Professional Documents
Culture Documents
MALAMSUSING-BANGHAY-ARALIN Docx
MALAMSUSING-BANGHAY-ARALIN Docx
3. Pagbabalik Aral- KAILANGAN NIYONG ALAMIN KUNG SINO UNG NAUNANG TOPIC BAGO
KAYO . KAILANGAN MO ITONG MABANGGIT SA VIDEO
Panuto: Tumawa na parang prinsesa kung ang isinasaad na balita ay nabibilang sa Uri ng mga Balita at pumalakpak nam
na parang prinsipe kung ang pahayag ay hindi na bibilang sa Uri ng mga balita.
Sa gawaing ito ang guro ay nag handa ng isang TV na gawa sa karton at iba pang mga kagamitang
panturo, na mag papakita sa mga mag-aaral ng iilang mga imahe ng palabas sa telebisyon, mayroon ding
silang mga musikang mariring at ito ay ang mga “THEME SONG” ng bawat palabas. Huhulaan nila ang
pamagat ng bawat palabas gamit ang mga imaheng nakita at musikang kanilang mga narinig.
C. Pagtatalakay sa Aralin
Dulaang pantelebisyon
Binubuo ng gumagalaw na larawan at tunog na lumilikha ng kapaligiran at mga karanasang malapit sa katotohana
Teleserye, Movie, Programa atbp. na nagpapakita ng iba’t-ibang istorya o kwento na pinapalabas sa telebisyon.
Sosyohistorikal
Malalaman natin ang buhay at paraan ng pamumuhay ng mga tao pati narin ang pangyayaring naganap sa isang
bayan o bansa na nagiging bahagi ng ating kasaysayan.
1. NILALAMAN
Dito nakapaloob ang kaisipan o mensahe ng isang palabas. Makatotohanang paglalahad ng kalagayan n
mga tauhan at mga pangyayari sa kanilang buhay.
2. KARAKTER O AKTOR
Sila ang mga nagsisiganap sa palabas at bumibigkas ng mga diyalogo. Sila din ang nag papakita ng
iba’t- ibang damdamin upang mas maging makatotohanan ang palabas.
3. DISENYONG PAMPRODUKSIYON
Tumutukoy sa pook o tagpuan, kasuotan, make-up, at iba pang kagamitan sa dulang pantelebisyon.
4. DIYALOGO
Ito ang sagutang pag-uusap ng mga nagsisiganap, may mga linyang binibitawan ang bawat karakter.
5. DIREKTOR O TAGA-DIREHE
Siya an gang iinterpret o nagbibigay kahulugan sa iskrip mula sa pagpapasya sa itsura tagpuan, damit n
mga tauhan, hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ito ay dumidepende sa
interpretasyon ng ng director sa iskrip.
6. ISKRIP
Ito ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasa alang-alang sa dula ay
naaayon sa isang iskrip.
7. TUNOG O MUSIKA
Mahalaga ito sa isang dula dahil ito ang nagpapasidhi sa damdaming nais ipabatid sa bawat tagpo.
Pinatitingkad nito ang damdamin at pinupukaw nito ang interes at damdamin ng mga manonood.
8. SINEMATOGRAPIYA
Ito ay may kinalaman sa pag-iilaw, komposisyon, galaw at iba pang teknik na may kinalaman sa kame
9. TANGHALAN
Ito’y tumutukoy sa lugar kung saan ginaganap ang isang dula. Maaaring sa kalsada, silid-aralan,
paaralan, tahanan o ibang maaaring pagtanghalan ng isang dula.
10. BANGHAY
Ito naman ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang dula.
11. MANONOOD
Sila ang mga taong pinag-aalayan ng isang dula. Mahalaga ang magiging papel ng mga manonood sa
isang dulang pantelebisyon, sapagkat sila ang magsasabi kung nagging maganda ba ang kanilang
napapanood.
D. Paglinang sa kabihasaan
DITO AY GAGAWA KAYO NG TANONG TUNGKOL SA NAUNAWAAN NILA SA ARALIN
BABANGGITIN NIYO YON SA VIDEO AT ISUSULAT MO DIN ANG TANONG DITO SA
LESSON PLAN
HALIMBAWA Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng isang aktuwal na pagtatangal ng isa sakanilang
mga napiling teleserye o penikula.
III. Pagtataya
A. Hanapin sa Hanay B ang salitang may kaugnayan sa mga pangungusap sa Hanay A. Piliin ang
Letra ng wastong sagot.
HANAY A HANAY B
SAGOT:
Ilalagay diN ang sagot.
Ipinipresenta ni:
Noemi Sharmine A. Alquiza
Ipinapasa kay:
Binibining Noemi Sharmine A. Alquiza