You are on page 1of 4

Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela

Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Mala-masusing Banghay-Aralin

Filipino 9
I. Layunin
A. Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling
Pamantayang akdang tradisyonal ng Silangang Asya.
Pangnilalaman:

B. Pamantayan Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng


sa Pagganap: pagpapahalaga sa pagiging Asyano.

C. Layunin sa Kasanayang Pampagkatuto:


Pagkatuto:
F9WG-IIC-48
Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

A. Natutukoy ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin sa


pamamagitan ng panonood ng pabulang Ang Hatol ng Kuneho.

B. Nakapagbabahagi ng sentimyento patungkol sa naging karakter ng mga tauhan


gamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.

C. Nakabubuo ng isang bidyo na naglalaman ng maikling dayalogo na kakikitaan ng


iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.
II. Paksa
A. Yunit: Yunit II. Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya
B. Aralin: Aralin 2.2. Pabula ng Korea
“Ang Hatol ng Kuneho” isinalin ni Vilma C. Ambat
C. Batayan: Modyul sa Filipino - Baitang 9 (Ikalawang Markahan)
https://www.youtube.com/watch?v=WKIafXwqawg
III. Kagamitan: Laptop, powerpoint presentation, projector, bidyo ng pabula, speaker
IV. Pamamaraan
sa Pagkakatuto

A. Panimulang Gawain
➢ Panalangin
➢ Pagsasaayos ng silid-aralan
➢ Pagbati at pangangamusta
➢ Attendance / Pagtala ng mga liban
➢ Pagbabalik-aral
Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo
Mala-masusing Banghay-Aralin

➢ Pagganyak
PA – BINGGO!
Panuto:
Ang bawat mag-aaral ay bibigyan ng kard na inihanda ng guro. Sa halip na mga
numero, mga ngalan ng hayop ang nakalagay rito. Tulad ng tipikal na BINGO,
mayroong susundan ang mga mag-aaral na patern upang manalo. Kung BINGO na
ang isang mag-aaral, isisigaw nito ang tunog ng hayop na ikina-bingo niya.
Ang guro ang siyang magiging tagabola.

BUBUYOG IBON BAKA KABAYO PABO

AHAS KULIGLIG TUPA DAGA KUWAGO

KALABAW UNGGOY BABOY KAMBING

PALAKA PUSA MANOK LANGAW LOBO

ASO BIBE ISDA TIGRE AGILA

B. Pagtatalakay Ang pabula ay uri ng kwentong ng Aralin pambata na ang gumaganap ay mga hayop
ng Aralin na kumikilos, nag-iisip at nagsasalita na parang tao. Ito rin ay kapupulutan ng mga
magagandang aral.

Narito ang ilan sa mga katangian ng pabula:


• linear ang kuwento
• maikli
• ang mga tauhan ay archetypal
• may moralizing o didactic character
• may tagapagsalaysay na pangatlong tao
Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo
Mala-masusing Banghay-Aralin

Iba't ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin


1. Maikling Sambitla
2. Mga Pangungusap na Padamdam
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng
Isang Tao
4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang
Paraan

Pagpapanood ng bidyo ng pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”.

Mga Tanong:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa pabula at saan ito naganap?
2. Ano ang naging suliranin ng mga tauhan sa kwento?
3. Paano nasolusyunan ng mga tauhan ang suliranin?
4. Ano ang aral ng kwento?
5. Paano mo ito maiuugnay sa kasalukuyang lipunan?
6. Ano ang iyong naging damdamin o sentimyento sa ipinakitang asal
ni Tigre? Sa iyo bang palagay
nararapat lamang hatol ni Kuneho? Ipaliwanag ang iyong sagot.

C. Aplikasyon Pangkatang Gawain: ISTIK-PABULA


Panuto:
1.Bumuo ng limang pangkat na may tig-walong kasapi.
2.Ang bawat pangkat ay gagawa ng tatlo hanggang limang minutong bidyo.
3.Sa pamamagitan ng istik-papel, ipakikita ng mga mag-aaral ang nabuong dayalogo
sa pagitan ng mga hayop na siyang gaganap na mga tauhan.
4.Ang dayalogo ay marapat kakitaan ng iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin
5.Ang paksa ay iinog sa mga kasalukuyang isyung panlipunan.

Rubriks:

NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI-GAANONG KAILANGAN PANG


(9-10) (7-8) MAHUSAY PAGHUSAYAN
(4-6) (1-3)
PAGSUNOD SA Nasunod ang Kinulng/sumobra Kinulang/sumobra Labis na
ORAS ibinigay na oras ng isang (1) minute ng dalawang (2) kinulang/sumobra
ang isinagawang minute ang sa minute ang
bidyo. isinagawang bidyo. isinagawang bidyo.
BILANG NG Naisama ang lahat Naisama ang Naisama ang Hindi naipakita ang
EKSPRESYONG ng ekspresyon sa tatlong (3) dalawang (2) mga ekspresyong
GINAMIT SA isinagawang ekspresyon sa ekspresyon sa hinihingi sa
DAYALOGO dayalogo. isinagawang isinagawang isinagawang
dayalogo. dayalogo. dayalogo.
Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo
Mala-masusing Banghay-Aralin

KAUGNAYAN SA Lubos na naita ang Nakikita ang Hindi gaanong Walang kaugnayan
IBINIGAY NA kaugnayan ng kaugnayan ng naipakita ang sa hinihinging paksa
PAKSA paksa sa nabuong paksa sa nabuong hinihinging paksa sa ang nabuong
dayalogo. dayalogo. nabuong dayalogo dayalogo.
PRESENTASYON Lubos na naging Kinulang sa Nagpamalas ng Hindi nagpakita ng
malikhain sa pagpapamalas ng pagiging malikhain kawili-wiling
kabuoang pagiging malikhain sa isa (1) lamang presentasyon.
presentasyon sa isa (1) lamang aspekto ng
(daloy, istik-papel aspekto ng presentasyon (daloy,
na ginamit, atbp.) presentasyon istik-papel na
(daloy, istik-papel ginamit, atbp.).
na ginamit, atbp.).

IV. Ebalwasyon Tukuyin Natin!

I. Panuto: Mula sa mga sasabihing pangungusap ng guro, tukuyin kung saang uri ng
ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin ito nakapaloob. Isulat ang sagot sa
kwaderno.

1. Wow! Kahanga-hanga ang ipinakitang husay ng GILAS sa Olympics ngayong taon!

2. Naku po! Grabe naman ang sinapit ng mag-asawang sina Lando at Sita.

3. Nakalulungkot isipin na ilang taon na tayong nakakulong dahil sa pandemya.

4. Nakatutuwang panoorin ang mga batang naglalaro sa kalsada noong wala pang
pandemya.

5. Hindi maiwasang umusok ng ilong ko dulot ng mga napapanood kong palabas sa


telebisyon.

II. Panuto: Gumawa ng tig-iisang pangungusap sa bawat tinalakay na mga


ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin, apat sa kabuuan.

Paalala: Ang mga kasagutan ay kukuhaan ng larawan at pagkatapos ay ipapasa sa


ating group chat sa loob ng limang minuto matapos ang ating birtwal na klase.

V. Takdang Para sa susunod na talakayan, sagutin ang mga sumusunod:


Aralin 1. Ano ang sanaysay?
2. Anu-ano ang mga katangian nito?
3. Ibigay ang iba’t ibang uri nito.

Inihanda ni:
Bb. Eunice Ann Reyes
BSED Filipino 4 - 1

You might also like