilala naming dalawa. Lahat
nalulungkot sa sinapit niya. Isa na ako doon. Kahit naman napakadami niyang
kasalanan na nagawa sakin, sa mga huling buwan naman niya na nakasama naming siya,
bumawi siya. Nakita ko din kung paano siya bumalik sa dati, sa totoong siya.

Naluluha ako habang inaalala ko kung paano ko siya nakilala.

*
Kanina pa ako nakatitig sa gitna ng bar na ‘to kung nasaan madaming nag-sasayaw.
Unang panalo naming kasi sa laban ng karera ng mga barkada ko kaya nagkayayaan kami
na tumambay dito sa bar.

“Ano? Bubulukin mo sarili mo dyan sa sulok? Magpunta ka doon sa gitna, nandun ang
mga chikas ‘tol!” Natatawang hinila ako ni Cyril papunta sa mga babaeng nagsasayaw
at nakihalu-bilo kami doon.

Kung kani-kanino lang naman kami nakipagpartner. Naging kasayaw ko ‘yung isang
babaeng may mahaba at kulot na buhok. Siya ‘yun. Siya ‘yung kanina ko pa tinitignan
sa gitna. Kung sweswertehin ka nga naman.

Tawa lang siya ng tawa habang nagsasayaw kaming dalawa. Noong mapagod kami, inaya
ko siyang sumama sakin sa table naming para uminom.

“What’s your name?” Tanong niya sakin habang inuubos ang order niyang margarita.

Lumapit ako sa tenga niya para ibulong ang pangalan ko. “Dylan. Ikaw?”

Ngumiti siya. “Alisha.”

Naging mabilis na ‘yung mga susunod na pangyayari. Naging mas malapit ang mukha
naming sa isa’t-isa habang nag-uusap. Hinawakan na niya ako sa balikat, hinawakan
ko naman siya sa bewang. Nagkakatitigan kami hanggang sa nagkahalikan na nga.

 
*

Doon kami nagsimula. Nothing special. Normal lang. Isang babae at lalaki sa bar.
Kinabukasan noon, pumasok kami ng kami na. Pero hindi pa ako seryoso noon, sa
tingin ko siya din naman.

“Hi, babe.” Bati sakin ni Alisha sabay halik sa labi ko. Nagulat naman ako.
Kalalabas ko pa lang kasi sa klase ko pero nandito na siya kaagad.

“Kanina pa tapos class mo di ba? Bakit nandito ka?” Tanong ko sa kanya nung
nagsimula na kaming maglakad.

Ngumiti siya ng sobrang tamis. “Hinintay kita. Aayain sana kitang mag-dinner sa
dorm ko. Ipagluluto kita. Gusto mo ba?”

Kahit nagulat, napangiti naman ako. Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong
relasyon. Sanay ako na idate ko sa dinner sa labas ng mga naging girlfriends ko,
pagkatapos ay dederetso kami sa bar para uminom. Wala pang babaeng nag-aya sakin na
mag-dinner sa bahay niya at sabihin na ipagluluto ako.

“Tara.” Aya ko sabay akbay sa kanya.

Nakahiga kami ngayon sa sofa bed sa dorm niya habang nanonood ng movie. Nakaulo
siya sa braso ko.
 

“Hindi na ba nagtatampo mga kaibigan mo sa’yo?” Tanong ko sa kanya bigla.

Nilingon naman niya ako at umiling. “Pinaliwanag ko naman sa kanila. Kung talagang
kaibigan ko sila, maiintindihan nila kung paminsan may pipiliin kong sumama sa
boyfriend ko kaysa mag-shopping at mag-bar.”

Nginitian ko siya. “Bakit nga ba mas gusto mong sakin sumama?”

Inirapan niya ako bago ngumisi. “Bakit ba tinatanong mo pa ba ‘yan?” Umangat siya
ng kaunti sa pagkakahiga niya para magkapantay ang mukha namin. Ipinagdikit niya
ang ilong naming dalawa bago ngumiti ulit. Hindi talaga ako mapakali pag ngumingiti
siya ng ganyan. Para akong natutunaw.

Hindi ko namamalayan noon na unti-unti na pala kaming nagiging seryoso sa relasyon


naming dalawa. Madalas ng magtampo ang mga kabarkada naming dahil kami na lang ang
laging magkasama. Ewan ko ba. Nung mga panahon na ‘yun, pakiramdam naming we can’t
get enough of each other.

“What should I do to get you to stay Dylan? Ayoko makipagrace ka, masyadong
delikado ‘yan!” Awat niya sakin bago pa man ako makalabas ng pinto.
 

“Dapat pala hindi ko na sinabi sa’yo.” Inis na inis kong sabi. Kanina pa kasi ako
hinihintay ng barkada sa arena. Ayoko namang maging KJ na ako lang ang hindi
pupunta at isa pa gusto ko lang din naman talaga masubukan. Mukhang masaya kasi.

Humarang siya sa pintuan ng dorm niya para hindi ako makalabas. “You’re not going
anywhere Dylan. Bakit ba ayaw mong makinig sakin? Paano pag naaksidente ka sa race
na ‘yan? What will happen to me? Alam mo ba kung anong mararamdaman ko?”
Nanginginig na ‘yung boses niya kaya napatigil ako at nahimasmasan. “Dylan, I love
you so much! Ayokong may mangyari sa’yong masama so please.. stay here with me.
Please.” Pagmamakaawa niya.

Hindi naman ako nakasagot. Kung kanina kasi, desidido na akong pupunta ako sa arena
ngayon nagtatalo na ang utak ko. Ngayon lang umiyak si Alisha sa harapan ko.
Kalahati ng utak ko, sinasabing pumunta ako doon dahil nakapangako ako sa kanila
habang ‘yung kalahati naman sinasabing kalimutan ko muna ang bagay na ‘yon at
makinig sa girlfriend ko.

Hindi pa man ako tapos magdesisyon ay lumapit bigla sakin si Alisha at tumingkayad
para maging magkalapit ang mukha namin. “Will this make you stay?” Umiiyak niyang
tanong bago niya ako halikan sa labi.

Malambot ang labi niya at marahan lahat ng halik niya. Hindi ko na napigilan ang
sarili kong hindi tumugon. Hinalikan ko din siya ng marahan hanggang sa mas lumalim
na ang halik ko sa kanya. Hinapit ko siya palapit sakin at nagulat ako ng iyakap
niya sa bewang ko ang dalawang binti niya. Mabuti na lang hindi ako nawalan ng
balanse. Hinawakan ko na lang ang dalawang hita niya para suportahan ang pag-angkla
ng binti niya sa bewang ko. Tuloy pa din ang halikan namin hanggang sa bumaba na
ang halik ko sa leeg niya.

Kahit habang hinahalikan ang leeg niya ay nagawa kong makalakad papunta sa sofa bed
niya. Dahan-dahan ko siyang inihiga doon.

 
*

Nung gabing ‘yon, natalo ako laban sa sarili ko.

I stayed.

“I feel dizzy, Dylan, can we leave early?” Tanong sakin ni Alisha habang nakakunot
na ang noo. Hinalikan ko siya sa noon niya. “Maya-maya, 30 minutes, tapos ihahatid
na kita. Lagi na lang sumasama ‘yung pakiramdam mo. Sigurado kang okay ka lang?”

Tumango naman siya at humilig sakin. “I’m fine. Basta umuwi na tayo in 30 ha?”
Nginitian ko lang siya. Birthday kasi ng isang classmate ko kaya naaya kami dito.
Hindi naman na din ako makatanggi.

Tahimik lang kaming nag-uusap nung may narinig kaming malakas ang boses na
nagsalita sa bandang likuran namin.

“Hindi ko nga alam kung bakit parang nagtatagal ‘yung relasyon nung dalawa na ‘yon.
Hindi naman magaling si Alisha.” Mayabang na sabi nung lalaki na sinundan ng
malulutong na tawanan.

“Di nga ‘tol? Kwento nga sakin nung tropa ko na ex ni Alisha, wild daw ‘yung babae
na ‘yon. Kahit daw sa kotse nag-sesex sila.”

“Oh talaga? Takte, pwede na din. Sexy naman ‘yon, maganda din naman. Pagkatapos ni
Dylan sa kanya, syosyotain ko na ‘yon.”

Nagpanting ang tenga ko sa mga narinig ko kaya tumayo ako. Mukhang nagulat naman
‘yung limang lalaki na nag-uusap na ‘yon kaya natahimik sila.

“Tangina niyo, girlfriend ko ba pinag-uusapan niyo?” Galit na galit kong tanong sa


kanila.

Yung pinakamatapang sa grupo nila, makatapos makabawi sa pagkakagulat, nginisian


ako. “Tol,wag kang possessive dahil bago pa ikaw, madami ng nakatikim dyan sa syota
mo. Kaya wag na siyang mag-inarte.”

Nagdilim ang paningin ko kaya sinugod ko ng sunod-sunod na suntok ‘yung lalaki na


‘yon. Doon na nagsimulang magkaroon ng gulo. Nakisali na ‘yung mga kasamahan niya
at nakiresbak naman samin sila Brix.

Madami din akong sugat noon pero dahil mas nabugbog ‘yung kaaway namin, kami ‘yung
dinampot dinala sa presinto. Mabuti na lang agad na pumunta doon si Ate Zea para
makipag-usap sa may-ari ng bar at hindi na kami idemanda. Hindi sumama sina Mama
dahil galit na galit daw sakin si Papa.

“Babe.” Umiiyak na niyakap ako ni Alisha pagkalabas namin nila Brix sa detention
center ng presinto. Mahigpit ko din naman siyang niyakap. Hindi ako galit dahil
alam ko naman ang nakaraan niya. Sinabi niya sakin, na bago ako, she already slept
with 2 different guys. At kasama ng pag-amin ko sa sarili ko na mahal ko na talaga
siya, tinanggap ko din kung lahat ng hindi magandang bagay sa kanya.
 

“Dylan, let’s go home. You are so dead to me.” Pigil na galit na sabi ni Ate Zea.

Pinigilan ko ang pag-alis niya. “Ate, this is my girlfriend, Alisha. Babe, si Ate
Zea.” Pagpapakilala ko sa kanila.

Tumaas ng isang kilay ni Ate Zea. “So, you’re the girlfriend. I’ve heard so much
about you, too bad we have to meet in such an odd place like this.”

Hindi nakasagot si Alisha kay Ate Zea dahil halata sa tono nito na naiinis siya.
Kaya naman, umalis na si Ate Zea at nauna ng lumabas samin.

“Wag mo siya pansinin, mainit lang ang ulo niyan.” Sabi ko kay Alisha para wag na
niyang isipin ‘yung malamig na pagtrato ni Ate Zea sa kanya.

