You are on page 1of 8

Alamin Natin

8 Ang panonood ng mga programang pantelebisyon ay nagsisilbing


libangan sa karamihan ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Ngunit may
programang pantelebisyon din na hindi lamang saya ang naidudulot kundi
maging kaalaman at kaisipan na gumigising sa maiinit at napapanahong isyu,
ito ay ang dokumentaryong pantelebisyon.
Sa SLK na ito ay matutuhan mo kung ano ang dokumentaryong

Filipino pantelebisyon. Kasabay ng pag-aaral tungkol dito ang paglinang ng


kasanayang pangwika tungkol sa lohikal na paraan ng mga pananaw at
katuwiran at wastong paggamit ng mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang
Ikatlong Markahan lohikal.
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang
Sariling Linangan Kit 4: sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
Kontemporaryong Programang kaugnayan sa paksa;
2. naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran;
Pantelebisyon 3. nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa;
4. nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal
(dahilan-bunga, paraan-resulta); at
5. nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang
mga pamantayan.

Subukin Natin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng iyong sagot sa
sagutang papel.

Para sa mga bilang 1-3. Piliin ang angkop na ekspresyong naghuhudyat ng


relasyong lohikal sa bawat pangungusap. Titik lamang ng tamang sagot ang
isulat sa iyong sagutang papel.

1. Magkakaroon ka ng kumpyansa sa sarili, matutuhan mong


tanggapin at mahalin ang iyong buong pagkatao.
A. nang sa ganoon B. sa sandaling
2. ng kaniyang pagpapabaya sa sarili, siya ay pumayat at naging
malnourished.
A. Bunga B. Sapagkat

ii 3
3. Gumaling siya mula sa matinding pagkakasakit na rin ng Saglit mang natigil ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng
kaniyang taimtim na panalangin at malalim na pananampalataya sa paghahari ng Batas Militar ay sinasabing nang matapos ang yugto ng
Dakilang Lumikha. diktaturyal sa ating bansa ay sumilang ang isang uri ng pamamahayag o
A. sa sandaling B. sa pamamagitan pagbabalita na maituturing na higit na liberal at mapusok ang anyo sapagkat ito
ay tumalakay sa mga napapanahong isyu sa kasalukuyan na tinatawag na
Para sa mga bilang 4-5. Basahin ang teksto sa ibaba. dokumentaryong pantelebisyon. Ito ay isang programa o palabas na
naglalayong maghatid ng komprehensibo, mapanuri, at masusing pinag-
Ang panonood ng telebisyon ay may malaking bahagi sa ating pang- aralang proyekto o palabas na sumasalamin sa katotohanan ng buhay na
araw-araw na gawain, karaniwan nang ito ay ating kaharap sa umaga, hapon, at kalimitang tumatalakay sa isyu, problema, kontrobersiyal na balita, at maging
gabi. Kung gayon, ang pagkakaroon ng gabay sa pagpili ng panonooring may ng mga paksang may kinalaman sa kultura at pamumuhay sa ating lipunan. Ang
kapupulutan ng mga aral at karunungan ay dapat isaalang-alang. dokumentaryong pantelebisyon ay maituturing na isang uri ng sining na ang
Sipi mula sa Pag-unlad ng Telebisyon, pangunahing layunin ay magbigay ng mga tiyak at totoong impormasyong
Punla 8, Bagong Baitang 8, pp. 176-178 gigising sa isip at damdamin ng isang tao patungkol sa isang isyu. Malaki ang
nagagawang impluwensiya nito sa isipan, ugali, at pananaw ng isang nilalang
4. Ano ang layunin ng teksto?
sapagkat sa kasalukuyan ay isa ito sa uri ng panitikang popular na
A. pagbibigay kahulugan ng telebisyon
kinahihiligang panoorin ng mga Pilipino lalo na sa ng kabataan.
B. pagpapaalaala sa kalidad ng programang pantelebisyon na dapat
Kilala sa larangan ng dokumentaryong pantelebisyon ang mga
tangkilikin
batikang mamamahayag na sina Che-Che Lazaro, Jessica Soho, Kara David,
C. paglalahad ng mga impormasyon na makukuha sa panonood ng
Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc, at iba pa. Ang sumusunod
telebisyon
naman ay ang mga tanyag na dokumentaryong pantelebisyon sa
D. pagbibigay babala upang hindi na dapat manood ng telebisyon
bansa―Reporter’s Notebook, I-Witness, Reel Time, S.O.C.O., Krusada,
5. Ano ang paksa ng teksto?
Investigative Documentaries, at iba pa.
A. panonood ng telebisyon
Mula sa Pinagyamang Pluma, Bagong Baitang 8, pp. 406-407
B. gabay sa pagpili ng panonooring programang pantelebisyon
C. mga aral at karunungan na makukuha sa panonood ng telebisyon
Basahin mo ang isang halimbawa ng dokumentaryong pantelebisyon na
D. kahalagahan sa pagkakaroon ng gabay sa pagpili ng panonooring
nasa loob ng kahon upang lalo mong maunawaan ang kahulugan nito. Ang
programang pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyon na ito ay isang tugon sa pangangailangang
maipaliwanag ang mga sanhi o pinagmulan ng iba’t ibang kalamidad na ating
Aralin Natin nararanasan. Magmumulat ito sa ating mga kamalayan ng kahalagahan ng
pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan o maibsan ang patuloy na pagtaas
Basahin at pag-aralan mo ang nasa loob ng kahon. ng temperatura ng daigdig.

DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON KOMENTARYO SA SIGNOS: BANTA NG NAGBABAGONG KLIMA

Bukod sa radyo, ang isa pa sa itinuturing na mahalagang midyum sa Handog ng Dakilang Lumikha ang daigdig sa sanlibutan. Hiram lang
larangan ng broadcasting ay ang telebisyon. Tunay na napakalaki ng epekto natin ito sa ating mga ninuno at sa mga susunod pang henerasyon.
nito sa buhay ng mga Pilipino. Binago ng telebisyon ang paraan ng Ang signos ay nangangahulugang signs sa Ingles. Sa wikang Filipino, ito
pagpapahayag natin ng mga kuwento o aral ng buhay. Dati, sinusubaybayan o ay babala, hudyat, marka, o palatandaan. Ginagamit ang salitang ito ng mga
inaabangan natin ang mga kuwento ng buhay na umantig sa ating puso gamit matatanda noong araw nang may mas malalim na pagpapakahulugan. Kapag
ang mga imprenta o babasahin o kaya ay sa aktuwal na mga tanghalan.Dulot na sinabing “May signos ka”, may nakita sa iyong mukha na isang palatandaang
rin ng pagsulong ng modernisasyon at teknolohiya ay nabuo ang telebisyon na may masamang mangyayari sa iyo. Dahil dito, pinapayuhan kang maging mas
higit na nagbigay-kulay at larawan sa mga pangyayari sa ating paligid gamit mahigpit sa pag-iingat.
ang mga ilaw at kamera.

