You are on page 1of 7

AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Butuan City

Lesson Exemplar sa Filipino 9


SY 2022-2023
LESSON Paaralan AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 9
EXEMPLA
Guro MARVI S. PORTUGAL Asignatura Filipino
R
Petsa Oktubre 10-14, 2022 Markahan Una
Oras 7:00 – 8:00 nu Bilang ng Araw 4

Lunes - Biyernes
Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano.
I. LAYUNIN

Naipamamalas sa mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa dula at


A. PamantayangPangnilalaman pandiwang paturol upang makapagsalaysay ng katotohanan.
Ang mag-aaral ay nakapaglalahad ng mga impormasyon sa tulong ng mga
B. PamantayansaPagganap pandiwang paturol upang masalaysay ng makatotohanang pangyayari

C. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng isang pangyayari sa isang dula. (F9UIg-h-


PinakamahalagangKasanayansaPagk 45)
atuto (MELC)
Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa dula sa pamamagitan
D. Pagpapagana ng Kasanayan ng pag-uugnay nito sa pangyayaring maaring nakita, narinig o naranasan.
II. NILALAMAN Nakasusulat ng komentaryo sa paraang patula ng naglalarawan.

III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng K-12 MELC with Corresponding CG Codes:
Guro K-12 Gabay Pangkurikulumsa Filipino
b. Mga Pahina saKagamitang PanitikangAsyano 9 (pp.60-72)
Pangmag-aaral
c.Mga Pahina saTeksbuk
c. KaragdagangKagamitanmula
saPortal ngLearningResource
B. Teksbuk
ListahanngmgaKagamitangPanturopar
a
samgaGawainsaPagpapaunladatPakiki
pagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. Introduction
(Panimula)
Unang Araw
Pagganyak

Magsalaysay ng sariling karanasan na may kaugnayan sa salitang nasa bilohaba.

Pagbabagong-buhay

Hahayaang magsalaysay ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang sariling


karanasan na may kaugnayan sa pagbabagong-buhay.

Ipapanood sa mga mag-aaral ang isang bidyo mula sa YouTube tungkol sa dulang
pinamagatang “Tiyo Simon”.
https://youtu.be/SkPnv26n14w
B. Development
(Pagpapaunlad)
Pagtalakay

Dulang Melodrama - ito ay isang dulang na may malungkot na tema o malungkot na


pangyayari na nakakaantig sa damdamin ng kanyang mga manonood. Ngunit ang
isang melodrama ay nagwawakas sa kasiya siyang pangyayari ng mga mabubuting
tauhan ng dula.

3 BAHAGI NG DULA 
1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat yugto
upang makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga nanonood. 
2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang
ipinanghahati sa yugto
3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan 

MGA ELEMENTO NG DULA


1. Iskrip o nakasulat na dula
Ito angpinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagayna isasaalang-
alang sa dula at nararapat nanaaayon sa isang iskrip. Walang dula
kapagwalang iskrip.

2. Gumaganap o Aktor
Ang mga aktor ogumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan saiskrip. Sila
ang nagbibigkas ng dayalogo,nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
pinapanood na tauhan sa dula.

3. Tanghalan.
Anumang pook na pinagpasyahangpagtanghalan ng isang dula ay tinatawag
natanghalan. Tanghalan din ang tawag sa kalsadangpinagtanghalan ng isang
dula o ang silid napinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilangklase.

4. Tagadirehe o Direktor
Ang direktor angnagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-iinterpret sa
iskrip mula sa pagpasya sa itsura ngtagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang saparaan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhanay dumidepende
sa interpretasyon ng direktor saiskrip.
 
5. Manonood.
Hindi maituturing na dula ang isangbinansagang pagtanghal kung hind ito
napanoodng ibang tao. Hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng
dula’y maitanghal at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroongmakasaksi
o manood.

MGA SANGKAP NG DULA

1. Tagpuan
Ito ay sumasaklaw sa panahon at lugar/pook na pinagyarihan ng aksyon.
Kadalasanginilalarawan ito ng manunulat upang makatulongsa produksyon.
Ang kaligiran ay mahalaga upangmakita ng mambabasa ang pinagganapan
ngkuwento.
 
2. Tauhan
Sila ang gumaganap at sa buhay nilaumiinog ang mga pangyayari sa
kuwento. Sila angnagsasagawa ng kilos na ipinahihiwatig ngkanilang mga
dayalogo. Sa kanilang pagsasalitalumilitaw ang mga butil ng kaisipang
ibigpalutangin ng sumulat at sa kanilang mga kilosnaipadarama ang
damdamin at saloobin. Inuuriang mga tauhan ng dula batay sa
kanilangtungkulin sa paglinang ng kwento.

