You are on page 1of 32

8

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Pagsusuri sa isang Programang Napanood sa Telebisyon ayon sa
Itinakdang mga Pamantayan.

Paghahayag sa Lohikal na Paraan ng mga Pananaw at Katuwiran.

Paggamit nang Wasto sa mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang


Lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta).

Sa araling ito, masusuri mo ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa


itinakdang mga pamantayan, maipahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran
lalo na sa mga programang pantelebisyon na nagbibigay ng impormasyong nagpapahayag ng
mga pananaw at opinyon. Mababatid din ang wastong paggamit ng mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal. Halina’t basahin natin at unawain ang mga ito.

Layunin: Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga
pamantayan. F8PD-IIIe-f-31

Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran. F8PS-IIIe-f-32

Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal


F8WG-IIIe-f-32

Panuto A: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang sumusunod na eksenang makikita sa
programang pantelebisyon ay wastong gawain at ekis (X) naman kung hindi.

1. Pag-aalaga ng ina sa kanyang mga anak kahit ito ay may kapansanan.


2. Hindi pakikinig ni Marga sa kanyang guro.
3. Ipinagmamalaki ni James sa ibang dayuhan ang kulturang Pilipino.

Panuto B: Suriin ang mga lohikal na pananaw at katuwiran, isulat sa patlang ang T kung tama at
M kung mali.
4. Pagtuturo sa mga mag-aaral tungkol sa dapat gawin sa panahon ng pandemya upang
maiwasan ang paglaganap ng virus
5. Walang basehan ang “social distancing” kaya hindi ito dapat pag-ukulan ng pansin.
6. Pagtatanim ng mga puno sa kagubatan upang maiwasan ang matinding pagbaha.
Panuto C: Piliin mula sa loob ng panaklong ang angkop na pang–ugnay.Salungguhitan ang
tamang sagot.
7. Nanalo si Ben sa sabayang pagbigkas (dahil sa, kasi, kaya) sipag at tiyaga.
8. Ang mga tao ay nagtulong-tulong (upang, kasi, kaya) naging maayos at malinis ang barangay.
9. Maganda ang gising ni Joshua (bunga, kaya, kasi) natulog siya nang maaga.
10. Maraming nasirang mga pananim (dahil sa, kasi, kaya) malakas na bagyong dumating.

Pagsusuri sa isang Programang Napanood sa


Telebisyon ayon sa Itinakdang mga Pamantayan

Aralin Paghahayag sa Lohikal na Paraan ng mga


Pananaw at Katuwiran
5 Paggamit nang Wasto sa mga Ekspresyong
Hudyat ng Kaugnayang Lohikal (dahilan-bunga,
paraan-resulta)

Magandang araw!
Kumusta na? Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusuri ng isang
programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang pamantayan, maipahahayag sa
lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran, at magagamit nang wasto ang mga
ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta).
Pagyamanin pa natin ang iyong kabatiran hinggil sa ating aralin. Halina’t simulan mo
na.

GAWAIN 1:
Panuto: Tukuyin ang mga hinihinging salita sa puzzle. Gamitin ang mga kasingkahulugan upang
matukoy ito.
Halimbawa:
Eh do cash yawn = Edukasyon

1. mass + ah + yeah = (maligaya)


2. cat + tea + bay + ann = (patunay)
3. disc + cart + tea = ( mapamaraan)
4. lung + sang + ant = (kalsada, kalye)
5. sea + cape = (kitid)

Ngayon ay basahin at unawain mo kung ano ang dokumentaryong pantelebisyon upang


makapagpahayag ka ng iyong pananaw at katuwiran sa lohikal na paraan sa babasahing buod ng
isang dokumentaryo.
Ang dokumentaryong pantelebisyon ay mga palabas na naglalayong maghatid ng
komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at
tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
Bukod sa radyo, ang isa pa sa mga itinuturing na mahalagang midyum sa larangan
ng broadcasting ay ang telebisyon. Tunay na napakalaki ng epekto nito sa buhay ng
mga Pilipino. Binago ng telebisyon ang paraan ng pagpapahayag natin sa mga kuwento
o aral ng buhay. Dati, sinusubaybayan o inaabangan natin ang mga kuwento ng buhay
na umaantig sa ating puso gamit ang mga imprenta o babasahin o kaya ay sa aktuwal
na mga tanghalan. Dulot na rin ng pagsulong ng modernisasyon at teknolohiya ay
nabuo ang telebisyon na higit na nagbigay-kulay at larawan sa mga pangyayari sa ating
paligid gamit ang mga ilaw at kamera.
Saglit mang natigil ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng paghahari
ng Batas Militar ay sinasabing nang matapos ang yugto ng diktadura sa ating bansa ay
sumilang ang isang uri ng pamamahayag o pagbabalita na maituturing na higit na liberal
at mapusok ang anyo sapagkat ito ay tumatalakay sa mga napapanahong isyu sa
kasalukuyan na tinatawag na dokumentaryong pantelebisyon. Ito ay isang programa o
palabas na sumasalamin sa katotohanan ng buhay na kalimitang tumatalakay sa isyu,
problema, kontrobersiyal na balita, at maging ng mga paksang may kinalaman sa
kultura at pamumuhay sa ating lipunan. Ang dokumentaryong pantelebisyon ay
maituturing na isang uri ng sining na ang pangunahing layunin ay magbigay ng mga
tiyak at totoong impormasyong gigising sa isip at damdamin ng isang tao patungkol sa
isang isyu. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa isipan, ugali, at pananaw ng
isang nilalang sapagkat sa kasalukuyan ay isa ito sa uri ng panitikang popular na
kinahihiligang panoorin ng mga Pilipino lalo na ng kabataan.

“Kislap ng Bituin “
(Jeystine Elilizbeth L. Francia)
Panganay ako sa aming magkapatid, at maagang iminulat ni mommy ang aking isipan
sa tunay na takbo ng buhay. Tinulungan niya akong buksan ang isip sa mga bagay na
nagaganap sa labas ng aming tahanan. Ginagabayan niya ako habang inuunawa ang mga ito.
Bukod sa mga panonood ni mommy ng mga palabas nina Howie Severino, isa ang
dokumentaryo ni Kara David na “Gamu-gamo sa Dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-iisip
sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y pinatatatag.
Malaki ang iniukit sa aking puso ng mga kaganapan sa Little Baguio isang lugar kung
saan may mga guro at batang hindi alam ang salitang pagsuko sa kabila ng kanilang sitwasyon
sa buhay. Bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas
ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap, at lumalaban upang maging mas maliwanag
ang kanilang kinabukasan
Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, at sa paggabay ni
mommy upang unawain ko ang mga ito, lalo kong pinatatag ang matagal nang pangarap na
maging sa hinaharap. Mula noon hanggang ngayon, pinangarap ko na maging isang
tagapaglingkod ng mamamayan.
Pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat
pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensiyon. Hawak ang pangarap at paniniwalang
ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa Dilim,” at ang pagiging guro ni mommy,
tutuparin ko ang makapaglingkod sa aking bayan at sa mamamayan. Susulat ako ng maha-
halagang impormasyong kakailanganin upang mamulat ang mundo sa katotohanan ng buhay.
Ipasisilip ko ang lente ng kamera upang baka sakali ay makita nila ang mga bagay na dapat
nilang makita, ang sakit ng lipunang aking ginagalawan ay higit kong madama at maipadama sa
buong mundo. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang isusulat ko sa papel
ay higit na maunawaan at makikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayundin ang mga tao
sa kanilang paligid. Hangad kong dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan,
sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit na
nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag, naging isang makislap na
bituin na magsisilbing gabay ng mga taong naglalakbay sa gitna ng dilim.

GAWAIN 2
Panuto: Basahin at unawain ang buod ng dokumentaryo at sagutin ang mga tanong kaugnay
nito.
1. Tungkol saan ang binasa?
2. Bilang kabataan, ano ang naramdaman mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan?
Ipaliwanag.

3. Anong gampanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?

4. Iugnay ang mga pangyayari sa akda sa kasalukuyang kaganapan na nararanasan natin dahil
sa pandemya.

Upang mas maunawaan at maging maayos ang iyong paglalahad ng mga sagot ay basahin
ang sumusunod.

