You are on page 1of 10

UNIT 3, MODYUL # 3

PANITIKANG POPULAR
(PROGRAMANG PANTELEBISYON )

FILIPINO 8
UNIT 3, MODYUL # 3
PANITIKANG POPULAR
(PROGRAMANG PANTELEBISYON)
PANGNILALAMAN: Panitikang Popular (Programang Pantelebisyon)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa


kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino

PAMANTAYANG PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa


panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media
awareness campaign)

MGA KASANAYANG SA PAGKATUTO :

Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang tinatalakay


sa napanood na programang pantelebisyon o video clip

Nakakagawa ng isang panitikang popular sa anyo ng dokumentaryong


pantelebisyon

BATAYANG KONSEPTO:

Ang panitikang popular ay ang makabago at napapanahong anyo ng panitikan


na nagpapakita ng kasalukuyang pamumuhay ng lipunan. Kabilang sa katangian ng
panitikang popular ay ang pagsunod sa agos ng panahon at pagkakaroon ng
malayang sining. Ang ilan sa mga halimbawa ng panitikang popular ay pelikula,
komiks at radyo.

Bukod sa mga nabanggit na popular na panitikan, isa pang mahalagang midyum sa


larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang
telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama na sa daily routine ng mga Pilipino ang
panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning
show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na
ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.

MATUTUNAN MO !

Matutunan mo sa modyul na ito ang iba’t ibang uri ng programang


pantelebisyon at kung paano mo maiuugnay ang tema ng panitikang popular
sa tema ng mga programang mapapanood sa telebisyon o video clip.

GAWAIN 1 : Programang Pantelebisyon… Pamilyar ka ba?

Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong o pangungusap at piliin ang


pinakatamang sagot. Isulat sa kwaderno ang iyong napiling sagot .

1. Isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng


mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.
A. Radyo C. Pelikula
B. Telebisyon D. Internet
2. Mga palabas naglalayong maghatid ng komprehensibo at
estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at
tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
A. Dokumentaryong C. Pelikula
Pantelebisyon D. Teleserye
B. Internet

3. Ito ay tumutukoy sa mga kasalukuyang nagaganap sa loob o labas man ng


ating bansa. Ito ay naghahatid ng impormasyon sa mga kaslukuyang
pangyayari sa ating mundo gamit ang telebisyon.

A. Reality Show C. Pang-edukasyon


B. Balita D. Talk Show

4. Dito makikita o mapapanood ang mga larong pampalakasan, mga


pagsasanay, ehersisyo at iba pang Gawain na may kinalaman sa lakas at
tibay ng katawan.

A. Variety Show C. Drama at Komedya


B. Sports D. Reality Show

5. Halimbawa ng dokumentaryong pantelebisyon sa Pilipinas.


A. Kapuso Mo, Jessica Soho C. The Killer Bride
B. Ang Probinsyano D. Kadenang Ginto

PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

GAWAIN 2. BALIKAN NATIN!

Panuto: Basahin ang teksto. Sa tulong ng T-CHART ilahad ang pagkakatulad


at pagkakaiba ng tradisyunal at popular na panitikan.

“Ang Tradisyunal at Modernong Panitikan sa Kulturang Popular ng mga Filipino”


ni Paolo Acabado
Ang tradisyunal na panitikan ay madaling makikita sa lipunan ng Pilipinas.
Ang gusto ng masa ay mga programa na nakaaaliw o kaya naman ay nakapabibigay-
pag-asa. Isang halimbawa nito ay ang mga “soap opera” o mas kilala ngayon sa
katawagang “telenovela”. Kadalasan itong pinapanood ng mga tao sapagkat gusto
nilang maaliw at makasubaybay sa mga programang ito. Katulad nito ay ang
“telenovela” na “Walang Hanggan” ng ABS-CBN ngayon. Ang “telenovelang” ito ay
ipinapakita ang nakasanayan na nating mabuti laban sa masama kaya naman ito
naging tradisyunal (“Good vs. Evil”). Ang bida sa palabas (Coco Martin, Dawn
Zulueta) ay mayroong mga hinaharap na mga kontrabida (Madam Margaret, Miguel)
at alam naman natin na sa huli ay palaging ang mabuti ang nagwawagi. Kahit di pa
nagtatapos ang programa ay alam na natin na ganito ang mangyayari dahil nga sa
gawi ng mga ganitong uri ng programa na magtapos ng masaya at positibo.

