You are on page 1of 7

1

FILIPINO 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan

Pangalan: __________________________________________ Petsa: _______________


Pangkat: ___________________________________________ Ikalimang Linggo

ISAISIP
Kakayahang Sosyolingguwistiko

Bahagi ng pag-aaral ng lingguwistika ang tinatawag na sosyolingguwistika. Sinisipat


nito ang ugnayan ng wika at lipunan, partikular ang kaangkupan ng gamit ng isang wika
batay sa iba’t ibang konteksto. Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay maituturing na gamit o
kasangkapan sa sosyalisasyon, na ang ugnayanng sosyal ay hindi magiging ganap o buo
kung wala ang wika.

Kaugnay sa sosyolingguwistika, ang ibat’t ibang salik ng isang panlipunang


sitwasyon, gaya ng panahon, kontekstong kultural, lunan ng usapan, maging ang edad,
kasarian, propesyon, at pangkat ng mga taong sangkot sa usapan, ay kailangang bigyan-
pansin at unawain, sapagkat ang mga ito ay maaaring makaapekto sa kaangkupan ng gamit
ng isang wika sa isang sitwasyong komunikatibo.

Kapag ang isang tao ay may kakayahang manipulahin ang kaniyang gamit ng wika
upang ito ay umayon sa hinihinging sitwasyon ng pakikipagtalastasan, masasabing siya ay
nagtataglay ng tinatawag na kakayahang sosyolingguwistiko (sociolinguistic
competence). Bukod sa pagtataglay ng kakayahang lingguwistiko, isinasaalang-alang din
ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng
kanilang pinag-uusapan. Samakatuwid, itinuturing na mahalaga rin ang ang pag-unawa sa
kontekstong sosyal ng isang wika.

Sa pag-aaral ng wika, hindi lamang gramatika ang nararapat pagtuonan ng pansin.


Paliwanag ni Hymes (1976) ukol sa kakayahang komunikatibo, mahalagang malaman kung
kailan tayo magsasalita at hindi magsasalita, ano ang pag-uusapan, sino ang kakausapin,
saan, at sa papaanong paraan (Bendalan 2006). Ang kakayahang ito ay makikitang
nakalubog sa ugali, pagpapahalaga, at motibasyon ng isang indibiduwal kaugnay ng gamit
niya ng wika at bilang bahagi ng kaniyang asal sa pakikipagtalastasan. Bunga nito, ang
pagsasaalang-alang sa kapaligiran ng isang komunikatibong sitwasyon ay maaaring
magbunsod ng pagkakaiba-iba ng gamit ng wika ng mga sangkot dito. Batay sa hinihingi ng
pagkakataon at sitwasyon, ang isang taong may kakayahang sosyolingguwistiko ay
nagbibigay-pansin sa kaangkupan ng gamit ng kaniyang wika. Halimbawa, magkaiba ang
magiging takbo ng usapan sa loob ng isang pormal na komunikatibong sitwasyon, gaya ng
talakayan sa klase, asembleya, o pagpupulong, kung ihahambing sa isang impormal na
sitwasyon, gaya ng kuwentuhan ng mga magkakamag-aaral o magkakaibigan sa labas ng
silid-aralan.

Ang mga panlipunang salik na nabanggit sa itaas, gaya ng panahon, kontekstong


pangkultura, lunan, layunin, at paraan ng usapan, maging ang edad, kasarian, propesyon, at
pangkat ng mga sangkot, ay naisasaalang-alang upang maiayon ang antas o uri ng wikang
angkop gamitin para sa espisipikong konteksto ng usapan.
2

Etnograpiya Ng Komunikasyon
Sa pag-unawa ng anomang sitwasyong komunikatibo, mahalagang isaalang-alang
ng tao ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng
kanilang pinag-uusapan. Kaugnay ng kakayahang sosyolingguwistiko, ang pag-unawa sa
ugnayang namamagitan sa wika at lipunan ay may malaking papel na ginagampanan tungo
sa isang mabisang pagpapahayag. Isang paraan sa pag-unawa ng sitwasyong komunikatibo
ay ang paggamit ng modelo ni Dell Hymes, gamit ang binuo niyang akronim ng SPEAKING.
Matutunghayan dito ang sistema ng gawaing pampananalita na napapaloob sa mahalagang
salik na sosyokultural at iba’t ibang sangkap na dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng
epektibong pagpapahayag.

S-ettings at Scene
P-articipants
E-nds
A-ct Sequence
K-eys
I-nstrumentalities
N-orms
G-enre

Kakayahang Pragmatik

Ang pragmatiks ay isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang pag-aaral ng


ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at ang mga gumagamit nito. Binibigyang-pansin dito
ang gamit ng wika sa mga kontekstong panlipunan, gayondin kung paano lumilikha at
nakauunawa ng kahulugan ang tao sa pamamagitan ng wika (Yule, 1996).