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL


1. Dahilan at Bunga/ Resulta
➢ Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi
naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.
Halimbawa:
Nag-aral siyang Mabuti kaya/kaya naman natuto siya nang husto.
Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil,
dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang
naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya
naman, dahilan dito at bunga nito.
2. Paraan at Resulta
➢ Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta.
Halimbawa:
Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kaniyang kurso.
Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa matiyagang pagaaral
(resulta + paraan)
➢ Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito.
Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

Gawain 3
Panuto: Panoorin ang dokumentaryong pantelebisyon ni Maki Pulido at Jun Veneracion na “Tira-
tirang Pagkain o Pagpag” kung walang koneksyon ng internet ay gamitin ang
dokumentaryo sa TUKLASIN (Kislap ng Bituin). Suriin ito ayon sa pamantayang nakatala
sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=UyInDEOo9Vk&t=104s
Pamagat:

Tauhan:

Paksa/Tema:
Pamantayan sa
pagsusuri ng
dokumentaryong Buod ng Kwento:
pantelebisyon

Mensahe:

Gawain 4
Panuto: Basahin at kompletuhin ang pangungusap upang maipahayag ang pananaw at katuwiran
sa lohikal na paraan. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.
1. Dahil siya ay nag-aral ng mabuti, .
A. kaya siya ay nakapagtapos C. kasi siya ay nakapagtapos
B. upang siya ay nakapagtapos D. para siya ay nakapagtapos
2. Malinis ang kapaligiran, .
A. para naglinis tayo C. dahil naglinis tayo
B. kaya naglinis tayo D. upang naglinis tayo
3. Dahil sa sipag ay tiyaga, .
A. nanalo si Juan sa palaro C. umiyak si Juan
B. natalo si Juan sa palato D. nagalit si Juan
4. Upang magkaroon ng kaayusan, .
A. kaya magkaisa tayo C. dahil magkaisa tayo
B. dapat magkaisa tayo D. para magkaisa tayo
5. Naiwasan ang baha sa aming barangay .
A. pagtatanim ng puno sa kapaligiran
B. dahil sa pagtatanim ng puno sa kapaligiran
C. kaya sa pagtatanim ng puno sa kapaligiran
D. upang sa pagtatanim ng puno sa kapaligiran

Gawain 5
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang titik ng tamang kaugnayang lohikal
na ginamit sa pahayag.
A. Dahilan-Bunga B. Paraan-Resulta
1. Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kanyang kurso.
2. Dahil sa bagyo ay nasira ang bahay nina Amarah at Ejhay.
3. Pinag-aralang mabuti ni Anna ang kanyang leksyon kagabi kaya nakakuha siya ng mataas
na marka.
4. Nahuli sa klase si Paula kaya nagalit ang kanyang guro.
5. Nanalo ang 8-Benedict sa sabayang pagbigkas, sa sipag at tiyaga.

Panuto A: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang sumusunod na linyang makikita sa “Kislap ng
Bituin” ay wastong gawain at ekis (X) naman kung hindi.

1. “Tinulungan niya akong buksan ang isip sa mga bagay na nagaganap sa labas ng aming
tahanan”
2. Susulat ako ng mahahalagang impormasyong kakailanganin upang mamulat ang mundo
sa katotohanan ng buhay.
3. Pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat
pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensiyon

Panuto B: Suriin ang mga lohikal na pananaw at katuwiran, isulat sa patlang ang T kung tama at
M kung mali.
4. Nagiging inspirasyon ng maraming Pilipino ang mga dokumentaryo dahil ito ay sumasa-
lamin sa katotohanan sa ating lipunan.
5. Ang dokumentaryo ay walang naidudulot na mabuti dahil nag-aaksaya lang tayo ng oras.
6. Napupukaw ang isip ng mga tao kung ano ang nangyayari sa lipunan dahil sa mga
dokumentaryong pantelebisyon.

Panuto C: Piliin mula sa loob ng panaklong ang angkop na pang –ugnay. Salungguhitan ang
tamang sagot.
7. Susulat ako ng mahahalagang impormasyong kakailanganin (dahil, upang, kasi) mamulat ang
mundo sa katotohanan ng buhay.
8. Mahalagang manood ng dokumentaryo (kasi, upang, pagkat) nalalaman natin ang mga totoong
nangyayari sa lipunan.
9. (Dahil, Kasi, Sapagkat) sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryo, lalo kong
pinatatag ang aking pangarap
10. Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral (kaya, bunga, pagkat) gumanda ang kanyang
buhay.

GAWAIN 6
Panuto: Ipahayag sa lohikal na paraan ang iyong pananaw at katuwiran batay sa sumusunod na
paksa.

COVID-19

Disiplina sa panahon ng Hakbang ng Gobyerno


Quarantine
AKLAT

MELC’s Filipino8 p. 47
Panitikang Pilipino-Ikawalong Baitang,
Filipino-Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, 2013

www.pandayan.com.ph
https://www.google.com/search?q=covid+virus&rlz=1C1CHBF

Gilhang, M. (2020). DepEd Las Piñas Grade 8 Module #14: Las Piñas City: SDO Las Piñas

Inihanda ni:

Mary Grace C. Jamago


Equitable Village National High School
8
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Paglalahad ng Sariling Bayas o Pagkiling Tungkol sa Interes at Pananaw ng
Nagsasalita

Pagsusuri ng Napanood na Pelikula Batay sa Paksa/Tema, Layon, Gamit ng


mga salita, mga tauhan

Pagbibigay-kahulugan sa mga Salitang Ginagamit sa Mundo na Pelikula

Sa Araling ito, matutunghayan mo ang maayos na paglalahad ng sariling bayas at pagkiling


tungkol sa interes ng nagsasalita. Alamin kung paano sinusuri ang mga napanood na pelikula batay
sa paksa /tema, layon, gamit ng mga salita, mga tauhan.

Layunin: Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng nagsasalita.
F8PN-lllg-h-31

Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa paksa/tema, layon, gamit ng mga salita,
mga tauhan. F8PB-lllg-h-32

Nabibigyang kahulugan sa mga Salitang Ginagamit sa Mundo na Pelikula F8PT-lllg-h-32

Panuto A: Suriin at Punan ng wastong letra ang patlang upang mabuo ang salitang binibigyang
kahulugan sa bawat bilang.

1. Ito ay nagsisilbi ring panghatak ng pelikula. P _ _ AG _ T


2. Karakter na gumaganap at nagbibigay buhay sa kuwento ng pelikula. _A_H_N
3. Ito ang diwa, kaisipan at pinakapuso ng pelikula. T_M_
4. Ito ay mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento. _ I Y_ L _ G _
5. Ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula. S _N_ M_ T_ G _ A _ I_ A

Panuto B: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa hanay A. Isulat
ang letra ng tamang sagot.
HANAY – A HANAY - B
1. Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng A. Sequence Iskrip
dokumentaryo
2. Pagkuha sa wastong anggulo, upang maipakita sa B. Sinematograpiya
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan
ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. C. Pananaliksik o Research
3. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kwento sa pelikula, Ipinamamalas nito ang tunay na D. Disenyong Pamproduksyon
layunin ng kwento.
4. Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng E. Tunog at Musika
ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo.
5. Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, F. Pag-eedit
pananamit, at sitwasyon.

Paglalahad ng Sariling Bayas o Pagkiling Tungkol


sa Interes at Pananaw ng Nagsasalita

Aralin Pagsusuri ng Napanood na Pelikula Batay sa


Paksa/Tema, Layon, Gamit ng mga Salita, mga
6 Tauhan

Pagbibigay-kahulugan sa mga Salitang Ginagamit


sa Mundo na Pelikula

Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, Matututuhan mo ang paglalahad ng sariling bayas
batay sa interes at pananaw ng nagsasalita. Masusuri din ang mga pelikulang napanood
batay sa iba pang elemento nito at mabigyang-kahulugan ang ilang salitang ginagamit sa
mundo ng pelikula
Handa ka na ba? Halina’t unawain pang lalo ang mga salita at kung ano ang
kanilang kahulugan.

GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin at suriin kung anong uri ng programang pantelebisyon ang mga sumusunod.
Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa tapat ng larawan.