3. Kwento ng Dula
Ito ay maaaring bungang isiplamang o hango sa totoong karanasan. Sa
kasalukuyan, maaaring pagbatayan ang isangmaikling katha o kaya ay
nobela. Mayroon dinnamang pagkakataon na ang orihinal na dula,maikling
kwento o kaya ang nobela ay nagiging batayan ng pelikula o kaya’y dulang
pantelebisyon.

Paglinang ng Talasalitaan
Gawain: Matapos mong Mabasa at masuri ang akda, sagutin ang sumusunod:
C. Engagement
(Pagpapalihan)

Sagutin ang iba pang mga tanong:


Ikalawang Araw

Pangkatang Gawain

 Unang Pangkat (Pagguhit ng Poster)


Gumuhit ng poster ng isang kapani-paniwalang tagpo mula sa dula at
ipaliwanag kung bakit ito ang ginuhit.

 Pangalawang Pangkat (Pagsasadula)


Pumili ng isang tagpong makatotohanan mula sa binasang akda at isadula sa
klase.

 Pangatlong pangkat (Pag-awit)


Umawit ng isang maka Diyos na awitin ng nagpapahayag ng pananalig sa
Diyos.

 Pang-apat na Pangkat (Pag-uulat)


Magtala ng 5 kadahilanan kung bakit hindi tayo dapat mawalan ng
pananampalataya sa Diyos at iulat sa klase.

Batayan ng Pagmamarka

Batayan Napakahusay (10 Mahusay Katamtaman


puntos) (8 puntos) (6 puntos)
Kaangkupan ng Buong husay na Naisagawa nang Di-gaanong
kaisipan sa gawain naisagawa at mahusay ang naisagawa ang
naipamalas ang inaasahang inaasahang
inaasahang iparating sa mga iparating sa mga
iparating sa mga manonood. manonood
manonood.
Pagkamasining o Buong husay na Naipamalas nang Di-gaanong
kariktan naipamalas ang mahusay ang naipamalas
pagkamasining sa pagkamasining sa masining na
pagkakaganap sa pagkaka presentasyon
presentasyon. ganap sa
presentasyon.
Pagkakaisa ng Buong husay na Naipakita ang Di-gaanong
pangkat naipakita ang kooperasyon ng napakit ang
kooperasyon ng bawat miyembro pagkakaisa ng
bawat isa sa ng pangkat pangkat.
pangkat sa pagtata
gumpay ng
Gawain.

Ikatlong Araw

Pagpepepresenta ng Bawat Pangkat

Pagsasanib ng Gramatika

a. Ipababasa ng guro sa mga mag-aaral ang isang tekstong may pamagat na


“Kapag naisahan ako ng Diyos“sa pahina 69, kung saan sa akdang ito
nasasalungguhitan ang mga salitang pandiwang nasa panaganong paturol na
ginamit sa teksto.
b. Tatalakayin at ipapaliwanag ng guro ang Pandiwang Panaganong Paturol
at Aspekto ng Pandiwa. Ang mga ito ay ang Perpektibo, Imperpektibo at
Kontemplatibo. Matatagpuan sa pahina 70-71.

D.Assimilation
(Paglalapat)
Pagpapalawak ng Kaalaman
V. PAGNINILAY Mahalagang Tanong:

1. Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula?


2. Bakit mahalaga ang paggamit ng pandiwang nasa panaganong paturol sa
pagbibigay ng makatotohanang impormasyon?

VI. Sumatib na Pagsusulit Ikaapat na Araw

A. Panuto: Sabihin kung ang pahayag ay Tama o Mali.

__________1. Ang duka ay maaring basahin o itanghal sa entablado.


__________2. Ang dulang Melodrama ay nagtataglay ng malulungkot
na pangyayari.
__________3. Hindi na kailangan ang iskrip sa dula.
__________4. Si Tiyo Simon ang ama ni Boy.
__________5. Kailangan natin ang masidhing pananalig sa Diyos sa
lahat ng oras.
__________6. Habang buhay may pag-asa.
__________7. Ang dulang “Tiyo Simon” ay dulang makatotohanan.
__________8. Lahat ng taong makasalanan ay pinapatawad ng Diyos.
__________9. Sisishin natin ang Diyos sa mga pagdurusang
nararanasan natin
__________10. Natutuwa tayo sa mga taong nagbabagong-buhay.

B. Panuto: Ilagay sa tamang hanay ang pandiwang nasa panaganong paturol.

Neutral Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


(naganap na) (kasalukuyang (gagawin pa
nagaganap lamang)
1. alamin
2. gawin
3. ihandog
4. masabi
5. madama

Susi sa pagwawasto
1. tama
2. tama
3. mali
4. mali Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
5. tama 1.inalam 1. inaalam 1. aalamin
6. tama 2.ginawa 2. ginagawa 2. gagawin
7. tama 3.inihandog 3. inihahandog 3. ihahandog
8. tama 4.sinabi 4. sinasabi 4. sasabihin
9. mali 5.nadama 5. nadarama 5. madarama
10. tama

You might also like