You are on page 1of 2

Paano maging demonyo?

Takot ka ba sa mga maligno, engkato, aswang, multo o kahit ano mang mga elementong
nakakatakot na gawa-gawa lang ng ating mga malilikot na imahinasyon? Takot ka ba na may sumapi
sa’yong masamang elemento at kayang makontrol ang iyong pag-iisip pati na ang iyong kilos at
pananalita? Takot ka bang makakita ng demonyo? Takot ka bang maging demonyo? Gusto mo bang
maging demonyo? Kung gano’on, narito ang mga tips kung paano.

Ang mga sumusunod na mga usapin ay nangangailangan ng patnubay at gabay ng utak. Alamin,
unawain, at intindihin. Bago basahin, hukayin muna ang utak ni Rizal at hiramin.

Handa ka na ba’ng tumuklas?

Paano maging demonyo? Wala nang mga nakakainip na mga proseso o kung ano mang mga
echos, heto ang epektibong paraan kung paano mag transform! Bumili ng gamot! Hindi ito normal na
gamot na maaaring bilhin lang sa mga nagkukumpulang botika sa inyong lugar dahil ang gamot na ito ay
espesyal! Dahil nga, ito ay gamot para maging demonyo! Pero! Dahil espesyal ito, espesyal rin ang
presyo! Kaya sa mga taong gustong maging demonyo, nakagagawa sila ng mga bagay na tanging ang
gumagawa rin lamang ay mga demonyo. Oh, di’ba, epektibong-epektibo ang gamot kahit hindi pa
iniinom- este, sinisinghot!

Ano nga ba’ng tawag sa gamot na ito? At bakit malaking pera ang kinakailangan upang mabili
ito? Easy! Dahil mahal ang mga sangkap nito! Isa sa mga sangkap nito ay ang numero unong sangkap
upang luminis ang inyong banyo! Kung iisipin mo, kapag uminom ka ng gamot na ito, para na ring
uminom ka ng muriatic acid na ginagamit ng mama mo! Ang galing di’ba? Naging demonyo ka na,
luminis pa ang iyong katawan!

Ang daming echetera! Ang mahiawagang gamot na ito ay walang iba kundi ang
“Methamphetamine”, o kilala sa mga tambay na adik bilang “shabu”. Ang shabu ay may malakas na
kapangyarihan upang gawin kang isang malakas at epektibong demonyo. Mas malakas pa ito sa
Kamehameha ni Goku at gomu-gomu punch ni Luffy kung tumira. Isang singhot mo lang, instant
demonyo ka na! Kaya lang naman nitong gawin kang isang kriminal sa isang pitik lang. Ang shabu rin ang
numero unong dahilan kung bakit tumataas ang porsyento ng krimen sa ating bansa. Marami nang
naging demonyo dahil sa gamot na ito. Marami nang nakulong dahil dito. At marami nang namatay nang
dahil lamang sa gamot na ito.

Kaya naman, nagsagawa ng isang mahalagang misyon an gating mahal na Pangulong Duterte
upang mawakasan ang kademonyohan ng mga demonyong sumisinghot ng gamot pandemonyo. At sa
kasalukuyang porsenyto, bumaba ang bilang ng napo-possessed ng demonyo dahil sa misyon nilang
Oplan Tokhang. Ito ay kilosang pinagtutuonan ng pansin ng ating mga kapulisan na naglalayong madakip
ang kung sino mang tao ang nagtransform bilang demonyo dahil sa gamot na ito.

Wag kang matakot sa mga maligno at mga multo, matakot ka sa mga tao. Dahil ang mga tao, buhay at
kayang pumatay. Kayang gumawa ng mga bagay na di kayang gawin ng mga normal na tao Kayang
pumatay gamit lamang ang gamot na nakamamatay.
Sa mga impormasyong nabasa mo, nanaisin mo pa rin bang maging demonyo? Kung oo, basahin
muli at unawaing mabuti ang aking akda hanggang sa maintindihan. Wag mo na rin munang isauli ang
utak ni Rizal, bagkos, ipahiram muna ito sa mga nangangailangan.

You might also like