PROGRAMA SA TELEBISYON URI NG PROGRAMA


1. Sineskwela
2. Kapuso Mo, Jessica Soho
3. Unang Hirit
4. 24 Oras
5. Reporter’s Notebook

Morning Show Documentary show


Children Show Magazine Show
Educational show newscast show
Ngayon ay basahin at unawain ang buod ng Pelikulang may pamagat na “Seven Sundays”. Sa
susunod na pahina at matututuhan mo ang wastong pagbibigay ng sariling pananaw batay sa
pagkiling o bayas ng nagsasalita. Halina’t basahin natin at unawain ang mga ito.

Ano ang ibig


sabihin ng Tumutukoy sa paniniwala o
pananaw? pagkakaunawa o personal na
perspektibo ng isang tao sa mga
bagay bagay.

Buod ng pelikulang Seven Sundays.

Si Manuel Bonifacio ang ama ng tahanan, isang balo at dating kapitan ng kanilang Barangay.
Ang tanging kasama-sama lang sa bahay ay si Jun.
Siya ay mayroong apat na anak na sina Allan, Bryan, Cha, at Dex. Sa kanyang kaarawan ang
mga ito ay di nakapunta. Malaking kalungkutan sa ama na hindi makasama ang kaniyang mga anak
sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay, ngunit ano ang kanyang magagawa may kanya-kanya
ng buhay ang mga ito.
Isang gabi, pumunta ang kanyang kaibigang doktor. Dito ay napag-alaman niya na siya ay
mayroong malubhang karamdaman (Lung kanser). Ito ay dagli niyang ipinagbigay alam sa kanyang
mga anak.
Dumating ang kanyang mga anak at pinag-usapan ang problemang kinahaharap. Hindi na
pumayag si Manuel na siya ay ipagamot pa ng kanyang mga anak kaya’t siya ay humiling sa mga
ito na sila ay magkasama-sama ng pitong Linggo habang siya ay nabubuhay. Pumayag ang mga
ito. Ang mga anak at ang pamilya ng mga ito ay pumupunta tuwing araw ng Linggo upang
makapiling ang amang may sakit.
Masalimuot man ang naging umpisa ng kanilang pagsasama-sama, ito ay naging maayos din
kung kaya’t ang ama ay nanghihinayang na mawala ang masayang pangyayari sa kanyang
pamilya. Hindi nya maamin na nagkaroon ng pagkakamali sa naging resulta ng kanyang medikal.
Isang gabing di pagkakasundo ng kanyang mga anak, lumabas ang mga hinanakit ng bawat
miyembro sa bawat isa. Dito napag-alaman din na ang kanilang ama pala ay walang malubhang
karamdaman. Nagulat ang lahat at isa-isang nagsialisan ang mga ito.
Sa paglalabasan ng mga hinanakit, napagtanto nila na sila ay mayroong kamaliang nagawa.
Kung kaya’t pinasimulan ng panganay na anak na si Allan na buuin uli ang pamilyang binalot ng
hinanakit. Pinuntahan nya ang kapatid na si Bryan upang humingi ng paumanhin at
makipagkasundo dito. Nagkapatawaran ang magkapatid at nagkasundo sila na puntahan ang iba pa
nilang kapatid upang ayusin ang gusot sa pamilya.
At sa huli, ang kanilang ama naman ang kanilang pinuntahan. Nagkaroon ng pagkakasundo-
sundo ang bawat isa. Kaya’t ang sulirinaning kanilang kinahaharap ay nalutas na. Nagtulungan ang
bawat isa sa paglutas nito.
Nagkaroon man ng di pagkakaunawaan sa pamilya, ito’y kanilang inayos upang sila ay
magkasundo-sundo.
Pagmamahal, pagkakaunawaan at pagkakaisa ng bawat miyembro ang siyang solusyon upang
ang mabigat na suliranin ay malagpasan.

Gawain 2
Panuto: Ilahad ang sariling bayas o pagkiling sa sumusunod na sitwasyon.
1. Tama ba ang ginawang pagtatago ng ama tungkol sa totoong kalagayan niya? Bakit?

2. Bilang anak, gaano kahirap sa iyo ang magpatawad?


3. Makatotohanan ba ang pangyayari sa pelikula? Patunayan _

4. Kung ikaw ay bubuo ng pamilya, ano ang gagawin mo upang manatili kayong masaya at buo?

5. Kung ikaw ang ama, gagawin mo rin ba ang ginawa niya upang makasama ang mga anak?

Upang higit na maunawaan at maging maayos ang iyong paglalahad ng mga sagot ay basahin
ang mga Elemento ng Pelikula na binigyang kahulugan.

ELEMENTO NG PELIKULA
1. Kuwento - tumutukoy ito sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
Sa pagsusuri ng pelikula pagtuunan ng pansin ang mga sumusunod na tanong:
Bago o luma ba ang istorya? *Nakapupukaw ba ito ng interes?
2. Tema – ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan at pinakapuso ng pelikula
Napapanahon ba ang paksa?
3. Pamagat – ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay nagsi-
silbi ring panghatak ng pelikula. Ito ba ay angkop sa pelikula? Nakatatawag ba
ito ng pansin?
4. Tauhan - ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay buhay sa kuwento ng pelikula.
Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan?
5. Diyalogo – ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento. Naisaalang-alang
ba ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa kuwento?
6. Iba pang Aspektong Teknikal – kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa Pelikula,
pagpapalit-palit ng eksena, special effects, editing. Akma ba ang musika at
nababagay sa tema at eksenang ipinakikita sa pelikula?

Iba pang Elemento ng Pelikula


1. Sequence Iskrip - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento sa pelikula.
Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kwento.
2. Sinematograpiya - Pagkuha sa wastong anggulo, upang maipakita sa manonood ang
tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at
lente ng kamera.
3. Tunog at Musika - Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog
at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang inters at damdamin ng
manonood.
4. Pananaliksik o Research - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng
dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang
mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
5. Disenyong Pamproduksyon - Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,pananamit,
at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukwento.
6. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kwento
sa telebisyon o pelikula.
7. Pag-eedit - Ito ay pagpuputol, pagdudugtong muli ng mga negatibo mula sa mga
eksenang nakunan na. May laang oras at panahon ang isang pelikula.
8. Blasting - Isang tunog na ginagamit sa pelikula upang mas maramdaman ang epekto nito
9. Lapses - Tunog na ginagamit sa pelikula upang makuha ang atensyon ng mga manonood.
Gawain 3
Panuto: Ibigay ang iyong pagkiling sa pananaw at saloobin ng mga tauhan mula sa buod ng
pelikulang binasa.

Mga Tauhan Pananaw at Saloobin Sariling Pagkiling


Humingi ng paumanhin sa kapatid na
si Bryan upang muling mabuo ang
1. Allan
kanilang pamilya

Naglabas ng hinanakit ngunit


nagpatawad din sa kapatid
2.Bryan

Nagkaroon din ng hinanakit sa mga


kapatid ngunit nagpatawad din at
3.Cha
nakipagkasundo

Nakipagkasundo at nagpatawad sa
mga kapatid upang muling mabuo
4.Dex
ang pamilya.

Humiling na magkasama-sama ang


mga anak sa loob ng pitong Linggo.
5.Manuel
Hindi agad inamin ang pagkakamali
sa resulta ng kaniyang medical.

Gawain 4
Panuto: Hanapin at guhitan ang elemento ng pelikulang nasa loob ng puzzle.

P A G E E D I T K
A S E Y U I G E A
M R P Z K L T M H
A H K Q A W W A J
G O G O L A Y I D
A J O F S R G F B
T A U H A N D T N
T L G E J A R E O
Gawain 5
Panuto: Suriin ang pelikulang ‘Seven Sundays” na nasa “Tuklasin” ang buod, batay sa hinihingi ng
dayagram.

. SEVEN SUNDAYS

Paksa: Gamit ng mga salita:

Layon: Pamagat:

Tauhan:

Panuto: Basahin at unawain ang tinutukoy sa mga sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang.

