You are on page 1of 12

POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM


Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

“PANLILIGAW, NOON AT NGAYON: ISANG KOMPARATIBONG PAG-AARAL AYON SA MAG-

AARAL NG BAITANG 11 NG SENIOR HIGH SCHOOL NG POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE

HIGHSCHOOL”

Ang Pananaliksik ay ipriniprisinta kay

Gng. Ma. Emma O. Pagayon

Bilang pagtupad sa mga pangangailangan ng Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng ibat ibang Tekso tungo sa Pananaliksik

Ipiniprisinta ng:

Group 3

Charish Abayon

Dhivinne Danielle Perez

Rosario Rizalute

Cientlyn Porras

Jennebeth Arellano

Jenica Mae Orbita

Heinz Jhon Sadiang-abay

11-ABM

S.Y. 2017-2018
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

KABANATA I

Ang Suliranin at ang Kaligiran nito

Panimula o Introduksiyon

Isa sa mahalagang katangian ng mga Pilipino ang pagiging mapagmahal. Pinapakita ng

mga pinoy ang pagmamahal sa iba’t- ibang mga paraan ng pinaghihirapan at ang isa sa mga

paraan na distinggido sa kulturang Pilipino ay ang panliligaw.

Ayon sa Wiki Filipino, ang ligaw, panliligaw o pagligaw ay isang gawain ng taong

nanunuyo sa kanyang taong napupusuan. Tinatawag din itong pangingibig. Isang tradisyunal o

nakagawiang kultura ang panliligaw ng isang lalaki upang ipahayag niya ang kaniyang

damdamin para sa babaeng kanyang iniibig ngunit sa pagdaan ng panahon at sa paglalaganap

ng teknolohiya marami na ang nabago sa kulturang Pilipino at sa paraan ng panliligaw.

Noon ang panliligaw ay isang paraan ng panunuyo ng mga lalaki sa mga babae bago

humantong sa kasunduan ng pag-iisang dibdib. Isa sa mga paraan ng mga panliligaw noon ay

paghaharana, paninilbihan sa pamilya ng babae at mayroon din namang ibang gumagawa ng

liham ng pag-ibig dito pinapahayag sa pamamagitan ng isang liham ang kanyang nililigawan. Ito

ang susi ng mga binata noon upang masungkit ang matamis na “oo” ng mga kababaihan.

Kailangan madaanan ang iba’t ibang paraan ng panliligaw upang mapatunayan na seryoso at

mahal ng lalaki ang babae. Ngunit sa panahon ngayon, tila nag-iba na ang ibig sabihin ng

panliligaw at ang layunin nito.


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

Ang panliligaw ay pinaglalaanan ng oras at isang matagumpay na pagkikilala sa isang tao

sapat para malaman kung silang dalawa ay nararapat na maging mag-asawa. (Tom Brown,

2011)

Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong ipabatid ang kaibahan ng panliligaw sa

Kulturang Pilipino sa nakaraan panahon at sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya. Ang

pagsasaliksik na gagawin sa pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang kaibahan ng paraan

ng panliligaw at ang layuninb ng panliligaw. Upang matulungan din ang pagdedesisyon ng mga

kabataan sa mga yugto ng ligawan. Isa din sa layunin nito ay ang maipa-alala ang mga

kaganapan noon sa pagliligawan, sa mga kabataan ngayon sa makabagong henerasyon.

Balangkas Teoretikal

Ang Teoryang Romantisismo ay nagpapakita ng kahalagahan ng damdamin ng isang tao.

Mas pinapahalagan pa ito kaysa sa mga gamit sa mundo. Anyo ito sap ag-iisip na nagpapahalaga

sa indibidwal, imahinasyon, orihinalidad, at perpeksiyon. Tulad na lamang noong panahon ni

balagtas na gumagamit ng maliligoy at mabubulaklak na salita. Tumatalakay sa kabiguan at

kapighatian at kasiyahan sa pag-ibig. Sa pag-aaral na ito, ang teoryang romantisismo ay

maihahambing sa panliligaw noon at ngayon sapagkat dito ipinapakita ang kahalagahan ng

damdamin ng indibidwal pati narin ang orihinalidad. (Tan, 2013)


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang bigyan ng kasagutan ang kaibahan sa

pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon ayon sa kalalakihang mag-aaral ng baitang 11 na

Senior High School sa Pototan National Comprehensive High School.