Sigurado akong hindi maganda ang isip ni Ate Zea kay Alisha, narinig niya kasing
siya ang dahilan kung bakit ako nagsimulang manuntok.

Hindi lang ‘yon ang pagkakataon na napaaway ako dahil sa pagtatanggol ko sa kanya.
Naulit pa ‘yon ng madaming beses. At ang madaming beses na ‘yun pala ang magiging
dahilan kung bakit magkakalamat ang relasyon naming dalawa.

*
“Kahit ano pang sabihin mo Dylan, hindi mo na mababago ang iniisip nila sakin.”
Umiiyak at galit na sabi ni Alisha habang nasa kotse kami. Ihahatid ko kasi siya
pauwi.

”Bakit ba nagagalit ka? Bakit pinapansin mo ang iniisip nila? Wala naman akong
pakialam kahit di ka nila gusto. Ako naman ang masusunod sa kung sinong magiging
girlfriend ko.”

Tumaas na ang tono niya dahil inis na inis na siya. “Wala din naman akong pakialam
kung ayaw sakin ng mga tao, kaso pati ate mo ayaw sakin, pati mga kaibigan mo. Ang
hirap gumalaw kung lahat sila binabantayan ka, ang hirap gumalaw kung alam mong
kahit anong gawin mo hindi na mababago ang tingin nila sa’yo.”

Hininto ko ‘yung sasakyan at hinarap siya. “Ate ko? Kinausap ka ba ng ate ko?”

“Nevermind. Just take me home. I’m exhausted.”

Noong gabi na ‘yon, nakagawa ako ng maling desisyon. Pag-uwi ko ng bahay, inaway ko
si Ate Zea kahit na hindi ko naman alam ang buong pinag-usapan nila ni Alisha. Dala
na din ng galit, sinabihan ko siya ng masasakit na salita at inakusahan ko siyang
nakikialam. Dahil doon, mas lalong ayaw na niya kay Alisha. Inisip niya noon na
binaligtad ni Alisha ang mga sinabi niya.

Naging mas magulo na kami ni Alisha, madalas na kaming mag-away at nagbago na din
siya.

“Bakit ba nakikipagkita ka pa sa lalaki na ‘yon? Ano bang relasyon nyo ha?!”Pasigaw


na tanong ko sa kanya habang tinatakasan niya ako palabas ng bar.

“Wala! Wala kang pakialam, wag mo na nga akong sundan!” mas lalo niya pang
binilisan ang pagtakbo niya.

Hinablot ko siya sa braso at hinarap sakin. “Sabihin mo kung niloloko mo na lang


ako!”

“Oo! Oo niloloko na lang kita!” Napahinto ako sa sinabi niya. “Kaya hiwalayan mo na
lang ako para matapos na ‘to kasi pagod na pagod na ako. Pagod na akong husgahan ng
pamilya mo ng mga kakilala at kaibigan mo. Kaya please, hiwalayan mo na lang ako
Dylan. Ikaw na ang makipaghiwalay sakin dahil hindi kita kayang i-break.”

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya. “Hindi. Hinding-hindi kita bibitawan.”

Pinanindigan ko ang sinabi ko sa kanya noon. Hindi ko siya binitawan. Kahit na


halos harap-harapan na niya akong lokohin. Kahit na pakiramdam ko pinagtatawanan
ako ng mga tao sa paligid ko. Wala na akong pakialam noon.

“Buntis ka? Akin ‘yan di ba? Alam ko akin ‘yan!” Halos madurog na ‘yung cellphone
ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko dito.

“No. Kaya ko lang sinasabi sa’yo para alam mo ang dahilan kung bakit ako aalis ng
bansa-“

Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya. “Aalis ng bansa?!”

“Yes. I’m about to board now with the father of my child. So please Dylan, tama
na.”

“Hindi! Nasan ka? Wag kang aalis dyan, pupuntahan kita!” Sigaw ko pero biglang
nawala ‘yung linya. Pagtingin ko sa cellphone ko wala na, putol na nga ang linya.

Sinubukan kong tawagan ulit pero hindi ko na macontact kay nagmadali akong sumakay
sa sasakyan ko at nagdrive papunta sa airport. Dahil sa traffic at kahit na
makarting pa din ako doon agad, hindi ko din naman alam kung saang terminal at saan
papunta ang flight niya. Wala ng pag-asa.

 
*

Doon ako nagsimulang sirain ang sarili ko. Hindi na ako nakikipag-away pero parati
akong lasing. Itinuloy ko na din ang pakikipag-race ko. Madalas akong maaksidente
dahil doon pero hindi ako tumigil. Minsan nambababae din ako.

Pero noong bumalik siya dito. Noong inamin niya na anak ko si Zion, ibang-iba na
siya.

Hindi ko inakala na magkakasundo sila ni Sophia, pero nangyari. Madalas silang


magkasama sa pagdala sa mga bata sa park at sa pamamasyal. Kaming tatlo din ang
magkakasama sa pagsimba.

Kaya nga ganoon na lang din ang iyak ni Sophia noong nagpapaalam na si Alisha
samin.

“Sophia, salamat. Salamat sa pagtanggap samin ni Zion sa bahay niyo at sa


pagtitiwala samin.” Ngumiti si Alisha kay Sophia at hinawakan ang kamay nito. “Hwag
niyo siyang pababayaan pag nawala na ako ha? Alagaan niyo siya, ituring mo siyang
parang anak mo na din. Please.” Huminto si Alisha sa pagsasalita dahil naghahabol
na siya ng hininga. “Pasensya ka na at nakapagdala pa kami ng gulo pagbalik namin.
Sorry kung kailangan ko bumalik dito. Sophia, napakaswerte ni Dylan sa’yo.
Napakaswerte din ni Zion na sa’yo ko siya iiwan. Sophia, salamat.”

 
Tumango-tango lang si Sophia at hindi na nakasagot, iyak na kasi siya ng iyak kaya
naman hinahagod ko lang ‘yung likod niya.

“Sophia, pwede mo ba kami iwan saglit ni Dylan?”

Tumango lang ulit si Sophia bago tinapik ako sa balikat at lumabas.

Hinawakan ni Alisha ‘yung kamay ko at nagsimulang umiyak. “Dylan, I’m so sorry.”

“Shhh. Wag ka ng umiyak, lalong hindi ka na makakahinga.” Pagpapatahan ko sa kanya


kahit na ako mismo hindi ko mapigilan na magtubig ‘yung mata ko.

“Itinakas at itinago ko si Zion sa’yo dahil natakot ako, natatakot ako na baka
mangyari sa kanya ‘yung mga naranasan ko. Na baka hindi din siya matanggap ng mga
tao.”

Pinunasan ko ang mga luhang tumakas sa mata niya. “Sorry din. Sorry dahil hindi
kita ipinaglaban noon.”

Umiling siya. “Sorry dahil ang dali ko din sumuko noon. Pinakapinagsisisihan ko na
inilayo ko si Zion sa’yo. Mabuti na lang at tinanggap mo pa din siya. Patawarin mo
sana ako sa lahat ng nagawa ko sa’yo.”

“Matagal na kitang napatawad, Alisha.”

 
 

Pagkatapos naming mag-usap hiniling niya sakin na dalahin ko si Zion sa kanya. Wala
pang isang oras, nawalan na siya ng buhay.

Hindi ko makakalimutan si Alisha at ang lahat ng pinagsamahan namin. Nakita ko kung


paano siya bumalik sa dati at kung paano niya itinama ang lahat ng maling nagawa
niya.

Isa siya sa mga babaeng minahal ko ng totoo. Malaki ang naging papel niya sa buhay
ko at nagpapasalamat ako sa kanya dahil ibinigay niya sakin si Zion.

Napalingon ako sa kaliwa ko ng maramdaman kong umupo si Sophia sa tabi ko.


Hinawakan niya ang kamay ko at humilig siya sa balikat ko.

Nagpapasalamat din ako kay Alisha dahil binigyan niya pa ako ng pagkakataon na
makilala at mahalin si Sophia.

***

Masusundan pa 'to, di ko nga lang alam kung kailan. :) Sino kaya ang susunod na
mag-special chapter? Vote up!      

=================

Special Chapter #2: 2 years after


Perfect Mistake

Special Chapter #2: 2 years after

**ZEA**

“Uy sorry girls ha? Kailangan ko lang talaga mag-vent. Sasabog na ‘yung ugat ko sa
ulo dahil kay Brix.” Depressed kong sabi kina Sophia, Heart at Honey. Inaya ko kasi
silang tatlo na mag-lunch. Mabuti na lang kahit may mga pinagkakaabalahan sila
napagbigyan pa din nila ako.

Ngumiti naman si Sophia at kinumpas ‘yung kamay niya. “Ano ka ba Ate? Okay lang
‘yun, buti nga tinawagan mo kami. Kailangan ko din magbreathe out ng konting
stress.”

“At isa pa, minsan na lang natin ‘to nagagawa. Nakakamiss nga.” Dagdag naman ni
Heart habang si Honey ngingiti-ngiti lang.

Dumating na din naman ang orders namin after pero hindi kami natigil sa
pagkwekwento, lalo na ako.

“Grabe siya! Hindi ko alam pero inis na inis ako sa kanya lately, ayoko siyang
nakikita. Tapos naiinis ako sa mga ginagawa niya.” Panimula ko sa kanila. “Naiinis
ako sa kanya tuwing inaagaw niya ‘yung kumot ko pag natutulog kami, hindi ko naman
kasi alam na ganun siya!” Hindi sila kaagad sumagot kaya nagpatuloy ako. “And
another thing, ang bagal niya talagang maligo! Hindi ko alam kung natutulog pa ba
siya sa loob o kung anong kalokohan ang ginagawa niya doon. I don’t know kung nag-
oorasyon pa ba siya pero ang tagal talaga swear. Matagal pa siya sakin maligo.”
Humagikhik naman si Honey.

“Baka naman nag-yoyoga pa siya sa loob.” Mapang-asar na dagdag ni Sophia.

Nakisali naman si Heart. “Pwede ding tinatanggalan niya muna ng isang layer ‘yung
balat niya kaya ganoon na lang katagal.”

“Mga sira.” Natatawang sagot ko sa kanila. “Madalas na siyang asarin ng boys noon
dahil pagong nga daw sa pag-ligo, I never took it seriously, hindi ko alam totoo
pala. Sa umaga madalas kaming nag-aaway dahil sa kabagalan niya sa pagligo.”

“Sabi nga ni Enzo.” Natatawang sagot ni Heart sakin. “Baka naman part lang ‘yan ng
pag-aadjust niyo as a married couple?”