1. Ito ay pagpuputol, pagdudugtong muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na.
A. Pag-eedit C. Pananaliksik o research
B. Sequence iskrip D. Disenyong pamproduksyon
2. Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan
nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
A. Pag-eedit C. Pananaliksik o research
B. Sequence iskrip D. Disenyong pamproduksyon
3. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento sa pelikula. Ipinamamalas nito
ang tunay na layunin ng kwento.
A. Pag-eedit C. Pananaliksik o research
B. Sequence iskrip D. Disenyong pamproduksyon
4. Ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan at pinakapuso ng pelikula
A. Tema B. Kwento C. Sequence Iskrip D. Disenyong Pamproduksyon
5. Naghahatid ito ng pinakamensahe ng pelikula.
A. Tema B. Kwento C. Pamagat D. Diyalogo
6. Tumutukoy sa paniniwala o personal na perspektibo ng isang tao sa mga bagay bagay.
A. hinuha B. pananaw C. pagsusuri D. paglalahad
7. Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na
paglalahad ng biswal na pagkukwento.
A. Pag-eedit C. Pananaliksik o research
B. Sequence iskrip D. Disenyong pamproduksyon
8. ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.
A. Tema B Kwento C. Pamagat D. Diyalogo
9. karakter na gumaganap at nagbibigay buhay sa kuwento ng pelikula
A Tauhan B Blasting C. Pamagat D. Sinematograpiya`
10. Isang tunog na ginagamit sa pelikula upang mas maramdaman ang epekto nito
A. lapses B. blasting C. Pamagat D.

Gawain 6
Panuto: Basahin at unawain ang buod ng pelikula. Ilahad ang sariling pananaw na may pagkiling o
bayas sa sumusunod na mga pahayag sa bawat bilang.

Buod ng “ANAK”
Ang pelikulang “Anak“ ay pinagbidahan ng mga batikang artista sa industriya ng pag-arte
na sina Vilma Santos at Claudine Baretto noong 2000 na sinasabing kumita ng mahigit 110
milyong piso. Ang pelikulang ito ay handog ng Star Cinema sa direksiyon ni Direk Rory B.
Quintos.
Tayo nang dumako sa buod ng pelikulang ito. Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang ina
na nagtatrabaho sa Hongkong bilang domestic worker, ang ina ay si Josie na ginagampanan
ni Vilma Santos. Ang kanyang pagtatrabaho sa ibang bansa ay para sa kanyang mga anak
upang makapagpadala ito ng perang panustos sa kanilang araw – araw na pangangailangan
upang mabigyan ang kanyang mga anak ng isang magandang kinabukasan. Tiniis ni Josie
lahat ng pasakit na sinapit niya sa kanyang amo.
Lumipas ang ilang taon at nakauwi na rin si Josie sapagkat siya ay nagpasyang hindi na
magtrabaho pa sa Hongkong at siya ay magtatayo na lamang ng negosyo. Sa kanyang
pagbabalik, sinalubong siya ng kanyang mga anak na sina Daday, ang bunso na hindi siya
kilala sapagkat bata pa lamang ito ay umalis na siya patungong Hong Kong, si Michael na
mahiyain at walang imik at si Carla na panganay na hindi man lang siya binigyang respeto at
galang. Tiniis niya lahat ng paghihirap para lamang makuha ang atensiyon ng kanyangmga
anak, lahat ay ginawa niya. Habang lumilipas ang panahon, unti – unti na niyang nakikilala
ang kanyang mga anak. Isang araw, nasilayan niya ang kanyang kanyang anak na si Carla na
naninigarilyo, at dito na niya nalaman ang mga iba pang bisyo at masasamang gawain na
ginagawa ng kanyang panganay na anak at kabilang na rito ang paglalagay ng tattoo,
pagpapalaglag ng bata, panlalalaki at paghihithit ng rugby. Napakaraming problema ang
nakasalamuha ni Josie at kabilang na rito ang paghinto ng scholarship ni Michael sa
pribadong paaralang kanyang pinag – aaralan, pagkabangga ng taksing kaniyang ipinundar
at ang pag – iwan sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan sa kanilang negosyo sapagkat
kanilang nagastos ang perang dapat sana ay ibabahagi nila rito.
Nagkaroon ng napakaraming pagkukulang si Josie. Para sa anak niyang si Carla, ubod ng
sama ang kanyang ina sapagkat naranasan niya ang paglaki ng walang inang gumagabay sa
kaniyang tabi. Nagkaroon ng alitan sina Josie at ang kanyang anak na si Carla tungkol sa
bagay na iyon ngunit kalaunan naman ay paunti – unti nang naiintindihan ni Carla ang mga
bagay – bagay at dahil dito nagbalik na ang loob ni Carla sa kaniyang ina at simula noon ay
nagpakatino na siya bilang panganay na anak at bilang nakatatandang kapatid na siyang
magsisilbing gabay sa kaniyang mga nakababatang kapatid sa pag – alis ulit ng kanilang ina
patungong Hongkong upang doon muling magtrabaho nang sa gayon ay magkaroon ng
magandang kinabukasan ang kaniyang mga minamahal na anak.

1. Maraming kabataan ngayon ang uhaw sa kalinga ng kanilang mga magulang.


Pananaw:
_
2. Ilang kabataan na ang napariwara dahil sa kakulangan ng wastong paggabay ng magulang sa
kanilang mga anak.
Pananaw:
_

3. Ang pag-aasawa at pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan ng isang babaeng nagdadalan-


tao ay tunay na kilos na karumal – dumal.
Pananaw: _
_

4. Maraming magulang ngayon ang nakatuon ang atensiyon sa paghahanapbuhay upang


mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.
Pananaw:
_

5. Nagkaroon ng matinding komprontasyon ang mag–ina dahil sa mabigat na suliraning


nararanasan ng pamilya.
Pananaw:
_

AKLAT
Pinagyamang Pluma 8 pp. 417
Pluma 8 pp. 428 -429
Buod ng pelikulang “Seven Sundays”
https://brainly.ph/question/1589454

Bataller, G. (2020). DepEd Las Piñas Grade 8 Module #19: Las Piñas City: SDO Las Piñas
Manalo, R. (2020). DepEd Las Piñas Grade 8 Module #17: Las Piñas City: SDO Las Piñas
www.pandayan.com.ph

Inihanda ni:

Shiela C. Cristobal
CAA National High School- Annex
8
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 7
Pagpapahayag ng Sariling Pananaw Tungkol sa Mahahalagang Isyung
Mahihinuha sa Napanood na Pelikula

Paggamit ng Kahusayang Gramatikal (may tamang bantas, baybay


magkakaugnay na pangungusap/talata) sa Pagsulat ng Isang Suring-Pelikula

Pagsusuri ng mga Hakbang sa Pagbuo ng Isang Kampanyang Panlipunan


Ayon sa Binasang mga Impormasyon

Sa bahagi ng araling ito ay maipahahayag ang sariling pananaw at magagamit nang wasto
ang mga kahusayang gramatikal sa pagbuo ng kampanyang panlipunan ayon sa mga nabasang
impormasyon

Layunin: Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa


napanood na pelikula F8PD-lllg-h-32

Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay, magkakaugnay na


pangungusap/talata) sa pagsulat ng isang suring-pelikula F8WPU-lllg-h-33

Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan ayon sa


binasang mga impormasyon F8PB-IIIi-j-33

Panuto A: Suriin kung ang mga sumusunod na hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan ay tama o mali. Isulat ang T kung tama at M kung mali.

1. Ang Social Awareness Campaign ay ang pagpapahayag at pagbibigay ng mahalagang


impormasyon, kaalaman o babala para sa iilan lamang.
2. Layunin nito na imulat ang tao at pakilusin.
3. Ipagsawalang bahala ang mga masasamang nangyayari sa paligid hagga’t di ka apektado.
4. Mga tunay na impormasyon ang hatid ng social awareness campaign.

Panuto B: Punan ng wastong mga bantas ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang
sagot na may tamang bantas.

1. Magusap tayo.
2. Gulay prutas isda at manok ang masusustansiyang pagkain.

3. Madali ka at mahuhuli na tayo sa klase ang wika ni Kishna sa kapatid.

Panuto C: Suriin ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang KP kung angkop ang
pangungusap sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan at DKP kung hindi
angkop. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Kailangang pagplanuhan kung paano ipahahayag ang mensaheng nais ipabatid sa


publiko.
2. Maaaring gumamit ng mga salitang balbal sa pagbuo ng kampanyang panlipunan.
3. Makatutulong nang malaki sa pagbuo ng kampanyang panlipuna ang paglalagay ng mga
larawan o simbolo.