Nakatuon ang larangan ng pragmatiks sa komunikatibong aksiyon sa loob ng


kontekstong sosyokultural. Sa madaling salita, binibigyang-pansin ang kaangkupan ng gamit
ng wika sa isang partikular na sitwasyon. Para kay Fraser (2010), nakapaloob sa
kakayahang ito ang pagpaparating ng mensaheng ninanais, kasama ang lahat ng iba pang
kahulugan at sa anomang kontekstong sosyo-kultural.

Pragmatik Sa Komunikasyon
Tumutukoy ang kakayahang pragmatik sa kakayahang iparating ang isang tukoy na
mensahe, ang lantad at hindi lantad nitong kahulugan sa anomang kontekstong hinggil sa
kultura, at ang interpretasyon ng tagatanggap ng mensahe, sang-ayon na rin sa nais na
iparating ng tagapaghatid nito.

Isa ang Gricean Pragmatics ni Paul Grice sa mga batayang teorya ng pragmatiks.
Para sa kaniya, ang bawat mensahe ay mayroong kahulugan para sa mga tagapagsalita
(speaker meaning). Sa akto ng pakikipagtalastasan, may layuning nakakamtan ang mga
taong sangkot sa proseso. Kapag sinabi ng isang tagapagsalita na “nilalamig ako,” maaaring
maisip ng tagapakinig nito ang iba’t ibang mensaheng nais iparating, kaalinsabay sa
pagbibigay ng interpretasyon. Maaaring hindi kinakaya ang nararanasang lamig ng
temperatura sa kapaligiran, masama ang kaniyang pakiramdam, o may nakabukas na
3

bintana o bahagi ng lugar na pinagmumulan ng lamig. Ang nabanggit na pagbigkas ng salita


o paggamit ng wika ng interlokyutor (speech act) para sa pagganap ng isang gawain ay
maaaring magbunga ng iba’t ibang aksiyon, depende sa mahihinuhang intensiyon ng
tagapakinig mula sa nasabing komunikatibong sitwasyon. Batay sa nabanggit na halimbawa,
ang nilalayong mensahe ng isang pahayag ay maaaring lantad o hindi lantad. Bahagi ng
pagsusuring pragmatik ang paggalugad sa paraan ng paghihinuha (inferencing) ng isang
mambabasa/tagapakinig sa mensaheng natanggap, kabilang dito ang hindi nakikitang
kahulugan (invisible meanings). Ang paglikha at pag-unawa sa mga nilalayong kahulugan
sa mga partikular na konteksto ay nagbibigay-daan sa mga batayan ng pagpili ng sasabihin
o hindi sasabihin, at kung ano at paano ito sasabihin o gagawin.

Panukala ni Grice, ang talastasan o usapan ay nararapat nakasalalay sa


pinagbabahaginang principle of cooperation. Ang mga patakaran sa talastasan
(conversational maxims) ay ginagamit para maging akma ang mga pahayag ng prinsipyo ng
pagtutulungan (principle of cooperation) ng mga magkausap. Ang mga patakarang ito ay
may kinalaman sa dami, uri, pagiging akma sa panahon, at pamamaraan. Ito ay ang
sumusunod:

Una, tungkol sa dami (maxim of quantity). Kailangang gawing impormatibo at


naaayon sa hinihingi ng pagkakataon ang kontribusyon ng nagsasalita sa usapan.

Ikalawa, tungkol sa uri (maxim of quality). Hindi dapat magbigay ng impormasyon


tungkol sa isang bagay nang hindi nalalaman ang totoo, o kung kulang ang patunay.

Ikatlo, tungkol sa pagiging akma (maxim of relevance). Ipinapalagay ng nakikinig na


makabuluhan sa paksang pinag-uusapan ang sinasabi ng nagsasalita.

Panghuli, tungkol s pamamaraan (maxim of manner). Ipinapalagay na maliwanag at


hindi malabo ang sinasabi ng nagsasalita at hindi nito ipagkakait ang anomang bagay na
mahalaga sa usapan.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan (F11PT-IIe-87).
2. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan (F11PS-IIe-90).