“Hindi naman siguro ‘to Postnuptial Depression, right?” Worried kong tanong sa
kanila. I don’t want to hurt Brix’s feelings pag nalaman niyang nadepress ako
pagkatapos kong magpakasal sa kanya. Kahit naman naiinis ako sa kanya, mahal ko ang
kumag na ‘yun.

“Hindi naman siguro, baka stressed ka lang po.”

Bigla akong napalingon kay Honey. Nakakagulat na mag sabi siya ng ganun. Totoo nga
yata na nagmamature na din siya kahit papano. Late bloomer lang ang peg. “I hope
so. Natatambakan na nga din ako ng work e, hindi na din magkasya sa room dahil puno
din ‘yun ng gym equipments ni Brix.” Malungkot kong sabi sa kanila at itinuloy ko
na lang sa pagkain ang depression ko.
“Ako din stressed na from everything. Ang hirap pala pag lumalaki na ‘yung mga
bata, lalo na mag-aaral na si Zion next year.” Pagkwekwento ni Sophia.

I know she has the every right to feel stressed. She is now the Manager of one of
Enchante’s branch at resident designer pa siya doon. Unti-unti na din siyang
nakilala sa industry kaya naman dumadami na ang clients niya. Isa pa, having 3 kids
is not easy. Parehas pa silang nagwowork ni Dylan.

“You can focus on being a designer muna if you want, okay lang naman sakin.”
Suggestion ko sa kanya. Baka kasi nahihiya lang siya magsabi sakin dahil ako ang
nag-offer sa kanya ng position na ‘yun after niya grumaduate.

Umiling si Sophia. “Kaya ko pa naman. Masaya maging Mommy ofcourse, pero masaya din
ako sa profession ko. Feeling ko superwoman ako dahil napagsasabay ko.” Natatawang
sabi niya samin.

“Well, I do get her point. Hindi ko din naman kayang bitawan completely ‘yung work
ko.” Sagot ko sa kanila. “Siguro, if ever magkababy na kami ni Brix, magtratrabaho
pa din ako.”

“Workaholic!” Biro ni Heart samin na isang housewife na may minamanage na small


coffee shop.

“Hindi ko lang talaga maiwan.” Natatawang sagot ko sa kanya. “Buti ikaw nakaya mong
iwan ang profession mo.”

“Mas nagustuhan ko ang pagiging mommy at wife e.” Kumindat pa siya samin. Sa lahat
yata samin dito, si Heart ang pinakamasaya sa married life niya. Hindi naman kasi
sila gaanong nagkakaproblema ni Enzo even after the twins happened. “Time is the
key to a happy marriage.” Pajoke na dagdag niya pa.

Napanguso tuloy si Sophia.” Buti ka pa walang problema.”

Nakanguso ding sumabat si Honey sa usapan. “Buti nga kayo may mga asawa na kahit
may problema. Kami ni Cyril hanggang ngayon hindi pa kinakasal.”

I felt down sa sinabi ni Honey. Kung dati kasi allergic sa serious commitment si
Cyril, ngayon naman allergic na sa kasal. Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang
problema ng lalaki na ‘yun. Hindi ba niya alam na isa ‘yun sa pangarap ng mga
babae?

Pero hindi ko na ‘yun sinabi kay Honey dahil mas lalo siyang malulungkot. Instead,
sinabi ko na lang na “Baka naman siniskreto niya lang sa’yo para masurprise ka.
Malay mo one of these days magpropose na siya sa’yo.”

Tumingin siya sakin at nakita ko sa mata niya na umaasa siya sa sinabi ko. Umaasa
din ako na ganun nga ang plano ni Cyril dahil kung hindi I‘ll strangle him to
death.

“Dalawa naman kay ni Janna na hindi pa kasal, single pa din ‘yun ngayon.” Sabi pa
ni Sophia bilang pampalubag loob na din siguro kay Honey.

“Speaking of! Mag-skype tayo sa kanya! Let’s try kung online siya!” Napapalakpak pa
si Heart dahil sa tuwa siya sa suggestion niya.
Kinuha ko kaagad ‘yung Ipad ko at naglog-in sa Skype. Swerte naman na online si
Janna kaya nagvideo call agad kami sa kanya.

“Hi Sissy!” Bungad ni Sophia pagkasagot ni Janna.

Kumaway siya samin. “Hi guys! Ang daya niyo magkakasama kayo!”

“Uwi na kasi.” Tukso ni Heart sa kanya.

“Para may karamay na ako!” Natatawang dagdag din ni Honey.

Napakunot naman si Janna. “Karamay saan?”

“Sa pagiging single!” Sagot ko.

“Ha?! Break na kayo ni Cy?” Gulat na gulat niyang tanong.

Natawa kami nila Sophia at Heart habang si Honey naman ay todo iling.

“Hindi! Hindi! Ibig sabihin Single sa mga papers, parehas tayong hindi pa kasal.”
Pagtatama ni Honey sa interpretation ni Janna kanina.
Humawak naman si Janna sa dibdib niya na parang nagrerecover sa pagkagulat niya.
“Ayoko pa mag-asawa uy! At bakit ba kasi hindi ka pa pinapakasalan niyang Cyril na
‘yan?! Ang tagal niyo na din, magkasama na nga kayo sa bahay di ba?” Hysteria ni
Janna.

Napatango lang ako sa sinabi niya. Si Honey naman ngumuso na naman na parang bata.
Isa na yata ‘yun sa mannerisms na hindi niya maaalis kahit na nagmamature na siya.

“Hindi pa yata siya ready.” Malungkot na sagot ni Honey.

“Utang na loob! Kailan pa siya magiging ready? Pag-uugod ugod na siya at hindi na
makakabuo ng bata? Pakshet!” Biglang outburst ni Janna kaya napatingin kaming lahat
ng gulat sa kanya. Ngumiti siya ng alanganin samin. “Ay sorry, nacarried away
lang.”

“Pero tama naman si Janna, ang tagal tagal niyo nang dalawa. Anong ininarts ni Cy?
Hindi ba siya naakit sa’yo pagmagkatabi kayo sa bed?” Seryosong tanong ni Heart
pero biglang namula si Honey sa tanong niya.

“U-uy! Wala pa namang ganun! Sabi ko nga pagkasal na.” Kulang na lang magtago si
Honey sa table cloth dahil sa hiya niya.

“Ang galing naman ni Cyril kung ganun?! Kay Dylan lagi akong nasa panganib e!”
Tumatawang kwento ni Sophia na ikinatawa namin ni Heart. Kaming tatlo lang naman
ang kasal na kaya kami pa lang ang nagkakaintindihan.

“Hallu! Single here! Di ako makaride sorry ha!” Sarcastic na umirap si Janna samin
kaya mas lalo kaming natawa.
“Change topic na nga!” Awat ko sa kanila. “Wala ka palang work ngayon?”

Umiling si Janna at doon ko lang napansin na mukhang pagod siya. “Masama pakiramdam
ko kaya hindi ako pumasok.”

“Hindi mo naman sinabi agad, sana hindi ka na namin inistorbo!” Sermon ni Heart.

“Oo nga. Ano bang sakit mo? Nandyan ba sila Tita?” Pag-aalala naman ni Sophia sa
childhood bestfriend niya.

Janna gave us all a weak smile. “Nasa sala naman si Mommy, uminom na ako ng gamot.
Siguro napagod lang ako kasi kakatapos lang ng fashion week. Medyo umeepekto na nga
‘yung gamot, groggy na ako.”

“Sige tulog ka na, mukhang antok na antok ka na nga,.” Puna ni Honey.

Nagpaalam lang si Janna saming lahat bago ako mag sign-off sa Skype.  

“Nakakamiss din talaga ang gaga na ‘yun.” Buntong-hininga ni Sophia.

“Yeah. Sana umuwi din siya dito soon, kahit dalaw lang.” Pag-agree ko sa kanya.
We treated ourselves to a dessert after bago kami maghiwa-hiwalay.

“Thanks for the company girls! Kailangan yata natin ‘to gawin once a month atleast,
nakakatanggal din ng stress.” Request ko sa kanila habang naglalakad kaming apat
papunta sa parking lot.

“Definitely.” Sang-ayon naman ni Heart kaya napangiti ako.

“Bye! See you when I see you!” Paalam naman ni Sophia bago sumakay sa kotse niya,
mukhang nagmamadali na naman siya.

“Mauna na din po ako.” Paalam din ni Honey.

“Sabay ka na sakin, madadaanan ko naman ‘yung hotel niyo.” Aya sa kanya ni Heart.
Wala pa kasing sariling kotse si Honey kaya madalas nagtataxi lang siya pag hindi
siya naihahatid ni Cyril.

Sabay na silang sumakay sa kotse ni Heart, kumaway pa sila bago tuluyang umalis. I
waved bak at them bago sumakay sa sarili kong sasakyan.

Bumyahe ako papunta sa ospital kung saan ako nagpapa-annual check-up. Wala naman
akong schedule ngayon pero I had to go there para magpacheck-up. Lately I’ve been
feeling odd. I hope something is not wrong with my health.
**JANNA**

Palog-out na sana ako sa Skype ng mapabangon ako sa pangalan na nagappear sa screen


ng Ipad ko.  

Calling...

natefortalejo

“Ahhh, sakit ng ulo ko.” Napahawak ako sa sumakit kong ulo. Asar, nabigla kasi ako
sa pagbangon at nawala ang epekto ng gamot para antukin ako. Kasi naman nagulat ako
sa nakakindat na picture ni Nate sa Skype. Kailangan talaga nakakindat pa?!

Hindi naman din ako naghesitate na sagutin ‘yung tawag niya, though inayos ko muna
ang itsura ko. Sigurado mukha ang pasyente ngayon dahil sa pamumutla ko.

“Kamusta?!” Tuwang-tuwang bungad niya sakin.

Nangiti na din tuloy ako. “Hayup ka, nagulat ako sa picture mo. Mukhang napuwing
lang!” Tukso ko kaagad sa kanya. Ang tagal din nung huli kaming nakapagSkype ni
Nate. Nakakamiss.

“Wow. Nagsalita. Todo shades ka pa sa DP mo, parang bulag lang.” Ganti niya sakin
kaya dinilaan ko lang siya.

“Kakatawag lang sakin nila Ate Zea kanina, kasama niya sila Sophia, si Heart at si
Honey. Inggit nga ako, nagbobonding sila samantalang ako nandito sa bahay.”
Malungkot na tono ko.

“Ay wala kang friends dyan? Kawawa!” Panunukso pa niya. Hayup ‘to ah, tinatawanan
pa ko. Kita ko tuloy dimples niya. Asar.