Pagpapahayag ng Sariling Pananaw Tungkol sa


Mahahalagang Isyung Mahihinuha sa Napanood
na Pelikula

Aralin Paggamit ng Kahusayang Gramatikal (may


tamang bantas, baybay, magkakaugnay na

7
pangungusap/talata) sa Pagsulat ng Isang Suring
Pelikula

Pagsusuri ng mga Hakbang sa Pagbuo ng Isang


Kampanyang Panlipunan Ayon sa Binasang mga
impormasyon

Magandang araw!
Bago ka mag-umpisa ng aralin, Isagawa ang mga gawain upang masukat ang
iyong kaalaman at kakayahan sa araling tatalakayin. Handa ka na ba?

GAWAIN 1
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap. Isulat sa patlang ang wastong sagot.

karamdaman hamon
mahal pighati
pagkakasundo tinungo

1. Malaking kalungkutan sa ama ang hindi makasama ang mga anak.


2. Malubhang sakit ang kanyang naranasan.
3. Matinding laban ang kinakaharap ng ama sa pagharap sa sakit.
4. Sa huli, ang kanilang ama ay kanilang pinuntahan.
5. Ang kanilang pagkakaayos ay tunay na ikinatuwa ng ama.
Ngayon, ating matutunghayan ang buod ng pelikulang may pamagat na “Magnifico”.
Matututuhan natin kung paano magbigay ng sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyu na
nakapaloob sa pelikulang nabanggit

Mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na pakikipag-talastasan


ang pagpapahayag ng sariling pananaw o opinyon. Kailangang matutuhan
mo kung gayon, ang mabisang paraan ng pagsasagawa nito. Mababasa sa
ibaba ang ilang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling
pananaw:.
• Ang masasabi ko lang...
• Ang pagkakaalam ko ay...
• Ang paniniwala ko ay...
• Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita...
• Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi ma dahil...
• Kung ako ang tatanungin...
• Para sa akin...
• Sa aking palagay...
• Sa tingin ko ay...
• Tutol ako sa sinabi mo dahil...
• Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
• Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?
• Mahusay ang sinabi mo at ako man ay...
• Nasa iyo yan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw
subalit...
Magagamit din ang mga pahayag na ito sa pagbuo ng suring-pelikula
kung saan inilalahad natin ang ating analisis at opinyon sa isang
espesipikong pelikula.

MAGNIFICO (Buod)
https://www.youtube.com/watch?v=G-oPXydxymQ
Si Magnifico ay lumaki sa mahirap na pamilya. Kahit bata pa lang siya ay tinutulungan niya
ang mga nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang pamilya tulad ng pag-aalaga sa kanyang
lola at kapatid na may sakit. Dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, naging malaking problema sa
kanila ang burol ng kanyang lola dahil sa pagkakaroon nito ng sakit. May taning na rin ang buhay ng
kanyang lola, kaya sa pagnanais niyang makatulong sa kanyang pamilya gumawa siya ng paraan
upang paghandaan. Siya ang gumawa ng kabaong at naghanda ng kasuotang isusuot kapag
namatay na ito.
Sinikap niyang tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya tulad ng kanyang
kapatid na babae na pinapasan niya sa likod at ang nakatatandang kapatid na natanggalan ng
iskolarship. Marami ang natulungan ni Magnifico, tulad ni Ka Doring na galit na galit sa mundo at
sina Cristy at Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagbati rin. Punong-puno ng kabutihan si
Magnifico. Ngunit sa kasawiang-palad ay nahagip siya ng isang sasakyan dahil sa pagliligtas niya
kay Domeng. Ito ang naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan. Maraming tao ang
nakiramay sa pagkamatay ni Magnifico. Ang paghahanda ng burol para sa kanyang lola ay ginamit
para sa kanyang pagpanaw. Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong
kanyang natulungan at nakasama.

GAWAIN 2
Panuto: Ipahayag ang iyong pananaw at suhestiyon sa mga napapanahong isyung nakapaloob
sa nabasa/napanood na pelikula.

1. Dahil sa kahirapan, malaking problema sa kanila ang pagkakaroon ng sakit.


2. Prayoridad ang kapakanan ng pamilya lalo na ang kapatid kaysa sa sarili.

3. Kahirapan ang nagiging hadlang sa pagtatamo ng mga pangarap sa buhay.

4. Kabataang namulat ang isipan sa mga pangyayari sa kanyang pamilya.

5. Maraming magulang ang hindi nakapag-aral kaya’t walang maayos na trabaho.

Mahalagang matutuhan natin ang wastong paggamit ng bantas sa pagbuo ng pangungusap.


upang maging malinaw ang pagpapahayag. Ginagamit ang mga ito sa paghihiwa-hiwalay ng mga
pangungusap, parirala at salita para sa nasabing layunin.

MGA BANTAS SA PAGBUO NG PANGUNGUSAP


1. Gitling (-) - ginagamit kapag inuulit ang salitang-ugat, kung ang unlapi ay nagtatapos sa
katinig (consonant) at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig (vowel) na
nagkakaroon ng ibang kahulugan kapag hindi ginigitlingan
Halimbawa: (Walang gitling) – pangabay (May gitling) - pang-abay
2. Kudlit (‘) - ginagamit na pananda ng nawawalang letra o mga letra sa dalawa o mahigit
pang salitang magkasunod. Halimbawa: Siya’y inabot ng ulan.
3. Kuwit (,) - ginagamit pagkatapos ng panawag sa magkasunod na mga salita o pariralang
nasa loob ng pangungusap. Halimbawa: Kumakain siya ng gulay, prutas, at
masusustansyang pagkain.
4. Tutuldok o kolon (:) - ginagamit matapos maipauna ang pagpapakilala sa mga sumusunod:
paliwanag, katuturan, banggit-talaan
Halimbawa: Mga dumalo: Pangulo, Punong barangay, kagawad, at mga manggagawa.
5. Tuldok –tuldok (...) - ginagamit kung may salita o mga salitang iwinawaglit sa pangungusap
Halimbawa: Lahat ay nagtaka… muli siyang naiyak.
6. Tuldok-kuwit o semikolon (;) - ginagamit sa pagitan ng magkakaugnay na mga
mahahalagang angkap ng isang mahabang pangungusap.
Halimbawa: Sa pag-upo ng bagong pangulo, unang inasam ng karaniwang mamamayan
ang pag-angat ng kabuhayan ng bansa; ito’y ayon sa binitiwan niyang
pangako noong panahon ng kampanya.
7. Panipi (“ “) - ginagamit sa tuwirang sinasabi ng nagsasalita at sa pamagat o pangalan ng
mga paksa.
Halimbawa: “Malaya ka na!”, wika ni Kishna sa kaibigan
Ang pagsasagawa ng isang kampanyang panlipunan o social awareness campaign
ay isang instrumento sa pagpapalaganap ng bagong impormasyon o adbokasiya ng
pamahalaan, pribadong institusyon, at iba’t ibang samahan o organisasyon. Isa sa hangarin
ng kampanyang panlipunan ay magkaroon ng kamulatan ang publiko sa anumang produkto
at adbokasiya ng iba’t ibang organisasyon.
Narito ang ilang hakbang kung paano sisimulan o gagawin ang kampanyang
panlipunan:

1. Pagpasiyahan muna ang adbokasiyang ipaglalaban o ikakampanya.


2. Pagplanuhan kung paano ipahahayag ang mensahe ng kampanya na ipahahatid sa
publiko, ang pagbibigay ng impormasyon, epekto nito, at ang panganib na dulot nito
sa mga tao.
3. Magsaliksik ng sinabi ng mga eksperto o mga salawikain na magagamit sa
pagbibigay ng mensahe.
4. Makatutulong nang malaki ang paglalagay ng larawan o simbolo dahil kung minsan
mas malakas ang dating nito sa publiko kaysa paggamit ng mga salita.
5. Pag-aralang mabuti ang disenyo ng kampanyang panlipunan dahil nakaaakit sa
mambabasa ang magandang ayos at layout nito.
6. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa pangangampanya tulad ng pamumudmod ng
mga maliit na polyeto, paggawa ng malaki at makulay na poster, paglikha ng mga
flyer atbp.
7. Isaalang-alang ang tamang panahon sa paggawa ng kampanyang panlipunan.
Halimbawa:
- Pangangampanya sa paglaganap ng wikang Filipino – buwan ng Agosto.
- Pangangampanya sa pag-iwas sa sunog – buwan ng Marso.
8. Humingi ng permiso sa may-ari o nangangasiwa ng lugar o pampublikong lugar na
pagkakabitan ng poster, babala, o paunawa sa kampanyang panlipunan.
9. Pumili ng mahusay na tagapagsalita na magbibigay ng mga impormasyon, epekto
at sanhi na dulot ng isyung ipinaglalaban kung mangangampanya sa iba’t ibang
lugar.
10.Makatutulong din ang paggamit ng mga angkop na mga komunikatibong pahayag
sa pagbuo ng social awareness campaign.

