You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Misamis Oriental
SAN JUAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Balingasag, Misamis Oriental

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


IKAPITONG BAITANG

Ika-7 ng Nobyembre 2018, Ika-Pitong Baitang- Faith 8:32-9:32 AM; Chastity 1:00-2:00 PM

I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Luzon
B. Pamantayang Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting )
tungkol sa kanilang sariling lugar
C. Kasanayang Pampagkatuto
a. F7PB-IIIa-c-14 Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo,
tugmang de gulong at palaisipan
a. F7WG-IIIa-c-13 Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas ng mga
tula/awiting panudyo, tulang de gulong at palaisipan
b. F7PS-IIIa-c-13 Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng
tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Tula
B. Sanggunian Ikalawang Edisyon – Piangyamang Pluma
C. Mga Kagamitan Laptop, Projector, Mga Larawang, Pantulong Biswal, Bidyo
D. Estratehiya Malayang Talakayan
Pag-uulat
Across-Teaching Method

III. GAWAING PAMPAGKATUTO


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng mga upuan
4. Pagpulot ng mga basura
5. Pagsuri at pagtala ng mga lumiban sa klase
6. Pagbibigay ng mga alituntunin
7. Pagbabalik-aral
Magbalik-aral sa mga detalyeng napag-usapan at tinalakay sa nakaraang sesyon
hinggil sa katangian ng komiks.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Mgbabasa ang mga mag-aaral ng isang tula.
2. Paglalahad
Ilalahad ng guro ang mga obserbasyon nito habang binabasa ng mga studyante ang
tula.
3. Pagtatalakay
Magkakaroon ng talakayan tungkol sa paksang tula.
Magkakaroon ng pagbasa ng isang komiks na pinamagatang Braces.
4. Paglalapat
May ilang isyung panlipunan ang inilarawan sa komiks. Ipaliwanag sa klase ang
direkta o di-direktang isyung napapaloob sa akda. Pagpangkat-pangkatin ang klase
sa limang grupo. Ilahad sa klase ang mga isyu at hayaang magkalap ang mga pinuno
ng grupo ng kani-kaniyang opinyon o katwiran kaugnay sa nakapaloob na isyu sa
binasang komiks.

5. Paglalahat
Bilang paglalahat, ipabuod sa mga mag-aaral ang naging sagot ng bawat grupo.
Bagamat ang akda ay tumutuligsa sa ilang hindi ganoon kagandang kaugalian ng
mga Filipino, iwan pa rin sa klase ang hamon kung paano magiging positibo ang
mga kaugaliang ito at kung paano ito isasabuhay. Pag-usapan din ang iba pang
kaugaliang Filipino na karaniwang iniisip na nakakasama, ngunit maaaring gawing
positibo.

IV. PAGTATAYA
Sa parehong pangkat, ang mga mag-aaral ay magbabasa ng isang tula na may wastong
tono, intonasyon, at ritmo.

V. KASUNDUAN
Ang mga mag-aaral ay magsasaliksik ng isang halimbawa ng tula/awiting panudyo, isang
tugmang de gulong at limang palaisipan. Isusulat ito sa isang boung papel.
VI. MGA TALA

Inihanda ni:

AMOR BABE S. TABASA


Guro sa Filipino

Ipinasa kay:

LOURDES C. VILLADORES
Principal I

You might also like