“Tse! Meron syempre. Pero ‘yung saya ko pag sila Ate Zea ang kasama, ibang-iba.
Nakakamiss sobra.” Kwento ko sa kanya. Noong unang dating nga naming dito halos
maglumpasay na ako sa sobrang homesick kaya tawag ako ng tawag sa kanila sa Skype.
Hindi ko na lang ‘yun magawa ng madalas ngayon dahil pare-parehas na kaming busy.

“Oo nga. Kami din nila Dylan hindi na din halos nagkikita. Mga feeling pogi kasi
‘yung mga ‘yun. Pa-VIP.”

Nagtawanan tuloy kaming dalawa. Mahigit 2 years na din pala simula noong ikasal
sina Soph at Dylan, after 1 week nun umalis na kami papunta dito sa Australia.
Simula din noon, madami nang nagbago saming lahat. Sina Ate Zea at Kuya Brix
kinasal na. May baby girl na sila Sophia at may twins na sila Heart at Enzo. Si
Cyril naman at Honey ang alam ko maganda na ang position sa trabaho. Si Nate din
bongga na.

“Kailan kaya tayo magrereunion?” Pagwowonder ko kay Nate. Ang saya siguro kung
maggeget together kami na lahat ay successful na at kasama na ‘yung mga anak anak
at asawa.

Ngumiti na naman si Nate sakin pero hindi na gaya kanina. Hindi na kita ang dimples
niya. Tipid na ngiti lang. “Kami pwedeng magreunion kahit bukas na, ikaw? Pano ka?”
“Kainis ‘to!” Maktol ko sa kanya. Kung magkalapit lang sana kami for sure napalo ko
na ‘to sa braso niya. Haaay...

“Kailan ka ba dadalaw dito?” Tanong niya bigla sakin sa seryosong tono.

Naging pormal na tuloy ang mukha ko. “Hindi pa pwede eh, alam mo naman 2 years pa
lang kami dito.”

Tumango lang siya na parang naiintindihan niya. Ilang beses na din naman nila kasi
akong kinukulit na umuwi pero hindi ko pa magawa. Masyado pa akong madaming
ginagawa dito at hindi ko ‘yun basta maiwan.

“Wala kang pasok ngayon? Bakit parang maputla ka? May sakit ka?” Sunod sunod na
tanong ni Nate na dahilan din kung bakit sunod sunod ‘yung malakas na tibok ng puso
ko.

Tumango ako. “Kakainom ko lang ng gamot. Over fatigue lang siguro ‘to, patulog na
nga sana ako nung tumawag ka.” Paninisi ko sa kanya kunwari.

“Kasalanan ko ganun?” Umarte naman siya na parang nasasaktan kaya natawa ako. “Sige
na, magpahinga ka na. Baka sisihin mo pa ko pag lumala ‘yang sakit mo. Wag kasi
masyadong magpapagod.”

“Oo na. Para kang si Mommy e. Sige na, bye na. Antok na talaga ako.” Pagpapaalam ko
sa kanya.
“Pakikamusta na lang din kila Tito at Tita.” Bilin niya.

Maglolog-off na sana ako kaso may pahabol pa pala siya.

“Nga pala, may business trip kami dyan sa Australia next week. Dalawin kita ha?”
Ngitian na naman niya ako ng kita ang dimples. Ano ba!

“H-ha? Sige ba! Itotour kita!” Pagprepresinta ko pa. Shucks. Nautal ba ako?
Nakakwindang naman kasi. Next week na agad? Baka next week mukha pa din akong
pasyente dahil sa sakit ko eh.

“Sige! Rest well.” Huling sabi niya bago ako kumaway lang sa kanya at naglog-out.

Gumaan ng konti ang pakiramdam ko bago matulog kahit na may konti akong kaba para
next week. 

**HONEY**

“Ang agad ng sundo ko ah.” Biro ko kay Batman pagkalabas ko ng hotel na


pinatratrabahuhan ko. Naghihintay na kasi siya sa tapat ng kotse.
Humalik naman siya kaagad sa pisngi ko paglapit ko sa kanya. Hihi. Ang sweet talaga
ng Batman ko. “Mamaya niyan ngumawa ka na naman pag late na ako nagsundo. Maaga din
natapos ‘yung event namin.”

Umikot na ako sa right side nung sasakyan at sumakay na. Sumakay na din naman si
Batman sa kabila at nagsimula na siyang magdrive.

“Naglunch pala kami kanina nila Ate Zea. Kasama si Heart at si Sophia tapos
tinawagan namin sa Skype si Janna. Grabe, ang saya. Tawa lang kami ng tawa kanina.”
Kwento ko kay Batman.

“Kahit naman mag-isa ka, minsan tumatawa ka.” Tukso sakin ni Batman kaya naman
nginusuan ko lang sya.

“Nagkwekwento ako e!” Angal ko sa kanya. “Ang dami naming pinag-usapan. Nakakatuwa
lang kasi sabi nila nagmature na daw ako. Sabi mo din daw na nagmature na ako.”
Ngumiti ako sa kanya ng todo.

Sinulyapan niya naman ako. “Psh. Di ah. Wala akong sinasabing ganun. Imbento kang
pukyot ka.”

“Hindi naman-ahhh! Aray.” Bigla akong napaaray ng maramdaman kong parang may
napakadaming karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa bint at paa ko.

Napalingon naman kaagad sakin si Cyril. “Bakit?” Nag-aalala niyang tanong. Inihinto
niya ‘yung kotse sa gilid ng kalsada.
“Ang sakit ng paa ko, muscle cramps.” Sagot ko sa kanya habang hawak hawak ko ‘yung
binti ko. Tinatry ko naman na ideretso siya pero dahil nasa loob kami ng kotse,
hindi ako makapagstretch ng maayos.

Bigla na lang hinawakan ni Cyril ‘yung dalawang paa ko kaya napa-aray na naman ako.
Pinatong niya ‘yun sa binti niya at sinimulang imasahe.

“Dahan-dahan naman sa pagmasahe batman.” Maiyak iyak kong sabi samantalang siya
tinatawanan lang ako. Ang salbahe talaga nito ni Cyril.

“Sabi ko naman kasi sa’yo wag ka na araw-araw magheels, lagi nan gang sumasakit
‘yung binti at paa mo. Rayuma na bay an pukyot?” Sermon niya sakin na may kasamang
asar habang minamasahe niya pa din ‘yung paa ko.

Inirapan ko siya. “Ang liit ko kasi pag hindi ako nagheels, nakakahiya naman.
Syempre dapat bilang Assistant Hotel Manager, presentable din ako.” May
pagmamayabang kong sabi.

“Assistant Hotel Manager pala ha?” Nakangising sabi ni Cyril at bigla niyang
inatake ng kiliti ‘yung paa ko. Hindi na ‘yun masakit, pero nakiliti ako ng sobra!

“Aaa! Waaa! Tama na! Ayoko na batman! Awat na, nakikiliti ako! Wait!” Sunod-sunod
kong sabi pero hindi tinigilan ni Cyril ‘yung pagkiliti niya sa paa ko. Hindi niya
din ‘yun binibitawan kaya hindi ako makawala.

Gumulong-gulong na ako sa loob ng sasakyan namin pero hindi niya pa din ako
tinigilan hanggang sa...
“Aray!” Malakas kong sigaw pagkatapos kong mauntog sa salamin ng kotse.

Tawan-tawa naman si Cyril kaya hinrap ko siya na halos maiiyak na sa sakit ng


pagkakauntog ko. “Ikaw kasi batman! Ayaw mo ako tigilan, ang sakit ha! Mamaya
magkabukol ako.”

“Di ‘yan, matigas naman ulo mo.” Tumatawa niya pa ding sabi. Ganun pa din si Cyril,
kahit 2 years na kami pang-asar pa din siya. “Tara, pukyot uwi na tayo.” Bigla niya
na lang pinaandar ‘yung kotse ng hindi man lang nagsasabi. Muntik naman tuloy akong
mahulog kung hindi ako nakakakapit.

Hindi na inalis ni Cyril ‘yung mga paa ko na nakapatong sa kanya at nagdrive lang
siya ng ganun. Patagilid tuloy ang upo ko sa kotse. Pero okay lang, kinikilig naman
ako. Hihi!

Nung makarating kami sa bahay, nagbihis lang kami pagkatapos nagsimula ng magluto
ng pagkain si Batman. Ako naman, naglinis ng unit niya na unit ko na din ngayon.
Naalala ko tuloy noon, pinasoli niya ‘yung bahay na binigay ng mga Santiago sakin
dahil sa sobrang galit niya sa mga ‘yun. Naalala ko pa din kung ano ‘yung sinabi
niya sakin noon. Lilipat ka na sa unit ko para mabantayan na kita at para hindi ka
na makatakas sakin. Hihi! Kinikilig ako pag naaalala ko ‘yun!

“Ang sheeereeep ng ulam!” Tuwang-tuwa kong sabi nung tikman ko ‘yung nilutong
Chicken Curry ni batman! Ang galing talaga ng ulam.

“Gusto mo pa?” Proud naman niyang tanong sakin. Pinapataba yata ako ni batman, lagi
niya akong pinapakain ng madami. Ang sasarap naman kasi ng mga niluluto niya.
“Isa paaaaa!” Parang bata kong sagot kaya pinaglagay niya ako sa plato ko.

Naisipan ko ikwento ulit ‘yung mga nangyari kaninang lunch, ‘yung mga pinagusapan
namin nila Ate Zea.

“May problema pala si Ate Zea kay Kuya Brix, parang lagi yata silang nag-aaway.”
Umpisa ko.

Sumubo muna si Cyril ng pagkain niya bago ako sagutin. “Bakit daw? Lagi naman nag-
aaway ‘yun kahit dati pa.”

“May sinabi sila Sophia e, depression pagkatapos ng kasal. Parang may ganun si Ate
Zea.” Sagot ko sa kanya.

Hindi na sumagot si Batman. Kahit hindi ko na itanong alam ko na kung bakit.


Iniiwasan talaga na topic ni Cyril, ang kasal. Hindi ko alam kung bakit.

“Ako kaya, kailan ikakasal?” Pagpaparinig ko sa kanya. Kainis kasi. 2 years na


kami, halos lahat ng kakilala at kaibigan naming kinasal na. Minsan naiinggit na
talaga ako sa kanila. Kung may plano si Cyril, bakit hindi pa ngayon? Wala naman
kaming problema e. Di ko siya maintindihan.

“Anong oras pasok mo bukas?” Pag-iiba niya ng usapan. Hindi naman ako sumagot.
Inubos ko na lang ‘yung pagkain ko tapos iniwan ko na ‘yun sa lababo. Bahala siya
maghugas, nakakatampo siya.
*

Nagbasa na lang ako books sa kwarto pagkatapos ko kumain. Nag-aaral pa din ako ng
mabuti lalo sa sa English dahil kailangan ko.