Gawain 3
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong kaugnay ng pagsusuri sa pelikulang “Magnifico”
na nasa bahaging TUKLASIN. Gumamit ng wastong sa pagsulat ng sagot.

1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa pelikula.

2. Ipakilala ang katuwang na tauhan sa pelikulang binasa/pinanood.

3. Naging makatotohanan ba ang mga pangyayaring nakapaloob sa pelikula? Ipaliwanag.

4. Nagampanan ba ng mga tauhan ang karakter nila sa pelikula? Ipaliwanag.

5. Ilahad ang mensaheng nais iparating ng napanood/nabasang pelikula.


Gawain 4
Panuto: Punan ng wastong bantas ang sumusunod na diyalogo na hango sa pelikula. Pilin sa
kahon ang wastong sagot.

: ? … ’
! , ““ .

Eksena 2, Bata…Bata… Paano ka Ginawa?

Lea: Excuse me po Excuse me po Sa stage uumpisahan na nI Maya ang kanyang tula


Maya: Ang tiyan ng nanay malaki t bilog. Ano iyan Tanong ni Ogie sa nanay
Bola Bola ng basketbol
Ding: (kay Lea) Turo mo, turo mo yun Pambihira Ka Hindi mananalo iyon
Maya: (Medyo magsisimangot konti) kuya akin na ang toga ko maka-graduate na. Kukunin na ni
Lea ang toga. Hindi pa rin ibababa ni Ojie ang kamay niya.
Ojie: (medyo naaasar) Gusto nyong itanong kung ano nangyari sa kamay ko? Namatay na o
naging baton na

Gawain 5
Panuto: Suriin kung ang mga sumusunod na hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan ay tama o mali. Isulat ang T kung tama at M kung mali.

1. Alalahanin na ang teknolohiya ay may malaking bahagi rin sa pagpapalaganap ng


social awareness campaign.
2. Pansariling interes lamang ang layunin ng social awareness campaign.
3. May bisa ang social awareness campaign kung ito ay nailalapat sa tunay na buhay.
4. Kailangang pagpasiyahan muna ang adbokasiyang ikakampanya.
5. Basta na lamang ikabit/idikit ang mga poster, babala o kampanya sa mga pampublikong
lugar na nais paglagyan.

Panuto A: Tukuyin ang hinihingi sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.

1. Ito ay ginagamit sa tuwirang sinasabi ng nagsasalita at sa pamagat o pangalan ng mga


paksa
A Kuwit B. Panipi C. Tuldok D. Tutuldok
2. Ito ay ginagamit pagkatapos ng panawag sa magkasunod na mga salita o pariralang nasa
loob ng pangungusap.
A Kuwit B. Panipi C. Tuldok D. Tutuldok
3. Ito ay ginagamit kung may salita o mga salitang iwinawaglit sa pangungusap.
A Kuwit B. Panipi C. Tuldok D. Tutuldok
4. Bantas na ginagamit kapag inuulit ang salitang-ugat.
A Kuwit B. Panipi C. gitling D. tuldok-kuwit
5. Ito ay ginagamit na pananda ng nawawalang letra o mga letra sa dalawa o mahigit pang
salitang magkasunod
A Kuwit B. Panipi C. gitling D. tuldok-kuwit

Panuto B: Lagyan ng tsek (√) kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng
mga hakbang sa pagbuo ng kampanyang panlipunan at ekis (X) kung hindi.

1. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa pangangampanya tulad ng pamumudmod ng


mga maliit na polyeto, paggawa ng malaki at makulay na poster, paglikha ng mga flyer atbp.
2. Pagplanuhan kung paano ipahahayag ang mensahe ng kampanya na ipahahatid sa
publiko, ang pagbibigay ng impormasyon, epekto nito, at ang panganib na dulot nito sa
mga tao.
3. Magpokus lamang sa isang kagamitan upang maging matipid ang gagawing hakbang.
4. Makatutulong nang malaki ang paglalagay ng larawan o simbolo dahil kung minsan mas
malakas ang dating nito sa publiko kaysa paggamit ng mga salita.
5. Pag-aralang mabuti ang disenyo ng kampanyang panlipunan dahil nakaaakit sa mambabasa
ang magandang ayos at layout nito

Panuto: Suriin ang mga impormasyong nakapaloob sa larawang nasa ibaba. Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan batay sa nais iparating ng kampanyang panlipunan.

1. Tungkol saan ang kampanyang panlipunan na nasa larawan?

2. Ang nilalaman ba ng kampanyang panlipunan ay masasabing naganap o nagaganap sa


kasalukuyan? Ipaliwanag.

3. Masasabi bang ang mga impormasyon na nakapaloob ay makatotohanan? Bakit?


4. Paano nakatutulong ang mga larawan o simbolo na nakapaloob sa kampanyang panlipunan sa
pagpapalaganap ng kaalaman?

5. Sa iyong palagay, malinaw ba ang mensaheng nais ipabatid ng kampanyang panlipunan?

Pinagyamang Pluma 8 pp. 443-439.


Cristobal, S. (2020). DepEd Las Piñas Grade 8 Module #21: Las Piñas City: SDO Las Piñas
Sabate, J. (2020). DepEd Las Piñas Grade 8 Module #22: Las Piñas City: SDO Las Piñas

LARAWAN

www.pandayan.com.ph

Google images/ picture. Com

https://www.youtube.com/watch?v=G-oPXydxymQ

Inihanda ni:

Geraldine D. Bataller
CAA National High School - Annex
8
Filipino
Unang Markahan – Modyul 8
Pagpapaliwanag ng mga Salitang Angkop na Gamitin sa Pagbuo ng Isang
Kampanyang Panlipunan

Pagbuo ng Isang Malinaw na Social Awareness Campaign Tungkol sa Isang


Paksa na Maisasagawa sa Tulong ng Multimedia.

Paggamit ng Angkop na mga Komunikatibong Pahayag sa Pagbuo ng Isang


Social Awareness Campaign

Nakapaloob sa modyul na ito kung paano gumamit ng mga salitang angkop sa pagbuo ng
isang malinaw na kampanyang panlipunan tungkol sa isang paksa sa tulong ng multimedia.
Matutuhan din natin ang paggamit ng angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang
social awareness campaign.

Layunin: Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan. F8PB-IIIi-j-33

Nakabubuo ng isang malinaw na social awareness campaign tungkol sa isang paksa


na maisasagawa sa tulong ng multimedia. F8PU-IIIi-j-34

Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang social


awareness campaign. F8WG-IIIi-j-34

Panuto A: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

1. Upang higit na maging kapani-paniwala ang isang kampanyang panlipunan, dapat itong
maging:
A. makulay B. maganda C. makatotohanan D. maraming larawan
2. Ang mga kampanyang panlipunan ay nakatutulong upang bigyan ng ang mga
tao tungkol sa isang tiyak na isyung nangyayari sa ating lipunan.
A. pag-asa B. kaalaman C, suhestyon D. babasahin
3. Ito ay isang paraan upang maging mabisa at tawag-pansin sa publiko ang kampanya.
A. Paggamit ng salawikain/kasabihan C. Paggamit ng mga salitang nagpapahiwatig
B. Paggamit ng malalaking larawan D. Paggamit ng mahahabang pangungusap
4. Magiging higit na mabisa ang pagsasagawa ng kampanya sa kasalukuyan kung gagamit ng:
A. print media B. social media C. broadcast media D. video technology
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dapat tandaan sa pagbuo ng
Kampanyang panlipunan?
A. Gumamit ng mga salitang “in” sa publiko.
B. Ayusin ang tamang pagkakasunod-sunod ng kaisipan.
C. Nagbubunsod ito ng pagkamulat sa mga mamamayan.
D. Gumamit ng kmunikatibong pahayag sa paraang masining.

