You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Division of Masbate
BUENAVISTA NATIONAL HIGH SCHOOL
Buenavista, Uson, Masbate

Banghay Aralin
Baitang 10 – FILIPINO
ELEMENTO NG DULA

I. PAMANTAYANG PANG-ANTAS/LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan.
B. PAMANTAYANG PAGGANAP:
Nakakalikha ng sariling iskrip mula sa karanasan sa totoong buhay.
C. KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Natutukoy ang kahulugan ng dula.
Naiisa-isa ang mga elemento ng dula.
Nakagagawa ng sariling dula batay sa elemento nito.

II. PAKSANG-ARALIN

PANITIKAN / WIKA Patria Amanda (1916) Dula mula sa Cebu


KAGAMITAN Laptop, Projector, Powerpoint Presentation.
SANGGUNIAN Panitikang Rehiyonal Kagamitan ng Mag-aaral

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati at Panalangin
2. Pagtala ng Liban ng Klase
3. Pagsasaayos ng Silid-aralan

IV. PAGLALAHAD

B. PAGBABALIK-ARAL SA NAGDAANG ARALIN


C. PAGGANYAK

“LIGHTS, CAMERA, ACTION…”


PANUTO: Ito ay kalalahukan ng anim (6) na mag-aaral --- tatlong babae at tatlong lalaki. Ang guro ay
maghahanda ng kahon kung saan ang nakapaloob dito ay ang mga sikat na linya ng mga artista mula sa mga
sikat na pelikula ng Pilipinas. Bubunot ang mag-aaral mula sa kahon at isasadula niya naman ito kung anong
nakalagay sa papel.

1. I deserve an explanation… I deserve an acceptable reason!


2. Pangit ba ako? Kapapalit-palit ba ako?
3. Tama! Hindi ikaw si Celine and you will never be Celine!
4. Akala mo lang wala pero meron, meron, meron!
5. Walang sayo Nicole! Akin lang ang asawa ko!
6. Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko?

D. PAGTALAKAY SA MGA ARALIN

“DULA: Dinggin, Unawain, Linangin, Alamin”


Tatalakayin ng guro nang malinaw at may husay ang kahulugan ng dula at ang mga elemento nito.

DULA ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang
itinatanghal ay hango sa totoong pangyayari sa buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at
malayang kaisipan.
MGA ELEMENTO NG DULA

1. Iskrip – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula at nararapat
na naaayon sa isang iskrip.
2. Gumaganap o Aktor – sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang nagbibigay ng dayalogo,
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pinapanood na tauhan sa dula.
3. Tanghalan – anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan.
Tanghalan din ang tawag sa kalsadang pinagtatanghalan ng isang dula o silid na pinagtanghalan ng mga mag-
aaral sa kanilang klase.
4. Tagadirehe o Direktor – siya ang nagpapakahulugan sa iskrip. Siya ang nagpapasya sa hitsura ng tagpuan,
ng damit ng mga tauhan, hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumedepende sa
interpretasyon ng director sa iskrip.
5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung hindi ito mapapanood ng
ibang tao.

Ang isa sa halimbawa ng dula ay ang dula mula sa Cebu na pinamagatang:

Patria Amanda. Ang sumulat ng dulang “Patria Amanda” ay si Amando Osorio na mula sa katutubong bayan ng
Dumaguete City. Ang dulang ito ay inialay ng may-akda sa kaniyang magulang. Itinanghal ito noong ika-9 ng
Pebrero, 1916 sa unang Carnival Fair sa Dumaguete na idinerehe mismo ni A. Osorio.

Narito ang halimbawa ng iskrip na kinuha mula sa dulang Patria Amanda:

Fel: Bakit, Patria? Saan ako pupunta?


Pat: Sa digmaan…
Fel: Nagdurugo ang puso ko pag ganyan kitang namamasadan.
Pat: Bakit?
Fel: Dahil ikaw, aking hirang, ay luhaan.

E. PAGYAMANIN / PAGPAPALALIM

“ISKRIP NG BUHAY KO”


Panuto: Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng kanilang sariling iskrip mula sa karanasan nila sa buhay.
Bibigyan lamang ng 15 minuto ng guro ang mga mag-aaral upang maisakatuparan ang gawain.
RUBRIKS: Kaangkupan ng Paksa

Nauugnay ang daloy ng storya sa paksang binigay. (15 puntos)


May ilang senaryo lamang ang hindi masyadong nauugnay sa paksa. (6 puntos)
Maraming senaryo ang hindi tumutugma sa paksa. (4 puntos)

F. PAGTATAYA
“PAGSUSULIT!”
PANUTO: Isulat sa patlang ang sagot sa mga sumusunod na pangungusap.

_________________1. Siya ang nagbibigay kahulugan ng isang iskrip.


_________________2. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula.
_________________3. Isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita,
kilos at galaw ng kaisipan ng may-akda.
_________________4. Pinakakaluluwa ng isang dula.
_________________5. Tawag sa pook na pinagpasyahang pagdausan ng dula.

V. TAKDANG-ARALIN / KASUNDUAN / GAWAING BAHAY


PANUTO: Panuurin ang Pelikulang “Romeo at Juliet”

-WAKAS-
Inihanda at ipinasa ni:

BILLJEA A. ALFORTE
Gurong Nagsasanay

Iminungkahing Pagtibayin ni:

DANTE C. CORTES
Gurong Tagapagsanay

You might also like