Patapos na ako sa book na binabasa ko nung narinig kong bumukas na ‘yung pinto.
Tinago ko kaagad ‘yung book sa ilalim ng unan ko at nagpanggap na akong tulog.
Naramdaman ko lang na humiga na sa tabi ko si Cyril kaya nagpanggap pa din ako na
tulog. Bahala siya dyan. Hindi ko siya bati.

“Pukyot?” Mahinang tawag niya sakin. Hindi ako sumagot.

Narinig kong bumuntong-hininga siya bago niya ako halikan sa balikat at yakapin.
Kinikilig ako, sobra. Kaso hindi pa din maalis ‘yung tampo ko sa tuwing hindi siya
sumasagot pag nagkwekwento ako ng tungkol sa kasal.

Parang mag-asawa na din naman kami ni Cyril. Magkasama na nga kami sa bahay. Pero
gusto ko pa din matawag na totoong Mrs. Gonzales.

**SOPHIA**

Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan ko. Nakita ko kasing nakapark na ang sasakyan
ni Dylan sa garahe. Nauna na naman siyang umuwi kaysa sakin.

Pagpasok ko sa bahay, dumeretso kaagad ako sa kusina dahil naamoy ko na ‘yung


niluluto ni Dylan. Napangiti naman ako. Sa loob ng dalawang taon simula noong
ikinasal kami, madami na siyang natutunan. Sanay na siyang magluto ngayon at kung
minsan ‘yung mga simpleng gawaing bahay nagagawa na niya din ng siya lang.

“Ang bango naman niyan!” Bati ko kaagad pagpasok ko ng kusina. Naabutan ko siyang
busy sa pagluluto. Nakabihis na ng damit pambahay at naka-apron. Nginitian niya
lang ako.

Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. “Sorry nauna ka na naman sakin.
Madami kasing mineet na clients, ayaw nila ako kaagad pakawalan kanina.” Paliwanag
ko sa kanya.

“Okay lang ‘yun, mabuti na lang wala kaming overtime kaya nakauwi ako ng maaga. May
topak na naman si Aian, nag-away na naman sila ng Kuya niya.” Sumbong niya sakin.
Natawa na lang ako. Manang-mana kasi sa kanya si Aian, topakin.

Patapos na din siyang magluto kaya naman kumuha na lang ako ng plates at untensils
at ako na ang nag-set ng table. Maya-may isinunod na din naman ‘yung mga niluto
niya at tinawag ko na ‘yung yaya ng mga bata.

“Mommy!” Sabay na sigaw ni Zion at Aian na nag-uunahan pa sa pagbaba ng hagdan.

“Careful.” Paalala ko sa kanilang dalawa. Nag-squat ako at sinalubong nila akong


dalawa ng yakap at kiss sa pinsgi. “Daddy told me that you are fighting again,
bakit na naman?”
“Kuya!” Turo lang ni Aian kay Zion. Kaka-three lang ni Aian last month.

“It’s not my fault mommy, Aian wrestled me again!” Sumbong naman ni Zion. Habang si
Zion naman, malapit ng magfive.

Natawa na lang ako sa kacute-an ng dalawang anak ko. Legally adopted ko na si Zion
kaya anak na din talaga ang turing ko sa kanya. Hindi naman kami nahirapan dahil
nag-sign na si Alisha bago pa man siya mawala.

“Aian, mommy and daddy are always reminding you that you can’t wrestle everybody
because they might get hurt. Now say sorry to Kuya.” Pakiusap at pangaral ko sa
kanya. Mamaya si Dylan papagalitan ko din ‘yan. Hinaharot kasi niya ng pawrestling
‘tong dalawa minsan. Ginagaya tuloy.

“Soyi, kuya.” Maamo at nakanguso naman na sabi ni Aian kay Zion.

“Oh kuya, Aian said sorry na. Hug mo na siya.” Sabi ko naman kay Zion. Sumunod
naman kaagad siya sa sinabi ko kaya tinap ko sila parehas sa ulo. “Very good. Sige,
punta na kay daddy. Kakain na tayo.” At nagtatakbo na naman silang dalawa papunta
kay Dylan sa dining.

Bumaba na din naman ‘yung yaya ni Sasha at na buhat buhat siya. Agad siyang dumipa
at nagpabuhat sakin. “How are you baby? Did you miss mommy? Ha? Did you miss
mommy?” Nanggigigil kong sabi sa anak ko habang hinahalikan siya sa pisngi. Sulit
talaga ang pagod pag nakikita ako ang mga anak naming ni Dylan. Lalo akong
ginaganahan magtrabaho para sa kanila.
*

Pagkatapos naming kumain ng dinner, binitbit na naming ni Dylan ‘yung tatlo sa


theater room sa taas. Nagkwekwentuhan kami habang si Zion at Aian, nanonood ng
Monsters University na ilang beses na yata nilang pinanood.  Si Sasha naman na 1
year old na, nakikinood na lang sa dalawa niyang kuya habang nakakalong sa Daddy
niya.

“Nagkita kami nila Ate kanina, nagyaya lang siya maglunch.” Kwento ko. Hindi ko na
sinabi na may problema si Ate kay Kuya Brix.

“Nagyayaya nga last week si Enzo umalis, sama daw sila Heart at ‘yung kambal mag
out of town. Kaso sabi ko tatanong ko pa sa’yo.” Pagkwento niya din.

“Baka next month pa ako pwede, alam mo naman ang daming ginagawa kahit hindi pa
naman naming peak season. Pero sige, hahanap ako ng time.” Sagot ko sa kanya. Antok
na sana ako at gusto ko ng matulog kaso hindi pa nakakapagwash-up ‘yung tatlong
makukulit. Gusto kasi naming ni Dylan kahit sa gabi man lang pag-uwi naming galing
sa trabaho, kami ang mag-aasikaso sa kanila.

“Ako madali lang makahanap ng time, kaya sabi ko bahala na muna. Nga pala Mommy,
mamasyal tayo sa weekend? Ang tagal na nating hindi napapasyal ‘yung mga bata.” Aya
ni Dylan.

Pag-iisipan ko pa sana kung wala ba akong importanteng client sa weekend kaso


biglang sumampa sakin si Zion.

“Mommy, we are going to pasyal?” Excited na tanong niya.


Dahil nakita sa kuya niya, sumampa na din tuloy si Aian sakin. “Mommy, pasyal!”

“Ikaw Sasha, do you want to make pasyal?” Tanong naman ni Dylan kay Sasha.
Naglalaro lang siya ng daliri niya at hindi naman pinapansin ang sinasabi ng Daddy
niya.

“Mommy, I want pasyal!”

“Mommy, mommy!”

Pangungulit pa ng dalawang boys kaya wala na akong ibang nagawa. “Okay, sige.
Pasyal tayo this weekend, basta matutulog na kayo ngayon. Mommy is tired na, kaya
sleep na tayo ha babies?”

“Yes, basta we are going to make pasyal!”

Haaay! Ang kulit!

Pagkatapos naming makumbinsi ‘yung dalawang boys na magwash-up na, pinatulog na din
sila ni Dylan sa room nila.
Pagbalik ni Dylan sa kwarto nila, patulog na din si Sasha. Katabi pa namin siya
matulog dahil madalas pa siyang umiyak sa gabi pag hindi kami katabi.

“Tulog na sa wakas. Haaaay. Niwrestling muna ako ni Aian bago pumayag matulog.”
Humiga na si Dylan sa tabi ni Sasha at nilagay ‘yung dalawang kamay sa ilalim ng
ulo niya.

Tinignan ko siya ng masam at pinalo sa braso. Napa-aray naman siya. “Sabi ko naman
sa’yo pag nagwrewrestling na naman ‘yang si Aian sasawayin mo! Tignan mo mga
natututunan sa’yo, pati Kuya niya niwrewrestling tuloy.”

Tinawanan lang ako ni Dylan at hinawakan ‘yung kamay ko na nakapatong sa binti ni


Sasha. “Hayaan mo na ‘yun, lalaki ‘yung mga anak natin. Natural lang ‘yun.”

Pinandilatan ko siya. “Kahit na! Laging nag-aaway ‘yung dalawa oh!”

“Oo na. Pagsasabihan ko na bukas.” Pagsuko naman niya. Aba dapat lang. Kung hindi
siya ang lagot sakin.

Humikab na siya at pumikit. Mukhang pagod na din si Dylan. “Tulog na tayo ah.”
Bulong niya.

“Goodnight daddy.” Bulong ko sa kanya.


Ngumiti naman siya at dumilat. Lumapit siya sakin ng kaunti para halikan at sa
labi. “Night mommy. Weekend ha?”

“Weekend.” Promise ko sa kanya.

Bumalik na siya sa pagkakahiga at yumakap saming dalawa ni Sasha.

---

Pictures nila Zion, Aian at Sasha sa multimedia! :)

Thank you guys pala for the 4 Million reads and counting ng Perfect Mistake,
pinapasaya niyo ako na kahit tapos na 'to madami pa din ang bumabasa at
nakakaappreciate! I'm working on the next Special Chapter, dahil namiss ko sila.

Shameless plugging na din ang peg ko. Check out my new story: Ways to Love! Yung
story ko na patapos na: My Hired Girlfriend and 'yung dating Secret Love na story
ni Enzo and Heart, They Won't Stay na po ang title niya ngayon. 

Anyway, stay safe and dry guys!  

=================

Special Chapter #3

Perfect Mistake

Special Chapter #3

**ZEA**
"Bee, could you drive slower? Nahihilo ako." Utos k okay Brix habang hawak ang
sentido ko. Sobrang hilong-hilo na talaga ako pero kailangan ko pa ding pumasok.
Madami kasing papers na kailangan pirmahan at designs na kailangan i-approve. Busy
week.

"Sabi mo kanina, malalate ka na kaya binilisan ko. Tapos ngayon bagalan ko? Tapos
pag nalate ka makakatikim na naman ako ng malupit na flying kick. Ano ba naman
Zee?" Reklamo niya na may halong pang-aasar.

I rolled my eyes at him. "I don't feel well today Brix, kaya please wag mo ko
asarin ha?"

"Sabi ko naman kasi sayo wag ka ng pumasok kung hindi mo kaya. I'm willing to take
the day-off too para bantayan ka. Tigas ng ulo mo." He said in a concern yet
serious tone. Alam naman niyang hindi pwede, ilang beses ko pang uulitin.

"I can't. Just shut up and drive, please?" Nagtitimpi na inis ko ng sabi sa kanya.

"Lagi naman. Bawal akong magsalita, bawal akong maging concern sa asawa ko. Okay, I
get it." He said sarcastically kaya tinanggal ko ang kamay ko sa ulo ko.