Panuto B: Basahin at unawain ang kampanyang Panlipunang nasa larawan. Ibigay ang
kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang ginamit ayon sa hinihingi ng tsart sa
ibaba.

Salita Kasingkahulugan Kasalungat


iwasan
panatilihin
takpan
ugaliin
magpahid

Pagpapaliwanag ng mga Salitang Angkop na


Gamitin sa Pagbuo ng Isang Kampanyang
Panlipunan

Aralin Pagbuo ng Isang Malinaw na Social Awareness


Campaign Tungkol sa Paksa na Maisasagawa
8 sa Tulong ng Multimedia.

Paggamit ng Angkop na mga Komunikatibong


Pahayag sa Pagbuo ng Isang Social
Awareness Campaign
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay makapagsusuri ng mga hakbang sa pagbuo ng
isang kampanyang panlipunan. Kailangan din ang tulong ng multimedia upang makabuo
ka ng isang malinaw na social awareness campaign gamit ang angkop na komunikatibong
pahayag.
Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

GAWAIN 1
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang..

1. Bantas na ginagamit sa pagitan ng oras at minute.


A. kuwit B. kudlit C. tutuldok D. tuldok-kuwit
2. Ginagamit ang bantas na ito upang kulungin ang sinasabi ng nagsasalita.
A. kudlit B. panipi C. tutuldok D. tuldok-kuwit
3. Isa sa hangarin ng kampanyang panlipunan ay magkaroon ng ang publiko sa
anumang produkto at adbokasiya ng iba’t ibang organisasyon.
A. susundin B. kikitain C. kamulatan D. impormasyon
4. Ito ang paksa ng pelikulang Seven Sundays batay sa buod nito.
A. pamilya B. tahanan C. pagkakaisa D. pagpapatawad
5. Sa karakter na ito umikot ang istorya ng pelikulang “Anak.”
A. Josie B. Carla C. Mercy D. Daday

Ngayon ay basahin at unawain ang kahulugan ng kampanyang panlipunan upang mahinuha


ang mga bagay na may kaugnayan dito at malaman ang kahalagahan nito sa ating lipunan.
Mahalagang malaman din ang mga angkop na salitang dapat gamitin kung papaano ito bubuuin.

Alam mo ba Ang kampanyang panlipunan ay hindi lamang


kung ano ang tumutukoy sa mga billboards, komersiyal na
pantelebisyon, o fundraising bagkus isa itong
Kampanyang
Panlipunan? pagpapaliwanag o pagpapahayag ng kaisipan
at kaalaman sa isang partikular na isyu.

Ang kampanyang panlipunan ay may mga angkop na salitang ginagamit upang ito ay mabuo.
Mahalagang isaalang-alang ang angkop na mga salitang gagamitin upang ito’y mas maging
mabisa. Ilan sa mga dapat tandaan sa mga salitang gagamitin natin sa pagbuo ng kampanyang
panlipunan ay ang mga sumusunod:
A. Tandaan na dapat maging makatotohanan upang higit itong maging kapani-paniwala.
B. Magbigay lamang ng kongkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutan ang maging
malikhain.
C. Maging diretso sa punto.
D. Maging espisipiko sa mga halimbawa
E. Dapat magkakaugnay ang lahat ng ideya.
Tandaan din natin na ang ating salita ay nasa anyong-pormal. Dahil ito ay maaring
mapalaganap sa tulong ng mga social media sites. Ang ating mga salita ay magiging isa sa
impresyon ng mga mambabasa o tagapakinig.
Sa kabuuan, mahalaga na maiparating natin sa ating kampanyang panlipunan na may pokus
sa iisang isyu, malinaw ang mga impormasyon at sa dulo ay makapabigay tayo ng solusyon
upang mabigyan ng wakas ang isang isyung panlipunan.
Narito ang halimbawa ng kampanyang panlipunan na buhat sa Department of Science and
Technology (DOST) at sa Philippine Institute of Volcanology and Science (PHIVOLCS)

1. Ang susi ng mabisang pagpaplano laban sa kalamidad ay ang kahandaan:


Alamin kung ang iyong lugar ay nasa dinaraanan o malapit sa kinaroroonan ng isang
“active fault” o kung ito ay lugar na may malambot na lupa na maaaring mag-” liquify” kung
magkaroon ng lindol. Siguraduhin ang matibay na pagkakagawa sa mga bahay o gusali at
ang pagkakagawa ay dapat umaayon sa tama at iminumungkahing “safe engineering
practice” ng mga dalubhasa. Alamin kung ang kinaroroonan ng gusali at iba pang maha-
halagang imprastraktura ay matibay, pagtibayin pa kung kinakailangan.
2. Ihanda ang inyong tahanan at lugar sa pinagtatrabahuhan sa pagkakaroon ng lindol.
Itali ang mga mabibigat na kagamitan o kasangkapan sa dingding upang maiwasan ang
pagkahulog. Ang mga babasagin, mga nakalalasong kemikal, at mga bagay na madaling
magliyab ay dapat nakalagay o nakatago sa pinakamalalim na bahagi ng mga estante at
dapat ito’y hindi madaling magalaw o matapon. Ugaliin ang pagsasara ng mga tangke ng
gas pagkatapos gamitin.
3. Sanayin ang sarili sa iba’t ibang lugar sa inyong tahanan at opisina.
Alamin ang mga matitibay na bahagi ng inyong gusali katulad ng hamba ng pintuan,
mga lugar na malapit sa “elevator shafts” at matitibay na lamesa kung saan maaaring
manatili habang lumilindol. Matutong gumamit ng pamatay sunog (fire extinguisher), mga
gamit pang-unang lunas (first aid kit), alarmang pang ligtas (alarms), at labasang pang-
emergency (emergency exit). Ang lahat ng ito ay dapat na nasa mga lugar na madaling
puntahan at malapitan at may palatandaan o markang madaling makita.

GAWAIN 2
Panuto: Basahin at unawain ang kampanyang panlipunan at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

1. Ang paksa ng kampanya ay tungkol sa .


A. kahandaan ng bahay C. kahandaan sa mangyayari
B. kahandaan ng sarili D. kahandaan sa kalamidad
2. Ang layon ng kampanya ay
A. magpabatid B. magpakilala C. magsanay D. maghanda
3. Ang mga salitang dapat gamitin sa kampanya ay nasa anyong .
A. payak B. pormal C. impormal D. masining
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa pagbuo ng kampanyang panlipunan?
A. may pokus sa iisang isyu C. gumagamit ng mabulaklak na salita
B. malinaw ang mga impormasyon D. nagbibigay ng mga solusyon sa isyu
5. Ang nagpalabas ng binasang kampanyang panlipunan ay:
A. DOST B. PHILVOLCS C. pamahalaan D. A at B

Upang mas maunawaan at maging maayos ang iyong paglalahad ng mga sagot ay alamin
at unawain ang mga hakbang at paalala sa pagsasagawa ng kampanyang panlipunan at kung ano
ang mga angkop na komunikatibong pahayag sa pagbuo ng social awareness campaign.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SOCIAL AWARENESS CAMPAIGN

Napakahalaga ng ginagampanang papel ng mass media sa buhay ng tao. Ang iba’t ibang
midyum nito tulad ng broadcast media na binubuo ng radyo at telebisyon, print media na kina-
papalooban naman ng mga popular na babasahing tulad ng pahayagan, magasin, komiks,
kontemporaryong dagli; mga popular na panitikan tulad ng patalastas, awit, rap, islogan,
gayundin ang mga pelikula, at maging ang mga video technology ay nagsilbing mabisang
mekanismo sa pagbabago ng kulturang Pilipino sapagkat may kakayahan itong baguhin ang
mga paniniwala, pag-iisip, at pagpapahalaga ng mga tao sa mabilis na paraan. Kaya naman sa
kasalukuyang panahon, ang lahat ng ito ay magagamit na instrumento sa kampanya tungo sa
kamalayang panlipunan o social awareness campaign. Ang mga kampanyang ito ay
nakatutulong upang mabigyang-kabatiran ang mga tao tungkol sa isang tiyak na isyung
nangyayari sa ating lipunan. Nagagamit din ito upang himukin ang mga mamamayang
suportahan ang isang proyektong makatutulong sa paglikha o pagsisimula ng isang pagbabago.
Sa pagbuo ng isang social awareness campaign, mahalaga na isaalang-alang ang mga
sumusunod na mga hakbang:
1. Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang social awareness
campaign.
2. Tukuyin kung sino ang grupo o pangkat ng mga tao ang nais mong makabasa, makarinig,
makakita, o makapanood ng kampanyang iyong gagawin.
3. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o paksang iyong nais
bigyang-pansin upang magkaroon ng sapat at malawak na kaalaman hinggil dito.
4. Alamin kung anong pamamaraan ang iyong gagamitin sa pagsasagawa ng iyong kampanya.
Maaaring gumamit ng broadcast media, print media, video technology, at iba pa. Sa kasa-
lukuyang panahon, tiyak na gagamitan ito ng social network media tulad ng facebook, twitter,
youtube, at iba pa.
5. Magsagawa ng mahusay na pagpaplano kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng
kampanya.

