You are on page 1of 5

AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Butuan City

Lesson Exemplar sa Filipino 8


2022-2023
LESSON Paaralan AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang Ikawalo
EXEMPLA Guro Asignatura Filipino
R
Petsa Markahan Una
Oras 7:00 – 8:00 nu Bilang ng Araw

Lunes - Biyernes
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
I. LAYUNIN  Masagot ang mga tanong, bakit at paano tungkol sa nabasang:
Alamat; Pagbibigay Hinuha sa akda; Pagsulat ng Talata gamit
ang iba’t ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa .
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
A. Pamantayang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon.
Pangnilalaman
Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
B. Pamantayan sa
Pagganap

C. Pinakamahalagang Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan


Kasanayan sa Pagkatuto ng paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda at dating
(MELC) kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)

D. Pagpapaganang
Kasanayan
II. NILALAMAN

III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay K to 12 MELC with Corresponding CG Codes: (pp. 169-172)
ng K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino (pp. 140-141)
Guro
b. Mga Pahina sa Panitikang Rehiyonal (pp. 12-22)
Kagamitang
Pangmag-aaral
Panitikang Rehiyonal (pp. 12-22)
c. Mga Pahina sa Teksbuk
c. Karagdagang Kagamitan
mula
sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Teksbuk
Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Introduction TUKLASIN :
(Panimula) Gawain 1.
Magpapakita ang guro ng larawan.
Tanong:
Magbigay ng mga salita na
papasok sa isipan na may
kinalaman sa ginto.

Paghahabi sa (mga) Layunin

Ipababasa ng guro ang alamat “Mina ng Ginto”.

Pagtalakay sa Aralin
Gawain 2. Pag-unawa sa Nilalaman

Magkakaroon ng pangkatang-gawain at magbibigay ang guro ng


mga tanongbilang paghihinuha mula sa binasang akda. Pipili ang
guro ng ilang mag-aaral na magbibigay ng kanilang kasagutan.

LINANGIN
Sa bahaging ito, nailalarawan ng guro ang pagkakilanlan ng akdang
pampanitikang ALAMAT at naipapaliwang ang banghay nito.

Gawain 3. Pag-susuri
Isulat sa pamamagitan ng Story Mountain ang mga
mahahalagang pangyayari sa alamat ayon sa PAGKAKABANGHAY
nito.

---------------------------------------------------
-----------------------------------------------------
B. Development
------------------------------------------------------
(Pagpapaunlad) Gitna

---------------------------------
-------------------------------
--------------------------------
-------------------------------
-----------------------------
----------------------------

Simula
Wakas

C.Engagement
(Pakikipagpalihan)
PAGSASANIB NG GRAMATIKA
Gawain 4. Pagkatapos nabasa ang alamat na pinamagatang
“Kung Bakit nasa ilalim ng Lupa ang Ginto”. Sagutin ang
mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel.

1. Isa-isahang ilarawan ang mga tauhan. Ano-ano kaya


ang kanilang motibasyon sa kung bakit ganoon ang
kanilang ikinilos?
2. Makatarungan ba ang naging parusa ng Bathala sa
inasal ng mga tao? Bakit o Bakit hindi?
3. Sa iyong palagay ,bakit masaya ang isang alamat
tungkol sa kung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto.
4. Ano kaya ang silbi ng alamat sa ating mga ninunong
katutubo?

Gawain 5. Magsaliksik ng isang alamat sa inyong lugar na


kinalakihan. Isulat ito sa isang buong papel.

D.Assimilation (Paglalapat)

V. PAGNINILAY PANUTO: Punan nang angkop na salita ang mga patlang upang
maging buo ang diwa ng Alamat.Hanapin sa loob ng kahon ang mga
salita na maaring maging sagot sa bawat patlang.

Sumang-ayon
Uwak pista matanda Tuwang-tuwa
Naninirahan dahil gagalawin maabot

May isang nayon sa Baguio na tinatawag na Suyuk. Sa Suyuk


_______________1.ang mga tao na pinamumunuan ni Kunto. Si
Kunto ay ang napili ng mga nakatatanda kahit na bata pa siya 2.______
siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon.