4 5
May basehan ba ang mga signos na sinasabi ng matatanda? Mayroon Iniisa-isa ng dokumentaryo ang mga signos kung paano ang
man o wala, dapat itong pag-ukulan ng pansin lalo na kung makaapekto sa pagbabago ng klima ay makaaapekto sa kabuhayan, ekonomiya, kalusugan,
malaking sektor ng lipunan. Sa loob ng maraming taon, patuloy na paraan ng pamumuhay, at ng mismong kamatayan ng mga mamamayan.
tinatalakay ang global warming o pag-init ng temperatura ng mundo. Sa simula, Binigyang-diin din ang implikasyon ng lokasyon ng bansa. Sang-ayon sa mga
tila hindi ito pinapansin sa Pilipinas. Subalit sa pagdanas natin ng sari-saring eksperto, dahil tayo ay nasa tropikong lugar at napapaligiran ng karagatan,
kalamidad tulad ng idinulot ng bagyong Yolanda sa Leyte at karatig-pook mabilis tayong naaapektuhan kahit na maliit na pagbabago lamang sa klima.
noong taong 2013, unti-unting nabubukas ang ating kamalayan sa Bukod dito, nasa typhoon belt ng mundo ang Pilipinas. Ipinakita ng
katotohanang bumubulaga sa atin. dokumentaryo ang maaaring idulot ng pagtaas ng lebel ng tubig-dagat sa mga
Ito at ang iba pang mga impormasyon ang pinaksa ng “Signos: Banta ng baybayin at kalapit na lugar nito. Ipinakita nito na ang pagkatunaw ng yelo o
Nagbabagong Klima”, isang dokumentaryong pantelebisyon ng GMA Public glaciers sa polar regions ay maaaring magdulot ng paglubog at paglalaho sa
Affairs. Pinangunahan ng tatlong batikan at premyadong mamamahayag ang mapa ng Maynila, Bulacan, Pampanga, at Cavite.
pagbuo ng nasabing dokumentaryo: sina Howie Severino, Maki Pulido, at Raffy Sa kabuoan, ang Signos ay nananawagan sa lahat na magkaroon ng
Tima. Naglakbay at nagsaliksik sila sa iba’t ibang panig ng Pilipinas upang kaalaman at kamalayan sa nangyayari sa paligid. Tiniyak nito ang
patunayan na ang impak ng pagbabago sa klima ay matagal nang narito sa pangangailangan ng sama-samang pagkilos, pagkakaisa, at higit na
bansa. Naging tagapagsalaysay si Richard Gutierrez, isang lokal na aktor at pagmamalasakit sa kalikasan. Ang maliliit na hakbang na ito ay makatutulong
miyembro ng kilusang Greenpeace sa bansa. nang malaki upang maiwasan ang nagbabadyang malagim na wakas ng daigdig.
Binisita ni Severino ang Bicol. Hinanap niya ang 150 metrong fault line Wika nga sa dokumentaryo, tayo ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong
na maaaring magdulot ng malawakang pagguho ng lupa. Ito at ang malalakas problema kaya tayo rin ang may hawak ng solusyon. Nasa kamay natin ang
na bagyo na dinaranas ng Bicol ay nagbabantang maglibing sa ilang mga bayan pag-asa.
doon. Natuklasan naman ni Pulido na lumiit na ang isang bayan sa La Union
nang mahigit sa kalahati mula sa orihinal na sukat nito. Dahil sa pagtaas ng Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8, pp. 223-225
lebel ng tubig, unti-unting nilalamon ng karagatan ang kalupaan. Sinisid ni
Tima ang El Nido sa Palawan upang imbestigahan ang kakaibang pangyayari sa Pag-aaralan mo naman ngayon ang tungkol sa mga ekspresyong hudyat
ilalim ng karagatan nito. Pumuputi ang mga korales o may coral bleaching na ng kaugnayang lohikal. Mas nagiging mabisa o makahulugan ang pagpapahayag
nagiging banta sa buhay ng mga isda at iba pang lamang-dagat. Ilan lamang ito ng ilang konsepto kapag pinag-uugnay sa isang pangungusap na kung saan ay
sa mga signos na ginamit nilang patunay na nararamdaman na sa Pilipinas ang maaari mong gamitin ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.
eksperto ng pagtaas ng temperatura ng daigdig. Pag-aralan mo ang teksto sa ibaba.
Upang maging higit na maging awtentiko ang pananaliksik ng Signos,
inimbitahan nila ang mga siyentista at ekspertong lokal at internasyonal. EKSPRESYONG HUDYAT NG KAUGNAYANG LOHIKAL
Kabilang dito ang NASA Senior Research Scientist at Nobel Prize Winner na siDr.
Josefino Comiso, at mga eksperto mula sa International Research Institute, 1. Sanhi at Bunga
Marine Science Institute, Greenpeace, World Wildlife Fund for Nature, at iba Nagpapahayag ang sanhi ng dahilan ng pangyayari samantalang ang
pang personalidad at awtoridad sa bunga ay naglalahad naman ng resulta nito. Pinangungunahan ito ng mga
pag-aaral sa pagbabago ng klima sa daigdig. Nagbigay sila ng siyetipikong hudyat tulad ng dahil, kaya, bunga nito, upang, sapagkat, at iba pang kauri nito.
paliwanag at pananaw tungkol sa patuloy na pagbabago ng klima ng daigdig. Halimbawa:
Nagbanggit sila ng mga makatotohanang pangyayari sa mundo bilang mga a. Dahil sa pag-init ng mundo, tumataas ang lebel ng tubig sa dagat.
patunay. (sanhi) (bunga)
Inihahatid ng Signos sa sambayanang Pilipino ang isang b. Nasira ang kalikasan sapagkat nagpabaya ang mga tao.
komprehensibong pagtingin sa pagbabago ng klima ng mundo. Tinalakay nito (bunga) (sanhi)
ang mga sanhi, epekto, at mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan
ang mga kahindik-hindik na kinahihinatnan ng pagtaas ng temperatura ng
mundo partikular sa Pilipinas.