Ito ay ginagabayan ng mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang pamamaraan ng panliligaw noon?

2. Ano ang pamamaraan ng panliligaw ngayon?

3. Ano ang kaibahan ng pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon?

Layunin o Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito naglalayong na masuri ang mga kalalakihang mag-aaral ng Senior

High School sa Pototan National Comprehensive High School ukol sa panliligaw noon at ngayon.

Magiging kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito para sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Makakatulong ito sa mga mag-aaral para lubos nilang maintindihan ang

pagkakaiba ng panliligaw noon at ngayon at mabigyang ideya sa pagdedesisyon sa tamang

kahulugan ng pag-ibig.

Guro. Makakatulong ito sa mga guro upang magabayan ang mga mag-aaral sa

pakikipagrelasyon gayon nadin ang kanilang mga anak.


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

Magulang. Makakatulong ito sa mga magulang upang magabayan ng mabuti ang

kanilang mga anak.

Sunod na Mananaliksik. Sa paraang magkakaroon sila ng saoat na kaalaman tungkol sa

kaibahan ng panliligaw noon at ngayon.

Kahulugan ng mga Termino

Ang mga sumusunod na kahulugan ay ibinigay upang magbigay ng mga ideya at kaliwanagan ng

mga terminong ito sa buong pag-aaral.

Panliligaw-Ayon kay Juan Flavier(2010), ang panliligaw ay ang paraan ng panunuyo ng isang

lalaki sa kaniyang nagustuhang babae

Sa pag-aaral na ito, ang panliligaw ay isang tradisyunal o nakagawiang kultura ng isang

lalaki upang ipahayag niya ang kaniyang damdamin para sa babaeng kanyang iniibig.

Mag-aaral-Ayon sa Wiki Filipino(2007),ang mag-aaral ay siyang taong nag-aaral at maaring

bihasa sa talino.

Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa mga mag aaral ng Senior High School sa Pototan

National Comprehensive High School na kalahok sa pag-aaral na ito.


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa lalaking mag-aaral o estudyante ng Pototan

National Comprehensive High School sa Senior High School. Sila ang pangunahing paksa at

respondenet ng pag-aaral na ito. Tatanongin sila ng harap-harapan ng mga mananaliksik upang

makakuha ng impormasyon. Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa Pototan National Comprehensive

High School, Pototan Iloilo. Ang gagamiting desinyo sa pag-aaral na ito ay deskriptib.
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

KABANATA II

Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Panliligaw Noon

Bulaklak, liham, at harana- ilan lamang ito sa mga bagay na nagpapahiwatig ng tradisyunal

na paraan ng panliligaw. Ang paraan ng panliligaw na ito ang nakagisnang ng ating mga magulang

at nakilala nila sa paligid noong sila ay bata pa. o baka nga ang ating mga magulang ay nakaranas

mismo ng ganyang paraan ng panliligaw noon ngayong ikaw ay dalaga o binata na, maaaring

gusto mong malaman kung paano sila manligaw noong unang panahon.

Pahirapan ang paraan ng panliligaw noon. Ang lalaki ay dadaan muna sa butas ng karayom

upang makuha lamang ang matamis na “oo” ng kanyang iniibig. Ang panliligaw ay maaaring

magsimula sa munting liham para sa babae na naglalahad ng kanyang pagsinta. Gumagamit ng

makatang mga salita ang lalaki sa kanyang liham. Syempre, hindi pa nagtatapos sa pagsasabi ng

saloobin ang kanyang panliligaw. Sa susunod na hakbang ng lalaki ay ang paghaharana sa harap

ng bahay ng babae. Kadalasan ay nagsasama ng ilang mga kaibigan ang lalaki sa paghaharana at