Ngunit ang kulturang popular ng Pilipinas ay kakikitaan din ng Modernismo.


Kadalasan ay nakikita ito sa mga “indie films” na nagpapakita ng totoong kalagayan
ng ating lipunan. Realidad ang ginagawang pundasyon, kuwento, at istruktura ng
mga ganitong palabas. Hindi naman ibig sabihin nito na ang mga “indie films” ay
mga totoong kuwento bagkus ay ipinapahayag lamang ng mga ito ang isang aspeto
ng realidad ng ating lipunan. Halimbawa nito ay ang “indie film” na “Kinatay” na
pinagbidahan ni Coco Martin. Ito ay nagpapakita ng korapsyon ng ating pulisya na
totoo nga naming nangyayari sa ating lipunan. Ipinasisilip nito sa atin at ipinababatid
Tradisyunal Popular
PAGKAKATULAD
PAGKAKATULAD

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

GAWAIN 3. GULONG NG BUHAY TELEBISYON!

Panuto: Simulan mong pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa


pamamagitan ng pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin-
ang pamilyar sa iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong
panonood. Ipaliwanag kung bakit. Isulat sa inyong kwaderno ang inyong
Gawain.
KMJS (Kapuso Mo,
24 ORAS Jessica Soho)

TV PATROL Pinoy Big Brother

MMK
Wowowin

Eat Bulaga
It’s Showtime

RATED K Matanglawin

Gayahin ang ganitong format sa pagsagot.

PAMAGAT NG DAHILAN KUNG BAKIT


GAWAIN 4. TELEMBISTIGA

Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa ibaba.


Ibigay ang pagkakatulad nila.

i-Witness Imbestigador SOCO

Reporter’s
Reel Time
Notebook

Mga Tanong:

Storyline
1. Suriin ang pagkakatulad ng mga palabas ayon sa layunin nito.
2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga palabas na ito?

GAWAIN 5. PANGATWIRANIN MO.

Panuto: Basahin ang isang sipi mula sa akda na isinulat ni Mil Adonis.
Subukang sagutin ang mga katanungan matapos ang iyong pagbabasa.

“Sa Gitna ng Dilim”

ni MiL Adonis

Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang


maituturing kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang
dokumentaryo ni Kara David na “Gamu- gamo sa dilim” ang nagbukas sa mura
kong pag-iisip sa kahalagahanng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y
pinahahalagahan. Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa
mga kabataan ng mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng
kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang
nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang
kanilang kinabukasan.

Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago


ang aking naunang mga pangarap sa buhay.Una kong hinangad na maging isang
mahusay na inhenyero upang tuparin ang naunsiyaming pangarap ng aking ama
para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap,
pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat
pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon. Nang tumuntong ako sa
kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na aking kukunin. Tangan-
tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-
gamo sa dilim”, kinuha ko ang kursong AB Mass Communication. Gusto kong
sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi nakikita
ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala.

Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa


papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga
tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko,
dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang
kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang
nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

Mga Tanong:

1. Ano ang paksa ng "Sa Gitna ng Dilim" ni M. Adonis?


2. Ano ang layunin ng "Sa Gitna ng Dilim" ni M. Adonis?
3. Gaano ka impluwensya ang dokumentaryong “Ang Gamu-gamo sa dilim ” ni
Kara David sa buhay ni M. Adonis?
4. Ikaw, may paborito ka rin bang dokumentaryo sa telebisyon? Ano ito at
paano nito naimpluwensyahan ang buhay mo?