6 7
2. Paraan at Layunin
Nagpapakita ito ng relasyon kung paano matatamo ang isang layunin sa Gawin Natin
tulong ng isang paraan. Maaaring gamitin ang mga hudyat tulad ng sa
pamamagitan, para, upang, nang sa ganoon, at iba pang kauri nito. A. Panuto: Punan ang puzzle ng mga salitang ginamit sa binasa na
Halimbawa: “Komentaryo sa Signos: Banta ng Nagbabagong Klima” batay sa mga
a. Nagsaliksik ang tatlong batikang mamamahayag upang makatulong. depinisyon nito. Gawing batayan sa pagsagot ang nakalahad na halimbawa sa
(paraan) (layunin) ibaba. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.
b. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, maliligtas natin ang kalikasan. Halimbawa:
S I G N O S
(paraan) (layunin) babala o palatandaan Sagot:
1. pag-init ng temperatura ng mundo
3. Kondisyon at Bunga 2. pagputi ng mga korales
Naglalahad ito ng isang kalagayan bago makuha ang inaasam na 3. pagkabiyak ng lupa sanhi ng lindol
bunga o kalalabasan. Karaniwang ginagamit ang kung, sana, kapag, sa 4. malalaking tipak ng yelo
sandaling, basta’t, at iba pang kauri nito. 5. bahagi ng Dagat Pasipiko kung saan madalas tinatamaan ng lindol at
Halimbawa: pagsabog ng mga bulkan
a. Kung naging maingat lang tayo sana wala tayong ganitong problema.
(kondisyon) (bunga)
b. Mababawasan ang init ng daigdig, sa sandaling matutuhan nating 1

magmalasakit.
(bunga) (kondisyon) 2 C L A 4G

B
4. Paraan at Resulta
Naglalahad ito ng relasyon kung paano mangyayari ang nais na bunga
sa pamamagitan ng paraan. Ginagamit ang hudyat na saglit na paghinto bago 3 A L E C
tapusin ang pahayag. Sa pasulat na paglalahad, karaniwang ginagamit na
hudyat ang sa at ang bantas na kuwit (,).
Halimbawa: R
a. Tanggalin mo sa switch ang hindi ginagamit na kasangkapan, (paraan)
nakatutulong ka na agad. (resulta)
I 5 T O E T

b. Sa paggamit ng bag na tela, (paraan) mababawasan ang problema sa G


pagbabara ng mga kanal. (resulta)

Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8, pp. 228-229 B. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong upang makabuo ng
paghihinuha hinggil sa binasang akdang “Komentaryo sa Signos: Banta ng
Nagbabagong Klima”. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang paksa ng akdang binasa?