Ang mga mamamayan sa nayon ay namumuhay nang


tahimik, maibigin sa kapwa, at may paniniwala sa kanilang Bathala.
Kaya naman taon-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang parangal sa
kanilang bathala. Naghahanda sila linggo-linggo sa tuwing nagdaraos
sila ng cañao.  

Isang araw, ang pinuno ay nagpunta sa gubat.  Doon ay


nakita niya ang kakaibang 3.__________. Bumalik siya sa nayon at
kinuwento sa mga nakatatanda ang mga nangyari. Ang sabi ng isa kay
Kun to ay maaaring ang ibon ay sugo ni Bathala at nagpapaalala na
dapat sila ay magdaos ng cañao.  Nagpasiya si Kunto na agad idaos
ang 4.____________.  

Ipinaalam sa lahat ang pasiya ni Kun to at kumilos ang


lahat ng mamamayan upang ipagdiwang ang pista sa isang altar sa
isang bundok-bundukan. Ang mga babae ay ang naghanda ng
masasarap na pagkain. Ang mga 5.____________ naman ay ang
itinalaga sa baboy na iaalay sa kanilang bathala.

Nang maiayos ang baboy sa altar ay nanlaki ang mga


mata nila dahil napalitan ito ng isang matandang lalaki.  

Dahil sa kabutihan ng mga mamamayan at may loob sa


kanilang bathala, gagantimpalaan sila ng 6.____________ ngunit
kailangan nila sundin ang bilin ng matanda.  

Pinakuha ng matanda ang mga mamamayan ng isang


tasang kanin at inilagay ito sa kanyang tabi. Pagkatapos ay nagpatakip
ng isang malaking palayok. Sinabi pa niya na ipagpatuloy ng mga
mamamayan ang kanilang pista at pagkalipas ng tatlong araw, bumalik
sila sa pook na iyon. Bilin rin ng matanda na may makikitang silang
isang punongkahoy na ang bunga, dahon, at sanga ay maaari nilang
kunin ngunit ang katawan ay huwag nilang 7. __________________.  

Ang ipinagbilin ng matanda ay tinupad naman ng mga tao.


Pagkatapos ng pista at pagkatapos ng tatlong araw ay bumalik sila sa
pook na iyon. Ang palayok ay itinaas nila at nakita ang isang maliit na
punongkahoy.  

8._________________ ang mga tao.  

Yumaman ang mga taga-Suyuk.  

Dahil dito nagbago ang mga mamamayan ng Suyuk. Wala


na ang dati nilang pamumuhay nang tahimik at wala na ang pagiging
maibigin sa kapwa. Samantala, ang punongkahoy ay patuloy sa
pagtaas hanggang sa di na 9._________ ng tingin ng mga tao ang
tuktok nito.  

Dahil sa taas nito at hindi na kayang abutin ang mga bunga


o dahon ng punong-ginto, sinabi ng isang mamamayan na paghati-
hatian nila ang puno. 10.________________ ang lahat. Nang malapit
nang mabuwal ang punongkahoy ay kumulog at kumidlat. Nayanig ang
lupa at nilulon ng lupa ang punongkahoy.  

Narinig nalang ng mga tao ang isang tinig na nagsabi na


binigyan sila ng gantimpala na punong-ginto dahil sa kanilang
kabutihan. Pagpapatuloy pa nito ay para sana maging masagana ang
pamumuhay ng mga tao ngunit imbes na mas mapabuti ay kabaligtaran
ang nangyari. Dahil sa hindi nila pagsunod sa bilin,nawala na ng
tuluyan ang punong-ginto.  
Kaya naman ang mga ginto ay nakukuha lamang sa ilalim
ng lupa.  

Nakabubuo ng isang video clip na nagpapakita ng mga


VI. Sumatib na Pagsusulit panturismong paglalarawan sa isang partikular na lugar.Maaring
tatagal ng 2 o 3 minuto.

You might also like