PAGPAPALALIM

BASAHIN MO AT UNAWAIN

TELEBISYON
Napakapopular at pinagkakatiwalaan ang telebisyon sa Pilipinas: 81
porsiyento ng mga Filipino ang nanonood ng telebisyon, 71.6 porsiyento ang
nanonood kahit minsan isang linggo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Telebisyon din ang pinakagamit (99 porsiyento) at pinakapinagkakatiwalaan (58
porsiyento) na pagkukunan ng impormasyon tungkol sa pulitika at kaya malamang
na may impluwensya sa opinyon ng madla.
Habang ang mga himpilan na nagsasahimpapawid ng libre ang pinakapopular
sa mismong bansa, ang teknolohiya ng satellite at cable ay mistulang nagawa na
panlahat ang brodkas media at naaabot ang malaking komunidad ng mga Filipino
sa buong mundo. Mga 12 porsiyento sa mga lungsod sa Pilipinas ang may
subscription sa cable/satellite habang ang mga subscription na ito ay nakatuon sa
mga may-kaya.

Mataas na konsentrasyon
May malaking bilang ng mga istasyon ng telebisyon sa Pilipinas -- 437
istasyon sa buong bansa, ang 23 nasa Metro Manila. Gayon pa man, ang merkado
ng telebisyon ay mataas ang konsentrasyon, dahil ang apat na pangunahing may-
ari, ang ABS-CBN Corporation, GMA Network Incorporated, TV5 Network
Incorporated, at Nine Media Corporation, ay naabot ang 88.77 porsiyento ng
nanonood ng telebisyon. Ang resulta ay lalo kapansin-pansin dahil ang dalawang
pinakamalaking kumpanya – ang ABS-CBN Corporation at GMA Network
Incorporated – ay isang duopoly, na mahigpit na hawak hawak ang 80.72 porsiyento
ng manonood. Kaugnay nito, ang ika-apat na malaking network ay masyadong
maliit (Nine Media Corporation), nakaaabot lang ng 0.45 porsiyento ng manonood.

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding


isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng
isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-
ispirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang
nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan,
ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng
mga pinanonood na mga programa sa telebisyon.

Mga Uri ng Programang Pantelebisyon

Dokumentaryong Pantelebisyon -Mga palabas naglalayong maghatid ng


komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng
buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. (hal. Storyline,
Sinetotoo, Reeltime)

Pang-Edukasyon- Mapapanood dito ang iba’t ibang palabas na may kinalaman sa


paghahasa ng katalinuhan, mga bagong kaalaman mula sa Syensa, Matematika,
Panitikan at iba pa. Maaari ding mahasa ang iyong kakayanan sa sining sa
panonood ng mga pang-edukasyong programa. (hal. Sineskwela, Matanglawin,
AHA!, Mathinik)

Balita- Ito ay tumutukoy sa mga kasalukuyang nagaganap sa loob o labas man ng


ating bansa. Ito ay naghahatid ng impormasyon sa mga kaslukuyang pangyayari sa
ating mundo gamit ang telebisyon. (hal. TV Patrol, 24 Oras)

Sports- Dito makikita o mapapanood ang mga larong pampalakasan, mga


pagsasanay, ehersisyo at iba pang Gawain na may kinalaman sa lakas at tibay ng
katawan. (hal. Sports Unlimited)

Drama at Komedya- Ito ay binubuo ng iba’t ibang tauhan na nagsasadula ng isang


kwento. Ang mga ganitong uri ng palabas ang kinahihiligan ng karamihan panuorin.
(hal. Teleserye)

Musika at Sayaw- Ang karaniwang pinapalabas dito ay mga music videos,


pagtatanghal ng isang tao o grupo at iba pang may kinalaman sa musika at
pagsasayaw.(hal. Myx Channel)

Variety Show- Makikita dito ang sari-saring pagtatanghal. Pagtatanghal na may


kinalaman sa musika, komedya, talk show, at iba pa. Hindi mawawala dito ang
isang host.(hal. ASAP )
Realidad na telebisyon- Isang uri ng palabas sa telebisyon kung saan ang
sinusubaybayan ay ang totoong buhay ng mga tao at hindi mga kathang –isip na
tauhan.(hal. Pinoy Big Brother)

GAWAIN 6. TANONG KO , SAGOT MO!