Paggamit ng Angkop na mga Komunikatibong Pahayag sa Pagbuo ng


isang Social Awareness Campaign

May iba’t ibang paraan upang maging mabisa at tawag-pansin ito sa publiko.
1. Paggamit ng salawikain/kasabihan na makikita sa poster
Halimbawa:
Sumunod ka sa konsensiya mo, pero gamitin mo rin ang utak mo.
Droga ay iwasan, salot ito sa bayan.
Lingapin ang kapaligiran nang dengue ay maiwasan.
2. Paggamit ng iba’t ibang anyo ng pangungusap
(payak, tambalan, hugnayan, at langkapan)
Halimbawa:
Kung nagmamaneho, itabi at ihinto ang sasakyan.
Huwag lumabas sa dalampasigan upang panoorin ang tsunami.
3. Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap (paturol, pasalaysay, pautos,
padamdam, at patanong)
Halimbawa:
a. Paturol/Pasalaysay
Ang mga mabigat na kagamitan ay dapat nakalagay sa ilalim na bahagi
ng mga estante.
b. Pautos
Lumayo sa mga posteng may kuryente, pader, at iba pang estraktura na
maaaring bumagsak o matumba.
4. Gumamit ng mga salitang naghuhumiyaw na kailangang mapansin ng mga
mambabasa.
Halimbawa:
Huwag magpauna sa takot...
LINDOL
5. Maglapat ng damdamin sa mga pahayag na binuo.
Halimbawa:
Paggamit ng balloon upang maipahayag ang damdamin ng pagkatakot at
babala.
Gawain: 3
Panuto: Suriin ang kampanyang panlipunan na nasa TUKLASIN, Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang.

1. Ang komunikatibong pahayag na ginamit sa unang bilang ng kampanya.


A. Gumamit ng salawikain/kasabihan C. Gumamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap
B. Gumamit ng salitang naghuhumiyaw D. Gumamit ng iba’t ibang anyo ng pangungusap
2. Anong anyo ng pangungusap ang ginamit sa pangungusap na may salungguhit sa ikalawang
Bilang ng kampanya?
A. payak B. tambalan C. hugnayan D. langkapan
3. Ang pamamaraang ginamit sa pagsasagawa ng kampanya ay:
A. print media B. social media C. broadcast media D. Video Technology
4. Sa kabuuan, saang bahagi ng kampanya matatagpuan ang mga solusyong ibinigay?
A. Bilang isa B. Bilang dalawa C. Bilang tatlo D. Wala sa nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang HINDI nakita sa binasang kampanya?
A. maging makatotohanan C. espisipiko sa mga halimbawa
B. maligoy ang mga salita D. magkakaugnay ang lahat ng ideya.

Gawain 4
Panuto: Magbigay ng isang salitang angkop sa larawan. Ipaliwanag ang iyong saloobin sa
ipinapakita ng larawan. (3 puntos bawat isa)

1. Salita:
Paliwanag:

2. Salita:
Paliwanag:

3. Salita:
. Paliwanag:
GAWAIN 4:
Panuto: Sumulat ng isang mensahe para sa mamamayan tungkol sa iba’t ibang isyu na nasa
ibaba. Isulat ang iyong mensahe sa patlang.

1.

2.

3.

4.

5.
Panuto A: Suriin ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang KP kung angkop ang
Pangungusap sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan at DKP kung hindi angkop.
Isulat ang sagot sa patlang.

1. Kailangang pagplanuhan kung paano ipahahayag ang mensaheng nais ipabatid sa publiko.
2. Maaaring gumamit ng mga salitang balbal sa pagbuo ng kampanyang panlipunan.
3. Makatutulong nang malaki sa pagbuo ng kampanyang panlipunan ang paglalagay ng mga
larawan o simbolo.
4. Mahalagang pag-aralan ang disenyo sa pagbuo ng kampanyang panlipunan.
5. Nararapat na isang estratehiya lamang ang gagamitin sa pagbuo ng kampanyang panlipunan.

Panuto B: Piliin ang titik ng tamang sagot sa hinihingi ng bawat bilang.

1. Piliin ang HINDI kabilang sa paraan ng paghahatid ng mensahe ng kampanya.


A. poster B. kuwento C. konsiyerto D. talumpati
2. Ito ay maituturing na isang pampublikong komunikasyon dahil nagbibigay ng impormasyon.
A. print media B. social media C. broadcast media D. kampanyang panlipunan
3. Malaki ang maitutulong nito sa pagsasagawa ng kampanyang panlipunan sa paraang
panteknolohiya.
A. social media B. print media C. multimedia D. broadcast media
4. Katangiang dapat taglayin ng mensahe upang makatawag-pansin ang kampanyang
panlipunan sa publiko.
A. masining B. may simbolo C. may larawan D. may kasabihan
5. Tawag din ito sa hangarin ng pamahalaan, pribadong organisasyon at samahan sa pagbuo
ng kampanyang panlipunan.
A. naisin B. layunin C. mithiin D. adbokasiya

Panuto: Sumulat ng isang social awareness campaign tungkol sa isa sa mga paksang nakatala.
Gawin ito sa isang short bond paper at gawing gabay ang rubrik na nasa ibaba.

Pumili ng isang paksa:


1. Pagkasira ng kapaligiran
2. Kawalan ng trabaho
3. Pagbibigay ng bakuna sa mga kabataan
Pinagyamang Wika at Panitikan 8, Aida M. Guimarie

Lee, Harvey (2014) PREZI, AWARENESS CAMPAIGN Retrieved from


https://prezi.com/t0lb56-3ruyp/awareness-campaign/

Pinagyamang Pluma 8 p442


https://www.youtube.com/watch?v=glDibP54qnY

Sabate, J. (2020). DepEd Las Piñas Grade 8 Module #23, #24, at #25: Las Piñas
City: SDOLas Piñas

Decin, Kirsten (2019) Kampanyang Panlipunan


https://kirstendicen.wordpress.com/2019/01/23/kampanyang-
panlipunan-2/

Ablos, Jaztn (2019) Social Awareness Campaign St. Tatiana,


https://www.google.com/search?q=emoji+faces&tbm=isch&ved=2ahUKEwiA6o_mj97qAhUGa5
QKH RIVD30Q2-

https://www.google.com/search?q=bookmark+cartoon&tbm=isch&ved=2ahUKEwjBka2slODq
AhUM hZQKHZkaBZQQ2-
cCegQIABAA&oq=bookmark+cartoon&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECCMQJzICCAAyAggAMgIIADICC
A
AyBggAEAUQHjIGCAAQBRAeMgYIABAFEB4yBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgQIABAeUKry
eliA_X
pguv96aABwAHgAgAGDAYgBwAaSAQMwLjeYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclie
nt=im g&ei=4dIXX4GdJoyK0gSZtZSgCQ&bih=657&biw=1366#imgrc=Y7uReYoHR2A-pM

Inihanda ni:

Sonia I. Absalud
Las Piñas Technical-Vocational High School

Balideytor ng Nilalaman:

Marife L. GilhangMaster Teacher I

Balideytor ng Wika:

Imelda P. Intano
Teacher III

You might also like