A. mga pagpapabaya ng tao sa kalikasan
B. mga banta ng pagbabago ng klima
C. mga babala sa paparating na paggunaw ng mundo
D. mga paraan sa pag-angkop sa pagbabago ng panahon

8 9
2. Ano ang layunin ng akda? Sagot:
A. manakot sa mga manonood
B. magbigay impormasyon sa mga epekto ng pagbabago ng klima Hudyat na ginamit Layon
C. maglakbay sa mga delikadong lugar na lubos na apektahan ng Kung Kondisyon at Bunga
pagbabago ng klima
D. maghatid ng inspirasyon sa mga manonood 1. Sapagkat maraming naibentang paninda ang aking ama, binilhan niya
3. Ano ang tono ng pahayag na; kami ng aming matagal nang inaasam na laruang Barbie doll.
“Sa kabuoan, ang Signos ay nananawagan sa lahat na magkaroon ngkaalaman 2. Kapag puno na ang aking alkansiya ay bibili ako ng cellphone upang
at kamalayan sa nangyayari sa paligid. Tiniyak nito angpangangailangan ng makatulong sa aking pag-aaral.
sama-samang pagkilos, pagkakaisa, at higit napagmamalasakit sa kalikasan.”? 3. Sa pagtitipid, marami kaming maiipon na pera.
A. nagbibigay impormasyon C. nanawagan 4. Sa pamamagitan ng pagtutulongan ng aming mga kapitbahay ay kaagad
B. nagpapaalaala D. nagbibigay-babala ding naapula ang sunog kina Mang Pablo.
4. Ano ang maaaring mangyayari kung hindi makikiisa ang taong bayansa 5. Sa sandaling makatapos na ako ng pag-aaral ay hahanap kaagad ako ng
panawagan ng programang Signos? trabaho upang makatulong sa aking magulang.
A. parurusahan ang mga tao
B. magiging magaan ang buhay ng mamamayan Hudyat na ginamit Layon
C. magwawakas kaagad-agad ang ating buhay
1. 1.
D. maaaring tuluyang masisira ang ating kalikasan at magkakaroonito
ng epekto sa ating buhay. 2. 2.
5. Bakit nagsagawa ng pananaliksik sa tulong ng mga siyentista at
ekspertong lokal at internasyonal ang mga mamahayag sa 3. 3.
programang Signos?
A. dahil nais nilang maging mahaba ang oras ng kanilang programa 4. 4.
B. para maiisa-isa ang mga signos at epekto ng pagbabago ng klima
C. nais sumikat ng mga siyentipiko at makapanawagan sa mga 5. 5.
manonood
D. upang mapatunayan sa mga manonood na ang
kanilang ulat ay totoo at dumaan sa siyentipikong pagsisiyasat Tandaan Natin

Ang dokumentaryong pantelebisyon ay naglalahad ng mga


Sanayin Natin
komprehensibong impormasyon na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
Tumatalakay ito sa mga aktuwal na kaganapan na maaaring maghatid ng
Panuto: Tukuyin ang hudyat na ginamit sa ugnayang lohikal sa bawat epekto sa nakararami. Mga panayam sa mga awtoridad ng paksa, footage, at
pangungusap at ang inilahad na layon nito. Gawing batayan sa pagsagot ang video clips ang ginagamit sa dokumentaryong pantelebisyon upang
halimbawa sa ibaba. mapatunayan na totoo ito.
Halimbawa: Mahalaga ang wastong pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga
Kung hindi sana matigas ang kaniyang ulo, maganda na sana ang pangyayari sa paglalahad upang madaling maunawaan ang mensaheng naisna
kanilang pamumuhay ngayon. iparating. May mga pangatnig, pang-abay, at iba pang ekspresyon na
makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng mga pahayag. Ilan sa ugnayang
ito ay naghuhudyat ng ugnayang sanhi at bunga, paraan at layunin, kondisyon
at bunga, at paraan at resulta.