Tiningnan ko lang siya habang nagdridrive. He is clenching his teeth. "Please don't
start a fight, Brix."

Napapikit siya at sumulyap sakin. "Ako pa ngayon? Ako na naman? Wow. Thanks Zea,
salamat ha?"

I fell silent. Pinipigilan ko ang sumagot. Kasi pag nagsalita ako siguradong mag-
claclash lang kami. Ayokong mag-away na naman kami ni Brix. Gusto ko na lang talaga
na makarating sa office para makapagcooldown.

Pero si Brix naman ang ayaw magpaawat. "Sobra sobra ka na naman sa trabaho. Hindi
na nga kita halos makita, hindi na kita makausap. Gusto kitang ayain magdinner pero
hindi ka pwede. Sa umaga lagi kang nagmamadali, pag uwi natin sa gabi pagod na tayo
parehas. Hindi ko maramdaman na may asawa pa ko Zea."

"Sorry. I'm trying, Brix. Nakikita mo naman. Hindi naman madali na mag-adjust agad
sa married life. It's stressful! It's depressing!" Napatigil ako sa sinabi ko. No.
I couldn't have said that too loud. No.

"Depressing?" Natawa siya ng pasarcastic. "Hindi ko alam kung anong masasabi ko


dyan. Hindi ko alam na nakakadepress pala ang mag-asawa." Mas binilisan niya ang
pagdridrive kaya mas naramdaman ko ang pagkahilo ko.

"Are we going through this again? Akala ko ba nagcompromise na tayo?" Paalala ko.
"Baka ikaw ang nakakalimot sa pinag-usapan natin. Di ba pinangako mo sakin na mag-
brebreak ka from all the hard work? Hindi naman ito para sa akin lang. Have you
looked at the mirror lately?" Natahimik ako. Ofcourse I had. And I didn't like what
I saw. "You look thinner and stressed. And to top it all, you look so unhappy and
it hurts me a lot Zea. Nasasaktan akong nakikitang ganyan ka, na nadepress ka
pagkatapos ng kasal. Ano bang problema sakin?"

"I have reasons, Brix." I half whispered.

"Then what is it? Sabihin mo sakin kung bakit? Hindi ko naman 'yun kayang hulaan
Zee. Please, para magkaintindihan tayo." Pagmamakaawa niya. Kung kanina galit at
seryoso na siya, ngayon he sounds concerned and pained. Huminto na ang sasakyan
niya sa tapat ng office.

I reached out my hand to touch his face. "Basta please don't get mad. I don't
regret my choice of marrying you. I have to tell you something soon. So please,
intindihin mo muna ako ngayon. I promise you, babawi ako from all these."

He nodded but didn't say anything. Naaawa na ako kay Brix, really. Gustong gusto ko
ng sabihin sa kanya ang kundisyon ko para maintindihan niya kung bakit ako ganito
ngayon. At kung bakit sobrang binubuhos ko ang atensyon ko sa trabaho.

Naglean ako palapit sa kanya at hinalikan ang pisngi niya. Bumuntong-hininga lang
siya bago nagsalita. "Text mo na lang ako pagmagpapasundo ka na. Kumain ka, uminom
ka ng gamot. I'll see you later." Bilin niya. This is what I love the most about
Brix. Kahit na nasasaktan ko na siya o nag-aaway kami, he never stops caring about
me.

"I will." I promised before getting out of his car. Mabilis din naman siyang
nagdrive paalis. Pumasok ako ng office at agad na sinalubong ng secretary ko, si
Darcy. Inalalayan niya kaagad ako na makapasok sa room ko.

Naupo kaagad ako when we got in dahil matindi na talaga ang hilo ko. "Darcy, please
get me a glass of water."

Agad naman niyang ginawa. Worried-looking siya pagbalik niya sakin. "Sinabi mo na
ba sa kanya?" Tanong niya.

I shook my head after kong uminom. "I can't right now. Sobrang busy ng week na 'to
Darcy, I needed this bago ako magpahinga sa work ko. Just this one."

"Kaya mo pa ba?"

Tumango ako. "I'm still fine. Gusto ko din kasi 'tong sabihin sa birthday niya and
isa pa, for sure pipigilan na niya ako magwork pag nalaman niya 'to. You know about
our issues, right?" Sa tagal ni Darcy na nagtratrabaho sakin, I consider her as a
close friend at siya ang nasasabihan ko ng mga problema ko dito sa work. Sa kanya
ko din ieentrust ang lahat ng bagay dito ko pag nagleave ako.
"Suggestion lang naman, Zey. I think you should tell him earlier then explain why
you're doing this. I'm sure he would understand. O baka pagbigyan ka pa niya. But
you should, soon."

"Okay, I will later." Kinakabahan kong sagot. Sana lang magkaintindihan kami ni
Brix mamaya.

**HONEY**

"Batman, si Greg oh! Ayun siya! Ayun!" Excited ko na turo kay Batman sa kabilang
table. Natutuwa talaga ako na after 2 years ay naisipan ng HRM Society na magparty.
Nakakatuwa silang makita ulit.

"Bakit excited ka? Crush mo?! Siningkitan ako ni Batman ng mata "Panget panget
nun."

Tinawanan ko lang siya at inakbayan. "Ikaw naman! Hindi mo ba siya gustong


makausap? Close kaya kayo dati, di ba?"

Inirapan lang ako ni Batman. "Dati 'yun, bago ko nakitang niyayakap ka niya. Di pa
ko nakakamove on dun. Badtrip kaya."

Mas lalo akong natawa kay Batman. Minsan pag ganito siya hindi ko maintindihan kung
nagseselos siya talaga o inaasar niya lang ako eh. Pero alin pa man dun sa dalawa,
kinikilig naman ako. Ang possessive lang ng Batman ko. Hihi!

Tumayo ako mula sa table naming at hinila siya sa kamay. "Lika na kasi, puntahan
natin si Greg. Nandun din yung dating VP ng Society. Lika dali, kausapin natin
sila!" Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi siya tumatayo kaya naman pinagbigyan
na din niya ako.

Excited na excited ako noong lumapit kami sa table nila Greg. Malayo pa lang kasi
napansin na niya ako at tumayo na kaagad siya. "Honey!" Sigaw niya sabay akma
sanang yayakap kaso humarang si Batman sa pagitan naming kaya siya ang nayakap ni
Greg. "Hahaha! Pres! Namiss kita pres! Sobrang miss kita." Natawa na lang na sabi
ni Greg.

Humiwalay siya sa yakap niya kay Batman at umayos ng tayo. "Naks. Poging pogi tayo
president ah."

Nag-pogi pose muna si Batman kay Greg bago siya nag-appear. "Ako pa ba. Liit mo pa
din ah, wala ka ng balak lumaki kahit konti?"

Tumawa ng malakas si Greg kaya napatingin samin yung ibang nasa table niya. "Ikaw
talaga Pres! Wala kang pinagbago."
"Oy Pres! Kamusta?" Biglang dumating si Jay na VP namin dati. "Going strong ah,
kayo pa din?"

"Bakit? Gusto mo tayo naman? Asa boy. Ayoko sa late!" Ganting sagot ni Cyril sa
kanya habang tumatawa sabay mahinang batok kaya nagtawanan na lang kaming lahat.

Biglaang may dalawang babaeng lumapit sa grupo naming nila Greg.

"Ah nga pala, fiancé ko si Marj." Pakilala ni Greg dun sa babae.

Nanlaki ang mata ko. "Fiance?!"

Sinamaan ako ng tingin ni Batman kaya tumawa ako. "Nakakagulat naman. Ang galing
Greg! Ikakasal ka na. Ang galing talaga! Congratulations sa inyo ha? Best wishes."
Tuwang tuwa ko pang kinamayan si Marj na ngiting-ngiti lang din. Ang saya. Hindi ko
akalain na maeengage agad si Greg kasi ang kulit kulit niya. Para siyang ako
minsan, kaya akala ko wala pa sa isip niya ang mag-asawa kaagad. Naunahan niya pa
akong maengage.

"And this is my wife, Kim." Pakilala naman ni Jay dun sa isa pang babae na kasama
niya. Ngumiti naman yung magandang babaae na medyo malaki ang tyan.

"Buntis na siya Jay?" Tanong ko sa kanila. Naamaze na naman ako, kasi loko-loko din
si Jay dati. Ang alam ko lagi niyang dinadate yung secretary niya.

"4 months." Sagot ni Kim at ngumiti siya sa'kin. Ang saya nila. Ang saya saya nila
tignan. Naiinggit tuloy ako bigla. Kaso ayoko naman ipahalata kasi minsan lang kami
magkita. Hindi ko na lang tinignan si Batman kasi baka isipin niya naiinggit ako sa
kanila kasi ikakasal na yung isa at yung isa naman magkakababy na.

"Kayo? Di pa ba kayo kasal? Ang tagal niyo na ah! Baka naman di lang kayo nag-
invite." Tukso ni Jay samin.

Napangiti na lang ako ng tipid sa kanya.

Binatukan naman siya ni Batman. "Lul mo. Ikaw ba nang-invite?"

Inilagan lang ni Jay yung pagbatok niya. "Joke lang. Pero seryoso, kasal na nga
kayo?"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Batman. "Secret. Walang clue. Ang magtanong may
sapak sa atay. Tara dun! Kain tayo!" Aya niya samin at hinawakan niya yung kamay
ko.
Masaya naman silang lahat kausap at kasama pero hind ko alam kung bakit hindi na
ako nag-enjoy sa party. Kaya tuloy, hindi pa tapos ang party ay nag-aya na ko
umuwi. Pagod na din kasi ako at masama na din talaga ang pakiramdam ko. Haaay.

Hindi naman na nagtanong pa si Cyril, umuwi na din kami pagka-aya ko. Tahimik lang
ako sa buong byahe, tahimik lang din siya. Pagdating naming, kanya kanya lang
kaming baba ng sasakyan. Pagpasok namin ng bahay muntik na ako atakihin sa puso sa
gulat.

"Mga apo!" Sigaw ni Lola na nasa labas ng bahay namin.

Napatakbo ako palapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Namiss kita Lola!"
Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at kinurot ako sa pisngi.

"Namiss ko din ang honeybunny at ang pinakagwapo kong apo syempre. At isa pa, may
lakad ako sa isang araw. Kasama ang mga kumare ko kaya naisipan kong dalawin ko na
kayo." Sagot ni Lola. Ngiting-ngiti naman ako. Yehey! Ang saya kasi pag nandito din
si Lola.

