Professional Documents
Culture Documents
Sosyolingguwistiko
Buuin ang paunawa ng
pamahalaan hinggil sa pag-iwas sa
sunog sa panahon ng Pasko sa
pamamagitan ng pagpili ng
naangkop na salita o parirala mula
sa mga nasa loob ng kahon.
Ipaliwanag ang naging batayan ng
pagpili.
Iwas Sunog
________________ ang ilan sa mga
bagay na dapat tandaan at isabuhay ng
mamamayan upang makaiwas sa
sunog.
Iwas Sunog
Mag-ingat sa mga nabibiling pekeng
Christmast lights at _______________
lamang ang may marka ng
Philippine Standard (PS) at Import
Commodity Clearance (ICC).
Iwas Sunog
Suriin ang _________ na Christmas
lights at siguraduhing walang sira o
damage sa mga kable nito.
Iwas Sunog
Iwasang mag-overload ang electrical outlets.
Kadalasan, ang mga outlet ay may kakayahan
lamang na __________ ng hanggang tatlong
appliances. Tandaan, kapag ang kable ng
kuryente ay mainit, ito ay overloaded na at
maaaring magdulot ng kapahamakan.
Iwas Sunog
Gumamit ng mga non-flammable o hindi
madaling ____________ na dekorasyon at
ilayo rin ang mga ito sa mga bagay na
maaaring magdulot ng sunog.
Iwas Sunog
tangkilikin narito masira ginagamit kuhanin
humawak mag-handle ito na nga magliyab pinaandar
Bumuo ng limang pangkat.
Magsadula ang bawat pangkat
ng isang eksenang tatagal nang
tatlo hanggang limang minuto
na nakaayon sa lunan at mga
tiyak na tauhan.
Isadula Natin
Pangkat 1 – tahanan: tatay,
nanay, ate, kuya, bunso,
kapitbahay
Isadula Natin
Pangkat 2 – paaralan:
punongguro, guro,
estudyante, kaklase
Isadula Natin
Pangkat 3 – palengke:
mamimili, tindera,
negosyante
Isadula Natin
Pangkat 4 – ospital: doktor,
nars, pasyente, kamag-
anak ng pasyente
Isadula Natin
Pangkat 5 – opisina: boss,
sekretarya, iba pang
empleyado
Isadula Natin
Pansinin ang mabubuong diyalogo
sa pagitan ng mga tauhan. May
pagkakaiba-iba ba ang kanilang
paggamit ng wika? Talakayin sa
klase ang obserbasyon.
Kakayahang
Sosyolingguwistiko: Paglikha
ng Angkop na Pahayag sa
Tiyak na Sitwsyon
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
Tumutukoy sa kakayahang gamitin
ang wika nang naaangkop na
panlipunang pagpapakahulugan
para sa isang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon.
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
“Magandang araw po! Kumusta po
kayo?”
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
“Uy, Kumusta ka naman?”
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
Nagiging natural lamang o hindi na
kailangang pag-isipan ang paggamit
ng naaangkop na pahayag ayon sa
sitwasyon.
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
Dapat matutunan ng hindi taal na taga-pagsalita
kung paano “lumikha at umunawa ng wika sa iba’t
ibang sosyolingguwistikong konteksto, na may
pagsasaalang-alang sa mga salik gaya ng estado ng
kausap, layunin ng interaksiyon, at itinakdang
kumbensiyon ng interaksiyon.” (Freeman at
Freeman, 2004)
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
Nilinaw ng sosyolingguwistang si Dell Hymes
(1974) ang nasabing mahahalagang salik ng
lingguwistikong interaksyon gamit ang kanyang
modelong SPEAKING:
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
S – Setting and Scence: Saan
ang pook ng pag-uusap o
ugnayan? Kailan ito nangyari?
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
P – Participants: Sino-
sino ang kalahok sa
usapan?
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
E – Ends: Ano ang pakay,
layunin, at inaasahang
bunga ng pag-uusap?
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
A – Act Sequence: Paano
ang takbo o daloy ng pag-
uusap?
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
K – Key: Ano ang tono ng
pag-uusap? Seryoso ba o
pabiro?
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
I – Instrumentalities: Ano ang
anyo at estilo ng pananalita?
Kumbersyonal ba o may mahigpit
na pagsunod sa pamantayang
panggramatika?
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
N – Norms: Ano ang umiiral na panuntunan
sa pag-uusap at ano ang reaksiyon dito ng
mga kalahok? Malaya bang nakapagsasalita
ang mga kalahok o nalilimitahan ba ang
pagkakataon ayon sa uri, lahi, kasarian, edad
at iba pang salik?
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
G – Genre: Ano ang uri ng
sitwasyon o material ang
ginagamit? (halimbawa: interbyu,
panitikan, liham)?
Ano ang Kakayahang
Sosyolingguwistiko?
Nakapaloob sa Modelong
SPEAKING ang tinatawag ni
Hymes na etnograpiya ng
komunikasyon.
Etnograpiya:
Nangangahulugan ng sistematikong
pag-aaral sa tao at kultura sa
pamamagitan ng personal na pagdanas
at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa
kanilang natural na kapaligiran.
Pagkilala sa
Mga Varayti ng
Wika
Pormalidad at Impormalidad ng sitwasyon