10 11
Suriin Natin 7. Ano ang paksa ng teksto?
A. panonood ng telebisyon
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng iyong sagot sa B. gabay sa pagpili ng panonooring programang pantelebisyon
sagutang papel. C. mga aral at karunungan na makukuha sa panonood ng telebisyon
D. kahalagahan pagkakaroon ng gabay sa pagpili ng panonooring
Para sa mga bilang 1-5 programang pantelebisyon
Piliin ang angkop na ekspresyong naghuhudyat ng relasyong lohikal sa 8. Ano ang damdamin ng teksto?
bawat pangungusap. Titik lamang ng may tamang sagot ang isulat sa iyong A. nagpapaalaala C. nagmamalaki
sagutang papel. B. nagmamalasakit D. nagbibigay inspirasyon
1. ng kaniyang pagpapabaya sa sarili, siya ay pumayat at naging
malnourished. Para sa mga bilang 9-10. Basahin ang teksto sa ibaba.
A. Bunga B. Sapagkat Inihahatid ng Signos sa sambayanang Pilipino ang isang
2. Gumaling siya mula matinding pagkakasakit na rin ng kaniyang komprehensibong pagtingin sa pagbabago ng klima ng mundo. Tinalakay nito
taimtim na panalangin at malalim na pananampalataya sa Dakilang ang mga sanhi, epekto, at mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan
ang mga kahindik-hindik na kinahihinatnan ng pagtaas ng temperatura ng
Lumikha.
mundo partikular sa Pilipinas.
A. sa sandaling B. sa pamamagitan
3. pagrerecycle ng mga bote, nakasali kami sa programang OrCoGaat
9. Ano ang layunin teksto?
nakagawa pa ng magandang hardin.
A. maghatid ng totoong impormasyon
A. At B. Sa
B. magbigay ng kalituhan
4. Magkakaroon ka ng kumpyansa sa sarili, matutuhan mong
C. maglahad ng babala
tanggapin at mahalin ang iyong buong pagkatao.
D. magpaliwanag sa sambayanang Pilipino
A. nang sa ganoon B. sa sandaling
5. Tumataas ang bilang ng mga nagkaroon ng Covid 19 sa ating
10. Ano ang paksa ng teksto?
bansa sa katigasan ng ulo ng ilang Pilipino.
A. Signos
A. basta B. dahil
B. Sambayanang Pilipino
C. Pagbabago ng klima ng mundo
Para sa mga bilang 6-8. Basahin ang teksto sa ibaba.
D. Kahindik-hindik na pagtaas ng temperatura ng mundo
Ang panonood ng telebisyon ay may malaking bahagi sa ating pang-
araw-araw na gawain, karaniwan nang ito ay ating kaharap sa umaga, hapon, at
gabi. Kung gayon, ang pagkakaroon ng gabay sa pagpili ng panonooring may Payabungin Natin
kapupulutan ng mga aral at karunungan ay dapat isaalang-alang.
Sipi mula sa Pag-unlad ng Telebisyon, A. Panuto: Basahin ang talata. Piliin ang angkop na ekspresyong
Punla 8, Bagong Baitang 8, pp. 176-178 naghuhudyat ng relasyong lohikal ng mga lipon ng salita na nasa loob ng kahon.
Titik lamang ng may tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.
6. Ano ang layunin ng teksto?
A. pagbibigay kahulugan ng telebisyon A. kung B. sa pamamagitan C. dahil sa
B. pagpapaalaala sa kalidad ng programang pantelebisyon na dapat D. para E. sapagkat F. kung…sana
tangkilikin
C. paglalahad ng mga impormasyon na makukuha sa panonood ng Napapanahon ang panawagan sa pangangalaga sa kalikasan
telebisyon (1) lalong sumidhi ang suliraning kinakaharap ng buong daigdig. Wika
D. pabibigay babala upang hindi na dapat manood ng telebisyon nga sa dokumentaryong “Signos”, malaki ang papel na ginagampanan ng