"Saan naman kayo gumimik Lola? Kasama niyo na naman ba 'yung hacienderong
kapitbahay natin?" Nagdududang tanong ni Cyril kay Lola. Noong huli kasi kaming
umuwi sa bahay niya sinabi niyang type daw siya at balak ligawan noong matandang
haciendero na kapitbahay namin.

Napalo tuloy ni Lola si Cyril. "Ay ikaw naman apo masyado kang mapaghinala, mga
kumare ko nga ang kasama ko. At isa pa hinding hindi ko ipagpapalit ang lolo mo.
Para saan pang nagpakasal ako kung hindi ako loyal di ba? Relationship goals yun
apo, kahit wala na ang lolo mo."

"Nagfafacebook ka na naman ba lately, Lola?" Tanong na naman ni Cyril pero this


time natatawa na siya. Kahit ako man. Si Lola talaga kahit kailan bagets pa din.

"Slight, si kumare ko kasi pinapanood sakin yung dubsmash nila nung apo niya.
Tawang-tawa nga ako, gawa din tayo nun mga apo!"

"Sige lola! Gusto ko yung madrama para lumabas pagiging artista natin!" Nag-apir pa
kami ni Lola at halatang excited din siya sa naisip ko.

"Oo tama. Tama. Ang galing mo talaga honeybunny ko. Kaya labs ka ni Lola."

Napapakamot na lang na sumingit si Cyril sa usapan natin. "Alam niyo kayong dalawa
gutom lang 'yan. Kumain na lang tayo."

"Ay oo nga, nagluto na nga ako kasi sigurado akong gutom na kayo." Nagsimula ng
maghain si Lola kaya tinulungan ko siya habang si Cyril dumeretso sa kwarto para
siguro magbihis.
Habang naglalagay ng mga plato sa lamesa napahawak na lang ako sa isang upuan nung
makaramdam ako ng hilo. Nanlabo ang paningin ko.

"Lola," huli kong nasabi bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.

**JANNA**

Excited na ako pero mas excited pa yata ang Mommy ko.

Kagabi kasi nagmessage na sa facebook si Nate na nandito na daw siya sa Australia


at niyayaya niya ako kaagad mamaya na mag-dinner. Kaya eto ako ngayon, namimili ng
isusuot ko.

"Ayaw mo ba talagang magpaparlor anak?" Makailang tanong na ni Mommy.

Natatawang napairap na lang ako habang hinahanapan ng katernong sapatos yung floral
dress na napili ko. "Mommy, hindi naman party ang pupuntahan namin. Magdidinner
lang po kami, hindi na kailangan magpaparlor."

"Paano ang make-up mo? Ang buhok mo? Nagpamanicure ka na ba?"

Inilapag ko sa kama yung dress ko at hinarap si Mommy. Hinawakan ko siya sa


magkabilang balikat. "Mommy, okay na ako. Ako na po ang bahala. Wag ka ng masyadong
maexcite at magpanic dyan."

"Sure ka ba anak? Kasi naman, si Nate 'yan. Nag-iisang mong ex." Imbyerna din to si
Mommy. Pinaalala pang isa pa lang ang naging jowa ko.

"Okay lang po, close friends naman po kami. Kaya ko na 'to 'mmy. Labas ka na po
magbibihis na ako."

"Hay sige, basta tawagin mo ako kung may kailangan ka. Nasa kitchen lang ako."
Bilin ni Mommy. Tumango lang ako at ngumiti bago siya lumabas ng kwarto ko.

Nagpalit na ako nung blue floral dress na napili ko, pinartneran ko na lang din ng
black flats. Iniready ko na lang din 'yung light gray ko na cardigan. Nagsimula na
din akong mag-ayos ng buhok. Tinuyo ko lang naman ng blower at nagheadband na lang
ako para hindi na masyadong ma-effort. Naglight make up lang din ako. Powder,
eyeliner at pink lipstick lang okay na.

Pagtingin ko sa relo 6:30 pa lang. Ready na akong umalis kahit na 7:00 pa ang
usapan namin ni Nate. Bumaba na ako sa sala dala yung bag ko. Naabutan ko si Mommy
na tensed at naglalakad ng pabalik balik sa sala. Sa totoo lang gusto ko na siyang
gayahin kasi natetense din ako. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko. Syempre
excited din ako na makita si Nate. Aba namiss ko din ang sira-ulong 'yon. Pero ang
tagal din naming hindi nagkita, huli pa noong hinatid nila ako sa airport. Hindi ko
alam kung anong posibleng magawa o masabi ko pag nagkaharap na ulit kami.

10 minutes before 7:00 may bumusina na sa labas ng bahay. Alam kong si Nate na
'yon. Hindi pa agad ako nakatayo mula sa sofa. Kinalma ko muna ang sarili ko dahil
naghahalo halo na ang nararamdaman ko. Syempre lamang ang excitement pero
pakiramdam ko din matutuyo ang lalamunan ko.

"Bubuksan ko na ba? Papasok ba siya?" Atat din na sabi ni Mommy na papunta na sana
sa pinto. Napansin kong may hawak siyang camera sa kaliwang kamay.

"Para saan naman 'yan Mmy?"

"Pipicturan ko kayo bago kayo umalis, remembrance din 'to anak."

"Mommy, hindi naman po kami pupunta sa prom para magpapiture pa! Ako na lang po ang
lalabas at wag kang sisilip sa bintana ha? Maiilang ako promise."

Napabuntong-hininga na lang si Mommy. "Ang KJ mo talaga anak." Inayos niya yung


buhok ko at hinalikan ako sa pinsgi. "Sige na wag mo ng paghintayin ng matagal si
Nate."

Ngumiti ako ng malapad sa kanya at dumeretso na sa pinto. Parang lahat ng ginawa ko


nagslow-motion. Mula sa paglabas ko ng pinto hanggang sa paglalakad ko sa front
yard at paglabas ko ng gate. Napaangat kaagad ng tingin si Nate noong marinig niya
yung gate.

At ang unang banat niya, "Wow babaeng babae tayo."

Nginusuan ko siya at naglakad ako palapit sa kanya.

Hindi ko alam pero ineexpect ko din naman na ganito ang gagawin ni Nate pag nagkita
ulit kami. Na sasalubungin niya ako ng yakap.

Napayakap na lang din ako ng mahigpit sa kanya. Amoy na amoy ko tuloy 'yung pabango
niya. Ito pa rin 'yon. Ito pa din ang pabango niya. Namiss ko ang amoy na 'to sa
tuwing niyayakap ko si Nate dati.

Ayoko na sana matapos 'to. Aaminin ko na ayoko ng pakawalan si Nate. Kung kasya nga
lang siya ibinulsa ko na siya. Natawa na lang ako noong maalala kong wala palang
bulsa 'yung suot kong dress ngayon.

"Kinilig ka naman masyado sa yakap ko." Biro ni Nate nung narinig 'yung tawa ko.
Humiwalay na ako sa pagyakap ko sa kanya para batukan siya. "Feeling mo naman!"

"Deny ka pa." Tuwang-tuwa din niyang sabi.

"Tumaba ka ha. Ayos buhok natin ngayon, clean look." Puna ko sa kanya. Halos wala
namang nagbago sa kanya. Punyemas, mas gwumapo nga lang. Mukha ng kagalang-galang
si Nate ngayon. Professional look na ang peg niya.

"Ikaw pumayat, pero pumuti ka lalo. Iba talaga pag nasa abroad na. Nakakaganda ba
panahon dito?" Biro niya.

"Matagal na kong maganda excuse me. Gandang-ganda ka nga sakin dati di ba?" Hindi
ko alam kung bakit kahit na break na kami ni Nate hindi naman kami naiilang na
magbiruan ng ganito. Siguro dahil na din naghiwalay naman kami ng maayos at wala
naman kaming hinanakit sa isa't-isa. Siguro nga, ewan ko.

"Halika ka nga, alis na tayo. Nagkakalokohan na eh." Kunwaring seryoso niyang sabi
kaya napalo ko naman siya sa braso.

"Yan naman talaga ang namiss ko sayo eh. Yung mga hampas mong magkakapasa ako. Tara
na nga."

At sumakay na kami sa sasakyan niya habang parehas na hindi tumitigil sa pagtawa.


Masaya lang kaming dalawa ngayon, alam ko.

***

Dinala ako ni Nate sa isang buffet na restaurant. Mabuti na lang at hindi ako
nagbongga ng damit. Alam ko naman ang mga trip ni Nate dahil parehas kami. Hindi
kami mahilig sa sobrang fancy.

"Grabe ang sarap ng Sinigang nila dito. Alam mo ba talagang may pinoy foods dito?"
Tanong ko sa kanya. Halos pinoy foods lang ang kinuha ko kaya tuloy feeling ko nasa
Pilipinas kami ngayon ni Nate. Nakakamiss din 'to.

"Oo, nirecommend nung kasama ko sa conference. Masarap daw talaga dito." Sagot niya
naman habang nilalantakan yung beef caldereta niya.

"Hanggang kailan ka ba dito? May time pa ba na matour kita?" Madami na din kasi
akong lugar na nagustuhan talaga dito sa Australia at nagpromise ako sa sarili ko
na kahit sino man sa kanila ang dadalaw dito, dadalahin ko doon.

Sumeryoso ang mukha ni Nate. Muntik na akong matawa, hindi kasi talaga benta sakin
yung seryoso niyang mukha. Mukha pa din kasing nagjojoke. "Hindi ko nga sigurado.
Ngayon lang ang free time ko, kanina nagready pa kami ng mga presentation. May
jetlag pa nga ako. Bukas simula na ng conference, baka hanggang sa last day na
namin 'yon."

Nalungkot din naman ako sa sinabi niya. Sobrang busy na din pala ni Nate ngayon.
Natuwa din naman ako na nag-effort siya na makipagdinner imbes na matulog na lang.
Gusto kong kiligin kaso nagpigil ako. Mahirap na. Mamaya mamimiss ko lang siya ng
sobra pag umalis na siya ulit.

"Hatid mo na lang ako sa airport." Biglang bawi niya at balik na siya sa pagiging
cheerful.

"Ayoko nga, mamaya niyan isilid mo pa ko sa maleta mo." Biro ko sa kanya.

Syempre ang loko, sinakyan naman ang joke ko. "Paano mo nalaman 'yung plano ko?"
Umarte pa siyang parang nadismaya. "Malaki naman maleta ko. Iiwanan ko lahat ng
gamit ko maisama ka lang pabalik."

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na totohanin niya na lang. Na isama na niya ako
pabalik sa Pilipinas. "Sira!" Yun na lang ang nasabi ko.

Buong gabi hindi kami nawalan ng pag-uusapan ni Nate. Nakamusta ko na silang lahat
sa kanya. Ang loko hindi pala sinabi sa kanila na may plano siyang makipagkita
sakin dito. Hindi nga din yata nila alam na nandito siya ngayon sa Australia.