Sa lahat ng mga nabanggit na uri ng programa, ano ang iyong


pinakamadalas o paboritong panoorin. Paano nito naimulat ang iyong isipan
sa katotohanan ng buhay? Gawin sa papel.

SAGOT:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____

GAWAIN 7. TELEHANAYAN NG KASAGUTAN

Gamit ang talaan ng paglalahat, nais kong sagutin mo ang unang apat na
kolum, ang ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng
aralin kaugnay sa telebisyon.

Paksa: Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may malaking


impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?

MGA NAUNA MGA NALAMAN MGA PATUNAY KATANGGAP PAGLALAHAT


NANG NALAMAN AT NATUKLASAN NG NALAMAN AT TANGGAP NA
NATUKLASAN KONDISYON

PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO

Nabatid mo na ang telebisyon ay may iba’t ibang uri ng palabas o


programa na angkop sa paghubog ng iyong isipan. Ngayon ay kailangan
mong maiiugnay ang tema ng tinalakay na popular na babasahin na
tinalakay sa nakaraang leksyon tulad ng pahayagan, tabloid, magasin, at
kontemporaryong dagli sa temang tinatalakay sa napanood na programang
pantelebisyon o video clip.
May mga gawain sa ibaba na inihanda para sa iyo. Handa ka na ba?
Magsimula na tayo!

GAWAIN 8. PAGHAMBINGIN MO

Panuto: Itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng popular na babasahin sa


mga programang pantelebisyon. Gawin ito papel.
Panitikang Popular Pagkakatulad Pagkakapareho

Popular na babasahin
(Pahayagan, tabloid,
komiks, magasin,
kontemporaryong dagli)

Programang Pantelebisyon
(Dokumentaryo, Balita,
Talk Show, Variety Show,
Drama at Komedya atbp.)

GAWAIN 9. Teleisipan ng Buhay

Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin ang


dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na
matatagpuan sa Youtube.

https://www.youtube.com/watch?v=NHR_m0nVPqQ

Ano ang nais iparating ng dokumentaryong iyong napanood? Ipaliwanag mo.

GAWAIN 10. DOKUMENTARYO, GAWA KO.


Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang
mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentaryong pantelebisyon na iyong
natutuhan. Basahin at unawain ang ipagagawa ko sa iyo.

Sitwasyon: Nahaharap ang ating mundo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran


gaya ng pagkasunog ng Amazon Forest at kumakailan lamang ay nasunog rin ang
isang gubat sa Australia kung saan maraming hayop ang namatay. Ngayon ay
gumawa kayo ng isang dokumentaryo na nagbibigay impormasyon sa nasabing isyu
at makapagbigay pangaral tungkol sa climate change na dulot ng mga maling
gawain ng tao. Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon.

Narito ang rubriks sa pagmamarka:


Inihanda Ni:

HERNAN B. ESTALOZA
Teacher I, Union National High School
Division of Siargao
CARAGA Region

Noted:

Mga Sanggunian:

Wikipedia

Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (2013), PSA


The Philippine Trust Index. Executive Summary (2015), EON
Nielsen TV Audience Measurement, Jan- Aug 2016 (2016), Nielsen Philippines

Mga may- akda: Mil Adonis (Sa Gitna ng Dilim)


Paolo Acabado (Ang Tradisyunal at Modernong Panitikan sa Kulturang Popular ng mga
Filipino)

SUSI SA PAGWAWASTO

PAUNANG PAGTATAYA

1. B
2. A
3. B
4. B
5. A

You might also like