12 13
industriyalisasyon sa pagkawasak ng daigdig. (2) mga fossil fuel na
ginagamit sa industriya, bumibilis ang pagkasira ng atmospera ng mundo. (3) Paksa ng Akda Layunin ng Akda
mapapalitan lang ito ng iba pang panggatong tulad ng geothermal at (2 puntos) (3 puntos)
solar, mas bubuti ang kalagayan ng daigdig. Subalit hindi pa huli anglahat, may
magagawa pa upang mailigtas ang sanlibutan. (4) ng kamalayan at
kamulatan ng bawat indibidwal, magkaroon ng solusyon. (5)
matapos ang pagkamulat, tutulong ang mga mamamayan para gumaan
ang pasanin, magiging madali ang lahat. Katulad mo, maaari ka nang Interpretasyon:
5 Napakahusay 2 Di-mahusay
magsimula ngayon! 4 Mahusay 1 Sadyang Di-mahusay
Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8, pp. 230 3 Katamtaman

B. Panuto: Basahin ang maikling dokumentaryong pangtelebisyon na nasa


ibaba. Isulat ang paksa at layunin nito sa iyong sagutang papel.

Ang Batang Magtatanso


Pagnilayan Natin
Si Joanna Marie, 10 taong gulang ay itinampok sa Reporter’s Notebook na
ini-ere noong Marso 2013. Siya ay batang sa halip na nag-aaral ay
naghahanapbuhay sa pamamagitan ng paghahanap ng piraso ng kableng sa
Panuto: Magsagawa ng pagsusuri sa binasang dokumentaryong pantelebisyon
basurahan bunga ng kahirapan. Ang mga ito ay kaniyang sinusunog upang
na “Signos: Banta ng Nagbabagong Klima” o maaari ring sumuri ng isa pang
makuha ang tanso. Bagama’t pumutok ang kableng kaniyang sinunog ay hindi
dokumentaryong pantelebisyon na iyong napanood. Isulat ang hinihinging
kinakitaan ng takot ang batang si Joanna dahil ayon sa kaniya gagawin niya ang
detalye tungkol dito. Isulat ang tsek (/) kung kakitaan ng sumusunod na
lahat upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang inang biyuda. Ang
katangian ang dokumentaryong pantelebisyon na nabasa o napanood at ekis
ganitong gawain ay tinatawag na extreme risk o isang uri ng mapanganib na
(X) naman kung hindi.
childlabor sa buong mundo ayon sa Maplecroft.

Mula sa Pinagyamang Pluma, Bagong Baitang 8, ph. 409 Pamagat ng Programa:


TV Network kung saan napanood ang programa:
C. Panuto: Sumulat ng isang talatang maglalahad ng iyong komentaryo
tungkol sa binasang akda na “Ang Batang Magtatanso”. Gumamit ng limang
pangungusap lamang. Ihanay nang lohikal ang iyong paglalahad gamit ang Mga Katangian: /oX
ekspresyong naghuhudyat nito. Gawing batayan sa pagsulat ng talata ang 1. Napapanahon at napakahalaga ng paksa o isyu.
rubrics sa ibaba. 2. Nakaapekto ang paksa o isyu sa malaking sektor ng lipunan.
3. May panayam ng mga eksperto at awtoridad sa paksa o isyu ang
Rubriks sa Pagsulat ng Talata dokumentaryo.
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1 Puntos 4. Sapat ang mga footage at video clips bilang patunay sa
Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na katotohanan ng panig ng isyu.
mga pangungusap. 5. Malinaw at lohikal ang presentasyon at paglalahad ng
Ito ay nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan tungkol dokumentaryo.
sa paksa.
Lohikal ang paglalahad gamit ang ekspresyong
6. Nakapupukaw ng interes ng mga manonood mula sa simula
naghuhudyat. hanggang sa wakas.
Kabuoang Puntos 7. Nakahihikayat sa mga manonood na tumugon at gumawa ng
pagwawastong panlipunan.

14 15

You might also like