SUBUKIN
Gawain 1. Modelong SPEAKING

Panuto: Suriin ang naging panayam ni Vice Ganda kay Mayor Rodrigo Roa Duterte at
sagutin ang hinihingi sa ibaba batay sa kanilang naging pag-uusap.
4

Vice Ganda: Ang gaga ng curfew sa Davao… Vice Ganda: Duterte po ba talaga ang
Ala-una pa lang, kailangan bawal nang mag- pinakamakapangyarihan sa Davao?
disco.
Duterte: Hindi naman.
Duterte: Let me explain… I’m just
Vice Ganda: Sino po ang mas
discouraging people to… you know…there’s
makapangyarihan sa Duterte? Duporti o
always a time for everything. I said earlier
Dupipti?
and alam mo kasi itong mga estudyante…
makikita mo, they drink until the wee hours Duterte: Joke ‘yan, ha! Iyong anak ko noon,
of the morning. Eh alam ko na puro lasing tapos wala na si Inday. Iyong nambugbog,
‘yan… so I moved it from 2 to 1 but ang last tapos…’yong eldest ko si Paulo.
serving is 12.
Vice Ganda: Siya po ang vice mayor n’yo
Vice Ganda: Oh, ala-una pala. ngayon?
Duterte: Pinatay ko talaga. Duterte: (tango)
Vice Ganda: Ano ang pinatay n’yo? Vice Ganda: Matapang ho ba talaga kayo?
Duterte: Isinara ko ‘yon… di naman isinara. Duterte: Hindi ho.
Iyon talagang tinapos ko ang lahat pati
‘yong night life. Vice Ganda: Kasi ‘yon po ang image n’yo eh…
ang tapang-tapang n’yo.
Vice Ganda: So hanggang dapat 1 lang.
Duterte: Kasi everywhere, ganito ang labas
Duterte: You have to go to Samal, that niyan… walang sumusunod ng batas... eh sa
island, sa harap ng Davao. Davao naman kung may ano diyan… sabihin
ko anong batas… what’s the law, ‘yon na…
Vice Ganda: Pero bakit 1? Hindi po 2:30?
you just honor the obedience sa batas.
Parang katunog ng Duterte… Duterte… para
2:30 ang gusto ni Duterte. Vice Ganda: Opo.
Duterte: Di ko naman ipina… (tawanan ang
mga audience)

(Transkripsiyon sa bahagi ng panayam ni Vice Ganda kay Mayor Rodrigo Duterte sa


programang “Gandang Gabi Vice” noong Hulyo 12, 2015)

Setting at Scene

Participants

Ends

Acts

Keys

Instrumentalities

Norms
5

Genre
Gawain 2. Anong Interpretasyon Mo

Panuto: Suriin at matalinong unawain ang patalastas at pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong.

1. Ano ang iyong unang impresyon sa patalastas?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano ang literal o denotatibong kahulugan nito?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Sa konteksto ng patalastas, ano ang lumilitaw na kahulugan (konotatibo) ng mga


nabanggit na salita?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Ano ang maaaring maging epekto ng patalastas na ito sa mga makababasa nito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Kung ikaw ang gagawa ng tagline ng isang produkto, ano ang mga dapat mong
isaalang-alang sa pagbuo nito? Magbigay ng tatlo at ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3. Paghambingin Sila


Panuto: Sa mga kakandidatong pangulo ng bansa sa 2022, pumili ng dalawa sa kanila para
gawing lunsaran sa paghahambing. Subuking suriin ang kanilang layunin sa pagbibigay ng
mensahe, ang direkta o litaw na kahulugan ng kanilang binitiwang pahayag, ang
mahihinuhang tagong kahulugan ng kanilang sinasabi, at ang hindi berbal na kilos habang
6

sila ay nagsasalita kaugnay ng mensaheng ipinarating sa publiko. Punan ang talahanayan


sa ibaba.
Kandidato 1 Kandidato 2
Layunin ng
pagsasalita

Paraan ng
pagsasalita

Gamit ng wika

Lantad na
mensaheng inilahad

Kahulugan

Di lantad na
mensaheng
inilalahad
Kahulugan
Mga ginamit na
hindi berbal na
ekspresyon
Pahiwatig na
kahulugan ng hindi
berbal na
komunikasyong
ginamit

SUSI SA PAGWAWASTO

Maaaring magkaroon ng iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral.

SANGGUNIAN

Nuncio, Rhoderick V., Elizabeth M. Nuncio, Rogelio Valenzuela, Vilma A. Malabuyoc, Aileen
Joy G. Saul, Jean Marie D. Gragasin, and Ma. Anna Villanueva. Sidhaya 11 Komunikasyon
at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: C&E Publishing, 2016.

Https://www.google.com/search?q=NAKATIKIM KA NA BA NG KINSE ANOS?


&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjYkMHum-
XrAhXWxIsBHbGLAPYQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1280&bih=562#imgrc=kyOMNJ1y0xBQ
dM.

Inihanda:

Roselle P. de Jesus
Rafael L. Lazatin Memorial High School-
SHS
7

You might also like