"Syempre hihingi ng pasalubong 'yung mga yon! Ang dami dami kaya nila, lalo yung
mga kumag. Ayaw nun ng basta bastang mga pasalubong." Pagdadahilan niya.

"Ang kunat mo pa din sa kanila kahit hanggang ngayon, e big time ka na nga." Asar
ko. Isa na kasi siya sa nagmamanage ng hotel chain nila.

"Mas makukunat yung mga 'yon." Sinungaling. Siya na ang pinakamakunat saming lahat.
Tinawanan ko lang siya kaya naman pinanlakihan niya ako ng mata. "Totoo naman! Mas
makunat sakin si Cyril!"

***

Pagkatapos namin kumain nagyaya na lang ako sa may seawall na malapit dito.
Mahangin din kasi dito at isa pa ayoko pang mag-ayang umuwi. Kung sa airport na
ulit kami susunod na magkikita ni Nate, gusto ko nang sulitin ang gabing 'to.

Napag-usapan naman ang tungkol sa trabaho ko dito.

"Kahit na minsan nakakahomesick dito at namimiss ko sila Sophia, nag-eenjoy na din


ako. Hindi ko akalain na may mararating din ako dito." Amin ko sa kanya.

"Nakikita ko nga sa mga shinashare mo na pictures sa facebook, ang dami mong


nameemeet. Aamin ko na din, proud ako sa mga narating mo." Naniniwala ako dahil
bakas naman sa mukha niya kung gaano siya kaproud sakin.

"Yung mga taong napapanood ko lang sa TV dati, sa mga fashion week, mga naririnig
ko lang ang pangalan nameet ko na sila. Nigel Barker, grabe. Heaven yung feels."
Napatingala pa ko sa ulap nung naalala ko yung moment na 'yon. Kaya nga kahit anong
gusto ko na bumalik na ng Pilipinas, hindi ko na din basta magawa. May mga
nasimulan na ako dito at napamahal na din ako sa trabaho ko.

Narinig kong napabuntong-hininga si Nate kaya tinignan ko siya.

"Mukhang hindi na nga talaga kita maisasama pabalik."

Napayuko ako sa sinabi niya. Nalungkot.

"Dadalaw naman ako, pag maluwag na yung schedule ko." Sagot ko sa kanya.

Tumawa siya pero halata naman na hindi siya masaya. "Hindi sana yan ang gusto kong
marinig sa'yo."

"Sorry Nate." Yun na lang ang tangi kong nasabi.

"Naintindihan ko naman. Pangarap mo 'yan eh, ayaw naman kitang pigilan sa mga gusto
mong gawin."

Hindi na ako nakasagot. Alam ko kasi na totoo. Kalahati ng utak ko kuntento na sa


kung anong meron ako dito. Nandito din naman ang pamilya ko. Kalahati gusto pang
bumalik doon dahil madami akong taong naiwan, unang-una na si Nate.

"Lika na, malapit na mag-12. Maaga pa din ang conference namin bukas." Aya niya.

Tinignan ko lang siya. Gusto kong sabihin na wag muna. Gusto ko pa siyang makasama.
Gusto ko sana.

Tahimik lang kami ni Nate sa byahe. Hindi ko alam kung pagod na ba siya o epekto pa
din ng jetlag o baka dahil sa napag-usapan namin. Ito pa naman yung iniiwasan ko na
mangyari, yung magkaroon ng malungkot na part yung pagkikita naming. Kaso mukhang
hindi talaga maiiwasan.

Pag hinto ng sasakyan niya sa tapat ng gate naming bumaba siya agad para pagbuksan
ako ng pinto.

"So paano? Message nalang kita pag nakahanap ako ng free time?"
Tumango ako. "Ayoko sanang sa airport na ulit tayo magkita."

Ngiti lang ang isinagot sakin ni Nate.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na yakapin ulit siya. Namiss ko talaga ang
kumag na 'to. Yumakap din siya ng mahigpit sakin. After 2 years, ngayon lang ulit.
Ngayon lang ulit ako sumaya at nalungkot ng ganito. Ayoko nang bumitaw sa kanya.

"Sige na, pasok ka na." Hinalikan niya pa ang buhok ko bago humiwalay sakin.

Bakit ka ganyan Nate? Naman eh! Lalo akong nahihirapan sa nararamdaman ko.

"Good night." Paalam ko sa kanya.

Tumango lang siya at hinintay akong makapasok ng gate bago sumakay ng sasakyan
niya.

Dumeretso ako sa kwarto ko dala ang amoy ng pabango ni Nate.

Hindi ko alam, ganito ko pala sya ka-miss.

**SOPHIA**

12 messages.

23 missed calls.

Lahat galing kay Dylan.

"So we think dapat maimove ang show a week before that para hindi tayo sumabay sa
iba. Kailangan makapag-set na tayo ng identity para whatever comes from them, if
ever may pareho sa concept or anything atleast nauna tayo. Right?"

Tumango kaming lahat pero wala ako sa sarili ko. Kanina pa kasi naghihintay sila
Dylan at 'yung mga bata sa zoo. Pero nagkaroon kami ng emergency meeting na hindi
ko pwedeng hindi puntahan. Akala ko naman sandali lang kami dito. Pero dalawang
oras na hindi pa din kami tapos. Dahil wala si Ate Zea, masama ang pakiramdam. Kami
ni Darcy ang pumunta for Enchante.

"Ms. Elizalde, papatulungan na kita kay Ms. Chua para sa designs. We need to
finalize them this week para hindi tayo magahol sa designs at sa fitting. We cannot
afford to be delayed. Okay?"
"Yes ma'am." Sagot ko. Ang totoo hindi ko naabsorb ang sinabi niya. Kinakabahan na
ako. Siguradong galit na si Dylan. Nagpromise pa naman ako sa mga bata. Sana lang
matapos na 'to.

"Mukhang pagod na kayong. Meeting adjourned."

Hindi na ako nagdalawang isip na ayusin lahat ng gamit ko at magpaalam sa kanila.


Halos tinakbo ko na ang pagbaba sa hagdan, pati elevator gusto ko ng pagmadaliin.
Lumabas kaagad ako ng building at dumeretso sa sasakyan ko.

Malas. Traffic pa. Sunday kasi kaya siguradong madaming tao sa kalsada. Ilang beses
kong sinubukang tawagan si Dylan para sabihin na papunta na ako pero hindi naman na
niya sinasagot.

Humanap na lang ako ng alternate route kahit medyo malayo layo. Ganun din naman.
Mas tatagal pa ako pagnastuck ako sa traffic.

Mahigit 40 minutes simula ng sumakay ako sa sasakyan noong makarating ako sa


parking lot ng zoo. Nagbayad kaagad ako ng ticket at nagmamadaling pumasok sa loob
habang sinusubukan pa ding tawagan si Dylan. Hindi pa din siya sumasagot.

Hindi naman sila aalis kaagad dahil walang dalang sasakyan si Dylan. Inihatid ko
lang sila papunta dito kanina dahil usapan nga namin na susunod kaagad ako.
Pinuntahan ko na yung reptile section pero wala sila doon. Nagpunta na din ako sa
butterfly garden pero wala din sila. Pati sa malaking aviary.

Matapos ang ilang minuto ko pang pag-iikot sa loob nakita ko din sila.

Si Sasha na tulog na tulog sa stroller niya. Si Aian na ayaw tumigil sa pag-iyak na


nakakalong kay Dylan habang pinupunasan niya naman si Zion na sobrang dungis dahil
sa kinakain na ice cream.

Nakita ako ni Dylan, pero wala siyang reaksyon. Seryoso lang at alam ko na kaagad
na galit siya.

Lumapit ako sa kanila. "So-" Pero hindi pa ko nakakatapos, tumayo na kaagad si


Dylan.

"Umuwi na tayo. Pagod na ko."

Tinulak ko na lang yung stroller ni Sasha habang buhat niya si Aian sa kabilang
kamay at hawak naman si Zion sa kabila. Sumunod na lang ako kay Dylan.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang makasakay kami sa sasakyan. Hanggang sa


makarating kami sa bahay.
Nilinisan ko na lang si Aian na hindi pa din tumitigil sa pag-iyak, sa tingin ko
inaantok na 'to. Sinunod ko naman si Zion na nagsisimula na ding magmaktol.

"I didn't see the dinosaur and the elephant." Paiyak na niyang sabi.

"Anak, there's no dinosaur in the zoo." Sagot ko sa kanya.

"But I didn't see the elephant."

"Babalik na lang tayo dun, promise ni Mommy."

"You promise also today that I will see the elephant. Mommy didn't keep her
promise."

Tinamaan ako sa sinabi ni Zion. Alam kong nakakaintindi na siya kaya hindi na ako
nagulat na sinabi niya 'yon.

Binihisan ko nalang siya at niyakap pagkatapos. "Sorry, anak. Promise babawi ako sa
inyo. Sige na punta ka na sa room mo and take a nap."

Sumunod naman siya kaagad.

Pagbalik ko sa kwarto nakaligo na din si Dylan at nakahiga sa tabi ni Sasha na


tulog pa din hanggang nggayon. Hindi ko pa din siya nalilinisan dahil ayaw kong
istorbohin ang tulog. Baka mamaya umiyak pa. Kawawa naman.

Si Dylan nakapikit na din. Hindi ko nga lang alam kung tulog na talaga.

Humiga ako sa tabi ni Sasha at tinapik siya ng mahina sa braso.

"Magluluto ako ng dinner. Anong gusto mo?"

Muntik ko nang akalain na tulog siya. Ang tagal kasing sumagot.

"Kahit ano. Bahala ka na."

"Beef Caldereta?"

"Sige." Tipid na naman niyang sagot.

Umayos ako ng upo sa kama naming at hinarap siya. "Dylan, galit ka ba?"
Bumuntong-hininga lang siya at umiling.

"Sorry na. Promise babawi ako sa mga bata. May emergency lang talaga kanina."

"Sa susunod, wag ka nang magpromise sa kanila kung hindi mo kayang tuparin." Sabi
niya bago ako tinalikuran.

********

Hi! Pasensya na matagal ang kasunod na Special Chapter. Kung dati medyo busy lang
ngayon super busy na. Every Sundays na lang siguro ang updates. May dalawang SC pa
for Perfect Mistake so may iloo-look forward pa kayo dito kahit papano.

Tweet niyo din ako sa twitter username ko Crestfallenmoon, with hastag


#PerfectMistakeSC4. Pwede niyong itweet yung scenes na wish niyong masama sa SC or
yung predictions niyo sa mangyayari at opinions sa SC. Thank you!

//shameless plug. HAHAHAH

You might also like