umaawit ng mga awit ng pag-ibig kahit na sintunado. Kailangan din na makuha ng lalaki, hindi

lamang ang pag-ibig ng babae, kundi ang pagsang-ayon din ng mga magulang nito sa kanyang

panliligaw. Ang pagsang-ayong ito ay hindi madaling makuha dahil bago pumayag ang mga

magulang ng babae, kailangan dumaan ang lalaki sa ilang pagsubok. Halimbawa nito ay ang
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

pagsisibak ng kahoy o kaya ay pag-iigib ng tubig. Ang pagsubok na ito ay para masuri ng mga

magulang ng babae kung karapatdapat ba ang lalaki para sa kanilang anak sinusukat din nito ang

katatagan at determinasyon ng lalaki na makamit ang kanyang minamahal. Dahil dito , napapakita

ang pagiging masipag, matiyaga at matatag ng isang lalaki.

Ang panliligaw ng lalaki ay ginagawa sa pamamagitan ng paghaharana kasama ng kanyang

mga barkada na pupunta sa bahay ng dalagang kaniyang sinisinta ,bitbit ang gitara at lakas ng

loob.Sa tapat ng durungawan ng babae,idaraan ng lalaki ang kaniyang pagsinta sa pamamagitan

ng pag-awit,kahit sintunado’t pipiyok-piyokang boses at pulos palya ang paggigitara.

Noon,hindi lamang basta-basta na nililigawan ng lalaki ang isang babae.Kailangan niya

munang makuha ang pagsang-ayonng mga magulang ng kaniyang ibig ligawan.At kadalasan,ang

mga magulang ng isang babae ay hindi agarang nagbibigay ng pahintulot sa kaniyang

panliligaw.At kung desidido talaga ang isang lalaki,ano pa man ang nais ng mga magulang ng

babae ay kaniyang gagawin magsibak man ng kahoy o mag igib ng tubig sa kabilang baryo.

Noong sinauna,ang panliligaw ay isang ritwal na inuugnay sa daan patungo sa kasal.

Kapag nanligaw ang isang lalaki sa isang babae, seryoso ang kanyang pakay sa dilag.Handa siyang

gawin ang kahit anong mahirap na pagsubok para lamang makamtan ang matamis na loob ng

dilag,(Beatriz 1998). Isang kaugalian sa mga Pilipino ang pag-akyat ng ligaw o pagdalaw

ng binata sa tahanan ng kanyang iniibig na babae. Sa pamamaraan na ito, maaaring manghiram


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

ang kabataang lalaki ng aklat o anumang babasahin bilang pagsubok sa babae.Kapag nagpahiram

ang babae ng babasahin, mataimtim na makapag-iipit ang dalawa ng mga lihim naliham para

maipaalam nila ang kanilang mga damdamin para sa isat isa.Lihim ito sapagkat kapag dumadalaw

ang isang lalaki sa tahanan ng babae, naroroon ang mga magulang nito, nakinakaharap din ng

binatang nanliligaw, hindi lamang ang usaping pag-ibig ang napag-uusapan kapag kaharap ang

mga magulang ng dalaga, kabilang dito ang taya ng panahon, politika, at iba pang mga bagay na

mapag-uusapan. Isang tanda na may pag-asa ang lalaki na maging kasintahan

Panliligaw Ngayon

Ayon kay Ronald Verzo(2009),humihina ang mga kabataan sa tamang paggamit ng

lenggwahe at wika sa paraan ng panliligaw ,particular na dito ang cellphone na maaaring gamitin

sa pagpapaabot ng ating mensahe sa pamamagitan ng SMS o Txt messaging.Tinutukoy rito ang

unti unting paghihina ng mga kabataan ngayon sa paggamit ng tamang paraan ng pananalita at

pagpapahayag ng isang mensahe sa kanilang nililigawan.Mas higit na napapaunlad ang mga

salitang balbal gaya na lamang ng jejemon.Ang mga kabataan ngayon ay ibang iba ang paraan ng

panliligaw kaysa sa kabataan noong unang panahon.Nag iiba-iba raw sa bawat pagbabago ng

henerasyon at sumasabay raw ito sap ag ikot ng mundo.

May mga salik na nakakaapekto dito kabilang na ang pag usad ng ekonomiya,siyensya at

teknolohiya at pati na rin sa patakaran at inaasahan sa taong nanliligaw.Sumusuporta naman dito


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

ay si Danilo Emilio Jr (2014), na nagsasabing naapektuhan ang mapaglarong isip at kilos ng

kabataan.Sa panahon ngayon,kadalasan ay cellphone at computer ang ginagamit sa

panliligaw.Higit pa dito,mas madalas na tago sa magulang ang mga relasyon ng kabataan.Ma

napadali ng makabagong teknolohiya ang paraan ng panliligaw.Basta may load ka mapapasagot

mo na ang isang babae at hindi mo na kailangan na mag harana sa kanilang bahay.

Sa paglipas ng panahon,Nakita natin ang malaking pagbabago sa paraan ng panliligaw sa

Pilipinas.Sa tindi ng bilis ng panliligaw sa ngayon ay ganoon din kabilis ang kanilang relasyon

sapagkat sa text o chat ay pwede niya kayong ligawan ng sabay-sabay nang di niyo alam.Kasabay

ng modern at pagbabago ng panahon ay nagging modern na din ang panliligaw ng mga

kalalakihan.Kung noon kailangan pang pumunta sa bahay ng dalaga para umakyat ng ligaw

ngayon isang text o chat lang ng malalambing na mensahe maaari ka nang magkaroon ng

kasintahan.
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

KABANATA III

Methodolohiya

Ipinapakita sa bahaging ito ng pananaliksik at metodong ginamit ng mga mananaliksik

upang makamtan ang layuning alamin ang “Panliligaw, Noon at Ngayon : Isang Komparatibong

Pag-aaral sa mga Kalalakihan ng Baitang 11 sa Senior High School ng Pototan National

Comprehensive High School”.

Disenyo ng Pananaliksik

Gumamit ang mananaliksik ng Deskriptibong pamamaraan. Isasagawa ito sa

pamamagitan ng paglalarawan ng nakaraan at kasalukuyang pamamaraan ng panliligaw ng mga

kalalakihan ng baitang 11 sa senior high school. Ang kaparaanang paglalarawan ang tutuklas sa

kaibahan ng panliligaw noon at ngayon. Sa pag-aaral na ito, aalamin ng pananaliksik kung

nagbago ang paraan ng panliligaw noon at ngayon ayon sa mga lalaking mag-aaral sa baitang 11

ng Pototan National Comprehensive High School.

Paglalarawan ng Respodente

Ang mga piling kalalakihang mag-aaral ng Pototan National Comprehensive High School

na nasa baitang 11 ay magsisilbing respondente ng pananaliksik. Pinili ang mga mag-aaral sa

kaisipang ang mga kalalakihan ang karaniwang nanliligaw at may higit na kaalaman sa kaibahan

ng panliligaw noon at ngayon. Gagamitin ang random sampling sa pagpili ng respondente.


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
Pototan, Iloilo
ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT

10

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng Focus Group Discussion o FGD upang makuha

ang datos. Ang pagsisimula ng pananayam ay matapos aprubahan ng principal ng Pototan

National Comprehensive High School ang liham sa pagsasagawa ng pananaliksik.

Instrumentasyon

Upang makalikom ng kinakailangang datos, nagsasagawa ng isang pananayam ang mga

mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng 15 na tanong para sa mga respondente. Ito

ang natatanging pamamaraan ng mga mananaliksik upang malaman ang kaibahan ng panliligaw

sa paglipas ng panahon.

Analysis ng mga Datos

Gumagamit ang mga mananaliksik ng talahanayan upang ipakita ang mga nakalap na

datos tungkol sa nakaraan at kasalukuyang pamamaraan ng panliligaw ng mga kalalakihan ng

baitang 11 sa senior high school.

You might also like